Starfish
[Chapter 10]
By: crayon
****Renz****
2:14 am, Thursday
June 26
Pagkaalis ko sa aming bahay ay dumiretso ako ng check in sa isang hotel sa may Ortigas. Wala naman kasi akong maisip na puntahan. Ayaw ko din namang tumambay sa bahay ng bago kong kabarkada dahil wala ako sa mood na magsugal o uminom. Gusto ko lang muna na maging mapag-isa.
Nakaupo lamang ako sa kama ng aking nirentahang kwarto habang nakatingin sa kawalan. Madilim ang silid at tanging ilaw na nagmumula sa labas ang liwanag ko sa gabing iyon.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Walang direksyon ang mga bagay na pinaggagawa ko. Wala rin akong plano sa gusto kong mangyari sa akin sa hinaharap. Parang wala akong gustong mangyari o mas tamang sabihing wala akong pakialam sa kung anu mang maaaring mangyari sa akin.
Alam kong mali ang mga pinaggagagawa ko. Alam kong wala itong maidudulot na maganda sa akin. Nakikinig naman ako kahit papaano sa mga sinasabi sa akin ni Mama at sa mga taong nakapaligid sa akin. Sadyang mahirap lang para sa akin ang gawin ang gusto nila. Wala kasi akong alam na ibang paraan para sumaya kahit na panandalian lang. Tanging ang kakaibang high ng droga, saya ng mga inuman, at kakaibang thrill ng pagsusugal ang nagdudulot ng ngiti sa aking mga labi.
Kung wala ang mga iyon, ay pawang mga problema at kalungkutan ang pumapasok sa aking isip. Kung wala ang mga bisyo kong iyon ay baka matagal na akong nabaliw at nasiraan ng bait. Kung wala ang mga iyon ay baka matagal ko ng kinitil ang aking walang kwentang buhay.
Kaya minsan hindi mo rin masisisi ang mga taong nagpapakalango sa alak o sa droga. Hindi mo naman kasi alam ang lahat ng kanilang pinagdaraanan. Maaaring mali nga ang paraan na pinili naming gawin para makalimot pero wala naman kaming gaanong pagpipilian. Mahirap maging malungkot pero mas mahirap ang pakiramdam na wala kang kakampi habang pilit mong tinatakasan ang kalungkutan.
Pinili kong lumayas na sa bahay dahil sa pakiramdam ko ay wala ng nakakaintindi pa sa akin. Noong una ay ang mga kaibigan ko lamang gaya nila Gelo ang kumokontra sa akin. Hanggang sa nalaman na din ni Mama ang mga ginagawa ko at sinimulan niya na din akong araw-arawin ng sermon. Kanina lamang maging ang kahuli-hulihang taong inaasahan kong maging kakampi ay nasampolan din ako ng pangaral.
Batid kong natatakot lamang sila na mapasama ako sa mga ginagawa ko. Pero mahirap bang intindihin na sobra na akong nahihirapan at nasasaktan kaya pinili ko ang panandaliang solusyon na hatid ng mga bisyo ko. Ganoon ba kahirap para sa kanila na hayaan na lang ako sa aking ginagawa dahil sa ganitong paraan lang ako nakakatakas sa mga problema?
Sa totoo lang ay gusto ko na lang na bigla na lang mawala sa mundo. Parang kay sarap isipin na bigla na lang magsa-shutdown ang aking isip at sa wakas ay habangbuhay na lang akong matatahimik. Gusto kong matulog at wag nang magising pa kailanman. Gusto ko ng sumuko sa buhay. Gusto ko na lang na mamatay.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha habang nag-iisip. Napakamiserable ng sitwasyon ko at parang wala na akong natatanaw na pag-asa pa.
Bukas ay panibagong hamon para sa akin. Hamon kung paano ko muling susubukang takasan ang kalungkutan. Hamon kung paano ko muling kukumbinsihin ang aking sarili na mabuhay. Hamon kung paano ko kakayaning sumabay sa malungkot na agos ng aking buhay.
Isang oras pa akong nagmuni-muni at nag-isip bago ako tuluyang nakatulog. Sa aking panaginip ay nasa isa akong madilim na lugar. Puno ng nagkalat na basura ang aking paligid, sirang laruan, plastik, bote ng mineral water, upos ng sigarilyo at kung anu-ano pa. Walang ibang tao kundi ako. Hindi ako pamilyar sa lugar na kinalalagyan ko.
Sinubukan kong maglakad-lakad. May gusto akong puntahan pero hindi ko alam kung saan. Sinundan ko ang napakahabang kalsada na nasa aking harapan. Pakiramdam ko ay tatlumpung kilometro na ang nalalakad ko pero walang nagbabago sa aking paligid.
Madilim pa rin ang lugar na iyon ngunit walang tala o buwan sa langit na makikita. Walang puno, bahay, o building na matatanaw, tanging kawalan ang nakikita ng aking mga mata. Puno pa rin ng kalat ang aking paligid, sirang laruan, plastik, bote ng mineral water, upos ng sigarilyo, at kung anu-ano pa.
Hiningal na ako sa paglalakad kaya naisipan ko munang maupo sa tabi ng kalsada. Tila noon ko lang naramdaman kung gaano na ako kapagod. Parang gusto ko na lang matulog sa tabi ng kalsada at doon na magpahinga. Nauuhaw na din ako at nagugutom pero wala akong makitang tindahan na maari kong bilhan ng makakain.
Sinubukan kong kapain ang cellphone sa aking bulsa pero wala ito doon. Napapikit na lamang ako sa kawalan ng pag-asa dahil hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sana ay mag-umaga na at may makita akong lugar na medyo pamilyar sa akin. Dahil kung hindi ay mukhang sa lugar na lang na ito ako mamamatay at walang sinuman ang makakaalam ng nangyari sa akin.
"Kuyang mabait!", napadilat naman ako ng makarinig ng mga mumunting tinig. Namumukhaan ko ang mga batang kaharap ko, isang batang babae at lalake.
"Nawawala ka ba Kuya?", tanong ng nakababatang lalaki.
"Oo eh, nasaan ba tayo? Nawawala din ba kayo?", taka kong tanong sa dalawa.
"Hindi ko alam pangalan ng lugar na 'to eh. Pero hindi kami nawawala, iniwan nga lang kami dito ni Mama. Bibili lang sya ng ice cream tapos babalikan kami. Ikaw lang naman ang nawawala eh.", nakangiting sagot ng batang babae na tila naaaliw sa nangyayare sa akin.
"Ganun ba? May alam ba kayong tindahan dito. Bili tayo ng pagkain, nagugutom at nauuhaw na ako eh."
"Wala eh, kanina pa kami naglalakad wala naman kaming nakitang tindahan.", sagot ng babae.
"Eto kuya oh, sayo na lang. Nibigyan mo naman ako ng pakkain dati eh.", alok ng batang lalaki sa candy na hawak niya.
"Paano ka? Mahilig ka sa candy di ba?", alinlangan kong tanong.
"Okay lang dadating naman na si Mommy, papabili na lang uyi ako.", bibong sagot nito. Nakakahiya man ay kinuha ko na din ang candy na inalok sa akin para maibsan ang pagkagutom ko.
"Sasamahan ka na lang namin dito kuya. Antayin na lang natin dito yung mommy namin para di ka na mawala.", sabi ng batang babae.
"Tsaka paya hindi ka na mayungkot mag-isa.", gatong ng kapatid nito.
"Bahala kayo.", nanatili kami doong nakaupo ng matagal. Naglalaro ang dalawa habang ako ay nakontento nang namnamin ang lasa ng candy na ibinigay sa akin.
Ilang oras din kaming nakatambay sa lugar na iyon hanggang sa may naaninag akong liwanag na paparating sa amin.
"Ano yon?", taka kong tanong. Agad namang napalingon ang dalawang bata sa pinanggagalingan ng liwanag.
"Si Mommy!!!", sabay na sigaw nang dalawang bata at kumaripas ng takbo. Agad naman akong napatayo dahil naisip ko na marahil ay isang sasakyan ang parating at baka masagasaan pa yung dalawang makulit na bata.
"Hoy, sandali hintayin nyo ko! Baka mabundol kayo, hoy!!!", sigaw ko sa dalawa habang hinahabol sila pero patuloy lamang na lumalaki ang agwat ng aming distansya.
"Sandali lang, bata!!!!", nakarinig ako ng malakas na pagpreno ng isang sasakyan at ng malakas na kalabog.
Napabalikwas ako ng bangon sa aking kinahihigaan. Luminga ako sa aking paligid at nandoon pa din ako sa kwarto ng hotel na aking tinulugan. Base sa liwanag ng aking kwarto ay mukhang tanghali na. Agad naman akong napahawak sa aking ulo dahil sa biglang pagsakit nito.
Bakit ba kasi ganoon ka-wirdo ang aking panaginip?
Hinanap ko ang telepono sa kwarto at umorder ng makakain. Hindi naman ako nagmamadali na umalis dahil wala rin naman akong pupuntahan. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko sa araw na iyon. Naisip kong matulog na lang muli pagkatapos kumain para makabawi naman ako ng tulog.
****Kyle****
10:12 am, Saturday
June 28
Ngayon pa lamang ay hindi na ako mapakali. Bukas kasi ay ipapakilala na ako ni Aki sa kanila. Pupunta si Aki sa condo ngayon para bukas ay sabay na kaming pupunta sa kanila para mag-tanghalian. Hindi naman kami doon matutulog ayon kay Aki. Okay na daw yung dun lang kami mag-lunch para may oras pa kami na kami lang dalawa.
"Kyle sa tingin mo, anu ang una mong mauubos hiwain yung mga gulay o yung mga daliri mo?", natatawang pang-iinis sa akin ni Lui.
"Yan kayang dila mo unahin kong hiwain? Dami mong sinasabi eh.", ganti kong sagot. Lalo lamang akong pinagtawanan ni Lui.
"Relax ka lang kasi Kyle. Masyado kang tensed eh. Bukas pa kayo pupunta kela Aki. Tama bang maghiwa ka ng gulay ng tulala? Umayos ka nga.", wika ni Lui.
"Eh anung magagawa ko? Eh kinakabahan talaga ako eh. Paano kung hindi ako magustuhan ng mga magulang ni Aki?", paglalabas ko ng aking saloobin.
"Eh ano naman hindi naman sila ang boyfriend mo.", maangas na sagot ni Lui.
"Kahit na, mas maganda pa din sana yung tanggap kami ng mga magulang ni Aki."
"Di ba kinausap naman na ni Aki yung mga magulang niya? Siguro naman nabigyan niya na ng heads up ang magulang niya na mas gwapo pa sa anak nila yung ipapakilala niya. Wag ka na masyado mag-isip kasi nagugutom na ako."
"Kakakain lang natin ah?"
"Alam mo naman yung mga muscles ko gutumin.", nakangisi nitong wika.
"Yabang mo talaga. Eh kamusta naman yung paghahanap mo ng trabaho? Ok na ba?", usisa ko sa kanya. Ngayon lang kasi uli kami nagkausap ng matagal-tagal ni Lui.
"Ok naman.", tipid nitong sagot. Batid kong hindi maganda ang nagiging takbo ng kanyang paghahanap ng trabaho base sa kanyang reaksyon.
Naputol ang pag-uusap naming magkaibigan ng may marinig kaming katok sa pinto.
"Lui, pabukas naman ng pinto. Baka si Aki na yon.", pakiusap ko sa aking kaibigan.
Pagbalik ni Lui ay kasama na niya si Aki. Nakita kong may bitbit itong plastic ng ice cream na nilagay niya sa ref. Lumapit agad sa akin ang kaing nobyo at hinalikan ako sa pisngi.
"I miss you.", nakangiti nitong wika. Bahagya naman akong nahiya dahil nasa harap namin si Lui.
"Miss you too. Nagugutom ka na ba? Saglit na lang to.", tukoy ko sa niluluto ko.
"Okay lang, di pa naman ako gutom. Kamusta Lui?", masayang bati nito sa kaibigan ko. Tila noon lang niya napansin na kasama namin si Lui.
"Ok lang naman, nagpapakalma lang ng paranoid na kaibigan. Ang pangit naman siguro kung ipapakilala mo siya bukas sa inyo na kulang ang daliri, di ba?", natatawang sabi ni Lui. Nakangiti namang napalingon muli sa akin si Aki.
"Daldal mo talaga eh no?"
"Bakit ka naman kinakabahan? Harmless naman ang pamilya ko. Tsaka hindi naman ikaw ang una kong ipapakilala sa kanila kaya sanay na din sila.", kaswal nitong sagot. May kaunti naman akong kurot na naramdaman sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.
"Ah ok.", yun lang ang tangi kong naisagot. Hindi ko naman kasi alam kung anu pa ang dapat kong isagot dun.
"Joke lang!", natatawang sabi ni Aki. Kasunod noon ay ang malakas na pagtawa ni Lui. Hindi ko naman mapigilann pamulahan ng mukha dahil sa pangtitrip ng dalawa.
"Hahahaha, doon muna ko sa sala Kyle.", paalam ni Lui.
"Pahinga ka muna doon sa kwarto o sa sala kung gusto mo.", wika ko kay Aki.
"Hindi na, tutulungan na lang kita dito. Anung pwede kong gawin?", tanong niya.
"Hiwain mo na lang muna to para makapag-gisa na ako.", sinunod naman ako ni Aki. Habang naggi-gisa ay hindi ko mapigilan ang curiosity ko kaya tinanong ko na si Aki.
"Sino yung iba mong pinakilala sa pamilya mo?", nahihiya kong tanong.
"Hahahaha wala. Niloloko nga lang kita, ikaw una kong ipapakilala sa kanila pero wag ka na mag-alala. Mabait naman sila at malawak ang pang-unawa.", sagot ng aking nobyo.
"Puro ka kasi kalokohan eh. Hindi na kaya ako mapakali sa kaba."
"Nagawa nga natin maging okay sa magulang mo eh, sisiw lang yan sa pamilya ko. Trust me.", sa sinabing iyon ni Aki ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.
Matapos makapagluto ay sabay-sabay na kaming kumain nila Aki at Lui. Nanatili lamang kami ni Aki sa bahay buong maghapon. Nag-dvd marathon na lamang kami kasama si Lui dahil wala ako sa mood na lumabas.
Natutuwa naman akong makita na magkasundo sila Aki at Lui. Para bang biglang nagkaroon ng bagong bestfriend ang aking nobyo. Kadalasan pa nga ay ako ang pinagtitripan nilang dalawa na inisin.
Lumipas ang maghapon ng hindi ko namamalayan. Patulog na sana kami ni Aki ng biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko namang sinagot yung tawag sa akin dahil bigla akong nag-alala sa taong tumawag sa akin.
"Hello po Tita?", bungad ko sa mommy ni Renz. Pasado alas-dyes na kasi ng tumawag ito kaya hindi ko maiwasang magtaka at mag-alala.
"Pasensya ka na Kyle. Alam kong dis oras na ng gabe naistorbo pa kita.", paumanhin nito.
"Okay lang po tita. Hindi pa naman po ako patulog.", pagsisinungaling ko.
"Salamat. Itatanong ko lang sana kung dyaan tumutuloy sa'yo ngayon si Renz?", nahihiya nitong sabi. Hindi naman ako agad nakasagot dahil naguguluhan ako sa nangyayare. Nang huli kaming magkita ng aking bestfriend ay kinausap ko siya na umuwi na sa kanila. Buong akala ko ay malinaw ang aming pag-uusap na uuwi siya sa kanila.
"Hindi po Tita eh. Huli ko po siyang nakausap nung nagkita tayo last Wednesday. Akala ko po uuwi siya sa inyo.", nababahala kong sagot.
"Umuwi naman siya noon pero...", rinig ko ang paghikbi ng ginang sa kabilang linya. "Kasi naglayas siya Kyle. Pangatlong gabi na ngayon na hindi siya umuuwi. Hindi naman niya sinasagot yung cellphone niya kapag tumatawag ako. Akala ko sa inyo sya nakikitira pansamantala."
"Ganun po ba? Sige po, susubukan ko pong tawagan yung mga kaibigan namin baka duon po nakitulog si Renz. Magpahinga na lang muna po kayo Tita at baka makasama po sa kalusugan ninyo yung masyadong stress. Babalitaan ko na lamang po kayo bukas ng umaga", payo ko sa ginang dahil batid kong may mga iniinda na itong sakit dahil na rin sa edad nito.
"Sige anak, maraming salamat. Sorry talaga at naaabala na naman kita."
"Ok lang po iyon Tita. Sige na po magpahinga na po kayo."
"Sige, salamat uli.", binaba ko na ang tawag matapos iyon.
"Mommy ni Renz?", tanong ni Aki na nakayakap sa akin ng mga sandaling iyon.
"Oo, naglayas na naman daw si Renz.", sagot ko habang nagta-type ako ng message na ipapadala ko sa mga kaibigan ko.
"Kelan pa daw?"
"Tatlong araw na daw eh, after namin mag-usap nung Wednesday mukhang umuwi lang siya sa kanila para kunin yung iba niyang gamit. Naaawa ako sa mommy niya kasi alam kong may sakit na yun sa puso eh.", matapos mai-text ang aming mga kaibigan ay sinubukan kong tawagan si Renz pero di rin niya sinasagot ang tawag ko.
"May sapak talaga sa ulo tong Renz na 'to.", komento ko sa hindi pagsagot ng aking bestfriend sa aking tawag.
"Tama na muna yan. Bukas mo na lang siya tawagan kasi baka tulog na din yun.", payo ni Aki. Wala na din akong nagawa dahil kinuha na nito ang aking cellphone at inilagay sa bedside table.
****Renz****
3:15 am, Sunday
June 29
Tadtad ng missed calls mula sa aking magulang at kay Kyle ang aking cellphone. Naiwan ko kasi ang aking phone sa sasakyan habang nagsusugal kami ng mga kabarkada ko. Pinagpasalamat ko na lamang na nakaiwas ako sa pangungulit nila dahil mikhang nagsumbong na naman ang aking ina kay Kyle kaya ito biglang napatawag.
Ipinarada ko na lamang ang aking sasakyan malapit sa isang simbahan. Wala na kasi akong pera pang-check in sa hotel dahil naipatalo ko na ito sa sugal. Hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng panggastos sa mga susunod na araw. Ayaw ko naman na umuwi sa bahay. Napabuntong-hininga na lamang ako sa panibago kong problema.
Pinasya kong matulog na lamang sa loob ng aking sasakyan. Mukha namang safe sa lugar na ito. Ilang sandali lang at dinalaw na ako ng antok.
--------------
Nagising ako sa sunod-sunodmna katok sa bintana ng aking sasakyan. Pagtingin ko sa aking relo ay pasado alas sais pa lang ng umaga. Bahagya pang masakit ang aking ulo dahil sa kakulangan sa tulog. Paglingon ko sa bintana ay nabungaran ko ang dalawang batang pulubi na nanghihingi ng limos. Agad namang uminit ang aking ulo dahil sa pagkakaistorbo sa aking tulog.
Binaba ko ang bintana ng aking sasakyan para sana sigawan ang mga bata dahil wala silang tigil sa pagkatok.
"Kuyang mabait!!!", matinis na sigaw ng bata. Napatigil naman ako sa aking balak na pag-sigaw dahil pamilyar sa akin ang mukha ng mga batang kaharap ko. Sa tantya ko ay nasa tatlong taong gulang ang batang lalaki na akay-akay ng kapatid nitong babae na nasa anim na taon na siguro.
Halata ang laki ng pinagbago ng dalawa. Noong huli ko silang makita ay medyo maayos pa ang kanilang itsura pero ngayon ay halata na ilang linggo na silang hindi naliligol. Kapansin-pansin rin ang humpak na nilang mga mukha.
"Oh ano? Di na kayo binalikan ng nanay nyo no?", masungit kong sagot. May sira nga ata talaga ang ulo ko dahil maski ang dalawang batang ito ay napagbabalingan ko ng aking inis.
Hindi naman nakasagot ang batang babae. Umiling lang ito at halata ang pangingilid ng luha sa mata. Kita ko rin ang takot sa mukha ng kasama nitong kapatid.
"Ate, taya na. Ang galit na si kuya.", naiiyak na ding sabi nung isang bata habang hinihila ang kamay ng kapatid palayo.
Agad naman naglakad palayo ang dalawa patungo sa harap ng simbahan at doon nangharang ng mga tao para mamalimos.
Nakaramdam naman ako ng labis na pagkaawa sa dalawa at inis sa sarili dahil sa aking ginawa. Marahil ay hindi pa kumakain ang dalawang iyon.pinilit kong hindi na lamang sila pansinin.
Pinaandar ko ang aking sasakyan at naghanap ng maaaring kainan. Matapos kumain sa isang fastfood restaurant ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang dalawang bata. Kubg tutuusin ay pare-pareho kaming walang matirhan. Pinasya kong mag-take out ng pagkain para sa mga ito kahit na wala na rin ako gaanong pera. Bahala na sa mga susunod na araw.
Bumalik ako sa simbahan at sinubukan hanapin yung dalawang bata. Mahigit tatlumpung minuto din akong nagpaikot-ikot bago ko sila natagpuan na nakaupo sa may isang hilid habang nagsasalo sa isang tinapay.
Nakita agad ako ng batang lalaki pero hindi ko ito nakitang ngumiti. Marahil ay natatakot pa din ito dahil sa pinakita kong reaksyon kanina. Nang makalapit ako ay wala pa ring nagsasalita sa dalawa, pareho lang silang nakayuko at hindi makatingin sa akin.
"Pasensya na kayo sa akin kanina, masama lang ang gising ko. Kumain na kayo oh.", sabi ko sa dalawa pero hindi pa din sila gumagalaw. Mukhang nagtampo pa ang dalawa o sadyang natatakot lang sila.
Umupo ako aa tabi nila at binuksan ko na ang dala kong pagkain.
"Bahala kayo, kung ayaw nyo uubusin ko na lang itong binili ko.", pang-iinggit ko sa dalawa. Nakita ko namang napalingon sa akin yung batang lalaki habang kumukurot ako sa binili kong manok.
"Pwede pahinge?", nahihiyang sabi ng tatlong taong gulang na bata. Halatang takam na takam ito sa hawak kong manok.
"Oo naman.", nakangiti kong sagot. Agad namang sinunggaban ng bata ang pagkain na binili ko habang nagmamasid ang kanyang ate. "Kumain ka na din kasi. Alam ko namang gutom ka na eh.", sagot ko habang inaabot oo ang isa pang styro ng pagkain sa kanya. Nahihiya naman nito iyong kinuha.
"Thank you po", sagot nung batang babae. Pinanood ko lamang ang dalawa na kumain. Halatang matagal na simula nang makakain sila ng masarap na pagkain dahil mabilis na naubos yung dala kong pagkain.
"Anong pangalan mo?", tanong ko sa batang lalaki.
"Andyey!", nakangisi nitong sagot habang nilalantakan ang ice cream na kasama nung binili ko.
"Ha?", hindi ko naman naintindihan ang sabi nito dahil may pagkabulol pa ito.
"Andrei po ang name niya, ako po Sandy. Ikaw kuya, anu pangalan mo?"
"Renz. Ilang taon na kayo?", nakita ko namang iminuwestra ni Andrei na tatlong taon na siya sa kanyang mga daliri.
"Siya po magti-three pa lang ako po seven na."
Sinamahan ko lamang ang dalawang batang iyon buong umaga. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa kanilang dalawa. Nakaupo lang ako sa isang bench malapit sa simbahan habang pinapanood ang dalawa na namamalimos o kaya ay naglalaro ng habulan. Mga munting anghel na maagang sinubok ng kapalaran.
****Kyle****
11:04 am, Sunday
June 29
Pakiramdam ko ay tatalon na palabas ng dibdib ko ang aking puso dahil sa pinaghalong kaba at takot. Kaba dahil kakatapos lang i-garahe ni Aki ang kanyang sasakyan sa loob ng kanilang compound at takot sa nalalapit naming pagkikita ng mga magulang niya. Hindi ko alam ang kanilang magiging reaksyon ng mga ito oras na makita nila ang piniling maging karelasyon ng kanilang anak.
Parang gusto ko nang umatras sa usapan namin ni Aki pero alam kong magiging unfair ako kung gagawin ko iyon at pahahabain ko lamang ang aking paghihirap. Pilit ko na lang iniisip na hindi naman ako pababayaan ni Aki.
"Are you ready?", nakangiting wika ni Aki. Parang siguradong-sigurado siya na maganda ang kalalabasan ng aming pagkikita ng kanyang mga magulang. Samantalang noong siya ang ipapakilala ko sa amin ay pareho kaming kinakabahan. Malayo ang kanyang ikinikilos sa naging gawi ko noon.
"I-i guessss...", na-uutal kong sabi.
"Hahahaha, you don't have to stutter Kyle. You're only making yourself a lot cuter. Baka mamaya hindi ka na pauwiin nila Mama at dyan ka na patirahin sa bahay.", magiliw nitong komento.
"I think i'm gonna wet my pants."
"Don't be so paranoid, again mabait naman sila Mama. Hindi ka naman nila patatawarin sa alambre. Trust me, everything will be just fine. Chillax.", hindi ko na nagawa pang magsalita at tumango na lang ako kay Aki bilang sagot. Mabilis naman akong hinalikan sa pisngi ni Aki.
"Come on let's get inside. Malamang sa inaabangan na nila tayo.", ang isiping iyon ay lalo lamang nagpakabog sa aking dibdib.
Lumabas na kami ng sasakyan ni Aki, bahagya pang nanginginig ang kamay ko habang sinasara ang pinto ng sasakyan. Sana naman ay hindi mamasa ang kamay ko, nakakahiya kapag nakipagkamay ako sa ama ni Aki.
Habang naglalakad ay para naman akong nauubusan ng hininga. Daig ko pa ang sasalang sa deathrow sa kaba.
'Anu ba Kyle Allen Quijano!!! Umayos ka, lalo mo lang ipapahiya ang sarili mo kung magpapatalo ka sa kaba. You have to look decent and smart. Hindi yung mukha kang may sayad sa ulo.', bulong ng aking isip.
'Kaya ko to! Sabi nga ni Aki, what can go wrong? Apat na oras lang, walang-wala iyon kumpara sa overnight stay na ginawa sa amin ni Aki noon. Calm down Kyle."
Hindi ko namalayan na nasa front porch na pala kami ni Aki. Hindi na ito kumatok pa at pinihit na agad ang seradura ng kanilang pinto para bumukas.
"Ma, we're here!", malakas na sabi ni Aki habang pumapasok kami sa bahay.
Agad ko namang nabungarang ang isang mag-asawang masayang nag-uusap sa malawak na living room ng bahay nila Aki. Wala namang ibang tao doon maliban sa kanila kaya sa tingin ko ay iyon na ang magulang ni Aki. Kita din naman kasi ang resemblance sa mukha ng mga ito na anak nga nila si Aki.
May edad na ang ama ni Aki at kita ito sa maputing buhok nito sa ulo. Nakasuot ito ng salamin na tila nagsasabing siya ang ma-awtoridad sa bahay. Kita naman na sopistikada ang ina ni Aki. Halatang galing ito sa isang marangyang angkan base sa pananamit nito. Kahit na nakaka-intimidate ang kanilang itsura ay napapawi naman iyon ng matamis nilang mga ngiti. Ngayon ay alam kong minana ni Aki ang kanyang mga mata sa kanyang ina na gustong-gusto kong nakikitang naka-ngiti.
"Hi anak!", bati ng ginang sa kanyang anak. Agad namang humalik si Aki sa pisngi nito.
"Ma, Pa, this is Kyle, my boyfriend and partner forever.", nakangiting pakilala ni Aki sa akin. Mabilis namang nabaling sa akin ang tingin ng kanyang mga magulang. Akala ko ay iyon na ang sandaling mawawala ang ngiti sa kanilang mukha at palalayasin ako sa harap nila pero lalo lamang lumapad ang kanilang mga ngiti.
"Good morning po!", bati ko sa kanila. Minabuti ko na ding magmano sa kanila bilang paggalang. Narinig ko namang napasinghap ang ina ni Aki ng abutin ko ang kamay nito. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang ginawa kong pagmamano. Masyado ata akong nagiging assuming.
"Oh my! Child you're making me feel a lot older.", simpleng pahayag ng ginang na kaharap ko. Hindi ko naman mawari kung nagbibiro lang ito o na-offend sa ginawa ko.
"Hahaha! Don't fool yourself Loiusa, you are old.", nakatawang sabi ng ama ni Aki sa kanyang asawa. "Finally, we get to meet our son's very elusive partner. No wonder my son is head over hills about you. It's nice to meet such a fine young man like you, Kyle.", baling nito sa akin.
"Thank you sir.", sagot ko. Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang malapad na pagkakangiti ni Aki.
"Don't be so formal Kyle, you can call us mom and dad or whatever you prefer. And try to loosen up a bit, i can see you're tense.", nakangiting sabi ng mama ni Aki. "My name is Louisa and this my loving husband, Henry.", dagdag nito saka bumeso sa akin habang nakipag-kamay naman sa akin ang ama ni Aki.
"Pasensya ka na sa akin kanina, hindi lang talaga ako sanay na may nagmamano sa akin.", paumanhin nito.
"Let's continue this conversation in our dining. Come on guys.", imbita ng ama ni Aki na nauna na sa paglalakad.
Noon ko lang nabigyang pansin ang magarang pagkakaayos ng bahay nila Aki. Halata sa mga gamit at muwebles na naroon na nagmula sa isang mayamang pamilya ang mga taong nakatira sa bahay na ito. May mga malalaking painting na nakasabit sa dingding ng bahay. Nakakaaliw rin pagmasdan ang mga larawan na nakasabit sa paligid.
"Is that you?", tanong ko kay Aki sa isang larawan ng matabang batang nakatawa.
"Hahahaha, yeah. Cute no?", nakangisi nitong sabi. Hindi ko alam na mataba pala ito nung kabataan niya. Nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay at hinila na ako pasunod sa kanyang mga magulang.
Nang makarating kami sa kanilang hapag kainan ay nalula ako sa dami ng pagkain na nakahain roon. Mukhang nagpaluto pa talaga ang mga magulang ni Aki sa isang propesyunal na chef para sa tanghalian namin ngayon. Bigla ko namang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Ngayong nabawasan na ang kaba ko dahil sa mainit na pagtanggap ng mga magulang ni Aki ay nagrereklamo ang tyan ko dahil sa gutom. Hind kasi ako nakakain ng maayos kagabi at kaninang umaga bago kami tumungo rito ni Aki.
"Kyle, please have a seat.", imbita sa akin ng ama ni Aki. Naupo naman kami ni Aki sa kabilang side ng lamesa opposite ng kanyang ina habang ang kanyang ama ay nasa dulong bahagi ng lamesa.
"Kyle, anak, wag kang masyadong mahiya sa amin ha. Kumain ka lang mabuti. Bawal muna ang diet ngayon.", bilin ni Tita Loiusa.
"Mukha nga pong masarap ang mga inihanda ninyong pagkain eh. Sigurado akong sing-sarap ito nung recipe ninyong sopas."
"Hahaha, oo naman. Ako ang nagluto ng lahat ng yan. Sige na kumain na tayo.", nagsimula na kaming kumain habang nagkekwentuhan.
"So where do you work now Kyle? We've heard that you already resigned from Aki's company.", tanong ni Tito Henry. Bahagya naman akong nagulat na alam nito na naging magka-trabaho kami ni Aki noon kaya napatingin ako kay Aki.
"Don't be so surprised Kyle if we already know a thing or two about you and Aki. Hindi naman kasi malihim ang anak ko at lagi ka nyang kinukwento sa amin.", paliwanag ng mommy ni Kyle.
"I see. I work as a statistician for a company in Mckinley Hills, Taguig.", sagot ko sa aking kausap.
"Wow, i didn't know you're a Math whiz like my son.", papuri ng ama ni Aki.
"Uhmm, no. Aki is more like the geek type.", narinig ko namang tumawa ang ina ni Aki. Napatingin naman sa akin ang aking nobyo habang nakataas ang isang kilay. "Well, a very handsome geek in this case.", dagdag ko. Sumama na rin sa tawanan ang ama ni Kyle.
Mabilis na nawala ang natitirang kaba sa aking dibdib dahil magaan kausap ang mga magulang ni Aki. Marami pa kaming napag-usapan dahil likas na mausisa ang dalawang kausap ko. Tahimik lamang si Aki sa aking tabi na nakangiti at tumatawa sa aming mga pinag-uusapan.
****Renz****
12:21 pm, Sunday
June 29
"Kuya, saan tayo kakain?", tanong sa akin ng batang kasama ko na si Andrei. Hindi ko na nagawa pang umalis sa simbahan na pinagtambayan ko kanina dahil naaliwa ako sa panonood sa kapatid na maglaro.
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lang ako dahil oras na pala para magtanghalian. Inimbita ko ang dalawa na kumain dahil naawa ako sa kanila. Nang ipakita nila sa akin ang kanilang napalimos buong umaga ay nasa sampung piso pa lang ito. Kulang pa iyon para makabili ng kanin at ulam sa karinderya. Okay lang naman daw sa kanila na hindi muna kumain dahil ang ginagawa raw talaga nila ay iniipon muna nila ang kanilang napalimos at sa gabi na sila kumakain.
"San ba may masarap na karinderya dito?", tanong ko sa dalawa. Sa totoo lang kasi ay wala na akong pera para maipanlibre sa kanila sa fastfood.
"Ako kuya may alam!", bibong sabi ni Sandy.
"Mommy!!!!!!", napalingon kaming pareho ni Sandy sa malakas na sigaw ni Andrei. Bumitaw ito sa kanyang kapatid at nagtatakbong tatawid sana sa kalsada.agad ko namang nakita ang isang paparating na van
"Andreiiii!!!!!!", malakas ko ring sigaw para pigilan ang bata pero huli na dahil kasunod noon ay nakarinig ako ng malaks na pagkiskis ng gulong sa aspalto at ang malakas na lagabog ng katawan sa may kalsada.
Dumiretso ng harurot palayo ang sasakyan. Hindi ko na nakita pa ang plate number ng van dahil taranta ko ng tinungo ang pinagbagsakan ng katawang ng magta-tatlong taong gulang na bata. Marami ang nakikiusyoso pero walang gumagalaw para tingnan ang pulso ng bata.
Hinila ko ang kamay ni Sandy na natulala sa mga nangyare at sabay naming nilapitan ang kinahihigaan ni Andrei. Sakto naman na may traffic enforcer doon. Agad ko itong inutusan na tumawag ng ambulansya o kaya ng pwedeng sakyan papuntang ospital. Gusto ko sana na dalhin na lang ang aking sasakyan pero wala akong alam na malapit na ospital sa aming kinaroroonan.
Walang malay ang kawawang bata pero kita namin ang pangingisay ng katawan nito. Ngayon ko lang uli naramdaman na parang may mabigat na bagay na pumipiga sa aking dibdib. Nakita ko na bubuhatin sana ni Sandy ang kapatid para yakapin pero pinigilan ko ito.
"Sandy, huwag mo munang buhatin si Andrei baka may nabaling buto sa kapatid mo lalo lang mapapasama kung gagalawin pa natin siya. Hintayin na lang natin yung ambulansya.", payo ko sa tahimik na umiiyak na bata. Naintindihan naman ako nito at mahigpit na lamang na hinawakan ang kamay ng kapatid.
Ilang sandali lang at may dumating na ambulansya ng barangay. Agad na isinakay doon si Andrei at sumama na kami ni Sandy patungong hospital. Kahit na malakas ang kabog ng aking dibdib ay dinukot ko ang aking cellphone ko at tinawagan angbtanging taong inaasahan kong makakatulong sa akin.
****Kyle****
12:46 pm, Sunday
June 29
Masaya kaming nagtatawanan sa sala ng bahay nila Aki ng tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at rumehistro ang pangalan ni Renz. Agad kong binaba ang tawag. Hindi naman ata maganda na ngayon ko ito sasagutin habang kaharap ko ang mga magulang ni Aki at masayang nagkelwentuhan. Isa pa ay mukhang hindi naman importante ang itinatawag ni Renz. Sa palagay ko ay aayain lamang ako nito na lumabas.
Nagpatuloy kaming apat sa pagkelwentuhan. Kasalukuyang ipinapakita sa akin ni Tita Loiusa ang mga baby pictures ni Aki. Pareho kaming aliw na aliw habang siya ay nagkekwento ng mga istorya sa likod ng bawat larawang kanyang ipinapakita. Naputol muli ang aming pag-uusap ng muling tumunog ang aking cellphone. Ibaba ko na sana muli ang tawag ni Renz ng magsalita si Tita Loiusa.
"I think you should answer that Kyle, it could be important.", payo ng ginang. Nagpaalam naman ako sa kanila bago sagutin ang tawag ni Renz. Nang makalayo ng kaunti ay saka ako nagsalita.
"Hello Kyle?!?", medyo tarantang sabi ng aking kausap.
"Yes, is everything okay?", taka kong tanong.
"I need you know Kyle. I'm at a hospital. Lady of Mercy Hospital, malapit sa Pasig."
"What!?! Anong nangyare?", aligaga kong tanong pero naputol na ang tawag. Sinubukan kong tawagan muli si Renz pero hindi ko na makontak ang phone nito.
"Is everything okay, Kyle?", tanong ni Aki. Marahil ay narinig nito ang biglang paglakas ng boses ko at lumapit sa akin.
"Nasa ospital daw si Renz eh.", sagot ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kay Aki o sa magulang nya.
"Is he okay? What happened?"
"I guess, siya yung nakausap ko eh. But i don't know what he's doing in that hospital."
"Eh tara na puntahan na natin siya.", suhestyon ni Aki.
"No, uhmmm maiwan ka na lang kaya muna Aki. Nakakahiya naman kasi sa parents mo kung bigla na lang tayo aalis na dalawa. Ako na lang muna ang bahala, babalik na lang ako dito, kapag nasiguro kong okay na si Renz.", alala kong sabi.
"Okay lang naman kela mommy kung aalis na tayo pareho. Emergency naman eh.", pangungulit ni Aki. Alam kong ayaw niya akong paalisin mag-isa.
"Nakakahiya kasi Renz sa kanila. Tsaka baka hindi naman ako magtagal. Mukhang okay naman si Renz eh. Babalik ako agad, kaya dito ka na lang muna.", pakiusap ko kay Aki. Bumuntong hininga lamang ito bilang pagsuko.
"You need my keys?", tanong nito. Masakit para sa akin na makitang malungkot ang mata ni Aki pero naisip ko kasi paano kung nangtitrip lang si Renz at high lang siya ngayon sa droga. Nangyare na kasi ang ganoon minsan para mapilitan lang ako na uminom kasama siya. Naisip ko na biglang mapikon si Aki kapag nalaman niya na nangloloko lang si Renz.
"Please..."
"Tara na, samahan na kitang magpaalam kela Mommy."
...to be cont'd...
thanks sa update....
ReplyDelete-kiko
Sana eto na ang umpisa ng pagbabago ni Renz. Thank you Mr Author.
ReplyDeletethanks po. i really ung story
ReplyDeleteSana with this renz will realize something and awaken his senses.. can't wait for the upcoming chapters.. thank you author.. :-) :-) :-) :-)
ReplyDeleteanyone up for a good talk on skype? :))
ReplyDeleteano skype mo author?
Delete-Kev
search nyo na lang po Kevin Ross Sales... thanks... :))
DeleteSana naman ito na ang maging daan para mamulat ang mga mata ni renz.
ReplyDelete-hardname-
Thank you for this update, Crayon. Your LSI and Me And My Saturdays are my 2 all-time fave here(and Starfish will surely make it to the list, too), no kidding. And I'm sincerely hoping you can update more often, but to your convenience, of course. Also, I'm hoping everything's good now for you(I was referring to that short story MAMS that was supposed to be based on your own story, if I'm not mistaken). By the way, was it also supposed to be head over heels and not over hills? I just thought it's ok to bring that up. Kudos and keep it up :) -Kr!s
ReplyDeleteThank you Kris! you're right its head over heels hahahahaha nakakahiya! hahahahaha salamat ang dami kong tawa dun... edit ko na lang baka makita pa ni senyora santibanez, mabroadcast pa ako sa twitter.. lol! thanks for always reading...
DeleteSalamat sa mga comment : kiko, Alfred of TO, marc abellera, kev, hardname and kris... :))
ReplyDeleteGaling nyo po ganda po ng story ingat po kayo palagi... more power...
ReplyDeleteI always read your story so nice..dami kang mapupulot na aral...sana ito na umpisa ng pagbabaho ng Renz i adapt na nya yong two kids para ok din
ReplyDeletethanks sa update... naku renz ha... wag ka magulo.. umayos ka.. hahahahaha... kepp up the fire burning author!
ReplyDelete-arejay kerisawa, Doha Qatar