A/N~
At dahil chapter 10 na
po ay asahan niyong maraming magbabago.
Honestly nakalimutan ko
na po talaga yung story kong ito. Medyo nabusy sa kung saan-saan.
Then I tried na.. muling
alamin at kalkalin ang nilalaman ng story ko kaya heto at maitutuloy ko na.
Salamat talaga sa inyo. Dahil sa inyo kaya ko ito ipagpapatuloy.
Guys, medyo boring po
ito. Sinikap ko po kasi na medyo ibahin na muna para maipasok ko yung plot na
gusto ko.
Maraming salamat sa mga
nagcomment sa 'Can't We Try? Chapter 9' na kung saan akala ko po ay wala nang
magbabasa.
(Jihi)(RyeEvangelista)(Lantis)(i.Am.yours)(Angel)(madztorm)(RaffyAsuncion)(Alfred
of T.O.)(EurArch)(Ivan) and Anonymous pati sa mga Silent Readers... Para sa
inyo po itong Chapter 10 :))
Be ready sa Boring and
OA scenes!!
Happy Reading (^_^)
--
Kurl's POV.
Sunday
8:00 in the morning.
Almost two weeks na ang
nakalilipas simula nung hindi na ako pinapansin ni Nicollo.
Siguro dahil parin dun
sa Burger kaya ayan.
Nakikita ko siya sa
school pero hindi niya talaga ako pinapansin.
I even attempted to
approach him pero kapag nandun na ako ay wala sa sarili akong napapaurong.
Si Paulo naman biglang
nawala!! Ewan ko ba?
Maski si sir Ken ay
nawala din ng biglaan.
Aksidente kong narinig
sa bagong manager na si Paulo pala ay nasa ibang bansa at doon pinag-aral
kasama ang iba pa niyang kapatid.
Kaya pala hindi ko
naintindihan ang huli niyang text. "Mag-iingat ka palagi "
Tumigil na pala ako sa
pagtatrabaho. Pinakiusapan kasi ako ni lola eh.
Nakaraang linggo lang ay
nagkasakit ako. Sabi ng doctor ay dahil sa puyat at pagod.
Ayoko namang mag-alala
si lola kaya sumunod na ako sa gusto niya.
"Apo magsisimba ako kasama ang mga bata.
Sasama kaba?"
Agad akong tumayo at sinabing
sasama ako.
Ipagdadasal ko na sana
bumalik na yung dalawa kong kaibigan. Si Paulo at Nicollo.
Si Paulo mukhang
malabong babalik dahil doon na siya mag-aaral.
Samantalang si Nicollo?
Ewan. Hindi niya ako pinapansin eh.
"Lola gusto ko po nung kalamay."
pagturo ko dun sa mga nakahilerang tindahan sa may gilid ng simbahan.
"Ayy mamaya na po pagkatapos nating
magsimba." nakakahiya kasing kumain sa loob, haha.
Hindi ko alam pero bigla
ata akong naging matakaw. Nahawa ata ako kay Nicollo?
Mga ilang sandali lang
ay nagsimula na ang misa. Buti at hindi magugulo itong mga apo ni lola. Bale
lima kaming lahat.
After 20 minutes.
"Kuya may nangangalbit sa akin."
pagsusumbong nung apo ni lola.
Hindi na ako nag-abala
pang tignan kung sino.
"Hayaan mo. Baka crush ka lang."
natatawang balik ko.
"Kuya ang kulit eh. Pati si patpat
kinakalbit na." naiinis nang sabi ni Kit.
"Huwag niyong pansinin." inis kong
balik.
Nasa kalagitnaan kasi
kami ng sermon ni father eh at nakikinig din ako.
"Kuya ang kulit eh." inis na inis
nang sabi ni patpat.
Hanggang sa nainis narin
ako ng tuluyan at agad kong binalingan yung nangangalbit.
"Pwede bang tumigil kayo? Nagsisimba kami
huwag kayong mang-istorbo!! Ano bang problema..."
Wala sa sarili akong
napatigil ng mapansin kung sino ito.
Saglit pa akong natulala
sa taong nangangalbit. Nang makabawi ay agad akong bumaling sa harap.
Si Nicollo pala. Kasama
yung apat na lagi niyang kasama sa school, barkada siguro.
Kung anu-ano pamo
pinagsasabi ko.
Kamusta na kaya siya? Sa
totoo lang miss ko na talaga siya. Gustuhin ko man siyang kausapin pero hindi
ko magawa.
Pakiramdam ko parang
ngayon ko lang siya nakita.
Samantalang araw-araw
kami nagkakasalubong sa school.
Tila biglang nag-iba ang
takbo ng atmosphere. Bumibisita rin si awkward tapos parang nakikisingit pa si
conscious.
Grabe talaga 'tong si
Nicollo. Palibhasa dating-dati palang nagkagusto nako sakanya.
Yun nga lang wala man
isang oras kaming nagkita nun pero crush ko na nga siya. Hanggang ngayon.
"Father bilisan niyo po yung misa."
mahinang pagbulong ko.
Gusto ko nang lumabas.
Naiipit na ako sa tensyon. Panira talaga 'tong si Nicollo.
Maya maya pa ay...
"In the name of the father.. and of the
son.. and of the holy.. spirit.. Amen."
Pagtatapos ng misa.
Whoooo!! Finally.
Tatlo ang pinagdasal ko.
First is, sana maging
masaya at healthy palagi ang pamilya ko. Referring kila lola kasama na ako.
Second, sana maging
magkaibigan na ulit kami ni Nicollo.
At sana maging
komportable at masaya si Paulo dun sa ibang bansa.
Third? Lovelife!! Pramis
yan ang ipinagpray ko.
Next sunday tatlo ulit!!
"Lola tara bili na po tayo nung kalamay
tapos uwi na po tayo." agad na sabi ko kay lola.
Umalis na kami. Hindi ko
na nilingunan pa si Nicollo.
Baka hindi ako
makapagpigil at pasabugin ko siya ng kumukulong bomba. Lakas talaga ng
presensya niya sakin eh.
Bat niya kaya kinakalbit
yung apo ni lola? Nakatrip ba sila nung mga kasama niya? Sarap bulyawan, yung
bang malulusaw sila sa lakas ng sigaw mo!!
"Eto nga po." pagturo ko sa gusto
ko. "Magkano po?" Nako mukhang paubos na yung tinda ni ale.
"Sampo isang hiwa." balik ni ale.
"Sampung hiwa nga po." at agad ko
nang binayaran.
Para samin nila lola
'to.
"Eto nga po. Magkano po?" napatingin
naman ako sa nagsalita.
Gaya-gaya ba siya?
Teka.. kung hindi ako nagkakamali siya yung kasama ni Nicollo eh.
"Singkwenta isang hiwa." agad na
balik ko.
Hindi ko alam kung ano
bang pumasok sa isip ko para sumabat.
"Ang mahal naman." pagsingit nung
isa pang kasama niya.
Hindi na ako nag-abalang
tumingin pa sa likod. Malakas ang pakiramdam ko na nasa likod lang si Nicollo.
"Sampo isang hiwa lang." sabi naman
nung nagtitinda habang abala sa paghihiwa.
Sampo kinuha ko eh kaya
medyo napatagal siya.
"Lola baka po mabitin yung mga apo niyo
diba?" baling ko kay lola.
Wala sa sarili siyang
napatango. Alam niya yung tingin ko na nangungumbinsi haha.
"Sampong hiwa nga rin po." singit pa
nung isang kaibigan ni Nicollo.
"Ale nauna po ako diba? Ale lahat na po
yan bibilhin ko." agad na sabi ko.
Bahala sila maghanap!!
Mukhang si ale lang ang may ubeng kalamay dito haha.
Alam kong nagulat yung
mga kaibigan ni Nicollo.
I'm sure kasabwat sila
sa pangangalbit kanina. Makaganti man lang sa ganitong paraan. Hehe.
"Kuya penge po." napalingon ako sa
nagsalita.
Mga batang namamalimos.
Ay sakto!!!
"Saglit lang." pagngiti ko sa mga
ito.
Yung mga kaibigan naman
ni Nicollo ay nandyan parin at nakatingin lang.
"Ale huwag niyo napong hiwain.
Pakiplastik na po." pagmamadali ko sa ale.
Nang mai-plastik na niya
ito ay ibinigay niya kagad sakin.
"Oh mga bata sa inyo na 'to. Hati-hati
kayo ha? Mas magandang kayo na ang kumain kesa sa mga asungot na mukhang
palaka. Pakabusog ha?" medyo malakas kong sabi sa mga bata.
Nilakasan ko talaga para
marinig nung mga kaibigan ni Nicollo.
Agad kong binayaran si
ale para makaalis na kami.
"Tara na po lola." pagbaling ko kay
lola ng may ngiti sa labi!!
"Osige tara na apo." balik ni lola.
At umalis na nga kami.
Si Nicollo nasa likod ko
nga. Magkakasama nga sila.
Gustong-gusto ko talaga
siyang pansinin. Namimiss ko na siya eh.
Eh kaso nga lang hindi
niya ako pinapansin kaya hindi ko narin siya pinapansin.
Nakakamiss rin palang
mag-alaga ng Chinito noh? Haha!!
---
Nicollo's POV.
"Grabe siya. Talagang asungot na
palaka?" tulalang sabi ni Brent.
"Tol Nicollo. Bat 'di mo pa
kinausap?" kunot ni Lance.
"Nahihiya ako eh. Hindi niya kasi ako
pinapansin sa school." balik ko. "Baka kasi galit pa siya sakin dahil
dun sa biglaang pag-alis ko nung nasa mall kami." pahabol ko pa.
Hindi na niya kasi ako
pinansin nun. Even sa school. Hindi niya ako pinapansin.
Kaya hindi ko narin siya
pinansin. Baka kasi kapag pinansin ko siya ay hindi niya ako pansinin pabalik.
Masaktan pako diba?
"Medyo nakakatakot naman pala yun
eh." biglang sabi ni Dominick. "Talagang sinabihan niya tayong
asungot na palaka nang hindi man lang natatakot." mangha pa nito.
Kinamusta ko si Kurl kay
lola. Ayos naman daw at medyo malungkot daw yung alaga niya minsan. Magtatanong
pa sana ako kaso baka mahalata na kami ni Kurl na nag-uusap.
Everyday sa school
nagtitiis ako. Gustong-gusto ko siyang kausapin lalo na kapag nagkakasalubong
kami.
Kaso nga lang baka
maisnab ako. Ay paktay lalo nun.
Gustuhin ko man siyang itext
kaso baka ma-Who You? ako sakanya.
Yung kanina kinakalbit
ko yung mga apo ni lola. Kapag kasi kakalbitin ko sila ay kay Kurl sila
nagsusumbong.
Akala ko nung una kay
lola. Para sana mapansin ako ni lola na nandyan. Eh kaso kay Kurl sila
nagsumbong, kaya ayun hindi ko na sila tinigilan. Haha!!
Nakisali pa sa kalbitan
'tong apat kong kasama.
"Tara uwi na tayo samin." pag-aagkat
ko sa mga ito.
Nahihilo nanaman kasi
ako. Kahapon pa 'to. Parang magkakatrangkaso pa ata ako.
Araw-araw nasa bahay
yung apat. Kulang na nga lang sa akin na sila tumira.
Sa bahay kasi ay hindi
daw sila naiinip. Nariyan yung naglalaro sila ng kung anu-ano.
Minsan naman si Paul at
Brent nagtetesting ng kung anu-anong luto. Masarap naman dahil sa yung pamilya
nila ay magagaling magluto at namana siguro nila.
Kung minsan puro shot
ang ginagawa.
Wala si mommy. Nasa
ibang bansa for business.
Okay narin nandyan sila.
Mas sumasaya ang bahay!!
Pagkauwi namin sa bahay
ay dumiretso kagad ako sa kwarto ko at nahiga.
Pakiramdam ko ay agad na
bumagsak ang katawan ko.
Yung apat sa sala
dumiretso. Nag-uusap nanaman sila tungkol sa shot nila mamayang gabi.
Ang lamig ata ngayon?
Bigla pa akong inantok. Itutulog ko na nga lang ito at baka sakaling paggising
ko wala na yung bigat ng pakiramdam ko.
Ay teka.. may gamot pala
ako, maka-inom nga saglit bago matulog.
----
Dominick's POV.
"San si Nicollo? Bat hindi na
bumalik?" tanong ko sa mga kaibigan ko pagkakuha ko ng juice.
"Nagpapahinga nanaman. Kahapon pa
yan." sagot ni Lance.
"Bakit ayaw mo ba siyang
magpahinga?" singit ni Brent.
"Well what I mean is, parang may mali.
Wala sa oras yung antok niya tapos bigla biglang napapagod daw." sagot ni
Lance. "Ano hindi mo paba gets?" sarcastic pa nito.
"Nag-away pa kayo. Check mo kaya
Doms." singit ni Paul.
Kaya agaran ko nang
pinuntahan si Nicollo.
Pagkapasok ko ay
nakabalot ito ng kumot. Nilapitan ko ito agad.
"Dude are you okay?" agad kong
tanong.
Natutulog pala ito.
Parang sobrang nilalamig ata siya? 10:30 ng umaga natutulog na nga?
Hinaplos ko ang noo
nito. Aw nilalagnat ata? Mainit eh.
Agad akong lumabas para
puntahan yung tatlo.
"Guys. May sakit ata si Nicollo. Dalhin
ba natin sa hospital?" agad na tanong ko sa tatlo.
"Nilalagnat noh?" agad na pagtayo ni
Lance, tumango lang ako. "Sabi na nga ba eh. Medyo mainit siya
kanina."
"Hindi natin siya dadalhin sa
hospital." pagtayo rin ni Paul.
Nagkatinginan lang
kaming apat.
"Naiisip niyo ba naiisip ko?"
pagtaas-baba pa ng kilay ni Brent.
Sa sinabi niyang yun ay
ngisian ang nangibabaw sa aming apat.
Agad na akong tumuloy sa
kwarto ni Nicollo.
Buti na lang at nasa
harap niya lang ang iPhone niya.
Message:
" Kurl? Kailangan
kita, pwede ba? Please? Kahit ngayon lang. Hihintayin kita."
Message sent...
"Sorry Nicollo, but I have to."
pagngisi ko pa saka ko na binalikan yung tatlo.
"Guys. Job well done." natatawang
sabi ko sa mga ito. "Tara tago na tayo."
Sakto nakasalubong namin
si manang.
"Manang baka may dumating pong bisita.
Papasukin niyo po ha? Tapos sabihin niyo po mag-isa lang si Nicollo."
naguluhan man si manang ay napatango na lang siya. "Manang huwag niyo po
silang sasamahan sa loob." pahabol ko pa.
At agaran na nga kaming
nagtago sa kwarto na katabi lang din ng kwarto ni Nicollo. Dito kami natutulog
kapag sleep over ang trip namin.
After 10 minutes..
"Nandyan siya. Ikaw na bahala."
rinig kong sabi ni manang.
"Guys nandyan na si Kurl." masayang
balita ko sa tatlo na abala sa pag-iisip.
Mukhang may plano
nanamang magaganap?
----
Nicollo's POV.
Nagising na lang ako ng
marinig kong nagsasalita si manang.
Halos manlaki ang mata
ko sa gulat ng si Kurl ang lumitaw sa pintuan.
Agad akong pumikit upang
magpanggap na natutulog parin.
Bat siya nandito? Anong
nangyari? Sino nagpapunta sakanya?
Tila kusa atang nawala
yung bigat ng pakiramdam ko ng maramdaman ko yung presensya niya.
Gayunpaman na nagulat
ako ay lihim akong natuwa sa presensya niya.
Iba talaga dating sakin
ni Kurl.
"Nicollo?" rinig kong sabi niya.
Please help me. Hindi ko
alam ang gagawin. What to do? Arrgghhh!!
Naramdaman ko na lang
ang kamay niya sa noo ko, sunod sa leeg.
Halos gusto ko siyang
yakapin ng maramdaman ko uli yung kamay niya sa balat ko. Miss ko na talaga
siya!!
Naaalala ko pa nung
alalang-alala siya sakin. Hindi niya ako pinabayaan at talagang inalagaan niya
ako.
Pasimple akong sumilip
ng maramdaman kong parang wala na siya. Papasok siya sa banyo.
Pumikit ako kagad.
Mahirap na baka malaman niyang gising ako.
Hanggang sa narinig ko
na lang na may parang pumatong sa higaan ko.
Don't tell me didikit
siya si higaan ko? No. No!!
Ay teka.. si Kurl naman
'to eh kaya libreng-libre siyang dumikit sa higaan ko. Mahiga pa siya mas
maganda!!
Pasimple akong sumilip
ulit. Wala siya. Lumabas ata?
Sa totoo lang parang
nawala talaga yung nararamdaman kong bigat ng katawan nang makita ko siya.
Siguro konti pero parang
gumaan talaga pakiramdam ko. Hindi lang naalis yung panginginig ko, nilalamig
parin ako. Weird ~.~
---
Kurl's POV.
Saan? Ano? Whaaaa!!
Ano kasing kukunin ko?
Ah alam ko na, tubig pala.
Agaran akong nagtungo sa
kusina. Buti at nandun si manang kaya agad kong nakuha ang kailangan ko.
Binalikan ko kagad si
Nicollo. May lagnat at alam kong nilalamig siya.
Kanina nang makita ko
siya sa simbahan ay mukhang ayos naman siya.
Pagka-upo ko sa kama
niya ay pinunasan ko kagad siya.
Inuna ko na yung braso
niya.
Ganun parin. Maganda
tignan dahil sa hubog nito.
Malambot ang balat niya.
Makinis na sana eh. Kaso nga lang yung mga sugat niya na medyo magiging peklat
pa ata. Ang hilig kasing magpabugbog.
Tapos yung leeg. May
naisip ako bigla.
Sana magkaroon ito ng
kwintas, mula sa mahal niya. At syempre sakin sana manggagaling. Hehe
At ang mukha. Eto ang
pinakamaipagmamalaki niya.
Etong kagwapuhan niya.
Etong mapupungay na mata niya at isama pa ang matangos niyang ilong. Yung labi
niya? Ayoko ngang idescribe, baka mamaya unahan niyo pa ako. Haha!!
Matapos kong asikasuhin
yung mukha niya ay nagdalawang isip ako sa susunod kong gagawin.
Katawan niya kasi ang
sunod kong pupunasan. Baka magising siya eh. Ay bahala na.
Dahan-dahan kong hinubad
ang damit niya. Maraming salamat sa lahat-lahat dahil hindi siya nagising.
Masyado atang masarap
ang tulog niya? Inalis ko na nga yung damit niya ay tulog parin siya. Sabagay
mas maganda na yun.
Ayokong makita niya
akong conscious habang inaasikaso ko ang katawan niya.
Dibdib ang inuna ko.
Whoooo!!! Mabuti naman at medyo kinaya ko.
Sunod ay yung.. yung..
Grabe ayoko na!! Pe.. pero nandito na eh. Bahala na!!
Pinunasan ko na nga yung
abs niya. Ganun parin at hindi nagbabago. Lean na lean parin at napakagandang
tignan.
May abs din naman ako.
Masarap ding tignan 'to guys. Yun nga lang mas maganda talaga yung kay Nicollo.
"Wha.." paghingal ko pagkatapos.
Tumayo ako kagad para
ilagay sa banyo yung mga pinaggamitan ko.
Makapigil hininga talaga
yun. Whooooo!!!!
Nang maiayos ko na yung
mga pinaggamitan ko ay lumabas na ako ng banyo.
Nagstay ako saglit sa
may pintuan ng banyo at pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na si Nicollo.
Namiss ko talaga 'tong
Chinitong ito. Gwapo parin katulad ng dati at malakas parin ang dating.
Nang mapadako ang mata
ko sa abs niya ay agaran akong lumapit para sana AGAD NA TAKPAN ito ng kumot
dahil sa hindi ko alam ang gagawin kapag nakikita ko yung katawan niya nguni't
masyado atang mabilis ang pangyayari.
Nang itataas ko na ang
kumot ay naramdaman ko na lang na may humila sa kamay ko.
"Ang lamig." rinig kong sabi pa
nito.
Niyakap niya ako.
Wala pamo siyang
pang-itaas.
Ramdam ko yung mainit
niyang katawan sa balat ko.
Tutal niyakap narin niya
ako kaya hinayaan ko na siya.
---
Nicollo's POV.
"Maraming salamat Kurl."
pagsasa-isip ko ng mag-ayos pa ito ng higa para mas mayakap ko siya ng maayos.
Maya-maya pa ay
dahan-dahan na siyang kumawala at itinagilid ako patalikod sakanya.
Akala ko kukumutan na
niya ako pero nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa akin.
Ibinalot niya rin sa
katawan namin ang kumot habang siya yakap-yakap lang ako.
Mas hinigpitan niya ang
yakap niya sa akin. Napakasarap sa pakiramdam na kung saan parang gusto ko na
araw-araw ay
ganito kami palagi.
Itutuloy
Parang medyo naiba nga yung story tapos biglang nawala sa eksena si Paulo pero tuloy niyo lang author maganda pa din yung story.
ReplyDeleteNice story. Medyo bitin nga lang. Next chap. Ehe. Keep it up.
ReplyDeleteAz
nawala din sa eksena un bestfriend nya nun una yun kasama nya lagi pag bili ng LUGAW..
ReplyDeleteHAYYAA
kilig ang story.
ReplyDeleteAwts...nabitin ako dun ah...hahaha.. Pero nice chapter author. Thanks.
ReplyDelete- Lantis
whatever your plan is... go lang author! maytiwala ako sa abilities mo! ;) good JOB!
ReplyDeleteNice Chap Author!! Pero grabe nabitin ako XD haha
ReplyDeletenapakaganda talaga ng story na to author. sana po wag nyo tigilan ang story at sana matapos nyo ito. first time ko kasi nakabasa ng story sa isang story. ( tama ba un? haha )
basta okay naman ung pagkakagawa. keep it up and hopefully hindi to katulad ng ibang stories na hindi natatapos.
GOOD JOB! kaya mo yan kuya PONSE :D
Lalong nagiging cute ang story. Salamat sa update magaling na author.
ReplyDeleteay enebeyen hahaha.. kinkleg ne pe men eke hahah
ReplyDeletenice one po .. Upadate2 hahah
jihi ng pampanga
Di naman po boring eh nakaka kilig nga eh kaso medyo bitin nga lang :)
ReplyDelete-green