Followers

Thursday, July 10, 2014

Fated Encounter 20

Pagkatapos ng chapter na ito ay mawawala na sa ere si Nick at Mack. Ang mga bagay-bagay ay sa pagitan na lang nina Joen at Vin. At `yong dalawa na nauna, kasalukuyan nang gumagawa ng sarili nilang istorya.. ^_^

Salamat po ulit, nang marami sa mga nagbabasa nito. Sa mga nagbibigay ng komento. Sa mga silent reader.

Salamat din kay kuya Bluerose. Thanks for pushing me ! Lol.. alam na.

Heto na po ang chapter twenty. Dito sa chapter na ito malalaman kung ano nga ba ang isa sa sikreto ni Vin. May aminan na ba? Siguro.. let's just find it out.



CHAPTER TWENTY


KAIBIGAN. Iyon ang gusto ni Vin na maging relasyon sa kanya ni Mack. Kaibigan. Kaibigan na pwede niyang sandalan kapag malungkot siya. Hindi manliligaw na nagdudulot lang sa kanya ng kalungkutan at para dito. Gusto niya ay ganoon lang sila. Sana nga lang kahit na iyon lang ang maging relasyon nila ay mahilom ni Mack ang puso nito na nasaktan niya nang paulit-ulit.
            Kinalma niya ang sarili. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Humarap siya dito. Katulad niya ay may luha din sa mga mata nito.
            "Iyon ang gusto kong maging tayo, Mack. Gusto kitang maging kaibigan lang. Salamat." Ang sabi niya saka ito niyakap nang mahigpit.  
            Pareho silang napatingin sa pintuan ng kwarto nang bumukas iyon at pumasok si Tita Tasha- ang ina ni Nick. Kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Mack. Napako ang tingin nito sa kanya sabay bunot ng malalim na paghinga.
            "Ikaw pala ang dahilan ng pag-aaway ng anak ko at ng pamangkin ko," anito. May diin sa pagkakasabi ng 'dahilan'. He also heard clearly animosity in it. Tila nangungutya at hindi makapaniwala.
            Ngunit panandalian lamang iyon dahil nag-iba ang timplada ng mukha nito. Naging maamo at may pagsuyo nang matitigan siya. "Pag-pasensyahan mo na `ko, Vin," anito. Bahagya siyang nagulat sa pagbigkas nito sa pangalan niya. "I'm just worried about my son and nephew. Ngayon lang sila nagkaroon ng malalang pag-aaway at ikaw pa ang dahilan niyon."
            Bumangon ang takot sa kanyang puso. Nag-away. Nagkagulo. Dahil sa kanya. Hindi pa rin niya napigilan ang pag-aaway ng dalawa. Ito na ang ikinatatakot niya.   
            "Bakit tita?" tanong ni Mack.
            "Nag-away ang mga pinsan mo, Mack," pag-ulit nito sa sinabi. "Gusto kayong makausap na apat ng Tito Ric mo, Mack."
            Agad siyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig. Nagmamadali siyang lumabas pero pinigilan siya ni Tita Tasha. Nagulat siya nang yakapin siya nito. "Habang maaga pa ay pumili ka na kung sino ang gusto mo sa kanila, Vin. `Wag mong paasahin ang dalawa sa kanila. Be true to yourself." Ang sabi nito.
            Napatingin lang siya dito. May pagkakatulad ang sinabi nito sa sinabi ni Nick sa kanya. Mag-ina nga ang mga ito. Nakapili na ang puso niya. Matagal nang nakapili. Ang malaking hadlang lang ay ang takot sa puso niya.
   "Tita, na-nakapili na po ako," aniya.
            Malungkot itong ngumiti. "Hindi ang anak ko. Nakikita ko, Vin."
            "Alam n'yo po na naliligaw sa `kin si Nick?"
            Marahan itong tumango. "Alam ko pero hindi niya alam, Vin. Alam ko kung ano ang anak ko dahil ina niya ako. Pero hindi pa siya umaamin sa `kin. Sayang gusto kita para sa anak ko kahit na pareho kayong lalaki. My son loves you so much but you love someone. Si Joen ang napili mo, hindi ba." Ang sabi nito. Hindi tanong ang huling salita kundi kumpirmasyon.
            Tumango siya. "Salamat tita. Kahit na ganito ako ay tanggap n'yo po ako. I'm sorry kasi nasaktan ko ang anak n'yo. At isa pa pong sorry kasi kahit nakapili na ako ay hindi ko naman ipagpapatuloy ito."
            Nagulat ito sa sinabi niya. "Bakit?"
            Nag-iwas siya ng tingin. "Si-sige po. Pupuntahan ko na apo sina Joen at Nick. Gusto ko rin pong makausap si Tito Ric," ang magalang niyang paalam.
            Nang pumayag ito ay nagmamadali siyang lumabas. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Mack ngunit hindi na niya ito pinansin.
            Nang makarating siya sa bahay nina Joen ay agad siyang dumiretso sa living room. Naabutan niya si Joen at Nick, malayo ang mga ito sa isa't-isa. Parehong may hawak na ice bag. Mas malala ang naging away ng mga ito kumpara sa naging away ng mga ito sa bahay nila. May pasa ang mga ito sa may labi, putok din iyon. Maliban doon ay namamaga rin ang pisngi ng mga ito.
            Pinigilan niya ang maiyak. Siya ang dahilan ng gulo sa pagitan ng mga ito. Sa kanya nagmula ang kaguluhan.
            "Umupo ka Vin," maawtoridad na sabi ni Tito Ric.
            Sinunod niya ito. Umupo siya malayo kina Joen at Nick. Dumaan ang mahabang katahimikan sa loob ng silid na iyon. Dumating din si Mack at umupo ito sa single seater sofa na katabi ng sa kanya.
            "Hindi ko gusto ang nangyari kanina, Nick at Joen. Bakit kailangan niyong mag-suntukan sa harap ng maraming tao. Nakakahiya ang mga asta n'yo. Ganoon din ba kayo sa restaurant? Ang tatanda n'yo na pero parang wala kayong pinagtandaan. I'm so disappointed in all your actions. Sa nangyaring gulo ay nakabuo ako ng desisyon." Siya naman ang hinarap nito. "Gusto kitang makausap ng sarilinan, Vin," anito. "Let's go to the library."
            Tumalima siya. Nauna itong naglakad. Sa likuran lang siya nito. Hindi pa siya nakakalabas ng living room ay pinigilan na siya ni Joen. Niyakap siya nito nang mahigpit. "I'm sorry," anito. "`Wag mo akong ulit layuan, Vin, dahil sa nangyaring ito. I'm sorry."
            Hindi ko rin gustong lumayo dahil tumututol ang kalooban ko pero kailangan, Joen. Ayokong magkagulo kayo dahil sa `kin. isa pa ay kailangan kong sundin ang Lola Fe ko.
            Kumalas siya sa mahigpit nitong yakap. Isang matamlay na ngiti ang isinukli niya dito. Lumayo ito sa kanya. Napatingin siya kay Nick.
            "I'm also sorry, Vin." Ang sabi nito saka nag-iwas ng tingin. Tumango lang siya saka sumunod kay Tito Ric.
            Nang makarating sila sa library ay seryoso siyang tiningnan nito. Sinalubong niya ang tingin nito.
    "Alam mo naman siguro na ikaw ang dahilan ng kaguluhan na ito, Vin."
            Tumango siya. "Opo, tito."
            "Umiyak ka ba? Bakit namumula ang mata mo?" Nag-aalalang tanong nito.
            "Hi-hindi po," pagsisinungaling niya.
            "Hindi ka magaling magsinungaling."
            "Tito, gusto ko na pong mag-resign. Hindi na po ako papasok sa restaurant mula bukas."
            Nagulat ito sa sinabi niya. "What do you mean, Vin? Hindi kita papaalisin sa restaurant nang dahil sa gulong ito. Hindi ako magiging unfair sa `yo. Aaminin ko na medyo naiinis ako sa `yo dahil ikaw ang pinagmulan ng gulo na ito. Ngunit hindi `yon dahilan upang mag-resign ka. Hindi ko `yon mapapayagan."
            "Ayoko na po," sagot niya saka napaluha. "Hindi lang po `to kasi ang unang beses na nag-away sila, tito. Sa bahay ay nag-away na rin silang tatlo dahil sa `kin. Ayokong masira ang relasyon nilang tatlo nang dahil sa `kin. Ayokong magkagulo at palagi na lang ako ang magiging dahilan. Hindi po ito tama. Hindi ito dapat nangyayari dahil lang sa `kin." Napasigok siya. "Ayoko pong lumayo kay Joen," lakas-loob niyang sabi. "Mahal ko na po ang anak n'yo, tito, pero hindi ko pa po `to sa kanya nasasabi. Sana po ay sa pagitan lang natin ito."
            Tumango ito saka napangiti. "Mahal mo ang anak ko. Pero bakit lalayo ka?"
            "Dahil hindi naman pong pwede na maging kami. Hindi po ako tama para sa anak n'yo. Hindi ako .." Hindi na niya maituloy ang sasabihin. Napaiyak na siya nang malubha. Hindi niya kayang muling malayo kay Joen. Isipin pa lang niya ay sobra na siyang nalulungkot. Hindi niya kayang iwan si Joen kahit hindi sila. Sa tatlong araw pa nga lang na hindi niya ito nakita ay sobrang pagka-miss na ang nadarama niya para dito. Ngayon pa kaya na tuluyan siyang malalayo dito. Hindi niya kaya. Hinding-hindi.
            Naramdaman niya ang mahinang paghaplos ni Tito Ric sa likuran niya.
            "Hindi mo kailangang lumayo, Vin. Hindi ko naman papayagan na mangyari iyon. Kung mahal mo ang anak ko ay sabihin mo sa kanya. Mas okay na magkaroon na ng closure kung sino sa kanila ang pinili mo para tumigil na ang dalawa."
            "A-alam na po ni Mack ang totoo pero hindi pa rin po siya tumigil. Kanina pa lang. Si Nick po hindi pa po niya alam ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko naman pong pwedeng sabihin sa anak n'yo na mahal ko siya. Ayoko at hindi pwede."
            "Ano ba ang ikinakatakot mo?"
            "Marami po."
            Bumuntung-hininga ito. "Ikaw ang bahala. Hindi ko ugali ang pangunahan ang nararamdaman ng isang tao, Vin, pero gaya nga ng sabi ko kanina ay hindi ka aalis. Hindi ako papayag. You will stay. Hindi ko na papapasukin ang tatlo sa restaurant para maging komportable ka. Para hindi na magkagulo pa."
            "Salamat po," aniya saka ito niyakap nang mahigpit.
            Pagkatapos nilang mag-usap at ayusin ang kanyang sarili ay lumabas na sila ng library. Sabay silang nagtungo nito sa living room. Agad nilang nakuha ang atensyon ng tatlo. Tila mga maamong tupa ang hitsura ng mga ito.
            "Ngayong nakausap ko na si Vin ay naging buo ang desisyon ko para sa inyong tatlo," simula nito. "Mula bukas ay hindi na kayong tatlo papasok sa restaurant."
            Nakita niya ang pagtutol sa mukha ng mga ito ngunit walang nagsalita.
            "Iyon ang makakabuti para sa inyong apat. Mas mabuti na maglayo kayo para walang mangyaring gulo. Vin will stay in the restaurant. Hindi ko siya tinanggal. Mas mainam na sa inyo ko `yon gawin dahil kilala ko kayong tatlo. Hindi kayo titigil kahit na sawayin ko pa kayo lalo na at nalaman ko pa na pangalawang beses na pala itong nangyari. Nakakahiya kayo."
            Bumaling ito sa kanya. "You can go, Vin. Ako na ang kakausap sa kanila."
            "Ihahatid ko si Vin, dad," sabi ni Joen na nagpatingin sa kanya dito. Sa kanya din ito nakatingin. "Gusto ko siyang makausap. Ngayong nandito na kayong dalawa ay sasabihin ko na sa inyo na akin si Vin." Ang sabi nito. "May unawaan na kaming dalawa. May koneksyon kami na kami lang ang nakakaalam. Hindi man kami nagsasabihan ng 'I love you' sa isa't-isa ay kami na."
            Nawalan siya ng imik. Lumuluhang napatingin lang siya dito.
            "Salamat na lang sa offer mo, Joen. Kaya kong umuwi nang mag-isa."
            Klaro niyang nakita ang sakit sa mukha nito sa lantaran niyang pagtanggi. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero pinigilan niya ang sarili. Ilang beses na ba niyang tinanggihan ito? Maraming beses na at kung iisa-isahin niya iyon ay masasaktan lamang siya.
            Gusto niya itong lapitan at yakapin nang mahigpit. Sabihin dito na nararamdaman niya rin ang koneksyon sa pagitan nila. Na para lang siya dito at ito ang nag-iisang itinitibok ng puso niya. Parang nauulit lang ang mga nangyayari. Muli siyang lalayo dito dahil ayaw niyang muling mangyari ang kaguluhan. Kasasabi pa lang niya sa sarili na ayaw niyang malayo dito pero iyon na naman ang gagawin niya. Hindi niya iyon mapanindigan. Hanggang salita na lang siya palagi. He was sorry for acting like this but much sorry by hurting the only man he will love and love for the rest of his life. Wala nang iba pa.
            Napatingin siya kay Mack at Nick. They saw pain in their faces as they looked at him. Jealousy was also visible in their faces. Ang dali lang para sa kanya na sabihin nang harapan sa tatlo kung sino ba talaga ang pinili niya at ang totoong nararamdaman niya. Ngunit sadyang natatakot siya. Kung magiging sila ba ni Joen ay matatanggap siya nito sa kabila ng madilim na nakaraan na pinagdaanan niya?
            Hindi niya alam.
            Bakit hindi mo subukan?


HINDI excited si Vin na pumasok sa restaurant. Wala siya sa sariling naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Mag-i-isang buwan na mula nang mangyari ang kaguluhan sa birthday party ni Danna ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanya iyon. Nalulungkot siya tuwing naaalala niya iyon.
            Patuloy niyang tinatanong ang sarili kung ano ang nagawa niya at bakit siya ang natipuhan ni Mack at Nick? Bakit dahil sa kanya ay kailangan pang magkagulo ng mga ito? Ano ba ang nakita ng mga ito sa kanya?
            Ang dati niyang simple pero magulong buhay na inihahalintulad niya sa simpleng kanin at walang lasang ulam ay nag-iba. Nagkaroon iyon ng kulay dahil sa pagdating ng tatlong lalaki na nakilala niya isang araw lang. They brought something new to him and because of that he felt that he was not the same. May kulang na sa kanya at iyon ang puso niya na tumitibok para kay Joen. Ang lalaking minamahal niya pero kailangan niyang layuan para huwag nang magkagulo pa ang tatlo. Maayos na ang relasyon nila ni Mack dahil sumuko na ito. Kay Nick ay hindi pa. Mula nang mangyari iyon ay hindi na niya nakita ang mga ito.  
            Aminin man niya o hindi ay makikita sa kilos niya na sobra na niyang na-mi-miss si Joen. Ang pagka-miss na nararamdaman niya dito ay mas masidhi sa una. Pakiramdam niya nga ay mas lalo niya itong minamahal sa bawat pagdaan ng araw. Totoo pala talaga ang sinasabi ng iba na 'absence make the love grow fonder'.
            He sighed.
            "Uy, Vin, kumusta na?"  
            Napatingin siya sa malanding pagbati sa kanya ng kaibigang si Joanna. Hindi ito nakasuot ng pambabaeng damit. Wala ring kolorete sa mukha nito. Kung titingnan ang kanyang kaibigan ay parang totoong lalaki. Walang bahid ng kabaklaan.
            "Okay lang," matamlay niyang sagot. "Papunta na ako sa restaurant para magtrabaho. Ikaw ba?"
            "May sakit ka ba?" tanong nito, may pag-aalala sa tono.
            Umiling siya. "Wala."
            "Bakit matamlay ka?"
            "Wala naman. Hindi lang ayos ang pakiramdam ko ngayon pero wala akong sakit."
            "May problema ka lang, ganoon?"
            Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ito. Ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mata katulad ng dati.
            "May problema ka nga. I-share mo `yan sa `kin para gumaan-gaan ang pakiramdam mo."
            "Hindi. Ayoko. Sige, Joanna, aalis na `ko. Mamayang gabi inuman tayo."
            Nagulat ito sa sinabi niya. "Hindi ka naman umiinom, `di ba?"
            "Anong hindi? Umiinom kaya ako kaunti nga lang," aniya. "Hintayin n'yo akong dalawa ni Diega mamaya sa tindahan," sigaw niya dito saka sumakay sa jeep na huminto.
            "Sige," ganting sigaw nito.
            Inabot ng kalahating oras bago makarating si Vin sa restaurant. Pagdating niya doon ay awtomatikong inilibot niya ang paningin. Nagbabakasakaling makikita niya si Joen sa loob. Huminga siya nang malalim. Katulad ng dati ay wala.
            Tinanguan niya ang tatlong waiter na nandoon. Ang mga ito ang pumalit sa tatlong magpipinsan. Dumiretso siya sa staff room para ilagay ang bag niya. Nang buksan niya ang kanyang locker ay nagulat siya nang makita ang isang tangkay ng rosas at isang box ng chocolate. Kasunod ng pagkagulat ay bumadha ang kasiyahan sa kanyang puso nang makita ang letter na kasama niyon. Binasa niya ang nakasulat doon.

Vin,

            I miss you so much. Can't wait to see you again. See you this evening.

                                                                                                            Joen                                                                                                             

            Nayakap niya sa sobrang kaligayahan ang sulat. Ang saya-saya niya. Hindi na rin siya makapaghintay na muling makita si Joen. May ngiti sa labi na kinuha niya ang rosas at inamoy iyon. Sunod niyang kinuha ang chocolate. Nang masigurado niyang nasa ayos na ang natanggap niya ay may ngiti sa labi na lumabas siya ng staff room. Lumapit siya sa isang waiter.
            "Kuya, sino po ang naglagay ng rosas at chocolate sa locker ko?"
            "Hindi ko alam, Vin, magkasunod lang tayo sa pagdating."
            "Ganoon po ba." Ang sabi niya saka nagpaalam dito.
            Kanina ay malungkot siya pero nag-iba ang mood niya dahil sa mga natanggap. He started his work with a smile in his face. Tila na-recharge siya. Puro positivity ang naging dulot ng mga natanggap niya. He's happy. He also can't wait to see Joen again.
            Pagsapit ng gabi ay excited na nag-out si Vin sa restaurant. Walang lugar kung saan sila magkikita ni Joen. Basta magkikita sila. Naghintay siya ng isang oras sa labas ng restaurant ngunit walang Joen na dumating. Matamlay at bagsak ang balikat na umalis siya doon. He was expecting too much to see him this evening but no Joen came.
            Sumakay siya ng jeep. Umuwi siya ng may lungkot sa puso. Pagkababa niya sa jeep ay agad niyang nakita si Joanna at Diega sa tindahan. Agad siyang lumapit sa mga ito. Hindi siya magsasayang ng oras ngayong gabi. Magpapakalasing siya. Idadaan niya doon ang disappointment na nararamdaman niya. Ang kalungkutan sa kanyang puso.
           "Hindi naman semana santa pero ang tabas ng mukha mo parang ganoon na," agad na sabi ni Diega sa kanya.
            "Ganoon talaga `pag may problema, Diega, kaya nga mag-pa-painom ang hitad na `yan, eh. Sabayan na lang natin."
            Kahit malungkot ay napangiti siya sa pag-uusap ng mga ito. Kung mag-usap ang mga ito ay parang wala siya sa harapan ng dalawa.
            "Ano ba ang problema mo, Vin?" Seryosong usisa ni Joanna.
            "Mamaya na natin `yon pag-usapan. Bibili muna ako ng maiinom natin. Hard ba ang gusto niyo?"
            Parehong nanlaki ang mata ng mga ito. "Hard? Sigurado ka ba na gusto mo `yon? Ang lubha naman ng problema mo, broken hearted ka ba?" tanong ni Diega.
            "Oo, broken hearted ako." Ang sagot niya na ikinagulat na naman ng dalawa.
            "Kanino?"
            "Mamaya na natin pag-usapan," pag-iwas niya saka humarap sa tindahan para bumili ng maiinom nila. Nagulat man ang dalawa sa dami ng binili niya ay walang nagprotesta sa mga ito. Tila nakakaunawang pinagbigyan siya ng dalawa. Nagpapasalamat siya dahil hindi na ito nag-usisa pa. Pero hindi pa rin mapigilan ng mga ito na magbiro.
            "Lasingan to the max lang ang peg. Masyado na talagang malala ang love problem mo," ani Joanna.
            "`Wag ka nang kumontra pa, Joanna. Gusto mo rin naman `yan, eh. Matagal ka na kayang hindi nakakatikim ng libre."
            "Nahiya naman tuloy ako sa `yo, Diega."
            Nagpalitan pa ang mga ito ng patutsada sa isa't-isa. Bagay na kinasanayan na niya. Nang makabili na siya ay agad silang naglakad patungo sa bahay nila. Tiyak niyang pagdating nila doon ay mag-uusisa ang lola niya sa dami ng alak na binili niya. Alam niyang magtataka ito.
            Napahinto silang tatlo nang may humintong motorsiklo sa harapan nila. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang makita kung sino ang rider niyon kahit na nakasuot ito ng helmet. Hindi magkakamali ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang reaksyon na sa isang tao lang niya nararamdaman. Si Joen ito. Nang tanggalin nito ang suot na helmet ay tila naging slow motion ang mga pangyayari. Nagtama ang kanilang paningin. Tila sila na lang ang tao doon. Nawala ang mga nakapaligid sa kanila. Siya at si Joen lang. Pinigilan niya ang maiyak sa kasiyahan. Na-miss niya ito ng sobra. Bumaba si Joen sa motor nito at inalis ang helmet. Pasalamat siya at wala siyang dala, nagmamadali siyang lumapit dito at niyakap ito nang mahigpit. Joen also did the same.
            Narinig niya ang malakas na tili. Kumalas sila sa mahigpit na yakapan at napatingin sa kaibigan niya.
            "Pangalawang beses na `to. Ano ba talaga ang namamagitan sa inyong dalawa?" Ang tanong ni Diega.
            "May unawaan na kami ni Vin," agad na sagot ni Joen na ikinalaki ng mata ng dalawa.
            Tila naghihintay rin ang mga ito ng kumpirmasyon sa kanya. Tumango lang siya. Muling tumili ang mga ito. Hindi nila ito pinansin.
            Ang disappointment at kalungkutan sa kanyang puso ay nawala sa pagdating ni Joen.
            "I miss you so much. I'm sorry kung nahuli ako sa pagdating. May nangyari kasi na hindi inaasahan." Paliwanag nito.
            "Hindi na iyon mahalaga, Joen. Ang mahalaga ay nandito ka na. Sorry sa ginawa kong paglayo na naman sa `yo. Ngayon ay handa na ako na palaging sa tabi mo. Kahit wala tayong commiment sa isa't-isa ay okay lang sa `kin, basta nasa tabi lang kita."
            Ngumiti si Joen.
            "Nakakainggit naman ito! Bwisit!" sigaw ni Diega sabay hila kay Joanna. "Mauuna na nga kami sa inyo sa bahay n'yo. Ang landi mo Vin!" Ang iniwan nitong salita bago sila iwan
            Nagkatinginan sila ni Joen at nagpalitan ng ngiti. "`Wag ka nang lalayo sa `kin, kasi katulad mo ay ganoon din ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako ng sobra. Okay lang sa `kin na wala pa tayong commitment sa isa't-isa, basta may unawaan na tayo."
            Imbes na balikan nito ang motorsiklo nito ay hindi nito ginawa. Iniwan nito iyon na nakaparada sa tabi at ibinilin sa matanda na doon. Para huwag itong kumontra ay nagbigay ito ng lagay. Napapangiti na lang siya sa ginawa nito.
            Nang balikan siya nito ay hinawakan nito ang kanyang kamay. Habang naglalakad sila ay magkahawak pa rin ang kamay nila. Sa ginawa nilang iyon ay nakakuha na sila ng atensyon mula sa ibang tao ngunit wala silang pakialam. Their hearts were filled with so much joy being with each other again. Maninindigan na siya. Hindi na siya ulit lalayo dito kahit na anong mangyari. He will take aside all his inhibitions. Hindi na siya matatakot kahit na ano man ang kahinatnan ng gagawin niya pagdating sa huli. Ayaw na niyang muling malungkot dahil wala ito sa tabi niya.
            Pagkarating nila sa kaniyang bahay ay namataan niya ang lola niya sa gate. Tila hinihintay talaga sila. Nagmano siya dito, iyon din ang ginawa ni Joen.
            "Bakit ka iinom, Vin?" Agad nitong tanong.
            "Wala lang `la," aniya.
            Kanina ay desidido siyang uminom dahil nalulungkot siya, ngayon ay hindi na. Ngunit ayaw niyang ma-disappoint ang mga kaibigan niya. Iinom pa rin siya pero sa pagkakataong ito ay dahil na sa kaligayahan. Kasama pa niya si Joen. Ang pagsasama nilang dalawa ulit ay isang pangyayari na dapat i-celebrate.
            "Anong wala lang Vinnezer? Hindi ka sanay uminom kung hindi mo alam. Umayos kang bata ka." Bumaling ito kay Joen. "Long time no see, Joen. Mag-i-isang buwan kang hindi nadalaw dito," anito sabay tingin sa kamay nila ni Joen na magkahawak. "Magnobyo na ba kayo?"
            Walang alam ang lola niya sa gulong nangyari noong birthday party ni Danna. Nang magtanong ito ay nagsinungaling siya. Kaya nga ito nagtataka na hindi pumupunta sa bahay nila si Joen pati si Mack at Nick.
            "Hindi."
            "Oo."
            Halos sabay na sabi nila ni Joen pero magkaiba. Nagkatinginan sila.
            "Ano ba talaga?"
            "Ako na ang sasagot," sabi nito sa kanya. "Oo na hindi po, Lola Fe," sagot ni Joen. "Wala kaming official na relasyon pero may unawaan na po kami."
            "Ang gulo n'yo rin," anito. "Bahala na nga kayo dyan. Vinnezer, `wag kang uminom ng masyado. Bantayan mo `yan, Joen," ang bilin nito saka pumasok. Hindi pa ito nakakalayo ay muli itong huminto at bumaling sa kanya. "Siyanga pala, Vinnezer, tumawag kanina ang mama mo, luluwas dito ang magualng mo at mga kapatid mo. `Yong kambal mong kapatid, dito na sila mag-aaral para sa kolehiyo." Ang sabi ng lola niya saka sila iniwan.
            Natigilan siya. Bumangon ang takot sa kanyang puso sa narinig mula sa lola niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Joen na agad nitong napuna.
            "Vin, okay ka lang?" tanong nito.
            "O-okay lang ako," sagot niya. His heart was pounding hard. Muli bang mauulit ang mga nangyari sa kanya? Isipin pa lang niya ay natatakot na siya. Ayaw na niyang mangyari iyon.      
            Nang makapasok sila ay agad nilang inumpisahan ang pag-inom. Masaya na siya kanina dahil sa presensiya ni Joen. Ngunit sa kabila ng kaligayahan na iyon ay may takot sa kanyang puso sa narinig. Namalayan na lang niya na naparami na siya ng inom. Nahihilo na rin siya. Ang sabi niya kanina ay hindi siya masyadong iinom pero iba ang nangyayari ngayon. Nang maubos ang iniinom nila ay inutusan niya si Joen na bumili pa ulit. Kailangan niyang uminom. Kailangan niyang makalimutan ang takot kahit ngayong gabi lang.


HINDI NA nagkomento o komontra pa si Joen nang utusan siya ni Vin na bumili ulit ng maiinom nila. Tahimik niyang sinunod ito. Kanina pa rin siya tahimik na sinusundan ang bawat galaw nito. Hindi ito palainom. Hindi ito sanay ngunit pinipilit nito ang sarili na uminom. Sa kanilang apat na nag-iinuman ay ito ang masasabing may tama na. Si Diega at Joanna ay napansin rin niya ang pagtataka sa aksyon na ipinapakita ni Vin.
            Sa nakikita niya ay may kung anong bagay ang bumagabag kay Vin. May problema ito kahit hindi nito iyon sabihin. Nang marinig nito ang sinabi ni Lola Fe kanina ay nagbago itong bigla. Biglang naging tahimik at tila malalim ang iniisip. Gusto niyang malaman kung ano ang problema nito. Ano pa ang silbi niyang nasa tabi siya nito kung hindi nito iyon sasabihin sa kanya. Maghihintay siya na sabihin nito iyon kahit malabo iyon.
            Humugot siya nang malalim na hininga habang nakatingin dito. Mag-iisang buwan na silang hindi nito nagkita dahil iyon ang kundisyon na ibinigay sa kanya ng daddy niya. Ang sabi ng daddy niya sa kanya ay bigyan niya ng peace of mind si Vin. Sa loob ng mag-iisang buwan na hindi niya ito pinuntahan at nakita ay para siyang mababaliw. Hindi na siya sanay na hindi ito kasama. Gusto niya laging sa tabi niya ito.
            Pagkatapos nang pag-uusap nila ng daddy niya kasama si Nick at Mack ay nilapitan siya ng huli. Muli niyang binalikan sa kanyang alaala ang nangyari.
            Napatingin na lang si Joen kay Vin habang palabas na ito ng living room nila. Gusto niyang sundan ito at ipilit na ihahatid niya ito kahit ayaw nito at lantarang tinanggihan siya pero hindi niya magawa dahil sa pagpigil sa kanya ng daddy niya.
            Ang ginawa niya ay umupo na lang sa single seater sofa at tila talunan sa mga oras na iyon. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginawa niya. Dahil sa pagpatol niya kay Nick ay nanganganib na naman silang dalawa. Muli siyang malalayo dito dahil doon. Ang tanga lang niya. Hindi siya nag-iisip. Mas inuna pa niya ang init ng kanyang ulo.
            "Narinig n'yo naman siguro ang sinabi ko sa inyo kanina. Mula bukas ay hindi na kayo papasok sa restaurant. Ayoko na din kayong makita na lumalapit pa kay Vin."
            "Hindi ako lalayo kay Vin," ani Nick.
            "Hindi ko `yon gagawin!" Agad niyang protesta. "Hindi mo `ko mapipigilan dad na lumapit kay Vin. I love him at alam mo `yon. Hindi ako lalayo sa kanya at hindi mo `ko mapipigilan."
            "Tumahimik ka Joen!" Ang galit nitong sigaw. "HIndi n'yo ba nakikitang nasasaktan si Vin na mga pinagagawa n'yo. I'm so disappointed about all the stupidity that you three made. Nagkakasakitan kayo. Puro sarili n'yo lang ang iniisip n'yo. Kung may mas nasasaktan sa mga pinagagawa n'yo ay si Vin 'yon! Alam n'yo bang habang kausap ko siya sa library, sinabi niya sa `kin na hindi na siya papasok sa restaurant dahil ayaw niyang magkagulo kayong tatlo. He was blaming his self for the trouble that you all made.
            "`Wag n'yo na muna siyang lapitan. Gusto kong magkasundo kayong tatlo. Ayokong nakikita na nag-aaway kayo dahil lang sa nararamdaman n'yo. `Wag n'yong kakalimutan na magpipinsan kayo. Kapag hindi kayo sumunod sa sinabi ko ay hindi n'yo na makikita si Vin."
            Umalis ang daddy niya. Naiwan silang tahimik. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Tumayo si Nick at bago ito umalis ay binigyan siya ng matalim na titig. Bumaling siya kay Mack. May lungkot sa mukha nito habang nakatingin sa center table. Pumatak ang luha nito na mabilis din nitong pinunasan. Tumingin ito sa kanya.
            "I gave up, Joen. Magiging kaibigan na lang ako kay Vin. Tama si Tito Ric, si Vin ang mas nasasaktan sa pag-aaway nating tatlo. Habang nasa kwarto kami ay umiyak siya nang umiyak. Naging selfish tayo sa nararamdaman natin. Hindi natin inisip na nasasaktan na si Vin. Na pinoproblema niya tayo kahit may malaki siyang problema na kinakaharap. I love him that's why I'm setting him free even we are not in a relationship. Mahal mo siya at sana ay `wag mo siyang sasaktan. `Wag mo siyang paiiyakin dahil ako ang makakalaban mo kapag ginawa mo `yon."
            "Hindi ko siya sasaktan." May katiyakan niyang sagot.
            "I'm happy to hear that. Ako na ang magsasabi sa `yo, mahal ka rin ni Vin. Sa ating tatlo ay ikaw ang pinili niya."
            Natigil siya sa pag-iisip nang bigla siyang yakapin ni Vin. Patayo na ito nang biglang mabuwal at sa kanya bumagsak. Narinig niya ang pagtili ng dalawa.
            "Tama na `tong inuman na `to. Lasing na si Vin," ani Joanna.
            "Kami na ang magliligpit ng kalat natin, Joen. Asikasuhin mo na lang si Vin," ani Diega.
            Iyon nga ang ginawa niya.
            "Saan ka pupunta? Sasamahan na kita. Okay ka lang ba?"
            "Hindi ako okay," sagot nito at nag-anyong nasusuka.
            "Saan ka ba pupunta?" Ulit niya sa tanong.
            "Sa banyo, Joen, nasusuka ako," anito at biglang naduwal.
            Agad niya itong binuhat at dinala sa CR. Eksaktong pagpasok nila doon ay sumuka ito. Mabuti na lamang at diretso iyon sa toilet bowl. Pumwesto siya sa likuran nito at hinagod ang likod nito. Sumuka ito nang sumuka.
            "Tu-tubig Joen."
            "Wait lang kukuha ako," aniya. "Hintayin mo lang ako dito."
            Sandali niyang iniwan ito para kumuha ng tubig. Nang makakuha ay binalikan niya ito. Sumusuka pa rin ito kahit wala ng lumalabas.
            "Ano ba ang problema mo Vin? Tandaan mo na nandito ako. Pwede mong sabihin sa `kin ang problema mo."
            Masyado na siyang nag-aalala dito. Ngayon lang niya ito nakitang nasa ganitong kalagayan.
            "Wa-wala akong problema," ang pag-iwas nito. "Balik tayo sa labas Joen. Inom pa tayo."
            "Hindi mo na kaya Vin. Nililigpit na rin nina Joanna at Diega ang kalat natin."
            He hold his breathe when Vin faced him. Ilang distansya na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Ngayon lang nito iyon ginawa at nabigla siya. Hindi siya sanay sa kaagresibuhan nito. Inamoy nito ang hininga niya pati ang leeg niya. Sa ginawa nito ay nag-iinit na siya.   
            "Hindi ka amoy-alak. Uminom ka ba? Parang hindi naman eh. Ang fresh pa rin ng hininga mo, Joen. Ang sarap mong amuyin. Hindi katulad sa `kin." Sumandok ito ng tubig gamit ang kamay nito at hinilamusan ang bibig gamit iyon para mawala ang amoy suka.
            Napangiti siya kahit na kinakabahan siya sa ginagawa nito sa kanya.
            Napalunok siya maya-maya. Being his face near to him and doing such things like this make him wanted to do some things. Gusto niyang halikan ang labi nito. Gusto niyang muling matikman ang matamis nitong labi na hindi nakakasawang halikan. Pwede ba niyang gawin iyon kahit na nasa impluwensiya ito ng alak? Hindi ba siya magmumukhang mapagsamantala kapag ginawa niya iyon? Kahit na grabe ang epekto nito sa ginawa nito ay pinigilan niya ang sarili na halikan ito. Kung gagawin niya iyon ay gusto niyang sa huwisyo ito at wala sa impluwensya ng alak.
            His eyes widened. Nagulat siya nang halikan siya ni Vin sa kanyang labi. Isang halik na ito ang unang gumawa at hindi siya. Agad siyang gumanti. Kasasabi pa lang niya sa sarili na hindi niya ito hahalikan dahil sa impluwensya dito ng alak pero hindi niya mapigilan ang gantihan ang halik nito.
            Pinalalim niya ang halik. Habang magkahinang ang kanilang labi ay pakiramdam niya ay nasa langit siya. This was the fourh time they kissed but still it have the same effect like the first three. Niyakap niya ito nang mahigpit at mas idinikit pa niya sa kanya. Parang wala ng hangin ang makakadaan sa higpit ng yakap niya dito.
            Natigil siya nang tumigil ito. Nang tingnan niya ito ay napangiti na lamang siya. Binuhat niya ito at dinala sa kwarto nito. Maingat niyang inilapag si Vin sa higaan nito. Tinitigan niya ang maamong mukha nito.
            "I don't have any idea what really your problem was, Vin. Just remember that I'm still here. Handa ako na makinig kung ano man ang problema mo. I love you at hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari. I'm sorry rin kasi hindi ko naisip na nasasaktan ka na pala sa pinagagawa naming tatlo nina Mack at Nick. Hindi ako mangangako na hindi kita masasaktan. But I'll be here no matter what," ang sabi niya saka ito hinalikan sa noo saka sa labi. "Mahal na mahal kita."   
            Pagkatapos niya itong halikan ay hinaplos niya ang pisngi nito at labi. Nahinto iyon nang gumalaw ito. Tumagilid at umungol. Maya-maya ay nagsalita ito.
            "I love you Joen."
            Nanlaki ang mata niya sa narinig. Kasunod niyon ay nabalot ng kasiyahan ang puso niya. Napangiti siya nang maluwang sa narinig. Ang sabi nila ang mga lasing ang isa sa pinakatapat na tao dahil nanggagaling sa puso ng mga ito ang sinasabi. Ang kasiyahan niya ay nag-uumapaw. Mahal siya nito. Pareho ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Pwedeng maging sila. Ngunit nawala ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang sinabi nito.
            "Mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo. Sapat na sa `kin ang mahalin ka kahit wala iyong magiging tugon mula sa `yo. Hindi ako tama para sa `yo."
            "Pwedeng maging tayo, Vin," ang sagot niya. Agad siyang tumutol sa sinabi nito na hindi ito tama sa kanya. "Hindi totoong walang tugon ang pagmamahal mo dahil mahal din kita. Pwedeng maging tayo kahit na iba ang magiging tingin ng ibang tao, Vin."
            Narinig niya ang mahinang paghilik nito. Indikasyon na tulog na ito. Para na siyang baliw sa ginagawa. Tumututol siya sa sinabi nito samantalang mukhang nananaginip ito. Bumuntung-hininga siya saka ito inayos. Lumabas siya ng kwarto para kumuha ng bimpo na pamunas niya dito. Nang makuha ang mga pakay niya ay bumalik siya sa kwarto nito. Tinanggal niya ang suot nitong damit. Pinunasan niya ang mukha at katawan nito. Pagkatapos ay hinubad niya ang pantalon nito. Nag-iinit siya sa ginagawa. Grabe ang pagpipigil niya na sunggaban si Vin. Nag-ipon siya ng lakas ng loob para malabanan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pinunasan niya ito sa ibabang bahagi ng katawan nito. Nang matapos niyang gawin iyon ay kumuha siya ng pamalit nito. Napalunok siya ng hubarin niya ang panloob nito. Grabe talaga ang epekto nito sa kanya. Malalang epekto na tanging ito lang ang nakakapagbigay sa pagkatao niya. Binihisan niya ito.
            Pagkatapos niyang ayusin si Vin ay kinuha niya ang mga ginamit niya at lumabas ng kwarto nito. Nakita niya si Diega at Joanna. Nagpaalam ang dalawa sa kanya. Pabalik na sana siya sa kwarto ni Vin nang tawagin siya ni Lola Fe.
            "Pwede ba kitang makausap, Joen." Seryosong saad nito.
            "Pwede po," magalang niyang sagot.
            Niyaya siya nito sa kusina. Nagtimpla ito ng kape pati siya ay ipinagtimpla nito.
            "Masaya ako na nakilala ka ng apo ko, Joen," umpisa nito. "Alam ko na hindi ko dapat sabihin ang sekretong ito pero gusto kong sabihin dahil magaan ang loob ko sa `yo. Pero bago ang lahat, may isang katanungan lang ako. Mahal mo ba ang apo ko?"
            Agad siyang tumango. "Mahal ko po si Vin. Mahal na mahal kahit na sa mata ng ibang tao ay hindi iyon maganda."
            Ngumiti ito. "Natutuwa ako na marinig `yan. Sana ay hindi mo siya saktan. Matanda na ako at hindi ako kokontra sa relasyon niyong dalawa. Wala naman pinipili na kasarian ang pagmamahal. Kapag tumibok ang puso ay titibok iyon kahit alam mong mali pa iyon. Kapag sinabi ko sa `yo ang sekreto tungkol sa pagkatao ni Vin, sana ay mahalin mo pa siyang lalo."
            Bigla siyang kinabahan sa mga sinasabi nito. Isang sekreto? Bakit ano ba si Vin?
            "Ang totoo ay hindi ko totoong apo si Vin. Hindi siya totoong anak ng anak ko. Isang taon si Vin nang makuha namin siya sa isang bata na nagbigay sa kanya sa `min. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng batang `yon. Basta na lang niya sa `min binigay si Vin at nagtatakbong palayo sa `min. Sa mga panahon na iyon ay nagdadalamhati pa ang anak ko sa pagkamatay ng totoo niyang anak. Ang pagdating ni Vin sa buhay ng anak ko ay nagpabago sa kanya. Nawala ang kalungkutan niya dahil sa kanya. Tinrato namin si Vinnezer na parang amin. Kahit hindi siya namin kadugo ay mahal na mahal ko ang apo ko. Dahil hindi naman namin alam ang totoo niyang pangalan ay ipinangalan namin siya sa namatay kong apo."
            "Lola, bakit n'yo po sinasabi sa `kin `to?"  
            "Katulad ng sinabi ko sa `yo kanina ay magaan ang loob ko sa `yo. Nararamdaman ko na nasa mabuting kalagayan si Vin sa tabi mo. Alam ko din na hindi mo siya iiwan. Maasahan kita sa bagay na iyon. May tiwala ako sa `yo, Joen."
            Natutuwa siya na may tiwala ito sa kanya. At hindi pa man sila ni Vin ay boto na ito sa kanya.
            "Aaminin ko po na natutuwa ako sa mga sinasabi n'yo lola. Tama po kayo. Hindi ko po iiwanan si Vin kahit na ano ang mangyari. Lola Fe, maliban sa mga sinasabi n'yo ngayon, may dapat pa ba akong malaman? Alam po ba ni Vin na ampon siya?"
            Tulad niya ay ampon lang din si Vin. Pareho pala sila nitong hindi lumaki sa piling ng totoong pamilya.
            "Ang huli mong tanong ang hindi ko alam. Hindi siya nag-uusisa o nagtatanong ng mga bagay-bagay. Ngunit pagkatapos niya ng high school ay may nag-iba sa apo ko."
            "Ano po ang nag-iba sa kanya?"
            "Masayahin ang apo ko noon. Palaging may handang ngiti sa labi niya at laging masigla. Ang totoong balak ng anak ko nang makatapos si Vin sa high school ay doon siya mag-aral ngunit nabago iyon dahil sa biglaang pag-iiba niya. Madalas ay tulala siya at parang ang lalim lagi ng iniisip. Napansin ko rin na may takot sa mata niya tuwing nakikita ang ama niya."
            "Ano po ang ibig n'yong sabihin?" Curious niyang tanong.
            "Hindi palakwento si Vin sa mga nangyari sa kanya. Mahigit limang taon na mula nang mangyari iyon at natutuwa ako na bumalik na siya sa dati sa pagdating mo, Joen. Siguro ay napansin mo kanina ang reaksyon niya nang sabihin ko na pupunta dito ang ama niya."
            Tumango siya. "Napansin ko po `yon."
            "Gusto kong protektahan mo siya habang wala ako dito. Gusto kong lagi kang sa tabi niya `pag dumating ang ama niya."
            "Maasahan n'yo po ako doon. Ang hindi lang sa `kin malinaw ay kung ano po ba talaga ang problema ni Vin sa ama niya, Lola Fe? Nang dati po kasi ay mag-usap kami ay bigla na lang niya akong sinigawan dahil sa pangungulit ko sa kanya na magbati na sila ng papa niya."
            "Mahalin mo pa rin ang apo ko kahit na ano man ang malaman mo, Joen."
            "Opo."
            Ngumiti ito. "Salamat. Sana ang pag-uusap natin na ito ay hindi na makarating sa kanya, Kami na ng mama niya ang magsasabi sa kanya ng totoo."
            "Okay po."
            "Sige. Pwede ka nang bumalik sa kwarto ni Vin, Joen."
            Agad naman siyang tumalima. Nang makabalik siya sa kwarto ni Vin ay muli niyang pinagmasdan ang mukha ni Vin. Magkapareho sila nito. Pareho silang lumaki sa piling ng ibang tao. Parehong ipinamigay ng kanya-kanyang pamilya. Alam na kaya nito ang totoo? Kung malaman nito ang totoo sa pagkatao nito ay katulad niya ba ang magiging reaksyon nito?
            Isa pang nagpapa-isip sa kanya ang nangyari dito sa piling ng kinikilala nitong ama? Bakit nasabi ni Lola Fe na takot ito doon? Ano ba ang nangyari kay Vin? Iyon na ba ang sinasabi nito na hindi ito tama sa kanya kanina?
            He sighed.
            Hinubad niya ang suot na damit, sunod ang pantalon niya. Lumapit siya sa higaan ni Vin at tumabi dito. Niyakap niya ito saka muling hinalikan sa labi.
            "I love you. I promise I won't leave your side no matter what happen."
            Napangiti siya nang hawakan niya ang kamay nito at makita ang singsing na binili nilang dalawa. Ipinapangako niya sa singsing na ito na hindi niya iiwan si Vin. Mananatili siyang sa tabi nito kahit na ano ang mangyari.


NAGISING si Vin mula sa kanyang mahimbing na pagtulog nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit ngunit malambot na bagay sa kanyang leeg. Iminulat niya ang mata upang makita kung ano iyon. Nanlaki ang kanyang mata at nagulat. Ang bagay na nakadikit sa kanyang leeg ay ang labi ni Joen. Sa paraan ng paghinga nito ay masasabi niyang mahimbing itong natutulog. Nagulat man sa nasaksihan ay hindi siya gumalaw o lumayo dito sa kadahilanan na nakayakap ang braso nito sa kanya. Tila isa siyang bilanggo at mahigpit na ginagwardiyahan ng matipunong braso nito.
            Gumalaw siya ng kaunti. Maya-maya ay napangiwi siya nang maramdaman ang sakit ng kanyang ulo. Epekto iyon ng maraming alak na nainom niya kagabi. Kahit hindi siya sanay uminom ay pinilit niya ang sarli na ubusin ang mga iyon dahil sa problema na dati na niyang pinoproblema: ang kanyang ama. Umiling siya para huwag maglaro sa kanyang isip ang ginawa nito sa kanya. Hindi niya dapat isipin pa iyon kahit paulit-ulit na naglalaro iyon sa kanyang isip.  
            Napatingin siya Joen nang gumalaw ito. Magkapantay na ang mukha nila. Kitang-kita niya ang gwapo nitong mukha na hindi nakakasawang titigan. Kagabi ay nasabi niya sa sarili na maninindigan na siya. Kahit ano ang mangyari ay hindi na siya lalayo dito. Aalisin na niya ang inhibition niya sa sarili. Hindi pa man niya nasasabi dito ang nararamdaman niya ay ayos na iyon. May unawaan na sila at ngayon na nandito na ito ay papayag na siya. Kahit hindi sila, at least ay may panghahawakan siya dito. Tama naman ito, ang nararamdaman nila sa isa't-isa ay pareho. Siya lang naman ang problema.
            Pinagmasdan niya ang bawat bahagi ng mukha nito. Nalasing siya kagabi ngunit alam niya ang mga ginawa niya. Nang nasa comfort room sila nito ay sinadya niyang amuyin ito at halikan ang labi nito. Naglakas lang siya ng loob. At least kapag nag-open up si Joen tungkol doon ay maidadahilan niya na lasing siya at hindi niya alam ang ginagawa. Iyon ang matagal na niyang gustong gawin dito. Kahit na kasi ilang beses na silang naghalikan nito ay si Joen lagi ang nag-i-initiate. Para hindi sila lumampas pa doon ay nagkunwari siyang tulog.
            At sa kanyang kwarto. Narinig niyang lahat ang sinabi nito. Joen said 'I love you' to him for many times. Nakakatuwa ng puso na marinig dito ang mga bagay na sinabi nito. Damang-dama niya ang pagmamahal at kung gaano siya nito inaalala. Willing ito na manatili sa tabi niya kahit na ano ang mangyari. Narinig rin niya ang pangako na binitwan nito sa kanya. Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng luha niya. Luha iyon na dala ng sobrang kaligayahan. Ngayon lang siya nakadama ng ganitong pagpapahalaga mula sa isang lalaki na hindi niya kadugo. Dahil sa mga sinabi nito ay mas sumidhi ang kagustuhan niya na manatili sa tabi nito. Ang manindigan at mahalin pa ito. Hindi siya magtatanong kung ano ang totoo nitong nararamdaman dahil sapat na sa kanya ang mga narinig mula dito. Magkukunwari siyang walang alam.
            Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi nang gumalaw ito.
            Iminulat ni Joen ang mata nito. Nagsalubong ang tingin nila.. Nginitian niya ito. Gumanti naman ito ng ngiti. Kahit hindi pa sila nagmumumog ay hinalikan niya ito sa labi. Nagulat ito pero gumanti naman. This time ay siya ang mas agresibo. Narinig niya ang pag-ungol nito sa pagitan ng halikan nila nang palalimin niya ang halik.
            Naghiwalay lang ang mga labi nila nang kapusin sila ng hangin. Tiningnan siya ni Joen na tila hindi makapaniwala. Maya-maya ay ngumiti ito.
            "You kissed me." Parang timang na sabi nito. "Hinalikan mo ako at hindi ka lasing. Ikaw rin ang nagsimula ng halik. Ibig bang sabihin ng halik na pinagsaluhan natin ay tayo na?"
            Tumango siya. "Oo. Tayo na Joen. Kahit hindi pa tayo nagsasabihan ng mahal kita sa isa't-isa ay tayo na."
            "I'm happy Vin. Ako ang pinili mo kahit na wala akong ginagawa."
            "Anong wala kang ginagawa? You did some things to me, Joen, I'm thanking you because of that. Sorry din sa mga kaguluhan na nagawa ko sa inyong mag-pi-pinsan. Dahil sa `kin ay nag-away kayo. Alam kong makakasakit ako dahil dito pero gusto kong i-try. Hindi ko naman talaga maiiwasan ang makasakit, hindi ba?"
            Tumango ito. "Hindi nga kasi tao lang naman tayo. Ngayong official na may unawaan na tayo, Vin, magagawa ba natin ang ginagawa ng totoong mag-partner?" Pilyong tanong nito.
            "Hindi. Hindi pa ako handa."
            "Kailan ka ba magiging handa?" Parang bata na sabi nito. Niyakap siya nito at idinikit ang ibabang bahagi ng katawan nito sa ibabang bahagi ng katawan niya. Dahil tanging boxer shorts lang ang suot nito ay damang-dama niya ang katigasan nito. "Naramdaman mo ba `yan, Vin?" tanong nito sa mahinang boses. He found it very sexy and alluring.
            "Nararamdaman ko, Joen, kailangan mo lang mag-cr kaya matigas `yan."
            Sumimangot ito. "Ganoon? Sige, mag-si-cr muna ako. Kapag matigas pa rin ito ay gagawin natin ang ginagawa ng mag-partner. Okay ba?"
            "Hindi okay. Hindi pa nga ako handa, Joen. `Wag kang makulit. Masyado ka talagang ma--"
            Hinalikan na siya nito. Agad naman siyang gumanti. Naramdaman niya ang paggalaw ni Joen. Pumatong ito sa kanya. Mas lalo pa nitong pinalalim ang halik at gumalaw ang mga kamay nito. Tila kinakabisa ang bawat parte ng katawan niya. Dahan-dahan na bumaba ang kamay nito  na agad niyang pinigilan. Pinutol rin niya ang halik.   
            "Napakapilyo mo talaga," nakangiting saway niya dito. "Sinasamantala mo ang kahinaan ko. Pero pasensya ka na dahil matino pa ako. Hindi ako basta magpapadala sa `yo. Ako `yong alanganin sa `tin tapos mas agresibo ka pa. Bad `yan."
            "Ang galing mong mangbitin. Alam mo ba `yon?" Nakasimangot na sabi nito. "Gusto mo rin pinipigilan mo pa ang sarili mo."
            Tinawanan niya ito. "Mag all by myself ka na lang."
            "Nandyan ka naman tapos iyon ang gagawin ko? Maawa ka sa puson ko, Vin. Maging agresibo ka kahit ngayon lang."
            Tumawa lang siya saka tumayo. Lumayo siya dito. Bago lumabas ng kwarto ay nag-iwan siya dito ng salita na ikinasimangot pa nitong lalo.  
            "Iiwanan na kita dito. Malaya kang mag-alam mo na."


MALUWANG ang pagkakangiti ni Vin samantalang sobra naman ang simangot sa mukha ni Joen. Kasalukuyan silang nasa dining area at kumakain ng agahan. Hindi siya papasok ngayong araw sa restaurant dahil sa kagagawan ni Joen. Habang nasa kwarto niya kasi si Joen ay tinawagan nito si Tito Ric para sabihin na hindi siya papasok. At ang loko ay sinabi sa ama nito na sila na kaya pagkatapos nilang kumain ng agahan ay aalis sila at pupunta sa bahay nito para makausap ang ama nito.
            "Bakit nakasimangot ka, Joen?" Usisa ni Lola Fe kay Joen.
            Tiningnan muna siya nito bago sumagot. "Wala lang, `la, may isa kasing tao dyan na ang hilig mambitin. Gusto rin kaso aayaw-ayaw."
            Natawa siya sa sinabi nito. Nanlaki naman ang mata ni Lola Fe. "Ano bang pambibitin ang sinasabi mong ginawa ng apo ko?"
            "`La, `wag na po kayong mag-usisa, ma-e-eskandalo lang kayo kung ano ang sinasabi niyan ni Joen." Agad niyang sagot sa lola niya.
            Kilala niya si Joen at baka masabi nito ang hindi dapat. Baliw pa naman ito minsan.
            "Bakit kasi hindi mo pagbigyan?" Saglit itong natigilan. "Teka, kayo bang dalawa ay may unawaan na?"
            Nawala ang simangot sa mukha ni Joen. Ngumiti ito. "Yes, `la, kami na ni Vin. Totoong may unawaan na kami kanina lang."
            Ngumiti si Lola Fe. "Masaya ako na malaman `yan," anito. "Siyanga pla, Vin, aalis ako, nasabi ko na `yon sa `yo kagabi, hindi ba? Magbabakasyon ako sa probinsya, kasabay na rin doon ay pupunta ako sa patay natin na kamag-anak. Maiiwan ka ditong mag-isa pero hindi rin tatagal iyon dahil pupunta dito ang pamilya mo," ani Lola Fe.
            Muli, nakadama siya ng takot sa napipintong pagpunta dito ng ama niya. Kinakabahan din siya. Hindi lang niya pinahalata iyon sa mga kaharap. Masaya siya na makikita niya ang mga ito ngunit napapailalim ang kasiyahan na iyon ng kaba at takot.
            "Habang wala pa sila dito o kahit nandito na sila ay pwedeng dumito muna si Joen. Pwede siyang tumira dito o kaya ikaw ang tumira sa kanila. Kampante ako kapag kasama mo si Joen, alam ko na nasa mabuti kang kalagayan. Saka wala naman sa `yong mawawala kahit na may mangyari sa inyo." Nakakalokong sabi nito na ikinangiti niya sa kabila ng kabang nadarama niya.
            "Sige, `la, dito na muna si Joen. Pabor rin naman iyon sa kanya, eh."
            "Alam ko," sagot ng lola niya. "Ipinagkakatiwala kita kay Joen, apo. Sa susunod na araw ako aalis. Mag-ingat kayo ditong dalawa, ah."
            Sabay silang tumango ni Joen.
            Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila ni Joen para sa pagpunta nila sa bahay nito. Habang nasa loob ng kanyang kwarto ay walang sawa silang nagharutan ni Joen na tila mga bata. Nandoon na ang yakapin at hahalikan siya nito kahit wala itong dahilan na malugod naman niyang tinatanggap.  
            Nakabihis na siya nang yakapin siya ni Joen mula sa likuran. Ipinatong nito ang baba nito sa kanyang balikat sabay halik sa pisngi niya. Nakiliti siya nang halikan siya nito sa leeg pagkatapos. Sa marahang kilos ay dinilaan nito ang leeg niya.  
            "Nakikiliti ako," sabi niya habang lumalayo dito. "Tigilan mo Joen ang ginagawa mo," saway niya dito na hindi naman nito pinakinggan. Patuloy lang ito sa ginagawa.
            "`Wag mo `kong pigilan, Vin. Alam ko na hindi ko dapat ito ipagpilitan pero gusto kong gawin talaga ito. Nabitin ako kanina."
            "Tumahimik ka nga. Masyado ka kasing hot, eh. `Wag kang magmadali. Pupunta rin tayo sa gusto mong mangyari pero hindi ngayon, Joen. Gusto ko rin naman na may mangyari sa `tin, aaminin ko `yon. Pero gaya nga ng sinabi ko sa `yo ay hindi pa ako handa. Sana maintindihan mo ako."
            Bumuntung-hininga ito. "Okay, it's my fault, I'm sorry. I just wanted you so badly, Vin. Ngayon ko lang naranasan ang ganito, sa `yo lang."
            Napangiti siya. Kumalas siya sa yakap nito. Humarap siya dito. "The feeling is just mutual, Joen." Ang sabi niya saka ito hinalikan sa labi.
            Bago pa sila muling mag-init ay lumayo na siya dito. Lumabas sila ng kanyang kwarto na may ngiti sa labi at magkahawak ang kamay.


LINGID sa kaalaman ni Vin ay mag-iisang buwan na mula nang mangyari ang kaguluhan ay laging nakasubaybay dito si Nick. Mula kasi nang mangyari ang kaguluhan sa birthday party ni Danna ay pinagbawalan silang tatlo ni Tito Ric na puntahan ito. Kaya nagkasya na lang siya sa pagsunod at pagtingin kay Vin mula sa malayo. Sa ginawa niyang iyon ay nakita niya ang ilang pagbabago kay Vin. He saw how sad he was being alone. Masakit lamang para sa kanya na malungkot ito dahil wala sa tabi nito si Joen.
            Now, seeing how Vin's mood change being with Joen made his heart hurt. A bitter smile also formed in his lips. Kahit hindi sa kanya inamin ni Vin ang totoong nararamdaman nito kay Joen ay halata na iyon. Sa gawi pa lang ng tingin nito sa pinsan niya at sa closeness ng dalawa ay masasabi na talagang may koneksyon ang mga ito. Koneksyon na wala sa kanya at kay Mack.
            Malinaw na ngayon sa kanya ang sinabi ni Joen sa birthday ng party. Nakikita na niya iyon. Ang closeness ng dalawa ay hindi matatawaran. Ang ibinibigay na tingin ng mga ito sa isa't-isa ay may kahulugan. Kay Joen ay pagmamahal at ganundin kay Vin. Hindi pa man nito aminin sa isa't-isa ang totoo ay hindi maipagkakaila sa kilos ng bawat isa ang tinatagong pag-ibig. Makikita iyon sa paraan ng pagkakahawak ng kamay ng mga ito. Yes, the two didn't started well. Mahilig ang mga ito na magbangayan ngunit sa kabila niyon ay doon naipapakita ng mga ito ang pagmamahal.
            Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Sumusuko na siya sa panliligaw kay Vin. Mahal niya ito at pakakawalan na niya ito. Nagsisisi siya dahil nasaktan niya ito sa pagiging makasarili. Sa hindi pag-iisip na ito ang mas nasasaktan sa kalagayan nilang apat. He was enlightened by Tito Ric's and Mack words the night the fight happened. Ngayon ay mulat na ang mata niya. Naging makasarili siya.
            Simula pa noong una ay talo na siya. Mapilit lang sya sa nararamdaman niay. Ipinagpipilitan niya ang sarili kay Vin kahit na ito at si Joen ang nakatadhana talaga sa isa't-isa. Noon pa sa kwento pa lang ni Arkin sa kanya. Continuation lang ito ng love story ng dalawa at sa pagkakataon na ito ay wala nang makakapigil pa.  
            Ang hiling lang niya ay sana maging maligaya ang mga ito sa piling ng isa't-isa. Sana ay hindi na ulit masaktan si Vin sa piling ni Joen. Gusto niyang makausap ang mga ito ng personal para makahingi ng tawad lalo na sa lalaking mahal niya. Sobra siyang nasasaktan pero kakayanin niya. Gagawa siya ng paraan para makalimutan na niya si Vin kahit alam niya na mahabang proseso ang tatahakin niya.
            Naramdaman niya ang pagtapik ng kung sino sa sa balikat niya. Bago siya humarap sa taong iyon ay pinunasan niya muna ang luha sa pisngi niya.
            Sinalubong niya ng nakangiti ngunit may lungkot na mukha ang taong iyon. Si Mack.
            "Okay ka lang?"
            "I'm not," mabilis niyang sagot saka muling tumulo ang luha niya.
            "Pareho lang tayo ng nararamdaman, Nick. Pareho tayong bigo at isang tao lang ang dahilan niyon. Wala na tayong magagawa, kasi pumili na siya, kailangan na lang natin na tanggapin iyon. Mahal mo si Vin at mahal ko din siya kaya kahit masakit ay kailangan natin na magparaya para sa ikakasiya niya. Alam ko na mahabang proseso ang gagawin natin pero makakaya natin `to. Isipin na lang natin na masaya si Vin sa piling ni Joen. Alam ko na hindi siya sasaktan ng pinsan natin."
            Kahit na lumuluha ay napangiti na rin siya. Hindi rin niya maiwasan ang magbiro. "Pareho tayong sawi pinsan. Kapag hindi talaga ukol ay hindi bubukol. Siguro dapat na tayong magtayo ng brokenhearted club at tayong dalawa ang mga miyembro."
            "Baliw ka talaga," ani Mack na natawa habang lumuluha na rin.
            "Para lang tayong baliw. Umiiyak tapos tumatawa."
            "Ikaw lang naman ang baliw, Nick, eh. Na-e-emo tayo tapos magpapatawa ka."
            "Ano na ang plano mo ngayon, Mack?" Seryosong usisa niya saka pinunasan ang luha niya.
            "Lalayo muna ako. Magbabakasyon. Gagawa ng paraan para makalimutan si Vin. Ikaw ba?"
            "Lalayo din. Gagawin ko na `yong pinapagawa sa `kin ni Arkin."
            Kumunot ang noo nito. "Pinapagawa ni Arkin? Ano ba `yon?"
            "It's a secret between me and him. Hindi ko pwedeng sabihin. But I'll tell you that I know some important things about Vin's true identity."
            Mas dumoble ang kunot sa noo nito. "Vin's identity? Bakit ano ba si Vin?"
            "Basta, Mack," sabi niya saka marahan itong tinapik sa balikat. "Mauna na ako sa `yo. Kakausapin ko pa si Vin at Joen, hihingi ako sa kanila ng paumanhin."
            Tumango lang ito.

17 comments:

  1. Ayun oh nagkaaminan na at naging sila na. hmm revelations! ayun medyo lumilinaw na ang misteryo sa pag katao ni Vin at nacucurious na talaga ako kay Arkin ah at ano kayang gagawin niya kay Vin? excited for the next chapters.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Next chapter po malalaman kung ano ni arkin si vin.. at kung ano ang kinalaman niya sa past ng dalawa.

      Salamat sa komento at pagbabasa! Lagi kang nauuna!

      Delete
  2. salamat po, natauhan din si nick at mac. ano kaya yungtintago ni vin? narape kaya sya ng ama-amahan nya? kaya ganun n lang ang pangamba nya?

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Titingnan po natin sa susunod na chapters kung ano ba talaga ang nangyari.

      Delete
  3. Bitin na naman as usual...Thanks Mr Author...God Bless You.

    ReplyDelete
  4. OMG! Im happy for vin ang joen! Kilig to the max!

    Go #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
  5. Nice! Yehey sila na, pero ang weird nila mahirap ba magsbabi ng I love you? Haha Go Joen! Marvs :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marvs,

      Sa next chapter po ang walang kasawaan na pag-a-i love you nila sa isa't-isa..

      Delete
  6. Nice update.. Happy for Vin and Joen, finally.. Please don't make life difficult for them, and let them enjoy each other.. Thanks author..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang totoo nyan ako ang nahihirapan kung paano sila magkakaroon ng problema.. tsk.. wala naman perpektong relasyon kasi.. haha.

      Delete
  7. Author please do a story about joanna and nick or mack and diega, or the pther way around. Parang nakikita ko na mas may kilig factor eh, yung may away-bati ang peg ng story. Ang cute lang.haha
    -crv

    ReplyDelete
    Replies
    1. May story yung dalawa pero iba ang partner..
      .. ganoon din po ang gusto kung story away-bati :)

      Delete
  8. Ang bigat pero, satisfied ang mga magbabasa nito. Ang galing ng organization mo, Vienne! I really admire, the way you write this story. I can't wait to read the stories of Mack and Nick. :D

    I'm looking forward for the next update, Vienne! Wish you all the luck and positive vibes! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. I appreciated your comment so much, Kuya Rye.

      Maraming salamat!! Mabalos po!

      Delete
  9. Mr.V tnx sa update at pag.repost sa wakas mababasa ko na ung 21 ^_^

    Im so happy for both vin and joen

    More power Mr. Vin wait ko rin ung kwento ni mack at nick

    At teka matanung lbg san ja sa bicol?

    Japerski

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya, tga Albay po ako.. kung anong town.. pa-add sa fb!!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails