Followers

Sunday, July 6, 2014

Can't We Try? 9

Can't We Try? 9
Hi readers :)) matagal po akong nawala at humihingi po ako ng tawad, pasensya na po at sana ay may mga susuporta parin po sa aking storya, para sa inyo po ito.
Guys, pangunahan ko na po kayo. Medyo madame-dame ang drama and OA scenes na ma-eencounter, be ready !!
Kaway mga ka-Bi :))
Guys enjoy reading
---
 "Arte mo talaga." pikon na sabi ni Paulo, saka niya ako hinagisan ng unan, nagulat naman ako sa ginawa nito.
 "Aba." gulat kong sabi saka ko rin siya binato ng unan.
Hanggang sa nagbatuhan kami at puro tawanan, sa totoo lang ay masaya ako dahil kakulitan ko itong asungot na ito, mabait at masarap naman pala siyang kasama eh.
Nakuha din naming magkilitian, hindi ko akalain na ganito kaligalig itong si Paulo.
Hanggang sa napatigil ako, pati narin siya o mas magandang sabihin na tumahimik bigla ang loob ng kwarto ko, aircon at malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ang tanging nangingibabaw.
Hindi ko alam kung paano magre-react sa nangyari, tanging nagawa ko lang ay ang mapatitig sakanya at ganun din siya na nakatitig lang sa akin.
Sa sobrang ligalig kasi naming dalawa ay bumagsak kami sa sahig mula sa kama, nung una ay ako lang ang mahuhulog sana pero sinubukan niya akong saluhin nguni't mabilis ang pangyayari kaya pareho kaming nahulog sa baba.
Hindi rin namin inasahan ang sunod na nangyari. Ngayon ay magkatitigan kami, magkadikit ang aming mga labi at wala ni isa sa amin ang kumikilos.
 "Kurl? Kurl?" rinig kong pagkatok ni Martin, mas lalo naman akong kinabahan, hindi ko alam ang gagawin, maging si Paulo man ay nanatiling nakatitig lang sa akin.
Napatingin lang ako sa pintuan kung saan kumakatok si Martin.
 "Kurl? tol nandyan kaba?" pagkatok pa nito, buti na lang ay sinabihan ko dati si Martin na huwag basta basta papasok kapag hindi ko siya pinagbubuksan o pinapayagan.
Magkadikit parin ang aming mga labi ni Paulo ramdam ko ang malalambot na mga labi nito, at ayaw ko rin siyang itulak at baka mas lalong magkahiyaan kami kapag ganun.
Hanggang sa dahan-dahan ko siyang iniangat palayo sa akin at tuluyan nang naghiwalay ang aming mga labi.
----
Kinabukasan,...
Nagising na lang ako sa alarm ng aking cellphone, parang lasing pa akong tumayo, napaharap naman ako sa salamin.
 "What happened last night?" halos mabaliw kong ekspresyon habang pinagmamasdan ko ang aking labi.
 "Whaaaaa!!!!" napasigaw na lamang ako, ganito pala ako kapag nahahalikan? whaaaaaa!!
Sa nangyaring pagdidikit ng aming mga labi ay talagang nagkagusto na nga ako sakanya, yung ngiti niya pati yung malalambot niyang labi na talagang hindi ko makalimutan.
Pero naisip kong imposible na magkagusto din siya sa akin. Hindi ko siya katulad na isang bisexual.
Walang gana akong kumain at naligo, pati sa skwelahan ay wala rin akong gana, puro na lang si Paulo ang naiisip ko lalo na yung realidad na hindi kami pwede.
Natapos ang klase nang hindi man ako nagsasalita, kung kinakailangan lang ay dun ako kumikibo, si Martin naman ay kahit naguluhan ay mas piniling huwag akong kausapin, alam kasi niya kung paano ako magalit kapag pinapakelaman.
Nang maka-uwi ako sa bahay ay agad akong napahiga sa aking sofa, nag-iisip kung papasok ba ako o hindi sa trabaho.
 "No!" nasabi ko na lamang bigla ng maisipang huwag pumasok sa trabaho.
Baka kala ni Paulo apektado ako sa pagdidikit ng aming mga labi kaya dapat hindi ako mag-absent.
Kaya't agaran akong naligo at nag-ayos ng sarili, napagdesisyunan ko na dapat pagdating ko doon ay normal parin ang lahat, hindi niya dapat mahalata na apektado ako.
Pagkatapos ko naman magbihis ay na-upo na muna ako, hanggang sa napatingin ako sa isang maliit na Box.
Naglalaman ito ng mga important notes ko, may naalala ako bigla kaya agad ko itong kinuha at binuksan.
 "Oo nga pala yung ginawa ko last three years.." nasabi ko na lamang habang hinahanap ito sa loob ng box.
Hanggang sa nakita ko na ito at binasa,..
"
Dear Fate,
Mukhang malabo ata ang pag-ibig sa akin? O sadyang wala pa talaga? Kung sa babae po ay isang napakabait at masipag lamang po ang hinahanap ko, kung sa lalaki naman po ay isang Chinito lang po ang hinahanap ko.
 - Ian Kurl Santiago Cute Gwapo Pogi
"
Napangiti na lang ako sa aking nabasa, si Paulo ay hindi chinito pero napakagwapo, basta kapag may naging chinito akong crush, yun na, haha.
Naaalala ko nung may tumulong sa akin dati, isang chinito at simula nung araw na yun ay talagang nagkakagusto o mas magandang sabihin na sobrang naging attracted ako sa mga Chinito.
Itinabi ko ulit ito saka ko na kinuha ang aking mga gamit para makaalis na.
 "Good Afternoon baby Tobi !!" ngiting pagbati ko sa aking motor.
 "Chinito, chinito,.. Chinito." napapangiti na lamang ako sa aking sinasabi habang papunta ako sa trabaho.
Pagkadating ko sa trabaho ay yun na nga, nakapark ang kotse ni Paulo tanda na nariyan nga siya.
Nakita ko naman na naka-upo nanaman ito mala-señorito at kasama niya si sir Ken.
Nagdadalawang-isip man ay tumuloy parin ako sa paglalakad, sana hindi na lang niya ako mapansin.
 "Hi Kurl." bati naman sa akin ni sir Ken, nahihiya man ay humarap parin ako sakanila.
 "Good afternoon po sir Ken at feeling boss na mahangin." balik ko rito at baling kay Paulo.
Mas lalo naman akong nakaramdam ng hiya nang hindi ako pinansin ni Paulo, kaya kay sir Ken na lang ako humarap.
 "Sige po sir Ken mauna na ako." pagngiti ko rito saka na ako umalis.
Gusto pala niya ay hindi pansinan ah, edi sige bahala siya.
Matapos magbihis ay nagsimula na akong magtrabaho, mas pinili kong magpokus na lamang sa aking ginagawa kesa sa kaiisip tungkol kay Paulo na nakakainis talaga.
Ilang beses din akong pinatawag sa costumer service at ilang beses ko ding nakasalubong si Paulo, wala kaming kibuan, mas lalo tuloy akong nahihiya sakanya dahil sa baka ang rason ng hindi niya pagpansin sa akin ay ang nangyari sa amin kagabi.
Mas maganda siguro kung kausapin ko siya noh? kesa naman sa hindi ko alam kung bakit hindi niya ako pinapansin.
Makalipas ang ilan pang oras ay tapos na ang trabaho at eto na nga ang pinakahihintay ko.
Tapos nadin akong magbihis at mag-ayos ng sarili kaya naman pinuntahan ko na siya.
Nakita ko siyang naka-upo, normal na pag-upo na lang at hindi na yung mala-señorito, nilapitan ko ito kahit na nagdadalawang isip ako.
 "A-ahmm Paulo?" pagkuha ko ng atensyon nito, katulad ng dati ay tumingin siya sa akin ng walang ekspresyon ang mukha.
 "M-may g-g-u,.. may gusto sana akong sabihin sayo." kainis nauutal pa ako.
 "Yung kagabi ba?" walang gana nitong sabi.
 "Oo, hindi ko,.." hindi ko na ito natapos dahil sa kanyang pagsabat.
 "Don't worry wala sa akin yun." pagngiti nito.
 "Eh bakit parang,.." muli agad itong nagsalita.
 "Sinabing wala nga diba? Look,.. don't assume okay?.. Kurl, please leave." medyo seryoso at napalakas nitong sabi, nagulat at napatulala na lang ako sa inasta niya.
Oo sanay na ako sa kayabangan at kaangasan niya pero iba yung dating niya ngayon sa akin, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako apektado sa nangyari sa amin kagabi, sa totoo lang ay nasaktan ako sa inasta at sinabi niya ngayon, tama siya, nag-assume ako kaya ganito.
 "I'm sorry." mahina kong sabi rito saka na ako tumalikod mula sakanya at tuluyan ng umalis.
Ganito na ata kababaw ng mga luha ko dahil sa alam kong napapaluha nanaman ako, mukha nga talagang nasaktan ako sa sinabi niya.
(
Paulo's POV.
 "Kurl, pasensya na sa nasabi ko,.. naguguluhan talaga ako, balak ko ay ang takutin ka lang kagabi pero eto ako at,.. parang nahuhulog na ata sayo." naisa-isip ko na lamang.
end
)
Walang gana naman akong sumakay sa aking raider, bakit ba kasi ganun kalakas ang tama ko kay Paulo, eh samantalang kahapon lang ako nagkagusto sakanya.
Nagmadali na akong umuwi, mukhang uulan nanaman dahil sa pagkulog at lakas ng hampas ng hangin.
 "Move On." nasabi ko na lamang ng madaanan ko ang pinagbilhan namin ng lugaw kahapon ni Paulo.
Malapit na ako sa amin ng biglaan akong napapreno, saka ulit ako nakinig kung tama ba ang aking narinig.
May narinig kasi akong inuubo at humihingi ng tulong.
 "Tulong." mahina pang sabi nito, nangilabot naman ako bigla at ewan ko kung bakit.
Dahan-dahan kong iniatras ang aking motor pabalik sa iskinita kung saan ko banda narinig ang taong humihingi ng tulong.
 "T-tulungan mo ako." sabi naman nito ng mapansin niya ako.
Agad naman akong bumaba ng aking motor saka ko ito nilapitan.
Naawa ako sa itsura niya, medyo duguan at halatang nabugbog ito.
 "What happened?" mahinang tanong ko rito, agad naman itong kumapit sa aking kamay ng ipatong ko ang aking kamay sa balikat nito, pinagmasdan ko naman ang mukha nito, chinito pala 'to, lihim naman akong kinilig, alam niyo kung bakit hehe.
Parang pamilyar 'tong lalaking ito ah,..
 "Nicollo?!" gulat kong sabi ng mamukhaan ko kung sino nga siya, agad ko naman siyang inalalayang tumayo.
 "Kaya mo bang tumayo?" nang mapansin kong nahihirapan ito pero pilit parin siyang tumatayo.
 "O-oo kaya k-ko pa." hirap naman nitong sabi. "Dalian natin, baka bumalik pa sila at madamay ka." dagdag pa nito, halata sa boses niya yung sakit na nararamdaman niya,, hayyy sino bang nangbugbog sa chinitong ito?
 "O-osige, pero kaya mo pa bang umangkas sa akin sa motor?" nag-aalala ko namang tanong rito, na tinanguan lang niya kaya naman agad ko na itong iniangkas sa motor ko para makaalis na kami sa lugar na iyon at baka balikan pa siya ng kung sino mang bumugbog sakanya.
Nang maka-angkas na ito sa akin ay dahan-dahan kong pinatatakbo ang aking motor dahil hindi malabo na mahulog ito.
Naiilang man ako sa aming pwesto ay wala na akong nagawa, nakayakap ito sa akin at nakasandal patagilid ang kanyang ulo sa aking batok.
Nang makarating na kami sa bahay ay dahan-dahan ko siyang inalalayan makababa at maglakad papasok.
 "Ano nangyari sa iyo?" tanong ko rito habang ginagamot ko ang mga sugat nito, ngayon ay nasa sala kami.
 "Napagtulungan ako eh, hindi ko akalain na marami sila kaya nabugbog tuloy ako, makakaganti rin ako." sagot naman nito, naawa naman ako dahil sa mga pasang tinamo nito, pero away parin talaga ang gusto niya sa kabila ng natamo niya, medyo nakabawi na siya ng lakas nang painumin ko ito ng gamot at napakaraming tubig.
 "Ayan kasi." nasabi ko na lamang, saka ko naman inasikaso ang mga sugat nito sa braso.
 "Ikaw si Kurl diba?" tanong nito, nagulat naman ako sa tanong niya.
 "Oo, pero paano mo nalaman?" takang tanong ko naman rito.
"Ikaw kaya yung lalaking laging pinagtsitsismisan ng mga babae dito at pati na nga sa street namin eh, gwapong-gwapo sila sayo kaso baduy ka naman tapos sabi pa nila ang sungit-sungit pa daw ng dating mo kaya naman hindi sila makalapit sayo sa tuwing madadaanan mo sila." nakangiti nitong sabi, literal naman akong namangha sakanya, ba't niya alam na pinagtsitsismisan ako? siguro nakikitsismis rin siya? haha lihim naman akong natawa sa aking naisip.
 "Sobra naman sila, hindi makalapit? bakit kakainin ko ba sila? mabait kaya ako." balik ko rito sa tonong nagmamalaki, referring dun sa pagiging mabait ko hehe.
Kaya pala sabi ni lola na may mga nangungulit sakanyang mga tao na gustong makipagkaibigan sa akin.
 "Eh ikaw, paano mo naman nalaman pangalan ko?" nakapikit namang tanong nito, hayyy kawawa talaga 'to, dinaramdam niya siguro yung mga sugat niya.
Mas lalo naman akong nagulat sa tanong nito, medyo natameme pa ata ako dahil sa hindi ko alam ang isasagot, napatigil naman ako sa paggagamot sa mga sugat niya at napatitig na lang ako sa mukha niya.
(
flashback
 "Okay thanks sa time niyo my dear students, hindi ko akalain na magiging interesado kayo sa Essay Contest natin this month. Bukas ay may meeting ulit tayo at ganitong oras ulit, pasensya na kung masyadong late na dahil alam niyo naman na maraming activity ang school at isa rin ako sa mga nag-aasikaso." mahabang sabi sa amin ng English Department Holder.
Sinabi naman naming okay lang dahil masaya naman lalo na't hindi boring dahil sa puro kwela ang mga kapwa sumali kung saan puro pagpapatawa kapag wala kaming ginagawa.
 "Sige mga anak pwede na kayong umuwi, mag-iingat kayo ha?" dagdag pa nito, kaya naman umuwi na ako, yung iba ay nagstay pa dahil sa may form pa silang pinapapirma, sinabi ko naman na mauuna na ako dahil sa nagugutom at pagod na ako.
Nang medyo makalayo na ako sa school ay may mga napansin akong mga tambay na nakatingin sa akin, natatakot ako sa pwedeng mangyari, sakto kasing gabi na kaya wala na masyadong tao sa labas.
Medyo binilisan ko naman ang paglalakad, hanggang sa naramdaman kong sumusunod na sila sa akin kaya naman agaran na akong tumakbo, nguni't masyado silang maagap kaya napalibutan na nila ako.
 "Anong kailangan niyo sa akin?" hinihingal kong tanong sa mga ito, alam kong hindi ko sila malalabanan dahil sa walo sila.
 "Wala! wala kaming kailangan sa iyo." ngisi naman ng isa, halatang medyo adik ito dahil sa nakakatakot nitong pagmumukha.
 "Then what?" malakas kong sigaw sa mga ito.
 "Wow pare maangas pala ito ah."
 "Ikaw lang naman yung taong pinaka-kinaaayawan ng kapatid ko sa section A, masyado mo kasi siyang nasasapawan sa katalinuhan eh, alam mo bang wala sa bokabularyo ng pamilya namin ang natatapakan kaya dapat ka nang mawala." paghalakhak pa nito, mas lalo tuloy akong natakot sa sinabi niya.
Dahan-dahan naman silang lumalapit sa akin, may hawak pa na makapal na pamalo ang isa.
Akala ko ay katapusan ko na nang biglang may nagsalita.
 "Aren't you guys goin' to stop it?" rinig kong sabi ng isang lalaki, hindi ko alam kung sino ito pero medyo nabuhayan ako.
Napabaling naman sakanya ang mga tambay na pinalibutan ako.
 "At sino ka namang bata ka?" angas sakanya ng mga tambay, napatingin naman ako sa tinutukoy nila.
Siguradong school mate ko ito dahil sa suot niyang uniporme, sa ayos pa lang ng uniporme niya ay halatang maangas at palaaway na ito, idagdag mo pa ang sigarilyo niya.
 "Ako lang naman ang mga nagtutumba sa mga katulad niyong pumapatol sa walang kalaban-laban na aso." angas rin naman niya, nag-init naman ang dugo ko sa sinabi niya, hah? aso? halos gusto ko itong hagisan ng nag-aapoy na bomba sa mukha niya dahil sa kanyang mga sinabi.
Mas lalo naman akong nainis dahil sa tumawa ang mga tambay sa sinabi nito.
 "Aso." natatawang sabi naman ng may hawak na makapal na pamalo habang nakatingin lang sa akin.
 "Mukhang hindi ka naman pala kaaway eh, sige ikaw na lang bumugbog para sa amin." sabi naman ng taong nagsasabing sinasapawan ko daw ang kapatid niya.
 "Pasensya na pero hindi pa naman ako ganun kasama para bugbugin ang taong walang laban, kaya kayo na lang ang bubugbugin ko." ngisi naman ng naninigarilyong ka-school mate ko, talagang pinakaka-diin niya pa ang mga sinasabi niya ah.
 "Sira ulo ka pala eh!" sigaw naman ng isa.
At dun na nga nagsimula ang away, may mga kasama pala ang lalaking tumulong sa akin kaya pala ang tapang nito, at ayun na nga, bugbugan na sila.
Ang taong tumulong naman sa akin ay nakatayo lang, mga kasama niya ang nakikipag-away at nakangiti lang siya habang pinagmamasdan niyang nabubugbog ang mga tambay na maaangas.
Napatulala lang ako sa mga nag-aaway dahil sa ngayon lang ako nakakita ng ganito, kung hindi kasi sa paaralan ay nasa loob lang ako ng bahay.
Lumapit sa akin ang lalaking nagsabing aso ako.
 "Ayos ka lang?" tanong nito sa akin, nag-ayos pa ito ng suot niyang uniporme saka siya ngumiti nang makaharap na siya sa akin.
Saglit akong napatigil ng makaharap ito ng malapitan, hindi ko alam kung nakikita niya pa ako, chinito pala siya at ngayong nakangiti siya ay parang nakapikit na siya at napaka-cute niyang tignan.
Naalala ko naman bigla ang sinabi niya kanina, ASO daw? sira ulo pala siya eh.
 "ASOhin mo pagmumukha mo." inis kong sabi rito saka na ako tumakbo palayo sakanila, wala akong pakelam
kung sino mamatay sa rambulan nila.
--
Kinabukasan.
Hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari kagabi lalo na ang tumulong sa akin. Naguguluhan ako sa sarili ko dahil sa hindi ko siya maalis sa aking isipan.
Makalipas ang ilang araw,..
 "Oh tara Kurl anak, sa gulayan naman tayo." sabi ni lola.
Sinamahan ko kasi siyang mamili ng mga pagkain, sa tuwing sabado at linggo ay sinasamahan ko siyang mamalengke.
Habang si lola ay abala sa pagpili ng fresh na gulay ay ako naman ay patingin-tingin lang naman kung saan-saan sa loob ng palengke.
Hanggang sa may napansin akong pamilyar na lalaki sa loob ng palengke, napaisip naman ako,... tama siya nga yung lalaking tumulong sa akin nung minsan, at yung nagsabing aso ako, napasimangot naman ako sa aking naalala.
May kasama itong isang babae at tiyak na nanay niya ito, napatitig lang ako sa babae at halatang mayaman ito.
 "Oh Kurl anak sino tinitignan mo." tanong naman ni lola.
 "A-ah wala po lola." tugon ko, pero mukhang nakita na ata ni lola kung sino tinitignan ko.
Nakita ko namang medyo nagulat si lola nang makita niya kung sino ang mga ito, saka rin nakabawi at bumaling sa akin.
 "Kilala mo ba sila Kurl?" nakangiti niyang tanong.
 "Hindi po." walang gana kong sagot rito, eh yan nagsabi na Aso ako eh.
 "Ayan kasi hindi ka lumalabas at laging nasa loob ka lang ng bahay eh. Taga sa atin lang yan at mababait sila, kasunod na street lang natin sila, doon sa may magagandang bahay." sabi naman ni lola, buti kilala ni lola ang mga iyon.
Hanggang sa nag-agkat na akong umalis, na-stock nanaman sa utak ko yung lalaking iyon, naiinis nanaman ako sa sinabi niyang ASO.
Pero na ku-curious ako kung sino siya kaya gusto kong malaman kahit pangalan lang niya.
 "Ahm lola alam niyo po ba pangalan nung lalaki kanina? yung kaedaran ko lang siguro." tanong ko kay lola habang bumibili naman kami ng juice sa isang sari-sari store.
 "Ah yun ba, si Nicollo yun. Ang batang loko-loko sa lugar natin." natatawang sabi naman ni lola, aba talagang alam ni lola ang pangalan niya ah?
How come na hindi ko man lang nakikita yung lalaking iyon, kung sabagay hindi pala ako naglalalabas ng bahay kaya talagang hindi ko siya makikita, pati nga mga kapitbahay hindi ko kilala eh.
flashback ends
)
 "Baka naman magkapalit tayo ng mukha niyan sa kakatitig mo sa mukha ko ha?" biglang sabi naman nito na nagpabalik sa akin sa realidad, nakuha ko pang mapalunok dahil sa alam niya palang nakatitig ako sa mukha niya.
 "Kung sabagay okay lang, mas gwapo ka sakin eh kaya sige payag na akong palit tayo." pagngiti naman nito pero nakapikit parin siya.
Sows! pahumble pa siya, eh ang gwapo-gwapo nga niya eh, shhh huwag kayong maingay ha? simula kasi nalaman ko yung pangalan niya ay parang nagkagusto na ako sakanya, doon ko rin nalaman na isa akong bisexual dahil sa nasaktong gustong-gusto ko yung napakabait na muse ng section namin, pero nung nakilala ko itong sira na 'to, nagsimula na akong mapa-isip.
Mula rin ng malaman ko ang pangalan niya ay mas lalo akong nagka-interes kay Nicollo, sa tuwing mamalengke si lola ay sumasama na ako nagbabakasakaling makita ko ulit sa palengke si Nicollo.
Nagtataka man si lola dahil sa pati weekdays ay sumasama na ako sakanya, knowing na may klase ko, sinasabi ko naman na 8am pa naman ang klase at 6am naman siya namamalengke kaya okay lang, pero lagi akong bigong makita siya, siguro kapag saturday o sunday ko lang nakikita si Nicollo at nanay niya pero madalang lang iyon sa isang buwan, pero sumasama parin ako palagi dahil sa nagbabakasakali ako na makita siya, hehe.
Pero nung halos magda-dalawang buwan na hindi ko na siya nakikita sa palengke ay tumigil na ako, siguro hindi na sila namamalengke doon at sa iba na sila pumupunta.
 "Ano k-kasi eh, nahulaan ko lang." palusot ko sana, agad naman itong nagreact, halatang nagulat sa sinabi ko.
 "H-ha? nahulaan?" kuno't noo nito.
 "Syempre joke lang." pagngiti ko rito, hindi talaga ako makapaniwala na ang taong pilit kong hinahanap dati ay ngayon nasa loob ng aking bahay at kausap ko. "Tinanong kaya kita kanina, remember?" pagpapalusot ko ulit rito, sa pagkakataong ito ay ipaglalaban kong tinanong ko siya kahit hindi, haha.
 "Hindi kaya?" mas lalo naman itong naguluhan.
 "Edi wag kang maniwala." balik ko, saka ko nanaman biglang naalala nung pagsabi niya dati na isa akong aso.
Kaya naman, diniinan ko yung sugat niya sa braso sa pamamagitan ng bulak na ginagamit ko, napa-aray naman ito at halatang nasaktan, lihim naman akong natawa sakanya.
 "Sorry." paghingi ko ng paumanhin, kunwari, hehehe.
 "Pero ba't ka kasi pinagtulungan? I mean bakit ka binugbog?" tanong ko naman rito, bakit nga ba?
 "Palaaway talaga kasi ako eh, at nagkataon na marami sila kaya wala akong nagawa." sagot nito.
 "Yan kase." tugon ko naman at patango-tango pa ako.
 "At halata din naman na troublemaker ka eh." dagdag ko pa.
 "Eh ba't mo naman ako pinagkatiwalaan kung mukha akong troublemaker, I mean bakit moko tinulungan? malay mo magnanakaw ako, tapos malay mo patayin kita." balik naman nito na seryoso ang mukha.
 "Kasi ramdam kong hindi ka ganun, at ewan ko ba pero simula nung naging mag-isa ako sa buhay ay wala na akong kinatatakutan, siguro oo meron pero tatlo lang." seryoso ko ring balik rito.
 "Okay lang ba na malaman ko?" tanong naman nito.
 "First, ofcourse God." tugon ko saka ko naman inasikaso ang binti nito na mas maraming sugat.
 "Nakakahiya man pero ang pangalawa ay ang,.. ang,..." saglit akong napatigil, ayos lang kaya kung sabihin ko sakanya? lalo na at siya'y isang palaaway na tanda na wala siyang kinakatakutan.? ahh sige na nga.
 "Multo." sabi ko saka ko ito tinignan sa kanyang mga mata, gusto kong malaman kung ano ang magiging reaction niya.
 "Multo?" biglang sabi naman nito saka siya niya ulit isinandal ang kanyang ulo sa may sandalan ng sofa at pumikit. "Naiintindihan kita, siguro na trauma ka nung bata ka kaya ganyan." dagdag pa nito.
 "Then what about the last one?" tanong pa nito.
 "I don't think I can say it but, related siya kay God, sa multo, sa akin at sa isang tao." ngiti ko rito, alam kong hindi niya ito makukuha.
Nakita kong napa-isip naman siya, natawa naman ako sa kanya dahil hindi nagbago ang kanyang ekspresyon kapag nag-iisip.
(
flashback
 "At sino ka namang bata ka?" angas sakanya ng mga ito, napatingin naman ako sa tinutukoy nila at nakita kong napa-isip ito.
Ganito ba talaga ka-cute mag-isip ito? oh talagang pa-cute lang siya? nariyan kasi yung medyo kukuno't ang kanyang noo, tapos magpa-pout pa ang kanyang lower lip na talagang napaka-cute niyang tignan.
 "Ako lang naman ang mga nagtutumba sa mga katulad niyong pumapatol sa walang kalaban-laban na aso." angas rin naman nito, nag-init naman ang dugo ko sa sinabi nito, hah? aso? halos gusto ko itong hagisan ng nag-aapoy na bomba sa mukha dahil sa mga sinabi niya.
flashback ends
)
 "Ehhh kainis ka naman eh, hindi ko maisip yung pangatlo." parang bata nitong sabi, haha ganun pala talaga siya mag-isip, napasimangot naman ako bigla nang maalala ko nanaman nung sinabi niyang aso daw ako.
Kaya naman pinaka-diin ko nanaman ang sugat nito.
 "Ahhhhhhhh!,. aray-aray,.." sigaw naman nito, halatang nasaktan, lihim akong napangiti sa ekspresyon nito dahil kahit na nasaktan ito ay napakacute niya paring tignan.
 "Sorry." paghingi ko ulit ng paumanhin, kunwari, haha.
 "Pwede bang magstay muna ako dito? baka kasi makasalubong ko sila sa labas eh at malaman nila na galing ako rito." nahihiyang sabi naman nito.
 "Bakit naman kung malaman? ihahatid na lang kita, may motor naman ako kaya don't worry." pagmamalaki ko rito.
 "No, delikado para sayo, baka kung nasaan lang yung nagpabugbog sa akin at kapag makita ka niya na tinulungan mo ako ay madamay kapa." seryoso nitong sabi, sincere.
 "Oras nadin naman oh, pagbigyan mo na ako. Saka makakatulog kabang mag-isa." dagdag pa nito.
 "Hindi pero tinatawag ko si lola at sinasabi na bantayan muna ako habang hindi pa ako nakakatulog at kapag naman nakatulog na ako ay pwede na niya akong iwan." agad ko namang sagot rito. "Syempre lam mo na baka may multo,.. pwede naman kitang ihatid eh." dagdag ko pa.
 "Damot." simangot naman nito, hayyy napakahirap palang tiisin nito.
 "Ge na nga, doon kana sa kabilang kwarto matulog, malinis naman dun." ngiti ko rito.
 "What? nakakahiya naman kung sa kwarto pa."
 "Edi saan mo gusto? ah dito sa sala noh?" balik ko naman.
 "Dun sa kwarto mo, tabi na lang tayo?" sabi naman nito.
 "Ha? b-bakit doon pa?" gulat ko rito.
 "Sige ka, baka mamaya may multo doon bahala ka." at talagang nakuha niya pa akong takutin.
Tumango na lang ako, saka ko ulit ito nakitang ngumiti, ayun nanaman ang kanyang smile na kung saan parang nakapikit nanaman siya at talagang napaka-cute niyang tignan.
Hanggang sa yun na nga, kumain muna kami, pagkatapos ay lumabas ako saglit para sabihan si lola na huwag na akong bantayin sa pagtulog dahil sa may bisita ako, natuwa naman ito dahil daw sa milagro at nagpapapasok na ako sa bahay ko.
Pagkabalik ko ay napatigil ako sa aking nakita, nakita ko si Nicollo na nakahiga sa sahig. Agad ko itong nilapitan.
 "Nicollo anong nangyari? Uy Nicollo wag mo naman akong biruin ng ganito oh." pag-aalala ko rito, hindi ito gumagalaw. "Uyy Nicollo, anong nangyari sayo?" pag-aalala ko pa saka ko iniangat ang ulo nito.
 "Na-nahilo lang ako." hirap nito, agad ko itong binuhat at dinala sa aking kwarto.
 "Ba't ka nahilo? may sakit kaba? dalhin kita sa ospital?" agad na tanong ko rito pagkalapag ko sakanya sa kama.
 "Ayoko sa ospital,.. bigla lang akong nahilo tapos bumagsak na lang ako. Huwag kang mag-alala sa akin." tugon nito, nakikita niya kasing nag-aalala at natataranta ako.
 "Pasensya na ha? dapat hindi kita iniwan eh, may masakit paba sayo?" hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa talagang nag-aalala ako para kay Nicollo, nariyan din yung hinahawakhawakan ko yung noo niya.
 "Hindi mo naman kasalanan eh, pasensya na sa istorbo." seryosong sabi nito sa akin, tinitigan niya lang ako.
 "Anong istorbo? w-wala yun, ano naman yang pinagsasabi mo natumba kana nga lahat-lahat eh. Dumudugo sugat mo oh, saglit lang." agad kong sabi saka ako agarang tumayo para kumuha ng ipanggagamot rito.
Pagkabalik ko naman ay nakapikit na ito, sana natutulog na siya, alam ko kasing mabigat ang pakiramdam niya base sa ekspresyon niya kanina pa, alam ko ring nahihirapan siya kaya sana tulog na siya para naman kahit papaano ay hindi na siya mahirapan sa sakit na nararamdaman niya.
 "Matulog kana, ako bahala sayo." mahinang sabi ko rito saka ko na sinimulang gamutin ito.
Nang matapos na ay kinumutan ko na ito, tinabihan ko na rin ito.
Umabot na ng alas-tres ng madaling araw pero hindi parin ako nakakatulog, hindi kasi ako mapalagay sa kalagayan ni Nicollo, lagi ko itong tinitignan kung okay paba siya, tinitignan ko din kung may lagnat siya o wala. Basta buong magdamag ko siyang binabantayan.
Hanggang sa nakatulog nadin ako.
Kinaumagahan,..

Pagkagising ko ay tulog pa ito, mga ala-sais ng umaga ako nagising, pagkamulat ko ay siya kaagad ang aking naisip, tinignan ko kaagad kung nilalagnat ba ito, tinignan ko rin kung komportable ba ito, naging OA na ako dahil sa iniisip ko talaga ang kalagayan niya.
Pinagmasdan ko lang siya, pansin kong medyo nakabawi na siya base sa istura niya, what a relief.
Naghanda na ako ng almusal, hotdog, pancit canton at sinangag, pinaghanda ko rin si Nicollo ng soup. Nang matapos na ako magluto ay umakyat na ako para tawagin ito, napansin ko naman ang mga sugat nito, lalo na yung mga sugat niya sa braso na talagang medyo namamaga pa, buti na lang at binalot ko ang mga ito kaya kahit papaano ay napatigil ang pagdugo.
 "Baka naman malusaw 'tong mga braso ko sa kakatitig mo?" sabi nito habang nakapikit at nakangiti, ang cute niya talagang tignan.
Lihim akong natuwa dahil sa ayos na ito, salamat at ngumingiti na ulit siya tanda na okay na siya.
 "Sows! tara Nicollo kain na tayo sa baba." at agad na akong lumabas, sobrang naging ganado ako bigla, nawala narin ang pag-aalala ko kay Nicollo.
Ngayon ay nasa hapagkainan na kami, nanlaki naman ang aking mga mata sa lakas niyang lumamon, parang nahiya tuloy akong sumabay sakanya dahil sa sobrang lakas niyang kumain, inabutan ko na lamang ito ng tubig pagkatapos kong kumain.
 "Mukhang ayos na si Mr. Chinito ah?." pagngiti ko rito, napatigil naman ito.
 "Why?" kuno't ko rito.
 "Wala." pagngiti naman nito saka na ulit kumain, naguluhan man ako ay pinabayaan ko na lang ito.
 "Maliligo na ako Nicollo, hintayin moko at ihahatid kita sa inyo." tumango naman ito dahil sa may laman pa ang bibig niya.
 "Teka taga saan ka nga ba?" pagtatanong ko kunwari, eh diba sabi ni lola sa next street lang sa may mga malalaking bahay.
 "Dyan lang malapit, mga next street." tugon nito pagkatapos uminom ng tubig, napapalunok na lang ako sa lakas niyang kumain.
 "Ge, wait moko." hanggang sa pumasok na ako ng kwarto para kumuha ng tuwalya at panloob saka na dumeretso sa banyo.
Naisip ko bigla si Paulo, parang medyo wala na sa akin yung nangyari sa amin, siguro dahil kay Nicollo kaya ganun.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos nadin ako, lumabas ako ng banyo ng naka boxer shorts at nagpupunas ng buhok gamit ang aking tuwalya.
Nadaanan ko naman sa sala si Nicollo na may binabasa sa kanyang phone.
 "Wait lang ah." sabi ko rito saka na ako pumasok sa aking kwarto para magready.
Nag-uniform na ako, medyo fit sa akin then skinny slacks at black shoes, syempre medyo hot ako kaya naman dapat ko itong ipakita kaya fitted na pinatahi kong uniform. Yun ba yung baduy na sinasabi ni Nicollo?
 "Wow batas ka ata sa school?" gulat nitong sabi ng makita na niya akong nakaready.
 "Huh? w-why?" takang tanong ko naman.
 "Hindi ba bawal fitted uniform sa school niyo? tignan mo naman slacks mo oh, baston pa lang batas na." mangha naman niya.
 "Syempre naki-usap ako dun sa admin." natatawang balik ko rito saka ko na siya inagkat umalis.
Yun na nga, naka-angkas siya sa akin, nagkekwento pa ito.
 "Eh ikaw ba? wala kang klase?" tanong ko rito.
 "Kailangan paba yun?" balik naman nito, grabe 'to ah, sabagay mayaman kaya ayos lang na hindi na mag-aral.
Hanggang sa nakarating na kami sakanila, ang laki ng bahay nila, siguro sa lahat ng bahay na magaganda sa street na ito ay ang sakanila ang pinaka-malaki at maganda.
 "Wow ah, bahay pa lang susyal na." pambibiro ko sakanya.
 "Sowsssss!" paggaya niya pa sa akin kung paano ko sabihin ang "sows", lihim naman akong natuwa at kinilig dahil ginaya niya ako.
Relate kayo siguro guys na kapag ginaya kayo ng crush niyo ay matutuwa o kikiligin kayo diba?
 "Good morning Sir, ano po nangyari sa inyo?" bati ng isang guard sakanya ng mapansin siya at ang mga sugat niya.
 "Hi manong, wala po ito. Asan po si mommy?" balik nito, aba mukhang mabait nga talaga dahil mukhang komportable sakanya si manong.
 "Nako sir umalis na po eh, hinahanap nga po kayo kanina." tugon naman nito.
 "Kurl, wala si mommy sayang." inis naman ni Nicollo, pakikilala niya daw kasi ako eh.
 "Okay lang yun, oh paano ba yan at mauuna na ako." pagngiti ko rito.
 "Ge. Maraming salamat sayo Kurl ah? hayaan mo at babawi din ako sayo, sayang 'di kita napakilala kay mama." ngiti nito, medyo nalungkot pa ito sa huli niyang sinabi.
 "No problem, sige una na ako, sa susunod Nicollo mag-iingat kana ha?." seryosong sabi ko rito, saka ko na pinaharurot si baby Tobi.
--
(Nicollo's POV.
 "No problem, sige una na ako, sa susunod Nicollo mag-iingat kana ha?" alam kong seryoso si Kurl sa sinabi niya.
Lihim akong natuwa sa sinabi nito, may mga tao talagang concern sa akin sakabila ng pagiging palaaway at masungit ko.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ako nagsungit sakanya, hindi kasi ako yung taong namanansin o palakaibigan, oo mabait ako lalo na sa mga nagtatrabaho sa bahay pero pagdating sa ibang tao ay hindi ako ganun.
 "Ano kaya yung pangatlong kinatatakutan niya? God,.. Multo,.. and ano kaya yung huli?,.. bakit ang gaan kaagad ng pakiramdam ko sakanya?.. sana hindi ito ang huli nating pagkikita Kurl." napangiti na lamang ako sa aking nasabi habang pinagmamasdan ito palayo.
----
(Kurl's POV.

Pagkadating ko sa skwela ay ang saya ng awra ko, NGITI, yan ang nangingibabaw sa akin ngayon, alam kong wala din akong pag-asa kay Nicollo pero sa ugali palang niya ay ayos na ako.
 "Woy Kurlo ang saya ata ng dating mo ngayon ah? may crush kana ata?" nagulat naman ako sa pag-akbay sa akin ni Martin, patalon niya kasi itong ginawa.
Napatingin naman ako sa suot kong uniform.
 "Ay hindi ko sinasadya, sorry, sorry." saka pa niya inaayos ang aking polo.
 "It's okay." ngiti ko sakanya.
 "Wow sino kaya nagpapasaya sa kaibigan ko?" posturang nag-iisip pa nito.
 "Hi Papa Martin."
 "Papa Heartrob."
 "Martin sasali kaba sa Mr. & Ms Campus?"
 "Panalo kana nun."
sunud-sunod na pagpapapansin ng mga fans nito.
 "Uy kasama pala ni Papa Martin si Kurl oh."
 "Kurl sali karin sa Mr. & Ms. Campus para kayo na lang maglaban ni Papa Martin."
 "Ang hot mo talaga sa uniform mo Papa Kurl."
dagdag pa ng mga ito, talagang dinamay pa ako ah.
 "Ge guys, salamat." pagngiti ni Martin sa mga ito saka naman sila kinilig, ayy mga fans nga naman ni Martin oh.
Tumuloy na kami sa room, talagang hindi maalis sa akin ang goodvibes mula kay Nicollo.
Hanggang sa natapos ang klase at uwian nadin, nakuha pang magpalibre ni Martin at makipagkulitan sa akin.
Pagkauwi ko nang bahay ay naibagsak ko na lang ang aking sarili sa sofa at nagpahinga saglit bago magready at pumasok sa trabaho.
Hindi ko alam kung magkikita pa kami ulit ni Nicollo pero ayos na sa akin yung nagkasama kami at natulungan ko siya.
Si lola ay nasa kusina pala, naglinis nanaman si lola, sinabihan ko naman si lola na hintayin na niya muna ako bago ako tuluyang maka-alis.
Matapos kong mag-ready ay,..
 "Good Afternoon baby Tobi !!" pagbati ko sa aking raider saka ko na ito sinakyan at pinaharurot.
Pagkadating ko naman sa trabaho ay nakita ko kaagad si Paulo, ewan ko ba pero pangiti-ngiti pa ito sa akin, oo gusto ko siya pero baka mamaya topakin nanaman siya diba?
 "Good Afternoon po mga Sir." pagbati ko sa dalawang magkatabi.
 "How are you Kurl?" tanong naman ni Paulo.
 "I'm good,.. ay hindi po pala,.. I'm great,.. ay hindi din po pala,.. I'm very very good." ngiti ko sakanya.
 "Parang ang ganda ata ng araw mo ngayon Kurl? ngayon lang kita nakita na nakangiting pumasok ah?" singit naman ni sir Ken.
 "Nagulat rin po ako sa sarili ko." ngiti ko rito. "Sige po una na ako." saka na ako dumeretso sa loob para mag-ready at masimulan na ang walang kamatayang routine sa trabaho.
Habang abala ako sa pagchecheck ng mga products ay si Nicollo parin ang naiisip ko.
 "Hi Kurl." nagulat naman ako sa aking narinig, kilala ko ang boses nito.
 "Oh Paulo kaw pala." ngiti ko rito, sa totoo lang namiss ko 'tong isang 'to haha.
 "Ay hindi siya." pagtukoy niya sa dumaang costumer, saka naman kami nagpigil ng pagtawa ng mag-react yung dumaan.
 "Pwede kaba mamaya Kurl?" tanong nito.
 "Hindi eh, gabi na masyado." balik ko naman.
 "Sige bukas na lang?" pangungulit pa nito.
 "Sorry may klase ako." balik ko naman.
 "Eh kailan ka pwede?" medyo malungkot pa nitong sabi.
 "Ewan eh, busy all day." balik ko ulit.
 "Ano ba yan, ahmm kailan ba day off mo?" nabuhayaan naman ito sa kanyang naisip na itanong.
 "Sige sa thursday na lang, tuesday naman ngayon eh kaya malapit na tapos,... YUN NA!" posturang ganadong-ganado ko pa na ikinatawa naman nito, mag day-off ako para sakanya, ewan ko ba kung bakit komportable at ang lakas niya sa akin haha.
 "Ge ge, asahan ko yan ah?" pagngiti nito na tinanguan ko naman. "Pasensya na pala kahapon." biglang pagseseryoso naman nito, ramdam ko namang sincere siya sa kanyang sinabi.
 "Wala sakin yun." pagngiti ko rito. "Oh tinatawag ka nun oh dali puntahan mo na, basta sa thursday pramis sige." dagdag ko pa.
Ganito naba ako kadaling makuha? I mean easy to get? o sadyang naghahanap lang talaga ako ng pagmamahal ng isang tao?
Gayun paman na kahit nagkadikit na ang aming mga labi ay alam ko paring walang pag-asa ang maging kami, katulad ni Nicollo ay isang straight din si Paulo, at ako lang naman ang bisexual na patagong umaasa.
(Sa kabilang dako,
Paulo's POV.
 "Seriously? is that how easy he is?" napangisi na lamang si Paulo sa kanyang nasabi patukoy kay Kurl.
 "Bakit kasi hindi mo pa aminin sa akin na gustung-gusto mo siya? Hindi yung ganyan kapa kunwari..." sabi naman ni Ken habang kumakain sila sa isang food court. "Bro, sigurado kabang hindi mo siya gusto? alam natin pareho na attracted ka sakanya, kapag ikaw nagsisi bahala ka." dagdag pa nito.
 "Ewan eh, nung nagdikit yung mga labi namin, as in talagang napatigil ako at natulala sa kanya, aaminin kong nagustuhan ko yun." seryosong balik naman ni Paulo.
 "See? huwag mo siyang paglaruan, nasabi nung lola niya na napakabait ng batang iyan at kaya siguro siya mabait sa atin kahit na nagbabangayan kayo ay normal talaga ang pagkamabait niya." sabi naman ni Ken na halatang pinapangaralan ang kaibigan.
Hindi na lang sumagot si Paulo.
--
(Kurl's POV.
Sa wakas at tapos na ang trabaho kaya ako'y makakauwi na.
Weird pero milagro at wala si sir Ken at si Paulo, sayang hindi ko man lang nakita si Paulo,... at si sir Ken? wala na akong gusto dun haha.
Pagka-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si lola sa loob na naghahanda ng pagkain, iba talaga si lola dahil hindi niya ako pinapabayaan.
 "Oh Kurl bata ka nandyan kana pala, kumain kana dito nang makapagpahinga kana." kaya sinunod ko naman ang sinabi nito, naupo kaagad ako at pinaghain pa ako ni lola.
 "Naka-usap ko pala yung pamilya na tinulungan ng mga magulang mo, nasabi ko na yung tungkol dun sa sinasabi mo at mukhang ayaw ata nila, sabi nung inay nung bata ay hayaan mo na lang daw silang tulungan ka, kahit doon man lang daw ay pagbigyan mo sila." sabi naman ni lola pagka-upo niya sa kaharap kong upuan.
 "No lola, masyado nang nakakahiya sakanila, hayaan niyo po at ako ang kakausap sakanila at tiyak na papayag sila." balik ko kay lola, ang dami na kasi nilang naitulong sa akin eh, kulang na nga lang ampunin na nila ako.
 "Kailan mo ba balak?"
 "Next month lola, nahihiya pa kasi ako, ewan ko ba." natatawang sabi ko rito, sabi naman ni lola na naiintindihan niya kung bakit ako natatawa, pano kasi kung pagsasama-sama ko siguro binigay nilang pera, ayy nako ang dame.
Nagpaalam na si lola at titignan niya daw mga apo niya kung nagsitulog na dahil kung hindi ay gulo-gulo nanaman ang loob ng bahay nila, sinabi ko naman na ayos lang ako at makakatulog ako mag-isa, pero deep inside, grabe what to do? mga multo wag ngayon.!
Nagbasa na lang ako ng stories, kapag ka kasing nagbabasa ako ay talagang napupunta focus ko rito.
Abala naman ako sa pagbabasa ng story sa aking iPod ng biglang may kumatok, sunud-sunod na para bang nagmamadali yung nasa labas.
Ninerbyos naman ako dahil mag-isa lang ako sa loob at parang pumapatay pa ata ang nasa labas, nagdadalawang isip man ay nilapitan ko ang pinto at nakiramdam, wala namang kakaiba kaya pinagbuksan ko na.
Pagkabukas ko naman ay siyang pagtumba ng isang tao papunta sa akin, buti na lang at nasalo ko ito agad, napatingin naman ako kung sino ito at si Nicollo pala.
Agaran ko naman itong dinala sa aking kwarto, kailangan niyang mahiga at magpahinga, mukhang binugbog nanaman siya, tiyak na napa-away nanaman ito, nang maihiga ko ito ay lumabas ako kaagad para kumuha ng panggamot at pampunas sa katawan nito.
Pagkabalik ko naman ay nagulat ako at nakatingin ito sa akin.
 "Oh gising kana agad? what happened Nicollo?" pag-aalala ko rito saka na ako tumabi rito para asikasuhin siya.
 "Napa-away, ayun mag-isa nanaman ako dahil wala kasi mga kasama ko eh at saktong nasa inuman sila at nung papunta ako sakanila ay ayun, eto nanaman." sabi nito, boses pa lang niya ay halatang dinaramdam niya yung mga sugat at pasa niya.
 "Kaw kasi, sa susunod pwede bang mag-ingat ka naman?.. puro away kasi." medyo inis kong sabi rito, naawa talaga ako sa itsura niya ngayon, ang hilig magpabugbog, nako sayang kutis at kagwapuhan niya whaha.
 "Concern kaba o ayaw mo lang na nandito nanaman ako sa bahay mo ngayon." seryosong sabi naman nito.
 "Kung ayaw kitang nandito edi sana hindi na kita tinulungan nung una pa lang diba? edi sana tinapon pa kita kanina." tugon ko naman ng nakasimangot, ngayon ay pinupunas ko naman mga braso niya.
 "Eh nakasimangot ka kaya." parang bata naman nitong sabi.
 "Ewan ko sayo." balik ko, hanggang sa wala nang nagsalita sa amin at inasikaso ko na lang ito.
Nang matapos ko na ang mga braso at kamay nito ay katawan naman niya pero,..
 "Oh ikaw na, hubarin mo tshirt mo saka mo punasan katawan mo." pag-abot ko ng bimpo rito matapos itong banlawin.
 "Pwedeng ikaw na lang? sakit kasi talaga ng katawan ko eh, pramis." posturang nahihirapan pa nito, sinabayan pa niya ng pag-ungol nung sinusubukan niyang tumayo, talagang papansin pa eh.
Kaya naman tinulungan ko siyang hubarin ang kanyang damit, naitaas palang ng konti yung tshirt niya ay nakikita ko na yung abs niya, napa-isip naman ako saglit.
 "Sino kaya mas maganda ang katawan?.. si Paulo ba o siya?.. ah etong kay Nicollo." nasabi ko na lamang ng tuluyan nang naalis ang suot niyang tshirt, saglit akong napatigil.
 "What?" kuno't noo naman ni Nicollo.
 "Punasan mo katawan mo." nasabi ko na lamang saka ko hinagis yung binanlawang kong bimpo sa katawan niya, inis pa ako kunwari kaya naman siya na nga nagpunas sa katawan niya.
Lumabas ako saglit para kumuha ng tubig, kumuha nadin ako ng gamot, alaxan hehe, pampaalis daw ng sakit ng katawan yun sabi ni lola dati eh.
Pagkabalik ko naman ay napatigil ako sa pintuan, nakita kong nahihirapan ito dahil nga sa sakit ng katawan niya, nakikita ko rin sa ekspresyon ng mukha niya, naawa naman ako, hayyyyy Nicollo talaga oh.
 "Amina nga." inis kong sabi rito saka ko kinuha yung bimpo sakanya at ako na ang nagpunas, ngumiti naman ito saka na lang nag-ayos ng higa, pinainom ko yung gamot, pagkatapos ay pumikit na ito.
 "Pagkatapos kitang asikasuhin ay ibibili kita ng pagkain, para bago ka matulog ay may laman yang tiyan mo." nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ko siyang nakapikit, mga mata niya ang pinakagusto ko sakanya.
 "Baka magkapalit tayo niyan ng mata Kurl." biglang sabi naman nito saka siya ngumiti, nahiya naman ako dahil sa nakikita niya pala akong nakatitig sa mata niya.
 "Sowsss." nasabi ko na lang.
 "Gusto mo ba 'tong mga mapupungay kong mata? sige sayo na lang." pagngiti pa nito,.. hindi ko tuloy alam ang gagawin, nahihiya kasi ako sa mga sinabi niya.
Inasikaso ko na ang kanyang katawan, halos mapalunok naman ako nang dibdib nito ang inuna ko, sunod naman ang abs nito, mas lalo naman akong na-conscious nang abs na niya ang pinupunasan ko, naka-aircon kami pero nakuha ko pang pinagpawisan sa mukha, ahhh Nicollo umuwi kana nga.!
Nang sa wakas ay natapos ko rin ang makapigil hiningang pagaasikaso sa katawan nito ay lumabas ako saglit ng kwarto para banlawin ang bimpo at mukha naman nito ang aasikasuhin ko.
Nang makabalik ako ay pinagmasdan ko muna ito bago ako tuluyang pumasok, bakit kaya nahilig ito sa away? at talagang hindi natatakot mamatay? napangiti naman ako ng mapagmasdan ko ang mukha nito, gwapo talaga ng mga Chinito.
---
Kinaumagan ay nauna ulit akong magising sakanya, inalarm ko kasi ang phone ko at kapag magba-vibrate pa lang ay talagang nagigising na kaagad diwa ko.
Nagluto ako ng almusal, si lola naman ay tinulungan ako at sinabi kong may bisita ako na ikinatuwa nanaman niya at milagro talaga daw.
Sinabihan ko si lola na sumabay siya sa amin nguni't tumanggi ito dahil sa sasamahan niya daw ang isa niyang apo sa school, sayang at hindi niya makikita si Nicollo.
Pagka-alis ni lola ay pumunta na ako sa aking kwarto para gisingin si Nicollo, ayaw ko kasi siyang umuwi mag-isa, baka mamaya ay balikan pa siya kaya mas mabuting ihatid ko siya kesa umuwi siyang mag-isa.
Pagkapasok ko sa kwarto ay lihim naman akong natawa sa pwesto nito, yakap-yakap niya kasi yung paborito kong unan, nung unang beses kasi siyang matulog dito ay pilit niya itong hinihiram sinabi ko naman na hindi ako makakatulog nang hindi ko ito kayakap.
Oo wala lang yun para sa iba, pero para sa akin ay isang napakasayang bagay na ito, kayakap kasi ng taong gusto mo yung paborito mong unan kung saan ikaw at ikaw lang ang gumagamit.
 "Gising na po mahal na prinsipe." mahinang sabi ko pagkalapit ko, no effect kaya naman,..
 "Mahal na prinsipe gising na po!" malakas kong sabi na ikinagising niya, napatingin naman ito sa akin saka siya ngumiti na ikinangiti ko rin, lihim akong kinilig sa eksena naming yun, ang mga chinito talaga iba.
  "Good morning Kurl." ngiti nito na talagang kaakit-akit.
 "Good morning mahal na prinsipe, bumaba na po kayo nang makakain na tayo." saka ko ito binatuhan ng unan at lumabas na ako, rinig ko namang sumunod na ito, napakasarap sa pakiramdam na ayos na ulit siya at ako nanaman ang tumulong sakanya.
Matapos naming kumain ay naligo na ako at naghintay ulit ito sa sala, naaalala ko pa kagabi na napakakulit nito habang namimili ng hihiraming damit sa akin.
Pagkatapos kong magbihis ay pinuntahan ko kaagad ito,...
 "Let's go, dahan-dahan ka lang ha?" magiliw kong sabi rito pagkalabas ko ng kwarto.
 "Ge." ngiti naman nito saka na kami lumabas, agad naman akong pumunta sa aking motor.
 "Baby Tobi may isasakay nanaman tayo, pakatibay ka ha?" parang bata kong sabi sa aking motor, hehe.
 "Wow ganda naman ng pangalan baby Tobi." ooops narinig pala ako ni Nicollo.
 "Syempre, oh tara na." saka na kami sumakay at pinaharurot ko na ang aking motor.
Mga ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay nila, napaka-laki at napakaganda talaga, sinong mag-aakala na ang may-ari nito ay isang pala-away at walang kinakatakutan.
 "Ge, una na ako ha." sabi ko rito pagkababa niya, pahaharurutin ko na sana ang aking motor ng magsalita ito.
 "Wait." pagpigil nito sa akin saka lumapit sa guard at kinausap ito, natawa naman ako ng makita ko ang kamay nito na nakasensyas na saglit lang habang nakatalikod mula sa akin at kausap yung guard nila.
 "Ahh wala nanaman si mama, adik kasi sa trabaho yun eh, nga pala papasok ako mamaya sa school sana magkita tayo." sabi naman nito pagkalapit sa akin.
 "Magka-pareho ba tayo ng school." natatawang sabi ko rito. "At akala ko ba hindi ka nag-aaral?"
 "Nag-aaral pero sa tuwing gusto ko lang pumasok and yes pareho tayo ng school,.. I.D mo palang alam na." pagmamalaki pa talaga nito. "Pero maraming salamat Kurl ha? laki na ng utang na loob ko sa iyo." ngiti naman nito.
 "Well, sana sa susunod ay hindi kana kakatok sa bahay ko, hindi dahil sa ayaw kitang papasukin kundi dahil sa ayaw na kitang makitang bugbog sarado nanaman, concern kasi ako sa napakagandang kutis mo pero ikaw naman hinahayaan lang masugatan yan." ngiti ko rito saka ko tinaas ang aking isang kamay tanda nang pagpapa-alam at pinaharurot ko na si baby Tobi, nakita kong napatigil pa ito.
Pagkarating ko nang skwela ay kinausap ko kaagad si Martin ng maka-upo ako sa tabi nito.
 "Ahm Martin?" pagpansin ko rito, abala itong nagtetext, siguro katext niya gf niya.
 "Oh Kurl kaw pala, bakit?" tanong naman nito, pero nakatingin parin ito sa kanyang phone.
 "Sige mamaya na lang, mukhang busy ang kaibigan ko eh." kunwaring pagtatampo ko rito.
 "Suss hindi na nagbago kaibigan ko, oh eto na oh,.. bakit baby Kurl." saka naman nito ibinulsa ang kanyang phone saka humarap sa akin.
 "Gusto ko sana magpagupit kaso hindi ko alam kung anong bagay sa akin, haba na ng buhok ko eh." sabi ko naman rito, para naman new look diba.
 "So gusto mo ako pa mag-isip para sayo?" sabi naman nito.
 "Ayaw mo naman ata eh, ge wag na." inis ko kunwari saka ako tatayo at aalis kunwari.
 "Eto naman, binibiro ka lang, ikaw kasi namiss kita eh." natatawang sabi nito nang pigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko, alam ko na itong kaibigan ko eh, alam ko na hindi niya ako matitiis.
 "So ano nga sa tingin mo." natatawang sabi ko rin rito, aaminin ko na namiss ko rin siya.
 "Sabi ko namiss kita tapos ikaw walang sasabihin?" inis naman nito, natawa naman ako.
 "Kahit hindi ko na sabihin ehh,.. pero sige namiss din naman kita." balik ko pa rito, hayy nako si Martin talaga oh.
 "Napilitan ka lang eh, pero sige punta tayo mall mamaya, mamili narin tayo ng pamorma mo, ang baduy baduy mo kasi." saka naman nito hinawakan ang buhok ko at posturang nandidiri pa talaga.
 "Sige, ayusin mo ah? at sayo ko ipagkakatiwala ang sarili ko." ngiti ko rito.
Makalipas ang ilang oras ay yun na nga, napagpasyahan ko na rin na hindi pumasok sa trabaho, para talagang makalibot pa kami ni Martin na gustong-gusto naman niya.
 "Yan ang gusto ko, ge absent ka muna sa work at tayo'y gagala." ngiti nito kaya naman tuluyan na kaming bumaba sa kanya-kanyang motor namin.
Bago kami umalis ay inihatid pa namin ang girlfriend niya, panatag talaga ako para sakanya dahil sa napaka-bait ng girlfriend niya.
Tumuloy kami sa isang hairstyle shop, dito daw kasi siya nagpapa-ayos ng buhok kaya dito niya ako dinala.
 "Ahm Push Back pre, yung maayos at malinis na paggugupit ah." sabi naman nito sa manggugupit habang ako naman naka-upo lang kung saan ako gugupitin at talagang ninenerbyos ako sa magiging kalalabasan ng itsura ko.
 "Ge sir, parang hindi naman ako ang nanggugupit sa inyo at makapagsalita ka ng ganyan." natatawang sabi naman ng lalaking nanggugupit.
 "Alam mo naman ako, laging sure. At dapat ayusin mo talaga dahil yang gugupitin mo ay sira ulo kapag nagalit." natatawang sabi naman ni Martin, talagang dinamay pa ako.
Hanggang sa sinimulan na nga, kung anu-ano pa pinaggagawa sa buhok ko bago ako sinimulang gupitan, pumikit na lang ako, gusto ko kasi na makita ang kalalabasan kapag tapos na.
Medyo matagal dahil sa talagang pinaka-ayos ito, minsan sisilip ako kay Martin at talagang nagbabantay pa ito, at pilit kong hindi tinitignan ang buhok ko.
Ilang sandali pa ay,..
 "Oh ayan sir Martin ayos na, eto pinakamagandang gawa ko, favorite ko kasi ang paggawa ng PushBack hairstyle eh." sabi naman ng nanggugupit.
 "Oh Kurl,. you can now open your eyes." sabi ni Martin, kaya dahan-dahan ko nang iminulat ang akin mga mata, hanggang sa,..
Napangiti naman ako, sa totoo ay napakaganda ng bagong hairstyle ko, bagay na bagay sa akin, nahihiya tuloy ako at ewan ko kung bakit.
 "Gwapo mo lalo noh?" ngiti rin naman ni Martin.
 "Tumigil ka nga, nahihiya tuloy ako." saka ko pinipigilan ang ngumiti, mas nahiya naman ako sa sinabi nito.
 "Wow naman nahihiya ang kaibigan ko, oh pre maraming salamat at naging maayos ang kinalabasan ng ginawa mo sa buhok niya." sabi naman ni Martin saka na siya nagbayad at kami'y umalis na para mamili.
Saka na kami pumunta sa iba't-ibang signatured na damit para mamili ng mga pamorma, huling pinuntahan namin ay Converse para bumili ng shoes, Converse kasi ang pinaka-paborito kong shoe brand.
Pumunta naman kami sa kainan, frenchfries ang aming tinira, siguro apat na large size ang aming pinaghahatian.
 "Baka naman malusaw buhok ko niyan?" pagpansin ko rito, kanina niya pa kasi tinitignan buhok ko eh.
 "Ganda kasi eh, bagay na bagay mo talaga." balik naman nito.
 "Sowsss Martino, yan ka nanaman." isnab ko rito. "Anyway, thanks sa pagsama sa akin, thanks a lot." dagdag ko pa.
 "Sowsss din Kurlo, parang hindi tayo magkaibigan eh noh. Tara na nga uwi na tayo, alam ko pagod kana eh." ngiti naman nito.
 "Huwag mo ngang gayahin yung SOWSSS ko." balik ko rito, si Nicollo lang pwede haha.
 "Arte ah. Sige,.. ganyanan sige." pagtatampo naman nito na lihim kong ikinatuwa, hayy namiss ko talaga si Martin, nagtampo nga ito kaya naman sinuyo ko pa ito bago kami tuluyang maka-uwi.
Pagkauwi ko naman ng bahay ay inilapag ko lang ang aming mga pinamili saka ako nahiga sa sofa saka pumikit at nag-isip isip ng kung anu-ano.
- lumipas ang halos tatlong oras,..
Nagising na lang ako sa lakas ng kulog sa labas, pagkamulat palang ng mata ko ay napabalikwas na ako kaagad,..
 "Nakatulog pala ako." nasabi ko na lamang, nagulat naman ako sa sobrang lakas ng kulog.
Pagkatapos kong maghilamos ay may nagtext,..
 "Hi Kurl?  bkit hndi ka pumasok? nagkasakit kba?" text ni Paulo, napangiti naman ako.
 "Hi :)) may inasikaso lang, sensya na kung hindi ako pumasok." reply ko rito.
 "Ah akala ko may sakit ka, okay lang yun :)) nsan ka nyan?"
 "Sa bahay lang, ikaw ba?"
 "Punta ako dyan okay lang ba? wala din akong ginagawa eh."
 "Wala ka ata sa tambayan mo? xD" napangiti naman ako sa aking reply, tambayan niya naman kasi talaga yung napakalaking grocery store eh.
 "Yah, kauuwi ko lang,. nkka inip ksi dto sa bahay eh kaya gusto ko sna pmunta sayo, pde ba?" napangiti naman ako sa reply niya, ang bait talaga ni Paulo noh?
 "Ge ge okay lang, anung oras ka naman dadating?"
 "Mayamaya lang, maliligo lng ako tpos pnta na ako dyan, wait moko ha?"
 "Sige, oh dalian mo na." saka naman ako napabalikwas mula sa pagkaka-upo, pinaka-ayos ko yung sofa kahit na maayos na, nakuha ko pang magwalis, inayos ko rin pagkakahilera ng mga sapatos ko, nakuha ko ring ayusin ang kusina kahit na nalinis narin ito ni lola, hindi ko na inayos yung kwarto ko,.. alam niyo ahmm,.. kasi,.. may ayaw akong maulit na mangyari.
Na-upo ako ulit sa sofa at nagbasa na muna, siguro halos mag-lilimang minuto pa lang akong nagbabasa nang biglaang bumuhos ang napakalakas na ulan, sobrang lakas talaga, ninerbyos tuloy ako.
Hindi ko pansin yung takot o multo kasi iba yung iniisip ko, pero nung biglang umulan ng napakalakas ay bigla akong natakot,.. para bang mag-isa lang ako which is totoo na talagang mag-isa lang ako sa loob.
 "Asan si lola?" nasabi ko na lamang, kailangan ko ng kasama para mawala takot ko.
Pagkatayo ko ay siya namang sunud-sunod na pagkatok, napatigil naman ako,.. dati may balita na may kakatok na kulto tapos bigla biglang papatayin yung taong pagbubuksan sila.
 "Kurl nandyan kaba?" rinig kong tanong nito, napa-HAAAAA naman ako, si Paulo pala na talagang ikinatuwa ko, agad ko itong pinagbuksan.
 "Hi Kurl." ngiti nito. "Oh ba't pinagpapawisan ka?" pag-aalala naman nito, wala naman akong maisagot.
 "Ahh, lam ko na." biglang ngiti nito.
 "What?" naguguluhan kong tanong rito, umiiling-iling lang ito habang nagpipigil ng pagtawa. "Tara pasok." nasabi ko na lamang, lakas talaga mangtrip nito.
 "I brought some foods, alam mo na,.. we can eat this habang nagkekwentuhan." pagmamalaki nito saka niya pinakita ang daladala niya, grabe siguro limang large frenchfries iyon saka dalawang coke float.
 "Hindi ka naman gutom noh?" natatawang tanong ko rito.
 "Hindi." sarcastic namang balik nito at talagang inisnaban niya pa ako na ikinatawa ko naman.
 "Osige maupo kana at kukuha lang ako ng flat na lalagyan para mas cool." natatawang sabi ko rito saka na ako naglakad papunta sa kusina.
 "Lakas ng ulan,.. nabasa tuloy ako." rinig ko pang reklamo nito.
Pagkabalik ko naman ay halos mapatitig ako sakanya, hinubad na pala nito ang suot niyang shirt, bale naka walking-shorts na lang siya.
 "Ba't mo inalis 'tong shirt mo." pagtukoy ko sa shirt nitong nakapatong lang sa may sandalan ng sofa.
 "Nabasa nga ako." inis pang sabi nito, aba may topak.
 "Nagagalit ka? tara na nga kain na tayo." saka ko na inilapag sa may harapan niya yung dala kong flat na lalagyan, alam niyo itsura nung lalagyan guys pramis.
 "Dito lang tayo sa sala? ayaw mo bang dun sa kwarto mo?" biglang pagtatanong naman nito.
 "Hindi naman, ayos na tayo dito." simpleng sagot ko, ayoko dun sa kwarto ko at baka magkiss nanaman kami bigla, hahaha.
 "Para sana may aircon." mahinang sabi naman nito, alam kong hindi niya ipinaparinig sa akin pero narinig ko padin.
 "Sige dun ka sa kotse mo,.. mag aircon ka doon. Arte mo may electric fan na nga eh tsaka ang lamig-lamig na oh,.. hindi mo ba naririnig ang lakas ng ulan." pagbibigay diin ko pa sa mga sinabi ko, mukhang magbabangayan nanaman kami ni Paulo.
 "Sama mo, ganyan ka siguro sa mga bisita mo noh?" pagbibigay diin din nito sa mga sinabi niya.
Medyo natamaan ako sa sinabi niya, sa totoo kasi ay wala akong nagiging bisita dito sa bahay, siguro siya at si Nicollo palang, sila lola at Martin naman ay itinuturing ko nang pamilya.
 "Kumain kana nga dyan." nasabi ko na lamang.
Kaya naman kumain na nga kami, tahimik lang,.. binisita kami ni Awkward Silence, walang kibuan, maya maya ay,..
 "May nasabi ba akong masama?" mahinang sabi nito na para bang may nagawa nga siyang masama.
 "Sa totoo lang wala akong nagiging bisita dito sa bahay, ikaw pa lang pati yung isa kong kaibigan." tugon ko naman, patukoy ko rin kay Nicollo.
 "Ganun ba? salamat naman at naging isa ako sa mga bisita mo, mukhang mag-isa ka lang talaga ah? hindi naman sa nakikialam ako pero may pamilya kapa ba?" seryoso namang sabi nito, alam kong gusto niyang makinig kaya naman,..
 "Wala na sila mama at papa ko, siguro walong taon ako noong iniwan nila,. akala ko wala nang mangyayari sa akin pagkatapos nun pero hindi pala dahil may mga taong tumulong at hindi ako pinabayaan." mahina kong sabi, hindi ko na napigilan ang mapaluha kaya naman agad ko na lang ito pinunasan sa panyo ko.
 "Sorry kung nai-open ko yun, salamat naman dahil may tumulong at nag-alaga sayo." mahinang sabi din nito, sa topic namin ay hindi ko na naiwasan ang tuluyang mapa-iyak, tinakpan ko na lang ang mga mata ko sa hawak kong panyo.
Naramdaman ko namang lumapit si Paulo sa akin, nang magkatabi na kami ay niyakap niya ako, ipinwesto niya ang ulo ko sa may dibdib niya.
 "Tahan na Kurl, basta kapag kailangan mo ng kasama o kausap nandito lang ako palagi ha?" alam kong sincere naman ito sa kanyang mga sinabi kaya naman biglang napanatag ang pakiramdam ko, siguro mga limang minuto kaming ganun ang pwesto, hinahaplos-haplos niya lang ang likod ko.
Umayos na ako ng upo at kinalma ko ang aking sarili, nakakahiya at umiyak pa ako.
 "Salamat Paulo ah? pero kaya kaba pumunta dito ay para paiyakin ako?" natatawang sabi ko rito, napangiti naman siya.
 "Hindi ah! ayan ngiti pa para naman hindi ka lalong pumangit." pagbibiro naman niya.
 "Sobra ka naman, bakit pangit ba ako?" posturang nag-iisip naman ako kunwari. "Ah oo pangit nga ako, wala kasing nagkakagusto sa akin kaya ayan single parin." ngiti ko rito.
 "Wow naman mayabang ka ah,.. anyway gusto mo yan eh." pagtawa naman nito na ikinatawa ko rin.
Hanggang sa nagkwentuhan nga kami ng kung anu-ano. Pabiro pala itong si Paulo at halos nahihiya na ako sakanya dahil sa bawat jokes niya ay natatawa ako.
Nagpaalam itong magcCR saglit kaya naman pagkaalis nito ay naisipan kong itext si Nicollo.
 "Woy Nicollo! kamusta na?" isesend ko na sana ng maalala kong wala pala akong number niya, kinuha niya number ko pero hindi ko natanong yung sakanya, ahhh kainis.
 "Oh ba't nakasimangot ka dyan?" rinig kong sabi ni Paulo, bilis naman niya.
 "Wala." walang gana kong sabi.
Inabot na kami ng gabi sa kadaldalan naming dalawa.
 "Ba't gamit mo panyo ko?" sabi naman nito, tinignan ko naman ang gamit kong panyo, eto nga pala yung pinahiram niya sa akin noong pinagpawisan ako dahil sa multo, nung nasa parkingan kami.
 "Edi wag." inis kong sabi saka ko ito tinapon sa may lamesa.
 "Aba talagang,.. tignan mo 'to, nagtatanong lang ako tapos itatapon mo." gulat nito saka niya agad kinuha yung panyo.
Agad ko naman itong inagaw sakanya. Mas lalo naman itong naguluhan.
 "Ginagamit ko pa." inis kong sabi.
 "Eh ba't mo tinapon?" inis rin nito.
 "Bakit sinabi ko bang pulutin mo?" mas inis ko rito.
 "Eh tinapon mo nga diba." mas inis rin nito.
Pareho kaming ayaw magpatalo, kung siya talagang ayaw syempre mas ayaw ko rin.
 "Bakit mo naman pinulot?" normal kong sabi, yung bang walang ekspresyon, nakita ko namang nabura inis nito.
 "Binibiro lang naman kasi kita eh, nagalit ka naman." mahinang sabi naman nito, lihim akong natuwa sakanya.
 "Ikaw kasi." sabi ko naman.
 "Oo ako na, wag mo na akong awayin." balik nito, napatitig naman ako kay Paulo.
Napansin kong medyo inaantok na ito kaya naman tinanong ko siya kung gusto niya bang matulog dito, agad namang tumango ito. Sa sofa na lang daw siya, sabi ko may isa pang kwarto at pwede naman siya doon pero tumanggi siya at okay na daw siya sa sofa, nakaka-komportable naman daw itong higaan dahil sa malaki rin naman daw kaya wala na akong nagawa.
Nagpaalam lang ako saglit na may pupuntahan lang sa labas at babalik ako kaagad.
Pinuntahan ko saglit si lola at sinabi kong may bisita ako kaya hindi na ako pababantay, natuwa naman ito dahil sa may bisita nanaman daw ako.
Mga sampung minuto ang itinagal ko kila lola dahil sa nagstay pa ako saglit.
Pagkabalik ko naman sa bahay ay nakita kong nakapikit na si Paulo at nakayakap sa binigay kong unan, dahil sa lakas ng ulan ay talagang napakalamig, kaya ipinagkuha ko na rin ito ng kumot.
Dalawang kumot at tatlong unan na dinala ko dahil gusto ko munang maupo sa baba at magbasa, si Paulo ay tulog na at ako naman ay nakaupo sa baba katabi niya, bale siya nakahiga sa sofa paharap sa akin habang nakapalupot sa yakap-yakap niyang unan at ako naman ay naka-upo sa baba katabi ng hinihigaan niya at magkalapit lang kami ng sobra, isinandal ko ang aking ulo sa kanyang yakap na unan, bale parang mag-on kami, napipicture niyo ba guys??
Naisipan ko kasi na magbasa-basa na muna dahil hindi pa ako inaantok, at naisipan ko na tabihan na muna si Paulo.
Ilang minuto lang ay natapos na ako, mag-12am na pala at kailangan ko nang matulog.
Naisip ko na kung pupunta pa ako sa kwarto ay tiyak na hindi ako makakatulog dahil nga sa alam niyo na kaya napagpasyahan ko na manatili na lang sa ganitong pwesto.
---
Kinabukasan,..
(Nicollo's POV.
 "Mommy kamusta na pala yung tinutulungan natin, nasabi ni lola Zen na may balak na po daw tayong kausapin nung bata next month ah." sabi ko kay mommy ko habang kumakain kami ng almusal, 6am in the morning.
 "Ayun pinapatigil na tayong magpadala ng pera sakanya at nahihiya na yung bata, sabi ni lola ay next month nga daw kaya naman pinaghahandaan ko na." magiliw na sabi naman ni mommy.
 "Ilang taon na po ba yung bata mommy?"
sabi kasi sa akin ni mommy na ang mga magulang ng batang yun ang nagligtas sa akin noong nasunog yung dati naming bahay, nailigtas daw ako nung mag-asawa pero sa kasawiang palad ay namatay ang mag-asawa at ang anak na lang nila ang naiwan.
 "19 years old na siya, sabi ni lola Zen na kasing tangkad mo lang daw yung bata."
 "What? 19 po? lagi ko pamo sinasabing bata eh mas matanda pala siya sa akin ng isang taon." gulat kong sabi, 19 na pala yung lalaking iyon, ano kayang itsura nun?
 "Mommy anong pangalan niya?" pahabol ko pa.
 "Ian Kurl Santiago." sagot naman ni mommy. "Buti at nagka-interes ka bigla?" dagdag pa nito.
Saglit naman akong napatigil, Kurl? hindi naman siguro si Kurl na tumulong sa akin nung minsan yun diba?
 "Anak bakit? kilala mo ba?"
 "May tumulong po kasi sa akin nung napa-away ako, si Kurl,..  baka siya po yung tinutukoy mo? tapos may lola din siyang binabanggit mom, baka siya nga yun?" balik ko naman, nagulat naman si mommy at napa-isip.
 "Really? hindi ko na kasi nakikita yun at sa tuwing dadaanan ko yung bahay niya ay laging nasa loob siya,.. how is he? mabait ba?" napatigil naman si mommy, siguro iniisip niya kung yun nga.
 "He's so nice, twice na niya akong tinulungan, pinatulog niya pa nga po ako sa bahay niya nung hindi ko kayang umuwi eh, napaka-bait niya po mommy sobra." pagmamalaki ko pa.
 "Wait,.. dapat po malaman ko kung siya nga, may klase yun ngayon kaya tiyak gising na yun, puntahan ko nadin po si lola Zen para mas sure." dagdag ko pa at agad na nga akong tumayo.
 "Teka anak, hindi pa yun handa at baka,..""
"I got this mommy, trust me." paninigurado ko pa, kaya naman wala nang nagawa si mommy dahil sa umalis na ako agad-agad.
Nagpahatid na lang ako sa driver, kay lola Zen na ako dederetso, siguro 2nd time ko na sa bahay ni lola niyan.
Makalipas ang ilang minuto,..
 "Lola Zen?" pagtawag ko kay lola, sana gising na siya.
 "Bakit?... o-oh sir Nicollo ikaw pala, tara sa loob." gulat ni lola, nasa may garden pala siya at nagdidilig.
 "Thanks lola, may itatanong lang po sana ako."
 "Ano yun sir Nicollo?" tanong ni lola, medyo lumapit naman ako.
 "Lola yung tinutulungan po namin ni mommy na bata,. by any chance si Ian Kurl po ba yun?.. yung nasa kabilang bahay lang po." mahinang sabi ko saka pagturo sa left side which is yung bahay ni Kurl.
Napatigil naman si lola sa tanong ko saka siya tumingin sa bahay ni Kurl.
 "Paano niyo nalaman sir?" hindi makapaniwalang tanong ni lola. "Diba si mommy mo lang ang may alam na dito nakatira si Kurl? napag-usapan niyo naba sir Nicollo?" dagdag pa nito.
 "Naging kaibigan ko po siya, siya po yung tumulong noong nabugbog ako." pagmamalaki ko kay lola.
 "Ngayon mo lang ba nalaman sir?"
 "Opo lola, pwede po bang pasama sa bahay niya? puntahan ko lang po siya, don't worry hindi po ako papakilala as yung pamilyang tinulungan ng mga magulang niya." seryosong sabi ko naman kay lola.
 "Sigurado ka sir ah? huwag kang maingay, at yung alaga kong yun ay medyo hindi pa handa kaya huwag kana muna magpakilala." at tinanguan ko lang si lola, kaya naman sinamahan na niya nga ako.
Alam kong nagdadalawang-isip pa si lola, sabi niya kasi na iba yung alaga niya, kapag ayaw ay ayaw talaga pero sinabi ko naman na ako ang bahala.
Edi siya nga, malaki ang utang ko kay Kurl at sa mga magulang niya, kung hindi dahil sa kanya ay malamang wala na ako.
Napangiti na lamang ako sa aking naisip, haha si Kurl pala iyon, mabait naman pala talaga siya eh, mukhang masungit at suplado nga lang talaga.
May napansin naman akong kotse sa harap ng bahay ni Kurl, sino kayang tao na walang alam ang magpapark sa harap ng bahay ni Kurl, napakabastos naman.
 "Kurl apo nandyan kapaba?" sunud-sunod na pagkatok ni lola, ewan ko pero bigla akong ninerbyos.
 "Oh hindi pala naka-lock ang pinto, siguradong gising na yun at naliligo na." ngiti naman ni lola kaya binuksan na niya ang pinto at pumasok na kami.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay nakita ko na agad si Kurl na natutulog.
Napatigil naman ako sa aking nakita, may kasamang lalaki si Kurl at natutulog ang lalaki sa sofa habang si Kurl naman ay naka-unan sa dibdib ng lalaki, naka-akbay naman yung lalaki sa balikat ni Kurl,. hindi ko makilala ang lalaking kasama niya dahil medyo malayo pa kami ni lola mula sakanila, malamang matalik niyang kaibigan ito.
 "Ay may kasama nga pala ang apo ko." sabi ni lola ng mapansin niya si Kurl, inagkat naman niya akong lumabas at hayaan na muna daw naming matulog ang dalawa.
 "Sino po yung kasama niya?" tanong ko naman kay lola ng tuluyan na kaming makalabas.
 "Hindi ko rin alam eh, pero sinabi niya kagabi na may bisita siya at baka hindi siya makapasok ngayon dahil sa bisita niya. Natutuwa nga ako dahil sa may bisita na yang alaga ko, at talagang kaya niyang mag-absent sa skwela para sa bisita niya,.. yang alaga ko kasi ay hindi nag-aabsent." mahabang sagot naman ni lola.
 "Ganun po ba kaya ka-importante yung bisita niya para hindi siya pumasok sa klase niya ngayon?" tanong ko pa, ewan ko ba kung bakit ako nakekelam, parang gusto ko lang magtanong siguro.
 "Siguro,.. ang saya-saya niya kagabi habang sinasabi niyang may bisita siya eh, siguro matalik niyang kaibigan yan,.. unang pagkakataon palang nagpatulog sa bahay niya yang alaga ko." pagmamalaki pa ni lola, ewan ko pero parang nainggit ako sa bisita niya, nung natulog kasi ako sa bahay niya ay hindi man lang niya ata pinaalam kay lola.
 "Ahm lola sige po mauna na ako, baka po kasi hinahanap na ako ni mommy, maraming salamat po lola." pilit na pagngiti ko kay lola, pakiramdam ko ay parang nawalang gana ako.
 "Oh sige salamat din, ikamusta mo na lang ako sa nanay mo sir Nicollo, mag-iingat kayo." tugon naman ni lola, kaya't nagsimula na akong maglakad.
Pinauwi ko na yung driver namin kanina pagkahatid sa akin, akala ko kasi ihahatid ako ni Kurl gaya ng dati pero hindi pala dahil sa may bisita nga siya, hayy ewan.
---
(Paulo's POV.
Nagising na lang ako nang may maramdaman ako banda sa aking dibdib, nakita ko naman si Kurl na naka-unan pala sa dibdib ko, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero napakasaya ko dahil sa ang sweet naming tignan ngayon.
Hinaplos-haplos ko ang likuran nito, ang sarap talaga sa pakiramdam na si Kurl ay natutulog at naka-unan sa aking dibdib.
Gumalaw naman ito, nagising na pala,.. napatingin naman sa akin ito at nagulat ng mapansing naka-unan pala siya sa dibdib ko,.. nginitian ko lang siya.
 "P-pasenya na Paulo." biglang sabi nito, alam kong nahihiya siya kaya naman iniba ko kaagad ang usapan.
 "Saan kasi ang banyo mo rito? maghilamos lang ako at nang makakain na tayo." masayang sabi ko naman sakanya, hayy ang sarap talagang titigan ni Kurl, dapat hindi siya agad nagising para mas matagal ko siyang mapagmasdan.
Hanggang sa yun na nga, matapos kumain ay nagkulitan pa kami, inagkat niya akong lumibot at sa park daw kami pupunta.
Napag-usapan rin kasi namin yung sinabi ko sakanya nung tuesday kung kailan siya pwede at ngayon pala yung araw na lalabas kami kaya naman,..
 "Grabe ang lamig talaga ngayon, tara sa park mas masaya." magiliw nitong sabi ng makalabas na kami ng bahay niya, sinabi kong maglakad na lang kami para mas masaya, natutuwa talaga ako kay Kurl.
Pagkarating namin sa park ay parang naging bata kami nang makita namin ang mga palaruan, nahihiya man kami sa mga bata ay nakisali nadin kami, sa slide, sa duyan, sa monkey bar at kung saan-saan pa.
Kumain din kami sa mga street vendor, fish ball, buko, ice cream, tapos maya-maya naman ay siomai at siopao at napakasarap na gulaman. Iba talaga kapag kasama ko 'tong si Kurl, alam kong gusto ko na siya pero hindi ko lang maamin sa sarili ko, hindi ko kasi matanggap na isa akong bisexual, si Kurl palang ang lalaking nagustuhan ko eh.
 "Hayyy kakapagod!" Biglang sabi naman ni Kurl nang maupo kami sa ilalim ng isang puno.
 "Enjoy naman diba? teka wala kabang klase?" nga pala, nag-aaral ito sa umaga eh.
 "Sobrang enjoy,.. meron pero I decided na mag-absent na muna, ngayon lang naman at hindi na mauulit." natatawang sabi nito, siguro nag-absent siya para sa akin, nakakatuwa naman yun.
---
(Kurl's POV.
6pm.
 "Wooh!" nasabi ko na lamang pagkapasok ko ng bahay, kakapagod lumibot, ang kulit pala ni Paulo kaya naman talagang nag-enjoy kaming dalawa.
 "Nandyan kana pala Kurl apo." nagulat naman ako kay lola, nasa loob pala at naghahanda ng makakain.
 "Opo lola, la ano po bang pagkain yan? nagugutom na po kasi ako eh." balik ko naman.
 "Adobong manok, nga pala Kurl, may naghahanap sayo kanina at dalawang beses ng bumalik." napaisip naman ako sa sinabi ni lola, si Martin kaya?
 "Sino po lola?"
 "Nicollo daw yung pangalan, kaninang umaga at kani-kanina lang ay hinanap ka ulit, siguro sampung minuto palang ang nakakalipas." sagot ni lola, napabalikwas naman ako, si Chinito yun ah.
 "Ah lola bakit po daw? nung hinanap niya po ako anong sinabi niyo? babalik pa po ba daw siya?" sunud-sunod ko namang sabi ng makalapit ako kay lola.
 "Ewan apo, basta hinahanap ka tapos sabi ko umalis ka eh." sabi naman ni lola, sa totoo lang medyo nalungkot ako, ahh nasaan na kaya yung Chinito na iyon.
Agad naman akong lumabas ng bahay, nagbabakasakaling naroon siya pero bigo ako dahil wala talaga siya.
Naisip ko naman siyang puntahan, ewan ko ba pero parang ayokong matapos ang araw na ito nang hindi ko siya nakikita.
 "Baby Tobi, may pupuntahan tayo,.. si crush." sabi ko naman sa aking raider bago ko ito tuluyang paharurutin.
Mga ilang sandali lang ay nasa harap na ako ng bahay ni Nicollo, bumaba na ako saka ko nilapitan yung guard.
 "Excuse me po manong, nandyan po ba si Nicollo?" tanong ko kagad sa guard, medyo excited pa ako haha.
 "Yes sir nasa loob po." tugon naman ng guard.
 "Pwede po ba siyang mapuntahan?" tanong ko naman kaagad.
 "Kayo po pala sir yung kaibigan niya na naghatid sakanya rito nung nakaraan, sige po sir pasok." saka naman ako nito pinagbuksan. "Sir medyo bad mood po si sir Nicollo eh, ingat po kayo." dagdag pa nito.
Ano kaya nangyari kay Nicollo at bad mood siya? malamang nakipagsuntukan nanaman siya. Ah baka siguro pinuntahan ako dahil baka bugbog sarado nanaman siya at kailangan niya ulit ang tulong ko.
 "Salamat po." sabi ko sa guard saka niya ako sinamahan papasok, at sinamahan naman ako nung isang katulong papunta sa kwarto ni Nicollo.
Grabe ang ganda ng loob ng bahay nila, napakalaki at napaka-aliwalas tignan, nasa hagdan pa lang ako papunta sa taas ay napapanganga na talaga ako sa ganda ng bahay nila, pero gayunpaman hindi parin maalis sa akin ang pag-aalala dahil sa baka nakipag-away nanaman si Nicollo.
 "Sir, dyan po ang kwarto niya." sabi sa akin ng maid saka na siya umalis.
Bago ako tuluyang kumatok ay nakuha ko pang mag-inhale,.. exhale. Haha.
 "Nicollo?" pagkatok kong muli.
 "Sino yan!" sigaw naman nito, nakakatakot naman si Nicollo, mukhang badtrip na badtrip.
 "Si Kurl." medyo mahina kong sabi, talagang natatakot ako sakanya, ewan ko ba,.. alam kong hindi niya ako narinig.
Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto.
 "Nicollo ayos ka lang ba? ano nangyari sayo,.." hindi na ako natapos, nagsabay kasi kami at napatigil ako sa ekspresyon niya.
 "Sinabi nang ayoko ng istorbo diba." agad at inis nitong sabi pagkabukas ng kanyang pinto, nagulat naman ako sakanya,. talaga ngang badmood siya ngayon at wrong timing ako.
Nang makita naman ako ay halatang napatigil at nagulat ito, nabura din kaagad ang inis sa kanyang mukha.
 "S-sorry,.. pasensya na sa istorbo, sige una na ako Nicollo." nahihiyang sabi ko rito, aktong tatalikod na ako ng biglang magsalita ito.
 "Kurl." agad na sabi nito. "Sensya na nadamay kapa, tara dito sa loob." saka naman nito hinawakan ang aking kamay at mabilisang hinila papasok. "Pasensya na ah? hindi ka nagpakilala eh." ngiti naman nito, nang makita ko ang ngiti niya na kung saan ay parang nakapikit na siya kung saan sobrang cute na niyang tignan ay nawala na yung takot ko sakanya.
Napangiti narin ako, inilibot ko naman ang aking paningin, halos mapanganga naman ako sa nakitang napakalaking PICTURE sa may wall sa taas ng kanyang king sized bed.
Model ba si Nicollo? sa picture niya kasi ay naka-pose siya na parang model at naka-skinny jeans at topless siya, nangibabaw tuloy ang kagandahan ng kanyang katawan, napatigil naman ako nang mapatingin ako sa abs niya, grabe ano ba 'tong nangyayari sa akin.
 "Woy anong nangyari sayo?" natatawang sabi nito saka ito bumaling sa kanyang picture. "Hot noh?" paghahangin naman nito.
Nahiya naman ako sakanya, baka mabunyag pa ako na may gusto ako sakanya kaya't agad akong nag-segway.
 "Akala ko mga taong may itsura lang ang nagmo-model, pati na pala hayop." posturang namamangha ko pa kunwari, nakita kong nagulat naman siya sa sinabi ko.
 "Sama moh." inis nitong sabi, natawa naman ako kaya natawa narin ito, hayy Nicollo Chinito talaga oh haha.
 "Pasensya na talaga kanina ha? medyo badtrip lang at hindi ko naman alam na ikaw pala yung kumakatok, and aakalain ko bang pupunta ka dito." sabi naman nito na halatang nahihiya sa inasta niya kanina.
 "Wala yun, I understand." ngiti ko rito, hindi ko talaga maiwasan ang hindi mapatingin sa kanyang Picture.
 "Buti kapa naiintindihan ako." seryoso namang sabi nito.
 "Ahm Nicollo, kapag alam mong hindi ka maintindihan ng mga tao ay,.. siguro mas magandang ikaw na muna ang umintindi sakanila syempre hindi naman nila alam kung anong kadramahan yang dinaramdam mo diba?" seryoso pero medyo natatawang balik ko rito, ayokong masyadong seryoso at baka lalong mamoblema pa ito.
 "Salamat ha, susundin ko yang payo mo." ngiti nito saka ako pina-upo sa kanyang couch.
 "Are you a model?" tanong ko rito, naku-curious kasi talaga ako.
 "Yah, a freelance model." simpleng tugon naman nito, napatango na lang ako.
 "By the way, buti napadalaw ka?" dagdag pa nito.
 "Ahmm, yayain sana kitang pumunta sa mall,.. 6:30 palang naman oh." tugon ko naman, pero sa totoo lang ay kaya ako nagpunta ay gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako hinahanap pero dahil sa medyo badmood siya ay siguro kailangan niyang magpalamig sa labas haha, buti na lang at hindi pala siya napa-away.
 "Sure sige, wait maliligo lang ako, bibilisan ko para sayo." excited nitong sabi, kaya naman yun na nga naghintay ako saglit, habang naghihintay ay pinagmamasdan ko ang kwarto niya.
Ang ganda talaga, may mga guitar at piano rin siya, mahilig pala ito sa mga musical instruments,.. siguro magaling siyang kumanta noh?
Napatingin ako ulit sa malaking picture niya, ang hirap talagang pigilan lalo na kapag napapatitig ako sa ngiti niya, ahhh Nicollo!
Hanggang sa umalis na nga kami, kotse nila ginamit namin, ilang minuto lang ay nasa mall na kami, habang nasa loob ng kotse ay napatingin naman ako sa mga naglalakad.
Nagulat at namangha ako sa aking nakita, napangiti din ako dahil sa nabilib talaga ako sa dalawang naglalakad, medyo pamilyar yung dalawang naglalakad pero hindi ko talaga maisip kung sino sila.
 "Nicollo look, proud na proud sila oh." pagmamalaki ko kay Nicollo at tumingin naman ito sa aking itinuturo, magkatabi kasi kami sa may likod ng driver's seat.
Nailang ako bigla sa paraan ng pagtingin niya sa bintana, nagkalapit kasi ang aming mga mukha at napakabango pa niya.
Buti medyo traffic dahil sa papasok kami ng parking area kaya mabagal lang kami, nasasabayan namin paglalakad nila. May dalawang lalaki na magka-holding hands, tiyak na katulad ko silang bisexual, napakagwapo pa nila kaya talagang hangang-hanga ako sa pagiging bold at proud nila.
 "Marami talagang ganyan dito, mga proud yan, pabor kaba sakanila?" sabi naman ni Nicollo nang makita na niya ang tinutukoy ko saka ito nag-ayos ng upo.
 "Oo naman, isa din akong bisexual kaya proud at masaya ako para sakanila." pagngiti at pagmamalaki ko pa, sayang lang at nagderederetso na kami, nalagpasan na tuloy namin sila.
 "Bi ka pala?" gulat naman ni Nicollo, ooops sa sobrang tuwa ko sa aking nakita ay nabunyag ko tuloy ang aking sarili, pero hindi ako nahihiya.
 "Yah why? alam mo ba meaning ng salitang BISEXUAL? as in yung real meaning?" pagbaling ko naman sakanya.
 "Oo naman, don't you worry,.. i'm an open-minded person at hindi ako katulad nung iba na hindi alam ang meaning ng Bi." pagmamalaki naman nito.
 "Good." nasabi ko na lamang.
Pagkapark namin ay bumaba kami kaagad, sinabi ko sakanya na kain kami sa KFC at treat ko.
 "May nakarelasyon kana ba Kurl?" biglang tanong naman nito habang kami'y kumakain.
 "No relationship since birth." pagmamalaki ko naman, nga pala,.. si Nicollo ang unang-unang taong nakaalam na isa akong Bi, kaya naman,.. "Nicollo, ikaw palang pala napagsabihan ko na isa akong bisexual, treasure it." natatawang sabi ko rito, ewan ko pero komportable na ako sakanya.
 "Bakit hindi ka nahiyang sabihin sa akin?" kuno't naman nito.
 "Ewan, aalamin ko paba yon." sagot ko kaagad.
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain,..
 "Paano ka naman nagkakagusto sa lalaki?" tanong naman bigla nito.
 "Honestly,.. first look alam ko na kapag gusto ko." seryoso ko, totoo na unang tingin pa lang ay alam ko na kapag gusto o attracted ako sa isang lalaki.
 "Edi may gusto kana niyang lalaki?" tanong pa nito habang lumalamon ng burger, pangalawa na niya yan.
 "Oo, dalawa sila,.. mga kaibigan ko." nasabi ko na lamang matapos mag-isip. "Teka nga, ba't ang dami mong tanong?" sabi ko naman.
 "Sagot ka kasi ng sagot." natatawang sabi naman nito, oo nga noh? simula kanina ang dami ko nang sinabi.
 "Sensya na, hindi kapaba busog?" pag-iiba ko naman ng topic.
 "Gusto ko pa nga ng isang burger eh." tugon naman nito.
 "Hindi ba lalaki tiyan mo niyan?"
 "Nope, buti nga ganun eh, hindi napapalitan ng fats ang abs ko." pagmamalaki naman nito.
 "Same, thanks sa metabolism na napaka-astig." pagmamalaki ko rin, haha pareho naman talaga kaming may ipagmamalaking katawan haha yun nga lang, mas angat siya.
 "Oh edi tara,.. lamon pa." sabi naman nito, hayy etong chinitong ito oh.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot na nga kami, mahilig itong magpatawa, joker rin pala. Gustong-gusto ko naman itong nakikitang tumatawa, talagang napakacute kasi nito lalo na't kapag tumawa ito ay parang hindi na niya ako nakikita.
 "Ahm Nicollo, may girlfriend kaba?" tanong ko rito habang naglalakad kami at tumitira ng Zagu.
 "Wala, dati oo pero matagal na kaming break. Bakit crush moko?" agad namang sabi nito.
Literal naman akong napa-ubo sa sinabi nito, naderetso ata yung Zagu sa leeg ko, nakakabigla talaga 'tong si Chinito.
 "Ayos ka lang." pag-aalala nito saka pa nito hinahaplos-haplos ang aking likuran.
 "Paka-crush mo naman." nasabi ko naman nang ako'y makabawi.
"Bakit malabo ba? looook at me." pagmamalaki naman nito saka ngumiti nang ako'y humarap sakanya.
 "Mahangin ka rin pala." natatawang sabi ko rito saka ko na itinuloy ang paglalakad.
Hayyy bakit ba puro sa mahahangin ako nagkakagusto? napangiti na lamang ako sa aking naisip.
 "Ka rin pala? sino yung tinutukoy mo?" agad namang tanong nito.
 "Yung aso namin."
 "Talagang sa aso pa ha? wala ka ngang aso sa bahay eh, dali na sino nga?" pagpipilit pa nito.
 "Kurl?" rinig kong sabi ng isang boses, halatang nagulat pa ito,.. napatingin ako sakanya.
 "Oh Jerry kaw pala." gulat ko rin, magugulat din pala ako hahah.
Siya nga pala si Jerry, isang straight DATI,.. dahil nabago ang lahat ng makilala niya si James na isang Bi na ngayon ay boyfriend na niya, nagsinungaling ako sa inyo dahil sa sinabi kong ako lang ang nakakaalam na isa akong Bi.
Si Jerry at James ang mga kaklase ko way back highschool, 4th year.
Sa school noon ay ako lang ang nakakaalam ng relasyon nila, sila din ang nagpaliwanag sa akin na huwag kong isara ang aking pagkatao sa pagiging bisexual,.. nako etong mga 'to ay madadaldal kaya natatakot ako sa muli naming pagkikita.
 "It's been a long time, kamusta kana Kurl? wow ha,. iba kana ngayon,.. hot at gumwapo lalo." mangha naman ng isang boses mula sa likuran, hindi ako maaaring magkamali sa pamilyar na boses na iyon kaya naman bumaling ako sakanya,..
 "Oh tol James, grabe ngayon ko lang kayo nakita, laki ng pagbabago niyo ah." mangha ko rin, grabe sila,.. aaminin ko na namiss ko sila.
Saka naman nagdikit ang dalawa at nagholding hands pa talaga.
 "Good news mr.sungit." sabi ni James saka pa nila itinaas ang kamay nilang magkahawak.
 "Legal....!!!" nasabi ko na lamang saka ako napayakap sakanilang dalawa. "Tama kayo nga yung nakita kong naglalakad sa labas kanina." dagdag ko pa.
 "Pero teka,.. teka,." biglang sabi naman ni Jerry, kaya napahiwalay ako sa dalawa.
 "What?" kuno't ko naman.
 "Mahal do you still remember his note." ngisi naman ni Jerry sa boyfriend nito, eto na nga ba ang sinasabi ko.
 "Oh yung ano,.. yung,.. yung gusto mo sa lalaki." tugon naman ni James pagkaharap niya sa akin.
 "Mga sira talaga kayo." nasabi ko na lamang.
 "Chi-chini,.. Chini...." hindi na natapos ni James ang sasabihin dahil sa tinakpan ko kaagad ang bibig nito.
 "Stop, mga hunghang talaga kayo." pagpigil ko rito, mukhang ibubunyag pa ako, medyo natataranta na ako.
 "Edi sino ba siya?" patukoy nila kay Nicollo na pinanunuod lang kami.
 "He's my friend." pagmamalaki ko naman.
 "Friend lang ba or cru,.." hindi din natapos si Jerry dahil sa tinakpan ko rin kaagad ang bibig nito.
 "Guys,.. nagsisimula nang uminit ang kaloob-looban ko, kilala niyo ko." pilit na ngiti ko sa mga ito na ikinatigil nga nila.
 "Sorry, namiss ka kasi namin eh." sabi naman ni James na talagang niyakap pa ako.
 "Kakain pala kame, sabay na kayo." dagdag naman ni Jerry.
 "Katatapos lang namin." agad kong sabi.
 "Sure!" ngiti naman ni Nicollo, napatigil naman ako sa sinabi niya, mukhang gutom nanaman ang kasama ko.
Kaya ayun na nga, ngayon ay nasa isang fastfood kami, nag fries na lang ako pero silang tatlo ay kanin at manok pa talaga.
 "Iba kana talaga Ian Kurl Santiago. Solid ka na rin maka-hairstyle,.. Push Back!" bilib naman ni Jerry.
Buti pa sila napansin yung hairstyle ko, samantalang si Paulo at Nicollo parang wala lang.
 "Kumain na nga lang kayo." natatawang sabi ko naman sa mga ito.
 "Siya nga pala guys, kaibigan ko,. si Nicollo." pagpapakilala ko kay Nicollo, hindi ko kaagad napakilala kanina, pansin ko rin na gusto nilang gisahin itong kasama ko.
 "Then Nicollo, this is James with his boyfriend Jerry." pagpapakilala ko naman sa mga kaibigan ko.
 "Nice to meet you guys." pagngiti naman ni Nicollo sa mga ito.
 "Nice to meet you too Mr.Chinito,... friends lang ba talaga kayo?" tugon ni James, parang tanga talaga 'tong isang ito.
"Oo nga pare, friends lang ba?" dagdag pa ni Jerry, halos gusto kong lamunin na lang ako ng lupa sa nangyayari, mga sira talaga 'to.
 "Guys stop, iba si Nicollo, wag niyo siyang ganyanin." pagsingit ko naman sa mga ito. "Titigil kayo o hinde?" seryoso ko pang sabi.
 "Tignan mo 'to, ikaw Kurl ha,. inaaway mo padin kami." tampu-tampuhan ni Jerry.
Tumayo naman saglit si Nicollo, mag-oorder lang daw siya saglit, grabe talaga 'to katatapos lang lumamon, lamon nanaman ang gusto.
 "Guys kasi nakakahiya sakanya, iba siya sa atin okay.." tugon ko naman, tumahimik naman ang dalawa.
Ilang sandali lang ay nakabalik nadin agad ito.
 "Nicollo, pagpasensyahan mo na ha, kapag magkasama talaga yung dalawang yan ay tinotopak talaga sila, pasensya na talaga." pagharap ko naman kay Nicollo na nakatingin pala sa akin.
 "Nakakatuwa nga kayong tatlo eh." ngiti naman nito, hindi ko talaga alam kung nakikita ako ni Nicollo kapag ngumingiti siya. "Bakit ka ba natataranta?" dagdag pa nito.
Napatigil naman ako, oo nga noh,.. ayy nakakahiya talaga kay Nicollo.
Nakita ko namang ngumingiti-ngiti lang ang dalawang magboyfriend.
 "Ganito kasi yun Nicollo, yang kaibigan naming si Kurl ay pagdating sa lalake ay Chinito ang highest standard niya kaya akala namin ay magkarelasyon kayo,.. and pasensya na kung anu-ano nasabi namin sayo, ehh magkaibigan lang pala kayo, sorry." singit naman ni Jerry, wala naloko na,.. binunyag na ako ng mga ito.
Hindi na lang ako tumingin sa mga ito sa sobrang hiya, sa mga taong pumapasok na lang ako nagfocus.
May mga teenagers na dumadating, may mga magbabarkada pa, may couple din, at may isang tao ang nakakuha ng aking atensyon,...
 "Katulad niyan oh, may nakikita akong Chinito at mukhang doon naka-focus itong si Kurl." sabi naman ni James.
 "Oo nga noh." dagdag pa ni Jerry.
 "Grabe kayo, baka marinig niya kayo at nakakahiya." inis ko naman sa mga ito.
 "Diba! pagkatalagang chinito nakikita mo nagtatransform ka, nawawala pagka-discreet mo." sabi naman ni Jerry.
Napatingin naman ako kay Nicollo, at hinahanap nito ang chinitong tinitignan ko na tinutukoy ng dalawang madaldal kong kaibigan.
 "Wala ata silang mapwestuhan?" nasabi ko bigla nang mapansing naghahanap padin ng mapepwestuhan yung chinito pati na mga kasama niya.
 "Guys tapos nadin tayo diba?" tanong ko sa mga kasama ko nang hindi man lang sila nililingunan.
Nakita ko namang napatingin sa aming pwesto yung chinito, kinawayan ko 'to tanda na dito na lang sila pumwesto at tapos nakami.
Ngumiti naman ito saka tinawag ang kanyang mga kasama, grabe,.. yung bang ngiting hindi ko alam kung nakikita niya pa ako,.. chinito eh haha.
Agad ko nang sinabihan mga kasama ko na tumayo na kami para makaalis na at maka-upo na sila Chinito.
 "Salamat po." sabi naman nung chinito nang makalapit na sila sa amin habang nakangiti.
 "Ge wala yun." ngiti ko rin saka na kami umalis.
..
 "Grabe ka talaga Ian Kurl! basta chinito kakalimutan mo kaming mga kasama mo, eh kumakain pa nga etong mahal ko nang fries eh." pagtampo naman ni Jerry pagkalabas namin.
 "Akalain mo nga namang magiging kayo parin hanggang ngayon eh noh tapos kilala niyo parin talaga ako." medyo magulo kong sabi rito.
 "Tara lumibot na tayo, nako po sana wala tayong makitang chinito sa daan para naman hindi magtransform itong si Kurl." singit naman ni James.
Napatingin naman ako kay Nicollo, hindi ito kumikibibo, nasa labas kami ng mall kaya naman nakapagsindi na ito ng yosi.
Alam kong alam niyang nakatingin ako sakanya pero hindi man lang niya ako tinitignan, para sana tanungin man lang ako kung bakit ako nakatingin sakanya.
 "Oo nga pala Nicollo, nakuha mo ba yung inorder mo?" biglang sabi naman ni James.
 "Hindi. Yaan mo muna." walang gana namang tugon ni Nicollo, ahh kaya pala, masyado akong nawili dun sa isang chinito kung saan nakalimutan ko na si Nicollo, nakakahiya.
Agad naman akong pumasok sa loob, para dun sa order niya, sakto yung number nasa table pa namin kaya naman kinuha ko kaagad, nakita ko nanaman yung cute na chinito haha.
 "Excuse me miss, hindi pa po ba tapos yung para sa number na ito?" pagpansin ko sa cashier, sinabi niya naman na saglit lang at mga ilang sandali lang ay nakuha ko na yung burger, ano ba 'to na-out of stock ba sila kaya nagpahintay pa?
Pagkakuha ko doon sa burger ay agad na akong lumabas.
 "Asan siya?" tanong ko naman kila Jerry nang hindi ko nakita si Nicollo.
 "Umalis na, eh hindi naman namin mapipigilan yun dahil hindi namin siya close, eh ikaw ano bang ginawa mo? akala naming tatlo kanina binalikan mo pa yung chinito sa loob eh." sagot naman ng isa.
 "Hindi ah, kinuha ko 'tong order niya." nasabi ko na lamang.
Sa sinabi nilang iyon ay mas lalo akong nahiya kay Nicollo, inagkat-agkat ko pamo siyang lumibot pero eto nangyari, ahh nakakahiya talaga.
 "Oh ano tara libot na?" sabi naman ng isa.
 "Wag na, uwi nako,.. tara dun muna kayo sa amin." pilit na ngiti ko sa mga ito, kaya naman yun na umuwi na nga kami.
---.
(Nicollo's side.
 "Yung order ko pala yung binalikan niya sa loob, akala ko yung mukhang paa na chinito na crush na crush niya, eh mas gwapo pa ako dun." nasabi na lamang ni Nicollo habang pinagmamasdan palayo sila Kurl.
 "Hindi naman dahil sa pagkain ako naiinis eh, ang manhid mo." dagdag pa nito saka narin umuwi ng nakasimangot.
end)
---
(Kurl's POV.
 "Kainis yun, parang burger lang maiinis pa, sus pede naman bumili eh,.. may pauwi-uwi pang nalalaman." inis kong sabi pagkaupo ko sa sofa.
 "Guys eto pala bahay ko, lam niyo na story ko diba? osige upo na lang kayo dyan." walang ganang sabi ko kila Jerry at James.
 "Kurl umamin ka nga, gusto mo si Nicollo?" seryosong sabi ni Jerry pagkaupo sa tabi ko.
 "Ha? hindi noh." agad ko namang sabi.
 "Nako sa ikinikilos mo halata na eh." singit naman ni James.
 "Nakaka-inis kasi siya eh, parang burger lang gaganyan pa siya, pede naman bumili ulit diba?" inis ko pa.
 "Sigurado kabang dahil sa burger lang? malay mong may ibang dahilan." sabi ni James.
 "Oo nga malay mo nagseselos yun dun sa kanina." dagdag pa ng isa.
 "Magseselos? straight si Nicollo noh kaya wag na kayong manghula dyan." inis na balik ko sa mga ito.
 "Alam kong straight siya, itsura palang diba? pero sa kinikilos niya kanina? lalo na nung binubusit namin kayong dalawa, tapos nung may nakita kang chinito kanina na binigay mo pa pwesto natin,.... ay ewan lang ha." seryoso ni Jerry.
 "Yah, pati nung bumalik ka sa loob nung nasa labas na tayo, sabi kasi namin tiyak na binalikan mo yung chinito,.. biglang walk-out siya eh, uuwi na daw siya at may gagawin pa siya,.. suss palusot." dagdag pa ni James.
Napaisip naman ako sa mga sinabi nila, pero ayoko pag-isipan ng ganun si Nicollo, baka emergency lang talaga kaya siya umuwi.
 "Huwag niyo nga siyang ganyanin, nakakahiya sa tao." nasabi ko na lamang saka ko sila sinabihan na magkwento about sa relasyon nila since nung hindi ko na sila nakita.
Habang nagkekwento naman ang mga ito ay si Nicollo parin ang naiisip ko, ahhh kainis talaga siya.
 "Guys wait, ano bang nangyayari sa akin? oo gusto ko si Nicollo pero ba't parang mas na-obsessed ako sakanya ngayon? ahhhh badtrip." pagsabat ko sa mga kinukwento nila, nakita ko namang napatigil sila at tumitig lang sa akin.
Tinginan lang kaming tatlo,..
 "Grabe ka gusto mo na nga talaga siya, AS IN." pagbigay diin pa ni James sa mga sinabi niya.
 "Narinig mo ba mga sinabi mo?" dagdag pa ni Jerry na halatang mangha sa akin.
 "A-ahh forget it guys." nasabi ko na lang, nakakahiya.
 "Nagkekwentuhan tayo tapos out of nowhere mong isisingit si Nicollo, sabi na nga ba at gusto mo talaga yun eh." paninigurado naman ng isa.
Wala na akong nagawa dahil sa alam narin nila eh, ikinwento ko kung kailan at paano ko nagustuhan si Nicollo, naikwento ko rin si Paulo sakanila.
Hindi ko na sila pinauwi, sinabihan ko sila na dito na matulog at malinis naman ang kabilang kwarto, hindi kami kaagad natulog at naglaro muna kami ng scrabble, favorite game ko yun eh at nung mga panahong highschool pa lang ay nakakalaro ko na talaga etong dalawa sa school.
Bago kami natulog ay kumain na muna kami, yung inihandang adobo ni lola ang inulam namin.
Siguro mga alas dos na ng madaling araw ako nakatulog, hindi kasi ako makatulog kaiisip kay Nicollo, hindi ko rin alam kung bakit napapaisip ako sa mga sinabi nila Jerry at James sa akin kanina.
---
Kinabukasan,.. 6pm
(Nicollo's POV.
 "Mga pare, puntahan niyo ako sa bahay. Please, thanks." pagsend ko sa mga kaibigan ko.
 "Ano ba 'tong nangyayari sa akin?" naisaboses ko na lamang habang nakahiga lang sa aking higaan.
After 20 minutes,..
Naririnig ko na mga kaibigan ko sa baba, mga maiingay talaga ang mga ito.
 "Pare!!" sigaw naman ng isa pagkabukas niya ng pinto ko, talagang hindi marunong kumatok 'tong si Dominick, at sunud-sunod na silang nagsisilitawan.
 "Kumpleto ba tayo?" tanong ko sa mga ito habang nakahiga lang.
 "Yap! anong meron?"
 "Kahapon mo pa kami pinapatawag diba?."
 "Oo nga, papunta nako tapos biglang cancel, what happened?"
sunud-sunod na pagtatanong ng mga animales na ito.
"Umalis ako kahapon, basta kailangan ko mga presensya niyo ngayon." seryoso ko sa mga ito, tumahimik naman sila.
 "Brent bili ka ng alak sa malapit na convenience store dyan? redhorse na lang, okay lang?" pagpansin ko naman sa isa.
 "Tol, alak nanaman? anong problema?" balik nito, binigyan ko lang ito ng pilit na ngiti.
 "Sige sige, samahan na kitang bumili, guys samahan niyo na muna si Nicollo dito sa loob." singit ni Lance saka na sila lumabas ni Brent para bumili ng alak.
 "Tol what happened? bakit bigla ka nanaman nag-aagkat uminom?" tanong ni Paul pagka-upo niya sa mga couch paharap sa aking kama.
Wala kasing nakakahiga o nakaka-upo sa aking kama, ayokong may ibang dumidikit sa kama ko eh.
 "I think I'm inlove." mahina kong sagot rito, nagsi-upo naman ang mga kaibigan ko paharap sa akin, halatang mga interesado at gustong makinig.
 "Yun naman pala eh, then what's the problem?"
 "Who's that girl?"
 "It's a guy." seryoso ko sa mga ito, napaduko na lang ako, hindi sila agad nakapag-react.
 "W-why? I-i mean how come na nagkagusto ka sa lalaki? sino siya?" Sira kanaba?" tanong naman ni Dominick, isa sa pinaka-prangka sa aming magkakasama.
 "Seriously? grabe ka dre." dagdag pa ni Brent, hindi naman pala sila umalis, malamang inutusan nanaman nila si manong.
 "Akala ko pa naman kayo makakaintindi sa akin." walang gana kong balik sa mga ito.
 "Gago ba kayo Dominick at Brent? sige dre magkwento ka lang, alam mo naman 'tong dalawang 'to." singit naman ni Lance.
 "Continue Nicollo, alam ko may rason ka kung bakit ka nahulog dun sa sinasabi mong lalaki." dagdag pa ni Paul.
 "Naaalala niyo pa nung nabugbog ako last week? siya yung tumulong sa akin, binantayan at inalagaan niya ako magdamag." paninimula ko.
 "Alam kong nag-aalala siya sa akin ng sobra, hindi na nga siya nakatulog ng maayos sa kakaisip sa kalagayan ko eh. Sa tuwing dadapo yung balat niya sa noo, leeg, braso o sa katawan ko pa,.. parang may kung ano akong nararamdaman. Basta alam kong nag-aalala siya sa akin at ayaw niya akong iwanan nung nasa kwarto kami, ang alam niya ay natutulog na ako pero sa totoo lang ay hindi din ako nakatulog nun hindi dahil sa nararamdaman kong sakit kundi dahil sa,.. siya ang iniisip ko." nakita ko namang nakikinig lang sila.
 "Nakuha ko pa ngang magselos kahapon dun sa mukhang paa na crush niya, eh mukha namang chinitong paa yung itsura nun." medyo inis ko pang pahabol.
 "Look pare, sigurado kaba sa nararamdaman mo?"
 "Ahmmm, anong itsura nung nagugustuhan mo?"
 "P-pare ganun ba siya kagaling mag-alaga para mainlab ka ng ganyan?"
hindi ko alam kung seryoso o namumusit lang sila, mukhang pagtitripan pa ata ako ng mga ito.
 "First, oo sigurado na akong may gusto ako sakanya though nung una ay hindi ko pa matanggap. Second, kasing tangkad ko siya, makinis, maputi, kasing ganda ng katawan ko,.. at gwapo siya... Third, ang,.. ang sarap niyang mag-alaga." postura kong nandidiri habang sinasagot ang tag-iisa nilang tanong, naninibago kasi talaga ako sa aking sarili at hindi ko akalain na masasabi ko ang mga iyon ng walang alinlangan.
Nagsitinginan lang kami,. walang nagsasalita,.. alam kong pare-pareho kaming napapaisip sa mga sinabi ko, dahil sa mga sinabi ko,.. sabay-sabay na lang kaming napasigaw ng,..
 "Whaaaaaaaaaa!!!!!"
Itutuloy:


13 comments:

  1. Sheeettt!!! Ang ganda!!! :*

    ReplyDelete
  2. And you're back author. Nice update. Ang haba, parang binawi yung matagal na hindi pag-update. Great job. Sana tuloy tuloy na.

    -Lantis

    ReplyDelete
  3. Tagal kong sinubaybayan to sir PONSE. Ngayon lang uli nakapagupdate. XD

    Dati akala ko si paulo ang iniisip kong tinulungan ng parents nya.. Un pala si nicollo haha

    Sana mas mabilis na ang update ng story. :)

    ReplyDelete
  4. Waaaaaaaah! Galing naman....kudos author!
    Ang haba na nakakatuwa pa, kompletos rekados.

    EurArch!

    ReplyDelete
  5. Thanks sa update. Kaya pala natagalan dahil parang obra maestra at mahabang chapter. Maganda ang story. May God bless You

    ReplyDelete
  6. Update agad!! Haha

    ReplyDelete
  7. Namiss ko to, soooooobra! Pero okay lang naman, grabe, ang haba kasi ng update! Haha. Sana bumalik na rin yung START OVER, at yung iba pa. :D

    ReplyDelete
  8. Bawing bawwi ang matagal na update! Good Job sir Ponse! Looking forward sa nxt chapter!!!!

    ReplyDelete
  9. ui bawi naman pla sa update si kuya..ahahaha.. sana nga lang tuloy2 na po at wala ng bitawan..ahahah.. sa ganda ba nmn kc ng gawa.. talgang aabangan.. wahhaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  10. Ang ganda... More please...

    -madztorm

    ReplyDelete
  11. Sa totoo lang po ay nakalimutan ko na yung story na 'to. Yung mga nilalaman, pero dahil sa nakita kong may nagbasa pa kahit papaano ay susubukan kong ituloy!! :)) Salamat!!

    - Prince Justin

    ReplyDelete
  12. shit nagcing ako bigla hahahha
    sna may kasunod na agad mejo matagal nasundan e !!!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails