GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
AUTHORS NOTE: OOPp pasensori sa late update hehhe nagpapayaman kasi eh hope you understand guys.. Ill try parin magupdate atleast once or mas ok kung twice a week parin hehe.. Mejo busy talaga ehh.. Super sorry.. Sa lahat ngnagcomment sa chapter 2 mwuah sa inyo.. Thanks thanks.. Di ko kayo maisa isa.. Puyat eh hahaha..Mwuah sali kayo sa group.. More pictures of thecharacters.. And kwentuhan
Or add me sa fb
CHAPTER 3
SI GEO
Hapon yun ng magpasya akong maglakad papunta sa park.. Haixt bukas pa ko makakapagenrol.. Wala man lang akong friends dito.. Di naman ako loner pero bakit magisa ako ngayon.. Asan ang hustisya..?? Tapos sinira pa ng paul na yun yung araw ko..ano be nemen yen! Pagdating ko sa park nakabusangot ang mukhang umupo ako sa bench na andun.. Sana umulan.. Napagaling na kaya ng summer rain yung puso ni chris..Sana OO.. Gusto ko sana itanong kay blue kung saan sya nakatira kaso nakakatakot si kuya aldred eh kaya nevermind nalang haha.. Haixt sa pasukan ko pa talaga sya makikita.. Pero oks lang.. Ilang sandali pa kong nandun ng isang motor yung pumarada sa harap ko.. Nakahelmet to kaya hindi ko makita kung sino..
" bakit.?" saad ko saka tumingin sa ibang dereksyon... Baka magtatanong ng dereksyon.. haixt Hindi ako mapa kaya wag sya umasang sasagutin ko sya ng maayos.
" Kamusta.?"rinig ko saad nito..natigilan lang ako ng marinig yung boses nito.. Shet.. Dahan dahan naman akong tumingin sa kanya.. Kita ko lang yung pagtanggal niya ng helmet saka ako binigyan ng isang ngiti.. Damn!!!
" chris.?" gulat na saad ko.. Shet anghel!! Bigla atang nagwala yung puso ko.. Super bilis ng tibok.. Shet heart you behave!! Pero kasi aixt sabing behave eh ! please baka mahalata ka niya.. Otoke Otoke..? Lumunok lang ako saka nagbigay ng ngiti..
" Yeah long time no see." saad niya saka bumaba sa motor niya..aixt iniisip ko lang sya kanina tapos ngayon.. Nasa harap ko na sya at ang gwapo..! Please sana hindi na sya broken hearted.. Sana ok na sya.. Haixt gusto ko sya,.. God gusto ko nga sya., or mahal ko sya..? Habang tinitingnan ko sya parang may nagwawalang musiko sa loob ko.. Parang all i can hear nalang is yung tambol na dumadagundong sa buo kong pagkatao.. It must be love na talaga! yung puso ko gusto lumabas at kumawala sa mga ugat na nakakonekta dito. " hey.?" pilit na ngiti niya.. Natauhan naman ako.. Kalma nga lang heart.! Kulit mo din noh.
" uhm yeah.. Tagal din nating hindi nagkita.. Kamusta ka na." ngiti kong nakatingin sa mga mata niya..those eyes.. Yung smile niya.. Siguro kung nakita ko yung smile niyang ganyan nung una kaming nagkita baka imbis na suntok ang ginawa ko baka hinalikan ko pa sya!
" a year na ata..? Pero don't worry hindi naman kita nakakalimutan eh.." ngiti niya aixt hindi niya ko kinakalimutan.,. Ibig sabihin ba may special place na ko sa puso niya..? Yes!!
" so kamusta ka na.?"
"ok naman.. Pwede makiupo.?" tanong niya marahan naman akong tumango umupo lang sya malapit sakin... Nang tingnan ko sya kita ko lang yung pagtingala niya. " hindi uulan ngayon..? sayang.." lingon niya sakin.
" pano mo naman nasabi..Close ba kayo ni kuya kim.?"
" uhm I mean mukhang hindi uulan.."
"huh.?"
" malabong umulan."
"eh summer kaya..?" kunot ang noong saad ko natawa naman sya.
" May favorite part of the year is summer.. Lalo na kung umuulan sa panahon na yun.."
" why.?"
" may nagsabi kasi sakin na magical daw yung rain tuwing summer.." ngiti niya natawa naman ako.
" wait Ako ba nagsabi nun.? Parang sakin galing yun ah."
" ikaw ba yun..?" natatawang saad niya.. Napangiwi naman ako.. Ako nga ba yun.? Pero ang cute ni chris.. Ang sarap niya tingnan habang tumatawa.. Its like tumitigil yung mundo at kailangan ko lang gawin is titigan sya.. " alam mo ang wierd nun pero tuwing umuulan pag summer ikaw naalala ko.. May nagsabi nga sakin na kalokohan daw yung summer rain..?"
" sino nagsabi.. Papatayin ko.? Totoo kaya yun sabi ng mga friend kong tikbalang.." ngiti ko.
" tikbalang..?"
" yeah.. So sino nagsabi gigilitan ko yun ng leeg.?"
"uhm a friend.."
"ah I see.. Girlfriend..?"
"nope.. Friend lang.."
"bestfriend.?"
"uhmm pwede na rin." ngiti niya.. "Do you have plan tonight.?"
"wala naman.. Naboboring nga ako sa bahay nila kuya aldred kaya I'm here.."
" I see.. tara stroll muna tayo.. Mamayang gabi pa kasi yung pupuntahan ko eh.. Mukha naman hindi uulan ngayon eh."
" wait you mean pumupunta ka dito tuwing umuulan.?"
" yeah.. Naniniwala ako sa sinabi mo eh.. Na pwede maghilom yung mga sugat sa help ng summer rain.." ngiti niya. " kahit wierd gusto ko maniwala.. Yun lang kasi ang paraan para makamove on ako eh.. Maniwala na kaya ko."
" so.. Nakamove on ka na..?'
" uhm 90 percent siguro.?"
" wow gagawa muna ako ng pie graph." ngiti ko saka kumumpas sa hangin natawa naman sya.. " how about the 10 percent.?"
"geo di naman totally nawawala yung love eh.. Gusto ko may maiwan na magandang memories samin..alam mo laki nga ng naitulong mo eh."
" huh ako.? Kailan ako gumawa ng charity works.?"
"I mean ikaw.. Pinaniwala mo ko sa isang kalokohan."ngiti niya. " summer rain.? Alam mo kasi kapag pumapatak yung ulan sakin parang unti unting naghihilom yung mga sugat ko.. At dahil sayo yun kaya thank you." saad niyang may matamis na ngiti sa labi.. Pinagmasdan ko lang yung mukha niya.. Yung haplos ng hangin sa maninipis niyang buhok.. Yung mata niyang parang puno ng saya.. " thank you geo.. Kasi binigyan mo ko ng chance magsimula uli.."
" may girlfriend ka na siguro noh.?"
" wala nga eh.."
"boyfriend..?" ngiti ko natawa naman sya.
"mas lalong wala.." napangiti lang ako.. Shet.. Ibig sabihin pwede na kami.. I'll do everything para mainlove sya sakin.I mean everything..! Damn it.. Chance na to..
"bakit.? Inaantay mo siguro ako bumalik noh.." biro ko.. Napakamot lang sya ng ulo habang natatawa. " joke lang.."
" hanggang ngayon lakas mo parin magbiro.. Tara na sama ka sakin.. May gusto kasi ako bilihin eh.. Since pinaniwala mo ko tungkol sa summer rain.. Papaniwalain din kita sa isang magical na pagkain."
" ano naman..? Hoy kung apple yan na may lason wag nalang huh."
" hindi.. Tara lets go." ngiti niya saka inabot sakin yung helmet niya saka tumayo.
" eh ikaw wala kang helmet.?"
" ok lang ako.. Mas mapapanatag ako kapag ikaw may suot niyan."
"chris may gusto ka sakin I can feel it." ngiti ko.
"Are you sure.? Oh ikaw ang may gusto sakin.?" lingon niya .. Napangiwi naman ako.. Huli ka! Wahahaha.. " kala mo ikaw lang marunong magjoke huh.. Madami na kong natutunan simula nung nagcollege ako."
" like what..?"
"na hindi lahat ng sinasabi ng tao ay seryoso.. Don't assume.. Tara na." saad niya saka sumakay sa motor.
"wag magassume.?"
" yeah.. Sakay ka na.. Suotin mo yung helmet."
" edi hindi mo na makikita kung gano ako kagwapo.? Sigurado naman akong gusto mo makita yung mukha ko eh.."
"ewan.. pero atleast mapagmamasdan mo naman kung gano ako kagwapo.?" natatawang saad niya.
" wow chris nagbago ka na talaga ah.?" ngiti ko natawa naman sya..
" oo naman..lahat naman tayo nagbabago.."
" that's great.."
" Great..?"kunot ang noong saad niya.
" great wall of china." ngiti ko bakit ba ganito feeling ko close na kami.. Close na ba talaga kami..? Pano pag nalaman ni kuya aldred to.. Magagalit kaya sya sakin..? Haixt bahala na..
"Tara na kasi..hindi tayo close.. Pero feeling ko close na tayo.. Ang tagal nating hindi nagkita pero parang kahapon lang yun.. Dito sa park right habang sinasalo yung summer rain.." ngiti niya nabasa niya ang mga brain cells ko.. Parehas kaya kami ng nararamdaman..? Siguro haixt. " geo let's go.?"
" sige na nga.." saad ko saka sinuot yung helmet.
"nagkikita pa kayo ni blue or ni kuya aldred.?" tanong ko pagsakay sa likod niya.. Humawak lang ako sa balikat niya.. Shet ngayon ko lang nahawakan uli si chris ng ganito.. Pwede bang masahihin ko na rin yung likod niya..haha Joke.
"uhm hindi na eh.."
"kaya nga siguro nakamove on ka na noh.?"
" siguro.." lingon niya.." kapit ka mabuti."
" pwede payakap..?" saad ko natawa naman sya. " joke lang ok na ko dito hindi mo naman ako ihuhulog eh."
"oo naman.." saad niya saka pinaandar yung motor.. Wala na kaming imikan habang umaandar yung sinasakyan namin.. Haixt feeling ko nasa music video ako haha.. Screamo yung genre ng song!! Sleeping with sirens..idol Screamo..! wahahaha hanggang tumigil yung motor niya sa isang tindahan ng kung ano ano.. Nang basahin ko yung sign sa taas. MANI NI ALING TINAY. Atb. Astig ng name haha
" baba ka na.." saad niya,
" meron bang paakyat to.?" saad ko natawa naman sya..hinubad ko lang yung helmet saka Bumaba ng motor..nagkamot lang ako ng ulo.. Bumaba naman si chris..
" You have to taste this.. Sabi kasi nila kapag natikman mo yung mani ni aling tinay.. Para ka na rin pumunta sa heaven.."
" ows hindi nga.?"
" oo naman.. Sure yun."
" Maganda ba si aling tinay.?" tanong ko.. Kitang kita ko lang yung pagpigil ni chris na matawa.. So cute haixt. " why.?"
" uhm wag mo na itanong yan."
" why. Panget si aling tinay..?"
" basta ang importante masarap ang mane niya."
"natikman mo na.? Shit chris sa matanda ka na pumapatol.?"
"hindi hindi.. Yung mani.. I mean Peanut.?"
" ay kala ko natikman mo na si aling tinay eh.?"
" yung mani lang niya..at ang sarap sarap.. Ayoko na nga ang bastos sa tenga." natatawang saad niya.. Lumapit lang kami sa harap ng tindahan kitang kita dun yung sandamukal na ibat ibang luto ng mani. " this is the best mani in town."
"wow the best pala yung mani ni aling tinay."
"sobra.." ngiti niya. " kumakain ka ba neto.?"
" Oo naman.. Pero sure kang malinis yan..?"
"oo naman... Mamasa masa pa yan.."
"hinuhugasan ba ni aling tinay yung mani niya.?" pilit na ngiti ko kita ko naman yung tindera na napatingin sakin.. Why may sinabi ba kong masama.?
" I think naman naghuhugas si aling tinay ng mani niya."
" Are you sure chris.. Bakit nakita mo.?" ngiti ko umiwas naman ng tingin si chris saka nakagat yung labi para pigilin yung pagtawa.
" bakit ka ba kasi natatawa..?"
" wait lang shut up muna.." ngiti niya saka kinausap yung tindera.. Sumandok naman ng mani to saka binigay kay chris yung dalawang pack.. " tara sa lake side natin kainin.. Malapit na yung sunset oh."
" lake side..?"
"yeah nakapunta ka na dun.?"
"hindi pa nga eh.?"
" well hindi ka nga taga dito.. Kasi pag dito ka nakatira.. Dapat napuntahan mo na yun. Isa kasi yun sa pinagmamalaki dito." saad niya saka sumakay sa motor.
" bakit maliit ba yun kaya dapat ipagmalaki pa.?" ngiwi ko.
" ewan sayo.." ngiti niya.. " lets go.."
"wait ayoko na maghelmet.. Ang init kasi eh."
"pero..?"
"para fair tayo... makikita ko yug kagwapuhan mo.. Makikita mo rin yung kagwapuhan ko.?"
" ah ok.. Sabi mo eh.." natatawang saad niya.. Ibang iba na sya.. Muli lang akong sumakay sa likod niya..pinaandar lang ni chris yung motor patungo kung saan hehe ..kahit saan niya siguro ako dalhin sasama ako Haha.,. Kahit sa heaven pa yan basta magkasama kami the best na yun haha..kahit naiilang ako ang sarap parin ng feeling na magkasama kami ngayon.
malayo palang yung motor nararamdaman ko na yung kakaibang haplos ng hangin sa balat ko.. Woow..Ang bango ng hangin.. Hangang matanaw ko yung malawak na damuhan habang may mga naglalarong mga bata.. Naghahabulan at kung ano ano pa kita din dun yung mga nakalatag na kumot habang may nagpipicnic na magasawa or magsyota.. Wow this place.. Its awesome..! Hanggang tumigil yung motor dahan dahan lang akong bumaba ng makita yung malawak na anyong tubig.. sa dulo nito matatanaw mo yung mga naglalakihang mga building. Haixt may ganitong place pala dito.
" maya maya lulubog na yang araw.. Mejo maaga tayo."
" ang ganda naman chris dito.?"
" yeah I know.. tara upo tayo dun hindi na nanaman mainit sa balat yung sikat ng araw eh." saad niya saka naglakad papunta sa isang bench na andun...sumunod naman ako sa kanya.. Napangiti lang ako ng dumipa sya habang sinasalo yung hampas ng hangin mula sa lawa. Umupo naman ako sa bench habang pinagmamasdan ko sya.. Ng lingunin niya ko parang biglang tumigil yung mundo ko at yung pagihip ng hangin.. Shet inlove nga ako sa kanya.. Nakamove on na sya siguro naman pwede na kami.. "Alam mo sabi nila tong place na to.. Takbuhan ng ibat ibang uri ng tao.. Taong malungkot taong masaya.. Something like that."
"what do you mean." kunot ang noong tanong ko.. Umupo naman sya sa tabi ko saka inabot yung binili niyang mani sakin.. Kinuha ko naman to. " alam mo ba sa umaga ang pumupunta dito is yung mga taong inspire.."
" why naman.?"
" well dami kasing nagyoyoga or nageexcersice dito eh.. Inspire to have a good health.." ngiti niya natawa naman ako..
" sabagay.." ngiti ko saka nilanghap yung hangin.
" pag tanghali naman.. Yung pumupunta dito is yung mga taong gusto mapagisa."
" bakit naman.?"
" eh kasi wala naman tao dito pag tanghali.. Ang init kasi.. So kung gusto mapagisa just go here kasi walang iistorbo sayo.. Mangingitim ka nga lang." ngiti niya.
"eh pag hapon anong uri ng tao pumupunta dito.?"
" yun yung mga taong gusto umasa na pwede magsimula pagkatapos ng paglubog ng araw.."
" Lake lang to di ba bakit ang ocean deep mo.?" ngiti ko kumunot naman yung noo niya saka napakamot sa ulo.. Bakit ba ang gwapo niya.. Aiixt damn it. " babawan mo naman.?"
"ok sige na nga.. yung mga taong gusto magsimula uli.. Mga taong nadapa.. Or nasaktan pero tuwing makikita yung paglubog ng araw.. Nagkakaroon ng pag asa na bukas sisikat uli ito.. Na magiging masaya parin pagkatapos ng napakalungkot na nangyare.. Na pwedeng magsimula kahit sobrang sakit yung naranasan..yung mga taong naniniwala na theres always tomorow.. Na may bukas para ngumiti uli.." seryosong saad niya habang nakatingin sa alon ng tubig.. Napangiti lang ako habang nakatingin sa mukha niya.. Gusto ko hawakan yung kamay niya nun pero wag muna..gusto ko muna sya makilala ng mabuti.
" so since hapon pa lang.. Isa tayo sa mga taong ganun.?"
" yeah.." lingon niya sakin..
" wow. How about sa gabi.?"
" dalawang uri ng tao yung pumupunta dito sa gabi.. Isang early night at yung isa is late night. Ano gusto mo malaman.?"
" yung early night.?"
" ok.. Yun yung mga taong emo.. Yung mga taong umiiyak.. Nasaktan,nadurog, nawasak, Sila yung mga nasa stage na sariwa pa yung sugat.."
"hulaan ko huh ganung oras ka pumupunta dito dati.?" ngiti ko natawa naman sya saka tumango.
"pero hindi na ngayon. Ok na ko eh."
" wait yung late night naman.?"
" nagiging jungle to sa gabi." natatawang saad niya kumunot naman yung noo ko.. May zoo dito sa gabi..? Aixt baka may umaahon na buwaya dito haha.
" why.? Pano nagiging jungle.?"
"eh kasi ang dami ditong pumupuntang wild animal." natatawang saad niya.
"wild animal..?you mean crocodile..?"
" no.. hindi.. yung mga taong walang pang motel.." natatawang saad niya.. " pero sweet yun huh nasa ilalim ng langit habang naririnig yung hampas ng alon.
"kadiri.. You mean.."
"yeah seriously kapag pumunta ka dito ng late night.. Ang daming naglalampungan dito.. So ung iba dito naabutan ng libog.. so para hindi hassle sa kanila,.. Dito nalang."
" wow ang sarap pala pumunta dito ng gaun oras may live show."
" madilim naman eh so hindi mo makikita.."
" wow so ibig sabihin pumunta ka na dito ng ganun oras.?" natatawang saad ko.. Umiwas naman sya ng tingin saka natawa. " yuck chris."
"eh kasi yung kaibigan ko she ask me kung gusto ko makakita ng live show..so ako naman curious sabi ko Oo.. Then dinala niya ko dito."
" wala kayong nakita.,?"
" shadow.. Shadow lang.. Sayang nga sana nagdala ako ng spotlight nun." natawa naman ako.. Ng lingunin ko sya nakita ko lang yung ngiti niya habang nakatingin sakin.. Shet nakakatunaw..eh kung yayain ko kaya sya ng ganung oras dito haha..
" baliw ka.."
" geo do you think nakamove on na talaga ko.?" saad niya.
"uhm I think so.. Ang ganda na ng smile mo.. Hindi ko nakita dati yan."
" siguro nga.."
"bakit..?"
"eh kasi nung nakita kita kanina.. Parang sumaya ako..I don't know pero parang nakakita ako ng hope na konti nalang magiging ok na talaga ko.. Honestly hindi ko parin maibalik yung dating ako.. Yung makulit yung puno ng confidence sa sarili.. Nahirapan ako ibalik yun eh pero kanina nung nakita kita.. Narealize ko na dpaat maging ok na ko.. Look ikaw masaya ka lang.. Puro joke.. Gusto ko maging ganun na rin ako."
"so ngayon ka lang uli naging ganyan.?"
"yeah after nung mga nangyare.."
"thats great."
" kaya salamat sayo.."
"pwede naman kiss ang kapalit eh." ngiti ko.. Natawa naman sya. " joke lang..San nga pala lakad mo mamaya..?"
" uhm birthday lang... Inuman.."
" kala ko ba ok na bakit magiinom ka.?"
"birthday nga eh.." ngiti niya. " wait ano nga pala meron kala aldred bakit nandito ka.?"
" dito na ko titira."
"huh..?"
"yeah dito na ko titira.. And dito na rin ako magaaral."
"sa schoneberg..?"
" No.. Sa URS." ngiti ko kumunot naman yung noo niya. " bakit bawal ba ko magaral dun.?"
" seryoso..?"
"yeah.. Information tech yung kukunin ko.. Ayoko kasi magbago ng course para macredit yung mga subjects ko sa dating school ko."
" IT.. Course ko din yun.." ngiti niya.
"really wow nice.."
" pinayagan ka ni aldred na dun magaral.?"
" kailan ko pa naging tatay si kuya aldred.?" ngiti ko napakamot naman sya ng ulo.
" sabagay.. Pero bakit duon pwede naman sa schoneberg ah.. Actually mas ok dun..?"
" Taga URS ka chris.. Hindi ka representative ng schoneberg ok kaya hindi mo kailangan ipromote yung school nila."
" sigurado ka talaga.? Baka magsisisi ka.?" ngiti niya " I know duon ako nagaaral..Pero geo iba talaga sya sa kinalakihan mo.. Nung una kasi nahirapan ako magadjust dun alam mo yun bago lahat. Ibang iba.."
" nakapagadjust ka nga eh. Ako pa kaya."
" pero.."
" aixt chris.. Siguro iniisip mo na matatabunan na yung kagwapuhan mo kapag dun na ko nagaral noh.?" ngiti ko..
"hindi naman sa ganun.."
" don't worry chris.. Hindi ako makikipagkumpetensya sayo."
" hindi nga yun yung iniisip ko.. Alam mo kasi iba iba ang tao dun.."
" and so.. Gusto ko sila mameet.." ngiti ko..
" kaw bahala.. Sige na nga goodluck nalang..Andun naman ako kaya pwede kitang tulungan.. so 2nd year ka na.?"
"yeah.. Kung macrecredit yung mga subjects ko..?"
"sana macredit malay mo maging magclassmate pa tayo.."
"sana nga eh.."
"papakilala ko sayo si CJ. Im sure magugustuhan mo sya.. Kalog din yun eh."
" CJ..? Lalake..?"
"no.."
"Babae..?"
" no.."
" hayop.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" no.. Lesbian sya."
" lesbian na pinapatulan mo ngayon.?"
"geezz.. Hindi ah.. Friend lang kami nun.. Actually sa kanila ako pupunta mamaya.. Gusto mo sumama..? Malay mo maging classmate ka na din namin.?"
" nakakahiya.?"
" sige na kalog yun.. Magugustuhan mo sya."
"romantically.?"
" nope.. Nananapak yun." natatawang saad niya. " ano sama ka.. Since sa URS ka na magaaral.. Mas magiging close tayo."
" gano kaclose chris..?"
" super close.. Or more than that." ngiti niya. " joke lang.. Sama ka huh."
" uhm ok lang ba eh hindi naman ako envited eh.?"
" ok lang yun .. Kasama mo naman ako eh."
" Anong oras ba..?"
" later.." saad niyang tumingin sa orasan sa kamay niya. " mga 7pm siguro.. Maaga pa eh."
" 7pm.?. Uwi muna ako para makapagpalit ng damit saka makapagpaalam na rin." tiningnan naman niya yung suot ko.
"ok na yang damit mo wag ka ng magpalit." napangiwi naman ako.. Birthday yung pupuntahan.. Pano naging ok yung pang bahay na damit.
" pano naging ok to.?"
" basta ok na yan wag ka na magpalit ng damit." ngiti niya napansin ko naman yung damit niya.. Ang simple.. White shirt at walking short.. Para lang syang nasa bahay pero infairness hindi man lang nabawasan yung sex appeal niya.
" di ba birthday party.. Bakit ganyan lang suot mo.?"
" uhm hindi naman pang mayaman na party yung pupuntahan natin.."
" you mean.?"
" yeah.. Ok lang ba sayo..?"
" uhm ah eh.." aixt never pa ko nakapunta sa ganung party.. Ano ba meron sa ganun haha.. Shet.. Pero gusto ko naman maranasan to di ba haixt..tapos kasama ko pa si chris.. Di ba the best yun..?
" ano sama ka.? Kung sa URS ka magaaral.. Dapat jumoin ka din sa ganito minsan."
" hindi ba delikado.?"
"pupunta ba ko kung delikado..?"
" malay ko ba kung adik ka na pala.?"
" mukha ba kong adik..?"
" hindi naman.. Aixt sige na nga sasama na ko.." saad ko napangiti naman sya..
"yes! may kasama na ko.." natatawang saad niya.
" wait hindi ka din sure kung safe ka dun noh.? Hoy chris ang bata ko pa para mamatay huh.?"
" uhm sure naman ako.. Pero syempre iba parin yung may kasama ako.. Si CJ kasi ang kulit eh."
" haixt kapag ako napahamak chris sasagutin mo lahat ng gastos sa pagpapalibing sakin."
" sus yun lang pala eh." ngiti niya.
"gago ka.." simangot ko.
" joke lang kainin mo na yang mani ni aling tinay." turo niya sa hawak kong pack ng mani.. " why.?" malinis ba talaga to.. Baka naman kasi hindi hinuhugasan ni aling tinay yung mani niya eh haha. " kainin mo na masarap yan.. Para kang nakakain ng totoong mani."
" bakit pekeng mani ba to.?"
" uhm joke lang.. Sige na.." ngiti niya.. Kumuha naman ako ng mani sa pack saka sinubo at nginuya,,uhmm masarap nga.. " how does it taste.?"
" masarap nga.."
" see sabi sayo the best ang mani ni aling tinay eh." natatawang saad niya.
SI PAUL
Humugot lang akong malalim na hininga pag baba ko ng taxi sa harap ng gate nila sarah.. Haixt.. " sarah sarah sarah,.." inis na bulong ko saka nagdoorbell.. Maya maya lumabas na yung katulong nila saka ako pinagbuksan ng gate.
"goodafternoon Sir Paul.."
" Si sarah po.?"
" nasa kwarto po niya."
" hindi parin ba sya bumaba..?"
" hindi pa po mula kaninang umaga." saad nito napabuntong hininga lang ako saka pumasok sa bahay at umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ni sarah.. Kainis.. Hanggang kailan ba talaga sya ganito.. Pagtapat ko sa kwarto niya marahan lang akong kumatok saka to binuksan nakita ko lang syang nakaupo sa kama habang nakaharap sa laptop niya.
" paul.." ngiti niya ng makita ako..
" bakit hindi ka daw bumababa.?"
" Paul I know na kung nasaan si Dennis..!" excited nasaad niya.. Umiwas naman ako ng tingin..haixt hindi ko man lang nagawang palitan yung lalakeng yun sa puso niya.. Badtrip..napabuntong hininga lang ako Saka umpo sa gilid ng kama niya. " paul makikita ko na uli sya.."
" Sarah Ako na ang boyfriend mo..? Kailan mo ba makakalimutan si dennis huh.?"
" bakit ko sya kakalimutan.?"
" eh kasi may boyfriend ka na.. Ako.. Sarah ano ba.?!"
" pero si dennis ang mahal ko..sya lang paul.."
" iniwanan ka nga niya eh.. Shit sarah hindi sya orbit kaya kung pwede wag mo paikutin yung mundo mo sa kanya." gigil na saad ko..
" Paul hindi kita mahal..Alam mo yun di ba.?"
" mahal kita sarah." saad kong sa ibang dereksyon nakatingin.. Narinig ko naman na natawa sya. " seryoso ako."
" hindi mo na ko mahal Paul..siguro nung una pero I know and I can feel it.. Hindi mo na ko mahal."
" kahit kailan ba sarah hindi mo ko minahal..?"
"hindi paul.. Hindi ko nga alam bakit pinagtatyagaan mo ko eh..ilang sampal na ba ang natanggap mo sakin..ilang beses ka na ba napahiya, napahamak dahil sakin.. Paul give up.."
" tapos ano.. Sisirain mo yung sarili mo.. Sarah ako nalang ang meron ka.."
" I know.." saad niya. " yung parents kong walang pakialam sakin.. Si dennis na bigla nalang akong iniwan.. Oo Paul ikaw nalang ang meron ako ikaw nalang yung nagmamahal sakin... Pero hindi talaga kita kayang mahalin.. Si dennis.. Mahal ko sya."
" Isang taon na sarah.. Hindi na sya babalik.."
" Kung hindi sya babalik.. Ako ang pupunta sa kanya.." saad niya napalingon naman ako sa kanya saka sya mariing tinitigan sa mata..
"what do you mean.?"
" Iknow na kung nasaan sya.."
" saan.?"
" sa hongkong.." ngiti niya saka hinarap sakin yung laptop niya.. Nakita ko lang yung ex niya habang nakahiga sa isang hospital bed. " he's sick.."
" iiwan mo ko.?"
" Paul.. Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo.. I'm really sorry.. Pero kailangan ako ni dennis.." napabuntong hininga naman ako saka umiba ng tingin.. Oo hindi ko na sya mahal pero damn it.. Hindi man lang niya ko nagawang mahalin.. " kung inaalala mo na sisirain ko yung sarili ko.. Paul hindi na.. Kasi alam ko na kung nasaan sya.."
" pero sarah I love you.."
" paul tama na.. Magiging ok na ko.. Pupuntahan ko si dennis.. Promise wala na kong gagawin para ipagalala mo.."
" pero srah.."
" paul please.. I know may dahilan si dennis kaya iniwan niya ko.. At tingin ko ito yun..may sakit sya.."
" sarah.. Pano kung iwan ka uli niya. Pano ka.. Sisirain mo yung sarili mo..?"
" hindi na Paul.. Aayusin ko na yung sarili ko.."
" hindi ka na uli magiinom.?"
"hindi na.. Baka magalit si dennis eh.." ngiti niya.. Tumungo naman ako. " paul salamat huh kasi kung wala ka.. Baka wala na din ako.. Baka napahamak na ko.. Salamat kasi hindi mo ko pinabayaan nung panahon na ayoko na mabuhay dahil sa pagiwan niya sakin.. Salamat kasi hindi ka umalis sa tabi ko."
" Sarah minahal kita.. Sobra.."
" I know..pero mahal ko si dennis." humugot lang ako ng malalim na hininga.. Haixt hind ko na sya mahal pero masakit parin pala.
" so pupunta ka ng hongkong.?"
"yeah.. Para kay dennis.. Magiingat ka dito paul huh.. At sana matagpuan mo yung taong magpapatibok ng puso mo.. Ako kasi si dennis lang yun.. Sya lang habang buhay."
" sana nga.." saad ko lumapit naman sya sakin saka ako niyakap..
Paglabas ko ng gate nila sarah.. Nagsimula lang tumulo yung luha ko pero agad ko tong pinunasan.. Shit.. Hindiko na sya mahal pero masakit parin. Isang tao din naging bahagi ng buhay ko yung babaeng yun.. Haixt.. Kinuha ko lang yung cellphone ko saka dinia yung number ni ethan.. Bass guitar ng banda namin..
" hello ethan.. Di ba sabi mo may pupuntahan kang party mamaya.?"
" yeah bro.. Kasamahan ko sa musiko why.?"
" may inuman ba dun.?"
"yeah gusto mo sumama.?"
"Is it ok..?"
" yeah sure bro.. May problema ka noh.. Sarah nanaman.?"
" wala na kami eh.."
"oohhh... Teka baka hindi alak ang kailangan mo.. Baka kailangan ka ng dalhin sa emergency room huh.?"
"gago.. Sige na sunduin mo ko."
"ok sige bro.." saad niya pinatay ko naman yung cellphone saka binalik sa bulsa ko.. Haixt...
SI GEO
Pagpasok ko palang ng gate ng bahay nakita ko na si blue saka si kuya aldred na naguusap sa harap ng front door napalingon naman sila sakin.
" san ka galing geo.?" tanong ni kuya aldred.
" sa park lang kaboring dito eh." ngiti ko. " hi blue... Wag mo ko titigan baka mapansin ka ni kupido panain ka.?" biro ko sinimangutan naman ako ni kuya aldred.
" sapak gusto mo.?"
" Ano yang hawak mo.?" saad ni blue tiningnan ko naman yung hawak ko.
" Mani NI aling tinay.. Gusto niyo.?"
" kala ko ba sa park ka.. Eh malapit sa plaza yun di ba.?"
" May branch na sila sa park kuya.. Kanina lang tinayo." natatawang saad ko saka pumasok sa bahay.
" baliw!" sigaw pa ni kuya aldred natawa lang ako saka dumeretso sa kwarto ko.. Sabi ni chris wag na daw ako magpalit..aixt sige na nga.. Napansin ko naman yung pink na helmet sa ilalim ng kama ko.. Eto na ang karugtong ng magiging love story namin.. Wait ka lang jan pink helmet.. Kasi ngayon gabi.. Ikikiss ko sya..! Hahaha natawa lang ako sa naisip ko. Nagmamadali naman ko naman kinuha yung wallet ko saka muling lumabas ng kwarto.
" tita ems.. May pupuntahan lang ako.." sigaw ko ng marinig sa kusina yung mommy ni kuya aldred.
" magingat ka geo.. Umuwi ka agad.!" sigaw din nito.
" sure tita." saad ko pa saka lumabas ng bahay.. " bakit ayaw niyo pumasok..?" saad ko kala kuya aldred.
" papasok na nga eh.." simangot ni kuya aldred. " saan ka pupunta.. Wag mo gamitin yung motor ko huh."
"no kuya hindi.. Maglalakad lang ako.."
" saan ka pupunta geo.?"
"bakit gusto mo sumama blue.. Tara bilis..?" ngiti ko.
" saan ka nga pupunta.?"
" Sa destiny ko." saad ko saka tumalikod pero nagulat ako ng hilahin ni kuya aldred yung damit ko.. " kuya ano ba masisira yung damit ko.?"
" tinatanong kita kung saan ka pupunta.?"
"ay tanong ba yun sabi ko sayo diba lalagyan mo ng question mark sa dulo..?" pilit na ngiti ko.
" saan ka pupunta question mark." natatawang saad ni blue..
" pupunta ako sa past mo para makarating sa future ko." ngiti ko kay blue..kumunot naman yung noo niya.
"ano.?" saad ni kuya aldred..
" haixt kuya aldred.. Araw araw kayo magkasama ni blue kahit konti ba hindi man lang tumaas ang IQ mo.?"
" gago..! Ayaw mo sumagot ng maayos.. Saan ka nga pupunta.?"
" wala uling question mark eh.. Di ko tuloy malaman kung nagtatanong ka kuya.?"
"fuck you.. Umalis ka na nga!" tulak sakin ni kuya aldred natawa naman ako saka nagmamadaling lumabas ng gate..nagmamadali lang akong naglakad hanggang makarating sa kanto kung saa nakaparada yung motor ni chris.. Naabutan ko lang sya dun na kumakain ng fishball.. Past sya ni blue pero ako ang magiging future nya.. Sisiguraduhin ko yun..
"wow masarap yan ah." bungad ko sa kanya..
"yeah gusto mo..?"
"no wag na.." ngiti ko.
" nagpaalam ka na.."
"yeah.. Nandun si blue saka si kuya aldred.."
"sinabi mong kasama mo ko..?"
"hindi.. Sabi mo wag kong sabihin eh.. Saka hindi din ako papayagan ni kuya aldred kapag sinabi kong ikaw ang kasama ko kaya wag na.."
" yeah.. Tama ka." saad niya tinapon niya lang yng stick ng fishball saka sumakay sa motor niya.
" mahilig ka sa street food.?"
" uhm dati hindi.. pero ngayon gustong gusto ko na.. Dami kasing nagtitinda nun sa harap ng school eh."
" wow really... Kakain din ako niyan soon."
" dapat lang..umiinom ka ba ng alak.??"
" Oo naman.. Tara na.. Magparty na tayo." saad ko saka sumakay sa likod niya.. Sisiguraduhin kong itong gabing to ay magiging A NIGHT TO REMEMBER.
ITUTULOY
Grabe, gumagaling ka na din mangbitin. Hayyy next na please as in tomorrow na. Hahaha excited na ako for #Chreo. Haha Marvs
ReplyDeleteHay grabe talaga si Geo hmmm excited na ko sa next update.
ReplyDeleteSana meron pa ring crossover kasama sina Franz Darryl at Joseph namimiss ko na sila eh.
ReplyDeleteMukhang promising yung tinatakbo ng kwento. Atleast naiba hindi puro pang mayaman na settings yung ginagalawan ng mga characters. Goodjob Munchkin! Joke... :-p
ReplyDeletewow speechless na aq la na tlga aq masabi :-)
ReplyDeleteNice. Next agad
ReplyDeleteNakaka excited nmn ito blue......next chapter agad pls kuya blue
ReplyDeletesalamat po. may update na pala. basa muna, late na nakauwi ng haus. hehe
ReplyDeletebharu
Magkakatagpo-tagpo na ang tatlo! Excited for the update!
ReplyDeleteOo nga, kuya Rye. ,magtatagpo na ang tatlo! Umpisa na ng love triangle.. haha!
DeleteExcited for next chapter. Magkikita na silang tatlo. :)))
ReplyDelete-hardname-
hmm.. mukang magkikita-kita sila sa party ha... excited na sa next chapter :)
ReplyDelete-yesnA