Followers

Thursday, September 25, 2014

Beat Of My Heart Teaser



BEAT OF MY HEART
Vienne Chase


                   ...Iminulat niya ang mata para tingnan kung sino ang taong magsisilbing tagapagligtas niya. Nakita niya ang isang batang lalaki na hindi nalalayo ang laki sa nambu-bully sa kanya. Natuwa ang batang puso niya.
            "Anong pakialam mo?! `Wag kang eeksena dito bata," pasigaw na sabi ng bully sa tagapagligtas niya.
            Hindi man lang niya nakitaan ng sindak ang mukha nito. "Nakikipag-away ka sa hindi mo ka-level! Mayabang ka lang porke't alam mo na kaya mo sila. Ako ang kalabanin mo."
            Nagsimulang magpalitan ng suntok ang dalawa. Sa huli ay nanalo ang tagapagligtas niya. Tumakbo naman palayo ang bully.
            Lumapit sa kanya ang lalaki.
            "Okay ka lang?" tanong nito.
            "Hindi," sagot niya sabay tingin sa tuhod na may sugat.
            Napaiyak siya dahil sa pag-aalala sa posibleng maging reaksyon ng mama at lola niya sa sugat niya. Alam niya na hindi siya sasaktan ng lola niya pero pagdating sa mama niya ay ibang usapan na iyon.
            "Uy, `wag ka nang umiyak. Wala na nambu-bully sa `yo. Okay na."
            Hindi pa rin siya natigil
            Nagulat na lang siya sa ginawa ng batang lalaki sa kanya.
            Hinalikan siya nito sa pisngi sunod sa kanyang labi. Natigil siya sa pag-iyak. Natutok ang kanyang paningin sa mukha nito.. kahit na musmos pa lang siya ay nakadama na siya ng kung anong saya sa puso niya.
            "Nakadama na siya ng kung ano sa puso niya," nasambit ni Vienne. Napabuntung-hininga na lang siya. Noon pa pala ay may pagtingin na talaga siya sa bestfriend niya. Ang paghanggang nadarama niya kay Brax ay naging full-blown na pagmamahal ng higit pa sa kaibigan dahil sa pagkakalayo nilang dalawa. At mas lalo pang sumisidhi iyon sa pagdaan ng mga araw dahil sa mga bagay na ipinapakita sa kanya ng mahal niyang bestfriend.
            Hindi pala si Ambrose ang first kiss niya kundi si Brax. Pero counted ba iyon? Masyado pa silang bata para masabi na una niyang halik ang kaibigan. Wala silang kamuwang-muwang sa mundo noong mga bata pa sila.
            "Bakit mo ginawa `yon?" Gulat niyang tanong.
            "Ang sabi kasi ng mama ko. Nawawala daw ang sakit kapag kinikiss mo ang taong iumiiyak, kaya iyon kiniss kita. Wala na bang masakit sa `yo?"
            Napailing siya. "Wa-wala na," pagsisinungaling niya kahit may kirot pa siyang nadarama mula sa sugat niya.
            "Ano pala ang pangalan mo?"
            "Alvienne Santos. I-ikaw?"
            "Brax Garcia," nakangiting sagot nito. "Mula ngayon, Vienne. Ako na ang tagapagtanggol mo. At bestfriend na rin kita."
            Sa sinabi nitong iyon ay natuwa ang puso niya. Hindi siya tatanggi sa gusto nitong mangyari. Kung iyon nga ang kaso ay may sasandalan na siya at maaasahan tuwing nangangailangan siya ng tulong...

9 comments:

  1. Ang ganda ng umpisa. Keep it up Mr Author. God Bless You.

    ReplyDelete
  2. Woah! Author this looks promising! I'll really wait for this! Namimiss ko na story mo author!

    ReplyDelete
  3. Asan n and chapter 1 Ipost n agd tan now n plsssssssss

    ReplyDelete
  4. Walang nagupdate today:(

    ReplyDelete
  5. palagay ko, mahu-hook ako s story na ito.

    ReplyDelete
  6. Waaaaahhh. Simulan na yan!!

    -hardname-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails