Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
Belated Happy Anniversary pala sa Bluerose group. Update sana ako kahapon para matapos na ang kalokohan na ito pero nagkasakit ako kaya ngayon lang ako nakapag-update. Just made a little research sa Cebuano... or bisaya dialect. Last 3 chapters pala pagkatapos nito. Chapter 25 will be Aulric's story na. So enjoy guys sa Chapter 21. Thank you po pala sa mga nag-comment at sa mga silent readers at sa ilan kong mga kaibigan sa Bluerose group. Have fun guys!
Belated Happy Anniversary pala sa Bluerose group. Update sana ako kahapon para matapos na ang kalokohan na ito pero nagkasakit ako kaya ngayon lang ako nakapag-update. Just made a little research sa Cebuano... or bisaya dialect. Last 3 chapters pala pagkatapos nito. Chapter 25 will be Aulric's story na. So enjoy guys sa Chapter 21. Thank you po pala sa mga nag-comment at sa mga silent readers at sa ilan kong mga kaibigan sa Bluerose group. Have fun guys!
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20
Chapter 21:
Another Trick
Edmund's POV
Hindi ba, kapag nagmahal ka, tatanggapin mo kung ano siya?
Given the fact na mahal ka din niya, siguro, tatanggapin mo iyun. Lahat ng tao,
likas na mabuti, likas din na masama. Lahat ng tao ay may dalawang sides ng
katulad sa isang barya. Kahit ang pinakamabait o pinakamasama na tao mong
nakilala, may tinatago din silang katarantaduhan o soft side. Ang buhay din
naman, may dalawang sides. May outside, may inside. May masaya, may malungkot.
May yin, may yang. May Adan, may Eba. Pero hindi natin pag-uusapan na si Adan
may dalawang sides din katulad ng, may Adan na Adan din ang hanap, meron ding
Eba ang hanap ni Adan, and so on. May buhay, may kamatayan.
To be frank, anong intensity ng kasamaan ang kaya mong
tanggapin sa isang tao na mahal mo? Siguro naman, kapag mabait naman ang
minamahal mo, kahit extreme intensity pa iyan, mamahalin mo. No questions
asked. Pero, alam naman natin na may iba't ibang uri ng kasamaan ang isang tao.
Paano kung handa siyang pumatay para matupad lang ang kanyang hangarin? Paano kung
sasaktan ka niya na halos ikamamatay mo para matupad iyun? Tatanggapin mo ba
siya?
Sa totoo lang, hindi ko naisip ang bagay na ito. Wala sa
isip ko na ang lahat ay aabot sa ganito. Unang beses ko kasing magmahal sa
isang tao. Akala ko, magiging okay lang at smooth ang love story ko. Akala ko,
simple lang ito gaya ng mga love story ng mga kabataan ngayon. Magmamahal ako,
mamahalin din niya ako, magiging masaya ang pagmamahalan namin, bigla akong
magdududa sa ilang bagay, manghihinala na may kalaguyo siya, napatunayan at
nalaman ko na nagtataksil sa akin ang mahal ko, maghihiwalay kami, mare-realize
na mahal namin talaga ang isa't isa at maling-mali ang desisyun namin,
mami-miss ang isa't isa, aksidenteng magkikita kami sa isang parke na palagi
kong pinupuntahan, siyempre, dahil nasira ang tiwala ng isa't isa, papatunayan
iyun, at magmamahalan, and then they lived happily ever after. ANG GANDA NG
LOVE STORY NA GANOON! GRABE! Iyan ang naisip ko talaga noon. Ignorance is
really a bliss.
Nasa quarters ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay
sir Simon.
"Sir Simon? May kailangan po kayo?“
"Edmund, napag-isip-isip ko these late days. Hindi ba
ikaw ang nagmamaneho ng sasakyan ni Mang Tonio kapag pumupunta sa bahay ni
Ren?“ agad na tanong nito.
"Po? Ahh! Hindi po,“ sagot ko.
"Sabihin mo nga. Minsan ba, may balak puntahan si Ren
na lugar? Naalala ko bigla na may parang sinabi ako kay Ren na bawal siyang
pumunta sa ibang lugar, not unless kasama ka, gaya ng mga grocery days ninyo,
or kung ano pa man? Exempted nga lang iyung nangyari noong isang linggo sa
pagpunta niya sa SAU at URS.“ Kung totoo po ito, sa totoo lang, malayo na ang
narating ni Ren. Abot na nga niya ang langit ehh.
"Umm... sir Simon, ang pagkakaalam ko po, wala po
kayong ganoong klaseng rules na binigay kay Ren,“ paglilinaw ko. Siyempre.
Kabisado ko lahat iyun at hindi kasya ang isang buong chapter kaya hindi ko na
ipapaliwanag.
"Ganoon ba Edmund? Nako! Mukhang tumatanda na ako!“
Natawa na lang ng payak si sir Simon. "Balik nga pala sa unang tanong ko,
gusto mo ba na ikaw ang maging driver para kay Ren? Nabalitaan ko kasi na
nagretiro na ang driver ng asawa ko. Gusto ko kasi na si Mang Tonio na lang ang
papalit. At iyung kotse na minamaneho niya, ireregalo ko na rin sa iyo para sa
kaarawan mo ngayong pasko.“
"Ohh! Salamat po. Pangangalagaan ko po iyung lumang
Mercedes-Benz kahit halos pumapalya na po ang brake. Maaayos ko pa naman siguro
iyun.“
"Huh? Hindi ba nagpabili ako ng bagong kotse? Hindi
iyung Mercedes-Benz ang ibibigay ko. Iyung bagong BMW 5 Series ang ibibigay
ko.“
Napadilat ang mata ko sa narinig. Magiging driver na ako ni
Ren at ibibigay pa sa akin ni sir Simon ang isang mamahaling kotse na BMW 5
Series? Teka? Tama ba ang narinig ko? Panaginip ba ito?
"Umm... sir Simon, pwede niyo po bang ulitin ang
sinabi niyong model ng kotse na ibibigay niyo po sa akin? Hindi po kasi
na-absorb ng utak ko ang isa sa mga bagong labas na kotse ng BMW ang ibibigay
niyo sa akin. Baka nagkakamali lang talaga ako ng dinig.“
"Ilang taon ka na ba Edmund at mukhang bingi ka na
ata?“ naiiritang tanong ni sir Simon. Okay. So seryoso siya?
"Wow! Sige po. Sige po! Payag po ako,“ masayang
pagpayag ko. "Pero bakit niyo po ako niregaluhan ng isang bagong sasakyan?
Hindi naman po kayo basta-basta magbibigay ng walang dahilan?“
"Ilang taon mula ngayon, lilipat ka din kila Ren hindi
ba? At saka matagal ka nang naninilbihan sa pamilya namin. At sakto naman na
ang birthday mo ay sa pasko. Kaya ibibigay ko na sa iyo ang isa sa mga bagong
model ng BMW. At may meeting pa ako Edmund. Huwag ka ng magtanong at ibababa ko
na itong phone. Pwede?“
"Sige po sir Simon. Salamat po. Salamat.“
Tinapos ko na ang tawag at agad na lumabas para makita ang
asul na BMW 5 Series. Ang gandang model nito at napaka-stylish ng disenyo. Bago
pa lang kasi at isa sa mga magagandang luxury cars ng taon. Siyempre, balang
araw, isasakay ko dito si Gerard, magro-road trip kami sa kung saan-saang lugar
dito sa mundo, magkakaroon ng anak, siyempre, ginawa namin dito, at... teka?
Ano ba iyung sinabi ko? Magkakaroon ng anak at gagawin namin dito iyun?
Nabubuntis ba ang lalake? At mukhang nahawa na ata ako ni Gerard! Nako po!
You know you love me, you know
you care
Just shout whenever, and I'll
be there
You are my car, you are my car
And we would never ever ever
be apart
Are we an item? Oh! Please
stop playing
We're just friends, what are
you saying?
Say there's another and look
in my eyes
My first love br-
"EDMUND!“ sigaw ni madam Veronica. "Bakit ka ba
nagkakakanta at nagsasasayaw diyan?“ Panira ng moment.
"Magandang hapon po madam,“ magalang na bati ko.
"Wala lang. Masaya lang po ako dahil sa bago kong kotse.“
"Ganoon ba? Dali! Una mo akong pasakayin.“
"Madam, huwag po! Baka masira lang po kapag sumakay
kayo!“ pagtanggi ko.
"Tinatanggihan mo ako? Gusto mo ipabawi ko agad iyan?
Nandito pa naman sa akin ang susi ng sasakyan mo,“ banta ni halimaw. Winagayway
pa ni madam mula sa kamay niya ang susi. "Joke lang. Heto ang susi.“ Hindi
ka magaling mag-joke madam.
Kinuha ko naman ito mula sa kaniya. "Salamat madam.
Aalis na po ako para balitaan si Ren.“
Excited akong sumakay ng kotse ko at pinaandar ito. Nako!
Nakikita ko ang aking hinaharap sa kotse ko habang nagmamaneho ako.
Baby, baby, baby oooh
Like baby, baby, baby nooo
Like baby, baby, baby oooh
You will always be mine, mine
Nasa tapat na ako ng bahay ni Ren at nakita siya na paalis
sa kanyang bahay dala ang kanyang motor.
"Ren, saan ka pupunta?“ tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at tuloy-tuloy na umalis. Ano kaya
ang nangyari sa taong iyun?
Sumunod ako kung saan siya papunta. Pero guess what, nawala
siya. Hindi ko na siya mahanap kung saan o saan ba dapat ako pumunta. Napansin
ko naman na pamilyar ang lugar sa akin. Teka? Dito sa lugar na iyun natagpuan
iyung kotse na bumangga kay Keith.
Hindi ako nagsayang ng oras at pinuntahan ko agad ang lugar
na iyun. Pagdating ko sa lugar, hindi nga ako nagkamali kung nasaan si Ren.
Nandito ang motor niya.
Pagpasok ko sa bulding, nakita ko na lang si Ren na nakahiga
at nilalapitan ng taong naka-bonnet at may hawak pa itong patalim. Pilit
lumalayo si Ren. Pumulot lang ako ng bato.
"Ren!“ sigaw ko.
Lumingon naman ang dalawa sa akin. Binato ko ang bato doon
sa taong nagtatangka sa buhay ni Ren. Subalit nakailag iyung tao at tumakbo.
Hindi ako tumama. Kainis!
Hinabol ko iyung taong nagtatangka ng buhay ni Ren. Pero
hindi ito tuluyang umalis. Sa halip ay hinarap pa ako nito. Siguradong
kumpyansa ang taong ito dahil sa may hawak siyang patalim sa kamay. Kailangan,
antayin ko na mauna siyang umatake at maghanap ng pagkakataon para alisin sa
kamay ng taong ito ang kanyang patalim.
Gaya ng inaasahan ko, sinubukan nga niya akong saksakin.
Pero nakakailag ako dahil sa nababasa ko ang galaw niya at sa kung saan siya
aatake. Nang nakahanap ako ng tamang pagkakataon, sinipa ko ang kamay na
ginagamit niya sa paghawak ng kanyang kutsilyo at tumilapon iyun. Sinundan ko
pa iyun ng isa pang sipa pero nakailag siya at lumayo sa akin. Sakto naman at
dumating si Harry.
"Mabuti at nandito ka. Dalawa laban sa isa. Lugi ka,“
saad ko sa misteryosong tao.
Hindi tumugon ang misteryosong tao at naka-pose na rin at
nakahanda sa kung sino ang aatake sa aming dalawa. Ako na lang kaya ang mauna?
Bigla na lang sumugod si Harry at binigyan ang misteryosong
tao ng isang side kick pero nasalagan ito ng misteryosong tao. Pagkatapos ay
agad na hinawakan ng misteryosong tao ang paa ni Harry at hinatak pa niya ito
papunta sa kaniya. Nawalan ng balanse si Harry habang hinahatak at binigyan ng
karate chop sa batok. Hay nako naman! Siguro, hanggang panggagahasa lang ang
kaya niyang gawin at hindi siya maaasahan sa mga ganitong pangyayari.
Maingat naman akong sumugod sa misteryosong lalaki. Bigla
ko na lang naalala si Gerard sa taong ito dahil sa mga galaw na ginagawa ng
misteryosong tao. Inaakto ng misteryosong lalake na susuntok siya mula sa
kaliwa, subalit sisipa pala siya sa kanan niya. Umikot pa ito na aktong sisipa
pero susuntok pala. Namemeke siya ng kanyang galaw. Parang si Gerard.
Hindi ko namalayan na nakalapit na ito sa kanyang patalim
at hinagis ito sa akin. Pero nalaman ko agad ang ginawa niya at nailagan. Ang
kaso, nagkamali ako sa galaw na iyun. Nasa likuran ko pala si Ren. Tatamaan sa
kaniya ang binatong kutsilyo.
"Ren! Hindi!“ sigaw ko.
Kung tatama ito kay Ren, tiyak na mamamatay siya dahil sa
mukhang nakatutok ito sa ulo niya. Pumalya ako! Sana, may taong sasalo nun para
sa kaniya. Sana, may tumulong! Bata pa siya! Hindi pa niya alam ang kanyang
tunay na pagkatao! Pero hindi pa pala talaga ubos ang swerte ni Ren.
Bigla siyang niyakap ng boyfriend niyang si Keifer dahilan
para hindi tumama kay Ren ang tinapong kutsilyo. Sa halip ay tumama ito sa
bandang balikat ng likod ni Keifer. Nang tumama na ang kutsilyo, hinarap ko
ulit ang kalaban ko pero nawala na siya.
Hindi na ako nag-aksayang hanapin ang misteryosong tao at
sumugod kay Keifer. Walang paalam na binunot ko ang kutsilyo sa likod ni
Keifer.
"Agh!“ sigaw ni Keifer. "Ano ba iyan Edmund?!
Kung bubunutin mo, magpaalam ka naman!“
"Pasensya na. Kailangan ehh,“ paghingi ko ng dispensa.
"Anong nangyari kay Ren? Nahimatay siya?“
"Yeah. Sakto at nasalo ko iyung kutsilyo. Ang sakit
pala talaga masaksak at mabunutan.“
"Pasensya na. Hindi ko pa naramdaman iyang pakiramdam
mo.“
Ibinaba muna ni Keifer si Ren. "May alcohol at ilang
bandage ako sa bulsa ko. Kunin mo at bihisan mo ang sugat ko.“
"Huh? Meron kang ganyan sa bulsa mo?“
"Lagi akong handa! Ano ka ba!“
Hinubad agad ni Keifer ang damit niya. Binuhusan ko naman
agad ang sugat niya ng alcohol.
"Aray!“ daing pa ni Keifer.
"Tiis-tiis din.“
Pagkatapos kong bihisan ang sugat ni Keifer, naalala ko
bigla si Harry na mukhang hindi pa rin nagising sa ginawa ng misteryosong tao.
Lumapit ako dito at ginising.
"Harry! Harry! Gising!“ Niyugyog ko pa ito para
magising.
Nagising naman si Harry at nasapo ang batok niya.
"Anong nangyari? Asaan na iyun?“ tanong niya pagkagising.
"Nakatakas siya,“ sagot ko. "Dali! Bumangon ka na
diyan at iuuwi na natin si Ren sa bahay niya.“
Bumangon si Harry bigla. "Si Ren? Anong nangyari sa
kaniya?“
"Hindi ko alam. Basta nahimatay na lang siya,“ sagot
ni Keifer.
"Hoy, iyung saksak mo sa likod? Ayos na ba?“ tanong ko
kay Keifer.
"Ayos lang. Tara. Iuwi na natin si Ren.“
Binuhat ko si Ren pasakay sa kotse ko. Nag-antay naman ako
sa kotse ng ilang segundo at maya-maya, sumakay si Keifer sa likod.
"Si Harry?“ tanong ko.
"Uuwi na muna siya. Babalitaan si Janice,“ sagot niya.
"Ganoon ba?“ Pinaandar ko na ang sasakyan ko pauwi sa
bahay ni Ren.
"Alam kong bad timing ito sabihin, pero ang ganda ng
bagong kotse mo ahh! Ang alam ko, isa ito sa mga pinakabagong modelo ngayon.“
"Salamat sa papuri pero pwede na manahimik na muna
tayo Keifer.“
Pagkarating sa tapat ng bahay niya, bumaba ako sa sasakyan
at binuksan ang gate niya gamit ang override command. Pinasok ko na ang
sasakyan. Binuhat ko naman si Ren papunta sa kwarto diretso sa banyo niya
habang nakasunod si Keifer. Pinaliguan namin si Ren sa bathtub niya at
binihisan. Sa gitna ng ginagawa namin ay gumunita sa akin ang mga oras na
naka-sparring ko si Gerard at ang nangyari kanina. Napailing na lang ako dahil
sa paulit-ulit na nangyayari sa akin. Paano kung ang taong iyun ay si Gerard?
Paano kung mapatunayan ko iyun. Ano ang gagawin ko?
Nakatulala lang akong nakatayo sa labas ni kwarto ng Ren at
iniisiip ng mabuti ang nangyari matapos ko siyang ipasok sa kanyang silid. Ang
taong nakalaban ko kanina. Pamilyar na pamilyar talaga sa akin. Hindi ako
maaaring magkamali. Sa bawat suntok niya, sa bawat sipa niya, alam ko na siya
iyun.
Naglakad ako pababa sa sala at sinalubong ni Keifer.
"Okay lang ba siya?“ tanong niya agad.
"Okay na siya,“ sagot ko. "Ikaw, okay lang ba
iyung saksak sa likod mo? Kailangan mong pumunta sa ospital.“
"Hindi na Edmund. Okay lang naman ako. At saka,
nabendahan mo na. Lilinisin ko na lang ang sugat ko pagkabalik sa bahay.“
Narinig na lang namin na may bumusinang kotse mula sa
labas. Binuksan ko na lang ang gate mula sa loob at pinapasok siya.
"Kumusta na siya?“ tanong din ni Harry pagkalabas pa
lang ng kotse.
"Please, Harry. Si Keifer ang nasaksak at hindi si
Ren. Siya dapat ang inaalala mo dahil ayaw niyang pumunta sa ospital,“
sarkastiko kong saad.
"Hindi ko naman concern ang sinungaling na iyan,“
sagot ni Harry.
Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?“
"Wala,“ iling na lang niya.
Mula sa loob ay naglakad palabas si Keifer.
"Umm... guys, salamat sa concern sa inyong kaibigan. I
will take it from here. Makakauwi na kayo.“
Nagkibit ng balikat ang dalawa at pumasok sa kanilang
kotse. Umalis na sila pauwi marahil. Bumalik lang ako sa kwarto niya at
inaantay siyang magising. Habang nag-iisip ay hindi ko talaga iwasan na lagyan
ng mukha ang taong kaharap ko kanina. Paano kung siya nga talaga? Bakit? Bakit
niya gagawin ang mga bagay na ito kay Ren? Ano ba talaga ang dahilan?
Nataranta namang bumangon si Ren.
Tumayo ako at pinakalma siya. "Hey, kalma lang. Nasa
bahay ka na.“
"Si Kei, ayos lang ba siya?“ nag-aalalang tanong niya.
"Ayos lang siya. Hindi pa siya patay. Umalis na sila
kanina pa,“ paliwanag ko.
"Umm... Edmund si-“
"Alam ko,“ pagputol ko sa sasabihin niya. "Check
mo nga ang mga kamay at paa mo? Pwede ka bang iwanan dito? Magpapadala ako dito
ng ilang katulong kung maaari.“
Bumangon naman si Ren at naglakad-lakad ng konti habang
ginagalaw niya ang kanyang mga kamay. "Umm... yeah. Mukha namang mabubuhay
pa ako nito.“
"Okay. Balik lang ako sa mansyon. May date pa kami.“
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis.
"Teka lang? Edmund? Okay ka lang ba? Tatanungin mo ba
siya?“ tanong ni Ren habang sinasabayan ang lakad ko.
"Dapat lang. Truth will set us free. At sana lang,
sabihin din niya ngayon ang totoo.“
"Edmund, sa mga narinig ko sa kaniya mula sa iyo,
hindi ka niya mahal.“
Napahinto lang ako sa sinabi niya at hinarap siya.
"Well, I am. I loved him. Umaasa pa rin ako.“
Agad lang akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse pauwi
sa mansyon. Pagkauwi ko lang sa mansyon ay dumiretso na agad ako sa quarters ko
at naligo. Kinuha ko na agad ang mga ilan kong kailangan na gamit at umalis na.
Magkikita ulit kami sa gym.
Habang nasa gym, sinusuntok-suntok ko lang ang punching
bag. Pero mukha na naman niya ang lumalabas sa isip ko.
"Edmund,“ untag ni Gerard na may tapik pa sa balikat
ko.
Pinilit ko namang ngumiti at hinarap siya. "Ohh!
Nandito ka na pala. Susubukan mo na naman bang magbiro about making out here?“
nagbibiro kong tanong.
Ngumiti din siya ng maluwang. "As always. Bakit naman
hindi. Tara sa banyo.“
Natawa na lang kami ng payak sa sinabi niya. Pero halatang
mukha akong tanga dahil hindi maitatago ang aking nararamdaman at napalakas ang
aking pagtawa. Tiningnan lang kami ng ilang mga tao doon.
"Umm... sorry folks. Tuloy niyo lang.“
Bigla na lang tumunog ang phone ko mula sa bag ko na nasa
bench. Tiningnan ko naman ito at si sir Simon lang pala.
"Sorry. Work related. Gusto mo bang makinig?“ tanong
ko sa kaniya.
"Nagbibiro ka lang hindi ba? Makikinig ako sa work
related mong tawag? Sige lang. Go on.“
Lumayo muna ako sa lugar na iyun at sinagot ang tawag.
"Sir Simon? Bakit po?“ agad na tanong ko.
Medyo hindi ko napakinggan ng buo ang tawag ni sir Simon
dahil sa lumilipad pa ang utak ko kung saan. Pero naiintindihan ko naman ang
punto ng tawag. Ang ihanda ang mga bagay para makaalis ang banda ng Schoneberg
Academe.
Pagkatapos ng tawag, ipinasa ko na lang sa isa ko pang
kasamahan ang mga bagay-bagay na ipinapagawa ni sir Simon. Pagkatapos ng tawag
ay bumalik na ako kay Gerard. Pawis na pawis ang katawan niya at bumabakat pa
ito sa suot niyang sando. Nakapag-warmup na siya.
"Hey, tapos na iyung mga gumagamit ng ring. Tayo
naman,“ untag ulit niya sa akin.
Walang salita akong tumuntong sa ring at nagsimula na naman
kaming mag-sparring. Sa laban namin, imbis na siya ngayon ang naiisip ko, iyung
tao sa nakalaban ko kagabi ang lumalabas sa mga mata ko.
Wala ang isip ko sa laban at narinig ko na lang na nag-ring
ang bell. Napatumba pala ako ni Gerard.
"Hey, okay ka lang?“ Nilahad ni Gerard ang kamay niya
para itayo ako.
"Yeah. Okay lang ako.“
Lumabas na lang kami ng ring.
"Masakit ba ang pagkakasuntok o pagkakasipa ko? Ayos
ka lang ba?“ usisa niya.
"Ayos nga lang ako. Wala lang sa isip ko sa mundo.
Mukhang lumipad ata.“
"Mukhang pinepwersa mo ata ang sarili mo. Alam mo,
umuwi na tayo. Inom-inom din ng tubig para malagyan ng tubig ang utak mo.“
Nagsimula na akong magligpit ng gamit ko at uminom ng
tubig. Lumabas na agad si Gerard at pagkalabas ko, may taxi agad itong nakuha.
Hindi ko dala ang bagong sasakyan ko ngayon dahil hindi ko feel gamitin.
Sumakay lang kami sa likod nito. Walang sinabing lugar kung
saan kami pupunta ni Gerard pero umandar agad ang taxi. Habang nasa byahe, may
napansin ako sa driver namin. Parang kilala ko siya. Bigla na lang uminit ang
pakiramdam at nanghihina ako. Anong nangyayari sa akin?
Tiningnan ko naman si Gerard at nakangiti lang siya.
Naramdaman ko na lang na huminto ang taxi sa isang lugar. Binuksan ni Gerard
ang pintuan ng taxi at inalalayan niya ako papalabas. Sinubukan kong nilingon
ang lugar kung nasaan kami. Ito iyung lugar kung saan namin natagpuan si Ren.
"Mukhang masyadong marami ka ng nakikita Edmund,“ saad
ni Gerard. Iniupo naman niya ako sa upuan. Pagkatapos ay kumuha pa siya ng
upuan sa malapit at umupo.
"Iyung tubig, anong nilagay mo doon? Bakit iyung taong
iyun, nasa taxi? Bakit mo ginagawa ang bagay na ito kay Ren? Ano ang dahilan
mo?“ sunod-sunod na tanong ko.
Tipid na tumawa siya. "Hindi mo na kailangan malaman
ang bagay na iyun. Masyado ka na ngang maraming nalalaman. Ayokong mabulilyaso
ang plano ko. Since marami ka na ngang nalalaman, sasabihin ko na ang lahat sa
iyo. Iyung nangyari kila Blue, Ren, at Keith, ako ang may-gawa. Iyung nangyari
doon sa kabanda niyang si Ethan, ako ang may pakana, ako din ang nagligtas sa
kaniya. Siyempre, alam mo naman na ako din ang may gawa sa nangyari doon sa
vocalist nilang si Jonas. At iyung nangyari sa kabanda niyang si Paul, ginawa
ko iyung pain para lumabas siya ng bahay at... wala lang.“ Teka? Ano daw? Iyung
nangyari kay Ethan?
"Anong layunin mo? Bakit mo pa dinamay ang boyfriend
ng pinsan ko? Bakit iyung taong nasa taxi, kasama mo? Bakit nagsinungaling ka
sa akin nang kinausap kita kung ano ba talaga ang dahilan mo at nagalit ka kay
Ren? At iyung nangyari kay Ethan, ikaw ba si Mr. Lion?“
"Teka. Isa-isa lang pwede ba. Sasagutin ko naman iyun
lahat. Okay. So magsimula tayo doon sa boyfriend ng pinsan mo. Well, buti na
lang kamo at nakapag-brake pa ako at baka may nangyari ng masama doon. Ang
masasabi ko lang, matatawag ko siya na isang unfortunate collateral damage.
Next question, kasabwat ko kasi siya. Basta! Kailangan ehh. Next question ulit,
kailangan din ehh. At sa huling tanong mo kung ako ba si Mr. Lion? Pwedeng oo,
pwedeng hindi.“
Great! May nakuha nga akong nga sagot mula sa kaniya. And
it makes sense to me. Sabi ni Ren, magaling daw sa kompyuter ang Mr. Lion na
iyun at pati si Gerard. Wala ngang duda na makukumpirma naming dalawa na siya
talaga si Mr. Lion. Haha! Kung kami ngang dalawa ang nakarinig. Hinang-hina
talaga ang katawan ko. Kung makakalaban pa sana ako.
"Parang alam ko na ang gagawin mo sa akin since parang
sinabi mo na sa akin ang lahat. Ha! Pero isang huling tanong na lang. Minahal
mo ba talaga ako o kasama ako sa mga plano mo?“
Hinagkan niya ang mukha ko. "Nope. I never told na
mahal kita, pero sinabi ko ngang hindi kita mahal. I really mean na gusto
kitang matikman. Pero kung kasama ka sa mga plano ko, hindi. You are such an
unfortunate man.“ Grabe! Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero ano kaya ang mas
masakit? Ang sinabi niyang ito, o ang gagawin niya sa akin?
Kumuha lang siya ng isang malaking kutsilyo mula sa bag
niya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko tanggap na katapusan ko na
nang hindi ko sinasabi ang mga nalalaman ko kay Ren.
Naramdaman ko na lang may bagay na tumusok sa tiyan ko.
Hindi ko na lang namalayan na niyakap ko siya. After all, mahal na mahal ko si
Gerard.
Allan's POV
Kakatapos ko lang na gawin ang assignment namin sa aming
course na gumawa ng isang simpleng codes para sa isang simpleng program na
kumplikadong paganahin. Hay nako!
Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Larson. Mukhang
pagod na pagod itong umupo sa sofa at sinandal pa ang ulo.
"Saan ka galing? tanong ko. "Ang alam kong bagay
na ginagawa mo doon sa shop ay ang umupo lang.“
"Yeah right! Umupo lang. Pero nakakapagod pa rin.“
Bumuntong-hininga siya. "Alam mo Allan, napag-isip-isip ko na kalimutan ko
ang galit na nadarama kay Ren. Medyo matagal na rin ang mga araw na iyun. Magmumukha
lang akong Christian Castillo na hindi love life ang dahilan ng hindi
pagmo-move on.“
"Since nasabi mo iyung galit na nadarama mo kay Ren,
pwede bang pag-usapan natin kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan ninyo?
At saka, mga 3 year's old pa lang naman si Ren noong mga araw na iyun kung tama
ang kalkulasyon ko.“
"No comment!“ singhag na lang niya.
"Ay! Ayan ka na naman! Bakit hindi mo naman i-share sa
akin? Mukhang alam ni mama iyung dahilan pero hindi niya masabi-sabi sa akin.
Gusto ni mama na sa iyo ko dapat marinig ang sikreto mo.“
Nag-angat siya ng tingin at diretsong tumingin sa akin.
"Gusto mong malaman?“
"Oo naman.“
Sinandal ulit ni Larson sng ulo niya. "Huwag na. Labas
na kayo sa away namin.“
"WALA KANG KWENTANG KAUSAP!“ sigaw ko.
Humarap ulit ako sa kompyuter.
"Alam mo Allan, kahanga-hanga ang mga taong gagawin ang
lahat para masunod lang ang gusto nilang mangyari. Mali. Nakakatakot din pala
sa totoo lang. Papatayin mo kahit ang mahal mo para masunod lang ang gusto mo?
Grabe!“
"Huh? Bakit pati iyung mahal mo, papatayin? Baka naman
hindi niya talaga mahal ang minamahal niya? Ano iyan? Magkakaroon siya ng
malakas na sharinggan kapag ginawa niya iyun?“
"Ewan. Baka,“ kibit-balikat ni Larson.
"Pero hindi ba, kung tunay mong mahal ang taong iyun,
maghahanap at maghahanap iyun ng ibang paraan para hindi naman madamay o
mapatay? At tsaka, grabe namang FunFanFiction iyang binabasa mo. Wala na bang
maisip ang author na iyan kung hindi gumawa na lang ng tragedy ng
magkasintahan? At saka, wala namang nangyayaring ganyan.“
"But here's the plot twist. Buhay pa naman ang kasintahan
niya. He's dead but not really.“
"Teka? Huhulaan ko kung anong FunFanFuction iyan? Sa
Avenvers ba iyan? Si Iron Man x Loki o Thor x Loki?“ hula ko.
Tumayo si Larson. "Taama ka! Matutulog na ako.“ Kinuha
pa nito ang kanyang mga gamit at umakyat. WALA TALAGANG KWENTANG KAUSAP!
Pero nakapagtataka naman. Ano ang nagtulak sa kaniya para
patawarin si Ren? Ano nga ba ang kasalanan na ginawa ni Ren habang tatlong
taong gulang pa lang siya? Capable ba iyun na gumawa ng kalokohan?
"Huwag na. Labas na kayo sa away namin,“ paggaya ko sa
paraan ng pagsasalita ni Larson.
Hay nako! Ipagpatuloy ko na nga lang itong ginagawa ko.
Harry's POV
Nagluluto ako para sa tanghalian namin nang pumasok si
Janice sa apartment. Dire-diretso naman itong pumasok at dumiretso sa kwarto ni
Kei.
"Oi! Bakit ka nandito at ano ang gagawin mo sa kwarto
ni Kei?!“ sigaw ko.
Huminto si Janice at humarap sa akin na may hawak na susi
sa kamay. "Ninakaw ko iyung susi sa kwarto ni Kei. Gusto kong sompresahin siya
sa pamamagitan ng paglilinis ng kwarto niya. Tingnan ko na din kung madumi,“
pabulong na saad niya.
"Wow! Excited ka pala para maging isang ulirang asawa
para kay Kei. Akala ko, NetFlix ka lang,“ pang-aasar ko. "On the contrary,
asahan mo na hindi ako tutulong diyan dahil sa privacy rules naming dalawa.
Good luck.“
"Hindi ko naman kailangan ang tulong mo. Hindi ko
naman lilinisin ang buong bahay. Iyung kwarto lang ni Kei ang lilinisin ko.“
"And I hope na malinis talaga ang kwarto niya,“
sarkastiko kong saad.
Tumuloy naman siya sa kwarto ni Kei at ako sa ginagawa. Mga
ilang minuto ang lumipas ulit, lumabas si Janice at lumapit sa akin na may
hawak na kapirasong papel o litrato marahil.
"H-Harry? A-Alam mo ba to?“ naluluhang tanong ni
Janice. Kinuha ko lang ang hawak niya at isa pala itong litrato ni Ren na
natutulog. Sinasabi ko na nga ba.
"H-Hindi. Hindi ko alam,“ pagsisinungaling ko... kahit
na alam ko na.
「Few days ago...
Palapit ako kay Ren at mukhang may kausap siya. Nagtago
naman ako para malaman ang pinag-uusapan kung sino man ang taong iyun.
"Umm... Allan, salamat sa mga sinabi mo,“ saad ni Ren.
"Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat. Kung ikaw pa,
tatanggapin ko pa,“ tugon ni Allan.
"Huwag ka ng umasa. Alam mo naman na si Kei lang ang
mahal ko.“
Huminto lang ang mundo ko nang marinig ang mga salitang
iyun mula kay Ren. Hindi ako makapaniwala. Bumangon ang maraming tanong sa utak
ko. Si Kei pala ang mahal niya? Si Kei na pinsan ko pa? Paano nangyari iyun?
Paano? At alam ito ni Allan. Sino pa? Sino pa ang nakakaalam na si Kei ang
mahal ni Ren? Ako lang ba ang hindi nakakaalam? Ang sakit. Ang sakit ng puso
ko. Bakit? Paano? Paano niya nagustuhan si Kei? Pero hindi ba, bawal pang
magkaroon ng syota si Ren sabi niya? Paano kung dinadahilan lang iyun ni Ren
para hindi siya ang mahalin ko? Paano kung ganoon? May relasyon na ba sila na
hindi ko alam? Magsyota na ba sila? Pero kailan? Nagse-sex na ba sila na hindi
ko nalalaman? Pero kailan nangyari ang mga bagay na iyun? Ako na ang nauna kay
Ren. Aagawan na naman ba ako ni Kei gaya ng ginawa niya kay Garen?
Halos sumabog na ang utak ko sa kakaisip ng mga sagot sa
tanong ko. Kinalma ko ang aking sarili dahil sa matinding galit na nararamdman
ko. Hindi ko ito matatanggap. Kukunin ko ang dapat na sa akin.
Lumapit na lang ako kay Ren at aktong tumatakbo. "Ren,
ikaw ba iyan?“ untag ko.
Hinarap niya ako. "Harry? Bakit nandito ka pa rin?
Kanina ka pa ba diyan?“ medyo nagugulat niyang tanong.
"Kararating ko lang. Nasa malayo ako nang maaninag ko
kayo ni... si Allan ba iyun na kausap mo kanina?“
"Yeah. Si Allan,“ pagkumpirma niya. "Ikaw, bakit
nandito ka pa rin sa school?“
"Naiwan ako ni Gerard. Sabay kasi kaming umuuwi dahil
sa iisang apartment building lang kami. Nag-text pa nga siya sa akin ng
maraming beses na uuwi na kami. Ehh saka ko lang natanggap at nabasa ang text
niya, sakto naman na wala pa akong load, binigay ko pa sa kaniya ang susi ng
kotse ko, ang malas ko,“ paggawa ko ng kwento.
"Kawawa ka naman.“ Oo. Alam ko lalo na't niloloko mo
pala ako.
Natawa ako ng payak. "Kawawa talaga.“
"Sila Kei at Janice pala?“
"Well, nauna nang umalis. Umm... alam ko naman na
hindi maayos itong relasyon natin. Hatid mo naman ako Ren.“
Bumuntong-hininga siya. "Sige. Since ginawa mo naman
ang sinabi ko.“
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad papunta sa parking lot.
Humanda lang ang mga taong ito na niloloko ako. Humanda ka din Ren.
Sisiguraduhin kong ikukulong kita sa aking piling. Hinding-hindi na kita
pakakawalan. Kahit na paulit-ulit kong gagawin iyun sa iyo. Akin ka lang dahil
ako ang nauna.」
"May relasyon ba sila ni Ren? Bakit may litrato na
ganito si Kei? Bakit nakahubad si Ren?“ sunod-sunod na tanong ni Janice.
"Mukhang meron nga.“
Tuluyan na lang tumulo ang luha ni Janice. "Pero bakit
si Ren pa?“ tangis niya.
Lumapit lang ako kay Janice at pinatahan siya. May gusto
talaga siya kay Kei at hindi niya tanggap na si Ren ang kaagaw niya sa magiging
asawa niya balang araw.
Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kei na galing lang sa
pamimili ng ilang grocery. "Andito na ako,“ masiglang pasok niya.
"Bakit ka umiiyak Janice, sino umaway sa-“
Pinakita ko ang litrato ni Ren sa kaniya. Bigla siyang
namutla at hindi makapagsalita.
"Umm... Janice, magpapaliwag ako.“
Kumalas ng yakap si Janice sa akin at lumabas ng apartment.
Hahabol sana si Kei dito pero nanatili siya.
"Sa akin? Hindi ka ba magpapaliwanag?“ sarkastikong
tanong ko.
"Bakit? Ano ba ang kailangan kong ipaliwanag sa iyo?“
matapang din niyang tanong.
"Hah! Grabe! Ang tapang. Ikaw na ang nahuli, ikaw pa
ang matapang. Bakit ginawa mo sa akin ito? Bakit mo inagaw sa akin si Ren?“
"Ako? Inagaw siya? Nagbibiro ka ba?“
Ipinakita ko sa kaniya ulit ang litrato ni Ren.
"Sabihin mo. Naging kayo ba ni Ren? Base kasi sa litratong ito, mukhang
malalim na ata ang relasyon ninyo.“
"Ano ang masama sa pagkuha ng litratong ng isang taong
natutulog?“
"At ano naman ang pinagkaiba ng bagay na iyan sa
ginagawa ko noon? Ikaw ang nagsabi na tigilan ko iyun. Tinigil ko nga.
Pagkatapos ay nilapitan ko siya. At aba, tinanggihan niya ako. And then ganito
at ganyan na ang nangyari, tapos malalaman ko na may malalim na pala kayong
relasyon? Kaya din ba nagtatanong ka sa akin kung ano na ang status ng relasyon
namin ni Ren dahil binabantayan mo kung nagtataksil siya sa iyo?“ Hindi siya
nagsalita. "Sagutin mo ako! Aminin mo sa akin na may relasyon kayo ni
Ren!“
Nag-angat siya ng tingin. "Wala. Wala kaming relasyon
ni Ren maliban lang sa mabuting magkaibigan,“ pagtanggi ni Kei.
Lumabas siya ng apartment. Hindi niya inaamin sa akin ang
tunay na estado ng relasyon nila. Ganoon ba? Pero okay lang na magsinungaling
sila sa akin. Hindi naman magtatagal ang pagsasama nila. Dahil sa nalaman na
ito ni Janice, malamang, magpapakasal sila sa susunod na buwan. Kapag hindi
nagpakasal si Kei kay Janice, mamimiligro ang buhay ni Ren. At si Kei ang
magiging dahilan noon. Siyempre, kapag nalaman iyun ni Ren, masasaktan iyun.
Eeksena ako. Magkukunwari na hindi ko alam ang relasyon nilang dalawa. Ang
tanong, kaya bang sabihin ni Kei na alam ko na ang lihim nilang relasyon?
Malamang, hindi lalapit sa akin si Ren. At kapag nagpakasal na si Kei kay
Janice, ako na ang siguradong magiging pinuno ng pamilya namin sa katapusan ng
taon.
May tradisyon na sinusunod ang pamilya namin na kapag may
asawa na ang kakandidato para mamuno sa pamilya namin, matatanggalan siya ng
karapatan. Dahil sa ako na lang ang natitira, awtomatikong ako na talaga ang
mamumuno.
Ren's POV
Napasugod lang ako sa ospital matapos marinig ang isang
masamang balita mula kay ninang. Sinugod daw sa ospital si Edmund. Tinawagan
daw siya ng nagngangalang Gerard. Ano na naman kaya ang ginawang masama ni
Gerard sa kaniya?
Dumiretso lang ako sa isang ICU at nadatnan si Gerard na
binabantayan si Edmund. Palipat-lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.
Kapwa may pasa ang dalawa.
"Anong nangyari sa inyong dalawa?“ nagtataka kong
tanong.
"Binugbog siya ng mga taong naka-bonnet ang ulo. Hindi
ko alam kung sino sila. Ginawa nila akong hostage at may nakatutok pang baril
sa mukha ko at mukhang alam ata ng mga taong iyun ang relasyon namin.
Pagkatapos, sinaksak siya ng isang lalaki. Maraming dugo ang nawala sa kaniya.
Hindi pa alam ng doktor kung kelan pa siya magigising at hindi pa sila sigurado
kung magigising nga siya,“ kalmado niyang paliwanag. Imposible. Paano kayo
natalo? Magaling kayong dalawa makipaglaban. Nagsisinungaling ka na naman ba sa
akin?
"Sigurado ka? Sigurado bang hindi mo ito gawa? Dahil
sa tingin ko, pinuntahan ka ngayon ni Edmund para komprontahin dahil sa ikaw
iyung lalaking muntikan ng pumatay sa akin,“ pagalit kong saad.
"Sandali nga lang? Gaano kayo talaga kasigurado na ako
ang taong iyun? Sinabi ba nung taong iyun na Gerard ang pangalan niya? Kasi
kahit sino, pwedeng gawin iyun. Pwede akong kumuha ng bonnet sa kung saan diyan
at sabihin na ako si Edmund kahit na nakikita mo siya diyan na nakaratay.“
"Pero nagsinungaling ka sa kaniya ng mga ilang beses
Leonhart96776. Sinabi mo sa kaniya na dahil sa ginawa ko, nabura ang mga
importanteng litrato ng namatay mong boyfriend na isang malaking
kasinungalingan dahil ang ginawa ko lang naman ay sirain ang operation system
ng PC mo o kung laptop o kung ano pa man. Sa tingin mo, maniniwala ako ngayon
sa mga sinasabi mo? Isa kang sinungaling na tao para sa akin at para sa amin ni
Edmund. Hindi na ako kahit kailan maniniwala sa iyo. Si Edmund ba, siguradong
mahal mo? O baka naman nagsisinungaling ka na mahal mo siya?“
"Sinasabi mo ba na ako talaga ang kontrabida ng buhay
mo? Hindi Ren. At isa pa, kahit kailan, hindi ako magsisinungaling kapag sinabi
kong mahal ko siya. And for the record, hindi pa kahit kailan na sinabi ko sa
kaniya na mahal ko siya. Sabi ko, maghintay siya. Dahil balang araw, sasabihin
ko ang mga matatamis na salitang iyun sa kaniya.“ Tuluyan ng tumulo ang luha ni
Gerard. "At kung hindi ko talaga siya mahal, hindi ko na siya dadalhin
dito. Hindi ko na siya tutulungan. Hindi na siya mabubuhay. Kanina, habang
pinapanood siya na binubugbog ng mga taong iyun dahil sa akin, ang sakit dito.“
Tinuro ni Gerard ang puso niya. "Bakit niya ginagawa para sa akin iyun?
Bakit siya nagpapabugbog para sa akin? Hindi ako worthy na gawin niya para sa
akin iyun. Pero ginawa niya pa rin. Dahil sa mahal niya talaga ako. Oo,
magaling kaming magbugbugang dalawa. Pero may limitasyon pa rin ang lahat.
Napakadelikado ng sitwasyon naming dalawa. Ayaw niyang masaktan ako dahil gusto
niya, siya ang manakit sa akin. At sa nangyaring ito, na-realize ko na mahal na
mahal ko si Edmund. Kung hindi ka naniniwala sa pinagsasasabi ko, fine! Wala
akong pakialam kung magiging kontrabida ka ng pagmamahalan namin dahil sigurado
ako, si Edmund, ipaglalaban ako. Ipaglalaban ko din siya.“
Nadala ako sa mga sinasabi ni Gerard. Hindi ko din matukoy
kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.
"Siguraduhin mo lang na totoo iyang mga sinasabi mo
Gerard. Dahil oras na kapag nagising si Edmund, itatanong ko sa kaniya ang
lahat. Kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya. Siya na lang ang
makakapagpatunay sa mga pinagsasabi mo.“
Tumungo siya at pinunasan ang mga luha niya. "Okay
lang. Hindi ako natatakot. Maglagay ka pa ng mga bantay na pulis. Kung gusto
mo, ako pa ang ipakulong mo kapag namatay siya. Basta ako, maghihintay ako na
magising siya.“
Hindi na niya ako hinarap. Ibinaling na lang ni Gerard ang
atensyun niya kay Edmund at mukhang nagdadasal siya. Umalis na lang ako sa
kwarto ni Edmund at lumabas para tawagan si ninang.
"Ninang, pwede po bang magpapunta po kayo ng mga
bantay na pulis sa kwarto ni Edmund?“ request ko.
"Huh?“ gulat ni ninang. "Bakit? May problema ba?
May bagay ba na importante at pinapabantay mo siya?“
"Opo ninang. Kailangan po.“
"Ganoon ba? Sige. Magpapadala ako diyan ngayon din.
Ikaw nga pala? Kaya mo bang mag-grocery nang wala si Edmund? Hindi pala pwede
si Mang Tonio dahil nakatoka siya sa akin. Medyo short tayo sa mga tao ngayon
Ren. Lalo na't nakaratay pa si Edmund sa ospital.“
"Huwag niyo po ako alalahanin ninang. Kaya ko na po
ang sarili ko. Salamat po pala ninang sa pagpayag. Ibababa ko na po ang phone.
Ingat po kayo.“
"Ingat ka din Ren.“
Tinapos ko na ang tawag. Nanatili naman ako ng mga ilang
saglit at dumating na din ang mga pulis na magbabantay kay Edmund. Pinakilala
ko naman ang mga pulis kay Gerard at ganoon din siya. Umuwi naman ako ng bahay
ko at nadatnan ko na naman ang aking hindi inaasahang bisita. Si Mr. Lion.
Nakaupo siya sa sofa.
"Kumusta na daw si Edmund?“ agad na tanong ni Mr.
Lion.
"Huh? Paano mo- Oo nga pala. Stalker pala kita. Okay
naman siya. Hindi nga lang sigurado ang mga doktor kung kelan daw siya
magigising o magigising nga ba talaga siya,“ sagot ko.
"Pasensya na pala,“ paghingi ng dispensa ni Mr. Lion.
"Para saan naman?“
"Hindi ko nasagip ang kaibigan mo. Kung nakisali kasi
ako, malamang, bangkay na si Gerard ngayon.“
"Ano? Nandoon ka noong nangyari ang bagay na iyun?“ So
totoo pala ang sinasabi ni Gerard.
"Oo. At saka, tanggalin mo iyang hinanakit mo kay
Gerard na porke't inamin niya ang ginawa niya kay Jonas ay siya na ang dahilan
ng mga masasamang bagay na nangyayari sa iyo. Malay mo, ako ang may gawa o
hindi nga ba? Tandaan mo. Hindi mo ako kakampi o kaaway. Pero bukod diyan, may
mas mahalaga kang dapat harapin.“ Tinuro ni Mr. Lion ang center table. May
papel dito at kinuha ko iyun.
Mukha itong address ng kung anong lugar. "Ito ba ang
address ng pinagmulan ko?“ hula ko.
"Oo. Ang pinagmulan mo. Sa susunod na linggo, mamimili
ka kung saan ka pupunta. Aalis ka kasama ng banda papunta sa Hong Kong, o
pupuntahan mo ang pinagmulan mo? Mamili ka.“
Ang pinagmulan ko? Kapag ba pumunta ako sa lugar na ito,
maaalala ko na ba ang nakaraan ko? Kung sino ba talaga ako? Masasagot na ang
mga tanong ko kung ganoon.
Magsasalita na sana ako para pasalamatan si Mr. Lion pero
nawala na pala siya. Nawala na naman pala ako sa sarili ko at iniisip ang mga
makukuha kong sagot mula sa lugar na binigay sa akin ni Mr. Lion.
Napagpasyahan ko na tawagan si ninong at baka hindi na
naman siya pumayag sa gagawin ko. Sinagot naman agad ni ninong ang tawag ko.
"Ren? Napatawag ka?“ tanong ni ninong.
"Umm... ninong, mukhang hindi po ako makakapunta sa
Hong Kong sa susunod na linggo. May gusto po kasi akong puntahan na ibang lugar
at hindi na po ako makapaghintay na puntahan ang lugar na iyun.“
"Huh? Anong pinagsasasabi mo Ren? Anong lugar ang
pupuntahan mo?“ natatarantang tanong ni ninong.
"May nakuha po kasi akong address ng pinagmulan ko.
Gusto kong pumunta mag-isa. Gusto ko pong makuha ang mga kapiraso kong ala-ala.
Pakiusap po. Payagan niyo po ako.“
"Hindi kita papayagan,“ agad na pagtanggi ni ninong.
"Nabalitaan ko ang nangyari kay Edmund. Hindi kita papayagan hangga't
hindi siya nagigising. Kung papupuntahin kita sa lugar na iyun, kailangan,
kasama mo si Edmund.“
"Pero ninong, ang sabi daw ng mga doktor sa kalagayan
ni Edmund, hindi daw sila sigurado kung kelan siya magigising o kung magigising
pa ba daw siya? Ayokong maghintay na magising si Edmund para lang makapunta sa
lugar ng aking pinagmulan. Ayoko pong maghintay ng matagal para lang malaman ko
ang aking nakaraan. Alam niyo po ba na natakot talaga ako nang muntikan na po
ako mabangga ng sasakyan noon hindi po ba? Natakot po talaga ako noon kung ako
iyung nasagasaan. Paano po kung madisgrasya nga ako at hindi na po ako
nagising? Paano po kung namatay na lang ako, hindi ko pa po nahahanap ang sagot
sa mga tanong ko?“ pagrarason ko.
"Inaalala ko lang ang kaligtasan mo sa lugar na iyun.
Hindi mo pa alam ang mga panganib na kinakaharap mo. Mahirap para sa akin na
tumatayong magulang mo ang hayaan ka sa lugar na iyun. Kaya sa ayaw at sa gusto
mo, pupunta ka dito sa Hong Kong hanggang hindi pa nagigising si Edmund. At
tsaka, pagdating naman ng pasko, uuwi ako diyan. Pwede nating puntahan ang
lugar mo sa araw na iyun.“ Pasensya na po ninong. Pasensya na. Susuwayin ko na
naman po kayo. Hindi na po kasi ako makapaghintay. Baka mamaya niyan, huli na
talaga ang lahat para sa akin. Isa lang ang buhay ko. Isa lang.
"Opo ninong. Pupunta po ako diyan sa Hong Kong.
Susundin ko po ang sinasabi ninyo. Mag-aantay po ako ng pasko para makapunta po
sa lugar na pinagmulan ko,“ tahasan kong pagsisinungaling na may maligayang
tono.
"Antayin mo ang pag-uwi ko at pupuntahan natin ang
lugar na iyan Ren. Mag-antay ka. Ibababa ko na ang phone.“
Tinapos na ni ninong ang tawag. Ayokong hintayin ang
pagbabalik mo ninong. Pasensya na.
Agad na nagpa-book ako ng flight papunta sa Cebu. Itinapat
ko ito sa pag-alis ng banda papuntang Hong Kong. Sa wakas. Makukuha ko na ang
ilang mga sagot sa aking pagkatao. Kahit kapiraso lang, okay na iyun para sa
akin.
Sumapit na ang gabi at nakatanggap ako ng tawag kay Kei.
"Kei, bakit?“
"Hi... Ren. Okay ka na ba?“ tanong niya.
"Huh? Tinanong mo na sa akin ang bagay na iyan noong
isang araw ahh! Ehh, iyung saksak mo sa likod, okay na ba?“
Natawa siya ng payak sa kabilang linya. "Okay lang
naman ako! Ikaw naman. Ganoon ka din. Oo nga pala. Nabalitaan ko na pupunta ang
banda ninyo sa Hong Kong.“
"Ang totoo niyan Kei, pupunta ako sa lugar na
pinagmulan... ko daw.“
"Ha? Talaga? Alam mo na kung saan ka talaga nagmula?
Saan namang lugar?“
Kinuha ko ang papel at binasa ang importanteng address.
"Umm... Pusok. Teka? Ito ba ang root word ng salitang mapusok? Wild ba ang
mga tao dito? Bakit may mga lugar na ganito ang pangalan?“
"Ang lapit.“
"Huh? Anong ibig mong sabihin?“
"Ahh! Wala. Ano ka ba? Dati, noong narinig ko ang
bansang Virginia, akala ko, extended siya ng root word na virgin at baka, alam
mo na. Virgin lahat ang mga tao doon. Iyun pala, hindi,“ biro niya. Natawa kami
parehas sa biniro niya. "Pero ayos iyan na mapupuntahan mo na din sa wakas
ang pinagmulan mo. Pumayag ba ang ninong mo?“
"Ang totoo niyan, hindi siya pumayag,“ pagtatapat ko.
"Huh? Pero pupunta ka?“
"Hindi naman sa hindi siya talaga pumayag na hindi ako
pumunta. Nangako nga siya sa akin na pupunta kami sa katapusan. Pero hindi na
talaga ako makapaghintay.“
"Ren, huwag ka ng magsinungaling sa ninong mo. Sundin
mo na lang ang mga sinasabi niya. Nangako pala siya sa iyo. Antayin mo dumating
ang katapusan ng taon para lahat, happy. Tama na ang pagsisinungaling mo
tungkol sa relasyon natin. Maging matapat ka naman sa kaniya. Sige ka. Baka
mawalan ng tiwala sa iyo ang ninong mo at hindi ka na pagkatiwalaan sa mga
sinasabi mo. Mahirap na mahirap makuha ang tiwala ng isang tao. Pero madali mo
itong masisira kapag nagsinungaling ka. At kung gusto mo makuha ang tiwala ng
taong ito ulit, mas lalo kang mahihirapan dahil sa nasira mo na ang unang
tiwala na binigay ng taong ito sa uyo. Unless kung tanga iyung tao na iyun at
binigyan ka pa rin ng tiwala,“ paliwanag ni Kei.
"Ganoon ba ka-importante ang tiwala sa iyo?“
"Hindi ba, nangako ako sa iyo na balang araw, darating
ang araw na maipagsisigawan na natin sa buong mundo ang relasyon natin sa lahat
ng tao? Ng walang tinatagong sikreto sa ibang tao?“
"Bakit taliwas ka na naman sa akin kung gusto ko
malaman ang nakaraan ko? Taliwas ka din sa akin noong bakasyon tapos pati
ngayon?“
"Sinasabi ko lang naman ang tama para sa ikabubuti mo.
Hindi para sa akin kung hindi para sa iyo. Ano ba ang pakinabang ng nakaraan mo
sa akin? Well, unless kung malaman ko, sasabihin ko talaga sa iyo iyun. Pero,
ikaw. Pag-isipan mo iyan kung gusto mong sirain ang tiwala ng ninong mo o
antayin siya. Choice mo iyan.“
"Kei, kaya ko lang nasasabi na gusto ko ng pumunta
doon, dahil sa mga nangyayari nitong nakaraan. Hindi ko alam kung ano ba talaga
ang gustong makuha sa akin ni Gerard dahil mukhang trip na trip niya ako.“
"Alam mo, huwag na nga natin pag-usapan ang mga bagay
na iyan. Pag-usapan natin ang tungkol sa hinaharap natin kung sakali. Ilang
anak ang gusto mo?“
Napatigil ako sa sinabi niya. "Pero imposibleng
magkaanak ang isang lalake hindi ba? Trick question ba ito Kei?“
"Ano ka ba? Pwede tayong mag-ampon. Pero mukhang hindi
mo naman gusto iyun. Sige. Pwede naman nating subukan ng paulit-ulit?“ pabiro
niyang saad.
"Hoy, pwede bang hinay-hinay lang sa imahinasyon mo?
Scientifically impossible ang mga iniisip mo.“
"Ganoon ba? Pero subukan pa rin natin. Malay mo.
Scientifically incorrect pala ang mga sinasabi ng mga siyentista. Pwede palang
mabuntis ang isang lalaki.“
"Kei, alam kong matagal na nating hindi ginagawa iyun.
Pero, sigurado ka bang ayos ka lang? Baka mamaya niyan, kapag nakita mo ako sa
school, gagahasain mo ako,“ nag-aalala kong saad.
Natawa ulit siya ng payak sa kabilang linya. "Baka
nga. Kaya magtago-tago ka na. Tsaka nga pala, sa CR ka magtago. Doon sa dati.
Huwag ka na rin magsuot ng brief para madali.“
"Magtigil ka nga sa sinasabi mo. Maghunos-dili ka.“
"Biro lang!“ natatawa niyang saad.
"Alam ko. Pero kapag ganyan ka magsalita, hindi ko
alam kung alin doon ang tunay at ang biro!“
"Oo nga pala. Kapag nakapagtapos ka na sa Schoneberg
Academe, ano ang gagawin mo?“
Bigla ko na namang naalala ang panaginip ko. Ang panaginip
ko kung saan wala si Kei. Pero kailangan ba talaga na nandoon ang mga
mahahalagang tao sa panaginip ko?
Bumuntong-hininga ako. "Ang totoo niyan Kei, wala pa
akong naiisip. Pero sigurado ako na maghahanap na agad ako ng trabaho. Nangako
kasi ako kay ninong na tigilan na niya ang pinansyal na suporta ko mula sa
kaniya kapag nakapagtapos ako. Masyado na kasi akong abusado sa suporta ni
ninong.“
"Kung ganoon, tutulungan kita. Magtatrabaho din ako
para sa atin.“
"Magandang ideya iyan. Hindi na ako makapaghintay na
dumating ang araw na iyun,“ excited kong saad.
Hindi ko masyadong napapansin pero parang nakakarinig ako
ng alon at malakas na hangin sa linya ni Kei.
"Kei, ano iyang naririnig ko na tunog ng alon at
malakas na ihip ng hangin? Nasa tabing-dagat ka ba?“
"Ha? Nasa tabing-dagat? Ahh! Iyun ba? Background sound
lang na pine-play kong video sa YouTube. Sabi nila, nakaka-relax kapag
nakikinig ka ng tunog ng alon at ihip ng hangin. So far, effective naman para
sa akin.“ Rinig kong bumuntong-hininga si Kei. "Alam mo Ren, gusto ko pa
sana na mas matagal pa kitang kausapin. Kaya lang, hindi na muna kita
matatawagan ng ilang linggo. Wala na kasi akong load sa sim na ito.“
"Ganoon din naman ako,“ nakangiti kong tugon. "Sa
bagay. Pero sayang naman. Hindi pa naman ako inaantok. Sige na nga. I love you
Kei.“
"I love you din Ren. Good bye,“ wika ni Kei.
Nauna kong tinapos ang tawag. Aantayin ko talaga na
dumating ang panahon na magsasama kami ni Kei. Masaya rin palang mag-isip ng
nga pangarap sa buhay mo basta kasama mo ang mahal mo.
Mag-uumaga na nang makarating ako sa airport ng Cebu na
nasa Lapu-lapu. Nandito na ako at mahahanap ko na din ang kasagutan sa tanong.
Sinunod ko lang ang instructions sa akin ni Mr. Lion na
sumakay ng isang taxi at ipakita ang address sa driver. Namangha lang ako
habang nakatingin sa labas habang nasa byahe.
"Gikan ka dong?“ ("Saang lugar ka galing?“) sabi
ng driver. Teka? Tanong ba iyun? Anong linggwahe ang sinasabi nila? Baka nasa
ibang bansa na ako at hindi ko alam. Dito ba talaga ang mga hinahanap kong
sagot sa lugar na to? Pero kahit papaano, parang naiintindihan ko ang sinasabi
ni manong driver.
"Umm... sa Rizal po ako galing. Iyung Rizal po na nasa
labas ng Maynila,“ sagot ko.
"Mao ba? Pila ka tuig na nagpuyo ka diri sa Cebu?“
("Talaga? Ilang taon ka bang tumira dito sa Cebu?“) Ano ba iyung
tinatanong niya? Pakiramdam ko, parang tinatanong niya kung ilang taon na ako o
ano ba?
"Umm... hindi ko po alam?“ hindi ko na siguradong
sagot.
"Sandali nga? Hindi mo ba naintindihan ang tanong ko
kanina? Dapat pala, nagtagalog na lang ako.“
Kinamot ko ang aking ulo. "Manong, bakit niyo po ako
pinahirapan?“ Marunong pala magtagalog.
"Pasensya na. Akala ko kasi, naiintindihan mo ang mga
sinasabi ko kanina. Nasagot mo kasi.“
"Medyo naiintindihan ko pa po. Ano nga pala ang
pangalawang tanong niyo kanina?“
"Tinatanong ko lang naman kung ilang taon ka ng
nakatira dito sa Cebu.“
Natawa ako saglit. "Manong, tama pala ang sagot ko.
Hindi ko po kasi alam sa totoo lang.“
"Ganoon ba? Bakit hindi mo alam?“
"May amnesia po kasi ako. Hinahanap ko lang po sa
lugar na ito ang sagot sa aking mga katanungan. Malay niyo po. Sa pag-uwi ko po
sa lugar na to, mahanap ko po iyun. Hindi po kasi bumabalk ang mga ala-ala ko
kung saang lugar ako na nanggaling. Kung meron po, konti lang.“
"So lilibutin mo ang buong Cebu para maibalik ang
ala-ala mo?“
"Mukhang hindi naman po ata ganoon manong.“
"Hijo, dapat bisitahin mo na rin ang simbahan ng Our
Lady of Peace and Good Voyage para gabayan ka sa lakad mo. Mukhang malapit lang
iyun sa lugar na pupuntahan mo. At malay mo, babalik iyang mga ala-ala mo.
Magtanong-tanong ka lang sa mga tao para sa direksyon at huwag kang mahihiya na
hindi mo sila naiintindihan. Pahihirapan mo lang ang sarili mo.“
Napangiti ako sa advice ni manong. "Nako! Opo manong.
Salamat po. Naalala ko pala na merong ganoong lugar sa Antipolo kung saan ako
nanggaling. Kaya lang, hindi ko na po napuntahan dahil sa nagmamadali po ako.“
"Mukhang nandito na tayo.“
Huminto na ang taxi sa isang hindi pamilyar na lugar.
Bumaba ako at ilang segundo lang ay umalis na ang taxi. Medyo masikip kasi ang
lugar kung mananatili pa daw siya.
Ito iyung lugar na pinapapunta sa akin ni Mr. Lion.
Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan ako ng mga tao. Bigla akong kinabahan.
Tama ba na pumunta talaga ako dito mag-isa?
Maya-maya ay may lumapit sa akin na isang medyo matanda na
babae. Tinitingnan ako ng mabuti mula ulo hanggang talampakan.
"Ren, ikaw na?“ ("Ren, ikaw ba iyan?“) tanong
nito. Mukhang kilala ako.
"Umm... kilala niyo po ako? Ako po si Ren. Pasensya na
pero pwede po bang magtagalog po kayo? Hindi ko po kasi masyadong naiintindihan
ang mga sinasabi ng taong dito.“
"Ikaw nga!“ masayang saad nito. "Halika dong.
Pasok ka dito.“
Nagbukas ito ng gate sa isang lugar at pinapapasok niya
ako. Pumasok ako sa gate at sumakit bigla ang ulo ko pagkapasok nang makita ko
ang kabuuan ng lugar.
Naaalala ko ang isang parte ng nakaraan ko. Nakatayo ako
malapit sa puno at masayang nag-aantay sa pagbabalik ng tatay ko. Pero nang
mawala na ang sakit ng ulo ko at dinilat ko na ang mata ko, wala na ang puno
doon.
"Ren, naunsa ka?“ ("Ren, anong nangyari sa iyo?“)
tanong ng matandang babae sa akin.
"Umm... doon po. May puno po bang nakatayo doon?“
Tinuro ko na malapit sa bukana ng papasok ng bahay.
Tumingin dito ang matandang babae. "Ahh! Naa gyid puno
ug tambis diha. Kaso, kining mga bataa sa atua, mukatkat gyid. Naa isa gyud na
nahagbong. Iyung parente nung bata, nasuko sa amua. Mao ng gipaputol sa akung
bana,“ ("Agh! Meron ngang puno ng tambis diyan. Kaya lang, itong mga bata
sa lugar na ito, umaakyat. May isang bata nga na nahulog. Iyung magulang ng
bata, nagalit sa amin. Kaya pinaputol na lang ng asawa ko ang puno.“) paliwanag
nito na hindi ko alam ang ibig sabihin... pero naiintindihan ko ng konti.
"Ngano mang imong gipangutana? Di mo ba ipaputol?“ ("Bakit mo ba
itinanong? Hindi mo ba ipapaputol?“)
"Umm... naintindihan ko lang po ang parte na nagalit
sa inyo, ang mga tao dito, so okay lang po.“
"Pasensya na. Sulod ka. Sulod ka.“ ("Pasensya na.
Pasok ka. Pasok ka.“)
Kinuha ng babae ang ilan kong mga gamit at naunang pumasok
sa bahay habang ako ay patuloy kong tiningnan ang kabuuan ng bahay. Simple lang
ito. Hindi gaya ng bahay ko. Habang naglalakad ako papasok ng bahay, naaalala
ko ang mga masasayang ala-ala tungkol sa tatay ko kapag uwuuwi siya mula sa
kanyang lakad hanggang sa makapasok ako sa bahay. Napangiti lang ako dahil sa
mukhang madali lang ang lahat para sa akin ngayon na nandito na ako.
Umupo naman ako sa isa sa upuan na katabi ng mesa at ganoon
din ang babae.
"Dako na gyud ka kaayo. Gwapo ra dyud. Pila na ba ta
ka-tuig na wa nagkita?“ ("Ang laki mo na. Gwapo din. Ilang taon na ba
tayong hindi nagkita?“) tanong nito. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi
niya. Pwede bang umiyak na lang ako?
"Okay lang po ako,“ nasabi ko na lang.
Tumawa ng payak ang babae. "Ikaw ra gyud na. Dili ka
gyud mukasabot ug cebuano kay gusto ra ba ug tagalog. Ngano man na wa ku
magpaila-ila? Mylene Inoc ngalan ko. Amiga ko sa imong mga ginikanan. Tawga ko
ug tita Mylene.“ ("Ikaw talaga iyan. Hindi ka makaintindi ng cebuano kasi
gusto mo ng tagalog. Bakit nga pala hindi ako nagpapakilala? Mylene Inoc ang
pangalan ko. Kaibigan ako ng mga magulang mo. Tawagin mo akong tita Mylene.“)
Amiga? Kaibigan? Ahh! Kilala niya?
"Umm... Ren Castillo Severin po ang pangalan ko.
Kinupkop po ako ng isang mayamang pamilya mula sa Rizal,“ pagpapakilala ko.
Lumaki ang mata ni tita Mylene. "Nganong lain na ang
imong ngalan? Ang apelyido ug ang middle name mo, ngalan sa imong ginikanan.
Imuhang ngalan bitaw kay Ren Villarica kung husto ang akong paghuna-huna. Ang
ngalan ng nanay at tatay mo, Vernice ug Callisto.“ ("Bakit iba na ang
pangalan mo? Ang apelyido at ang middle name mo, pangalan ng magulang mo. Ang
pangalan mo ay Ren Villarica kung tama ang pagkaalala ko. Ang pangalan naman ng
nanay at tatay mo, Vernice at Callisto.“) Hindi ko maintindihan pero gumawa ba
ng anagram si ninong mula sa mga pangalan ng magulang ko? At Ren Villarica pala
ang pangalan ko.
"May litrato po ba kayo ng mga magulang ko?“ excited
kong tanong.
Lumungkot naman ang ekspresyon ni tita Mylene. "Nako!
Pasensya gang. Kining mga ginikanan nimo, nagsugo na sunugun iyung mga litrato
kay naay mangita sa inyo. Nangutana ko ug ngano man? Di gud musugot ang imuhang
ginikanan.“ ("Nako! Pasensya na. Itong mga magulang mo, inutusan ako na
sunugin iyung mga litrato namin dahil may naghahanap sa inyo. Nagtanong ako
kung bakit. Hindi naman sumagot ang magulang mo.“) Nakakalungkot naman at hindi
ko malalaman ang mga mukha nila kahit sa litrato man lang. "Pero naa ko ug
usa ka litrato diri.“ ("Pero meron ako ditong isang litrato.“)
"Ho?“
Tumayo si tita Mylene at pumunta sa ilalim ng mesa. Nang
bumalik siya, may litrato na siyang hawak at binigay niya sa akin. Tuwang-tuwa
ako matapos makita ang isang buong litrato naming magkakamag-anak. Halos
kamukha ko ang tatay ko. Masaya kami sa litratong ito.
"Ngano man na imong gipangutana sa akua kung naay
litrato imong ginikanan? Ay! Hain ra imong mga ginikanan Ren? Ug ang imong
igsuon? Hain ra?“ ("Bakit mo ba tinatanong sa akin kung may litrato ako ng
mga magulang mo? Ang kapatid mo pala? Asaan na?“) tanong ni tita Mylene.
"Umm... meron po kasi akong amnesia kaya hindi ko
maalala ang lahat. At ang totoo po niyan, patay na po silang lahat. Ako na lang
po ang natitira.“
Biglang nalungkot ang ekspresyon ni tita Mylene at tinapik
ang likod ko. "Pasensya ra gang kung akong gipangutana. Di ko nahibaw-an
kung buhi pa ang imong mga ginikanan kay wa ko ug balita sa ilaha.“
("Pasensya na kung tinanong ko. Hindi ko alam kung buhay pa ang mga
kamag-anak dahil wala akong balita sa kanila.“)
"Okay lang po.“
Muli lang umupo si tita Mylene sa kanyang upuan. "Ay!
Paminawa ang mga istorya sa imohang ginikanan. Pasensya na Ren ug mag-cebuano
gyud ko kay di ko nahibaw-an magtagalog. Lisod man gyud. Iyung anak ko,
nakahibalo. Pero dugay pa siya mubalik.“ ("Ay! Makinig ka sa mga kwento ko
sa mga magulang mo. Pasensya na Ren kung mag-cebuano lang ako dahil hindi ako
marunong mag-tagalog. Ang hirap kasi. Iyung anak ko, marunong. Pero matagal pa
iyung bumalik.“)
"Umm... sige po. Okay lang po. Hindi naman po iyan ingles
na nakakadugo ng ilong.“
Taimtim na nakikinig ako sa kwento ni tita Mylene tungkol
sa mga magulang ko. May mga naiitindihan ako at meron ding hindi ko
naiintindihan sa mga sinasabi ni tita Mylene. Matagal na silang magkaibigan ng
nanay ko. Nakatira pa daw sila sa isang lumang bahay na makikita sa hindi
kalayuan mula sa pintuan ng bahay. Mabait daw na kaibigan ang mga magulang ko
sabi niya. Dahil kasi sa ibinagay pa daw ng tatay ko ang bahay na ito sa
kaniya. Kinumusta ko naman si tita Mylene kung kumusta na siya. May asawa na
siya ngayon at may isang lalaking anak na halos ka-edad ko. Nasa trabaho ang
asawa niya habang ang anak niya ay nag-aaral ng kolehiyo.
"Ren, diri sa ka usa mga pila ka adlaw?“ ("Ren,
mga ilang araw kang didito?“) mukhang yaya ni tita Mylene.
"Mga ilang araw lang po siguro. Hindi naman po kasi
sapat ang isang araw para maalala ko ang lahat.“ Napahikab ako.
"Ay! Tulog ka usa. Adto ka sa kwarto sa akong anak.
Nikaon na ka?“ ("Ay! Matulog ka muna. Doon ka muna sa kwarto ng anak ko.
Kumain ka na ba?“)
"Opo. Kumain na po ako.“
Pinakita sa akin ni tita Mylene ang kwarto ng anak niya.
Habang naglalakad ay dahan-dahan na bumabalik sa akin ang mga ala-ala. Nang
makarating na ako sa kwarto ng anak niya, malinis ito. Bumalik naman sa
ginagawa si tita Mylene at ako naman ay ibinaba ang dala kong bag laman ng
ilang pagkain, at mga damit. Nilagay ko lang ang litrato sa bag ko. Hinubad ko
na muna ang ilang kong mga suot ko, pagkatapos ayusin ang unan at humiga sa
kama ng anak niya. Hindi naman ako nakatulog dahil sa may naramdaman ako na may
parang kung ano sa higaan.
Kinuha ko ito mula sa higaan at nagulat ako kung ano ang
litrato. Isang nakahubad na lalaki na mukhang foreigner. Ito kaya ang anak ni
tita Mylene? Ang swerte naman ni tita Mylene at nakapangasawa ng foreigner kaya
ganito ka gwapo ang anak. Pero bakit nasa unan?
Hindi ko na lang ito inalala at pinasok ang litrato sa unan
at saka inayos. Natulog na lang ako ulit para makapag-ipon ng lakas para sa
gagawin kong paglalakbay.
"Ma, kinsa ni?“ ("Ma, sino ito?“) rinig kong
tanong ng isang lalaki. Mukhang anak na ito ni tita Mylene.
Dinilat ko lang ang mata ko at kinusot ito ng ilang beses.
Anong oras na ba at ilang oras na ba akong nakatulog?
Nang malinaw na akong nakakakita, sakto naman na nagbibihis
pa lang ang anak nila. Maganda ang pangangatawan ng anak nila sa tingin ko sa
likod pa lang. Nagulat na lang ako nang humarap ito sa akin. Alam kong
nakahubad pa siya kaya makikita ko pa rin ang bagay na iyun sa ibaba niya pero
nagulat ako dahil hindi ang taong ito ang nasa litrato na nakita ko kanina sa
litrato.
Marahan naman nitong tinakpan ang pagkalalaki niya.
"Pre, ayos ka lang? Okay lang ba na magbihis ako dito? Kasi alam ko,
kwarto ko to.“ Marunong ito magtagalog.
"Ayos lang. Magbihis ka lang. Kwarto mo ito sabi mo
nga. Hindi naman iyun ang issue. Nagulat lang ako. Hindi sa dahil diyan sa
ibaba mo. Nagulat lang ako dahil...“ Tinapik ko lang ng ilang beses ang unan.
Nagpatuloy ito sa pagbibihis. "Ahh! Iyun lang naman
pala. Buti at ikaw pa lang ang nakakakita.“ Biglang tiningnan ako nito ng
masama at pinatungan saka sinakal. "Pero kapag sinabi mo sa mga magulang
ko, hindi ka na makakalabas ng buhay sa kwarto na ito.“ Ehh?!
Bigla namang bumukas ang pintuan at dumungaw ang mama niya.
At hindi pa magandang makita ang kalagayan namin dahil parehas kaming walang
pang-itaas.
"Ren, Antonio, okay lang ra mu diha?“ ("Ren,
Antonio, okay lang ba kayo diyan?“) tanong nito.
"Okay na po kami. Sa katunayan nga po, magkaibigan na
po kami,“ sagot ko. "Naging kaibigan ko po ba si Antonio noon?“
"Dili. Di man gud ganahan mugawas ug balay si
Antonio,“ ("Hindi. Hindi naman iyan mahilig lumabas ng bahay si Antonio.“)
tugon ni tita Mylene. Maya-maya ay umalis ito at pumunta ulit sa kusina
marahil.
Umalis sa pagkakapatong si Antonio at nagpatuloy magbihis.
"Ren pala ang pangalan mo. Nice to meet you.“
"Nice to meet you din. Na may sakal pa.“ Hinawakan ko
ang aking leeg.
"Pasensya na kung nasakal kita. Akala ko kasi, nasabi
mo na sa magulang ko ang tungkol sa litrato na nakita mo diyan sa unan ko.“
"So boyfriend mo ba iyung nasa litrato kaya takot ka?“
diretsong tanong ko.
Hindi ito sumagot at pinatungan na naman saka sinakal ulit.
Bumukas ulit ang pintuan at dumungaw na naman si tita Mylene.
"Ren, Antonio, mukaon na ta,“ ("Ren, Antonio,
kakain na tayo.“) yaya ni tita Mylene. Sinara ulit niya ang pintuan.
Umayos naman si Antonio at umalis sa pagkakapatong sa akin.
"Don't say a word.“ Umayos ka Ren. Naaalala mo na ang lahat tapos
papatayin ka lang ng taong ito.
Inayos ko lang ang sarili ko at nagbihis. Pagkatapos ay
sumabay sa kanila na kumain ng hapunan. Malapit na palang gumabi nang magising
ako. Nagkakilala kami ng papa niya at nagkwento naman din ito tungkol sa papa
ko. Salamat na rin kay Antonio na sinasalin ang mga sinasabi ng papa niya at
mas lalo kong naintindihan ang mga kinekwento nila.
Sumapit na ang gabi at niyaya ako ni Antonio na makipaglaro
ng baraha. Natulog na ang lahat maliban lang sa aming dalawa.
"Umm... hindi ka ba matutulog para pumasok bukas?“
tanong ko.
Umiling si Antonio. "Sabi ni mama, tulungan daw kita
sa mga pupuntahan mo bukas. Sakto naman na kailangan ko kasing iwasan iyung
taong nakita mo sa unan ko. Ikaw, pumapasok ka ba?“
"Ang totoo niyan kasi, ang alam ng mga professor ko,
kung nakikilala nila ako, nasa Hong Kong ako dapat ngayon.“
"Wow! Nasa ibang bansa ka pala dapat!“ manghang saad
ni Antonio. "Big time ka pala.“
"Ang totoo niyan kasi, ninong ko ang may-ari ng
eskwelahan. May bagong supermarket business siyang ipapatayo sa Hong Kong.
Kasama kasi ako sa isang banda. Ang ibig kong sabihin, parang manager or
something. Tapos sabi daw ni ninong, sikat na daw ang banda doon sa Hong Kong
kaya pinapunta niya kami doon. Pero hindi ako sumama. Mas gusto ko pang malaman
ang aking nakaraan dito sa lugar na ito,“ mahabang paliwanag ko. "Teka?
Kaano-ano mo pala iyung lalaki sa litrato? At tsaka, base sa nakikita ko sa
litrato, parang nakapatong siya sa kung sino. Sa iyo ba siya nakapatong?“
"Nicklaus Sanchez ang buong pangalan niya. At oo, sa
akin siya nakapatong habang kinukunan ko siya ng litrato. Nasa loob pa siya
nun. Ang relasyon namin, as sex friends lang.“
"Sex friends?“
"In other words, no strings attached.“
"Pero bakit may litrato ka niya sa higaan mo? May
gusto ka ba sa kaniya?“
Bumuntong-hininga si Antonio. "Yeah. Pero malas lang
at mukhang hanggang doon lang ang relasyon namin. Pero kahit ganoon, umaasa ako
na ma-realize niya na lagi akong nandyan para sa kaniya.“
"Umaasa... huh?“
"Bakit?“
"Umm... sa totoo lang, parang ang pangit kasi
pakinggan ang salitang iyan para sa akin. May isa... o dalawang tao na
umaasa... na mahalin ko. Ehh, hindi na pwede dahil iisa lang ang nasa puso ko.“
"Faithful. Tapos ang gwapo mo pa,“ iling niya.
"Teka, babae ba iyan o lalake?“
Napakamot ako sa aking ulo. "Lalake.“
"Alam ng ninong mo?“
"Hindi. Sigurado kasi ako na patay ako kapag nalaman
niya na may karelasyon ako ngayon. Dapat daw kasi, makatapos na muna ako.“
"Grabe din pala iyang ninong mo. Strikto din. Ako,
patay ako sa mga magulang ko kapag nalaman nila na may sex friend ako na
lalaki.“
"Bakit mo pala iniiwasan si Nicklaus?“
"May schedule ako sa kaniya bukas. Kaya good luck sa
atin bukas na mahanap mo iyang hinahanap mo.“
Humikab ako. "Inaantok na ako. Matulog na tayo.“
"Mabuti pa nga.“
Mr. Schoneberg's POV
Habang may inaasikaso akong ilang bagay dito sa office ko
sa Hong Kong, narinig ko na lang na may kumatok sa pintuan.
"Pasok.“
Tinabi ko na muna ang ilang mga gamit ko at niluwa ng pinto
ang anak ko at si Franz.
"Dad, pinatawag niyo daw kami?“ kalmadong tanong ni
Daryll. Huh? Wala ba siyang violent reaction sa akin ngayon dahil nakita niya
si Ren? O baka naman hindi nagpakita si Ren?
"Ahh! Tamang-tama at dumating kayo. May ipapagawa ako
sa inyo. I want you and Franz na maging tour guide nila dito habang nasa Hong
Kong sila.“
"What dad?!“ biglang nainis na saad ni Daryll.
Nakakahawa na ba ngayon ang pagkabingi? Una, si Edmund. Tapos si Daryll?
"Narinig mo naman ako Daryll 'di ba? I want you and
Franz to be their tour guide here?“
"Business Administration ang course ko. Hindi tourism!
Alam mo naman siguro dad yung pagkakaiba nun 'di ba?“ Ano ba ang kinalaman ng
course mo sa ipinaguutos ko?
"Basta! Ok lang naman sayo Franz 'di ba?“ tanong ko
kay Franz.
"Umm... yes po tito. Ok lang po sakin,“ pagpayag ni
Franz. "Mine, sige na?“
"Pero Franz?“
"Daryll, ano ba? Ito-tour mo lang naman sila. Anong
gusto mong gawin nila sa hotel? Tumunganga? Sa Saturday pa yung opening ng
supermarket. Tuesday palang,“ paliwanag ko.
"Ehh bakit kasi maaga mo sila pinapunta dito?“ tanong
pa ni Daryll.
"To enjoy the place?“
"Pumunta sila dito para tumugtog. Hindi para
mag-enjoy.“
"Daryll, ano ba?!“
"Dad, hindi mo kasi ako naiintindihan ehh.“
"Mine, sige na kasi. Ok lang naman sakin ehh,“
pangungumbinsi ni Franz.
"Sa'yo, ok. Sa'kin hindi,“ saad ni Daryll habang
nakasimangot.
"Ehh, di ako nalang? Medyo alam ko nanaman yung lugar
dito ehh?“
"Mas lalong ayoko. Paano kung may gawin sayo si
Joseph?“ At lumabas din ang ugat ng issue na ito.
"Franz, he don't trust you. Iyun talaga ang issue
niya,“ ngiti ko.
"Dad, I trust him!“ sagot ni Daryll.
"Ows? Dapat naman syang magtiwala sayo Franz 'di ba?“
"Ahh... ehh... opo naman po?“ hindi siguradong sagot
ni Franz.
Napangiti ako. "See.“ Kumuha naman ako ng papel at
ballpen para isulat ang isang pangalan ng bar na pupuntahan ng banda.
"Here. Dalhin mo yung 'The Antagonist' sa bar na yan. May live band na
tumugtog dyan every night.“
Binigyan naman ako ni Daryll ng hindi makapaniwalang tingin
matapos tingnan at basahin ang bar na inerekomenda ko. "Nagba-bar kayo
dad? Ang tanda tanda niyo na. Dont tell me, nagtataksil kayo kay mommy huh.
Tatanggalan ko kayo ng mana!“
"Gago kang bata ka. Ako pa tatangalan mo ng mana?
Batuhin kaya kita ng baso?!“ banta ko.
"Ehh bakit nagbabar kayo? Ang tanda niyo na dad!“
"Umm... hindi ahh! Nadaanan ko lang yan. Saka
disenteng bar yan. At hindi ako matanda huh!“
"Ows? Pero ayoko nga di ba? Ayoko. Maghanap nalang
kayo ng tour guide nila,“ pagmamatigas pa ni Daryll.
"Shut up na son! Ok? Make sure mag-eenjoy sila. Now
get out! Tatawagan ko si Mr. Sebastian para makapunta na kayo ngayong gabi
dyan.“
"Ngayong gabi agad?“ Bakit ba hindi nila nakukuha agad
ang mga sinasabi ko?
"Yeah. Time is gold Daryll.“
"Dad naman eh?“ Palabasin ko na nga 'tong mga taong
ito at baka may reklamo pa.
"Get out na kayong dalawa! Labas na!“
Humugot ng buntong-hininga si Daryll at lumabas na kasama
si Franz. Humugot din ako ng buntong-hininga dahil tapos na din itong
pakikipagdebate sa anak ko. Hay nako! Siguradong hindi magtatagal ang relasyon
ng anak ko at si Franz kapag wala siyang tiwala sa kasintahan niya... o kapag
nabingi na si Daryll ng tuluyan.
Kinuha ko na lang ang phone ko at tinawagan si Blue.
"Ahh! Mr. Schoneberg. Ano po ang kailangan ninyo?“
agad na sagot ni Blue sa phone niya.
"Blue, nais ko lang ipaalam sa inyo na mamayang gabi,
dadalhin kayo ng anak ko at si Franz sa isang bar dito sa Hong Kong. Maghanda
na kayo.“
"Ganoon po ba? Sige po. Pagsasabihan ko po sila.“
"Ahh! Naalala ko nga pala. Kung pwede, huwag mong painumin
ng alak si Ren. Hangga't maaari, hindi ko pa siya pinapainom ng alak. Maliban
lang doon sa mga bote ng bourbon na naka-stock sa bahay niya,“ bilin ko.
"Naiintindihan ko po. Pero...“
"Na-kwento ba sa iyo ni Ren ang history niya kay
Daryll? Gusto ko sana na mamayang gabi ay magkabati na sila. Masyado na silang
matanda para mag-away ng mag-away.“
"Huh? Hindi ko po alam ang bagay na iyan. Wala pong
nai-kwento si Ren sa akin. Pero ipaparating ko po. Ang kaso lang...“
"Bakit Blue? May problema ba?“ tanong ko.
"Wala naman po. Ang akala ko lang po kasi, nauna na
pong pumunta dito sa Hong Kong si Ren,“ paliwanag niya.
Nawala ang ngiti ko sa narinig. "Hindi niyo kasabay si
Ren?“
"Ahh! Opo. Sabi niya po kasi, mauuna na daw po siya
papunta dito.“
"Nagsinungaling siya.“
"Ho?“
"Salamat sa sinabi mo Blue. Ibababa ko na ang phone.
Bye.“
Tinapos ko na ang tawag. Gigil na kinuha ko ang baso na
iniinuman ko sa mesa at itinapon sa pintuan. Peste! Sumuway si Ren sa
pinag-uutos ko. Sinabi kong maghintay muna siya!
Nag-dial lang ulit ako sa phone at may sumagot agad.
"Hello? Gusto kong pumunta kayo sa address na ibibigay
ko sa inyo. Kilala niyo naman ang inaanak ko na si Ren hindi ba? Gusto kong
iuwi niyo siya sa bahay niya sa kahit anong paraan ora mismo. Kahit kaladkarin
niyo siya, kahit itali niyo siya, basta huwag niyo lang siyang masyadong
saktan. Maliwanag ba?“ utos ko.
Ren's POV
Kinabukasan, naghanda na kami ni Antonio na lumakad. Sa
labas agad ng bahay, may nakita na akong parang isang pangitain. Sinundan ko
ito at sumunod naman si Antonio. Mga ilang minuto kaming naglalakad, napahinto
kami sa isang pader.
"Teka? Walang ng daanan dito?“
"Daanan? Dito? Ahh! Wala na. Nilagyan na ng pader.
Kung dumadaan pala kayo kasama ang kuya mo, malamang, papasok kayo sa Base,“
paliwanag ni Antonio.
"Base?“
"Isang military base kasi ang lugar sa kabilang pader.
Pwede pa namang pumasok pero hindi dito ang daan. Sumunod ka sa akin.“
Sumunod ako kay Antonio. Sa tulong niya, nakapasok ako sa
base ng walang kahirap-hirap. May kaibigan siyang bantay kaya nakapasok kami.
Sa loob, bumabaha ang nararamdaman kong nostalgia. Nakikita
ko ang sarili ko na naglalaro sa mga damuhan sa isang parte ng base. Pero
ngayon, wala na ito at may building na nakatayo. Nakatulong talaga sa akin ang
pag-uwi ko sa lugar na ito.
Nagpatuloy ako sa isang lugar at nakita ko na ang sarili ko
sa isang bakanteng lote.
"Dati itong palaruan ng mga bata,“ salaysay ni
Antonio.
"Yeah! Natatandaan ko. Dito kami madalas maglaro ni
kuya tuwing libre siya. Dito kaya muna tayo ng ilang saglit para may matandaan
pa ako?“
"Oi, sakto! Katabi pala nito iyung simbahan ng Our
Lady of Peace and Good Voyage. Punta muna tayo doon saka balik tayo dito at
baka aapaw ang ala-ala mo,“ yaya ni Antonio.
"Sige. Punta muna tayo,“ pagpayag ko.
Habang naglalakad kami papunta sa simbahan, nakarinig kami
ng isang musika na may pangkasal. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bakit
parang kinakabahan ako?
Biglang gumuho ang mundo ko nang nasa papasok pa lang kami
ng simbahan. Hindi maaari. Sigurado ako. Siguradong-sigurado ako kung sino ang
dalawang tao na ikakasal. Hindi. Sila Kei at Janice, ikakasal.
"You may now kiss the bride,“ saad ng pari.
Naghalikan ang dalawa. Mag-asawa na sila. Kaya ba ayaw
akong niya akong papuntahin dito dahil ayaw niyang malaman ko na ikakasal sila
ni Janice? Bakit? Paano? Akala ko ba, gumagawa siya ng paraan? Bakit?
Humarap naman ang dalawa sa madla na nagpapalakpakan.
Nagkasalubong ang aming mga tingin. Sinira mo ang iyong pangako Kei. Bakit?
Tumakbo na lang ako paalis sa lugar na iyun. Iniwan ko si
Antonio habang bumabaha sa luha ang mata ko. Akala ko, gumagawa siya ng paraan.
Ito ba ang paraan niya? Ang sakit! Bakit?
ITUTULOY...
Kawawa naman si Ren. Sana maintindihan niya ang sacrifice na ginawa ni Kiefer. Thanks sa update. Take cate.
ReplyDeletemukhang nananaginip lang ng gising si Ren ah! patay kang bata ka Kei. Si Gerald mahal na kaya nya si Edmund? pero di ako interesado sa kanila, kay ren parin ako. hehe..
ReplyDeletebharu
Harry Przz...
ReplyDeleteHahaha that Kei though very coward. Suppa G@y. Very Pathetic.
I'm still waitin for Harry to rape Ren soon. XD