ALL I SEE IS YOU
CHAPTER 6
AUTHORS NOTE: Thanks thanks sa lahat ng suporta ehhe hindi ko na papahabain yung authors note ko hehe abuso na ko haha.. Kay joel, miles rhafy and marvs super thanks hehe kay young yabut delacruz salamat sa pangiinspire sakin mwuah kay ian kitoy shemps thanks din.. Jhannel, paul, francine cocovillarama, valintin olingay, jan ariez, ginoxious, jc ferero, alfred of T.O, green archer, tyler.. Lhiane mho , philip, Super thanks sa inyo..hehe.. Kay nesti or nestor.. Salamat bro sa page mo hehe mwuah mwuah.. Kaw na..
Hindi ko na hahabaan tong authors note ko eheh mwuah enjoy this chapter.. Tears are falling by wax yung pinakikinggan ko habang sinusulat ko to ehhehe wala lang nabanggit ko lang.. Ingatz guys.. Friends niyoko sa fb and sali kayo sa group.. mwuah..
CHAPTER 6
SI JOSEPH
" franz.. May necklace ka na..?"
"huh..?" saad niyang kinapa yung necklace niya sa loob ng damit.. Tumango naman sya saka nilabas sa damit niya yung gold na necklace na may pendant na krus. shit
" binigay sayo ni daryll..?"
" Oo... Joseph sya na yung forever ko.. Kaya please wag mo na kami guluhin.. Nung araw na pinapili mo ko.. Binigay niya sakin to..joseph ito yung sign na hiningi ko eh." ngiti niya.." joseph forever.. Yun ang hiningi ko at ito yung magiging simbolo nun." hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko saka dahang dahan nilabas yung kwintas na suot ko.. Natigilan lang ako ng may maramdaman tao sa likod ko..
" franz." saad ng tao likod ko napalingon naman ako..nakita ko lang si daryll na nakatingin kay franz.
" mine.." ngiwi ni franz.. Agad lang syang lumapit kay daryll pinilit ko naman pinunasan yung luha sa mata ko.
" joseph nanjan na yung tour guide niyo.. Aalis na kami ni franz." saad ni daryll kita ko naman yung pagiwas sakin ng tingin ni franz..
"ok salamat.."
" umiiyak ka ba..?"
" wala kang pakialam kung umiiyak ako..!" gigil na saad ko.
" joseph makikiusap uli ako sayo.. Tama na.. Magmove on ka na.." saad ng pesteng pagong kung makapagsalita sya akala niya ganun kadali yun. " Bestfriend ka ni franz. Wag mo ng gawin kumplikado yung sitwasyon gusto ko na rin magkasundo tayo.. Para kay franz..?""
" joseph please.?" saad din ni franz hindi ko lang mapigilan tingnan yung kwintas na suot niya.. Susuko na ba ko.. Yun ang hininging sign ni franz.pano kung sila talaga.. Pano kung ako talaga ang kontrabida sa kwentong to.. Pano kung hindi naman talaga kami.. Kaya ko bang tanggapin.. Ilang gabi akong iiyak..? Ilang buwan akong magsisisi na sana kung nilaban ko na sya dati pa sana kami yung masaya.. Kung pwede ko lang ibalik yung dati.. Yung dati na kami lang ni franz..yung oras na wala pa si daryll.. " bestfiend.. Please.." ngiti ni franz..
" ingatan mo si franz.. Hindi ko na kayo guguluhin." saad kong nakatingin sa ibang dereksyon..
" joseph.." saad ni franz.
" franz.. Im happy for you." ngiti ko kasabay ng pagtulo ng luha ko nakuyom ko lang yung kamao ko.. Ganito pala kasakit sabhin yung mga salitang yun.. Im happy for you.. Pero yung puso ko parang paulit ulit dinurog...kita ko lang yung tingin nila sakin kaya agad kong pinunasan yung luha ko..
"joseph I'm sorry.."
" labas na ko.." saad ko saka sila hinawi.. Bakit ba ayaw tumigil ng mga luha ko.. Masaya na si franz bakit guguluhin ko pa.. Tama si blue.. Imbis na tumuloy sa table ay lumabas ako ng restaurant.. Tumayo lang ako dun kasabay ng mga luha ko.. Pilit ko lang tong pinupunasan.. Masakit sumuko.. Pero kung masaya si franz.. Bibigay ko sa kanya yun.. Mahirap ipaglaban yung taong alam mong pagmamayari na ng iba..
" joseph aalis na kami.." rinig kong saad ng pagong.. Tumango naman ako. " nasa loob na yung tour guide niya saka yung driver namin.. Magtataxi nalang kami ni franz pauwi."
" joseph alis na kami.. Goodluck sa tugtog niya.. Im so proud of you." ngiti ni franz.
" sige na franz..alis na kayo." saad ko habang pinupunasan yung luha ko..
"joseph naiintindihan kita... Nasasaktan ka..pero kasi." saad ni daryll.
"shut up na please.. Umalis na kayo kung aalis kayo.. Ang dami pang sinasabi! Please umalis na kayo.." simangot ko narinig ko naman yung pagbuntong hininga ng pagong.. Putek ngayon lang ako nakakita ng pagong na bumubuntong hininga wahaha..
" ok.. Enjoy the place." saad niya saka naglakad.. Nakita ko lang na tumawid sila sa kabilang kalsada.. Pinagmasdan ko lang si franz habang nakatingin sakin habang katabi si daryll..mahal na mahal ko sya.. Mahal na mahal kita franz.. Muli lang may dumaloy na luha sa mata ko..pinilit ko naman ngumiti saka tinaas yung kamay ko simbolo ng pamamaalam.. Nagwave lang sya ng kamay.. "Bye franz.. Bye." bulong ko hanggang makita ko silang sumakay ng taxi.. Para sayo franz.. Kahit masakit.. Hahayaan na kita. Nakita ko naman na tumabi sakin si jonas.
" hey.. Are you ok.?"
"mukha ba kong ok.?" simangot ko.
" sabi ko nga hindi.. Sa simula lang masakit yan.. Kaya mo yan joseph.."
" Hiningi ko ba opinyon mo.?"
"aixt alam mo kung hindi lang kita kabanda at kaibigan nginudngud na kita sa kalsada.. Pasalamat ka mahaba pasensya ko. Aixt joseph si franz lang talaga nakakatagal sayo." simangot ni jonas humugot naman ako ng malalim na hininga.
" sorry.." bulong ko.
" alam mo siguro nga mahal ka ni franz pero dahil sa ugali mo.. And the way u treat other people.. Pilit niya yung tinatago.. Kahit ako ang hirap tanggapin na yung ugaling yan makakasama ko habang buhay.. Magiisip talaga ako ng million times.."
"masama ba talaga.?"
"sobra.."
"mabait ba si nicko.?"
"sobra." ngiti niya. " ayusin mo kasi yung ugali mo para makita ng iba na dapat kang mahalin.. Joseph I know deep inside mabait ka.."
" ayoko baguhin yung sarili ko para lang mahalin.. Ito ako eh.. Hindi ako nabuhay para iplease lahat.. Kung hindi nila ko gusto fine.."
" sabagay.. Kung ganyan ka naman talaga wala na tayong magagawa.. Ayoko makipagtalo sayo baka masapak lang kita." natatawang saad niya. "sa ngayon kaibigan ang kailangan mo hindi kaaway.. alam ko yung sakit na makita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba.. Yung gusto mo sya ipagdamot pero maalala mo hindi naman pala sya sayo.."
" nakita mo na si nicko na may kasamang iba.?"
" oo naman.. Nung time na natakot akong aminin sa sarili ko na mahal ko sya.. Sobrang sakit nun kaya naiintindihan kita.." ngiti niya.. Tumungo naman ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.. "joseph if you really love someone, then the only thing you want for them is to be happy..even if its not with you." pinunasan ko lang yung luha ko.
" Ang sakit sa dibdib.. It should be me.. Dapat ako yung may hawak ng kamay niya.dapat ako eh.. Kung naging matapang lang sana ako.."
" destiny joseph.. Kung magiging kayo ni franz.. Hayaan mong ang destiny ang kumilos.."
" destiny..?"
" yeah.. Let things falls into place. Hindi yung kilos ka ng kilos without thinking.. Look yung ginawa mo kagabi tingin mo nakatulong yun.. Hindi joseph..aalis sila di ba.. Lalo mo lang pinalala yung sitwasyon niyo."
" I know mali ako dun.."
" if you and franz are destined to be together.. Magkakasama uli kayo.. Just wait.. pero kung hindi naman dont close you door.. Kung pwede lang kahit pinto sa kusina buksan mo para lang may makapasok jan sa puso mo.. gawin mo.. Kasi minsan love din ang gamot sa pusong nasaktan.. Yun lang yun joseph.. If you love and get hurt. Love more. if you love more and hurt more, love even more. If you love even more and get hurt even more... love some more until it hurts no more.. " humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumingin sa kalsada.. " life goes on at kailangan mo sumabay joseph.. I know moving on is not an overnight proccess.. It takes time .. Pero kung tuutlungan mo yung sarili mo.. I know One day makakangiti ka na uli.. Yung masaya ka na.."
" may necklace na binigay si daryll kay franz.. Sabi ni franz kapag binigyan sya nun ni daryll forever na sila.. Yun yung hiningi niyang sign .. At nagkatotoo yun."
"Sign..?" natawa naman sya. "“I don’t believe in signs. I believe in words, and actions.. Sabi nga ni Ms. Zenaida zeba.. Hindi hawak ng mga bituin yung kapalaran natin.. May free will tayo.. Gamitin natin to.. Now I undertand franz.." ngiti niya. Putek ginamit pa si zenaida zeba..buset haha..
" what do you mean.. ?'
" signs.? Maybe mahal ka ni franz at mahal niya din si daryll.. Pero dahil sa sign na yun mas pinili niya sa daryll.." nilabas ko naman yung kwintas na suot ko..
" ibibigay ko sa kanya to nung araw na pinili niya si daryll... "
" yan yung sign ni franz.?"
"yeah.. Masakit pero tatangapin ko..and About sa necklace na to.. Naging unfair ako kay daryll kasi alam ko na hiningi ni franz to eh sya hindi naman niya alam.. Siguro yung sinasabi mo na destiny.. Yun yung gumawa ng way para kay daryll sya pumunta."
" tingin mo.?"
" mahal ko sya.. Jonas I love him.. " saad ko kasabay ng mga luha ko.. " Pero tadhana yung kalaban ko eh.. Gusto ko sya ilaban... Gusto ko ipakita sa kanya kung gano ko sya kamahal.. Pero yung sinasabi mong destiny.. Sya yung pumipigil sakin.."
" haixt joseph.. So magmomove on ka na.. Tanggap mo na.?"
" hindi pa.. Pero susubukan ko.. Or gagawin ko.. Mahal ko si franz siguro nga tama sya na mas ok na maging bestfriend nalang kami.." bakit ba ang skait sabihin ng mga salitang yun.. Magbestfriend..? aixt..
" kaya mo yan joseph.." ngiti niya humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumango.. Hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko.. Aixt joseph ano ba bakit ba ayaw tumigil ng luha ko.... " joseph just cry.. Hayaan mo lang maubos yung luha mo at mapagod yung mata mo sa pagiyak.. Lilipas din yan.."
Hinatid nalang ako nila blue sa hotel pagkagaling namin sa restaurant.. Ayoko na sumama sa kanila sa pagiikot...gusto ko muna umiyak.. Gusto ko muna mawala yung bigat ng nararamdaman ko.. Ganito pala kasakit na sukuan yung taong pinahalagahan mo ng sobra.. Yung sukuan na hindi talaga panig samin yung tadhana..
Kinagabihan nagising lang ako sa yugyug sakin pagdilat ko ng mata nakita ko lang si jonas.. Nakatulog pala ko habang umiiyak.. Naupo naman ako sa kama.
" why. Sana hinayaan mo nalang ako matulog ayoko marinig yung kwento niyo sa pagpunta sa kung saan saan.." simangot ko natawa naman sya.
" si franz.. Nasa lobby.."
" ano ginagawa niya dito.?"
" Gusto ka daw makausap.. Saka makita bago man lang daw sila umuwi ng Pilipinas bukas.."
" si daryll kasama ba niya.?"
" kanina kasama niya pero umalis ata."
"huh iniwan niya si franz.?"
" I think gusto ni daryll makapagusap kayo ni franz.. Naiintindihan ka naman ni daryll.. Alam mo mabait talaga sya.."
" ayoko bumaba.."
" inaantay ka ni franz.?"
"masasaktan lang uli ako.. Jonas magmomove on na ko eh."
" closure... You need that joseph.. And I think kailangan din ni franz yun kaya sya nandito.. Bibigay niya sayo yun at kailangan ibigay mo rin sa kanya yun.."
" Ayoko na Umiyak.."
" joseph kailangan mo to.. Para mapabilis yung paghilom.. Acceptance.. Yun lang yun.." seryosong saad niya napabuntong hininga naman ako.. " go joseph.."
"haixt.." buntong hininga ko saka tumayo at nagbihis.. Humugot lang ako ng malalim na hininga pagtapat ko sa elevator.. Kailangan ko na nga sigurong tapusin.. Tama na joseph..tama na.. Sila ang bida.. At ako ekstra.
Pagbaba ko sa lobby natanaw ko lang si franz habang nakatayo at nakatingin sa labas ng hotel.. Pinagmasdan ko lang sya mula ulo hanggang paa.. Unti unting bumalik lahat ng alaala namin nung magbesfriend pa.. Nung wala kaming ginawa kundi magasaran.. I really miss those moment.. Muli lang tumulo yung luha ko pero pilit ko tong pinunasan saka lumapit kay franz.
"shrek..!" gulat ko sa kanya.
"aixt shet!! Ang gago mo joseph.!" inis na saad niya.. Ang cute parin niya pag naiinis..gusto ko sana makita yun forever pero hindi na pwede.
" ano ginagawa mo dito.?" ngiti ko saka tumabi sa kanya habang nakatingin sa labas ng hotel.
" eh kasi umiiyak ka kanina.. Gusto ko malaman kung ok ka.?"
" Im ok. Don't you see nakangiti na ko.."
" sure ka.."
"oo nga...tara lakad lakad tayo gusto ko makita yung lugar kung saan mo makakasama si daryll.. I juts want to know if you're safe here.."
" lakad..? Aixt ayoko.?"
"sige na.." hila ko sa kanya palabas ng hotel.. Wala naman syang nagawa kundi sumunod.." sasama rin naman pala.. " ngiti ko sa kanya.. Umirap naman sya sakin.. Magkasabay lang kaming naglakad sa sidewalk ng kalsada.. " naalala mo franz tuwing vacant natin nung first sem natin sa college.. Ang Layo ng nilalakad natin from library papunta sa kabilang building.. Ilang step nga yun..?"
" I dont know..?" iwas niya ng tingin..natawa naman ako..
" I think 100 steps ata..? Binibilang ko kasi yun kapag magkasabay tayo naglalakad.. Naawkward kasi ako sayo eh." saad ko kita ko naman yung tingin niya sakin.
" More than 100 steps yun or siguro 100 steps nga.... Uhm binibilang ko din kasi yun eh.." napapakamot niyang saad.
" naawkward ka rin nun.?"
" mejo.." pilit na ngiti niya.. Humugot naman akong malalim na hininga..
" Sana franz kahit kayo na ni daryll mapagluto mo parin ako ng adobo.. Miss na miss ko na kasi yun.. Si mama kasi lagi ampalaya yung niluluto.. Nagdadiet na daw kasi sya eh." saad ko natawa naman sya.
" si tita myrna nagdadiet.. ? Maniwala..?"
"oo nga..tingin mo franz Papayat pa kaya sya.?" ngiti ko.
"uhm baka or pwede pa yun.. Namiss ko tuloy sya."
"miss na miss ka na din ni mama.. Pag uwi mo sa Pilipinas dalawin mo sya huh.. Wala naman ako dun eh kaya hindi magseselos si daryll."
"joseph.. Sorry huh.?" seryosong saad niya..
" Sorry for what.?"
" Nasaktan kita.. Joseph hindi ko sinasadya.."
" lakad na tayo pabalik franz." ngiti ko.. Gusto ko na bumalik sa hotel baka magsimula nanaman yung pagtulo ng luha ko.. Ayoko na makita ni franz yun.. Ayoko na makita yung sakit na nadarama niya tuwing nakikita niya yung luha ko..
"joseph...?"
" franz lakad na tayo pabalik.." saad ko saka naglakad pabalik ng hotel.. Narinig ko lang yung pagbuntong hininga niya saka sumunod sakin.. Halos wala na kaming imikan nun habang naglalakad pabalik sa hotel.. Hanggang bumuhos yung malakas na ulan.. Aktong tatakbo ako ng hawakan ni franz yung kamay ko.. Napalingon naman ako sa kanya. " franz umuulan na oh.?" inis na saad ko pero nakita ko lang yung ngiti niya.. Ilang sandali akong natigilan habang pinagmamasdan yung mukha niya kasabay ng patak ng ulan..
"joseph alam mo sabi nila.. Kapag umulan sa hongkong.. malakas talaga.. Yung tipong lulunurin ka.. Yung tipong masakit yung patak.."
"ano ba sinasabi mo franz..?"
" Joseph gusto ko magsorry.. Sorry sa lahat ng masasakit na salita na sinabi ko sayo.. Sorry kung nasaktan kita.. Sorry kung nasugatan ko yung puso mo.. Joseph mahal kita.. Mahal na mahal.. " saad niya kita ko lang yung pamumula ng mata niya. " joseph Im really sorry.. Sana mapatawad mo ko kami ni daryll.. I know masakit pa sa bawat ng patak ng ulan yung nagawa namin sayo.. Pero joseph pinagdadasal ko.. Na sana makatagpo ka ng taong mamahalin ka.. Yung taong handang tanggapin lahat .. Yung lahat sayo.. Joseph Im reaaly really sorry." saad niya habang umiiyak.. Lumapit naman ako sa kanya saka pinunasan yung pisngi niya.. Ramdam na ramdam ko yung patak ng ulan na dumadampi sa mukha niya. " joseph Im sorry.. Hindi ko dapat ginawa sayo yun.."
" franz Its ok.. Franz mahal kita.." saad ko kasabay ng luha ko.. " Hindi ibig sabihin na hinahayaan na kita kay daryll.. Eh hindi na kita mahal.. Franz mahal kita kaya gagawin ko to.. Magpaparaya ako dahil mahal kita..Franz I love you And I want you to be happy.." naluluhang saad ko... "Sabi ko nga kay mama .. Makita lang kitang masaya.. Magiging masaya na ko.."
"joseph.." hagulgol niya.. Natawa naman ako.
"franz naman eh ang panget mo umiyak.." saad ko saka sya niyakap.. Ramdam ko naman na sinagot niya yung yakap ko.. Hinalikan ko lang sya sa pingi saka humiwalay sa kanya. " wag ka ng umiyak.. Kahit umuulan nakikita ko parin yung luha mo.."
" joseph ipagpepray ko talaga yung lovelife mo.."
" wag na.. Just promise me na magiging masaya ka.. Ok na ko dun.. Bestfriend.?" ngiti ko.. Kita ko naman yung pagiyak niya. " franz wag ka ng umiyak..?"
" kainis ka naman eh.. Mmk moment.. May ulan oh dapat may kasabay na iyak to."
" para ka nanamang ewan.. Magiingat ka lage huh.. Bestfriend.. Kung hanggang dun lang talaga tayo.. Ok na ko.. Atleast besfriend is forever right..?"
"bestfriend forever.?" ngiti niya..
"yeah bestfriend forever.." saad ko saka sya niyakap.. Pumikit lang ako saka dinama yung katawan ni franz habang patuloy yung pagbuhos ng ulan sa balat naming dalawa.. Bestfriends forever.. Siguro nga yun lang..
SI ERIKA
" What..?!" Inis na saad ni nicko sakin nasa bahay nila ko nun para sana makipagkwentuhan hindi ko na talaga kaya ng kunsensya ko yung ginawa ko joseph..bahala na.." Erika.. You mean si joseph talaga yung pinili ni franz.?"
" yeah nicko.." pilit na ngiti ko habang umiinom ng juice. " ikaw nagtimpla neto nicko..?"
" yeah bakit masarap.?"
" yeah ang sarap.."
" teka iniiba mo usapan eh.. Erika mali yung ginawa mo."
"nicko naman eh.. Iniiba ko na nga yung usapan eh.. Pinilit lang naman ako ni kuya jasper eh..?"
" jasper..?"
"yeah kuya ni daryll.. Nicko wala talaga kong planong makialam kala franz.. Haixt ano gagawin ko..?"
" ewan ko.." saad niya saka uminom din ng juice.." masarap nga ah.." ngiti niya.
" nicko naman i need help..?"
" bakit ako.?"
"eh kasi.. May utang ka sakin di ba.?"
" utang.?"
"niligtas kita before di ba.. Sige na nicko.?"
" uhm magkano ba yung utang ko.. Babayaran ko nalang.. Ayoko makialam.. ang sungit kaya ni joseph isang beses pinagbintangan pa niya ko magnanakaw baka biglang magtransform yun into monster kapag nalaman niya.. Bahala ka jan erika.?nakakatakot kaya sya.."
" kapag hindi mo ko tinulungan nicko aagawin ko si jonas sayo..?" natawa naman sya. " bakit.?"
"kahit kailan hindi nagtaksil sakin si jonas noh. Kaya malabo yang sinasabi mo..mahal na mahal ako nun sanggang dikit forever nga eh.. Walang makakasira sa gwapong magkapatid.. I mean magsanggang dikit.." ngiti niya umirap namna ako.. Edi sila na masaya haixt,.. Buti pa sila! nakakainis.
" nicko naman eh.."
"aixt kasi nakialam pa kasi.. Ang dami kayang galit sayo.. Sinusumpa ka na nila ngayon sigurado... Yung tipong pinapakuluan ka nila sa mainit na tubig.. Malamang hindi ka lang nila pinatay sa utak nila.. Nilibing ka pa..!" ngiti niya sumimangot naman ako. Mabait na pusa naman ako ah.. Grabe sila..
" Ano gagawin ko nicko..?"
" sabihin mo yung totoo.. Teka bakit kasi nakialam yung kuya ni daryll...?"
" syempre ayaw niya masaktan si daryll.."
" pero mali naman yung ginawa niya.."
"mali nga..si kuya jasper naman kasi eh.."
" gwapo ba yung jasper na kuya ni daryll.?" kunot ang noong tanong niya.. Natawa naman ako.. " bakit tinatanong ko lang ah.?"
" si jonas hindi pa nagtaksil sayo.. Baka ikaw pa magtaksil sa kanyan eh."
"hoy erika hindi ah.. May kilala lang kasi akong jasper.. Alam ko kasi mababait yung mga may pangalan na jasper..kaya malabo sya yung kuya ni daryll.. Ang sama eh.. Pakialamero sa lovelife ng iba.."
" sus.. Nicko help me.. Please.?" pilit na ngiti ko... Umiba naman sya ng tingin.. " please.. Please nicko..?"
" sige na nga.." napapakamot na saad niya. " ano ba plano.?"
" paguwi ni joseph sasabihin ko na sa kanya.."
" and...?"
"yun tapos sa likod lang kita para kapag sinapak niya ko may magdadala sakin sa ospital.?" ngiwi ko natawa naman si nicko. " nicko I'm serious.."
" sabi ko nga serious ka..kailan ba uwi ni joseph.?"
" sa Tuesday.. Sila franz aalis ng miyerkules.."
" nasa Pilipinas sila franz.?"
" yeah nung Thursday pa..pero ang alam ko nasa beach sila ngayon and Monday night pa ang dating nila dito satin.. So ang meron lang ako is isang araw.."
" aixt wait erika.. You mean tutulungan mong maagaw ni joseph si franz within a day.? Baliw ka na ba.?"
" nicko .. Im sure kapag nalaman ni franz yung tungkol sa kwintas.. Maguguluhan na sya.. Saka yung ginawa namin ni kuya jasper.. Sana lang mapatawad ako ni daryll.."
" ang complicated erika..? Eh pano kung mahal naman talaga ni franz si daryll.. Ang tagal nilang nagsama sa hongkong..?" napabuntong hininga naman ako. " ang laking gulo ng ginawa niyo.. Feelings kasi yung involve eh kung siguro hindi kayo nakialam masaya na sila joseph at franz ngayon..?"
" kaya nga gusto ko itama lahat eh.."
" minsan erika kahit itama mo ang isang bagay.. Maiiwan na tong sira.. At hindi mo na maibabalik yung mga bagay na to sa dati.. Wait kaya mo ba ginawa yun kasi bitter ka sa lovelife.?"
" shut up nicko.. Hindi noh."
" ows..type mo si joseph noh.?"
" type ko sya pero yung masungit na yun binusted ako.." simangot ko lang.. Natawa naman si nicko. " pero kahit sinaktan niya ko kailangan ko parin itama to.. Bahala na kung magalit si kuya jasper basta gagawin ko lahat maayos lang yung ginawa namin..sasabihin ko kay franz.. At lalong lalo na kay joseph."
" suportahan kita.." ngiti niya saka tumayo.. " pero may kapalit."
" ano..?"
" tugtugan mo ko ng fireflies. Dali." ngiti niya saka ako hinila papunta sa piano nila.. Napakamot naman ako ng ulo..
"nicko tuwing pupunta ba ko dito tutugtugan kita ng fireflies..?"
"eh si jonas kasi hindi niya makuha ng buo yun eh.. Eh ikaw perfect mo yun eh.."
" hindi parin niya perfect..? Eh diba tinuro ko na sa kanya.?"
" hindi pa pero malapit na.. Erika thank you huh."
"for what.?"
" kasi inilagaan mo si jonas..?" saad niya natawa naman ako..
"may pagnanasa lang ako sa kanya kaya inilagaan ko sya.. Pero wag kang magalala... Move on ko jan sa mr red lips na yan.. Sayong sayo na sya."
" kaya mahal na mahal ka namin ni jonas eh."
"naman.. Game..?" ngiti ko saka sinumulang tugtugin yung kantang gustong gusto ni nicko..
SI JOSEPH
" smile joseph." saad ni blue paakyat kami ngstage nun para sa opening ng supermarket ng mga schoneberg sa hongkong.. Sila franz nakabalik na ng pilipinas.. " joseph ngumiti ka.?"
" kailangan ba nakangiti..? Eh hindi naman sa bibig ko mangagaling yung tunog ng gitara ah.?" simangot ko.
" eh kung ihampas ko sayo yang guitara mo.?" saad ni blue.
"oy wag to.. Gift sakin to ni mama saka si franz ang pumili nito.." saad ko..
" franz nanaman.. Ngumiti ka.. Gusto mo ba makita ni franz na nakasimangot ka habang tumugtog. Remember hiniling ni Mr. Schoneberg na dapat malinaw yung pagkakarecord nung prod niyo kasi papanuorin daw ni franz."
"oo na ngingiti na.." pinilit ko naman ngumiti.. Natawa naman si jonas sa tabi ko.. " bakit ka tumatawa.?"
" mukha kang natatae sa ngiti mo.?"
"haixt.."
" isipin mo nalang nasa crowd si franz.. Watching you.?"
" pero.."
"joseph..."
"oo na.." saad ko saka humugot ng malalim na hininga.. Kaya ko to.. Pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung labi ko..
" THE ANTAGONIST!!!" nakakabinging sigaw ng host.. Damn it sakit sa tenga nun ah.. Narinig ko naman yng tiliin ng mga taong nanduon. Pagakyat ko sa stage hindi ko lang mapigilang mapangiti ng makita yung mukha namin sa isang malaking tarpaulin.. " I LOVE THE ANTAGONIST! GO JOSEPH! - FRANZ. " nakasulat dito.. Tinanguhan naman ako ni jonas saka sinimulan tipahin yung guitara ko.. Dahil sa msg na yun ni franz parang nabuhay yung dugo.. Salamat franz na hindi ka tumigil maniwala sakin.. Kahit ang sama ang ugali ko.. Kahit galit ka sakin.. Kahit hindi na tama yung ginagawa ko.. Bestfriend.. Mas ok nga siguro yun.. Mas masaya tayo bilang magkaibigan..
Tuesday yun ng umuwi kami ng pilipinas.. Pagbaba ko palang ng van na naghatid samin nakita ko na si mama na nasa gate katabi si erika at si.. Teka si nicko..? Ano ginagawa niya dito.
" welcome home anak!!!" sigaw ni mama.. Napangiti naman ako saka yumakap sa kanya.
" ma bakit nagviolet kayo.. Lalo niyo naging kamukha si barney." natatawang saad ko agad naman niya ko binataukan.. " ma naman eh sakit nga ng ulo ko eh jetlag.? Wait di ba dapat nicko si jonas ang sinasalubong mo..? Teka tulog si jonas sa van alam ba niya na nandito ka.?"
" uhm hindi.." ngiti niya.
"lagot ka dun ano ba ginagawa niyo dito.. Erika bakit ka nandito.?" saad ko kita ko naman yung pagiwas ng tingin nito si mama naman kakaiba rin yung tingin. " wait ano to.. ? Don't tell me buntis ka erika at si nicko ang ama.?"
" baliw ka ba.. hindi noh." simangot ni nicko..
" edi hindi..?" kibit ko ng balikat. " eh bakit kayo nanditong dalawa.?"
" anak may sasabihin si erika sayo." seryosong saad ni mama.. Kunot ang noo naman akong tumingin sa magandang pusa na to.. " pasok ko nalang yung mga gamit mo.. Magusap muna kayong tatlo." saad pa ni mama saka kinuha yung mga dala ko at pinasok sa kwarto.
" may problema ba erika..? Nagkita na ba kayo ni franz dito.?"
" uhm nagkita na kami pero pumunta sila ng beach eh.. Kagabi lang sila umuwi." pilit na ngiti niya.
" ok.." ngiti ko.
" erika sabihin mo na..." saad ni nicko.
" teka lang naman..?"
" ano ba kasi yun. Gusto ko na matulog.. Inaantok ako eh.?"
" uhm joseph Una sorry.." saad ni erika,
" sorry for what..?"
"uhm pano ko ba sisimulan..aixt naman kasi.."
"pwede dun tayo sa sala magusap.. Gusto ko kasing maupo eh nangangalay na ko... Siguraduhin mong mawawala antook ko jan sa sasabihin mo huh." simangot ko saka pumasok sa bahay.. Sumunod naman silang dalawa sakin. " hoy nicko baka isipin ni jonas na may gusto ka sakin huh.?"
" hindi.. May sasabihin lang sayo si erika kaya im here.."
"tungkol ba saan yan bakit kasama pa si nicko. Erika.?"
" back up lang ako.. Wala talaga akong alam.." iwas ni nicko ng tingin..
"uhm joseph kasi.. May kasalanan ako sayo.. Saka si kuya jasper.." natigilan naman ako.
" ano.?" seryosong saad ko.. Nakagat naman niya yung labi niya.. "erika ano yun..?"
" uhm joseph.. Sorry.."
" erika pwede ba.. Ano yun!" gigil na saad ko.. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko.. Bakit parang iba..bakit parang bigla akong kinabahan.. Haixt.. Ano ba to.. Ok na ko eh.. " erika ano yun sabihin mo.."
"joseph..uhm pano ba.. Uhm kasi Nung bumili tayo ng necklace.. Naduon si kuya jas.. Nakita niya tayo..tinanong niya ko kung para saan yung kwintas na binili mo..at kung ano yung plano mo kinabukasan nun.. Joseph Im sorry.. Bumili si kuya jas ng necklace tapos binigay niya kay daryll para ibigay kay franz..." tumayo naman ako saka gigil na tiniingnan si erika..
"How could you..? erika nagawa mo sakin yun.. Di ba magkaibigan na tayo..So you mean. God erika.. Damn you!!"
"wait joseph makinig ka muna please..meron pa.. Gusto ko lang itama to.."
" ano pa.?"
"nung araw na yun..." saad niya saka tumungo.. " joseph ikaw yung pupuntahan niya pero pinigilan ko sya ta sinabi na puntahan niya si daryll." rinig ko lang yung pagcrack ng boses niya nagsimula namang tumulo yung luha ko.. I knew it.. Sabi na ako ang pinili ni franz. Nararamdaman ko yun pero di ko alam anong nakain na brand ng cat food ng bwiset na to. Aixtt " joseph pinili ni franz si daryll dahil sa kwintas.. Pero joseph yung totoo.. Ikaw talaga yung pinili niya.. Nung araw na yun sayo dapat sya pupunta.. Joseph Im sorry.." umiiyak na saad ni erika saka tumayo at hinawakan yung kamay ko.. Agad ko naman syang tinulak pero sinalo sya ni nicko..
" erika.. Napakasama mo!" sigaw ko. " erika nakita mo kung pano ako nasaktan nun.. Erika nakita mo eh.. Erika wlaa kang kunsensya.. Wala.,"
" plan lahat ni kuya jas yun. Pero I know may kasalanan ako.. Joseph patawarin mo ko please..?" ilang sandali akong hindi nagsalita.. Nagmomove on na ko eh.. Sabi ko hindi na ko iiyak pero bakit nagawa ni erika yun.. Shit.. " joseph please.. Patawarin mo kami ni kuya jas.."
" patawarin..?" sarkastikong ngiti ko sa kanya. " dalhin mo muna ako sa jasper na yun..!" sigaw ko..
"ano gagawin mo joseph..?" tarantang saad ni erika..
"relax joseph..?" saad ni nicko.
"relax..? Mga gago ba kayo..! Akin si franz pero nakialam kayo.. Mga hayop kayo! Dalhin mo ko kay jasper oh ililibing kita ng buhay erika." gigil na saad ko..
"joseph..?"
"erika.. Wag mo ko galitin..!"
" erika sabi sayo magtatransform sya into monster eh." rinig kong bulong ni nicko..
" shut up nicko.. Gusto mo unahin kitang ilibing..?!"
"sabi ko nga shut up ako.?" simangot niya.
" tara na erika.." saad ko saka lumabas ng bahay at tumuloy sa kotse niya.. Kita ko naman yung kaba sa mukha ni erika.. Humanda ka jasper.. Nakahayop mong pakialamero ka..
Pagpasok ng kotse ni erika sa mga schoneberg agad na kong bumaba.. Wala akong pakialam gusto ko lang masapak yung jasper na yun.. Fuck him...!!
"Jasper..!" sigaw ko pagpasok sa bahay..
" erika baka makasuhan sya ng trespassing.?" saad ni nicko.. Tiningnan ko naman sya ng masama.." fine.. Bahala ka..?" saad niya. Hanggang makita ko yung pagbaba ni jasper sa hagdan..
" nicko..?" saad nito habang nakatingin kay nicko umakyat naman ako saka sya binigyan ng malakas na suntok sa mukha.. Hinawakan ko lang yung kwelyo ng damit niya saka hinarap sakin yung mukha niya..
