Followers

Monday, July 21, 2014

When I was Your Man






written by Rogue Mercado

AUTHOR’s NOTE:   Tagging some people I know that asked me to write something o humihingi ng update. As much as possible Im taking it easy sa pagsusulat. If you were offended that I tagged you, feel free to untag yourselves. Before reading this story, alam kong pamilyar ang kanta sa lahat, I recommend na pakinggan niyo tong cover na ito on a repeat mode.


Salamat sa pagpapahiram ng oras niyo!


-Rogue

Uso pa ba ang diary ngayon? Siguro?

Lalo na sa mga taong kagaya ko  na unti-unting sinukuan ng bait. Ewan. Eto a lang siguro yung sandalan ko ngayon habang unti-unting gumuguho yung dating perpektong mundo ko.

Alam mo diary, love letter sana isusulat ko. Pero wala rin eh, gagawin lang kitang masalimuot na resulta ng kadramahan ko.

Saan ba ko magsisimula? Dear Diary?, Sa petsa ngayon?, Sa pagpunas ng luha ko? o Sa Kagaguhan ko? Nakarami na pala ako.

Siguro sa imahinasyon na isinusugod ako sa isang malaking gusali. Natataranta yung mga tao. Yung kabuuan ng gusaling yun parang Heaven ‘pre.  Basta nakahiga ako sa kama pero may gulong yung kama. Na para bang unit-unti akong tinatangay sa sakit na ito patungo sa walang kasiguruhang destinasyon.

Maya maya ipinasok ako sa loob ng isang silid. Andaming ilaw. Parang heaven nga. Pagkatapos yung mga taong nakaputi nakasuot ng maskara at luntiang damit. Teka, May green bang anghel? Pero ewan ko. Ang alam ko lang yung tugtuging pumapailanlang sa loob ng kwarto.

Bruno Mars? nNice. Parang nasa bar lang ah. Parang nung tayo? Siguro pinapatugtog nila yan para marelax sa kung ano man ang gagawin nila sakin. Hindi man ako sigurado kung ano nga ba ang gagawin nila. Magkikwento na lang siguro ako? Sige…..


“Same bed but it feels just a little bit bigger now”

Naaalala ko pa nung una kitang makita. Sa isang bar na lagi kong tinatambayan. Nakaputi ka noon, tandang tanda ko. Nurse? I guess. Alam mo yung mas basa pa yung mata mo kaysa sa La Mesa Dam. May apat na basyo ng bote sa tabi mo. Alam ko na yung mga eksenang ganyan. Gawain ng mga wasak ang puso.

                                “Hi ‘dre. Lorenzo pala. Nagsosolo ka ah?”

Alam kong nagiisa ka talaga. Papansin lang talaga ako. Gusto kitang bad trip-in o gusto ko lang sirain yung emo moment mo. At Oo, sa gwapo mong yun, imposibleng hindi kita lapitan.

“Our song on the radio but it don’t sound the same”

Tiningnan mo ko ng matagal. Matagal na matagal/ Kinikilatis mo yata kung drug pusher ako o manloloko o gago.

                                “ Angelo”
Maikli mong pakilala. Sabay lagok nung beer na pang anim na yata. Oorder ka pa sana noon. Pero hinawi ko kamay mo na nagtatawag ng waiter.

                                “Ano ba! Tangina mo ah!”
                                “ I was about to say na meron akong alam na lugar na pwede kang magdrama na walang huhusga sa iyo”

Nagisip ka. Tuliro ka pa rin. Alam ko dumagdag ako sa problema mo na nagpataong patong na. Pero wala akong pakialam. Normal ko ng ginagawa ang mga ganito.

                                “May beer ba dun?”
Kumindat ako.
                                “Yeah. Unlimited Beer. Yun na nga tubig ko eh”




“When our friends talk about you all it does is just tear me down”

Dinala kita sa bahay not knowing what will happen next. Nung pumasok ka at isinara ko ang pinto,  gusto ko ng isandal ka sa pinto at siilin ng halik. But no, for the first time gusto kong makinig sa kwento ng ibang tao.

Namalayan ko na lang na nasa terrace tay at ikaw nakatitig sa kawalan habang nilulunod ang sarili sa naipangako kong beer.

                                “ So what’s your deal, anong kwento mo ‘dre?”

At ayun na naman ang pamatay mong titig. Grabe kung totoong nakakamatay ang titig mo, kanina pa ko sinugod sa ospital.

Ngunit unti unting nabasa yung bintana ng kaluluwa mo. Sa isang iglap, nasa harapan ko yung pagka-gwapo-gwapong lalaki na humahagulhol na parang bata.

“Cause my heart breaks a little when I hear your name”

Nagsimula kang maglabas ng sama ng loob mo. Kitang kita ko sa mga mata mo yung hinanakit mo sa mundo. Yung galit mo sa mga tao.

Nalaman kong hindi ka nakapasa sa Nursing Licensure  Exam. Galit ang magulang mo sa iyo. Iniwan ka rin nung boypren mong isang buwan mo lang nakasama. Sinabi mong isa kang malaking bobo. Na bagay sa iyo ang hari ng sablay na kanta.

Iyak ka pa rin ng iyak.
“It all just sounds like Oooohhhhh..”

Sinampal kita.

Natulala ka at nabigla kung bakit ang isang taong di mo kilala eh dumagdag pa sa sakit na nararamdaman mo. Pero sa totoo lang, mas masaya kung bote ng beer ang ipinalo ko sa ulo mo. Kaya lang kawawa ka naman, ang gwapo mo kaya.

                                “What’s that for?”
                                “Kulang pa ba? Suntok naman gusto mo?”
                                “Hinila mo ko sa bahay mo. Hindi kita kilala. At putangina mo wala kang karapatang gawin yun”
                                “Bobo ka nga”
                                “Huh?”
                                “Cause you don’t know your worth. Anong gusto mong gawin ngayon? Kumuha ako ng blade at tulungan kang maglaslas ng pulso? Gago ka rin eh. Hindi pa katapusan ng mundo Angelo! Pinanganak ka sa mundo na ‘to na walang kakambal. O kung meron man, wala akong pakialam. Kasi natuto kang gumapang, tumayo at maglakad magisa. Hindi kikilos ang mundo para sumaya ang mundo mo. Simula sa araw na ‘to may dalawa kang pagpipilian: Pwede mong sisihin ang sarili mo at gawing miserable ang buhay mo o pwede kang tumayo ngayon sa sarili mong paa at iligtas ang sarili mong mundo”

Natahimik ka

Tangina lumabas lahat ng quotes ko.

Too young… too dumb… to realize.”

HIndi ko alam paano nangyari. Nagsimula sa paghawak ko ng mukha mo. Awang awa ako sa iyo. Hindi ko rin alam na tinatawid ko na pala ang espasyo sa pagitan ng mga labi natin.

Hanggang sa napunta na tayo sa kwarto ko. Inalis natin ang mga natitirang saplot na hadlang sating mga katawan. Sa kaunaunahang pagkakataon, parang ginagawa ko iyon sa isang tao hindi dahil sa sarap. Kundi dahil gusto kong tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman mo.

                                “I love you”

Bulong ko sa iyo. Ngumit ka at humiga ka sa dibdib ko. Ayun na yata ang pinaka masayang gabi ko.

“That I should’ve bought you flowers and held your hand.”

Dun na nga nagsimula ang Lorenzo and Angelo love story. Pinatira muna kita sa bahay dahil ayaw mong makita magulang mo. Ayos naman raket ko eh kaya walang problema sa pera. Ikaw naman, pinursige mong magreview uli. At sa gabi nga, may minsanan kang tarbaho para masustentuhan ang sarili mong gastos.

Naaalala mo ba nung paano kita niyayang tumira sa bahay. Kumakain tayo sa restaurant. Pagkatapos nguya ka nguya  ng pagkain. Kwentuhan tayo na parang walang bukas. Hanggang sa may nanguya kang matigas na bagay. Susi… susi ng bahay. And then I asked you:

                                “Im not gonna ask you to marry me… not yet. Pero baka lang kako gusto mo pa ng unlimited beer tapos syempre kagwapuhan ko. Baka sakaling tumambay ka na forever sa bahay.”

Hindi ka na matigil kakaiyak at pagkatapos tuwang tuwa kang niyakap mo ko.

“Should’ve gave you all my hours, when I had the chance

So ayun na nga, para na tayong mag-asawa. Kapag may oras ka lagi mo kong pinagluluto. Lagi akong may masahe paguwi ko sa gabi kahit alam nating dalawa na pagod ka rin sa trabaho mo. Kapag wala tayonbg ginagawa masyado, nasa bahay lang tayo, movie marathon. Habang nakahiga ka sa hita ko o kaya naman, yakap yakap kita.

Sabi nga nung mga kaibigan ko na naging kaibigan mo na rin buti naman daw nakahanap ako ng relasyon na nagtagal ng higit pa sa isang oras. Siguro nga sobrang perpekto nating dalawa para sa isat isa.

“Take you to every party, cause all you wanted to do was dance.”

Hanggang sa isang araw, may naramdaman akong kakaiba. Namiss ko bigla yung dati kong mundo. Yung dating ako lang. Parang bigla kong hinanap yung kinagisnan kong bar hopping, meeting different guys and ending up hooking up with them.

Alam ko mali ito. Kasi okay na tayo eh. Pero tao lang naman ako eh, hindi ko kontrolado yung totoong nararamdaman ko.

“Now my baby is dancing and he’s dancing with another man”

Isang araw, wala ka pa. Naisipan kong lumabas at pumunta sa isang gay bar. Dating gawi, alak, sigarilyo at lalaki. The feeling was liberating. Para akong ibon na nakawala sa hawla. I let my body dance another  with another guys. I let my lips kissed different lips. Yung gabing iyon ang pinakatotoong ako, dahil ganuna ako. The old promiscuous me.

“My pride, my ego, my needs and my selfish ways”

Umuwi akong lasing na lasing. Wala sa sariling ngi-ngiti-ngiti. At nandun ka nga. Hinihintay mo pala ako. Nakita ko sa mesa yung pagkain na sana pagsaluhan natin.

Naaamoy mong amoy alak at sigarilyo ako. Nagtaas ka ng boses.
                                “San ka galing? Pwede ka naman sigurong magpaalam diba? Kanina pa ko tumatawag hindi mo naman sinsagot!”
                                “Wala kang pakialam!”
                                “Meron, ako asawa mo..”
                                “Asawa? Gago ka ba? Walang magasawang parehong lalaki. Ni hindi ka nga mabuntis eh, Gago”

Huminahon ka bigla at alam kong nanalo ako sa una nating away. Ang sarap ng feeling.

                                “Kumain ka na”
                                “Kumain ka magisa mo, ulol”
Umakyat ako ng hagdan.

“Cause a good strong man like you to walk out my life”

Pagkagising ko kasabay ng sakit ng ulo ay ang pang-agahan na niluto mo. Nakita ko rin yung kape at aspirin. At sa tabi noon eh yung isang box na may note sa ibabaw:

                -Sorry kagabi babe, I love you.. Angelo-

Binuksan ko yung box. May lamang Tshirt. Kung hindi ako nagkakamali eh Tshirt yun na nakita nating dalawa sa mall. Gusto ko yung bilhin nang mga oras na yun pero kapos yata ako sa budget.

Ewan ko pero ang corny. Ang akala ko sa pelikula ko lang mapapanood yung mga ganito, meron din pala sa totoong buhay. Naligo ako at isinuot ko na lang yung damit para wala kang masabi.

“Now I never, never get to clean up the mess I made. Ohhhh..”

Naulit pa ng naulit yung mga ganoong paglalasing ko. Wala naman akong problema. Pero mahirap kumawala sa nakasanayan. Tama nga sila, nakakasawa ang puro adobo. Mas masarap yung iba ibang putahe. Mas masarap tumikim ng iba.

Wala kang  magawa kundi pagpasensyahan ako at sakyan ang kagustuhan ko. Alam mong nagloloko ako pero patay malisya ka lang. Nabubuhay ka pa rin sa dating tayo habang ako abala  sa paghahanap ng iba. Okay ka naman sa ganoong set up. Syempre, pinapatira kita doon.

“It all just sounds like Ohhhhh..”

Minsan habang kumakain tayo sa paborito uli nating resto kung saan kita niyaya na tumira ka na sakin, kwento ka ng kwento tungkol sa magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo.Nagkabati na kayo ng magulang mo. Masayang masaya ka kahit alam mong hindi ako gaanong nakikinig at panay tango lang sagot ko.Kasi lutang na lutang ako kakacellphone, kakatext sa magiging ka-meet ko sa isang bar mamaya.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Hanggang sa may nanguya akong matigas na bagay. Singsing. Napatingin ako sa iyo. Alam kong inaabangan mo reaksyon ko.

Pero taliwas sa reaksyon na inaasahan mo. Blangko lang ako.

                                “Kung saan saan mo ginagasto pera mo”
                                “Gusto kitang pakasalan Enzo”
                                “Wag kang magdrama nasa resto tayo, nakakahiya”
                                “Babe hindi naman ako nagdadrama”
                                “Surprising but this is just ridiculous.”

Iniwan kitang nakatulala sa restaurant kasama ng singsing.

“Too young.. too dumb to realize”

Minsan nakita mo ko sa isang fast food chain naman. Naalala mo ba yung lumapit ka? Kita sa mukha mo yung saya nung randomly nakita mo ko roon. Medyo namutla ako. Pero andun ka na rin lang kailangan mong makita ang dapat mong makita. Napansin kong dumako mata mo sa bangking nasa harapan ko na may plato at konting pagkain.

                                “May kasama ka Babe?”

Tumango lang ako. Maya maya lumabas yung lalake galing CR. Tiningnan mo siya. Yung lalake naman nagtatanong ang matang nakatingin sakin at umupo na rin ng tuluyan kaharap ko.

                                “Dre, hindi mo naman sinabi na may jo-join sa atin na kaybigan mo”
                                “Ah hindi, katulong namin sa bahay….. boy”

Nakita kong namula ka sa hiya pero nagawa mo pa ring ngumiti.

                                “ Ah oo, may ibibilin lang sa akin si Sir Enzo pero aalis na ho ako. Enjoy ho kayo”

At unti unti kang nawala sa paningin namin.

“That I should’ve bought you flowers and held your hand”

                                “Enzo hindi ko na kaya”

Bigla mong naisigaw habang nakaupo lang tayo sa hapag kainan at itinutuloy ang nakagawin noong meron pang totong relasyon.
                                “What do you mean”
                                “Kailangan mo ng pumili, ako ba, tayong dalawa o yung pansarili mong pangangailangan natumikim ng iba?”
                                “Watch your words. Asa bahay kita baka nakakalimutan mo”
                                “Ayun na nga eh, andito ako, anlapit mo pero hindi kita maramdaman”
                                “Gusto mo ba talagang sagutin ko tanong mo?”
                                “Oo”
                                “Baka hindi mo magustuhan ang sagot ko”
                                “Gusto kong manggaling sa iyo”
                                “Hindi na ko masaya”
                                “Hindi ba sapat na mahal kita? Mahal na mahal”
                                “Nope. I just tasted you… Nakakasawa.”

Humagulhol ka sa harapan ko.

“Shouldve gave you all my hours, when I had the chance”

Hindi ka natinag sa sinabi ko. Kahit alam mong sa una pa lang mas pinili ko ang buhay na malayo ako at wala ka. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, andun ka pa rin, gaya ng dati, ipinagluluto ako, minamasahe, pinagsisilbihan. Lahat yata ginawa mo pa rin para mablik yung dati.

Naaalala mo yung inaaway na lang kita ng walang dahilan? Lahat na yata ng masasakit na salita narinig mo. Nakikita kitang lumuluha pero wala lang. Walang epekto. At Oo, umabot na sa puntong sinasaktan na kita… pisikal. Konting pagkakamali mo lang, andito kaagad ang kamao ko handang sumuntok sa iyo. Yun yung mga araw na ginawa kong impyerno buhay mo habang ipinagpipilitan mo ang sarili mo sakin.

“Take you to every party, cause all you wanted to do was dance.”


Hanggang sa isang araw, paguwi ko ng bahay, nakita ko ang mga maleta mo sa sala. Andun ka lang nakaupo sa sofa, malamang kanina mo pa ko hinihintay doon.

Nagtatanong ang mga mata ko na tiningnan kita pero alam ko namang nakuha ko na ang sagot sa matagal ko ng hinihintay na gawin mo. Ang tuluyang lumayo at iwan akong magisa.

Tumayo ka at tiningnan mo rin ako. Andun yung pinaghalong lungkot at galit sa mga mata mo. Hinintay kitang magsalita.

                                “I guess eto na iyon. Suko na rin ako eh”
                                “Good”
                                “Bakit ba ang tigas mo pa rin Enzo”
                                “Hindi ako nagpapakatigas Gelo, nagpapakatotoo lang ako”
                                “Alam mo sa araw-araw na nakikita kita at ganyan ang ipinapakita mo sa akin. Hindi ako sumusuko. Kasi lagi kong sinasabi sa sarili ko, Okay lang yan Gelo, Mahal ka niyan Gelo, Magbabago rin yan Gelo. Oo isa na kong malaking tanga! Pero doon ako masaya eh. Hindi ko rin naman alam na hindi lahat ng sa tingin ko masaya eh tama.”

Para akong ipinasta sa kinatatayuan ko. Naririnig kong gumagaralgal boses mo.

“Now my baby is dancing but he’s dancing with another man”

Pinahid mo luha mo. Pagkatapos ngumit ka sakin. Yung ngiting nakakapagpagaan sa bigat ng buhay ko. Yung ngiting una kong nakita nung gabing may nangyari satin. Hindi ko alam na matagal ko na palang hindi naibibigay sayo yun.

Lumapit ka sakin. Inilahad mo yung palad mo sa akin na para kang nagaanyaya na hawakan kita. Tumalima ako sa hindi ko malamang dahila at hinawakan ko nga ang kamay mo. Kelan ko nga ba huling nahawakan to? Hindi ko na alam pero ang alam ko andun pa rin yung kakaobang pakiramdam pag hawak ko yun.

Namalayan ko na lang na dumikit yung katawan mo sa katawan ko. I was gasping for my breath. Grabe, hindi ko alam ang pinakahuling beses na ganito ako kalapit sa iyop. Yung mga kamay mo nakayakap sa baywang ko. Yung mga kamay ko nakapanhinga sa balikat mo.

At dahan dahan mo kong sinayaw.

“Although it hurts, Ill be the first to say that I was wrong”

Sayaw ni kamatayan siguro ang tawag dun. Kasi habang sinasayaw mo ko at hindi ka matigil sa pagiyak. Parang unti-unti akong pinapatay at nawawalan ng lakas.

Ikaw rin ang sumuko sa huli. Kumawala ka sakin. Pinahid mo yung luha mong naguunahan pa rin sa pagpatak. Finally, kinuha mo isa kong kamay at may dinukot ka sa bulsa mo. Yung singsing na binigay mo sakin.

                                “Haha. Ano ba to. Don’t mind me. Tanga lang. Gusto pa rin kitang pakasalan sa huling pagkakataon… Kahit imposible.”

Kinuha mo maleta mo. Hawak ko pa rin yung singsing. Hindi kita milingon habang yumayabag ka paalis. Narinig kitang nagsalita sa huling pagkakataon.

                                “Happy Anniversary”

At kasunod nun ay ang pagsara ng pinto.

“Oh I know Im probably much too late, to try and apologize for my mistakes”

Kinaumagahan pagkagising ko, isang nakakabinging katahimikan sumalubong sakin. Tumingin ako sa kabilang side ng kama. Syempre wala ka. Pero naaalala ko na kapag ikaw ang unang nagigising, tititigan mo ko ng sobrang tagal. Yung sabay good morning kiss at yung walang sawang pagsabi mo ng ‘ang gwapo talaga ng asawa ko’

Alam kong may nawala pero alam kong ito ang pinagpipilita kong mangyari. Sanay naman akong magisa. Gaya nung sinabi ko sa iyo. Ipinanganak tayong magisa sa mundo. Natutong gumapang, tumayo at maglakad magisa. Ginusto ko to, papanindigan ko.

“But I just want you to know..”

Yung sumod na tatlong buwan eh naging madali lang. Parang walang nangyari. Tuloy pa rin ang agos ng buhay. Ibinabalita ng mga kaibigan natin na ayos ka naman daw. Hindi ko sila pinansin kasi kailangan na kitang kalimutan.

Alak, sigarilyo at lalaki. Iyan ang pamatay kong mantra. Sa tatlong buwan na iyon, sa tatlong bagay na yan umiikot ang buhay ko. Masaya naman eh. Malaya. Pero minsan naririnig pa rin kita na sinasabi mo ang masaya minsan eh hindi tama. Pero ganun talaga, eto ang buhay ko at nabubuhay ako dito.

Isang araw, pagkagising ko. Sobrang saya ko. Siguro dahil sa panaginip ko kagabi? Ewan. Basta ang saya. Dumiretso ako sa kusina. Nagluto ako ng may ngiti sa labi. Pagkatapos, naghain ako ako sa mesa. Naglagay ako ng dalawang plato sa hapag. Nang makita kong perpekto ang lahat. Sinara ko ang mga kurtina para matakpan ang araw. Nagsindi ako ng kandila. Umupo na ko. Pagkatapos masaya akong nakatingin sa plato ko.

                                “Kainan na!”

Pero isang blangkong espasyo ng upuan at plato ang sumagot sa akin.
“I hope he buys you flowers”

Parang nawalan ako ng balanse. Natumba ako sa kinauupuan ko. Iyak ako ng iyak. O mas tamang sabihin na humahagulhol ako sa sahig. Tangina. Ang sakit. Akala ko pagkatapos ng panaginip ko andun ka pa rin sa realidad ko. Sobrang nawala sa isip ko. Akala ko gumising ako sa panibagong umaga na andiyan ka pa rin. Ngayon pa lang nagsink-in na wala na pala tayo. Na hindi ka na talaga babalik.

I tried calling your number. Gusto uli kitang makausap. Pero nakakabinging ‘cannot be reached lang’ ang naririnig ko. Sa kabila nun, tawag pa rin ako ng tawag kahit parehong recording naririnig ko. Naghihintay akong baka sa susunod na pagtawag eh may himalang mangyari at marinig ko uli boses mo

“I hope he holds your hand”

Yung mga sumunod na araw, naturete na ko. Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan natin. Tinatanong ko kung asan ka, saan kita makikita. Pero wala ni isa ang gustong magturo kung asan ka nga ba. Kahit nakikita nilang miserable ang buhay ko at halos lumuhod na makita ka, nagmatigas sila. Dapat nga lang siguro to sakin.

Sa desperasyon kong makita ka, pumupunta ako sa mga lugar na lagi piunagtatambayan, kinakainan, nagbabakasakaling masilayan ka. Pero kahit anino mo walang nagpakita. Kapag nasa paborito nating restaurant ako, lagi akong o-order ng pandalawahang pagkain. May dalawang plato. Dalawang pares ng kutsara t tinidor. Sana talaga nakabili na rin ako ng dalawang singsing noon.

“Give you all his hours, when he has the chance”

Alam mo yung pakiramdam  na halos lahat ng lalaki kamukha mo na? Pag may makaksalubong ako sa daan, titingnan ko ng maigi hanggang sa mapagtanto ko na hindi pala ikaw yun. Alam ng Diyos kung paano ako matataranta sa tuwing may kakatok sa pinto ko, sa tuwing may mensahe akong matatanggap, sa tuwing may tumatawag sa cellphone o tumatawag ng pangalan ko. I just wished that it was you. Na sana ikaw na nga talaga yun.

Napadpad ako uli ako sa bar kung saan kita unang nakita. Wala lang. One of my desperate attempts na mahanap ka. Nakakabingi angn tugtog. Maraming tao. Pinuntirya ko yung sulok. Nagorder ng konting beer. Maya-maya naman may narinig akong halakhakan sa kabilang mesa. Napatingin ako. At nagulat ako sa nakita.

Naroon ka at may kasamang ibang lalaki.

“Take you to every party cause I remember how much you loved to dance”

Parang akong binuhusan ng isang timba ng malamig na tubig. Matapos ang ilang buwan nakita kitang muli, masaya pero mas grabe yung nakakapanlumo dahil nasa piling ka na ng iba. Naaalala ko na sana ako yun. Naaalala kong ako sana yung nagpapatawa sa iyo. Ako sana yung humahawak sa mga kamay mo ngayon.

Siguro dala na rin ng ispirito ng alak dahil lasing na akong pumunta doon at konting kapal ng mukha, I found my way on your table. Namagneto ang mata natin sa isat isa. Gulat ka ng makita mo ko. May nakakabinging katahimikan ang binasag nung kasama mo.

                                “You know this guy, Gelo?”
                                “Yes babe sorry, Si Enzo pala. Boy namin.”
                                “Boy?”
                                “Yeah katulong sa bahay. Kaso lang he left. Nakahanap ata ng iba. Kamusta ka na pala Enzo”

Nakangiti kang nakatingala sakin. Umid ang dila ko. Pinipigilan kong lumuha at lumuhod sa harap mo at magmakaawang bumalik ka na sa bahay mo.

                                “Care to dance with me?”
                                “Sure”

At kinuha na nga niya ang kamay mo. You were so close with each other. Ako dapat uli yun. Oo alam ko. Ako na ang sandamakmak na gago.


“Do all the things I should have done ”

Yun yung huling pagkakataon na nakita kita. Durog na durog puso ko. At ang mga sunod pang araw na nagdaan, nakikita na lang kita sa panaginip ko o sa ilusyon na hatid ng alak. Lagi kong tinatawag ang pangalan mo sa kawalan. Nakikita ko yung mga dating ginagawa natin sa bahay. Nakikita ko mukha mo kahit saan.

Alam mo yun? Ang dami kong oras na kasama ka. Pero hindi ko naisip na limitado ang tsansa ko na makasama ka habambuhay. Time is infinite but chances are limited. Ang sakit sakit.. Gelo bumalik ka na please.

“When I was your man”

Bumalik ako sa huwisyo ko. Namalayan kong sumisigaw yung duktor at may inilalagay sa dibdib ko.Katuwang niya yung nagiisang nurse sa kabila. Maya-maya pa naramdaman kong may kuryente na dumadaloy sa dibdib ko. Para bang ginugusto nito na patibukin pa rin yung puso ko sa huling pagkakataon pero ewan…. manhind na yata sa sobrang sakit.

Wala akong maramdaman sa katawan ko. Narinig kong may nakakabinging tunog. Tunog na kinatatakutan sa loob ng operating room. Sa tingin ko naman, mas makakabuti na tong ganito. Hindi masaya pero walang sakit at alam ko ring hindi tama.

Nakita kong nagtanggal ng maskara yung duktor at nagsalita siya sa kausap na nurse.

                                “Time of Death: 3:00 am”
Narinig kong bumuntong hininga siya at iiling iling na muling nagsalita.

                                “Why do people commit suicide just because of heartbreak?”

Umalis yung duktor, naiwan yung nurse. Konting katahimikan. Pagkatapos narinig kong may bumulong sakin.

                                “Mahal na mahal pa rin kita Enzo”

And then there was total darkness.

Wakas


10 comments:

  1. Awwww.. great story. Kudos mr. A.

    Az

    ReplyDelete
  2. ..wow lang!!..
    SUPERB.. yan ang massabi ko sa story nato..grabe hndi ko naransn to pero ramdam n ramdam ko bawat part nung story..ang galing lang..kahit n sad yung story..sana marami pang ganito..short story pero may sense..
    salamat author..GALING MO..

    ReplyDelete
  3. malungkot ang story pero buti nga sau enzo ang harot mo. di ka bagay sa pagmamahal ni gelo.

    Christian Marasigan

    ReplyDelete
  4. ngayon lang ako nag cocomment ule dto las comment ko college pa ako nun so mga after 4 years ngayon lang ako mag comment ule.. na enjoy ko yung short story mo.. ganda ng flow and detail bast ang galing.. more stories to come... thank you for this story!



    john

    ReplyDelete
  5. Ken,
    Mgnda ung story,
    Kya lng mlungkot ung ending,
    Pero gnun nmn tlga db minsn d lging happy ending.

    Ayan ah ngcomment aq!
    Wahahaha

    ReplyDelete
  6. Ken,
    Mgnda ung story,
    Kya lng mlungkot ung ending,
    Pero gnun nmn tlga db minsn d lging happy ending.

    Ayan ah ngcomment aq!
    Wahahaha

    ReplyDelete
  7. ang buseeet naririnig ko ung kanta habang binabasa ko haha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails