Followers

Monday, September 15, 2014

Can't We Try? 20






Athr'sNote-

Eto ang kadramahan, kadramahang nakakatawa.

Kung sa 19 ay naguluhan kayo, nako mas magulo ang pagkakasulat dito.

Minsan may mga nais kasi akong iparating sa bawat sitwasyon, hindi lang talaga ako marunong sa pagpaparating sa pamamagitan ng pagsusulat. Pasensya na.

Basta ba sakay na lang kayo guys! Salamat :))


Happy reading!



--



Point Of View

 - N i c o l l o -



 "Kurl ano ba yun? Wala naman akong ginagawa eh.. Kurl naman.." paghawak ko pa sa kamay niya.

 "Alam mo ba kung paano namatay ang mga magulang ko?" medyo matigas na niyang sabi at paghila niya sa kamay niyang hawak ko.

Saglit akong napatigil.

Speechless

Alam niya? Paano?

 "Yael, sorry."

Naaalala kong sabi kanina ng kapatid ko.

S-sinabi niya?

 "Nicollo, sorry pero.. ayaw na muna kitang makita." sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

Teka.. eto ba yun? Eto ba yung sinasabi sa akin ng apat, na kapag nagmamahal ka daw ng tunay ay kapag nasaktan ka, sagad.

Eto ba yun? Yung bang parang pakiramdam mo lahat ng karayom ay lumilipad, patusok sa dibdib mo, sa puso.

Hanggang sa nakita ko na lang ang aking sarili na umiiyak, walang tunog, na tila kusang bumubuhos lang ang aking mga luha.

 "Kurl.. huwag ka namang ganyan." tonong pagmamakaawa ko at paghawak ulit sa kamay niya.

 "Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?" matigas pa niyang sabi.

 "Sasabihin ko naman Kurl eh, balak ko naman.. ipapaalam ko naman sa'yo. Natakot lang ako, Kurl." pagmamakaawa ko pa.

 "Nicollo, please.. ayaw na muna kitang makita."

Halos matulala na lang ako sa pilit niyang pagpapaalis sa akin.

Kahit na ayaw ko, dumating parin yung tagpong ito. Ang araw na malaman ni Kurl, na baka kalimutan niya ako.

Tumayo na lang ako at dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan.

Ayaw kong kulitin si Kurl ngayon, ayaw ko kasi na baka lalo lang siyang magalit sa akin.

May mamaya naman, o kaya bukas. Siguro bigyan ko na muna siya ng oras para mag-isip isip.

 "Nicollo." napatigil ako sa pagtawag ni Kurl.

 "Masakit man pero.. gusto ko nang tapusin ito."


Katahimikan

Speechless


 "Mmm.." pagpigil ko pa sa pag-iyak.

Gusto ko kasi tahimik lang. Hanggang mamaya. Katahimikan.

Pagkatapos nito. Ano nang mangyayari?


Katahimikan



Katahimikan




Katahimikan




Hanggang sa nakita ko na lang ang aking sarili na dahan-dahang naglalakad papalapit sa Kurl na nakaupo.

Masakit man pero nakikita kong mukhang hinihintay na lang niya akong umalis.


 "Kurl." pagluhod ko pa paharap sa may binti niya, hinawakan ko rin ang kamay nito.

 "Naaalala mo paba yung sinabi mo, nung gabing pareho tayong nakatingin sa mga bitwin." umiiyak ko nang sabi.

Magkalapit lang ang aming mga mukha, pero pilit niyang iniiwas ang kanyang tingin sa akin.

 "Sabi mo lalaban ka? Kurl..." marahang pag-alog ko pa sa kamay niya, sinusubukan ko kasing kuhanin ang atensyon niya. "Kurl, you promised me, right?"

 "Kurl diba sabi mo kahit ano mang pagsubok ang dumating lalaban ka, tayo... Kurl naman eh.." mahigpit na paghawak ko pa sa kamay niya.

 "Nicollo.." pagharap niya na sa akin, nang makita ko ang mata niya ay alam kong pabagsak na
ang kanyang mga luha.

 "Kurl, tapos na yun eh... Diba sabi mo mahalaga ang ngayon, ang tayo, ikaw.. ako.. Kurl..." tonong nanghihikayat ko pa habang patuloy lang ang pagluha.

 "Nicollo sorry.." pag-iyak na niya.

Agad niyang inialis ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak at marahan niyang pinunasan ang aking mga luha.

 "Nicollo wag kanang umiyak, wala na eh. Sorry talaga.. masakit eh."

Halos manlambot ako sa mga narinig na iyon. Pilit ko mang pairalin ang gusto kong ipaglaban, pero sa ganito na nakikita kong umiiyak at nahihirapan si Kurl, parang gusto kong sundin ang gusto niya.

 "Kurl wag naman ganyan.. wag kanang umiyak.. lalo lang akong nahihirapan eh.." pagpunas ko pa sa kanyang mga luha.

 "Nicollo sorry.. sorry talaga.. kapag kasi iisipin ko na ikaw ang dahilan ng pagkamatay nila mama at papa.. nasa.. nasasa--.. nasasaktan ako eh.." lalo pa siyang napaiyak.

Anong gagawin ko? Nahihirapan ako eh.

Nakikita ko yung taong minamahal ko na umiiyak, yung taong mahal na mahal ko.

Masakit, kasi umiiyak siya dahil sa akin. Mukhang eto nanaman yung mga karayom, mga karayom na lumilipad patusok sa dibdib ko, sa puso.

Hanggang sa napatigil na lang ako at pinagmasdan siya.

Iniisip ko palang na mawawala siya sa akin, hindi ko na kaya eh.

Itong taong ito, iiwan naba niya talaga ako?

Hanggang sa tumayo na ako. Inayos ko ang aking sarili, pinunasan ko ang aking mga luha, pilit ko ring kinalma ang aking sarili.

 "Kurl.. sa huling pagkakataon, gusto kong marinig ang desisyon mo." seryoso ko nang sabi. "Dahil mahal kita, hahayaan kitang magdesisyon para sa atin." labag man sa akin ay ginawa ko parin.

Tama na, ayaw ko nang nakikita si Kurl na umiiyak. Kaya ngayon ay gagawin ko ang anumang sasabihin niya, desisyon.

 "Ngayon Kurl, anong gusto mong mangyari sa atin." mahinang sabi ko habang nakatingin lang sa gawi ng maliit na box, kung saan naroon ang singsing na inilagay ko.

 "Tama ka, kung ano yang iniisip mo, tama ka." rinig kong walang kaemo-emosyong sabi ni Kurl.

 "Gagawin ko 'to, para sa'yo. Kurl, lalayo ako para sa'yo. Basta lahat ng gagawin ko, para sa'yo."

Binigo mo ako Kurl, akala ko totoo yung sinasabi mong lalaban ka, bibitawan mo rin pala ako. Sayang, sayang lang.

.....

 "Nicollo anong nangyari?"
 "Kamusta na? Ayos naba?"
 "Ano daw, ano sabi niya?"

Sunud-sunod na tanong nila Martin sa akin pagkalabas ko.

 "Wala na. Wala na kami." mahinang sabi ko nang iangat ko ang aking ulo at pagtitig sa kalangitan.

Mukhang paulan, mas maganda ito. Sa park na muna ako.

Pagtingin ko naman sakanila ay makikita kong naaapektuhan sila.

Masakit man pero itatago ko na muna na sobrang nasasaktan ako.

Nginitian ko silang lahat.

 "Yael, hawakan mo na muna 'tong phone ko. Pati na 'tong wallet ko." pag-abot ko sa mga gamit ko.

Para kapag umulan, ayos lang. Kumuha na lang ako ng buong 200 sa wallet ko.

 "Guys, papagpahingain niyo na muna si Kurl. Let him catch some sleep." sabi ko sakanila bago tuluyang umalis.


-----



Point Of View

- P a u l o -



Lahat kami nasa may sala, sa bahay ni Martin.

Tulala, yan ata kami ngayon? Basta walang kibuan.

Kanina lang pagkaalis ni Nicollo nagtext si Kurl.

Sasama na siya sa amin ni lolo. Huwag ko na lang daw ipaalam sa iba, lalo na kay Nicollo.

Gusto ko mang ipaalam kay Martin, pero si Kurl na lang siguro. Ayaw kong pangunahan siya.

Katahimikan


Katahimikan



Katahimikan


 "Guys i'm sorry pero hindi ko talaga kaya." biglang sabi at agarang pagtayo ni Martin. "Puntahan ko lang bestfriend ko." sabi pa nito at mabilisan nang lumabas.

 "Mali ba yung ginawa ko?" biglang sabi ni Yael.

 "Hindi. Tama lang yung ginawa mo." sagot ni Jerry.

 "Sabagay, kung hindi ngayon kailan pa diba? Maganda narin yun, hindi rin naman kasi kaya ni Nicollo, edi tayo na lang." dagdag pa ni James.

 "Ano kayang mangyayari sa dalawa?" nasabi ko na lang.

 "Kasalanan ko 'to eh." tonong pagsisisi pa ni Yael.

 "Walang may kasalanan, sadyang nangyari lang na nalaman ni Kurl yung dapat niyang malaman, dati pa." balik ko.

Katahimikan


Katahimikan




 "Kinakausap pa ni Yael yung babaeng yun?"

Napatingin na lang kami kay Yael sa biglang pagsasalita niya.

 "Sinong babae?" sabay-sabay na tanong namin.

 "Hah? Ahhh.. eh.."


-----



Point Of View

 - M a r t i n -



 "Ang bilis mo naman kasing nagdesisyon."

Tonong nanenermon ko kay Kurl.

Heto siya at yakap-yakap ko, umiiyak sa bandang dibdib ko.

 "Oh tapos ngayon sising-sisi ka sa ginawa mo. Ano ba kasi yang pinapairal mo." inis ko pa.

 "Martin ang sakit eh.." rinig kong sabi pa niya habang pahagulgol na umiiyak.

 "Oh ano ngayon ang mas masakit? Kurlo sira ka talaga, diba sabi mo sa akin dati na kapag papairalin mo ang sakit, siguraduhin nating may magandang maidudulot, eh ano ka ngayon." sabi ko pa.

Kailangan kong gumanito, na idaan sa pamumusit.

Alam kong alam ni Kurl kung bakit ganito ang tono ko, pagka-kasi nagseryoso rin ako, tiyak mas lalo kaming mapapadrama.

 "Kurl, naaalala mo paba nung una tayong nagkakilala? Yung tanong mo sa akin nung nilapitan mo ako sa park."

Patukoy ko sa paglapit at pagpapagaan niya ng loob ko nung mga panahong nagdadadrama ako mag-isa sa park, at panahong nagkakilala kami.

 "Itatanong ko ngayon sa'yo Kurl, sakto at para sa sitwasyon mo." patuloy ko pang paghaplos sa likod niya.

 "Halimbawa nasa...


(
flashback


 "Ikaw si Martin diba?"

Napalingon na lang ako sa biglang nagsalita at tumabi sa akin.

Patulo na nga yung sipon ko umatras pa dahil sa hiya, nagdadrama ako eh, tapos bigla-bigla siyang lilitaw.

Hindi na lang ako nagsalita. Tumahimik at tumingin na lang ako sa kung saan.

 "Kayo yung bagong lipat diba? Ako pala si Kurl, kapitbahay."

Tinignan ko naman ito, nakalahad pa ang kamay.

Nakakahiyang abutin, sa itim kong ito tapos kakamayan ko 'tong maputing ito.

 "Alam mo bang may batas na bawal makipag-usap sa mga taong hindi mo kakilala." walang ganang sabi ko saka muling nag-iba ng tingin.

 "Alam mo bang bawal umiyak ng walang dahilan." agad niyang sabi.

Aba talagang.. pakialamero ito ah.

 "May dahilan ako." inis kong sabi.

 "Ano naman?" agad niyang sabi, nakangiti pa. "Makikinig ako."

Tutal bago lang kami dito, mukhang ayos na itong kausap.

Gwapo at maputi na nga yung lumapit na kaibigan, tatanggi kapa ba diba?

....

 "Ganun ba? Saglit lang naman solusyunan yan eh." napakasimpleng sabi niya matapos kong magkwento ng pagkahaba-haba.

 "Sigurado ka?" kunot ko.

 "Oo naman, basta tandaan mo 'to Martin." paglapit pa niya sa akin.

 "Parehong masakit yung pagpipiliin diba? Ngayon mamili ka..

Kapag pinili mo yung isa.. masakit. Yun lang masakit lang, wala ng iba.

Pero kapag pinili mo naman yung isa, masakit din.. pero may somewhat relief naman.

Yung bang, pinili mo yung isa kahit masakit, at sa pagpili mo na kahit nasaktan ka ay may bagay ka na naisalba.

Ahhh basta..!! Ang hirap mo namang paliwanagan, pati na tuloy ako naguguluhan."

Mula sa mala-makata ay sa naiinis na tono niya.

Kahit papano, nakuha ko yung ibig niyang sabihin.

Nakakatawa pala 'tong kapitbahay na 'to.

Nung una nakikita ko lang siya tuwing gabi, around 10.

Hindi siguro lumalabas kapag umaga, kaya ayan ang puti.

 "Salamat." nasabi ko na lang.

 "Talaga? oh pano, magkaibigan na tayo niyan?" masayang sabi niya.

Tsk. Akala ko kapag lumipat kami ng bahay ay maghahari nanaman ang kagwapuhan ko, eh mukhang lampaso 'tong mukha ko kumpara sakanya eh.

 "Hindi mo pa nga tinatanong kung okay na ba ako, tapos pakikipagkaibigan kagad yang sinasabi mo?" pagsimangot ko.

end
)

 "Parang yung sitwasyon mo ngayon Kurl..

Mamili ka sa dalawa..

Ang iwanan si Nicollo, na sobrang sakit para sa'yo.

O kahit na nasasaktan kapa ay tatanggapin mo siya dahil mahal mo siya.." pag-ayos ko pa sakanya.

Pinaupo ko ito ng maayos at tinitigan ng deretso.

 "Alam mo ba kung ano ang naisalba mong bagay?.. kung sakaling tinanggap o pinatawad mo siya?

Yung relasyon niyo. Yung ikaw, siya.. kayo.

Kasi nga Kurl walang may gusto sa nangyari, mababait ang mama at papa mo kaya kahit na buhay nila ang nakataya ay pinairal parin nila yung intensyong makatulong, natural sakanila yun eh.

Kaya Kurl, 100% sure ako.. maayos niyo rin yan." pagngiti ko pa.

 "Oh anong pipiliin mo sa dalawang option? Yung isa na sakit, na puro sakit lang.

O yung isa na sakit, na may maisasalba.. and eventually.. makabubura sa sakit na nararamdaman mo... dahil sa nagmamahalan kayo.." pagtatapos ko.

Patango-tango ito, hindi ko alam kung para saan.

 "Kurl, alam mo namang hindi ako magaling sa paliwanagan o advice-advice na yan eh.. pinahihirapan mo nanaman ako." pagtawa ko na.

Nakikita kong natatawa narin siya.

 "Oh ngingiti na yan. Yieeeehhh.." pagkiliti ko pa sa tagiliran niya.

 "Okay okay, bukas.. bukas." determinado na niyang sabi.

Hayy nako, ganito nga siguro kapag magbestfriend noh?

Kahit na magulo ang paliwanag ng isa sa inyo, magkakaintindihan at magkakaintindihan parin kayo.

 "Ba't bukas pa? ba't 'di ngayon?" kunot ko.

 "Gusto kong magpahinga, gusto ko na pagkagising ko, balik ako sa dati.. at pupuntahan ko si Nicollo para makipag-ayos. Hindi dahil sa kailangan, kundi dahil sa mahal ko siya." tonong pagmamalaki pa niya.

 "Ge na nga, at dahil ayos na ang lahat. Tabi tayo matutulog." napakasayang sabi ko at pagtawa ko pa na kinikilig.

Napatigil siya, saka kumunot.

 "Martino! Naaalala mo ba nung huli tayong natulog ng tabi?" paglaki pa ng mata niya.

(
flashback



 "Martin.. nalasing ata tayo ng sobra.." nasabi ko na lang pagkagising ko.

Parang ang bagal ng lahat, parang delay ang mga nakikita ko? Ewan?

 "Hmmm..." sa wakas at gising narin ito.

Medyo nahihilo-hilo pa ako, naman kasi eh, naglasing kami ni Martin kagabi.

 "Binuksan ko na yung pinto.. kanina pa ako kumakatok pero walang.."

Pareho kaming napatingin kay lola, na mababakasan ng pagkagulat.

 "Anong nangyari sa inyo? Nako po.." hindi makapaniwalang sabi pa nito.

Saglit kaming napatigil ni Martin. Hanggang sa nagkatinginan kami.

Halos sabay kaming nagulat nang makita ang posisyon namin, nakuha ko pang mapalunok.

 "Kadiri....!!!!!"

end
)

 "Kurl, lasing tayo nun eh." pagtawa ko na lang.

 "Sila Paulo, nasan?" tanong naman nito.

 "Nagtext nga eh oh, umuwi na sila. Nag-aalala sila sa'yo eh, bukas babalik sila." sabi ko habang pinapakita yung text ni James.

 "Martin, may itatanong pala ako. Seryoso, kapag hindi mo sinagot ng matino, makikita mo na lang ang sarili mong kinakaladkad ko palabas." biglang pagseseryoso niya, naroon rin yung tonong pagbabanta.

Saglit akong napatigil.

Teka..

teka..

Tinitigan ko lang siya.

Ano kayang iniisip ng maputing ito?

Mataman ko lang tinitigan ang mga mata niya.

Nako, ang hirap palang basahin ang iniisip niya, lalo pa't kapag hindi ka marunong.

 "Martin ah, may naaamoy ako."

Naaalala kong laging sinasabi niya kapag magkakasama kaming lahat na magbabarkada.

Hanggang sa napalunok na lang ako sa naisip. Si Paulo, tama si Paulo ang iniisip niya.

Abang tsismoso ito ah. Aaaaassshhhh!!

 "Kurl mali yang iniisip mo..." biglang sabi ko saka siya pabagsak na dinaganan.

 "ARAAAAYYYYYYY!!!!"


-----

Ayan! Mukhang tapos na guys!! Hehe! Sensya na, hindi talaga ako magaling sa paggawa at pagtapos ng gulo. Sorry. Sorry.

-----


Point Of View

 - Y a e l -



 "Manang wala parin ba si Yael?"

Paulit-ulit na pagtatanong ko kay manang, kanina ko pa kasi siya hinihintay.

Importante ang itatanong ko, tungkol sa Clarice na yun.

Hindi ko naman makontak, nasa akin ang phone niya eh.

Dahil rin sa phone na 'to, kaya ko nalaman na may komunikasyon papala sila ni Clarice.

 "Wala pa apo." paulit-ulit rin na balik ni manang.

Hanggang sa umakyat na lang ulit ako.

10:00pm

10:15

10:45

11:30



 "Aba wala parin si Yael?" naguguluhan ko nang sabi nang tignan ko ito sa kwarto niya.

 "Kasalanan ko ito eh.." inis ko pa sa sarili nang marinig ang napakalakas na ulan mula sa labas.

Halos dalawang oras nang umuulan, at napakalakas.

 "Sir nandyan na po si sir Nicollo." rinig kong sabi nung isa sa mga katulong.

Agaran na akong bumaba, halos talunin ko pa ang hagdan.

 "Yael." agad na sabi ko nang makita itong basang-basa.

 "Iniwan na ako ni Kurl.." sabi nito.

Patay, lasing pa ito.

 "Yael naman, ba't uminom kapa? Diba pinagbawalan kana ni kuya Kurl na maglasing.." sabi ko pa ng abutan ito ng twalya ng isa naming katulong.

 "Iniwan na ako ng kuya Kurl mo eh.." malungkot nitong sabi.

Kahit na basang-basa ito ay halata parin ang pag-iyak niya.

 "Tara nga sa taas na muna tayo, mag-ayos ka muna." sabi ko na lang.

..

 "Nagtext naba sa'yo ang kuya Kurl mo? Hindi ba niya ako hinahanap?" sabi nito habang paulit-ulit na tinitignan ang kanyang phone.

Tapos na siyang maligo, medyo nabawasan narin kalasingan niya.

Narito kami ngayon sa kwarto niya.

Naiiyak ako sa inaasta niya, kung paano niya hanapin si kuya Kurl. Kung paano niya paulit-ulit na sabihing iniwan na siya ni kuya Kurl.

 "Hindi mo ba siya pupuntahan?" nasabi ko na lang.

Saglit itong tumigil mula sa pagtingin sa phone niya.

 "Natatakot ako sa kuya Kurl mo eh." mahinang sabi nito.

Kahit na kanina ay tahimik si kuya Kurl, kahit na hindi niya ako tinitignan o kahit na hindi siya nagsasalita.

Unang tingin palang, dating palang niya. Alam kong hindi magandang kausapin siya, totoo ngang iba si kuya Kurl kapag seryoso.

 "Ba't ka natatakot?" pagsabay ko pa sa tono niya.

 "Ewan ko ba. Basta ang alam ko, natatakot akong tuluyan siyang mawala sa akin." biglang pag-upo niya.

 "Si Clarice, pupunta raw." biglang sabi niya habang abala nanaman sa phone niya.

 "Takte paano ko niyan makakausap si Kurl, bubuntot yun panigurado eh." inis pa niya.


----



Point Of View

 - P a u l o -



 "Ahhh.. ang gulo mo talaga Kurl.."

Nasabi ko na lang, muling nagtext si Kurl, hindi na raw siya makakasama.

Mabuti at hindi ko pa naipalam kila mommy. Kung hindi, disappointed ang bagsak nila.

Message: Ge Kurl, basta ba ayusin mo yang problema niyo ni Nicollo. Kaya mo yan :))

Pagtext ko. Sa sitwasyon niya ngayon, alam kong mas nahihirapan siyang magdesisyon.

 "Paulo kung sasama ka, huwag mo nang alalahanin yung sa school. Ako na ang bahala." biglang sabi ni mommy, nariyan na pala siya.

 "Opo." balik ko.

Si mommy? Nako! malakas ang kapit niyan!! 

 "Mommy, matutulog na ako. Kumain na muna po kayo diyan." sabi ko pa kay mommy bago tuluyang naglakad papunta sa kwarto ko.

Hayyy, ang hirap ng sitwasyon naming lahat ngayon.

Si Kurl at Nicollo, hindi namin alam kung paano aayusin ang problema nila.

Sabi nga ni Jerry, si Kurl at Nicollo lang ang makakaayos nun.

Pabagsak akong nahiga.

Pahinga, tulog. Yan ang kailangan ko ngayong gabi.

Pipikit na sana ako nang maramdaman ang pagvibrate ng aking phone.

Message: Goodnight :)) Alam ko napagod ka, kaya.. sleep well. Yun lang!

Napangiti na lang ako.

Message: Goodnight din black guy :) Kaw rin.

Pagreply ko.

Hayy buhay, masarap talaga kapag may concern sa'yo.

Aamin na sana ako kanina eh, pero wrong timing. Next time na lang.

Nevermind na lang na muna. Hehe.


----



Point Of View

 - N i c o l l o -



 "Kayong dalawa, lumapit nga muna kayo sa akin."

Nag-aalmusal kami ni Yael nang bigla kaming tawagin ni mommy.

Istorbo naman eh, pinag-uusapan kasi namin ni Yael yung plano ko para sa pakikipagusap mamaya kay Kurl.

 "Nicollo, may problema na palang nangyayari sa inyo ni Kurl hindi mo man pinapaalam sa akin." agad na sabi nito pagkalapit namin.

 "Mommy kasi.."

 "Alam ko na kung ano. At maniniwala ba kayo kung sasabihin kong tumawag si Kurl sa akin?" pagtaas pa ng kilay nito.

Saglit akong napatigil. Alam na ni mommy? Paano? At si Kurl tumawag?

 "Talaga mommy? anong sabi?" agad na pag-upo pa ni Yael sa tabi ni mommy.

 "Basta ang sabi ni Kurl, pupunta siya dito. Around 9, kaya Nicollo, ihanda mo na ang sarili mo." sabi ni mommy.

 "Eh mommy, 8:30 na. Ba't ngayon niyo lang po sinabi?" agad na sabi ni Yael.

Wala sa sarili akong napatakbo papunta sa kwarto ko.

Si Kurl darating?

Arrrrggghhh!! Kailangang maligo na ako! Dapat hindi mahalata ni Kurl na naglasing ako kagabi, patay ako lalo.

Kakausapin ko rin naman siya, kaya dapat malinis at maayos ang dating ko.


-----



8:50 in the morning

Point Of View

 - K u r l -



 "Ayan Kurl, pwede na yan." rinig kong sabi ni Martin.

Kasalukuyan akong nagpapalit-palit ng damit.

Kailangan kong maging presentable sa harap ng mommy nila Nicollo.

Mag-uusap narin kami tungkol sa nangyari, noong bata pa ako.

 "Martin, mauna na ako."

Determinadong sabi ko pagkaharap ko sakanya.

Wala nang urungan ito.

Sa totoo lang wala nang problema eh, napatawad ko na ang pamilya, though wala silang kasalanan.

Nagkaroon lang kami ng konting problema ni Nicollo, dahil narin sa akin.

Kaya ngayon, heto at masaya ako dahil sa pupunta ako para makipag-ayos na, at tiyak na magiging masaya si Nicollo dahil sa magkaka-ayos na kami.

 "Okay, good luck." sabi pa ni Martin nang makalabas na kami ng bahay.

Napagpasyahan ko na lang na maglakad.

Kailangan kong maghanda ng mga sasabihin ko kay Nicollo kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.

Sobra ko siyang nasaktan at pinaiyak kahapon, ngayon, babawi ako.

May napanaginipan pa akong masama kagabi, nakakatakot, sobrang nakakatakot.


Ilang minuto na akong naglalakad at sa wakas ay malapit narin ako kila Nicollo.

Tatakbo na sana ako papasok nang may makitang kotse, sigurado akong hindi kila Nicollo o sa apat ito.

Saglit akong nagtago, saktong may bumabang driver.

May pinagbuksan ito.

Isang babae, sino kaya ito?

Ang ganda ng katawan, itsura palang ay halata na itong mayaman.

Pinsan siguro nila Nicollo?

Nakangiti ito, napatingin ako sa gawi ng nginingitian niya.

Si Nicollo? si Yael? pati yung mommy nila Nicollo?

Ahhh.. baka pinsan nga 'to, kamag-anak siguro.

Pero ba't parang hindi man lang nae-excite sila tita? pati yung magkapatid?

Sinundan ko lang ito ng tingin.

Una itong lumapit kay Yael, yayakap sana ito nguni't agad na umiwas si Yael. Ang sungit na pinsan naman ni Yael.

Sunod kay tita, bumeso ito, si tita parang pilit na ngiti lang. Si tita naman, nagmumukha tuloy siyang maarte.

Sunod kay Nicollo.

Teka..

teka..

Teka.. yumakap yung babae kay Nicollo. Si Nicollo nakatayo lang, parang deadma. Pero atlis, mabait na pinsan siya para sa babae.

Saglit akong napatigil sa sunod na ginawa ng babae.

H.. hinalikan niya sa labi si Nicollo? Aba! anong klaseng pinsan yung babae? P-pwede ba yun sa magpinsan?




Itutuloy


Ang gulo noh? Haha. Pasensya na.

6 comments:

  1. Hindi naman siya magulo, eh.. ayos lang kayaa!! Excited na ako sa next chapter, Justin.
    I'm thinking baka maging assumptionista si Kurl!! Iyon nga ba ang mangyayari? Huwag naman.. hahaha

    ReplyDelete
  2. Ano na ngayon ang mangyayari? Caught in the act. One way nga lang. Hehehe. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  3. Okay naman yung flow ng storya mo pero sobrang ikli yung update mo. Bitin po.

    Jjjjjjjjj

    ReplyDelete
  4. Awwts 4 Kurlo.. nanaman.. :(

    nice story, keep it up.. GodblesS ;)

    vic

    ReplyDelete
  5. Nakaka bitin nmn yang ginawa mo ...... next chapter pls author

    Jay_05

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails