AUTHOR’S
NOTE: Hi
Guys! Sobrang saya ko. Alam niyo ba yun? Kasi andyan pa rin kayo kahit nawala
ako ng sobrang tagal. Matagal na kasi para sa akin ang 2 weeks e. Di ba sabi ko
sa inyo, hindi lalampas 10 days ang updates. Well, anyways! Magdiwang! Dahil
may update! Yay!
2 days pa lang ang nakakalipas e, may update
agad, no? Nakapangako ako e. So, dapat ko yung tuparin. Tamang tama naman kasi,
napasaya niyo ako ng sobra. :D
Hindi pa sure ang update sa darating na Sunday,
unfortunately, konting konti pa lamang ang tulog ko. Kaya, rest rest din pag
may time, di ba?
But still, I’ll try harder guys! Mahal ko kayo
e. Yie! Matats naman kayo! Add niyo ko sa FB at yung group ha. Show your love
to me, please… :D Nasa baba lang yung mga links. Naisip ko kasing sa group ko
na lang lahat ipopost ng mga teasers and teaser images. Kayo rin, hindi kayo
updated. :D
Maraming salamat pa rin kila Boss Mike Juha, at
Boss Ponse! Maraming maraming salamat po!
Kila Boholano
Blogger, Alfred of T.O., Prince Justin, Anonynous #1, Anonymous #2,
Rye (Na kapangalan ko. :D), Kay Yelsna (Heto na yung pangalawa! Haha!),
Yoebo (Hi! Thanks sa pagcomment!) Anonymous #3, Jay 05, Angel, Trev, Bharu at Anonymous #4! Masaya ako sa mga nabasa kong komento mula sainyo. This
chapter is dedicated to you guys. :D
SO MUCH LOVE
LOVE LOVE FROM ME! Capslock + Bold Font para mas intense lalo!
Heto na! #LoveIs14!
Enjoy reading!
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental.
LOVE IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS
CHAPTERS
ADD ME UP!
KINDLY READ
THESE STORIES TOO!
Gio Yu’s
FINAL REQUIREMENT (On-going)
Vienne
Chase’s BEAT OF MY HEART (Up-coming)
Jace Page’s
THE TREE, THE LEAF and THE WIND (On-going)
Bluerose
Claveria’s GEO – MR. ASSUMING (On-going)
CHAPTER XIV
Riel’s
POV
Matapos
ang kantang inialay sa akin ni Red, ay agad niya akong ipinagpaalam sa aming
mga magulang para makausap. Pumayag naman sina Nanay Mel at Tatay Fred. Alam
naman daw namin na may curfew kami. Kaya’t kailangan daw naming bumalik agad.
Pinagpahintay
na lang muna ni Red ang mga kagrupo niya doon sa amin. 8:30 PM na nang
makarating kami sa dalampasigan.
Ito na
to. God has given me the sign I am asking. Handa na ako. I know na napakabilis,
pero ayoko namang patagalin pa. Red deserves it already. Marami na siyang
nagawa para sa akin. Para sa puso ko.
I think
it is all enough to give him what he truly deserved.
Ang BIG
WORD na ‘OO’.
Nakahiga
kami ngayon sa buhanginan. Wala kaming imik buhat nang makarating kami rito. I
don’t know how to start the conversation. Masyado pang contained ang utak ko ng
sobrang saya dahil sa ginawa niya.
“Riel…”
Pagpukaw niya sa sobrang tahimik na ambiance.
Napangiti
ako. Pagtawag niya pa lang sa pangalan ko’y kinikilig na ako. Ala uy! Para
naman atang babae ako kung umasta rito! Argh!
“Hmm…”
Sagot ko. Tumagilid ako para makaharap siya. Nakatingin lamang siya sa
kalawakang punong-puno ng nagkikinangang mga bituin.
“N-Nagustuhan
mo ba yung ginawa ko?” Napakamot pa siya ng buhok nang sabihin niya ito.
Nahihiya? Haha! Ang cute!
“Sobra.”
Tipid kong tugon sa kanya.
Napatingin
tuloy siya sa akin. Nabigla rin siya nang sobrang lapit ko sa kanya. Ewan.
Gusto ko lang naman na maramdaman niyang pareho ang nararamdaman namin sa isa’t
isa.
Pero, I
am not pertaining to something ha! Oo, 18 na ako, at 19 na siya. Pero my gosh!
Saka na lang yun, kapag matayog na tong relasyon na to! Sasagutin ko pa nga
lang e.
Erase.
Erase. Erase muna!
Napangiti
ako sa reaksyon niya. Napaatras pa nga siya e. Tumagilid na lang rin siya
paharap sa akin. Bakit hilig niya ang magkamot ng ulo? Haha.
“T-Talaga?
P-Pasensya ka na kung hindi maganda boses ko ha?” Aniya.
“Hindi
ah, maganda kaya! Pwedeng pang concert.” Pang-aasar ko sa kanya.
Okay
lang sa akin no! Mas importante ang effort.
“Pinagtitripan
mo naman ako e.” Tampu-tampuhan niyang tugon sa akin.
Parang
bata to kung magtampo. Haha. Tumalikod pa talaga sa akin.
Mas
lumapit pa tuloy ako sa kanya. Pwedeng magpakasweet na rin ako? Nakuha ko na
naman yung sign ko e. Lalandi na ako ngayon. Pero siya lang yung lalandiin ko.
Hahaha.
Niyakap
ko siya habang siya’y nakatalikod sa akin. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat
sa ginawa ko. Nanginginig pa nga siya e. Ang kyut kyut! Haha!
Katahimikan
ang bumalot doon sa amin. Naestatwa lang siya sa pagkakayakap ko. Ang bango
naman nito! Ang sarap amuy-amuyin!
Nagiging
wild na ata ako! Grrr!
“Namiss
kita.” Mahinang sambit ko.
Nagulat
na lang ako nang napatayo siya bigla. Napaupo tuloy ako. Nasilayan ko sa
kanyang mukha ang saya.
“Bakit?”
Tanong ko. Napapangiti na rin ako.
“Alam
mo, kakaiba ka ngayon. There’s something wrong.” Aniya.
“Huh?
Anong kakaiba sa akin?” Tumawa na talaga ako sa tanong niya. Tumayo na rin ako
at hinarap siya. “Jared Isaiah Ariola. May itatanong ka ba sa akin? It’s now or
never.” Dagdag ko.
Napakamot
na naman siya ng kanyang ulo. May kuto ba siya? Dandruff? Masyado atang makati
ang ulo nito.
“Wala
naman akong tanong. Bakit may dapat ba akong itanong sayo?” Clueless niyang
sagot sa akin.
“Ayaw
mo ba talagang malaman ang sagot ko?” Pangbubuska ko pa. Ano ba naman yan! Slow
masyado!
“Ha?
What do you mean na sagot? At ano ba talagang tanong yun?” Argh! Di pa rin
gets!
“Yung
tanong mo na tanging ako lang ang makakasagot! God! Red! Think! Pag ako,
naumay, iiwan kita dito. At wag na wag ka nang magpapakitang muli sa akin!”
Saad ko na parang naiinis.
Mas
slow pa ba siya sa pagong? Grabe!
Nataranta
naman siya sa sinabi ko. “Riel! ‘Wag naman ganun oh! Teka!” Untag niya sa akin.
Tumalikod
ako dahil natawa ako sa kanyang reaksiyon. As if naman kaya ko yun no? What I
did was just to make his brain work. Kapagka kasi ganun ang gagawin mo sa kung
sino man, ganun na ganun talaga ang magiging reaksyon nila.
Narinig
ko na lang ang mga bulong niya.
“Think.
Think, Red! You don’t want to lose him, right?” Aniya.
Hindi
ko mapigil ang pagtawa.
Napagitla
ako nang sumigaw siya.
“Ah!”
Parang nakakuha ng sagot sa tanong na masyadong mahirap sagutin.
Umikot
siya sa akin para maharap ako. “Are you sure about this, Riel?” Aniya. “Handa
ka na ba talaga?” Dagdag niya.
Tumango
na lang ako.
“As in,
talaga? Talagang, talaga?” Ang kulit!
Tumango
na lang akong muli. Kainis! Sineryoso ko nga ang mood ko para dito e. Nako!
Baka sa pamamagitan ng utot lumabas yung tawa ko. Gross! Natatawa na talaga ako
sa ginagawa niya.
“Talaga?
Ang akin lang naman e, yung kapag handa ka na talaga. Baka kasi nabibigla ka
lang?” Aniya. Putek! Ang tagal!
“Goddammit!
Itatanong mo ba o magkalimutan na lang? God! What is wrong with you! I am
asking you to ask that fucking question, tapos ikaw pa tong mas marunong sa akin!
Grabe! Ayaw mo ba o gusto!” Asik ko! Nangangati na kasi ang dila ko para
sabihin ang word na OO!
Ang
slow e! Pasalamat siya’t gwapo siya! At mahal ko pa! Hayst!
“Eto na
nga! Di naman mabiro e. Gawin mo na ang lahat sa akin, ‘wag na ‘wag mo lang akong
iiwan.” Wushu! Nagdrama pa ang gago!
“Ano na?!”
Sigaw ko.
“Ito na
nga!” Tumayo siya nang matuwid. “Ehem… Ehem…” Kakantang muli? Hahaha! “Gabriel
Dela Rama, Can you be my boyfriend?” Hayst! Sa wakas!
“Yes!”
Masaya kong sagot sa kanya.
“YES?”
Tanong niya sa akin. Tumango naman ako. “YESSSSSS!” Sigaw niya.
Dali-dali
ko siyang sinaway. Tinakpan ko na ang bibig niya.
“Wag ka
ngang maingay! Wala tayo sa syudad no! Tsaka gabing gabi na! Makakaistorbo ka!”
Tumango naman ito sa akin. Agad ko naman siyang pinakawalan.
Nagulat
na lang ako nang pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
Masanay ka na Gabriel Dela Rama! Simula ngayon. Opisyal na
kayong dalawa. Mas marami pang sweetness na ipapakita yan.
Alam ko
naman yun! It’s just that. Naninibago lang ako. Huh? Hahaha!
Hindi
ko mapigilan na tingnan kung ano na ba ang reaksyon niya. Nagulat na lang ako
nang nakatingin pala siya sa akin. Nagtapo ang aming mga mata. His eyes are
showing happiness.
“Ang
saya ko ngayon sobra. Pinasaya mo ako.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay
hinalikan niya ang aking kamay na hawak niya. Napangiti na lang ako sa ginawa
niya.
“Mas
masaya ako, kasi, kahit ang Panginoon, sangayon sa desisyon kong ito.” Tugon
ko.
Nakita
ko na lang na parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Iniiwas ko ang aking
mata sa kanyang mga titig. Matutunaw ata ako!
Bumuntong
hininga muna ako. “I’ve asked God a sign, a sign which will prove an eternal
love. At ibinigay niya yun kanina lang.” Pagpaliwanag ko.
Nanghinayang
ako nang bitiwan niya ang kamay ko. Pero, napawi yung muli dahil sa ginawa
niyang sunod. Niyakap niya ako mula sa likod at isinandal ang kanyang baba sa
aking balikat.
“Harana?
Yun ba yung sign na hiningi mo?” Aniya.
Tumango
na lang ako bilang sagot.
“Alam
mo bang hindi ko naman talaga yun naisip. Ang slow ko kaya pagdating sa
pag-ibig.” Nagulat ako sa kanyang pag-amin.
“Buti
na lang naitanong ko kay Tatay Roy iyon. Torpe nga ako di ba? Kaya mahina ako
sa ganyan.” Napatango na lang ako. Okay lang naman sa akin. At least siya pa
rin yung source kung bakit niya ako hinarana.
“E yung
mga kung anu-anong pakulo kanina?” Naitanong ko bigla.
“Sila
Andrea at Lexa. Ang mga kagrupo ko. Suportado nila tayo e.” Grabe! Dapat ko
pala silang pasalamatan! They’ve made a special contribution.
July 25, 2020. Jared Isaiah Ariola and Gabriel Dela Rama
Isinulat
niya sa buhangin. Ang laki nga e. Sana hindi pa mabura hanggang bukas.
“Starting
today, palagi na akong nasa tabi mo. We’ll not make promises; instead, we’ll just
do our best to keep this relationship going. You have your responsibilities, I
have mine too. We just have to trust each other…” Aniya. Tumango naman ako.
Magkadikit
ang aming mga noo. He’s stating his vow. I’ll be saying mine after him.
“Hindi
lahat ng relasyon ay perpekto. Hayaan natin ang agos ng buhay upang maitayo
natin ito ng napakatayog. Upang walang sinuman, o anuman ang makakapagpabagsak
nito. No lies. No secrets.”
Natigil
siya ng matagal. Akala ko mayroon pang sasabihin. Kaya naimulat ko tuloy ang
aking mga mata. Nagkasalubong ang aming mga paningin. Tumango lamang siya sa
akin. Para ipaalam na ako na ang magsasalita. Tumango naman ako sa kanya bilang
tugon at ipinikit muli ang aking mga mata.
“We’ll
have fights, pero dapat, bago matapos ang araw ay maaayos natin agad yun…”
Dagdag ko. “I’ll make sure to be a faithful partner, and so are you. Starting
today, we are one. You are mine, and I am yours.” Naramdaman ko na lang ang
luha na dumadaloy sa akin pisngi. Nakakahiya nga e. Ang ikli ng vow ko.
Tears
of joy ba ito. Sobrang kagalakan nga ang naihatid nito sa akin.
“I love
you, Gabriel Dela Rama.” Aniya.
Napangiti
naman ako sa sinabi niya. Kahit hindi niya naman sabihin, ramdam ko na e. All
of my doubts, suddenly goes away somehow… Kanta ata yun! Haha! A Thousand
Years?
Humiwalay
ako sa kanya at pinahid ang daloy ng luha na nasa aking pisngi. Saka lang siya
napamulat ng kanyang mata nang gawin ko yun.
Nagtagpo
ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kanya.
God has
given me the chance to be happy again. Kahit wala na ang pamilya ko, nagkaroon
akong muli ng mapagkukunan ko ng lakas sa araw-araw. Yung masasandalan ko sa
buhay. Alam kong sisimulan pa lang namin ang kwento ng buhay pag-ibig namin ni
Red. Isa lang ang maipapangako ko sa Panginoon, ito’y ang ingatan kung anong
ibinigay niya sa akin.
“I love
you too, Jared Isaiah Ariola.” Nakangiti kong tugon sa kanya.
Ngumiti
na rin lang siya ng wagas dahil sa sinabi ko. Hindi pa po kami kinasal. Haha.
“Ah…
e…” Napakamot ulit siya ng ulo. Aba! Matingnan nga isang beses ang ulo nito!
Maalisan nga ng kuto kung meron. “P-Pwede na ba ulit kitang halikan?” Nag-init bigla
ang aking pisngi sa sinabi niya.
Ito na!
Haha! God knows how I fantasize every night to be kissed by him again! Grabe!
Sorry po, Lord God, sa pagiging mahalay ko! Kiss pa lang naman e. Haha!
Tumango
na lang ako. Pagkatapos kong gawin yun ay agad siyang lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang isang kamay ko.
“Thank
you, Riel.” Aniya.
Napaangat
ang ulo ko mula sa tinitingnan kong nakasalikop na kamay namin papunta sa
kanyang nakangiting mukha.
“Para
san naman?” Tanong ko.
“For
accepting me. For saying, yes.” Sagot niya. Tumango na lang akong muli.
“You
deserve it.”
Napaatras
ako sa sobrang kaba. He’s making a move na! Ano ba ang dapat kong gawin?
Pipikit? Lalapit? Maghihintay? Argh! And then he cupped my face…
Nalaman
ko na lang na magkadikit na ang aming mga labi. Sa huli, ang nagawa ko na lang
ay sagutin ang kanyang mga halik. Yung halik niya ngayon ay parang doon sa
nangyari sa sala ng bahay. Pero ngayon, dahil sa kung anong meron ngayon ay
naging mas espesyal.
Napayakap
na lang ako sa kanya. Habang ang mga kamay niya nama’y nasa batok ko na. Grabe
na to! Lumevel up! Super!
Natigil
lang kami nang makarinig kami ng sipol. Hudyat yun ng curfew sa mga
estudyanteng kasama sa Immersion. Pareho lang kaming napangiti. Kung wala
sigurong curfew, umabot na kami kung saan. Mag-iisa’t kalahating oras na pala
kami rito. Pero bakit ang bilis ata?
Tss!
Aggressive
ang boyfriend ko e. Argh! Hindi pa ako handa. Haha! Joke! Ako po ang may
gustong mangyari yun!
Salamat
sa pito. Bow.
Magkahawak
kamay kaming pumanhik pauwi sa bahay. Iniisip ko pa lang na magkasalikop ang
aming mga kamay ay wagas na kasiyahan na ang idinudulot nito sa akin.
“Teka,
sina Brett at Iris ba yun?” Biglang tanong niya.
Napatingin
tuloy ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.
“Parang...
Aba! Nagmoment ata ang dalawa.” Saad ko nang makita ko ang dalawa.
Magkaholding-hands pa talaga.
Oy!
Wala na, okay? May Red na kaya ako!
“Teka.”
Pagpigil ko kay Red. May nakita pa kasi akong isang tao na nakasunod sa
magkasintahan. Pinilit kong aninagin kung sino yun. Buti nalang at may kaunting
ilaw naman malapit sa dalampasigan.
“Si
Eri? Anong ginagawa niya run?” Nagkibit balikat na lang si Red sa tinanong ko.
Aba malay niya rin nga naman di ba? Haha!
Ikinibit
balikat na lang namin yung mga nakita namin. I’m sure there’s an explanation to
everything that’s happening. It’s not the right time to know about it.
Josh’s
POV
Kami na ni Red. :)
Napabalikwas
tuloy ako sa hinihigaan ko nang mabasa ko iyon! Oh my gulay! Tiningnan ko kung
anong oras ba niya ito naisend sa akin. 10:30 PM pa kagabi! Shocks! Hindi pa
yun masyadong matagal buhat nang makatulog ako ha!
Nabagot
kasi ako kakaantay kay Iris kagabi. Ang tagal niyang magbanyo! Although, I’m
not so sure if that’s what she did. Takot naman akong lumabas. Haha!
As in? Reply
ko sa kanya.
Iniayos
ko na lang yung hinigaan ko, habang inaantay ang reply ni Riel. Wala na rin si
Iris sa tabi ko. No choice siya e. Mas okay na magkatabi kami kesa dun sa iba.
Kahit papaano’y magkakilala naman ang Mommy ko at Mama niya. But, we’re not
that close.
Yup! Officially in a relationship with Jared Isaiah
Ariola. *-*
Kainis!
May pasmiley smiley pang nalalaman! Nakakainggit kaya yun! Pero masaya ako para
sa kanya. At last, Riel has been rewarded from all the struggles he surpassed.
He deserves to be happy, after all.
Congrats! Kailan ang party? Haha! Reply kong muli.
Dumiretso
muna ako sa banyo ng bahay bago ako nagpakita sa mga kasamahan ko. Nakakahiya
namang humarap sa kanila nang hindi pa naghihilamos o nagsisipilyo no! Baka nga
may natuyo pa akong laway sa pisngi. Kaderder yun. Tulo laway pa naman ako.
Haha.
Thanks! Sige na, Joshy! May ginagawa kasi kami ng mga
kagrupo ko. Later! :D
Hindi
ko na lang rin siya nireplyan. Halata sa kanyang mga texts ang sobrang saya.
Hayst! Buti pa siya! Hindi na niya kailangan mamroblema. Ako? Ayon! Napakalaki
ng problema ko.
Pagkalabas
ko ng kwarto ay nakita ko ang mga kagrupo ko na nasa sala ng bahay. Lahat din
sila ay nakatitig sa akin. Baka nagulat lang sa paglabas ko na nagpupunas ng
basa kong mukha.
I know
right! Gwapo talaga ako! Lalo na’t pumayat na ako! Tss.
Natigilan
na lang ako bigla sa ginagawa ko nang mapansin kong hindi pa rin nawawala ang
titig nila sa akin. Hindi ko na tuloy napigilan magtanong.
“Bakit?”
Sinipat ko pa ng tuwalya ko ang pisngi ko, kasi baka may trace pa ng natuyong
laway dun. Pero, sinigurado ko namang wala na bago ako lumabas ng banyo e.
Kumunot
ang noo ko nang ngumuso ang mga kagrupo kong babae sa akin. Hay nako! Mga
babaeng to! Hindi kayo bagay mag pout ng lips! Kadiri! Hindi ko kayo
pagbibigyan no! Mga bibe!
“Ano
nga kasi? May dumi ba ako sa mukha or something? Wait! Asan pala si Iris?”
Umiling lang sila. Patuloy pa rin ang pagnguso ng mga ito. Si Alvin, na
kasamahan ko sa team ay pakamot-kamot lang ng ulo.
Tss.
“Pwede magsalita na lang kayo? Hindi naman tayo naglalaro ng charade di ba?
Mamaya pa kaya ang last activity.” Naiirita kong tanong.
“Sa
likod mo.” Biglang sabi nung lalaki kong kagrupo.
Aba!
Hindi naman pala sila pipi e. Nakakunot ang noo ko nang tumalikod ako para
tingnan kung ano ba ang nasa likod ko. Umaga naman, wala naman sigurong multo
di ba?
“Ay
multo!” Bigla kong nasabi. Napaatras pa nga ako e.
Kumunot
na rin ang noo niya dahil sa narinig sa akin. Argh! Paano niya nalaman tong
bahay namin! Who the hell told him!
“Sa
gwapo kong ‘to, multo na ako sa paningin mo?” Aniya. Itinuro niya pa talaga ang
sarili niya.
“Oo, ay
este hindi. S-Sorry! Nabigla lang talaga kasi ako.” Argh! Nauutal ako dahil sa
presensya niya! Argh! Mahal Ako. Naalala
ko na naman yung kanta!
Napansin
ko ang hawak-hawak niyang tatlong bulaklak. Hindi ko alam ang uri noon. Some
kind of a wild flower here, pero in all fairness magaganda naman. Ngumiti siya
sa akin at inilahad ang kanyang hawak-hawak na bulaklak.
“Good
Morning, Josh! Para sa’yo.” Aniya.
Naghiyawan
naman yung mga kaklase ko. Napatingin tuloy ako sa kanila, pero sinimangutan ko
lang sila. Natahimik na rin lang sila. Kanina ang tatahimik, tapos nang
nakakita na ng palabas, naging lively agad. So kailangan ko palang
magtatumbling sa harap nila para lang magsalita sila? Ganun?
Ano
kami close? Nung mataba pa nga ako hindi nila ako pinapansin e! Tapos ganyan
sila aakto. Kainis lang! Haha! Ang sama ko! Hohoho! Mabuti andun si Lea. At
least may nakakausap ko. I’m not bitter though.
Nagbalik
ako ng tingin kay Riley na iningunguso ang bulaklak. Tatanggapin ko ba o hindi?
Argh! Lalabas na unfair ako sa kanya kasi bias lang ako kay Eli. Pero sinabi
kasi ni Eli, na may the best man win
daw. Kaya heto ako ngayon sa sitwasyon na to.
Dapat
sana sinabi na niya lang na ako’y kanya na. Luh! Nananaginip ako ng gising!
Tss. Oo na! Maghihintay na nga lang ako!
“Di mo
ba kukunin ‘tong bulaklak? Aba! Pinaghirapan ko kayang hanapin yan! Tsaka
nangangalay na rin tong kamay ko o!” Aniya.
“Sino
ba kasing may sabing dalhan mo ako ng bulaklak? E hindi naman ako babae!”
Pagtataray ko sa kanya.
Aba!
Magbibigay tapos magrereklamo! Kapal huh!
Nagulat
na lang ako nang kinuha niya ang kaliwang kamay ko’t ibinigay sa akin ang
bulaklak.
“Galing
sa puso ko yan, kaya espesyal yan.” Sabay talikod at labas ng bahay. Galing daw
sa puso? May garden ba sa puso niya?
Hahaha.
Em being so unfair to him. Peace!
“Saan
ba yun dadaan? E andito kaya ang labasan!” Sa kwarto kasi ng bahay dumiretso. Ayun,
nakita ko na lang na bumalik sa sala.
“Dito
pala ang labasan.” Aniya.
Pagkalabas
niya’y nagsitawanan naman yung mga kagrupo ko.
“Epic
fail si Riley! Grabe! Hindi naman siya ganun kapag nasa court ah?”
“Oo nga
e. Kay Josh lang pala siya tataob e! Hahahaha!”
Ay
nako! Wagas makatawa tong si Cassandra! Lumapit ako sa kanila.
“Anong
pinag-uusapan niyo girls?” Sabi ko.
Nag-iwas
naman sila ng tingin sa akin.
“Teka!
Tutulungan ko lang si Nanay doon sa kusina!” Biglang sabi ni Cassandra sabay
tayo.
“Ay oo
nga! Ako rin!” Saad naman ni Eunice. Agad lang kumaripas ng takbo yung dalawa
patungong kusina. Si Alvin na lang ang naiwan. Nagkibit balikat lamang ito.
“Tara
na Josh. Kailangan natin manguha ng panggatong. Wala na e. Kailangan para
makapagluto tayo ng almusal.”
“O-Okay.
Isasampay ko lang tong tuwalya ko.” Tugon ko sa kanya.
Tumango
naman ito at lumabas na ng bahay. “Hintayin kita sa labas.” Aniya. Hindi na ako
nakasagot dahil agad na siyang nawala sa paningin ko.
Argh!
Ba’t pa kasi pumunta yung gagong yun dito! Napagmasdan ko na lang yung mga
bulaklak na ibinigay niya sa akin.
Alam ko
na naman na sweet pagdating sa akin si Riley. He’ll do whatever for me. Always
to the rescue palagi siya sa akin. Kahit nga may date yun sa bruha niyang
girlfriend, ehem, este EX-Girlfriend pala, ako pa rin ang priority niya.
Ha!
Bestfriend over Girlfriend ang peg! Kaya pala ganun!
Nung
hawakan niya ako? Argh! Parang may jolt! Alam niyo yun?
Hindi
naman siguro masamang bigyan siya ng chance di ba? I mean, I’ll try… kong
mahuhulog ba ang loob ko sa kanya, gaya ng sabi niya.
Yung
puso ko, na kay Eli pa rin. Pero handa naman akong bawiin yun, kapag wala
talagang mangyari sa inaasam ko. I don’t wanna see my self alone.
Inisip
ko na kasi na, kung hindi ko pagbibigyan si Riley, baka sa huli mawala siya sa
akin. Tapos naman, kung hintay lang ako ng hintay kay Eli, baka sa huli rin,
umasa lang pala ako sa wala. Ang labas, magiging mag-isa na lang ako.
Kaya
yun, give and take lang siguro to. Magdidesisyon ako kapag alam ko na kung sino
ang karapat-dapat.
Eri’s
POV
Argh!
Ano na ba ang gagawin ko sa ngayon? Hayst! Ewan! Maghahanap na lang nga ako ng
pwede kong habulin! I quit being Brett Santillan’s stalker! And soon, I’ll be Irishane
Lim’s bestfriend!
Riley’s
POV
Kainis!
Ako na ngayon ang binubully ni Josh! Pasalamat siya’t mahal ko siya.
Binubully
ko lang naman siya kapag may mga lumalapit sa kanyang mga babae o lalaki e.
Pero, hindi yun nangangahulugan na galit ako sa kanya. It’s my way of telling
people that he’s mine. Ewan. Ganun ako ka-possesive sa bestfriend ko. Mabuti
nga’t hindi nagagalit sa akin.
Ngayon
lang naman, kasi alam na niyang mahal ko siya. Alam ko na nahuli ako sa
pag-amin. Pero, ganun pala talaga no? Kapagka may nakikita ka nang
pinagtutuunan nila ng pansin, saka ka lamang kikilos.
Tinanggap
ko ang hamon ni Elijah Martinez. I’ll play fair and square. Ayoko namang saktan
ang kalooban ni Josh. Kahit papaano’y matalik na kaibigan ko siya. At mahal ko
siya.
Ako
lang ang dapat nagpapaiyak sa kanya. At syempre, kapag napaiyak ko na, ako rin
ang magpapatahan sa kanya.
Eli’s
POV
Alam
niyo yung feeling na naiirita, dahil sa sayang ipinapakita ni Riel sa aming
lahat? Mula pa kagabi pagkauwi niya ng bahay sinabi niya sa lahat na sila na ni
Red. Tapos nang paggising namin sa umaga, hanggang dito sa hapag kainan, ay yun
pa rin ang bukambibig nilang lahat.
Oo na,
bitter na kung bitter. Nagseselos ako, pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Sila
na. Ayoko namang lumabas na mang-aagaw. Wala yun sa prinsipyo ko.
Mabilis
kong tinapos ang pagkain ng almusal. Nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin
lamang ako. Alam ko na alam nila Nanay Mel at Tatay Fred ang pinagdadaanan ko
ngayon.
Maaga
pa naman para sa gagawing activity. Baka maalis ng simoy ng hangin dito sa isla
ang sakit na nararamdaman ko.
Saan pa
nga ba ako pupunta kung hindi sa dalampasigan. Ayaw ko naman sa gubat. Anong
gagawin ko dun? Magpakaunggoy? Maglalambitin sa mga puno? Dito na lang sa
dalampasigan. Masarap pa ang simoy ng hangin. Argh! Ang korny ng joke ko. Tss.
Pagkarating
na pagkarating roon, mas lalo akong nairita. Nakita ko ang malaking July 25, 2020. Jared Isaiah Ariola and
Gabriel Dela Rama. Argh! Dahil sa inis ko, hindi ko namalayang binubura ko
ang mga nakasulat doon. Argh! Bitter nga ako.
“Eli!”
Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa tumawag sa akin. “Anong ginagawa mo? Teka…
B-Bakit mo binubura?” Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Argh!
Ito na
nga ba ang sinasabi ko e! Argh! Ipinangako ko pa naman na kakalimutan ko na si
Riel, para sa kanya. Tapos heto ako ngayon, si Riel pa rin ang nasa puso’t
isipan ko.
“S-Sorry.”
Nakita ko sa kanyang mukha ang lungkot.
Sana
alam niyang hindi ganon kadali ang makalimot. Pero, paano nga ba ako
makakalimot kung lagi na lang si Riel ang bukambibig at laman ng utak ko sa
tuwing magkasama kami.
“Para
san naman? Wala ka namang kasalanan sa akin ah.” Pinilit niyang ngumiti nang
sabihin niya yun. Umupo siya sa buhanginan at nakatingin lamang sa malawak na
karagatan.
Tumabi
ako sa kanya. Nagulat nga siya sa ginawa ko e. Pagkakataon na siguro namin to
para mag-usap ng masinsinan.
“Sorry
talaga, Josh. Alam ko na nasasaktan ka. I mean… I really didn’t mean to hurt
you. Dahil sa lagi mo na lang akong nakikitang hirap pa rin tanggapin ang
nangyari sa amin ni Riel.” Panimula ko.
Tumango
lamang siya. Pinagmamasdan ko ang ginagawa niya. He’s like enduring everything.
Alam ko na nagseselos siya. Gaano na niya kaya katagal akong minamahal?
“Honestly,
hindi ko lang pala gusto si Riel. Mahal ko na rin pala siya.” Dagdag ko.
Literal
siyang natigilan sa sinabi ko. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya’y
umiwas siya ulit.
“I’m
sorry, Josh. Gusto na kita, pero wala pa ako sa punto na yung mapapasaya ka.
Andito pa si Riel e.”
“Paano
mawawala si Riel diyan sa puso mo, kung lagi mo na lang siyang inaalala. Oo,
alam ko na palagi kayong magkasama ngayon. Okay lang naman yun e. Kung gusto mo
talagang kalimutan ang nararamdaman mo sa kanya, magagawa mo yun. Ikaw lang
naman ang makakagawa nun!” Aniya ng hindi ako tinitignan. Pumiyok pa siya. Is
he crying? O naiiyak pa lang.
Hindi
ako nakaimik sa sinabi niya. Sapul e. Tama naman siya. Sinasabi kong kakalimutan
ko na ang nararamdaman ko sa kay Riel, pero andun pa rin ako. Hindi makaalis sa
starting point ng moving on. Ang tanggapin kung ano ang wala na.
Hindi
ko nga alam kong, nagmomove on na ba talaga ako o hindi e. Kaasar ang buhay ko!
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Rinig ko ang hikbi niya.
“Sorry
sa mga nasabi ko.” Aniya makalipas ang ilang minuto. Napalingon tuloy ako sa
kanya. Pulang pula ang kanyang mga mata. Ako naman yung umiwas ng tingin sa
kanya.
“Napuwing
lang ako.” Palusot niya. Napuwing lang daw. E rinig na rinig ko kaya yung hikbi
niya.
Nakakainis!
Napaiyak ko pa tuloy siya dahil sa nararamdaman ko. God, pwede po bang siya na
lang? Kung ganun lamang kadali di ba?
Kahit
kasi sinabi niyang okay lang sa kanya na maging rebound, parang hindi ko naman
maatim. Hindi tamang paraan yun. Masasaktan lamang kami pareho. At syempre
higit siyang masasaktan sa aming dalawa. I don’t want to use him, just like
that.
“Hindi
naman ako nagmamadali e. Ang gusto ko lang ay yung matulungan kang mawala yung
nararamdaman mong pagmamahal kay Riel. Yung bumalik ka sa dati. Yung kaibigan
lang ang turing sa kanya. Naiintindihan ko naman, kung hindi pa sa ngayon.
Marami pang pwedeng mangyari di ba?” Aniya.
“Yung
move on na, Eli. Wala na e. Sila na ni Red. Gusto mo bang ikaw ang sisira sa
sayang nararamdaman ngayon ni Riel? Alam mo bang hiningi niya ang tulong ko
para, magbati kayo?”
Napailing
na lang ako sa kanya sa sobrang gulat. So alam din pala ni Riel na may gusto sa
akin si Josh.
Ayoko
ko namang maging homewrecker e. Alam ko naman kung saan ako lulugar. I’m not
dumb.
“Riel
do care about you. Nasaktan din naman siya nung nibusted ka niya e. Kasi
kaibigan ka niya. Kasi mahal ka niya. Hindi nga lang gaya ng pagmamahal niya
kay Red. Pagmamahal… bilang isang mabuting kaibigan.”
Siguro
nga we’re better-off being friends. Pero paano ko ba maiaalis sa sistema ko
yung nararamdaman ko kay Riel? Hindi yun madali.
“Hindi
mo naman kailangang alisin yung nararamdaman mo kay Riel. Hindi naman kasi yun
talaga madali. You just need to accept na hanggang friends na lang kayo. Yun
lang, kahit yun lang Eli, magiging masaya na ako. Kaibigan ko rin si Riel e.
Gustuhin ko mang magalit sa kanya, dahil nga sa kanya ka pa rin tumitingin,
hindi ko yun ginagawa…”
Paano
niya ba nabasa ang mga iniisip ko?
Dahil
sa kanya naiitindihan ko na ang lahat. Learn to accept, huh?
“Alam
mo ba kung bakit?” Baling niyang tanong sa akin. Umiling na lang ako, hindi rin
naman ako galit sa kanya. I have my reasons, he has his own too. Magkaiba naman
siguro ang rason kung hindi namin magawang magalit kay Riel.
“Kasi,
si Riel, inspirasyon ko. Kumbaga, tinitingala ko. Sa dami kasi ng pagsubok na
nangyari sa buhay niya, matatag pa rin siya. He endured all the pain, tapos yun
yung ginamit niya para maging lakas niya…”
Tumango
ako sa kanya. Matagal na silang magkaklase ni Riel. Kumpara sa akin na
kararating lang ngayong taon. Kaya naiintindihan ko kung saan siya humuhugot.
“Kaya
sana… hindi muna siya makatanggap ng kalungkutan ngayon. He deserved what’s
happening to him.”
Napabuntong
hininga ako. Okay. Alam ko na ang gagawin ko.
“Salamat
sa payo, Josh.” Hinawakan ko ang kanyang balikat para kunin ang kanyang pansin.
Nagkatitigan
kami. Ngumiti ako sa kanya tanda ng lubos na pasasalamat sa kanyang paninermon
sa akin. Napansin kong namula ang kanyang pisngi. Napangiti ako. Siya naman itong
umiwas ng tingin sa pamamagitan ng pagyuko.
Ilang minute
pa kaming natahimik doon.
“Magmomove
on na ako. Pero sa ngayon, ayoko munang magdididikit kay Riel.” Tumango naman
siya. Argh! Bakit gusto kong makita ang namumula niyang mukha?
In love
ba ako? Gusto ko talagang makita e. Alam niyo yung sayang nararamdaman ko
ngayon?
Dahan dahan
kong inilapit sa kanya ang aking kamay. Gusto kong makita ang kanyang mukha. I
want to... So bad. Pinipigilan ko ang sarili ko, pero kusa nang gumagalaw ang
aking kamay.
“Josh…”
Bulong ko. Napaangat siya ng tingin sa akin.
Namula
siyang lalo nang makita niya ang nakalahad kong kamay. I suddenly find my hand
caressing his red cheeks. Totoo pala ang blushing. Bakit ako nasisiyahan sa
reaksyon niyang to? Ganon niya ba talaga ako ka gusto? Ka mahal? Ako? In love
na rin ba ako?
“B-B-B-Bakit?”
Aniya. Nagbalik ako sa reyalidad. Napangiti na lang ako sa aking naisip. In
love na nga ako. Kailangan ba sabihin ko na, o iparamdam ko na lang?
“Pwede
bang lagi ka na lang sa tabi ko?” Sabi ko.
Nanlaki
ang kanyang mga mata. Hindi dahil sa sinabi ko, kung hindi dahil sa ginawa ko.
Wala. Nawala ako sa aking sarili. I kissed him.
Ang
makita siyang sobrang maapektuhan sa presensya ko’y nagpapasaya sa akin. I
think I’m in love. Sana… ito na yung totoo.
Red’s
POV
“Mom!
Kami na ni Riel!” Excited kong balita kay Mommy. I want her and Dad to know about
it first.
Kagabi
ko pa sana sila gustong tawagan pero, alam ko na, nagpapahinga na sila nung mga
oras na yun.
“Talaga,
anak?” Excited niyang tanong. “Dad!” Tawag niya kay Dad.
“Yup!”
Proud kong pagkumpirma.
“Oh my
gosh! Anak, pag-uwi niyo, dito agad uwi mo ha? Sama mo si Riel. This calls for
a celebration!”
Parang
mas mataas pa ang kaligayahan ni Mommy kesa sa akin e. That’s why I love her,
them. Narinig ko nga si Dad na sinabing ‘wag daw munang maexcite, 3 days pa kami
rito sa Palawan e.
Natawa
na lang ako sa pag-uusap nila. Sinungitan kasi Mom si Dad. ‘Wag daw KJ si Dad.
Si Andrei, kasi hindi pa dinadala si Reese sa bahay. Kaya yun, excited si Mom
na makita si Riel. Kahit lagi naman siyang nasa school.
Ang
kasintahan ko. Yie! Kilig mats!
Sa
wakas! Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ni Riel para
makapasok nang tuluyan sa buhay niya. Gagawin ko lahat ng mga napagksunduan
namin kagabi. At saksi doon ang milyun-milyong bituin sa langit.
“Anak,
andyan ka pa ba? Reminiscing?” Aniya. Kilig na kilig pa ito.
Bumalik
ako sa realidad. Napangiti na lang ako sa mga naisip.
“Ganun
na nga, Mom. Are you a mind reader?” Sagot ko.
“Mag-ina
tayo, kaya alam ko.” Nakitawanan na lang rin ako sa kanya. That’s one I know na
totoo. Haha. Ganito rin kaya siya nung naging sila na ni Dad?
“So you
mean to say, lagi kang out of this world when Dad’s crossed your mind?”
Conclusion ko.
“Yup.
You can imagine it that way.” Aniya saka tumawa.
“Kaya
pala lagi kong nakakagat dila ko noon.” Rinig kong sabi ni Dad. Tumawa rin siya
ng malakas.
Nakaloudspeaker
pala sa kabilang linya.
“Huh?
Bakit naman?” Tanong ni Mom. Haha. Hindi ba alam ni Mom yung expression na yun?
“Lagi
ako sa isip mo. Lagi mong bukambibig ang pangalan ko.” Napailing na lang ako sa
sinabi ni Dad. Sa tanda nilang yan, para pa rin silang teenagers sa
paglalambingan.
“Naman!
Buti na lang gumana yung pagdadasal ko gabi-gabi para lang maging tayo no!” At
nagtawanan silang dalawa.
“I love
you, My!” Paglalambing ni Dad.
“Oh! I
love you too, Dy!” Tugon naman nito kay Daddy.
“Ako
ang kausap niyo dito, ‘wag kayong maglambingan sa kabilang linya, baka kun saan
pa umabot yan ha?” Pambubuska ko.
“Ahehehe.
Sorry, anak. Basta ha?! Dito diretso niyo ni Riel sa Lunes. Okay?” Bilin ni
Mom.
“Opo,
My. Tatawag naman ako kapag pauwi na kami galing field trip.” Sagot ko. Lunes
ng umaga kasi ang balik namin sa Manila. Tapos, byahe agad kami pauwing Bicol.
“Masaya
kami para sa’yo, anak. Just make things easy for you both, yun ang sekreto para
magtagal ang isang relasyon. Dapat walang makafeel na nasasakal sa relasyong
inyong sinang-ayunan…” Payo niya.
Alam ko
naman yun, kaya nga hindi kami nangako sa isa’t isa. But God knows how much I
don’t want this relationship to end. Nakita ko na ang future ko na kasama siya.
I can’t let that not to happen.
“Sabi
mo nga, ikaw ang magbibigay ng saya muli kay Riel. I hope na magawa mo yun.
Riel had enough losing his family, he deserves to be happy now.” Dagdag niya.
“Yes,
Mom. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya.”
“Good!
Pagka kasi hindi mo yan nagawa, papaluin ko yang pwet mo! Matagal ka ng hindi
nakakatikim sa akin!” Aniya.
“Mom!
Hindi na po ako bata!” Nagtawanan kaming tatlo.
“Sige
Mom. I just want you to know the good news. Tawagan ko na lang po kayo mamaya.
Last activity na po kasi namin ngayong araw.” Pagpapaalam ko, 10 AM kasi
mayroon kaming activity ulit.
“Sige,
anak! Ingat kayo ha? Say my greetings to Riel, of course, Brett and Iris too.
Paghahandaan namin yung pag-uwi niyo next week. Bye!” Anito. Halatang excited
talaga siyang masyado.
“Bye,
anak!” Pahabol ni Daddy.
“Bye,
Mom, Dad! Ingat din kayo.” Huli kong pagpapaalaman sa kanila bago ko ibinaba
ang linya.
Maswerte
ako sa pamilya ko dahil tanggap nila kung ano ako. Tanggap nila kami ni Riel.
Riel
will be my first and last. Kaya, ipapakilala ko rin siya sa buong pamilya ng
mga Ariola. Pati na rin kina Tito Vince at Tito Oning.
Itutuloy…
Haha nanghingi din ako ng sign noon ehhh. XD hahaha ganda!
ReplyDelete-Trev
Ang sweet sila na!!! Super kilig nice one Mr. Author!! :)) - jst
ReplyDeleteNakakakilig tlaga story na ito.......my ganito b tlga da totoong buhay ?next chapter pls author nakaka inlove tuloy....
ReplyDeleteJay 05
Boom cant wait po sa nxt update :-)
ReplyDeleteaba, ang saya-saya nilang lahat ah. wala ng malungkot. baka last chaptrer na yung kasunod haha.
ReplyDeletebharu
Kau na ang sweet na couple, san na ba ang mga langgam para ipakagat ko kau hhahhaha
ReplyDeleteBoholano blogger
Chef Potato! Haha you know who I am. :) excited na ako kung anong gagawin ni Eri para imaging best friend so Iris; at kung paano ihahandle ni Brett ang kanyang nararamdaman para kay Riel lalo na pagnalaman niyang si Red at Riel na, pagpinakilala na ito sa family nila. Pero, ngunit, datapwat, subalit, has excited ako sa kahaha love triangle nila Josh, Eli, at Riley
ReplyDeleteChef Potato! Haha you know who I am. :) excited na ako kung anong gagawin ni Eri para imaging best friend so Iris; at kung paano ihahandle ni Brett ang kanyang nararamdaman para kay Riel lalo na pagnalaman niyang si Red at Riel na, pagpinakilala na ito sa family nila. Pero, ngunit, datapwat, subalit, has excited ako sa kahahantungan ng love triangle nila Josh, Eli, at Riley. Hahaha :D
ReplyDeleteHay grabe naman ang swerte talaga ni Riel! Ikaw na talaga! I'm excited for the next update.
ReplyDeleteayyyieeeh . officially sila na .. hehehe , love it so much ..:)
ReplyDeletethanks nga pala kuya Rye , maasahan ka talaga :)) pero , pwede isa pa . hehehe (kung pwede lang naman XD ) - yelsnA
Di talaga ako nagkamali na harana ung hinihinging sign ni riel! Ayiiii!! Kilig mats!
ReplyDelete-hardname-
Ramdam ko si Brett. Kakalungkot nman cxa. I know he loves Irish pero ang hirap lang sa part nya na di nya man lang na eshare kay Riel na mahal din nya bestf nya. Hirap nung may kinikimkim ka deep inside pero alam mo un ang best way para sa inu. Haay
ReplyDeleteThe storu is great so far. Nadadala ako.
nice job author.
-mickz