This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 54
[Alex’s POV]
Andito na kami sa reception nila ate at
pagdating pa lang namin ni Kieth ay kitang-kita ko na ang mga mukha nila na
nakatingin sa amin at mukhang maraming gustong itanong.
Agad namang lumapit sa amin sila ate at
kuya. “Ang adik ninyong dalawa.” Bungad nito.
“Sorry ate.” Sabi ko.
“Ayos lang. Im just happy for both of you.
So your engaged?” tanong nito.
Ngumiti lang si Kieth. Isang nakakalokong
ngiti. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang bitawan ang kamay ko. Marami-rami
na rin ang nagbabadyang pumunta sa amin at magtanong.
“Pero anong drama ba yun kanina? Eksena mo
ha.”
“Wala naman.” Plain na sagot ni Kieth.
“Pero congrats.” sabi ni kuya.
“Salamat.” Sabi ko.
“Best!” narinig ko na sigaw ni Charlene
“Ayan na.” sabi ko.
“Ang daya mo ah… di mo sinabi na ikakasal
ka na rin.” Sabi nito.
“tangek, di ko rin naman alam na gagawin yun
ni Kieth.”
“Pero congrats. Hue hue may asawa ka na.”
“Tangek.”
“Oh nasaan reception ninyo?”
“Eto rin.”
“Yuck ang cheep ninyo ah. Tagtipid lang?”
pang ookray ni Charlene.
“Loka.” Sagot ko.
“Congrats pare… congrats Alex.” Sabi ni Jake.
“Salamat.”
Kitang-kita ko na parang nagtinginan lang
yung dalawa. “Tara na gutom na ako.” hinatak ako ni Kieth papunta sa table nila
mama.
“Congrats anak.” Sabi ni papa sa akin.
“Pa naman.”
“Oh, ikinasal na din kayo ah.”
“Pakulo kasi ni Kieth eh. Teka nagpaalam ka
ba kila papa?” tanong ko.
“Yeah.”
Tumingin ako sa kanila and parang alam nila
ang nangyari. But still, bakit ang tahimik nila?Di ba nila kami papagalitan sa
eksena na ginawa namin? Or baka alam talaga nila na gagawin yun ni Kieth. Nako.
“ma.” Bati ko.
“Bakit anak?”
“Napapansin ko na parang tahimik kayo
ngayon. May problema ba kayo ma?”
“Wala naman anak. Ganito lang siguro talaga
ang ina na mawawalan ng anak.”
“Ma hindi naman mawawala si kuya. Lilipat
lang siya ng ibang bahay.”
“Sana nga yun lang…” at kita ko kay mama
ang labis na pagkalungkot.
“Halika nga ma… isang yakap nga.” Sabi ko
at niyakap ko ito.
Biglaan na lang na bumuhos ang luha nito.
Umiiyak na pala si mama. “Ma tahan na.” sabi ko.
“Sorry anak… sorry…” sabi nito.
“Si mama parang ewan, sabing okay lang yun
eh. Masyado kang emotional ngayon. Mabubura yang make up mo.” Sabi ko.
“Di ko lang talaga mapigilan.”
“Ma ang OA na ah.” Sabi ko.
“Okay lang yan marekoy.” Singit ni mama.
“pasensya na kayo.”
“Naiintindihan ko.” Sabi nito.
“Kain na nga lang tayo.” Sabi ko.
“Anong gusto mo?” tanong ni Kieth.
“Kahit ano. Kaw na pumili para sa akin.
Sabi ko.
“Kainin mo to lahat ha.” Sabi niya
He seems okay ngayon. Sila mama lang talaga
yung medyo weird ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Nao bang anngyare?
“Saan pala kayo galing kagabi?” tanong ng
papa ni Kieth.
“Sa unit lang po ni Kieth. Doon na po kami
nag overnight.” Sagot ko.
“Ah, kaya pala kayo na late kanina. I think
you spent your time together wisely. Nauna pa ata ang honey,oon kesa sa kasal”
Sabi ulit ni papa.
Medyo napaisip ako sa sinabi ni papa.
“Yeah.” Biglang sagot ni Kieth.
“By the way, kailan ninyo balak magpakasal
talaga? Yung kanina alam kong tie ninyo lang yun sa sarili ninyo.”
“Aral na muna siguro dad.” Sagot ni Kieth.
“AH good kung ganun.”
“I hope after ng pag aaral namin kami
makapag pakasal. If time will permit.”
Then buong paligid ay nagtahimik. This is
how I started feeling isn’t right. Bakit ba feling ko may something na naman
akong hindi alam? Pero to think of it, malay natin it was part of the surprise
ni Kieth sa akin.
“Kuha lang ako ng dessert doon.” Bigla kong
pag wasak sa katahimikan.
“Okay babe, balik ka agad.”
“Sure.” Sabi ko.
Agad naman akong pumunta sa may table ng
pagkain at namili ng dessert. “Hmmm… what do I picked?” tanong ko sa sarili ko.
“Sabi nila ikaw daw gumawa ng leche flan?”
nagulat ako nang mayh magsalita sa aking likuran.
“Hala… nakakagulat ka naman kuya Alec.”
Sabi ko.
“mukha na ba akong multo?”
“Hahaha. Sabi ko nagulat di nakakatakot.”
“Most of the horror movies or films
nakakagulat na lang eh.”
“yaan mo magpro-produced ako ng horror na
makakapagpaihi sa shorts mo.”
“I’ll wait for that.”
“Yeah. By the way, gusto ko sana malaman
kung kamusta na si RD?” tanong ko.
“Nag aalala ka sa kanya ano?”
“Yeah. Sorry pala kung di ako pumayag na
sumama.”
“I understand… wala yun.”
“But how is he?”
“He’s okay? I think. Pasaway daw eh. Pero I
think malalaman mo din soon?”
“Balak kong magpunta doon kasama si Kieth.”
“Really?”
“Yeah? Sana pumayag si Kieth.” Sabi ko.
“Ahhh… I think papaya naman siya. By the
way, yung OJT mo pala.”
“Pupunta ako bukas.”
“Okay. Pero na fixed ko na siya.”
“Salamat kuya Alec.”
“Susunod kami ng family ko sa Tuesday. I
hope makasama ka naming lahat.”
“Ah sige tanungin ko si Kieth. Biglaan
naman.”
“Maybe. Sige mauna na ako. By the way ulit,
ang sarap ng dessert mo. Good luck sa inyo ni Kieth. Gonna see each other soon
again.” Sabi niya
“Sige. Salamat ulit.” Sabi ko.
Di ko na lang pinansin yung sinabi niya sa
akin. I decided to go back sa seat namin ng harangin ako ni Charlene. “Oh
problema mo?” tanong ko.
“Samahan mo naman ako.”
“Saan?”
“Kukuha ng dessert.”
“Ano ba naman yan? Kakakuha ko lang oh.”
“Dali na.”
“Oo na.” sabi ko.
No choice talaga kundi ang sumunod sa kanya
at samahan siya. Ang tagal namang pumili ng babaeng ito oo. Ano ba pinipil
nito? Dessert ba talaga?
“Libre lang yan kaya kumuha ka na.” sabi
ko.
“Ang dami kasi eh pati mukhang masarap
lahat.”
“Edi kunin mo lahat.”
“Sabi mo eh.”
“Hoy hinay-hinay lang. May mga bisita pa
eh.”
“Sarap kasi talaga ng leche flan mo eh.”
“Kulang pa ba yung limang leche flan na
pinauwi ko sayo?”
“Eh kasi…”
“Wag mong sabihing…”
“Wala nang natira.”
“Why?”
“Pinakyaw nila mama eh.”
“Sila ba o ikaw?”
“Kami.”
“Parang ikaw lang naman. Nandamay ka pa.”
“Hoy ha. Anong tingin mo sa akin matakaw?”
“Yung totoo? Oo.”
“Grabe ka talaga, napaka sweet mong best
friend. Pinatawad na nga kita nung di ka sumipot sa jogging natin kanina. Umasa
pa man din sayo.”
“Sorry na, alam mo naman yung nangyari
diba?”
“Sus, nag quality time lang kayo ni Kieth
kinalimutan mo na ako.”
“Ewan sayo. Pero Best, sa totoo lang
dumodoble ka na.”
“Hoy grabeeee.”
“Hahaha. Bleh.”
“Nga pala, anong balak ninyo ni Kieth?”
“Di ko alam sa kanya. Siguro ganun pa din.”
“Nagpropose ka na ba?”
“Hindi pa.”
“Pero dala mo singsing?”
“yeah.”
“Nauna pa ang kasal kesa sa pagpropropose.
Ano ba yan Alex?”
“Ewan ko sayo.”
“Oh bakit parang bothered ka pa rin?”
“Something kasi na di ko alam. Feeling ko
talaga may tinatago sila sa akin.”
“Surprise?”
“Ewan.”
“Alam mo overthinking ka. Surprise lang
yan. Tignan mo, yung asawa mo nasa stage na.”
“Ha? Nasa stage?”
“Oo kakanta na yan.”
“Teka, baka kami nay un.”
“No siya lang. Makinig ka na nga lang. Para
sayo yan.”
Then the band started to test their
instrument. Nagulat ako nang humawak si Kieth ng gitara. Pumunta siya sa may
mike at nagsalita.
“Test mike… test mike…” sabi nito.
Lahat naman ay natuon ang atensyon sa isang
matipuno at gwapong lalaking naka tayo sa harapan nila. “Magandang tanghali po sa
inyong lahat.” Bati nito. “Ako po ang kapatid ni Ate Kate at gusto ko po sanang
maghandog ng maikling kanta para sa inyo. Alay ko po ang first song na ito para
sa kanilang dalawa.” Lahat naman ay nagpalakpakan.
“Ate Kate, kuya Hamilton, congratulations
sa inyong dalawa. Ihope things will be okay sa inyong dalawa. Good luck sa family
life.” Sabi nito.
“Babe… para din sayo to.” Sabi niya.
The band started to struck their
instruments. A new song ata to. Ni hindi nga naming nireherse ito eh. I think
it was all surprise for me. Himala at nakaya niyang kumanta sa harapan ng
maraming tao.
“Naiinis
ako, pag naiisip ko… lahat ng tao ay tumatanda ahhhaha…
Naisip
mo na ba? Pag tayo’y tumanda, isa-isa na tayong mawawala ahaha…”
Patatawanin kita kapag di ka na Masaya,
gagawin ko ang lahat para lang mapatawa kita. Gusto kong tumanda kasama ka.
Gusto kong makasama ka hanggang sa huli kong hiniga.
“Naalala
mo pa ba ang panahon, nung excited ka pa sa birthday mo taon-taon
Ngayong
putting buhok mo ay lumalabas, kalendaryo ay gusto mong iatras...”
Kahit na tumanda ka pa at kumulubot ang
balat, mamahalin pa rin kita. Ikaw ang nakikita ko na future ko. Ikaw ang
nakikita ko na makakasama at makakasalo ko sa buhay hanggang sa dulo ng aking
hininga.
“Ayokong
tumanda… ayokong tumanda… ayokong tumanda… ayokong tumanda na di ka kasama…
Ayokong
tumanda… ayokong tumanda… ayokong tumanda… a-a-a-ayokong tumanda na di ka
kasama…”
Waaah. Nangilid ang luha ko sa bawat
pagbigkas niya ng kantang ito. “Best, bay an.” Sabi ni Charlene.
“Sorry na. Ang sweet lang kasi.”
“Yan kasi sobrang nag-iisip ng kung
anu-ano. I tiold you surprise lang to ni Kieth sayo.”
“Oo na po.”
“natakot
lang ako, noong sinabi mo… na ayaw mong ako ang mauna… ahaha.
Ang
sabi ko sayo… mas lalong ayaw ko, mawala ka at ako ang matira ahaha..
Naalala
mo pa ba ang panahon? Noong excited ka pa sa birthday mo taon-taon?
Ngayong
putting buhok mo ay lumalabas… Kalendaryo ay gusto mong iatras…”
“Grow old with him… why not?”
“Oo tatanda kami magkasama.”
“Wag kang mauuna ha.”
“Hahaha. Sabay kami… alam ko sabay kami…”
sabi ko na lang.
“Ayokong
tumanda… ayokong tumanda… ayokong tumanda… ayokong tumanda na di ka kasama…
Ayokong
tumanda… ayokong tumanda… ayokong tumanda… a-a-a-ayokong tumanda na di ka
kasama…”
Nagpalakpakan silang lahat. Maging ako
naman ay napalakpakan na din. Waaah, di ko na mapigilan ang pagiyak ko. Si
Charlene naman agad akong niyakap.
“Alam mo best OA ka, kinantahan ka na nga
eh. Surprise niya sayo to ano ka ba?”
“Eh natouch lang ako masyado.”
“Aysus… kilig ka naman.”
“Salamat best.”
“Para saan?”
“Kasi inalalayan mo ako.”
“ANo ka ba, what are friends are for? Teka
nakita mo ba si Jake?”
“Hindi ba nasa table mo lang siya kanina?”
“Baka nag CR lang. Teka di pa tapos si
Kieth. May isa pa atang kanta.”
Agad naman akong nagpahid ng aking luha. Agad
naman siyang pumwesto sa may piano at naghanda para sa panibagong kanta. “Alam
kong lahat kayo nagmamahal… lahat tayo alam natin ang makaramdam ng pagmamahal.
This song is dedicated to my one and only… He is the one for me… pero sa tingin
ko… mag iiba ang mundo matapos ito… Babe… para sayo to… sorry… sorry for
everything… Tandaan mo na mahal na mahal kita…” then he started to cracked his
voice
“Okay lang ba siya?” tanong ni Charlene.
“I don’t know.”
“Inaral ko tong song na ito para sayo… I
even spent day and night to perfect this song… my love song… my farewell song…
my last song… for you…”
“Babe… what are you trying to do?” nautal
kong sinabi.
“Same
bed but it feels just a little bit bigger now
Our song on the radio but it don't sound the
same
When our friends talk about you, all it does
is just tear me down
'Cause my heart breaks a little when I hear
your name…”
Why? Why are you making me sad like this?
Bakit sinasabi ang mga salitang yan? Akala ko ba gusto mong tumanda kasama ako?
Akala ko ba ikinasal na tayo? Bakit mo ginagawa ito?
“It
all just sounds like oooooh…
Mmm,
too young, too dumb to realize
That I
should've bought you flowers
And
held your hand
Should've
gave you all my hours
When I
had the chance
Take
you to every party
'Cause
all you wanted to do was dance
Now my
baby's dancing
But
she's dancing with another man”
Did I do something wrong? Bakit parang
pinaparating mo na sumusuko ka na sa akin? Why all of the sudden? Why?
“My
pride, my ego, my needs, and my selfish ways
Caused
a good strong woman like you to walk out my life
Now I
never, never get to clean up the mess I made, ohh…
And it
haunts me every time I close my eyes”
Mess you made? Ano ba ang hindi ko alam?
Ano ba ang ginawa mo na hindi ko alam kaya ka nagkakaganito? Bakit parang may
alam ang iba? Alam ba ito nila mama?
“It
all just sounds like oooooh…
Mmm,
too young, too dumb to realize
That I
should've bought you flowers
And
held your hand
Should've
gave you all my hours
When I
had the chance
Take
you to every party
'Cause
all you wanted to do was dance
Now my
baby's dancing
But
she's dancing with another man”
Nakita kong nakatingin sila sa akin. SI
mama, umiiyak. Ibig sabihin may alam na sila. Do I am the only one here na
hindi nakakaalam sa mga nangyayari? Do I do something para gawin nila lahat
ito?
“Although
it hurts
I'll
be the first to say that I was wrong
Oh, I
know I'm probably much too late
To try
and apologize for my mistakes
But I
just want you to know
I hope
he buys you flowers
I hope
he holds your hand
Give
you all his hours
When
he has the chance
Take
you to every party
'Cause
I remember how much you loved to dance
Do all
the things I should have done
When I
was your man
Do all
the things I should have done
When I
was your man”
“Best…”
“Alam mo ba to?” tanong ko.
“Best? Hindi… wala akong alam dito…”
“Hindi ko na alam ang nangyayari.” Sabi ko.
“Best you should talk to him… alam ko
kailangan ninyong mag-usap.”
“Alam nila lahat… alam nila ang nangyayari…
alam nila na may something na gagawin si Kieth… is he breaking up with me?”
“Wag kang mag-isip ng ganyan. Talk to him…
he’s leaving.”
Habang nagpapalakpakan ang mga tao, wala
silang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Nakita kong papalayo sa akin si
Kieth. Nagsimula na akong gumalaw mula sa kinakatayuan ko.
“Sususndan ko siya…” ang nasabi ko na lang
sabay takbo papunta sa kanya.
Mabilis siya, tila ba may humahabol sa
kanya at may masamang gagawin sa kanya. Di ko siya mabot-abutan. Bumalik na
naman ako sa dati kong ugali, ang maging isang iyakin. God, please help me.
Stop him.
Para na akong bata na umiiyak dito. Di ko
na inantala sila kuya at ate dahil kasal nila. Mukhang wala na naman nakakaalam
sa mga bisita sa mga nangyayari.
Di ko namalayan na nakatigil na pala si
Kieth at labis kong ikinagulat na nakaharang si kuya sa harapan niya. Unti-unti
ay napatigil ako sa kakatakbo at paghangos.
“Ku…kuya?”
“Hindi ko nagugustuhan ang mga kalokohan na
pinag gagawa ninyo!” nakita ko ang galit sa mukha ni kuya.
Di nagsalita si Kieth. Lumapit pa ako lalao
sa kinatatayuan nilang dalawa hanggang sa makita ni kuya na nasa likuran na ako
ni Kieth.
“Ano na naman bang pinag gagawa ninyong
dalawa ha?” sumbat ni kuya sa akin.
“Sorry kuya.” Sagot ko.
“Oo, walang alam ang ibang bisita, pero
pinapasakit ninyo ulo ko sa ginagawa ninyo. Hindi na ninyo ginalang ang kasal
namin ng ate ninyo? Sobrang disappointed ako sa inyong dalawa.” Kita ko ang
pagkagigil ni kuya.
“Sorry talaga kuya. Ako na ang bahala dito,
mag uusap na kami.”
“Siguraduhin ninyong maayos ninyo yan!”
Kitang-kita ko ang litid sa leeg ni kuya.
Ngayon ko lang siya muling nakitang nagalit ng ganito. Agad namang nagtangkang
tumakbo si Kieth pero napigilan ko siya nang mahawakan ko ang kamay niya.
“Ayaw mo na ba sa akin?” ang una kong
naitanong sa kanya.
Di siya umimik. Nakatalikod lang siya sa
akin. “Humarap ka dito! Tinatanong kita, ayaw mo na ba sa akin?!”
“babe… sorry.” Nasabi niya lamang.
“Ayaw mo na ba? OO o HINDI?!”
“Mahal kita…”
“tangina naman Kieth… “
“I’M BREAKING UP WITH YOU!” naisigaw niya
sa akin
Para naman akong tuod na napatigil sa
sinabi niya. What the hell is happening? Break? Anong kalokohang break up itong
sinasabi ni Kieth?
“Shit Kieth, ngayon pa? Ngayon pa na okay
ang lahat? Umayos ka nga. Gago naman eh!”
“I need to go…”
“Babe don’t do this…”
“Sorry babe… sorry…”
“I beg you…” lumuhod ako sa likuran niya at
niyakap ito.
“Babe don’t do this… please…” sabi niya
“Ako na ang nagsasabi sayo… di ko
kakayanin… wag mo akong iwan. Gagawin ko lahat. Alam kong lahat naman kasalanan
ko, pero wag mong gawin to sa akin. Magpapakabuting boyfriend na ako sayo.
Promise ko yan sayo. Please babe.. please… please…”
Di pa rin tumitigil ang pag hagulgol ko.
Walang tao na naroroon kaya naman solo lang naming dalawa ang mga pagkakataon
nay un. Agad siyang humarap sa akin at nakita ko ang mga luhang pumapatak sa
kanyang mga mata.
Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko
ang kanyang mga hikbi. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit para din a siya
makawala pa.
“Maghihintay ako… maghihintay ako sayo…. Sa
ngayon di mo ako maiintindihan… sa ngayon magaglit ka sa akin… pero umaasa ako
na babalikan mo ako… aasa ako na mamahalin mo pa rin ako sa pagbabalik mo.
Mahal na mahal kita… mahal na mahal…” isang halik ang dumampi sa aking bibig.
Kumawala siya sa mga yakap ko at nagpatuloy
sa pagtakbo habang naiwan ako doon na mag-isa. Wala akong magawa kundi ang
tignan siya habang lumalayo sa kinaroroonan ko.
“Kieth… kieth…” ang nasabi ko na lamang.
Para na akong nawala sa katinuan nang
mawala siya sa paningin ko. Naiwan ako doon na nakasandal sa may pader at
nakatingin sa di kalayuan. Ganito pala ang salitang baliw, baliw sa pag-ibig.
Pangalawang beses ko nang mawalan ng taong
minamahal. Ang sakit pa rin hanggang ngayon, tila ba hindi pa ako sanay na
naiiwan. Pero hanggang ngayon di ko pa rin alam ang mga nangyayari. ANo ba ang
mga pinagsasabi niya?
Maghihintay siya sa akin pero ako ang
iniwan niya? Babalik ako at pupunta saan? Putakte, di ko siya maintindihan.
Punong-puno ng katanungan ang isipan ko. Nagugulhan na ako sa mga nangyayare.
“Best… best…”
Makailang tawag na pala nila ako tinatawag.
Wala pa rin ako sa katinuan ko nang makita nila ako. Nagbalik lang ako sa
realidad nang binuhat ako ni Charlene at ni Jake patayo.
“Anong nangyari sayo best?” tanong nito.
“Si Kieth… si Kieth…”
“Sorry…” sabi ni Jake.
“Nasaan siya?!” sigaw ko.
“Sorry di ko alam. Pati sa akin ay inilihim
niya kung saan siya pupunta. Ang malinaw lamang sa akin ay ang pinabibigay niya
sa akin para sayo.”
Iniabot nito sa akin ang isang brown
envelope. “Nanjan lahat ng mga bagay na magpapaliwanag sayo. Yan ang sabi niya
sa akin.”
Hindi ko alam kung paano ako napakalma sa
ibinigay niya. Hindi ko alam kung paano ako titigil sa pag-iisip sa kanya. “Wag
mo na daw siya hanapin, di mo rin daw siya makikita. Maghihintay daw siya.
Mahal na mahal ka daw niya.” sabi nito.
Hindi kaya isa itong surpresa? Hindi kaya
pakulo niya rin ito? Hindi kaya isang bigating paghahanda pala ito para sa
akin. Napangiti ako sa di ko malamang dahilan.
“Best bakit ka nakangiti?”
“Magbibihis ako. Mag-aayos. Baka surpresa
niya sa akin to. Baka naman hihintayin ako ni Kieth sa isang lugar. Baka naman
magbabakasyon kami. Baka naman…”
“baka naman iniwan ka na niya…”
“Best hindi…”
“best nawawala ka na sa katinuan. Itigil na
natin ito. Walang magandang maidudulot sayo kapag nag-isip ka pa ng ganito…”
“Wala akong pakialam… umaasa ako… hindi, alam
kong surpresa to.. mahal ako ni Kieth… di niya ako iiwan.. hindi niya ako
pababayaan…” sabi ko.
Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi.
“Best, tama na… nasasaktan na ako sa nakikita ko.”
“Mahal naman niya ako diba? Mahal niya ako
diba? SUmagot ka!”
“Best tara na… pahinga na tayo…” sabi nito.
“Di ko alam kung anong mali? Nagsisi na
naman ako sag a pagkakamali ko eh.. pero bakit ganito? Bakit niya ako iniwan?
Hindi nab a niya ako mahal? Anong kasalanan ba ang nagawa ko at ganun na lamang
siya? Ang sakit… ang sakit…”
“Mag pahinga ka na muna.. kailangan mo
yon.”
Hinila na niya ako pasakay sa kotse ni Jake
at hinatak palabas nito nang makarating kami sa bahay. Agad niya ako hinila
pataas at inalalayan para magpahinga.
“Nandito lang kami sa baba best, magpahinga
ka na. Pagkagising mo, sabay-sabay natin alam kung ano ba talaga ang
katotohanan.” Sabi nito.
“Best dito ka lang…” sabi ko.
“Sige di kita iiwanan…”
Humiga na ako habang si Charlene naman ay
nakaupo sa may kama. Di na ako nagpalit ng damit at pilit ipinikit ang mga
mata. Di ako makatulog. Natuyo na ata lahat ng luha sa aking mga mata.
“Iiwan mo rin ba ako?” tanong ko.
“Di kita iiwan best.”
“Masama ba akong tao?”
“best diba pag uusapan natin yan pag gising
mo.”
“Mahal naman niya ako diba?”
“Best…”
“Ang sakit best… sobra… iniwan na naman ako
ng taong mahal ko.”
“Shhh…. Tulog na…”
Muli kong ipinikit ang aking mga mata.
Pinakaramdaman ko ang sarili ko at hinayaan na iduyan ako sa pagkakahimbing ng
tulog. Narinig ko naman ang humming ni Charlene sa akin at siyang naging
panghele ko upang tuluyang makatulog.
[Kieth’s POV]
“Nasaan ka ba talaga pare?” tanong ni Jake.
“Just hiding in my shell. Parang di mo
naman ako kilala. Kapag may problema ako nagtatago ako lalo na kung sobrang
bigat.” Sagot ko.
“Hindi nga kita kilala. Ang kilala ko
kasing Kieth eh yung palaban. Duwag ka na pala. Sorry di na ako na inform
pare.” Sabi nito.
“Nasabi ko na sayo ang lahat. Ayoko na lang
na makipag argumento.”
“It’s been 3 days… di ka pa ba lulutang
ha?”
“Para saan pa? Mahihirapan lang ako.”
“Mahihirapan ka na makita si Alex na
aalis?”
“oo.”
“Dahil mahal mo?”
“Sobra.”
“Eh bakit hindi mo na lang samahan papunta
doon?”
“Mas okay na to. To give us a chance to
think things. Ayokong ipitin siya sa relasyon naming walang kasiguraduhan.”
“Then there’s a hidden agenda between sa
plans mo.”
“Basta yun na yun.”
“Di mo man lang ba titignan na umalis si
Alex. Paalis na siya 5 hours from now.”
“Masasaktan lang ako.”
“Masasktan ka lalo kapag di mo siya
pinigilan. Ano ba pare? Ilang beses na kitang pinipigilan pero wala pa rin.
Ano, umurong na ba yang bayag mo ha? Tangina pare ang duwag mo.”
“Oo duwag na ako pare, pero buhay ko si
Alex. Hinayaan ko man siyang umalis ngayon, maghihintay pa rin ako. Sana naman
maunawaan mo ako.”
“best riend kita kaya sinasabihan kita ng
ganito.”
“Pare salamat.”
“Yeah, oo na. May tiwala naman ako sayo.
Pero kapag si Alex di bumalik, malaking pagsisisi yan.”
“oo alam ko yun.”
“Pero sana ihatid mo man lang siya, kahit
yun lang. Para naman sa huling pagkakataon eh makita ng puso mo yung sayang na pinakawalan
mo.”
“Di ko naman siya pinakawalan. Babalik din
siya sa akin. May tiwala ako. Maghihintay naman ako sa kanya eh. MAghihintay
ako na bumalik din siya sa akin. Kung sakali man na hindi na siya bumalik,
kasalanan ko na.”
“Tsss. Sabi ko nga. Pero maghihintay pa rin
kami.”
“Haixt. Bahala na pare. Sige na salamat.”
“Basta ikaw.”
Then I end the call. Ilang beses ko nang
pinag isipan kung pupunta nga ba ako sa airport. Alam kong ngayon na ang alis
ni Alex at pumayag na siya sa set up. Sabi nila noong una daw ay nagwala ito
pero kinabukasan ay naging okay na.
Mag aabang na lamang ako sa kanya.
Maghihintay sa muli niyang pagbalik. Alam kong isang malaking katangahan itong
gagawin ko pero alam ko namang mas makakabuti ito. It will give us some time to
each other.
Alam ko nag-aalala na sila mama sa akin
dahil hanggang ngayon ay si Jake lamang ang nakaka-contact sa akin. Tinignan ko
na lamang ang mga larawan ni Alex sa aking cell phone para naman maibsan ko ang
kalungkutan na nararamdaan ko sa ngayon.
Masyado na ata akong drama, masyado ng
babae ang ugalu ko. Dahil ba tao kay Alex kaya nagkakaganito na ako ngayon?
Tsss. Di bagay sa akin. Pero ano na nga ba ang mangyayari sa akin after how
many years? Babalik ba ako sa dati? O mag iiba na naman ang mundo na aking
gagalawan?
“We are leaving soon, ihahatid na namin si
Alex.” Text sa akin ni Jake.
“Take care of him, ingatan mo siya hanggang
sa makarating kayo doon.”
“Umaasa siya na makikita ka niya.”
“I think di n ako pupunta.”
“Let’s see.”
“Nabasa na kaya niya yung letter ko?”
tanong ko.
“Maybe.”
“Galit ba siya sa akin?” tanong ko.
“Gago, iniwan mo tapos itatanong mo sa akin
kung galit siya? Bobo ka ba pare?”
Tanggap ko naman nag alit silang lahat sa
akin. Pero alam konamang tama itong ginagawa ko. Maybe i-burden ko na lang tong
sakit sa puso na nararamdaman ko sa pag alis niya.
“Pre, pasensya na. Sila mama ba kamusta?”
tanong ko.
“Worried na si tita sa iyo.”
“Galit ba sila papa?”
“Mukhang di naman. Pero sabi nila sabihin
ko sayo na umuwi ka na right after this.”
“They know na naguusap tayo”
“Mukhang alam talaga nila.”
“Sabi ko nga. Buti di ka nila piilit na
ibigay number ko?”
“Malapit na nga na umabot sa ganun.”
“Baka naman nag-aaway na kayo ni Charlene
nang dahil sa akin?”
“Kung alam mo lang.”
“Ang alin?”
“Siguraduhin mo na worth it na aalis ka
kundi bubugbugin kita. Langhiya pare, hanggang ngayon hindi ako kinikibo ni
Charlene. Tangina yan, ayaw niya ako makausap. Nagpumilit nga lang akong ihatid
si Alex para naman kahit papaano mag-usap kami.” Mahabang text niya
“Pasensya na pare.”
“Sige na pare. May tiwala naman ako sayo.”
Siguro nga tama sila, kahit sa huling
pagkakataon ay makita ko man lang si Alex. Dapat kayanin ko kasi ako naman ang
may pakana ng lahat ng ito. Sana nga lang may oras pa ako para maabutan siya
bago man lang siya umalis ng bansang ito.
[RD’s POV]
My head really hurts. Takte, ganito pala
dito sa ibang bansa, mas matatapang ang mga iniinom na mga alak. Tss. Pero eto
na naman ako, hindi alam kung saan napadpad.
It’s been two or three weeks na ata nang
makarating ako sa bansang ito. Boring ako sa bahay kaya naman kung saan-saan
ako napapadpad. Ilang ulit na din akong naggising sa ibang kwarto. Kwarto ng
lalaki at maging kwarto ng lalaki.
Masasabi ko na I’ve been wasting my time sa
pag gagala dito at hindi iniintindi ang kalusugan. Tanggap ko na na mawawala
din naman ako sa mundong ito, magpagamot man ako o hindi. Hindi ko na rin
inaasahan na dumating si Alex sa bansang ito.
Mahal ni Alex si Kieth kaya wala na siyang
pakialam sa akin. Ni hindi na nga niya ako mapuntahan bago man lang ako umalis
sa Pilipinas. I’ve been a jerk na naghihintay sa kanya pero sobrang mahal ko pa
rin siya.
“Morning dude…” narinig ko na sabi ng
katabi ko.
“Morning too… I need to go Jeremy.” Sabi ko
na lang.
“Too early…” inakbayan niya ako then he
started kissing me.
“You want your breakfast?” tanong ko sa
kanya.
“Yeah… and it is right here.” Then he
started blowing my dick.
Ganito pala dito, open halos lahat ng bisexual, gay and lesbian. Hindi ko na tanda
kung ilan na nga ba ang naikama ko. STD? Who cares? May Lupus na ako, sa tingin
ko naman madamot tong sakit ko at gusto nito na mag-isa lang siya sa katawan
ko.
Pero nag-iingat pa rin ako. Pero minsan
nakakalimutan ko. Tulad ngayon, itong binatang kasama ko eh hayok na hayok sa
ginagawa niya. He’s attractive. Fit ang katawan at halatang palagian sa gym.
He’s so manly tignan pero kapag nasa kadiliman na ay nagblowjob na pala.
Pangatlong beses ko na with him and to tell
you the truth is I enjoy his company. Sex is my life now. Pero minsan nadidiri
na ako sa katawan ko. I feel so dirty kasi ilang lalaki at babae na rin ang
dumaan sa akin.
After an hour ay nagdecide na akong umuwi.
Nag check in pala kami sa isang hotel. Nagsabi na ako na muuna na ako sa kanya
kasi naman halata naman na wala tong balak pauwiin ako.
Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng
sweet couples. They look happy with each other na sa tingin ko na kahit kailan
ay hindi ako magkakaroon. Why do I try na makipag relasyon dito? Pero sa tingin
ko dir in mag wowork. Since mahal ko pa rin si Alex hanggang ngayon. Oh dear
heart, pleas save me from my dilemmna.
I checked my phone at as usual eh puro sila
mama ang nagtetext. “Asan ka na?” tanong ni papa
“Nag aalala na ako.” si mama.
“Please call kapag natanggap mo text namin.”
Sabi ni papa
Maswerte ako na may roon akong magulang na
tulad nila pero napakamalas nila na nagkaroon sila ng isang anak na tulad ko.
They don’t deserve me.
“Hello.” I decided to call back.
“Hello anak… nasaan ka na?” tanong ni mama.
“Pauwi na po.”
“Saan ka ba galing anak ha? Sobra kaming
nag-aalala ng papa mo at ng kuya mo.”
“Nanjan na pala sila kuya ma?”
“Yeah… kuya mo at si…”
“Sila ate pati pamangkin ko? Ah sige
bibilisan ko na pag-uwi. Luto ka ma ha, jan na ako mag breakfa…” di ko na
naituloy ang sinasabi ko nang may boses akong marinig.
“Umuwi ka na…” isang pamilyar na boses.
“Sino to?” alam kong boses niya yun pero
ayaw kong mag assume na pumunta siya dito.
“Ganito ba ang mga nag-iibang bansa ha?
Nakakalimot? Tabs bilisan mo nga umuwi. Humanda ka sa akin.”
“Yats… Alex…” ang tangi kong nautal bago
pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
(Itutuloy)
grammar please. always use simple form of the verb kung maglalagay ng do, does, did. on the other hand, shet lang nakakaiyak yung chapter na to. single ka ba mr. author? hahaha
ReplyDelete