Starfish
[Chapter 14]
By: crayon
****Lui****
8:45 am, Friday
July 04
Nagising ako sa
malakas na pagpintig ng aking sentido. Bahagya kong iminulat ang aking mata
para tingnan kung anong oras na pero agad din akong napapikit dahil
awtomatikong umikot ang aking paligid. Damn! Mukhang maghapon akong pahihirapan
ng hangover ko. Pinasya kong manatili pang nakahiga ng mahigit limang minuto
bago ako tuluyang bumangon. Tahimik pang nakahiga si Kyle sa aking tabi.
Pinasya kong gisingin siya para tanungin kung may balak pa siyang pumasok sa
trabaho ngayong araw. Malamang sa matindi din ang kanyang nararamdaman na
hangover sa ngayon.
“Kyle, wake up.
Are you going to work?”, tanong ko rito habang bahagyang tinatapik ang kanyang
mukha. Agad naman siyang nagmulat ng mata.
“Yes.”, maiksi
nitong sagot habang hinihimas ang sentido marahil ay nararamdaman na din nito
ang hilong nararamdaman ko.
“I’ll just prepare
breakfast.”, paalam ko dito bago ako lumabas ng kwarto. Tumango lamang ito
bilang sagot.
“Good morning!”,
bati sa akin ni Renz. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kusina para
kumuha ng malamig na tubig. Pakiramdam ko ay kaya kong umubos ng isang pitsel
na tubig.
“Good morning Kuya
Lui.”,bati sa akin ni Sandy at Andrei habang kumakain sa may lamesa.
“Saan kayo---?
Paanong ?”, taka kong tanong. Noon ko lamang napansin ang nakahain na mga
pagkain sa lamesa. French toast, scrambled eggs, bacon, hotdogs, fried rice,
juice.
“Kumain ka na. Huwag
mong sabihing susubuan pa kita.”, natatawang sabi sa akin ni Renz. Lalong
kumunot ang noo ko. Bakit biglang mabait sa akin ang kumag na ‘to?
“You cook all
these?”, hindi ko makapaniwalang sabi.
“Yeah, kawawa
naman si Andrei kung puro sunog na pancakes ang kakainin niya sa umaga.”, sagot
ng aking kausap.
“Kuya kumain ka
na, masayap din magluto si Kuyang mabait. Hindi sunog.”, nakangising singit ni
Andrei. Sakto namang lumabas nang kwarto si Kyle at nagkukusot pa ng mata.
“Someone please
make me coffee.”, pakiusap nito habang naglalakad patungo sa lamesa. Kikilos na
sana ako para i-gawa ng kape si Kyle nang magpresenta si Renz.
“I got it. Kumain
ka na lang dyan.”, wika nito sa akin. “One coffee for Kyle, comin’ right up!”,
maligalig nitong sabi. Natawa naman si Kyle sa sinabi ni Renz.
“He cooked all
these?”, tanong sa akin ni Kyle habang umuupo kaming pareho.
“I guess.”, sagot
ko. “Sana lang walang lason yung akin.”, komento ko habang naglalagay ng
pagkain sa aking plato.
“Here’s your
coffee sir! Just the way you like it, less coffee lots of creamer and sugar.”,
sabay naman kaming napatingin ni Kyle sa bestfriend niya. Hindi maipagkakailang
good mood ito ngayong umaga.
“What?”, wika ni
Renz nang mapansin ang tingin namin sa kanya ni Kyle.
“Naka-drugs ka ba
kagabe?”, hindi ko mapigilang tanong.
“No.”
“Wala ka naman
sigurong lagnat?”, umiling lang ito sa aking tanong.
“You’re not
leaving, are you?”, tanong naman ni Kyle.
“No. What’s wrong
with you two?”, nagkatinginan na lamang kami ni Kyle at nagkibit balikat.
Pinasya ko na lang
na kumain dahil masyado pang masakit ang ulo ko para usisain ang kakaibang
ikinikilos ni Renz. Hindi ko naman maiwasang ganahan sa pagkain dahil sa
masarap na luto ng aking roommate. Malayo sa mga sunog na pancakes na inalmusal
namin kahapon. Habang kumakain ay kapansin-pansin ang pagngiti ni Renz habang
pinapanood na kumain si Kyle. Mukhang sabog ata ang isang to ah. Anu naman kaya
ang tinira kagabe?
Wait. Hindi siya
sabog kagabe. Lasing siya pero hindi siya sabog. Nakausap ko pa nga sya tungkol
kay Kyle at nagkasundo pa kami na… Anak ng sakang na tipaklong! Lucas Willard!
Anung sinabi mo kagabe sa lutang na to!
‘Fix yourself. If you want to compete with Aki, at least try to be
at the same level with him. If you can do that, I might help you with Kyle. But
there’s no way i’m going to let my friend end up with someone like you, not
with the kind of person you are right now. No.’
‘Kyle listens to me. You know that you caused some misunderstanding
between the love birds and Kyle turned to me for advice. Actually, he always do
whenever it involves you and Aki. I can make you seem better than Aki. I’m good
with words and Kyle trusts my wisdom. You can be ahead of Aki with my help. But
again I won’t do that unless I see you fit as Kyle’s partner. Deal?’
Tinamaan na ng
lintik! Kaya pala ang bait sa akin ng kumag na to. Nakuha pa akong batiin ng
good morning kanina. Nag-ala chef pa ng del monte ngayon para lang
magpa-impress kay Kyle kasi umaasa siyang tutulungan ko siya kay Kyle. Shit! Shit!
Shit! Ginawan ko na naman ng panibagong problema ang sarili ko.
“Nakakatulala ba
ang sarap ng luto ko?”, natatawang sabi ni Renz nang mapansing nakatitig ako sa
kanya. Narinig ko namang natawa si Kyle sa biro nya.
“Actually, parang
sinasakitan ako ng tyan. Hindi ko alam kung dahil sa luto mo o sa mukha mo.”,
pang-aasar ko. Possible naman sigurong wala siyang natatandaan sa mga
napag-usapan namin kagabi. Sobrang lasing siya at nagkakanda-suka pa sa lababo.
Sana lang ay wala siyang natatandaan sa aming napagkasunduan.
“Hahahaha, don’t
be rude. I didn’t throw up when you served us charred pancakes yesterday.”,
sagot ni Renz. Hindi ko na lamang ito pinansin at bumalik na sa pagkain.
“Kuya Renz, ikaw
na lang lagi magluluto ah?”, hiling ni Andrei. Sabay namang natawa ang
magkaibigan sa sinabi nung bata.
“Lui, after work
I’m going to pick up the kids, patulong naman sa mga gamit nila. Sasama ko sana
sila sa bahay sa Bulacan.”, pagpapaalam ni Kyle.
“Sige ako nang
bahala.”, sagot ko, wala din naman akong gagawin.
“Hanggang kailan kayo
don?”, aligagang tanong ni Renz.
“Two days?
Depende, kung ma-approve yung ire-request kong leave ngayon.”
“Okay.”, malungkot
na sagot ni Renz.
Matapos kaming
kumain ay naghanda na sa pagpasok sa trabaho si Kyle. Inasikaso ko naman ang aming
pinagkainan, nakakahiya naman kung si Renz pa ang paghuhugasin ko.
“So what’s our
plan?”, muntik ko nang mabitawan ang platong hawak ko nang magsalita si Renz
mula sa aking likuran.
“What plan?”,
maang-maangan ko. Umaasa pa din kasi akong wala siyang naaalala sa mga
napag-usapan namin kagabi.
“You know what I’m
talking about. The oplan make-him-fall-for-me-all-over-again. Any bright
ideas?”, nakangiti nitong tanong.
“If I remember it
right, I agreed to help you if and only if I see you deserving for Kyle.”,
kalmado kong sagot. Kailangan kong malusutan to. Hindi ako kumportable sa
ideyang tutulungan ko siyang agawin si Kyle mula kay Aki. Hindi ko alam kung
sino ang unang sasakal sa akin oras na malaman ‘to ni Aki o ni Kyle.
“Right. I’m
changing. I’m sure you can see that. I just cooked us a delicious breakfast.
Isn’t that a good thing?”, kunot noo nitong sagot.
“It is but it’s
not enough. What makes you think that a plate of bacon and eggs will convince
me?”
“Fine, what else
do you want me to do? Scrub the floor? Braid your hair? Talk to a spiritual
advisor? What?”
“I don’t know.”
“What do you mean
you don’t know? You have to know what to do.”, naiinis nitong sagot.
“I can’t think.
Let’s talk later, when I’m a little sober. I had a rough night cleaning the
kitchen because someone decided to spew his dinner here.”
“Okay.”, sumusuko
nitong sagot saka tumalikod paalis. Nakahinga naman ako ng maluwag nang
maglakad palayo si Renz. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko siya matutulungan
sa sitwasyon niya o kung gusto ko pa nga siyang tulungan. “And about that, I’m
sorry.”, muling sabi nito. Napalingon naman ako sa kanya. Mukhang sinsero naman
siya sa kanyang paghingi ng tawad. “And thank you.”, dugtong nito bago tuluyang
umalis.
Naiwan naman akong
nakatulala sa may kusina. Hindi ako sanay na mabait ito sa akin. Hindi bagay sa
kanya.
****Renz****
10:02 am, Friday
July 04
Pinasya ko na
lamang na maging mapag-isa na lang muna sa kwarto matapos kaming mag-almusal.
Medyo masakit din kasi ang ulo ko buhat sa magdamag na pag-iinom. Gayunpaman ay
hindi ko napigilang gumising ng maaga kanina at maghanda ng almusal. Npangiti
na lamang ako nang maalala kung paanong ngumiti si Kyle kanina nang makita kung
anong ginawa ko.
May pag-asa pa.
Malinaw na sa akin
ang bagay na iyon ngayon. Tama si Lui sa mga sinabi nito sa akin kagabi. Mali
ang ginagawa kong approach sa panunuyo ko kay Kyle. Nakalimutan ko na kung
anong klaseng Renz ang nagustuhan niya noon. Kung gusto ko na mahalin akong
muli ni Kyle ay kailangan kong maging karapat-dapat sa kanya. Bakit nga naman
ako magugustuhan ni Kyle kung patapon ang aking buhay?
Mamaya ay
kakausapin kong muli si Lui. Kahit na naiinis ako sa kayabangan niya ay hindi
naman maipagkakailang matalino siya. At kung totoo nga ang sinabi niya na sa
kanya lagi nagkukuwento ng mga problema si Kyle ay tiyak kong alam niya kung
ano ang dapat kong gawin para mapalapit ang loob ni Kyle sa akin. Kailangan ko
na lang siguro tiisin ang pagiging pang-asar nito. Siya lang naman kasi ang
tanging taong nag-offer sa akin ng tulong na paibigin muli si Kyle.
Pero bakit nya nga
ba ako gustong tulungan? Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit bigla na lang
siyang nagkainteres na tulungan ako samantalang lagi kaming nagbabangayan at
nag-aaway. Wala din naman akong maalala kong ginawa para magkaroon siya ng
utang na loob sa akin. Sandali akong nag-isip pero wala akong makuhang sagot.
Tatanungin ko na lang siguro siya mamaya.
Kinuha ko ang
aking cellphone. Kailangan ko nang dispatsahin ang aking sasakyan, kailangan ko
ng pera. Naisip kong tawagan ang aking mga bagong kaibigan, baka sakaling may
alam silang maari kong pagbentahan ng sasakyan. Gusto kong magsimula ng
panibagong buhay. Para magawa iyon ay kailangan ko ng pera para ayusin ang
buhay ko. May utang pa din ako kay Kyle na kailangan kong bayaran.
Ayon sa aking
kaibigan ay tatawagan na lamang ako nito kapag may buyer na sila. Nami-miss ko
na ang mag-sugal at bumatak.
No! Kailangan kong
labanan ang tawag ng aking bisyo. Kung gusto kong mahalin akong muli ni Kyle ay
kailangan kong makontrol ang mga ganitong bagay. Pinili ko na lamang na matulog
para mawala sa isip ko ang mga bagay na ito.
****Lui****
10:18 am, Friday
July 04
Kanina pa ako
nagkukulong dito sa kwarto ni Kyle. Hindi ako makapasok sa kwarto namin dahil baka makita pa ako ni Renz at muling
kulitin. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa
isip ko at nasabi ko ang kasunduang iyon kay Renz kagabi. Mukhang matindi ang
aking kalasingan at kung anu-ano ang lumabas sa bibig ko.
Natatandaan kong
humingi sa akin ng tulong si Kyle na ayusin ang magulong buhay ng kanyang
matalik na kaibigan. Napipilitan man ay wala na akong nagawa kundi ang umoo sa
aking umiiyak na kaibigan. Kahit papaano naman kasi ay naaawa din ako sa
kinahinatnan ni Renz. Pero mali, mali yung paraang naisip ko.
Una, malinaw sa
akin na mahal na mahal ni Kyle at Aki ang isa’t-isa. Kahit na maging si Renz pa
ang pinakamatinong tao sa mundo ay hindi niyon mababago ang pagmamahalan ng
mag-nobyo sa isa’t-isa. You can be the most sought after bachelor in town but
you can’t control a man’s heart. Love has a mind of its own. Sabihin na nating
maayos ko nga ang buhay ni Renz, tiyak na oras na i-turn down siyang muli ni
Kyle ay babalik lang uli siya sa dati niyang lifestyle: alak, sugal, drugs.
Pangalawa, tiyak
na kapag nalaman ni Kyle o ni Aki ang ginawa ko ay magagalit sila sa akin. Oo,
nagkakalabuan sila ngayon pero malinaw na mahal pa din nila ang isa’t-isa. Kyle
is so done with Renz, after so many hurts, he finally moved on and loves
someone else now. He’s helping Renz because he feels responsible for what
happened to him. But if it comes to a choice between saving his bestfriend from
his miserable life or losing Aki, I doubt if he’ll go for Renz. Aki, on the
other hand, trusted me to look after Kyle. He was nice to me and did nothing to
me but kindness. And what do I give him in return? I became an accomplice in
oplan agawin-ang-bestfriend-ko-sa-mabait-nitong-boyfriend.
Arggghhhh!!!!
Paano ko to aayusin?! Sarili ko ngang buhay wala pang maayos na direksyon eh,
nakikigulo pa ako sa komplikadong buhay ng iba. I may have a big heart like
Kyle but I also have a partially defective brain. Darn! Hindi ko naman pwedeng
basta na lang bawiin ang inalok kong tulong kay Renz.
‘At bakit hindi?!?’, tanong ng magulong
boses sa aking isip.
Kasi ano… baka
kasi… uhmmm… ano…. Basta hindi ko pwedeng bawiin. Baka lalo lang gumulo ang
sitwasyon. Baka biglang mag-suicide na lang yung retarded na kaibigan ni Kyle.
Mag-isip ka Lui.
Matalino ka di ba!?! Gamitin mo ang utak mo.
Nasa malalim akong
pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kyle at pumasok si Renz.
Kakambal ko ata ang malas talaga. Muli akong pumikit at hindi pinansin ang
aking roommate. Baka sakaling lumabas na lang ito ng kwarto.
“May naisip ka na
bang plano?”, tanong nito habang umuupo sa kama.
“Wala pa.”, sagot
ko.
“Iniisip kong
imbitahin si Kyle na magbaksayon somewhere. Magandang timing na ngayon ko na
siya uli ligawan habang magkaaway pa sila ni Aki. Kung lalayo kami pansamantala
baka makalimutan niya na si Aki at mabaling na uli sa akin ang atensyon niya.”,suhestyon
nito. Hindi ko na kailangan pang idilat ang aking mata para malaman na
nakangiti siya habang ini-imagine ang kanilang vacation ni Kyle.
“Hindi ka ba
nakikinig sa mga sinabi ko sa’yo kagabi? Kahit na dalhin mo pa si Kyle sa
Paris, Korea, Palawan, o Iraq hindi ka magugustuhan non kasi hindi ikaw ang
mahal niya.”,masungit kong sabi.
“Eh anung gusto
mong gawin ko? Hintayin na lang magkaayos na lang sila ni Aki? Perfect timing
na nga yung nandito ko nakatira at magkaaway sila ni Aki eh. I have to do
something NOW.”, sagot ni Renz.
“Nahulog ka ba sa
crib nung bata ka? Para kang kulang-kulang mag-isip eh. What you’re suggesting
is stealing Kyle from his boyfriend.”
“Isn’t that what
we agreed to do?”, naguguluhan na sabi ng aking kausap.
“Yes, but not like
that. You want him to fall in love with you, so he’ll choose you on his own
free will. You don’t use their dire circumstances to your advantage, you’ll
just be a temporary solution to their situation if you do that. What you want
to accomplish is to have Kyle want you back regardless if their relationship is
on the rocks or not.”, shut up now Lui. Kung anu-ano namang ang mga sinasabi mo
sa kulugong kausap mo, lalo lang yang aasa at lalo mo lang paguguluhin ang
sitwasyon.
“Eh ano ngang
dapat kong gawin?”, naiinis nang sagot ni Renz.
“Uhmm… ano….
Magluto ka na ng tanghalian.”, nakangisi kong sabi.
“So you think Kyle
would prefer a houseboy that can cook well over a CEO?”, sarkastiko nitong
sagot.
“Stomach is the
way to a man’s heart.”
“My grade school
teacher taught me that the heart isn’t part of the digestive system. Besides,
Kyle’s not going to be here for lunch.”, yamot nitong reklamo.
“Ang dami mong
alam. Basta magluto ka muna kasi tyak na gutom na naman yung mga bata.
Mag-iisip pa ako kung anong gagawin mong susunod, okay?”, hindi na sumagot pa
si Renz at padabog na lamang na lumabas ng kwarto ni Kyle.
Nang makalabas si
Renz ay hinayaan ko muna ang aking sarili na umidlip baka sakaling may maganda
na akong maisip sa aking paggising.
Nagising ako mula
sa aking pagkakahimbing ng makaramdam ako ng mabigat na bagay na dumagan sa
akin.
“Kuya Lui, gising
ka na.”, malakas na tawag sa akin ni Andrei habang nakadagan sa aking katawan.
“Bakit ba lagi mo
na lang iniistorbo ang tulog ko?”, reklamo ko sa paslit.
“Bakit ba kasi
lagi ka tulog ng tulog?”, ganting tanong ng matalas na bata.
“Bakit ba ang
talino mo?”
“Bakit ba kasi
ayaw mo pa tumayo?”
“Bakit ba kasi?”,
natatawa kong sagot saka sinimulang kilitiin ang makulit na bata.
“Kakain na tayo
sabi ni kuya Renz.”, humahalakhak na sabi ni Andrei.
“Tara na nga.”,
binuhat ko na si Andrei patungong kusina at sabay-sabay kaming kumain na apat.
Hindi ko na
itatangging masarap nga magluto si Renz. Napadami ang aking kain ng kanin dahil
doon, maging ang mga bata ay maganang inubos ang kanilang pagkain. Halata din
ang pagsisikap nito na magpakabait. Habang hinuhugasan ko ang aming pinagkainan
ay kusa na niyang inayos ang mga bagay na dadalhin ng mga bata sa Bulacan.
Pinaliguan niya na din ang mga ito.
Bandang alas sais
ng hapon ay dumating si Kyle sa bahay. Sa Bulacan na daw sila maghahapunan ng
mga bata. Nagiwan din ito ng pera at nakiusap sa akin na ako na ang mag-grocery
ng pagkain namin para sa isang linggo dahil baka Lunes na daw sila makabalik ng
mga bata. Halata sa ekspresyon ng mukha nito na labis pa din siyang apektado sa
hindi nila pagkaksundo ni Aki.
Nang makaalis si
Kyle ay tumambay na lang ako sa harap ng tv. Since kami lang naman ni Renz ang
nasa bahay ay magpapadeliver na lang ako ng aming hapunan.
‘Kami lang ni Renz sa bahay...’
Naiwan ang mga
katagang iyon sa aking isipan. Eh ano naman Lui? Bakit ka kinabahan bigla?
Iniisip ko pa lamang siya ay sakto namang lumabas siya mula sa pagkukulong sa
kwarto. Agad naman akong nagpanggap na nanonood ng tv. Gusto ko sanang pumasok
sa kwarto kaso ayaw ko namang mahalata nito na iniiwasan ko siya.
Umupo ito malapit
sa aking tabi saka ako tiningnan sa mukha. Para namang tangang biglang bumilis
ang tibok ng aking puso, malakas ang buga ng hangin mula sa aircon pero
pinagpapawisan ako. Sinubukan kong huminga ng malalim para kalmahin ang aking
sarili at ituon na lang ang aking atensyon sa palabas sa tv. Peo pakiramdam ko ay lalo lamang umigting ang
tingin sa akin ni Renz. Bahagya ko pang kinunot ang aking noo para makita
niyang abala ako sa panonood, baka sakaling maisip niyang wag na lang akong
istorbohin.
“Seriously?!
Phineas and Ferb? Disney channel?”, sarkastikong sabi ni Renz ng hindi ko siya
pansinin.
“Ha?!”, taranta
kong sabi.
“You’re watching
Phineas and Ferb?”, para naman akong binatukan sa ulo dahil noon ko lang din
napagtantong nasa pamabatang channel pala ako.
“Why not?”,
defensive kong sagot para hindi naman ako magmukhang tanga.
“Kelang ka pa
nagkainteres sa cartoons na hugis five star ang ulo?”, yamot nitong sagot saka
inagaw sa akin ang remote. Hindi na ako nakipag-agawan dahil hindi din naman
ako nanonood talaga.
“Bakit ba ang init
ng ulo mo ha?”, tanong ko dahil bumabalik na naman ang saltik nito sa ulo pero
hindi ako nito sinagot. Sa halip ay nagpalipat-lipat ito ng channel.
“Anung gusto mong
kainin? Magpa-deliver na lang tayo.”, tanong kong muli kay Renz. Hindi na naman
ito sumagot at nanatili lamang nakatingin sa tv.
“Chicken na
lang?”, suhestyon ko pero hindi pa din ito nagsasalita.
“Ramen na lang
kaya?”
“Tempura?”,
pangungulit ko ng hindi ito sumagot. Nang mainis ako ay kinuha ko ang remote sa
kanya at nilagay sa mute ang tv. Nakuha ko naman ang kanyang atensyon at
nilingon ako nito.
“Anu bang problema
mo? Nanunuod ako, hindi mo ba nakikita?”, maangas nitong sagot.
“Arirang?! K-pop?
Heart-heart?! Kelan pa?”, sarkastiko kong puna sa kanyang pinanonood na Korean
channel. Lalo lamang nainis ang aking kausap at tinalikuran lang ako pabalik sa
kwarto.
“Anung klaseng
topak ba meron ka ha?”, naiinis kong sabi. Pumihit naman ito paharap sa akin at
kitang-kita ang pagsasalubong ng mga makakapal na kilay nito.
“Sabi mo
tutulungan mo ko kay Kyle, eh ginagawa mo lang akong taga-luto dito eh.”, galit
nitong sabi. Hindi naman ako nakapagsalita agad dahil sa pinakitang emosyon ng
aking kausap.
“So, nagkakaganyan
ka dahil umalis si Kyle at pakiramdam mo you miss your chance again?”,
pag-aanalisa ko sa mga nangyayari. Hindi nagsalita si Renz pero alam kong tama
ang aking hinala.
“It’s actually a
good thing that Kyle isn’t here so we can talk about what you have to do. And
let me make this clear, Kyle will not run back into your arms in a snap of a
finger. Hindi ako magician. Tutulungan kita pero matuto kang maghintay. Tsaka
hindi kita ginagawang taga-luto, nagkataon lang na ikaw ang marunong magluto sa
ating dalawa. Kawawa naman yung mga bata kung magkaka-cancer dahil sa kakakain
ng sunog.”, mahaba kong paliwanag. Nakita kong bumuntong hininga ang aking
kausap bago muli nagsalita.
“Ramen na lang.
Tawagin mo na lang ako kapag nandyan na yung pagkain.”, ma-awtoridad nitong
sabi saka dumiretso sa kwarto.
“Pambihira!
Retarded na bi-polar pa ang abnormal na to.”, wika ko sa aking sarili. Agad
naman akong umorder ng pagkain naming dalawa. Baka kapag nalipasan ng gutom ang
kasama ko ay bigla na lang akong pagsasaksakin ng kutsilyo. Sabi nga nila,
pagtripan mo na ang lahat wag lang ang adik na walang batak.
Alas-nuwebe na
nang dumating ang aming pagkain ni Renz. Tahimik pa din ito ng lumabas ng
kuwarto. Hindi ko alam kong bakit ayaw ko pa tigilan ang pagsisinungaling ko
dito. Lalo ko lamang siyang pinapaasa sa aking ginagawa.
“May tanong ako.”,
tumango lamang si Renz bilang sagot. Abala ito sa paghigop ng mainit na sabaw
sa ramen na inorder namin.
“Bakit hindi ka na
lang mag-move on sa nangyari sa inyo ni Kyle?”, diretsa kong tanong.
“Tingin mo hindi ko
sinubukang gawin yon?”, seryoso niyang sabi.
“But have you
tried dating anyone after Kyle?”, pag-uusisa ko. Hindi ko kasi maintindihan
kung bakit nagpapakahirap siya na mapansin ni Kyle. Naiintindihan ko naman na
mahal niya ang kanyang bestfriend pero sa dami ng nangyari sa kanila, hindi pa
ba siya napapagod na umasa?
“No. I didn’t take
anyone seriously.”
“Pero paano kung
hindi ka na talaga gusto ni Kyle? Anong gagawin mo?”, natigil siya sa pagkain
at napatingin na lang sa akin.
“What’s with all these
questions?”, masungit niyang sagot.
“Nothing, I just
want to know you more so I can help you better.”, hindi na nagsalita pa si Renz
at pinagpatuloy na lamang ang pagkain. Ako man ay ginawa na lang abala ang
sarili sa paghigop ng sabaw.
So wala pa siyang
ibang idinate na tao maliban kay Kyle. Hindi naman pangit ang isang to kaya
malabo na walang nagkaka-interes dito na lalaki o babae. Paano nga siya
makaka-move on kung puro si Kyle ang nasa isip niya. WAIT! That’s it!
“Let’s go out
after we eat. Let’s party.”, nakangisi kong sabi kay Renz. Napatingin naman ito
sa akin at kita ang labis na pagtataka sa mga titig na iyon.
“I don’t feel like
going out. Ikaw na lang.”, walang gana nitong sabi.
“You want my help
with Kyle, right?”, nanunukso kong sabi.
“So?”
“You do what I
say. We’ll go out after this and were going to get drunk.”, hindi na nagkomento
pa si Renz at tumango na lamang.
Pagkatapos naming
kumain ay nag-ayos na kaming pareho ni Renz para sa aming lakad. Balak kong
dalhin siya sa mga bar at mag-inom. Bakit ba ngayon ko lang naisip ang ideyang
to? Hindi ko naman kailangan na tulungan pa si Renz na paibigin muli si Kyle,
kailangan ko lang siyang tulungan na kalimutan ito. Kung magagawa niyang
maka-move on mula sa pagmamahal kay Kyle ay di malayong ayusin na din nito ang
kanyang buhay. Natulungan ko na siya ay nagawa ko pa ang hiling sa akin ni
Kyle.
Paglabas ni Renz
ng kwarto ay nakahanda na ito. Tumingkad ang kanyang kaputian sa suot na itim
na long sleeves na tinernuhan ng itim na maong. Mukha siyang modelo sa kanyang
porma. Ayaw pa daw umalis eh, todo naman kung magbihis. Napangiti na lamang ako
sa aking naisip.
“Nabubuwang ka ba?
Bakit nakangiti ka?”, takang tanong nito sa akin. Umiling na lang ako at
nagpatiuna nang lumabas ng unit ni Kyle.
Siya na ang
pinag-drive ko ng aking sasakyan. Malapit lang naman sa condo ni Kyle ang mga
bar na pupuntahan namin. Nang makarating kami sa bar ay agad kaming umorder ng
maiinom. Malakas ang tutog ng nakakaindak na musika sa bar na napuntahan naming.
May kakapalan din ang dami ng tao dahil Friday naman.
“Why do we have to
do this again?”, tanong ni Renz.
“We need to
unwind.”,pagsisinungaling ko.
Naisip kong isang
dahilan kung bakit hindi maka-move on si Renz ay dahil sa nawalan siya ng
interes sa ibang tao mula ng makilala niya si Kyle. Baka sakaling may makilala
kami ngayong gabe na makakatulong sa paglimot niya kay Kyle.
“Kung sakaling
hindi mo nakilala si Kyle, anung klaseng babae o lalaki ang magugustuhan mo?”,
kaswal kong tanong.
“Bakit ba kung
anu-ano ang pumapasok sa isip mo?”
“Wala lang curious
lang ako, para may mapag-usapan lang.”, lumagok ito ng alak bago sumagot.
“Gusto ko yung mas
matangkad ako. Dati gusto ko yung maganda o gwapo, at sexy pero nung nakilala
ko si Kyle hindi na ako masyadong tumitingin sa hitsura. Mas mahalaga na para
sa akin yung ugali, responsible, independent, at honest.”, paglalarawan nito. Saglit
naman akong luminga-linga at inobserbahan ang mga tao sa aming paligid.
“Yung babae na yun
sa corner, yung nakasuot ng blue. Ganun ba yung type mo?”, turo ko sa babaeng
nakita ko na sa tingin ko ay papasa sa panlasa ng kasama ko.
“No, mukhang
masyadong maarte.”, walang ganang sabi ni Renz matapos lingunin yung babae.
“Eh yung kasama
niyang naka-dilaw?”
“Not my type.”
“Can you see any
girl in here that meets your standards?”, luminga-linga ito saglit at tiningnan
ang mga tao sa bar.
“Wala.”, sigurado
niyang sabi. Napainom na lang ako dahil sa taglay na kaselanan ng kausap ko.
Kung tutuusin ay magaganda naman ang mga babaeng nakapaligid sa amin base sa
aking panlasa.
“Choosy ka din
no?”, hindi ko mapigilang komento.
“You know, if you
want to flirt with those girls you just pointed to me, go ahead. You can leave
me here, I don’t mind.”, pagpapaalis niya sa akin. Mahirap din talaga kausap
ang isang to.
“How about that
guy wearing black?”, turo ko sa lalaking posturang model na nakaupo malapit sa
aming lamesa. Nayayamot man ay tiningnan na din ito ni Renz.
“What makes you
think that he’s gay or bi?”, bara sa akin ni Renz. May punto naman siya, mukha
ngang hindi naman tagilid ang isang iyon.
“Right, but he’s
the like you would go for?”, paniniguro ko para at least alam ko na kung anong
klaseng lalake ang magugustuhan niya.
“No.”, sagot niya
habang magkasalubong ang mga kilay.
“Ang gulo mo din
talaga kausap no.”, sumusuko kong sabi.
“If I say that I’d
like to meet that guy wearing black, would you approach him?”, nakangisi nang
sabi ni Renz.
“No!”, gulat kong
sabi. “Ikaw ang may gusto siya makilala , eh di ikaw lumapit.”
“But you’re the
one so eager to know the kind of people that I would like. Trust your gay
radar, see if he’d like to meet me.”, nakangiting sabi ni ‘renz. Mukhang ako pa
ngayon ang pinagtitripan nitong abno na to. Pero paano nga kung may gusto nga
din yung lalaking nakasuot ng itim kay Renz at magustuhan din ito ni Renz? Siya
na ang maaaring solusyon sa problema ko. Mag-iinarte pa ba ko? Wala namang
mawawala sa akin kung magtatanong ako.
“D-do you think
he’s gay?”, tanong ko kay Renz. Mas may alam naman siya sa mga katulad niya.
Nakakahiya naman kung mali pala ako ng hinala.
“Hahaha! I don’t
know, you tell me.”, humahalakhak na sagot nito. “Oh, tumayo na siya mukhang
magsi-CR siya. Now is your chance.”, pamimilit pa nito sa akin. Lumagok lamang
ako ng alak at tumayo mula sa aking kinauupuan.
Tinungo ko ang cr
ng bar. Hindi na ako pumasok pa dahil hindi din naman ako naiihi. Pinasya kong
hintayin na lamang yung lalaki sa labas ng cr. Wala naman masyadong tao ng mga
sandaling iyon sa lugar na yon kaya nabawasan ng kaunti ang aking kaba. May ilang minuto din sa loob ng cr ang lalaki
bago ito lumabas. Sandali pa itong natigilan ng mapansin ako sa labas ng pinto.
Mukha siguro akong tanga sa aking ayos dahil pinagmasdan pa ako nung lalaki ng
may halong pagtataka. Nang hindi ako nagsalita ay umaktong aalis na ito.
“Uhmm, e-excuse
me.”, nahihiya kong sabi. Nilingon naman ako nung lalaki at bahagya nang
nakakunoot ang noo. Hindi ito nagsalita
at halatang hinihintay ang aking sasabihin. Huminga na lang ako ng
malalim at nilakasan ang aking loob.
“Hi! I’m Lui.”,
pakilala ko saka inilahad ang aking kamay. Inabot naman iyon ng aking kausap.
“You have company?”, kaswal kong tanong.
“None, why?”,
maiksi nitong sabi. Mukhang madami na itong nainom dahil naniningkit na din ang
mata nito.
“Well, my friend
back there wants to meet you, if you’re cool with that. He’s the guy wearing black
long sleeves two tables from where you sit.”, imbita ko. Hindi man lang nag-abalang
lingunin nung lalaki si Renz, sa halip ay lalong nagsalubong ang mga kilay
nito.
“Do you think I’m
gay?”, galit na sabi nung lalaki. Napansin ko namang napalingon sa amin ang
ilang waiter dahil may kalakasan ang pagsasalita ng kausap ko. Bigla ding
lumakas ang kabog nang dibdib ko dahil nakikita ko na ang pagkapahiya ko.
“Aren’t you?”,
mukhang tanga kong tanong. Shit naman kasi. Hindi naman ako sanay na lumalapit
sa mga lalaki sa bar. Buti sana kung babae ang pinag-uusapan walang problema sa
akin. Hindi na nagsalita yung lalaki. Nagulat na lamang ako ng dumapo sa aking
pisngi ang kanyang kamao. Napasandal naman ako sa digding sa aking likod. Anak
ni Dionisia, ang lakas sumuntok ng isang ‘to ah! Lalapitan na sana kami ng mga
waiter pero naglakad na palayo sa akin yung lalaki at bumalik sa kanyang
lamesa.
Naiwan naman akong
hinihimas ang aking panga. Tanaw ko mula sa aking lugar ang humahagalpak sa
tawa na si Renz. May kulugo siguro sa utak ‘tong kaibigan ni Kyle na ‘to.
Naisahan niya ako dun ah. Sa inis ko ay bumalik na ako sa aming lamesa.
Naglabas lamang ako ng pera para pambayad at kinaladkad na paalis si Renz na
walang tigil sa pagtawa.
“Hey, I thought
we’re going to get drunk? Where are we going? Did you get his name?”, paulan
niya sa akin ng tanong habang tinutungo namin ang pinag-parkingan ng kotse ko.
“Sa bahay na lang
tayo iinom.”, naiinis kong sabi.
“But I wanted to
meet that guy.”, nang-iinis pa niyang hirit.
“He’s too lousy
for you.”
“From the way he
punched your face he seems tough.”, nang-aasar pa din niyang sabi habang
binubuksan ang pinto ng sasakyan. Hindi na ako nagkomento pa at nanahimik na
lamang. Iniinda ko din kasi yung sapak sa akin. Mukhang matindi yung
pinagdadaanan nung nakausap kong iyon at sa akin naibuhos ang galit sa mundo.
Shit talaga.
Dumaan kami sa
isang convenience store at bumili ng alak at pulutan. Pagdating namin sa unit
ni Kyle ay inihanda namin ang aming iinumin sa sala. Nakita ko namang pumunta
sa kusina si Renz para siguro kumuha ng yelo. Pagbalik nito ay may dala na
itong yelo sa mangkok at face towel.
“What’s that
for?”, tukoy ko sa tangan niyang bimpo. Hindi ito sumagot sa halip ay naglagay
ng yelo sa bimpo at binalot ito.
“Wag kang
malikot.”, utos nito sa akin saka dinampi sa namamaga kong mukha ang bimpo na
may yelo.
“Arrrggghhhh!!!!”,
may kalakasan kong sabi. Mabigat ang kamay nitong abnoy na ‘to grabe kung
makadiin sa hawak na bimpo.
“Stop wailing like
a baby.”, natatawa na naman niyang sabi. Tiningnan ko lamang siya nang masama
saka inagaw yung hawak niyang bimpo.
“Lakas ba?”, tukoy
niya sa suntok sa akin.
“Gusto mo sampolan
kita?”, banta ko.
“Hahaha! I thought
you’e smart. What makes you think he’s gay?”, usisa niya sa akin.
“I don’t know. How
am I suppose to know? I’m not like you or Kyle.”
“Oh uminom ka
muna, para mamanhid na yang mukha mo.”, wika niya sa akin habang inaabot ang
aking tagay. Pansamantala kaming natahimik na dalawa. Ang awkward pala kapag
ganitong kami lang dalawa ang magkasama. Wala kaming mapag-usapan dahil hindi
naman kami gaanong magkakilala at wala din kami halos alam sa isa’t-isa.
“So why are you
here? I mean why not get your own space? I know you can afford it.”, tanong sa
akin ni Renz. Tiningnan ko lamang siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong
magkwento sa kanya. Hindi naman kami magkaibigan kung tutuusin, madalas ay
magkaaway kaming dalawa.
“I ran away from
home.”, maiksi kong sagot bago ko pa man mapagisipang mabuti kung tama bang
magkwento ako.
“They found out
that your gay?”, seryosong sabi ni Renz. Hindi naman ako makapaniwala na
iniisip nga nitong silahis ako.
“I’m-not-gay!”,
pagdidiin ko sa dati ko nang sinabi sa kanya.
“Fine, then why?”,
pangungulit nito.
“You don’t have to
know.”, naiinis kong sabi sa kanya.
“Ah, siguro nga
nalaman nilang bakla ka.”
“That’s not it.
No.”
“Bakit di mo sila
kausapin? Malay mo tanggap ka naman nila.”, pagpapatuloy ni Renz.
“Hindi nga ako
bakla.”, pag-uulit ko.
“Alam mo paano ka
nila matatanggap kung hindi mo tanggap ang sarili mo.”, kunwari pa nitong
pagpapayo.
“Hindi nga iyon
ang issue.”
“Sa una lang naman
mahirap yan, sa pagtagal masasanay ka din at mare-realize mo na mas masaya ka
na umamin ka.”
“Whatever.”,
sumusuko kong sabi. Ibang klase talaga ang sayad nito sa ulo. Hindi na
nagkomento pa si Renz. Uminom na lamang akong muli ng alak. May sampung minuto
din kaming tahimik na uminom bago ako nagsalita.
“I ran away
because they want me to marry a stranger.”, hindi ko din napigilang kwento sa
kanya. Wala din naman kasi kaming mapag-usapan.
“Sa tv lang yung
ganun di ba?”, nagdududa niyang sabi.
“That’s what I tought.
My parents are different. They care more for their business than what makes
their only son happy.”, malungkot kong sabi.
“Only daughter you
mean.”, pagtatama sa akin ni Renz. Napangiti na lang ako sa kakulitan nito.
“Whatever. The
thing is I don’t want to get married yet. Who says that marriage is necessary
to live a happy life. Lahat ba ng nagpakasal masaya sa buhay? Lahat ba ng
nagpakasal tumino sa buhay? Hindi porke’t halos lahat ng tao sa mundo ay
nagpapakasal dapat gayahin mo na. Magpapakasal ka hindi dahil iyon ang dapat
mong gawin kundi dahil yun ang gusto mong gawin.”, litanya ko.
“Amen.”,
natatawang sabi ni Renz.
“Alam mo wala kang
kwentang kausap.”, reklamo ko. Tinawanan lang ako ni Renz. “Eh ikaw bakit ka
pinalayas?”, tanong ko naman sa kanya.
“Isn’t it obvious?
And they didn’t throw me out, it was my choice to leave.”, sagot niya.
“Why?”, hindi agad
sumagot si Renz. Hinayaan ko lamang ito.
“Noong una, ayaw
ko lang na may nakikialam sa mga ginagawa ko. Alam ko namang walang tama sa mga
ginagawa ko at hindi naman ako nanghihingi ng tulong kahit na kanino. Gusto ko
lang na hayaan nila ako sa ginagawa ko dahil iyon lang ang gusto kong gawin. Hindi
ko alam kung bakit napakahirap intindihin non para sa mga taong nakapaligid sa
akin. I don’t have to tell you this, I’m sure Kyle’s filling you up with the details.”,
pagtitigil niya sa pagkekwento.
“Yes, but what I know
is Kyle’s version of the story. I wanna know know the story from the character
himself.”, pamimilit ko sa kanyang magpatuloy. Tiningnan naman ako nito sa
mata.
Sa unang
pagkakataon ay tila noon ko lang nakita kung sino si Renz. Halatang nanantya
ang mga titig na iyon kung dapat ba siyang magpatuloy at magkwento sa akin. Sabi
nila ‘the eyes are the window to a man’s soul’. Noon ko lang napansin ang
lalaki sa likod ng mga matang iyon. Sa napakahabang panahon ay sinisikap ng
matang iyon na magpanggap na okay lang ang nagmamay-ari sa kanya, na wala
siyang iniindang problema, at na gusto niya lang na maging mapag-isa. Nang mga
sandaling iyon ay unti-unting nawawala ang pagpapanggap, ang malaking harang na
nakikita ng marami ay dahan-dahang nawawala, at ipinapakita sa akin ng matang
iyon ang lalaking napapagal sa kalooban niya, ang lalaking matagal na kapiling
ang kalungkutan, ang lalaking sabik sa atensyon ng minamahal, ang lalaking madalas
na napapagkamalan na pariwara dahil sa nilamon na siya ng kawalan, kawalang
pag-asa.
Pakiramdam ko ay
ako ang naiiyak sa mga nangyayari. Hindi ako ang nagkekwento at hindi pa
nagsisimulang magkwento si Renz pero labis-labis na emosyon ang ipinapahiwatig
ng mga titig na yon. Hindi ko maiwasan ang malungkot at maawa sa taong
nagmamay-ari ng mga matang nakatingin sa akin.
“I don’t know. I
already forgot my version of the story.”, malugkot na sabi ni Renz. Muli siyang
uminom ng alak.
“Halos isang taon
na din akong ganito. Hindi ko alam kung anung gusto kong mangyare sa buhay ko. Gusto
ko na ngang mapagod eh pero yung puso ko ayaw pang sumuko.”, simple niyang
pahayag. Hindi ko naman alam ang gagawin. Nakaupo ako sa tapat niya habang
nakatingin siya sa aking mga mata. Dapat ba akong lumapit sa kanya at hagurin
ang kanyang likod? Dapat ba akong magsabi ng bagay na nakakatawa para maiba ang
topic namin? Hindi sigurado kung hindi ako mapakali dahil sa kinukwento niya o
dahil sa titig niya sa akin. Bumuntong hininga si Renz bago muling nagsalita.
“Umalis ako sa
amin kasi ayaw kong pakialaman ako ng mga magulang ko, ayaw ko na problemahin
pa nila ako, ayaw kong madamay pa sila sa kamiserablehan ko. Hindi ko naman
gustong matulad pa ang pamilya ko sa mga dati kong kaibigan. Nasawa na sila sa
akin. Hindi ko naman sila masisisi kasi hindi naman talaga ako nakikinig sa mga
sinasabi nila sa akin. Hindi ko naman hiniling kahit na kanino ang tulong. Gusto
ko lang talaga mag-isa. Yung inom, sugal, tsaka drugs, yun lang yung paraan ko
para sandaling makalimot.”, yumuko si Renz habang nagkekwento. Bahagya naman
akong nakahinga nang makatakas ako mula sa kanyang malulungkot na tingin.
“Akala siguro nila
gustong-gusto ko yung mga ginagawa ko. Wala naman kasi ako masyadong
pagpipilian. It’s either that or I drown myself in sadness. Sawang-sawa na ako
maging malungkot. At alam kong si Kyle lang ang makakapagpasaya sa akin, that’s
why you have to help me.”, masaya niyang sabi habang inaangat ang kanyang ulo
mula sa pagkakayuko. May nakaplaster na ngiti sa kanyang mga labi pero bumalik
na yung maskara ng kanyang mata. Wala ka na uling makikita kundi pagpapanggap.
“You don’t have to
do that.”,wala sa sarili kong sabi.
“Don’t do what?”,
taka naman nitong tanong.
“You don’t have to
hide your sadness. I saw it in your eyes earlier but now you’re back to
pretending you’re okay and you don’t care about the world.”, nakita ko namang
natigilan siya sa aking ma sinasabi. “Walang masama kung ipapakita mo sa mundo
na malungkot ka. It’s a reminder that you still know how to love.”
“I don’t want to
look weak. I don’t want people to look at me with pity.”
“Sa ginagawa mo ba
ngayon tingin mo hindi ka kinakaawaan ng
mga tao? You think you look strong?”
“Anung gusto mong
gawin ko? Umiyak na parang bata?”, naaasar na naman nitong sabi.
“If that helps,
yes. Cry if you must. I can close my eyes if it will make it easier.”, hindi
sumagot si Renz sa halip ay nagsalin ito ng madaming alak sa baso at tinungga
iyon. Saka niya ako tiningnan sa mata. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa parang
ulan na isa-isang pumatak ang mga luha mula sa kanyang mata. Kapwa kami
tahimik. Walang ekspresyon sa mukha ang aking kaharap. Tanging ang pag-agos
lamang ng tubig sa kanyang pisngi ang tanda ng kalungkutang matagal niyang
kinimkim. Muli siyang tumungga ng alak bago nagsalita.
“Sa totoo lang ay
ayaw ko na. Hindi ko nga sigurado kung dapat kong ipagpatuloy pa ang ginagawa
kong panunuyo kay Kyle. Ang iniisip ko na lang, patapon naman na ang buhay ko
so wala na ding mawawala sa akin kung sakali mang walang ibungang maganda tong
mga pinaggaga-gawa ko. Ang hirap nung pakiramdam na wala ka nang pag-asa. Ang hirap
ngumiti kapag nawalan ka na ng dahilan na maging masaya. Alam kong pagkakamali
ko na si Kyle ang ginawa kong sentro ng mundo ko, ng kasiyahan ko pero wala na
akong magagawa. Nangyari na eh. Gusto ko mang bawiin yung puso ko, hindi na
pwede. Umaasa na lang ako na isang araw ay matatapos na lang to, na isang araw
gigising na lang ako na kaya ko ng ngumiti kahit wala si Kyle. Pero ang tagal
eh, naiinip na ako, hindi ko na kaya yung araw-araw na ganito.”
“Sinubukan ko nang
ibaling sa iba yung atensyon ko pero balewala pa din. Sa bawat taong nakikilala
ko, si Kyle ang hinahanap ko. Sa bawat labing hinahalikan ko, si Kyle ang
naaalala ko, sa bawat lugar o bagay na gawin ko si Kyle ang biglang sumusulpot
sa isip ko. Sobrang mahal ko si Kyle Lui eh…”, humihikbing sabi ni Renz sa
akin. “Sobrang mahal ko siya pero hindi na ako ang mahal niya.”
Wala akong nasabi
kay Renz. Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa maubos namin ang isang bote ng
alak na binili namin. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siyang pakalmahin
ang sarili mula sa paghikbi. Nang matapos kami ay tumayo na siya at pumasok sa
aming kwarto. Naiwan naman ako at iniligpit ang aming pinag-inuman. Nang masigurong
nakasara na ang pinto ay pinasya ko nang matulog.
Saglit akong
natigilan sa harap ng pinto ng kwarto ni Kyle. Ang balak ko talaga ay dito ako
sa kwarto ni Kyle matulog pero may nagtutulak sa akin na dun na lang sa kwarto
kasama ni Renz ako magpahinga. Pero nakakahiya naman kung isisiksik ko pa ang
sarili ko dun sa halip na makapagpahinga ng maayos si Renz. Sa huli ay pinasya
ko na lang na matulog mag-isa sa kama ni Kyle.
Wala pang sampung
minuto akong nakahiga ng bumukas muli ang pinto ng kwarto ni Kyle at bumungad
ang mukha ni Renz. Napakunot naman ang aking noo sa pagtataka kung bakit siya
nandodoon.
“Is there a
problem?”, tanong ko dito.
“Can you sleep
with me in our room? I’ll let you keep the lights on. Please?”, nahihiya nitong
pakiusap. Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa hiling nito. Tumango
na lang ako bilang pag-sang ayon. Nauna na itong tumayo at bumalik sa aming
kwarto. Sumunod naman din ako agad para makapag-pahinga na kami.
Nang makahiga na
kami pareho ay biglang nawala ang antok ko. Bukas ang ilaw sa kwarto at kita ko
ang makinis na balat ni Renz sa aking tabi. Nakasuot lamang ito ng shorts at
nakapatong ang kanang kamay sa ulo katulad ng lagi nitong ginagawa. Pinagmamasdan
ko ang marahang pagtaas-baba ng kanyang matipunong dibdib.
Kaninang kausap ko
siya at umiiyak ay di ko maiwasang ikumpara siya kay Kyle. Noong makilala ko si
Kyle noon ay pilit din niyang tinatakasan ang mga bagay na kinakaharap ngayon
ni Renz. Ang pinagkaiba lang ay mas malalim ang pinaghuhugutan ng kalungkutan
ni Renz. Matatag si Kyle at nagawa niyang maka-move on mula sa mga nangyari
taliwas sa kanyang matalik na kaibigan na pakiwari ko ay malapit nang sukuan
ang buhay. Kanina ko lang din naintindihan ang lalim ng pagtatangi niya para
kay Kyle. Napakahirap ng kanyang sitwasyon.
“Can you hug me? Just
this once.”, mahinang bulong ni Renz pero malinaw ko yung narinig. Hindi ko
alam kung nalasing ito sa aming nainom o nanaginip lamang siyang muli ngayon. Hindi
pa ako nakakapagdesisyon kung susundin ang kanyang hiling pero awtomatiko nang
bumalot ang aking kamay sa kanyang katawan. Naramdaman ko din ang paggalaw niya
mula sa pagkakatihaya para yumakap din sa akin.
Magkatapat ang aming
mga mukha at kita ko ang bawat detalye ng mala anghel na mukha ng aking kaharap.
Dapat ay naiilang ako sa aming posisyon pero kabaligtaran ang aking
nararamdaman. Parang may nararamdaman akong kapanatagan sa aming pagkakahinang
na dalawa. Yung kaparehong pakiramdam na naramdaman ko noong si Kyle ang
umiiyak at niyayakap ko. Alam kong pagkatapos ng gabing ito ay maraming
mababago. Aminado akong matindi ang pagnanasa ko na alagaan at pasayahin ang
lalaking umiiyak sa aking harapan kanina.
“God, what’s happening to me? This can’t be…”, bulong ko sa aking sarili.
“Thanks, Lui.”,
mahinang bulong ni Renz.
…to be cont’d…
AUTHOR’S NOTE:
Maraming salamat
po sa paghihintay ng update ng STARFISH. Salamat din sa mga masusugid na
mambabasa at mga nag-iiwan ng komento sa bawat chapter ng story na to. Sana po
ay patuloy nyong tangkilikin ang kwento ni Renz. Pasensya na kung may mga typo
error hindi ko na masyado na proofread eh, sabaw-sabaw na ang utak ko alas tres
na ng madalig araw ng matapos ko to eh hahaha. Please feel comfy to leave
comments, suggestions, or criticisms. You may also add/follow me on:
Facebook: kevinross0321@gmail.com (don’t look
for my old fb accnt, that goes specifically to kris! Lol)
Twitter:
@kivenross
Gmail/Google+ : crayonross@gmail.com
And this chapter
is dedicated to a very good friend on Twitter. Happy Birthday Kris! Wish you
well in life and on your oplan bagong-buhay-bawas-na-sa-party-kapag-weekends…
hahaha God Bless Kuya. :P
Enjoy reading
everyone!
Try not to judge
others not because you’re better or worse than them but because you know so
little on why they are who they are.
---crayon :))
Wow! Nice going. Sana sila na. Maganda ang twist ng story. Thanks Mr Author. You're good. Take care and keep up the tradition.
ReplyDeleteAwww. The part when I want the next chapter ASAP. The story is getting interesting!! I have to commend you on this crayon! :)
ReplyDelete-dilos
hahaha.. kilig much kay lui at renz..
ReplyDeleteNakakaexcite naman grabe. I'm thinking of how events would turn out between the two. Kung pano nila maoovercome yung mga individual issues nila and eventually marealize nila na pwede palang maging sila. Thinking about the title, I forgot this is Renz's story not Kyle's. But I prefer that Lui and Renz have more POVs in this and the recent chapters, coz un nga it's their story. But is it? Hahaha grabe dami ko naiisip next na pleaseee.
ReplyDeleteAbout the typo, really few, the chapter's still perfect. And the MAMS-convo-thing, sorry sabaw din utak ko di ko nagets. Haha :'(
Good job! Marvs
Wtf! Speechless ako sa chapter na to.
ReplyDelete-jamessantillan
Thanks crayon for the UD...
ReplyDeleteEhhhh tumayo talaga ang balahibo ko sa kanilang dalawa...subrang kiligggg hhahahahahaha
Ang Ganda ng chap na to. Mixed.emotions. Diko alam kung kikiligin ako, o maging masaya dahil nag open up na si renz o maging malungkot dahil sa karanasan/feelings na sinu.suppressed niya. Tssk. May mganda na ding develpment sa kanila dalawa.. Isa pa sir crayon. Haha. Jk
ReplyDelete-Kevin
Aiii. I can feel the pain is going through. Yung wala kang magawa kundi subukan kasi yun nalang angbalam mo na pwede gawin and for lui I like the way how he saw tge sadness and loneliness on renz eyes, luckily they have each other mukhang dto na maguumpisa yung kwento nlang dlawa??
ReplyDeleteThanks author. Can't wit sa upcoming chapter. :-) :-) :-) :-) :-)
Mabuti namam kung magkadevelopan na sila para solve ang lahat ng problema. I-adopt na nila ang mga bata. Biro mo sI Kuya may balbas at si Kuya masungit. Hehehe
ReplyDeletesana si lui at renz nalang magkatuluyan para wala nang problema sina aki at kyle... para masaya ang friendship nilang apat.. Thanks crayon for this update.. hungry for more.. God Bless!
ReplyDelete-arejay kerisawa, Doha Qatar
Thank you Crayon for the dedication. Screenshot ko na kagad. Hahaha!.. Pero may usapan pa tayo so I'm looking forward for August. Anyway, akala ko may boom-booman na si Renz at Lui. LOL
ReplyDeleteThanks ulit, Crayon. Bless you, my friend :) - Kris
Oh my. I didn't look for your old account. It so happened when I typed in your name it's on the top of the result and I clicked on it. Tse! Hahahaha!
DeleteThanks again, @kivenross! - Kris
This one's really nice. Realistic. And romantic and sweet. Kakilig. haha. - yrmb
ReplyDeleteand again....this completes my weekend thank you!!!! and mor chapters please
ReplyDelete-kylie.bog
Kulang ang salita para sa story mo Mr. author. Napakalawak...
ReplyDeleteAt sobrang nakakabitin. Hehe
Thanks...
More updates please.
-madztorm-
Wow i like this chapter kakilig i hope makapag move na si RENz sana sila nalanf ni Lui..
ReplyDeleteSpeechless! Sobrang kilig dito! LuiRenz, go! ~Ken
ReplyDelete" "
ReplyDelete-GaMeBOY
bat kaya ala pa update si crayon? friday xa normally naguupdate
ReplyDelete