Followers

Tuesday, July 22, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 5

Ewan ko ba. Bakit yata kinakabahan ako sa unknown number na ito. Kaagad kong binuksan ang mensahe. Nanlaki ang mga mata ko. Halos hindi makapaniwala. Nakalagay sa mensahe ay
"Miss na miss na kita bhest. Pasensya kana kung hindi tayo magkasama sa iisang unibersidad. Si mama kasi pilit na dito ako pinapasok sa maynila. Pasensya kana ulet bhest"
Dahil dun naalala ko ang bestfriend ko noong high school. Siya si Kevin. Sobrang naging mabait siya sakin. Sobrang maalaga at maalalahanin. Pero pagkatapos ng graduation hindi ko na muling nakita siya. Isang linggo makalipas ang graduation pinuntahan ko siya sa bahay nila. Malapit lang naman kasi sila sa amin. Pero laking panghihinayang ko ng malaman na nagpunta na pala sila ng maynila. Nagalit ako sa kanya nun. Hindi man lang siya nagpaalam sakin. Simula noon wala na akong balita sa kanya at pilit kinalimutan. Ang pangakong magkasama pa rin sa isang unibersidad at hindi mag hihiwalay. End of flashback.


Hahayyyyyyyy late na ako. Pag tingin ko sa orasan ko. Ito kasing bwisit na text na ito e. Kaagad akong naligo at nagbihis. Nagmadaling tumakbo papasok ng eskwelahan. Pag dating ko sa room namin. Buti nalang at wala pa ang prof namin. Hay naman salamat. Pagtingin ko sa gawing unahan nakita ko kaagad sina Belle at Marvin. Ngiting ngiti ang dalawa na animoy may pinag uusapang nakakatawa. Nasabi ko nalang sa aking isip.
"Hay bagay nga kayong dalawa. Parehas may sira ang ulo"
Papunta na ako duon sa likuran kung saan ako umuupo. Nang bigla akong harangan ni Belle.
"bhest naman e. Bakit hindi mo ako pinapansin. Bago kagabi bigla ka nalang nag walk out. Bago hindi kana nag reply."
"Naku bhest kasi e. Pasensya na nakatulog ako. Hindi ko naman napigilan ang mata ko." Sabi ko
"A ganoon ba. Hmp ok hahahahha" si Belle
Talaga atang may sayad itong dalawang ito. Sabay pang tumawa a.
"e pasaan kaba pupunta?" Tanong ni Belle


"A uupo. Dun sa likod. Nandun yung upuan ko diba." Palusot ko dahil ramdam kong may balak nanaman itong paupuin ako dun sa tabi ni Marvin. Patay nanaman ako neto e. Wala nanaman akong maiintindihan.
"Bhest kasi e. Simula ngayon dito kana sa tabi namin uupo. Ok ba yun." sabay ng malademonyang ngiti ng luka luka.
Habang nagkaklase hindi ko maiwasang mapatingin kay Marvin. Ewan ko ba. Minsan sa pagtingin tingin ko nahuhuli pa niya ako. Ito namang si Belle pasimpleng aabutin ang kamay ni Marvin sa likuran at maya maya ay ipapatong sa balikat ko. Impakta talaga itong si Belle. Maghapong ganun ang naging routine namin. Ayaw kasi ni Belle na hihiwalay ako sa kanila. At laging gusto niya na pinag gigitnaan nila ako. Natapos ang klase. Maaga akong umuwi para makapaglaba muna ng maduduming damit. Sinabihan ko na si Belle na hindi muna ako sasama kasi marami akong lalabahang damit. Pag dating ko sa bahay. Kaagad kong binuhay ang radio na tanging meron ako at nakinig ng mga musikang nakakapagpaantig sa aking damdamin. Nahiga ako at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako at hindi na nakapag laba pa. Halos alas syete na ng gabi ng ako ay magising. Lumabas ako upang kumain ng hapunan. Malapit lang kasi ang karenderya samen. Habang kumakain hindi alintana ang mga taong doon ay kumakain din. Nang maramdaman kong isang kamay ang humawak sa aking balikat...

 

8 comments:

  1. Bitin talaga. Ang ikli. Nice story though.

    ReplyDelete
  2. Kuya Ponse I really love your stories. Keep it up as you're doing always. Kuya kelan mo din iupdate ung mga stories mo sa pinoydaddies? Sinusubaybayan ko din un and it's sad to say na wala na mga updates stories mo dun. Hope maupdate mo na po. Thanks in advance

    ReplyDelete
  3. ang tamad ng author ni2, masyadong maiksi, sing iksi ng palda s mga caracter ng anime,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag po ganon xD ahahahaha baka po ganon talaga baka busy po

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails