GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
Authors note: super busy talaga guys hehehe.. Dont worry. Napapagod na ko kaya konti nalang hindi na ko magiging busy ehhehe but for now kaya ko to hehe.. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa story hehe mwuah mwuah,. At sa mga bitter.. Booo..hindi kayo si chris kaya pwede magmove on kayo! Acceptance.. haha joke.. Kung ayaw niyo magbasa.. Its a choice.. Ok ok ok hehe.. Di ko talaga kaya yung twice a week na update hehe.. Konti lang yung oras ko eh kaya pasensya na.. Love love love lang ingatz olwiez..sali kayo sa group.. More pictures of thecharacters.. And kwentuhan
Or add me sa fb
SI GEO
Pagpasok ko palang ng gate ng bahay nakita ko na si blue saka si kuya aldred na naguusap sa harap ng front door napalingon naman sila sakin.
" san ka galing geo.?" tanong ni kuya aldred.
" sa park lang kaboring dito eh." ngiti ko. " hi blue... Wag mo ko titigan baka mapansin ka ni kupido panain ka.?" biro ko sinimangutan naman ako ni kuya aldred.
" sapak gusto mo.?"
" Ano yang hawak mo.?" saad ni blue tiningnan ko naman yung hawak ko.
" Mani NI aling tinay.. Gusto niyo.?"
" kala ko ba sa park ka.. Eh malapit sa plaza yun di ba.?"
" May branch na sila sa park kuya.. Kanina lang tinayo." natatawang saad ko saka pumasok sa bahay.
" baliw!" sigaw pa ni kuya aldred natawa lang ako saka dumeretso sa kwarto ko.. Sabi ni chris wag na daw ako magpalit..aixt sige na nga.. Napansin ko naman yung pink na helmet sa ilalim ng kama ko.. Eto na ang karugtong ng magiging love story namin.. Wait ka lang jan pink helmet.. Kasi ngayon gabi.. Ikikiss ko sya..! Hahaha natawa lang ako sa naisip ko. Nagmamadali naman ko naman kinuha yung wallet ko saka muling lumabas ng kwarto.
" tita ems.. May pupuntahan lang ako.." sigaw ko ng marinig sa kusina yung mommy ni kuya aldred.
" magingat ka geo.. Umuwi ka agad.!" sigaw din nito.
" sure tita." saad ko pa saka lumabas ng bahay.. " bakit ayaw niyo pumasok..?" saad ko kala kuya aldred.
" papasok na nga eh.." simangot ni kuya aldred. " saan ka pupunta.. Wag mo gamitin yung motor ko huh."
"no kuya hindi.. Maglalakad lang ako.."
" saan ka pupunta geo.?"
"bakit gusto mo sumama blue.. Tara bilis..?" ngiti ko.
" saan ka nga pupunta.?"
" Sa destiny ko." saad ko saka tumalikod pero nagulat ako ng hilahin ni kuya aldred yung damit ko.. " kuya ano ba masisira yung damit ko.?"
" tinatanong kita kung saan ka pupunta.?"
"ay tanong ba yun sabi ko sayo diba lalagyan mo ng question mark sa dulo..?" pilit na ngiti ko.
" saan ka pupunta question mark." natatawang saad ni blue..
" pupunta ako sa past mo para makarating sa future ko." ngiti ko kay blue..kumunot naman yung noo niya.
"ano.?" saad ni kuya aldred..
" haixt kuya aldred.. Araw araw kayo magkasama ni blue kahit konti ba hindi man lang tumaas ang IQ mo.?"
" gago..! Ayaw mo sumagot ng maayos.. Saan ka nga pupunta.?"
" wala uling question mark eh.. Di ko tuloy malaman kung nagtatanong ka kuya.?"
"fuck you.. Umalis ka na nga!" tulak sakin ni kuya aldred natawa naman ako saka nagmamadaling lumabas ng gate..nagmamadali lang akong naglakad hanggang makarating sa kanto kung saan nakaparada yung motor ni chris.. Naabutan ko lang sya dun na kumakain ng fishball..
"wow masarap yan ah." bungad ko sa kanya..
"yeah gusto mo..?"
"no wag na.." ngiti ko.
" nagpaalam ka na..?"
"yeah.. Nandun si blue saka si kuya aldred.."
"sinabi mong kasama mo ko..?"
"hindi.. Sabi mo wag kong sabihin eh.. Saka hindi din ako papayagan ni kuya aldred kapag sinabi kong ikaw ang kasama ko kaya wga na.."
" yeah.. Tama ka." saad niya tinapon niya lang yung stick ng fishball saka sumakay sa motor niya.
" mahilig ka sa street food.?"
" uhm dati hindi.. pero ngayon gustong gusto ko na.. Dami kasing nagtitinda nun sa harap ng school eh."
" wow really... Kakain din ako niyan soon."
" dapat lang..umiinom ka ba ng alak.??"
" Oo naman.. Tara na.. Magparty na tayo." saad ko saka sumakay sa likod niya.. Sisiguraduhin kong itong gabing to ay magiging A NIGHT TO REMEMBER..getting closer..!
Ilang minuto din yung tinakbo ng motor ni chris hanggang lumiko to sa mas maliit na kalsada..nilibot ko lang yung paningin ko sa bawat dinadaanan ng motor niya.. Kita dun yung mga taong naglalakad sa gilid .. Mga batang naglalaro.. may mga matandang nagchichismisan sa harap ng tindahan.. Magkakabarkdang naglalaro ng basketball sa kalsada.. May ilang kalalakihan na may mesa sa gilid ng kalsada habang may bote ng alak..Nasaan ako..? seriously.. Haha. Napansin ko lang na napapalingon sila tuwing tatapat yung motor ni chris sa kanila. Nakakailang yung mga tingin.. Aixt.. Its like nasa ibang mundo kami.? Sa tv ko lang to napapanuod patay ako kay mommy nito kapag nalaman na pumunta ako sa ganitong lugar..
" chris safe ba talaga tayo dito.?"
" I think so." rinig kong saad niya..
"You think so.??? gago ka chris lagot ka kay kuya aldred kapag napahamak ako."
" don't worry.. If and only if.. Magkasama tayong mapapahamak.." natatawang saad niya.. Shete to mukhang hindi sure na safe kami dito.. Eh pano kung mapagtripan kami ng mga adik dito..di pa ko ready mamatay..or kung mamatay man ako ngayon pwede bang isang torrid kiss muna kay chris..?haha aixt..napalunok lang ako ng mapagmasdan yung batok ni chris.. Aixt ang puti puti.. Ang linis talaga ng balat niya...hanggang tumigil kami sa tapat ng isang bahay.. I mean hindi tapos na bahay hahaha.. Hallowblocks lang. ni walang pintura. Bumaba naman ako ng motor.
" dito chris..?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.
" yeah dito.. Yan ang bahay nila CJ.. Ang ganda noh." ngiti niyang nakatingin sa bahay..napangiwi lang ako.. Maganda..? Saang banda.. Sarap niya bigyan ng pagpagawa ng bahay..hahaha joke lang..
" sure ka ba na bahay yan.?"
" OO naman.. May bubong naman ah.?" napakamot naman ako sa ulo.. Sabagay may point sya.
" eh asan yung party..? Parang wala naman.?"
" I think sa kabilang bahay.." lingon niya sa tabi ng bahay ng tiunutukoy niyang cj.. Aixt mukha ngang may something dun,.. May naririnig akong videoke.
" hindi naman pala sa kaibigan mo yung party bakit pupunta ka.?"
" pinapunta ako ni CJ eh.?"
" so kapag sinabi niyang tumalon ka sa building.. Tatalon ka.?"
" hindi naman.."
" tapos sinama mo pa ko.. Envited ka ba jan.?"
" hindi.." maikling saad niya.
" what..? Edi magiging gate crasher tayo niyan.?"
" wala namang gate yung kabilang bahay eh." natatawang saad niya.. Napakamot naman ako sa ulo. Sabagay may point uli sya haha. " ok lang yan.. Minsan ganito naman talaga eh.. Hindi ka nga envited sa party magsasama ka pa ng isa pang hindi envited..gayan tayo eh." natatawang saad niya. "Gate crash.? parang love minsan makikisali ka sa love story ng iba kahit hindi ka naman talaga invited." nakonek niya talaga sa love huh..
" chris huh.." seryosong saad ko na nakatitig sa kannya.
" relax.."
" bakit spa ba yung pupuntahan natin para magrelax ako..?"
" I mean kalma ka lang.?'
" kinakabahan ako eh.."
" kasama mo ko di ba.. Hindi naman kita papabayaan..?"
" sure ka.?"
"yeah .. Oo naman.." ngiti niya.. Shit ang sarap.. Naglakad lang sya papasok sa bahay nung sinasabi niyang CJ.. Pinagmasdan ko naman sya.. Parang hindi sya bagay sa lugar na to.. " oy tara na baka mapagtripan ka ng mga adik jan." tawag niya sakin.. Agad naman akong sumunod sa kanya.. Haixt.. Nagtaka lang ako ng basta pumasok nalang si chris sa bahay..
" hi tita.. Si cj po..?" rinig kong saad niya pagpasok... Lumapit naman ako sa pinto.. Nakita ko lang yung kausap ni chris na matandang babae na may subo subong yosi.. Mariin ko lang tong pinagmasdan.. Halos kita na yung mga buto nito sa sobrang payat haha..
" nasa kabilang bahay chris."
" uhm ganun po ba.." saad niya saka umupo sa sira sirang sofa na andun.. My god dapat jinajunkshop na yung upuan na yun parang puro alikabok at backteria na.. " geo tara dito..?"
" ako..?" turo ko sa sarili ko..aixt malamang ako.. Eh pangalan ko yung sinabi niya haha. Natawa naman sya saka tumango..
" uhm tita Bing may kasama ako.. Friend ko.."
" pasok ka." ngiti nito ng makita ako.. Pilit lang akong ngumiti saka pumasok at tumabi kay chris sa upuan.. Aixt feeling ko anytime masisira na yung upuan. " mukhang mayaman din yang kasama mo chris ah." saad nito.
" uhm yes tita.. Pero don't worry mas jologs to sakin." saad ni chris na inakbayan ako.. Sino daw jologs ako..? Parang hindi naman.. Pero teka.. Nakaakbay sya sakin..? Relax geo relax.. Heart behave.. You behave..!!
" ok yun iho.."
"antayin nalang po namin dito si cJ.."
" text mo para alam na andito na kayo.."
" yes po.." saad ni chris.. Tinanggal niya lang yung kamay niya sa balikat ko saka kinuha yung cellphone niya sa bulsa..natigilan lang ako ng makita yung itsura ng cellphone niya.. Grabe ang yaman yaman nila bakit lumang model gamit niya..anong ginawa nila kay chris..? Haha.. Ang tingin ko sa kanya dati parang takot sa dumi.. Ang linis linis.. Tapos ngayon nakaupo sa sofa na di ko alam kung pwede pa nga ba upuan.. Tapos yung cellphone niya parang konti nalang susuko na.. Nakapa ko naman yung cellphone ko sa bulsa.. Nakakahiya naman ilabas to. " antayin natin si CJ dito." saad pa niya pagbalik ng cellphone sa bulsa niya. " ok ka lang ba.?"
"yeah oo naman.." ngiti ko pero hindi talaga ako okay ! Haha nagwawala yung heart ko...! Nilibot ko lang sa loob ng buong bahay na yun yung mata ko.. Ang daming gamit.. Ang gulo gulo.. May mga nakasampay na damit kung saan saan.. Yung sahig parang hindi nasasayaran ng walis tambo.. May mga bote ng alak sa gilid.. Makikita mo din yung lababo.. At kung ano anong kaldero..
" iho wag kayong mahiya huh.. Maliligo lang ako.." saad nung matandang babae.. Haixt buti naman marunong maligo hahha.. May inabot lang tong tuwalya saka pumasok sa cr..
" mommy yun ni Cj.. Ang astig nun." ngiti niya.
" chris..?" lingon ko sa kanya.
"yeah.?"
" ikaw pa ba si chris..?"
" yeah oo naman.. Why.?"
" sure ka.. Di ko lang expected na pumupunta ka sa ganitong lugar..alam mo yun.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya.
" Actually ilang beses palang ako nakapunta dito.. Enjoy naman simula nung nagaral ako sa public ang daming kong bagong naexperience.. Like yung ganito.. Walang sosyal na party.. Yung tipong inuman lang enjoy na."
" lasengero ka na.?"
" hindi naman.. Basta pag may inuman sama lang ako..may place kaming tambayan nila Cj pag gusto namin maginom."
" lasengero ka na nga.."
" fine.. Siguro.. Pero sabi nga ni mommy drink responsibly.." ngiti niya.. " responsible naman ako.."
" really.."
" eh ikaw mahina ka ba sa alak.?"
" beer..? Mga dalawang bote siguro.."
" beer..? Hindi uso yun dito.."
"wow.. May sarili silang trend dito..?" ngiwi ko..
" Parang ganun..so hindi mo natry yung mga hard.. Like emprerador, gin, matador..?" ngiti niya marahan naman akong umiling.. Eh pang matanda yun ah.. haha
" hindi ko pa sila nameet.."
" talaga..? So hindi mo alam kung mabilis ka malasing sa mga ganun.?"
" yeah.."
" wag ka masyadong tumagay huh. Baka gumapang ka pauwi.."
" gapang..? Gago ka ah hindi mo ko ihahatid ng motor mo.?"
"I mean baka masobrahan ka mahirapan ka umuwi.."
" ah.. Yung phone mo naghihirap na ba kayo.?" kunot ang noong saad ko nilabas naman niya yung cellphone sa bulsa..
" back up phone.. Pag may ganitong inuman dapat ganito lang dala mo para kung mawala ok lang hindi nakakahinayang.. Turo ni CJ." ngiti niya.. Pakshet naman bakit ba ang gwapo nito tungkol sa cellphone yung sinasabi niya pero napokus yung mata ko sa buka ng bibig niya.. Naman oh.. You heart behave sabi eh.! " so wag mo ilabas yung phone mo huh."
" ganun.. Asan na yung friend mo..?" sabay lang kaming napalingon ng may pumasok sa bahay.. Napagmasdan ko lang to.. Ayt ang dibdib..gifted... Pero ang buhok army cut.! Haha anong uri ng tao to.. Pero ang ganda ng mukha este ang gwapo teka pano ba haha.. confused..
"dito ka na pala pogi.." saad nito kay chris.. Napansin ko lang na mapungay na yung mata nito..
" ang aga naman ng tama mo.." saad ni chris..
"ganun talaga lets go.. Oohh may kasama ka pala." saad nito na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. " sino sya.?" turo pa nito sakin..
" si geo.." ngiti ni chris.
" ikaw si geo..???? Yung summer rain..??" nanlalaki ang matang saad nito.. Oh kilala niya ko.. For sure nakwento ako ni chris.. Sabi na eh alam ko may chance kami eh haha..
" hoy CJ shut up.." saad ni chris napalingon naman ako sa kanya..
" kilala niya ko..?" tanong ko.. Malamang kilala niya ko.. Tinanong ko lang bakit ba..
" oo naman kilala kita.. Ikaw yung pinsan ng lalakeng umagaw kay blue..pero mas kilala kita as summer rain.."
" summer rain.. Im geo.."
" Summer rain ang gusto ko itawag sayo eh.." seryosong saad nito inakbayan naman ako ni chris..
"lasing ka na CJ ang aga ng pagkawasak mo ah.?"
" walang pakialamanan.."
" kaibigan ko si geo.. Umayos ka huh..kung ayaw mong marape kita.." natigilan lang to.. " ano aayos ka ba.. Well maganda naman lahi ko so kung mabuntis ka hindi ka talo.."
"gago ka chris huh." inis na saad nito..
" aayos ka o hindi.?" hamon dito ni chris..napakamot naman to sa ulo.. Takot kay chris haha..
" edi aayos." ngiti nito.. " ok geo.. Welcome sa aming bahay.."
" salamat.."
" ok tara lets go... Nakakadami na kami dun.. Kailangan nanamin ng back up.."
" May Beer ba.?" tanong ni chris..
" Beer..? Bumili ka kung gusto mo..empi lang meron dun." natatawang saad nito.
" si geo kasi hindi pa sya nakakainom nun baka malasing sya agad.."
" wow.. Hindi pa.. Mas ok yun. Virginin na yan!" hila sakin ni Cj damn it.. Sumunod naman samin si chris palabas ng bahay.. Hanggang makarating kami sa kumpulan ng mga tao kung saan ginaganap yung sinasabing party..party..? Or ewan haha.. Naabutan lang namin dun yung mahabang mesa na may alak sa ibabaw..at kung ano anong anek anek...mga mukhang tomador yung mga andun.. Shit ano ba tong pinasok ko haha.. Shit naman..
" mga pards mga friends ko..." saad ni CJ.. Binati lang kami nito saka pinaupo sa tabi nila.. Haixt isang mesa lang.. Napansin ko din yung kumpulan ng mga bakla na nakaharap sa videoke habang kumakanta haha.. Napangiwi lang ako ng kindatan ako ng isa sa mga yun.. Shit ano ba to..
" geo.. Magingat ka sa mga yun huh." bulong sakin ni chris.
"why..?"
" basta.. Magingat ka.." saad niyang sa ibang dereksyon nakatingin.. Nagkibit naman ako ng balikat.. Mayamaya ay may nilapag na pagkain sa harap namin si CJ..
"kain na muna kayo." ngiti nito.
" birthday mo ba to ..?"
"hindi.. Hindi ko nga close yung may birthday.. Pakapalan lang ng mukha yan bro.. Isa nalang yung plate share na kayo huh.. Or kung gusto niyo maghugas kayo dun sa lababo..." natatawang saad nito.. Napailing naman si chris.. Napagmasdan ko naman yung pagkain sa harap namin.. Pansit na may halong spagueti..? Mix talaga.? Haha..
"kain ka na geo.. Share na tayo.." saad ni chris na sumandok at naglagay sa pinggan..
" sure ka jan chris..?" bulong ko sa kanya. Natawa lang sya ska nilagay sa kamay ko yung tinidor.
" magkunware ka munang jologs ngayong gabi.."
"pero food ba talaga yan.?"
"yeah.. Mejo naghalo lang yung pansit saka spaguite bwiset yun si Cj humanda sakin bukas yun..kain na.."
"pero..?"
"sshh makita ka lang nilang kumain.. Okay na yun.." saad pa niya napabuntong hininga naman ako.. Bahala na nga. Kunware okay lang haha.. Sumandok lang ako sa pinggan namin ni chris saka sumubo.. Kita ko naman yung tingin sakin ni chris.
" why.?"
" ano lasa..?" ngiwi niya..
"uhmm masarap.." natatawang saad ko.." kaw naman.."
"haixt CJ sapak ka sakin bukas.." bulong niya natawa naman ako.. Nakita ko lang na sumandok sya saka sumubo..ilang sandali niyang nginuya yung pagkain saka pinilit nilunok.. " masarap nga.."
"see.." ngiti ko..
" buti nalang kasama kita ngayon.. Sabi na mao-op ako dito eh."
" new experience for me,,"
"wag kang magenglish.." ngiti niya.
" why.."
"jologs tayo ngayon gabi di ba.." ngiti niya naramdaman ko naman na umupo sa tabi ko si CJ saka humawak sa braso ko..
" gwapo pala tong si summer rain eh.." ngiti ni CJ.
" nabakla ka na ba..?" ngiti ni chris.
" gago hindi.."
" wait naiihi ako.. San ang cr.?" saad ko saka tinaggal yung kamay ni Cj sa braso ko..
" hindi ka pa nga umiinom naiihi ka na..?"
"uhmm Cj sige na paihiin mo na sya, wag na madaming sinasabi.??" saad ni chris..
" haixt duon oh.." turo nito sa loob ng bahay.. " sige na.. Punta ka na dun..at ikaw chris umupo ka lang dito." tinanguan naman ako ni chris..ano ba to kainis..tumayo lang ako saka Tumuloy sa loob ng bahay. May mga nakasalubong ako dun.. Pinilit ko naman ngumiti... Natigilan lang ako ng makita kung sino yung nasa harap ng pinto ng cr.. Si paul.?
" anong ginagawa mo dito.?" tanong ko sa kanya.. Umiwas naman sya ng tingin..napabuntong hininga naman ako.. Ang sama ng ugali niya.. " hi door ikaw ano ginagawa mo dito.?" tanong ko sa pinto ng cr habang nakasimangot.. Gwapo sana tong bwiset na to eh kaso ang hilig mangignore eh.. Kainis.. Bumukas naman yung pinto ng cr may lumabas lang dun na lalake..nagkatinginan naman kami ni paul sarkastiko lang akong ngumiti.. Aktong hahakbang ako papasok ng cr ng harangan niya ko.
" ako nauna dito.?" saaad niya.
" wow nagsasalita ka pa pala.. Akala ko kasi napipi ka na eh."
"ako muna.." simangot niya aktong papasok sya sa pinto ng hilahin ko yung damit niya. " ano ba.?!" angil niya.
" ako nga muna naiihi na talaga ko eh."
" the hell I care.. Ako ang nauna dito."
" bahay mo to.?"
" hindi..eh ikaw bahay mo to."
" may sinabi ako..?"
"shit.." tinulak niya lang ako saka agad pumasok sa cr at sinara ang pinto.. shit naunahan ako ng bwiset na yun.. Kinatok ko naman yung pinto.
" bilisan mo naman pwede.?" pinihit ko lang yung door knob natigilan lang ako ng maramdaman na hindi niya to ni lock.. Napangiti naman ako saka binuksan yung pinto..
"shit ano ba!" lingon niya sakin.. Habang nakaharap sya sa bowl rinig na rinig ko lang yung pag agos ng ihi niya.. Pumasok naman ako..
"parehas tayong lalake bakit nahihiya ka..?"
" ako lalake eh ikaw sigurado ka bang lalake ka.?" saad niyang nakatitig sa mata ko.. Umiwas naman ako ng tingin..humarap lang sya sa pader saka natawa.. "I knew it.." rinig kong bulong niya.
" Hindi ako bakla noh.."
" may sinabi ba kong bakla ka..?" humarap lang sya sakin habang sinasara yung zipper ng short niya.. Umiwas naman ako ng tingin..damn it. " you like me..?"
"hindi noh.."
" ows..sorry hindi ako pumapatol sa bakla.. Sayang ka tol ang gwapo mo para maging bakla.."
" I'm not gay..!" madiin na saad ko.
" sabi mo eh.." ngiti niya dumeretso lang sya sa pinto ng cr pero imbis na lumabas ay sinara pa niya yung pinto..
" ano..?"
" patunayan mo sakin na hindi ka bakla.?" sarkastikong saad niya.
"close ba tayo.?"
" hindi.." napaatras lang ako ng humakbang sya papalapit sakin hanggang mapasandal ako sa pader.. " bakit gusto mo maging close tayo.? In your dreams.."
" ano ba.. Susumbong kita kay kuya aldred..!"
" edi isusumbong din kita.. Bakit kasama mo si chris..?"
" ah ehh..hindi kami magkasama.." nauutal na saad ko natawa naman sya.. Grabe yung smile niya. Feeling nko nagbubukas ang langit
" kasama mo sya eh."
"Paul ano ba.. Lumabas ka na nga naiihi na ko.."
" so hindi alam ni aldred na kasama mo si chris.?"
"alam niya..!"
" are you sure..?" ngiti niya saka kinuha yung cellphone sa bulsa niya.. " eh alam ba niya na nasa ganitong lugar ka ngayon.?"
"oo alam niya. Lumabas ka na nga.?"
" Alam mo ba kung sino si chris huh..?"
" Mamaya tatanong ko kung sino sya." sarkastikong saad ko.
" aixt alam mo ba kung sino ang kasama mo huh."
" oo naman.."
" sino sya..?"
" uhm ah ehh.. Ano ba kasi.." nakita ko naman na may dial sya sa phone niya nataranta naman ako shit hindi pwede malaman ni kuya aldred to.. Naman oh.. Kainis.. Inagaw ko naman yung cellphone sa kamay niya..
" thats my phone..?"
"wag kang sumbungero.!" Simangot ko.
"akin na yung phone ko.."
" ayoko.."
" ayaw mo..? Alam ba ni chris na gusto mo sya.?"
" pano mo nalaman na gus-"
" gotcha!! You like him." nanlalaki ang matang saad niya nakagat ko naman yung labi ko shit ka talaga geo..ang tanga mo.. " may gusto ka kay chris..katapusan mo na kapag nalaman to ni aldred."
"related ka ba kay madam auring.?"
"hindi.. Pero lagot ka kay aldred.. Now give me my phone."
"shit wag mo ko isumbong.."
"eh sa gusto ko eh."
" gugulpihin kita.." banta ko sa kanya.
"ok lang basta maisumbong lang kita.." ngiti niya.
"ano ba kasi ginawa ko sayo huh..?"
"wala.. Nakakabadtrip ka kasi kaya babadtripin din kita.. Napakdaldal mo.. Assuming ka pa.. Makaganti man lang ako sayo."
"makaganti.. Gago ka wala akong ginagawa sayo."
" akin na yung phone ko.. Ayoko sa taong madaldal."
" wag mo ko isumbong.."
" akin na.."
" wag mo nga kasi ako isumbong.. Please.." simangot ko.. Umiwas naman sya ng tingin..
" may kapalit.."
"ano.?"
" Don't you ever dare talk to me again.. Wala akong pakialam sa buhay mo.. Just stay away from me panira ka kasi ng araw eh." seryosong saad niya..
" wow nasira ko araw mo.. Ganun ba kalakas ang dating ko sayo.?"
"ano deal.. At ayokong lalapit ka sakin.."
" natatakot kang mainlove sakin noh."
" in your dreams..now give me my phone.."
" you like me.."
" assuming.."
" sorry si chris ang gusto ko eh.."
"eh ano naman..?"
" hindi mo pa nga nasasabi sakin na gusto mo ko.. Busted ka na agad.." ngiti ko natawa naman sya.
" wow bro..woow.."
" may gusto ka sakin paul.. I can feel it.."
" ows.. Isumbong kita gusto mo..?" hamon niya.. Napakamot naman ako sa ulo haixt dapat umayos ako kung ayaw ako isumbong ng bwiset na to..
" joke lang naman.. Uhm heres your phone.,. Hindi na kita lalapitan or kakausapin basta wag kang panira ng lovelife ko.."
" lovelife..? Yung chris na yun.. Si blue lang ang gusto nun kaya wag kang umasa."
" ganun ba kasikat yung lovestory nila ni blue at Pati ikaw alam mo..?"
" galing kami lahat sa isang school.. So alam namin yung bagay na yun.."
" or may gusto ka din kay blue.. Or kay chris..?"
" what..?"
" well.. Hindi mo maagaw sakin si chris.. Akin na sya kawawa ka naman.?" ngiti ko natawa naman sya..
" baliw ka na.." sabay lang kaming napalingon ng may kumatok sa pinto.
" Paul.. Ang tagal mo naman jan.?"
" ethan just a second.." saad ni paul.
" 1 2 3.. Ilang second ba.?" ngiti ko.
" may kasama ka ba jan paul.?" rinig kong saad sa labas magsasalita sana ako ng takpan niya yung bibig ko.. Shit to ah.
" magingay ka isusumbong kita kay aldred.." banta niya.. Marahan naman akong umiling.. Haixt kainis.. Makakaganti din ako dito sa bwiset na to.. "ok lalabas na ko." saad niya saka tumalikod at binuksan yung pinto..
" may kasama ka sa loob noh.?" rinig kong saad sa labas..
" wala tara na.."
" tagay mo na ang tagal mo sa cr.." sumilip lang ako sa pinto nakita ko lang na naglakad na sila palabas ng bahay.. Haixt alam niya na tuloy na gusto ko si chris.. Ano ba yan ang daldal mo kasi geo.
Pagbalik ko sa mesa nakita ko lang sa dulo si Paul.. Umiwas naman ako ng tingin.. Badtrip kala ko gabi namin to ni chris.. May asungot pala.. At shit sya pa ang unang nakaalam na may gusto ako kay chris kainis.. Ang daldal kasi eh.
" Chris kilala mo ba yung nasa dulo ng mesa.." bulong ko kay chris.. Tiningnan naman niya yung tinutukoy ko saka umiling.
"hindi sino sya..?"
" uhmm Drummer sya nung banda sa schoneberg.."
"really.. MAs gwapo sa kanya si brax.."
"sino..?"
" si brax yung drummer namin.."
" mas gwapo..? Ano yun goddest na..? Eh ang gwapo na ni paul ah.?"
"gwapo na sayo yan..? Eh walang wala yan sa itsura ko.." ngiti ni chris.. Napagmasdan ko naman yung mukha niya.. Yabang.. Tingin ko naman may panama sa kanya si paul.. Oops pero kay chris lang ako haha.
" tagay na." saad nung tomador na katabi ko sabay abot ng baso sakin... Napatingin naman ako kay chris..
" ako po muna.." saad ni chris saka kinuha yung baso sa kamay ko..pero muli tong kinuha nung tomador saka muling nilagay sa kamay ko.
" bawal yun... Ano sya chicks.." natatawang saad nito.." hindi ka naman siguro chicks kaya inumin mo na yan.." agad naman akong umiling.. Haixt tiningnan ko lang yung laman ng baso saka inamoy.. Aixt ang tapang..
" kaya mo.?" tanong niya.. Pinilit ko naman ngumiti saka tumango.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ininom yung nasa baso.. Shit! Ang panget ng lasa.. Para tong gumuhit sa sikmura ko.. Ilang sandali akong hindi nakarecover sa lasa nun.. aixxxt
" tapos na po." muli kong abot sa baso...
"ok ka lang..?"
"yeah ok lang ako.. Panget ng lasa.."
" wala man lang silang chaser..." bulong ni chris.. Maya maya sa kanya naman inabot yung baso.. Agad niya lang tong tinungga saka muling binalik yung baso.. Napailing lang sya saka sumubo ng spagueti con pansit na pagkain namin kanina haha..
" Asan na si Cj.?"
"umuwi.. Mukhang wasak na eh.. Tulog na siguro yun."
"eh pano tayo.. Ni hindi natin kilala yung may birthday.?"
"ok lang yan.." ngiti niya. " geo ok lang bang magtanong ako..?"
" nagtanong ka na nga eh.?" natatawang saad ko..
"I mean pwede akong magtanong about kay blue..?" seryosong saad niya natigilan naman ako..
" kay blue.. Kala ko ba move on ka na.?"
" yeah.. Pero hindi naman masama makibalita ako sa kanya di ba..?"
" uhmm sabagay.. Ok lang si blue matalino parin at sya yung naghahandle nung banda ng kabilang school.."
"sya.?"
"hindi... ako.. Dun ako magaaral eh." simangot ko napakamot naman sya sa ulo.. " chris.. Move on.." ngumiti lang sya saka umiling.
" move on na ko geo.. Lahat ata ng tao iniisip na hindi pa ko nakakamove on.. Pero ang totoo nakamove on na talaga ko.."
" eh bakit nagtatanong ka parin about kay blue..ex na sya di ba.. Past is past.?"
" Porket nagtanong..? Hindi pa nakakamove on.. Bago naman kami nagulo ni blue magkaibigan kami eh."
"oy ikaw uli.." saad nung tomador sakin.. Aixy istorbong lasengero to oh.. Naguusap eh.. Kinuha ko lang yung baso saka tinungga.. Muli lang akong napangiwi sa lasa nito.. Aixt aktong ibabalik ko na yung baso ng salinan uli to nung tomador.
" kaiinom ko lang.?"
"ako na po.." saad ni chris..
"ah sabi kasi ni Paul dalawang tagay ka daw eh.." saad nito napatingin naman ako kay paul.. Tinaas lang nito yung cellphone niya.
"close kayo.,?" untag sakin ni chris.. Agad naman akong umiling.
" hindi ah.." simangot ko..
"inumin mo na.."
" kainis naman eh." simangot ko saka tinungga yung alak..haixt.. Binalik ko lang yung baso saka umiba ng tingin.. Haixt bwiset may panakot na tuloy yung bwiset na Paul na yun.. Eh teka ano naman kung isumbong niya ko kay kuya aldred hindi naman magugunaw yung earth..papalayasin nga lang ako haha.. Kainis.
Ilang tagay pa yung dumaan sakin hanggang maramdaman ko na yung hilo.. Si chris naman kwento lang ng kwento.. Hanggang may maramdaman akong tumabi sakin.. Yung baklang kumindat sakin kanina.. Pinilit ko naman ngumiti dito.
"why.?" tanong ko.
" wala lang pwede ka bang makilala..?" ngiti nito.
" uhm hindi pwede.." saad ni chris..
" pakilala lang naman ah.. Ikaw chris Ang KJ mo din noh pakilala mo naman samin yung friend mo.." saad nitong nakahawak sa hita ko.. Tinanggal ko naman yung kamay nito..
" naku tigilan niyo sya.. Papabugbog ko kayo kay Cj."
"lasing an yung friend mo ." ngiti pa nito..
" I'm geo.. Eh ikaw..?" saad ko.. Kita ko naman yung ngiti sa labi nito.
"geo." saad ni chris tinanguan ko naman sya.
" Papi.. You can call me papi." ngiti nito saka humimas sa hita ko.,nginitian ko naman sya.
" Papi.. Nice name.. Gusto mo ba ipapakilala ko din sayo yung kamao ko.?" sarkastikong saad ko. " pagbilang kong tatlo hindi mo tinaggal yung kamay mo sa hita ko durog yang mukha mo." banta ko dito natawa naman si chris ng agad nitong tinanggal yung kamay nito sa hita ko.
" aixt ang susungit niyo talaga.. Matitikman ko din kayo."
"kailan pa kami naging ulam.?"
"ewan.. Makaalis na nga.." simangot nito saka umalis sa pwesto namin ni chris..
" ok ka pa ba geo.. Mukhang hilo ka na eh..?"
"ok pa ko.. Ikaw..?"
" ok pa naman tara.. Alis na tayo.."
"saan tayo pupunta.?"
" uhm kahit saan..?"
" sa lake side..?" wala sa sariling saad ko.
"late na eh.. Sobrang dilim na dun.." saad ni chris na nakatingin sa orasan sa kamay niya.
" Di ba may sinabi ka tungkol sa lakeside ng ganitong oras.. Gusto ko maexperience yun.." ngiti ko..
" huh..?" natigilan lang ako ng mula sa likod may tumabi sakin saka umakbay.. Napalingon naman ako.. Si paul..?
" pwede makijoin sa kwentuhan niyo.?" ngiti ni paul.. " hi chris right.. Schoolmate tayo nung highschool."
" Yeah I know.. But your name is.?"
"Paul.."
"bakit ka ba nandito..?" simangot ko saka tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.
" makikijoin nga di ba.?"
" uuwi na kami eh."
" ihahatid kita." ngiti nito.
" bakit mo sya ihahatid ako nagdala sa kanya dito so ako dapat maghatid sa kanya.." kontra agad ni chris..
" ihahatid mo sya..? How about aldred.?" umiwas naman ng tingin si chris.. Aixt..
" May pupuntahan pa kami kaya pwede ba paul.. Lumayo ka samin.."
" saan kayo pupunta..?"
" uhm ah eh wala ka na dun.."
" nagtext ako kay aldred sabi ko kasama kita.. So nageexpect sya na ako maghahatid sayo since wala kang dalang motor.." napatitig naman ako sa mukha niya.. Shit ano ba problema ng lalakeng to.. Sabi niya wag ko na syang lalapitan tapos ngayon didikit dikit sakin.. Kainis naman oh..
" nagtext ako kay aldred sabi ko kasama kita.. So nageexpect sya na ako maghahatid sayo since wala kang dalang motor.." napatitig naman ako sa mukha niya.. Shit ano ba problema ng lalakeng to.. Sabi niya wag ko na syang lalapitan tapos ngayon didikit dikit sakin.. Kainis naman oh..
" ako maghahatid sa kanya.." inis na saad ni chris saka tumayo.. Aktong tatayo ako ng hawakan ni Paul yung braso ko..
" ako maghahatid sayo.." madiin na saad nito.
ITUTULOY
bitin ako hehe...
ReplyDeleteGANDANG BABAE!!!
ReplyDeleteHaba lang ng hair ni geo ah.
ReplyDelete-hardname-
Love triangle? Astig si geo ah pinag aagawan
ReplyDeleteThanks sa update
nice1 next chapter po ulit..
ReplyDeleteCHRIS - GEO - PAUL
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteWaaaaaaah! Panira si Paul! Wag na daw lapitan siya naman yung lumalapit. Arghs! The start of a meaningful rivalry. :)
ReplyDeleteWow Kuya Carlos! Nabanggit na naman si Brax! Hahaha..
ReplyDeletewaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!! eto na to. ehe. i had fun reading this chapter. ehee.
ReplyDeleteAz
Antagal ko na di nagko-comment but I'll spare a couple of minutes for this. Ang cute kasi. Nakakatuwa yung mga characters ni Bluerose. Sabi ko nga kay Crayon napakagaling mo rin na writer. Keep it up! - K
ReplyDeletewala nabang ibang picture ni geo? gusto ko yung mahaba ang hair nya.
ReplyDeletebharu
nakakainis. badtrip bitin maxado.. update na po mr. author...
ReplyDeletepeace. galing ng kwento.. update po sana agad!!
Whoo! Grabe si geo. Ayaw magshare ng blessings XD :)
ReplyDelete