Followers

Thursday, July 10, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 2

Dahil sa mga nangyari… dahil sa mga sinabi nya sa akin.. lahat nang panlalait lahat nang pang-aapi niya ay hindi na ako nakapag pigil. Tumayo ako at lakas loob akong humarap sa kanya.
“OO, tama ka! Siguro nga mayaman ka at mahirap lang kame. Isang hampalupa kagaya ng sinasabi mo. Pero sa pagiging hampaslupa ko may isang bagay na hindi papayagang sabihin mo. Kung meron man sa ating dalawa ang hindi marunong rumespeto ikaw yun.” ang aking nasabi siguro bunsod ng sobrang galit.
“Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan. Hindi mo ako kilala” putang ina mo!”
Ang sagot nyang galit na galit. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko.
“Hindi puta ang ina ko. Pinalaki nya akong marunong rumespeto sa kapwa ko. Pinalaki nya akong may takot sa diyos. Oo, hindi nga kita kilala. At hindi mo rin ako kilala. Kung umasta ka parang ikaw lang ang tao sa mundo. Siguro kaya ganyan ang ugali mo hindi ka tinuruan ang magulang mo. Bakit wala nabang oras para sayo ? kaya ba ganyan ang ipinakikita mo dahil kulang ka lang sa pansin dhil pati magulang walang panahon sayo”


Yun na ang huli kong nasabi at umalis na lang ako. Pero naisip ko tama ba ang ginawa ko? Nakokonsensya ako. Alam kong sobra-sobra ata ang nasabi ko sa kanya. Matapos ang nangyari napagdisisyunan kong umuwi muna sa amin sa probinsya at wag munang pumasok total 1st day palang nga klase. Halos dalawang araw akong tumigil sa amin at napag isip-isip ko ang sinabi ng aking ina nung Malaman ang mga nangyari. Sabi nya sa akin dapat hindi ko ginawa yun. Dapat pinabayaan ko nalang. Sabi sa akin ng aking ina kausapin ko si Bell at humingi nang paumanhin.. chos! Paumahin dapat bang humingi ako ng paumahin kung ganun ang ugali! Hmmmmmmmmm syempre mabait ako gagawin ko. Hahahahahahaa! Kinabukasan mula sa amin ay deretso na ako sa iskwelahan hindi na ako dumaan sa apartment total kumpleto naman ang dala kong libro. Papasok palang ako sa gate ay ramdam ko na ang pangangatog ng aking tuhod. Naisip ko baka mamaya resbakan ako ng mga yun.. masisira ang beauty ko.. hahaha chos! So yun nga habang papalapit ako sa room namin pabilis ng pabilis ang kabog ng aking dibdib.. kinakabahan kong binuksan ang pinto nito. Doon nakita kong tahimik ata ang lahat. Kagaya nung una doon ako nagtungo sa likurang bahagi ng silid at doon naupo. Pero habang patungo ako sa uupuan ko may isang kamay na humawak sa balikat ko.. kinabahan ako…. Pag harap ko nakita ko si Bell nakataas ang isang kilay at tila gigil na gigil. Kaagad akong humingi ng paumahin tungkol sa nangyari nung first day ng klase.
“Paumanhin po sa nangyari. Napagtanto ko na mali ang aking ginawa. Paumanhin po.”
Nabigla ako sa nagging kilos nya. Niyakap nya ako at humingi din ng paumanhin sa nangyari. Sinabi nya sa akin na tama ang mga sinabi ko. Totoong walang oras para sa kanya ang mga magulang niya kaya siya ganun.. Puro nalang daw trabaho ang pinagkakaabalahan nang mga ito. So yun nga.. Marami syang ikinuwento tungkol sa kanya.. Hanggang dumating ang aming guro. Nag simula Na ang aming unang klase. Papunta na sana ako sa aking upuan nang biglang hilahin ni Bell ang aking kamay. Doon daw kame umupo sA harapan. At may nakareserve daw kaming dalawang upuan dun.. Wow chos.. Hahahaahahaha. Taray nya….

Uupo na sana ako ng mapatingi ako sa aking kaliwa. Nabigla ako sa aking nakita na nakaupo sa tabi ko. Sya yung lalaking nabangga ko noon at nag aabot sa akin ng panyo.. ang “PRINCE CHARMING” ko.. hahahahahaha….. chusera lang. Nabigla ako at napanganga nung ngumiti sya.. Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh………… bumilis tibok ng puso ko. Para akong mahihimatay. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Syempre baka mahalata hahah.
“ah, Bell dun muna ako sa likod uupo huh. Sige.” Ang aking sabi sa nanginginig na boses.
“oh, anung nangyari sayo.. oo nga pala si Marvin” sabay turo sa aking kaliwa.
“ah, ganun ba magandang araw sayo.” Ang aking nasabi at dumeretso na sa likod.

“Anung nangyari dun?” tanong nya… pero katunayan kinilig ako kanina hahahahaa………
So yun nga. Nasa likod ako pero di ko mapigilan ang sarili kong hindi tumingin kay Marvin.. duh kinikilig talaga ako lalo na nung ngumiti sya. Natapos ang unang klase. Papunta na sana ako sa pangalawa kong klase na may tumawag sken!
“Michael wait mo ako.. ang tawag ni Bell sa akin.” Papunta na rin sya sa sunod naming klase. Sabay kaming nagtungo sa SHL 506 dahil dun ang sunod naming subject. Mag sisimula na ang klase nang mapansin kong hindi pa ata dumadating si Marvin. Kaya kahit nahihiya tinanong ko si Bell.
“Bell, nakakahiya man magtanong hehehe.. ahmmm a….e….” hindi ko maituloy ang aking itatanong
“a….e….i….o….u anu bay un…. Hehehe ahmmm huhulaan ko itatanong mo kung asan si Marvin anu.” Nabigla ako sa kanya sinabi panu nya nalaman nay un ang itatanong ko.
“ahhh hindi ahhh… itatanong ko lang kung ilan kayong magkakapatid” palusot ko.,
“wit.. chusera ka Michael huh e halata ko naman kanina na nag flush ka nung makita sya hahahaha… ay blush pala” pangungutya nya.. syempre wala na akong nagawa huli na eh.. hahaha napaamin din ako ng luka.
“OO na sya nga ang itatanong ko, asan sya?” tanong ko sa kanyang nahihiya
“Ahhhh sya ba.. irregular student sya 3rd year na sya at varsity player pa ng school kaya marami ang nagkakandarapa sa kanya. Hahahah” sabi ni Bell
“Ouch!” Sabi ng aking isip
“Ganun ba? O edi isa ka sa nagkakandarapa sa kanya..?” patanung kong may halong panloloko
“Ah.. hndi ko kailangang mabulin sya… dahil sya ang boyfriend ko hahaha” sabi nya na nabigla naman ako.
“Ahh ganun ba.. hahaha bagay naman kayo” ang sabi ko kahit pakiramdam ko may pumukpok sa aking ulo. Kaya naman pala e. hahaha… ganun talaga pero nasaktan ang lingkod nyo no. So yun nga nagsimula na ang klase.. Naging masaya ang maghapon namin ni Bell. Umuwi na ako sa apartment na aking tinitigilan. Nang biglang may natanggap akong txt mula kay Bell. Syempre may cellphone din naman ako 1208 nga lang hahaha….
“Michael tomorrow sama ka samin ni Marvin para naman makilala mo. Hahahah “. wow talagang happy face pa ang luka. Nagreply ako.
“Bell sorry siguro hindi ako makakasama, kailangan kong mag review.”

“Mag review may quiz ba? May test ba tau bukas? Hmmmmm umiiwas kaba? Sige ka pagdika sumama sasabihin k okay Marvin na crush mo siya” ahhhh nanakot pa ang bruha. Hahah syempre wala akong magagawa kundi ang sumama. Kesa naman mapahiya ako.

 Kinabukasan hindi pumasok si Bell.. Nagtataka ako kung bakit. Pero ok na rin naman edi hindi na tuloy ang pagsama ko sa kanila ni Marvin… hahaha..Pero nagtataka talaga ako kasi pumasok naman si Marvin. E diba si Marvin lang naman ang boyfriend nang luka. Natapos na ang unang klase namin. Patungo na sana ako sa sunod kong subject ng biglang may humawak sa balikat ko.

4 comments:

  1. Ayyy...bitin...asan na yung iba? Thanks for the update Mr Author...tiyak ko, marami ang magkagusto nitong kwento mo...Keep it up...your story I mean...

    ReplyDelete
  2. nagsimula sa taray biglang bait si Bellyas. me ganun kaya?

    ReplyDelete
  3. bitin talaga... hehehe...

    salamat salamat ....


    joe....

    ReplyDelete
  4. Aww super bitin grabe sana po next time mahaba na ung update pls ehehehe kapal ng muka ko eh no thanks for the update mr author
    -Green °ω°

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails