Followers

Saturday, August 2, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 25: The Eye Of The Storm




The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 25
“The Eye Of The Storm”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz







Author’s Note:

Konnichiwa! Hello po sa lahat. Sa wakas, our Midterm Exams are finally over. Pero di pa kami makakapagpahinga kasi may Feasibility Study pa na ide-defend within this month. Pero thanks God at naisisingit ko pa rin ang pagawa ng updates. Kelangan ko bumawi sa inyo, alam ko po.

Salamat po kina Kuya Rye Evangelista, Kuya Bluerose Claveria, at Vienne Chase na mga magagaling na mga author din dito sa blog, for keeping my spirits up. Thanks to Alfred of TO, si Red08, si kuya Pogi Christopher Gera, Cord of Bulacan, si Demanding-at-Nagmamagaling na Silent Reader na Di na Silent (for the negative comment befor ^-^), si Jake, lantis, si jess-Nar, Excellion, rex cruz, si BLUEKAKERO (capslock para intense), si bunsoy Ken at Hao Inoue, Dave, at Tyler.

Ilang chapters nalang ang natitira. So I hope di kayo bumitaw sa mga susunod pang updates. This chapter, just blew me away dahil sa mangyayari. Haaaay! Push na ituuuuu! Enjoy guys. The 25th Chapter of TLW..

Jace


=======================================

“And so the TREE and the LEAF thought that they could stay on each other’s side ‘til eternity. With the WIND and the STORM’s disappearance, they thought everything was over. But they were wrong. With the surroundings being calm once again, they have thought that it was the start of a new chapter. But the truth was that, they were in the eye of the STORM..”



== The LEAF ==
                                                      

“And to give us his words of welcome, ladies and gentlemen, let us all welcome the council Governor, Mr. Jay Denzel Gonzales.” Narinig ko nalang na tinawag ang aking pangalan at wala sa sariling naglakad papunta sa harapan. Nakatayo na ako sa may podium ng biglang magsalita ang babaeng emcee.

“But before anything else, the students would like to present a Video Presentation, as a tribute to our ever dearest Council Governor.” At may video na nag-play sa malaking showboard ng gymnasium.

Ang video. Kuha namin yun ni Alfer na magkasama. Ang unang clip na nagplay ay yung araw kung san sinabi sakin ni Dean Miro na magkakaron ng event sa college. Kuha yun nang hinalikan ako ni Alfer sa loob ng sasakyan nito habang nakaparada kami sa harapan ng fastfood.

“Shit!” Napamura nalang ako ng mahina. Panu lumabas to? Talaga bang seryoso at desperado na talaga si Ralph para gawin ito?! “Fuck!” Nakita ko lang ang mga taong napanganga, at ang iba’y halatang nagulat talaga sa mga nakikita sa screen.

Ang pangalawang eksena ay yung araw bago ako kinidnap nina Ralph. Yun yung nakatambay kami ni Babe sa may fountain at ninakawan niya ako ng halik. At ang pangatlo, ay kuha nung gabing makabalik ako mula sa ospital. Sa labas yun ng bahay nung hinatid ko na si Babe para umuwi. At di nga ako nagkakamali. Ipinakita din dun nung hinalikan ako ng matagal ni Babe.

“No! This can’t be..” Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko sa mga nakikita ko sa showboard. Naririnig ko na ang mga bulung-bulungan ng mga tao, at lahat sila ay nakatingin sa akin. Tila naging tuod ako sa kinatatayuan ko.

That awkward moment. Hiniling ko nalang na sana’y bumukas ang lupa at lamunin ako nito. Di ako makagalaw, di ako makapagsalita. Tila kinain na rin ng kahihiyan ang aking dila. Nakita ko naman si Sheena na nakangisi lang at nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam kong nanginginig ang aking mga tuhod.

Pero nung lumingon ako sa kinaroroonan nina Dean at ng mga kasamahan ko sa Council, nakangiti lang sila sa akin. Si Dean, nakita ko pa itong tumango sa akin, na para bang sinasabi na “Ayos lang yan!” Si Karin naman, binigyan pa ako ng thumbs-up sign. Sa pagkakataong iyon, nagdesisyon akong harapin silang lahat.

“Good evening to all of us. Opo, ako po yung isang lalaki sa video. I really don’t have to explain much further about the video presentation. Pero isa lang po ang masasabi ko sa inyo. Love knows no gender, and love knows no boundaries.”

Grabe ang mga tingin ng karamihan sa akin. Tagus-tagusan sa puso’t kaluluwa ko. Pero pasalamat pa din ako’t may mga nakikita akong mga taong nakangiti lang sa akin at pinaparating sa akin ang kanilang suporta.

“Nasa inyo na po iyon kung tatanggapin ninyo ang ganitong klaseng pagmamahalan. Basta alam namin sa mga sarili namin na wala kaming taong inaaapakan, at masaya kami sa isa’t isa. For tonight is a celebration of love, let our minds be open and wide enough to understand each other. Love is such a powerful force in this universe, which could instantly change someone. Everyone might not accept us, for who we are, but hell! We don’t care!”

At napangisi nalang ako nung mukhang nag-iba ang timpla ng mukha ni Sheena. May karamihan pa ring napataas ang mga kilay, pero kahit ganun pa man, naramdaman ko naman ang suporta ng iba.

“Ladies and gentlemen, let’s not make this wonderful event all about me and us, having such relationship. Tonight, is for all of us! And so, I welcome you all to the College of Business Administration’s Valentine’s Ball. Good evening!” Marami pa rin naming pumalakpak at sumuporta sa akin pagkatapos ng speech.

“Jayden, I love you!” Narinig kong sigaw nung isa naming kasamahan sa Council. Panigurado, andaming na disappoint na mga babae nung nakita nila si Babe sa video. Bahala sila.

Nangangatog man ang mga tuhod ko, nagpapasalamat naman ako’t nakayanan ko namang salubungin ang kanilang mga tingin at maideliver ng maayos ang mensahe ko. Pagkabalik ko sa upuan ko, sinalubong naman ako ng mga maiinit na pagbati nina Dean at ng mga totoong kaibigan ko.

“Kaya pala ha? Naku! Congratulations Jayden.” Sabi ni Dean na may kasamang isang makahulugang ngiti sa labi. “I am very much happy for the both of you, hijo.”

“T-thank you po Dean!” At ngumiti pa ako dito habang nakikipagkamay.

“Congrats Gov. Andito lang kami para sa inyo. Maasahan nyo yan!” Sabi ni Erin.

Naramdaman ko namang may humawak sa kaliwang bisig ko habang nakikipagkamay ako sa ibang bumati sa akin. “Excuse us Dean.” Paglingon ko sa taong nakahawak sa kamay ko, nakita ko lang si Babe. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. “Let’s go.” At hinatak na ako nito palabas ng school gym.

Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Baka galit si Babe dahil sa ginawa kong pag-amin kanina. “Babe.” Tawag ko dito habang hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay palabas ng school.

Mejo humigpit na ang hawak niya dito, at nasasaktan na ako.

“Babe.” Tawag ko ulit dito, pero di ako nito pinapansin. Dire-diretso lang itong naglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dito, kahit naka crutches pa din ako.

“Sakay.” Utos niya nang sapitin namin sa may parking area ang sasakyan nito. Gusto ko ng maluha sa tindi ng kaba at sa ekspresyon ng mukha ni Babe. Galit siya. Alam ko.

Habang nasa byahe kami, di naman ako makaimik. Di ko alam ang tinatakbo ng isip nito, at di ko din alam kung saan ako dadalhin nito. Pinapanalangin ko nalang na sana’y di ito magiging malaking dagok sa relasyon namin.

Oo. Alam kong wala pa kami sa wastong panahon para umamin at harapin ang mga tao sa paligid namin at sabihing nagmamahalan kami. Lalo na si Babe. Baka itakwil siya ng pamilya niya. Baka di pa ganun kahanda si Babe.

“Babe, please. Wag kang bumitaw.” Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa kanyang seryosong nagmamaneho.




==============================


== The TREE ==

Today is the day I’ve been waiting for quite some time now. Valentine’s Day. Ito ang pinaka-unang Valentine’s Day simula nung maging kami ni Babe. Excited na ako!

Di ako nagpakita sa kanya simula pa kaninang umaga. I was busy arranging for the most special Dinner Date for the both of us. Alam kong magugustuhan ni Babe ang surpresa ko sa kanya mamaya.

Nagpareserve ako ng isang dinner for two sa isang beach resort. Gusto ko romantic at espesyal ang aming unang Valentine’s ni Babe. Mahal na mahal ko yun, at sinisiguro kong isa lang ito sa marami pang mga Valentine’s Day na pagsasaluhan namin.

“Yes, that would be all. Thank you.” Pagputol ko sa tawag. Kinausap ko na ang resort kung saan ako nagpareserve at ibinigay ang mga gusto kong specific details ng magiging dinner namin mamaya dun. Sobrang saya ko lang kasi finally, maso-solo ko na si Babe na walang humahadlang sa amin.

“So, asan ang date mo mamaya anak?” Nagulat naman ako ng biglang magsalita sa likuran ko si Mom. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng second floor noon. Di ko man lang namalayan ang paglapit nito sakin. “Mukhang espesyal ang gabi mamaya ah? Anong meron?”

“W-wala naman Mom.” Pagkakaila ko dito. Pulang-pula na ako sa sobrang guilt sa nais malaman ni Mom.

“Anak kita, Alfer. Hanggang ngayon ba, di mo pa kami ipapakilala jan sa bago mong part-time girlfriend?” Pangungulit pa nito habang naka-arko lang sa mga labi nito ang isang makahulugang ngiti. AT napansin ko talagang may tinutumbok ito nang idiin nito ang salitang part-time.

“Hindi lang sya part-time Mom. Sa tingin ko naman po, siya na.” Ngiti ko sa kanya. Ewan ko ba, pero yun ang unang lumabas sa bibig ko nung madinig ko ang salitang part-time na sinabi ni Mom.

“Well, I’m glad na talagang nagseseryoso ka na talaga sa babae, Son.” Patay! Inaakala talaga nilang babae ang katipan ko ngayon. Haaay. “Are we gonna hear wedding bells soon?” Panunukso pa nito.

“Mom. Let’s not rush things. Bata pa po kami.” Iling kong sagot dito.

“That’s a good perspective anak. Aral muna. Okay lang naman magka-lovelife pero sana dahan-dahan lang anak.” Ngumiti pa ito at hinalikan ako sa pisngi. “And please Son, ipakilala mo naman sa amin ng Dad mo ha?”

“Soon Mom.”


..


6:30PM na. Time to get dressed. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng bago kong bili na damit para sa okasyong ito. Isang simpleng kombinasyon lang naman ng white shirt at itim na vest, na dinagdagan ng pulang necktie.

“Tsk! Ang hirap talaga maging pogi!” At natawa nalang ako habang nakaharap sa salamin at tinitignan ang sarili kung ayos na ba ang itsura ko. “Get ready Babe. You’ll gonna fall in love with me the second time around.”

Agad ko ng nilisan ang bahay at pinaharurot ang sasakyan ko papuntang school. I need to make an appearance there somehow, and to fetch Babe from being a hardworking Governor. I just want to let him feel how special he is to me, tonight.

Pababa na ako ng kotse nang makita kong pumasok si Sheena sa loob ng school gymnasium kung saan ginaganap ang ball. Nagtaka naman ako kung bakit nandidito ang isang tiga College of Tourism. Unless, ka-date siya ng isang estudyante galing sa college namin.

Pero sino naman ang mag-iimbita sa babaeng to? Pero diba…? “Shit!” At tinakbo ko na ang  papasok ng Gym. Determinado talaga silang pabagsakin ako. But not if I can help it.

“But before anything else, the students would like to present a Video Presentation, as a tribute to our ever dearest Council Governor.” Narinig kong sabi nung emcee sa loob habang papasok pa lang ako sa school gym.

“Lintek!” Tama nga ang hinala ko. Pagkapasok na pagkapasok ko sa gym, nakita ko lang na may video na nag-play sa malaking screen ng gym.

Unti-unting nawalan ng lakas ang tuhod ko. Anlakas ng tibok ng dibdib ko sa kaba. Mabuti nalang nasa pinalikurang bahagi ako ng gym at hindi ako napapansin ng mga tao kasi nakatuon lang ang atensyon nila sa napapanood.
                          
“This is it, Alfer. Game over. Will you run? Or will you fight?” Saad at tanong ng utak ko sakin.

Pagkatapos ipakita ang mga kuhang video samin ni Babe, nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga tao sa sobrang gulat at pagkadismaya sa mga nasaksihan.

I was petrified. I was nailed on the very ground that I’m standing on. Na-mental block ako. Hindi ko alam ang gagawin. At habang nagsasalita si Babe, na halatang kabadong kabado sa harapan, di ko pa rin malaman kung papano mag-react sa mga nangyayari.

Gusto kong maging proud sa mga sinabi ni Babe. Pero mas nanaig ang takot sa dibdib ko sa kung anumang maaaring kahantungan ng lahat ng ito.

Handa na ba ako? Papanindigan ko na ba to?

Blangko.

Wala.

Hindi ko alam ang gagawin.

Kahit na may pumalakpak pagkatapos ang speech ni Babe, di ko pa rin mapigilang mangamba. Una, ang mga iisipin ng mga tao tungkol sa amin. Pangalawa, desperado na talaga si Ralph, na kahit ay nasa kulungan na, ay ginawan pa rin nya ng paraan para lang makaganti sa akin.

“I’m sorry Babe. I’m so sorry.” Nasabi ko nalang sa sarili.


==================================

== The LEAF ==

Ewan ko kung san ako dinala ni Babe. Sa sobrang dami kong iniisip habang nasa byahe, hindi ko na napansin kung san siya dumaan at kung anong lugar na tong tinutumbok namin.

Simula nung hilahin niya ako palabas ng school gym, hanggang ngayon na nasa byahe kami, hindi pa rin ako nito iniimik. Seryoso at blangko lang ang mukha nitong nagmamaneho. Alam kong galit ito, kaya’t pinilit ko nalang na tumahimik na lamang.

Bumuntong-hininga nalang ako at aktong ipipikit ko na ang mga mata ko nang magsalita ito.

“We’re almost there. Wag ka ng matulog.” Malamig na sabi nito.

Tss. Ano bang problema nito? Ayos lang naman sakin kung galit siya eh. Sabihin lang naman niya. Di tong ginagawa niya akong tanga sa kakahintay sa kanyang magsalita. Anak ng kwek kwek!

Pero na-realize kong may kasalanan din ako. Di ako nagpaalam dito sa ginawa kong malaking hakbang sa relasyon namin. At alam kong iyon ang ikinakagalit niya. Kaya’t wala ako sa  posisyong mag-demand ng kung anu-ano sa kanya.

Maya-maya pa’y naramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Napatingin naman ako sa labas. At napangiti sa kagandahan ng lugar. Bumaba ako sa sasakyan at tumakbo papasok upang makita ang kabuuan nito.

Isa iyong beach resort. May malaking building na nakatayo sa isang mataas na lugar, at may hagdanan na patungo sa dalampasigang naliliwanagan ng mga ilaw mula sa mga bumbilyang ikinabit sa mga puno na siyang luminya sa kahabaan ng dalampasigan.

“Nice!” Tili ko sa sobrang pagkamangha ko sa lugar. Ang ganda talaga! Ang sarap ng simoy ng hangin na humahampas sa aking mukha.

Nakita ko naman ang isang native na restaurant sa may dalampasigan. Simple lang ang pagkakayari ng bahay-kubo na theme nito, pero sobrang ganda ng looban nito.May mga taong halatang nagde-date din dito, pero di naman karamihan.

Payapa ang paligid. May mga mumunting-ingay na nanggagaling sa restaurant na yun, pero nangingibabaw pa rin ang tunog ng paghampas ng mga alon sa tabing-dagat. Kay sarap pakinggan.

“Let’s go?” Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko lang si Babe na nakangiti na. “Gutom na ako babe.” At inakbayan ako nito at iginiya pababa ng hagdanan.

Akala ko papasok kami sa loob ng restaurant na iyon, pero na-shock nalang ako ng dinala ako ni babe sa isang floating cottage na hindi ko napansing mayroon pala ang resort.

Ang ganda din ng interior design ng cottage. Simple, ngunit maaliwalas naman at sobrang romantic talaga tingnan sa gabi. Isang tulay lang na yari sa kahoy, ang kumukonekta nito sa restaurant ng resort.

Di naman ako makaimik kasi naninibago talaga ako. Kanina, mukha itong galit, pero ngayon, parang nag-iba ata ang ihip ng hangin.

“Babe?” Tawag nito sa akin ng makaupo na kami pandalawahang mesa ng cottage. “Are you okay?” What? Ako pa tinatanong kung okay ako? Tss.

“B-babe. H-hindi ka g-galit?” Nabubulol kong tanong. “K-kasi babe. Okay fine. I won’t defend my side, kasi alam ko namang ako yung mali. I’m sorry babe. I’m sorry for not telling you first before I opened my big mouth. Di ko lang talaga alam kung pano ko maipagtatanggol ang mga sarili natin at-----“

“Babe, let’s just enjoy the night, okay?” Ngiti nito sakin at di ko na natapos ang kung anuman ang sasabihin ko. “Okay lang yun.”

“S-sigurado kang okay lang yun Babe? Alam ko kasing di ka pa handa eh. Sorry.” At napatungo nalang ako sa sobrang pagka-guilty sa mga nangyari sa school.

“Hey.” At itinaas nito ang aking ulo sa pamamagitan ng pagtaas ng aking baba gamit ang isang kamay nito. “Stop it. You’re spoiling the moment Babe. Unang valentine’s date pa naman natin to. Cheer up. Wag na muna nartin pag-usapan yun.”

“Okay babe.” Napangiti naman ako sa sinabi nito. “Thanks for this. Sobra mo akong napasaya. I love you Babe.”

“Anything for you Babe. I love you too.” Sinuklian din ako ng isang matamis na ngiti.

“Good evening Sir, I am your attendant for tonight. Here’s the menu. Please take your time.” Magalang na sabi nung isang waiter na lumapit sa amin para kunin ang aming mga orders.

“One Paella Valencia for me, and one Southwesterns-Stye Shrimp taco Salad. Ikaw babe?” Napansin ko namang napangisi ng palihim ang lalaking waiter na nasa harapan namin. Siguro nagulat dahil sa tinawag ni Babe sa akin. Napangiti din naman ako.

“Ah. Isang Shrimp and Mango Skewers with Guava-Lime Glaze lang.” Ano ba to? Di ako sanay sa mga ganito ka-sosyal na mga pagkain. Di ko na nga rin alam kung ano lasa nung inorder ko eh. Ayoko lang talagang i-disappoint si Babe, kung kaya’t nag-order nalang ako kahit di ako sanay sa mga ganitong klaseng restaurants.

“How about your drinks Sir?” Dagdag na tanong nung waiter.

“One bottle of red wine, one pineapple juice, and one iced tea please.” Sabi ni Alfer. Pagkakuha ng mga iyon, inulit lang nung waiter ang naging order namin para kumpirmahin at umalis na agad.

“Ang ganda dito Babe. Ang sarap ng hangin.” Nasabi ko ng mapansin ko ang payapang kapaligiran.

“I knew you will like this. Kaya’t di ako nakapunta sa inyo kanina Babe kasi busy ako sa paghahanap ng lugar kung san natin idadaos ang ating unang Valentine’s date. Happy Valentine’s Day Babe.” Ngiti nito.

“Happy Valentine’s Day din Babe.”

“May gift pala ako sayo. Pero nasa likod ng sasakyan. Nakalimutan kong ibigay kanina. Mamaya nalang Babe ha?”

“Kaw kasi eh, di mo ko kinikibo kanina pa.” Pagmamaktol ko.

“Asus.” At tumawa pa ito. “Ang cute talaga ng Babe ko!” At tumayo ito at lumapit sa akin. Lumuhod ito para mag-abot ang aming mga paningin. “I love you Babe.”

At sa isang iglap ay nagtagpo ang aming mga labi. Damang-dama ko ang mabangong hininga ni Alfer na siyang nalalanghap ko. Ang malalambot na mga labi nito ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pakiramdam ko, solong-solo namin ang mundo nung mga sandaling iyon. Na sa kanya lang ako, at akin lang siya. Na walang sinuman o anuman ang makakahadlang sa aming pagmamahalan.

Lalo na ngayon na alam na ng lahat ang tungkol sa amin. Sana nga wala ng wakas ang kaligayahan naming ito. Ang kakaibang kaligayahan na ngayon ko lang naramdaman. It’s an unusual love, yes, but what can I do? I love him, he loves me. Period. End of conversation.

Ang kanina’y masuyo at puno ng tamis na halik ay naging isang mapusok at mapaghanap na halik na bunga ng kasabikan namin sa isa’t isa ni Babe. Unti-unti ng nilalakbay ng kamay ni Alfer ang kabuuan ng aking katawan.

Ang nag-aapoy na eksenang iyon sa isang floating cottage na nasa gitna ng dagat ay tila nabuhusan ng malamig ng tubig ng maramdaman naming nasa harapan na pala namin ang waiter, dala-dala ang aming mga order.

Dali-dali naman naming inayos ang aming mga sarili, habang si Babe ay bumalik sa kinauupuan nito. “H-here’s your order Sir. Have a pleasant evening!” Sabi nung waiter, pero halatang nagpipigil ito ng tawa, at umalis na din.

Pareho naman kaming natawa ni Babe sa ka-awkward na eksenang iyon.

“I love you too Babe. Thanks for this night.” Saad ko pagkatapos.

“No Babe. Thank you!” Ngiti nito. “Tara na! Let’s eat.”

Naging espesyal ang gabing iyon. Kwentuhan at tawanan lang kami ni Babe habang pinagsaluhan ang dinner date na iyon. Minsan, sumi-segway din ng mga harutan at kulitan.

Masayang-masaya ako kasi ito ang pinakaunang Valentine’s Date na na-experience ko sa tanang buhay ko. At ang taong pinakamamahal ko pa ang kasama ko. Marami mang mga kilay ang magsisitaasan pagkatapos ng gabing ito, alam kong makakaya ko, kasi naririyan si Babe sa aking tabi.

Pagkatapos ng date na iyon, hinatid na ako ni Babe sa bahay. Mag-aala una na ng umaga at halata na sa mukha ni Babe na inaantok na talaga ito.

“Babe, dito ka nalang matulog. Sobrang late na oh.” Tanong ko dito ng sapitin namin ang tapat ng bahay. Bumaba pa talaga ito sa sasakyan nito para lang maihatid ako hanggang sa bukana ng aming pinto. “ang sweet talaga ng mahl ko!” Kinikilig na saad ko sa sarili.

Nakita ko naman itong napangisi. “I was really hoping you would say that. Thanks babe. Itatabi ko lang ng maayos ang sasakyan. Una ka na sa taas.” At hinalikan pa ako nito sa labi.

Naligo na ako pagkaakyat ko sa kwarto. At nung lalabas na sana ako ng banyo, agad namang pumasok si Babe at hinila ako pabalik sa banyo at sinabayan ko ulit siyang maligo.

He gently pushed me against the wall. Nakalapat na ang likod ko sa dingding ng banyo, at nakita ko lang itong nakangisi na parang nauulol. Then he started to kiss me like a mad mam. He turned on the shower, and as the water was flowing through it to our bodies, the heat that was brought by that passionate moment didn’t subdue.

Halatang sabik na sabik talaga si Babe. Siguro kanina pa ako gustong lapain nito. Kapwa kasi kami nabitin sa eksena namin kanina sa resort. Di naman ako pumalag kasi I’d really wanted to make Babe feel how I appreciate and love him. So tonight, I’ll put on a show.

Kapwa kami naghahabol ng aming mga hininga pagkatapos nung umaatikabong eksenang iyon na tinuloy pa talaga namin sa labas ng banyo. Napahiga nalang ako sa matipunong dibdib ni Babe at natulog na kaming magkayakap.

Kinaumagahan, nagising nalang ako na wala na si Babe sa tabi ko. Nung hinagilap at tiningnan ko ang cellphone ko, napapitlag nalang ako ng malamang alas dyes na pala ng umaga. Buti nalang at naalala kong wala palang pasok ang school ngayon dahil sa isang event.

Inilibot ko ang aking mga paningin sa aking kwarto. Pero walang note na binilin si Babe. Weird. Dati rati kasi, nag-iiwan ito ng kahit note o text man lang para batiin ako ng magandang umaga. Siguro nakalimutan lang.

Kinuha ko ang aking laptop at naglog-in sa Facebook at sa Skype. No signs of Yui. Walang messages, ni kahit flood like na dati nitong ginagawa, wala din. Hindi na sya nagparamdam. Bago pa man ako ma-ospital, di pa kami ulit nagkakausap ni Yui.

“Tss. Busy na talaga siya’t nakalimutan na ako.” Pagtatampo kong sabi. Kaya’t nag PM ako sa kanya sa Facebook. “Hoy! Anyare? Asan ka na nyan, Yoh?” Ang nasabi ko sa message.

Buong araw lang akong nakatunganga sa bahay. Ayaw ko munang lumabas. Hindi ko pa alam kung pano mag-aadjust dahil sa inamin ko kahapon sa harapan ng buong college namin. And I know, talks will be out in just a few moments. So probably, alam na ng buong school ang nangyari kagabi by now.

Ayos lang naman yun sa akin. Sanay naman akong mag-adjust palagi. And besides, this is my life. Wala silang pakialam kung anuman ang gustuhin kong gawin sa buhay ko, not unless sila ang nagpapakain sa akin.

Pero si Babe. Hindi ko pa rin alam kung ano ang stand nito sa mga nangyari. Di ko mabasa kung ano ang tinatakbo ng isip niya. Galit ba siya o ano? Pero sa mga nangyari naman kagabi, mukhang okay lang naman sa kanya.

“Babe, let’s just enjoy the night, okay?” Bumabalik pa sa aking gunita ang mga sinabi nit kagabi. “Stop it. You’re spoiling the moment Babe. Unang valentine’s date pa naman natin to. Cheer up. Wag na muna nartin pag-usapan yun.”

Nailing nalang ako sa mga naiisip ko. “Mahal ako ni Babe, at mahal ko siya. Yun lang naman ang importante eh. Dun pa lang, solved na ako. Bonus nalang siguro kung tatanggapin kami ng mga tao sa paligid namin.” Napangiti nalang ako sa isiping yun.

Kinuha ko ang phone ko at nag-dial. Namimiss ko na si Babe. Ano na kaya ginagawa yun.

“Kriiiiing. Kriiiiiing. Kriiiiiing. Kriiiiiiiiiing. The number you have dialed is busy at the moment, please try your call later.” Narinig kong sabi nung operator sa kabilang linya, at nag display ng “No Answer” sa screen ng phone.

“Bakit kaya ayaw sumagot ni Babe?” Tanong ko sa sarili. “Ahh. Baka natutulog yun, o baka busy. Tawagan ko nalang si Babe mamaya. Pinagod mo kasi kagabi.” At natawa nalang ako sa naisip kong iyon.

Tinawag na ako ni Nanay Nimfa para bumaba at mananghalian. Pagkatapos kumain, umakyat lang ako ulit sa kwarto. At dahil umuulan at malamig ang panahon,  naisipan ko nalang na matulog nalang buong maghapon. Di naman kasi nagtetext o tumatawag si Babe. Baka busy lang talaga.

Nagising ako sa katok na nagmumula sa akin pinto. Madilim na nun at ng tingnan ko ang phone ko, alasy sais na ng gabi.

“Anak? Tulog ka pa ba?” Boses ni Papa yun. Agad akong tumayo at pinagbuksan ito ng pinto. “Sorry anak, nagising ba kita? Sabi kasi ni Manang Nimfa, natutulog ka daw.”

“Ayos lang Pa. Kanina pa din kasi ako natutulog. Sarap kasi ng panahon.” At napangiti pa ito sa sinabi ko. Pinatuloy ko na muna to sa kwarto ko at naupo ito sa kama ko.

“Anak, dinner tayo?” Aya nito sa akin. “Kumusta naman ang paa mo?”

“Okay na Papa. Nakakalakad na ako kahit wala na ang crutches ko.” Napatango naman ito. “Anong meron Pa? Biglaan ata.”

“Wala naman. Gusto lang kita maka-bonding.” Pero there’s something in his smiles eh. Parang may binibingwit ito mula sa akin. Sa ilang buwan na pagiging malapit namin ulit, alam kong tuso din minsan itong si Papa eh. Sa kanya ako nagmana.

“Can I say no Pa?” Pambibiro ko dito.

“I won’t take no for an answer.” Ngisi pa nito. “Tara na kasi, minsan-minsan lang eh. Kakatampo ka namang bata ka.”

“I know you won’t Papa. Sige po, bihis muna ako.” Ngiti ko dito.

“Antayin kita sa baba.”

Tinext ko pa si Babe bago ako magbihis. Wala man lang itong text o tawag buong araw. “Babe, andito si Papa. Makikipag-dinner daw. Kain ka na ha? Tawagan kita mamaya kung okay lang. I miss and love you so much Babe!”

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na rin ako. Dala namin ang sasakyan ni Papa, at ito ang nag-drive. Dinala ako ni Papa sa isang Japanese restaurant.

Dati ko pang gustong bumalik sa isang Japanese restaurant. Pangalawang try ko pa sa mga restaurant na ito. Yung una, si Yui ang nagdala sa akin. Gustung-gusto ko talaga ng mga Japanese food.

“Haaay. Si Yui na naman.” Naiiling nalang ako ng maalala ko na naman ang bestfriend kong kalahi ni Naruto. Kung sabagay, hapon din naman si Naruto. Galing sa Japan ang mga ninja’ng kagaya ni Yui. Mga taong bigla-bigla nalang sumusulpot at nawawalang parang bula.

Parang nung mga nakaraang araw lang bago ako ma-ospital. Kakaligo ko pa lang at nakatapis pa ng tuwalya nang bigla itong tumawag. Sinabihan pa ako nitong magla-live show daw ako? Tss. Pero, nag enjoy naman ako nung gabing iyon. Kwentuhan lang kami at kulitan na tulad ng dati. Namiss ko talaga ang mga ganung pagkakataon kasama si Yoh.

Pero pagkatapos ng gabing yun hanggang ngayon, wala! Nganga ulit ako. Napag-iwanan na talaga ako ng bestfriend kong super yaman na ngayon. Although masaya naman talaga ako para sa kanya, kasi alam ko namang espesyal ang alaala ng namayapa niyang ama.

At bakit ako naiinis sa ginagawa niyang pang-iignora sa akin? Ewan di ko din alam. Haaaay!

“Anak. Ok ka lang ba?” Tawag sa akin ni Papa na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad mula sa isang malalim na pag-iisip. “Ang lalim ng iniisip natin ah? May problema ka ba anak?”

“W-wala naman Pa. Sorry po. May iniisip lang na mga maliliit na bagay. N-naka-order na po kayo?”

“Kanina pa. Mag-order ka na. Kanina ka pa hinihintay ng waiter oh.” Sabay nguso nito sa waitress na nakatayo sa harapan namin. Sinabi ko naman dito ang gusto kong kainin. Tori Teriyaki Don at Tuna Kimchi lang naman ang inorder ko.

“Di naman halatang gutom ka anak ah?” Sarkastikong biro ni Papa sakin.

“Antagal ko kasi natulog kanina Pa. Kapag po ganun, ginugutom talaga ako pagkagising.” At natawa nalang ako.

“Eh, ganun din ako anak eh!” At nakisabay na rin ito sa aking pagtawa. “Anak nga kita. Manang-mana sa akin eh.”

At habang kumakain, napagkwentuhan naman namin ang tungkol sa kaso na isinampa nito laban sa nangdukot at nambugbog sa akin. Sinabi nito na malakas ang tsansang maipanalo ang kaso. Pero dahil ayaw ko ng maalala ang mga nangyari nung gabing iyon, di nalang ako masyadong kumibo para matapos na ang usapan namin ni Papa tungkol duon.

“Anak, may gusto ka bang sabihin sa akin?” Tanong ni Papa na may halong ngiting makahulugan. Kinabahan naman ako. Alam na kaya niya?

“H-ha? W-wala naman po Papa.” Hinawakan naman nito ang kamay kong nakapatong sa mesa at pinisil iyon.

“Anak, kung di ka pa handang sabihin sa akin, okay lang. Naiintindihan ko. Pero dapat malaman mo, na kahit ano pa man yun, walang magbabago. Papa mo ako, at anak kita. At alam mo naman siguro kung gano kita kamahal diba?”

“Pa.” Sobra talaga akong na-touch sa sinabi nito.

“Wag ka ngang umiyak. Ka-lalaki mong tao, umiiyak ka.” Biro sa akin ni Papa. Bigla ko namang naramdaman na may mga luha ng namumuo sa aking mga mata. Agad ko naman itong pinahid at napangiti nalang.

“Eh, ikaw kasi Papa eh.” Dapat ko na bang sabihin sa kanya? Dapat ko na bang isiwalat sa kanya ang tunay na ako?

“Di mo ba talaga sasabihin anak?” At natawa na naman ito. “Biro lang anak. Nirerespeto ko ang desisyon mo.”

“Pa, m-may sasabihin sana ako sa inyo.”

“Yes, anak?”

“Pa kasi.. Kasi po..” Di ko alam kung san ako magsisimula. I was caught off-guarded. Di ko napaghandaan ito. Ano ba sasabihin ko? Or rather, paano ko ba sasabihin kay Papa?

Naramdaman ko namang hinawakan ulit ni Papa ang kamay ko. “Alam ko na anak. You don’t have to be so pressured. Di naman ako magagalit eh.” Ngiti nito.

“Alam nyo po?” Nag-iwas naman ako ng tingin dito. “P-paano po?”

“Sina Kira at Karin. Pero may ideya na ako nung ma-ospital ka. Si Alfer, tama ba?”

Sunud-sunod na bomba ang sumabog sa harapan ko. Di ako makaimiksa sobrang pagkabigla sa sinabi ni Papa. Wala akong nagawa kundi ang sagutin ng tango ang katungan nito.

“Well, he seems like a gentleman. Pero tanong lang naman ito anak ah, why him?”

“E-ewan ko p-po Papa. Basta na lang ako n-nahulog sa kanya.” Nakatungong saad ko. Di ako makatingin ng diretso kay Papa. Nahihiya ako.

“Anak, you don’t have to be so pressured. Sabi ko nga, ayos lang. Basta alam kong masaya ka sa desisyon mo. Total, malaki ka na. You can handle things already. At alam kong di ka magiging pabaya sa mga maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay.”

Natuwa naman ako sa sinabing iyon ni Papa. Inangat ko ang aking paningin at nginitian ito. “Salamat po Papa. Salamat sa pag-intindi at pag-unawa sa akin.”

Pagka-uwi ko sa bahay, sinubukan kong tawagan si Babe. 10PM pa naman. Baka gising pa si Babe. Ibabalita ko lang sana ang naging usapan namin kanina ni Papa. Pero bago ko pa tawagan si Babe, tinext ko muna to. Pero after 5 minutes, wala siyang reply. Kaya tinawagan ko nalang ito.

“The number you have dialed is unattended…” Di ko na pinatapos ang operator at pinatay agad ang tawag. Bakit naka-off ang phone niya? Sinubukan ko ulit tumawag dito, pero ganun pa rin ang resulta. Naka-off talaga ang phone ni Babe.

Di naman ganito si Babe dati. May problema ba ito? Kung meron man, sana naman wala itong magiging epekto sa relasyon namin. Ngayon pa na unti-unti ng nawawala ang mga balakid sa pagitan namin at sa kalayaan at kaligayahan na dati pa naming pinapangarap?

“Wag naman sana Babe.”

Pero siguro, paranoid lang ako. May dahilan naman siguro si Babe kung bakit di siya nagparamdam ngayong araw. Bukas, may pasok, magkikita naman kami sa school eh. So I don’t have nothing to worry about. Pero, dapat ko ng harapin ang pagbabagong magaganap simula bukas. Sana kayanin ko. Sana kayanin namin ni Babe.

“I trust you Babe. And I love you so much.”




Kinabukasan, Hwebes. Buong araw kong di nakita si Babe. Buong araw ko siyang tinetext at tinatawagan. Pero di siya sumasagot sa mga tawag at text ko. Siguro wrong timing lang talaga ako. Baka puspusan na sila sa pagte-training kasi two weeks from now, magsisimula na ang bagong season ng University League sa buong rehiyon namin.

Gusto ko mang puntahan ito sa gym ng school, di ko naman magawa kasi alam kong alam na ng lahat ang tungkol sa amin. Di ko naman gugustuhing isipin ng mga tao na ganito na nga ako, masyado naman kaming PDA sa relasyon namin.

Kaninang umaga pagkapasok ko sa school, karamihan sa mga nakakasalubong ko ay nakataas ang mga kilay at ibang-iba ang tingin sa akin.  May mga naririnig pa akong mga estudyanteng nagbubulung-bulungan, na alam ko namang laban sa amin, sa tuwing mapapadaan ako sa harapan nila. At meron talagang nagpaparinig pa na kesyo bakla ako.

Pero may mga tao pa ring pinapahayag ang kanilang suporta sa pamamagitan ng mga ngiti, bati at kung minsan ay nakikipagkaibigan pa sa akin. At dahil dun, nagpapasalamat pa rin ako na mukhang kakayanin ko naman ang mga pagsubok na ito.

At ang pinakarason kung bakit ko pinagtitiisan ang mga negatibong reaksyon ng mga tao sa relasyon namin ay ang katotohanang mahal ako ni Babe at alam kong nakasuporta ito palagi sa akin.

Si Babe nga pala. Sana naman hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi at ipinapakita ng iba na pag disapruba sa espesyal na relasyon namin. Mukhang di naman magiging isyu dito ang gabundok na pride at ego ni Babe dito eh. Matagal na yung nawala dahil sa pagmamahal niya sa akin.

Friday ng hapon. Nakatambay ako sa may fountain ng school. Sa sobrang busy ko din kanina, nakalimutan ko pansamantala na magtext at subukang tumawag kay Babe. Andami ko talagang ginawa kanina. Mga projects, deadlines, reports at kung anu-ano pang gawain sa office kung san ako binalik na i-assign pagkatapos ng Tutorial Service ko kay Babe.

Alas singko na yun ng hapon at kanina pa nag-uwian ang karamihan sa mga estudyante kasi nga Friday Flyday na. Nagbabasa lang ako ng libro sa bench ng marinig kong may paparating na mga kalalakihan. Ang iingay kasi ng mga ito kaya agad ko silang napansin.

Sila Babe pala at ang mga kasamahan niya sa Varsity Team, at si Paul. Si Babe lang ang walang imik sa grupo na naglalakad palapit sa akin. Alam kong nakita ako ni Babe, kahit nakatungo lang ito habang naglalakad.

Nung tumapat na sila sa harapan ko, tumayo ako. “Babe!” Tawag ko kay Alfer. Agad naman silang napahinto sa paglalakad. Napansin ko namang nagpipigil ng tawa ang ibang kasamahan nina Babe at Paul. At nakita ko din ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Babe.

“Dude. Tinatawag ka ni Jayden.” Siko ni Paul dito. Pero di man lang ako matignan ni Babe. Ano bang problema nito? “Dude, ano ba?! Si Jayden o.”

Pero di pa rin ako nito pinapansin. Bagkus ay nag-simula na itong maglakad at nilampasan lang ako ng wala man lang sinasabi sa akin. Sinundan naman ito ng mga kasamahan niya, pwera si Paul

Ang sakit. Ang sakit-sakit. This confirms his behaviour for the past three days. Iniiwasan niya ako. Lahat ng mga tawag at text ko, sinasadya niyang di sagutin yun. Ang saklap!

“P-paul.” Tawag ko dito, agad naman itong lumapit sa akin. “M-may problema ba si Alfer? Bakit niya ako iniiwasan?”

“P-pare, I wish I know. Pero kasi, akala ko din na magiging maayos na ang lahat sa pagitan ninyong dalawa. Di ko din alam kung bakit nagkakaganyan siya.” Paliwanag sa akin ni Paul.

“Paul, p-please. Kausapin mo siya. Sabihin mo na gusto ko lang malaman kung bakit siya nagkakaganyan. P-paul please. Tulungan mo ko.” I was desperate. Hindi ko alam kung san ako nagkamali at kung bakit ako iniiwasan ni Babe.

Sabi naman niya nung gabing iyon na okay lang daw yung ginawa kong pag-amin sa lahat. Pero bakit ganito? Ang sakit lang isipin na nag-eexpect ka na magiging maayos ang lahat kasi andyan kayo para sa isa’t isa. Pero magigising ka nalang isang araw na ikaw nalang pala ang sumasalo sa lahat ng sakit at panghuhusga ng mga tao sa bagay na kapwa ninyo pinasok.

Alam kong di ako dapat magpaka-paranoid sa mga nangyayari. And that Babe has a reason for avoiding me. Pero ano yung kanina? Siguro sapat na ebidensya na yun para sabihing unti-unti na siyang bumibitaw.

Wala na akong ibang nagawa nung gabing iyon kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa mga ipinapakita sa akin ni Alfer. I’ve been trying to call him a hundred times now, pero ayaw niyang sagutin. Nagtext din ako sa kanya pero walang reply. Sinubukan ko na namang tumawag ng tumawag hanggang sa sagutin niya ang phone, pero natigil lang ako ng naging unattended na ang phone niya.

Haaay. Ang sakap. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung pakiramdam na nangangapa ka sa dilim at hindi mo man lang malaman kung ano ang nagawa mong mali. “I don’t deserve this!”

At nakatulugan ko na nga ang pag-iyak.




Dalawang linggo na ang nakakalipas ng simula akong iwasan ni Alfer. Hanggang ngayon, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko, o kahit ang magreply man lang sa mga text ko.

Sa school, di naman ako makatyempo na maka-usap siya ng sarilinan. Kadalasan, hindi ako nito pinapansin. Minsan, nakikipag-usap nalang ito sa ibang mga estudyante kahit alam kong di niya kilala basta’t maiwasan niya alng na makausap ko siya na kami lang. Sa tuwing nagkakasalubong kami, parang hindi niya ako kilala na nilalampas-lampasan lang niya.

Si paul naman, walang magawa sa sitwasyon namin. Si Kira, sinugod na siya sa practice game nila nung nakaraang linggo para kausapin ito. Pero yun lang din ang ginagawa niya kay Kira. Hindi pinapansin at pinipiling iwasan nalang. Napagalitan pa si Kira nung Coach nila Alfer dahil sa pang-iistorbo nito sapractice nila.

At ako? Frustrated. Di alam ang gagawin. Walang gana kumain at pumasok sa eskwelahan. Pero pinipili ko pa ring pumasok araw-araw sa pagbabakasakaling maka-usap ko na si Alfer. Pero two weeks had past, wala pa rin.

And now, I’m desperate. Desperado na akong gumawa ng mga bagay na alam kong pagsisihan ko din. But what can I do? I need to find some answers. Kahit kinakabahan na ako sa gagawin ko, alam kong baka makatulong ito sa akin para ma resolba ang anumang problema namin ni Babe.

“G-good afternoon po T-tita Diana. Nanjan po ba si Alfer? May isasauli lang po kasi sana ako.” Sabi ko kay Tita nung sinalubong ako nito sa sala ng bahay ng mga Samonte.

“Di ko alam hijo ah, pero ipapatingin ko sa kwarto niya. Maupo ka muna.” At tinawag nito ang isang katulog nila at pinapatinganan si Alfer sa kwarto nito. “Kumusta ka na hijo? Antagal mo ng di nakakabalik dito ah. Nakakatampo ka naman.”

“S-sorry po Tita. Naging busy lang po sa school. Alam niyo namang malapait na mag Final Exams.” At sinabayan ko pa ang alibi ko ng isang pilit na ngiti.

“Maam, natutulog po daw si Sir Alfer. Ayaw daw niya po ng istorbo.” Sabi ng katulong nila Alfer.

“Haay! Ano ba’ng nangyayari sa batang iyon?”

“O-okay lang po Tita. B-babalik nalang po ako dito sa susunod.”

“No. Stay. Ako na ang kakausap kay Alfer. Steady ka lang jan Hijo. Wag kang aalis ha?” At umakyat na ito para puntahan ang anak sa kwarto nito.

Pagkatapos ang ilang minuto, bumaba na ulit si Tita Diana at umupo sa sofa na kaharap nung kinauupuan ko.

“Ayaw niya akong pagbuksan. Ano bang nangyayari sa batang iyon? Napapansin ko lately, parang wala ito palagi sa sarili. Laging nagkukulong sa kwarto kapag andito lang sa bahay, at gabing-gabi na umuwi.” Mahabang sabi ni Tita. “May problema ba kayo Hijo?”

“K-kami po?” Tsk! Of course Jayden, you dimwit. Sa mata ng mama ni Alfer, magkaibigan kayo. Yun ang tinutukoy niya.

“Hijo, alam ko na ang tungkol sa inyo.” Mapait na ngiti nito. What?! Alam ni Tita? “At alam rin yun ni Tito Rafael mo. Di kami galit, wag mong isipin yun.”

“H-ho?”

Tumabi sa akin si Tita Diana at hinawak ang isa kong kamay. “Alam mo hijo, dapat akong magpasalamat sayo. Ikaw lang ang nakapagpabago sa matigas na anak kong yun. He hardly even follow us before. Pero simula nung naging tutor ka niya, he changed. Nagising nalang kaming lahat dito na ibang Alfer na ang nasa harapan namin. Thank you so much for that.”

“Tita.”

“Ang laki ng utang-na-loob ko sayo hijo, pero sa ngayon, hindi man lang kita matulungan sa sitwasyon ng anak ko. Ewan ko din kung bakit siya nagkakaganyan.”

“Salamat po Tita at nauunawaan niyo kami.”

“Are you kidding? Ngayon ko lang nakita si Alfer na ganyan kasaya. Ngayon ko lang siya nakitang nag-seryoso sa isang relasyon. Syempre susuportahan ko kayo hijo.” Ngiti nito sa akin.

Di ko man lang nakita at nakausap si Alfer. Pero mas nagulat ako nung sinabi ni Tita sa akin na alam niya ang tungkol sa amin. Siguro nakahalata na talaga sila pag bumibisita ako sa kanila.

Si Babe naman kasi eh, napaka-OA sa pagiging maalaga at ka-sweetan kahit nasa harapan kami ng mga magulang niya. Yun pala ang ibig sabihin ng mga ngiti nuon nila Tita Diana at Tito Rafael.

Masaya ako, kahit na nasurpresa talaga ako na alam na pala nila. Masaya ako na yung mga magulang na kinatatakutan naming aminan ng relasyon namin, ay alam na pala, at tanggap pa talaga nila kami.

Pero lahat pala talaga ng kasiyahang iyon ay may kapalit na kalungkutan. Kung kelan okay na ang aming mga pamilya, saka pa ako binibitawan ng paunti-unti ni Babe? Ano pa ba ang dapat kong gawin para maging masaya na?

Kahit si Yui na bestfriend ko, hanggang ngayon ay di man lang nagpaparamdam. Talaga bang iiwan na ako ni Yui? Bakit ba palagi nalang ako iniiwan ng mga taong mahal ko? Nagiging masaya ba ang langit sa tuwing iniiyakan ko ang mga taong iniiwan ako?

At sa gabing iyon, na hindi ko na mabilang kung ilan na, muli ko na namang kinatulugan ang pag-iyak sa sobrang sakit at sa sobrang lungkot. Pagod na ang mata ko sa kakaiyak. Pagod na ang puso ko sa kakatanggap ng sakit. I know I shouldn’t be doing these things. But lemme just cry, cause I know I can never do something to change my situation.




Linggo ng umaga. Madilim ang kalangitan, nakikisabay sa emosyong nararamdaman ko. Pinagalitan ako ni Nanay Nimfa. Bakit daw ako nagkukulong sa kwarto at namumugto ang mga mata? Wala akong nagawa kundi ihinga sa kanya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero kahit pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat, masakit pa rin ang puso ko.

“Haaay! Yan na nga ba ang sinasabi ko sa Alfer na yan eh. Puro porma, wala namang salita.” Reklamo ni Nanay.

“Nay naman eh. Di kayo nakakatulong.”

“O siya, tara. Samahan mo ako sa mall. Mamimili lang ako ng ibang gamit sa bahay at pasalubong na rin para sa mga apo ko sa probinsya.” Uuwi kasi si Nanay next week kasi birthday ng paborito niyang apo. Kaya ayun, wala naman akong magawang matino sa bahay, kaya sumama nalang ako.

Nagdala na kami ng payong ni Nanay kasi mukhang uulan na mamaya. Baka maabutan kami sa daan, mahirap na.

Pagkarating namin sa mall, kumain na muna kami ni Nanay. Gutom din kasi ako. Wala pa akong breakfast at lunch nung araw na iyon. Natuwa naman si Nanay sakin kasi madami naman ang nakain ko. Nangangayayat na kasi ako, sabi ni nanay. At dahil namumugto pa rin ang mga anak ko, naka shades lang ako.

Ilang oras pa kami naglilibot ni Nanay sa mall. Namili siya ng mga laruan, ng mga pasalubong at kung anu-ano pang magustuhan nito. Pagod na ang paa ko sa kakalakad kaya nagpasya muna kaming magpahinga sa isang bench na nasa tapat ng exit ng mall.

“Pagod na ako anak. Okay ka lang ba?” Sabi ni Nanay ng maupo na kami sa bench. Napansin kong may katext ito, kanina pa.

“Okay lang Nay. Teka, sino ba yang katext mo jan? Kanina pa-----“ Di ko na natapos ang dapat ko pa sanang itanong kay Nanay nang mapansin ko ang isang lalaking papalabas ng mall. “Babe!” Tawag ko dito. Si Alfer yun. Di ako nagkakamali. Tinanggal ko ang aking shades para maklaro ko, pero siya talaga yun. “Babe!” At sinundan ko ito ng takbo.

Kinuha ko agad ang payong sa baggage counter na malapit sa may exit at kumaripas na ng habol kay babe. Nakita ko itong naglalakad sa tabi ng kalsada na wala man lang dalang payong. Nababasa na ito, kaya hinabol ko na naman.

“Baaaaaaaaabe!” Mahabang tawag ko dito habang tumatakbo pa. Napalingon naman ito sa direksyon ko at alam kong nakita ako nito kaya tumigil naman ako sa kakatakbo. Mga limang metro ang pagitan namin. Hinihingal na ako. At napagod na ako sa kakatakbo. “Babe! Please, mag-usap tayo! Please Babe. Kausapin mo ako!”

Ang lamig lamig ng panahon. Lalo pang lumukas ang ulan. Nagsisimula na ring tumulo ang luha ko sa sobrang saya na nakita ko na si babe. Sana naman pagbigyan na ako nito na makausap siya.

“Babe!” Nakatingin lang ito sa akin habang blangko pa rin ang mukha. Nakita ko naman itong tumalikod na at nagsimula ng maglakad ng mabilis palayo. “Baaaaaabe!” Inihagis ko sa gilid ang payong na hawak-hawak ko para mapabilis ang paghabol ko sa kanya.

Aktong tatakbo na ako para habulin si Alfer nang may naramdaman akong mga kamay na pumulupot sa aking bewang at niyakap ako mula sa likod habang nababasa na kami ng ulan.

“Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko.” Ang boses na yun. Imposible!

13 comments:

  1. Yun oh! nakapag updatr natin sya:)

    ReplyDelete
  2. now YUI IS BACK!
    go go go Yui bawiin muna si jayden Kay alfer.
    he...he...he....YUKITO RAMIREZ FUJIWARA Love you!
    ( Baliw lang oh!) ha...ha...ha....
    thnx, Jace

    red 08

    ReplyDelete
  3. Maygawd si yui, go yui, wag mong bitiwan si jayden yakapin at halikan mo sya ng wagas hehheheheh


    Boholano blogger

    ReplyDelete
  4. i hope simula na ng paglapit ulit nila ni yui mas bagay kasi sila kesa kay alfer. :D

    ReplyDelete
  5. Hahahaah. CAPSLOCK talaga. Waaaa Damn. Bitin na namn. Seems I already have the idea about the mistery guy na yumakap. Hmmmnnn. Well mukhang kailangan ko naman abangan ang next update. T_T. Grabe ka Jace mambitin. Astig. Keep up the great stories and more to come. Grrrrrrrr.

    Ty sa update. ahahaah.

    *bluekakero*

    ReplyDelete
  6. yie maka yui ako pero naaawa ako ke alfer.. alam kong me dindrama lang sya.. ahahaha.. pero cge sana si yui na yung yumakap hahaha

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  7. nice one!

    ANG PAGBABALIK NI YUI..

    BASTA TEAM YUI PA RIN AKO!

    ReplyDelete
  8. Sana si yui na yun. Hehe. Wag mo papabayaan yui si jayden ah. Pero sana magkaroon ng closure si alfer at jayden. Thanks mr. Author.

    -tyler

    ReplyDelete
  9. Grabe naman.. Parang malabo na nga ang #teamalferjayden.. Hmfftt.. Pero mr. Author the best ang ganda affected ako masayado kay jayden.. Feeling ko ako yung nasa character nya.. Hahahaha relate much?? Thumbs up po!!! :) the best - Dave

    ReplyDelete
  10. Yui??cguro c Yui talaga ang para kay Jayden . .huhuhu
    sablay na ang team Alfer . .thanks sa update . .hehe

    ~jake

    ReplyDelete
  11. Sa story na to yung character ni Yui ang pinakagusto ko, nakakalungkot lang na parang saling-pusa na lang siya at 2nd choice. Hay..Author sana gawan mo din siya ng separate love story na siya bida.

    - Yuki

    ReplyDelete
  12. Salamat sa update Mr. Author. Sinusubaybayan ko talaga tong story na to. Simula pa lang sa chapter 1, team Yukito na ako. Sana siya ung taong yumakap kay Jayden. At sana hindi panaginip yung part na yun, hahaha! Anyway thumbs up ako dito sa gawa mo. Thanks for sharing us this masterpiece.

    - rafael

    ReplyDelete
  13. omaaayghaaas! si Yui na ba yan? o baka naman si Ralph? o baka ibang character na naman yan? haaaist Kuya Jace. so excited to read the next chapter. gyera na ituuuuU! :D

    excellion

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails