AUTHOR’S NOTE: [1] So, anong masasabi niyo tungkol sa Chapter 2? Hehe!
Eto na! POV naman ni Red. Para malaman niyo kung saan siya nanggagaling. Waley
na update to! Haha! Oh, Prince Justin,
ikaw pala lahat to eh. :D Enjoy guys!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the
author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
LOVE
IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
CHAPTER III
“I don’t
know if I can forgive you, just like that. Okay, nagpapasalamat ako na
nailigtas mo ako sa holduper na yun. Utang ko sayo ang buhay ko. Pero… damn, I
don’t know!” Napabuntong-hininga na lang ako.
Katahimikan
ang bumalot sa loob ng kwarto na pinaggamutan kay Red.
Dumating
na rin ang Mommy niya.
“Oh, Mr.
Dela Rama, what happened here? Anak, okay ka na ba?” Sunod-sunod na tanong niya
saamin. Pinayuhan ko kasi siyang tawagan ang Mommy niya kanina.
“Nailigtas
po kasi ako ni Red sa holduper kanina. Imbes po na ako ang masaksak, siya po.
Buti na lang, hindi naman po ganun kalala.” Tanging naisagot ko. Tumango na
lang ito saakin.
“I’m
okay, Mom.” Paninigurado nito sa ina. Nalipat naman ang tingin nito sa anak.
“Uhm…
Alis na po ako. Baka po kasi hinahanap na ako ni Ate sa bahay.” Pagpapaalam ko
kay Madaam.
“Ihahatid
ka na namin iho.” Saad nito.
“Naku,
wag na po. Kelangan po ni Red ng pahinga. Siya na lamang po ang alalahanin
niyo.” Sagot ko rito.
“Sigurado
ka ba?” Aniya.
Isang
tango lamang ang naitugon ko sa kanya.
Naglipat
ako ng tingin kay Red.
Nagtagpo
ang aming mga mata.
Now I
know. Sincere siya.
Pero di
ko alam, hindi naman ganun kadali ang magpatawad di ba?
“Salamat
ulit sa pagliligtas sakin…” I don’t really get it now. Bakit parang gusto ko
siyang bigyan ng pagkakataon? Kasi, originally, gusto ko naman talaga siya?
That, mali pala yung pagkakaintindi ko sa mga ginagawa niya sa akin?
“About sa
napag-usapan natin…” I really don’t know. Seeing his eyes like that? It proves to
me that he’s willing to lower his pride. He’s really sorry. Bakit kasi ang
gwapo niyang mukha ang nakikita ko ngayon? Nagigiba tuloy ang pader na matagal
kong itinayo sa pagitan namin. Aish! Kung anu-ano na naman ang iniisip ko!
Erase! Erase!
“Pag-iisipan
ko. It’s not that easy to forgive, but I’ll try to consider.” Huling salita
ko’t tuluyan nang umalis doon. Naguguluhan man ako. Perhaps, I’ll have my time
to think about it all over.
-----
Red’s
POV
Yes! May
pag-asa na akong mapalapit kay Riel! Este, Gabriel!
Riel daw oh? Close ba kayo? Tanong ng kabilang isipan ko.
Eh bakit
ba? Pwede ko naman yung itawag sa kanya kahit sa sarili ko lang di ba?
You know
what? 1 year na rin nung maisipan kong magpapansin kay Riel.
From a
nice guy, turned to a bully ang drama ko noon.
Ewan ko
nga ba.
Nagkainteres
ako sa kanya nung dinala siya ni Brett noon sa birthday party ng kapatid kong
si Andrei.
Naiinggit
ako kay Brett kasi may kaibigan siyang masayahin, mabait, matalino,
mapag-alaga, prangka, at maraming pang ibang katangiang pwedeng makita sa isang
tao.
That day,
sinabi ko sa sarili ko na gusto ko ring maging kaibigan si Riel.
Pero,
hindi ko naituloy ang balak ko, nang mabalitaan na lang namin na namatay ang mga
magulang niya sa aksidente.
Hindi ata
tama ang pagkakataong yun para makuha ang atensyon niya.
Oo, mali
na ipinagpaliban ko ang pagkuha sa atensyon niya’t maging kaibigan siya.
I saw him
crying almost all day sa burol ng mga magulang niya, kasama ang kapatid.
Good shot
na rin siguro na pwede ko sana siyang i-comfort, in that way, malalaman niyang
pwede niya akong masandalan.
Pero
tinanggihan ko iyon. I don’t want to take advantage para lang sa gusto kong
mangyari.
Isa pang
dahilan nun ay, kapag lalapit na rin kasi ako para damayan siya, lagi namang
darating agad si Brett.
I don’t
hate Brett because of that. Best friend siya. Sino naman ako para sa kanya di
ba?
Matapos
lang ang isang linggo pagkatapos ilibing ng kanyang mga magulang, nagkalat
naman yung balita na bakla nga raw siya.
Imbes na
mandiri ako sa kanya, hindi ko iyon nagawa sa dahilang pinahanga niya ako.
Oo’t
kalat sa buong paaralan ang isyu na iyon. Pero, nanatili siyang matatag. Dahil
na rin siguro tapos na siya sa pagkalugmok.
I know he
tried so hard to be tough.
Kaya nga
hindi man lang ako nandiri o umiwas sa kanya. Although, di niya naman ako
pinapansin.
After a
year, nawala nang parang bula ang isyu na yun. The school accepted who Gabriel
Dela Rama is. Hindi man lahat ng tao, pero marami namang sumusuporta sa kanya.
Nahulog
na rin ang loob ko sa kanya.
Does it
make me gay, too?
I don’t
care now.
Palihim
pa lang naman akong nagmamahal sa kanya.
Wala pa
naman ako noong pinagsasabihan.
That’s
the time na isinakatuparan ko ang plano ko. Ginawa ko ang lahat para mapansin
niya ako.
Para
hindi na humaba pa ang usapan, isang halimbawa noon ay ang nangyari noong isang
araw.
First day
of school. Opening ceremony. Ang plano, kapag natapos nang magsalita si Riel,
may bubuhos sa kanyang kung anong malamig, at doon naman ako papasok sa eksena.
Pero
palpak lahat ng plano ko.
Nanlulumo
rin ako minsan. Lagi na lang kasi. Hindi ko naman intension na ipahiya siya.
Gusto ko
lang naman na mapansin niya ako. Yung taong tagapagligtas niya. Yung taong
dadamay sa kanya. Pero lagi na lang akong nauunahan ni Brett.
Uulitin
ko, hindi ako galit sa kanya. Ang bagal ko lang talagang kumilos.
Mabilis
akong tumakbo patungong infirmary noon. Alam kong doon siya dadalhin ni Brett. It’s
almost stereotypical when my plan turned-out like that.
Naiinis
ako sa sarili ko. Sinaktan ko na nga siya, palpak pa lagi ang mga plano ko.
“GOD
DAMMIT! BAKIT KA PA NAGPAPALIWANAG KUNG WALA KA NAMAN PALANG KINALAMAN?”
Sagot
niya saakin nung sinabi ko kay Brett na wala akong kinalaman dun sa nangyari.
Natigilan
ako dun. Napapansin niya nga ako, pero sa maling paraan naman.
Kapag
pumapalpak kasi ang plano ko, wala akong nagagawa kundi akuin ang kasalanan.
I tried
to fake smile, a sarcastic one, para maging masama sa paningin niya.
Ako nga
naman ang may kasalanan di ba? Pero almost all the time, tinatanggi ko iyon.
Kung alam
niya lang di ba?
But it’s
no use now. Laging ako ang masama sa paningin niya.
Pagkatapos
din ng unang araw ng pasukan, naisipan kong humingi sa kanya ng tawad.
I always
do that whenever my plans turned-out like that. Pero, ni minsan, di ko pa iyon
nagagawa. He’s always plugging-on his earpods and listening to songs stored in
his iPod.
Lumalabas
tuloy na para na akong stalker sa pinaggagawa ko.
Sinundan
ko siya pauwi noon. He’s into walking talaga.
He’s
always turning-down Brett’s offer para sumabay sa kanila. Pero, di naman
natutuloy kasi sinusundo siya lagi ng kanyang fiancée.
As usual,
nakikinig na naman siya sa kanyang iPod.
Halos sampung
pulgada ang layo ko sa kanya sa tuwing ako’y susunod.
Nang sa
ganun, makapag-isip na rin ako ng sasabihin sa kanya.
Malayu-layo
na rin yung nalakad namin. Nang mapansin ko na sa pagkalampas namin sa isang
iskinita, mayroong lumabas doong isang mama.
Sinundan
nito paunti-unti si Gabriel.
Nagulat
na lang ako nang humugot ito ng patalim at saka itinutok sa tagiliran ni Gabriel.
Naestatwa
ako sa aking nakita. Hindi ito maaari! Nakita ko ring natigilan sa paglalakad
si Gabriel.
“Holdup
to. Ibigay mo sa akin lahat ng mga dala mo.” Saad ng mama sa kanya.
With
that, nalaman kong holduper to.
Di pa rin
si Gabriel gumagalaw. Marahil ay nag-iisip ng pwedeng gawin.
“Dali!”
Muling pagsasalita nito.
Doon ko
naman nabuo ang plano ko sa pagtulong sa kanya. Marahan akong lumapit sa
kinaroroonan nilang dalawa.
Nakita
kong nanginig ang katawan ni Gabriel sa sinabi ng mama.
Malapit
na ako, nang magsalita muli ang mama.
“Kung
ayaw mong itusok ko tong kutsilyo sa tagiliran mo, bilisan mo!” Anito.
What? Di
pwede! Di pa nga ako nakakapag-sorry sa kanya, papatayin mo na siya?
Naalala
ko tuloy na pinag-aral kami ni Brett noon nila Mama ng martial arts. Proteksyon
na rin daw sa amin dahil hindi basta-basta ang pamilyang kinabibilangan namin.
Nang tuluyan
akong makalapit sa likod ng mama, marahan ko siyang tinapik sa balikat.
Napalingon naman ito sa akin.
Ginamitan
ko siya ng mga napag-aralan ko noon. Pero, dahil sa isang maling galaw ko,
nahiwa niya ang braso ko. Ang sakit!
Nainis
ako sa ginawa niya kaya pinaulanan ko siya ng sipa hanggang sa nawalan ito ng
malay.
Nakaharap
na rin sa amin si Riel. Ang dami niyang sinabi, pero di ko na ito napansin ng
magtuos kami nung holduper.
Nang
iniangat nito ang ulo, nakita kong naguguluhan siya. Nagtatakang ang holduper na
nasa likod niya’y nakahilata na sa daan.
“Eh?”
Naibulalas nito. Natawa naman ako sa reaksiyon niya.
Mas
iniangat niya ang paningin at doon niya ako nakita. Natigilan naman ako sa
pagtitig niya.
Iba
talaga ang epekto niya sa akin. Wooo! Love na talaga to! Sigaw ng puso ko.
Napailing
ako sa iniisip. Sa ganitong pagkakataon pa talaga, huh?
Nagulat
ako nang bigla niya akong yakapin. Medyo nadiinan niya rin ang sugat ko kaya
napangiwi ako sa hapdi.
Napatagal
naman siya sa pagkakayakap sa akin. Gusto ko pa sana, ang sarap sa pakiramdam
na niyayakap niya ako, pero hindi ko na kaya ang sakit.
“Ouch!”
Daing ko.
Napabitaw
naman ito sa pagkakayakap sa akin. May dugo na rin yung uniporme niya. Ako?
Nanghinayang sa pagtatapos ng yakapan namin. Aish!
“Ay. Hehe.
Sorry!” Pagpapaumanhin nito sabay yuko-yuko. “Hala, parang gripo kung makabuhos
ang dugo mo. Tara na sa ospital nang magamot yan.”
Mahigpit nitong
hinawakan ang kaliwang kamay ko’t mabilis na pumara ng taxi.
Naging
mabilis lamang ang byahe. Nalaman na lang naming nasa ospital na kami.
Nagamot
na rin ang sugat ko. Tinawagan ko na lang si Mommy na naririto ako, gaya ng
payo sa akin ni Gabriel.
Awkward
moment.
Nakakapanis
ng laway.
Ang torpe
ko naman ata. Andito na ang grasya, wala pa akong ginagawa.
“Teka!
Bakit ka nandun noong muntikan na akong maholdup? Stalker ka no?”
Nabigla
na lang ako sa hindi inaasahang pagsasalita niya.
Nahiya
ako sa di malaman na dahilan. Napayuko na lang ako.
Malalim
ulit itong nag-isip. Mayroong patangu-tango pang gestures.
Spacing-out,
or daydreaming just like what Brett’s always saying to him, o nag-iisip lang
talaga gaya ng sinasabi niya naman pabalik sa best friend niya.
Hmm… I
wonder what he’s thinking now.
“Ah… Eh…”
Panimula ko.
“What?”
Medyo pagsusuplado niya.
“Magsosorry
sana ako sa’yo.” Mahinahon kong saad. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.
Napataas
naman ito ng kilay.
“Wow! The
Great Jared Isaiah Ariola, magsosorry sa isang Gabriel Dela Rama? Bumaliktad na
ba ang mundo?” Sarkastikong tugon nito.
Nahiya
ulit ako sa kanya.
“You know
what? I’m so sorry, okay? I didn’t mean to go that far. It’s supposed to be a
prank, but it turned-out like that.” Mahinahon kong tugon sa kanya.
Prank nga
lang ba yun?
Hayst!
Alam ko na hindi simpleng prank lang yun para sa kanya. That’s what I think
which can help me get his attention. Pero sobrang nakakagalit naman talaga
lahat ng mga pinaggagawa ko sa kanya.
Hayst
talaga!
I know, malaki ang kasalanan ko sayo, pero
kung alam mo lang sana kung para saan yon, maiintindihan mo ako.
Sa isip
ko na lamang iyon nasabi.
“Wow ha!
Prank lang pala. Prank mong mukha mo! Let me enumerate all the things you’ve
done to me. Ever since Junior years, almost every day kung ipahiya mo ako sa
lahat. I get it. Ako ang napagdidiskitahan mo. Bored ka? That’s always your
reason. But, what the hell? Tinitiis ko lahat ng yun. Kahit minsan okay lang
naman. Sanay na kasi ako eh, pero minsan, di mo ba naiisip na nasasaktan din
naman ako? And now? After all that you’ve done, magsosorry ka?” Umiiling na
bulalas nito.
I know
baby. Marami akong kasalanan sayo. Pinagsisisihan ko yun lagi.
If you just
only knew.
BABY! HA! NAPAKALAKI MO KASING DUWAG JARED
ISAIAH ARIOLA!
Sambit ng
aking konsensiya.
“Sorry.
Kung kailangan kong lumuhod, I will do that. Just forgive me. Okay? I’m so
sorry. We’re schoolmates, or should I say classmates. Pero, you have never laid
any attention on me…”
Sambit
ko.
Hindi
naman ako mapride eh. Duwag lang! Duwag!
Silence.
Nakayuko
pa rin ako. Nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko. Pero totoo lahat ng yun.
Bumuntong-hininga
siya.
“I don’t
know if I can forgive you, just like that. Okay, nagpapasalamat ako na
nailigtas mo ako sa holduper na yun. Utang ko sayo ang buhay ko. Pero, damn… I
don’t know!”
Frustrations
were present in his voice.
Damn!
Bakit ba kasi yun ang naisip kong paraan? Ang tanga ko talaga!
Bakit
ngayon ko lang to naiisip lahat? Magpapapansin na lang, sa maling paraan pa. Umabot
pa ng isang taon?
Deym! What
an arsehole I am!
Katahimikan
ang namayani doon.
Bigla
namang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan kami naroroon. Pareho kaming
napalingon doon.
Andito na
pala si Mommy.
“Oh, Mr.
Dela Rama.” Gulat na tanong nito kay Gabriel.
Di ko
naman kasi sinabing kasama ko siya.
“What
happened here? Anak, okay ka na ba?” Dagdag nito.
“Nailigtas
po kasi ako ni Red sa holduper kanina. Imbes po na ako ang masaksak, siya po.
Buti na lang, hindi naman po ganun kalala.”
Siya na
ang nagpaliwanag kay Mommy.
Pinagmasdan
ko lamang siya habang nagpapaliwanag.
Oh Gabriel!
What the fuck did you do to me para magkaganito ako?
Hayst!
Tanging
tango ang naging tugon ni Mommy sa kanya.
“I’m
okay, Mom.” Pagkuha ko sa atensyon nito.
“Uhm…
Alis na po ako. Baka po kasi hinahanap na ako ni Ate sa bahay.” Nakuha ulit
nito ang atensyon ni Mom.
“Ihahatid
ka na namin iho.” Pag-alok nit okay Gabriel.
Alam ko
na ang mangyayari dito.
“Naku,
wag na po. Kelangan po ni Red ng pahinga. Siya na lamang po ang alalahanin
niyo.”
Sinasabi
ko na nga ba! Kilalang-kilala na talaga kita. Yabang ko eh no?
Pero ano
raw? Nag-aalala ba siya sa akin? Ang sarap namang isipin na ganun nga!
Heaven di
ba? Galing pa sa bibig ng taong minamahal mo.
ASA! NAG-AASSUME KA NA NAMAN! DI YAN
HEALTHY!
Pangaral
ng aking konsensiya.
Oo na! Di
ba pwedeng mangarap! Nakakainis ka naman! Panira ng moment!
“Sigurado
ka ba?” Tanong ni Mom sa kanya. Isang tango lang ang naging sagot nito.
Nagulat
na lang ako ng maglipat siya ng tingin sa akin.
Mabilis
akong nag-iwas ng tingin, pero agad ko naman itong ibinalik.
Nagkatitigan
kami. Nagtatantsayahan? Ewan. Nanindig lahat ng balahibo ko.
He’s like
evaluating me.
“Salamat
ulit sa pagliligtas sakin…” Pagsisimula niya. Natigil siya ng kaunti para
mag-isip.
“About sa
napag-usapan natin…” Dagdag niya.
Naguguluhan
ba siya? May epekto na ba ako sa kanya?
I hope
so!
“Pag-iisipan
ko. It’s not like it’s easy to forgive, but I’ll try to consider.” Pagtatapos
nito.
Tuluyan
na rin siyang umalis sa kwarto yun.
“Yes!”
Naisigaw ko!
Nagtataka
naman si Mom na napatingin sa akin.
I’ll stop
that plan! It’s time for a new one!
Itutuloy…
AUTHOR’S NOTE: [2] Ito po ay A/N na ginawa bago maisumite ang Chapter 3,
4, at 5. Sa mga oras din pong ito ay hindi pa naipo-post ang Chapter 2. Kaya!
Magpapasalamat na lang muna ako sa mga nakalimutan kong pasalamatan noong
lumabas na ang Chapter 1 ng librong ito, which is A/N sa Chapter 2.
Unang-una
sa lahat ang pasasalamat ko kina Kuya Ponse at Kuya Mike, sa pagbigay sa akin
ng pagkakataon na maipamahagi ang kwentong ito.
Kay Mark
Lores, na sobrang nakalimutan ko ang pangalan kaya hindi ko naisama sa aking
pasasalamat sa Chapter 2.
Kay Kierlan
Fami, na lagi kong ka chat. Lagi na nga ba? Haha! Anime buddy ko po siya. Haha.
Sa aking
mga kaibigang sina Jace, Bluerose at Vienne, Salamat sa lahat, lahat! Hindi ako
magsasawang pasalamatan kayo. :D
Sa mga
bagong mambabasa ng Love Is… na sina eppy2667,
Angelo of Kuwait, Marvs, madztorm, franz, valintin olingay, Johnny Quest (calle aso), at sa humabol na si Prince Justine! Maraming salamat pagbabasa niyo!
Feel free
to add my facebook account – https://www.facebook.com/theryeevangelista
– and drop messages or whatsoever. It’s my pleasure adding you up.
You can
also join the group – https://www.facebook.com/groups/ryeevangelistasstories/
– for teasers, updates, and activities. It will be more fun having you
there.
Thanks
for all the support guys! Kapit-bisig! :D
At dahil napansin na ako ni Rye. First ako!! :)
ReplyDelete- Prince Justin
O di ba? Hahaha!
DeleteGanda talaga sana mahaba pa ito :)
ReplyDeleteFranz
I'll work hard for that po. :D
DeleteSana my mga event na kapapanabik na talagang makakapg babago ng takbo sana marami pang leading man para marami kahati :)
DeleteFranz
Ganun ba yung gusto mo? Haha! Sige I'll try to consider. :)
DeleteHmm kaya pala ganun si Red Kay Riel. Kaaabang- abang talaga! I'm really looking forward for the next update.
ReplyDeleteAuthor kalimutan ba ko? Ako kaya nag-suggest ng POV haha joke Lang.
nag- suggest
Hahaha! Hinde ah! Pasensya ka na ah? Ang A/N kasi na yun eh nagawa ko na nang hindi ka pa nagkocomment so yun! Don't worry! Iaacknowledge kita sa chapter 6, kasi yung 4 and 5 walang mahabang A/N. Thanks!
DeleteSalamat sa update. Gumaganda ang takbo ng story mo
ReplyDeleteI'll wait for the next update. Take care.
Thanks po! Aasahan po kita!
DeleteInteresting. I wonder how Brett will play a part sa story, bestfriend turned to lovers? But right now, I'm clearly for Red-Riel. Haha next next! Marvs ;-)
ReplyDeleteLet's see sa mga susunod na kabanata Marvs. Do you think Brett's also inlove with his best friend?
DeleteUhmmm I think so, that's always the trend. Pero surprise us. Haha :-)
DeleteLet's see sa mga susunod na kabanata. :D
DeleteSabi na nga ba eh papansin lang tong si red.
ReplyDelete-hardname-
Mukha ngang ewan yan si Red eh! Ang laking duwag! Nyahahaha!
ReplyDeletenatapos lang sa ganung eksena, sa iisang lugar lang. hehe. baka pwedeng habaan nmn s susunod. salamat po.
ReplyDeletebharu
Haha. Oo nga no? Di bale, next time po. Thank you!
Deleteyung kapag me sikretong pgkatao ka, sarili mo lang talga nkakausap mo.. hahaha relate lang. ang hirap kyang mgconfess kya papansin na lng sa crush.. hhaha i understand red pero sbhin mo na rin kc hahaha
ReplyDeletejihi ng pampanga
Relate tayong lahat diyan. Haha. Thanks for reading, jihi of pampanga
DeleteThanks sa pag mention :) ka biten much
ReplyDelete-GREEN
Welcome! Haha! Sorry! Di ko na siya mababago eh. :)
DeleteTnx sa pag mention I love it pampa Ali's ng stress
ReplyDeleteEppy2667
ngaun lang me mesage silent reader po ako
ReplyDelete