Followers

Tuesday, September 9, 2014

Love Is... Chapter 12



AUTHOR’S NOTE: Guys! Nagbago yung plan ko tungkol sa POV’s nila Red, Brett, Eli, at Riley dito sa #LoveIs12. Ang hirap palang gawan ng POV ang mga taong yun! Alam niyo na. Haha! Kaya ang mangyayari ay mga pahapyaw lang ang POV’s nila. Nagtataka siguro kayo kung bakit kasama si Riley? Ayokong sabihin! Haha! Just keep on reading! Ganun! Malalaman niyo rin, eventually.

WARNING: Medyo waley na update. Sana tiyagaan niyo. Haha.

Naisip ko na, POV’s na lang nila Riel and Josh ang mangingibabaw sa story na ito. Nahihirapan ako sa isip ng iba kong karakter e. Pero, you’ll hear something from them pa rin. Just a hint of whatever they’re thinking. Nirequest nila e. Kung hindi ko kasi sila pagbibigyan, gawan ko raw sila ng sarili nilang story. Haha. Ayoko nga! Pero hindi ko alam. Magulo ang utak ko e. Kahit anong naiisip. Ganun!

Salamat pa rin sa aming Mga Ser! SIR MIKE and SIR PONSE for this opportunity. Wala ako rito ngayon kung hindi nila ako binigyan ng chance.

BABE! Arghs! Sana makapulot ako ng pera para makapagload at matawagan kita! Hayst!  I miss you! Saranghaeyo!

Maraming salamat sa aking mga minamahal na readers. Mga regulars at silent readers! Kila ANGEL, ALFRED OF T.O., ANONYMOUS #1, MARVS, YELSNA, ANONYMOUS #2, PRINCE JUSTIN DIZON, -HARDNAME-, AZ, at sa bagong kaibigan na si HAO INOUE (Welcome sa story na ito!)

May nangspoil na ng mangyayari! Ayoko na! Haha! Joke! Oo na! Tama ka! Kaso kailan kaya yun lalabas?

Mahaba-haba pa ang lalakbayin ng kwento guys. Yung complications? Ewan, just wait until it happen. Haha. Basta may mangyayari tapos, BOOM! College na sila! Yay!

Tama na ang spoiling sa mga mangyayari. Heto na! Mag-enjoy kayo kahit waley ito! Just leave your comments here para malaman ko kung anong say niyo sa chapter na ito.

So this is it! #LoveIs12


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com



PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X | XI


ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s FINAL REQUIREMENT
Vienne Chase’s FATED ENCOUNTER
Jace Page’s THE TREE, THE LEAF and THE WIND
Bluerose Claveria’s GEO – MR. ASSUMING

CHAPTER XII


Previously on Love Is…

Riel’s POV

“Hep! Diyan mo balak umupo? Gusto mo bang ang labas ko e, driver mo?” Pagtatampo nito.

Sabi ko nga sa passenger seat ako uupo. Pupunta na nga ako e. Argh! Doon lang sana ako dadaan! If that’s possible, you know! Haha!

Isinara ko na lang yung pinto ng back seat at agad na pumunta sa pinto ng passenger seat. Naaninag ko pang binuksan niya mismo ang pinto noon.

Agad akong pumasok at umupo. Masyado na kaming late! Grabe!

“Tara? Late na tayo e.” Saad ko sabay pakita ng orasan sa cell phone ko.

“So... Ako pala ang wallpaper mo sa lockscreen mo.” Saad niyang halata ang saya.

Nanlaki lang ang mga mata ko sa sinabi niya! Arghs! Oo nga pala! Hayst! Hindi talaga ako nag-iisip! Shems! What to do? What to do?

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Imbes na sa harap ay, nasa bintana ang focus ko. Arghs! Talaga.

“Don’t worry about the bus we’re on and the seat where we’ll gonna sit. Nakuha ko na kanina, bago kita pinuntahan dito.” Aniya.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Patuloy lamang siya sa pagdrive at nakatingin sa harapan. Ini-on niya ang kanyang iPod at nakabluetooth yun sa kanyang sasakyan. Natapos na yung isang kanta bago tumugtog yung sunod.

Narinig ko doon ang pamilyar na kantang paborito ko. Nagsimula iyon sa tipa ng gitara. Tamang tama sa sitwasyon namin ngayon.

Nakita ko na lang na ngumiti siya at nasabing “Sakto!”

“Ang alin?” Naitanong ko tuloy.

“Yung kanta.” Sagot niya. “Alam kong alam mo rin yan.” Napatango na lang ako. “Gustong-gusto ko kasing marinig yan na kasama ka.” Dagdag pa niya.

Argh! Ganun din naman ako. Kaso hindi ako marunong magmaneho ng kotse. Haha!

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Wala akong imik buong byahe. Ganun din naman siya. Nakinig lang kami sa kantang tanging kaming dalawa lang yung nakakarinig.

We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

That I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Oh and I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Oh and I know this love grow

Minsa’y lumilingon siya sa akin. At ako rin naman sa kanya. The feeling is mutual talaga. Pero hindi pa ngayon yung tamang panahon na hinihintay ko para sagutin siya. Makita ko lang na gawin niya yun ay talagang sasagutin ko na siya.

Oh I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat

Medyo outdated na yung iniisip ko pero, sana gawin niya, para masabi kong siya na talaga.

Kagat-kagat ko ang aking labi kasi hindi ko maiwasang mapangiti sa saya. Na siya ang kasama ko ngayon, habang nagpiplay ang kantang ito.

-----

Red’s POV

Pakatapos nung kanta, hindi ko namalayang nakatulog pala si Riel. Actually binagalan ko talaga ang patakbo para mapag-isa’t mapakinggan namin ng buo yung kanta.

Maaga sigurong gumising ‘tong isang ‘to. Ang dami pa niyang dala. I wonder what’s inside the tupperwares.

Napangiti na lang ako sa aking nakikita ngayon. Nasa tabi ko lang ang taong pinakamamahal ko. Kanina nga, halos hindi ako makapagfocus sa pagdadrive dahil parang slow motion ang lahat ng nangyari.

The song made it possible na, lahat magiging slow motion kapag mahal mo ang kasama mo. Yung taong pinapangarap mo ang katabi mo. Hindi nga ako nagkamaling maniwala na sa pag-ibig, magiging posible ang lahat ng mga imposible.

Problema ko pa pala yung ‘kapatid’ niyang si Eli. Hindi ako mabait na Kuya. Binabakuran ko ang mga kapatid ko. Naalala kong bulong niya kahapon sa akin.

Paano ko kaya liligawan si Riel?

-----

Riel’s POV

Nagising na lang ako sa marahang tapik sa aking balikat. Kinusot ko muna ang aking mga mata at iniunat ang aking mga kamay. Natigilan lang ako sa aking ginagawa ng maalala ko na may kasama pala ako.

Bigla akong napalingon sa driver’s seat kung saan naroroon ang kasama ko. Nakangiti lamang itong nakatitig sa akin.

Agad akong napatakip ng bibig. Baka may natuyong laway! Maturn-off pa ‘to sa akin. Argh!

Nang makapa ko na wala naman, agad akong nag-iwas sa kanya ng tingin. Napakacareless ko ata kapag kasama ko si Red! Ang sarap kasi ng tulog ko e. Nagpiplay pa rin sa utak ko yung kanta. Argh! This is it! This is really is it, is it!

“Andito na pala tayo. Sorry! Nakatulog pala ako.” Saad kong walang lingon sa kanya. Nahihiya pa rin ako e. Argh!

“Yup. Actually, kanina pa. Hinayaan muna kitang matulog kasi maaga pa naman. You must’ve got up early to prepare those.” Aniya sabay nguso sa mga tupperwares na nasa back seat.

Imbes na sundan ko kung ano man iyong itinuro niya ay hindi ko ginawa. Parang lente ng camera na nagfocus ang mga mata ko sa kanyang mapupulang labi. High Definition!  Nanuyo ang aking lalamunan.

His soft lips! Those god damn soft lips! Argh!

Napalunok na lang ako sa pagnanasang mahalikan yun muli. Argh! Nagiging green na ata ako ngayon. Dalawang beses pa lang nga buhat ng makaexperience ako ng halik, parang ang nangyayari ay hinahanap-hanap ko na.

Nanlaki ang mga mata ko nang ibinaling niya sa akin ang paningin. Nagkaroon ng kurba ang mga labi na aking tinitingnan kanina. Arghs!

Alam na! Pero, hindi! Hinding-hindi pa ako bibigay! Yung first and second kaya siya yung gumawa! Ayokong malaman niya na gustung-gusto ko siyang halikan! Hindi pa, hanggang gawin niya yung sign ko! Kung siya nga yung gagawa nun. Sana naman no!

“You’re tempting me again, Riel. You want a kiss? Madali naman akong kausap.” Nakangisi niyang saad.

Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Arghs! Nako Riel! Magpigil ka! Wala pa kayong relasyon! Mutual Understanding, oo. Pero, hindi pa yun pwede! May gahd! Ang landi ng utak mo!

“Ah… e. Tara na? Nagpapapasok na si Mr. Buenafe sa bus natin oh.” Segue ko. Buti na lang at hindi ako nagkabulul-bulol. I will kill myself kapag nahalata niya! Joke! Life is so beautiful!

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang labi. “You sure you don’t want a kiss? Kasi ako, gusto ko.” Aniya sa malambing na tono.

Napatingin naman ako sa kanya. Arghs! ‘Wag mo akong pipilitin!

“Gusto…” Nasabi ko bigla. Nataranta na ako sa aking sinabi. Nagawa ko pa ngang sampalin ang bibig ko e. Aray! Masakit palang masampal ka ng sarili mong kamay!

“Talaga?” Tanong niyang muli.

“Ha? Ah… e… Este, saka na lang. Maiiwan na tayo e.” Natataranta kong sagot. Agad kong binuksan ang pinto. Nakarinig naman ako ng tawa. Arghs! Napaghahalata ka na Riel! Pakipigilan naman minsan!

Nakita ko na lang na lumabas siya at binuksan din sa kabilang pinto ang back seat. Agad niyang kinuha ang bag ko na naglalaman ng aking mga damit at iba pang gamit.

“Red?” Patanong na tawag ko sa kanya, para malaman kung bakit niya kinuha yun. Hawak ko rin kasi yung bag sa isang strap nito.

“Ako na.” Aniya na may ngiti sa labi.

“Ha? Paano ang mga gamit mo? Mabigat pa naman yang bag ko.” Naitanong ko na lang.

“Wala na.” Saad niya habang kinukuha na sa kamay ko yung kabilang strap. Agad ko naman itong nabitawan nang maramdaman ang balat niya. “Nandoon na sa compartment ng bus.” Dagdag niya.

“Huh? Paano, e magkasama tayo?” Naguguluhan kong tanong. “Ah! Natutulog pa siguro ako nung dinala mo dun no?” Sagot ko sa sarili kong tanong.

Napangiti naman siya sa nasabi ko. “Hindi. Kanina pang umaga, bago kita sunduin sainyo.” Tugon niya sa akin.

Napakamot naman ako sa hiya sa sinabi niya. As in nag-abala pa talaga siyang sunduin ako e no? Pa-impress? Bigyan ng jacket!

Kinuha ko agad yung bag na naglalaman nung mga inihanda kong tanghalian para sa aking piling kaibigan, baka kasi kunin niya ulit, edi wala na akong bitbit. Mga gamit ko kaya yun. Kahiya masyado. Di pa nga kami, inaalila ko na!

“Ako na nito. Masyado nang nakakahiya sayo. Sinundo mo na nga ako, ikaw pa magdadala ng mga gamit ko.” Saad ko nang tumingin siya sa akin dahil sa pagkuha ko ng bag na ngayo’y hawak ko na.

Napatango na rin lang ito.

Agad kaming nagtungo sa bus na nakatoka sa aming section. Kahit hindi ko na kasi itanong sa kanya, e alam ko na naman dahil sa mga kaklase ko na nagkakagulo sa pagpasok.

“Saan pala ako uupo? Anong seat number ba?” Tanong ko.

Napabaling siya sa akin, ngumiti siya. “Katabi ko.”

“ANO?!” Hindi ko napigilang pag-sigaw. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng lahat.

Ako? Parang nalulusaw sa hiya. Hindi na naman lingid sa kaalaman nila ang nangyayari sa amin ni Red. Pero, kahit na! Awkward pa rin. Andyan na kasi ang pang-aasar nila.

“The late Jared Isaiah Ariola and Gabriel Dela Rama have arrived!” Sigaw ni Ate Xynthia.

Arghs!

Nagsihiyawan na lang yung mga kaklase ko. Pati nga yung nasa loob na ng bus ay pilit na ring lumabas para makiusyuso.

Humarap sa akin si Red na malawak ang ngiti. “Tara na! Inaantay na nila tayo!” At agad na tumakbo patungo sa bus namin.

Napakamot naman ako sa ulo. Si Ate Xynth naman! Para naman kaming patay dun sa sinabi niya! Arghs! Yun na nga lang ang iisipin ko! Kesa naman maghuramentado ako dito dahil makakatabi ko pa siya sa upuan.

Nang makapasok ako sa bus, agad akong nagtungo doon sa upuan na nakatoka sa amin ni Red. Nag-init ang aking pisngi sa isiping, magkakatabi na naman kami. Dun nga sa kotse, pinipigilan ko lang, ngayon pa kayang magkakatabi kami nang napakatagal dahil sa byaheng mangyayari ngayon.

Nakatayo pa siya doon sa upuan kung saan kami uupong dalawa. Alam niya sigurong, mas gusto kong nasa may bintana ako. Kaya, hindi pa siya umuupo.

Nahagip ng mata ko ang nakatitig na si Eli. Katabi niya ang kapatid na si Eri, na may kung anong hinahalungkat sa kanyang bag.

Literal na napatigil ako sa paglalakad nang magkasalubong ang aming mga mata. Nakikita ko sa kanya ang lungkot at pagtatampo. Sana nga pagtatampo lang e. Yun ang gusto kong isipin na nararamdaman niya sa akin. Napatid lamang ang aming pagtititigan ng magsalita si Eri.

“Good morning, Riel! Ano yang dala mo?” Aniya sabay nguso sa dala kong bag.

“Ah… e.” Nataranta kong sagot. “L-Lunch natin para mamaya.” Dagdag ko. Napayuko na lang ako.

“Talaga?!” Masaya niyang tanong. Napatango na lang ako. “Nako! Siguradong masarap yan! Sabi nga ni Eli— Hmmm… Hmmm…” Naiangat ko tuloy ang aking ulo dahil sa hindi ko maintindihan na salita ni Eri. Nakatakip na pala ang isang kamay ni Eli sa kanyang bibig kaya hindi niya natapos ang kanyang sinasabi.

Inawat niya ang kapatid sa pamamagitan ng pagtapik nito sa braso. “Ano ba, Eli! Kailan ka ba titigil sa shuishuishuishuishu.” Hindi ko na narinig yung kasunod. Ibinulong niya na lang kasi ito sa kapatid.

Tiningnan lamang siya ng masama ni Eli at bumaling ulit sa akin. “Anong ulam, Riel?” Nakangiti niyang tanong habang nakapeace sign.

“Ah… e… Adobong Manok tsaka Kare-Kare.” Tugon ko sa kanya.

“Wow! Kare-Kare? Paborito ko yun.” Napahawak na lang ako sa aking dibdib sa gulat nang bigla na lang nagsalita sa tabi ko si Red. Argh! Kanina pa ba siya diyan?

“Paborito rin ni Eli yung Adobong Manok!” Biglang singit ni Eri. Nakita kong nagkatitigan ang magkapatid na may kung anong pinaguusapan.

“Tara, Riel. Dun na tayo sa upuan natin?” Napalingon na lang ako kay Red at tumango.

Gustong-gusto ko mang makausap si Eli, ay hindi ko magawa. Mailap pa rin siya. I know na tampo na lang ang meron siya sa akin. Nakikita ko yun sa mga mata niya. Hindi naman ata ganun ka lalim ang sugat di ba? Hayst! Ewan! Isang buwan palang nga kaming bati, tapos ngayon, magkaaway na naman kami.

“Sorry!” Paghingi ko ng paumanhin kay Red dahil sa pagkakabunggo ko sa kanya.

“Ang lalim na naman ng iniisip mo. Si Eli, right? Trust me, magiging maayos din ang lahat.” Aniya.

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Agad na rin akong umupo sa upuan na malapit sa may bintana. Hindi ko naman kasi maisa-walang bahala ang nangyayari sa pagitan namin ni Eli. I want him back… pero, as a friend. Magkapatid pa naman kami sa Immersion.

Hayst! Ano na ang gagawin ko?!

-----

Eli’s POV

Napasandal at pumikit na lang ako sa head rest ng inuupuan ko nang makaalis si Riel sa harap ko.

“Kainis ka Eli, alam mo ba yun? Nakikita mo ba yung lungkot sa mga mata ni Riel, kapag nakikita ka niya? Oo, binusted ka niya. Pero para sayo naman yun!” Dada ng katabi ko.

“Kailan mo ba siya kakausapin?” Hindi ko siya sinagot.

“Ewan ko sayo! Si Josh, sabi mo gusto ka niya. At least siya, ikaw yung gusto. Kapag nahulog siya, sayong-sayo lang ang puso niya. E, si Riel. Wala na, di mo na makukuha yun kasi na kay Red na!” Huli niyang saad.

God knows how much I really wanted to talk to Riel. Miss ko na siya. Pero ito ang dapat. Kailangan kong kalimutan muna ang nararamdaman ko sa kanya. 3 days pa lang. Hindi naman siguro masamang mag-inarte muna ako di ba?

Sinabi na rin sa akin ni Josh na mabuti nang sinabi kaagad sa akin ni Riel ang totoo, kaysa naman mas matagal niya akong paasahin. Argh! Hindi niya naman talaga kasalanan e. Ako yung nagpumilit na gustuhin siya, kahit alam ko na si Red naman talaga ang gusto niya. Nagbaka sakali lang naman ako e. Dapat nga hindi na ako nasaktan. Pero bullshit! Nasaktan pa rin ako.

Kailan ko kaya matututunang mahalin si Josh? Gusto ko siya, pero hindi pa ganun kalalim tulad ng pagkagusto ko kay Riel.

Argh! Move on na nga! Paano mo magugustuhan si Josh kung iniisip mo pa rin ang feelings mo kay Riel!

-----

Josh’s POV

Hindi pa rin ako makaget-over doon sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Riley. My best friend is in love with me? Dahil ba sa pumayat na ako? Lagi niya nga akong inaasar noon tapos mai-in love siya sa akin? Argh! Hindi ko na alam ang iisipin ko!

Nadisappoint pa ako ngayon dahil hindi ko makakatabi si Eli! Argh! Buti pa si Riel! Katabi niya si Red! Paano kaya nangyari yun?

Pwede ba na kami na lang ang tabi ni Eli? (*.*) Text ko kay Eri.

Agad naman itong nagreply. Sorry, Josh! This is Mom’s fault. Kaya, hindi kita mapagbibigyan. May kurot ako sa singit kapag tumabi ako sa iba. Gusto ko nga si Brett katabi ko e! Psh! Ba’t kasi lumipat pa yung panget na yun!

Hopeless! Hindi ko na siya nagawang replyan. Panay ang buntong-hininga ko sa kinauupuan ko.

Nagulat na lang ako sa taong umupo sa katabi kong upuan.

“Ba’t ka andito?! Bulalas ko. Nagkibit-balikat naman siya. “Di ba B Section ka, dapat dun ka sa Bus B.  

“Bakit? Ayaw mo bang makatabi ang best friend mo?” Ngiti niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin. Argh! Dahil sa presensya niya, naalala ko tuloy nang lalo yung nangyari kagabi!

“Paano yung girlfriend mong malandi?” Ngiwi ko. Baka sabunutan pa ako nun no! Hindi kasi kami good vibes nung bruhang yun. Kala mo naman maganda, e, mukhang palaka naman.

“Wala na kami nun. Last month pa, alam niya kaya na gusto kita, este mahal kita.” Diretsahan niyang sagot.

Natigilan naman ako. “Wait! Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kagabi?!” Mabilis kong tanong sa kanya! Argh talaga! May gusto na akong iba no!

“Yup! And I’m here para bakuran ka.” Seryosong saad niya.

Proud na proud? Bakuran? I’m not a pig anymore! Putek! Nakuha ko pang patawanin ang sarili ko sa sitwasyong ito!

“E hindi naman tayo, bakit mo ako babakuran? Tsaka paano naman ako maniniwala na may gusto ka sa akin e, kung laitin at pagtawanan mo nga ako noon, wagas! Grabe, as in! Mabuti na lang pinagtatangol mo ako sa mga nambubully sa akin. Ikaw lang ang bully na hindi ko iniyakan no!” Walang preno ko pa ring saad sa kanya.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang halikan niya ako. Naitulak ko siya ng marahan. Fuck! My first kiss! My first kiss! First kiss na dapat kay Eli ko makuha! Arghs! Nasira ko na ang pangako ko sa kanya na ako’y sa kanya lang!

Putek! Bakit ganito ang nararamdaman ko sa halik ni Riley? Heart! ‘Wag ganyan! You can’t love two guys at the same time! Mababaliw ako promise!

“Now, sapat na ba yun, para maniwala ka na gusto nga talaga kita?” Aniya.

“Hindi! Kahit sino pwedeng manghalik kahit walang feelings. At tsaka—.”

Naulit na naman ang paghalik niya. Naitulak ko siyang muli! Oo na ramdam ko na! Hindi na nga ako magsasalita e! Lumipad ang ibon gamit ang Fuck! Fuck! Kainis! First and second kiss ko ay siya!

Nagpalinga-linga ako sa mga nakasakay sa bus. Buti na lang at busy ang mga kaklase ko. Kainis! Hindi pa alam ng lahat na ganito ako no! Kainis! Ang hirap pa naman magtago!

“Now, tell me—.” Hindi ko na siya pinatapos.

“Oo na! Ramdam ko na! Pero Best! May gusto na akong iba. Alam mo na yun di ba? Alam mo bang first and second kiss ko yun?” Ngiwi ko. “Gusto ko sanang kay Eli ko yun makuha e! Kainis ka!” Nakita ko naman yung pag-iwas niya ng tingin.

“Class! It’s 8 AM already. Kaya aalis na tayo. Kung may kailangan kayo just tell me, okay?” Biglang sigaw ni Mr. Buenafe.

“Opo!” Sabay-sabay na saad ng mga kasama ko sa bus.

Argh! Of all the people! Bakit ang best friend ko pa ang magkakagusto sa akin! Eli! Please save me!

-----

Riley’s POV

God dammit! Gagawin ko lahat para makuha lang ang best friend ko. I don’t care if they’ve seen me kissing him! 1 year and 5 months akong nagtiis kay Mia para lang malaman kung infatuation lang ba ang meron ako sa best friend ko. Pero, here I am, pursuing what I have neglected for the past 1 year and 5 months.

Mahal ko ang best friend ko. Pero hindi ko na hahayaang ma-friendzoned lang ako. Ano naman kung mayroon na siyang gustong iba? Gusto pa lang naman e.

Oo, inaasar ko siya noon, pero yun nga talaga ang way ng pagpapakita ng pagmamahal sa minamahal mo. The fact that, you’re both guys. Aasarin mo siya, pero hindi mo naman kayang makita siyang nasasaktan o umiiyak.

Mamahalin pa kaya siya nung Elijah Martinez na yun kung malaman niyang ako yung first and second kiss ni Josh? Andito na naman ako e. Handa ko siyang saluhin, kahit ilang beses pa siyang mahulog. Hinding-hindi siya masasaktan.

-----

Brett’s POV

Napailing na lang ako nang makita ko sa listahan ang pangalan nila Red at Riel sa magkatabing upuan. Ang bilis atang maniguro ni insan ah? Balita ko binusted na ni Riel si Eli. So, ano pa ang ikinababahala niya?

Hindi na ako magtataka kung ganun din ang kalabasan nung sa amin ni Iris. Mas mabilis kaya siya kesa kay Red.

Nang hanapin ko ang pangalan ko, ay hindi nga ako nagkamali. Well, wala naman akong sinasabing ayoko e. Asawa ko kaya ang makakatabi ko!

“Wag ka nang tumingin diyan! Alam ko na kung saan tayo uupo!” Saad niya sabay hila sa akin papuntang bus.

Nang makapasok kami sa bus at nakaupo, ay hindi ko napansin na katabi pala namin ang mga Martinez sa kabilang side. Plano rin kaya ito ni Iris?

Kailan kaya siya matitigil sa pag-iisip na wala na akong ibang mamahalin pa, kung hindi siya? She transferred because she’s threatened by Eri’s presence. Yun lang naman ang dahilan niya.

Ayoko na ngang pahabain pa ang istorya, ipinangako ko sa kanya, na ako’y sa kanya lang. Kahit pa hating-hati na sa dalawa ang puso ko.

-----

Iris’ POV

Ang dami kong tawa nung nakita ko ang epic fail na reaction ni Ericka, nung makita niya kaming umupo sa tabi nilang upuan ni Brett. She lost! Indeed! Kasi ako ang katabi ng ASAWA ko! Tsaka okay na akong magkasama sila ni Brett sa host family pagdating sa Palawan. I don’t care anymore! Magkapatid sila e! Hahahahahahahahaha! Dami ko talagang tawa! Promise! Mga nine! Haha!

“Hubby! Ito oh! Say ah!” Malambing kong tuon ng pansin kay Brett. May hawak din ako na French fries para isubo sa kanya.

Nakita kong tumingin ang bruha kaya, itinodo ko na ang pagkasweet sa asawa ko.

“Ang sweet naman ng Wifey ko!” Aniya sabay kagat doon sa French fries.

Nakita ko lang ang inis sa mukha nung Fiona na yun! In ogre form ha? Kung hindi niya lang ako sinubukan noon sa date namin ni Brett, malamang sa malamang, malaya sana siyang lumalandi ngayon.

But! My presence here, makes it clear na loser siya! Isang malaking loser! Hahahaha!

Masyado na ata akong evil dito. Mabait ako no! Ayoko lang ng may nagpapapansin sa ASAWA ko! I, thank you!

-----

Riel’s POV

Gaya noong napag-usapan sa assembly kahapon, pagdating daw namin sa Manila ay babyahe kami via airplane. Naibook na nila yung flight noong lunes kaya okay na ang lahat. Okay na rin daw kasi ang panahon. Mas mapapabilis pa ang aming pagbyahe.

Umalis kami ng school eksaktong 8 AM, kaya most probably, darating kami sa Manila by 7 PM. Bukas na rin lang daw kasi ang lipad namin patungong Palawan. Magkakaroon muna kami ng Briefing tungkol sa mangyayaring Field Trip at Immersion.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Katabi ko si Red, pero heto siya’t tulog sa balikat ko. Nakiusap kasi siya na kung pwede daw ba siyang sumandal dahil matutulog siya. Ako pa ba ang tatanggi sa grasya? Haha!

Halos tatlong oras na kaming nagbabyahe, at ganun pa rin ang posisyon niya sa balikat ko. Nakakadrool naman talagang tingnan ang mukha ng isang ito. Hindi nakakasawa. Arghs! Pinipigilan ko lang kaya ang sarili ko sa mga pwede kong gawin.

Pero! Nasa public kaya kami. Kaya yun. Tiis tiis din muna ako. Not until, official na maging kami. Umaasa talaga ako na gawin niya yung sign na gusto ko.

Naisip ko nga na hindi naman ako babae para gawan niya nun, pero hindi naman imposible di ba? Maraming pwedeng maisip na paraan ang isang taong nagmamahal, na gawin para lang sa minamahal niya.

Nasa isang tenga ko yung isang earplug ng aking iPod, at nasa kanya naman yung isa. Bago siya natulog ay walang paalam niya yung ginawa. Ewan ko ba dito sa taong to. Pero hindi naman ako umangal e. Haha!

Tumigil ang bus namin sa isang bus stop kung saan mayroong makakainan. Sumigaw si Mr. Buenafe na kung sino man daw ang gustong magbanyo at kumain ay maaaring bumaba.

Hindi naman ako naiihi e. Medyo gutom, pero okay lang, kaya ko pa naman. Ayoko kasing istorbohin tong nakahiga sa balikat ko e. Pasasalamat ko na rin to sa kanya dahil sinundo niya ako kanina.

“Riel!” Tawag sa akin ni Brett.

Natigilan siya sa posisyon namin ng pinsan niya. Inilagay ko ang aking hintuturo sa aking bibig para sabihin sa kanyang ‘wag masyadong malakas ang pagsasalita niya, sabay turo sa tulog na pinsan niya.

Marahan siyang tumango. “Di ka ba nagugutom? Or magbabanyo? Teka gigisingin ko.” Mahina niyang sambit. Nasa likod niya na pala si Iris. Agad naman nitong ipinulupot ang kamay sa braso ng fiancé.

Umiling ako. “Pwedeng magpabili na lang ako? Ayoko pa kasing gisingin si Red, e. Siguradong puyat to kaya tulog ngayon.” Mahina kong tugon sa kanya.

Marahan naman siyang tumango. “Sige, ako na ang bahala.” Huli niyang tugon sa akin saka nila ako tinalikuran.

Wala akong ginawa kung hindi tingnan lang ang natutulog na si Red. Alam niyo yung feeling na kahit wala namang ginagawa ang isang tao, napapasaya ka nito? Ganun ang nangyayari sa akin ngayon.

Para na nga akong baliw kakangiti dito e. Buti na lamang at wala naman pa namang pumupuna sa akin dito.

“Baka matunaw.” Parang nanunuya nitong saad.

Napaangat ako ng tingin sa nagsalitang si Josh. Hindi man lang naalis ang ngiti sa aking mga labi. Napangiwi naman ito.

“Parang baliw lang? Haha!” Bulalas niya.

“Shhhhhh!” Saway ko sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Ba’t ka andito? Di ka ba bumaba?” Tanong ko sa kanya.

“Bumaba. Ayoko lang kasing kasama si Riley! Napakaclingy! Kainis!” Nakakunot niyang tugon sa akin.

“Riley? Yung best friend mo? Aba! Kahit nasa kabilang bus e, alagang-alaga ka ah! Uyyy! Kung wala lang yung girlfriend, masasabi kong may gusto yun sa’yo!” Panunuya ko sa kanya.

“Wala ka ngang alam! Palibhasa, masaya ka ngayon sa sitwasyon mo!” Aniya na parang nagtatampo.

“Bakit?” Agad kong tanong sa kanya. Nag-iinarte? Ah! Hindi kasi katabi si Eli. Tsk. Tsk.

“Yun nga. Riley’s here with us. Sa bus na ito.” Saad niya sabay muwestra sa kabuuan ng bus na sinasakyan namin.

“Ano?!” Tanong ko ulit. Napalakas ata ang sigaw ko. Kaya ito at gising na ang prinsipe ko. Arghs!

“Anong nangyayari?” Tanong niya habang kinukusot ang mga mata.

“Ah… e… Wala naman, Red. Sorry kung nagising kita ha?” Paliwanag ko. Humarap ako kay Josh at sinenyasan na magtextan na lang kami. Tumango naman ito at agad na umalis.

“Gusto mong kumain?” Nakangiti kong tanong sa kanya.

“Huh? Bakit? Nasaan na ba tayo?” Palinga-linga niyang tanong. “Nakatigil pala tayo?” Dagdag pa niya.

Marahan lang akong tumango. “Yup. Bus stop. Rest room break tsaka kung may gustong kumain. Nagugutom ka ba? Nasa baba sila Brett.”

“Sige, Tara!” Agad siyang tumayo tsaka hinawakan ang isa kong kamay.

“Teka! Dalhin ko na kaya yung mga niluto ko. Tutal, 11 AM na rin naman.” Natigilan naman siya at napangiti.

“Mabuti pa nga.” Masaya niyang sambit.

Pagkababa ay tinext ko isa-isa lahat ng mga naihanda ko ng pananghalian. Agad naman silang nagsipunta sa sinabi ko sa kanilang lilim ng puno. Mabuti na lang din at napagdesisyunan na rin ni Mr. Buenafe na maglunch na raw kami.

Unang nakarating ang magkapatid na Martinez. Nakita kong pilit na hinihila ni Eri ang kapatid na nakakunot ang noo. Hayst! Magiging awkward ata to para saaming dalawa.

Agad namang sumunod si Josh na nakabuntot sa kanya ang best friend. Ano kayang nangyayari sa dalawang to. Buti na lang tiga Section D yung girlfriend ni Riley. Baka pagselosan pa tong si Josh e.

“Hindi ka naman invited e! Ba’t ka ba andito?!” Narinig kong sigaw ni Josh sa kaibigan. Nakuha niya ang atensyon ni Eli.

“Di ba sinabi ko na sa’yo, babakuran kita.” Saad ni Riley na nakatingin sa direksyon ni Eli.

Ano raw?! Babakuran si Josh?

Nang makalapit si Josh sa akin, pabulong ko siyang kinausap.

“Marami kang ipapaliwanag sa akin.” Sabi ko.

“You bet!” Naiinis niyang tugon. Tumabi na rin kasi sa kanya si Riley.

“Josh!” Tawag sa kanya ni Eli. Sabay pagpag sa tabi niyang inuupuan.

Napatingin sa akin si Josh na nagniningning ang mga mata. Agad itong tumayo. Pero hinawakan ni Riley ang kamay niya.

“Ano?!” Naiinis na tanong ni Josh sa kaibigan. “Hindi tayo, kaya wag kang ganyan, okay?” Medyo napalakas na saad ni Josh. Unti-unti namang binitawan ni Riley ang kamay ni Josh.

Naguilty ako bigla sa ginawa ni Josh sa best friend niya. Ano ba kasing nangyayari sa dalawang to?

Nakita ko na lang na nakaupo na siya sa tabi ni Eli. Parang wala lang nangyari.

Natahimik kaming lahat.

“Anyayare ditey?” Nakuha ng atensyon namin ang sabay-sabay na dumating na sina Brett, Iris, Ate Xynth at Yuki. “Prayer meeting, ganern?” Dagdag ni Yuki. “Asan na ang pagkain at kami’y gutom na!” Walang hiya niyang sambit.

“Riel, anong nangyari dito?” Tanong ni Brett. “Ba’t ang tahimik niyo ata?” Dagdag niya pa.

Agad na tumayo si Riley at mabilis na nagwalk-out. Napabaling ako kay Josh, at pinandilatan siya.

“Hayaan niyo siya! Ang kulit kasi e.” Tugon niya sa akin.

Ibinigay ko na lang sa kanila yung inihanda kong pagkain. Masaya sila dahil libre raw yung lunch nila.

“Hmm! Amoy pa lang masarap na! The best ka talagang magluto Riel!” Pagpupuri ni Yuki. Siya lang naman yung madaldal dito e. “Anyare pala kay Riley? Wala rin siya dun sa bus namin. Kala ko nga hindi kasama e.” Sabay subo. “Wow! Ang sarap!” Sunud-sunod niyang sambit.

Talent niya po ang magsalita kahit may laman ang bibig niya. Buong-buo pa rin ang mga salita

Nagkibit-balikat na lang ako.

Napuno ng papuri ang pagkain namin ng tanghalian. Lahat sila nagkasundo na kapag may party daw e, ako na lang ang magluluto para sa barkada. Okay lang naman sa akin. Basta ba, wala akong trabaho. After kasi ng School Fest, maghahanap na talaga ako ng trabaho. Promise!

Di ko pa mapagkasya sa kakarampot kong oras ang maghanap. Masyado akong kailangan sa paghahanda ng School Fest. Sana nga makakuha ako nung 5 hours na trabaho lang. para may oras pa ako para mag-aral sa gabi.

Okaya nama’y kapag okay ang kita ko sa pauupahan kong kwarto, di ko na poproblemahin pa ang pagtatrabaho. Di ko pa kasi nalilinis yung mga kwartong hindi na ngayon ginagamit. Andun pa naman yung ibang gamit ni Ate at tsaka nina Mama at Papa.

Nakarating kami sa Manila, sa oras na aking inaasahan. Alas nuwebe na at nakakain na rin kami ng aming hapunan. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang conference hall dito sa hotel kung saan kami magpapalipas ng gabi.

Nakikinig lamang kami sa nagsasalitang Program Coordinator ng mangyayaring Immersion, Nalaman namin na tatlong araw lang ang Immersion at ang natitirang dalawang araw ay ang siyang magiging schedule para sa aming Field Trip doon sa Palawan.

Ang Immersion ay paraan daw para maranasan namin ang buhay ng mga taong ang tanging mapagkukunan ng hanap buhay ay ang karagatan na nakapalibot doon.

Ang mga nag-aaral kasi sa school ay mararangya, yung may mga negosyo, mayayaman na dati pa at ang mga katulad nito. Private school ito, pero hindi naman exclusive sa lahat ng may kaya lang. Ang mga scholars doon ay mostly, Scholarship Grant o kaya nama’y mayroong Beneficiary na tulad ko.

Maswerte ako’t yung kompanya na pinagtrabahuhan nina Mama at Papa ay nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral doon. Na kahit nga wala na sila’y scholar pa rin ako dahil sa maganda kong grades.

Pagkatapos noong briefing ay pinapunta na kami ni Mr. Buenafe sa kanya-kanya naming kwarto. Dormitory type na kwarto ang ibinigay sa amin, bawat kwarto’y merong  labing-limang double deck. Nasa iisang kwarto lamang bawat section.

Okay lang naman daw, kasi equipped naman ang kwarto ng CCTV’s. Kaya kahit magkakasama pa ang mga babae’t lalaki ay okay na din.

“Good night, Riel.” Natigil ako sa pag-aayos ng aking gamit dahil sa pagbati niya.

“Good night din, Red.” Tugon ko sa kanya.

Huli kong narinig ang ‘good night’ noong buhay ang Ate. Hindi talaga ako nagkamaling patawarin siya. Kahit papaano’y, hindi ko magawang mangulila sa pamilya kong kasama na ngayon ng Panginoon sa langit.

7 AM ang flight kaya gumising kami ng 4 AM para maghanda. Nag-almusal na rin kami. Eksaktong 5 AM ay pumunta na kami sa Airport.

Mabilis ang naging byahe. Kinailangan rin naming magbangka para makapunta sa isla kung saan naroroon ang community na aming titirhan para sa Immersion. Mabuti na lamang at nasabihan na ang community sa aming pagdating. Kaya sila-sila na rin ang sumundo sa samin.

Nakangiting mga tao ang sumalubong saamin sa lugar na iyon. Marami-rami na rin ang mga taong nakatira sa islang ito, at makikita mo sa lugar na sa dagat lamang talaga sila umaasa ng ikinabubuhay.

Isa-isa kaming pinapunta sa nakaatas sa amin na pamilya. Magkakasama na ngayon ang bawat magkakagrupo para maideploy sa host families.

Awkward nga sa parte ko kasi, kahit magkasama kami ni Eli ngayon, e, hindi naman kami nagpapansinan.

Nakarating kami sa bahay na medyo hindi kalakihan. Nakaabang na rin sa labas ang mga nakatira rito. Yung mag-asawa at mayroon silang apat na anak. Halatang magkakalapit ang edad ng mga ito.

“Dito po ba ang bahay nila Mr. and Mrs. Aquino?” Tanong ni Mr. Buenafe sa mag-anak. Nakangiting tumango lamang ang mag-asawa. “Para sa grupo nina Mr. Martinez at Mr. Dela Rama.” Napatingin kaming anim sa kanya, na ngayo’y nakatingin sa listahan.

“Po?” Tanong ko.

“Sila ang magiging host family ninyo sa susunod na tatlong araw.” Tumango naman kaming anim sa sinabi ni Mr. Buenafe.

“O pano? Alis na kami, kailangan ko pang I deploy itong dalawang group. Alam niyo na ang gagawin. We’ll announce kung may pagtitipon. Mr. Martinez and Mr. Dela Rama, kayo ang pinuno sa group na ito.” Huli niyang saad sabay tungo sa sunod na pamilya.

“Magandang umaga po! Kumusta po kayo?” Agad kaming napatingin sa nagsalita.

Abot tenga ang ngiti ng bata na nakaharap sa amin ngayon.

“Naku! Pagpasensyahan niyo na ‘tong si Kikay. Ngayon lang kasi ulit nakakita ng mga turista.” Pagpapaumanhin ni Mrs. Aquino.

“Walang anuman ho, Nay. Andito po kami para maging kapamilya sainyo.” Nakangiting saad ni Eli kay Mrs. Aquino.

Napangiti naman ito sa ginawa ni Eli.

“Tara na sa loob ng makapag-almusal kayo, at nang magkakila-kilala na tayo.” Pag-alok naman sa amin ni Mr. Aquino.

Hindi ko malaman ang saya na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maiwasang maluha sa kasiyahan. Kahit tatlong araw lang ang ilalagi namin dito, at least, magkakaroon ulit ako ng mga magulang at mga kapatid.

Nagkwentuhan kami sa harap ng hapag-kainan. Hindi na naman kami kumain pa dahil, nakapag-almusal na kami sa hotel kanina. Sa katunayan ay may dinala pa nga kami para sa kanila.

Masaya ang naging pagpapakilala. Napagkasunduan na dahil sa magiging pamilya kami sa tatlong araw, mabuti raw na tawagin na namin silang Tatay at Nanay. Nagpakilala na rin sa amin yung kanilang apat na anak.

Si Rea ang panganay, nasa sampung taong gulang na siya. Sunod naman sa kanya ay si Greg na walong taong gulang, at ang kambal na sina Francis at Frances na ngayo’y limang taong gulang na. Ang itawag na lang daw namin sa kambal ay Kiko at Kikay.

“Ikaw, Riel. Kumusta naman ang iyong pamilya?” Biglang tanong sa akin nila Tatay Fred. Nagshare kasi ng kanya-kanyang buhay ang mga kasama ko sa grupo. Tiyempo pa talagang ako ang nahuli.

“Ah… e…” Napatingin ako sa mga kagrupo ko. Alam na naman nila ang kwento ng buhay ko e. Pero, deserve din ng pamilyang ito na malaman ang sitwasyon ko ngayon. “Mag-isa na lang po ako ngayon sa buhay.” Pagsisimula ko.

“Ikinalulungkot kong marinig yan, Riel. Pasensiya ka na kung naitanong namin.” Saad ni Nanay Mel sa akin.

“Ah… e… Okay lang naman po. ‘Wag po kayong mag-alala.” Tumingin ako kay Eli at nakita ko sa kanya ang pagkaawa, ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin.

“Maaari ba naming malaman? Pero kung tatanggi ka’y, wala namang problema sa amin.” Bumalik ang atensyon ko sa kanila. Nagkatinginan ang mag-asawa.

“Uhm… Okay lang po sa akin… Namatay po sa aksidente ang mga magulang ko 2 years ago nang sila’y bumyahe para sa company outing nila. Tapos po yung kapatid ko, noong isang buwan lamang po, sa aksidente rin, kasama po yung nobyo niya.” Pagbabahagi ko sa kanila.

Masakit alalahanin ang mga pangyayari na may kinalaman sa buhay ko, lalo na’t masasakit iyon. Pero, sabi ko nga, kakayanin ko. I don’t want to be weak in front of people. Kung maitatago, itatago ko na lang.

Lumapit sa kinauupuan ko ang mag-asawa at hinawakan nila tag-isa ang balikat ko. Sa ginawa nilang yun ay tuluyan nang pumatak ang mga luha na pinipigilan ko lang.

Matagal ko nang inaasam na mahawakan ulit nina Mama at Papa. Pero, sa kasawiang palad, hinding-hindi na iyon mangyayari pa. Kaya nga excited akong sumama sa Immersion na ito dahil, kahit sa konting panahon, magkakaroon ako ng mga magulang.

“Napakalungkot na malaman ang kalagayan mo, Riel. Ang hirap sigurong mabuhay mag-isa, pero heto ka at kinakaya ang lahat ng pagsubok na binigay sa’yo ng Panginoon.” Saad ni Nanay Mel.

Pinunas ko ang tumakas na luha sa pisngi ko. Ang mga kagrupo ko’y nakamasid lang sa amin. Hindi kami yung tipong laging magkakasama, pero maituturing ko naman silang kaibigan. They’re nice to me. Napa-angat ako ng tingin kay Nanay Mel at hinawakan ang kanyang kamay.

Napangiti siya sa ginawa ko ang ginang.

“Sa bawat pagsubok na ibinibigay ng Panginoon sa atin, ‘wag dapat tayong agad na susuko. May rason lahat ng bagay na nangyayari, at yun ay base sa kagustuhan Niya. Hindi naman tayo binibigyan ng pagsubok ng nasa taas kung hindi natin ito makakaya.” Ani Tatay Fred. Napatango na lang ako sa kanyang sinabi.

Napangiti ako sa kanilang mga payo. Ganito rin noon sa amin sila Mama at Papa. Kaya nga lumaki kaming positibo sa buhay ni Ate dahil sa mga pangaral nila. Naalala ko pa ngang sabi nila sa amin ni Ate:

Sa buhay, hindi lahat puro saya. Hindi lahat puro sarap. Hindi lahat ating makukuha ng hindi naghihirap. Palaging mayroong lungkot, pasakit at pagsasakripisyo.

“Andito kami ng Tatay Fred mo. Sa tatlong araw ng pamamalagi niyo dito, kami ang magiging magulang niyo, o kahit pa magpakailanman, kahit bumalik na kayo sainyo. Ituring niyo kaming Nanay at Tatay niyo, kahit kailan niyo gusto.” Masayang saad ni Nanay Mel saamin. Tuluyan nang nawala sa akin ang lungkot.

Kahit hindi kami magkadugo, taos puso nila kaming tinanggap bilang pamilya nila.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay inimwestra sa amin ang kwarto kung saan sila natutulog. Humingi rin sila ng pasensya kasi, yun lamang daw ang kanilang kwarto. Medyo may kalakihan din naman ito, pwede na naman siguro kaming magkasya doon.

Nasa parang second floor ang kwartong yun na ang ilalim ay mayroong mga alagang manok. Typical na bahay ng mga ordinaryong pamilya sa probinsya noon.

Sa tingin ko naman ay magkakasya kaming labing-dalawa doon. Kung hindi nama’y may dala naman daw tent si Matthew, kasya naman daw doon ang tatlo. Sa grupo namin ay mayroong tatlong lalaki at tatlong babae. Si Eli, si Matthew at Ako ang sa lalaki. Si Ate Xynth, Rina, at Zsarina naman ang mga babae.

Napagkasunduan na kung hindi magkasya, kaming tatlong lalaki ay sa tent matutulog. Mamaya pa namin malalaman. For the mean time, tanghalian muna ang aasikasuhin namin.

Naitanong namin kila Tatay Fred kung ano ba ang tipikal na ginagawa nila upang magkaroon ng makakain sa araw-araw. Sabi niya ay pangingisda o kaya nama’y pumupunta sila sa gubat upang mangaso. Minsan din, kapag naibibenta nila ang mga isda na kanilang nakuha ay pumupunta sila sa bayan para bumili ng ibang produkto.

The day went out just fine. Kami ang naghanda ng pananghalian namin ngayon sa unang araw namin sa pamilya Aquino. We’re very much welcome. Napuno ng saya ang hapag-kainan kanina.

Pagdating ng gabi, pumunta na lamang kami sa dalampasigan kung saan gaganapin ang salu-salo, kumbaga ay ang welcome party sa lahat. Pinagtulungan itong mangyari ng mga opisyal ng community, ng Program Coordinator ng Immersion, at school.


Josh’s POV

Napunta ang grupo namin nina Iris sa pamilya Morico. Noong una, akala ko, maselan sa lahat si Iris. It went out na, okay na okay pa sa kanya ang environment ngayon. Nalaman ko sa kanya na ipinatira siya ng mga magulang niya sa bahay ng pinakamatagal na nilang kasambahay. Kaya natuto siya sa mga gawaing bahay. Paghahanda na rin niya raw yun sa pag-aasawa.

Ako? Lumaki akong walang alam sa hirap ng buhay. Spoiled ako sa Lolo’t Lola ko. They’ve never let do house errands. Ever! Kaya yun, hindi ako marunong maghugas ng pinggan, magluto at kung anu-ano pang trabaho sa loob ng bahay. Buhay Prinsipe e.

Pero alam niyo yung feeling na gusto mong matuto? Nangyari na yun sa akin. Kaso nga lang, kapag naghuhugas ako ng pinggan, kung hindi basag ang plato o kaya nama’y baso, yun basag lahat. Sa pagluto naman, kung hindi sunog, o kaya’y hindi luto, wala namang lasa.

Hayst! Gusto kong matuto noon! Paano kung maging kami ni Eli? Ay hindi! Magiging kami pala! Gusto kong ipagluluto siya! At ako ang gagawa ng mga gawain sa bahay namin!

Teka! Buhay mag-asawa na yun ah! Haha! I’m such a dreamer! Wala namang masama uy! Dreams do come true!

Kasalukuyan kaming naririto sa dalampasigan dahil sa dito kami maghahapunan. Nasa mahabang mesa ang mga pagkain na aming pagsasalu-saluhan. Ang dami nga e! Pero! Easy easy lang ako sa pagkain, baka bumalik na naman ako sa tabachoy na Josiah!

Pagkatapos ng masayang kainan, ay inanyayahan ang lahat para sa maliit na programang inihanda ng aming Program Coordinator. Hindi nga namin inaasahan na magkakaroon ng ‘sample’ daw bawat section e.

Buti na lang may Gabriel Dela Rama kami sa aming section. Kaya siya ang itinulak ng aming section sa unahan. Yun, kumanta lamang siya. Effortless nga e. Hindi na naman kasi bago sa kanya ang kumanta sa harapan.

How I wish, kagaya ako ni Riel. High level ang confidence. Yung kilala sa school. Kilala naman ako dahil sa pagbibaseball ko, pero, hindi gaya ni Riel. Bukas na sa publiko ang pagkatao.

I have my insecurities. Kaya nga ako tumaba nang tumaba dahil sa pesteng insecurities na yan. Dinidepress ako lagi e.

Bumalik ako sa realidad nang magsipalakpakan ang mga nanonood. Nadala ata ako sa kanta ni Riel.

“Maraming salamat, Mr. Dela Rama! Siya nga po pala. Si Riel po ang Student Council President ng school namin, at narinig niyo naman ang kanyang boses di ba? Napakagaling na bata!” Saad ni Mrs. Almonte.

“Aba! Singer ulit ang pangsample ng B Section! Handa na po ba kayo sa susunod na kakanta?” Dagdag niya. Sumagot naman ng hiyawan ang lahat.

“Sige po. Sige! Heto na ang pambato ng B Section. Mr. Riley Chavez!” Nagulat na lang ako sa pangalang narinig.

Si Riley? Hindi naman siya dati-rati nagpapapilit sa mga ganito e. Sa katunayan, mahiyain yan! Basketball lang naman hilig niyan e. At least doon, kaya niyang magyabang!  

Unti-unting natahimik ang lahat dahil sa tunog ng isang gitara. Patuloy lang ang pagstrum niya sa hawak-hawak na gitara, habang patungo sa gitna. Panay rin ang masid niya sa dagat ng tao na para bang may kung sinong hinahanap.

Napagtanto ko na ako pala yun nang ngumiti siya sa pagkakasalubong nang aming mga mata.

Have you ever had that boy
That made you heart skip a beat?
Have you ever had that feeling
Where your words cannot speak?
Well I felt like that before
And I feel like that right now…

Kanta niya sa unang stanza. What as in what? Boy? Boy talaga ang nilagay niya! Tapos nakatingin pa siya sa akin! Shems! Lumaladlad na ba siya?

Hindi ko maiwasan na luminga-linga. Pinag-uusapan na siya ng mga kamag-aral ko. Oh my gulay! Isa pa naman siya sa mga heartrob ng Varsity ng Basketball sa school! And oh my gulay! Baka mabuko na rin ako! Kainis talaga tong best friend ko na to!

The way you walk you are
Getting in the way of my thoughts, my thoughts
Trying to be cool but I’m not, I’m not
And now I’m next to you, and I feel so…
Da da da da da da dumb (4x)

Sa akin lamang siya nakatingin. Mabuti na lang hindi naman halata nang mga nanonood na ako ang tinitingnan niya. Nakatanggap ako ng text mula kay Riel.

Ano ba talagang nangyayari sainyo ng best friend mo! Nagkakagulo na rito dahil sa ‘boy’ sa lyrics! Laman ng kanyang text.

Magpapaliwanag ako soon. ‘Relax ka muna ha? Please? Sagot ko sa kanya.

Tanging ‘Okay’ lang yung reply niya sa akin. Alam ko na si Riel lang ang makakaintindi sa akin ngayon. Patuloy pa rin sa pagkanta si Riley. Naiihi na ako sa kaba rito e!

It ain’t over, I’m gonna stay right by your side
Cuz it ain’t over
I’m gonna show you that you’re mine
Cuz the way you move and the thing you do
Got me out of my mind
I wanna be with you
What do I need to prove?
Cuz I’m running out of time…

Parang nakamighty bond lang yung titig niya sa akin. Pinipilit ko na ngang itago ang sarili ko e. Pero ayun pa rin siya’t sa akin pa rin nakatingin.

The way you walk you are
Getting in the way of my thoughts, my thoughts
Trying to be cool but I’m not, I’m not
And now I’m next to you, and I feel so…
Da da da da da da dumb (4x)

I’m getting closer, you’re getting further
You’re making it so hard for me to see
I keep on trying, you keep on fighting
You’re making it so hard for me to breathe

Doon na ako natulala. He’s really in love with me! Oh my gulay! Natatakot ako para sa kanya. The fact na, oo, mahal niya ako. Pero hindi ko alam kung matutumbasan ko ba yun.

In love na ako kay Eli. Pero… ginugulo niya pa ang puso ko!

The way you walk you are
Getting in the way of my thoughts, my thoughts
Trying to be cool but I’m not, I’m not
And now I’m next to you, and I feel so…

Da da da da da da dumb (8x)

I feel so, I feel so dumb (5x)

I’m getting closer, you’re getting further
You’re making it so hard for me to see
I keep on trying, you keep on fighting
You’re making it so hard for me to breathe…

Nagsipalakpakan ang lahat nang matapos niya ang kanta. Ako? Hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Nafifeel ko na may mangyayaring kung ano ngayon.

Ewan ko nga ba! Nakatingin pa rin siya sa akin. Argh! Natatae na ako sa sobrang kaba! Pwedeng magbanyo muna?

Tatayo na sana ako para nga magbanyo muna nang magsalita si Mrs. Almonte.

“Napakaganda ng boses mo Mr. Chavez! Bakit ngayon mo lang naishare sa lahat ang talent na ito? You’ve been in school for almost 6 years now, pero ngayon ka lang kumanta sa harap ng mga kaeskwela mo.” Napakamot lamang si Riley ng batok. “And, don’t get me wrong, ha? Open naman ang school sa issue na ‘to. But, who’s the ‘boy’?” Nakangiting tanong ni Mrs. Almonte.  

Literal na naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Please, Riley. ‘Wag na ‘wag kang magkakamali! Isusumpa talaga kita!

“Uhm… it’s been 2 years now since main-love ako sa kanya. Nagkagirlfriend nga ako para iiwas ang nararamdaman ko sa kanya. To know if that’s only infatuation.” Huminga siya ng malalim. Napa-‘oh’ naman ang mga tao. Hinayaan lamang siya ni Mrs. Almonte na magsalita.

“Pero heto ako ngayon, bigo, dahil siya talaga ang tinitibok ng puso ko. Wala na kami ng girlfriend ko. It may sound rude, kasi iniwan ko ang girlfriend ko for him. Ang girlfriend ko for 1 year and 5 months… para sa kanya.” Nagtagpo muli ang aming mga paningin.

Pilit akong umiiling para ipaabot sa kanya na ‘wag na niyang ipagpatuloy. Na maawa siya sa akin. Pero nakita ko sa kanyang mga mata na, hindi. Kasi andyan siya para harapin na ang mundo. Harapin ang lahat para sa akin.

Tahimik pa rin ang mga tao na nakikinig sa kanyang confession.

“Ganun naman talaga siguro di ba? Magagawa mong saktan ang iba, para masunod yung kung anong sinasabi ng puso mo. Oo, mananakit ka ng iba, pero gagawin mo yun para sumaya ka. At para hindi ganun ka lalim ang sakit na iiwan mo sa kanila.” Pagpapatuloy niya.

Ramdam ko siya. Argh! Naguguluhan na ako! Sana nga dalawa na lang ang puso ko. Pero hindi. Ang realidad ay iisa lang ito, at isa lang ang dapat nating mahalin.

Heart naman e. Please… ‘wag mo naman akong pahirapan ng ganito.


Eli’s POV

“Josiah Alarcon.” Sagot niya sa tanong ni Mrs. Almonte.

Nakita ko na lang na tumakbo palayo si Josh sa lugar kung saan kami nagtitipon ngayon. Nakita ko na lang na sumunod sa kanya si Riley nang makita niya itong umalis doon.

Hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon pero, heto ako’t tumatakbo rin patungo sa direksyon na tinatahak nilang dalawa.

“Josh! Josh, please… ako na lang.” Narinig ko na pakiusap sa kanya ni Riley.

Napatigil naman si Josh sa pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit, pero nagawa ko pang magtago nang humarap siya sa direksyon ni Riley.

“Ikaw na lang? Ikaw na lang, Riley? Hindi nadidiktahan ang puso. Alam mo yun!” Umiiyak siya. I am affected. Bakit? Am I falling again? Pero sa kanya na? I don’t want to see him crying.

“Pwede naman e. Natuturuan ang puso na magmahal ng iba.” Tugon sa kanya ni Riley.

“Oo, Riley. Tama ka doon! Pero natuturuan ang puso na magmahal ng iba kapag nasaktan na. Kapag merong nakasakit na diyan.” Mariing saad niya sa kaibigan sabay turo sa puso nito.

“Pero, hindi e. Wala pang nakakasakit dito sa puso ko. Kaya hinding hindi mo ito matuturuan. Ngayon pa na may laman na siya.” Dagdag niya.

Gusto niya nga ako. Pero bakit ganoon? Tatlong araw pa lang naman buhat noong magkakilala kami. Sabagay, ganoon din naman ako noong makita ko si Riel. Argh! Riel ka na naman!

“Kahit ang labas mo ay rebound lang?” Mahinahon na saad ni Riley.

Tumango si Josh. “Oo, Riley. Kahit rebound lang labas ko. Wala na akong magagawa roon. Tatanggapin ko na maging rebound lang ako, para makitang masaya siya. Kaya ko namang tumbasan yung pwedeng ipadama sa kanya ni Riel, kung naging sila e. Malay natin, kaya ko pa palang higitan.”

“How about the kiss, Josh? Alam ko na may naramdaman ka noon.” Ani Riley.

What? He kissed him? Josh promised me, na sakin lang siya. Argh! Bakit nagagalit ata ako!

Pinunas niya ang luha sa kanyang pisngi at taas noong tiningnan si Riley.

“Nafeel mo yung spark di ba? Pwede tayo, Josh. We’ll work this out. Gagawin ko lahat para mapasaya ka. Mamahalin mo rin ako. Pwedeng kahit hindi ka pa nasasaktan, ako na lang yung maging rebound mo? Tatanggapin ko rin yun, mahalin mo lang ako.” Pagmamakaawa ni Riley.

Tanging iling lang naisagot sa kanya ni Josh.

“Honestly, naguguluhan ako ngayon, alam mo yun? Pero, nangako ako e. Kahit sabihin pa natin na wala akong kasiguruhan sa pagmamahal ni Eli, umaasa pa rin ako. Kasi nangako ako sa kanya. Kanya na ako Riley. Yun yung pangako ko sa kanya.”

I think kailangan ko nang lumabas. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Nagsalita pa si Riley.

“Ano naman kung nangako ka. Promises are meant to be broken, Josh. You can always break that promise. First and second kiss mo ako di ba? Yun yung nagpagulo sa isip mo. Nagkaroon ako ng epekto sayo—.”

Medyo naiirita na ako sa paulit-ulit na sinasabi nito eh. Kaya pinutol ko na.

“Yes, promises are meant to be broken. Pero depende yun sa taong nangako. Ang tao, may dalawang uri lang naman yan. Yung mapagkakatiwalaan, at yung hindi.” Napatingin silang dalawa sa akin.

“Eli…” Namutawi sa bibig ni Josh.

Diretso lamang ang tingin ko sa lalaking kaharap niya ngayon. I want this bastard to learn a lesson.

“You know your best friend than me right? Sa tingin mo saan siya doon sa dalawa?” Nakita ko na lang na nag-iwas siya ng tingin.

“Ano naman kung first and second kiss ka niya? Ako naman yung magiging huli. Yun ang importante.” Nakita ko na lang ang saya sa mukha ni Josh. I don’t know why pero, gusto ko na kapag magkaharap kami, yung Josh na nagpatahan sa akin ang gusto kong nakikita. Yung nakangiti lang. Yun lang, sapat na.

“Hindi pa rin ako susuko. Matagal ko itong tinago. Ngayon na nasabi ko na, papanindigan ko hanggang sa huli. It’s not like, his feelings won’t change. One wrong move, and he’ll gonna be mine.” Asik ni Riley.

“Okay! Sana kasi, matagal mo nang sinabi sa kanya. Yan tuloy, nauna pa ako sa puso niya kesa sayo.” I just want to lighten up the ambiance here. Tama naman ako di ba? Hindi sana niya pinipilit si Josh ngayon kung sinabi niya matagal na.

“So… may the best man win?” Sabay abot ko sa kanya ng aking kamay. Kinuha niya naman ito at umalis na.

Naiwan kami ni Josh doon sa dalampasigan. Unti-unti na ring nagsisiuwian ang mga taong nanonood doon sa program kanina.

Inalok ko siya na maglakad-lakad muna, para huminahon siya. Wala pa rin siyang imik magmula kanina nang umalis si Riley. 10 PM na pero andito pa rin kami sa dalampasigan.

“Okay ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

Tanging tango lang ang naisagot niya sa akin. I won’t force him to talk. Alam ko na naguguluhan siya sa mga nangyayari. Maging ako. It’s just 3 days since Riel, dumped me. Yung sakit ramdam ko pa rin. Pero kapag andyan si Josh, nakakalimutan ko.

“Hayaan mo lang ang puso mo na alamin kung sino talaga ang mas matimbang. Matatanggap ko kung ano man ang magiging desisyon mo. I’m sure, Riley will do the same.” Napalingon siya sa akin na may ngiti.

“Thanks, Eli.” Saad niya.

“Para saan? Wala naman akong ginawa a.” Tugon ko.

“Basta.” At ngumiti na siya.

“At last! Kala ko hindi ko na makikita yang nakangiti mong mukha. Totoo yung sinabi ko kanina. Wala pa ako doon, pero nararamdaman ko na nagkakaroon ka na ng puwang sa puso ko. Riel is still there. I just need to accept that ‘we’ will never happen anymore.” Tanging tango na lang ang natatanggap ko sa kanya.

“Just let your heart choose, Josh. Just like what Riel did. Magkaibigan kayo. I know, maiintindihan mo yun.” Si Riel, talaga ang example ko. Argh! Tama naman kasi e. Puso ang pairalin. “Tara, baka mapagalitan na tayo e.”

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya nang makatayo ako. Tumingin siya sa akin. Tanging ngiti ang ibinalik ko sa kanya. He blushed and slowly gave his right hand to me.



Itutuloy…

14 comments:

  1. Hmmm mukhang meron na namang mangyayari ah. Ang swerte naman ni Riel at Josh dala-dalawa ang nag mamahal sa kanila. Woah! Excited for the next update.

    ReplyDelete
  2. GRABE NA to,umuulan ng mhahaba ang Bangs, kau na talaga Riel and Josh.ehehe. :)

    ReplyDelete
  3. Az (pala dun sa may bangs) ahha

    ReplyDelete
  4. Cute silang dalawa (Eli/Josh). Sana may lirato. Thanks for the update, sana madalas kasi po, atat kami at hayok sa updates (Baka ako lang) Hehehe. Anyway, God Bless.

    ReplyDelete
  5. Omg grabe sbra gnda ng chptr naito grbe wa me msbe tlga nxt chptr n agd

    ReplyDelete
  6. WALA NA po bang mag uupdate ng ilang stories??
    Nag aabang po ako ehh.. sorry po sa abala : )

    Sofouch

    ReplyDelete
  7. Ang daming POVs. Hehehehe.

    Ang gondo!

    -hardname-

    ReplyDelete
  8. maraming salamat. inggit lang hahaha

    bharu

    ReplyDelete
  9. after riel , si josh naman.. hehehe..
    hmm,, nu kaya yung sign na inaantay ni riel ? baka gusto niya ianounce ni red sa world na mahal niya si riel, o kaya haranahin ? o baka naman gusto ni riel na ipakilala nito sa parents niya ? haayy.. ewan ? basta excited na ko sa mga susunod na mangyayari :) B.T.W thanks sa update. :)) -yelsnA

    ReplyDelete
  10. Hindi po ako nagko-comment, nagbabasala lang ako lagi, pero ngayon magcomment po ako, kaso ang comment ko ay puna sa pagsusulat nyo mr. author.

    Change of plans imbis na ferry ay airplane nlang. ganun po ba kabilis magpabook ng flight? ako nagpapabook ng 16packs at inaabot ako ng 2 to 3 hrs. e gaano pa yung ganung karaming student. Sa dami ng student, posible na di sila makabyahe ng isang flight lang. Dahil may ibang pasahero di nmn. Unless matagal ng nakapagpabook ang skul.

    Naging mabilis ang byahe at hindi na nakikain dahil nagalmusal nmn sila. Ang byahe po kailangan 2 hrs bago ang flight andon na sa airport. Pagdating nmn sa kabilang airport, hindi rin naman ganon kabilis ang lumabas ng airport. Bibyahe pa para makasakay ng bangka.

    Alam ko po, baka medyo minamadali nyo ang pagsusulat. Diko nmn sinasabing di kayo nagreresearch sa mga bagay n ganyan. anyway, maliit na bagay lang namn. Saka kwento lang, kaso mas maganda kung medyo makatotohanan.
    Salamat sa pagbasa ng comment ko. Gerry

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for the pagpuna. Am so sorry kung ito yung kinalabasan. Sa totoo lang kasi ay rushed itong chapter na ito and hindi ko na nagawang makapagresearch. Anyways, okay lang naman sa akin. At least may nagcomment nang ganto. I really didn't got the chance to research about flight booking and the rest kasi, nasa work ako nung nagsulat. Gagawan ko na lang ng paraan and iedit ang chapter na ito for those who haven't read this.

      Thanks though! :)

      Delete
    2. Salamat sa pagbibigay ng oras sa aking comment. Alam nyo po, para sa akin, mas gumagaling ang isang writer kapag nakakatanggap ng pagpuna, para lalo nilang pinagbubuti ang pagsusulat. Lahat naman e dyan nagsisimula, at wala namang perpekto sa atin. Isa pa iba-iba din ang panlasa ng mga nagbabasa. Pero nagpapasalamat ako sa mga nagsusulat na gaya mo at meron kaming napaglilibangan. di lamang pagbabasa kundi nakakapulot ng aral. salamat.

      Gerry

      Delete
    3. Walang anuman. At least nalalaman ko yung mga mali ko. Thanks din! :)

      Delete
  11. Napapasigaw pa din akoPahiram nga po ng chainsaw.. Maputol yung mga buhok nila.. Masyadong mahaba.. Hahaha.. Kinikilig padin talaga ako sa riel and red loveteam.... Napapasigaw talaga ako.. Hahaha.. Magkaka red din ako.. Ahaha ilusyonada makatulog na nga 3am na.. I know this is too much pero next chapter na plssss..!! Great job sir rye!! - dave

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails