Athr'sNote-
Maraming SALAMAT po sa LAHAT :))
Salamat sa lahat-lahat, lalo na sa suporta.
Pasensya narin sa mga hindi ko napagbigyan, sa mga nabigo ko at sa mga hindi nameet ang kanilang expectations.
Isang napakasimpleng ending!
Again, maraming salamat.
Happy reading!
--
Point Of View
- K u r l -
"Narinig mo ba yun?"
Agad kong tanong kay Paulo at pagtigil pa mula sa paglalakad.
Si lolo naman ay napatigil din.
"Ano yun apo?" tanong ni lolo.
Hindi ako maaaring magkamali, m-may tumawag sa akin.
Saglit akong naghintay, hinihintay kung may tatawag muli sa akin.
At nang wala nang marinig pang tumawag ay..
"Tara na po, akala ko lang po siguro yun." sabi ko na lang at muling nagsimulang maglakad.
Siguro dahil sa kahihintay ko kay Nicollo, akala ko'y may tumawag sa akin at siya ang saktong naisip ko.
Hinayang? Oo, nag-eexpect kasi talaga ako eh.
"Ba yan, may pila pila nanaman." pag-iling pa ni Paulo habang patuloy lang kami sa paglalakad.
Alam kong kanina niya pa nililigaw ang nararamdaman ko, yung bang gusto niyang huwag ko nang isipin yung nagpapagabag sa akin.
Tama, hindi dapat ako maging ganito. Aalis ako, para sa pamilya ko, kay lolo.
"Babalik pa naman tayo Kurl apo, kung sakali.. baka dun niyo pwedeng ayusin at ipagpatuloy yan."
Naaalala kong sabi ni lolo kanina habang nasa bahay pa kami.
Alam ni lolo ang tungkol sa amin ni Nicollo, ayaw ko kasing magsikreto sa bagong pamilya ko.
"Bonding narin 'to." sabi ko na lang.
Ngumiti ako, kailangan masaya kaming aalis, tulad ng sabi ni Paulo.
Babalik pa naman kami eh, matagal nga oo, pero atlis, babalik kami.
Doon narin kami magpapatuloy sa pag-aaral, ewan lang kay Paulo kung anong trip niya?
Papila na kami nang..
Maramdaman kong may pumigil sa akin, may humawak sa aking kamay saka pwersahang hinila paharap sakanya.
"Talagang nakangiti kapang aalis ah?" agad na sabi nito.
Speechless.
Katahimikan
W-wala akong masabi, hindi ko alam kung paano magre-react. A-ano bang dapat gawin?
Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na mabilisan siyang niyakap, mahigpit.
Wala akong pakialam kung marami ang nakatingin, maraming tao o ano man.
"Aalis ka nang hindi nagpapasabi?" rinig kong sabi pa niya.
Ganun rin ang yakap niya sa akin, mahigpit, sobra.
"Akala ko kasi kapag sumama ako matatapos lahat eh." agad kong sabi pagkaharap ko sakanya. "Mali ako, mali pala.. patawad."
"Edi ayos na tayo?" pagngiti na niya.
Si Nicollo ba talaga 'to? Namiss ko yung.. ngiti niya, yung pag ngumiti siya na hindi mo na alam kung nakikita kapa niya.
Nanatili lang akong nakatitig sakanya.
"Huwag kang mag-alala, nasabi na sa akin ni Martin kung bakit kayo aalis. Makapaghihintay naman ako eh." tonong paninigurado pa niya.
Hanggang sa agad kong kinuha ang kanang kamay niya, saka mabilisang isinuot ang singsing sa may daliri niya.
"Etong singsing, panghawakan natin. Babalikan kita. Nicollo babalik ako, pangako." pagtaas ko pa sa kanang kamay ko para ipakita ang suot kong singsing.
"Pangako Kurl, maghihintay ako." pagtaas rin niya ng sakanya.
Muli, niyakap ko siya nang napakahigpit.
Habang nakayakap ay nakita ko naman si Yael, nasa likod lang niya. Halatang tuwang-tuwa ito.
"Kuya Kurl, babalikan mo yang si Yael ah?" pagngiti pa niya.
Agad akong kumawala sa yakapan namin ni Nicollo. Saglit kong kinalkal ang aking bulsa.
"Eto." agad kong sabi nang iabot sa kamay niya ang susi.
"Diba sabi mo na gustong-gusto mo si baby Tobi? Ayan.. ikaw na muna ang bahala sakanya." sabi ko pa.
"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi niya, sa susi lang ang titig.
"Syempre nam.."
"Kurl, sorry." biglang sabi ni Nicollo na nagpatigil sa akin.
Tinignan ko ito.
"Nicollo naman.. umiiyak kapa.." agad na pagpunas ko sa mga luha niya.
"Kasalanan ko okay, ayos na tayo.. huwag kanang umiyak.." tarantang sabi ko pa habang pilit na pinupunasan ang mga luha niya.
"Talaga Kurl? Hindi ka galit sa akin?" biglang sabi niya, nakangiti na.
"Oo nga, kasalanan ko eh, pero ayos na tayo ha? Tama na, huwag kanang umiyak." pagpapanatag ko pa. "Nicollo oh.." mahinang sabi ko at ibinigay ulit yung maliit na teddy bear sakanya, mabuti at hawak-hawak lang ito ni Paulo at hindi ko naisama sa mga gamit ko.
Ngumiti ito.
"Aalagaan ko na 'to. At alam ko na.. kailanman, hindi na darating ang araw na muli ko itong itatapon." paninigurado pa ni Nicollo.
Tumango at ngumiti ako. Masaya, masarap sa pakiramdam, sobra.
"Tol, oras na, baka mamaya maglakad kami papunta don." natatawang sabi naman ni Paulo.
"Ayy.. sorry." nahihiyang sabi naman ni Nicollo.
Napabaling ang tingin niya.. kay lolo.
Tinignan ko si lolo, pangiti-ngiti rin lang.
"Nawala sa akin ang inay mo, at ayaw ko rin namang mawala ka sa akin kaya huwag kang mag-alala, tanggap ko ang pinasok mo at masaya ako na masaya karin."
Naaalala kong sabi ni lolo nang magkwento ako sakanya. Madami kaming napag-usapan. Masaya, masaya kaming dalawa.. lalo pa't sa puntod nila inay at itay pa kami nagkwentuhan. Ibang-iba ang araw na iyon para sa akin, masaya, sobra.
"Good morning po. Pasensya na po.." mahinang sabi at pagmano ni Nicollo kay lolo.
"Masaya ako at ayos na kayo." pagngiti ni lolo.
Nakita kong nagulat si Nicollo, tinanguan ko lang siya.
"Osiya, mauna na kami tol ah.. don't you worry.. babalik pa 'tong si Kurl." pagtapik pa ni Paulo kay Nicollo.
"Kuya Kurl, ako na muna bahala kay baby Tobi. Salamat ahh.." masayang sabi pa ni Yael.
"Teka..." biglang sabi ni Nicollo.
Tinignan ko naman ito..
Halos manlaki ang aking mga mata sa ginagawa niya.
"Madaming tao." suway ko habang sila lolo at Paulo naman ay nagpipigil ng tawa. "Nakakahiya kay lolo oh.." sabi ko pa.
Ngumunguso kasi siya eh. Kiss, gusto niya ng kiss.
"Oy Yael mahiya ka nga kay kuya Kurl, ang dam.."
"Thank you." masayang sabi ni Nicollo nang mabilisan niya akong hinalikan sa pisngi, smack?
"Ahhh talaga.." gulat pa ni Yael.
"Osiya, ingat ah?" nasabi ko na lang.
Burning Face. Yan ata ang deskripsyon ng mukha ko ngayon?
"Ge, ahm.. lolo salamat po sa suporta at pagtanggap.. tol salamat din, alagaan mo si Kurl ah?" masayang sabi pa ni Nicollo kila lolo at Paulo.
"Kurl, huwag mong pababayaan yang sarili mo ah? Mag-iingat ka lage.. Tsaka umayos ka dun, kapag ako may nalaman.. nako susugurin kita dun." baling pa sa akin ni Nicollo, napatango na lang ako.
"Kuya Kurl ingat!" sabi pa ni Yael.
"Oh.. bye.." mahinang sabi ni Nicollo saka pag-abot pa sa akin ng isang bagay.
Teddy Bear? E-eto yung hawak niya nang puntahan niya ako sa bahay.
Yung malalaking chocolate? Nako, ubos ko na. Haha.
"Salamat.. bye.." mahinang sabi ko rin.
...
"Fate, ika nga." nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan yung maliit na teddy bear na bigay ni Nicollo.
Nakaupo na kami sa eroplano, paalis na niyan. Si lolo, agad nang nakatulog. Si tita naman, kinabukasan pa lilipad at susunod sa amin, may aasikasuhin pa kasi.
"Kurl baka tumutunog rin yan, try mo dali.." excited pang sabi ni Paulo.
Oo nga noh?
Kaya naman agaran ko itong pinindot.
"Kurl, miss na kita.. miss na miss."
-----
After 3 Years
Point Of View
- N i c o l l o -
6:00 in the evening
"Happy 37th monthsary.. Kurl." mahinang sabi ko habang nakatitig sa picture naming dalawa ni Kurl.
Naiiyak nanaman ako.
Kaninang umaga ko pa paulit-ulit na sinasabi yan kapag napag-iisa ako.
Wala kasi kaming communication ni Kurl, pero nananatili parin akong matatag, naghihintay.
"Babalikan kita. Nicollo babalik ako, pangako."
Pangako niya, na hanggang ngayon ay pinanghahawakan at sinasandalan ko.
"Pangako Kurl, maghihintay ako."
Ang salitang iniwan ko sakanya, na hanggang ngayon, ginagawa ko.
"Kurl, miss na kita.. miss na miss." mahinang sabi ko pa.
Yan rin ang inirecord ko dun sa maliit na teddy bear.
Nang saktong nagbabiyahe kami papunta sa airport, araw ng pag-alis ni Kurl at pamilya niya.. ay sinabi sa akin ni Martin na kailangan talaga nilang umalis.
Kaya naman, yun ang inirecord ko sa teddy bear, para kapag nasa ibang bansa na si Kurl, lagi niyang maririnig mula sa teddy bear na miss na miss ko na siya.
"Yael, tara na." rinig kong sabi at pagkatok ni Yael. "Umiiyak ka nanaman." dagdag pa niya pagkapasok niya.
Oo nga pala, may lakad ang barkada.
Birthday ng girlfriend ni Lance, celebration ang magaganap.
Medyo angat-angat na party, nasaktong runway model pa ang girlfriend niya.
Party ang pinakaayaw ko sa lahat, marami ang nagpapakilala sa akin, maraming nagtatanong ng pangalan ko at higit sa lahat.. lagi akong napagkakamalang single.
"Sandali lang noh? Maliligo pa ako." balik ko nang mabilisang punasan ang aking mga luha.
"Nako, sumbong kita kay kuya Kurl, sabihin ko sakanya na puro iyak ka." sabi naman niya.
"Ewan ko ba sa Paulo na yan, bakit kasi hindi pa niya sinama si Kurl pauwi. Yung lolo ni Kurl sabi sa akin na babalik din daw si Kurl, kaso ang tagal naman..." posturang inip na inip ko pa.
"Nag-aaral nga daw, tapos na nga daw ata eh? Excited ka naman masyado." balik niya.
Napailing na lang ako saka na naghanda para sa pagligo.
-----
Point Of View
- Third Person's -
(ft. "Runway Musics")
"Tae, solid yung mga rumarampa noh?" manghang sabi ni James sa barkada.
"Parang nasa fashion show lang tayo eh." pahabol pa ni Yael.
Ang girlfriend kasi ni Lance ay isang runway model, at dahil sa impluwensya narin nito'y nagkaroon ng mala-fashion show ang birthday party niya.
"Hi boys.." medyo may tonong pang-aakit na sabi ng isa sa mga lumapit na babae sa lamesa nila.
Tatlong babae, magaganda.. tatlo sa mga rumarampa.
Napaka-ingay ng tugtugin, dala narin na pang rampa ang mga ito kaya naman talagang napakasaya ng party.
"Guys,.." pagkuha ni Lance sa atensyon ng barkada.
Sila James na abala lang sa panunuod, sila Martin at Paulo na abala naman sa isa't-isa.. sila Doms na sa alak abala, maging si Nicollo na walang inaatupag kundi ang.. pulutan.
"Hey guys..!" malakas na sabi pa ni Lance, nakuha naman nito ang atensyon ng barkada.
"Kanina pa nila kayo gustong makilala.. guys.. mga title holders ang mga yan, bawal magsungit." sabi ni Lance.
Patukoy rin nito kay Nicollo, tuwing party kasi ang pinupuntahan nila ay walang ibang pinagkakaabalahan ito kundi ang pagkain.
"Hi girls.." biglang sabi naman ni Yael sa tatlo.
Kinilig naman ang mga ito, pero mas interesado sila sa Nicollo na nakikita nila ngayon, magkamukhang-magkamukha man ang dalawa.
"Kambal nga silang dalawa." sabi pa ng isang babae.
"Well guys, this is Ella, Jhen and Rose, sa unang tatlong seasons ng CC Runway Management, sila ang mga title holders sa babae." tonong pagmamalaki pa ng girlfriend ni Lance.
Binati naman ng barkada ang mga ito, pasuplado man ang paraan.
"Pakilala niyo naman kami sakanya.." patukoy ni Ella kay Nicollo.
"Nicollo daw, uyy tawag ka.." tonong nakakaloko pa ni Paulo kay Nicollo.
"I'm not interested." pabulong na sabi naman ni Nicollo.
Mabuti na lang at napakalakas ng sounds, kung kaya't sila Martin lang na katabi nito ang nakarinig.
"Hi Nicollo, i'm Rose. Do you have a girlfriend?" deretsahang sabi naman ng babae.
Napaangat ng tingin si Nicollo saglit niyang tinitigan ang tatlo.
"Wala akong girlfriend." nakangiting sabi ni Nicollo.
"He's single, I told you girls.." tonong pagmamalaki kagad ni Ella.
Halata namang kinilig ang tatlo.
"Ahm.. hi Nicollo, i'm Jhen, CC Runway Model.. Season 3's title holder." paglahad pa ng kamay nito.
Pilit na nagpipigil sa pagtawa ang barkada, alam nanaman kasi nila ang balak na gawin ni Nicollo, ang gulatin at paluhain ang mga babae sa panghihinayang.
Maging ang girlfriend ni Lance, kanina pa tinatakpan ang bibig, kanina pa nito gustong matawa patukoy sa inaasta ng mga kaibigan niyang babae.
"Single ka pala." sabi kagad ni Jhen nang abutin ni Nicollo ang kamay niya.
"And i'm Ella, season 2's title holder." paglahad rin kagad ng kamay ni Ella.
Inabot kaagad ni Nicollo ito, nakangiti.
"Wala ka palang girlfriend." sabi pa ni Ella.
"Yah, I don't have a girlfriend.. but.. I do have a boyfriend." pagngiti pa ni Nicollo. "Yes, a boyfriend." pahabol pa nito nang makitang gulat na gulat ang tatlong babae.
"Seriously? Hm.. You must be kiddin' .. huh?.." agad na sabi ni Rose matapos makabawi sa sinabi ni Nicollo.
"Wait." agad na balik ni Nicollo saka kinuha ang phone nito sa kanyang bulsa.
"Look, eto ang boyfriend ko. Yang tisoy na yan." tonong pagmamalaki pa ni Nicollo nang ipakita nito ang picture ni Kurl sa phone niya.
Kuha ito mga panahong nagkukulitan sila sa kwarto ni Kurl, mag-isa lang si Kurl sa kuha at nasaktong wala pang damit.
"Talaga..?" hindi makapaniwalang sabi pa ni Ella nang makita nila si Kurl sa picture.
"At alam niyo ba.." pahabol pa ni Nicollo at muling binawi ang phone, agad nitong hinanap ang picture nilang dalawa ni Kurl kung saan..
"Ngayong araw na ito ay.. 37th monthsary namin." pagngiti nito at ipinakita ang picture nilang dalawa ni Kurl kung saan.. magkadikit ang kanilang labi.
Halos manlaki ang mata ng tatlong babae.. at hindi na nga napigilan ng girlfriend ni Lance ang napakalakas niyang pagtawa.
"Well girls.. sorry pero taken na yang si Nicollo." tonong panghihinayang pa ng girlfriend ni Lance para lalong mabusit ang mga kaibigan niyang babae.
"Bye.." tonong pang-iinsulto pa nila Doms nang kusang umalis na ang tatlo.
"Again." biglang sabi ni Jerry, nagsitawanan naman ang magbabarkada.
"Guys, ituloy na natin ang shot sa amin." biglang sabi naman ni Martin.
"Oo tama.. puro inuman na lang kasi niyan dito tsaka maingay baka mabingi kayo sa sobrang lakas ng sounds.. maraming salamat sa pagpunta niyo ah?" balik ng girlfriend ni Lance. "Magpapadala na lang ako ng extra foods, hintayin niyo na lang, padadala ko sa driver namin."
Nagsipasalamatan ang mga ito.
Si Lance naman ay nagpaiwan, para sa girlfriend niya.
Isang kotse lang naman ang dala nila kaya yun at sabay-sabay sila. Kotse ni Paulo ang gamit gamit nila.
"Daan muna tayo sa convenience diyan sa may malapit." biglang sabi ni Yael nang malapit na sila.
"Ge." balik ni Paulo. "Bili narin tayo ng pagkain."
"Ba't ang tahimik ata ni Nicollo." tonong pamumusit ni Martin.
Sa tuwing ganito, alam na nila ang dahilan. Si Kurl, namimiss nanaman nito si Kurl lalo pa't monthsary nila.
Tuwing monthsary nila ay nagsecelebrate silang magbabarkada. Iba't-ibang bahay, ngayon ay bahay ni Martin.
"Paulo naman kasi eh.. ba't hindi niyo pa sinama ni lolo si Kurl." simangot nito.
"Nag-aaral nga nun, pero tapos nayun niyan. Hintay ka lang." balik ni Paulo.
"Nako nako.. marami daw atang koreano doon, patay daming chinito kung sakali." pamumusit pa ni Paul.
"Subukan lang niyang magsama nang ibang chinito, tignan ko lang kung magtagal dito yun." balik ni Nicollo.
Nagsitawanan naman ang magbabarkada.
"Nagtext na yung apo ni lola, nakapagluto na raw ng makakain at pampulutan si lola." masayang sabi ni Martin.
"Nice, foods foods foods.." excited pang sabi ni Yael. Paborito nitong magluto ang lola ni Kurl.
"Pagkauwi ni Kurl, yari talaga yan sa akin." biglang sabi pa ni Nicollo.
"Anong klasing yari?" pagngiti naman ni James.
"Oo nga, anong klase?" pagsakay pa ni Brent.
"Alam niyo na yun." tonong kinikilig ni Nicollo.
Saka naman napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan.
"Nako, sumbong talaga kita kay kuya Kurl." pahabol pa ni Yael.
"Kayo talaga, oh tara magsibaba na tayong lahat." sabi ni Doms nang nasa convenience store na sila.
"Kuha lang ng kuha guys ahh.., ako na ang bahala." sabi pa ni Jerry saka na sila nagsibabaan.
....
"Oh kain pa.." magiliw na sabi ng lola ni Kurl sa magbabarkada.
"Salamat po lola.." balik ng mga ito.
"Wala yun, kapag may kailangan pa kayo tawag lang kayo sa bahay." masayang sabi ni lola saka na ito pumasok.
----
Point Of View
- K u r l -
"Pi-li-pi-nas." napakasimpleng sabi ko nang saktong pagbaba ko ng eroplano.
"Wait for me, em' coming." pagngiti ko pa habang papalabas na ng airport.
"Magandang gabi po sir, welcome back." agad na pagbati sa akin ng driver ni lolo.
"Magandang gabi rin po., kamusta na po si lolo?" magiliw kong sabi.
"Ayos naman po. Tara na po sir, tignan niyo at pinagtitinginan po kayo." pagnguso pa ni manong sa mga nakamasid.
"Nako manong, sanay na po." pagtawa ko pa saka na kami nag-ayos at umalis.
"Sa bahay po ba ng lolo niyo ang deretso natin? O sa bahay niyo po?" rinig kong tanong bigla ng driver.
"Talaga?" masayang balik ko sa ibinalita ni lola.
Nasa bahay raw ni Martin ang barkada, celebrate ulit, monthsary namin ni Nicollo.. kaya ayun.
Sinadya kong mawalan ng koneksyon sa barkada.
Kay lola, Martin at Paulo lang ako tumatawag, at sinabihan ko sila na huwag ipaalam na nagpaparamdam ako.
"Osige po lola, maraming salamat." magiliw ko pang sabi saka na ibinaba ang tawag.
"Sa bahay ko po manong. Pakibilisan, salamat." excited ko pang sabi kay manong.
"Nicollo, miss na kita.. miss na miss."
Pagpapatunog ko sa maliit na teddy bear na ibinigay sa akin ni Nicollo.
Palagay ko, sinadya niya ito. Haha.
"Miss na rin kita." pagngiti ko pa.
-----
After 20 minutes
Point Of View
- Third Person's -
"Oh, sino yan? Guys may bisita ba kayong darating?" gulat na sabi ni Brent nang mapansing may dumating na kotse.
Nagsitinginan naman silang lahat sa kotse, lalo pa't sa harap ng pwesto nila ito tumigil.
Palihim na napangiti si Paulo at Martin, alam nila eh.
"Tae 'to, sa harap pa natin tumigil." inis kagad ni Yael, tumayo pa ito.
"Kapag yung may-ari bumaba, nako mabugbog nga." pagtayo rin ni James.
Hanggang sa...
"Whoaahhwww.." halos paglaki ng mga mata nila sa gulat.
"Kuya Kurl?" hindi makapaniwalang sabi pa ni Yael nang makabawi.
"Grabe Kurl..? anong nangyari sa katawan mo? Medyo uminit na ang dating mo ah.." gulat pa ni James.
"Hindi kana tisoy, tisoy na tisoy na." pahabol pa ni Doms.
"Ah.. eh.." nahihiyang sabi ni Kurl. "Bago ko kayo sagutin, nasan muna yung baby ko? yung mahal ko?" tanong pa niya nang nakangiti na.
"G-grabe kana Kurl.." pahabol pa ni Martin.
"Nasa loob, sa kwarto mo." pagsingit pa ni Paulo.
"Ge salamat guys ah, mamaya ko na kayo kausapin, si Nicollo na muna.. kawawa naman at matagal nang naghihintay." agad na sabi ni Kurl saka na nagsimulang maglakad papasok sa loob.
Naiwan naman ang magbabarkada na parang.. ewan sa pagkakatulala.
Speechless? Huh?
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Kurl naman kasi eh.. umuwi kana." mahinang sabi ko habang nakadapa lang sa higaan ng taong mahal ko.
Every weekend, nililinis ko ang bahay ng taong mahal ko. Bahay ko narin kasi eh, at gusto ko na pagkauwi niya, malinis ang bahay.
"37 months na tayo, hindi parin kita nakikita. Naiinis na ako sa'yo." tonong parang bata ko pa.
"Huwag kang mag-alala. Nandito na ako at hindi na ako aalis."
Saglit akong napatigil sa narinig.
Katahimikan.
Yung tibok ng puso ko.. parang may kung anong nagpabilis sa pagtibok nito.
Uneasy? Pag-init ng dibdib? Pinagpapawisan?
"Edi.. hanggang mamaya kang tulala diyan? Don't worry, hindi 'to panaginip."
Rinig kong sabi pa ng isang pamilyar na pamilyar na boses.
"Kurl?" pagbulong ko pa.
Hindi kasi talaga ako makapaniwala.
Daydreaming?
"Kapag ikaw hindi talaga gumalaw diyan, iiwan kita ulit."
Speechless.
?????
Ewan ko pero parang tila kusang nagsisimulang, magsibagsak ang aking mga luha.
Naiiyak ako, pero pilit ko talaga itong pinipigilan.
Totoo ba 'to? Si Kurl ba ang naririnig kong nagsasalita?
"Nicollo miss na kita, miss na miss."
Totoo nga talaga, hindi panaginip.
"Yung singsing suot ko pa.. ikaw suot mo paba?"
Napatingin na lang ako sa aking kanang kamay, sa daliri.. kung saan nakasuot ang singsing, na may nakaukit na "Kurl".
Nararamdaman ko, umiiyak ang taong naririnig kong nagsasalita.
"Nicollo sorry ah?, p-patawad kung napatagal ako."
Sa narinig kong yun, tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha.
Hindi naman ako galit sakanya eh, diba nga sabi ko maghihintay ako.. kasi alam kong babalikan niya ako.
"Oo napatagal ako, at alam kong nahirapan ka ng sobra, tapos hindi pa kita tinatawagan. Pero Nicollo, ikaw ang laging laman ng isipan ko, na namimiss na kita, na gusto kitang yakapin, na gusto kong umuwi para lang mayakap at makasama kita.. Nicollo.. patawad."
Ba't ganun? Hindi naman ako galit eh, diba nga sabi ko maghihintay ako.
Yan tuloy, umiiyak siya. Akala niya nagagalit ako sakanya, hindi naman eh.
"Nicollo, tumingin ka naman oh.."
Dahil sa sinabi niyang iyon..
Unti-unti,
Dahan-dahan akong kumilos, paharap sakanya.
Nang makita ko siya, lalo akong napaiyak, nakikita ko kasing umiiyak yung taong mahal ko eh.
"Kurl naman eh, ba't umiiyak ka." mahinang sabi ko. "Hindi naman ako galit eh."
Katahimikan. Titigan, pagkasabik.
"Nicollo, happy.. 37th monthsary... I love you."
Hanggang sa..
Nakita ko na lang ang sariling patakbong lumapit sakanya.
Isa lang ang nakikita ko, siya, ang labi niya.
"Mas mahal kita, Kurl." mahinang sabi ko pa nang mahawakan ko na ang magkabilang pisngi niya.
Labi.
Halik.
Kiss.
Yah, a kiss. I kissed him, we kissed.
Real love? Forever? TRUE LOVE?
Long distance relationship? No communication? Affection? Feelings? Promises?
One word.. TRUST (--,)
Salamat :))
ReplyDeleteHintayin natin ang next story!
Thanks Author sa Isang magandang storya. Author may bagong story kaba na isusulat?
ReplyDeleteMamaya ko na ito babasahin!!
ReplyDelete:-) :-)
wagas ang sweetness,
ReplyDeleteboholano blogger
Yehey. Nung una akala ko di na to tatapusin kasi parang hanggang chapter 11 lang sya. Super ganda nung unang chapters. Tas nung biglang bumalik si author, di ko na masyadong maalala masyado yung story pero alam ko tumtatak sya sakin. Ang light ng story despite the fact na deep yung mga nangyari sa bida. Ang cute ng writing style, super simple, minsan nakakalito, minsan direct to the point, pero yung mga drama parts magugulat ka nalang umiiyak ka na. Fave line ko yung katahimikan, speechless. Ang innocent ng character ni Kurl kahit malalim pinagdaanan, ganun din si Nicollo kahit basagulero, in short contrasting. Polarizing din yung story, either gusto mo or ayaw mo. Kahit di ako masyado ngcocomment, excited ako lagi pag binabasa ko to. Feeling ko kamuka ni author si nicollo ay kurl. Haha anyway great job! Hope to read your next stories. :-) Marvs
ReplyDeleteBitin yata ang ending...pero ok lang dahil nakatuluyan din sila sa wakas...Thanks sa novel...waiting for the next novel. God Bless You
ReplyDeleteWaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Gusto ko na rin tuloy tapusin yung LOVE IS. Pero di pala! Haha. Nice one there, Justin! Next story agad! :) Sorry kung hindi natin nagawa yung plan mo. Gomenasai!
ReplyDeleteIsang malakng ngiti sa labi ang .. kung gaano kalawak? Hanggang tainga! Haha..
ReplyDeleteMaganda at masarap talaga ang feeling kapag nakakabasa ka ng istorya na light lang. I so love this! HAPPY ENDING!
Anong kasunod, Prince? Isa ako sa naghihintay. :-) :-)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteGrabe nice one
ReplyDeleteIkaw na talaga Author! Next story na agad pls! Hahaha
ReplyDeleteang ganda na story...nakakarealate ako takbo niya...:-)
ReplyDeleteHay sarap ng laging my happy ending
ReplyDeleteSa totoong buhay kna my ganyan....
Nakakaingit naman
Jhay_05😍
Gandaaaaaa love it.
ReplyDeleteAstig ng Story na ito. Nakadagdag ng kulay yung raw style na pagkakasulat. Mas naging natural at magaan ang dating. Parang itong story na ito yung sumasalamin ng pagka-inosente ng Love. Love is meant to be pure, innocent and light. Yun yung naipakita mula kay Justin at Kyle hanggang kay Kurl at Niccolo. Great Job author. Looking forward to your next story, basta keep your own style of writing.
ReplyDelete- Lantis
nice one! love the story. Thanks Author ^_^
ReplyDeleteawesome story. i really loved it. keep it up!! ^___^
ReplyDeleteawesome story. i love it. keep it up!! :)
ReplyDelete