AUTHOR'S NOTE: WARNING:
KILIG OVERLOAD.
Maraming salamat pa rin sa lahat ng mga
sumusuporta sa akdang ito. Hindi naman ako gaganahan kung wala kayo e. Kaso nga
lang dahil busy din naman ako minsan, medyo natatagalan ang aking pag-update.
Humihingi na ako ng tawad doon sa naiinip sa
kakahintay ng updates. I’m really sorry! Babawi ako once na magkaroon na ng
kuryente yung workplace ko. For the mean time, pagpasensiyahan na muna ninyo
ang pagiging pagong ko. :3
Maraming salamat kila Sir Mike at Sir Ponse sa
patuloy na pagbigay ng access dito sa blog. Kahit delayed ako sa napagusapang
posting ay hindi niyo pa rin ako tinatanggal as one of your RA’s.
Busy na si Babe dahil sa work. Kaya ngayon miss
na miss ko na siya. :( Anyways, good luck sa career mo Babe. Take care always.
Saranghaeyo!
Maraming salamat kila Yelsna Reyes, Anonymous #1,
Angel, Az, Anonymous #2, Anonymous #3, Anonymous #4, Dave, -hardname-, at Alfred of T.O., sa walang sawang pagkokomento sa bawat chapters. I
love you guys! Sana makasama ko pa kayo hanggang sa katapusan ng kwentong ito
at sa mga susunod ko pang gagawin.
Hindi na muna yung isa isa ang pagbati ko
ngayon, medyo late na kasi e. May pasok pa ako ng 4 AM bukas [Time Check: 10:27
PM, September 2, 2014].
Thank you so much guys, for your love and
support! I really appreciate the comments, messages, likes and shares. Much
love from me. <3
Here it is, the 11th Chapter of LOVE IS. Enjoy! :D
DISCLAIMER: This story is
a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents
are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental.
LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
-- Previous Chapters --
-- Character's Teasers --
--Add me up!--
CHAPTER XI
Josh’s
POV
Nasaktan
ako para kay Riel. Alam ko ang hirap na dinaranas niya ngayon. Sort of, kahit
hindi ko pa iyon nararamdaman.
Pero
mas doble ang sakit ang naramdaman ko noong makita ko si Eli na wasted dahil sa
pagbusted sa kanya ni Riel. Hindi ako magagalit kay Riel, I asked it from him. Para
may love story na rin akong masimulan.
Okay
lang na rebound ako. Tanggap ko ‘yun.
Nakita
ko lang na nakasandal sa isang sulok si Eli. Ngayon lang siya umiyak.
Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He cried so soft. Hindi
yung tipong, hagulhol. I’ve texted Riel na nakita ko na siya.
Ganun
ako minsan e. Suki ako noon sa elementary days ko na ibully. Natural sa mga
mataba yun. Mabuti na lang nandoon si Riley para ipagtanggol ako.
“Okay
ka lang ba?” Bigla kong sulpot sa kinaroroonan niya.
Napatingin
siya sa akin at agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Tumayo
siya at aktong aalis na ng magsalita akong muli.
“Okay
lang na umiyak ka sa harap ko. Makikinig lang ako.” Saad ko. Napatigil naman
siya ng sabihin ko iyon. “Kaklase mo ako. Josh. Josiah Alarcon.”
Aktong
aalis na naman siya ng hawakan ko na ang kanyang braso.
“Gusto
kita, Eli. I can help you.” Diretsong saad ko sa kanya. “Maghihintay ako,
hanggang sa magustuhan mo rin ako.” Dagdag ko.
Nakatingin
siya sa akin ng seryoso, kaya binigyan ko siya ng ngiti. “I know na mahirap
maniwala sa taong kakakilala mo pa lang. Pero, I’m one of the people who you
can trust.”
Sumuko
na siya sa pagtakas. Umupo siyang muli sa damuhan. Dito nangyari yung kanina sa
pagitan namin ni Riel. Unexpectedly, nagkaroon ako ng pagkakataon na
makapag-usap kaming muli. And asked this from him.
Masaya
ako na makakausap ko na ang taong nagpatibok nitong puso ko. I’m so grateful
that Riel let go of Eli. Ako na ang bahala sa paghilom ng sugat niya, simula
ngayon.
“Makikinig
lang ako. Promise.” Saad ko ng makaupo na ako sa tabi niya.
Napatingin
naman siya sa akin. Tumango ako sa kanya. Paniniguradong, ako’y
mapagkakatiwalaan niya. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata. He’s really into
Riel. Paano pa kaya kung in love na siya rito?
“Please
tell me when to stop…” Tugon niya sa akin.
“You
can stop now. I’m here to mend your broken heart.” Sabi ko sabay, dampi ng
kamay ko sa kanyang dibdib.
-----
Riel’s
POV
Ang aga
ni Red nang dumating sa bahay, hindi pa nga ako nakakapaligo, andun na siya.
“Inagahan
ko na, baka kasi takasan mo na naman ako.” Aniya nang talagang nagulat ako
literal sa pagdating niya. Namamaga pa nga yung mata ko sa kakaiyak.
Mabuti
na lang at nakapagluto na ako ng agahan. Buti na lang pala, naisipan ko na
busugin ang sarili ko ngayong umaga.
“Ang
sarap mo talagang magluto!” Masaya niyang sambit.
Napailing
naman ako, at lihim na natuwa sa kanyang tinuran. “Weh? E, piniritong itlog at
ham lang naman yan ah. Natural na kaya ang lasa niyan kapag nailuto.”
“Masarap
naman talaga ah. Lalo na’t ikaw pa ang nagluto.” Pangungumbinsi niya pa rin.
“Mambobola!”
Napangiti ako ng wagas.
“Finally!
Okay ka na? Don’t think to much about what happened yesterday. Eventually,
matatanggap na rin ni Eli ang desisyon mo. So… tayo na?” Halos mabilaukan ako
sa sinabi niya. Argh!
Oo nga
pala, alam niya na nililigawan ako ni Eli. Pero dahil siya ang gusto ko,
nibusted ko ang aking kaibigan.
“Uhm…
About that…” Panimula ko.
“You
want me to court you? Di na uso yun!” Mabilis na pagputol niya sa akin. Sumubo
muna siya ng pagkain bago muling nagsalita. “Pero… kung yun ang gushto mo, I’ll
do it.” Dagdag niya.
I
drooled, again. I did it many times pero hindi ako nagsasawa. Ang cute niyang
magsalita na ngumunguya at the same time. Haha! Bakit siya kahit may tumalsik
na kanin sa bibig niya, siya’y almost perfect pa rin? Argh!
“You’re
drooling again, Riel. Stop, or I’ll kiss you.” Bumilog ang mata ko sa kaba.
What
the! Masyado na ba akong naglalaway? Argh! Bakit ba? Hindi ko mapigilan e!
Natawa
naman siya sa reaksyon ko. Nagmadali na lang akong tapusin ang aking kinakain. Inantay
ko pa siya ng konting mnuto para matapos at nang mahugasan ko na ang aming
kinainan.
“Ako na
ang maghuhugas niyan. Better take a bath or we’ll gonna be late.” Napatingin
tuloy ako sa orasan. 6 AM palang naman. Alam niya bang matagal akong maligo?
“Ah e…
Marunong ka bang maghugas?” Napakamot ako sa batok ng itanong ko to sa kanya. Malay
ko ba! Hello! He’s an Ariola! Chairman ng Board of Trustees ang Mommy niya. Ang
Daddy niya naman ay nagmamay-ari ng franchise ng isang mamahaling brand ng mga
kotse. Baka nga buhay prinsipe siya sa kanilang bahay e!
“Yeah!
Mom taught me.” Nagsimula na pala siyang maghugas ng pinggan. Very impressive.
Magastos nga lang sa tubig! Haha!
“Maliligo
ka na o, ako pa ang magpapaligo sa’yo?” May pilyong ngiti na sumilay sa kanyang
mukha.
Napailing
ako ng mabilis at agad na tumakbo patungong hagdan. Tumigil ako sa first step
nung hagdan at naihilamos ko ang aking mga kamay sa mukha. Pinilit kong tumili
pero hindi pala ako babae. Argh! Haha!
“Maliligo
na ako, Red. Feel at home!” Sigaw ko nang kumalma na ang naghuhuramentado kong
puso.
“Yeah.
Are you sure you don’t want me to bathe you?” May halong pambubuska sa boses
niya.
“Ah… e…
Oo… este, hindi! Kaya ko na mag-isa!” Sigaw kong muli. NagpakaFlash ako sa
sobrang bilis kong tinakbo ang aking hagdan.
Hingal
ako na isinara ang pinto ng aking kwarto. Argh! Mai-lock nga! Baka kapag
pumasok siya ay hindi ko mapigilan sarili ko! Baka maka ‘homerun’ agad siya.
Argh!
Dirty!
Dirty! Ang aga pa, kung anu-anong iniisip! Nako!
Iniligo
ko na lamang ang mga naiisip ko. May pasok pa pala kami ngayon. I’m looking
forward na makausap ko agad si Eli. Pero imposibleng maghilom ang sugat ng
ganun kadali. I’m just hoping, but I’ll definitely understand if it won’t
happen soon.
Nakabihis
na ako nang ako’y bumaba. Nakita ko si Red na nakahiga sa sofa. Natutulog ata?
Ang aga niya kasi e. Ayaw akong patakasin, madalas ko kasi siyang inuunahan
papuntang school, kahit nasabi na niya sa aking, susunduin niya ako lagi.
Pagtingin
ko sa orasan, 6:38 AM pa lang, mayroong pa kaming 22 minutes bago magsara ang
gate ng school. I’ll let him rest first. Alam ko na hindi siya ganun kaagang
gumising na tao, pero ang effort na yun ang nagpataba sa aking puso.
Lumapit
ako ng marahan patungo sa kanya. I don’t want to make any noise, kasi baka
maistorbo ko siya. His sleeping face is almost perfect too! Argh!
Alam mo
yung feeling ng makita mo ang labi ng taong gusto mo? Nakakatuyo ng lalamunan
di ba? It’s hard to resist! Argh!
Hindi
ko namalayang papalapit na pala ako sa mukha niya. I want to feel it again. Or
should I say, taste it this time. Argh! I really can’t… I really can’t…
Nabigla
na lang ako nang marahan niyang hinawakan ang batok ko’t pinaglapit ang aming
mga labi. This time, his kisses are passionate. Sabi ko nga, I really can’t
resist him. It’s with Red.
Kapag
siya na kasi, nagtitimpi lang ako. God knows! Peace po! Haha! I tried so hard
to hold back. Baka marape ko pa siya. Joke! Wala pa ko sa ganyang part! Erase
muna! Dirty! Haha!
Napatulala
naman ako nang siya mismo ang bumitiw sa halikan na yun. Argh!
“You
tempted me, Riel. I really wanted to kiss you. Thank God, you wanted too.”
Nakita ko ang sigla sa kanya. “Tara na. We’ll be late for school.” Wala sa
wisyo akong napatango.
Mabilis
kaming nakarating sa school, 5 minutes pa nga nung dumating kami bago isara ang
school gate. Late comers, can enter the school pa rin, pero they’ll have to
write an apology letter addressed to the Guidance Counselor. Sa mga taon ko
rito, nagpapasalamat ako’t hindi pa naman ako nalilate. Haha!
Pagkapasok
namin ni Red sa aming room ay nagkatagpo agad ang paningin namin ni Eli. Medyo
matagal. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at galit. Naguilty ako bigla.
Pero imbes na ako yung unang bumitaw ng tingin ay siya ang gumawa nun.
Ibinaling
niya ang kanyang atensyon sa katabi niyang si Josh. He’s sitting on Eri’s desk,
while talking to Eli. Nasa kumpulan ng mga estudyante kasi si Eri. May
pinagtsitsismisan siguro.
Napansin
ni Josh ang mga titig ko sa kausap na si Eli. Napalingon tuloy ako sa kanya ng
mapansin ko na nakatitig siya sa akin. Tanging iling lang ang naitugon nito sa
akin.
I know
it will take more time for me and Eli to reconcile. Nasaktan ko siya, at
kailangan namin ang distansya. Ipapaubaya ko na lang muna kay Josh ang lahat. I
want Eli back as my friend. Just like the way we’ve started nang mapatawad ko
siya.
Naupo
na lang ako sa upuan ko nang makapagpaalam ako kay Red. Tumingin ako sa labas
mula sa bintana na malapit sa akin. Mahirap nga sigurong magpatawad lalo na’t
puso ang nasaktan.
Hindi
ko naman siya masisisi kung ganun ang nararamdaman niya ngayon. I just hope for
the soonest for us to be okay again.
Nagbalik
ako sa aking wisyo nang kalabitin ako ni Josh. His desk is located right after
my desk. Nacional pa kasi siya noong magsimula ang klase kaya nasa likod ko
siya.
“Hey!
Cheer up. Soon, magkakabati rin kayo. Ako ang bahala.” Napatango na lang ako sa
kanyang sinabi.
Aasa na
lang nga ako kay Josh.
Bumalik
lamang siya sa kanyang upuan at kinuha ang mga gagamitin sa unang subject
ngayong araw. Napansin kong wala pa si Brett. Nasaan na kaya siya? He’s never
late. Ngayon lang ata.
Napalingon
ako sa unahan nang mayroong pumalakpak. Si Ms. Salveda pala.
“Class!
Behave! Andito ngayon si Principal!” Aniya. Mabilis namang nagsiupo ang mga
kaklase ko sa kani-kanilang upuan.
“Since,
2nd quarter na, we will do sitting arrangement again. May dalawa
kasing nadagdag at syempre sila Mr. and Ms. Martinez din. But before that, may
bago kayong makakasama sa klase magmula ngayon.” Anunsiyo niya.
Lumakas
ang bulung-bulongan sa loob ng aming room. Excited na naman sila sa bagong
estudyante. Matalino kung ganun. Just like Eli and Eri. A Section agad ang
punta.
Napapalakpak
muli si Ms. Salveda para tumahimik ang mga kaklase ko. I wonder who’s the new
student. Nagulat ako nang pumasok kasabay ni Principal si Brett. Kaya pala siya
wala dito sa loob kasi kasama siya sa pag-introduce ng bagong estudyante. Isa
ata to sa ‘The perks of being the Section President’ niya.
“Good
morning, students.” Bati ni Principal.
“Good
morning, Principal Gomez!” Balik bati naman namin sa kanya.
“Today,
you will have an additional classmate. I’m hoping that you’ll be nice to her.”
Anito. So babae pala ang bagong estudyante. Interesting.
“Ms.
Lim. You can introduce yourself now.” Dagdag ni Principal.
Lim.
Hmm. Parang pamilyar. Baka ka-apelyido lang. Nagkibit-balikat na lang ako.
Nagulat
na lang ako ng parang slow motion nang siya’y pumasok sa loob ng room at
umakyat sa stage sa harap ng classroom namin. She flipped her curly hair as she
walks. Agad niyang ipinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Brett at ngumiti.
Si Brett naman ay napakamot lamang ng ulo.
Napailing
na lang ako. Argh! Araw-araw ata ako makakakita ng sweetness overload! Pero
okay na ako. Hindi na ako magseselos. Haha! May Red na kaya ako.
“Hi!
Guys! I’m Irishane Lim, you can call me Iris.” Saad niya na may ngiti sa labi.
Nakita
ko na lang na naglaway lahat ng mga lalaki sa loob ng classroom. Sa sobrang
ganda niya ba naman sinong hindi? Haha! Kami pala ni Josh. Haha! Even Eli got
stunned. I know right! Kaya nga hindi na ako nakipagkompetensya sa kanya simula
nung malaman ko na siya ang fiancée ni Brett.
Nakuha
ng atensyon ko ang nagtataray na si Eri. Haha! Andito na ang karibal niya.
Sinundan ko ang paningin niya at magkatitig pala sila ni Iris. Isa kaya to sa
dahilan kung bakit siya lumipat?
“Oh! By
the way…” Bigla niyang pagkuha sa atensyon ng lahat. “Ang akin ay akin…”
Nakatingin pa rin siya sa nakatitig din na si Eri sa kanya. “Walang makakaagaw
sa fiancé ko. I’m just stating the fact here.” At ngumiti siya.
Natahimik
ang lahat sa kanyang sinabi. Argh! Buti na lang hindi ko itinuloy! Haha! Si
Brett? Napakibit-balikat na lang at ngumiti. Gusto niya ata ang possessive na
asawa. Haha!
Nakita
ko na lang na nag-iwas ng tingin si Eri. Aww. Alam na kaya ni Iris na may
nagkakagusto sa fiancé niya? Ito naman kasing si Eri, kung makapang-stalk!
Grabe! Pinaimbestigahan niya siguro. Is she considering Eri as her rival?
Maganda naman kasi si Eri e.
Natapos
ang katahimikan dahil sa pagpalakpak muli ni Ms. Salveda. Nagsiupuan ng maayos
ang lahat.
“Sige
mga bata. Ms. Lim, please make yourself comfortable.” Saad ni Principal kay
Iris. Napatango naman ito sa kanya.
“Salamat
po, Principal Gomez.” Tugon niya rito. At umalis na si Principal sa loob ng
room.
“Okay
guys! Lima lahat ang bago niyong classmates dito, so we need to re-arrange the
seat plan again. As usual, alphabetical. So, kunin niyo na ang inyong mga gamit
at magsitayo. I have the new seat plan here.” Sabay pakita saamin nung seat
plan na nakalagay sa isang short size bond paper.
Agad
naman nagsigalaw ang lahat para sa pagbabagong magaganap. Nang matapos ang
kanya-kanyang evacuation sa mga nakasanayang upuan ay agad kaming pinapunta sa
unahan. Nagsimula rin naman kami agad sa paglipat ng pwesto.
Alarcon
|
Alegre
|
Anderson
|
Ariola
|
Arteta
|
Bartolome
|
Beguia
|
Borja
|
Cruz
|
Carter
|
Dela
Fuente
|
Dela
Rama
|
Isaac
|
Lima
|
Luz
|
Lim
|
Martinez
|
Martinez
|
Mariano
|
Nieves
|
Oco
|
Percia
|
Perry
|
Querubin
|
Ramirez
|
Rios
|
Rosales
|
Santillan
|
Yan ang
naging resulta ng sitting arrangement. Mabuti na nga lang at hindi nagkatabi
sina Eri at Iris. Good thing, Eli’s name needs to be the first. Pero ngayon,
Eli is just right after me. Sa likod ko. What a coincidence!
Does it
mean magkakabati kami agad? Hope so!
“Okay
guys! Since, Field Trip niyo bukas. Mamimiss ko kayo! Hindi ako makakasama e!”
Biglang salita ni Ms. Salveda nang makaupo na ang lahat.
Napa-‘aww’
naman yung mga kaklase ko tanda na nanghihinayang sila sa pagkamissing in
action niya sa Field Trip plus Immersion namin. Siya pa naman yung Adviser
namin tapos wala siya doon.
“Don’t
worry. Sa halip kasi na ako ang makakasama niyo, ay si Mr. Buenafe na lang. May
meeting pala kayo mamaya. Iaannounce naman siguro, pero para hindi kayo
makalimot, sinabi ko na sainyo.” Dagdag niya.
Si Mr.
Buenafe ang assistant class adviser ni Ms. Salveda, Nasa kaedaran din niya ito kaya,
hindi kami naiilang sa kanya. Okay lang naman sa amin na siya na ang sumama.
“At may
surprise ako sainyo! Hinding-hindi niyo ito inaasahan class.” May evil grin sa
mukha nito nang sabihin ang mga salitang yun.
Ano
kaya yun? She’s been this secretive at grabe kung magpabitin.
“Ang
sitting arrangement niyo ngayon ay… ang magiging groupings niyo sa Immersion at
Field Trip! Yay! Isn’t it surprising? Haha!” Aniya.
Bigla
namang nagsigawan ang lahat.
“No!”
Nangibabaw sa lahat. Napatingin ang lahat sa napatayong si Iris. “Hindi ako
makakapayag na makagrupo ng fiancé ko ang babaeng yan!” Sabay turo nito kay
Eri. Si Eri naman ay napangiting aso sa harap ni Iris. Nanggagaliti tuloy ito
sa inis.
Tumingin
ako kay Brett, wala lang siyang pakealam. Tanging kibit-balikat ang naging
tugon nito sa akin.
“Don’t
worry, Ms. Lim. Ang groupings ay tanda na kapag naroroon na kayo sa host family
niyo ay umpisa na ng pagiging magkakapatid niyo.”
Umaliwalas
ang mukha ni Iris sa narinig niyang yun kay Ms. Salveda. Si Eri naman ay
nanlumo. Ang gwapo ng best friend ko no? Pinag-aagawan ng dalawa sa
pinakamaganda dito sa class namin.
Don’t
get me wrong. Hindi na ako makikisali pa sa kanila. I have my Jared Isaiah
Ariola now, kahit hindi pa man kami, mutual ang aming nararamdaman sa isa’t
isa.
Napaisip
nga rin ako sa groupings namin. Argh! Kapatid ko si Eli! Napatingin tuloy ako
sa aking likuran. Nang magtagpo ang aming paningin ay pilit ko siyang binigyan
ng ngiti ngunit agad siyang nag-iwas. Napalingon na lang din ulit ako sa
unahan.
I guess
hindi pa to ang tamang panahon for Eli and me to reconcile. Baka sa mga susunod
na araw pa. O sa susunod na linggo. Okaya nama’y sa sunod na buwan. Whenever it
is, maghihintay ako hanggang sa mapatawad na niya ako.
Nahagip
ng paningin ko ang nakatitig sa aking si Red. He’s like evaluating me. Nakita
niya sigurong nakasimangot ako. Napagtanto ko na tama pala ang iniisip ko nang
umakto siyang gumuhit ng kurba mula sa baba patungo sa kanyang tenga.
He
wants me to cheer up. Napangiti na lamang ako. Tumango ako sa kanya para
sabihing ‘okay’. He’s really sweet.
Nang
matapos lahat ng aming klase sa araw na ito ay agad na kaming nagtungo sa
meeting place ng Seniors. Sa Gym na naman ito gagawin. Naiannounce na kasi
kaninang lunch ang scheduled meeting ngayon.
Ang
meeting ngayon ay tungkol sa pag-alis namin bukas. Pinaalalahanan lamang kami
na maaga kaming aalis bukas since sa Palawan ang aming Batch Field Trip plus
Immersion.
Nang
kami’y i-dismiss pagkatapos ng meeting ay agad akong pinuntahan ni Red para daw
sabay na kaming umuwi ngayon. He’s excused for 6 days sa practice dahil nga sa
field trip namin.
Nakita
namin sa gate ng school sina Eli at Josh. Mukhang close na nga dalawa kung
mag-usap e. Bilib nga ako kay Josh, isang araw palang buhat ng magpakilala siya
kay Eli e.
I’m
happy for him. Napalapit siya sa taong gusto niya dahil sa ginawa ko kay Eli.
Nalungkot tuloy ako bigla ng maisip ko iyon.
Napansin
iyon ni Red. Nagulat na lang ako ng iniangat niya ang mukha ko mula sa paghawak
niya sa aking baba.
“Di ba
sinabi ko, cheer up. Everything will be fine soon. Hayaan mo muna na maging
okay na ang lahat kay Eli.” Aniya.
Napatango
na lang ako sa kanyang sinabi. Argh! Pakidukot nga tong mga mata ko!
“Ehem!
Ehem!” Agad kaming napalingon doon sa gumawa ng ingay. Istorbo naman tong si
Josh e!
Napailing
siya sa nakita sa amin ni Red. Napansin ko naman yung nakasunod sa kanya. Poker
face lamang siya. Hindi niya parin ako matingnan ng diretso. Kaya agad na lang
akong napayuko sa harap ni Red.
“May
gusto raw sabihin si Eli kay Red.” Saad ni Josh sabay bigay daan sa taong nasa
likuran niya.
Agad
akong napaangat ng tingin kay Red at naglipat sa papalapit sa kanyang si Eli.
Lumapit siya sa tenga ni Red at may ibinulong. Pagkatapos niya yung gawin ay
agad niyang hinigit ang kamay ni Josh. Nagulat man si Josh sa ginawa ni Eli ay
nagpatianod na lang ito.
Para
namang epileptic kung mangisay tong si Josh sa kilig. Natawa ako ng pilit sa
ginawa niya. I want to be happy for him. Pero, hindi ako kumpletong magiging
masaya hanggang may kaibigan na galit sa akin.
Naglipat
agad ako ng tingin sa nakangiting si Red. “Anong sinabi sa’yo ni Eli?”
Pang-uusisa ko.
Napailing
na lamang ito. Secret? Argh! I really want to know!
Nag-iwas
na lamang ako nang tingin sa kanya at tumingin sa papalabas na sina Eli at
Josh. Ano kaya ang sinabi ni Eli sa kanya.
“Basta
ang isipin mo na lang, mapapatawad ka rin ni Eli balang araw.” Anito.
Napalingon
tuloy ako sa kanya. Argh! Nagtama kasi yung mga ilong namin. Ang lapit!
Matutunaw ako!
Nakita
ko lang ang isang ngisi sa mukha nito. “Ang cute mo talaga kapag nagbablush.”
Umiling siya’t hinila na ako patungo doon sa pinagparkingan niya ng kanyang
motor.
Nakarating
ako sa bahay ng maaga dahil kay Red. Kahit kailan talaga ang bilis niya pa ring
magpatakbo ng motor. Hindi niya ba naiisip yung moment kapag nakasakay ako sa
motor niya? Hayst! Gusto ko pa naman siyang mayakap ng matagal. Haha!
Err. Mapanamantala! Sigaw ng aking isipan. “Uy! Andyan ka pa pala!” Nasabi ko
na lang. Natawa na lang ako sa aking nasabi.
Handa
na lahat ng mga dadalhin ko sa Field Trip. Almost two days daw ang byahe since
bus lang yung mode of transportation na gagamitin. Magbabangka lamang kami
kapag papunta na kami doon sa isla kung saan gagawin ang immersion.
Josh’s
POV
“Anong
sinabi mo kay Red?” Pang-uusisa ko sa kasama ko. Andito kami ngayon sa Café
kung saan minsan ko nang nakasama si Riel. Ililibre raw ako nito rito, kahit
ano. Basta samahan ko muna siya rito.
Hinihintay
din namin si Eri na dumating, nagpadrive kasi ito doon sa kanilang driver
patungo sa mall. May kung anong bibilhin daw para sa pag-alis namin bukas.
Nagkibit
balikat lamang siya. In just one day, heto na kami ngayon ni Eli. Ang bilis no?
Well, hindi ko pa naman nakikita sa kanya na kung tingnan ako ay tulad noong
mga tingin niya kay Riel noon.
Hanggang
ngayon pa rin naman, pero kapag nagkakatitigan naman sila, siya yung agad na
umiiwas. He’s really trying hard to forget his feelings towards Riel. Hindi
naman yun ganoon kadali e. Nakikita ko sa kanya na nahihirapan siyang
mag-adjust.
“Ano
nga?” Pangungulit ko.
Napangiti
siya sa aking tinuran. “Bakit? Nagseselos ka?” Aniya.
Natigilan
ako sa kanyang sinabi. Nailapag ko rin muli sa tasa ang kutsara na may lamang
ice cream na isusubo ko na sana.
“Huh?
May gusto ka kay Red?” Bulalas ko. Agad ko namang natakpan ng kanan kong kamay
ang bibig ko. Hindi lang pala kami ang naandito.
Tumawa
siya ng malakas. Nakuha tuloy lalo ang atensyon ng lahat. “Are you kidding me?
Si Red? Bakit ako magkakagusto sa kanya e, si Riel naman talaga yung gusto ko.”
Natigil siya sa pag-tawa nang maalala ang kanyang sinabi.
Napatingin
siya sa akin, agad naman akong nag-iwas. “I’m sorry.” Saad niya. Tumango na
lang ako.
Paano
ko kaya malalamangan sa puso niya si Riel. Dadaanin ko ba siya sa
santong-paspasan o maghihintay na lang na ako na lahat yung nakikita ng mga
mata at puso niya? Argh!
Pero
nga, nasabi ko na sa kanya na maghihintay ako na mahulog siya sa akin. I just
don’t know if it’ll happen, otherwise, masasaktan din ako sa huli. I don’t want
that to happen though.
Riel’s
a tough opponent. Pero hindi ako yung tipong makikipagkompetensya sa taong alam
kong may mahal ng iba. Riel’s a friend, and he will be a friend ‘til my last
breath.
“Hindi
yun yung ibig kong sabihin. I’m sorry.” Pagbasag niya sa katahimikan.
“Okay
lang. Naiintindihan ko. Ang sabi ko naman maghihintay ako di ba? Kahit pa
abutin pa nang 50 years. Maghihintay pa rin ako Eli. Kasi kapag nagkagusto ako,
hanggang sa hindi sinasabi sa akin na tigilan ko na, hindi rin ako susuko.”
Nasabi ko na lang. “Just tell me when to stop also, okay?” Napatango na lamang
siya sa sinabi ko.
Katahimikan
ang namayani doon sa amin. Mabuti na lamang at dumating din kaagad si Eri.
Naghiwa-hiwalay kami ng landas pagkatapos noon. May sasakyan din kasi ako,
binigay sa akin ng Stepdad ko simula noong makasal na sila ni Mom.
“Manong,
daan muna po tayo sa mall. Ibibili ko lang po si Daddy nung paborito niyang
cake.” Tugon ko sa aking driver nang makasakay ako sa kotse. Sumunod naman agad
ito sa aking utos.
Nacional
ang apelyido ko noon. Kaya nga nasa likod ako ni Riel sa sitting arrangement.
It is my Mom’s maiden name. Ever since kasi na pinagbuntis niya ako, mag-isa
lang siya na bumuhay sa akin. Mabuti na lang at buhay pa ang mga grandparents
ko.
Hindi
naman kami mahirap, hindi rin naman ganun kayaman. Pero kaya ng pamilya ni Mama
ang papag-aralin ako sa pinapasukan kong paaralan ngayon.
Ayoko
nang pag-usapan pa ang biological father ko. Ni minsan, hindi ko narinig sa
bibig ni Mom at ng gradparents ko ang pangalan niya. Minsan ko nang naitanong
yun sa kanila, pero sa halip na makatanggap ako ng sagot ay tila ba pinapakita
ng kanilang ekspresyon na napakawalang kwenta niyang ama.
Oh
well, let’s just scratch that! Nagpakasal si Mom sa Stepdad ko 2 years ago.
Alam yun ng mga nasa school dahil
pangalawa sa top stockholders ang Stepdad ko. Although ganun ang position niya,
madalang siyang makapunta sa school dahil sa negosyo niya sa Australia.
Naging
Alarcon ako sa bisa ng adoption. Nitong nakaraang buwan lamang yun. Mahal, na
mahal ako ng Stepdad ko. He’s a bachelor for 35 years bago niya nakita ang
napakaganda kong ina. Yeah! Kamukha ko ang Mom. Kaya nga gwapo rin ako. Huehue!
Tinrato
niya ako na parang tunay na anak. Dahil siguro sa kasabikan ko na magkaroon ng
ama ay agad ko siyang tinanggap. Wala naman akong rason para hindi siya
tanggapin. He’s too caring pagdating kay Mom.
“Sir.
Andito na po tayo sa Mall.” Ang lalim ata ng mga iniisip ko.
Napatango
na lamang ako kay manong at agad na akong bumaba ng kotse para bumili nung
paboritong cake ni Daddy. Umuwi kasi kahapon galing ng Australia. Actually
kasama niya si Mom.
“Manong,
mabilis lang po ako. Pakihintay na lang po ako rito.” Bilin ko sa kanya.
Tumango na lang ito sa akin bilang tugon.
Agad
akong naglakad papunta sa loob ng Mall, kung nasaan mayroon lang noong Cake
Shop ng cake na gusto niya. Maglalakad na sana ako pabalik nang makatanggap ako
ng text mula kay Eli.
Argh!
My very first text from him! Ila-lock ko to, para hindi mabura!
Nang
nabuksan ko na ang mensahe mula sa kanya ay namilog kaagad ang mga mata ko.
Nagagaya na ata ako sa reaksyon ni Riel sa tuwing malapit siya kay Red!
Magkaibigan nga kami. Hays! Birds of the same feather flock together. Haha!
Hi! It’s Eli. Got your number from Eri. I’m really sorry
for what I have said earlier. I didn’t mean to hurt you. Ikaw tong nagpatahan
sa akin pero, nagawa ko yun sa’yo.
Laman
ng kanyang text. Kahit hindi niya sabihin na si Eli siya ay makikilala ko naman
agad siya. Matagal na kaya akong mayroong number niya. Haha! Wala pa ngang ‘I
like you too’ kinikilig na ako e. Tengeneng!
Lumawak
ang ngiti sa aking mukha, para na nga akong tanga e. Inirapan ko na lang lahat
ng mga nakasalubong ko. Nawi-weirdohan siguro sa pagngiti ko. Hindi ako baliw
no! Kinikilig lang! Di ba pwedeng ngumiti? Argh!
Isa
pang mensahe ang natanggap ko mula sa kanya. At yun yung grabe ang lawak ng
ngiti na naipinta ko sa aking mukha. As in! Halos mapunit na nga ang mukha ko
sa sobrang lapad! Pero ngumuso na lang ako para hindi pag tinginan ng mga
nakakasalubong ko.
You like me right? Kung hindi na magiging akin si Riel,
ikaw na lang ang aangkinin ko. Please be patient on waiting. Akin ka lang ha?
Please promise me… na akin ka lang. Mabilis akong mahulog, sana kapag nangyari
yun, akin pa rin yang puso mo.
Speechless
ako. Sabi ko nga di ba? Kahit rebound lang ako, basta ako na lang yung makikita
ng mga mata at puso niya, masaya na ako.
Masaya
na ako na sinabi niya yun. Ang gagawin ko na lang ay ang maghintay.
Paulit-ulit
ko pa ring binabasa yung text na nakuha ko mula kay Eli. Inilock ko na rin ito
para hindi mabura ng basta na lang. Hindi na muna ako magrereply sa kanya.
Kailangan kong pag-isipan ang irereply ko e.
Halos
hindi na ako tumitingin noon sa daan. Ang saya ko kaya, kahit pa pader,
hahamakin ko, hindi lang mawala ang kasiyahan sa mukha ko.
“Sorry!
Sorry!” Bigla kong paghingi ng tawad sa nabunggo ko. Argh!
“You
look so happy.” Seryosong saad nito. Napatungo tuloy ako nang tingin doon sa
nabunggo ko.
“Riley?!”
Bulalas ko. Argh! Nahawa na nga ako kay Riel!
Mapait
na ngiti lamang yung nakita ko sa kanyang mukha.
“Ikaw
lang pala! Kala ko naman kung sino yung nabunggo ko e.” Napakamot na ako ng
ulo.
“Oh.”
Sabi niya sabay bigay sa akin noong cell phone ko.
Huh?
Nabitawan ko pala yung cell phone ko! Buti na lang nasalo nitong best friend
ko. Kung hindi, wala na yung precious texts ni Eli! Argh! Napakacareless ko
talaga kapag nadidisgrasya!
“Sino
yung lagi mong kasama kanina?” Tanong niya nang makuha ko na sa kamay niya yung
cell phone ko.
“Huh?
Kaklase ko, si Eli ba o si Riel?” Sagot ko.
“So,
Eli pala ang pangalan niya? Siya rin ba yung nagtext niyan sayo?” Bakit? At
nabasa niya ba? Argh! Hindi pa naman alam ni Riley na ganito ako. Si Mom palang
at Daddy. Pati na rin si Riel, Red at Eli.
Nag-iwas
ako ng tingin sa kanya nang parang nanunusok ang kanyang mga titig sa akin. Hinawakan
niya ang isa kong kamay at marahang hinila palabas ng Mall. Nakita kami nung
driver ko, lalabas na sana siya pero pinigilan ko.
“Anong
problema mo Riley? Best friend mo ako. You can tell me.” Mahinahon kong saad sa
kanya.
Nag-iwas
siya ng tingin sa akin dahil sa pilit kong hinuhuli ito. Tumikhim siya’t
huminga ng malalim.
“May
gusto ka ba sa kanya?” Aniya na nakatingin pa rin sa ibang direksyon. Binitawan
na niya rin ang kamay ko.
Hindi
ako makasagot. Nahuli na niya ako. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit siya
nagkakaganito.
Tanging
tango ang naisagot ko sa kanya. Malalaman at malalaman niya naman talaga e.
Gusto ko na sa akin na yun manggaling.
“Fuck!”
Biglang sabi niya.
Naihilamos
niya na lang ang kanyang kamay sa mukha. Is he mad because ngayon niya lang
nalaman na bakla pala ang best friend niya? Kasalanan ko naman, I’ve never told
him that I am gay.
Discreet
lang kasi ako, just like Riel, bago ito napamalita sa buong school. Dressed
like a man, act like a man. Ako? Hindi ko pa ata kaya, kahit na sinasabi sa
akin nina Mom na okay lang yun. Wala namang magagawa ang lipunan sa kung sino
ako.
“Sorry
for not telling you Riley.” Paghingi ko ng tawad.
“Hindi
naman yun yung punto ko rito e.” Medyo may panghihinayang sa boses niya.
Napaangat
ako ng tingin sa kanya. Magulo na ang kanyang buhok ngayon. Ang gwapo niya
sobra! Kaso sabi niya minsan, ‘he’ll never fall in love to a guy’. Ang lalaki
ay para sa babae, at ang babae ay para lang sa lalaki.
Yan
yung prinsipyo na pinanghahawakan niya simula pa noong Grade 6 na kami. Kaya
nga natakot ako noong sabihin sa kanya na ganito ako. Siya lang naman kasi ang
kaibigan ko noon sa elementary, kaya no choice ako. Dinadaan ko na lang nga
lagi sa kain kapag nag-uusap kami.
“Ano
nga? Sabihin mo naman sa akin para maintindihan ko. I don’t have powers to know
what you’re thinking right now.” Tugon ko sa kanya. Pinilit kong mahuli ang
paningin niya. Pero ganun pa rin mailap siya.
“Nagseselos
ako! Gusto kita! Mahal pa nga!” Napalakas niyang sagot sa akin.
Natulala
lang ako saglit sa sinabi niya. Argh! He’s in love with me? Paano?
“Pero…
may girlfriend ka… tapos sabi mo hindi ka—.”
“Never
mind.” Pagputol niya sa akin. At agad na nagwalk-out.
Naiwan
ako run na iniisip pa rin lahat-lahat. Argh!
Eri’s
POV
Andito
ako ngayon sa aking kwarto. Nakapack na lahat ng dadalhin ko para sa outing
bukas! Este, Field Trip and Immersion namin. Galing ako sa Mall kanina at
hulaan niyo kung ano yung ipinunta ko doon. Haha!
Anong
hula niyo?
What?
Haha!
Okay! Okay! High blood agad! Patience is a virtue din mga ‘tol! Oops!
Nagbabalik loob na naman ako sa pagiging boyish ko. Tss.
Heto
na! Ang binili ko ay… tada! Two piece! Yey! Beach kaya ang pupuntahan namin.
Since isla yun, hindi naman siguro kami maglalaway lang sa dagat na nakatanaw
lang malapit sa amin doon.
I can’t
wait to wear and get Brett’s attention! Yes! Mas sexy naman ako dun sa bruhang
yun no! Nagawa pa talagang lumipat ng school! Kainis! At ang bilis niyang
umaksyon ha!
Mas
mayaman kaya sila sa amin kasi, naproseso agad yung paglipat niya? Kahapon lang
kasi nung magkausap kami. Our first encounter.
Ang nangyari
kasi kahapon, sinundan ko si Brett nung uwian. Stalker na kung stalker! Basta
masundan ko lang yung taong gusto ko! I wasn’t expecting na may katatagpuin
siya, then it turned out na may date pala sila nung panget niyang fiancée.
Well, maganda naman talaga siya, pero mas MAGANDA ako. Capslock para intense, sabay
flip ng hair para may dating! Ganern!
Nagpakaimbestigador
na ako rito. Para na nga akong tulad sa mga drama na, sinusundan ang asawa,
para malaman kung nambababae ba ito. Kumain na rin lang ako doon, ginugutom na
rin kasi ako nun. I’ve waited for the moment na makilala ang bruhang nasa harap
ni Brett my loves!
Tumayo
ito at nagpaalam kay Brett. Pumunta siya sa rest room pagkatapos niyang
magpaalam. Gotcha! Nasabi ko na lang
noon.
Agad
akong tumayo at pasimpleng pumunta sa kung saan man nagtungo ang bruha. Mabilis
para maabutan ko pa. Malay ko ba kung parang lalaki lang yun kung gumamit ng
rest room.
“Ang
gwapo talaga ni Brett Santillan!” Agad kong parinig sa kanya nang makapwesto
ako sa isa sa mga lababo ng restroom. Umakto rin ko na parang naghahanap ng
kung ano sa bag ko. Humanda ka bruha sa pang Famas kong acting!
“What
did you say?” Mahinahon niya pang baling sa akin. Hmm. Not the typical girl na
agad magbuburst out sa galit. May class. Impressive.
Okay!
Let’s play a bit. “Kilala mo si Brett Santillan? Classmate ko siya at crush na
crush ko talaga siya! Andito siya ngayon! Grabe! Kailangan kong magpaganda
lalo, baka kulang pa sa kanya ang kagandahan ko!” Saad ko sabay inarte ng mga
dapat gawin. Para mainis siya.
Nakita
ko ang inis sa kanya, pero andun pa rin ang poise. Hmm. Hindi na masama. Kaya
pala kung magkwento si Brett tungkol sa panget na ‘to ay may pagmamalaki pa!
Pwe! I’m better than her! Bakit ba kasi may fiancée na siya!
Itinaas
niya ang isang kilay at nanatiling mahinahon sa kabila ng inis. “You know what?
Brett’s my fiancé. Oh, I’m gonna spell it for you, F. I. A. N. C. É. Fiancé.
You get that?” Saad niya, habang naglalagay ng eye liner.
“Oh
really?” Sarkastikong tugon ko sa kanya. “Ikaw pala yung kasama niya. Bakit
ganon? Hindi ata kayo bagay? Mas bagay kami.” Dagdag ko sabay tawa ng manipis.
Tiningnan
niya ako mula ulo hanggang paa. Wow! As in wow!
“Nahiya
naman ako sayo, girl. Ambisyosa.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglagay siya
ng lipstick.
Nairita
ako sa sinabi niyang yun. Nang makita niya ang reaksyon ko ay naipinta niya sa
kanyang mukha ang tagumpay. But I won’t let her win. Ha! May alas pa ako no! And
this isn’t the last encounter.
Iniligpit
ko lahat ng gamit ko na nailabas ko nang gamitin ko kanina. “Ano naman kung may
fiancé na siya? Mag-asawa nga naghihiwalay pa.” Sabi ko sabay talikod sa kanya.
“Tata!” Pagpapaalam ko. Nakita ko na lang sa repleksyon ng salamin na
nanggagaliiti na siya sa galit. May salamin kasi sa pinto, kaya nakita ko.
Buti na
lang may class siyang babae. Kung wala siguro, sinugod na niya ako bigla-bigla.
Aba! Kung gagawin niya man yun, hindi ko siya uurungan no! Nag-Martial Arts
kaya ako. Kahit babae ako, kaya kong ipagtangol ang sarili ko! Pero dahil babae
naman siya, sabunutan tsaka kalmutan na lang para fair. Haha!
Isinilid
ko na lang yung tatlong two piece na binili ko kanina sa maleta na dadalhin ko.
As in maleta talaga! I can’t let that woman beat me! Kaya dinala ko lahat ng
mga magaganda at branded kong mga damit.
Magiging
akin din si Brett! Itinaga ko na yun sa bato! At si Riel ang alas ko!
Iris’
POV
Ano naman kung may fiancé na siya? Mag-asawa nga
naghihiwalay pa. Argh! I can’t let
that woman win! May guts siyang sabihin yun sa mukha kong napakaganda!
Kung
wala siguro akong breeding, iminudmod ko na yung Fiona niyang mukha sa labado.
Nainis talaga ako sa kanya nun! Well, anyways! Composure, Iris. Mas maganda ka
sa kanya. Bakit ka magpapaapekto sa mala-Fiona niyang mukha?
Fiona
ha? Si Fiona na ogre form! Hahahahaha! Grabe dami kong tawa! Mga sampu!
Nagpagulong-gulong din ako sa aking king size na kama dahil sa tawa kong yun.
“Irishane!”
Sigaw ni Mama. Napabalikwas tuloy ako ng tayo mula sa aking kama. “Composure
anak. Composure.” Saad nito.
Napangiti
na lang ako sa sinabi ni Mama. “Hay nako Ma! Alam mo ba kung bakit ako
nagpalipat sa school ni Brett?” Tanong ko sa kamukha kong ina. Hindi kasi nila
alam ni Papa ang buong detalye kung bakit ako nagpalipat ng school.
Dahil
I’m a spoiled brat, in a nice way. Agad-agad akong nakalipat sa school ni
Brett. Mama and Papa loves me so much!
“Bakit
nga ba?” Tanong sa akin ni Mama.
“May
umaaligid kasing babae sa asawa ko! Kailangan na andun ako para mabakuran
siya!” Sunod-sunod na sabi ko kay Mama.
Napailing
na lang ito sa sinabi ko. “Wala ka bang tiwala kay Brett?” Tanong niya.
“Meron
po.” Sagot ko.
“E
bakit kailangan mo pang bakuran?” Tanong niyang muli.
“Ma
naman e!” Pagmamaktol ko.
“Aba,
‘wag masyadong possessive anak. Ipinangako na ni Brett na ikaw ang mahal at
papakasalan niya. Isn’t that enough to prove that he’s all yours? Sayang naman
yung pagiging top student mo sa dating school mo.” Mahabang litaniya ni Mama.
“Oo na
Ma! Threatened lang ako no! Malay ko bang mas malandi pa pala yun kaysa sa kin?
Walang panama ang ganda lang sa landi.” Natawa na lang si Mama sa naturan ko.
Am I
possessive?
“O
siya! Akala ko naman kung bakit ka nagpalipat e. Kailangan mo nang matulog,
maaga kayong aalis bukas di ba? Kailangan ko na ring matulog para sa kapatid
mo.” Nagpaalam na siya. Hinalikan ko naman muna siya sa pisngi.
“Thank
you, Mama!” Napatango na lang si Mama sa sinabi ko. “Good night din sa’yo,
Little Brother!” Sabi ko sabay himas sa tiyan ni Mama.
Mag-isa
lang sana akong anak, pero buntis ngayon si Mama. At excited ako sa paglabas ng
kapatid ko. 1 month na lang at lalabas na siya. Kaya nga nilulubos ko na tong
privileges ko as only child kasi kapag lumabas si Little Brother, sa kanya na
lahat ng atensyon.
Hindi
naman ako maiinggit. For the past 18 years of my existence, natamo ko na lahat
ng pagmamahal, at mga bagay na gusto ko. It’s my little brother’s turn to
experience it too.
Sa
totoo lang, hindi naman talaga ako mataray and the likes. Ang akin lang, ay
akin. Kay Brett lang naman ako possessive e. The rest, kahit kunin mo pa nang
walang paalam okay lang sa akin.
I’m
generous. Kahit nga mga fake friends lumalapit sa akin. Famewhores. Hindi ko
talaga malaman kung bakit may mga taong ganun. Hinahayaan ko na lang sila.
Anyways!
Magmove on na tayo sa past school ko. Wala naman akong naging tunay na kaibigan
doon e. Wala kasi yung best friend ko rito. Nasa ibang bansa na siya. Lumayo
siya kasi, si Brett din ang problema namin.
She’s
honest. Bago pa man kami mag-away, siya na yung lumayo. Kaya nanatili kaming
magkaibigan ngayon. May boyfriend na rin siya doon. Kaya hindi ko na siya
pinoproblema pa.
Akala
ko nga peaceful na ang buhay pag-ibig ko e. Lagi lang naman kasing si Riel ang
kasama ni Brett. His best friend. And I am not threatened kasi ipinangako na sa
akin ni Brett na ako lang ang iibigin niya.
Mahal
niya ang best friend niya. Hindi ko naman siya masisi, kahit hindi ko gaano
nakakasama sa mga lakad si Riel, by looking at him, masasabi mong worth it
siyang mahalin. Nagpapasalamat na lang rin ako’t hindi nahulog sa kanya ang
kaibigan. Pero hindi nga ba?
Back to
the earlier matter. Ericka Martinez will never get my husband! Never! Not even
over my dead sexy body!
Riel’s
POV
“Aray!”
Naisigaw ko na lang. Tatlong beses ko nang nakakagat ang dila ko ngayong gabi.
Argh! Sinu-sino ba yang mga lapastangang nakakaisip sa akin ngayon? Argh! Kung
si Red yun, okay lang! Haha!
Lande. Alam mo yun? Hayst! Andyan ka na naman! Epal!
10 PM
na ngunit hindi pa rin ako tulog. Kailangang 2 AM bukas ay gising na ako para
maghanda sa pag-alis. Plano ko kasing magluto para sa barkada. Syempre baon sa
byahe. Masyadong magastos kung bibili na lang kami sa mga bus stop. Tutal isang
linggo naman akong mawawala sa bahay, lulutuin ko na yung ibang madaling
masira.
Iniisip
ko kasi kung anu-ano ang mga lulutuin ko bukas. Nang makaisip na ako ay agad
akong humiga sa malambot kong kama. Finally! Naiset ko na naman yung alarm ko
kaya, I’m off to sleep tonight.
Nagising
ako sa tunog ng alarm clock ko. Argh! Puyat ako grabe! Kulang ng dalawang oras
ang tulog ko! Hayst! Di bale na nga. Itutulog ko na lang to sa bus mamaya.
Ngayon, kailangan kong magluto.
Agad
akong bumaba at masiglang tinungo ang kusina. Naghilamos at nagsipilyo muna ako
bago ko isa-isang nilabas ang mga rekadong kakailanganin ko sa aking mga
lulutuin.
Naisipan
kong magluto ng Kare-Kare at Chicken Adobo. Nang pinakuluan ko na ang karne ng
baka ay naalala ko na paborito pala ito ng magpinsan. Hindi ko yun na napansin
kagabi ah? Binase ko lang kasi yung lulutuin ko sa kung anong meron ako sa ref.
Sinimulan
ko naman lutuin yung adobo. Naalala ko tuloy yung unang lunch namin ni Eli sa
gazebo. Hayst! Kailan kaya niya kaya ako mapapatawad. Gusto kong siya yung
magsabi sa akin na pinapatawad na niya ako. Hindi ko kasi makuha yung sinabi sa
akin ni Red.
Anyways!
Ayokong masunog ang mga niluluto ko. Sasarapan ko na lang para makatikim na rin
sila Red, Josh, Eri, Iris, Ate Xynth at Yuki ng luto ko. Si Brett kasi
naipagluto ko na noon, at sa kanya ko nalaman na Kare-Kare nga ang paborito ni
Red, na paborito niya rin.
Pagkatapos
kung lutuin yung adobo ay nagsaing na ako ng tama sa aming walo. Mabuti na
lamang at mayroon akong tupperwares dito sa bahay. Bento style na lang ang
gagawin ko.
Sinimulan
ko na rin lutuin yung sarsa ng Kare-Kare nang malambot na ang karne ng baka.
Tanging kape at tinapay lang muna ang kinain ko para sa almusal ngayon. Sa amoy
pa lang ng niluluto ko ay busog na ako.
Yabang e no? Masarap
naman talaga ah! Paano ko naman matitikman,
e nasa isipan mo lang naman ako? Kaya nga ‘wag ka na lang magkomento.
Napailing
na lang ako sa aking naisip. Masaya naman palang kausap ang konsensya no? Just
don’t make yourself insane. Haha!
Isa-isa
kong inilagay sa mga tupperwares ang mga niluto ko. Buti na lang at yung mga
nabili ni Mama noon na tupperwares ay yung mga may partition na. Gusto niya
kasing hindi nagsasama-sama ang bawat pagkain. Ewan ko nga ba? Ganun na rin
naman kasi ako ngayon e.
3:30 AM
na nung matapos ako. May isa’t kalahati pa akong oras para maghanda at
makapunta sa school. Magtatricycle na lang muna siguro ako ngayon. Ang dami
kong dala para maglakad lang no!
4 AM ay
handa na ako sa pag-alis. Sinigurado ko muna na sarado ang lahat ng pinto at
bintana ng bahay. 1 week akong mawawala e. Ibinilin ko na lang sa kapit-bahay
naming si Auntie Nel ang bahay habang wala ako.
Naghihintay
ako sa labas ng tricycle na dadaan para makapunta ng school. Panay ang tingin
ko sa oras mula sa cell phone ko. Hindi pa kasi namin alam kung anong bus
number ang sasakyan namin, at kung saan ba kami uupo, kailangan pa namin yung
ikumpirma kay Mr. Buenafe.
Naglakad
na nga ako papuntang gate ng subdivision namin kasi baka sarado pa ito kaya
wala pang tricycle na nakakapasok. Authorized naman kasi yung mga tricycle na
pumasok dito. Parang yung sa mga schools lang, may mga stickers yung pwedeng
pumasok.
Yun,
hindi nga ako nagkamali. Sarado pa nga. Nakatulog ata si Manong Guard. Nang
makalabas ako ng subdivision ay agad akong naghintay ng masasakyan. Meron na
sana akong nakita ngunit may bumusina at pumarada sa harap ko na kulay itim na
kotse.
Ang
gara! Mayaman! Mini Cooper! Pero nanghinayang ako nang hindi ko napara yung
tricycle. 4:15 AM na ngunit hindi pa ako nakakaalis.
Nagulat
na lang ako sa pagbukas nung bintana ng kotse at iniluwa nito ang isang
napakagwapong nilalang. Argh! Thank you for this yummy breakfast!
Ngumiti
ito sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
Am I
drooling again? Nahuli na niya naman ba ako? Argh! Fucker! Kailan ba ako
masasanay sa presensiya niya? Arghs!
“Good
Morning, Riel!” Masaya niyang bati sa akin. “Tara! Sabay na tayo papuntang
school.” Dagdag pa niya.
“Ah… e…
Go-Go-Go-Good Mo-Morning din. Hehe!” Segue ko na lang. Putek! Nautal pa talaga
ako! “Okay sige.” Sagot ko doon sa pagpapasabay niya sa akin.
Binuksan
ko ang pinto ng back seat. Inuna ko munang ipasok yung bag ko at mga lunch
boxes na hinanda ko. Papasok na rin sana ako para umupo ng magsalita siya.
“Hep!
Diyan mo balak umupo? Gusto mo bang ang labas ko e, driver mo?” Pagtatampo
nito.
Sabi ko
nga sa passenger seat ako uupo. Pupunta na nga ako e. Argh! Doon lang sana ako
dadaan! If that’s possible, you know! Haha!
Isinara
ko na lang yung pinto ng back seat at agad na pumunta sa pinto ng passenger
seat. Naaninag ko pang binuksan niya mismo ang pinto noon.
Agad
akong pumasok at umupo. Masyado na kaming late! Grabe!
“Tara?
Late na tayo e.” Saad ko sabay pakita ng orasan sa cell phone ko.
“So...
Ako pala ang wallpaper mo sa lockscreen mo.” Saad niyang halata ang saya.
Nanlaki
lang ang mga mata ko sa sinabi niya! Arghs! Oo nga pala! Hayst! Hindi talaga
ako nag-iisip! Shems! What to do? What to do?
Nag-iwas
na lang ako ng tingin. Imbes na sa harap ay, nasa bintana ang focus ko. Arghs!
Talaga.
“Don’t
worry about the bus we’re on and the seat where we’ll gonna sit. Nakuha ko na
kanina, bago kita pinuntahan dito.” Aniya.
Napatingin
tuloy ako sa kanya. Patuloy lamang siya sa pagdrive at nakatingin sa harapan.
Ini-on niya ang kanyang iPod at nakabluetooth yun sa kanyang sasakyan. Natapos
na yung isang kanta bago tumugtog yung sunod.
Narinig
ko doon ang pamilyar na kantang paborito ko. Nagsimula iyon sa tipa ng gitara.
Tamang tama sa sitwasyon namin ngayon.
Nakita
ko na lang na ngumiti siya at nasabing “Sakto!”
“Ang
alin?” Naitanong ko tuloy.
“Yung
kanta.” Sagot niya. “Alam kong alam mo rin yan.” Napatango na lang ako.
“Gustong-gusto ko kasing marinig yan na kasama ka.” Dagdag pa niya.
Argh!
Ganun din naman ako. Kaso hindi ako marunong magmaneho ng kotse. Haha!
I look at her and have to
smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Wala
akong imik buong byahe. Ganun din naman siya. Nakinig lang
kami sa kantang tanging kaming dalawa lang yung nakakarinig.
We stop to get something to drink
My mind clouds and I can't think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply
That I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Oh and I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Oh and I know this love grow
Minsa’y
lumilingon siya sa akin. At ako rin naman sa kanya. The feeling is mutual
talaga. Pero hindi pa ngayon yung tamang panahon na hinihintay ko para sagutin
siya. Makita ko lang na gawin niya yun ay talagang sasagutin ko na siya.
Oh I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Medyo
outdated na yung iniisip ko pero, sana gawin niya, para masabi kong siya na
talaga.
Kagat-kagat
ko ang aking labi kasi hindi ko maiwasang mapangiti sa saya. Na siya ang kasama
ko ngayon, habang nagpiplay ang kantang ito.
Itutuloy…
Hay naku Riel nilalanggam ka na naman ahaha sweetness overload talaga. Author please pakiputol na yang buhok na yan ang haba eh.
ReplyDeleteSalamat sa update. Tama ka, super, overload kilig. Take care. God Bless.
ReplyDeleteSana meron pang agawan. Haha..
ReplyDeleteLet's see. :)
DeleteYehey Red and Riel! But I think something may happen sa Palawan between Eli and Riel. Kasi parang wala ng thrill pag Eli and Josh agad haha and feeling ko lang magaaway si Josh and Riel. Or Josh will realize he loves Riley as well. Pero of course assumptions lang hehe. It's just that sa pagka tragic ng buhay ni Riel parang hindi dapat ganun kaperfect love life niya. Pero in the end of course happy padin. :-D Marvs
ReplyDeleteMarvs! May point ka! Pero, hindi ko pa alam. Hahaha. Pero naisip ko na lahat ng mangyayari sa buhay nila. More or less 30 chapters ito. So wait still okay?
Deletewoo.. kileg much again .!! ikaw na RIEL !! IKAW NA !! XD hehehe thanks MR. R.E :)
ReplyDelete-yelsnA
Sino yung nagmamaneho?
ReplyDeleteSi Red po.
DeleteNice :))
ReplyDeleteAno kaya ang hinihintay ni riel na gawin ni red? Hmmm. Harana?
ReplyDelete-hardname-
Spoiler alert! :)
Deletewuah.. sobrang nakakatuwa tlga nitong story na ito :D hi author! sana po maging kaibigan kita .. IDOL ko po kayo ni Kuya Jace :D
ReplyDelete--Hao_Inoue--
Hi Hao Inoue! Welcome sa story na ito! :) Salamat naman kung ganun. Jace is my super friend here. Add me up and pakilala ka na lang sa akin. :)
Deletewoww.. ehe OH Riel oh Josh, kau ng mhahaba ang buok.. ahha
ReplyDeleteAz
Parang nagiging Main Casts ang nga supporting. Anyare? Hahahahahaha!!!! XD NATATAWA AKO KINA IRIS AT ERI 😂😂😂😂
ReplyDelete