Konting tiis na lang guys, tapos na ang pagtitiis niyo sa story na 'to :))
Maraming Salamat sa lahat-lahat! Sa mga nagbasa, sa mga nagtapon ng comments, sa mga nagtiis, sa mga kinilig, sa mga umiyak(kung meron man), sa mga natuwa, sa mga napangiti, sa mga na-goodvibes(kung meron man) at higit sa lahat.. sa lahat ng nagmahal sa storyang ito.
Alam ko na kung ire-rate ang story na 'to by quality, paniguradong low quality.
Kaya guys, asahan niyong mas gagalingan ko pa ang pagsusulat. Hintayin niyo yung next story! Para sa inyong lahat (--,)
Take care everyone!
Happy reading (--,)
--
Point Of View
- P a u l o -
"Sigurado kabang hindi kana magpapaalam? Sa apat, tapos kay Yael, isama mo pa sila Jerry at James." tanong ko kay Kurl.
Nasa bahay namin kami. Kaming tatlo, kasama si Martin. Almusal ang banat.
"Kurlo, bakit ba? Ano bang nangyari? Tsaka ba't dito ka natulog?" pagsingit naman ni Martin.
"Wala lang, bakit masama ba?" agad na sabi ni Kurl. "Kakausapin daw ako ng apat mamaya, hindi nila alam na aalis na ako. Then si Jerry at James naman, nakapagpaalam na ako sakanila, sinadya ko rin sila kahapon."
"Eh yung dalawang Yael, alam nila?" sabi ko naman.
"Si Yael, nakausap ko na.. sa phone nga lang. Si Nicollo naman.." pagtigil niya.
Saglit rin kaming napatigil ni Martin..
"Nakausap ko na, kagabi.. at tapos na kami, yun lang. Tapos na." napaka-simpleng sabi niya.
"Lahat sila, nakausap ko na, pero si Jerry at James lang ang napagsabihan kong aalis ako." dagdag pa niya at ipinagpatuloy lang ang pagkain.
Nagkatinginan naman kami ni Martin, pareho kaming napailing.
Si Kurl naman kasi eh, parang wala lang sakanya.
Though alam namin na sa kaloob-looban niya ay umiiyak siya, pero pilit parin niyang itinatago ito.
"Anong oras mo kikitain sila Doms." naitanong ko na lang.
"Mga bandang 4 ng hapon, sa computer shop nila Brent." balik ni Kurl.
"Ano yun, sa mismong computer shop kayo mag-uusap-usap o magkikita-kita lang?" agad na tanong naman ni Martin.
"Dun kami mag-uusap-usap, dun naman kami sa may taas eh, malaki kaya yun." balik ni Kurl. "Teka, ba't kanina niyo pa tinatanong kung aalis ako, pinapaalis niyo ba ako?" kunot pa niya.
Saglit akong napatigil, si Martin kasi.
"Mag-uusap kasi kami ni Paulo." biglang sabi naman ni Martin. "Diba?" pagharap pa niya sa akin.
"Abaaaa... kaya pala ang aga ni bestfriend dito sa bahay ni pinsan." patango-tangong sabi pa ni Kurl. "Well.. well.. well.." pagpigil pa niya sa pagtawa.
Ang daldal naman ni Martin.
Nahihiya tuloy ako kay Kurl. Arrgh!
...
Alas-tres palang umalis na si Kurl.
Hinatid siya ni Martin, nakamotor sila.
Nakahanda na ang mga sasabihin ko kay Martin, nakahanda narin ako sa mga sasabihin niya.
Isa lang naman ang plano kong sabihin, ang pagbatiin ang dalawa, si Kurl at Nicollo.
Tinawagan ko ang barkada, si Jerry, James, Doms, Lance, Brent, Paul at Yael. Kailangan naming tulungan ang dalawa sa problema nila.
At dahil bukas madaling araw na ang alis namin.
Nagpasabi si lolo na may dinner gathering sa bahay mamaya, bale si mommy, si lolo, si Kurl at si lola niya ang nasa bahay mamaya. Nagpalusot na lang ako at nagsabing hahabol na lang.
Edi mamaya, libre ang bahay para sa aming magbabarkada.
At dahil halos labing-dalawang oras na lang kami dito ni Kurl, dapat mamayang gabi, makapag-usap na ang dalawa.
-----
Point Of View
- K u r l -
Kasalukuyan kaming nasa bahay ni lolo.
Kasama ko si lola, kanina pa siya pinapasalamatan ni lolo.
Hindi ko magawang makasabay sa pagkain at kwentuhan dahil sa bumabagabag sa aking isipan, kanina pa.
Nakikingiti, tawa at tango na lang ako.
Ako ang mali, ako pala.
Ako ang may kasalanan ng lahat, ako pala, ako talaga.
(
flashback
"Kamusta Kurl?" agad na tanong ni Paul pagkaupo namin.
"Ayos lang." pagngiti ko naman.
"Nawala lang kaming apat, pinaiyak mo na si Nicollo." pagsingit ni Lance.
Saglit akong napatigil.
Oo nga, pinaiyak ko nga siya. Ang tanga ko talaga.
Si Nicollo, hindi ako kayang paiyakin, hindi ako kayang nakikitang umiiyak.
Pero ako? heto at pinaiyak ko siya, patuloy.
"Alam kong kasalanan ko naman eh. Pero guys, trust me. Wala nang issue sa akin yung patungkol sa dati, yung sa pamilya namin." tonong paninigurado ko pa.
"Pero hindi mo pa naman ata nakakausap si tita eh, yung mommy ni Nicollo." sabi naman ni Brent.
"Sa totoo lang nakausap ko na kahapon, humingi narin ako ng tawad sa nagawa ko kay Nicollo. Pinaliwanagan ko naman kung bakit." balik ko.
Yah. Kahapon pagkatapos akong kausapin ni Clarice ay agad ko nang kinausap ang mga dapat kausapin.
"Pero kayo ni Nicollo, nag-usap kayo diba? kagabi." pagsingit ni Doms.
Tumango lang ako.
"Tinapos ko na lahat, masakit man." mahinang sabi ko habang sa basong pinaglalaruan ko sa lamesa lang nakatingin.
"Pasensya na kayo ah? Sinaktan ko yung kaibigan niyo, pasensya na talaga." dagdag ko pa.
Ginagamit ko nanaman yung talent ko. Pagpigil sa pag-iyak, at paiba-ibang ekspresyon.
"Wala naman kaming magagawa, kayo yan eh." balik ni Paul.
"Pero Kurl, bilib ako sa'yo, napabagsak mo ng ganyan si Nicollo. Alam mo kasi.. kagabi sa amin siya umiyak, sa amin siya nagdrama, sa aming apat niya inilabas lahat." sabi naman ni Doms.
Sa narinig kong yun ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.
Masyado ko nang pinahihirapan ang aking sarili, at masyado ko nang pinahirapan si Nicollo.
"Sa totoo lang mahal na mahal ko yang kaibigan niyo eh.." sabi ko habang nakatakip lang ang aking panyo sa aking magkabilang mata.
"Hindi ko naman kasi siya hiniwalayan dahil hindi ko na siya mahal, tinapos ko na dahil kailangan." sabi ko pa.
"Kurl, believe me, hindi sila ni Clarice. Oo naging sila, pero hindi sila ngayon." rinig kong sabi ni Lance, natutunugan ko ito ng paninigurado.
"Also, hindi siya minahal ni Nicollo, alam ko yan, alam namin yan." dagdag pa ni Paul.
"Kaya ine-entertain ngayon ni Nicollo ay dahil sa nakiusap ang daddy ni Clarice, na pakisamahan si Clarice dahil tutal, aalis rin sila ulit paalis ng bansa." pagpapaliwanag pa ni Brent.
Saglit akong napatigil sa mga narinig.
Hanggang sa inalis ko ang aking panyo at tinignan ko sila isa-isa.
Napapikit na lang ako.
end
)
"Kurl, may problema ba?"
Nagising na lang ako mula sa pag-iisip nang marinig si lola.
Tinignan ko lang sila, nakatingin rin lang sila sa akin.
"Mukhang marami po akong mamimiss sa pag-alis ko." nasabi ko na lang saka nagbigay ng pilit na ngiti.
"Kurl, nag-usap na tayo." agad na sabi ni lola.
"Basta la, huwag mo pong pababayaan ang sarili mo ha?" sabi ko pa.
Ngumiti si lola. Tapos na kaming magdramahan kahapon, sinabihan ko siya na lagi akong tatawag sakanya.
"La, may ipapakiusap po sana ako." sabi ko.
Tumango lang si lola, nakatingin lang siya sa akin.
"Ayaw ko po sana na sumama pa po kayo sa paghatid sa airport." mahinang sabi ko.
"Bakit naman Kurl." agad na sabi ni tita.
"B-baka po kasi hindi ako makaalis kapag nakita ko si lolang umiiyak eh.." siyang pagsagot ko ay siyang pagbagsak ng aking mga luha.
"Basta ba Kurl, ayusin mo muna ang problema mo dito."
Wala sa sarili akong napaangat ng tingin, kay lola.
"Mas lalo akong iiyak kapag labag sa kalooban mo ang pag-alis mo Kurl, kaya sana.. hanggat may oras pa, ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Alam kong may bumabagabag sa'yo, at ayaw kong dalhin mo yan hanggang sa pag-alis mo." paghawak pa ni lola sa kamay ko.
Napatingin ako kay tita, tumango ito.. sunod kay lolo.. tumango at ngumiti ito.
Binalingan ko si lola, tumango rin ito.
Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na nagmadaling umalis.
Naglalakad, tumatakbo.
"Nicollo..." mahinang sabi ko habang papunta sa sakayan.
-----
Point Of View
- P a u l o -
"Talaga?" nasabi ko na lang.
"Oo eh, ngayon.. Martin ikaw ang kumausap kay Nicollo." balik ni Lance.
Kinausap na pala ng apat si Kurl.
Oo nga pala at nagkita-kita sila kanina.
Ngayon, ang problema na lang namin si Nicollo.
"Martin, basta yang init ng ulo mo ah? Syempre medyo nasa stage ng denial niyan yung dalawa, kaya dapat yang pasensya mo." biglang sabi ni James.
"Okay, basta ba pagkatapos kong kausapin yang si Nicollo, dapat nandun kayo sa bahay nila." patukoy ni Martin sa apat. "Baka kasi kailangan niya pa ng makakausap, parang panghihikayat ba."
Natawa na lang ako kay Martin.
Siya na mismo ang nagsabi sa amin, wala siyang alam sa pakikipagusap patungkol sa panghihikayat o advice man.
Pero mukhang susubukan niya ito, para kay Kurl.
"Don't worry, open naman ang bahay sa lahat. Kaya kung sino ang gustong pumunta, sige." pagsingit ni Yael.
"Pero, ngayon ba dapat talaga? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Gabi na kasi eh, baka nagpapahinga na si Kurl niyan." pahabol pa ni Yael.
"Oo dapat ngayon na, wala ng oras." biglang sabi ni Jerry.
Agad na nanlaki ang mata ni James, maging kami ni Martin ay napatigil.
"Wala ng oras?" sabay-sabay nilang sabi.
"Ah eh.." pagsabat ko. "Ano kasi, diba dapat nagbabati ang magkasintahan bago matapos ang gabi? Lam niyo yun." palusot ko.
Napatango na lang sila, nakita kong nasiko pa si Jerry kay James.
"Osiya mauna na kami ni Jerry, may bisita pa kami maya-maya lang, basta text kaagad ha? Inform niyo kami." pagtayo ni James, ganun rin ang kasama niya.
"Sabay na'ko, may aasikasuhin pa ako, saglit lang yun. Tetext ko na lang si Kurl, ako na ang bahala kay Nicollo." pagtayo rin ni Martin.
May pinag-usapan na ang tatlo, may hahanapin daw sila sa bahay ni Kurl.
Nagpatulong si Martin sa dalawa. Ako naman, ako ang bahala kay Kurl mamaya, dapat madatnan niya ako rito.
Tumawag narin ako kay mommy at sinabi kong hindi na ako makapupunta sa salo-salo nila.
"Kaming apat, kakausapin namin si Clarice, kami narin mismo ang kakausap sa daddy niya. Kaya alis narin kami." pagtayo pa ni Doms.
"Well, uwi narin ako, kailangan kong tignan si Yael, baka maglasing, nako hindi sila makakapagusap ng maayos ni Kurl kung sakali." pagtayo narin ni Yael.
"That's good, well everyone, bilisan niyo at paniguradong parating narin si Kurl niyan, nako bunyag tayo kapag nagkataon." sabi ko at yun na nga.
Sinamahan ko na sila sa paglabas.
"Martin, bilisan mo, wala ng oras." pagbulong ko pa, tumango ito.
"Basta yung napag-usapan natin, pag-isipan mo. I can wait." wala sa sarili na lang akong napatango sa binulong niya.
Iba 'tong si Martin, daig ko pa ang nagisa kanina nang mag-usap kami, may ideya man ay nagulat parin ako sa sinabi niya.
"Guys, good luck." sabi ko bago sila tuluyang nagsialis, nagkawayan pa kaming lahat.
-----
Park
Point Of View
- N i c o l l o -
"Nicollo, you did great!"
"Nicollo, you did great!"
"Nicollo, you did great!"
Paulit-ulit na pagpapatunog ko sa maliit na teddy bear na binigay ni Kurl.
Deretso lang ang tingin ko rito, tulala.
Ayaw ko na. Last na 'to. Sinusubukan ko nang kalimutan si Kurl, gaya ng ginawa niya sa akin.
Galit, yan ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko na talaga. Binitawan niya ako ng ganun ganun na lang.
Ni hindi niya ako pinakinggan, hinayaang magpaliwanag, ni hindi niya nga rin ako nagawang pagbigyan.
Hindi ko man matanggap pero, galit talaga ako kay Kurl.
Lalo pa akong nasasaktan kapag naaalala ko yang sinabi niya dati.
"F*ck.!" naisigaw ko na lang saka paghagis pa nung hawak kong teddy bear na bigay ni Kurl.
Napatigil na lang ako nang makitang nasaktong bumagsak ito sa may..
Katahimikan
Converse shoes? Nakapantalon..
Teka.. kilala ko yung converse shoes ah.. ako bumili nun ah?
Nag-angat ako ng tingin.
Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking dibdib sa nakita, kung sino ito.
Tumingin ito sa bagay na inihagis ko, nanatili lang siyang nakatingin rito.
Katahimikan
Hanggang sa dahan-dahan niya itong kinuha.
Mukhang naririto nanaman siya para ipamukha na ayaw na niya sa akin, na wala ng kami.
"Nicollo, b-bakit mo.."
"Ba't nandito ka?" agad na sabi ko at pagputol sakanya.
"Yang teddy bear ba?" tanong ko pa. "Sige, sa'yo na yan." sarcastic kong tono.
"Nicollo, pwede bang.."
"Kurl umalis kana. Habang nakapagtitimpi pa ako umalis kana, habang kaya ko pang itago ang galit at inis kong nararamdaman, umalis kana." mahinahon kong sabi nang hindi siya tinitignan.
"Nicollo sorry."
Rinig kong sabi pa niya, basta kapag magbigay ng ganung tono si Kurl, kusa akong lumalambot.
Pero hindi, ayaw ko na. Ayoko nang masaktan pa.
"Kurl, tama na. Tinatanggap ko na, oo masakit pero nandun na ako sa proseso. Kaya Kurl, simulan na nating layuan ang isa't-isa." tonong panunumbat ko.
Agad akong tumayo at lumapit sakanya.
"Tutal yun naman ang gusto mo." mahinang sabi ko pa. "Sawa na ako, ayoko na." diin ko pang sabi saka na naglakad palayo sakanya.
"Nicollo.." rinig mahinang sabi pa niya.
Naglalakad, patakbo.. hanggang sa tumakbo na lang ako ng napakabilis.
Ewan ko pero parang gusto kong bumalik, nakita ko kasi yung ekspresyon niya.
Ang gulo, naguguluhan ako sa aking nararamdaman. Naiinis ako ngayon sa aking sarili patungkol sa inasta ko kay Kurl.
Hanggang sa napaupo na lang ako, malayo na ako sa park.
Unti-unti, nararamdaman kong pabagsak na ang aking mga luha. Hindi ko na kaya pang pigilan.
Ang sakit ng ginawa ko kay Kurl, hindi ko man lang siya hinayaang magsalita.
Nakokonsensya ako.
Pero.. pero ganun rin naman ang ginawa niya sa akin diba? Hindi man lang ata siya nakonsensya. Ayaw na nga niya talaga siguro sa akin.
"Hindi naman kasi naidadaan sa iyak yan. Naidadaan yan sa pag-uusap." rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.
"Ayaw na sa akin ng bestfriend mo, binitawan na niya ako." tonong pagsusumbong ko.
Ang sakit kasi talaga eh.
"Eh ba't ikaw, ba't mo siya binitawan?" tanong pa niya at pag-abot ng panyo sa akin.
Kinuha ko ito bago siya sinagot.
"Hindi ko naman siya binitawan, alam niyong lahat yun." naisabi ko na lang.
"Weh? Hindi daw.." balik naman niya.
Parang walang problema kung magsalita 'tong bestfriend ni Kurl.
Siguro ayaw niya lang makitono sa akin.
"Nagkita kayo ni Kurl, hindi ba?"
Sa sinabi niyang iyon ay napatingin na lang ako sakanya.
"Nakinig kaba sakanya? Alam mo ba kung anong sasabihin niya?" sabi niya at pag-upo pa niya sa tabi ko.
"Alam ko." simpleng sabi ko.
"Kayo talaga oh, pareho kayong kulang-kulang. Ilang beses ba kayong pinanganak?" natatawang sabi pa niya.
Parang kusa atang nagsiurong 'tong mga luha ko dahil sa tono nitong si Martin. Parang walang kaseryoso-seryoso eh.
"Alam mo Nicollo, wala akong alam pagdating sa ganyan, sa pag-ibig.. kaya nga napaglaruan ako eh." mahinang pagtawa pa niya.
"Kaya hindi ko alam kung paano ko kayo matutulungan ni Kurl, pero.. isa lang masasabi ko." agad na pagtayo niya.
"Maghahabol ka. Yun lang." pagturo sa akin at pagsakay pa sa motor niya. "Siguraduhin mong mahahabol mo. Bay!" pagngiti pa niya at tuluyan ng umalis.
Naiwan akong..
Blanko?
Tulala?
Naguguluhan?
Ewan?
...
"Oh nandyan na pala kayo, san kayo napadpad?" pagpansin ko sa apat na nakatambay sa may labas, harap ng bahay.
"Kamusta?" pagngiti ni Brent.
Agad akong tumabi sakanila.
"Eto, wala na kami ni Kurl." nasabi ko na lang. "Hindi na talaga kami nagka-ayos, diba nga sabi ko kagabi sa inyo na.. ayaw na niya sa akin." pahabol ko pa.
"Nakausap na namin si Kurl. Sinabi na namin yung tungkol kay Clarice." biglang sabi ni Doms.
"Kahapon nung kausap kita sabi mo wala kanang komunikasyon dun." dagdag pa ni Paul.
"Well, dahil kay Clarice kaya ayan at iniwan ako ni Kurl." simpleng sabi ko.
"Eh ba't hinayaan mo namang mangyari yun? Si Clarice, hindi mo ba siya sinisisi?" agad na tanong ni Lance.
"Masyado nang marami ang problema ko, ayaw ko nang isingit pa siya." balik ko. "Oh kayo, anong sabi ni Kurl sa inyo?"
"Ano nga ba? Hmmm.." posturang nag-iisip pa ni Doms.
Lahat ata ng nakakausap ko ngayon nakatrip?
"Bakit, si Kurl ba? wala ba siyang nasabi sa'yo?" sabi naman ni Paul.
"Wala naman, wala rin naman akong interes kung meron man." pagtayo ko. "Ge, pasok nako."
Nakita kong napailing pa sila bago ako tuluyang pumasok.
Gusto kong matulog, yun ang gusto kong gawin ngayon.
"Yael, pwede ba tayong mag-usap?" agad na sabi sa akin ni Yael nang makasalubong ko ito sa hagdan.
"Bukas na lang. Magpapahinga na ako. Naiintindihan mo naman siguro?" balik ko, napatango na lang siya.
Mukhang nanghihinayang pa, ewan ko ba sa mga taong nakakausap ko ngayon.
Hanggang sa ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa aking kwarto.
Pagkapasok ko ay napatigil na lang ako sa nakita.
"Mommy?" wala sa sarili kong nasabi.
"Etong mga 'to, hahayaan mo na lang bang masayang? mawalan ng saysay?" tanong niya habang nakatingin lang sa mga pictures na nakapatong sa may maliit na lamesa, malapit sa higaan ko.
Mga pictures namin ni Kurl, panahong gumagala, nagsasaya at naglalambingan.
"Nako anak, mahirap maghabol dahil baka wala kanang mahabol."
Napa- "Hah?" na lang ako sa sinabi niya.
-----
Point Of View
- M a r t i n -
"Maraming salamat." pagkaway ko pa kila Jerry at James.
Tinulungan nila akong hanapin ang bagay na makatutulong kila Kurl at Nicollo.
"Wala yun, basta inform mo kami patungkol sa dalawang matigas ang ulo ah?" sabi pa ni James.
Tumango ako at patuloy lang sa pagkaway, hanggang sa umalis na nga sila.
Papasok na sana ako sa bahay namin nang may mapansing naglalakad. Mabagal, na tila may iniisip o ano.
"Kurl?" nasabi ko na lang.
..
"Talaga? Ginawa niya yun?" agad kong sabi matapos magsalita ni Kurl.
"Oo, naiintindihan ko naman siya. Nagulat lang talaga ako." balik nito.
Kanina habang nagsasalita siya, sa teddy bear lang ang tingin niya. Hanggang ngayon.
Itinapon daw kasi ni Nicollo, nasaktong sakanya pa ang direksyon.
Hindi daw natuloy ang pag-uusap nila, kaya pala kanina umiiyak si Nicollo, siguro dahil mas pinili na lang niya na huwag makinig kay Kurl, labag man sakanya.
Hinanap ko kasi kanina si Kurl, then sinabi niya na hinahanap niya si Nicollo, may sasabihin daw kasi siya.
Nang makita kong umiiyak si Nicollo kanina, tumpak! Alam kong dahil kay Kurl na yun.
"Anong plano mo. Aalis kana maya-maya lang, ano nanaman paiiralin mo? Yang pag-iinarte nanaman? Hahayaan mo nanaman?" tonong panenermon ko pa.
Ayan nanaman si Kurl eh, sa iyak nanaman idinadaan.
"Kurl." sabi ko pa.
Hindi siya sumasagot, sa teddy bear lang ang tingin.
"Halika na nga, hatid na kita sa pinsan mo." pagsuko ko na.
Matigas talaga ulo nito eh. Mapipikon kana lahat-lahat, tapos kapag nakita mo yung mukha niya, manlalambot ka.
..
"Nakatulog na?" mahinang sabi ko pagkalabas ni Paulo sa kwarto niya.
"Oo, ano bang nangyari? Eh galing sa iyak tapos halatang pagod pa." balik niya.
"Parehong matigas ang ulo nila ni Nicollo eh, kaya ayan." agad kong sabi saka pag-upo sa may sofa.
Tinignan ko siya, saka pangusong tinuturo yung tabi ko, tanda na pinapaupo ko siya sa aking tabi.
"Martin ah. Tumigil ka." agad niyang sabi nang makuha ang ibig kong sabihin.
Literal naman akong natawa, ang sarap pagtripan ni Paulo.
Pero yung nararamdaman ko? Hindi trip yun ah. Ang tinutukoy ko lang ay kung paano siya mapikon kapag binibiro ko siya.
"Sige, mag-enjoy ka lang sa kakatawa diyan. Paalis narin naman kami ng bestfriend mo." biglang sabi niya.
Napatigil naman ako. Oo nga pala.
"Ahm Paulo.. pwede bang.." agad kong sabi at pagtayo.
"Ano?" pagsalubong pa ng dalawa niyang kilay.
"Pwede bang dito ako matulog? Para naman makasama ko kayo ni Kurl kahit ilang oras na lang.." tonong pagmamakaawa ko pa.
Sinamahan ko pa ng posturang pang best actor sa kadramahan.
"Sige." sabi naman niya.
Agad akong napangiti sa sobrang saya.
"Talaga?" sabi ko pa. "Payakap nga."
Lalapit na sana ako para yakapin siya nang..
"Pero dun ka sa labas, sa may gate." biglang sabi niya.
Wala sa sarili akong napatigil sa sinabi niya.
"Joke, bawal lang ang yakap, wala pang tayo kaya tumahimik ka diyan." pagtawa naman ni Paulo saka naglakad papunta sa kusina nila. "Tara dito, kumain kana muna, may dala si mommy." rinig kong sabi pa niya.
Ang sarap batukan eh, pasalamat siya.. nabingwit niya ako. Hehe.
"Sa tingin mo, anong mangyayari sa dalawa?" sabi nito nang makalapit ako sakanya.
"Sa totoo lang, ewan eh. Pero may iniwan akong "Maghahabol ka." na baka magtulak sakanya, ay ewan basta na lang." balik ko at paggaya pa sa tono ko kanina nang sabihin ko yun kay Nicollo.
"Kaw talaga.. eh si Kurl naman, anong sa tingin mong magtutulak sakanya?" tanong pa niya habang abala sa pagsandok ng kanin.
Ang sarap niyang tignan, palibhasa parang si Kurl lang kapag minsang inaasikaso ako ng Kurlo na iyon sa bahay niya.
"Wait.." sabi ko.
Saka nagmadaling bumalik sa may sala para kuhanin yung bag kong dala.
Nang makuha ang bagay na pwedeng magtulak kay Kurl ay agad na akong bumalik kay Paulo.
"Eto.." simpleng sabi at tonong pagmamalaki ko pa.
At aking ipinakita yung maliit na box ni Kurl na naglalaman nung mga notes niya, pati na yung.. basta secret haha.
"Box?" kunot niya.
"Oo, may sinabi sa akin si Nicollo eh.." pangiti-ngiting sabi ko pa.
"Ano naman? Tara buksan natin.." kukuhanin na niya sana sa kamay ko nang mabilisan kong iniwas.
"Bakit?" kunot niya.
"Hindi ko nga tinitignan eh, si Kurl kasi dapat ang unang makakita ng laman. Basta mamaya, malalaman rin natin." balik ko.
Alam ko kung ano ang laman, pero hindi ko binuksan o tinignan.
Kaya alam ko dahil ako ang nagsabi kay Nicollo nung baduy secret namin Kurl.
-----
Point Of View
- Yael -
"Mommy kamusta yung pag-uusap niyo." agad na sabi ko nang makitang lumabas si mommy mula sa kwarto ni Yael.
"Ewan ko ba sa kapatid mo, matigas ang ulo. Pareho nga sila ni Kurl." pagtawa pa ni mommy. "Ano kayang mangyayari sa dalawa?"
"Mommy naman eh, parang hindi ka seryoso." tonong nabubusit ko pa.
"Eh sa natutulog yung kambal mo eh. Basta, basta hayaan natin ang dalawa, dalawang maghabulan." pagtawa pa ni mommy.
Maghabulan? Hah?
"Eto Yael ah, kaya ko hinayaang matulog ang kambal mo.. dahil.. gusto kong malaman niya kung ano ang pwedeng mawala sakanya kapag nagpabaya pa siya. Sinabi ko na sakanya na puntahan niya si Kurl, ayun.. matigas pa sa ewan ang ulo." sabi pa ni mommy.
Nakasunod lang ako sakanya, papunta kusina.
"Ano ba kasing habulan yan mommy? Sige na, promise, quiet lang ako." pangingumbinsi ko.
"Okay listen, si kuya Kurl mo kasi ay.."
--
( halos dalawang oras na lang si Kurl !! )
Point Of View
- K u r l -
"Osige po la, ingat po kayo. Love you.." pagpapaalam ko kay lola saka na pinatay ang tawag.
Tinawag ko narin yung dalawang apo niya na mahilig manghiram ng computer, binilinan ko na asikasuhin nila si lola pati na ang iba pang apo.
Agad na akong pumasok sa loob ng bahay ni lolo matapos kausapin si lola.
Dumeretso ako sa kwarto ni Paulo, naghihintay na lang kami ng oras.
"Martin, ano ba yung bibigay mo?" agad na tanong ko nang makita ang dalawa sa loob.
"Kurl." sabi niya saka ipinakita ang hawak hawak niya.
Nagulat na lang ako sa nakita, box?
"Paano napunta sa'yo yan?" agad na sabi ko.
"Kurl, remember? Our secret.." balik niya habang ibinibigay ito sa akin.
Kinuha ko naman.
Secret?
Ahhh.. yung patungkol sa gusto kong mangyari.
Tumango ako. Napangiti naman siya.
"Open it then." simpleng sabi niya.
Kaya naman binuksan ko na yung box, puro notes ang laman nito. Gawa ko lahat.
Hanggang sa halos manlaki ang aking mga mata sa nakita.
Dalawang singsing? Oh?
"Check mo kaya, hindi yung tinititigan mo lang." sabi pa ni Paulo.
Kaya naman naupo na muna ako saka kinuha yung dalawang singsing.
"Kurl?" gulat ko nang makita yung nakaukit sa may isa.
"Nicollo." hindi makapaniwalang sabi ko naman nang mabasa ang nakaukit sa isa.
Katahimikan
"Paano..?" pagtingin ko kila Martin.
Naguguluhan kasi ako.
Parang bigla akong naging, uneasy?
"Matagal nang hinihintay ni Nicollo na makita mo yan, hindi mo nga lang napapansin." balik ni Martin.
Tama, dapat.. dapat magkausap kami ni Nicollo bago ako umalis.
Ang saya ko, yung bang.. hindi ako makapaniwala na talagang kay Nicollo galing ito.
Tatayo na sana ako para puntahan si Nicollo nang makita si tita.
"Let's go. Naka-ayos na ang lahat." agad na sabi ni tita.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin, si Martin.
"Sa pagkakataong ito, malalaman natin kung para kayo nga talaga sa isa't-isa ni Nicollo. Fate, ika nga." bulong niya.
Fate, ika nga?
Message: Hi Kurl, alam ko wala akong karapatan para itext kapa matapos kong guluhin ang kung anong meron kayo ni Nicollo. Gusto ko lang sana na humingi ng tawad, oo sinadya kong manggulo pero kalaunan ay wala rin akong napala. Akala ko kasi kapag gumanti ako, mawawala yung sakit eh.. pero hindi pala. But anyway, sana maayos niyo yan ni Nicollo, bilib ako sa'yo dahil napaiyak mo siya. At alam mo bang hindi naniniwala sa kapalaran o tadhana yan? Pero dahil sa'yo, naniwala siya. Fate, ika nga."
Naaalala kong text ni Clarice nang saktong iwanan ako ni Nicollo sa park.
-----
Point Of View
- Yael -
Time check, 3:15 in the morning.
Kanina pa ako paikot-ikot sa kama, hihiga, uupo, tatayo, pagulong-gulong, magtatakip ng unan, magkukumot.
Hindi ako makatulog, sa sinabi ni mommy kanina, talagang hindi ako makatulog.
Kasalanan ko 'to eh. Dapat ayusin ko.
Kung titignan, ako ang nagsimula. Dahil sa pagmamadali ko, kaya ayan at nagkagulo-gulo.
(
flashback
"Si kuya Kurl mo kasi ay paalis na, ilang oras na lang siya dito sa Pilipinas. Nagpaalam siya sa akin, humingi narin ng tawad." sabi ni mommy.
Speechless.
Si kuya Kurl aalis? Paano na sila ni Yael?
"Mommy naman ba't hindi mo sinabi? kay Yael pinaalam mo ba?" naiinis kong sabi habang sumusunod lang sakanya papunta sa hapag.
"Ang tigas kasi ng ulo ng kapatid mo, gusto kong malaman niya kung ano ang mawawala sakanya." balik ni mommy.
"Anong oras ang alis?" tonong pagmamadali ko pa.
"Sinabi ni Kurl na 4:00, lilipad na sila." sagot ni mommy. "Pangaralan mo nga yang kapatid mo, ayaw makinig sa akin, kesyo nasasaktan na daw siya kaya ayaw na niya. Eh kung bugbugin mo kaya yang kapatid mo para magising sa katigasan ng ulo niya."
Napailing na lang ako.
Si Yael kasi eh, ba't hindi pa kaya niya kausapin at paliwanagan si kuya Kurl.
Aaaaassshhhhh!
end
)
Agad akong napaupo nang may magtext sa akin.
Kinabahan ako nang makita ang pangalan ng nagtext.
Message: Yael :)) kaw na bahala sa kambal mo ah? Mamimiss ko kayo. Paniguradong kapag nabasa mo 'to ay nasa biyahe na kami, kaya malakas ang loob ko. Pasensya na kung wala akong maayos na pagpapaalam sa'yo ah? Alam ko naman kasi na isa karing pipigil sa akin, babalik rin naman ako.. matagal nga lang siguro? Sa mga oras na itina-type ko 'tong text ko sa'yo, nasa airport kami, naghihintay na lang ng ilan pang minuto. Mag-ingat kayo palagi ng kambal mo ah? Pasensya na kung napahaba text ko.. ipagpaalam mo na lang ako kay Nicollo ah? Sabihin mo sorry, sabihin mo rin na mahal na mahal ko siya. Yun lang! Salamat :)
Pagbasa ko sa napakahabang text ni kuya Kurl.
Patay. 4:00 ang alis, oras na eh, magbabiyahe pa kami. Arrggh.
Agad kong kinuha ang aking jacket, pati na susi.
At hanggang sa nakita ko na lang ang sariling mabilis na tumatakbo papunta sa kwarto ni Yael.
Agaran ko nang binuksan ang pinto at deretsong tumakbo sa kapatid kong natutulog.
"Yael.. Yael...!" pag-alog ko pa, malakas, napakalakas.
"Hmm.." reklamo naman niya.
"Si kuya Kurl, nasa airport na, paalis na. Ilang minuto na lang, wala na siya.. Oh tignan mo.. bilis.." mabilis kong sabi at pwersahan pang iniharap sakanya ang aking phone, para ipabasa ang text.
Katahimikan
Binabasa niya pa.
Katahimikan
Hanggang sa..
"Mahal na mahal ko siya. Yun lang, salamat." sabi niya. "Oh Yael, mahal na mahal daw ako ni Kurl." agad na sabi niya at pagtayo pa, halatang hindi makapaniwala.
"Oh ano pang hinihintay mo?" agad kong sabi. "Paalis na sila, nasa AIR-PORT NA!" malakas ko pang sabi.
"Kurl hintayin mo ako. Kurl.." tarantang sabi niya at nakita ko na lang na halos talunin pa namin ang hagdan sa sobrang pagmamadali.
-----
Point Of View
- K u r l -
"Apo, mukhang kanina kapa hindi mapakali ah?"
Nakuha ko pang magulat nang may biglang magsalita, si lolo pala.
"Pansin ko ring pabalik-balik ang tingin mo sa pasukan ah." patukoy ni lolo sa may entrance ng airport. "May hinihintay kaba? May inaasahan kabang darating?" tanong pa ni lolo.
Pilit akong ngumiti.
"Wala naman po lo, medyo nagkaiyakan lang po kasi kami ng bestfriend ko." patukoy ko kay Martin na kaaalis pa lamang.
Oo nagkaiyakan kaming dalawa, mamimiss ko siya eh. Nag-usap pa sila ni Paulo bago siya umalis.
Pero syempre, umaasa rin ako, na dumating ang taong hinihintay ko. Kung kaya't pabalik-balik ang tingin ko sa pasukan ng airport.
"Tandaan mo apo, lahat may pagkakataon. At kapag ang pagkakataong iyon dumating, grab it."
Nahiwagaan o naguluhan man sa sinabi ni lolo ay tumango na lang ako.
Kahapon binisita ko sa sementeryo sila mama at papa.
Humingi rin ako ng tulong sa pinagdadaanan ko ngayon, kapag ka kasi nahihirapan akong magdesisyon sa isang sitwasyon, sila kaagad ang tinatakbuhan ko.
Pinangakuan ko rin si mama na aalagaan ko si lolo, na aasikasuhin ko si lolo. Sa totoo lang, bilang ako, nahahawigan ko ang aking sarili kay lolo, kaya tuwang-tuwa ako kapag magkasama kami.
"Osiya apo, tara na." biglang sabi ni lolo.
Napaangat naman ako ng tingin. Naririnig kong may nagsasalita na, patukoy sa lahat ng mga sasakay.
"Kurl, let's go." pag-akbay pa sa akin ni Paulo. "Ayos ka lang?"
"Oo, ayos lang ako." paninigurado ko at pilit na pagngiti pa. "Let's go?"
At nagsimula na nga kaming maglakad.
Yung singsing na may "Nicollo" na nakalagay ay suot ko, at yung isa naman na may "Kurl" ang nakalagay ay hawak-hawak ko.
Bawat hakbang..
"Nicollo, miss na kita." ang sinasabi ko mula sa aking isipan.
Pasimple kong pinupunasan ang aking luha, siyang pagbagsak ay siyang mabilis kong pagpunas rito sa pamamagitan ng aking kamay.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Sigurado kabang dito?" agad na sabi ni Yael pagkababa namin ng kotse.
"Oo, diba tinawagan ko si Martin." tarantang sabi ko habang nagmadaling tumakbo papasok sa loob.
"Almost 4 na, baka wala na kanina pa, pero tara try natin dun." biglang sabi ni Yael nang hindi namin nakita si Kurl sa mga nakaupo.
"Maghahabol ka. Siguradin mong mahahabol mo."
Pag-alala ko sa sinabi nila sa akin.
Eto ba ang tinutukoy nila? Pero.. pero ba't alam nila? At ba't aalis si Kurl?
"Tara dun.." rinig kong sabi pa ni Yael.
Hinihingal na ako sa kakatakbo, sa paghahanap kay Kurl. Hawak hawak ko yung maliit na teddy bear na binili ko para sakanya. May inirecord din ako.
"Kurl... nasan kana.." sabi ko pa habang pilit na hinahanap ang taong mahal ko.
Tingin doon, sa kabila, sa kanan, sa may likod, deretso, kahit saan.
Ba't parang walang Kurl akong nakikita. Iniwan na ba niya talaga ako?
Maging sa mga taong naglalakad, wala.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Sa sobrang daming tao, hindi ko makita si Kurl.
Agad kaming tumungo sa lugar na tinutukoy ng kapatid ko.
Parang nawawalan na talaga ako ng pag-asa, naiiyak na ako, nanghihina.
Hanggang sa napadako ang aking tingin sa may bandang dulo.
Oo tama, hindi ako pwedeng magkamali. Siya, s-siya..?
Ang daming nakaharang, pilit kong iniaangat ang aking tingin, nasakto pang heto at pinagtitinginan kami ng kambal ko.
Madami man ang tao, wala na akong pakialam. Kaya naman sumigaw na lang ako nang napakalakas.
" KURL .. !! "
Itutuloy
Guys, next chapter natin ay ending na.
At last, matatapos na ang ating pagtitiis sa napaka-ewan na storya. Haha. Maraming Salamat sa mga nagtiis. :))
Bakit ending na? Paki extend pa Mr. Author pls haha ang ganda kaya ng story grabe ka. Ang galing mo sobra haha gawa ka pa ng next pls? :)
ReplyDelete-jst
whoaaahhhh, pabitin c author! he he he. sana wag magtagal ung last part. tnx!
ReplyDeleteI'm sad that this story will end. One of the best stories here in this site. Hope to read more stories mr. author. thanks for sharing with us.
ReplyDelete---feelingenglesero
Kung may ending, may new beginning.. lol..
ReplyDeleteHihintayin ko ang next mong story, Prince!!
Kudos!
ending na agad? hayy.. anyways i so excited bout the next and the last chapter..
ReplyDelete