Starfish
[Chapter 11]
By: crayon
****Kyle****
1:02 pm, Sunday
June 29
Nahihiya man ako sa mga magulang ni Aki ay wala akong nagawa kundi umalis roon nang tumawag sa akin si Renz at sinabing nasa hospital siya. Higit roon ay nag-aalala ako sa lungkot na nakita ko sa mga mata ni Aki. Alam kong hindi niya gusto na umalis ako dahil iyon ang unang pagkakataon na nakilala at nakasama ko ang kanyang pamilya ngunit alam niya na wala siyang magagawa kundi ang hayaan akong umalis ng mga sandaling iyon.
Ipinagpapasalamata ko na lamang na mukhang walang masamang nangyare kay Renz. Mukha naman kasing okay lang siya kaninang tumawag siya sa akin. Ang nakapagpa-alarma lang sa akin ay ang panic sa kanyang boses habang kausap ako. Sana lang ay hindi ito gawa-gawa lang ni Renz dahil tiyak na aawayin ko siya oras na malaman kong pinagti-tripan nya lang ako.
Kung sakali kasi ay hindi ito ang unang beses na nagsinungaling si Renz para lamang magkita kami. Noong mga panahon na lunod ako sa trabaho at walang panahon para sa ibang bagay ay tinatawagan ako ni Renz at sinasabing may kung anung emergency kahit na wala naman. Kadalasan ay ginagawa niya iyon kapag lasing siya o kapag lango sa droga. Alam kong naiinis si Aki sa tuwing ginagawa iyon ni Renz dahil kadalasan ay hatinggabi o kaya madaling araw niya ako tatawagan at kukulitin.
Mahigit labing-limang minuto lamang ay narating ko na ang hospital na tinutukoy ni Renz. Dumiretso agad ako sa nurse's station at nagtanong kung may Renz Angelo Razon na isinugod doon. Ayon sa aking kausap na nurse ay wala silang record ng ganoong pasyente. Doon nakumpirma na tama ang aking hinala na wala namang masamang nangyare sa aking kaibigan.
Sinubukan kong muli tawagan ang cellphone ni Renz dahil nagsisimula na akong ma-bad trip dahil pakiramdam ko ay niloloko lamang akong muli ni Renz at pati ang unang pagkikita namin ng mga magulang ng nobyo ko ay nadamay sa kalokohan niya. Naka-dalawang ring ang cellphone niya bago ko narinig ang boses ng aking kaibigan.
"Hello? Nasaan ka? Bakit ba hindi kita ma-kontak kanina?", hindi ko na naitago ang pagkainis sa aking boses.
"Pasensya na, na-dead batt kasi yung phone ko. Ngayon lang ako nakapag-charge. Nasaan ka na?", tanong nito.
"Nandito na ko sa lobby nung hospital na sinabi mo, asan ka ba? Ano bang nangyare?"
"Nandito ko sa may malapit sa lobby, left wing malapit sa emergency room. Pumunta ka na lang dito, dito na tayo mag-usap.", utos nito. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Binaba ko na ang tawag at nanghingi muli ng direksyon sa nurse kung saan yung emergency room nila.
Agad ko namang nakita si Renz na nakaupo sa isang bench at nakayuko. Mukhang okay naman ito kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako naririto sa ngayon. Napalitan na ng inis ang kaninang pag-aalalang nararamdaman ko.
"Renz, what happened?", tawag ko sa atensyon ng aking bespren na malalim na nag-iisip.
"I'm glad you came, i don't know what to do Kyle.", medyo taranta nitong sabi.
"Calm down a little then tell me what's going on. Are you sure you're not hurt?"
"I'm okay. Pero yung bata hindi ko alam kung anu nang nangyayare sa kanya.", nag-aalala niyang sabi.
"Ha? Bata? Sinong bata? Kapatid mo you mean?", naguguluhan kong tanong.
"No, yung batang pulubi. Nabundol kasi siya nung van at tinakbuhan lang siya nung driver."
Para naman akong pinukpok ng martilyo sa ulo. Biglang sumakit ang sentido ko dahil sa pagkalito at halo-halong emosyon.
"Kilala mo ba yung bata?", hindi ko mapigilang itanong.
"No, i mean i don't know them well. Lagi ko lang silang nakikitang namamalimos dun sa simbahan. Ililibre ko sana sila ng tanghalian nung biglang nabundol yung bata.", pagke-kwento ni Renz.
"Okay...", wala na akong iba pang nasabi.
"Sorry, i had to bother you. Wala kasi akong pambayad sa hospital at may mga test pa daw na kelangan gawin dun sa bata."
"Sige, ako na ang bahala.", wala sa sarili kong sabi.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Gusto kong mainis dahil kinailangan kong iwan si Aki sa isa sa importanteng araw para sa amin pero alam kong masyadong makasarili ang katwiran ko. Dapat ba akong matuwa dahil biglang naging pilantropo ang aking bestfriend? Kung tutuusin ay hindi naman niya kilala ang batang iyon at hindi niya iyon responsibilidad. Marahil ay sinisisi ni Renz ang kanyang sarili sa nangyari dahil siya ang huling kasama nung bata bago ito naaksidente.
"Kuya, hindi pa ba natin pwede puntahan si Andrei kanina pa sya andun sa loob eh.", napalingon naman ako sa pinanggalingan ng maliit na boses na iyon. Noon ko lamang napansin ang batang babaeng katabi ni Renz. Marungis ito at halatang kanina pa nagii-iyak dahil mugto na ang mga mata nito.
"Hindi pa eh. Kelangan nating hintayin na makalabas yung doktor na tumitingin kay Andrei.", paliwanag ni Renz. "Kapatid niya yung nabundol", sabi sa akin ni Renz ng mapansin akong nakatingin.
"Natawagan mo na ba yung mga magulang niyan? Baka nag-aalala na sila na hindi pa umuuwi yung anak nila.", tanong ko.
"Iniwan na sila ng magulang nila. Parang pusa silang iniwan lang sa simbahan isang araw at di na binalikan.", bulong sa akin ni Renz. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkaaawa sa batang babaeng iyon. Sa tantya ko ay wala pang sampung taon ang batang iyon at kay aga nitong nakaranas ng paghihirap. Halata sa nipis ng katawan nito na uhaw ito sa kalinga ng isang magulang.
May tatlumpong minuto pa kaming nakatunganga sa labas ng emergency room bago may lumabas na doktor mula sa kwartong iyon. Agad namang nadako sa amin ang tingin ng doktor at nagtanong.
"Kayo ba yung kamag-anak nung batang nabundol?", alanganin nitong tanong habang sinisipat kami ni Renz.
"Opo, ako ho yung guardian nung bata dok. Kamusta na po siya?", aligagang tanong ni Renz.
"Wala ba siyang kamag-anak na nandito. Medyo madame kasing dugo ang nawala sa kanya. Kailangan siyang masalinan ng dugo Type AB siya at naubusan na kami ng ganoong type ng dugo dito?", paliwanag ng doktor.
"Type A po ako eh.", sagot ni Renz.
"Ako po kapatid niya po ako.", biglang singit nung batang babae. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang pinag-uusapan namin pero halata ang labis na pag-aalala niya para sa kapatid. Tipong kahit kidney pa ang kailanganin ay handa niyang ibigay para sa kapatid.
"Ako na po ang magdo-donate ng dugo, type AB din po ako.", sagot ko. Hindi naman ako ganung kawalang pakialam para hayaang yung bata pa ang mag-donate.
"Sige, sumunod ka sa akin para masalinan na agad ng dugo yung bata."
"Pero okay na po ba siya dok?", tanong muli ni Renz.
"Natahi na namin yung sugat niya sa ulo. Okay naman yung mga buto niya, ayon sa X-ray. Kailangan na lang talaga masalinan ng dugo as soon as possible. Matapos yon ay magsasagawa pa tayo ng mga karagdagang test para masiguro na walang na-damage sa ulo niya.", paliwanag ng doktor. Nagpaalam na ito kay Renz at sumunod naman ako para makuhanan na ako ng dugo.
----------------
Matapos akong makuhanan ng dugo ay pinayuhan ako na manatili muna sa aking kinahihigaang kama para makapagpahinga ako ng kaunti. Okay naman ang aking pakiramdam kaya minabuti ko munang tawagan si Aki dahil mukhang hindi ako makakabalik pa sa kanila ngayon.
"Hello Aki?", bungad ko sa aking nobyo.
"Oh, kamusta si Renz?", malamig nitong tugon sa kabilang linya.
"Okay naman siya. Wala namang masamang nangyare sa kanya."
"Eh bakit ka niya pinapunta diyan sa ospital?", tanong ni Aki. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Aki ang nangyare. Ayaw ko naman kasi na magalit si Aki kay Renz, kahit papaano ay sinusubukan lang naman ni Renz na gumawa ng mabuti. Wrong timing lang talaga ang ginawa niyang pagtawag sa akin.
"May batang kalye kasi na nabundol at kinailangan niyang isugod sa ospital. Eh di ba umalis siya sa kanila? Wala siyang pambayad sa ospital tsaka sa mga test na kailangang gawin dun sa naaksidente.", narinig kong napabuntong hininga lang si Aki sa kabilang linya.
"Wala naman kasing kamag-anak dito yung batang pulubi na kilala pala ni Renz.", dagdag ko. Hindi ko alam kung makakatulong ang impormasyong iyon na makumbinsi si Aki na wag ng magtampo. Kahit naman kasi ako ay di makapaniwala na bigla-bigla ay may kaibigang pulubi si Aki.
"Okay, his unfortunate accident-prone friend is in the hospital and he asked you to pay for the bills, is what you're telling me?", hindi ako nakasagot pa kay Aki. "Babalik ka pa dito?", tanong na lang ni Aki.
"Hindi ko kasi sila maiwan. Ka-blood type ko yung bata, kakakuha lang sa akin ng dugo baka kailanganin pa nila ng dugo mamaya kaya gusto ko sana na dito na lang muna."
"Alright, kakausapin ko na lang sila mommy. Kala nila dito ka pa mag-dinner eh nagluluto pa sila ngayon ng dagdag na pagkain."
"I'm sorry Aki.", malungkot kong sabi.
"Wala kang kasalanan, Kyle. Baka dito na lang ako sa bahay matulog. Iuwi mo na lang sa condo mo yung kotse para may ride ka pauwe, kunin ko na lang bukas.", wala pa ring emosyon nitong sabi. Ganun naman si Aki kapag nagtatampo sa akin para akong nakikipagusap sa bato, ramdam mo sa boses niya na di sya masaya.
"Babawi na lang ako sayo tsaka sa parents mo, promise.", pa-konswelo ko.
"Sige na. Kakausapin ko na muna sila mommy. Call me when you're home."
"I love you."
"I love you too, bye.", sagot ni Aki. Mukhang kakailanganin ko talaga siyang amuhin pagkatapos nito. Halatang di sya masaya sa nangyare, hindi man lang kasi siya nag-alok na puntahan ako dito. Hayyyy. Malas naman kasi eh.
Bumangon na ako at pinuntahan muli sila Renz.
****Renz****
2:56 pm, Sunday
June 29
Nakahinga ako ng maluwag ng masiguro kong okay na si Andrei. Matapos salinan ng dugo ay inilipat na ito sa isang kwarto. Hindi umalis sa tabi namin si Kyle na ipinagpasalamat ko. Kanina kasi ay hindi ko alam ang gagawin ko ng makitang duguan ang kawawang bata. Namalayan ko na lang ang aking sarili na nasa ospital at tinatawagan si Kyle. Nakakahiyang siya pa ang pinagbayad ko ng bill ng ospital at naabala pa siya ng sobra. Iniisip kong ibenta na lang ang sasakyan ko para makabayad naman ako sa utang ko sa kanya tsaka para may pera na uli ako.
Nakaupo sa isang silya si Kyle habang nakatitig sa cellphone nito, si Sandy naman ay nakaupo sa tabi ko sa gilid ng kama ni Andrei. Hindi ko alam kung bakit labis na malapit ang loob ko sa dalawang batang ito. Kung tutuusin ay hindi ko naman sila responsibilidad at hindi ko din naman sila kayang alagaan. Wala nga akong maipapakain sa sarili ko eh, pano ko pa tutustusan ang kanilang mga pangangailangan. Gayunpaman ay hindi ko mapigilang tulungan sila sa abot ng aking makakaya sa tuwing makikita ko sila. Marahil ay nakikita ko ang kamiserablehan ko sa sitwasyon nila kaya ganoon na lamang ang pagnanais ko na makatulong.
Naputol ang aking pag-iisip ng maramdaman ko ang paglapit ni Kyle sa akin.
"Kumain na ba kayo?", tanong nito. Alam kong hindi maganda ang timing ng pang-iistorbo ko sa kanya dahil sa narinig kong inis sa boses niya kaninang dumating siya. Hindi ko naman magawa pang mag-usisa dahil nahihiya na ako at kasalanan ko din naman kung bakit siya naaabala ngayon. Marahil ay iniisip niya kanina na baka nangloloko lamang ako katulad ng ginagawa ko dati sa tuwing hindi ko matiis ang pagkasabik na makita siya.
"Busog pa ako Kyle. Pwede bang samahan mong bumili ng makakain si Sandy, eto ang pera.", sagot ko habang bumubunot ng natitira kong pera sa bulsa.
"Ako na itabi mo na lang muna yan. Tara na Sandy, kain muna tayo.", yaya ni Kyle sa batang katabi ko.
"Hindi po ako nagugutom, dito lang ako sa tabi ni Andrei. Iintayin ko na lang siyang magising.", pagmamatigas ng bata. Kita ko kanina kung paano siyang umiyak nang maaksidente ang kapatid.
"Wag nang makulit Sandy, sama ka na muna sa Kuya Kyle mo. Mamaya pa naman magigising si Andrei sabi nung doktor.", napipilitang sumama si Sandy kay Kyle.
Naiwan naman akong nakatingin lang sa mukha ni Andrei. Marusing ang kanyang balat dahil sa araw-araw na paglalaro at pagtulog sa kalye. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa dalawang batang ito oras na makalabas si Andrei ng ospital. Tiyak na mapapasama lamang ang kundisyon nila pareho kung iiwan ko sila sa simbahan at hahayaang magpalaboy-laboy uli. Mukhang kakailanganin kong humanap ng bahay ampunan na maari kong pag-iwanan sa kanila.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Ginising na lamang ako ni Kyle pasado alas syete na ng gabe.
"Renz kumain ka muna. Hindi ka na naglunch eh. Nakakain na kami ni Sandy.",wika ni Kyle. Tinungo ko ang lamesa kung saan nakalagay ang biniling pagkain ni Kyle para sa akin.
Nang lingunin ko si Andrei ay nakita kong tulog pa din ito at nasa tabi nitong nakabantay ang kapatid na babae. Sinamahan naman akong kumain ni Kyle.
"Kamusta ka na?", base sa tono nito ay wala na ang kaninang inis at napalitan na ng pag-aalala.
"Okay naman.", kaswal kong sabi ayaw kong makadagdag pa sa dami ng abalang naibigay ko kay Kyle sa araw na ito.
"Nakausap ko si Sandy kanina. Kinuwento nya kung paano kayo nagkita. Sa kotse mo ba ikaw natutulog lagi Renz?", tanong nito.
"Okay lang ako Kyle. Wag mo na akong alalahanin sobra-sobra na yung gulong nagawa ko sa araw na ito.", tugon ko.
"Renz, matalik kitang kaibigan. Hindi pedeng hindi ko isipin ang kalagayan mo. Kung ayaw mong umuwi sa inyo at wala kang matulugan, welcome ka naman sa bahay ko eh."
"Salamat Kyle pero okay lang talaga ako.", ayaw kong tumira kela Kyle dahil alam kong pahihirapan ko lang ang sarili ko. Parang hindi ko kakayanin na araw-araw makita ang tanging taong inibig ko ng lubos, ang taong nasaktan ko noon, ang taong hindi na kaya pang suklian ang pagmamahal ko ngayon.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Renz Angelo Razon.", sumusukong wika ni Kyle. Napangiti na lang ako sa kanya.
Matapos kumain ay nagpaalam na si Kyle na uuwi na muna sa bahay nila. Pilit kong pinasama sa kanya si Sandy para makatulog ito ng maayos at mapaliguan. Katulad ng inaasahan ay nagpupumilit ang batang babae na maiwang magbantay sa kapatid niya. Ipinaliwanag ko na lamang sakanya na kailangan niya maligo para hindi maimpeksyon ang sugat ng kapatid niya. Umiiyak na sumama ang anim na taong bata kay Kyle.
****Kyle****
8:45 pm, Sunday
June 29
Ginabi na kami ng dating sa condo ni Sandy dahil dumaan pa kami sa mall para bumili ng ilang gamit niya. Sobra kasing marusing ang bata at gaya ng sinabi ni Renz ay di makakabuti sa kapatid nito na makapitan ng mikrobyo. Dahil doon ay napapayag namin ang batang babae na sumama sa akin. Naisip kong wala akong maipapahiram na damit rito kaya minabuti ko ng ipamili sila ng kanyang kapatid ng bago nilang susuotin.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa amin si Lui na nanonod ng tv sa sala. Agad naman itong napalingon sa amin. Kita ang awtomatikong pagkunot ng noo nito ng mapansin ang kasama kong bata. Tila nahiya naman si Sandy at nagtago sa aking likuran.
"Wag kang mahiya Sandy, siya si Kuya Lui.", sabi ko sa bata.
"Hello Sandy!", masayang bati ni Lui. Hindi sumagot ang bata at nanatili lamang sa aking likuran.
"Kumain ka na Lui?", tanong ko sa aking housemate.
"Oo, may natira pa dun sa pina-deliver kong pagkain. Nagugutom ka ba?", tanong nito.
"No, kakatapos lang din namin kumain.", dinala ko sa sala si Sandy at inupo ko sa upuan. "Dito ka muna Sandy, hahanda ko lang yung pampaligo mo. Lui wag mong paiyakin yung bata ha? Tatadyakan kita.", bilin ko sa aking kaibigan na malakas mang-asar.
Tinungo ko ang banyo at inihanda ang pampaligo ni Sandy. May hot water naman sa gripo kaya hindi giginawin ang bata. Nagbihis na din ako ng pambahay dahil mukhang mapapasabak ako sa pagkukuskos ng alikabok sa balat ng batang kasama ko. Pagbalik ko sa sala ay inabutan kong nag-uusap ang dalawa.
"Ilang taon ka na Sandy?", tanong ni Lui pero nanatiling tahimik si Sandy.
"Wala ka bang dila? Pipi ka ba?", parang tangang tanong ni Lui habang umaarte na nagsi-sign language. Agad ko naman itong kinaltukan sa ulo bago pa nito mapaiyak ang bata.
"Sira ulo ka talaga. Paiiyakin mo pa to eh. Wag mo na lang siya pansinin Sandy, baliw kasi yang isang yan eh.", inakay ko na si Sandy papunta sa banyo. "Paliliguan kita ha, para malinis na malinis ka pagbalik natin ng hospital. Tsaka wag ka na masyado malungkot. Tiyak na gising na si Andrei pagbalik natin."
"Kuya, tingin mo po magaling na si Andrei bukas?", malungkot nitong tanong. Kita sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kapatid.
"Oo, tiyak na malakas na uli iyon bukas. At kailangan maligo ka na ngayon para di magkasakit si Andrei kapag lumapit ka sa kanya.", tumango lamang si Sandy bilang sagot.
"Magbabad ka muna dyan sa bath tub para mawala yung alikabok sa katawan mo. Mainit naman yang tubig para di ka ginawin. Aayusin ko lang yung mga damit mo.", paalam ko sa bata bago lumabas ng banyo.
Paglabas ko ng banyo ay inabutan ko si Lui sa may sala na nakaupo at halatang hinahantay ako na magkuwento. Pinasya ko muna na maupo saglit at pumikit dahil nai-stress ako sa mga nangyare sa maghapon.
"I was under the impression that you would be meeting Aki's parents today. I was not informed that you will be on some charity works, saving some street children. Care to fill me in?", usisa ni Lui sa akin. May pagka-tsismoso din talaga ang kaibigan kong ito. Pagod man ay sinimulan ko ng ikuwento sa aking kaibigan ang mga nangyare sa maghapo. Simula sa pagkikita namin ng mga magulang ni Aki hanggang sa pagtawag sa ni Renz at sa mga nangyare sa hospital. Maging ang aking mga agam-agam sa naging reaksyon ni Aki ay naikuwento ko na kay Lui.
"Well, he got some good reasons to be upset. It is rather hard to believe that your bestfriend whose madly in love with you, suddenly have an unlikely friend in the hospital that needs helping. Worst part is, he had to call you to pay for the bills, and being Oscar's Best Actor in a Bestfriend Role you rushed off to his side. We can't blame Aki for not being so supportive, can we?", litanya ni Lui.
"I see what you're saying Lui and I understand why Aki isn't so happy about this but i can't blame Renz either. He was helpless at the time, even homeless. Knowing him I know he cannot just stand there and let the poor kid die."
"You don't have to put the blame on anyone. When something goes wrong people always look for someone to blame. We must learn to accept that shit happens.", natatawang sabi ni Lui. "But I admire you for having a such a big heart for the homeless, is that girl going to live here now?"
"I don't know what Renz's plans are? And speaking of her i have to get her cleaned it's getting late.", sagot ko nang maalala kong naiwan ko nga pala sa banyo si Sandy.
"Alright, gusto mo paliguan din kita?", pang-aalaska ni Lui.
"Paliguan kaya kita ng pasa sa katawan? Gusto mo?", pambabara ko.
"Okay lang kung yun ang fetish mo?", nakatawang sagot ni Lui.
"Siraulo ka talaga kahit kailan."
Matapos paliguan si Sandy ay hinayaan ko na itong magpahinga sa kama ko. Nagpasya naman ako na maligo din para makatulog ako ng mabuti. Dinatnan kong nakapikit na si Sandy nang bumalik ako sa kwarto. Sinubukan kong tawagan si Aki bago matulog pero hindi na nito sinasagot pa ang tawag ko marahil ay tulog na din ito.
Ayaw ko man sana na matapos ang araw na hindi kami nagkakausap ay wala na akong magagawa. Kailangan ko munang palipasin ang inis ni Aki sa mga nangyare. Patulog na sana ako ng may marinig akong paghikbi sa aking tabi.
"Sandy? Umiiyak ka ba?", tanong ko sa bata kahit na halata naman ang pag-alog ng balikat nito. Hindi ko na napigilan ko na yakapin ang bata dahil sa awa rito. "Huwag ka nang mag-alala magiging okay na din si Andrei. Kailangan niya na lang magpahinga, bukas kapag punta natin sa ospital tiyak gising na din yun."
"Natatakot po kasi ako. Baka hindi ko po maalagaan nang mabuti si Andrei paglabas namin ng ospital. Paano kung mabangga po uli siya? Paano kapag kailangan niya ng gamot? Paano pag hindi na talaga bumalik sa amin si Mommy?", ngawa ni Sandy habang nakayakap. Hindi naman ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin. Ang hirap naman kasing sabihin na magiging 'Okay ang lahat' sa sitwasyon nilang magkapatid.
Kanina ay namomroblema ako sa nagtatampo kong nobyo habang ang anim na taong batang kasama ko ay namomroblema kung paano bubuhayin at aalagaan ang tatlong taong kapatid niya. Hindi ko maiwasang mahiya habang naiisip ko kung paanong parang napakamiserable ng mga nangyare sa akin sa maghapon.
"Kuya Kyle?"
"Anu yun?"
"Pwede nyo po bang ampunin na lang si Andrei? Hi-hindi ko po kasi siya kayang alagaan. Ayaw ko pong mamatay ang kapatid ko dahil hindi ko siya naalagaan ng maayos. Hindi naman po siya malakas kumain tsaka matalino naman at mabait yung kapatid ko. Hindi nya po kayo bibigyan ng sakit ng ulo.", dire-diretsong sabi ng batang kausap ko.
"Alam mo ba ang sinasabi mo Sandy?", naguguluhan kong sabi. Para kasi siyang namimigay lang ng tuta, hindi ko alam kung naiintindihan niya ang kanyang ginagawa.
"Opo. Ayaw namin pumunta sa bahay ampunan kasi baka bumalik pa si Mommy dun sa church. Pero dahil po sa nangyare ayaw ko pong may masamang mangyare uli kay Andrei habang hinahanap ko si Mommy. Kahit po sandali lang ampunin nyo muna si Andrei hanggang sa bumalik na uli sa amin si Mommy.", pakiusap ni Sandy.
"Hindi ko kasi sigurado kung maalagaan ko ng mabuti ang kapatid mo, mas makakabuti kung pareho na lang kayo ni Andrei na mamalagi muna sa ampunan. Ire-report na lang natin sa pulis yung nangyare sa inyo para sila na ang maghanap sa Mommy mo. ", hindi ko maiwasang mag-alinlangan na pagbigyan ang hiling ni Sandy dahil wala naman talaga akong karanasan sa pag-aalaga ng bata. Isa pa ay wala akong panahon na tutukan sila dahil nagta-trabaho ako.
"Ayaw ko po Kuya Kyle. Baka ibigay kami ng mga taga-ampunan sa ibang tao, baka magkahiwalay pa kami ni Andrei. Kung dito siya sayo titira alam ko kung paano siya puntahan. Sige na Kuya Kyle... Si Andrei lang naman eh, kaya ko naman po mag-isa hanapin si Mommy.", muli na namang tumulo ang luha ng batang kausap ko. Wala akong nagawa kundi ang tumango para tumahan na ito. Bahala na si batman.
****Renz****
5:02 am, Monday
June 30
Hindi ako halos nakatulog sa magdamag dahil hindi ako dinalaw ng antok. Kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isip ko sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata. Iniisip ko ang mga dati ko ng problema na lagi kong tinatakasan. Iniisip ko din kung anong gagawin ko sa mga batang tinutulungan ko. Nasa ganoon akong pag-iisip ng mapansin ko ang pagmulat ng mga mata ni Andrei.
"Kuyang mabait?", tawag nito sa akin. Halata ang panghihina sa boses nito.
"May masakit ba sayo?", umiling lang ito.
"Nasaan si Ate Sandy?"
"Pinatulog ko lang si Ate Sandy mo dun sa bahay ng kaibigan ko. Mamaya lang andito na yun.", nakangiti kong sagot. Pumikit lang si Andrei at nanahimik ng ilang minuto.
"Okay ka lang ba?", nag-aalala kong tanong dahil hindi ito gumgalaw.
"Ang-gugutom na ako, kuya...", tila nahihiya nitong sabi. Napangiti na lang ako sa kainosentehan ng batang kausap ko.
Kinausap ko sandali ang nurse para alamin kung may bawal na kainin si Andrei bago ako bumili ng pagkain. Kasalukuyan kong pinapakain si Andrei ng bumukas ang pinto ng kwarto.
"Ang aga nyo naman?", bati ko kay Kyle na kasama si Sandy.
"Excited na tong kasama ko eh.", nakangiti nitong tukoy kay Sandy.
Masayang nag-reunion ang magkapatid. Halata sa mukha ni Sandy ang relief na makitang ligatas at gising na ang kanyang kapatid. Ito pa mismo ang nagpatuloy sa pagsusubo ng pagkain sa kapatid.
"Anung sabi ng doktor? Okay na daw ba siya?", tawag ni Kyle sa aking atensyon habang pinapanood kong magtawanan ang dalawang magkapatid habang kumakain.
"Okay na daw si Andrei. Pwede na daw lumabas mamayang hapon."
"Hmmm... Dadaan na lang ako mamaya sa cashier ng hospital para bayaran yung bill para makauwi na kayo mamaya."
"Salamat talaga Kyle. Don't worry, i will pay you as soon as i get my car sold.", sagot ko.
"You'd rather sell your beloved car than go home?", kaswal na sabi ni Kyle.
"You know how i feel about going home and i don't want to talk about it.", malamig ko na lang na sabi. Ayaw ko namang masermunan ako ng ganitong kaaga.
"Okay, you're selling your car, then what Renz?", alam kong tinutukoy ni Kyle ang mga bisyo ko.
"I don't know yet.", pagsisinungaling ko kahit na alam ko naman talaga kung saan gagastusin ang pagbebentahan ko ng aking sasakyan : alak, sugal, droga.
"And what about them? Any plans?", turo nito sa magkapatid na nag-eenjoy sa panonood ng telebisyon na nasa kwartong iyon.
"Orphanage, maybe?", iyon lang naman kasi ang magandang kahahantungan ng dalawang musmos na ito.
"She doesn't want to go there.", tukoy ni Kyle kay Sandy. "She's afraid that one day some couple would adopt one of them leaving the other behind. She does not want to be away with her brother.", seryosong sabi ni Kyle.
"How'd you know?"
"She told me. She was crying last night."
"I don't know what to do, Kyle. I can't take care of them, you know i'm not a father figure.", malungkot kong sabi. Narinig kong bumuntong hininga si Kyle bago muling magsalita.
"Alright, i will take full responsibility of these two then in one condition.", nakangiting sabi ni Kyle. Hindi ko naman maiwasang kabahan sa mga ngiting iyon.
"What condition?"
"I will pay for their every need, food, shelter, school, whatever, if and only if you will be staying in my place along with them.", seryosong sabi ni Kyle. Iniisip ko kung nagloloko lamang ito pero matagal na kaming magkakilala ni Kyle at alam kong seryoso siya sa kanyang sinabi.
"Why is that? I mean is that necessary? You got to be kidding?", hindi ko makapaniwalang sabi. Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Kyle.
"You know me well Renz, you know when i'm joking. And i need you to be there because I cannot watch over them while i'm at work. We're talking about a six-year old girl and a three-year old boy, i cannot just leave 'em in my unit while i go off to work. Makes sense?", nakangisi nitong sagot tila ba alam niya na wala akong magagawa kundi ang umo-oo.
"You're making me a babysitter now? Why not just hire someone else who actually knows something about babysitting?", angal ko.
"You're over reacting my friend. You're not a babysitter, its more like being their . . . . . . guardian. Besides, its hard to find someone i can trust the kids to when i'm not around. Anyway, this is just temporary as soon as i find someone i can hir e to be their nanny you can go wherever you want. So? Do we have a deal?"
"I don't know.", nagmamaktol kong sagot na mukhang ikinatutuwa pa ng aking bestfriend.
"Hahahaha, I know that's a lot to take in. So, i'm gonna leave you now so you can think. I'll be back later this afternoon. And i hope you make a wise decision.", nakangiting wika ni Kyle habang naglalakad palabas ng kwarto.
"Wait Kyle. What if i decided not to do my end of the bargain?"
"Good question. In that case, you better find a good orphanage and try to think how you're going to tell Sandy, that you cannot take care of them, and that you'll be sending both of them to an orphanage where there is a big probability that they will separated from each other after what? Two? Three years? Who knows? Poor kids. Tsk. Tsk. Tsk."
"You're impossible.", gulantang kong sagot.
"My favorite adjective.", nakangiting sagot ni Kyle. "Bye-bye Sandy! Bye-bye Andrei!"
"Bye Kuya Kyle! Babalik ka pa ba?", tanong ni Sandy.
"Oo, mamaya. Uuwian ko kayo ng pasalubong kaya dapat magpalakas ka na Andrei, okay?", tumango naman ang bata na nahihiya pa sa bagong mukha sa kanyang paningin.
Lumabas na ng kuwarto si Kyle at napasalampak na lamang ako ng upo sa may silya sa tabi ng kama ni Andrei. Hinayaan ko lang ang dalawa na mag-kulitan dahil kailangan kong mag-isip.
-----------------------------------------------
Magandang balita na may pagpipilian na ako sa pagdadalhan sa mga bata. Mas gusto ko sana na kay Kyle na lamang sila mapunta dahil alam kong reponsable naman si Kyle at kaya nitong alagaan ang dalawa. Ang problema lamang ay hindi ko gusto ang kundisyon na ibinigay nito kapalit nang pagkupkop sa dalawang bata.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip at kailangan pang sa kanyang unit ako tumira pansamantala. Valid naman ang kanyang binigay na dahilan kanina pero hindi ako kumbinsido na iyon lamang ang motibo niya.
'Anu naman ang pwede niyang motibo? Ang mapalapit sayo? Asa ka pa!', bulong ng isang parte ng aking isip.
Kahit na ano pa ang totoong dahilan ng pagpapatira niya sa akin sa kanyang bahay ay hindi pa rin ako desidido na sumunod sa kanyang gusto. Una, alam kong papahirapan ko lamang ang sarili ko. Alam kong araw-araw ko nang magagawang ngumiti dahil sa lagi ko nang makikita si Kyle. Magagawa ko na muling tumawa ng wagas dahil mas madalas ang aming magiging kwentuhan ni Kyle. Baka sakaling maging maayos na ang buhay ko dahil alam kong susubaybayan ako ni Kyle lalo. Pero kasabay noon ay araw-araw ko ring maaalala ang katotohanang hanggang magkaibigan na lamang kami. Araw-araw ko ring makikita kung sino ang pinili niyang mahalin. Araw-araw kong mararamdaman kung gaano na kalungkot ang buhay ko ngayong hindi na ako ang mahal ni Kyle.
Pangalawang dahilan kung bakit ayaw kong tumira doon ay dahil ayaw na ayaw kong nakikita kung gaano naaawa sa akin si Kyle. Alam kong walang kwenta at patapon na ang buhay ko at sa tuwing nakikita ko kung paano akong tingnan ni Kyle ay lalo kong naaalala kung gaano ako kamiserable. Hindi sa minamasama ko ang pag-aalala niya sa akin, sadyang hindi ko lang kayang tiisin na isiping awa na lang ang nararamdaman niya para sa akin.
"Kuyang mabait, may sasabihin ako sa'yo...", rinig kong wika ni Sandy. Sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakatulog na palang muli si Andrei.
"Anu yon?", taka kong tanong.
"Bestfriend ba kayo ni Kuya Kyle?"
"Oo, bakit mo natanong?"
"Pwede mo bang bantayan si Andrei para sa akin?", hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko lubos naintindihan kung anong gustong iparating ni Sandy. "Kinausap ko na po si Kuya Kyle kagabi at pumayag na siya. SAbi ko po kay Kuya Kyle siya na lang ang mag-alaga kay Andrei, kasi . . . " nakita ko naman ang pamamasa ng mata ng batang kausap ko.
"Ano bang sinasabi mo Sandy? hindi kita maintindihan."
"Hindi ko na po kasi kayang alagaan si Andrei. Ayaw ko po na maulit na maaaksidente siya dahil hindi ko naaalagaan ng mabuti. Mukha naman pong mabait si Kuya Kyle at sigurado akong magiging mas okay si Andrei kung sa kanya titira."
"Pinamimigay mo ang kapatid mo?"
"Ayaw ko naman pong gawin yun eh, pero wala naman po akong pagpipilian.", umiiyak na sagot ni Sandy. Wala na akong naisagot sa kanya dahil hindi ko alam kung anung dapat na sabihin.
-------------------------------------------------------
Pasado alas kuwatro na ng hapon ng dumating si Kyle sa hospital. Agad naman nitong binayaran ang ang bill sa ospital para makauwi na kami.
"So, what's gonna happen now Renz?", tanong ni Kyle sa akin habang palabas kami ng hospital.
"Obviously, you win. You know you would.", walang gana kong sabi. Buong araw kong pinag-isipan ang alok ni Kyle na tulong sa dalawang bata. Noong una ay ayaw ko talagang pumayag dahil ayaw ko na tumira sa bahay ni Kyle pero matapos akong kausapin ni Sandy ay parang kay hirap hindian ng hiling ni Kyle. Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisip ang mga mangyayari sa susunod na araw.
"HaHaHa, don't feel so bad. This is not permanent. Shall we drop by your house first so you can get your things?"
"Everything I own is in my car. I'll follow you guys.", sagot ko na lang.
"Okay!", masayang sagot ni Kyle.
...to be cont'd...
Author's note:
Ayan medyo maaga ang update ko ngayon. Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at tumatangkilik sa kwentong ito. Comments or suggestions are very much welcome. Salamat din sa mga palagiang nagco-comment! :))
Happy reading everyone! :))
---crayon
Author's note:
Ayan medyo maaga ang update ko ngayon. Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at tumatangkilik sa kwentong ito. Comments or suggestions are very much welcome. Salamat din sa mga palagiang nagco-comment! :))
Happy reading everyone! :))
---crayon
Hahaha. Ang saya. Magsasama sila ni lui. Riot to.
ReplyDelete-jamessantillan1 skype ko po.
excited na po ako sa nxt chapters...
ReplyDeletehahaha!!! G0od luck renz ! ! !cguro magkakambutihan c Lui tsaka c Renz . . Hehe . . Thanks po sa update . .
ReplyDelete~jake
While I was waiting for MSOB to load Inwas secretly hoping that Crayon already posted an update, but at the back of my head I thought he just did at least a couple of days back so no need to keep my hopes high. But lo and behold! Hahaha! Anlakas mo lang talaga mambitin. Excited na kong magsama sila Lui and Renz. Tom and Jerry kaya? Hahaha! Thanks Crayon for this - Kr!s
ReplyDeletehaayyyyy.. di mo rin masisisi si aki kung bakit siya nagtatampo... pero sana maging ok na ang lahat... ang dami nang ampon ni kyle sa bahay.. masaya ito... thanks sa update mr. author, the lovely crayon... always worth waiting...
ReplyDelete-arejay kerisawa, Doha Qatar
Ganda author. Excting na sa next chapter. Diko rin ini.expect na may new chap ngayun.
ReplyDeleteNgayun alam ko na panu magkakalapit sina renz at lui. Riot to
-Kev
Heto na! Magsasama na cna lui at renz. Simula nb ng kilig?! Ayiiii!!!
ReplyDelete-hardname-
Ayos na ang buto buto...
ReplyDeleteA very touching scene....nakakaiyak...Kudos for the author...youre good....Keep it up...and ...Thanks for the update...May God Bless You.
ReplyDeleteguys, may fb na pala ko hahaha kagagawa ko lang : kevinross0321@gmail.com twitter: @kivenross skype: kevin ross sales
ReplyDelete:))
Will follow you on Twitter. Yeah, I'm being a fantartd. LOL -Kr!s
DeleteWill follow you in Twitter. Yeah, I know I'm being a fantard and I can't help it. LOL - Kr!s
ReplyDeletevery touching part! nice mr. author. maraming matutunan na magandang aral pag nagkasamasama cla pati mga bata. congratz sa mas gumagandang daloy ng story mo.
ReplyDeleteSuper bitin but very excited with the next chapters!! :)
ReplyDelete-dilos
Whhhaaa.. you never fail to have this feeling na napapangiti while reading.. this two kids ang makakapagpatino kaybrenz at mafall si renz atlui for each other?? Haha great! Thanks... :-) :-) :-) :-)
ReplyDeleteRenz at Lui, eto na!
ReplyDelete