Athr'sNote-
Guys!! Hindi ko alam kung SPG 'to, kayo na ang humusga!! (--.) hindi ko alam kung wild eh.
Pwede ba 'to sa blog? Kuya Ponse kapag nabasa niyo po ito painform kagad kung bawal, aalisin ko po kagad.
Guys, may pinapasabi si Kurl, Advance Patawad :)) Haha.
Pasensya na po kung hindi ko maibibigay lahat ng mga expectations nung mga nagbabasa sa storyang ito, natapos ko na po yung storya, naayos ko na ang ending. Pasensya na talaga.
Happy reading!
--
Point Of View
- Kurl -
Salas
"Patawad.. patawad apo ko." sa sinabing iyon ng nagsasabing tatay ng mama ko ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak.
Napakasakit, matapos kong marinig ang lahat, hindi ko alam kung matutugunan ko ba ang paghingi niya ng tawad.
"Yun na po iyon? Patawad? Ganun lang po ba kadali sa inyo?" medyo pag-crack na ng boses ko.
"Hindi niyo po kasi alam.." hindi ko maiwasan pero parang gusto kong isisi sakanya ang lahat.
Ganun naba ako kasama? Mali ba 'to?
"Hindi niyo po alam kung ano ang pinagdaanan ng mama at papa ko, kaya.. kaya po pala ganun na lang kung sabihan nila ako na matutong magpatawad. Eto nga po siguro ang tinutukoy nila." halos hindi ko magawang tignan ng deretso ang nagsasabing lolo ko.
"Katulad nga ng sinabi ko apo, pinagsisisihan ko na ang lahat." pagluha narin ng kausap ko.
"Pero nasan po kayo?! Nung.." napalakas ko nang sabi at hindi ko na ito natapos nang maalala ang isa sa pinakadahilan ng pagiging mag-isa ko.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin, si Paulo, na kanina pa ako pinapatahan.
"Apo ko.. patawad.."
Hindi ko talaga mapigilan ang hindi manisi at magalit. Lalo pa't ganun pala ang nangyari sa mama ko.
"Kurl anak.. matuto kang magpatawad. Isa yan sa pinaka-maipagmamalaki mo bilang ikaw."
Pag-alala ko pa sa laging sinasabi sa akin ng papa ko.
Kasabay ng pag-alala ko sa sinabi ni papa ay siya ring pag-alala ko sa laging sinasabi rin ng aking inay.
"Pero paano po? Ang sakit po eh.. Ma pa, paano po?" paghingi ko pa ng tulong sa aking mama at papa sa pamamagitan ng aking isipan.
"Apo ko.." rinig kong pagtawag pa sa akin ng taong nagtakwil sa aking inay.
"Bakit po ganun? Bakit niyo po pinabayaan ang mama ko?" pagharap ko na sakanya habang patuloy parin sa pag-iyak.
"Asan po kayo nung mga panahong.. mga panahong namatay ang mama at papa ko? Hindi man lang po ba kayo nakaramdam ng awa? Sa mama ko? Sa anak niyo?" pagtayo ko pa.
Patuloy lang ito sa pag-iyak. Masakit man na masaktan ko ang taong ito, hindi parin mabura sa aking isipan ang ginawa niya sa aking inay.
Oo kanina nang ipaliwanag niya ang lahat, nang humingi siya ng tawad, nakikita at nararamdaman ko na pinagsisisihan ang nagawa niya kay mama.
Pero wala eh, itinakwil at pinabayaan niya ang mama ko.
"Patawad po pero, hindi ko po ata kayo magagawang patawarin." labag man sa kalooban ko, nagawa ko parin itong sabihin.
Hindi ko man napagbigyan ang laging sinasabi nila mama at papa. Na kung saan maaari ngang nagpapadala ako ngayon sa aking galit o emosyon, pero sadyang masakit para sa akin ang aking nalaman.
"Makakaalis na po kayo." may diing sabi ko pa bago ako tuluyang tumalikod.
Maglalakad na sana ako patungo sa aking kwarto nang...
"Papa.. papa.." napatigil ako nang marinig na magsalita ang mommy ni Paulo.
"Lolo bakit po.. ano pong nangyayari sa inyo..." rinig kong tarantang sabi pa ni Paulo.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
"Yael tikman mo 'to oh.." pagtawag ko sa aking kambal para ipatikim 'tong ginagawa kong miryenda namin.
"Masarap ba?" agad na sabi nito pagkalapit niya.
Nang matapos ay agad kaming kumuha ng lalagyan at naglakad papunta sa aking kwarto.
Nang nasa hagdan kami ay halos mabitawan ko ang aking hawak na juice nang mapansin si mommy.
"Kailan mo ipapakilala yang boyfriend mo?" pagngiti ni mommy. "Sa phone palang natin napag-usapan yan."
"Balita ko kasi.. kakaiba yang boyfriend mo, kailan mo ipapakilala sa akin yan?" pagngiti pa ni mommy.
"Mommy, si Kurl, you know him right?" masayang sabi ko.
Saglit siyang napatigil, tapos yung mata niya, parang napa.. (O..O) hehe.
"Siya? yung.. yung anak ni Sandra at Marko?" hindi makapaniwalang tanong ni mommy.
"Opo.." mahinang sabi ko, may problema papala ako.
Muli kong naalala yung tagpong, nasusunog ang bahay, yung pagligtas sa akin ng mga magulang ni Kurl, yung pag-iyak ng batang si Kurl.
Yung bagay na sana, sana hindi na lang nangyari.
"Ay oo nga pala Yael, siya pala yung bata.." sabi pa ng kapatid ko.
Tila napatingin na lang ako sa kawalan, parang talagang isang bagsakang nagsipasok sa isip ko yung mga bagay na iyon.
"Hindi niya pa alam diba?" tanong ni mommy, napatango lang ako.
"Tara sa kwarto ko, pag-usapan natin yan." sabi kagad ni mommy at nagsimula na kaming maglakad, pasunod kay mommy.
Paano ba 'to? Kaya ko na ba?
"Mommy, hindi naman po siguro kayo tututol sa amin ni Kurl, ngayong nalaman niyo na si Kurl pala yung minamahal kong lalaki." mahinang sabi ko.
"Nicollo anak, wala akong karapatan para tumutol, ginagabayan ko kayo oo.. magulang ako oo... pero hindi parin sapat iyon para magkaroon ako ng karapatang magdesisyon para sa inyo sarili, lalo na kapag patungkol sa ganyang bagay." balik ni mommy, nag-thumbs up pa 'tong kapatid ko habang nakasunod lang kami, napangiti na lang ako.
Sa sinabing iyon ni mommy, ay tila bigla ata akong nagkaroon ng lakas ng loob para harapin yung problema ko kay Kurl.
Itetext ko na sana si Kurl para kamustahin nang mapansing may nagtext pala sa akin.
Galing sa isang unknown number?
-----
(
flashback
Third Person's POV.
"Kurl anak, naaalala mo paba ang laging bilin ng papa?" tanong ng isang ama sa kanyang anak habang abala sa pagbukas sa tsokolateng pinabili ng bata.
"Hmm... hindi na po eh.." pagtawa ng bata. "Pero kung bubuksan niyo po yan ng mabilis papa, maaalala ko po.."
"Kayo talagang mag-ama kayo oh.." pagtawa rin ng ina nito.
Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa park. Dahil sa makulit at mapilit ang kanilang anak ay pinagbigyan na nila ito.
"Oh eto na anak." pag-abot nito ng tsokolate sa bata. "Oh ano nga uli yung lagi kong binibilin sa'yo Kurl?"
"Hmm.." pag-iisip ng bata.
Isang batang inosente, dahil sa edad nito. Naguguluhan man siya ay nakikinig na lang ito palagi sa laging sinasabi sakanya ng kanyang mga magulang.
"Maging mapagpatawad po. Kasi po eto ang isa sa bumubuo sa mga magkakasama." simpleng balik nito habang abala sa pagkain
"Mali anak, kasi, ang pagpapatawad ang bumubuo sa salitang pagsasama." pagbuhat pa sa sakanya ng kanyang itay.
"Ganun narin po yun eh.." pagtawa ng bata.
"Hindi na kayo nagbago, ikaw talaga Marko binubuhat mo pa si Kurl, matanda na yang makulit na yan eh." natatawang sabi pa ng inay nito.
"Papa bakit niyo po laging sinasabi yan sa akin?" saglit na napatigil ang mag-asawa sa tinanong ng kanilang anak.
"Eh kasi.. maipagmamalaki mo yan bilang ikaw, at isa rin yan sa mga mahahalagang katangian ng isang indibidwal." naisagot na lamang ng itay nito.
"Eh si mama po may sinasabi rin sa akin." sabi pa nito, tinignan lang nila ang bata.
"Ang hindi magtanim ng sama ng loob tapos po ang umunawa at umintindi." sabi pa ng bata.
Napangiti na lamang ang mag-asawa.
"Basta Kurl, tatandaan mo rin na hindi lahat nakukuha, hindi lahat madali at hindi lahat maiintindihan ka. Pero kung magpapakatotoo ka, paninindigan mo ang nararamdaman mo, at sa ganoong paraan ay naiparating mo ang sinseridad mo.."
"Hindi imposible ang mapatawad ka. Kasi po minsan kung saan huli na ang lahat, doon pa po tayo nagsisisi." pagtatapos ng bata sa sinasabi ng kanyang itay.
"Ang galing talaga ng anak namin. Kaya mahal na mahal ka namin ng papa mo eh." paghalik pa ng inay nito sa bata.
Napatigil na lang ang mag-asawa nang mapansin na parang mausok na ang kanilang dinadaanan.
Hanggang sa mapadako ang tingin ng mag-asawa sa isang nasusunog na bahay malapit sa kinatatayuan nila.
end
)
-----
Point Of View
- K u r l -
"Mama.. Papa.."
"Kurl gising, Kurl..." nagising na lang ako sa sunud-sunod na pag-alog.
Agad akong napa-upo sa takot.
"Basta Kurl, tatandaan mo rin na hindi lahat nakukuha, hindi lahat madali at hindi lahat maiintindihan ka. Pero kung magpapakatotoo ka, paninindigan mo ang nararamdaman mo, at sa ganoong paraan ay naiparating mo ang sinseridad mo.."
"Hindi imposible ang mapatawad ka. Kasi po minsan kung saan huli na ang lahat, doon pa po tayo nagsisisi."
Pag-alala ko, kanina si lolo habang nagpapaliwanag at humihingi ng tawad ay ramdam ko ang bawat sinseridad sa kanyang mga sinasabi, ang paghingi niya ng tawad, ang mga paliwanag niya at ang pagsisisi niya.
"Nananaginip ka ata Kurl? Tinatawag mo kasi ang mama at papa mo.." sabi pa ng nasa harap ko. "Pasensya na kung ginising kita, nag-alala lang kasi ako eh.."
Agad akong napahawak sa aking dibdib, napakalakas ng tibok ng puso ko. Marahil sa takot at sa pag-alala sa mga nangyari.
Nanaginip nga ako. Panaginip na kung saan, nagpa-alala sa akin sa mga sinabi nila mama at papa.
Mukha nga talagang eto ang tinutukoy nila. Pero tama ba? Tama ba na patawarin at tanggapin ko ang aking lolo?
"Kung saan huli na ang lahat, doon pa tayo nagsisisi." naaalala kong isa pa sa laging sinasabi sa akin ni papa.
Agad akong natauhan sa aking mga naisip.
Tama. Tama nga sila, dapat ngang magpatawad ako at huwag na huwag akong magtatanim ng sama ng loob.
Kanina si lolo, ramdam ko ang sinseridad sa paghingi niya ng tawad sa nagawa niya sa aking ina, sa amin.
Ayaw kong mahuli ang lahat, ayaw kong dumating ako sa punto na kung saan, magsisi ako.
"Kurl, ayaw mo ba talagang sumunod doon sa ospital? Hindi kaba nag-aalala." napatingin na lang ako kay sir Ken na nagsasalita. "Nakatulog ka pa nga eh."
Sa sinabi niyang iyon ay agad na akong tumayo. Napakasama ko, nakuha ko pang matulog samantalang nasa ospital ang lolo ko.
"Tara, sir Ken dali." paghila ko pa sakanya.
"San ba tayo pupunta?" rinig kong tanong pa niya nang papalabas na kami.
.....
"Ang laki naman po pala ng bahay niyo." halos manliit ako nang makababa na kami ng kotse.
Ayos na kami ni lolo, humingi narin ako ng tawad. Ang mommy ni Paulo, akala ko galit, hindi pala. Mabait rin, sobra, napakagaan.
At si Paulo naman? Heto at ang saya-saya. One big family ba 'to? Hehe.
Sayang at umalis na si sir Ken, edi sana ultimate big family na kami. Haha.
"Gusto mo bang tumira dito Ian Kurl apo?" rinig kong tanong ni lolo, tono palang ni lolo, alam kong masaya siya.
Agad akong umiling at ngumiti.
"Bakit Kurl? Ayaw mo ba rito? Si Paulo dito natutulog tuwing biyernes hanggang linggo." sabi ni tita.
"Pasensya na po pero hindi ko po magagawang iwanan yung bahay namin nila mama at papa." balik ko.
"Pero pwede naman siguro na kami na lang ang dumalas doon sa bahay mo?" pagsingit na ni Paulo. "Okay lang ba yun pinsan?"
Kanina pa ako kinikiliti, pinsan siya ng pinsan, sipain ko ata 'to eh.
"Kung si lolo at tita, sure pwedeng-pwede. Pero ikaw Paulo? Wag na, bawal ka dun." simpleng balik ko.
"Ang daya, eh nagkis.." agad kong tinakpan yung napakadaldal niyang bigbig nang matunugan yung sasabihin niya.
"Mukhang malapit na sa isa't-isa yung dalawa kong apo ah?" pagtawa pa ni lolo.
"Kayong dalawa, dati pa kayo magkakilala diba? Tignan niyo at magpinsan pala kayo." dagdag pa ni tita.
"Busit nga po eh, ang panget ng pinsan ko. Teka, magpinsan ba talaga kami?" posturang nandidiri ko pa.
"Wow ang arte ng pinsan ko! Ako panget? Ako ako ako?" pagturo pa ni Paulo sa pagmumukha niya.
"Lo, punta lang po kami sa kwarto ko ah?" sabi pa ni Paulo at agaran na niya nga akong hinila paakyat.
Pagkapasok namin sa kwarto niya ay agad niyang isinara ang pinto.
"Kurl, magpinsan pala tayo noh?" sabi nito habang parang bata lang na naupo sa kama niya.
"Oo nga eh, akalain mo." pagsang-ayon ko habang iniikot ang aking paningin sa loob ng kwarto niya.
"Kadiri nga eh." pahabol ko pa.
"Hah? Kadiri?" agad na sabi niya.
"Nagkiss tayo." posturang nasusuka ko pa saka tumabi sakanya.
Hindi na awkward para sa akin ang banggitin yun, magpinsan kami eh.
"Ewan ko sa'yo.. pero alam mo Kurl yung ibang pinsan natin, nako mga maaarte at mayayabang, palibhasa mayayaman din." sabi niya saka nahiga at nakipagtitigan sa kisame. "Kaya masaya ako at hindi ka ganun, sabagay yung mommy mo at si mommy ko kay lolo talaga nagmana."
"Si mama ko, mabait talaga yun, sila ni papa." pagmamalaki ko.
"Pati si mommy ko, at lalo na si lolo." tonong pagmamalaki rin ni Paulo. "Pero Kurl alam mo ba kung bakit ako mas masaya na magpinsan tayo?" pagharap patagilid niya pa sa akin.
Nanatili lang akong nakatingin sa may kisame.
"Bakit?" balik ko.
"Eh kasi nga magpinsan tayo!" malakas na sabi niya at nagulat na lang ako sa biglaang pagbagsak niya ng katawan niya sa akin.
Ang kulit talaga nito, kaya naman nagharutan na nga kami.
----
Point Of View
- N i c o l l o -
Message: Hey! 'em back. See you when I see you, hot kisser ;)
Paulit-ulit na pagbasa ko sa text mula sa isang unknown number.
Kahit na unknown, kilala ko siya, kilalang-kilala. My ex-girlfriend, siya lang naman nagtetext ng ganyan sa akin eh.
"Ba't kapa bumalik? F***."
Baliw, ang ex ko na naging baliw nang makipaghiwalay ako sakanya, kaya lang naman naging kami, kasi naawa ako sakanya.
Napapikit na lang ako, problema. Problema nanaman 'to, hindi ko pa nga naaayos yung sa amin ni Kurl eh.
Tatawagin ko na sana ito para pangunahan nang matunugan ang pagbukas ng pinto.
"Yael san si kuya Kurl?" rinig kong sabi ng kapatid ko.
Agad akong nahiga ng maayos paharap sakanya mula sa pagkakadapa.
Ayaw kong malaman ni Yael 'to, ng barkada, ako na ang bahala.
"Oh bakit mo hinahanap si kuya Kurl mo?" pag-upo ko.
"Pasama sana ako sa SM, wala akong kasama eh." parang batang sabi niya.
Agad ko naman siyang binatuhan ng unan ng makatabi na siya sa akin.
"Ba Yael? Napano ka?" inis niyang sabi.
"Wow, pikon kagad?" kunot ko kagad. "Ba't nakasimangot ka pa diyan?"
"Gusto ko kasing magpasama kay kuya Kurl, tapos nagreply siya na hindi siya pwede." tonong nagsusumbong niya saka siya nahiga at niyakap yung unan.
Nakasimangot pa talaga, mas bata pa ata sa akin 'to eh.
"Pasalamat ka nga nireplayan ka, eh ako? Wala." pagtabi ko sakanya. "Pero ba't sakanya ka nagpapasama? Ba't hindi sa akin? Nakakatampo ka ah.."
"Eh Yael, alam mo naman sitwasyon natin sa mga mall, park, at kung saan-saan pa man yan diba?" balik niya kagad.
Napatango na lang ako, tama siya. Sa mga mall at kung saan-saan pa, lagi kaming pinagtitinginan, nilalapitan, tapos patanong-tanong pa kung kambal kami eh nakikita na nga nila eh.
"Yael, pilitin mo si kuya Kurl, sige na.." pag-aalog pa sa akin ng kapatid ko. "Please.. gusto ko siya kasama eh.." tonong pagmamakaawa pa niya.
"Hoy Yael." agad na pag-upo ko. "Baka mamaya may gusto kana sa boyfriend ko, sisipain kita."
"Yael naman eh, napag-usapan na natin yan diba? Para kang tanga." inis niya.
"Naninigurado lang Yael, baka mamaya makikihati kapa. Mag-aaway tayo kala mo lang." sabi ko pa.
Ngumingiti-ngiti lang siya.
"Oh bakit?" inis ko.
"Mahal mo nga talaga si kuya Kurl. Congrats Yael, nagmamahal kana!!" pagsigaw at napaka-OA niya pang postura.
Napa-isip ako, tama siya. Mahal na mahal ko talaga si Kurl, hinding-hindi ko pababayaan yang si Kurl.
Nagmamahal na nga ako, yung mga nakarelasyon ko dati, laro-laro lang. Pasakay-sakay lang sa flow.
"Hoy Yael, kapag magkasama kayo ni kuya Kurl mo, huwag ka masyadong pacute, yang si kuya Kurl mo patay na patay yan sa mga chinito, kaya umayos ka ha?" pagbibilin ko sa kambal ko.
Patango-tango lang ito.
Mas maganda na ang sigurado, alam niyo naman si Kurl diba? Patay na patay sa mga mapupungay ang mata.
Agad na akong tumawag kay Kurl.
"Nicollo! Napatawag ka? Miss mo na ako?" agad na sabi nito pagkasagot niya sa tawag.
Saglit akong napatigil nang marinig ang boses ni Kurl, naiisip ko palang ang tungkol sa katotohanan.. nanghihina na ako.
Huwag na rin sanang dumagdag pa sa problema ko yung Ex kong yun.
"Si Yael, nagpapatulong sa'yo." simpleng sabi ko na lang.
"Oh sure sure, kanina kasi akala ko magtatagal pa ako dito pero hindi na. Anong oras ba daw?" balik kagad ni Kurl.
Nasan kaya siya?
"Yael anong oras ba daw sabi ni kuya Kurl moh?" baling ko kay Yael.
Agad namang napangiti ito, tanda na masaya siya dahil masasamahan siya ni Kurl.
Agad niyang inagaw sa akin ang phone at..
"Kuya Kurl? Sasamahan mo ako? Talaga?" masayang sabi niya sa kabilang linya.
Napa-upo na lang ako, nag-se-se-los ata ako. Arrrrhhhhh!!!
"Kaso kuya Kurl seven na ng gabi eh, ilang oras na lang baka masaraduhan na tayo niyan. Uwi kana kuya Kurl!!" pamimilit pa ni Yael.
"Sige sige, punta na'ko sa bahay mo, ge ge.. ingat.. Salamat kuya Kurl.." masayang sabi pa ng kapatid ko at binaba na nga ang tawag.
Agad naman akong tinignan ng kapatid ko pagkatapos, nakatitig lang siya sa akin.
"May nagseselos.." tonong pamumusit niya.
Nanatili lang akong tahimik.
"Yan ang gusto kong iparating sa'yo Yael, kung hindi ka matututong magtiwala kay kuya Kurl at puro selos ang paiiralin mo, walang mangyayari sa'yo." sabi niya. "Sayang lang dahil kung kailan nagmamahal kana.."
"Eh kasi mahal na mahal ko yun eh, natatakot ako na baka.. yun nga baka iwanan niya ako dahil sa iba." pagputol ko sakanya, tumingin rin ako sakanya.
Baka kasi, may makita si Kurl sa iba na wala sa akin tapos iwanan niya ako, may punto ba ako? o masyado lang akong madrama?
"Yun na nga, kung mahal mo, pagkatiwalaan mo. Yael huwag puro drama o selos, grabe halata namang mahal na mahal karin ni kuya Kurl eh." pagpapaliwanag niya pa.
Napaisip ako saglit, tama ang kambal ko. Heto at pinaiiral ko nanaman ang kababawan ng pagseselos ko.
"Ayusin mo Yael ah? Lam ko naman na hindi ka eeksena eh, kaya mamaya sa SM bantayan mo yang si kuya Kurl mo, nako hinahabol yan at pinagtitinginan yan." pagbibilin ko, tumango-tango lang siya.
"Patay na patay ba si kuya Kurl sa mga chinito?" biglang tanong niya.
"Nako! Sobra! Patay na patay!" pagtawa ko pa, natawa rin siya. "Nasisira pagkadiscreet niya kapag nakakakita siya ng chinito, alam mo yung kinwento kong inasikaso niya ako sa bahay niya? nako Yael... parang nag-aagaw buhay siya habang inaasikaso niya ako." dagdag ko pa.
Hanggang sa napuno ng tawanan ang kwarto ko.
Naalala ko tuloy nung mga panahong bago palang kaming nagkakilala ng Kurl na laging pinag-uusapan dito sa amin, yung araw na tinulungan niya ako at yung mga oras na inaasikaso niya ako.
"Yael susumbong kita sakanya.." tonong pagbabanta ng kapatid ko.
"Ay ewan, ge na punta kana sa bahay niya, baka naghihintay na yun.. bilis na!" pagtulak ko pa sakanya habang pilit parin kami sa pagpigil sa pagtawa.
"Sige, salamat Yael ah?" pagngisi pa niya, napailing na lang ako sa kalokohan niya. "Pero susumbong parin kita.." sabi pa niya saka na siya tuluyang lumabas.
"Mag-ingat kayo ahh!!" pagsigaw ko pa.
Pagkalabas ng kapatid ko, ay siyang pag-alala ko kay Clarice, my ex-girlfriend.
Kailangang isantabi ko na muna siya, may Kurl ako ngayon, na kailangang pagtuunan ko ng pansin.
Napatingin na lang ako sa may pintuan, muli.. napapikit na lang ako.
-----
Point Of View
- K u r l -
"Ge, salamat! Ingat!!" pagpapaalam ko pa sa pinsan ko, kay Paulo.
Siyang pag-alis ng kotse niya ay siyang pagdating ng isa pang kotse.
"Kuya Kurl....!!!" agad na pagsigaw ni Yael mula sa bintana.
Nako! Buti talaga at kPop hairstyle 'tong si Yael, si Nicollo naman medyo wavy yung hairstyle tapos kengkoy moves pa. Walang kalito.
Napangiti na lang ako nang makababa na ito.
"Tara kuya Kurl? Oras na eh.." agad na sabi nito.
"Ge, tara.." balik ko, dederetso na sana ako sa kotse nila nang pigilan niya ako.
"Kuya Kurl.." ngiti nito. "Motor tayo." nahihiyang sabi pa niya.
"Naikwento kasi ng kambal ko na.. naisakay mo na raw siya sa motor mo, baby Tobi daw yung pangalan." pahabol pa niya.
"Sure, nahiya kapa." pagngiti ko saka na agad pumasok sa loob.
Nagpalit narin ako saglit ng damit at kinuha ang aking susi.
-----
Point Of View
- N i c o l l o -
Bakit pa kasi bumalik yung baliw na yun.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang magvibrate ang aking phone.
Message: Nicollo! Malapit na kami ni Yael diyan, pauwi na kami. Sarap pala kasama ng kapatid mo :)
Text ni Kurl. Eto si Kurl, si Kurl ang meron ako ngayon at hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.
Hindi alam ni Yael at ng barkada na bumalik si Clarice. Mas maganda iyon, ako na ang bahalang umayos nito.
Hindi ko rin hahayaang malaman ni Kurl ito, ayaw kong madamay siya. Ayaw ko rin na guluhin siya ni Clarice, kung sakali.
Agad na akong bumaba at dumeretso sa may sala.
Hanggang sa nakarinig na lang ako ng sunod-sunod na pagbusina.
Nanatili lang akong naka-upo at pokus sa panunuod.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Seloso." sabi nito.
"Yael ako na bahala sa kapatid mong may topak, magpahinga kana sa kwarto mo!" sabi pa nito.
"Ge kuya Kurl salamat, woy Yael para kang bata diyan, paarte pa." sabi pa ng kambal ko.
Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ni Kurl, agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Bakit parang nagtatampo yung mahal ko?" mahinang sabi niya.
"Buti pa si Yael, buti pa kayo. Pa-bonding bonding na lang kayo." sabi ko naman.
"Hay para kang tanga, tara dun nga tayo sa kwarto mo." sabi naman niya. "Pagod ako eh, gusto ko mahiga at magpahinga."
"Edi umakyat ka dun." walang ganang sabi ko.
"Sayang, plano ko pa namang matulog ngayon dito sa bahay niyo, katabi ka." tonong nanghihinayang niya.
Ayun sakto!
Agad akong tumayo at hinawakan ang kamay niya.
"Tara dun na tayo sa kwarto ko, dali.." paghila ko pa sakanya.
Bago ko harapin bukas si Clarice, kukuha muna ako ng pampagana.
Napangisi na lang ako habang hila-hila si Kurl.
....
"Hindi naman ako nagseselos eh, nag-usap na kami ni Yael." agad na sabi ko pagkahiga namin.
"Sige na sige na, sabi mo eh." pagtawa pa niya.
Pinipilit niya kasi na nagseselos ako, eh hindi naman kaya. Diba diba?
"May tatanong pala ako." pagtagilid paharap ko sakanya. "Naaalala mo yung unang pagkikita natin? Nung tinulungan mo ako.."
"Ahh.. bakit?" pagharap rin niya.
"Diba sabi mo may kinakatakutan kang tatlong bagay.. si God, tapos multo.. eh ung isa ano?" tanong ko.
Naaalala ko kasi na dati talagang pinakahulahula ko yun, hanggang ngayon na naging kami na, eh sa sumakit ang ulo ko kakahula kaya eto at itatanong ko na lang.
-----
Point Of View
- K u r l -
"Buti natanong mo?" kunot ko.
Sa dami-dami ng itatanong yun pa, nahihiya kasi ako eh.
"Ano nga kasi? Si God, tapos multo tapos ano pa yung isa?" paghawak pa niya sa may balikat ko. "Dali na.. Kurl please." pag-alog pa niya sa akin.
(
flashback
end
)
Sasabihin ko ba? Eh sa madrama ang dating eh, buhay pag-ibig kasi.
"Sandali lang.." nahihiyang sabi ko saka ako agad na nahiga ng maayos at nagtakip ng unan. "Ge, ano nga ulit yung tanong mo?"
Narinig ko naman na tumawa siya.
"Diba sabi mo related kay God? Bakit naman?" unang tanong niya.
Napalunok ako saglit, mabuti at may unan, atlis hindi niya makikita ang mukha ko.
"Eh kasi, itong bagay na ito ay magmumula kay God, bigay ni God." pagsagot ko.
"Okay okay, ang gulo." pagtawa niya. "Oh sabi mo pa related sa multo bakit naman?"
Saglit akong napaisip, nakakahiya talaga eh, pero eto na.
"Eh kasi, hindi na ako matatakot sa multo dahil sa bagay na ito, kasi, may makakasama na ako, yung bagay nga." medyo naiinis ko nang sabi.
Matanong kasi, pati yun naaalala pa niya.
"Gulo talaga eh, pero.. sabi mo rin related sa'yo? Paano naman?" tanong pa niya.
Teka, paano ko nga ba sasagutin 'to?
"Eh sa kasi nga may makakasama na ako, yung bagay nga!" pamimilit ko pa.
Ganun parin ang pwesto ko, nakahiga at nakahawak sa unan na ipinantakip ko sa mukha ko.
"Ang gulo mo, puro ka bagay. Eh tayo lang naman ang bagay eh." pagtawa pa niya.
Saglit akong napatigil, kami lang ang bagay? Ayaw ko man pero kinikilig ako sa simpleng sinabi niya.
Ang tanda-tanda na gumaganyan pa.
"Ang tanda mo na para luminya pa ng ganyan, baduy mo talaga. Ang tanda-tanda na natin eh" sabi ko na lang.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang tanggalin yung unan, hindi ko namalayan.
Pagtanggal niya ay siyang pagtakip ko agad sa aking mukha sa pamamagitan ng dalawa kong kamay.
"Nicollo naman.." inis ko.
Narinig ko lang na tumawa siya, tawa ng tawa.
"Ba't ka namumula Kurl? Ay nako.. ang tanda mo na kinikilig ka pa." natatawang sabi niya pagka-alis niya sa dalawang kamay ko.
"Oh yung last, bat related sa isang tao? Paki-explain." pagngisi pa niya.
Nakahawak lang siya sa dalawa kong kamay, gusto ko parin kasing takpan ang mukha ko, ahh nakakahiya talaga.
"Hindi mo paba narinig? Kasi nga dahil sa taong yun ay hindi na ako mag-iisa, na hindi na ako matatakot sa multo, yung bagay nga! Nicollo naman eh.. paulit-ulit na lang tayo." simangot ko.
Tumawa lang ulit siya, kaya talagang namumula 'tong pisngi ko eh, nahihiya kasi ako na kinikilig pa sa sinabi niya kanina.
"Eh kasi nga Kurl..." paglapit pa niya sa mukha niya sa akin. "Hindi naman bagay yun, tao yun."
"At sa tingin ko, ako na yun. Ako ako ako ako." pagngiti niya pa saka ako hinalikan.
Tama siya, kaya ayan at, heto naghahalikan kami.
Namiss ko talaga si Nicollo, kahit na ilang oras lang kaming hindi nagkita, eh sa ganun tayo magmahal diba?
"Kurl.." mahinang sabi niya pagkakawala niya. "Mahal kita, mahal na mahal." paghalik pa niya sa noo ko.
"Mahal na mahal na mahal rin kita." pagngiti ko. "Pero hindi dahil sa mahal kita.. ay hahayaan na kitang pumatong sa akin." natatawang sabi ko pa.
Kasalukuyan kasi siyang nakapatong sa akin, dahan-dahan siyang pumwesto paitaas sa akin habang naghahalikan kami.
"Kurl, may sasabihin ako." napakahinang pagbulong niya sa akin, sa hangin.
Mukhang, alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"Nicollo, binabawi ko na yung sinasabi ko kanina." natatakot ko nang sabi.
Nag-iiba awra ni Nicollo, ramdam na ramdam ko.
Ang mas ikinakatakot ko pa ay, alam kong nag-iiba na rin ang awra ko.
Kasalanan ba 'to? Kung oo, pwede bang.. advance patawad na? Arrrrhhhh!!!
"Alin dun Kurl?" nang-aakit na niyang sabi, yung tono niya, napapasabay ako, nako po.
Advance patawad talaga..
"Yung.. yung.. yung sinabi kong matanda na tayo.. kaya Nicollo.. bata pa tayo para dito." balik ko, ngumiti lang siya.
Akala ko titigil na siya pero, pero.. pero hindi eh.
Napalunok na lang ako sa ginawa niya.
"Nicollo naman eh.. ang kulit mo." patukoy ko sa ginagawa niya.
Dahan-dahan siyang gumagalaw, habang nakapatong parin sa akin.
Base sa nararamdaman ko, napapasabay ata ako? Nako po!
"Kurl, alam mo naman na napakalamig ng panahon ngayon diba?" pagbulong pa niya.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin dahil sa nangyayari sa amin ni Nicollo.
Iba na kasi yung nararamdaman ko. Yung bang, advance patawad na ata talaga?
"Kaya kailangan nating magpapawis, ayos lang ba sa'yo?" tonong pang-aakit pa niya.
Napangiti na lang ako.
"Nicollo, kanina pa nga tayo pinagpapawisan eh." pagsabay ko na sa tono niya.
Hanggang sa nakita ko na lang na pareho na kaming walang suot na t-shirt.
At muli kaming naghalikan, sa pagkakataong ito, iba na ang klase ng paghahalikan namin.
Advance patawad po talaga..
Itutuloy
May mangyayari ba? Let's see! :))
Kung bawal po yung ganito, comment po kagad please!
Papano naging bawal? Eh, that's nature's way of expressing love to both parties di ba? Thanks for the update Mr Author.
ReplyDeleteNaman e! Nambitin pa! Okay lang naman yung scene na ganyan dito. There are some here. 'Wag lang yung alam mo na. Haha!
ReplyDeleteBitin?pero exciting ung next chapter ah sarzp antyin, sundan sana agad ng author
ReplyDeleteJay05
This I considered very mild depiction. From scale 1 to 10 I'll be giving it a 1 unless you will go out in the next chapter... kaya okay lang. I'm talking in comparison with my own erotic series Bedspacers: Niko & Dom that cannot be posted in this blog, not that it is a porn story but a contemporary romance erotica
ReplyDelete