Ewan ko ba. Bakit yata kinakabahan ako sa unknown number na
ito. Kaagad kong binuksan ang mensahe. Nanlaki ang mga mata ko. Halos hindi
makapaniwala. Nakalagay sa mensahe ay
"Miss na miss na kita bhest.
Pasensya kana kung hindi tayo magkasama sa iisang unibersidad. Si mama kasi
pilit na dito ako pinapasok sa maynila. Pasensya kana ulet bhest"
Dahil dun naalala ko ang bestfriend ko noong high school.
Siya si Kevin. Sobrang naging mabait siya sakin. Sobrang maalaga at
maalalahanin. Pero pagkatapos ng graduation hindi ko na muling nakita siya.
Isang linggo makalipas ang graduation pinuntahan ko siya sa bahay nila. Malapit
lang naman kasi sila sa amin. Pero laking panghihinayang ko ng malaman na
nagpunta na pala sila ng maynila. Nagalit ako sa kanya nun. Hindi man lang siya
nagpaalam sakin. Simula noon wala na akong balita sa kanya at pilit
kinalimutan. Ang pangakong magkasama pa rin sa isang unibersidad at hindi mag
hihiwalay. End of flashback.
Hahayyyyyyyy late na ako. Pag tingin ko sa orasan ko. Ito
kasing bwisit na text na ito e. Kaagad akong naligo at nagbihis. Nagmadaling
tumakbo papasok ng eskwelahan. Pag dating ko sa room namin. Buti nalang at wala
pa ang prof namin. Hay naman salamat. Pagtingin ko sa gawing unahan nakita ko
kaagad sina Belle at Marvin. Ngiting ngiti ang dalawa na animoy may pinag uusapang
nakakatawa. Nasabi ko nalang sa aking isip.
"Hay bagay nga kayong dalawa.
Parehas may sira ang ulo"
Papunta na ako duon sa likuran kung saan ako umuupo. Nang
bigla akong harangan ni Belle.
"bhest naman e. Bakit hindi mo ako
pinapansin. Bago kagabi bigla ka nalang nag walk out. Bago hindi kana nag
reply."
"Naku bhest kasi e. Pasensya na
nakatulog ako. Hindi ko naman napigilan ang mata ko." Sabi ko
"A ganoon ba. Hmp ok
hahahahha" si Belle
Talaga atang may sayad itong dalawang ito. Sabay pang tumawa
a.
"e pasaan kaba pupunta?" Tanong ni Belle
"A uupo. Dun sa likod. Nandun yung
upuan ko diba." Palusot ko dahil ramdam kong may balak nanaman itong
paupuin ako dun sa tabi ni Marvin. Patay nanaman ako neto e. Wala nanaman akong
maiintindihan.
"Bhest kasi e. Simula ngayon dito
kana sa tabi namin uupo. Ok ba yun." sabay ng malademonyang ngiti ng luka
luka.
Habang nagkaklase hindi ko maiwasang mapatingin kay Marvin.
Ewan ko ba. Minsan sa pagtingin tingin ko nahuhuli pa niya ako. Ito namang si
Belle pasimpleng aabutin ang kamay ni Marvin sa likuran at maya maya ay
ipapatong sa balikat ko. Impakta talaga itong si Belle. Maghapong ganun ang
naging routine namin. Ayaw kasi ni Belle na hihiwalay ako sa kanila. At laging
gusto niya na pinag gigitnaan nila ako. Natapos ang klase. Maaga akong umuwi
para makapaglaba muna ng maduduming damit. Sinabihan ko na si Belle na hindi
muna ako sasama kasi marami akong lalabahang damit. Pag dating ko sa bahay.
Kaagad kong binuhay ang radio na tanging meron ako at nakinig ng mga musikang
nakakapagpaantig sa aking damdamin. Nahiga ako at ipinikit ang mga mata.
Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako at hindi na nakapag laba pa.
Halos alas syete na ng gabi ng ako ay magising. Lumabas ako upang kumain ng
hapunan. Malapit lang kasi ang karenderya samen. Habang kumakain hindi alintana
ang mga taong doon ay kumakain din. Nang maramdaman kong isang kamay ang
humawak sa aking balikat...
Sobrang bitin tlga author
ReplyDeleteBitin talaga. Ang ikli. Nice story though.
ReplyDeleteBakit ang ikli naman ata?
ReplyDeleteKuya Ponse I really love your stories. Keep it up as you're doing always. Kuya kelan mo din iupdate ung mga stories mo sa pinoydaddies? Sinusubaybayan ko din un and it's sad to say na wala na mga updates stories mo dun. Hope maupdate mo na po. Thanks in advance
ReplyDeleteThis is not mine po.
Deleteang tamad ng author ni2, masyadong maiksi, sing iksi ng palda s mga caracter ng anime,
ReplyDeleteWag po ganon xD ahahahaha baka po ganon talaga baka busy po
DeleteG'morning po:)
ReplyDelete