GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 5
AUTHORS NOTE: oopps guys Im back.. Ok na sched ko.! Super ok na so.. Makakapagupdate na ko ng two times a week hehe.. Saturday night ang Tuesday night na update ko.. So relax hehe salamat sa lahat ng mga naghihintay ng update na to.. Mwuah mwuah sa inyo.. Sa next update na ko babati hehe.. Enjoy this chapter.!sali kayo sa group.. More pictures of thecharacters.. And kwentuhan
Or add me sa fb
SI GEO
" ok ka pa ba geo.. Mukhang hilo ka na eh..?" seryosong tanong ni chris.. Natawa naman ako.
"ok pa ko.. Ikaw..?"
" ok pa naman tara.. Alis na tayo.."
"saan tayo pupunta.?"
" uhm kahit saan..?"
" sa lake side..?" wala sa sariling saad ko.
"late na eh.. Sobrang dilim na dun.." saad ni chris na nakatingin sa orasan sa kamay niya.
" Di ba may sinabi ka tungkol sa lakeside ng ganitong oras.. Gusto ko maexperience yun.." ngiti ko..
" huh..?" natigilan lang ako ng mula sa likod may tumabi sakin saka umakbay.. Napalingon naman ako.. Si paul..?
" pwede makijoin sa kwentuhan niyo.?" ngiti ni paul.. " hi chris right.. Schoolmate tayo nung highschool."
" Yeah I know.. But your name is.?"
"Paul Kendrick Unidad.." ngiti nito.. Wow nice name PK U.? haha
" Yeah I remember you.. Ang black sheep ng mga Unidad..Hindi agad kita namukhaan.. Godboy looking na ah.?" ngiti ni chris natawa naman ng payak si paul.. Black sheep..? Seryoso..?
" Nagbago na ko bro.."
" so hindi ka na nakikipagbasagan ng mukha kung kani kanino.?"
" well matured na ko.. Pero kapag napuno ako Magtago ka na.." sarkastikong saad ni paul habang nakatingin ng deretso kay chris.. Wala sa mukha niya ang nakikipagaway.. Shet. Eh kanis kinis niya.. Pano nangyare yun.? Sayang naman yung mukha niya.
"bakit ka ba nandito..?" simangot ko saka tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
" makikijoin nga di ba.?"
" uuwi na kami eh."
" ihahatid kita." ngiti nito.
" bakit mo sya ihahatid ako nagdala sa kanya dito so ako dapat maghatid sa kanya.." kontra agad ni chris..
" ihahatid mo sya..? How about aldred.?" umiwas naman ng tingin si chris.. Aixt..
" May pupuntahan pa kami kaya pwede ba paul.. Lumayo ka samin.."
" saan kayo pupunta..?"
" Gusto mo i - On ko yung gps ko para malaman mo kung saan kami pupunta.?" seryososng saad ko umiwas lang sya ng tingin.. Kainis na tao to oh..
" nagtext ako kay aldred sabi ko kasama kita.. So nageexpect sya na ako maghahatid sayo since wala kang dalang motor.." napatitig naman ako sa mukha niya.. Shit ano ba problema ng lalakeng to.. Sabi niya wag ko na syang lalapitan tapos ngayon didikit dikit sakin.. Kainis naman oh..
" ako maghahatid sa kanya.." inis na saad ni chris saka tumayo.. Aktong tatayo ako ng hawakan ni Paul yung braso ko..
" ako maghahatid sayo.." madiin na saad nito.
" ano ba problema tol huh." seryosong saad ni chris.
" gusto ko lang ako maghatid sa kanya.. Masama ba yun.?" kita ko naman na lumingon to sa kinauupuan niya kanina..kita ko lang yung kumpulan ng mga bakla dun..mukhang mga lasing na. " ayoko lang umuwi magisa mahirap na." iwas nito ng tingin.
" edi maghanap ka ng iba na mahahatid mo.. Bakit ako pa.?"
" eh ikaw lang kilala ko dito eh.?" simangot niya sakin.
" eh kilala mo nga si chris eh.. Ay tanga sya.."
" gago ka ah.!" amba niya sakin..
" ginugulo ka ba nila.?" tanong ni chris. Nang tingnan ko yung mga bakla ay nakatingin to sa dereksyon namin.. Napangiwi lang ako ng kindatan ako ng isa.. Ayt!! Panget!
" fine.. Gusto ko lang na umuwi na.." inis na saad ni paul.
" mukha ba kaming kalsada ni chris..? Uwi ka magisa.!"simangot ko napabuntong hininga naman si chris.
" gusto ko lang umuwi.. Ayoko lang mapaaway dito.."
" Hindi pwede geo."
" at bakit hindi pwede.?"
" delikado dito.." napapakamot na saad ni chris.
" no choice.. Baka hindi na ko sikatan ng araw kapag nakipagaway ako dito.."
" hindi naman ata talaga sumisikat ang araw dito..? Tuyong tuyo yung mga tao eh.. Parang mga gutom na gutom." ngiwi ko napatingin lang sila parehas sakin..
" gago ka yung bibig mo nga kapag napaaway tayo dito..?!" pinanlakihan lang ako ng mata ni paul.. Aixt ang cute pero.. Wait.. Ano ba sinabi ko haha..
" buti walang nakarinig sayo.. Kung nagkataon nasirang geo ka na.." natatawang saad ni chris.. Napalingon naman ako sa paligid ko..ngayon ko lang napansin yung mga nagiinom..shet mukhang mga adik baka nga di na ko sikatan ng araw kapag nagkarumbulan dito.
" ay sorry.."
"kung gusto mo mamatay.. Wag kang mangdamay.?"
" eh kung ikaw unahin kong patayin huh." nguso ko sa kanya.
" asan na yung kasama mo kanina..?" tanong ni chris dito.
"si ethan..? I don't know sabi bibili lang di na bumalik..kainis yung mga bakla na yun ang lakas ng loob manghipo..haixt badtrip pasalamat sila wala ako sa mood makipagaway ngayon." inis na saad nito hindi ko naman mapigilan mapangiti.. " bakit ganyan ngiti mo.?"
" uhm wala lang.. Kala ko pa naman sanay ka sa ganitong lugar.?"
" sanay ako ayoko lang mapaaway.. Hindi na pwede.. Chris magkaschoolmate naman tayo dati.. Pasabay lang kahit hanggang labasan. Wala kasi akong dalang car eh."
"eh bakit wala kang dalang sasakyan..? Pupunta punta ng party di naman pala alam kung pano uuwi."
" shut up ok.. Kinakausap ba kita.?"
" sige tol sabay ka na samin."
" badtrip naman chris eh.. Di ba may pupuntahan pa tayo.?" simangot ko .. Panira naman tong bwiset na to kainis
" kahit hanggang plaza lang..?!" inis na saad nito.
" next time kasi magdadala ka ng sariling sasakyan."
" geo ayoko pumunta ng lakeside.. Delikado dun sa gabi eh." saad ni chris.
"sa lakeside kayo pupunta..?"
"kasasabi lang ni chris na sa lakeside magtatanong ka pa.?. Bingi ka talaga eh noh."
" eh kung sapakin kaya kita ngayon.. Ang daldal mo talaga."
"haixt.. Panira.." simangot ko.
" tara na alis na tayo.." saad ni chris saka naglakad..inis lang na sumabay ako sa paglalakad nito... Badtrip talaga eh noh.. Moment namin ni chris tapos ganito.. Naramdaman ko lang yung pagkahilo kaya muntikan akong madapa buti nalang agad nahawakan ni paul yung braso ko...
"lasing ka nga.." saad nito.
"ok ka lang ba geo..?" tanong ni chris.. Tumango naman ako dito.
" mejo nahihilo lang ako..wag mo nga ako hawakan.." tanggal ko sa kamay niya na nakahawak sa braso ko..
" edi wag ang arte mo inaalalayan na nga eh." simangot niya saka ako nilampasan.. Naman oh.. " kala mo chicks.!" habol pa ni paul kita ko naman na natawa si chris.
" sana nagapply ka nalang na personal alalay ko.?!" ismid ko sa kanya..
" ok ka lang ba talaga geo.?" tanong ni chris.. Pinilit ko naman ngumiti saka tumango..ok lang ba talaga ko.. Uhm mejo umiikot yung nakikita.. Nahihilo nga ako haha.. Buset na alak yun.
" ok lang ako chris.."
" sure ka huh.?" ngumiti lang ako saka naglakad.. Naabutan lang namin si paul na nagyoyosi sa tabi ng motor ni chris.. yikes. Yosi boy.
" gusto mo bro.?" alok nito ng sigarilyo kay chris.. Please no... Hindi nagyoyosi yung chris na nakwento sakin ni blue..no please.. Ilang segundo tumigil yung paligid. No chris.. Bumagsak lang yung balikat ko ng kumuha si chris ng yosi sa kaha ng sigarilyo na hawak ni paul.. Damn it! Sabay lang silang naghithit buga sa harap ko.. Ayoko ng yosi pero bakit ang astig tingnan ni chris habang hinihithit yung pesteng sigarilyo na yun.." ikaw gusto mo.?" untag sakin ni paul. Tiningnan ko lang yung hawak niya saka umiling.
" hindi ako nagyoyosi.."
" goodboy.." sarkastikong ngiti nito.. Inismiran ko naman to.. itong lalakeng to kapag napuno talaga ko dito.. hahalikan ko sya! Nakakainis na.
" lage ka dito bro.?" tanong ni chris kay paul.
"hindi naman.. Kaibigan lang ni ethan yung may birthday."
" Ah i see parang galing lahat sa musiko yung bisita eh."
" napansin mo pala.. Sabit lang tayo..pang banda lang kasi tayo." natatawang saad ni paul.. Ang sarap niya tirisin.. Chance ko na to eh.. Yun na yun eh.. Pupunta kami ng lakeside ni chris para hindi manuod kundi para magbigay ng liveshow sana eh haha.. joke..
" so kamusta yung banda na ginawa ni blue.?"
" well magaling yung vocalist namin at yung lead guitar..idagdag pa ko at si ethan.. Handa na ba kayong matalo ngayong taon sa battle of the band.?" natawa naman si chris.. Shit ang cute.. Ang sarap ng smile niya na yun. " seryoso ako bro.. Kung gusto niya mauwi yung title.. Mag nobena kayo araw araw sa qiuapo." ngiti nito.. Yabang eh alam ko sila chris ang nanalo last year.. Ang imposible.
" wow tiwalang tiwala ka sa vocalist niyo ah.. Mas magaling ba sakin.?"
" mas magaling... Pero mas magaling yung lead guitar namin.. Sa kanya pa lang taob ka na.. Pag kumanta kasi yun madadala ka niya sa mundo niya."
" wow may sariling mundo.. Paki sabi envite niya ko.." sarkastikong saad ko..umiba lang ng tingin si paul na parang walang narinig.. I exist shet to ah.
" seryoso chris.. Magschoolmate tayo before pero ngayon hindi na so magkalaban na tayo ngayon.. Piece of advice.. Move on.. Baka kasi pag nagawa mo yun magkachance pa kayo manalo." hindi naman nagsalita si chris.. Humithit lang to sa sigarilyong hawak nito. "hindi mo parin kaya..? Well goodluck kakainin kayo ng buhay ng banda namin."
" really.. Edi goodluck.." nakita ko naman na tinapon na ni paul yung sigurilyo niya ganun din si chris. " wait silipin ko lang yung bahay nila CJ." saad ni chris saka naglakad patungo sa tapat ng bahay ng kaibigan niya.. Nang tingnan ko si paul nakapamulsa lang to.
" may gusto ka sakin noh.?" untag ko sa kanya.. Natawa naman sya ng payak. " bakit ka tumatawa.. Gusto mo ko.. Alam ko.." sarkastikong saad ko.
" I'm not that desperate and you aren't that lucky.." payak na saad niya. " swerte mo naman kung patulan kita.. Gising gising... Wag assuming." ngiti niya sasagot sana ako ng tumalikod to.. Aiixxxtt naman oh.. Dun naman bumalik si chris.. Sumakay lang to sa motor niya saka inistart.. " tara tulog na talaga si Cj eh.."
" yeah." saad ni paul natauhan lang ako ng banggain niya ko.
" ano ba.?" asik ko sa kanya.
" wag mo masyado tititgan baka mapansin niya agad na may gusto ka sa kanya..patay ka.." bulong niya..natigilan lang ako.." sakay ka na."
" gusto mo na ba mamatay paul.?" deretsong saad ko.
" daldal.. Sakay na." turo niya sa motor.
" sa gitna ako..?"
" gusto mo ikaw sa likod.? Edi ba lasing ka pano kung mahulog ka.?"
" yeah geo.. Ikaw na sa gitna..?"
" kunware ka pa.. I know naman na gustong gusto mo yun.." bulong ni paul.. Sinimangutan ko naman sya saka sumakay sa likod ni chris.. " urong ng konti.." sarkastikong ngiti ni paul..
" geo wala akong sakit don't worry." natatawang saad ni chris.
" uhm eh kasi.." aixt fuck.. Pano kung maramdaman niya yung ano ko.. Aixt tinatablan na pa naman ako.. Shet magkadikit na magkadikit kami eh..
" urong na.. Parang chicks eh!" simangot ni paul..umurong naman ako halos di ako makahinga ng sobrang idikit ko yung katawan ko kay chris.. Lalo lang akong nainis ng makita yung nakakalokong ngiti ni paul.. Naman oh hanggang sumakay sa likod ko si paul lalo lang akong nailang.. Ano ba to.. " heaven ba.?" bulong ni paul sa tenga ko.. Shit! Parang tumaas lahat ng balahibo ko ng maramdaman yung mainit na hininga ni paul sa balat ko.. Ano ba to.. " baka gusto mo pang yakapin kita.?" bulong uli niya..
" gago..!!" gigil na saad ko.. Rinig ko lang yung mahina niyang tawa.. Umandar lang yung motor ni chris ilang sandali ng tumatakbo yung motor ng maramdaman ko yung kamay ni paul sa bewang ko ng lingunin ko sya nakita ko lang yung nangaasar na ngiti niya..ayoko na magsalita baka mapansin na ko ni chris.. Aaaiixxxxtt bakit ba kasi niya nalaman na may gusto ako kay chris eh.. Naman oh. Naging abnormal naman yung paghinga ko ng sumunod na segundo.. " pwede tanggalin mo yung kamay mo.?" lingon ko sa kanya.. Shet ang lapit ng mukha niya. Ilang sandali ko lang syang napagmasdan..ang tangos ng ilong niya at ang pula ng lips.. Nasa heaven na ba ko.? haha
" baka mahulog ako eh..pasalamat ka nga isa ka sa mga napakaswerteng nayakap ko eh.?"
" yakap na ba tawag mo jan.. Boring." sarkastikong saad ko..ngumiti lang sya saka lalong hinigpitan yung isang kamay niya sa bewang ko.. Damn it..! Bakit ang sarap.?
" ganito ba..?" saad niya sa tenga ko.. Napalunok naman ako..aixxxtt Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating kami sa plaza.. Bumaba naman ng motor ni paul. Shet ano ba to.. Bwiset naman na pual to oh.
" salamat.. Uwi na ko..geo uwi na ko.." ngiti ni paul.
" dapat lang..alis na." simangot ko..
" sige bro ingatz." saad ni chris.. Naglakad lang si paul palayo hindi ko naman mapigilan pagmasdan sya habang naglalakad. Pwede..? Aixt si chris nga pala.. " close ba kayo nun.?" umurong naman ako ng konti.. Shet tinablan ako dun ah..sana naman hindi naramdaman ni chris yung galit galit na kaligayahan ko haha..
" si paul..? Hindi kami close nun noh.."
" bulungan kasi kayo ng bulungan.."
" nangaasar lang yun.."
"ok. Hatid na kita sa inyo..?"
" ayaw mo talaga pumunta ng lakeside..?"
" Ayoko eh.. Uwi na din ako hinahanap na ko ni mommy eh."
"ganun syanag naman.."
"don't worry marami pa namang chance remember sa URS ka na magaaral.."
" sabagay.."
" lets go..?" saad niya.
" ok.." pinaandar niya lang yung motor niya patungo sa subdivision nila kuya aldred lampas alas dose na nun ng gabi ng makarating kami sa kanto kung saan niya ko inantay kanina..
"pasensya na geo dito lang kita mahahatid.. Alam mo naman yung sitwasyon namin ni aldred diba.?" saad niya bumaba naman ako.
" I know naman.."
" salamat naiintindihan mo.."
" chris ok naman tayo di ba..?"
"what do you mean..?"
" wala kang galit sakin..?"
" wala.. Wala naman tayong issue di ba..?"
" so pwede tayong maging friends.?" ngiti ko or more than that haha gusto ko sana sabihin kaso wag na haha..
" ok lang.. Hehe yun ay kung gusto mo ko maging friend..?" ngiti niya habang deretsong nakatingin sa mata ko... Natawa naman ako..ayt yung tingin niya hindi ko kaya haha..
" gusto ko.. Wala pa kasi akong friend dito eh.."
" yun.. Friends.?" lahad niya ng kamay sakin.
" friends forever ba to.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" basta friends.. " saad niya tinanggap ko naman yung kamay niya..nang maglapat yung kamay namin feeling ko naging si volta ako.. Haha parang napuno ng kuryente yung katawan ko. "uwi na ko geo." saad niya saka hinugot yung kamay niya.. No ba yan.. Ang lambot ng kamay niya..
" ah yeah sure.." ngiti ko.. Pinaandar niya lang yung motor niya.. Pinagmasdan ko lang sya palayo hanggang mawala na sya sa paningin ko.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka.. Waaaaaaaaaahhhhhh!! Gusto ko sumigaw nun pero . Aiixxxxtt kinikilig ako.. Si chris..! One step closer geo.pero waaahh.. Shet friend na talaga kami..! Waaah akin ka chris.. Magiging akin ka.. At si pesteng blue.. Buburahin ka sya jan sa tanga mong puso.. After ng friend ek ek na yan.. Madedeveloped sakin si chris tapos mamahalin niya ko.. Tapos magiging kami tapos makikisss ko sya.. Waaaah.. Relax heart.. Kalma lang heart! Haha.. Pwede ba maglupasay.? Haha I can clearly see the future Magkaholding hands kami ni chris habang naglalakad. Shet ang saya nun..!
Natauhan lang ako sa pagpapantasya ng may mapansin akong magjowang nakatingin sakin.. Aixt mukha akong tanga.. " why.?" tanong ko sa dalawa.
" inlove ka." saad nung babae.. Napansin ko lang na magkaholding hands sila.. Waahh buti pa sila.
" tingin mo honey.?" saad nung lalake.. Abay mga bwiset to ah.
" ano naman sa inyo.?wala kayong pake.. Basta ako masaya..!" ngiti ko saka sila nilampasan..aixt magiging kagaya din ako ng magsyota na yun hahaha.. Parang nawala yung tama ko sa alak nung hawakan ni chris yung kamay ko..ngumiti lang ako saka tumakbo papunta sa bahay nila kuya aldred.. One step closer geo.. Konting kembot nalang.
SI PAUL
Binubuksan ko palang yung gate ng bahay natigilan na ko ng makita sa garahe yung kotse ni daddy.. Ano nanaman ginagawa niya dito..? Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pumasok.. Bubuksan ko na sana yung main door ng bigla tong bumukas nakita ko lang yung gulat sa mukha ni daddy ng makita ako.
" paul..?"
" anong ginagawa mo dito.?" walang emosyong saad ko.. Nakita ko naman na tumabi sa kanya si mommy.
"paul dinalaw lang ako ng daddy mo.."
" dinalaw..? Ok.. Makakaalis ka na.." sarkastikong saad ko saka sila nilampasan parehas.. Narinig ko naman yung pagsara ni mommy ng pinto. " mom ano nanaman yun.? Pumupunta ba sya dito pag wala ako.?"
"hindi ngayon lang yun..paul dinalaw lang ako ng daddy mo."
"nagpapatawa ka ba mommy.. Annul na kayo..may asawa na yun di ba.!?" gigil na saad ko. " hulaan ko huh.. Nagkakalabuan nanaman sila ng kinakasama niya noh kaya sya nandito... Mommy naman bakit ba gustong gusto niyong pinagmumukha kayong tanga ni daddy..?!"
" paul..?"
" what!! Mommy ano ba.. Paulit ulit nalang ba to..hindi ba kayo naawa sa sarili niyo.?"
"pero son..mahal ko sya."
"mahal..?! umayos naman kayo pwede.. Hindi na kayo mahal ni daddy.. Hindi na..!"inis na saad ko.. kita ko naman na may tumulong luha sa mata nito. " mom tanggapin niyo na pwede. Nagmumukha na kayong kawawa eh.!"
" kung hindi na ko mahal ng daddy mo bakit pumupunta pa sya dito.?" mahinang saad nito.
" kasi ang tanga niyo.! Mom ilang ulit na kayong sinaktan ni daddy hindi ka parin natuto.. Mom ilang beses na hindi ba kayo napapagod.? nangako kayo di ba na kapag inayos ko yung buhay ko .. Kakalimutan niyo na si daddy.. Mom nagaaral na ko mabuti.. Inaayos ko yung buhay ko pwede ayusin niyo naman yung sa inyo." hindi ko lang napigilang tumulo yung luha ko.. High school ako nun ng maghiwalay yung parents ko.. Nagpaannul sila para mapakasalan ni daddy yung babae niya pero hindi ko alam kung bakit..kung bakit ayaw tigilan ni daddy si mommy.. Bakit ayaw niya kami tigilan. " mom nasasaktan din naman ako.. nasasaktan ako na nakikita ko kayong nasasaktan.." mahinang saad ko.
" mahal ko ang daddy mo.." umiiyak na saad nito npaabuntong hininga lang ako saka to nilapitan at yinakap. " mahal ko sya anak alam mo naman yun di ba.. Mahal ko yung daddy mo eh."
" mom hindi niyo deserve yung ginagawa niya sa inyo eh.. Na pupuntahan lang kayo kapag may kailangan sya na pupuntahan ka lang niya kapag hindi sya mapagbigyan ng babae niya.. mom hindi ka lang basta pang second choice.. Mom alamin mo naman yung worth mo. tama na.?"
" I'm sorry son.." bulong ni mommy.
" please naman mommy.. Alam mo mom nakakainis ka na eh ilang beses ko ng sinabi sa inyo na tigilan niyo na yung kabaliwan niyo kay daddy pero tuloy tuloy parin kayo."
" ayaw mo bang mabuo uli yung pamilya natin.? Yun lang naman gusto ko eh.."
" kung mmasasaktan lang kayo.. Wag nalang.." humiwalay naman ako sa kanya saka pinunasan yung mukha nito.
"mommy napakaganda niyo.. Hindi naman kita pinipigilan magmahal eh pero sana dun sa tamang tao."
"ok lang sayo magkaboyfriend ako.?"
"uhm oo naman.. Pero please mom.. Yung maayos..?" ngiti ko napabuntong hininga naman to.
" pero mahal ko yung daddy mo.."
" tama na mom gusto niyo ihanap ko pa kayo ng lovelife eh.. Wag na si dad..?"
" pero.?"
" basta mom. Kapag nakita ko pa si daddy na pumunta dito.. Papalayasin ko kayo.."
" huh teka ako ang mommy mo."
" act your age kasi.. Kalimutan niyo na si daddy."
" pag nagmahal ka anak.. Maiintindihan mo din ako..wait si sarah.. For sure hahabulin mo yun kapag iniwan ka nun."
" hiwalay na kami mom.. At wala akong planong habulin sya."
"huh hiwalay na kyo..? Are you hurt.?"
"mejo.. pero hindi naman ako kasing Oa mo masaktan." simangot ko.
" bakit kayo naghiwalay.?"
"may mahal yun na iba.. Pangako mom.. Hindi kita gagayahin.. Bakit ko pagmumukhaing tanga yung sarili ko kung may tao namang handang bigyang halaga yung tulad ko.. Mom its a choice.."
" sabihin mo yan sakin son.. Kapag nagmahal ka na ng totoo.."
"itaga niyo pa sa bato..hinding hindi ako maghahabol.. At hindi ako magpapahabol.. Hindi ko gagayahin si daddy." simangot ko.
" wag magsalita ng tapos.?"
" mom.. Hindi ko kayo idol ni daddy ok.. Isang taga hobol at isang naghahabol. Mga mukha kayong ewan.. Kapag nagmahal ka dapat alam mo yung worth mo.. Kung hindi ka mahal.. Move on." saad ko napangiti naman si mommy.. " why mom.?"
" pagtatawanan kita paul kapag dumating yung araw na hahabulin mo yung mahal mo.."
" never..never.."
"lets see.."
" never mom.."
" well.."
"lalalala. Matutulog na ko.. Baka magdilang anghel pa kayo." simangot ko saka umakyat sa hagdan.
" son wait.." saad nito huminto naman ako sa pagakyat sa hagdan.. Kita ko lang yung ngiti ni mommy sa mukha.
" what.?"
" kung sakaling mangyare yun.. Sasamahan kitang habulin yung hampaslupang mamahalin mo.."
" never mom.."
" sasamahan nga kita eh.. Sabay natin syang hahabulin..?" napakamot naman ako sa ulo.
" never nga!" inis na saad ko.
" ok ganito isang buwan kang walang allowance kapag nakita kitang naghahabol sa isang tao.?"
" hindi mangyayare yun.."
" wag magkapakasiguro son." asar ni mommy,
" mommmy ikaw ang pinakaewan na mommy sa buong mundo.. Bukod sa martir na.. Tanga pa.. Pasalamat kayo maganda kayo.. Yun nalang meron kayo." napasimangot naman to. " joke lang mom." ngiti ko saka nagpeace sign.
" wala akong allowance huh.. Tanga pala huh."
"teka joke lang..? Susumbong kita kay lolo sige."
" sumbong mo.. Tanga pala huh."
" kahit sabihin ko kay lolo na pumunta dito si daddy.?" ngiti ko.. Kita ko naman yung panglalaki ng mata nito. " bengbang kayo sigurado kay lolo..!"
" magkano bang allowance gusto mo..?" tarantang saad nito.. Natawa naman ako.
" makita ko lang kayong nakangiti mom.. Ok na ko dun.."
" wag mo ko sumbong kay papa huh."
" umayos kasi kayo para hindi ko kayo isumbong."
"haiixt oo na.." simangot nito.. " pero seryoso ako dun sa wala kang allowance ng one month kapag nakita kong naghahabol ka sa mamahalin mo huh."
" asa.." ngiti ko saka umakyat sa hagdan.. " goodnight mom."
SI CHRIS
Hindi ko alam bakit ganun yung naramdaman ko nung maglapat yung palad namin ni geo.. Wierd.. Haixt pero chance ko na to para makalapit sa buhay ni blue.. Gusto ko uli makapasok sa mundo nya.. At tingin ko si geo ang magiging daan ko..
kinabukasan nagising lang ako sa katok sa pinto..nagtalukbong naman ako ng kumot.. Maya maya narinig ko na bumukas to..
"hoy chris kanina pa ko kumakatok ah.? Gumising ka na nga." hila ni CJ sa kumot..napabuntong hininga naman ako saka dinilat yung mata. " bangon na..?"
"ang aga pa.? Ano ba ginagawa mo dito.?"
" anong maaga pa.. Magaalas dose na po.. Nakapagenrol na ko't lahat lahat.. Tulog ka pa din.?"
" nakapagenrol ka na.?"
" yeah.. Anong oras kayo nakauwi kagabi.?"
"gago ka.. Bakit bigla ka nalang nawala kagabi ah.. Pano kung napaaway kammi dun.. Aixt di na talaga ako sasama sayo."
"may tama na eh.. Kaya natulog na ko..so anong oras na kayo nakauwi kagabi.,?"
" midnight.."
" ah ok.. Hoy anong plano mo dun sa summer rain na yun.?"
"kay geo..?"
" oo.."
" wala..?" saad ko saka tumayo sa kama at tumanaw sa bintana ng kwarto ko.. " goodmorning." saad ko saka naginat inat.
" Christian castillo.. Hindi ako naniniwala na wala kang plano dun.. Kilala na kita.."
" wala nga.. Wag ka ngang paranoid CJ."
" hindi ako paranoid noh..ano nga.?" lumingon naman ako sa kanya saka sya binigyan ng isang ngiti. " Sabi na eh.. May plano ka nga." iling niya.
" CJ wala.."
" hindi ako naniniwala.."
" gusto niya ko maging kaibigan..? Yun lang."
" eh ikaw gusto mo ba sya maging kaibigan.?"
"yeah.?"
" or gusto mo lang makalapit kay blue.?"
" CJ move on na ko.?"
" lokohin mo lelang mo..anong plano mo huh.?" napabuntong hininga naman ako.. " so may plano ka.?"
" uhmm.?"
"ano..?"
" CJ tingin mo bakit gusto niya ko maging kaibigan.?" seryosong saad ko saka muling tumanaw sa bintana.
" dalawa lang yan.. Its either may gusto sya sayo.. Or gusto niya iganti si aldred..? So ano tingin mo."
" imposibleng magkagusto sakin yun.?"
"bakit naman.?"
" kilala niya ko.. Na si blue lang ang mahal ko.. Kaya imposible.. Saka lalakeng lalake yun.. Astig nga niya eh.. Pero ewan.."
" tingin mo..?"
"yeah ikaw tingin mo.?"
" I dont know hindi ko naman sya kilala eh."
" wala syang gusto sakin.. That's for sure.." saad ko saka umupo sa gilid ng kama.
"so yung pangalawa..? Gusto niya iganti yung pinsan niya.?"
" siguro..? Well lalaruin ko yung larong gusto niya pero sisiguraduhin kong ako ang mananalo.."
" pano..?"
" sisiguraduhin kong maiinlove sya sakin.."
" eh kala ko ba straight yun.?" natawa naman ako ng payak.
" well sabi nga di ba.. Sa panahon ngayon ruler nalang ang straight.. Posibleng wala syang gusto sakin ngayon or let say straight pa sya.. Sa looks kong to.. Sa smile ko.. Mahuhulog sya sakin Cj mark my word."
" eh pano kung may gusto na talaga sya sayo..?"
" kung pano niya ko tingnan.. Uhm tingin ko wala pa syang gusto sakin eh."
" aixt hindi mo lang makita kasi si blue lang nasa utak mo.. Chris minsan ba naisip mo na yung kabaliwan mo kay blue.. Sobra sobra na.. Hindi na nakakatuwa huh.?"
" saka ka na magadvice kapag nainlove ka na.. Ok.? Magsalita ka kapag naranasan mo yung naranasan ko kaya shut up.. Wala kang alam sa nararamdaman ko." sarkastikong saad ko.. Sumimangot naman sya.. Hinubad ko lang yung damit ko saka boxer short saka kinuha yung tuwalya sa cabinet. "hindi ganun kadaling makalimot.. So wag mo ko ijudge kung gusto ko parin sya ipaglaban kasi wala kang alam..hindi mo malalaman kasi kahit kailan hindi ka magiging ako..gets mo." umiwas lang sya ng tingin.
" ewan ko sayo chris.. Ewan ko sayo.."
" makiride on ka nalang.."
" astig ng tatak ng brief ah.?"
" bigyan kita gusto mo..?"
" sure..nakakabakla ka pumasok ka na nga ng cr.?" iwas niya ng tingin.
" gwapo ko ba.?"
"mas gwapo ako sayo..?"
" whatever CJ..tingin mo mareresist ni geo kapag naghubad na ko sa harap niya.?"
" pasok na chris sa cr pwede..?"
" pano kung ayoko.?"
" kadiri ka pa nga."
" maging mabait ka kay geo.. Syosyotain ko yun para hindi na ko mahirapan makalapit kay blue.."
"chris.. Seryoso..?" ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis.
" Minsan ang love parang pagtaya sa lotto... Hindi ka titigil sa pagtaya hanggang hindi mo nakukuha ang jackpot price."
" Parang lotto.. Taya ka ng taya wala namang nangyayare.." simangot ni cj.
" Pag natyambahan ko to Cj.. Promise mo magpapahaba ka ng buhok." ngiti ko saka pumasok sa cr..
" tengenes ka.. Wag mo ko idamay sa kabaliwan mo.." simangot niya natawa naman ako aktong papasok na ko sa cr ng magsalita pa sya. " alam mo bang may bisita ka sa baba.?" napalingon naman ako sa kanya.
"sino.?"
" si summer rain.." ngiti niya kumunot naman yung noo ko. " nagkita kami sa school kanina eh wala naman daw syang gagawin sa kanila kaya sinama ko na sya dito."
"pero CJ.?"
" syosyotain mo sya di ba..?"
" yeah.."
" tutulungan kita."
" really..?"
" ingatan mo yung puso mo.. Baka hindi mo alam.. Ikaw na pala yung pinaglalaruan niya." payak na ngiti niya.. " baba na ko.. Makikipagkwentuhan muna ako sa future syota mo..bilisan mo na jan antayin ka namin sa baba." saad nito saka tumayo at lumabas ng kwarto.. Pano kung mahulog ako kay geo..? Imposible mangyare yun.. Isa lang ang mamahalin ko.. Si blue lang.
ITUTULOY
Nu ba tong si Chris, o.a. na yang kaadikan kay Blue. I hope by all means he falls for Geo. Pag hindi, sya na talaga ang hatest character ko of all. Go go Chreo! Marvs
ReplyDeletespeechless hehe
ReplyDeletetanx!!
ReplyDelete4 ds mr.A,,,
i love ittttt!! nkakapanabik ahha..
ReplyDeleteAz
Possibilities Chris! Haha
ReplyDeleteSi summer rain ang gamot sa puso ni chris......
ReplyDeleteGaling talaga ni kuya blue.....
Next two chapter agad.......
Jhay05
Wushu ikaq tlga noy pakaray hahha
ReplyDeleteMatagal nanaman kasunod nto blue
ang bad naman ni CHRIS..XD hmm. baka sa gagawin mong yan, mafall ka kay geo ng di mo namamalayan .. pero mas BET ko si PAUL para kay GEO :) hihihihi
ReplyDelete-yelsnA
naghahamon pala ha! e sino mananalo? e di yung naghamon. haha.talo na si paul at chris. Pag nanalo si paul at chris, sigurado talo ako ahahaha.
ReplyDeletebharu
Asan na ung update mo Tuesday night na po T_T
ReplyDeleteI could not resist commenting. Very well written!
ReplyDeleteGood luck nalang sayo
ReplyDelete