" Hayop ka!!" sigaw ko sa mukha niya tinitigan naman niya ko sa mukha.
" I guess alam mo na..?" sarkastikong ngiti niya sakin..
"nasaan sila franz.?"
" bakit ko sasabihin sayo..?"
" kapag hindi mo sinabi ihuhulog kita dito sa hagdan.. Ganun kadali jasper.."
" joseph wag!" sigaw ni Erika..
" Sinisigawan mo ba ko Erika.?" lingon ko sa kanya.. Umiling naman sya.
"Sinigawan mo sya eh.." saad ni nicko.. Haixt ewan ko sa kanila..
" Nasaan si franz.?" gigil na saad ko kay jasper saka sya sinalya sa hagdan.. Napaupo lang sya sa baitang nun.
" Umalis na sila pabalik ng hongkong." inambahan ko naman sya ng suntok.
"wag mo ko lokohin alam kong bukas pa ang alis nila.!"
"please joseph hayaan mo na sila."
"akin si franz.. Ako ang mahal niya.. Ako.,."
"pero mahal sya nidaryll..!"
" wala akong paki!! Sasabihin mo ba o dudurugin ko yang mukha mo..?!"
" hindi ko sasabihin..." seryosong saad niya saka tunayo at bumaba ng hagdan hinabol ko naman sya saka hinila at sinuntok sa mukha.. Hindi ko naman napigilang tumulo yung luha ko.. " joseph masaya na si franz. Pwede bang makuntento ka na dun.?!"
"masaya..? Dahil sa kasinungalingan niyo..!"
" mahal niya si daryll.."
" alam mong ako ang pinili niya.!"
"kuya jas sabihin mo na please..?" saad ni erika pero sinamaan lang sya ng tingin ni jasper.. " kuya jas please..?"
" erika pinsan mo si daryll.. Bakit nagawa mo to sa kanya.!"
" dahil alam niyang mali.." saad ni nicko... " jasper.. Mabait ka di ba.. Bakit ginawa mo yun.?"
" nicko wag kang makialam..kapatid ko yung pinaguusapan dito.." saad niyang sa ibang dereksyon nakatingin.. Damn it.. Tuloy lang yung pagpatak ng luha ko ng mga oras na yun..
" jasper sabihin mo na please.. Nagmamakaawa ako.." mahinang saad ko habang nakatungo..
"Jasper.. Mabait ka.. Alam mo yung tama at mali.. Jasper pakita mo naman sakin na yung jasper na nakilala ko dati ay katulad parin ng jasper na nasa harap ko ngayon.."
"nicko..ginawa ko yun kasi mahal kita pero nasaktan ako.. Nicko ayoko maransan ng kapatid ko yun."saad ni jasper kita ko lang yung pagtulo ng luha niya.
" Jasper.." saad ni nicko saka lumapit dito.. " im sorry kung nasaktan kita.. Pero look at me jasper.. Masaya na ko.. aT dahil sayo yun.. Pinarealize mo sakin na naghihilom ang sugat.. na lahat pwede magsimula ng panibago.. Jasper Alam ko darating ang panahon na may magmamahal sayo... Na may taong darating para ipakita sayo na maganda ang mundo..jasper..please.. Sabihin mo na kung nasaan si franz..." nagpunas lang ng luha si jasper saka tumingin sakin..
"nicko mahal ko yung kapatid ko.. At ayoko sya masaktan..!"
" ako ang mahal ni franz..! Hayop ka..!" sigaw ko..
" Kung mahal mo sya bakit mo sya pinaniwala na sya talaga yung pinili ni franz.. Jasper mali ka eh.." saad ni nicko.
" nicko.. Di mo ko naiintindihan eh.."
" naiintindihan kita jasper pero mali eh.. Please sabihin mo na kung nasaan sila.. Please.." ilang sandali lang syang hindi nagsalita. " jasper I know naman mabait ka eh.. Alam ko yun.. Di mo dapat ginawa yung mga bagay na yun.. Jasper kilala kita.."
" nicko..kapatid ko si daryll.."
"kung mahal mo talaga yung kapatid mo.. Kailangan niya malaman yung totoo.." nagpunas lang sya ng luha saka tumingin sakin..
" Nasa mall sila.." mahinang saad niya..
" sa mall.?" tanong ni erika..
" Erika lets go." saad ko..
" nicko pwede ba kitang yakapin.?" saad ni jasper..tumango naman si nicko.. Nakita ko lang na yumakap dito si nicko pero agad akong lumapit saka sya hinila..
" Nicko tama na.. Lagot ka kay jonas.." saad ko..
"puntahan niyo na si franz.. Dito muna ako kay jasper.."
"si jonas.."
"Papahatid ako kay jasper.. Ako ng bahala magpaliwanag sa kanya." saad ni nicko. Agad ko naman hinila si erika palabas saka nagmamadaling sumakay sa kotse niya.
"may past sila ni jasper.?" saad ko.
"Dont know..I know gusto ni kuya jas si nicko pero hindi ko alam yung history nila.. Malay ko ba dun.?'" saad ni erika habang nagdadrive.
"erika thank you huh.."
"no joseph ginawa ko to para mawala yung bigat ng kunsensya ko.."
"pasalamat ka babae ka.. Gustong gusto kita sapakin."
"thank you.." ngiti niya.. Aixt. "ano plano mo pag nagkita kayo ni franz."
" di ko alam.." saad ko.
" si daryll paano sya..?"
"erika I really don't know.. Erika sumuko na ko eh... Pero hindi pala dapat.. Kasi akin naman pala talaga sya."
" wag kang gumawa ng gulo sa mall huh."
" hindi.. Kakausapin ko lang sila..at sasabihin sa kanila lahat ng ginawa niyo.. Kung si daryll parin ang piliin niya.. Papatayin ko sya." simangot ko..
"wag naman joseph.."
"ang hayop niyo kasi.. Ako na yung pinili ginulo niyo pa,..humaba pa tuloy yung kwento..!""
" sorry na nga eh." pagdating namin sa mall ni erika agad lang kaming naglibot para hanapin sila daryll.. Natigilan lang akong makita sila sa tapat ng isang store.. Mukha silang masaya parehas.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagsimulang humakbang papalapit..
SI FRANZ
Naglalakad kami ni daryll sa mall nun ng maramdaman ko yung unti unting paglabo ng mata ko.. Pinilit ko naman kinalma yung sarili ko.. My god.. Please wag ngayon.. Please god..
" franz.. Pupunta lang ako cr sama ka.?" saad ni daryll.
" uhm ah eh wag na aantayin nalang kita dito.." nauutal na saad ko.. Pilit ko naman syang inaaninag.. My god..
"ok ka lang ba may nararamdaman ka ba.?"
"I'm ok daryll.. Sige na antayin kita dito."pinilit ko lang ngumiti.. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ko sa pisngi hanggang marinig ko yung yabag niya palayo.. Shit naman.. Tinaggal ko lang yung salamin ko.. Pinunasan ko lang to saka muling sinuot pero wala parin akong makita. Shit..my god... Aixtt waaagg.. Hindi ko lang mapigilan maluha... no..
" franz may problema.?" rinig kong saad nung kung sino man yun..
"sino ka.?"
"huh di mo na ko kilala..?" my god boses ni joseph yun.. " franz ok ka lang ba..?"
" I'm ok.. Baka makita tayo ni daryll.." saad ko saka naglakad pero nabunggo lang ako nung kung sino.. Shit.. Pilit ko naman inaninag yung daanan pero wala talaga..
" franz.." hawak ni joseph sa braso ko pero agad ko tong tinggal hanggang madapa ako.. " franz..ano ba.!"
"joseph.. Wala kong makita.. Joseph tulungan mo naman ako.. Wala akong makita.." naluluhang saad ko..ilang sandali kong hindi narinig yung boses niya.. " joseph.. Tulungan mo ko please.
" Alam na ba ni daryll yung tungkol sa mata mo.?" saad niya marahan naman akong umiling naramdaman ko naman na inalalayan niya ko tumayo saka hinawakan yung kamay ko.. " lets go franz.." saad niya.
"wait saan.. Si daryll nasa cr lang.." tarantang saad ko..
" just walk franz.. Aalalayan kita.."
"san mo ko dadalhin..?"
" sa puso ko.."
ITUTULOY
I love you joseph! Napakadakila mo =..( sana mahalin k n ng tuluyan ni Franz.. Please author wag mo papatayin si daryll or joseph para maibigay ang mata kay franz.. Pareho sila deserving magkaron ng book 3 just to find their own love.. Nikolo06290
ReplyDeleteBakla! Kala ko ba magbabago ka na
Deletetime is working perfectly well for joseph! buti nalang hindi pa siya fully moved on! kung may tiyaga, may nilaga pala talaga! go team JoFranz!
ReplyDeleteSad naman...natuluyan na lumabo ang paningin no Franz....Pero natutuwa Ako...matutuloy Ns uli ang Franz Joseph love team...
ReplyDelete***Jan Ariez ***
Yun lang... sa puso ko. Hehehehe. update ka pa bukas please... parang magandang maayos ni Joseph at Franz yung kanila. But since bulag na ang Franz... mahal ang operasyon na kailangan sa mata niya na si Daryll lang ang makaka bigay so for Franz ipaparaya ni Joseph yung mahal niya. Selfless love. Pero dapat sa dulo sila magkatuluyan. #TeamJoseph
ReplyDeleteHala! eto na yun mukhang magkakaalaman na. excited for the next chapter.
ReplyDeleteGrate ang intense napakakabitin ang ganda ng flow
ReplyDeleteGrabe ang intense nakakabitin ang ganda ng flow
ReplyDeleteGrabe. Ang galing mo mr.author. Kudos sayo! :)
ReplyDeleteGo lang ng go joseph my god!!!!
ReplyDeleteMahal ka ni franz wag kang susuko!!!
#josephandfranzforever
#teamjoseph
#josephgolangnggo
nice update and story kuya author ehehehehe...XD me like it very much...
- Ian Kitoy
Ganda
ReplyDeleteRey t
Wahhhh... naku Francisco..taena. sa puso ni joseph, hindi ka magkakasya sa superior vena cava nya. Ang haba ng buhok mong pakshet ka.
ReplyDeleteYes YEs YEs .. alam na ni Joseph ang totoo... pero paano yan nabulag na nga ba ng tuluyan ang bida natin na mahaba ang hair? ahahahaha.. thanks for the update...
ReplyDeletekeep safe....
- Rhafy-
ReplyDeleteNag online lang talaga ako para dito... revelation! eto na tayo.. masakit sa dibdib na talaga to Bluefy!
Love will find it's way... Kitakita nlang tayo sa Group sa FB.. Kainis ng kwento!
This is it pansit! I really love the roughness of Joseph.. Matatae siguro ako sa kilig kapag ganun ang boyfriend ko.. Go Joseph!
ReplyDelete-boboy
hi po binasa ko po lahat ng chapter at inabot po ako ng 12hours hehe nakakaddict ung story...congrats po pLa sana lagi may update...im marvin call me arvie for sure..OFW po ako dto sa Muscat, Oman.sana po tuloy tuloy update nio...team joseph pal ako haha okay din si daryll kung makatutuluyan nya ang impt po mGging mSaya si franz..:)
ReplyDeletefb account : dark_24einjhelarvi@yahoo.com
more power and god bless..
WOW ! Kudos mr. A. Ang galing. Keep it up.
ReplyDeleteAz
Oh diba, ganun dapat ang update!!! Yung maraming emosyon, yung mahaba at yung maraming laman... Haha kudos to the author, galing po! Request naman po oh, wag nyo naman patayin si franz or si joseph...please let them be happy!
ReplyDeleteNasan na yung next chapter?
ReplyDelete