Followers

Saturday, September 20, 2014

Can't We Try? 21






Athr'sNote-


Hinga ng malalim bago simulang basahin ang napaka-plain na reaksyon ni Kurl.

Badtrip! Hindi ako marunong sa paggawa ng reaksyon, arrgghh!

Kayo na ang bahala! Maraming Salamat po!



Happy reading!


--


Point Of View 

 - K u r l -

Ilang minuto na akong naglalakad at sa wakas ay malapit narin ako kila Nicollo.

Tatakbo na sana ako papasok nang may makitang kotse, sigurado akong hindi kila Nicollo o sa apat ito.

Saglit akong nagtago, saktong may bumabang driver.

May pinagbuksan ito.

Isang babae, sino kaya ito?

Ang ganda ng katawan, itsura palang ay halata na itong mayaman.

Pinsan siguro nila Nicollo?

Nakangiti ito, napatingin ako sa gawi ng nginingitian niya.

Si Nicollo? si Yael? pati yung mommy nila Nicollo?

Ahhh.. baka pinsan nga 'to, kamag-anak siguro.

Pero ba't parang hindi man lang nae-excite sila tita? pati yung magkapatid?

Sinundan ko lang ito ng tingin.

Una itong lumapit kay Yael, yayakap sana ito nguni't agad na umiwas si Yael. Ang sungit na pinsan naman ni Yael.

Sunod kay tita, bumeso ito, si tita parang pilit na ngiti lang. Si tita naman, nagmumukha tuloy siyang maarte.

Sunod kay Nicollo.

Teka..

teka..

Teka.. yumakap yung babae kay Nicollo. Si Nicollo nakatayo lang, parang deadma. Pero atlis, mabait na pinsan siya para sa babae.

Saglit akong napatigil sa sunod na ginawa ng babae.

H.. hinalikan niya sa labi si Nicollo? Aba! anong klaseng pinsan yung babae? P-pwede ba yun sa magpinsan?

Hanggang naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking dibdib. May mali. Tama may mali.


Teka..

Teka..

Walang nababanggit na pinsang darating si Nicollo sa akin ah.

Simula kasi naging kami, lahat ng patungkol sa pamilya nila ay ipinapaalam niya sa akin. Maging sa mga side pa niya.

Ewan ko pero pakiramdam ko may mali talaga.

Muli kong tinignan sila Nicollo.

Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili na naglalakad, tumatakbo, palayo. Palayo sa aking nakita.

 "Ang bilis mong sumuko." pilit ko mang pigilan pero gusto talagang bumagsak ng aking mga luha.

Nang malapit na ako sa bahay ay may nakita akong isang pamilyar na kotse.

Agad ko nang pinunasan ang aking mukha at inayos ang aking sarili.

 "Woy pinsan napano ka?!"

Napalingon ako sa tumawag, nasa may tindahan, si Paulo.

Magkasama pala sila ni Martin.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sakanila.

 "Anong nangyari sa lakad mo?" agad na tanong ni Martin.

 "Something came up, something unexpected." nasabi ko na lang.

 "Hah? Anong ibig mong sab...."

 "Paulo, diba sabi mo kapag sumama tayo kay lolo ay si tita na ang bahala sa school?" agad na pagputol ko sa sinasabi ni Martin.

Hinihingal-hingal pa ako, nagpipigil lang ako pero parang gusto talagang sumabog ng kaloob-looban ko sa aking nakita.

 "Oo, lakas kapit ni mommy eh." balik ni Paulo.

 "Anong nangyari sa'yo?" tanong pa ni Martin.

 "Then what about my access? Passport?" tanong ko na lang.

Focus ako sa pagsama kila Paulo, sa pag-alis.

 "Actually, nilalakad na ni mommy. Just in case kasi na sumama ka."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Paulo. Sakto. Sakto talaga.

 "Kurl what happened?" biglang sabi ni Martin.

Tinabihan ko sila, aga-aga softdrinks ang banat.

 "Napag-isip isip ko na.. mas kailangan ako ni lolo." nasabi ko na lang.

Maski ako naiinis ako sa sarili ko, pilit ko kasing pinapakitang okay ako, pero gusto ko talagang manuntok sa sobrang sakit ng nakita ko kanina.

Parang bang sobrang init ng ulo ko, tapos pati kamao ko napapasabay.

 "Paano si Nicollo, ayos naba kayo?" tanong naman ni Paulo.

 "Saka na, pag-uwi na lang natin." simpleng sabi ko.

 "Kurl diba sabi ko na baka magtatagal tayo dun, doon kasi gagawin lahat-lahat para gumaling si lolo." pagpapaliwanag pa ni Paulo.

 "I know." pagngiti ko. "Martin, may sasabihin ako." pagharap ko pa sa bestfriend ko.

Nakatingin rin lang ito sa akin.

 "Huwag mong ipapaalam sa barkada na aalis kami ni Paulo ah? Lalo na sa kambal." seryosong sabi ko.

 "Ge, sabi mo eh. Hindi niyo ba akong pwedeng isama diyan? Iiwan niyo ako?" tonong pagtatampo pa nito.

 "Paulo, iiwan mo ba siya?" pagharap ko kay pinsan.

 "Aba bakit sakin ka nagtatanong?" agad na sabi nito, defensive haha.
Natatawa ako sa dalawa, mukhang may tinatago talaga sila eh.

 "Well Martin, hindi naman paglilibot ang mangyayari sa amin ni Paulo dun, para kay lolo ang gagawin namin." pag-akbay ko pa sa bestfriend ko, natutunugan ko na ito ng pagtatampo eh.

 "Babalik naman kami, don't you worry my black friend." tonong pa-baby ko pa.

 "Oo na, basta huwag niyo akong sisisihin kapag sa akin nagsitanungan ang lahat ha? Ewan na lang." tonong pagbabanta pa niya.

 "Aba, sira ulo ka talagang maitim ka." pamumusit naman ni Paulo.

 "Aba, ikaw na nga itong mang-iiwan ikaw pa ang may ganang.." inis naman ni Martin.

 "Bahala nga kayong dalawa diyan, mag-aayos na ako ng gamit." nasabi ko na lang saka na nagmadaling pumasok sa loob.

Siyang pagpasok at pagsara ko ng pinto ay siyang pagbagsak ng aking mga luha.

Inis na inis talaga ako sa aking nakita kanina, ang sakit.

Parang gusto kong may mabagsakan itong kamao ko.
Ngayon ko lang ito naramdaman.

Patuloy lang ako sa pag-iyak nang tumunog ang aking phone.

Pagkatingin ko si Yael pala.

Saglit kong kinalma ang sarili bago ito sinagot.

 "Kuya Kurl, it's not what you think." agad na sabi nito.

 "Hah?" agad rin na sabi ko.

Nakita niya ba ako?

 "Kuya Kurl, alam kong nakita mo. Mali yang iniisip.."

 "Kasinungalingan nanaman yan? Pinagtitripan niyo ba talaga ako ng kambal mo?" pagputol ko.

 "Kuya Kurl.."

 "Ano ako bulag? Tanong ko lang, bakit naghahalikan ang dalawang tao? Alam mo ba kung bakit?" may diin ko pang sabi.

Nang hindi siya nagsalita ay saglit akong napatigil, mali ba ako?

Ang sama ko na ba? Nagpapaliwanag yung tao tapos gaganito ako? Kasalanan ko nanaman ba?

 "I'm sorry." nasabi ko na lang saka na binaba ang tawag.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Ako nanaman ba ang mali?

(
flashback


 "Kuya Kurl, nandito ba si kuya? sa'yo siya natulog diba? Wala ba kayong napag-uusapang problema?" paninimula niya.

Saglit akong napapikit.

 "Nako Yael yan lang pala sasabihin mo, akala ko kung ano." pagtawa ko pa, what a relief.

 "Si Nicollo oo nandito kanina, dito kasi natulog yung kapatid mo, nanghiram pa nga ng damit eh. Pero matapos nung almusal namin umalis na siya, uwi na daw siya at may aasikasuhin pa siya." dagdag ko pa.

Napakunot naman siya.

 "Sa bahay? eh kuya Kurl wala siya dun eh, kanina pa ako nasa bahay." naguguluhang sabi niya.

end
)

Hindi kaya? Arrrrhh ang hirap!

Napapikit na lang ako.

Siguro, mas tama nga muna na umalis ako. Na si lolo naman ang pagtuunan ko ng pansin.


-----



Point Of View

 - N i c o l l o -



 "Mommy, ako na po ang bahala. Basta asikasuhin niyo si Kurl." agad na sabi ko kay mommy pagkapasok ni Clarice sa kotse.

 "Yael, kaw na bahala sa kuya Kurl mo okay? Parating na niyan yun, babalik din ako kaagad. Iuuwi ko lang 'tong baliw na 'to." pasimpleng pagturo ko pa sa kotse kung nasan si Clarice.

Agad na akong tumakbo papunta sa kotse ni Clarice.

 "Sir, ihatid niyo po kami pauwi sa bahay ni Clarice." sabi ko sa driver.

 "But Nicollo.. aren't we.."

 "Stop." pagputol ko.

Pagkaupo ko ng kotse ay agad itong dumikit sa akin. Hinayaan ko na lang.

 "Sir sandali." agad na sabi ko sa driver.

Nakalimutan ko pitaka ko, baka hindi ako makauwi nito.

 "Wait." sabi ko.

Agad akong lumabas at tumakbo papasok sa loob.


-----



Point Of View

 - Clarice -



 "Wait." sabi ni Nicollo saka agad na lumabas.

Ano kayang nangyari sakanya?

Hanggang sa napatingin na lang ako sa inupuan niya.

Hmm.. nagpalit na pala siya ng phone.

Kinuha ko ito.

 "Sino 'to?" agad na sabi ko.

Napakunot na lang ako sa aking nakita mula sa wallpaper niya.

Lalaki? Kayakap niya?

Agad kong kinalkal ang phone niya.

Hanggang sa nakita ko na lang sa may inbox niya ang pangalang.. "babyko. Kurl"

 "A guy?" nasabi ko na lang.

Mukhang totoo nga yung nakita ko sa facebook.

Agad kong kinuha yung number nung tinutukoy niyang "babyko. Kurl".

Nang makitang papalapit na si Nicollo ay agad kong ibinalik sa dating pwesto ang kanyang phone.

 "Totoo nga." pagsasa-isip ko. "Isa lang naman ang balak ko, ang manggulo."

Napangisi na lang ako sa naisip.

Kung dati ay pinaglaruan lang pala ako ni Nicollo.

Now it's my turn.


-----



Point Of View

 - M a r t i n -



 "Ge ingat, salamat sa time!" pagkaway ko pa kay Paulo na paalis na.

Nginitian lang ako nito saka na umalis.

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong nagtext.

Message: Jerry, James. May sasabihin ako, pwede ba kayo?

Pagtext ko. Iisang phone lang ang gamit ng dalawa. Hay mga magkakasintahan nga naman oh.

Malaki rin ang naitulong ng dalawa, sila kasi ang unang napagsabihan ni Yael patungkol sa nangyari.

Tinanong ko pa nga si Yael kung bakit hindi siya sa akin nagsabi, dahil daw sa bestfriend ako ni Kurl ay natakot siya sa akin.

Message: Sure, we're free. Anong oras ba?

Reply nila.

Agad kong sinabi kung saan, at anong oras.

...

 "Hindi naman siguro seryoso yan diba?" agad na sabi ni Jerry pagka-upo naming tatlo.

Nasa may SM kami.

Foodcourt, kabubukas lang kaya naman wala pa masyadong mga tao.

 "Kamusta na pala si Kurl at Nicollo? Sa totoo lang mamayang lunch ay balak namin puntahan si Kurl eh." sabi pa ni James.

 "Hindi pa sila ayos eh. Hindi pa kasi nakakapag-usap yung dalawa." paninimula ko.

 "Maliban don, may gusto akong ipaalam sa inyo. Hindi ko rin alam pero sa tingin ko kailangan niyong malaman." pagseseryoso ko.

 "Huwag niyo na lang sanang sabihin kay Kurl na pinaalam ko ha?" tonong pangungumbinsi ko pa sa dalawa.

Tumango naman sila.

 "Well, si Kurl kasi aalis. Kasama si Paulo. Baka magtagal sila sa ibang bansa, kailangan kasi sila ng lolo nila...."

 "Hah? P-paano na niyan yung dalawa? hindi pa sila nagkakaayos eh.." pagputol at reaksyon kaagad ni James.

 "Yun na nga eh, pero naiintindihan ko si Kurl. Nasabi rin niya na kailangan siya ng lolo niya." nasabi ko na lang.

 "Nicollo? Tama si Nicollo?" biglang sabi ni Jerry, paturo-turo pa ito.

Agad kaming napabaling sa gawi ng tinuturo niya.

Oh? Si Nicollo nga?

 "Yung babae? S-sino yun? Nakakapit pa talaga?" sabi pa ni Jerry?

Hindi kaya?..

 "Something came up, something unexpected."

Naaalala kong sabi ni Kurl.

Tama, kanina nung nakita namin siya ni Paulo. Hindi ako pwedeng magkamali, umiyak si Kurl.

Tatayo na sana ako para lapitan si Nicollo nang..

 "Wag." biglang sabi at paghawak pa sa balikat ko ni James. "Martin alam ko iniisip mo, pero huwag ngayon." sabi pa niya habang nakatingin lang kila Nicollo na naglalakad.

 "Pero.."

 "Hindi tayo sigurado, Martin." pagputol pa niya.


-----



Point Of View

 - K u r l -



 "Aba, ang aga niyo naman." gulat kong sabi nang makita sina Jerry at James sa may sala, kasama si Martino.

 "Oo eh, nag-aalala kasi kami. Kamusta na Kurl?" agad na sabi ni James.

Napangiti na lang ako. May mga kaibigan pa nga talaga ako.

 "Ayos lang." simpleng balik ko.

Kahit na.. katatapos ko lang magdrama sa loob ng kwarto.

 "Sa amin kapa nagsinungaling, si Nicollo, kayo. Kamusta na yung problema niyo? Nagkaayos naba kayo?" sabi naman ni Jerry.

Mukhang hindi nga talaga ako makakapagsinungaling sakanila.

Si Martin naman ay tahimik lang. Parang may kung anong iniisip.

 "Gusto ko sana kayo makasama, pwede ba kayo ngayon?" pagtabi ko pa sakanila.

 "San tayo pupunta?" kunot naman ng dalawa.

 "SM, treat ko." masayang sabi ko.

 "H-hah? Doon? Eh nandun si.." mula sa pagsasalita ay napatigil si Jerry.

Agad siyang tumingin kay James at madaliang tinakpan ang kanyang bibig.

 "Sorry." natatakot niyang sabi kay James.

Si James naman, nanlalaki ang mata.

 "Ano yun?" inosente kong tanong.

Kahit kailan, parang ewan talaga ang dalawang ito.

 "Yan, ikaw nagsimula kaya ikaw magsabi." inis pa ni James kay Jerry.

Umiling lang si Jerry.

 "Nakita namin si Nicollo kanina, may kasamang babae." biglang sabi ni Martin.

Speechless.

Sa sobrang dami na ng nangyari, hindi ko na alam kung paano magrereact.

 "Talaga?" nasabi ko na lang.

 "Aba Kurl, wala kabang ibang reaksyon maliban diyan?" gulat ni James.

Totoo nga ay marami, nag-iinit nanaman nga ang dibdib ko eh.

Ayaw ko lang ipakita sakanila, tama na. Paalis narin ako. Ayaw ko nang mag-alala pa sila.

 "Sa totoo lang, nakita ko rin. Medyo mas kakaiba nga lang ang nakita ko." paninimula ko.

 "Kanina dapat makikipag-ayos na ako, akala ko masayang Nicollo ang makikita ko dahil sa hinihintay niya ako, iba pala." pilit na pagngiti ko pa kunwari. "Nahihiya nga ako sa mommy nila eh, ako 'tong tumawag at nagsabing pupunta, pero hindi na ako tumuloy."

Magaling na ako sa ganito, yung pagtatago ng nararamdaman.

Tignan niyo, gusto kong umiyak, pero pinipigilan ko lang. Mag-aalala lang lalo 'tong mga 'to eh.

 "Sira ulo pala yang Nicollo na yan eh, ano yun bumigay kaagad? Sumuko?" biglang sabi naman ni Martin, tono palang halata nang naiinis.

 "Martin, katulad nga ng sinabi ko kanina.. hindi tayo sigurado.."

 "Stop, tama na. Pwede bang lumabas na lang tayo? Tara?" pagtayo at pagngiti ko pa.

I have to do this, kung sukuan rin lang, then sige.

Napatigil na lang ako nang magvibrate ang aking phone, may nagtext.

Unknown number? Sino 'to?

Binasa ko na lang.

Matapos ko itong basahin ay saglit akong napaisip.

 "Guys." pagharap ko sa tatlo. "Alis na muna ako, importante lang. Diyan lang kayo, wala man akong isang oras na mawawala." pagngiti ko saka agaran nang lumabas at umalis.

....


@ Coffee Shop


 "Ikaw pala si Kurl?" agad na sabi ng babaeng nasa harapan ko.

 "Oo ako nga." nasabi ko na lang.

Kung hindi ako nagkakamali, siya yung babae kaninang umaga, yung pinsang nanghahalik!

 "Well, mas gwapo ka pala sa personal." biglang sabi niya.

Hindi ko siya magawang tignan ng deretso, naiilang kasi ako.

 "Ahm.. pasensya na pero ba't moko gustong makausap?" nasabi ko na lang.

 "May gusto lang akong sabihin. Tungkol kay Nicollo, alam kong kilala mo siya." pag-iba bigla ng tono niya.

Tinignan ko siya.

 "Hindi ko alam kung ano ang meron kayong dalawa, pero gusto ko sanang ipaalam sa'yo kung ano ang meron kami." pagngiti pa niya. "Kilala mo ba ako? Naipakilala naba niya ako sa'yo?"

Umiling lang ako.

 "Ako lang naman si Clarice, girlfriend ni Nicollo."

Hindi ko maintindihan pero, ang sakit. Yung bang gustong-gusto kong ipagsigawan sa mundo na nasasaktan ako pero hindi ko magawa.

Girlfriend? Girlfriend siya ni Nicollo?

Hindi ko masasabing nagsisinungaling siya, eh sa hinalikan niya si Nicollo kanina eh. Nakita pa sila nila Martin sa mall na magkasama.

 "Alam mo Kurl, medyo hindi ako napagtutuunan ng pansin ng boyfriend ko dahil sa'yo. Hindi ka naman siguro magagalit kung sasabihan kitang dumistansya?"

Speechless.

Wala, wala akong masabi.

Masyado akong naguguluhan.

Masyado akong nagulat sa mga nalaman.

 "By any chance, nabanggit ba sa'yo ni Nicollo kung bakit ako umuwi?"

Umiling lang ako.

Hindi ko magawang magsalita, tila tanging pumapasok lang sa aking isipan ay ang realidad.

Realidad na ang babaeng nasa harap ko ngayon ay ang taong girlfriend pala ni Nicollo.

  "Kung sabagay, kauuwi ko lang. Well, Kurl, ayos lang ba sa'yo ang sinabi ko? na lumayo ka?" pagngiti at pagtitig pa niya sa akin, parang insulto ba.

Napatango na lang ako.

 "O-oo, ayos lang. Pasensya na." halos mautal ako pero pilit kong kinakalma ang aking sarili.

Hindi tama na dito ako magreact o magdrama.

Kung makikita niyo ako, parang wala lang akong reaksyon o ano.

Siguro maraming maiinis sa akin, lalo na sila Martin, hindi ko man lang kasi ipinaglalaban ang meron kami ni Nicollo.

Pero wala eh, babae 'tong nasa harap ko. Si Clarice, girlfriend siya, nauna siya. Kumbaga, laro nga lang siguro yung sa amin ni Nicollo.


-----



Point Of View

 - P a u l o -



Message: Kurl pinsan, the day after tomoro, ang alis natin, madaling araw.

Pagtext ko kay Kurl.

Nakaayos na lang lahat, wala ng problema.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon, pinangakuan ko si lolo na sasamahan ko siya, kahit gaano pa kami katagal doon.

Basta ba lumaban at magpagaling siya. Yun lang.

 Abala na ako sa pag-aayos ng gamit. Parang bakasyon nanaman ito.

Mabuti at hindi ito tulad ng dati. Ngayon iba ang pupuntahan ko, kasama ko pa si lolo at Kurl.

Napatigil na lang ako sa pag-aayos nang may nagtext.

Message: Bantayan mo yung bestfriend ko dun ah? Yari ka sakin kapag may nangyari sakanya.

Text ni Martin.

Paulit-ulit na lang siya.

Napangiti na lang ako.

Kahit ganun kasi ang sinasabi niya, ang gusto niyang ipunto ay ang pag-alis namin.

Gusto kasing sumama, ang kulit eh.

Message: May skype, facebook, video call, at maraming marami pang iba!

Reply ko.

Natawa na lang ako. Kulit kasi eh.

Agad naman itong nagreply.


Message: Gusto ko sana na makapag-usap tayo, bago kayo umalis. Yung seryoso.

Napa-isip ako sa sinabi niya.

Seryoso daw?

Eh kung magseryoso rin kaya ako?

Tapos sabihin ko na?


----



Point Of View

 - N i c o l l o -



 "Yael....!!"

Malakas na pagsigaw ko habang papasok sa bahay.

Kauuwi ko lang, nagpasama pa talaga si Clarice sa mall.

Hindi ko naman kasi matanggihan ang daddy niya. Nakikiusap eh.

 "Manang si Yael? Pati si mommy? May dumating bang bisita?" agad na tanong ko kay manang nang makasalubong ko ito.

 "Si mommy mo umalis na, may meeting." balik nito. "Tapos si Yael nasa taas."

Mukhang hindi ata dumating si Kurl.

Agad na akong dumeretso sa taas, sa kwarto ni Yael.

 "Yael?" pagkatok ko.

 "Pasok." agad na balik nito.

Kaya't pumasok na nga ako.

 "Si kuya Kurl mo? dumating ba? nakausap niyo ba? anong nangyari?" sunud-sunod na tanong ko habang papalapit.

 "Wala eh, hinintay ko pero hindi dumating." pag-upo pa niya. "Yael, puntahan mo na. Ikaw rin baka naghihintay lang yun."

Napaupo rin ako.

Eh natatakot talaga ako kay Kurl eh.

Ano bang dapat gawin?

Hanggang sa naramdaman ko na lang na nagvibrate ang aking phone.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

Message: Nicollo, gusto sana kitang makausap. Hintayin kita sa bahay. 6pm.

Halos mapatalon ako sa tuwa!

 "Araaaaayyy....!!" malakas na pagsigaw ni Yael.

Dinadaganan-daganan ko kasi eh.

 "Napano ka?" inis pa niya.

Agad kong binigay yung phone ko, tinignan naman niya.

Iba-iba naman yung reaksyon niya..

Magugulat, lalaki yung mata, hindi makapaniwala.. matutuwa.

 "Yael, what to do? Wait.. wait.. wait.." sabi pa niya na parang natataranta.

 "Flowers? Chocolates?" ngiti pa niya.

Binatuhan ko naman kaagad siya ng unan.

 "Sira kaba? Gusto mong binugbog ako ng kuya Kurl mo?" agad na sabi ko.

 "Ahmm.. chocolates na lang. Yun pwede yun, yung piiiiiiiiinakamalaking toblerone." sabi naman niya. "Diba kapag nasa mall kayo yun lagi pinapabili niya?"

Napatango na lang ako, tama siya.

 "Oo nga noh?" nasabi ko na lang. "Peace offering." pagngiti ko pa.

 "Tara samahan mo ako sa mall, bibili rin ako ng teddy bear, yung katulad ng binili niya sa akin." agad na sabi at paghila ko pa sakanya.

Panigurado matutuwa si Kurl nito, sasagarin ko na ang pakikipagbati.

Miss ko na yung pikon na yun.


-----



Point Of View

 - K u r l -



 "May tiwala ako sa'yo, alam kong lalayuan mo siya, para sa amin."

Naaalala kong sabi pa nung Clarice bago niya ako iniwan sa coffee shop.

Katetext ko lang kay Nicollo.

Sabi ko na puntahan niya ako sa bahay, ala-sais ng hapon.

Nagtext rin si Paulo kung kailan ang alis, bale malapit na kaming umalis niyan.

Kaya ko sinabihan si Nicollo na pumunta ay para tapusin ko na yung sa amin.

Girlfriend na niya nakiusap. Wala akong laban dun.

Kawawa rin naman kasi yung Clarice, umiyak pa eh.
Mahal na mahal niya daw si Nicollo.

Ang hirap tanggihan, babae yung lumapit eh.


-----



Point Of View

 - M a r t i n -




 "Hah? Alam mo ba ginagawa mo?" agad na sabi ko sa bestfriend ko.

Sa totoo lang, naiinis na ako sakanya. Pinapahirapan nanaman niya ang sarili niya eh.

 "Kurl, sigurado kaba?" sabi ko pa.

Tumango lang siya, habang malayo ang tingin.

 "Kurl, masyado kang plain. Alam mo ba yun? Parang wala lang sa'yo yung mga nangyayari.

Parang basta-basta lang sa'yo yung sitwasyon niyo ni Nicollo.

Oo naiinis ako diyan sa Nicollo na yan, pero katulad nga ng sinasabi ni James, wala tayong alam.

Kurl, ano ba? Nakikinig kaba?..."

Napatigil na lang ako sa pagsasalita nang makita ang mukha niya.

 "Kurl naman eh, hindi naman kita inaaway." paglapit at pagyakap ko pa.

Umiiyak na pala siya. Si Kurl talaga kapag hindi niya alam ang gagawin idadaan niya sa iyak.

 "Ikaw anong gagawin mo? Kapag babae ang lumapit sa'yo at nagmakaawa, tapos umiyak pa. Bilang lalake, anong gagawin mo?" rinig kong sabi niya.

Napatahimik na lang ako.

Kung makapagsalita ako kanina, hindi ko man lang inisip yung nararamdaman niya.

Hindi nga pala ako yung nasa sitwasyon. Kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya.

 "Edi yun na nga ang desisyon mo? Bibitawan mo yung taong mahal mo.. kahit na masakit at labag sa'yo?" naitanong ko na lang.

 "Tatapusin ko na. Lahat, lahat-lahat."


----



Point Of View

 - K u r l -

5:30pm



 "Kurl, kaya mo yan." determinado kong sabi.

Katatapos ko lang mag-ayos at maglinis ng bahay.

Maya-maya lang darating na si Nicollo.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin, basta ang alam ko, nakapagdesisyon na ako.

Tatapusin ko na. Yun lang.

 "Kurl......?"

Mula sa pagkakahiga ay napatayo ako sa narinig.

Si Nicollo? nandyan na? ang aga naman niya.

Agad akong tumakbo papalapit sa may pintuan.

Hanggang sa napatigil na lang ako nang mahawakan ko ang bukasan ng pinto.

Pagkasabik, tuwa, ngiti.

Napatigil ako nang mapansin ko sa aking sarili ang mga yan.

 "Erase. Erase. Erase. Mali. Mali." sabi ko pa.

 "Kurl, tatapusin mo na ang lahat okay.." pahabol ko pa saka inayos ang aking sarili.

 "Kurl...?" rinig kong pagtawag pa ni Nicollo.

Huminga muna ako ng pagkalalim-lalim bago tuluyang binuksan ang pinto.

 "Kurl!" magiliw at napakasayang sabi niya.

Halos manlambot ako nang makita siya, ekspresyon niya, pati na mga dala niya.

Toblerone, yung pinakamalaki pa talaga. At isang teddy bear na maliit na katulad ng ibinigay ko sakanya.

 "Sensya na kung dumeretso ako kagad dito, hindi ko na kasi mahintay yung oras eh." sabi pa niya.

 "Nicollo.."

 "Para sa'yo." agad na sabi niya saka inabot sa akin yung chocolate.

Mukhang magagamit ko nanaman yung talent ko, sa pagpigil sa pag-iyak, lalo na ang paglaro ng ekspresyon.

Nakita ko na lang ang sarili na inaabot ito.

 "Kurl, kaya mo ako tinawag kasi ayos na tayo diba?" masayang sabi pa niya. "Bati na tayo diba?"

Hindi na ako sumagot at naglakad na lang papasok, sa may sala.

 "Kurl, namiss kita. Ayos na tayo diba? Hindi kana galit sa akin?" sa narinig kong iyon ay agad ko na siyang hinarap.

 "Nicollo, sorry." mahina at pilit na pagpigil ko sa sarili na mapaiyak.

Saglit siyang napatigil, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

 "Kurl naman, wag namang ganyan oh..." tonong nagmamakaawa pa niya.

Sa nakikita at naririnig ko ngayon, alam kong ano mang oras ay bibigay rin ako, lalo pa't nanghihina ako sa ekspreyong nakikita ko kay Nicollo.

Kaya kailangan ko nang gawin ang dapat gawin.

 "Nicollo diba sabi ko tapos na tayo, hindi mo ba yun naiintindihan?" pag-iba ko ng tono.

Kailangan ko itong gawin.

Nagulat na lang ako nang makita ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.

 "Ba't tumawag ka sa bahay? Ba't sabi mo pupunta ka? Kurl.. naghintay kami. Pero wala, ano yun? Gumaganti ka ganun?" pag-iba narin niya ng tono.

Saglit akong napatigil at napaisip.

 "Kuya Kurl, mahalin mo si Yael kahit sira ulo siya ah? Katulad nga ng sinabi ko, ikaw palang ang minahal niya ng tunay."

 "Kurl, pangunahan lang kita. Mainitin yang ulo niyan, hindi lang halata dahil takot sa'yo yan."

 "Si Nicollo isa rin yang masakit magsalita kapag galit, tignan mo at nasuntok niya ako nang magselos siya kay Paulo. Kaya Kurl, kung maaari, patinuin mo yan."

 "Kurlo, alam mo bagay nga kayo ni Nicollo. Kapag nagagalit, medyo nag-iiba ang awra."

Pag-alala ko sa mga sinabi sa akin ng barkada.

Mukhang heto at nakikita ko ang Nicollo na tinutukoy nila.

 "Nicollo, kung yung problema sa pamilya natin ang tinutukoy mo, wala na yun. Ayos na ang lahat sa akin." medyo napahinahon ko nang sabi.

 "Talaga? Ayos na ang lahat? Then how come na galit ka parin sa akin? Kurl ba't ganun? Kung ayos na pala yung isyu dati, ba't hanggang ngayon galit ka parin sa akin?" medyo may diin at malakas na sabi niya.

Speechless.

Eto ba ang sinasabing resulta ni Martin sa maling desisyon ko?

Sa napaka-plain kong reaksyon sa mga nangyayari?

"Kurl ba't mo ako iniiwan ngayon? Sagutin mo naman ako Kurl..!" sabi pa niya.

Napatulala lang ako.

Hindi ako galit dahil sinisigawan niya ako.

Nagagalit ako dahil sa nagagawa niya akong sigawan dahil sa mga sinabi ko, sa katangahan ko, sa hindi ko paglaban ng meron kami.

 "Yan tayo Kurl eh, idadaan mo sa iyak. Palibhasa alam mo kasi kung paano ako palambutin eh."

Pilit ko mang patuloy na punasan ang aking mga luha ay siya paring kusang pagbaba ng aking mga luha, dahil sa nakikita, nararamdaman at nangyayari.

 "Kurl naman oh.. please, bakit? bakit iiwan mo ako? Anong rason Kurl? Kurl sumagot.."

 "Clarice." simpleng sabi at pagputol ko.

Siya naman ang napatigil, gulat.

 "Girlfriend mo, diba? Nicollo ba't ganun? May girlfriend ka pala? Ano 'to? Gaguhan?! Ha?!!" medyo napalakas ko nang sabi.

 "Naaalala mo ba nung tinanong mo ako kahapon, yung desisyon ko, yung gusto kong mangyari sa relasyon natin, sa atin?" pagtitig ko lang sakanya ng deretso.

(
flashback


 "Ngayon Kurl, anong gusto mong mangyari sa atin." mahinang sabi ni Nicollo.

 "Tama ka, kung ano yang iniisip mo, tama ka." walang kaemo-emosyong tugon ni Kurl.

 "Gagawin ko 'to, para sa'yo. Kurl, lalayo ako para sa'yo. Basta lahat ng gagawin ko, para sa'yo." huling sabi ni Nicollo bago siya tuluyang lumabas.

end
)

 "Nang sinagot kita ay ayos na ang lahat eh." pilit na pagkalma ko sa sarili, gusto ko kasi na masabi lahat sakanya ng maayos.

 "Akala ko pagkatapos kong sagutin yung tanong mo yayakapin mo ako, na akala ko alam mong hindi kita kayang ipagtabuyan o iwanan, pero wala eh." may diin ko pang sabi.

 "Si Clarice, kilala mo siya?" biglang sabi niya.

 "Kaninang umaga, dumating ako. Pumunta ako sa inyo, pero hindi na ako tumuloy." sabi ko habang sa iba na nakatingin.

 "Kurl, n-nakita mo?" agad na tanong niya.

Tumango lang ako.

 "Kurl, mali yang iniisip mo. Hindi ko siya girlfriend.. maniwa.."

 "Ano nanamang kasinungalingan yan ha? Ano 'to? Gaguhan talaga? Maglilihim ka nanaman sa akin?" muli, pagtaas nanaman ng boses ko.

 "Kurl ba't hindi mo ba magawang makinig at magtiwala sa akin? Kurl nahihirapan na ako." 

Eto ang ayaw ko sa lahat eh, umiiyak nanaman si Nicollo.

 "Pero Nicollo kasi eh, may girlfriend ka. Anong laban ko? Hindi ako yung nauna eh, kumbaga parang laro lang ako, diba?" nahihirapang sabi ko pa.

Kailangan ko nang tapusin. Alam kong pabigay na ako eh.

 "Kurl, maniwala ka sa akin. Hindi ko siya girlfriend.. hayaan mo naman akong magpaliwa"

 "Nicollo, tapos na tayo kaya hindi mo na kailangan pang magpaliwanag." pagputol ko saka na tumalikod. "Umalis kana, nakikiusap ako."

Katahimikan.


Katahimikan.



 "Ang sakit mo naman magsalita Kurl, parang wala lang yung pinagsamahan natin." biglang sabi niya.

 "Ayaw ko na, pagod na ako. Ang sakit Kurl, napakasakit. Ba't nasasabi mo ang mga yan, samantalang alam mo naman na hindi kita kayang lokohin at ipagpalit."


 "Eto nanaman tayo. Pero sige, sabi mo eh."


Hanggang sa ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng pagsara ng pinto.

Pagkasara ay siyang pagharap ko sa may pintuan, kung saan lumabas si Nicollo.

Pinagmasdan ko lang, na tila pilit na tinatanggi ang mga nangyari, ang mga nasabi ko.

Hanggang sa napahagulgol na lang ako sa sakit.

Ano nanaman ba 'tong ginawa ko? Ano nanamang katangahan ito.

 "Patawad Nicollo, patawad."

Paulit-ulit kong sabi.

Mga ilang minuto bago ako tumahan, dala na rin ng pagod kaya siguro kusa rin akong tumigil sa pag-iyak.

Nang ramdam kong medyo kalmaldo na ako ay tumayo ako mula sa pagkaka-upo.

Agad kong kinuha ang aking phone para magtext.

Message: Paulo, pasundo. Ngayon na.




Itutuloy


Dalawang Chapters na lang! Salamat po!

3 comments:

  1. Amg mabuti kay Kurlo aysampalin hanggang matauhan. Bakit tayonh mga Pilipinonmataasb ang pride? Mali naman. Thanks da update Mr Author. Ang galing mo . Take care. God Bless.

    ReplyDelete
  2. Bakit ang bilis matapos mg ending

    Jay05

    ReplyDelete
  3. Malapit na pala itong matapos. Abang-abang na lang pag may time.. lollol

    Nice one Mr. Author!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails