Followers

Tuesday, July 8, 2014

Love Is... 1

AUTHOR’S NOTE: Hello! Ako po si Rye Evangelista (hindi tunay na pangalan :D). Matagal na rin po akong nagbabasa ng mga entries dito sa blog, at dahil sa mga nababasa kong stories ay nainspired din akong magsulat ng sarili kong nobela. I’m not that good though, pero sana po ay magustuhan ninyo ang ibabahagi kong kwento.

Mayroon na akong tatlong stories na naisip para mai-share dito sa blog. I hope, kahit limang readers magkaroon ako. Haha. (Hopeful! Fighting!) Para malaman ko kung mayroon ba akong pagkakamali. Para may makunan ako ng opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. And para may mag-inspire sa akin to keep on writing. Hindi kasi mabubuhay ang isang kwento, kapag wala ditong magbabasa.

Marami pa akong gustong sabihin, pero ang A/N na ito ay hindi bahagi ng kwento kaya, dapat maikli lamang. Haha.

Surprise po ang update :D. Ang mga admin lang po ng blog ang makakaalam ng dates of update ko :D. Though I’m not so sure if weekly ba or every 2 weeks. Busy po kasi ako sa work. Paka-abangan niyo na lamang po. Thanks!

Magpapasalamat na lamang po ako ng marami sa mga admin ng blog na ito. Si Kuya Ponse at Kuya Mike lang po ang kilala ko eh. Although hindi ko pa sila nakakausap, or kung sino man yung nagre-response sa fb. Maraming-maraming salamat po sa opportunity!

Sa mga bago kong kaibigan, Vienne, Jace at Bluerose. Thank you! :D

You can add me up on Facebook, Google+ (Dummy Accounts – Nasa baba po nung title ang name ng accounts ko, and email address kung sakaling hindi niyo makita), at may blog din ako na walang kalaman-laman. Haha. Be free to drop messages (questions, suggestions), mails, or anything. :D Please do comment after reading. Thanks!

So, here it is! Chapter 1! :D Enjoy!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
  Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


CHAPTER I


Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!

“Hayst! Bakit ba kasi naimbento pa ang alarm clock! Ang sarap kayang matulog!” Naibulalas ko ng tumunog ang aking alarm clock na nakaset ng 5 AM. Ang ganda pa naman nung panaginip ko. Buset!

Well, ako naman talaga ang nagset ng alarm na yun. Wala lang. Baliw nga ako sabi ni Ate, kasi lagi kong sinisisi ang alarm clock ko na kailangang-kailangan ko naman kasi tulog-mantika ako. Psh!

Panibagong araw na naman, kakatapos lang ng mahabang bakasyon at simula na nang panibagong yugto ng buhay ko bilang isang estudyante.


Ewan ko ba. Nakulangan siguro ako sa bakasyon. Kasalanan ko naman kasi, hindi ako lumabas ng bahay sa mga araw na pwede ko namang ipasyal ang sarili ko ng mag-isa. Well, wala naman kasi akong masyadong kaibigan. My best friend’s in the US, bakasyon nga hindi ba. Kami? Di namin masyado afford ang ganung vacation escapade.

Nakakalabas naman ako, kaso nga lang ito’y kapag pinipilit ako ng kapatid ko na isama sa mga lakad nila ng boyfriend niya. Ayoko nga kasi para lang naman akong chaperone nilang dalawa.

As usual, balik na ako sa aking ritwal kapag may pasok. Incoming Senior High School na ako ngayon, and hopefully matulungan pa rin ni Ate kapag mag-college na ako. Wala namang problema sa tuition kasi scholar naman ako, sa pang-gastos lang siguro.

I know you’re wondering na si Ate lang lagi ang binabanggit ko. Nasaan ba kasi ang mga magulang ko?

Ayun, masayang magkasama sa kabilang-buhay.

It was 2 years ago nang iwan nila kami. They went to a vacation tapos yung bus nilang sinasakyan ay naaksidente’t nahulog sa bangin.

Pero, ayoko nang malungkot kaya, I’ll leave you hanging. Haha. Magdadrama ako dito, eh ang aga pa kaya. Tapos na kami sa mahabang iyakan. Kaya please, let’s leave the painful memories behind. My parents are always remembered naman eh.

Bago ako naliligo, naghahanda muna ako ng makakain namin sa almusal at maibabaon ko sa school sa tuwing lunch. Nakasanayan ko na rin, simula nung kami na lang ni Ate ang nasa bahay.

Walang kwenta kasi si Ate sa pagluluto, kung hindi man walang lasa, o masyadong maalat, eh sunog naman. Kaya nga, maaga akong nagigising para sa makakain namin. Pasalamat na rin ako dun sa alarm clock ko’t kahit panira ng magandang panaginip eh, may pakinabang naman.

“Ate! Luto na yung almusal, bumangon ka na riyan.” Sigaw ko mula sa likod ng pinto ng kanyang kwarto.

“Hmmmm~” Sagot nito.

Hayst! Bakit ba ako nag-aalaga ng kalabaw dito sa bahay!

De, Hehe. Biro lang yun, si Ate na rin kasi ang inaasahan ko sa mga gastusin ko sa school. Kaya ako na ang bahala sa mga gawaing bahay.

“Dali na! Ayaw mo naman sigurong mauna ako’t ubusin ko ang pagkain!” Pambubuska ko rito.

Narinig ko naman ang mabilis nitong pagtakbo upang lumabas ng kwarto.

“Hoy Gabriel! Yan ang wag na wag mong gagawin sa akin! Dapat sabay lagi tayong kumain, masiba ka pa naman!” Bungad nito nang binuksan niya ang kanyang pinto.

Natawa nalang ako. Biro ko lang naman yun eh. Anyare sa itsura niya.

“Alam ko naman yun! Magsuklay ka nga muna! Tingnan mo kaya muna ang sarili mo sa salamin bago lumabas ng kwarto. Di ba natuturn-off si Kuya Terrence sayo? Baluga mo masyado!” Pang-aalaska ko.

Sa totoo lang kasi, lahi naman kami ng mga gwapo’t magaganda. Well, si Ate kasi, parang mangkukulam kapag bagong gising.

“Baklang to! Teka mag-hihilamos lang ako’t nang mas maganda na ako sayo!” Sagot niya.

“Ate naman! Walang ganyanan! Hindi ako maganda! Gwapo pa rin ako! Bisexual lang ako. Hindi naman ako ladlad masyado di ba?” Pagdadabog ko.

“Yeah, yeah! Pero di ba mas attracted ka naman sa lalaki kesa sa babae, so that’s enough for me to say that you’re gay.” Pangangaral niya.

Okay talo na ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ganun naman lagi ang reaksyon ng mga tao kapag napag-uusapan ang bagay na tungkol sa pagiging bakla. Kesyo, ganito. Kesyo ganyan. Nakakasawa na.

Para sa akin, People who are considered within Third Sex are also classified in different categories. Basta yun na yun.

Why am I even explaining kasi. Oo na nga lang. Tss.

“Ewan ko sayo! Kakain na ako.” Anang ko’t mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.

“Hoy! Riel! Tirhan mo ako ha!” Dinig ko ng makababa na ako patungong dining namin.

“A-YO-KO!” Sigaw ko.

Rinig ko naman ang agaran nitong pagbaba mula sa kwarto nito.

“WA--” Natigil siyang magsalita nang makita niyang di pa naman ako nagsisimula sa pagkain. Unti-unti niyang sinara ang mala-kweba niyang bibig dahil sa sasabihin sana. “Ehehe. Sabi ko nga, sabay tayong kakain.” Dagdag niya sabay kamot sa ulo.

Kami na lang ang natitira sa pamilyang to kaya’t sino pa ang magtutulungan.

Well, lambingan lang namin yun ni Ate.

Natapos ang tahimik na pag-kain namin ni Ate. Pagtingin ko sa orasan ay 6 AM na. 7 AM dapat ay nasa school na ko for the opening ceremony. Si Ate naman ay may trabaho ng 7:30 AM. Buti na lamang at may sarili kaming banyo sa aming mga kwarto pwera doon sa common cr namin sa baba.

Ayun, morning rituals kapag weekdays na pupunta ng school hanggang sa matapos ako.

Handa na ako papuntang school! Yosh!

“Oh ito, baon mo for the whole week.” Sabi ni Ate sabay abot saakin ng 500 pesos.

“Salamat Ate! Sige mauna na ako sayo! Ang pinto at gate baka makalimutan mo na namang bukas! Nakow! Buti na lang at wala namang mananakaw dito satin.” Paalala ko sa kanya.

“Oo na! Stressed lang ako noon kaya naging makakalimutin ako. Hala! Shoo! Alis na’t malate ka pa sa opening ceremony. Bye!” Aniya’t sabay halik sa pisngi ko.

“Sige, bye!” At tuluyan na nga akong lumabas ng bahay.

Naglalakad lang ako patungong school. 20 minutes lang naman na lakaran to. Sana’y na rin ako kasi simula pa noong Grades 1-10 at nung Junior High na ako, last year, naglalakad na talaga ako.

Nilagay ko na lang sa magkabilang tenga ko yung earpods ko at nagpatugtug ng mga paborito kong kanta. Salamat kay Kuya Terrence at nagkaroon ako ng iPod Nano. Mahilig kasi ako sa musika. Sabi nga ng mga kaibigan ko eh, siguro raw ay gising ako nung nagpa-ulan ng talent ang Panginoon.

Well, namana ko lang naman yung pagkahilig sa musika’t magandang boses ng mga magulang ko. Kaya ganun.

Matapos ang mahaba-habang paglalakad ko papuntang school ay nakarating din ako. 6:45 AM na at kailangan ko nang magmadali para sa opening ceremony.

Nagmadali akong pumasok sa school at pumunta sa school grounds, I really need to meet our Student Council Adviser.

Pagod na pagod akong lumapit kay Ms. Salveda.

“Good Morning, Ms. Salveda.” Bati ko sa noo’y nakatalikod na si Ms. Salveda.

Lumingon naman ito.

“Oh, ito na pala si Mr. Dela Rama eh.” Tugon niya roon sa kasama nito. “Good Morning, Riel. Pagod na pagod ka ata.” Bati naman nito na may ngiti sa labi.

Napansin ko naman yung kasama niya. Isa sa mga Board of Directors ng school. Si Mrs. Ariola.

Napayuko na lang ako’t bumati sa kanya. “Magandang araw po sa inyo, Madaam!”

“Magandang araw naman sa iyo, Iho! Ikaw ba ang Student Council President, this school year?” Balik-bati nito’t tanong na rin. Nakipagshake-hands rin siya sakin.

“Opo, Madaam. Gabriel Dela Rama po.” Simple kong sagot sa kanya habang kami’y nagkakamayan.

“I heard a lot about you. I’m looking forward sa pamamahala mo ng Student Council.” Masayang pahayag nito.

“Ah… Eh… I’ll try my best po… Maraming salamat po!” Tanging lumabas sa aking bibig. Nahihiya ako’t isang mataas na opisyal ang kausap ko.

“Oh well, it’s time. Let’s do this school year a better one. Halina kayo’t magsisimula na ang ceremony.” Pag-anyaya sa amin ni Mrs. Ariola.

Tumango na lang kami ni Ms. Salveda at naglakad na nakabuntot lamang kay Mrs. Ariola.

Si Mrs. Ariola ang pinakamataas na stockholder dito sa school, kaya maituturing siyang kapantay ng Presidente ng paaralan na ito.

Nakarating na kami sa grounds at agad kaming pumunta sa itaas ng stage upang maupo sa mga bakanteng upuan na naroroon. Andoon na rin yung ibang mga Directors at isa-isa namin silang kinamayan.

Nagsimula na ang Flag Ceremony.

Pagkatapos ng Flag Ceremony ay magkakaroon ng konting programa para sa pormal na pagbubukas ng school year. Tradisyon na ito sa school.

Naunang mag-salita ang Presidente ng school at sumunod agad si Mrs. Ariola. Konting bati lang naman at welcome sa mga dati at bagong mag-aaral.

Sumunod ay si Principal, ganon din ang kanyang sinabi. Pero naglahad siya ng mga panuntunan sa mga bagong mag-aaral na nagmula sa Grade 7 at mangilan-ngilan na Transferees. Konting briefing ba.

At ang huli ay ako. Naging maganda naman ang takbo ng pagsasalita ko. Stating backgrounds about Student Council… Rules to follow… And opportunities they can grab sa Student Council.

“Yun! I hope your stay here will be a fun-filled experience. Yun naman lagi dapat di ba? I know sometimes, iniisip natin na studying is all about studying. Am I right? Pero, as we hold back to things we really wanted to experience, or things we really wanted to do, nawawalan tayo ng purpose to go on and to be happy. Just a small advice then, study and have fun at the same time. That’ll make your high school life meaningful. Thank you!” Masayang pagtatapos ko.

Nagsipalakpakan naman lahat.

Akala ko okay na yung mga sinabi ko.

Na walang mangyayari.

Bago pa man ako makalayo sa podium na nasa harapan ng stage, na shocked na lang ako nang maramdaman na may malamig na tubig na bumuhos sa buo kong katawan. Hindi lang pala basta tubig, kulay asul ito at may mga kasama ring crushed ice.

“WHAT THE FUCKER!” Naisigaw ko sa hangin.

Napapanganga na lang ako sa sobrang lamig. Putek! Sinong may gawa nito.

Natulala halos lahat ng mga mag-aaral na nakatingin sa akin.

I looked up to know who the hell did that to me, pero I was so late. He or she isn’t there already.

Planado lahat.

Tumingin ako sa pwesto ng aming section, at tama nga ang hinala ko nang mapagtantong wala siya roon.

Bwesit talagang tao yun!

“Gago! Gago! Gago!” Anang isipan ko.

Naconfirm ko na rin naman kasi, ayun… yung mga hinayupak na barkada niya, walang tigil sa kakatawa.

Humanda ka sakin mamaya Ariola! You’ll pay for this!

Nakaramdam na lang ako ng kung anong pumatong sa likod ko.

Agad naman akong napalingon sa taong gumawa nito. Si Brett. With his jacket. Napailing ito. I know what he wants to say. Tumango ako. Kaya kinalma ko ang sarili ko para hindi masira ang image ko sa school.

“Salamat, Brett.” Mahinang saad ko.

Nagsilapitan na rin ang mga High Officials na nasa stage.

“Okay ka lang ba, Iho?” Tanong ng nag-aalalang si Mrs. Ariola.

“Opo.” Nakayukong sagot ko sa kanya. Bakit kabaliktaran ng taong yun ang nanay niya?

“Dadalhin ko na lang muna po siya Tita sa Infirmary.” Tugon naman ni Brett sa kanyang Tita. Si Mrs. Ariola.

Sumang-ayon naman ito.

“Tara, Riel.” Sambit nito’t inakay na ako papuntang Infirmary.

Nasa hallway na kami ng makita namin si Red. Nakangisi lang ito. I know, siya ang gumawa nito sakin. Siya lang naman ang ayaw dito sakin. Conclusion ko sa mga ginagawa niya sa akin since Junior High, I’m not sure though, pero yun  ang laging puno’t dulo ng lahat ng ginagawa niya sa akin. Ang salungat sa mga ginagawa kong paglusaw sa mga bullies at sakit sa ulong estudyante.

Galit ko siyang tiningnan.

“What?!” Iritadong tanong nito sakin.

“Red. Ikaw ba ang may gawa nito?” Mahinahong tanong ni Brett sa pinsan niya.

“Huh? Anong ginawa ko?” Patay malisya niyang tugon kay Brett.

Napailing na lang ako.

“Tara na Brett.” Saad ko sa best friend ko. Hindi ko na lang siya muling tiningnan. I’ll just treat him like he’s invisible. Gawin niya ang gusto niya. I will never bother myself about his presence or existence. Nakakainis siya! Sagad na sa buto!

Tumango naman si Brett sakin. Kuha na niya ko. Alam niyang inis ako sa pinsan niya. Simula pa nung Junior High, ganyan na siya. Ewan ko ba’t ako lang naman ang kaya niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglakad papuntang Infirmary.

We passed, without even looking at him. Sinabi ko na rin ito kay Brett. Alam niyang galit ako. Kaya’t kapag galit ako, hindi ako namamansin.

“Hey! Wala akong ginawa, okay!” Pagpapapansin niya.

Tuloy lang kami sa pag-lakad, hanggang sa makaabot kami sa pinto ng Infirmary.

Sumunod pala ito sa amin.

“Brett! Wala akong kinalaman diyan ah!” Pagpapapansin niya ulit.

Naiirita na ko.

Imbes kasi na mag-sorry siya sa ginagawa niya sa akin, idini-deny niya pa talaga.

Tumikhim ako’t humugot ng malalim na hininga. Enough to say words with intensity.

“GOD DAMMIT! BAKIT KA PA NAGPAPALIWANAG KUNG WALA KA NAMAN PALANG KINALAMAN?” Matigas kong sigaw sa kanya. At tuluyan nang pumasok sa Infirmary.




Itutuloy…

50 comments:

  1. Mukhang maganda!! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana magustuhan mo ang mga susunod na kabanata! :D

      Delete
  2. Bagong aabangan nanaman (: 2nd chapter po please thankyou (:

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wait niyo lang po. Hehe. Masaya ako eh, kaya malay niyo. Haha. Thanks!

      Delete
  3. Replies
    1. Thanks po! Pakilala ka naman! Ayaw mong mabanggit sa a/n? Hehe.

      Delete
  4. Dati ko lang nakikita ung name mo sa mga comments. Hehehe.

    May bago na naman aabangan. Mukhang may aso't pusa na naman.

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you -hardname-! Ako nga yon haha. Simula kasi nung naging kaibigan ko sina Vienne, Jace and Bluerose, nagkalakas loob akong ipost na to. :D

      Delete
  5. wow...... ang ganda ng umpisa..

    ang sarap balikan ng high skul life.... hehehe

    next chapter please...

    joe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you! Yaan mo, pag-iisipan ko ang suggestion mo. Hehe. Palagi dapat ready. Haha. Gusto ko ngang bumalik sa hayskul eh. :(

      Delete
  6. Hmm mukhang maganda ang storya ah. May bago na namang aabangan.

    ReplyDelete
  7. danda kuya hahaha.. sana mas mahaba na lang ang next update :)

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe. Actually ready na yung ibang chapter. Yung iba mahaba, yung iba hindi. Hehe. Sana maging reader kita til the end. Salamat! I'll try to make it long na lang sa di ko pa nagagawang chapter. :D

      Delete
  8. Magandda ang simula...Simple but theres weight to ponder...Take care. Keep it up.

    ReplyDelete
  9. cute ng story..:) sana mapabilis update mr. author..:))

    ReplyDelete
  10. Nice story :) o ayan may reader ka na ahaha aabangan ko to promise :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay! Di ka po nagpakilala! Salamat! Sana agad kang magpakilala para maisali kita sa a/n ko next update. Hehe! Salamat!

      Delete
  11. maganda cia. Obvious ang mangyayaring l0ve triangle. .

    sugest ku lng po:undrxtand po na bz kau mr.auth0r..pero mnsan hu pag tgal ng update kaumay ung kwento at nakakalmutn ung past chapt. Ung c0necti0n put0l po. Remembr ku retenti0n span ng mga bumabasa.

    i c0mend u p0h

    #eric dowe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Noted po! Haha! Dahil naging masaya ako, mapapadali ang update! Thank you!

      Delete
  12. isn't it AMAZING?! Welcome to the MSOB Family kuya Rye! looking forward for the updates. good job! :D

    Jace

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Jace! Grabe! Napa-WOW talaga ako sa comments! Haha!

      Delete
  13. Isang napakalaking THANK YOU! Sa lahat ng mga nagbasa na nito! Please magpakilala kayo para sa 'Pasasalamat Portion' sa A/N. Hehe! Thank you! Thank you!

    ReplyDelete
  14. Nice one can't wait same next us eppy2667 po

    ReplyDelete
  15. Update please ang cute looking forward to the next chapter....angelo of kuwait

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Angelo of Kuwait! Wow! Hanggang Kuwait umabot siya. Haha! Abangan po ang next chapter. :D

      Delete
  16. Ang cute nman ng simula.....
    Angelo of kuwait

    ReplyDelete
  17. Nice! Promising.

    Next! Haha Marvs :-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Marvs! Sa wakas! Nakita na rin kitang nagbasa rito! Haha. :D

      Delete
  18. Bitin...


    -madztorm

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na po. :D Abangan niyo na lang po ang next chapter. :D Thanks!

      Delete
  19. Looking forward until the end i hope mahaba yung story at sana d mabagal yung update tnx



    franz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading! Well, about that, siguro nasa 20-30 Chapters siguro to. I hope so. Or I'm hoping for extensions. Haha. Basta, bahala na si Batman. About update, wala pa akong access, kapag meron na, tingnan ko pa. :D

      Thanks ulit Franz! Teka! Franz? Ng All I See Is You? Haha! Lol

      Delete
  20. grrrrr.....
    nxt chapter na pls.. lang...
    i beg you...

    ReplyDelete
  21. Yehey! Another PBB teens like story..
    Eto yung mga concept na nakakatuwa basahin.. nakakayoung at heart ^_^

    ReplyDelete
  22. Sana maging isa ako sa mga kaibigan mo. Wala pa akong kaibigan sa MSOB :((
    Aabangan ko yung story na 'to pramis!! Okay lang ba kung ako si Red kunwari? Haha!!
    Please, mabilis na update. Huwag kang tutulad sa katamaran ko hehe :))

    - Prince Justin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. About sa update. Wala pa po akong access eh. Kaya, depende pa po ang schedule kila Kuya Ponse. Kaya pakihintay po. Ano po ba yung story mo rito? Salamat sa pagbabasa! :D

      Delete
  23. Nice start :D
    may bago n naman akong aabangan..

    -Mr.Yoso

    ReplyDelete
  24. sno yung nasa cover na guy?

    ReplyDelete
  25. AY ANG GANDA yeay may new STORY NENEMEN hahaha =D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails