Followers

Friday, July 11, 2014

Starfish [Chapter 12]





Starfish
[Chapter 12]



By: crayon







****Aki****





5:30 pm, Monday
June 30





"Okay ka lang, boss?", tanong sa akin ng aking sekretarya at kaibigan na si Sam habang inilalapag nito ang mga papeles na kailang kong reviewhin at pirmahan sa aking lamesa.


"Yes, i'm fine.", matipid kong sagot.


"Si Kyle ba?", naghihinala nitong tanong. Sa tagal na rin naming magkakakilala ay alam na nito kapag may problema ako o may naging tampuhan kami ni Kyle. Pinili kong hindi nalang sumagot. Wala ako sa mood na magkwento ng nangyare kahapon.


"It'll be okay soon. Wit bagay sayiz ang malungkot!",eksahiradang sabi ng aking sekretarya. Alam kong sinusubukan niya lamang ako na patawanin dahil maghapon akong nagkulong sa aking opisina.


"Dami mong alam Samantha. Sige na umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng irog mo. Tatapusin ko lang 'to.", pagtataboy ko sa aking sekretarya bago pa ako nito kulitin ng todo.

                                                          
"Alright, bye Aki. Ingat pag-uwe at huwag nang mag-inom please.", natatawa nitong bilin sa akin.


"Sira.", natatawa kong sagot.


Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay pansamantala ko munang itinigil ang aking ginagawa. Kanina pa masakit ang aking mata dahil sa pagbabasa ng kung anu-anong dokumento. Pilit kong ibinaling ang aking atensyon buong araw sa trabaho para sandaling takasan ang tampong nararadaman ko kay Kyle.


Sinisikap kong isiksik sa aking isip na wala sa katwiran at mababaw ang nararamdaman kong tampo kay Kyle. Hindi naman niya kasalanan na nagkaroon siya ng kaibigang mahirap kailangain. Nang tawagan siya kahapon ni Renz ay alam kong wala siyang ibang choice kundi ang pumunta sa ospital at siguruhing maaayos ang lagay ng kanyang matalik na kaibigan. Sadyang mahirap lang na hindi makaramdam ng selos at hinampo. Hindi naman ako perpektong tao kahit gaano kalawak ang aking ginagawang pag-intindi sa sitwasyon ay hindi ko maiiwasang maging makasarili kung minsan at makaramdam ng selos, lalo pa na ang kanyang matalik na kibigan din ang numero unong kahati ko sa puso niya noon.


'Noon lang ba?', mala-demonyong bulong ng isang parte ng aking utak. Agad kong iwinaksi ang isiping iyon, alam at ramdam kong mahal ako ni Kyle. Sa nangyayari ngayon kay Renz ay alam kong sinisikap lang niyang gawin ang kanyang tungkulin rito bilang bestfriend.


'Eh bakit hindi ka man lang niya naisipan na tawagan maghapon? Baka masyado na siyang busy kay Renz', muling sulsol ng kontrabidang parte ng aking isip.


Agad kong binalik ang aking tuon sa pagbabasa. Kung anu-ano na ang pumapasok sa aking utak. Maghapon kasi kaming hindi nagkausap ni Kyle. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginawang tawagan ako. At dahil nagpadaig din ako sa 'pride', hindi ko rin siya sinubukang tawagan kaya ngayon ay napaparanoid na ako.









****Lui****


6:43 pm, Monday
June 30








Napangiwi na lamang ako ng makitang walang anumang email akong natatanggap mula sa mg inapplyan kong kumpanya. Hindi ko alam kung ganito na talaga kahirap ang maghanap ng trabaho ngayon o sadyang pinapahirap lang ng aking magulang ang paghahanap ng trabaho para sa akin.


Labis na nakaka-badtrip ang araw na ito para sa akin. Umalis ako kaninang umaga para pumunta sa isang interview, naubos ang maghapon ko roon sa paghihintay sa VP na mag-iinterview raw sa akin. Nang halos limang oras na akong naghihintay ay walang anu-anong sinabihan ako ng isang babae mula sa HR na may nakuha na raw na tao para sa posisyon na ina-applyan ko. May tatlumpung minuto akong nakipagdiskusyon sa babaeng iyon dahil nagpupuyos ako sa galit. Napaka-unprofessional ng ginawa nila sa akin. Sa huli ay ineskortan ako ng guard palabas ng building dahil sa hindi na ako mapakalma ng babae. Matapos iyon ay dumiretso na ako ng uwe sa condo ni Kyle at natulog para mawala ang inis.


'Hanggang kelan ka kaya tatagal Lui?', tanong ko sa aking sarili. Habang lumalakad ang araw na wala akong nakikitang trabaho ay lalo akong nahihiya kay Kyle. Ayaw ko na maging pabigat sa kanya.


Pinasya kong maligo na muna bago magluto ng hapunan. Pinagpasalamat ko ang lamig na hatid ng tubig dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nang matapos mag-shower ay noon ko lang napagtanto na nakalimutan ko palang magdala ng tuwalya bago pumasok ng banyo. Masyado kasi akong pre-occupied sa mga iniisip ko, nawawala na ako sa sarili.


Dahil ako lamang ang tao sa unit ni Kyle ng mga sandaling iyon ay minabuti ko nang lumabas na lang ng banyo ng nakahubad. Papunta na ako ng aking kwarto nang makarinig ako ng pagtili ng isang batang babae. Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon.


"Ha-Ha-Ha-Ha!!! Hubo!!!", malakas na tawa ng isang batang lalake habang nakaturo pa sa akin. Katabi nito ang batang babae na tumili habang nakatakip ang kanyang mga palad sa kanyang mata.


"Uhmmm..? What are you doing Lui?", takang tanong ni Kyle habang tinatakpan ang mata nung batang lalake na natatawa pa din sa aking itsura. Tila noon lang ako nakaramdam ng hiya at kusang tumakip ang  dalawa kong kamay sa aking kaselanan. Halata naman sa mukha ni Kyle na nagpipigil na ito ng tawa. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha.


"I-I f-forgot t-to bring my towel.", nauutal kong sabi. Hindi ko na hinintay pang makasagot si Kyle, lakad-takbo ko nang tinungo ang aking kwarto.



----------------------


'Shit! Nakakahiya. . .' bulong ko sa aking sarili.


'Anu namang nakakahiya eh mga bata naman yon tsaka nakita naman na ni Kyle ang lahat-lahat sa'yo', sagot ng isang parte ng aking utak.


Sabagay, ano pa nga bang ikinakahiya ko? Maganda naman ang katawan ko, hindi masagwang tingnan. Malaki din naman yung alaga ko. Kalimutan mo nang nangyari yon Lui.


"Lui, wag ka nang magkulong dyan. Wala naman kaming nakita eh.", natatawang tawag sa akin ni Kyle. May labinlimang minuto na kasi akong nagkukulong sa aking kwarto dahil nahihiya akong lumabas at makita muli ni Kyle.


"Ako Kuya may nakita! May balbas yung pututoy niya.", malakas na sigaw nung batang lalaking kasama ni Kyle. Narinig ko naman ang pagbunghalit ng tawa ni Kyle.


"Damn!", mahina kong mura. Habang nag-iipon ng lakas ng loob na lumabas ng kwarto.


"Hoy Lucas, wag ka ngang umarte. Hindi bagay sa'yo ang mahiyain. Tara na dito, kakain na tayo.", muling tawag ni Kyle. Dahil sa nagugutom na ako ay wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng kwarto.


"Kuya? Bakit may balbas yung tutoy mo?", walang muwang na tanong sa akin nung batang lalake nang lumabas ako ng kwarto. Muli namang natawa si Kyle.


"Alam mo huwag kang maiinggit, magkakaroon din ng balbas yang sayo.", masunget kong sagot sa bata. Wala naman kasi talaga akong hilig sa mga bata. Madalas ay napapaiyak ko ang mga bata dahil sa pang-aasar.


"Ayaw ko nga! Kuya Kyle, yung sa'yo ba may balbas din?", baling nito kay Kyle.


"Wala, Andrei. Yung kay Kuya Lui lang ata ang ganun.", humahagikgik na sabi ni Kyle.


"Napag-tripan mo na naman ako Kyle.", reklamo ko.


"Ha-ha-ha wala naman akong ginagawa ah. Tara na kumain na tayo, nagugutom na ako eh."


Tinulungan ko si Kyle na ihain yung tinake-out nilang pagkain. Kasalukuyang nagsasandok ng kanin si Kyle ng may kumatok sa pinto.


"Ako na.", pagpre-presenta ko.


Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko ang matalik na kaibigan ni Kyle na awtomatikong kumunot ang noo ng makita ako. Mas mukha siyang tao ngayon kumpara noong huli ko siyang makita.


"Wala na hong yelo.", wala sa sarili kong sabi.


"Ha?!?", naiinis nitong sagot.


"Ubos na yung tinda naming yelo.", dagdag kong pang-aasar. Naalala kong pinag-tripan nga pala ako nito nung huli ko siyang makita sa shop nila.


"Bakit ba nandito ka?", maangas na tanong ni Renz.


"Dito ako nakatira eh. Ikaw? Bakit ka nandito?"


"Nandiyan ba si Kyle?", halata na ang pagkainis nito sa pagsasalubong ng kilay niya.


"Wala! Nagpunta ng Iraq magpapagasolina daw."


"Sabog ka ba?"


"Wow! Sa'yo pa talaga nanggaling yung tanong na yan ha.", natatawa kong sagot.


"Renz! Pasok ka.", hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Kyle.


"Bakit nandito 'to?", tanong ni Renz sa kaibigan habang nakaturo sa akin.


"Housemate ko.", kibit-balikat na sagot ni Kyle. Ngumisi lang ako ng malapad para lalong mainis si mokong.


"Sabi ko sayo eh.", wika ko pero hindi ako nito pinansin sa halip ay tinabig ako nito paalis sa pinto at saka dire-diretsong pumasok sa loob ng unit ni Kyle. Noon ko lamang napansin ang dala nitong maleta.


"Bakit ang dami mong dalang gamit? Pupunta kang Iraq?", natatawa kong tanong. Naramdaman ko naman ang mahinang pagkutos sa akin ni Kyle.


"Dito na siya titira. New housemate.", paliwanag ni Kyle.


"Ha?!", gulat kong sabi.


"Gwapo-gwapo, bingi. Sabi ko dito na din titira si Renz tsaka yung mga bata.", pag-uulit ni Kyle.


"Well, I cant be too perfect, can I? Pero bakit di mo ko agad sinabihan?"


"Nagkulong ka sa kwarto di ba? Paano ko masasabi sa'yo?", bwelta nito saka dumiretso sa dining area. Sumunod na ako kay Kyle para makakain na kami.


Nang makaupo na kaming lahat at magsimulang kumain ay ipinakilala na ako ni Kyle sa mga bago naming makakasama sa bahay.


"Kids, siya si Kuya Lui nyo. Mukha lang siyang may sira sa ulo pero mabait naman yan.", pagsisimula ni Kyle.


"Hello! Anung pangalan mo? Kapatid ka ba ni Sandy?", tukoy ko sa batang lalaki na kasama namin. Alam ko na kasi ang pangalan nung babae, dahil dito siya natulog sa bahay kagabe.


"Andrei po. Opo, ate ko po siya. Kuya bakit nga may balbas ang tutoy mo?", pangungulit nito. Nakita ko namang napangisi si Kyle at napalingon sa akin si Renz. Naiwan lamang akong nakanganga dahil hindi ko na naman alam ang sasabihin. Nakakahiya.


“Andrei, mamaya ko na lang papaliwanag sa’yo ha? Kain ka na lang muna mabuti para mabilis ka gumaling, okay?”, wika ni Kyle. Salamat na lamang at sinalo ako nito mula sa kahihiyan. Nakita ko naman na napailing na lamang si Renz.


“Kuya dito na ba kami titiya ni ate?”, tanong ni Andrei kay Kyle.


“Oo, gusto mo ba yun?”, sagot naman ng aking kaibigan.


“Eh, pano si mommy namin?”, nag-aalalang tanong ng bata.


“Huwag kang mag-alala Andrei, ipapahanap natin siya sa mga pulis. Habang hinahantay natin na makita nila ang mama mo, ditp ka muna sa amin titira. Okay lang ba sayo yon?”


“Opo!”, masiglang sagot ng kausap ni Kyle saka magana muling kumain.

“Thank you po talaga Kuya Kyle.”, pasasalmat ng batang si Sandy.


“Wala yun, malaki naman yung bahay eh, kasyang kasya tayo dito.”., nakangiting sagot ni Kyle. Lalo naman akong humanga kay Kyle dahil sa kanyang busilak na kalooban. Bibihira na lang ata ang taong gumagawa ng mga ganitong bagay para sa kapwa niya.


“Nga pala Lui,”, baling ni Kyle sa akin. “sa kwarto mo pala matutulog si Renz. Malaki naman yung kama dun, tiingin ko kasya naman kayong dalawa. Share na lang din kayo sa cabinet, please?”, nang-uutong pakiusap ni Kyle. Bigla naman akong di mpakali sa isiping magkakasama kami ni Renz sa iisang kwarto.


‘Okay ka lang? Anu namang big deal kung magkasama kayo sa iisang kwarto ni Renz?’, bulong ng isang parte ng aking isip.


“Yung mga bata na lang kaya?”, suhestyon ko. “Parang mas masaya sila kasama eh.”, paliwanag ko. Binigyan lamang ako ni Kyle ng nagbabantang tingin.


Oo nga naman. Hindi nga pala sila pwede magsama sa isang kwarto ni Renz dahil tiyak na magiging issue iyon kay Aki. Napahinga na lang ako ng malalim.


“Okay, sabi ko nga magkasama kami sa kwarto ni Renz.”, sumsusuko kong sabi.


“Pwede sa couch na lang ako?”, masungit na sabi ni Renz. Nakuha pa talaga mag-inarte ng isang ‘to. Akala mo artista.


“Oo, pwede! Walang gumagamit nun, gusto mo labas ko na yung unan mo?”, agad kong sagot.


“Para kayong timang na dalawa. Bagay nga na kayo ang magsama sa kwarto baka mahawa pa sa kaabnoyan nyo yung mga bata.”, pagsaway sa amin ni Kyle. Tiningnan lamang ako ng masama ni Renz.


Matapos kaming kumain ay tinulungan ko si Kyle na magligpit ng pinagkainan. Si Renz naman ay inasikaso ang mga bata at binihisan ng pantulog. Hanggang maari ay gusto kong iwasan muna si Renz.


‘Lucas Willard Salviejo! Nababaliw ka na ba? Bakit ka naman umiiwas kay Renz? May saltik ka ba sa ulo?’, bulong ng aking isip.


Bakit ko nga ba iniiwasan ang kulugong iyon? Wala naman akong atraso sa kanya. Umayos ka nga Lui.


“Alam na ba ni Aki?”, tanong ko na lang kay Kyle para may mapag-usapan kami. Kanina ko pa din kasi siya napapansin na tahimik. Natigilan naman ito sa kanyang ginagawa.


“No.”, tipid nitong sagot, mukhang di pa sila nagkakaayos ng nobyo.


“Hindi pa ba kayo nagkakausap ulit?”, umiling lamang siya bilang sagot.


“Hindi mo man lang ba siya tinawagan maghapon?”


“No, I mean I tried. Pero hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya eh. Alam mo naman kung anung naging reaksyon niya nung umalis ako sa kanila nung Sunday. I don’t know how he’s going to take it if I tell him that I’m living in the same house with Renz.”, malungkot nitong kwento.


“So, what’s your plan now?”


“Humahanap lang ako ng magandang tyempo. May tampo pa siya sa akin dahil sa nangyari nung weekends. I don’t think this is the best time to tell him about what I did. Baka lalo lang lumala yung sitwasyon.”


“Alam mo narinig ko na yang naghahanap-ng-tyempo na linya na yan eh. Madalas wala naman yang ibinubungang maganda.”, payo ko kay Kyle.


“What do you think should I do then?”


“Tell him about Renz. The sooner the better. Dun din naman ang punta niyan eh. Bakit pagdadalwahin nyo pa yung away niyo kung pwede naman pag-isahin na lang?”, komento ko.


“It’s not that easy Lui.”


“But you have to do it. You know that. Would you rather wait for him to find out about this first? That’s going to put you in more trouble Kyle.”, pagpapaalala ko s aking kaibigan


“What if he does not want Renz here? I cannot just throw my bestfriend out when I asked him to stay here.”, hindi na ako nakasagot pa dahil maging ako ay hindi alam ang gagawin kung sakaling mangyari nga ang nasa isip ni Kyle.


Matapos kaming makapag-ligpit ni Kyle ng kusina ay pinasya ko munang pumasok ng kuwarto. Bahagya pa akong nagulat nang datnan ko roon si Renz. Mukhang kailangan ko nang masanay na may kasama sa kwarto. Nag-aayos ito ng kanyang dalang gamit, tiningnan lamang ako nito sagllit at bumalik na sa ginagawa. Kinuha ko lamang ang pakete ng aking sigarilyo at lumabas nang muli. Hanggang sa ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako komportable sa tuwing nasa paligid ang adik na iyon. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon nung unang beses siyang ipakikilala sa akin ni Kyle.


Tumambay muna ako sa verandah ng unit ni Kyle. Isa iyon sa paborito kong lugar sa condo niya. Nagagawa ko kasing magmuni-muni muna habang pinagmamasdan ang mumunting ilaw ng magulong siyudad. Nagsindi ako ng yosi, at dinama ang katahimikan ng gabi.







****Renz****



9:26 pm, Monday
June 30






Ngayon pa lamang ay pinagsisisihan ko na ng ginawa kong desisyon na sumama pa kay Kyle sa unit niya. Kung bakit kasi hindi ko magawang tanggihan ang kanyang alok na kupkupin ang mga bata kapalit ng pagtira ko rin sa kanila.


Pagpunta ko pa lamang sa lugar na ito kanina ay isang masamang balita agad ang bumungad sa akin. Hindi ko alam na kasama pala ni Kyle sa bahay ang kanyang kaibigan na si Lui. Hindi ko nga alam kung bakit naisipan ni Kyle na kaibiganin ang sira-ulong iyon. Tila may sarili itong mundo at halata sa aura nito ang pagiging masyadong bilib sa sarili. Hindi malayong mag-away kami nito sa mga susunod na araw dahil ang ayaw ko sa lahat ay yung mayabang at pakialamero.


Iilang beses pa lamang kaming nagkita nito at wala ako masyadong alam tungkol rito maliban sa naging kaibigan ito ni Kyle nung bumalik siya sa pag-aaral sa UP. Nung huli ko siyang makita sa shop ay inalaska lamang ako nito, at kaninang pinagbuksan ako ng pinto ay muli ako nitong pinagtripan. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ng isang iyon sa akin. Alam ko ay nagkagusto rin ito dati kay Kyle pero binasted din siya ni Kyle agad, marahil ay naiinggit ito sa akin dahil minsan akong minahal ni Kyle. Hindi ko lubos maisip kung paano kami maghahati sa isang kwarto. Hindi ako sanay na may katabi sa kama o kahati sa kwarto. Tiyak na magiging kawawa sa aming dalawa ang kwartong ito ni Kyle.


Nang matapos akong magligpit ng gamit ay muling bumukas ang pinto. Akala ko ay si Lui na naman iyon at muli akong aasarin. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang mukha nila Sandy at Andrei.


“Oh, bakit? May problema ba?”, taka kong tanong sa dalawa na pareho nang nakasuot ng mga pantulog nila.  


“Sabi ni Kuya Kyle, kiss daw kami sayo bago kami matulog.”, bibong sabi ni Andrei.


“Hindi na, wag na. Mabaho na ako eh, sige na matulog na kayo.”, pagtataboy ko.


“Eh, gusto kita i-kiss. Si mommy kinikiss ko lage bago matulog eh.”, pangungulit ni Andrei na parang hindi nanggaling sa aksidente.


“Sige na Kuyang mabait. Okay lang kahit mabaho ka.”, dagdag ni Sandy. Wala na akong nagawa nang pilit na ilapit sa akin ni Andrei ang kanyang nguso at halikan ako sa pisngi. Sumunod naman si Sandy saka sila nagmamadaling nagtatakbo palabas ng kuwarto.

Napangiti na lamang ako sa kakulitan ng dalawang magkapatid na iyon. Mukhang kahit papano ay worth it naman ang gagawing kong sakripisyong pagtira dito sa bahay ni Kyle.


‘Gusto mo din naman eh.’, bulong ng aking puso.


Sa totoo lang ay kahit papaano ay masaya din naman ako na araw-araw makita si Kyle. Mas madalas kaming magkakausap kahit papaano ay maaari naming maibalik yung dati naming pagkakaibigan.


Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naiisip. Alam ko naman kasi na baka sa isang araw o bukas mismo ay bibisita rito si Aki at sasampalin na naman ako ng realidad na hanggang sa panaginip na lang magiging akin si Kyle.


Pinasya kong maligo na muna bago pa kung saan mapunta ang aking pag-iisip. Dyeta pa naman ako ngayon sa droga dahil wala akong perang pambili ngayon.








****Kyle****


9:42 pm, Monday
June 30







“Kuya Kyle! Ako unang naka-kiss kay kuya Renz”, masayang sabi ni Andrei ng makabalik sila ng kanyang kapatid sa kwarto ko.


“Buti napapayag nyo ang kuya Renz nyo.”, natatawa kong sabi. Hindi naman kasi likas na magiliw sa bata si Renz. Kaya ipinagtaka ko rin na labis ang kanyang pag-aalala sa dalawang munting anghel na ‘to.


“Syempre, magaling ako eh.”, pagbibida ni Andrei.


“Hehehe, oh sya matulog na kayong dalawa dahil may pupuntahan tayo bukas.”

“Saan po kuya?”, tanong ni Sandy.


“Bibili tayo ng iba nyo pang gamit.”


“Kuya,pwede ako bumili ng toys?”, nahihiyang tanong ni Andrei.


“Kapag natulog ka agad, ibibili kita ng toys.”, panunuya ko sa bata.


“Yehey! Matutulog na ako agad kuya Kyle pyamis!”, masayang tugon ni Andrei saka nagmamadaling tumabi sa akin at nahiga na. Nasa pagitan namin ni Sandy ang kanyang bunsong kapatid.


Kinuha ko ang binabasa kong libro para magpaantok sana nang muling bumangon si Andrei.


“Kuya, hindi pa pala tayo nagpa-pray baka magalit si Papa Jesus.”, nag-aalalang sabi ni Andrei.


“Oh, sige magpray na tayo.”, agad namang yumuko si Andrei at pinagdikit ang dalawang palad saka pumikit.


“Papa Jesus, bless mommy, bless ate, bless kuya Kyle, bless kuya Renz, bless kuya Lui, Amen!”, malakas na usal ni Andrei. Labis naman akong natutuwa sa pagiging bibo at mabait na bata ni Andrei. Ito pa mismo ang nagpa-alala na magdasal kami bago matulog na matagal ko ng hindi nagagawa. Marami pa akong dapat na matutunan para maging responsableng guardian ng dalawang ito. Ako man ay pumikt at nagdasal.


Pagkatapos manalangin ay nahiga na din ako kasama ng dalawang bata. Agad namang yumakap sa akin si Andrei. Halata sa mga ikinikilos nito na sabik na sabik ito sa pag-aaruga ng isang magulang. Nang gabing iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na pagsusumikapan kong punan ang pagkukulang na iyon sa buhay nila.







****Lui****



10:22 pm, Monday
June 30







May isang oras na ata akong nakatambay sa may verandah bago ko naisipan na pumasok na sa kwarto. Siguro naman ay tulog na ang basagulero kong roommate.


‘Bakit mo ba kasi siya iniiwasan?’, muling tanong ng utak ko.


Ayaw kong nakikita ang mukha niya. Mukha siyang adik na Dingdong Dantes na ewan.


‘Pero gwapo pa din si Dingdong kahit mukha siyang adik ha.’, agad na sagot ng kontrabidang boses sa aking isip.


Punyemas, nababaliw na ata talaga ako.


Pinatay ko na ang mga ilaw sa bahay bago pumasok sa kwarto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung tulog na ang kasama ko o kung humihithit ito ng droga. Agad ko naman itong nakitang nakahiga na sa kama at nakatakip ang kanang braso sa mata.


Wala itong suot na pang itaas at nakaboxer shorts lamang. Naaaninag ko sa kadiliman ang magandang hubog ng kanyang katawan. Para sa isang taong lulong sa napakaraming bisyo ay masasabing alagang-alaga pa rin ang hugis ng katawan ng mokong na ‘to. Maumbok pa din sa muscle ang kanyang dibdib at kitang-kita pa din ang hanay ng pandesal sa kanyang tiyan. Maging ang braso na nakapatong sa kanyang ulo ay batak pa din sa ehersisyo.


‘Sabe sayo eh, yummy pa din si Dingdong kahit adik eh’, sulsol ng aking utak.


Whatever. Malamang inaabuso din nito ang steroids, baka nga pati biogesic tinitira na nito eh. Kunyare pang ayaw sa kama at sa couch na lang daw sya eh, para nga siya ngayong hari kung humiga sa kama. Hindi man lang nahiyang ibalandra ang katawan kahit na alam na may kasama siya sa kwarto.


‘Virgin ka ser? O si Maria Clara ka?’, pangungutya ng nakakainis na abnormal na parte ng aking pag-iisp.


Naiinis man ay hindi ko na ito ginising at hinayaan ko na lamang siya sa kanyang posisyon. Pinagkasya ko na lamang ang aking sarili sa kakarampot na espasyong natira sa gilid ng kama. Nang makahiga ay ini-on ko na ang switch ng bedroom lamp na nasa aking side table. Muntik pa akong mapatalon ng magsalita ang katabi ko na inakala kong tulog na.


“Ano ka ba?!? Itlog na pinapipisa sa incubator!?! Patayin mo nga yang ilaw!”, maangas na reklamo ng katabi kong hari.


“Eh ikaw!?! Sexbomb dancer ka ba!?! Bakit nakapatong pa sa ulo mo yang braso mo?! Hindi ako sanay matulog ng walang ilaw. Magtiis ka.”, sagot ko.


“Pang-asar ka talaga eh no?!!”, naiinis nitong sagot saka tumagilid patalikod sa akin at nagtakip ng unan sa ulo. Hindi na ito nagsalita pa at mukhang ipinagpatuloy na ang pagtulog.


“Wala ka pala eh.”, bulong ko sa aking sarili.


Habang ang katabi ko ay nahihimbing na sa pagtulog, hindi naman ako mapakali sa aking puwesto. Medyo hindi rin ako makahinga ng maayos, sa katahimikan ng gabi ay tanging ang malakas lang na pagkabog ng aking dibdib ang aking naririnig. Nasobrahan ata ako sa yosi kaya ako nagkakaganito.


Nilingon ko ang aking katabi, nakatalukbong pa din siya ng unan. Tulog na nga kaya ang loko-lokong to? Nakakahinga kaya siya kahit na may takip ang kanyang mukha? Bumalik na lang ako sa pagkakatalikod kay Renz at pasimpleng pinatay ang ilaw sa aking tabi.


Maya-maya pa ay narinig ko nang naghihilik si Renz. Ayon sa kwento ni Kyle sa akin ay sa kotse raw natutulog si Renz ng ilang araw at ito ang naiwang bantay kay Andrei noong ma-ospital ang huli, mukhang kulang talaga sa tulog ang isang ‘to kayo ganon na lamang kalakas ang hilik.


Muli akong humarap sa side ni Renz pero ang hubad na likod niya lang ang nakikita ko. Sa totoo lang ay naaawa ako sa kalagayan ng isang ito. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya maka-move on sa nangyare sa kanila ni Kyle. Naging pariwara ang kanyang buhay dahil sa nararamdamang kalungkutan. Kalungkutan na hindi niya alam ang katapusan. Naranasan ko na din ang masaktan dahil sa pag-ibig. Pinagpapasalamat ko na lamang na hindi ganito ang kinahinatnan ko.


Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit napakadami ang nagkakandarapa na ma-inloe kung wala namang kasiguruhan ang kahahantungan mo. Ilan nga ba sa mga umiibig ang natutulog ng may ngiti sa labi? Ilan ba sa mga umiibig ang natutulog ng may luha sa mga mata? Ilang beses ka bang dapat na masaktan bago ka maging masaya?


Kaya siguro laging sinasabi ng mga matatanda sa bata na wala silang alam sa pagmamahal. Kasi kapag nasa rurok ka pa ng iyong kabataan ang tingin mo lang sa pag-ibig ay isang bagay na kailangan mo para maging masaya sa buhay. Hindi mo alam na ang luha ay karugtong ng bawat ngiti mo kapag nagmahal ka. Hindi mo alam na minsan ang ibig sabihin ng ‘I love you” ay ‘I’m sorry’. Hindi mo alam na kapag umibig ka, nasa tuktok ka ng Mount Everest pwedeng masaya ka sa sandaling iyon pero isang maling ihip lang ng hangin ay pwede kang mahulog, masaktan, at di na muling makabangon pa.


Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang likod ng aking katabi, ang bawat paghinga niya habang tulog, hanggang sa mawala malakas na kabog sa aking dibdib at dalawin na ako ng antok.


“Sana maging okay ka na.”, sinsero kong bulong bago ako tumalikod at pumikit.


Hindi pa ako lubusang nakakatulog nang maramdaman kong gumalaw ang taong nasa likod ko. Unti-unti kong naramdaman ang paglapat ng braso nito sa aking katawan hanggang sa nakayakap na ito sa akin. Muling bumilis ang tibok ng aking dibdib. Pero nanigas ang aking mga kamay at hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay na nakabalot sa akin.


Marahil ay inaakala niyang ako si Kyle. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa. Labis akong naaawa sa kanyang sitwasyon. Tanging sa panaginip na lang niya nagagawang maging tunay na masaya, bukas pagmulat ng kanyang mata ay saka niya haharapin ang bangungot na araw-araw niyang iniiwasan. Sa ngayon ay hahayaan ko na lang muna siyang managinip at mangarap., hindi ko na ipagdadamot sa kanya iyon.








****Kyle****



5:40 am, Tuesday
July 01






Maaga ako nagising mula sa aking pagtulog, kung tulog mang matatawag yung ginawa ko magdamag. Napakaraming bagay na bumabagabag sa akin, pakiramdam ko ay gising ang aking diwa buong gabi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para matulungan si Renz. Hindi ko alam kung paano ko gagampanan ang responsibilidad ko sa dalawang batang katabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Aki ang desisyon kong pagpapatira dito kay Renz. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang tampuhan namin.


Mahimbing pang natutulog ang dalawang anghel na kasama ko. Tiningnan ko ang aking cellphone at agad akong nalungkot ng wala akong nakitang mensahe mula kay Aki. Hindi ko siya magawang i-text o tawagan dahil oras na gawin ko iyon ay alam kong kailangan ko na ding sabihin nun mismo ang ginawa ko. At katulad ng nasabi ko ay hindi ko pa sigurado kung paano iyon gagawin.


Pinasya kong bumangon na mula sa pagkakahiga dahil malamang sa hindi na din naman ako makakatulog. Mamaya na lang ako babawi ng tulog dahil wala naman akong pasok ngayon. Tinapos ko na ang lahat ng dapat kong tapusin kahapon para payagan ako ng aking boss na umabsent ngayon. Tinungo ko ang kusina at sinimulang magluto ng almusal.


Kahit habang nagluluto ay lumulutang ang aking isip. Bakit ba kahit kailan ay hindi naging madali at maayos ang relasyon naming tatlo nila Aki at Renz? Mula noon hanggang ngayon lagi na lang may isa o dalawang nasasaktan, lagi na lang may nahihirapan, lagi na lang may kailangang magsakripisyo. Hindi pa ba nasasawa ang tadahana na pag-tripan ang buhay namin.


Si Renz. Minahal ko noon, nasaktan ako, minamahal ako hanggang ngayon. Si Aki, minahal ako noon, sinaktan ko, minamahal ko ng wagas ngayon. Ako, nagmahal noon, nasaktan noon, nagmamahal muli ngayon, pero dalawa na sila ngayong nasasaktan ko. Kung hindi pangti-trip ang tawag diyan ewan ko na lang. Nakakapagod. Pero kapag nagmamahal ka, kahit kailan ay hindi madaling sumuko kahit na napapagod ka pa.


“Good morning Kuya!”, bati sa akin ni Sandy. Nabawasan naman ang pagkakakunot ng aking noo ng makita ko ito. Pinagpasalamat ko na lamang na may bagong nakakapagpangiti sa aking ngayon kahit papaano.


“Good morning, baby! Bakit ang aga mo nagising? “, tanong ko dito habang naglalakad ito palapit sa akin. Hindi ito sumagot, sa halip ay niyakap ako nito ng mahigpit. “Okay ka lang?”, taka kong tanong.


“Sobrang thank you po, Kuya. Thank you kasi may mag-aalaga na sa amin ni Andrei.”, hindi ko naman mapigilang mangilid ang luha. Heto ako namomroblema sa buhay pag-ibig ko habang ang dalawang batang kasama ko ay araw-araw noong namomroblema kung paano mabubuhay nang sila lang.


“Wala yun, isipin niyo na lang ni Andrei na ako ang long lost big brother nyo. Wag ka na malungkot ha? Dapat lagi kang naka-smile. Ang bata-bata mo pa ang drama mo na.”, natatawa kong biro rito.  Tumango lang ito bilang sagot. Binuhat ko siya at inupo sa kitchen counter para makapanood siya habang nagluluto ako.


“Gusto mo ba matuto magluto ng pancakes?”, nakangiti kong tanong. Ngumiti lang ito at saka mabilis na tumango ng paulit-ulit.


Eto ang unang bonding moment namin ni Sandy kaya sinikap ko laging patawanin ang bata para maging komportable ito sa akin. Ayaw kong maramdaman nilang magkapatid na iba sila sa akin. Hinayaan ko siyang basagin ang itlog at paghalu-haluin ang mga ingredients.halata namang aliw na aliw ito sa ginagawa. Nagsisimula na kaming ilagay ang batter sa non-stick pan nang nagtatakbo at nagsisigaw na lumabas ng kwarto si Andrei.


“Kuya Kyle!!!! Bibili tayo ng toys, pyamis mo!!! Maaga ako nag-sleep!!!”, kapwa kami natawa ni Sandy sa kakulitan ng kapatid niya. Tama nga si Sandy na matalino ito at matatandain.


“Hahaha, oo, pero kakain muna tayo. Nagluluto kami ni Ate Sandy ng breakfast.”, sagot ko habang lumalapit ito sa amin.


“Kuya, yuko ka.”, hiling nito sa akin nang makalapit sa amin.


“Bakit?”, taka kong tanong habang yumuyuko. Agad akong hinalikan ni Andrei sa pisngi nang maabot ako.


“Ni-kikiss ko din si mommy pag gising ko eh. Tsalap ba?”, nakangisi niyang tanong sa akin. Lalo namang nanaba ang puso ko sa ginawa ng makulit na batang ito. Halata ang pagiging malambing nito sa ina noon.


“Hahahaha oo, tsalap tsalap!”, pangga-gaya ko sa pagka-utal nito. “Bunso, gisingin mo na sila Kuya Renz, matatapos na kami magluto ni Ate Sandy.”, hiling ko rito.


“Okay!”, sagot nito saka nagtatakbo papunta sa kwarto nila Renz.


“Kuyang mabait!!!!!! Kuyang may balbas!!!!! Bibili ako ng toys ni Kuyang pogi!!!!”, malakas na sigaw ni Andrei habang tumatakbo. Sabay naman kaming nagtawanan ni Sandy.


“Aaaarggghhh!!!!!”, rinig kong sigaw mula sa kwarto nila Renz. “Huwag mo kong daganan!”, sigaw ni Lui.


“Gishing ka na kasi kuyang may balbas!”, muling sigaw ni Andrei na mukhang ginugulo ang dalawa kong kaibigan mula sa pagkakatulog.


Tinulungan ako ni Sandy na ihanda ang lamesa. Maya-maya lang ay lumabas na si Andrei kasunod si Renz at si Lui na halatang nasira ang tulog base sa pagkakalukot ng kanyang mukha.


“Hindi na dapat nating pakainin ‘tong isang to.”, tukoy ni Lui kay Andrei habang nakasimangot. “He’s too heavy for a three-year old.” Awtomatiko namang bumelat si Andrei kay Lui. Natawa na lang ako kay Lui.


Masaya kaming nag-almusal na lima. Inimbita ko rin na sumama ang aking dalawang kaibigan sa amin sa mall pero kapwa ito tumanggi. Hindi ko na kinulit pa si Renz, dahil alam kong nagbabawi pa ito ng tulog. Iniisip ko naman na baka may lakad ngayon si Lui kaya hindi sasama o baka iniiwasan lang nito ang kakulitan ni Andrei.






Maghapon kami halos na naglibot na tatlo sa loob ng mall. Ipinamili ko ang dalawang magkapatid ng mg karagdagang gamit. Hindi naman magkamayaw si Andrei sa pagpili kung aling laruan ang ipapabili nito sa akin. Si Sandy man ay namili ng laruan niya. Pasado als-kwatro na kami nakaalis ng mall at halos alas-singko na kami dumating sa bahay dahil naipit na kami sa traffic.


Nang makauwi kami sa bahay ay tanging si Renz lamang ang inabutan namin na nanonood ng tv. Ayon dito ay lumabas daw kanina si Lui at hindi naman niya naitanong kung saan pupunta.


“Sandy magbihis muna kayo ni Andrei sa kwarto bago kayo maglaro, okay?”, tumango naman si Sandy at inakay ang kapatid na ayaw bitiwang ang mga laruang pinamili papunta sa kwarto.


“Manunuod ka lang pala maghapon, dapat sumama ka na lang sa amin. Hiningal ako sa kakulitan ni Andrei.”


“Tinatamad ako lumabas eh, tsaka hindi naman ako marunong mag-alaga ng bata.”, sagot ni Renz.


“Dapat nga sumama ka para natuto ka.”


“I’m not really meant for daddy roles you know, ikaw lang naman ang tumatanda sa ating dalawa.”, pang-aasar ni Renz.


“Hahaha kapal mo! Technically, mas matanda ka sa akin no!?”, sagot ko saka siya binalibag ng unan.


“Admit it, you’re getting old my friend! Ahahaha”, sagot ni Renz saka binalibag pabalik sa akin yung unan. Sakto namang bumukas yung pinto at iniluwal noon si Aki. Sabay pa kaming napalingon ni Renz at natahimik.


“Let me guess, he’s staying here now, right?”, bago pa man ako makasagot kay Aki ay muli na itong lumabas at isinara ang pinto.


Agad naman akong napabalikwas sa pagkakaupo at hinabol si Aki. Inabutan ko siyang pasakay na ng elevator.


“Aki!”, pagtawag ko sa atensyon nito. Noon ko lang napansin ang dala nitong isang kahon ng cake.


“Did you ask him to stay at your place Kyle?”, diresto at malamig na tanong sa akin ni Aki. Kita sa mata nito ang tinitimping emosyon.


“Alam mo naman ang sitwasyon Aki di ba?”, nakikiusap kong sabi sa kanya. Hindi ako handa para rito. Magdamag ko mang pinag-isipan ang aking gagawin ay halos wala pa rin akong masabi ngayong kaharap ko na si Aki.


“Yung sitwasyon ko ba Kyle alam mo? Yung nararamdaman ko ba ngayon Kyle, alam mo?”, puno ng tampong sabi ni Aki. Nakatingin siya ng diretso sa aking mata. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa kanyang isip.


“Aki, please understand that I cannot just let him sleep in his car when I have a bed to spare.”, naiiyak ko nang pagpapaliwanag kay Aki.


“Fine. But please understand as well that I’m trying my hardest to be a supportive boyfriend, but I can only do so much. Tao lang ako Kyle. Hindi ako character sa isang fairy tale story, nakakaramdam din ako ng selos.”, hindi na ako hinintay pa na makasagot ni Aki at mabilis na itong pumasok sa loob ng elevator.


Wala akong nagawa kundi panuorin ang pagsara ng pinto ng elevator.




…to be cont’d…



Author's Note:


Finally, natapos ko din 'tong chapter na ito, hahahaha. Maraming salamat po sa paghihintay. Maraming salamat po sa mga nag-iwan ng komento sa last chapter, sana magustuhan nyo ang update na 'to... :) Salamat din pala sa mga nakasama kong magpuyat habang sinusulat ko 'tong chapter na 'to. :P


Please feel free to leave comments, criticism, suggestions, those really help me make my stories better. and i'm not a caveman anymore hahaha you can add/ follow me on :


Facebook: kevinross0321@gmail.com
Twitter: @kivenross
Skype:  Kevin Ross Sales
Gmail/Googe+ : crayonross@gmail.com


happy reading everyone! :) Life was not made easy so it won't bore you. smile.




---crayon :))

30 comments:

  1. That 'itlog' vs 'sexbomb dancer' banter made my night. 'Tis getting better and better! And Sir Crayon, I've made up my mind. Si Lui at si Renz na lang i-refer ko para maging part ako ng love story nila. Hahahah! Good luck with you-know-what. Let's pray for that email :) - Kr!s

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks, kris... ngayon ko lang nabasa hehehehe :))

      Delete
  2. woooohhh... this is awsome!!! yinakap ni Renz si Lui? OMGGGGGGGG!!!! hahahha... kilig much... anyway, ganda tlga ng chapter... :D next chap na po... :D

    ReplyDelete
  3. The flow of the story is great. Waiting for the next chapter... sana mabilis ang update.

    Jap

    ReplyDelete
  4. Ayun. Lui and Renz's paths crossed na! Pero ang Bigat nung Kyle and Aki scene! Whyyyy!
    -dilos

    ReplyDelete
  5. Habang tumatagal ay paganda ng paganda ang story... Update n po agad Mr. Author... Sorry s pagiging demanding.. Sobrang ganda talaga ng story... Anu kaya ang mangyayari s tatlo at pano madedevelop c renz kay lui??? Kaabang abang talaga.. Keep it up and we are still waiting for your update.. Thx a lot Crayon... ;)

    ReplyDelete
  6. Nice chapter. :-) marvs

    ReplyDelete
  7. naexcite ako nung pagising k meron update.. thanks author.. ganda..:)

    ReplyDelete
  8. wow. sobrang bitin. i'm very hooked sa story na to..

    ReplyDelete
  9. Masyadong na yatang naipit si Kyle sa situation dahil he has a big heart. We'll see what happens next...Thank you sa update Mr Author.

    ReplyDelete
  10. thank u po sa update . . .my exam kmi mamaya tpos nkita ko ang update haha inuna ko pa toh. . . .
    ~jake

    ReplyDelete
  11. Time to cry....... Why is Kyle always stuck between a rock and a hard place?

    ReplyDelete
  12. I'm happy you guys liked this chapter... Thank you : jake (gudlak sa exam), alfred, marvs, lummier, & jap for the comments... i'll try to update soon... :)


    Dilos, gudlak sa assesment... God bless...

    ReplyDelete
  13. Aki dont waste your time havng a relationship with kyle. Find yourself a REAL PUSSY!! Wake up man! Get yourself a W-O-M-A-N !

    ReplyDelete
  14. Paganda ng paganda ung kwento. Pero nakakalungkot ung kay aki at kyle.

    -hardname-

    ReplyDelete
  15. Wow exciting na talaga.. jims of sg.

    ReplyDelete
  16. Wow so nice from simula ng kwento hindi ko talaga binitiwang subaybayan ito..sobrang galing mo author saludo sayo..

    ReplyDelete
  17. next chapter na crayon

    -mark

    ReplyDelete
  18. As usual, ang galing.
    -jamessantillan

    ReplyDelete
  19. Grabeeeee ang kilig moments nila Renz at Lui... Can't wait for the next UD 💞💕💖💞💕💖👍👍👍👍✋✋✋

    ReplyDelete
  20. Thanks sa update... Aki habaan mo pa ang pasensiya mo... Sana si lui at renz nalang maging mag-jowa.. hahahahaahaha..

    -arejay kerisawa, Doha Qatar

    ReplyDelete
  21. ganda. next chapter na

    ReplyDelete
  22. Anon @ 10:35 is right. Aki you need to stop having a relationship with Kyle. He cares with his friend except you ... think about it man.

    ReplyDelete
  23. Nangangamoy away at paglalasing n nman. Hirap ng sitwasyon ni kyle. Sana makatulong ang mga bata para maayos ang gulo ni aki at kyle. Renz at lui love team nice agree ako jan author. Tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  24. Aki, pre maghanap ka na lang ng babes putcha ang daming babes dyan sa 'Pinas. Daming bebot, slurp. slurp. Raymond N.

    ReplyDelete
  25. lhay may pinaglalaban pro I know magkakaintindhan sla, makikita un ni aki for sure pg ngkausap na cla at malaman nia na may mga btang ksam sa usapan. Thanks sa update. :-) :-) :-) :-) can't wait sa next. :-) :-) :-) kudos.

    ReplyDelete
  26. Cute ni andrei. Nice...

    More please.

    -madztorm

    ReplyDelete
  27. mr crayon.. update na pls

    mr manyak

    ReplyDelete
  28. Bat kaya ala update si mr author

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails