Followers

Tuesday, September 23, 2014

Love Is... Chapter 13


AUTHOR’S NOTE: Sorry guys! Sorry! Sorry! Sorry! Dahil sa ako’y hindi nakapag-update agad! Pero ngayon! Promise babawi ako! Dalawa or Tatlo ang update ko ngayong week. Tapos, balik normal ulit sa next week! Hahaha! Depende kapag inatake ako ng katamaran! Kaya ipagdasal niyong hindi.

Ni hindi ko man lang nga na-enjoy yung Fiesta e. Kainis! Hindi ako nakasama sa Traslacion. Hindi ko rin napanood yung mga activities sa loob ng Nine Days Celebration na yun. Argh! Tapos napanood ko na lang yung Fluvial Procession sa TV. Kainis talaga ng life ko for the past 2 weeks.

Well, anyways! Kalimutan! Yan ang dapat gawin! Kahit hindi pa ako masyadong nakakatulog ngayong week, dapat na tayong magmove-on!

Muli, nagpapasalamat ako sa mga Bosses, Mr. Mike Juha and Mr. Ponse, sa patuloy na pagbibigay ng oportunidad na ito.

Salamat pa rin sa mga walang sawang nagbabasa ng akdang ito. Sa mga Silent Readers, Commentators, at sa mga nag-aadd sa akin sa facebook. Maraming maraming salamat!

Kila ANGEL, AZ, ALFRED OF T.O. (Hayaan mo, susubukan kong mag-update madalas. :D Sa tingin ko Alfred, wala akong makikitang magkasama sila sa picture. Yung isa kasi model – Eli, tapos yung isa naman artista – Josh), ANONYMOUS #1, SOFOUCH (Madalas na po ang updates ng ibang stories), -HARDNAME-, BHARU, YELSNA, GERRY (Thanks sa critique ha? Naging napakalaking tulong mo para sa improvements ng story na ito. :D) at kay DAVE! (Dave, ‘wag mang-istorbo ng kapitbahay kapag magtititili ka ha? Haha!)

All in all. Masaya na ako. Single, yet I am not miserable. Single yet, I’m happy.

Sabi nga, Learn to love thy self first.

Kaya yun. I’ll embrace being single. Nothing more, nothing less.

May tamang timing naman siguro para sa akin. I’ll just wait for that big break.     

Featured songs: Simpleng Tulad Mo by Daniel Padilla and Mahal Ko O Mahal Ako by KZ Tandingan

PS: Abangan niyo to guys. :D



Without further ado, here it is! #LoveIs13! Enjoy!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V | VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII


ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Gio Yu’s FINAL REQUIREMENT (On-going)
Vienne Chase’s FATED ENCOUNTER (Completed)
Jace Page’s THE TREE, THE LEAF and THE WIND (On-going)
Bluerose Claveria’s GEO – MR. ASSUMING (On-going)


CHAPTER XIII


Previuosly on Love Is…

Eli’s POV

“Ano naman kung nangako ka. Promises are meant to be broken, Josh. You can always break that promise. First and second kiss mo ako di ba? Yun yung nagpagulo sa isip mo. Nagkaroon ako ng epekto sayo—.”

Medyo naiirita na ako sa paulit-ulit na sinasabi nito eh. Kaya pinutol ko na.

“Yes, promises are meant to be broken. Pero depende yun sa taong nangako. Ang tao, may dalawang uri lang naman yan. Yung mapagkakatiwalaan, at yung hindi.” Napatingin silang dalawa sa akin.

“Eli…” Namutawi sa bibig ni Josh.

Diretso lamang ang tingin ko sa lalaking kaharap niya ngayon. I want this bastard to learn a lesson.

“You know your best friend than me right? Sa tingin mo saan siya doon sa dalawa?” Nakita ko na lang na nag-iwas siya ng tingin.

“Ano naman kung first and second kiss ka niya? Ako naman yung magiging huli. Yun ang importante.” Nakita ko na lang ang saya sa mukha ni Josh. I don’t know why pero, gusto ko na kapag magkaharap kami, yung Josh na nagpatahan sa akin ang gusto kong nakikita. Yung nakangiti lang. Yun lang, sapat na.

“Hindi pa rin ako susuko. Matagal ko itong tinago. Ngayon na nasabi ko na, papanindigan ko hanggang sa huli. It’s not like, his feelings won’t change. One wrong move, and he’ll gonna be mine.” Asik ni Riley.

“Okay! Sana kasi, matagal mo nang sinabi sa kanya. Yan tuloy, nauna pa ako sa puso niya kesa sayo.” I just want to lighten up the ambiance here. Tama naman ako di ba? Hindi sana niya pinipilit si Josh ngayon kung sinabi niya matagal na.

“So… may the best man win?” Sabay abot ko sa kanya ng aking kamay. Kinuha niya naman ito at umalis na.

Naiwan kami ni Josh doon sa dalampasigan. Unti-unti na ring nagsisiuwian ang mga taong nanonood doon sa program kanina.

Inalok ko siya na maglakad-lakad muna, para huminahon siya. Wala pa rin siyang imik magmula kanina nang umalis si Riley. 10 PM na pero andito pa rin kami sa dalampasigan.

“Okay ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

Tanging tango lang ang naisagot niya sa akin. I won’t force him to talk. Alam ko na naguguluhan siya sa mga nangyayari. Maging ako. It’s just 3 days since Riel, dumped me. Yung sakit ramdam ko pa rin. Pero kapag andyan si Josh, nakakalimutan ko.

“Hayaan mo lang ang puso mo na alamin kung sino talaga ang mas matimbang. Matatanggap ko kung ano man ang magiging desisyon mo. I’m sure, Riley will do the same.” Napalingon siya sa akin na may ngiti.

“Thanks, Eli.” Saad niya.

“Para saan? Wala naman akong ginawa ah.” Tugon ko.

“Basta.” At ngumiti na siya.

“At last! Kala ko hindi ko na makikita yang nakangiti mong mukha. Totoo yung sinabi ko kanina. Wala pa ako doon, pero nararamdaman ko na nagkakaroon ka na ng puwang sa puso ko. Riel is still there. I just need to accept that ‘we’ will never happen anymore.” Tanging tango na lang ang natatanggap ko sa kanya.

“Just let your heart choose, Josh. Just like what Riel did. Magkaibigan kayo. I know, maiintindihan mo yun.” Si Riel, talaga ang example ko. Argh! Tama naman kasi e. Puso ang pairalin. “Tara, baka mapagalitan na tayo e.”

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya nang makatayo ako. Tumingin siya sa akin. Tanging ngiti ang ibinalik ko sa kanya. He blushed and slowly gave his right hand to me.

-----

Riel’s POV

Naging usap-usapan ang nangyari kagabi. Sabagay, hindi ko naman sila masisi, dahil maging ako’y nagulat din, sa nangyaring pag-amin ng best friend ni Josh, sa harap ng maraming tao.

Sana lang, hindi nila agad husgahan ng masama ang dalawa. Natatakot rin tuloy ako sa magiging reaksyon nila Nanay Mel, kung malalaman nilang ganun rin ako. Bahala na nga.

Ganun naman lagi ang tao e, pag-uusapan ang mga unusual na nangyayari sa mundo. May manghuhusga pero, may mga taong, eventually matatanggap rin naman.

Hayst! Let’s just hope for the better.

Hindi pa rin nagtitext sa akin si Josh patungkol sa nangyari kagabi, ni reply nga sa mga texts ko wala rin. Hindi ko naman kasi alam kung saan yung bahay ng host family nila.

“Mukhang malalim ata ang iniisip mo, anak.” Ani Tatay Fred na kadarating pa lamang galing sa pangingisda. Mayroong rin siyang kasamang nakasunod lamang sa kanya.

Napangiti ako sa kanyang tinuran sa akin. Anak. 2 years ago ko nang hindi naririnig yun. Tumayo muna ako para magmano sa kanya.

Alas singko na ng umaga. Umalis kasi sila ng mga kasamahan niya sa pangingisda ng alas dos, para pumalaot.

Abala naman si Nanay Mel sa paghahanda sa pagpasok ng kanilang mga anak.
Kahapon kasi’y hindi pumasok ang mga ito nang malamang darating kami. Tinutulungan siya ngayon noong mga babae naming kaklase. Ayaw naman nila akong patulungin. Ang rason nila’y ako naman daw ang nagpagod kahapon, kaya’t sila naman ngayon.

Si Eli at Matthew naman ay nanguha ng mga panggatong. Hindi man lang nga ako isinama e. Galit pa rin sa akin si Eli, and I don’t want to push my self. Kapag ready na siya, saka ko lang siya kakausapin.

Kaya heto ako ngayon sa labas ng bahay. Dinadama ang simoy ng hangin na galing sa dagat. Inaabangan ko rin ang pagsikat ng araw.

“Opo. Yung sa nangyari kagabi. Kaibigan ko po kasi yung gusto nung lalaking umamin.” Medyo naiilang kong tugon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya patungkol doon.

Hindi na kasi namin yun napag-usapan kagabi. Naging abala kasi kami sa pag-aayos ng aming matutulugan. Mabuti na lang at nagkasya naman kaming lahat doon sa papag ng kwarto.

Umupo na lang akong muli sa upuang gawa sa kawayan, habang abala siya sa kanyang pakikipag-usap sa kasama.

“Toto, pakibigay nga itong mga isda sa Aling Mel mo. Mag-uusap lamang kami dito ni Riel.” Tugon ni Tatay Fred sa kasama niya.

“Sige po.” Sagot naman sa kanya nito. Saka umalis dala-dala ang mga isda.

“Kumusta po ang huli, Tay?” Tanong ko nang makaupo na siya sa tabi ko.

“Mabuti naman. Hinayaan ko na doon sa iba pa naming kasamahan ang pagbenta ng mga isda sa mga nagtitinda sa bayan. Kumuha na lamang kami ni Toto para sa magiging ulam natin mamaya.”

Tumango lamang ako sa kanyang sagot. Hindi ko alam kong ano ba ang mga itatanong niya.

“Pasensya ka na sa mga naririnig mo sa mga tao rito. Ganoon talaga rito, hindi na naman bago sa kanila ang mga ganoon. Pero, ewan ko nga ba. Hayaan niyo na lang sila.” Ani Tatay Fred. Nakatingin lamang siya sa direksyon kung saan naroroon ang papasikat na araw.

Napatango lang ako. “Sanay na po ako.” Pag-amin ko. Napatingin tuloy siya sa akin. Yung parang kinukumpirma ang kung ano man.

Tumango na lang ako. “Ako po sanay na, pero ang inaalala ko ngayon ay yung kaibigan ko, at yung matalik niyang kaibigan.”

“Wag mo sanang mamasamain Riel ha? Ito’y obserbasyon ko lang naman. Yung mga tulad niyo kasi e… alam mo yung sayang. Kasi, kayo yung magaganda ang lahi. Gwapo, pero ganyan kayo.” Natawa naman ako sa kanyang sinabi. Halata kasing naiilang siya sa usaping ito.

“Pansin ko nga rin po.” Matapos ko yung sabihin ay nakitawa na rin lang siya sa akin.

“Pero, ‘wag kang mahiya sa amin ng Nanay Mel mo. Okay lang naman sa amin. Wala kaming karapatan husgahan ang tulad niyo. Pare-pareho tayong tao, at dapat nirerespeto ang bawat isa.” Dagdag niya.

Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi. Katulad din yun ng mga pangaral sa amin ni Mama at Papa noon. Mas mabuti talagang may mas nakakatandang gumagabay sayo.

Namiss ko tuloy sina Mama at Papa. Lagi kasi kami noong napapagalitan ni Ate dahil sa ugali namin noon. Lumaki kaming hinuhusgahan lahat ng mga unusual na nakikita namin sa paligid. Pero dahil sa mga pangaral nila, natuto kaming irespeto ang mga ito.

Hindi namin namalayan ang oras. Naging masaya ang pakikipag-usap ko kay Tatay Fred. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanilang pamilya. Natigil lamang ang aming pagkukwentuhan nang may tumawag sa amin.

“Riel, Fred! Kakain na!” Napatingin kami sa direksyon ng tumawag sa amin. Si Nanay Mel pala. Papalapit din siya sa direksyon namin.

“Anong pinag-uusapan niyo?” Aniya nang makalapit na siya sa kinaroroonan namin ni Tatay Fred.

Nagkatinginan lamang kami ni Tatay Fred. Tumango siya sa akin. Yun bang sinasabi niyang, okay lang talaga sa kanila ang mga nalaman.

“Sige na, Riel. Mauna ka na roon at ako na ang magsasabi sa Nanay Mel mo.” Ani Tatay Fred. Tumango na lang ako’t naglakad na papasok ng bahay.

Naabutan ko ang mga kagrupo ko na masayang nakikipagkulitan sa mga bata. Andun na rin sina Matthew at Eli sa hapagkainan.

“Oh Riel! Kain na! Nasaan na pala sila Nanay Mel at Tatay Fred?” Pagpansin sa akin ni Ate Xynth.

“Ah… e… Nasa labas pa. May pinag-uusapan lang.” Taranta kong tugon sa kanya. Kay Eli kasi nakatuon ang mga titig ko. Baka mahalata pa kaming hindi nag-uusap.

Gustong-gusto ko na siyang kausapin, pero, kapag gagawin ko naman yun ay umiiwas siya. Kaya nga nagdesisyon ako na hayaan muna siya. Pero kapag nakikita ko naman siya ay bumabalik yung kagustuhang yun.

Ewan!

Dumalo na lang ako sa hapag-kainan na hindi siya tinitingnan. Final na to! Hahayaan ko na muna siya. Nangako naman sa akin si Josh na kumbinsihin siya e.

Pagkatapos naming mag-almusal ay inihatid namin ang mga bata sa kanilang paaralan. Marami kaming nakasabay na kamag-aral namin dahil sa parehong dahilan. Nakikita ko naman na naienjoy nila ang Immersion na ito.

------

Mayroon kaming nakaschedule na activity ngayong hapon. Makakasama namin ang mga magulang namin sa Immersion na ito. Sa activity na ito ay makikilala pa namin ng mabuti ang pamilyang kumupkop sa amin at ang iba pa.

Kumbaga ‘get-to-know’ activity ito. Pero hindi ito yung tipong magpapakilala lamang ang bawat isa. Ito’y may kinalaman din sa mga ginagawa nila sa araw-araw dito sa isla. Ang papel ng activity na ito ay ang maging pamilyar kami sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay.

Na ituturing naming isa kami sa lugar na ito. Na para na ring dito kami namulat sa buhay.

Natapos ang maghapon na yun na lahat kami’y pagod. Oo nga’t pagod kami, ngunit marami kaming natutunan sa lugar na ito, sa mga taong aming nakakasalamuha, at sa kung ano ba talaga ang mukha ng buhay, kapag ika’y tulad ng mga nakatira rito sa isla.

Isang beses ko lang nga nakita ngayong araw si Red e. Miss ko na siya! Chos! Haha! Dalawang araw na kaming andito pero kanina ko lamang siya nasulyapan. Ni hindi man lang nga kami nag-usap e! Labo!

Ito siguro ang kapalit ng sobrang sweetness na pinakita niya sa akin sa mga nakaraang araw. Argh! Sige na nga! Konting tiis na lang naman at uuwi na naman kami. For the mean time, i-enjoyin ko muna tong pagkakataon na ito, kasama ang pamilya Aquino.

Sa pagkakataon rin na yun, nakasalamuha kong muli si Eli. Pero, gaya ng nakaraang dalawang araw, simula nang dumating kami rito, ay ganun pa rin. Kakausapin niya lang naman ako kapag kailangan. Gaya doon sa sharing of thoughts. We’re the leaders of the group, kaya wala siyang palusot.

Pero, nakikita ko na pilit niya talaga akong iniiwasan.

-----

Eli’s POV

6 PM na nang maisipan ko na magpahangin muna sa may dalampasigan. Hindi pa kasi tapos sina Ate Xynth at ang iba sa paghahanda ng aming hapunan. Kahit sandali sana ay gusto kong mapag-isa.

Masarap lasapin ang hangin dito sa isla, gaya ng mga napuntahan na namin ng aking pamilya. Relaxing, ika nga.

“Mukhang malalim ata ang iniisip mo?” Saad ng pamilyar na boses.

Napatingin tuloy ako sa aking likuran. Hindi naman ako nagkamali sa aking hinala. Si Nanay Mel nga.

Napatango na lang ako sa kanya. Naalala ko tuloy yung activity kanina. Marami kaming natutunan mula sa kanila.

“Bakit po kayo andito, Nay? Kakain na po ba?” Bigla kong tanong sa kanya.

Napailing naman ito sa aking tanong.

“Hindi pa. Naghahanda pa ang mga kapatid mo.” Kapatid. Maybe it’s really meant to be na maging magkapatid na lang kami ni Riel.

Hindi ko maiwasang isipin na hanggang sa ganun na lang kami ngayon. I want him for myself. But it just won’t happen anymore. Ganito pala ako mahulog ng husto sa isang tao.

“Napapansin kong iniiwasan mo si Riel. May problema ba kayong dalawa, anak?” Natigilan ako sa kanyang tanong. “Gusto mo bang pag-usapan?” Dagdag ni Nanay.

Tumingin ako sa kanya at nang magtagpo ang aming paningin ay tumango siya na may ngiti sa labi.

“Alam na namin ng Tatay Fred mo ang tungkol kay Riel. Napapansin ko lang kasi kapag magkakaharap kayo e, umiiwas ka. Tapos naman kapag nasa malayo naman siya’y panay ang sulyap mo sa kanya. Bakit nga ba?” Aniya.

Hindi naman siguro masamang sabihin ko kay Nanay Mel. Kahit sa kaunting panahon na pamamalagi namin rito’y, marami na rin silang naibahagi sa amin.

“Gusto ko po kasi si Riel. Pero noong sinaktan niya ako, nalaman ko na mahal ko na pala siya. Pero, hindi na po mangyayari pa ang maging kami. Mayroon na pong nagmamay-ari ng puso niya.” Panimula ko.

Nakatingin lamang sa akin si Nanay Mel. Naghihintay ng sunod kong sasabihin.

“Iniiwasan ko po siya dahil, gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa taong mayroon nang nakakuha ng puso niya. Masasaktan lang po ako, di ba?” Dagdag ko.

Hinawakan ni Nanay Mel ang balikat ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.

“Alam mo, wala akong kaide-ideya patungkol sa relasyong katulad ng sainyo. Pero alam ko na kapag ang isang tao’y umibig, maraming prinsipyo ang mababali. Ika nga’y lahat ay hahamakin, masunod ka lamang.” Aniya.

Tumango ako’t itiningala ang aking paningin sa kalangitan.

“Pero sa sitwasyon mo ngayon, mainam nga na umiiwas ka nang sa ganun ay maghilom ang sugat o kaya nama’y makalimot. Pero, nakikita kong gustung-gusto mo naman siyang kausapin.” Dagdag niya.

Ganoon nga ang nararamdaman ko. Ewan ko nga ba! Pride ko na lang talaga ang pumipigil sa akin para lapitan siya. Itinatak ko kasing dapat kong kalimutan ang nararamdaman sa kanya.

I want to give Josh a chance. Ayokong mahalin siya dahil kailangan ng puso ko ng panakip butas. Gusto ko na bigyan siya ng pagkakataon, pero dapat, yung wala ng lamang iba ang puso ko.

“Kailangan ko pong gawin e. Sa totoo lang po, gustung-gusto ko na talaga siyang kausapin, pero, yun ang dapat. Kailangan kong makalimot sa nararamdaman ko sa kanya… para maging masaya… para magkaroon ng pagkakataon ang iba o sa iba.”

Tumango sa sinabi ko si Nanay Mel.

“Siguro’y maiintindihan naman ni Riel ang desisyon mo. Mabait siyang bata. Alam ko na hindi niya intensyon na saktan ka, pero, yun yung nararapat dahil, ayaw niyang umasa ka sa wala…” Aniya.

Alam ko naman yun. Hindi kami naging magkaibigan kung di dahil sa sobrang kabaitan niya. Ang magpatawad ay isa sa mga bagay na napakahirap gawin, pero, nagawa niya pa rin sa akin.

Kailangan ko lang talaga ng panahon. Panahon para alisin ang nararamdaman ko sa kanya dito sa puso ko. Para, handa na akong harapin siyang muli. Na kahit, kaibigan lang ang turingan namin sa isa’t isa, walang awkward moment. Gusto ko yung dati.

Kasalanan ko naman e. Pinilit ko pa ang hindi dapat. Alam ko na ang kalalabasan pero, nagmatigas pa rin ako’t itinuloy kung anong sinasabi ng puso ko.

Puso na naman talaga dapat ang masusunod sa aspetong ito. Pero, nasa maling pagkakataon ako nang piliin ko ang sinasabi ng aking puso. Mahirap makipagkompitensya sa taong hawak na ang puso ng taong minamahal mo.

“Sa lahat ng bagay, ang desisyon palagi na masusunod ay yung sa atin. Ito lang ang pakakatandaan mo, maraming relasyon ang pwedeng masira, pero kapag matayog na itong naipundar, hinding-hindi ito matitinag pa ng kahit ano man o sino man.” Payo niya sa akin.

Tumango na lang ako. Yeah. May mga relasyon talagang mananatili na lang sa kung anong pinagsimulan nito.

FRIEND-ZONED.

SEEN-ZONED.

Makontento na lamang tayo doon. Pero, hindi ko sinasabing, kapag nangyari yun ay susuko na lang tayo. May mga sitwasyon kasing, minsa’y nagkakaroon pa rin ng pag-asa. Hindi nga lang pwedeng maging halimbawa nun ang nangyayari sa akin.

Riel, doesn’t even shown affection towards me, in a romantic way. Purong pagmamahal ng isang kaibigan lamang.

Sinabi ko pa naman kay Red na ‘binabakuran ko ang mga kapatid ko’. Does it mean, that I have already accepted my defeat? Baka siguro, sa pagiging malapit na kaibigan ko na lang kay Riel, siya maituturing na akin. In a sense na pwede akong maging possessive sa kanya as a friend.

Pero, hindi naman ata yun maaari. I don’t usually do that pagdating kay Eri. She has her own way. Kaso nga lang, yung mga nagugustuhan niya’y palaging mayroon nang nagmamay-ari.

Kaya hindi ako masyadong threatened or rattled. At least, mayroong pwedeng magsabi o magpamukha sa kanyang di na pwedeng maging sila nung nagugustuhan niya. Sa sobrang pagpabaya ko sa kapatid ko, yun na rin pala ang nangyayari sa akin ngayon.

Sabay na lang kaming bumalik sa bahay ni Nanay Mel. Tinawag na kasi kami ni Riel. Yun, ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-iwas hanggang sa handa na akong tanggapin na hanggang magkaibigan na lang talaga kami.


Red’s POV

May pinaghahandaan kami ngayon ng mga kagrupo ko. Payo, kasi ito ng aming mga magulang dito sa isla. Sabi nga nila’y kahit makalumang pamamaraan ito, marami pa ring naghahangad na gawan ng ganito ng kanilang minamahal.

I’m just wondering if Riel’s gonna buy this. I just want to make him feel that I’m serious about us. Ginagawa ko naman ang lahat para ligawan siya. Yun kasi ang gusto niya e. Dahil sa masunurin ako, lalo na’t mahal ko, ay gagawin ko. Haha!

Korni ko! Gwapo naman!

Alam na naman ng mga kagrupo ko ang tungkol dito. Pati na rin sina Nanay at Tatay. Naikwento ko kasi sa kanila kagabi ang tungkol kay Riel, dahil sa nangyari doon sa pagtitipon.

Noong una, gulat sila. Pero, kinalaunan ay natanggap na rin nila. Sabi nga nila, wala naman silang karapatan na sumbatan ako. Sarili ko ngang mga magulang tanggap ako, sila pa kayang, hindi naman tunay.

Yung mga kagrupo ko, ganun din. Sabi nga nila’y naninibago sila kapag magkasama kami ni Riel. Parang aso’t pusa daw kami noon kapag magkaaway. Nag-explain na ako, at sinabing hindi ko siya inaaway. Nagkataon lang na ganoon ang nangyayari. Si Riel siguro ganun. Halos isumpa nga niya ako e. Pero hindi ko siya sinasagot ng pagalit.

7:30 PM na, tapos na rin kaming maghapunan. Pinagkakaabalahan ng mga babae kong kagrupo ang mga placard na gagamitin daw namin mamaya. Tama ngang may babae dito sa aming grupo, kahit dalawa lamang sila’y, at least mayroong nakakaalam nang makakapagbigay saya sa minamahal mo.

I love you, Riel! <3

Yun yung mga nakasulat doon sa isang placard. Wala naman akong sinabi sa kanila, pero sila na ang gumawa noon para sa akin. This night will be a special night. Pero, ang bilin ko’y wala munang Can you be my boyfriend. Gusto ko na kapag handa na siyang sagutin ako’y saka niya yun pagdidesisyunan.

Yung mga lalaki nama’y abala sa pagkabisa ng piyesa na aking napili. Sana magustuhan niya. Hindi ako ganun katalento, pero huhugutin ko naman yun mula sa aking puso.

Para sa kanya, I’ll stoop down, kahit laitin pa man ako dahil sa gagawin ko, ano naman di ba? Puno ng pagmamahal kaya yun. Saka ang importante ay yung magiging reaksyon niya. Yung magiging epekto ng gagawin ko sa kanya. Siya lang, sapat na.

Sabi nga ‘A for Effort’.

Buti na lang at kakilala nina Nanay at Tatay yung pamilyang tinitirhan nila Riel. Nang maituro ko kasi sa kanila yung mga magulang nila Riel kanina ay sinabi nilang, kasamahan daw ni Tatay Roy sa pangingisda yung haligi ng tahanan ng mga Aquino.

Sinadya ko ngang hindi magpapansin sa kanya kanina para sa plano kong ito. Kahit miss na miss ko na siya, kinaya ko kasi, bukas nama’y magkakasama na kaming muli. At magkikita pa kami ngayon.

Alas otso na nang mapagpasyahan na naming magtungo sa bahay nila Riel. Tapos na rin ang mga ginagawa ng mga kagrupo ko. Yung mga babae nga’y hindi pa man, ay kilig na kilig na.

“Alam mo, Red. Ang swerte ni Riel sa’yo. Gwapo ka na, i-set aside na natin ang pagiging torpe mo noon, tapos matalino, nasa iyo na ata ang lahat. Mutual pa ang feelings niyo sa isa’t isa.” Ani Andrea.

Naglalakad na kami patungo roon kila Riel. Napangiti na lang ako sa kanyang tinuran.

“Hindi. Ako ang maswerte kay Riel.” Tugon ko.

Maswerte ako kasi, kung hindi niya ako napatawad, wala sigurong ganito ngayon. Maraming iba, kung pinagpatuloy ko lang ang pagiging torpe ko. Yung pagpapapansin ko.

“Sabagay. Riel is to die for. Gwapo rin siya. Napakabait pa. And to top it all, he’s almost perfect!” Saad naman ni Lexa.

Hindi kami ganoon kaclose, pero dahil sa immersion na ito’y nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala namin ang isa’t isa.

“Pero syempre mas gwapo si Red no!” Ani Andrea muli.

“Weh? Selos ka lang no! Alam mo kasi Red, crush ka nitong si An—Hmmm. Hmmm.”

“Tumahimik ka nga, Lexa! Ikaw din naman di ba?!” Galit-galitan na asik niya kay Lexa habang nakatakip pa rin sa bibig nito ang kanyang kaliwang kamay.

Napailing na lang ako. Alam ko naman na gwapo ako e! Haha! Pero hindi ko yun pinagmamayabang! Alam ko kung gaano ako pagtinginan ng mga babae sa school, maging sa kung saan pa. pero, wala e.

My heart is just for Riel. He captivated it effortlessly.

Siya lang ang nakikita ko… I’m in love with him. Ang gusto ko ay sumaya siya. At ako ang magbibigay ng sayang yun sa buhay niya.

Huminga ako ng malalim nang makapwesto na kami. Kaya ko to!


Riel’s POV

Nagkakatuwaan kami ng mga kapatid ko sa loob ng kwarto sa bahay nang may marinig akong tipa ng gitara. Natigilan ako sandali. Hindi pa naman Christmas ah! Bakit may nangangaroling na? Ah! Baka solicitation.

Pero hindi talaga yun ang iniisip ko. May pagkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nasa isip ko ang sign na hinihingi ko, pero yung doubt ay naroroon din.

Imposible! Ni hindi nga namin alam kung saan ang bahay ng bawat isa.

“Nay! May tao po ata sa labas.” Sigaw ni Rea kay Nanay Mel.

“Alam namin! Buksan niyo na lang ang bintana riyan.” Sigaw naman pabalik naman ni Nanay.

Dali-daling kumilos si Greg para buksan ang bintana. Nang mabuksan niya ito’y nagsitayuan naman ang mga kaklase ko. Si Matthew ay karga-karga si Kiko, samantalang si Eli naman ang may karga kay Kikay.

“Riel! Dali! Kailangan mo tong makita!” Masayang baling sa akin ni Ate Xynth.

Agad naman akong napatayo. Pero natigilan akong muli nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Alam mo ba may gusto akong sabihin sayo
Magmula ng makita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang
Pinapangarap ko ang pangarap ko

Argh! Ito na ba talaga to?

Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito
Para sayo
Dahil...

Dahan-dahan akong lumalapit sa maliit na bintana. Binibigyan naman ako ng daan ng mga kasama ko sa loob para marating ang maliit na bintanang nakabukas ngayon para sa nangyayari sa labas.

Simple lang ang pangarap ko
Mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo
Dahil...

Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo, La la la la la x3

Napangiti na lang ako nang magtagpo ang aming mga paningin. Ganoon naman din siya. Ang saya ko’y natutumbasan ng saya niya.

This is what I have asked for. Ang haranahin ng minamahal ko. I know it is something I shoudn’t be asking, because, first of all, hindi ako babae. Pangalawa, masyado na itong lumang pamamaraan sa panliligaw.

Alam mo ba na lalo kang gumaganda sinta
Sa simple na katulad mo ako'y nahulog na nga
Lahat ay gagawin ko para mapaibig ka
Sinta...

Kaya't sana'y maibigan mo
Ang awit kong ito para sayo
Dahil...

He nailed it. Alam mo yung kahit hindi naman ganun kaganda ang boses niya, pero dahil sa nag-effort siya, okay lang? Ganun ang nararamdaman ko.

Simple lang ang pangarap ko
Mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo
Dahil

Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo

Nakita ko na lang sa likod niya ang mala pop-up cards na ginagawa ng dalawang babaeng kagrupo niya. Sina Andrea Mariano at Lexanne Querubin.

Wala na nga kong maihiling pa
Kundi ikaw
Ikaw ang kailangan ko
Sa simple na katulad mo ang buha'y ko'y
Kumpleto na, ikaw lang sinta...

Isa-isa nilang itinataas ang mga placards, at binabasa ko naman ito.

Love is BLIND. Love is UNCONDITONAL.

Love is UNPREDICTABLE. Love is CRUEL.

BUT… Even though…

There’s a lot to say about… Love being dreadful…

I have never… Blamed LOVE…

Falling in love… With you…

I love you, Riel! <3

Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. I am speechless. Pero, napakasaya ko.

Simple lang ang pangarap ko
mahalin nang katulad mo
Sana ay mapansin mo
Dahil…

Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko

Simpleng tulad mo…

Nakangiti siyang natapos sa pagkanta. Ewan ko nga ba! Basta, the feeling is mutual!


Josh’s POV

Nakahiga na kaming lahat noon sa kwarto nang maisipan ko na makinig muna sa radyo ng cell phone ko. Spare phone lang ang dala ko dito, kaya wala ako ni isang kantang mapapakinggan dito. Kaya yun, sa radyo na lang nito ako makikinig.

Dahil nakaset-up ang mga stations nito doon sa amin, kinailangan ko pang maghanap ng mga receptions. Nang sa wakas ay makahanap ako, saktong sakto, dahil senti mode ako ngayon. Mellow music ang mga pinapatugtog.

As requested, here’s KZ Tandingan’s Mahal ko o Mahal ako. Narinig kong sabi ng DJ mula roon nang matapos yung hindi pamilyar sa aking kanta.

Argh!

Pilit ko na ngang isinasantabi ang pag-iisip sa love life ko, ito pa talaga yung ipiplay? Hayst!

Narinig ko na ‘to isang beses, dahil year 2 ng Himig Handog P-Pop, palaging inaadvertise lahat ng finalist nito. At isa ito sa mga nagustuhan ko.

Pero, lately lamang e, parang ayaw ko na. Argh! I’m in this situation right now, and still, don’t even know what to do.

I’ve been considering so many things, kasi.

Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais
At siya’y narito
Alay sa ki’y wagas na pag-ibig
Nalilito
Litong litong lito…

Sino… ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o puso ko
Nalilito litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

Gaya sa kanta. I’ve been confused. So confused when last night happened. Eli’s heart is not yet ready to fall for me. Inside it, is Riel. His first love in this kind of relationship.

Oo, eventhough sinasabi niyang maghintay ako. Nandyan pa rin ang doubt na paano kung hindi na siya makaahon pang muli? Pansin ko na kahit kasi hindi niya pinapansin si Riel lately, feeling ko, hindi niya na lang ito gusto.

Paano ko ba papalitan sa puso niya si Riel, kung sa lahat na lang ng pagkakataon, si Riel ang pag-uusapan namin. Hindi ako nagagalit kay Riel, this is my fault. Sinabi ko na okay lang na maging rebound ako. But then, nasasaktan ako.

Guess I really need a lot of time and patience. I know hindi madali, pero titiisin ko. Mahal ko na e.

Then, Riley came out of the picture. Ugh! Pansin ko na noon ang pag kasweet nitong best friend ko, pero isinantabi ko yun kasi mayroon siyang girlfriend. I can’t help but just shrug it all off, kasi impossible naman na mangyari.

Mula noong bata pa kami, hanggang ngayon ay ganoon na siya. Tagapaligtas ko sa mga bullies. Nag-iisang kaibigan ko noon. Lagi kong maaasahan. Basta! Lahat lahat ginagawa niya para sa akin.

Pero wala e. Hindi ko alam, kung mahuhulog ba ako sa best friend ko. He’s definitely my first and second kiss. Pero alam niyo yung, wala pang spark. Maybe ako lang yung nakaramdam noon, dahil lunod pa ako sa ideyang, pwedeng maging kami ni Eli.

Kahit di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sayo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako’y iyong ibigin
At kung sadyang siya’y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin siya

Sino… ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o puso ko
Nalilito litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig

Aaaaaah! Gusto ko sanang sumigaw, pero I can’t do that this time.

To love and to be loved. Yun lang naman ang hiling ko. Pero nararanasan ko ngayon to sa magkaibang tao. Lord, God! Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Please help me to decide.

Napansin ko na lang na wala na sa tabi ko si Iris. Masyado atang napalalim ang pag-iisip ko. Hinayaan ko na lang muna. Baka nagbanyo lang. Kaya itinulog ko na lamang ang pag-iisip. There still more time to think about it. Baka mabaliw ako kapag yun lang ang aatupagin ko.


Brett’s POV

Nakita ko ang pinsan ko at ang kanyang mga kagrupo. Marami silang dala. May gitara pa. I wonder where they’re heading and up to, this late.

Nalaman ko na lang na sinusundan ko na pala sila ngayon. Nakapagpaalam naman ako sa mga magulang namin doon at sa mga kasamahan ko. I still don’t know why am I hiding, pero yun na nga ang pinanindigan ko.

Nakarating kami sa bahay na parang mayroong second floor, or whatever you call it here. Basta yun na yun.

Nakita kong huminga ng malalim si Red, matapos ay sinenyasan na niya ang kasamang may dalang gitara.

Simpleng tulad mo… Namutawi sa aking bibig.

Ilang segundo lamang ay bumukas naman ang bintana doon sa bahay. Nakompirma ko na ito ang bahay na tinitirhan ng best friend ko. Eli’s in there. May karga-karga pa siyang bata. Nakita ko rin doon si Ate Xynthia.

Harana? Napailing at napangiti ako sa kabaduyan ni Red. Naisip pa niyang gawin to ah? Well, not to mention na bagay sa ambiance ng lugar. Good idea, huh?

Natawa na ako nang tuluyan ng kumanta na siya. Magpinsan nga kami. Yeah, nasa tono naman kaming kumanta, pero hindi yung masasabing talented na kami sa pagkanta. We’re not good, but definitely not so bad.

Nakuha ng atensyon ko ang gulat ngunit halata sa kanyang mukha ang labis na saya. Dahil doon, nawala agad ang saya na nararamdaman ko. Inggit ako sa pinsan ko. Mabuti pa siya, he can do whatever he wants. Tanggap siya ng magulang niya kung ano siya.

Ako? Kaya nga may fiancée ako dahil ayaw ng magulang ko na matulad sa Tito Vince namin. Tanggap na naman nila kung ano si Tito Vince ah? Bakit, kailangan pa nilang gawin to sa akin.

Pero, sumunod naman ako sa kanila kinalaunan. Kaya nga, I did promised Iris na siya na lang. Alam ni Iris na mahal ko ang best friend ko. Maswerte ako sa kanya dahil naiintindihan niya ako. We’re engaged for 4 years now, at marami na akong pangakong nabitawan sa kanya.

Ako yung taong, ang pangako ay hindi dapat pinapako.

Nagulat na lang ako sa aking sarili nang maramdaman ang luha na dumaloy sa aking pisngi. No! Hindi ito maaari! I’ve tried so hard. Pero hindi ko na maiaalis sa puso ko si Riel. Parte na siya nito, habang-buhay.

Umalis ako roon sa pinagtataguan ko. I need to calm my self first, bago bumalik doon sa bahay. Tinext ko na rin si Iris para kahit ilang minuto lang ay may masabihan ako ng nararamdaman ko. Siya lang naman kasi ang nakakainitindi nito.

Hindi ko lang kasi siya fiancée, best friend ko rin siya. At dahil sa mga katangian na ipinakita niya sa akin. Minahal ko na rin siya ng sobra.

I'll help my cousin to get my best friend's heart. Dahil hindi na kami pwede para sa isa’t isa, I'll make sure, mapagkakatiwalaan ko ang taong mamahalin niya.

Sinasabi ko yang mga salitang yan sa sarili ko pero, in the end nasasaktan ako.


Eri’s POV

Sinundan ko talaga si Brett, matapos niyang magpaalam kila Nanay at Tatay. Nagpaalam din ako syempre. Marunong naman ako ng kahit anong courtesy ano!

“Sina Red ba yun?” Nasabi ko na lang bigla. Napatakip lang din ako ng kamay sa bibig nang marealize ko na sinusundan ko pala si Brett. Baka makita niya pa ako no!

Panay rin ang tago niya gaya ko. Stalker na ba siya ngayon? For what? Sino?

Ako? Stalker lang naman ng kapatid ko at syempre, niya. Haha! Proud to be a Brett Santillan’s stalker. Creepy much? Nah! Ang ganda ko kayang stalker!

Hindi ko masyadong naririnig ang nangyayari doon. Basta ang nakikita ko lang ay ang mga kagrupo ni Red na may kung anu-anong pinapakita doon sa may nasa bintana. Nang sipatin ko naman ng aking paningin, yun si Riel pala.

Harana ba tawag doon? May nakakaisip pa pala nun? Ang haba talaga ng hair nitong new friend ko. I wonder if Eli’s coping about Riel, dumping him. Napapansin ko ngang lagi niyang kasama si Josh lately.

Nakita ko na lang na napatalikod bigla si Brett. Ano yun? Umiiyak siya? Nakita ko kasing may kung anong pinahid siya sa kanyang pisngi. Sunod ko na lang nakita ang pagtakbo niya patungong pampang.

Ay grabe! Hingal much ako sa paghabol sa kanya no! Teka! Sino ba kasing may sabing sundan ko siya? Edi ako! So, no blaming! Kaasarr!

Natigilan na lang ako sa pagrereklamo nang marinig ko talagang humihikbi siya. Argh! Nakakainlove! Ahaha! Syempre naman no! Kapag ang lalaki, tough ang character, yun lang yung makikita mo kapag may kaharap siya. Pero, kapag mag-isa lang, may mga traits silang inilalabas.

Nataranta ako bigla ng may sumigaw. Aba! Scandalous much! Gabi na uy! Paki hinaan naman!

“Hubby!” Ulit niya. PDA much naman to si Ate! Grabe! Ang endearment huh? Fan din ba siya ng Talk Back Series?

Nainis ako lalo nang makita ko kung sino ang paparating. Grrr! Sino pa nga ba. Kaya ito tuloy ako, patago-tago na lang! Kainis! Moment ko sana to ngayon kay Brett e!

“Hubby, asan ka? Andito na ako sa pampang… Ah, okay sige. Hush, okay. I’ll be there.” Aniya. Tinawagan niya pa talaga.

Argh! Alam niya pala ang nangyayari! Tinext siguro siya ni Brett! Sana ako na lang talaga ang fiancée niya! Bakit ba kasi lumaki akong tiga ibang lugar bukod sa lugar nila? Bakit pa niya nakilala ang babaeng yan!

Itinuro ko talaga siya. Literal na literal ang pagturo ko sa kanya.

Nakita ko na lang na niyakap niya si Brett. Nasaktan ako! Chos! Hindi naman siguro masamang mageavesdrop ako di ba? Gusto ko lang naman malaman kung anong problema ni Brett e. Hindi ko kasi maintindihan.

“Brett. Tahan na. Si Riel na naman no? Ano bang nangyari?” Rinig kong sambit ni Iris sa malambing na boses.

What? Riel? Paano nasali dito si Riel? Oh my gracious pretty face! Don’t tell me! Noooooooo!

Nakita kong tumango sa kanya si Brett.

“Hindi ko talaga mapigilan e. Naiinggit ako. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Mahal ko siya, pero hindi na yun pwedeng mangyari.” Tugon niya kay Iris.

Natulala ako sa aking nalaman. Alam niyo yung feeling na makarinig ka ng revelations! Grabe na to! Mas lalo akong naiinlove sa kanya! Chos!

“Brett, it seems, you love your best friend even more than me. Well, wala naman akong sinasabing we should do something about this. Ang akin lang, tao rin naman ako. Nagseselos din. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, pero, nasasaktan din ako.” Ani Iris.

Oh my G! Natamaan ako sa sinabi ni Iris. All this time, may sekreto pala sa relasyon nila? Tapos heto ako, pilit na sumasawsaw sa love story ng iba? Argh! Anong klaseng napakagandang tao ako? I’m not this evil! Makakahanap pa naman siguro ako ng gaya ni Brett, di ba?

Makikinig na nga lang ako. I’ll think about what’s happening all over again after this.

“Sorry for hurting you, Iris. Kaya nga sayo ko lang nasasabi di ba? I don’t mean to hurt you, everytime na ganito ang mangyayari. Gusto ko lang talaga ng mahihingahan. I’ve promised my heart to you, yet, may kahati ka pa rin dito. Sorry. Ikaw lang kasi ang nakakaintindi sa akin.”

“Tama na okay? Sabi mo nga, hahayaan mo na kay Red si Riel. Kaya please don’t worry to much. Oo, tanggap ko na may kahati ako diyan sa puso mo, but please, you’ve chosen to let go the urge of being with you’re best friend, romantically. Ang akin lang, ayokong nasasaktan ka.” Iniharap niya sa kanya si Brett at hinalikan ng mabilis. “Sobrang mahal na mahal kita e.”

Napansin ko na lang ang paglabo ng paningin ko. Iris is just a rebound, pero feeling ko naman, mahal na mahal din naman siya ni Brett. They’re never last 4 years, if not. Paano ko nalaman? May private investigator kaya ako.

Alam ko na mabait na tao si Iris. Iniinsist ko lang talaga sa isip ko na kalaban siya, dahil nga sa siya yung fiancée ni Brett. Pero ngayon, tanggap ko na. She’s way too good than anyone else. Second to Riel, I mean.

Napakahirap magpakamartyr no! Pero okay lang yun sa part niya, kasi kahit may mahal na iba ang mahal niya, tanggap niya, kasi, katumbas din naman yun ng pagmamahal nito sa kanya. They’re even.


Eli’s POV

Ang makitang masaya si Riel dahil sa ginawa ni Red ngayon ay ang pagkompirma na wala na talaga kaming pag-asa.

Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang. Tsk. Tsk. Tsk.

Red isn’t scared to tell the whole world how much he loves Riel. One thing I am not sure that I can do.



Itutuloy…

19 comments:

  1. Hi guys! Am so sorry for the 2 weeks delay! :D Babawi ako this week. Promise! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is good chapter author ! Dami kong natutunan ... "Wala kaming karapatan na husgahan ka"

      Delete
  2. Grabr haba ng buhok ni riel hanggang dalampasigan......

    Boholano blogger

    ReplyDelete
  3. Ikaw talaga Rye, pinapahirapan lahat ng characters mo. Pero ok lang. Masolve din yan. Thanks for the update. At least hindi hininto ang story compared to some. Take care. We'll be waiting foe the next update. God bless you.
    .

    ReplyDelete
  4. Hinintay ko talaga to rye grabe buti bumalik ka agad!! Ang ganda nanaman nitong new chapter galing mo talaga!! :)

    -jus

    ReplyDelete
  5. Nice episode. Daming revelations kay riel. Siya na

    Next please

    ReplyDelete
  6. Hi rye the story is superb.different perspective yet still connected with the scene.im looking forward to see the next chapter.thank u

    ReplyDelete
  7. finally you're back :)) hehe namiss ko to sobra :) at may mga bago na namang aabagan, excited for it :))
    eniweyss,, ang sweet naman ni RED. hayy kaingget ;l ang swerte talaga ni RIEL ..
    aasahan ko yang two/three na update mo this week kuya Rye ha .. :) -yelsnA

    ReplyDelete
  8. Idol :-) galing galing haha buti nlng may update :-) kilig :-)

    ReplyDelete
  9. Nice :-) buti nlng may update tnx sa author idol :-)

    ReplyDelete
  10. Kilig much Naman at big revelation ng story ....... kaingit Naman talaga

    Jay 05

    ReplyDelete
  11. Grabe ang swerte talaga ni Riel! Haba ng hair! Author Salamat sa pagbati namiss ko yung story mo sobra!

    ReplyDelete
  12. Ang tagal ko po tong inabangan. :-D

    -Trev

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm back. Makakaasa ka pa sa sunod na updates, til this story ends. :D

      Delete
  13. Salamat po. Love, love, love. Talagang nakaka inlove! Ano ba meron sayo riel at ang daming nainlove sayo. Wala ng natirang guapo para sa mga belat. haha.

    Eli, napakahirap ng sitwasyon mo, halos everyday nakikita mo sya, pano ka makaka move on nyan. Magkaklase pa kayo. Matagal na gamutan yan. Alam koyan, pinagdaanan ko kaya. hahaha.

    Bharu

    ReplyDelete
  14. sana makatagpo ako ng taong tulad ni iris. bestfriend na, gf pa.

    ReplyDelete
  15. You're always welcome guys! It's my pleasure. :D Puro saya, at kilig muna ngayon. Kasi baka isumpa niyo ako kapag umabot na tayo dun sa sad part. Sadista pa naman ako. :D Haha! Thank you, guy! It's from the bottom of my big heart. :D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails