Guys, kadramahan 'to. Pasensya na.
Magulo, napakagulo, ng pagkakasulat. Sensya na, medyo may problema eh.
Muli, nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagbabasa. Maraming Salamat.
Happy reading!
--
Point Of View
- K u r l -
"Kurl.." mahinang sabi niya pagkakawala niya. "Mahal kita, mahal na mahal." paghalik pa niya sa noo ko.
"Mahal na mahal na mahal rin kita." pagngiti ko. "Pero hindi dahil sa mahal kita.. ay hahayaan na kitang pumatong sa akin." natatawang sabi ko pa.
Kasalukuyan kasi siyang nakapatong sa akin, dahan-dahan siyang pumwesto paitaas sa akin habang naghahalikan kami.
"Kurl, may sasabihin ako." napakahinang pagbulong niya sa akin, sa hangin.
Mukhang, alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"Nicollo, binabawi ko na yung sinasabi ko kanina." natatakot ko nang sabi.
Nag-iiba awra ni Nicollo, ramdam na ramdam ko.
Ang mas ikinakatakot ko pa ay, alam kong nag-iiba na rin ang awra ko.
Kasalanan ba 'to? Kung oo, pwede bang.. advance patawad na? Arrrrhhhh!!!
"Alin dun Kurl?" nang-aakit na niyang sabi, yung tono niya, napapasabay ako, nako po.
Advance patawad talaga..
"Yung.. yung.. yung sinabi kong matanda na tayo.. kaya Nicollo.. bata pa tayo para dito." balik ko, ngumiti lang siya.
Akala ko titigil na siya pero, pero.. pero hindi eh.
Napalunok na lang ako sa ginawa niya.
"Nicollo naman eh.. ang kulit mo." patukoy ko sa ginagawa niya.
Dahan-dahan siyang gumagalaw, habang nakapatong parin sa akin.
Base sa nararamdaman ko, napapasabay ata ako? Nako po!
"Kurl, alam mo naman na napakalamig ng panahon ngayon diba?" pagbulong pa niya.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin dahil sa nangyayari sa amin ni Nicollo.
Iba na kasi yung nararamdaman ko. Yung bang, advance patawad na ata talaga?
"Kaya kailangan nating magpapawis, ayos lang ba sa'yo?" tonong pang-aakit pa niya.
Napangiti na lang ako.
"Nicollo, kanina pa nga tayo pinagpapawisan eh." pagsabay ko na sa tono niya.
Hanggang sa nakita ko na lang na pareho na kaming walang suot na t-shirt.
At muli kaming naghalikan, sa pagkakataong ito, iba na ang klase ng paghahalikan namin.
After 5 seconds..
After 15 seconds...
After 25 seconds....
After 35 seconds.....
"Yael?... Yael kakain na!! Kuya Kurl kakain na!!"
Mula sa paghahalikan, napatigil kami.
Mula sa pagkakapikit, napamulat kami.
Hanggang sa..
"YAEL....!!!!!!"
Napakalakas na pagsigaw ni Nicollo, nabitin man, natawa na lang ako sa inasta ni Nicollo.
"Oh Yael bakit? Anong nangyari?!" pagsigaw pa nung kambal niya.
"Tae ka Yael!! Sisipain kita!" napakalakas pa niyang pagsigaw.
"Tumigil ka nga, tara labas na tayo." natatawang sabi ko.
Saka ko na siya unti-unting tinutulak para makatayo na kami.
"Kurl, sayang." simangot niya, natawa lang ako.
Agad ko rin siyang pinagsuot ng damit, ganun rin ako.
Tama ang hinala ko, pilyo ang taong mahal ko, hehe.
Nang makaupo na kami sa hapag, nagulat na lang ako nang mapansin ang mommy ni Kurl.
"Napano kayo kuya Kurl? Akala ko may sunog." tanong ni Yael.
"Good evening po mam." pagbati ko sa mommy nila.
Nang nginitian rin ako nito ay agad akong lumapit upang magmano.
Alam kong alam na niya, at medyo nahihiya pa ako.
"Diba kumain na tayo kanina? Kakain nanaman?" inis ni Nicollo.
"Sabi ni Yael nandito 'tong boyfriend mo eh, kaya heto at kakain tayo, luto ko." masayang sabi ng mommy nila.
Napalunok na lang ako, boyfriend daw. Medyo nahihiya pa talaga ako sakanya.
"Yael, masarap 'to." sabi pa ni Yael.
"Kahit na, istorbo." inis ni Nicollo.
"Umayos ka nga.." pasimpleng pagbulong ko kay Nicollo na nakasimangot lang.
"Bakit ano bang nangyari sakanya Kurl?" biglang tanong ng mommy nila.
"Ah.. eh.." pagsagot ko, anong sasabihin ko?
"Bakit nga ba?" ngisi pa ni Yael.
"Makakatulog na po kasi sana siya... tapos sumigaw po si Yael at kumatok kaya ayan.." nasabi ko na lang.
Sa wakas! Whoo!! Nakahinga ako ng malalim dahil sa palusot na yun ah.
"Ahh kaya pala nabusit siya.." pagtango pa ni Yael, napatango narin yung mommy nila.
Yes!! Kumagat sila sa palusot ko!
At nagsimula na nga kami.
Ang ulam ay manok tapos gulay, kaya naman nagkamay na kami.
Tinignan ko si Nicollo na katabi ko lang, halatang walang gana itong kumain, medyo nakasimangot pa.
Ang hirap talaga kapag may bata kang kasama, tsk tsk.
Agad na akong kumuha ng kanin at ulam.
"Share na lang tayo." pagpansin ko kay Nicollo.
Para naman hindi na siya sumimangot, dadaanan ko na lang sa salitang, SWEEET.
Nasaktong nagkakamay kami, kaya naman mas magagawa ko yung salitang, Sweeeet.
"Say Aaa baby Nicollo.." parang bata kong sabi habang pilit na nagpipigil sa pagtawa.
Pansin kong natatawa rin si tita at Yael.
"De joke, oh kain na.." normal ko nang sabi kay Nicollo.
At kumain na nga kaming lahat.
Pare-pareho kaming nagkakamay, si Nicollo kumain narin.
Subuan kami sa iisang pinggan, ngitian, eto yung isa sa mga pagkakataong ayaw ko nang matapos.
"I love you." pagbulong ko sakanya.
"Mas mahal kita." bulong rin niya.
-----
Kinabukasan
Point Of View
- M a r t i n -
"Ang hirap nga niyan." seryosong sabi ni Jerry.
"Matagal na naming alam, matagal narin kaming nanghuhula kung ano ang pwedeng mangyari sa dalawa." sabi pa ni Lance.
"Yang bestfriend ko, hindi naman ganun katigas yung damdamin niyan pagdating sa mga ganyan eh." pag-inom ko ng tubig. "Pero yung sitwasyon ngayon? Sa totoo lang, mukhang malabo eh."
"About kay lolo, agad naman napatawad ni pinsan eh." biglang sabi ni Paulo.
"Then what about kay Nicollo? I mean, patungkol sa sitwasyon nila?" sabi ni James.
"Well, si Kurl? Sa dating palang niya, oo masayahin siya pero paano naman kung pagdating sa problema?" sabi ni Doms.
"Oo nga, diba sabi nga nila yung mga taong mababait ay iba kapag nagalit?" si Brent.
"Bilang malapit kay Kurl, alam kong mahihirapan siya. Hindi dahil sa mahirap ang sitwasyon, kundi dahil mahal niya ang taong naging dahilan, kung kaya't maaaring mahirapan siya ngayon sa proseso ng pagtanggap sa realidad." nasabi ko na lang.
"Guys.." halos mawalang pag-asa nang sabi ni Nicollo.
Dapat ganito, na dapat mas bigyang pansin namin ang nga posibilidad na mangyari, sa ganung paraan.. masolusyunan namin at mapaghandaan ni Nicollo, mahirap man.
"Anong gagawin ko? Natatakot ako kay Kurl, sa pwedeng maging reaksyon ni Kurl, sa maaaring mangyari kapag nalaman na niya." natatakot nang sabi ni Nicollo.
Ilang segundong namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Nicollo, tila bawat isa ay sadyang nahihirapan sa sitwasyon.
-----
Point Of View
- K u r l -
"Ba't ang tagal mo pinsan? Kanina pa kita hinihintay eh.." agad na pagtayo ko nang sa wakas at dumating narin si Paulo.
Pupunta kami kay lolo, biglang tumawag, may pag-uusapan daw, importanteng bagay.
"San ka galing?" tanong ko pa pagkalapit niya.
Saglit itong napatigil, napakunot na lang ako.
"May nangyari ba?" tanong ko. "Anong nangyayari sa mundo? Lahat weird ngayong araw." dagdag ko pa.
Kanina sa school, ayos pa kami ni Nicollo.
Tapos nung uwian na niyaya ko siya magmall pero may aasikusahin pa daw.
Kaya naisip ko magtext-text na lang kami, kaso hindi nagrereply.
At si Martin naman gusto raw ako maka-usap mamayang gabi, importante raw.
Yung kambal naman ni Nicollo gusto rin ako maka-usap bukas, importante rin daw.
Anong nangyayari? Mamamatay naba ako? Napakaseryoso kasi ng mga tawag at texts nila eh.
"Wala wala, let's go?" biglang sabi ni Paulo.
Naguguluhan man, napatango na lang ako.
Kaya naman agad na kaming sumakay sa kotse.
...
"Good afternoon po lolo.. tita." pagmano ko kay lolo at sa mommy ni Paulo, bumati at nagmano narin si Paulo.
"Nandyan na rin kayo, tara sa sala natin pag-usapan." sabi ni tita.
Sumunod lang kami. Mukhang medyo seryoso ang atmosphere.
Pagkaderetso namin sa sala ay pareho kaming nagkatinginan ni Paulo nang mapansin namin ang dalawang nakaputi na nakaupo na, mga doktor ata ito.
Napasunod na lang ako sa likod ni Paulo, pakiramdam ko ay parang may mangyayaring masama, hindi ko alam kung bakit.
-----
Point Of View
- M a r t i n -
"Hindi ko tuloy masimulan yung gusto kong sabihin, sa mukha mo palang nadadala na ako." mahinang sabi ko kay Kurl.
Narito kami sa kwarto ko, heto siya at parang bagsak ang mukha, katawan o ano man.
"Kurl, makikinig ako." simpleng sabi ko pa.
Naka-upo lang siya sa may upuan sa tabi ng maliit kong lamesa, ako naman sa may kama at nakaupo rin.
"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh." mahinang sabi niya.
Kanina sa school, ang saya-saya ng awra niya, pero ngayon naman ay parang biglaang bumagsak ito.
"Buti pa si Paulo, ayos lang ang lahat sakanya." sabi pa niya habang sa kawalan lang nakatingin.
Ano kayang problema ng bestfriend ko? Ba't parang nahihirapan siya? Paano ko kaya maipapasok ang tungkol sa sinabi sa amin ni Nicollo kanina?
"Ba't ka umiiyak? Kurl naman.." agad na pag-aalala ko, nilapitan ko ito kaagad.
"Magtatagal daw, eh hindi ko naman kayang iwanan si lola, ikaw, yung bahay, lalo na si Nicollo." sabi pa niya nang yakapin ko siya. "Napamahal na nga sa akin ang barkada eh."
Saglit akong napatigil, aalis ba siya? Kung oo, maiiwan ang barkada, si Nicollo, si lola, pati ako?
"Kurl.." nasabi ko na lang habang pilit na pinapatahan ang aking bestfriend.
-----
Kinagabihan
Point Of View
- N i c o l l o -
Katatapos ko lang asikasuhin ang bagay na talagang ikinakainis ko. Hanggang ngayon, hindi parin talaga nagbabago ang babaeng yun.
Mas lalo akong nainis nang magtext ang daddy nito.
Matapos ang tagpong yun ay uuwi na sana ako para magpahinga nang may magtext sa akin, si Martin.
Kaya ngayon ay heto at..
"Kurl..?" mahinang pagtawag at pagkatok ko, ninenerbyos kasi ako eh.
Narito ako ngayon sa bahay ni Kurl, tinext ako ni Martin, kailangan daw ako ni Kurl.
Ayos naman si Kurl kanina sa school, nakuha pa nga naming magkulitan sa kainan sa school habang kumakain.
May susi naman ako kaya naman pumasok na ako. Binigay ni Kurl nang sagutin niya ako.
Wala sa sala, sa kusina. Kaya naman agad na akong dumeretso sa kwarto niya.
Pagkabukas ko ng pinto, aaminin ko, naninibago ako sa Kurl na nakikita ko ngayon.
"Kurl.." napakahinang sabi ko at dahan-dahan itong nilapitan.
Si Kurl na nakahiga at natutulog, unang tingin palang.. bilang isang taong nagmamahal sakanya, alam kong may problema siya.
Message: Bro, kailangan ka ni Kurl.
Pag-alala ko sa text ni Martin kanina, napakasimple pero talaga namang nagpakaba sa akin.
Nang matabihan ko ito sa pagkakahiga ay mataman ko lang siyang pinagmasdan.
Ano kayang problema niya? Ayaw ko naman siyang gisingin para lang tanungin.
Sa nakikita kong may problema nga siya, mas maganda na ganito na natutulog siya, para kahit papaano ay makapagpahinga siya.
"Kurl, nandito lang ako. Hindi kita pababayaan." mahinang sabi ko.
Hinawakan ko ang kamay nito, nahiga narin ako ng maayos, sasamahan ko siya sa pagtulog.
"Kurl, aalis ako bukas, ilang oras lang. May dapat akong ayusin at tapusin." mahinang sabi ko pa.
Kailangan kong gawin ito, itong bagay patungkol sa bumalik kong ex, aayusin ko ito, para sa amin, sa linya ng buong barkada.
Habang nakikipagtitigan sa kisame at hawak ang kanyang kamay ay malaya akong nakapag-isip.
Habang abala sa pag-iisip patungkol sa problema ko sa ex ko ay may isang bagay o problema pa ang pumasok.
Ang bagay na, na kinakatakutan ko, na ayaw ko nang dumating. Ang malaman niyang ako ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya.
Balak ko naman ipaalam eh, hindi lang ako handa, wag muna ngayon. Siguro masama ako oo, pero hindi ko pa kaya eh.
Gusto ko na maging masaya muna kami, na sulitin 'tong pagsasama namin, na i-enjoy na muna namin ang relasyon namin.
Sa totoo lang, sa tuwing papasok sa isip ko yung katotohanang iyon, isa lang ang naiisip ko, ang posibilidad na iwan ako ni Kurl.
Kaya ipinagdarasal ko na, kung sakali man.. na dumating na ang oras na malaman niya ang bagay na iyon ay wala paring magbabago.
Na sana mas manaig o mangibabaw yung pagmamahal niya sa akin, kesa sa sakit at hirap sa pagtanggap sa nangyari, sa pagkamatay ng mga magulang niya... dahil sa akin.
"Kurl natatakot ako na.. na kapag alam mo na, na baka dumating tayo sa puntong ikahiya at kalimutan mo ako, kapag nalaman mong ako ang dahilan ng pagkamatay ng mama at papa mo.
Pero asahan mo na.. ano man ang sabihin mo o maging reaksyon mo.. ako parin yung Nicollo, yung chinitong mahal na mahal mo."
Napapikit na lang ako, mahal na mahal ko nga talaga si Kurl.
"Kurl, mahal kita. Mahal na mahal." pagbulong ko.
Agad akong napatayo nang may maalala.
(
flashback
"Oh Martin, kaw pala." gulat kong sabi nang mabungaran si Martin sa harap ng room namin.
"May sasabihin ako, mabilis lang." sabi nito habang parang kiti-kiti ito na patingin-tingin kung saan-saan.
"May problema ba?" natatawang sabi ko pa, parang natataranta kasi siya.
"Makinig ka nang mabuti ah.." sabi pa niya. "Alam mo naman na patay na patay yang si Kurl sa mga chinito diba? Sa tingin ko lalo na sa'yo, kaya sa'yo ko 'to ipapaalam."
Tumango lang ako.
"Kapag nagkaroon ka ng pagkakataon na makapasok sa kwarto niya, subukan mong hanapin yung maliit na box, hindi ko na alam kung saan niya nilagay eh." mabilis niyang sabi.
"Ba-bakit? Anong meron sa box?" tanong ko, ano yun?
"Basta.. basta sa maliit na box may mga notes dun, puro patungkol sa pangarap niya ang mga laman ng notes niya." sabi pa niya habang patingin-tingin parin.
Napatango na lang ako, naguguluhan kasi ako sa sinasabi niya.
"Nabanggit niya sa akin, dati pa, na ang pinakapangarap niya ay makatanggap ng singsing, couple ring.. mula sa taong mahal niya.. baduy diba?" pagtawa pa niya.
"At alam mo ba ang pinakabaduy sa lahat? yung laging wish niya?.. na biglang magkahimala at magkaroon ng couple ring yung maliit niyang box na iyon, nasa loob at kasama ang mga notes." sabi pa niya. "Hindi lang magulo ang utak ng bestfriend ko diba? Baduy pa!" pagtawa pa niya.
"Pero, seryoso yun para sakanya. Kaya sana, ikaw.. bilang manliligaw niya, ay matupad mo iyon." biglang seryosong sabi niya.
"Secret lang namin yun, yung kabaliwan niyang yun, pero ipinaalam ko sa'yo kasi alam kong mahal mo siya." pagngiti pa niya.
Saglit itong sumilip sa kung saan-saan.. hanggang sa nanlaki na lang bigla ang mga mata niya.
"Oh ayun na si Kurl, hinihintay na niya ako. Basta yung sinabi ko.. asahan kita." mabilis niyang sabi saka nagmadaling tumakbo.
Naiwan na lang akong halos nakanganga sa inasta niya, sa mga sinabi niya.
Hanggang sa..
"Baduy nga si Kurl.." nasabi ko na lang saka tuluyan nang napatawa nang napakalakas.
end
)
"Mukhang hindi ka pa nga nakikita at nagagalaw ni Kurl." napangiti na lang ako nang makita ang box sa may likod ng picture frame niya.
Dahan-dahan ko itong binuksan, at nakita ko ang dalawang singsing.
"Nicollo.." pagbasa ko sa naka-ukit sa isang singsing.
"Kurl.." pagbasa ko pa sa isa, napangiti na lang ako.
Naaalala ko pa kung paano ko ito nailagay.
Eto yung panahong wala si Kurl, nakasara at lock ang bahay niya kaya hindi ko magawang pumasok.
Hanggang sa naisip ko si lola, at yun na nga, isang matinding access ang nakuha ko.
Kaya heto at, nailagay ko ang pinasadya ko pang singsing. Magkasize lang naman siguro kami nitong baduy na 'to, haha.
-----
Point Of View
- Yael Nick -
Hindi ako mapalagay, parang may kung anong nagtutulak sa akin na gawin ito.
Hindi ko alam kung tama ba 'to o mali? Siguro, malalaman ko ang kasagutan kapag nagawa ko na.
Pagtext ko kay kuya Kurl. Alam ko maraming magagalit, pero ayaw ko nang patagalin pa.
Yael, patawad.
-----
Point Of View
- P a u l o -
"Nakausap mo naba si Kurl?" tanong ni mommy, tumango lang ako.
"Mukhang nahihirapan po siya mommy eh. Pero, i'll try to convince him." nasabi ko na lang.
Tumango lang si mommy. Ilang days na lang kasi, sana nakapag-isip na si Kurl.
Message: Pinsan, pag-isipan mo ng mabuti. Kasama mo naman ako eh.
Pagtext ko kay Kurl, kailangan talaga naming gawin 'to eh.
-----
Kinabukasan
Point Of View
- K u r l -
August 23
8:00 in the morning
Nagising na lang ako nang maingayan sa sobrang lakas ng pagbagsak ng ulan sa aking bahay.
Nang maramdamang may nakayakap sa akin ay napabaling ako sa gawi nito, napangiti na lang ako.
Si Nicollo na natutulog, nakayakap sa akin ito at talaga namang napakasarap sa pakiramdam.
Naaalala ko nung natulog ako sa kwarto niya, yung araw na ganito rin.
Nung lasing ako, nung gabing umamin ako sakanya at nung gabing hinalikan ko siya.
Nung umagang ganito na kaparehang-kapareha, napakalakas na pag-ulan, malamig, at heto at nasa may kaliwa ko si Nicollo.
Isa lang masasabi ko, mahal ko siya. Mahal na mahal.
Saglit akong napatigil nang maalala ang kahapon pang pinuproblema ko.
May problema nga pala ako, anong gagawin ko? Sino ang uunahin ko?
Magiging masama ba ako kung isa sa kanila ang uunahin ko?
Pare-pareho ko silang naging mahal, pero mas mahal ko 'tong lalaking katabi ko ngayon, si Nicollo na nakayakap sa akin.
Nakikipagtitigan lang ako sa kisame nang maramdamang magvibrate ang aking phone.
5 texts. Isa-isa kong binuksan ito.
Message: Kurl nasan ka? Kamusta kana? Pinag-aalala mo nanaman ako.
Message: Puntahan kita diyan, hintayin mo ako. May problema ka daw? Papunta na ako, heto na.
Texts ni Nicollo kagabi, napangiti ako. Heto at katabi ko na siya.
Text ni Yael, oo nga pala at may pag-uusapan kami. Hindi ko alam kung ano, pero pakiramdam ko ay importante ito.
"Kuya Kurl, mahalin mo si Yael kahit sira ulo siya ah? Katulad nga ng sinabi ko, ikaw palang ang minahal niya ng tunay."
Naaalala kong sabi pa niya sa akin nang nasa SM kami.
Text ni Paulo, muli, nakaramdam nanaman ako ng kalungkutan.
Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Sino? Sino ang uunahin ko?
Message: Good morning sa bestfriend kong iyakin! Huwag kanang umiyak please :( miss ko na si Kurlo! miss ko na yung bestfriend date natin!
Napangiti na lang ako sa text ni Martin, isa pa 'tong maitim na ito eh, ayaw ko rin siyang iwan.
Hayy, ang hirap talaga.
"Mmm..." napatingin ako kay Nicollo.
Mukhang nagigising na yung bata, haha.
"Good morrrning.." mahinang sabi ko, saka naman niya iminulat ang kanyang mga mata.
Tumitig siya sa akin.
"Good morning din.." pagngiti niya, napakatamis.
"Ayos kana? Pinag-aalala mo ako, hindi ka rin nagrereply.." sabi pa niya. "Pinuntahan kita kagabi, kaso tulog kana kaya natulog narin ako."
"Ayos na. Salamat." pagngiti ko.
"Sigurado ka?" tanong pa niya, nanatili lang siyang nakayakap sa akin.
"Oo nga, nandyan kana eh." paglalambing ko pa.
"Ge na nga.." pag-upo pa niya. "Kurl, toothbrush na tayo." sabi pa niya.
Magpapa-toothbrush nanaman ang bata.
"Eh wala yung toothbrush mo dito eh." kunot ko.
"Yung sa'yo na lang, dali na toothbrush mo na ako." parang batang sabi pa niya, sumunod na lang ako, makulit eh.
Sa tuwing ganito na tabi kami matutulog at magigising kami ng magkasama sa umaga, nagpapatoothbrush ang bata.
Hirap talaga kapag may batang alaga. Tsk tsk.
At nang nasa may banyo na kami..
"Say Aaaaa.." pagtawa ko.
"Kurl naman eh.. ginagawa mo akong bata.." natatawa na naiinis niyang sabi.
"Ay bakit? Ano tingin mo sa sarili mo.. matanda na?" agad na sabi ko.
"Kurl naman ehh.." pagbubusit nito.
"Kurl naman ehh.." paggaya ko pa.
Tatalikod na sana siya nang agad ko itong pigilan.
"Para kang bata, eto na, naglalambing lang eh." pagngiti ko.
Hanggang sa yun na nga, nauto nanaman ang bata haha.
Sa araw-araw na nangyayari ito, hindi pwedeng hindi nabubuo ang araw ko.
At dahil sa umagang ito, nakapagdesisyon na ako.
-----
Point Of View
- P a u l o -
"Mommy, nagtext na si Kurl, hindi siya makakasama." walang ganang sabi ko kay mommy.
Nakakawalang gana talaga, dapat kasama si Kurl eh. Para mas maging maayos ang lahat.
"Paano na niyan?" pag-aalala ni mommy. "Malay ko ba kay lolo niyo, ba't nahiya pa kasi siyang sabihan kayo na sumama."
"Kakausapin ko na lang siya mamayang gabi pagkatapos ng lakad namin ni Ken." nasabi ko na lang, saka na ako agad pumunta sa kwarto ko.
Pagkahiga ko sa kama ay agad kong tinignan ang aking phone.
May isang text,
Message: Paulo pwede ba tayo mag-usap? Puntahan na lang kita diyan?
Nang mabasa ang text ay agad akong napa-upo sa tuwa.
"Ge, ngayon na. Hintayin kita." reply ko.
Agad akong lumabas ng kwarto para magtawag ng maid.
"Pakilinis po yung kwarto ko ngayon na please....!! Salamat..!!!" malakas na pagsigaw ko nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan.
Nagpagawa narin ako ng almusal.
Nawala yung pagkawalang-gana ko, nagtext yung maitim na bestfriend ni Kurl eh, haha.
...
"Hi.. good morning." pagbati ko kay Martin nang pagbuksan ko siya.
"Good morning.. muntik pa akong hindi natuloy, buti at tumigil yung ulan." natatawang sabi niya.
"Akala ko nga hindi na titigil eh, pero mabuti at nakarating ka. Tara." pagbigay daan ko pa.
Agad na kaming naglakad papunta sa kwarto ko.
"Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin ah? Text palang nakakakaba na." sabi ko habang naglalakad kami.
"Tungkol kay Kurl, nag-aalala kasi ako sakanya eh." rinig kong sabi niya.
Maswerte talaga si pinsan, maraming nagmamahal at nag-aalala sakanya, aaminin ko at isa ako sa mga iyon.
"May napag-usapan kasi kami kahapon, kasama si mommy at si lolo." paninimula ko pagkaupo namin.
"Ganun ba kaseryoso ang napag-usapan niyo? Umiiyak yung bestfriend ko kagabi eh." pagsisimula niya sa pagkain.
Puro lamon talaga 'to, darating para sa seryosong bagay tapos eto at nakuha pang kumain, haha.
"Si lolo kasi, may sakit siya. Kailangan na niya talagang pumunta sa states at doon magpagamot.
Hindi man sinasabi ni lolo sa amin ang sakit niya pero alam ko kung ano.
Kahapon, bago tuluyang umalis ang mga doktor, kinausap nila ako nang patago.
Nakikiusap na sumama kami sa ibang bansa, naikwento rin ng doktor na lagi akong kinekwento ni lolo sa kanila pati na ang isa pa niyang apo, si Kurl.
Kaya naniniwala ang doktor na mas mapapadali ang paggamot sa sakit ni lolo kapag naroon kami at sinasamahan siya, sa ibang bansa."
Napakahabang pagpapaliwanag ko habang abala narin sa pagkain.
Ayaw kong masyadong magpakaseryoso, maski ako'y natatakot sa pwedeng mangyari.
"Yun pala, kaya pala si Kurl iyak ng iyak kagabi." biglang sabi ni Martin. "Sinabi niya na baka hindi na siya makasama, dahil daw sa alam niyang hindi niya kayang iwan ang mga nandito, si lola niya pati si Nicollo, ang bahay."
Saglit akong napatigil, tama nga ang hinala ko. Kung hindi si lola, ay yung bahay ng mga magulang niya, o kaya naman ay si Nicollo.
Sabi kasi ng doktor ni lolo na baka mapatagal kami sa ibang bansa.
"Tinext na ako ni Kurl kanina lang, hindi siya sasama." walang ganang sabi ko.
"Sana naiintindihan mo yung bestfriend ko kung bakit.." mahinang sabi ni Martin.
"Alam ko yun, hindi naman kami pinipilit eh, ang gusto lang ni lolo ay malaman namin na pupunta siya ng ibang bansa para sa pagpapagamot niya." balik ko. "Sabi ko nga, doktor lang ang nakiusap sa akin, kaya ayun at pinaalam ko na rin kay Kurl."
..
"Oh basta mamaya ah? Sunduin kita." pagngiti ni Martin nang makasakay na siya sa motor niya.
Nasa labas kami, hinatid ko siya sa harap ng gate namin. Pinagtututulak ko na nga siya eh, daming tao sa labas ngayon, pinagtitinginan kami.
"Ano ba..?" natatawang sabi pa niya, pilit ko na kasi siyang tinutulak at pinapaalis.
"Pinagtitinginan na tayo oh, maawa ka naman sa suot ko." pagtawa ko pa, nakaboxer at sando lang kasi ako, naka-paa pa.
"Ang yabang mo naman kasi eh, alam mo nang darating ako hindi kapa nagbihis, halatang pinagmamalaki mo sa akin yang katawan mo, tapos pareho pa kayo ni Kurl na pinagmamalaki niyo yang kaputian niyo." napakahaba at napakadramang sabi naman niya.
"Drama mo, sige na sige na, text kita kapag papasundo na ako." pagtulak ko pa sakanya.
"Ingat!" pagpapaalam ko pa saka na siya tuluyang umalis.
Maswerte rin naman ako, dahil sa nakaclose ko itong si Martin.
Oo aaminin ko, gusto ko siya. Pero straight siya eh, kaya.. nevermind.
-----
Point Of View
- K u r l -
Salas
"Yael, hindi naman siguro ganun kaseryoso yang baon mo noh?" patukoy ko sa nais na sabihin sa akin ng kapatid ni Nicollo.
"Kuya Kurl, nandito ba si kuya? sa'yo siya natulog diba? Wala ba kayong napag-uusapang problema?" paninimula niya.
Saglit akong napapikit.
"Nako Yael yan lang pala sasabihin mo, akala ko kung ano." pagtawa ko pa, what a relief.
"Si Nicollo oo nandito kanina, dito kasi natulog yung kapatid mo, nanghiram pa nga ng damit eh. Pero matapos nung almusal namin umalis na siya, uwi na daw siya at may aasikasuhin pa siya." dagdag ko pa.
Napakunot naman siya.
"Sa bahay? eh kuya Kurl wala siya dun eh, kanina pa ako nasa bahay." naguguluhang sabi niya.
Saglit akong napa-isip sa sinabi niya, eh san naman pumunta yun?
Ay ewan! Baka mamaya lumibot lang, o kaya kasama ng apat.
"Ano kaba, malay mo lumibot lang.. parang 'di mo kilala yun." sabi ko na lang. "Baka kasama ng apat." pahabol ko pa.
Nagkibit balikat na lang siya, halata ring hindi siya kumbinsido.
"Ikaw Yael ah, kala ko kung anong pag-uusapan eh hahanapin mo lang pala yang kambal mo, pinakaba mo pa ako." pagtawa ko pa. "Akala ko kung ano."
Bigla siyang tumayo, tinignan ko lang siya.
"Kuya Kurl may pupuntahan tayo, importante." seryosong sabi niya.
Ano ba 'to? Ba't bigla-bigla siyang nagseseryoso.
"Tara, kuya Kurl." sabi pa niya.
Dahil sa naguguluhan ako sa inaasta niya ay napatango na lang ako.
..
Saglit akong napatigil nang mapansin kung saang street kami papasok.
Shortcut ito papunta sa park ah?
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, napakatahimik, maging kaming dalawa ni Yael ay hindi nagsasalita, tanging paglalakad ang nangingibabaw.
Hanggang sa nagulat na lang ako nang tumigil kami sa isang lugar, pamilyar na lugar.
"Kuya Kurl.."
-----
Point Of View
- Jerry and James -
"Mahal, nagtext pala si Yael oh, yung kapatid ni Nicollo. Kanina papala." biglang sabi ni Jerry.
Si James ay nasa kusina at abala sa paghanda ng kanilang meryenda.
Ang dalawang magkasintahan ay nangungupahan sa isang secured na apartment malapit sa may SM.
Independent ang dalawa, maswerte sila at wala silang problema sa kanya-kanyang pamilya.
"Ano daw? Basahin mo na dali." sabi ni James pagkalapag niya ng pagkain sa may sala.
Agad nitong dinikitan si Jerry.
Message: Jerry & James, alam kong medyo malapit kayo kay kuya Kurl ko. Kung sakali man na bigla siyang magkaproblema, kayo na ang bahala. Maraming salamat.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Gagawin na nga niya?" tanong ni James.
Nasabi kasi ni Yael sa dalawa ang balak nito.
"Itext mo si Martin at ang pinsan ni Kurl, dapat malaman nila ito." seryosong sabi ni James, tumango lang si Jerry.
"Wala naman tayong lakad mamayang gabi diba?" tanong kagad ni Jerry matapos nitong itext ang dalawa.
"Oo, pupuntahan natin si Kurl mamaya. Matagal-tagal ko ring hindi naka-usap yang kaibigan kong yan patungkol sa kadramahan niya sa buhay." sabi pa ni James.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis." pagngisi ni Clarice sa akin.
Papalapit palang ako, naasiwa na kaagad ako.
"Nakikiusap ako Nicollo, kahit ilang araw lang, babalik rin kami sa ibang bansa." naaalala ko pang sabi kanina ng daddy niya.
..
Halos ilang oras na kaming naglilibot dito sa SM.
Kapit man siya ng kapit, ay hinahayaan ko na lang.
Kahit sa ganitong paraan ay, matulungan at mapasaya ko siya.
Maganda si Clarice, hindi ko masasabing mabait siya.
Habang kumakain kami ngayon ay pinagtitinginan siya, iba rin kasi ang dating niya.
"Kamusta yung pagpapagamot mo sa ibang bansa, yung sakit mo." tanong ko.
Kaya siya umalis, kaya sila umalis ay para sa sakit niya. Para magpagamot at magpagaling sa ibang bansa.
Hindi pangkaraniwan ang sakit niya, isang nakakatakot at mahirap na kalabang sakit.
Pero ngayong bumalik na sila dito sa pilipinas, mukhang ayos na at nagtagumpay siya, sila, sa pakikipaglaban.
Hindi siya baliw ah, baka kala niyo haha. Nasabi ko lang baliw dahil nung nakipaghiwalay ako ay habol ng habol at ginawa kung anu-ano.
"Ayos na daw, sabi nila mommy. Alam mo naman na wala akong alam sa sakit ko diba?" balik niya.
Bawat taong dadaan sa may tabi namin at titignan siya ay iniirapan niya. Napapailing na lang ako.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain.
Mga ilang minuto nang maramdaman kong may tumatawag.
Pagkatingin ko ay si Kurl pala ang tumatawag, saglit akong napatigil, hindi ko alam kung anong gagawin, nasa harap ko lang kasi si Clarice.
"Sino yan?" agad na sabi ni Clarice.
Hindi ko alam ang isasagot. Paano ba 'to?
"A friend, si Doms." nasabi ko na lang.
"Talaga? Oh ba't 'di mo sinasagot?" pagtaas pa ng kilay niya.
Wala na akong nagawa kaya naman sinagot ko na nga.
"Hello?" agad na sabi ko.
"Totoo ba?" rinig kong sabi ni Kurl.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya, sa tono.
"Nicollo tinatanong kita.."
Nag-init kaagad ang dibdib ko sa muling pagsasalita ni Kurl.
Anong sinasabi niya?
"Si Doms ba talaga yan?" biglang sabi ni Clarice pagkatayo niya.
Nagulat na lang ako nang mabilisan siyang lumapit, kaya naman mabilis ko ring ginawa ang dapat gawin.
"Hello? Sino 'to?" rinig kong pagsusungit ni Clarice pagka-agaw niya sa phone.
Agad na akong tumayo at inagaw ang phone nguni't maagap ito.
"Kung sino ka man.. gusto ko lang sabihin sa'yo na girlfriend ako ni Nicollo okay!" mabilisan at malakas na sabi niya.
"Clarice ano ba!" malakas na pagsigaw ko na, napatigil siya sa gulat.
Wala akong pakialam kung sino o marami man ang nakatingin sa amin.
Pagkakuha ko nang phone sakanya ay agad na akong umalis.
Wala na akong pakialam sakanya. Pati si Kurl nadadamay na dahil sakanya.
"Kurl.." mahinang sabi ko habang papunta sa sakayan.
Hindi ko alam kung bakit ganun yung dating ng tanong niya kanina, yung tono ni Kurl.
Pag-alala ko sa sinabi ni Clarice kanina.
Mabuti na lang ay saktong napatay ko na ang tawag nang matunugan ang paglapit niya.
Ngayon, paano ko pupuntahan si Kurl? Sa tono niya kanina, ay mukhang may kakaiba na, paano pa kaya niyan dahil binabaan ko siya?
-----
Point Of View
- Third Person's -
Tarantang nagbibihis ang dalawa, si Jerry and James.
"Sabi ko naman kasi kanina pa na mag-ayos na tayo eh." tonong naiinis ni James. "Natext mo ba kanina si Martin pati si Paulo?"
"Oo natext ko, James naman yung tono mo.." agad na balik ni Jerry, takot kasi ito kay James.
"Tara na dali.." sabi na lang ni James nang makapagbihis na sila.
Nang matanggap nila ang text ni Yael ay agad na silang napabalikwas mula sa panunuod ng tv.
Message: Jerry, James..
Ang text kanina ni Yael sakanila, sa text palang, alam na nila.
..
"Ang laki talaga ng mansion niyo ni Kurl."
Manghang sabi pa ni Martin matapos nilang magbasketball. Pareho pa talagang naka-unipormeng pangbasketball ang dalawa, kasalukuyan silang nasa may kwarto ni Paulo.
Kanina pa naglilibot-libot sa loob ng napakalaking bahay ang dalawa, si Paulo at Martin.
Kanina pa sila naglalaro-laro, kanina pa sila kumakain, kwentuhan, tawanan, biruan.
Parehong na-abala sa bonding ang dalawa.
Napatigil na lang sa pagkain si Martin nang may marinig.
"Teka.. phone ko yun ah?" pagtayo pa ni Martin.
Napatigil rin si Paulo.
Agad niyang nilapitan yung pantalon niya na nakatupi sa may higaan.
Bago niya sinagot ay nakita niyang si James pala ang tumatawag.
"Hello?" agad na pagsagot ni Martin.
"Martin ano kaba? Kanina pa kami nagtext ah.." balik ng nasa linya.
"Nagtext? Ano kasi eh, nabusy kami. B-bakit? Ano bang nangyari?" pagloudspeaker pa ni Martin matapos niyang magsalita.
Pagkalapit kasi ni Paulo ay pinaloudspeaker niya at siya'y nakinig.
"Alam na ni Kurl ang lahat, sinabi na ni Yael... Kailangan tayo ni Kurl ngayon, nagtext rin kanina si Yael na sinabihan raw siya ni Kurl na iwanan na muna siya kaya ayun .."
Saglit na napatigil ang dalawa sa narinig, ilang saglit lang ay agaran nang kumilos ang dalawa.
"Nasan na kayo? Sige sige paalis na kami.." tarantang sabi ni Martin.
"Papunta na.. bilisan niyo..."
At namatay na nga ang tawag.
"Bilis bilis.." sabi pa ni Martin habang pareho silang nagbibihis ni Paulo.
-----
Point Of View
- Yael Nick -
"Sa tingin mo ba apo, sa alak ka makakakuha ng sagot?"
Rinig kong tanong ni lola kay kuya Kurl.
Kanina nang malaman ni kuya Kurl ang lahat ay wala sa sarili na lang siyang tumakbo.
"Yael, pasensya na pero.. sa tingin ko hindi ko na muna kayo kayang makita sa ngayon.."
Naaalala kong sabi niya kanina nang habulin ko siya, kung kaya't patago ko na lang siyang sinundan pauwi.
Kasalanan ko 'to. Pero nandito na eh.
Kaya agad kong pinuntahan si lola para ipaalam ang ginawa ko.
"Akala ko ba napatawad mo na yung pamilya? Ayos na ang lahat diba?" rinig kong tanong pa ni lola.
Narito lang ako sa may malapit sa bintana at tahimik na nakikinig.
"Lola please.. gusto ko na muna po mapag-isa, please." sa wakas at nagsalita narin si kuya Kurl.
"Osige apo, iiwanan na muna kita. May tiwala ako sa'yo."
Nang marinig na may lumalabas na ay agad ko itong nilapitan.
"La, ba't niyo po iniwan si kuya Kurl?." agad na sabi at pag-aalala ko.
"Matanda na si Kurl, gusto kong makita kung paano niya ayusin yan." pagngiti ni lola, napakunot na lang ako.
Naguguluhan kasi ako eh.
"Gusto ko na siya mismo ang makaisip kung ano ang mga mawawalala sakanya kapag pinairal niya yung sakit, naiintindihan ko siya oo.. apo tatandaan niyo, hindi pwera nasaktan ka ay titigil kana. Minsan ikaw ang problema, hindi yung mismong problema." mahinang sabi ni lola bago siya tuluyang umalis.
Makahulugan, yun na lang ang nasabi ko.
Muli ako napatingin sa may gawi ni kuya Kurl.
Teka.. paano na 'to? Anong gagawin ko?
-----
Point Of View
- James -
"Wuyyy nandyan na pala kayo.." paglapit ni Yael nang makababa na kami ng tricycle.
"Si Kurl?" agad na tanong ni Jerry.
Lumapit pa ito ng kaunti sa aming dalawa.
"Ang tagal niyo, halos kalahating oras na siyang nakaupo at hindi kumikibo doon." napakahinang sabi niya.
"Ba't hindi mo pinasukan?" sabi ni Jerry.
"Galit siya sa akin, sa amin, pasensya na pero natatakot ako kay kuya Kurl eh." pagkamot pa sa may batok ni Yael.
"Kayong dalawa, just stay here okay?" seryosong sabi ko. "Ako na muna ang bahala, hintayin niyo sila Martin."
"Mahal naman, mas maganda kung lahat tayo.."
"Hindi. Hindi maganda yun. Diyan lang kayo, magtetext na lang ako." pagputol ko sakanya, napatango na lang siya.
Agaran na akong naglakad papasok.
Nang nasa may pinto na ako ay saglit akong napatigil.
"Bahala na." nasabi ko na lang saka dahan-dahang pumasok, hindi na ako kumatok.
Nakita ko yung Kurl na naka-upo lang, malayo ang tingin, halatang nasa kawalan ang isipan.
"Kurl, grabe kanina pa ako kumakatok, nandyan kalang pala sa may sala." magiliw kong sabi habang papalapit sakanya.
I have to do this, kasama sa plano 'to.
Nakita ko lang na napatingin siya sa akin, palihim akong napailing, si Kurl na pulang-pula.
Malamang kinati-kati niya pa yung ulo niya kanina lang, ang gulo kasi eh. Parang si Nicollo lang siya ngayon, wavy hair.
"Alam mo James, maswerte ka." mahinang sabi niya, nakatitig lang siya sa akin.
"Maswerte? Bakit naman?" pagsakay ko.
"Kasi ayos kayo eh, ikaw, si Jerry." tonong pagmamalaki niya. "Independent couple, nasa iisang bubong, walang problema, masaya at malaya."
Saglit akong napatigil sa sinabi niya, halata kasi ang ibig niyang sabihin, na kabaligtaran sila ni Nicollo sa sitwasyon namin.
"Ano kaba, nataon lang yun. Syempre bago kami napunta sa ganito marami kaming pinagdaanan." balik ko.
"Kaya Kurl, tandaan mo na bago kayo maging masayang couple.. dadaan muna kayo sa mga hirap at sakit." dagdag ko pa.
Nag-iwas siya ng tingin, lihim akong napangiti.
Alam kong natamaan siya, atlis nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Saglit na namayani ang katahimikan.
Teka teka.. ano nga ba ang dapat gawin?
"Kurl, matanong ko lang, gaano mo kamahal si Nicollo?" mahinang sabi ko.
Patago ko siyang sinulyapan, nakita ko yung ekspresyon niya na nagpapahiwatig ng sitwasyon niya ngayon.
"Mahal, mahal ko siya, mahal, mahal na mahal." mahinang sabi niya.
Nakikita ko kung paano niya patagong pinupunasan yung luha niya.
Mas pinili ko kasing hindi siya tignan, ayaw kong mailang siya. Kaya kunwari ay abala ako sa kung ano.
"Alam mo yan rin yung lagi kong sinasabi dati. Nung mga panahong medyo bago pa kami ni Jerry." natatawang sabi ko.
Kailangan kong magbalik tanaw kung paano kami nagsimula ni Jerry, ng mahal ko. Para naman matulungan ko itong si Kurl.
"Parang nawala yung sinasabi kong pagmamahal sakanya nung nakita ko siyang may ibang kasama, masakit pa ay babae." pagbigay ko pa ng payak na tawa.
"Alam mo kung saan ko siya nahuli? Dun sa mismong apartment. First day sana namin sa pagiging independent, first day namin nun sana apartment. Kaso hindi eh, first day pala nila ng babae niya sa apartment na yun."
Nakita kong nakikinig lang si Kurl.
"Hanggang sa yun nga at nag-away kami, nakipaghiwalay na nga ako eh, kahit masakit.
Mahal ko parin siya kahit na ganun na ang nagawa niya sa akin.
Araw-araw nun kung pumunta siya sa bahay para maghintay sa akin at magpaliwanag, pero wala, hindi ko siya pinapansin.
Tinrato ko siya na parang wala lang, na hindi ko siya kilala. Kahit na masakit, masakit talaga eh, mahal mo yung taong sinusubukan mong kalimutan.
Eto ang mahirap sa ating mga bi eh, yung mga nakakarelasyon talaga natin ay hindi maiwasang maghanap ng iba, lalo na't kapag babae na ang lumapit." pag-iling ko pa.
"Matagal ba bago mo siya napatawad? Matagal ba bago kayo bumalik sa isa't-isa?" biglang sabi ni Kurl.
Ngumiti, at umiling lang ako.
"Aaminin ko mas pinairal ko yung nararamdaman kong sakit kesa sa pagmamahal ko sakanya, kaya ko siya sinubukang kalimutan.
Pero wala eh, mas nanaig parin yung pagmamahal ko..
Kaya Kurl look, heto kami at masaya, mas naging loyal pa sa isa't-isa.
Mas naging matatag pa kami. Kaya ngayon, tignan mo at sobrang takot sa akin ni Jerry.
Mata ko palang, alam na niya." pagtawa ko pa, saglit siyang napa-isip, saka rin tumawa.
"Kurl, tandaan mo 'to. Mas mahirap kapag pinatagal mo pa. Pero hindi natin masisisi yung mga ganung taong nasaktan, kapag ka kasi talagang nasa sitwasyon kana, mahirap. Na akala mo madali, pero mahirap, kasi masakit." pahabol ko pa.
"Alam mo ang swerte mo nga eh. Tignan mo at nakuha mo yung chinito standard mo. Kaya Kurl, treasure!" pagtono ko pa sa kanta ni bruno m.
"James, may tanong ako." biglang pagseseryoso niya.
Saglit akong nag-ayos ng upo. Si Kurl naman kasi, minsan lang gumanito 'to eh.
"Ge." pagngiti ko.
"Paano kung mapunta ka sa siwatsyong napakahirap, yung bang parang hindi ka nila maintindihan. Yung bang.. parang hindi nila iniintindi na nasasaktan ka. Yung hindi nila alam kung ano yung nasa kaloob-looban mo kung kaya't parang mas pinapamukha nila na tama sila kesa sa'yo, na dahil pinapairal mo na nasasaktan." seryosong sabi ni Kurl, saglit akong napatigil.
Natamaan ako dun ah, kapag ka ganito talagang kaseryoso si Kurl medyo nakakatakot yung dating niya.
"Kurl, hindi ko alam ang sagot diyan. Basta huwag mo lang kakalimutan na concern sila sa'yo, na kaya nila nasasabi yun ay dahil sa gusto nila na hindi kana masaktan pa.
Pero Kurl, kung nasasaktan ka talaga? hindi masama na pairalin mo yang nararamdaman mong sakit.. eh sa nasasaktan ka eh.. basta ba alam mong makabubuti sa'yo yung ganung klaseng pagpapa-iral. Kurl, isa lang masasabi ko, sana doon ka sa hindi ka mahihirapan, yun lang." pagtatapos ko.
Whoah! Natapos din, ang kadramahan ko, haha.
Pasimple ko nang tinext yung mga nasa labas.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Park." mahinang sabi ko.
Ba't nga ba ako nandito sa park? dito sa pwesto na kung saan naging kami ni Kurl.
"Basta kapag nararamdaman mong may mabigat sa'yo, punta ka lang dito. Instant relief, baka nga comfort pa eh."
Naaalala kong laging pinagmamalaki ni Kurl sa akin kapag narito kami sa may ilalim ng puno.
Napatingin ako sa may taas ng puno.
"Nicollo! Akyat na! Ba yan, ang baba lang naman ng puno eh, sa suntukan ang tapang mo tapos sa heights takot ka? Dali na! Akyat na!"
Naaalala kong tonong panlalait at pamumusit ni Kurl noon.
Kapag ka talagang siya ang nang-iinis sa akin ay wala akong nagagawa.
Eh kapag ako naman kasi ang mamumusit sakanya, pikon siya. Alam niyo na, bata. Haha.
Lagi niya akong sinasabihan na parang bata eh mas isip bata siya eh, makapagdabog sobra-sobra, hehe.
Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na naglalakad, papunta sa bahay ni Kurl.
Hindi ko alam kung nagtetext niyan siya, pinatay ko kasi phone ko, nakakainis kasi yung pangungulit ni Clarice.
..
"Yael?" kunot kong sabi nang mapansin yung kapatid ko sa may harap ng bahay ni Kurl.
"Oh pati sila?" nasabi ko pa nang mapansin sila Jerry, Paulo at Martin.
"Nicollo, kanina pa kita hinihintay."
Nakuha ko pang magulat nang marinig ang nagsalita.
Agad ko itong hinarap, si James pala.
"James, nandito karin?" naitanong ko na lang.
"Oo." simpleng sabi niya. "Si Kurl eh, medyo nakakatakot." posturang natatakot pa niya.
"Asan siya? Ano bang nangyari?" agad na sabi ko.
"Hindi ko alam kung tama ba na magpakita ka sakanya ngayon, pero kung gusto mo talaga malaman, then go." pagngiti niya saka na niya ako inakbayan at sinama patungo sa pwesto nila Yael.
"Asan si Kurl? At buti nandito kayo?" pagpansin ko sakanila ng makalapit na kami.
"Yael, s-sorry." agad na sabi ng kapatid ko.
"Sorry? b-bakit? ano bang nangyari?" pag-aalala ko.
"Pasukin mo na si Kurl, para malaman mo." sabi ni Martin.
Tinignan ko lang siya, tumango ito.. kaya naman nagmadali na akong pumasok.
Nang makapasok na ako ng pinto ay walang Kurl akong nakita.
Agad akong nagtungo sa may kwarto niya.
"Kurl..?" mahinang pagkatok at pagtawag ko.
Ba't ako ninenerbyos? Anong nangyayari sa akin?
"Kurl naman eh.." mahinang sabi ko pa.
Hanggang sa agad na nga akong pumasok, nakita ko si Kurl na nasa may higaan niya, nakadapa, natutulog na ata.
"Kurl.." sabi ko habang papalapit sakanya.
"May problema ba?" sabi ko pa nang pagtabi ko sakanya.
"Totoo ba?" nagulat ako sa biglaang pagsasalita niya.
Tinignan niya lang ako ng deretso. Tila binabasa niya ang aking isipan.
"Ano ba yun? Kurl naman eh.. tinatakot mo ako." natatakot ko nang sabi.
Mag-aaway ba kami? No. Ayoko. Ayoko.
"Ba't hindi mo agad sinabi sa akin?" sabi pa niya.
Ba't ganyan yung ekspresyon ni Kurl? Anong bang nangyari? Ayos naman kami kahapon ah.
"Kurl ano ba yun? Wala naman akong ginagawa eh.. Kurl naman.." paghawak ko pa sa kamay niya.
"Alam mo ba kung paano namatay ang mga magulang ko?" medyo matigas na niyang sabi at paghila niya sa kamay niyang hawak ko.
Saglit akong napatigil.
Speechless...
Alam niya? Paano?
"Yael, sorry."
Naaalala kong sabi kanina ng kapatid ko.
S-sinabi niya?
"Nicollo, sorry pero.. ayaw na muna kitang makita." sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.
Teka.. eto ba yun? Eto ba yung sinasabi sa akin ng apat, na kapag nagmamahal ka daw ng tunay ay kapag nasaktan ka, sagad.
Eto ba yun? Yung bang parang pakiramdam mo lahat ng karayom ay lumilipad, patusok sa dibdib mo, sa puso.
Hanggang sa nakita ko na lang ang aking sarili na umiiyak, walang tunog, na tila kusang bumubuhos lang ang aking mga luha.
"Kurl.. huwag ka namang ganyan." tonong pagmamakaawa ko at paghawak ulit sa kamay niya.
"Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?" matigas pa niyang sabi.
"Sasabihin ko naman Kurl eh, balak ko naman.. ipapaalam ko naman sa'yo. Natakot lang ako, Kurl." pagmamakaawa ko pa.
"Nicollo, please.. ayaw na muna kitang makita."
Halos matulala na lang ako sa pilit niyang pagpapaalis sa akin.
Kahit na ayaw ko, dumating parin yung tagpong ito. Ang araw na malaman ni Kurl, na baka kalimutan niya ako.
Tumayo na lang ako at dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan.
Ayaw kong kulitin si Kurl ngayon, ayaw ko kasi na baka lalo lang siyang magalit sa akin.
May mamaya naman, o kaya bukas. Siguro bigyan ko na muna siya ng oras para mag-isip isip.
"Nicollo." napatigil ako sa pagtawag ni Kurl.
"Masakit man pero.. gusto ko nang tapusin ito."
Itutuloy
Ikaw! Maraming Salamat sa pagtitiyaga mo :))
ReplyDeleteShit! Sobrang tragic naman ng chapter natooo.. grabe ang sakit kahit na nagbabasa lang ako. Kung sakin yan nangyari ewan ko na lang kung ano nagagawa ko. Excited for the next update. Hoping na mabilis yung update.
ReplyDeleteMalibognareader ..hahahah
Shocks ngayon lang ako magcocomment. Haha naiyak ako. Huhu ang sakit. Marvs. :'(
ReplyDeletemagulo nga, hehe, pero yae na, maganda pa din,.
ReplyDeleteVic
Magulo nga pero naintindihan naman hehe
ReplyDeletehala! ansakit aman nun! yan kc, hindi paagad kc sinabi. haizt!
ReplyDeleteMatapos na unh love story nila nicollo at kurl how sad naman.......
ReplyDeleteNext chapter pls
Jhay05
eIIII... ANG SAYA..
ReplyDeleteKAasar naman kai si YaEL.
Nicollo and Kurl... ano pa kaya ang magagawa ng bawait isa sa inyo
SAm ngh baguio
Next chap na
ReplyDelete