Followers

Monday, March 30, 2015

Loving You... Again Chapter 9 - Storm Clouds Gathering




  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also nga pala sa mga readers ko na si Ashigawa, Alfred of T. O., Gilrex, Jharz, 44, Marc Abellera, Summer Rain, Lantis, Joey, VK TREBB na lagi akong minumura sa Facebook at sa iba haha.

So nabasa ko iyung latest ng Just For a Moment. Pambihira. Nakakapagod iyung trabaho ko doon haha. So balik na muna tayo sa nakaraan and this and that haha. Huwag na nating patagalin pa. Chapter 9.











Chapter 9:
Storm Clouds Gathering





























Keifer's POV



          Then ito Kei. Pinsan mo ba si Harry?"



          Nagulat ako sa tanong ni Ren. Isa sa mga bagay na tinatago ko kay Ren ehh iyung katotohanan na magpinsan kami ni Harry. Kanino niya iyun nalaman? Baka nadulas si Harry.



          Kanino mo nalaman iyan?"



          S-So magpinsan talaga kayo?"



          Yeah. Pinsan ko si Harry. Ang mga magulang niya ang pumatay sa mga magulang ko," pag-amin ko. Pero please Ren. Pwede bang huwag sanang magbago ang pakikitungo mo sa kaniya? Alam ko na iisipin mo na magiging ganoon din si Harry pero Ren, hindi siya magiging katulad ng magulang niya. Give him a chance. Ako na mismo ang nagsasabi sa iyo Ren. Kapag nagbago ang pakikutungo mo kay Harry, hindi ko alam ang magiging epekto nito sa kaniya. Kaya pakiusap. At isa pa, hindi ito alam ng iba na magpinsan talaga kami. Alam mo ba na kahit ganoon ang mga magulang ni Harry, mahal na mahal ko siya bilang pinsan niya. Ayokong matulad siya sa mga magulang niya alam mo ba iyun? Kaya please Ren. Pretend na hindi mo alam ang mga kabalbalan ng magulang niya at ang katotohanan na magpinsan kami," pakiusap ko.



          Naiintindihan ko Kei."



          Salamat naman Ren at naiintindihan mo ako."



          Siyempre Kei. Napaka-understandable mong boyfriend ehh."



          Ikaw din Ren. O sige. Matutulog na ako. Good night Ren. I love you," paalam ko.



          Ikaw din Kei. I love you too. Tawag tayo ulit bukas."



          Sige. Basta antayin mo ang text ko bukas ha. Bye."



          Pagkababa ng phone, humiga ako at nakipagtitigan sa kisame. Mabuti at isang mabait na tao si Ren. Naiintindihan niya ako. Matapos ko kasing ikwento kay Ren ang tungkol sa nakaraan ko, nag-alangan ako na sabihin sa kaniya na pinsan ko si Harry. Seriously, hindi namin sinasabi ni Harry na magpinsan kami.



          Natahimik naman ang loob ko ng ilang segundo. Shit! I miss Ren. Miss ko na siyang halikan sa labi, sa leeg, sa katawan niya at kung saan-saan pa.



          Naramdaman ko na lang na tinigasan na ako. Ugh! Gusto ko talagang magka-SOP si Ren haha. Marunong kaya siya? Never mind. Konting panahon na lang at malapit na kaming magsama ulit.



Ren's POV



          Pagkapunta ko sa kusina ng bahay ko, nagulat na lang ako na may note na naman pala si Mr. Lion. Hindi ko ito napansin noong pauwi ako galing sa eskwelahan.



          Kinuha ko ito at binuksan.



          5pm sa Basketball Club. Wala sila sa oras na iyun. Try mong mag-shoot ng bola mula sa 3-point border," nakasaad sa unang talata ng sulat.



          Basketball Club? Anong meron doon at kailangan kong mag-shoot ng bola mula sa 3-point border?



          Siya nga pala. Nice naman. Sinabi na pala sa iyo ni Kei na magpinsan sila ni Harry. Nagtitiwala ka na ba ng tuluyan sa kaniya matapos niyang sabihin ang sikretong iyun? Kung ako sa iyo, huwag na muna. See you. Loving You... Again, Mr. Lion," saad pa ng sulat.



          Ito talagang catchphrase ni Mr. Lion. Bakit kaya may tatlong tuldok sa pagitan ng you at again? Para sa akin kasi, ang tatlong tuldok ay nangangahulugan ng uncertainty. Sandali lang, baka si Mr. Lion ang first love ko? Posible kaya iyun? Kaya ba tutol ito sa relasyon namin ni Kei? Pero oo at hindi din ang sagot niya. Ugh! Siguro may problema itong si Mr. Lion sa kanyang personalidad. Meron ata siyang multiple personality disorder.



          Maya-maya'y sa telepono, may tumatawag. Ang telepono, sagutin ko na. Wait si kuya Blue pala.



          Hello kuya Blue?"



          Hello Ren. Pwede bang ikaw ang mag-take charge mamaya?"



          Ohh sige. Bakit nga pala?"



          May pupuntahan lang kami ni Red. Siya nga pala. Noong isang araw, na-late si Paul."



          And gusto niyo ba akong mag-expect na mahuhuli siya ulit?"



          Depende," natatawang sagot ni kuya Blue.



          Oo nga pala kuya Blue. Naisip ko lang na kapag may gig iyung banda, bakit hindi natin i-advance ng isang oras iyung schedule?"



          Ohh. Reverse Filipino Time?"



          Yeah. Parang ganoon. Para wala ng rason kung bakit late kasi on time pa rin silang makakarating."



          Hmm... magandang ideya nga iyan. Noted."



          May mga bilin pa ba kayo?"



          Wala na. Bukod sa pwede kayong umuwi ng maaga, iyun lang."



          Sige kuya Blue. Bye."



          Bye," paalam ko.



          Iyun. Ang swerte ko. Since ako ang in-charge sa music club ngayon, mapapauwi ko sila ng maaga.



          Tiningnan ko naman ulit ang note na pinadala ni Mr. Lion. Basketball huh?



          Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Pagkaalis ni Allan at ang kasama niya ay lumapit agad si Harry habang nagliligpit ako.



          Ano Ren? Tara sa bahay ninyo?" yaya nito.



          Umm... Harry. Hindi pwede. Ako kasi ang in-charge sa music club ngayong araw," pagtanggi ko. Napatingin naman ako sa pintuan ng classroom. Pakisabi na rin kay Janice."



          Lumingon din si Harry kung saan ako tumitingin. Okay." Nilingon niya ulit ako. So kumusta na ang Music Club?"



          Wow Harry. Parang sa pananalita mo ehh ipagyayabang mo ang eskwelahan natin kapag nanalo tayo sa Battle of the Bands," biro ko.



          Hindi naman sa ganoon." Tumawa ako ng payak. Sige. Una na ako para pagsabihan si Janice na hindi kami pupunta sa bahay mo. Busy kasi si Kei ngayon sa Journalism Club kaya walang siyang... magawa," kibit-balikat niya.



          I see. Sige. Next time na lang talaga Harry. Bye," paalam ko sabay alis.



          Bye."



          Agad naman akong pumunta sa Music Room at naging in-charge sa araw na ito. Napansin ko naman na naging talkative itong si kuya Joseph kay kuya Paul. Aba! Maganda iyan.



          Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang praktis namin sa araw na ito. Agad na lang akong pumunta sa basketball gym. Pagkabukas ko ng pinto ay wala akong nadatnan na tao. Marahil ay may tao pa sa locker room dahil nakita ko na bukas pa ang ilaw doon.



          Pumasok naman ako saka kumuha ng bola na nakasalansan sa isang lalagyan.



          Hi."



          Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nanggaling ito sa locker room. Hi," bati ko.



          Lumapit naman ito sa akin. Wow naman ang pangangatawan ng taong ito. Atletang-atleta. Siguro kung tagilid talaga ako ehh mapapatili ako sa kagwapuhan pa ng taong ito. Wait, pero tagilid na akong tao. Wait, may Kei na pala ako.



          Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.



          Umm... napunta lang po ako dito dahil sa may gusto lang akong subukan."



          I see. Mukha kang bago lang sa eskwelahan na ito." Mukha lang pero isang taon na akong nakapag-aral dito kung hindi niyo alam. Oh by the way I'm Marcaux Pascual. M-A-R-C-A-U-X ang spelling. Silent letter iyung X. Kasalukuyang kapitan ng Basketball Team ng Schoneberg Academe," pakilala niya sabay lahad ng kamay. Wow. Medyo kakaiba ang pangalan niya.



          Ren," pakilala ko saka nakipagkamay.



          Kumalas siya sa pakikipagkamay. Ren. What a mysterious person. Iyung palayaw mo lang ba ang dapat kong malaman sa pangalan mo?"



          Hindi naman po sa ganoon. I'm just a nobody na hindi maalala ang pangalan sa paaralang ito. Aside sa mga pamilya ko at nakakakilala sa akin, sila lang ang gusto kong mga tao na makakilala sa buong pangalan ko."



          Sounds harsh," reaksyon ni Marcaux. Parang sinasabi mo na hindi ako likeable despite sa aking charm. Iyung boyfriend ko nga ehh masyadong insecure... or is he... kasi nga, likeable akong tao. But my eyes, my heart, my soul, even my body is exclusively for him," ngiti pa niya.



          Sa tono po ng pananalita niyo ehh nag-a-assume po kayo na may gusto ako sa inyo?" hula ko.



          Ohh. Wala ba? Akala ko ehh napunta ka para sa aking katawan," pagmamalaki pa nito sa sarili.



          Isa pang maling assumption at ipapapalit ko na po kayo kay ninong," inis na saad ko.



          Tumawa naman siya ng payak. Ipapapalit ako? Ikaw naman. Nagbibiro lang naman ako."



          Ako rin naman po," ngiting saad ko.



          So bakit ka nga pala naparito? At please drop the po Ren."



          Sa bagay. Ginagamit ko lang ang po sa mga nirerespeto kong tao," bulong ko sa sarili. Umm... naparito ako kasi may isang kaibigan na nagsabi sa akin na mag-shoot daw ako ng bola mula sa 3-point border."



          Mag-tryout sa club I see."



          Hindi sa ganoon."



          Ilang segundo naman ang nakalipas at napansin kong nakatingin lang siya sa akin. By any chance Ren, nagkita na ba tayo dati?"



          Kung pickup line iyan, pigilan niyo."



          No Ren. I mean it in a literal way."



          Pasensya na pero para sa akin, ito ang unang beses na nakita ko kayo."



          Hmm... still I am not convinced. You are really familiar to me. Pero sigurado ako na nakita na kita noon. Kababata ko perhaps? Well siguro mamaya ehh maalala ko din." Nagsimula naman siyang i-dribble ang bola. Well moving on, gusto mo ba akong makita kung paano mag-shoot ng bola mula sa 3-point border?"



          Sige. Gusto kong makita kung paano. Unang beses ko lang na magbabasketball."



          Hindi halata. Your body has a poor development. Dapat magpalaki ka ng katawan kapag may time. Maraming masasamang loob ngayon na nagkalat at kadalasang mga target ay mahihinang tao gaya mo. Hindi mo ba naririnig o nababasa sa mga pahayagan ng school natin? May mga estudyante sa paligid ng eskwelahan ang nananakawan, hino-holdup at kung anu-ano pa. Despite na nahuhuli ang mga may kasalanan, salamat na lang sa mga nagkalat na pulis sa eskwelahan natin, hindi maiiwasan na may masasaktan. Tandaan mo na karamihan sa mga estudyante ng paaralan natin ay mayayaman kaya hindi maiiwasan na maging target tayo ng mga masasamang loob," mahabang paliwanag niya.



          Salamat sa paliwanag. Sa totoo lang, sinabi na rin sa akin ng kaibigan ko iyan."



          Kung sino man ang nagsabi niyan sa iyo, sundin mo. Iyung boyfriend ko nga pinipilit ko. Pero dahil ayaw niya, sabay na lang kami palagi. At dahil sabay kami palagi, alam mo na. May nakukuha akong reward," pilyo niyang wika.



          Reward. Iyan na ba ang usong term ng sex ngayon?" natatawang biro ko.



          Tumawa naman siya ng payak. What a direct thing to say. Anyway, hindi ito pickup line pero nakasakay ba tayo sa parehas na bangka?"



          Hindi ko alam kung tamang term ito pero sabihin na lang natin na isa akong duyan."



          Swings in both ways?"



          Umm... parehas ba na duyan ang pinag-uusapan natin?"



          Ewan ko sa iyo. Sa pamparkeng duyan marahil?"



          Sa tingin ko iyung duyan na nahihigaan."



          Ohh. I get it. Swings in both ways but stops when there is already someone in it. What a thing a faithful person will say. Wait, tama ba ang term?"



          Natawa na lang ako ng payak sa taong ito. Who knows. Baka nga."



          So I assume na iyang peklat mo sa labi ay gawa din ng boyfriend mo." Nahawakan ko na lang ang labi ko." I knew it. Kaya pala komportable kang pag-usapan natin ang boyfriend ko. Well anyway, tama na ang daldalan. Magsu-shoot na ako."



          Biglang bumagal ang oras sa pagitan naming dalawa habang sinundan ko siya ng tingin. Nag-dribble siyang lumayo sa ring at huminto paglampas sa 3-point border. Tumalon saka nag-shoot.



          「Naglalaro kami ni kuya ng basketball sa isang court. Nag-shoot siya ng three points at naipasok na naman niya. Astig! Sana magkaroon ako kahit ng konting kaastigan ni kuya.



          Ang astig mo talaga kuya. Idol kita!" saad ko saka lumapit sa kaniya.



          Siyempre. Kuya mo ako ehh. Gusto mo bang maging katulad ko?" tanong niya.



          Oo kuya. Kaso sabi nila, baka hindi ko kayang matulad sa iyo. Mahina daw kasi ang pangangatawan ko." Ginulo naman niya ang buhok ka.



          Ano ka ba? Wala sa lakas ng katawan iyan. Nasa tatag ng isang tao iyan. Makinig ka, mangako ka sa akin na magiging astig ka din kagaya ko." Kinuyom ni kuya ang kamao niya at nilagay niya ito sa harapan niya.



          Oo kuya. Makakaya ko!" Kinuyom ko din ang kamao ko at binangga ang kamao niya.



          Ganyan nga Ren. Tara na at umuwi na tayo. Baka hinihintay na tayo ng ninong mo."



          Sige kuya."



          Ohh heto ang bola at huwag mong bibitawan," bigay niya ng bola sa akin.



          Lumabas na kami ng court ni kuya. Habang tumatawid sa daan ay napaglaruan ko ang bola at aksidenteng binitiwan ang ito.



          Sabing huwag mong bitawan ehh," saway sa akin ni kuya Lars saka hinabol ang bola.



          Pasensya na kuya."



          Habang kinukuha ni kuya Lars ang bola ay may trak na bigla na lang sumulpot at nabangga siya. Hindi maari. Si kuya, naliligo sa sariling dugo.



          Kuya?" tawag ko sa kaniya.



          Hindi maari. Ako ang pumatay sa kuya ko. Ako ang dahilan ng kamatayan ng kuya ko.



          Tumulo naman ang mga luha ko. Umiiyak ako dahil may nagawa akong mali. Hindi ko dapat ginawa iyun. Hindi.



          Tinakpan ko ang aking mga mata at tumungo. Maling-mali ang ginawa ko. Kung hindi dahil sa akin... kung hindi dahil sa akin, hindi magkakaganito. Ayokong makita si kuya na naliligo nito sa sariling dugo. Ayoko. Ayoko.



          Kuya, pasensya na!" iyak kong saad.



          Ren!" rinig kong sigaw ng isang tao.



          Kuya, pasensya na!" patuloy ko pa ring sabi.



          Hindi ko kaya. Gusto kong makalimutan lahat. Gusto kong burahin ang lahat ng alaala ko. Ako ang dapat sisihin sa nangyari. Gusto kong magsimula ulit pero hindi pwede iyun.」



          Naging malinaw sa akin ang alaalang iyun. Ako ang pumatay sa kapatid ko. Ako ang dahilan kaya namatay siya.



          Humarap naman sa akin si Marcaux at mukhang may sinasabi siya. Hindi ko marinig ang sinasabi niya.



          Maya-maya ay bumigat ang aking pakiramdam at ipinikit ko ang aking mata.



Marcaux's POV



          Ohh. I get it. Swings in both ways but stops when there is already someone in it. What a thing a faithful person will say. Wait, tama ba ang term?"



          Natawa na lang si Ren ng payak. Who knows. Baka nga."



          So I assume na iyang peklat mo sa labi ay gawa din ng boyfriend mo." Nahawakan naman nito ang labi niya. I knew it. Kaya pala komportable kang pag-usapan natin ang boyfriend ko. Well anyway, tama na ang daldalan. Magsu-shoot na ako."



          Nag-dribble ako palayo sa ring at huminto paglampas sa 3-point border. Tumalon saka nag-shoot. At pumasok ang bola! Yeah.



          Kita mo iyun? Ang galing ko ano?" turo ko sa ring. Nilingon ko naman siya. Hey, purihin mo naman ako."



          Tiningnan ko ng maigi si Ren at nakatulala ito. Maya-maya'y napansin ko na may luha na tumulo sa mga mata niya at dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya. Anong nangyari sa taong to? Mahihimatay siya.



          Sakto naman na nasalo ko ito. Nako! Tiningnan ko naman siya ng maiigi. Parang nakita ko na talaga ang taong ito pero hindi ko lang maalala kung saan. Bahala na nga!



          Binuhat ko agad siya saka patakbong pumunta sa infirmary. Naabutan ko naman na may nurse sa loob at agad na kaming inasikaso.



          Pangalan niya?" tanong sa akin ng nurse.



          Ren."



          Iyun lang?"



          Malay ko ba kung ano ang pangalan niya. Unless kung may ID siya?"



          Mamaya na iyan. So ano ang nangyari sa kaniya?"



          Nahimatay lang. Hindi ko lang alam kung bakit. Maliban lang sa umiyak siya bago mahimatay?"



          Tumingin naman ako sa relong pambisig ko. Ugh shit! 5:30pm na. Susunduin ko pa si Keith.



          Pwede na po ba akong umalis?" tanong ko sa nurse.



          Pwedeng-pwede na."



          Agad naman akong bumalik sa basketball gym saka kinuha ang ilang gamit ko sa locker room at ni-lock ang gym. Habang papunta sa Journalism Club, hindi mawala sa isip ko si Ren. Alam ko naman na may boyfriend na ako so hindi ako inlove o kung ano pa man. Para lang kasing pamilyar sa akin iyung tao.



          Pagkarating ko sa Journalism Club ay dumiretso ako kay Keith saka mabilis na hinalikan ito sa labi.



          Hi Keith my love."



          Marcaux. Nandito ka na pala. Maya-maya ay aalis na tayo. Antay ka lang okay?" masayang wika nito.



          Nilibot ko naman ang paningin ko sa silid. Napako na lang ang tingin ko ng isang litrato ng tao na nakadikit sa board ng club at pamilyar ito sa akin. Teka? Parang kilala ko ang taong ito?



          Lumapit naman ako sa board at pinagmasdan ang litrato ng mabuti.



          Bakit Marcaux? Anong meron at nakuha ni Mystery Man ang atensyon mo?" tanong ni Katya, ang President ng Journalism Club.



          Ang taong ito, ito ata iyung dinala ko sa infirmary kanina."



          WHAT? NAKITA MO SI MYSTERY MAN?!" pasigaw na reaksyon ni Katya na nakuha ang atensyon ng lahat ng nasa silid.



          DID SOMEONE SAID SOMETHING ABOUT THE MYSTERY MAN NG SCHOOL NATIN?!" pasigaw din na reaksyon ni Arielle, miyembro din ng Journalism Club saka nag hyperventalate... at normal lang iyan.



          Kei, ngayon din! Pumunta ka sa Infirmary Room at mangalap ka ng impormasyon kung sino ba talaga itong si Mystery Man," utos ni Katya kay Keifer. Isang miyembro rin. Nakarinig na lang ako ng kalabog ng pinto.



          Marcaux, paano mo naman nakasalamuha itong si Mystery Man?" tanong ni Keith.



          Nilapitan ko na lang ito sa desk niya saka lumuhod. Actually Keith my love, nakita ko siya na pumasok sa basketball gym. Iyung kaibigan niya daw, nagsabi sa kaniya na mag-shoot daw mula 3-point border. Nagyaya naman ako na pakitaan ko siya ng 3-point shot at pumayag siya since first time lang daw niyang makakapaglaro ng basketball. And then nag-shoot na ako. Maya-maya, nahimatay na lang siya. Nahimatay ata sa kaastigan ko," kwento ko.



          Sumimangot na pangiti naman itong si Keith. Oo na. Alam ko ng astig ka na."



          Maya-maya ay bumukas ang pintuan at niluwa nito ang fiancee ni Keifer.



          Hi people," masiglang bati nito sa amin. Asaan si Kei?"



          Janice right? Inutusan ko muna para puntahan sa infirmary ang Mystery Man ng eskwelahan natin," ani Katya.



          Mystery Man ng school na ito? Bakit hindi ko alam iyun?"



          Tumayo naman ako. Ay oo nga pala. Bago ka palang dito Janice right? Then hindi mo pala naabutan ang Mystery Man ng eskwelahang ito."



          Umupo naman ito sa desk ni Keifer. May istorya ba sa likod ng taong ito kaya siya ang Mystery Man ng school na ito?"



          Napatayo naman ng desk si Arielle habang tinataas ang kamay. President Katya, hayaan niyo ako."



          Nag-iisip pa naman na ako ang magkwento since POV ko ito pero never mind," nasabi ko.



          Do the honors Arielle. Ikwento mo sa newbie na ito," pagpayag ni Katya.



          I feel excited," reaksyon ni Janice.



          Hinarap naman ni Arielle si Janice. Then let me-"



          Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Keifer. Pasensya na po pero wala na daw si Mystery Man sa Infirmary. Sabi daw ng nurse ehh agad itong umalis," report niya habang pumupunta sa desk niya.



          Ayos lang. Makikita naman natin siya sa mga CCTV ng school," si Katya.



          Hi Kei," bati ni Janice sa kaniya. Pwede bang dumito muna ako para pakinggan ang storya ng Mystery Man ng school niyo?"



          Hindi pwe-"



          Anong sinabi mo Keifer?" galit na pagputol ni Arielle sa pagtanggi ni Keifer. Lahat ng babae sa eskwelahan na ito ay may privilege malaman kung bakit itong si Mystery Man ay isang misteryosong tao."



          Oo nga Keifer. Takot ka ba na maagawan ng fiancee?"



          Ikaw na ang gwapo Marcaux," ganti ni Keifer.



          Oo naman. Gwapo talaga ang boyfriend ko," dagdag pa ni Keith.



          Lumapit naman sa akin si Arielle. Speaking of gwapo, pride iyan ng eskwelahan natin. Ito si Marcaux Pascual. Kasalukuyang kapitan ng Basketball team. Isa siya sa mga-"



          Pwede bang i-skip na lang natin ang bagay tungkol kay Marcaux na alam na natin?" pagputol ni Keifer.



          Kei, ang bastos mo. Hindi mo dapat inaabura ang pagkikwento natin sa mga mahahalagang bagay na dapat marinig ng isang baguhan," saway ni Katya.



          Oo nga Keifer," pagpapangalawa ni Janice.



          Ehh sasabihin lang naman ni Arielle ehh ang gwapo ni Marcaux ulit. Iyung mga bagay na hindi pa niya alam na lang pwede?" sagot pa ni Keifer. At saka kawawa naman ang mga katulad ko na gwapo din pero hindi kilala. Pride din kami ng school na ito. Oh well. Being a wallflower has its own perks."



          Pero gusto kong marinig na pinupuri na gwapo si Marcaux ko," wika ni Keith.



          Oo nga. Para naman mainggit kayo na para kay Keith my love lang ako."



          Can we just move on already. Tatawagan ko lang iyung kaibigan ko na mauna nang umuwi. Siguradong hindi uuwi itong fiancee ko hangga't hindi niyo tinatapos ang kwentong nasimulan niyo na," naiiritang saad ni Keifer saka lumabas muna ng room.



          Well continue," nakangiting saad ni Janice.



          Okay. Back from the top," pagtuloy ni Arielle. Pride ng school na ito ang ilan sa mga poging lalaki na nag-aaral dito. Originally, isa na dito si Marcaux Pascual, ang kasalukuyang kapitan ng Basketball Club." Kumuha naman ito ng ilang litrato ng mga ipapakilalang pa kay Janice. Aldred Castro, ang prinsipe ng Drama Club at marami pang iba. Lumipas ang ilang taon ay nadagdagan pa ito. Ang isa sa mga nadagdag ay Ang prinsipe mga Schoneberg, Daryll Perfect' Schoneberg. Dumagdag din sa listahan ang mga miyembro ng bagong usbong na club, ang Music Club na gumawa ng banda para sa Battle of the Bands na mas kilala natin bilang The Antagonist'. Joseph Arthur Mendoza Reyes, ang guitarist. Johny Celerez, ang vocalist. Ethan Zoreta, ang bassist. Paul Unidad, ang drummer. Ang president pa nila na si Alexander Blue Sebastian. At ang isa pang tinanggi nila na kasama sa Music Club, si Mystery Man," masiglang kwento nito sabay turo pa sa litrato na kinuha noong Valentine's Day. Sadly, nabawasan ng isa kasi sa ibang bansa na daw nag-aaral si Daryll," malungkot na remark pa nito.



          Kita naman sa mukha ni Janice ang paghangga.



          Ohh! Di ba. Ito ang Schoneberg Academe. Ang tahanan ng mga gwapo," masiglang saad ni Keith.



          Teka, maaring makita ko sa malapitan ang hawak mong litrato?" request ni Janice.



          Sige," pagpayag ni Arielle saka inabot dito.



          Sakto naman na pumasok na si Keifer. Tapos na ba?" tanong pa niya habang bumabalik sa desk niya



          Teka, parang kilala ko ito," reaksyon ni Janice.



          KILALA MO SIYA?!" hysterical na saad ni Arielle.



          Agad na kinuha ni Keifer ang litrato saka binalik ito kay Arielle. Nako Janice. Bago ka pa lang dito. Imposible na kilala mo ang taong iyan."



          Pero Janice, sa tingin mo, saan mo siya nakita?" tanong ni Arielle.



          Nag-isip naman ito. Hmm... hindi ko maalala. Pasensya na."



          Humugot naman si Arielle ng buntong-hininga. Sayang naman. Akala ko ehh makikilala na natin si Mystery Man."



          Hay nako. Tara na Janice at umuwi na tayo," saad ni Keifer saka kinuha ang mga gamit niya. Good bye guys. Bukas na lang ulit."



          Bye din guys," paalam din ni Janice saka sumunod sa kaniya.



          Ingat kayo," saad naming lahat.



          Tara na rin Marcaux. Uwi na tayo," yaya ni Keith saka tumayo



          Tara." Kinuha ko naman ang bag niya.



          Marcaux, may gagawin pa kami bukas. Hangga't maari, magpigil ka," paalala sa akin ni Katya.



          Huh? Bakit naman Katya?"



          Iimbestigahan na namin simula bukas kung sino itong si Mystery Man ng eskwelahan natin. Marami kaming natanggap na feedback kung bakit wala pa tayong lead kung sino ang taong ito. Ngayon na may lead na tayo, hindi na namin siya pakakawalan. At bago matapos ang June, kailangan malaman na natin kung sino ang taong ito."



          Katya, hindi pwede iyan. Maapektuhan ang sex life ko dahil sa imbestigasyon niyo kay Mystery Man?"



          Kailangan namin si Keith para bukas. Unless kung tutulong ka."



          I will sure do. Don't worry. Tutulong ako. Now can I have sex with Keith tonight?"



          Okay," pagpayag ni Katya.



          Marcaux, bakit ba natin pinag-uusapan ang mga bagay-bagay na iyan dito?" nahihiyang tanong ni Keith.



          Humarap ako sa kaniya saka pinisil ko ang pisngi. Ang cute mo talaga kapag nahihiya. Tara na nga," nakangiting saad ko saka kinuha ang kamay niya paalis ng silid.



Ren's POV



          Para naman akong nagising sa isang bangungot nang dinilat ko ang aking mga mata. Ginala ko saglit ang paningin ko sa kwarto at nasa infirmary room ako. Agad naman akong bumangon saka umalis sa kwarto. Tinawag ako ng nurse pero hindi ko na ito tinugon. Dumiretso ako sa Music Room kung saan ko iniwan ang mga gamit ko. Gumunita ulit sa akin ang naalala ko bago ako mawalan ng malay. Hindi maari. Ako... ako ang pumatay sa kuya ko. Kung hindi dahil sa akin ay hindi siya mamamatay.



          Bigla na lang tumunog ang phone ko. May tumatawag at galing ito sa isang unregistered number at sinagot ko ito.



          Hello?"



          Nagising ka na pala," saad ng kakaaibang boses.



          S-Sino ka?"



          Ehh di sino pa ba?"



          Mr. Lion?" hula ko.



          Bingo! So, naalala mo na ba?"



          Hindi naman ako makasagot ng ilang segundo. Oo. Naalala ko na."



          So anong pangalan ng eskwelahan na ito?"



          Schoneberg Academe."



          So ano ang naalala mo?" he grimly asked.



          Bakit mo ba tinatanong?" balik tanong ko.



          Siyempre. Kailangan kong kumpirmahin kung naalala mo ba ang naalala mo sa paglalaro ng ating kaibigan na si Marcaux ng basketball. Alam na alam ko ang tungkol sa iyo kaya, sabihin mo na."



          Nagsimula namang tumulo ang luha ko. A-Ako ang pumatay sa kuya Lars ko."



          Ilang segundo ang nakalipas at hindi nagsalita si Mr. Lion sa kabilang linya habang ako ay patuloy sa pag-iyak. Kaya pala. Ako ang pumatay sa kuya ko. Kaya ba wala akong magulang dahil ako din ang dahilan ng kamatayan nila? Gusto kong itanong ito kay Mr. Lion pero maya-maya ay ibinaba niya ang telepono.



          Nagulat na lang ako na may dugo na ang aking mga kamay. Ano to?



          Ako ang pumatay kay kuya," naririnig kong bulong ng sarili kong boses.



          Hindi. Hindi. HINDI! Agad ko  tinungo ang CR ng Music Room at inilagay ang aking kamay sa lababo saka binuksan ang gripo. Sinusubukan ko naman na alisin sa aking mga kamay ang dugo pero hindi ito maalis. Bakit?



          Ako ang pumatay kay kuya," naririnig ko pa ring bulong ng sarili kong boses.



          TAMA NA! TAMA NA!" sigaw ko.



          Hindi maari. Kahit anong gawin ko, hindi maalis ang dugo! Bakit ayaw? Bumukas naman ang pintuan ng CR at ito'y si kuya Jonas.



          Ren, anong nangyayari?" gulat na tanong nito.



          Sinubukan ko namang lumayo kay kuya Jonas. Huwag kang lalapit kuya Jonas!"



          Ren, kalma lang."



          Kuya Jonas, huwag kang lumapit. Isa akong mamamatay tao. Ako ang pumatay sa kapatid ko," naiiyak kong saad.



          Ren, hindi totoo iyan. Kumalma ka."



          Kahit sinasabi kong huwag siyang lumapit, nilapitan ako ni kuya Jonas.



          Huwag kang lumapit sa akin kuya Jonas. May mga dugo ang aking mga kamay. Baka mapagkamalan kang mamamatay tao niyan kapag nalagyan ko ng dugo ang damit mo," pakiusap ko.



          Dugo?" naguguluhang saad nito. Okay lang Ren. Basta ganito. Hayaan mo akong lumapit sa iyo. Kalma lang Ren. Kalma lang. Mapagkamalan na akong mamamatay tao basta Ren, kalma lang."



          Patuloy pa rin sa paglapit sa akin si kuya Jonas. Nang makalapit ay niyakap ako.



          Kalma lang Ren. Kalma lang. Huwag ka ng magsalita at kalmahin mo ang sarili mo," wika pa niya habang hinahagod ang aking likod.



          Patuloy pa rin akong umiyak at nawala naman ang boses na bumubulong sa akin. Pero hindi mawala sa isipan ko na ako pala ang pumatay sa kapatid kong si Lars. Ako pala.



Keifer's POV



          Galing sa Journalism Club kasama si Janice, kasalukyan namin tinatahak ang daan papunta sa labas para sumakay ng taxi nang makasalubong namin si Gerard. Kita ko naman na binaba nito ang phone. Wari'y katatapos lang nito kausapin ang nasa phone. Pero bakas sa mukha niya ang galit. Bakit kaya?



          Gerard," tawag ko.



          Nilingon kami nito. Pauwi na pala kayo Kei at Janice," mahinahon nitong saad.



          Nandito ka pa pala? Akala ko umuna ka ng umuwi sa bahay?" sunod-sunod na tanong ni Janice.



          May nakalimutan lang ako Janice," banayad na sagot niya. Pinapakalma talaga niya ang sarili para hindi magalit sa ibang tao. Tara na at sabay na tayong umuwi."



          Sige ba," masayang wika ni Janice saka tumakbo papunta sa parking lot.



          Nagsimula naman kaming lumakad ni Gerard. May nangyari ba?" tanong ko.



          Umiling na lang siya bilang pagtugon. Wala ito. Tara na at umuwi."



          Habang pauwi, ramdam ko sa mga mata ni Gerard ang galit. Hindi ko naman ito matukoy kung bakit. Kahit hindi niya sabihin, alam namin na galit na galit ito at mag-iingat na lang kami na huwag itong sumabog sa kahit kanino. Delikado itong si Gerard kapag nagalit.



          Pagkarating namin sa apartment ay basta na lang itong lumabas ng kotse saka dire-diretsong pumasok sa apartment. Natulala na lang kami sa inasal nito.



          Kei, anong nangyari doon?" tanong ni Janice.



          Ewan ko pero mag-iingat ka na lang Janice. Huwag mo na lang galitin si Gerard at mamaya ay kung anong mangyari sa iyo."



          Lumabas naman kami ng kotse at pumasok sa aming sari-sariling apartment.



          Good evening," bati sa akin ni Harry.



          Hindi magandang gabi," bati ko din.



          Agad naman akong dumiretso sa kwarto saka nagpalit. Humiga na lang ako sa kama ko at nakipagtigan sa kisame.



          Pumasok naman sa isip ko ang nangyari sa Journalism Club kanina. Lagot. Mukhang lalabas ang sikreto ni Ren ahh. Mag-iimbestiga bukas ang Journalism Club para sa tunay na aydentidad ni Ren. Ano kaya ang mga gagawin nila bukas? Sa tingin ko ehh uunahin nila ang CCTV. Pero kanina noong pumunta ako sa infirmary room, wala na siya roon. Sigurado naman ako na ang taong tinutukoy ni Marcaux ay si Ren. Ano ba kasi ang ginagawa doon ni Ren sa Basketball gym?



          Tumingin ako sa wall clock. 8pm na. May-usapan kami ni Ren na tuwing 9pm, antayin niya ang text ko via magtxt.com at kapag lumampas na ng 9:05 ang oras, hindi na ako makakatawag. Lumabas na lang ako at naabutan si Harry na nakapagluto na ng hapunan.



          Pinsan, kain na tayo," yaya niya.



          Parehas naman kaming natapos kumain ng hapunan. Tumayo si Harry at niligpit ang mga pinagkainan namin. Nagsimula naman siyang maghugas.



          Meron bang development kay Ren?" tanong ko.



          Pang-ilan na tanong mo na iyan ngayong buwan?" pagbalik ng tanong ni Harry. Parang araw-araw ka naman nagtatanong. Kailan ka pa naging si papa? O baka inutusan ka ni papa na magkunyari kang siya?" Tanga! Dahil boyfriend niya ako.



          Nagbibiro ka sa akin. So hindi okay?"



          Humugot na lang siya ng buntong-hininga. Ehh ano pa. Mukhang wala talaga akong pag-asa sa kaniya. Sinusunod talaga ni Ren ang gusto ng benefactor niya."



          Isa lang talaga ang ibig sabihin niyan Harry. Sumuko ka na."



          Bakit naman ako susuko?"



          Mahiwaga ang kapangyarihan ng pag-ibig. Kung may gusto talaga sa iyo si Ren, susuway talaga siya sa mga benefactor niya. Pero hindi iyun nangyari Harry. So ibig sabihin, hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay niya sa iyo. Alam mo ba na mahirap para kay Ren ang sitwasyon niyo? He's like standing in a field filled with land mines."



          Land mines talaga?"



          Mahalaga ka para kay Ren. Pero hanggang kaibigan lang. At dahil sa introvert nature niya, palagay ko ay nag-iingat siya na hindi makagawa ng isang bagay na magbibigay sa iyo ng pekeng pag-asa na magiging kayo."



          O baka naman may syota na siya na hindi natin alam?"



          Iyung misua na may gulay. Harry, minsan ba ay pumunta ka sa bahay ni Ren at nagluto ng misua na may gulay?"



          Huh? Ni hindi pa nga ako nakakapagluto sa bahay niya."



          Sino kaya iyun? Nakakapanghinala. Pero sabi naman ni Ren na hindi naman iyun problema na halos masisira ang relasyon namin. Siguro magtitiwala na lang ako sa kaniya. Nagtitiwala sa akin si Ren sa mga gagawin ko kaya magtitiwala din ako sa kaniya.



          Mukhang hindi tayo makakapaglaro ng Chaos in the Old World ngayong gabi. Bad trip si Gerard ngayon. Hindi ko lang alam kung bakit."



          Bad trip si Gerard? Alam mo ba kung bakit?"



           Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay huwag na muna tayo maglaro. Kita ngang laging talo iyun kapag nakukuha niya iyung Khorne na race. Plus maasar ka pa dahil kapag Khorne ka, kaaway mo ang lahat," saad ko saka tumayo. Kaya papasok na ako sa kwarto at magpapahinga."



          Sige Kei. Magandang gabi."



          Like I said kanina, walang maganda ngayong gabi."



          Bakit? Anong problema mo?"



          Problema sa Journalism Club."



          Gusto mong tumulong ako?"



          Huwag na. Kaya ko na ito."



          Sabi mo ehh."



          Patuloy ko naman tinahak ang daan papunta sa kwarto ko saka nahiga dito.



          Bumangon ulit ako para kunin ang phone ko at kasabay noon ay binuksan na din ang PC ko. Tiningnan ko ang wall clock at 8:45pm na. Masyado akong maaga. Nagpadala naman ako ng text sa kaniya sa pamamagitan ng magtxt.com. Sumapit na ang 9:05pm pero wala pa rin. Ano kaya ang nangyari doon? 10:05pm na at tumunog naman ang phone ko.



          Hello Ren?"



Ren's POV



          Dinilat ko naman ang mata ko at ginala ang tingin. Nasa Music Room pa pala ako.



          Ren, okay ka lang?" usisa sa akin ni Nicko.



          Nicko?" Bumangon naman ako.



          Okay ka na ba?" tanong ni kuya Jonas.



          Bakit nandito kayo sa Music Room? May binabalak kayong gawin ano?" pabirong sagot ko.



          Kinuyom ni kuya Jonas ang kaniyang kamay. Napapikit na lang ako sa pag-aakalang babatukan niya ako pero hindi. Ginulo na lang niya ang buhok ko. Nakakapagbiro ka ng ganyan. So okay ka na talaga."



          Sinabi sa akin ni Jonas na may dugo ka daw sa mga kamay mo pero wala naman. Nagkakaroon ka lang ng hallucination palagay ko," paliwanag ni Nicko.



          Ano ba ang nangyari sa iyo Ren? Nagmamakaawa ka na huwag akong lumapit sa iyo dahil ikaw ang pumatay sa kapatid mo?" Si kuya Jonas. Napatungo na lang ako.



          Ren, makikinig kami," nakangiting saad ni Nicko. Paano mo naman nasabi na ikaw mismo ang nakapatay sa kapatid mo?"



          May naalala ako na ngayon ko lang nakita. Naglalaro kami noon ng basketball sa isang court. Pauwi na kami noon ni kuya tapos habang tumatawid kami sa kalsada, nabitawan ko naman ang bola. Hinabol ito ni kuya tapos..." Nagsimula na namang tumulo ang luha ko at umiyak ulit.



          Niyakap na lang ulit ako ni Nicko saka hinagod ang likod ko. Ren, wala kang kasalanan sa nangyari. Hindi mo kasalanan iyun. Aksidente lang iyun."



          Pero ako ang may hawak ng bola. Kung nakinig lang sana ako kay kuya na hindi ito paglaruan."



          Ren, wala man kami doon ni Jonas, pero naniniwala kami na hindi ikaw ang pumatay sa kapatid mo. Aksidente lang iyun. Alam kong masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Pero huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Nangyari na ito at hindi na maibabalik pa."



          Pero bakit ganoon Nicko? Ako mismo ang nagtago ng mga alaala ko. At ngayon, sinisikap ko na ibalik lahat iyun. Natatakot na akong makaalala ulit. Baka kung ano na naman ang matuklasan ko. Baka ang susunod ay malaman ko na ako ang pumatay sa mga magulang ko."



          Kumalas sa pagkakayakap si Nicko. Ren, huwag kang masyadong mag-isip ng ganyan," seryosong saad nito. Hindi ka dapat mag-isip ng mga ganoong bagay. Maging positibo ka. Alam mo, ganito na lang. Huwag mo ng halungkatin ang nakaraan. Baka itinago ito ng sarili mo ay para sa iyo din. Para magpatuloy ka sa buhay. Baka alam ng sarili mo na hindi mo ito makakaya kapag naalala mo."



          Pero gusto ko talagang malaman kung ano ang nakaraan ko? Sino ba talaga ako?"



          Kung balak mo talagang halungkatin ang nakaraan mo, humanda ka Ren. Ihanda mo ang sarili mo sa mga maalala mo pa. Pero kapag naiisip mong sumuko, tandaan mo ito Ren. Masaya ka na bago pa maalala ang mga iyun. May malakas na ulan na dumating sa buhay mo at bumaha pero hindi mo na lang ito naramdaman dahil para iyun sa ikakabuti mo. Naglalaro ka na lang ngayon sa baha at inaantay mo na lang na mawala ito. Nakatingin ka na sa bahaghari. Pero huwag mong paulanin ulit dahil saka mo lang na-realize na umulan pala kaya nagkaroon ng baha at bahaghari."



          Tumigil na lang ako sa pag-iyak. Tama. Masaya ako bago ko maalala ang bagay na iyun. Tama si Nicko. Siguro ay may masasakit na bagay pa akong maalala. Pero natapos na ang bagyong iyun. Ang kailangan ko na lang gawin ay magpatuloy. Pinunasan ko na lang ang mata ko. Kailangan kong magpatuloy.



          Salamat Nicko, kuya Jonas."



          Nginitian nila ako pabalik.



          Tara na at uwi na tayo. Ren, sabay ka na lang sa amin," yaya ni kuya Jonas.



          Okay na ako kuya Jonas," pagtanggi ko.



          Sumabay ka na sa amin. Baka sinasabi mong okay lang pero iyun pala, hindi," pangungulit ni Nicko.



          Hindi ako babae Nicko," seryosong saad ko.



          Kahit na Ren. Sumabay ka na. Di ba naka-bike ka lang kapag umuuwi? At saka 8pm na ohh. Mahirap na kapag umuwi ka ngayon na naka-bike. Alam mo naman na maraming balita tungkol sa mga masasamang loob na target ang eskwelahan natin," paliwanag ni kuya Jonas. Kaya sumabay ka na. Ituro mo na lang kung saan ang bahay mo."



          Ahh. Oo nga. Para makita namin ang bahay mo," masiglang saad ni Nicko.



          Pasensya na kuya Jonas, Nicko. Okay na talaga ako."



          Sigurado ka ha?" paniniguro ni Nicko.



          Ren, magpakita ka sa amin bukas ha," si kuya Jonas.



          Sige po kuya Jonas, Nicko. Tara. Sabay na tayong umalis," yaya ko sa kanila.



          Sabay naman kaming tatlo na lumabas ng Music Room. Pagkarating sa parking lot ay naghiwalay kami ng landas. Habang tinatahak ang daan papunta sa bahay ko, ramdam ko animosidad ng mga tao sa paligid. Wari'y isa sa kanila ay pwedeng isa sa mga masasamang tao na baka gumawa ng masama sa akin.



          Pumasok na naman sa isip ko ang naalala ko tungkol sa kuya ko. Agh! Huwag muna! Kailangan mag-focus na muna ako sa daanan.



          Nakarating na rin ako sa wakas sa bahay ko. Pagkapasok ng bahay ay tumunog ang phone ko. Isang mensahe galing sa isang unregistered na number, na marahil ay galing kay Kei, at isa ay galing kay ninong. Nakita ko naman na ang oras ay 9pm na. Oo nga pala. May usapan kami ni Kei. Teka nga, bakit nga pala nag-text sa akin si ninong? Kinakabahan ako. Baka alam na niya. Marunong bang magsinungaling si ninang sa kaniya?



          Skype 9pm," saad ng mensahe ni ninong.



          Lagot! Si Kei or si ninong? Ugh! Si ninong na lang. Ibinaba ko agad ang aking mga gamit saka binuksan ang PC. Pumunta ako sa kusina at nagsaing ng kanin sa rice cooker. Pagkatapos ay kumuha ng Potato Chips para kainin... at para itabon sa labi ko at baka mapansin ni ninong. Wala pa naman akong nakahandang palusot para dito. At isa pa, gutom na rin kasi ako.



          Pagkabalik sa sala ay nag-login na ako sa Skype at nag-conference call agad si ninong sa akin. Binuksan ko naman ang Potato Chips na dala ko saka tinabon sa labi ko.



          Hi ninong. Magandang gabi," masiglang bati ko.



          Hi Ren... Kararating mo lang? Hindi ka pa nagpapalit ng uniporme?"



          Opo. Kararating ko lang. Bakit nga po pala kayo napatawag?" agad kong pag-iba sa usapan.



          Kumunot ang noo ni ninong. Ano ba iyan tsitsirya na nakaharang? Alisin mo nga iyan." Lagot! Inalis ko na lang ang potato chips na ginamit kong pantabon. Anong nangyari diyan?" seryosong tanong nito.



          Umm... may nagawa po akong katangahan. Kaya heto po. Nagkasugat sa labi," palusot ko. Lumusot ka ohh palusot ko.



          Umiling na lang ito. Anyway, hinimatay ka daw kanina." Napatigil naman ako ng ilang segundo. Tumawag ang nurse ng infirmary sa akin at ine-report na nahimatay ka. Totoo ba ito?"



          Kumuha na lang ako ng ilang chips saka mabilis na kinain. Yes ninong. Totoo po iyun. As usual ang magaling niyong ampon ay nakalimutan na namang alagaan ang sarili."



          May naalala ka na ba Ren?" seryosong tanong sa akin nito.



          Wala po," agad na pagtanggi ko.



          Ang nagdala sa iyo ay ang basketball captain ng school natin. Si Marcaux Pascual. Gusto mo bang ipatanggal ko siya?"



          Ninong, huwag po kayong ganyan," gulat kong saad. Mabuti nga po at dinala niya ako. At isa pa po ninong, I wish not to defy you. Pero hangga't unti-unti kong naalala ang aking nakaraan, masusuway at masusuway ko po kayo dahil ayaw niyo pong maalala ko," dagdag ko.



          So meron nga?" Napakuha na lang ako ng maraming chips saka kinain ito ulit agad. Ren, sabihin mo na sa akin. Sige. Wala akong gagawin na hakbang na hindi mo magugustuhan. Sabihin mo lang sa akin ang mga bagay na naalala mo na."



          Talaga po ninong?" paniniguro ko.



          Hindi ako nagsisinungaling sa mga sinasabi ko."



          Humugot ako ng isang buntong-hininga. Naalala ko po ang..." Hindi naman ako makapagsalita ng ilang segundo. Ano ba ang dapat kong sabihin? Isang aksidente?



          Ren?"



          Opo ninong. Naalala ko po ang isang aksidente noon kasama ang nakakatanda kong kapatid. Naglalakad kami papunta sa inyo nang nabitawan ko ang bola at pagkatapos ay hinabol ito ni kuya at..." Tumungo ako. Namatay siya."



          Nawala naman ang pagkaseryoso sa mukha ni ninong. Ren, sinisisi mo ba ang sarili mo sa nangyari?" Tumango ako bilang pagtugon. Nasapo ni ninong ang ulo saka pumikit ng ilang segundo. Alam mo Ren, huwag mo itong isisi sa sarili mo. Aksidente lang iyun. Sabihin na lang natin na nabitawan mo ang bola kaya hinabol ito ng kuya mo tapos namatay siya dahil nabangga siya ng trak. Pero Ren, hindi ikaw ang pumatay sa kaniya. Dahil siguro ay oras na niya iyun. Sa buhay natin, natural lang na may aalis, may mamamaalam. Pero meron din namang mga darating."



          Naiintindihan ko po ninong. Napagsabihan na po ako ng mga kaibigan ko tungkol diyan."



          Sinong mga kaibigan naman ito?"



          Sila kuya Jonas at Nicko po."



          Ren, maalala ko. Hindi mo pa sa akin pinapakilala ang kaibigan mong si Keifer Salvador."



          Kailangan pa po ba talaga ninong? Busy pong tao iyun. Pwede niyo naman pong tingnan sa mga records ng school ung sino po itong taong ito. Kayo nga po iyung may-ari ehh."



          Pero Ren, okay ka na ba?" muling tanong niya.



          Ngumiti naman ako. Okay na po ako ninong. See. Hindi pa nga po pilit iyung ngiti ko," sagot ko habang tinuturo ang sarili.



          Mabuti naman. Bueno, dahil naalala mo na ang kapatid mo... Teka? Ano ang pangalan niya?"



          Kumunot na lang ang noo ko. Ninong naman. Alam mo na iyung pangalan niya ehh."



          Naniniguro lang at baka hindi mo talaga naalala. At baka nagkukunyari ka lang na nakaalala pero hindi pala."



          Lars," biglang sagot ko.



          Ang kapatid mong si Lars. Isa siyang magaling at astig na basketball player para sa iyo at nangangarap kang maging katulad niya. Sinisikap mong gumaya sa kaniya pero hindi mo magawa. Isa siyang mabait na kuya sa iyo. Laging naghahanap ng oras para makipaglaro sa iyo Ren. Ang iniisip nun palagi ay para sa kapakanan mo. Kaya Ren, kung buhay pa ang kuya mo, sasabihin din nun na itago na lang ang lahat mula sa iyo. Ayaw na ayaw ka nun masaktan. Ni umiyak ay ayaw din," kwento niya.



          Isang astig na basketball player? Kaya ba pinapunta ako ni Mr. Lion sa basketball gym? Pero bakit sa lahat ng maaalala ko ay ang masakit na nangyari pa kay kuya? O baka gago lang itong utak ko at gusto iyun ang unahin.



          Ninong, bakit ganito po ako? Kapag po ba may masakit na nangyari ulit sa akin, mawawala ba lahat ng alaala ko?"



          Alam mo, natural lang sa tao ang masaktan. Kapag nasasaktan tayo, patunay lang ito na buhay ka. Pero may solusyon diyan. Magpakatatag ka. Harapin mo ang mga problema mo. At kapag nagawa mo iyun, hindi na mawawala ang mga alaala mong iyan."



          Nasiyahan ako sa narinig na solusyon na sinasabi sa akin ni ninong. Magpakatatag. Ang dali lang naman pala. Kaya ko naman iyun. Mapapanatili ko iyung anim na taong kong alaala ngayon kapag nagpakatatag ako. At kasabay noon ay malalaman ko na din ang mga alaala ko sa natitirang mga taon ng buhay ko. Makakaya kong gawin iyun.



          Salamat po ninong. Pangako po at magpapakatatag ako para kapag may dumating na naman na bagyo sa buhay ko, haharapin ko ito," masigla kong saad.



          Pero hindi pa rin ito hudyat na pakakawalan kita. Na hahayaan na kita sa mga gusto mo. Huwag mong susuwayin ang mga binilin ko sa iyo."



          Napangiwi na lang ako sa sinabi niya at ngumiti na lang ulit ng pilit. Opo ninong."



          Pasensya na Ren pero para ito sa kabutihan mo. Sa totoo lang, ang balitang ito na naalala mo tungkol sa kuya mo ay masama at mabuti para sa akin. Sana maintindihan mo. Alam kong nasabi ko noon na may mga alaala na magdadala sa iyo sa kamatayan mo... at sa amin. Kaya Ren, sabihin mo palagi sa akin kung may maalala kang bago at ako mismo ang gagabay sa iyo." Magdadala sa kamatayan ha? Naiintindihan ko si ninong. Pero kailangan ko bang magtanong kung anong mga klaseng alaala iyun?"



          Opo ninong."



          Sige na. May meeting pa ako. Magandang gabi," paalam ni ninong.



          Magandang gabi din po ninong."



          Natapos na ang conference call namin. Bakit pati itong si ninong ehh hati din ang opinyon na maalala ko ang nakaraan? Parang si Mr. Lion lang.



          Tumingin naman ako sa orasan na nasa PC at... 9:25pm na pala. Naalala ko naman na mag-uusap pa kami ni Kei pero tumunog na ang tiyan ko. Ugh! Gutom na gutom talaga ako.



          Pagkapatay ng PC ay agad na akong tumungo sa ref para kunin ang kaserola na naglalaman ng ulam ko ng mga ilang araw at papainitan ko. Ginataang gulay. May malunggay, kalabasa, patola at marami pang iba. Muntikan na akong kumanta ng bahay kubo ahh.



          Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na akong kumain.



          Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang kinompronta ko si Mr. Lion. Hindi na siya nag-iiwan ng mensahe sa telepono at hindi na rin siya nag-iiwan ng niluluto niyang pagkain. Ito lang kaninang umaga kung saan nag-iwan lang siya sa akin ng isang note na pumunta sa basketball club. Tinatawagan na lang niya ako. Sino kaya talaga itong si Mr. Lion? Siguro hindi na muna siya talaga magpapakita sa akin matapos ang ginawa niya.



          Pagkatapos kong kumain ay agad ko na itong hinugasan saka dumiretso ng kwarto. Nagpalit na agad ako ng damit at nahiga na sa kama. Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Kei.



          Hello?" panimula niya.



          Hello Kei. Pasensya na at late na akong nakatawag. Tumawag kasi sa akin si ninong kanina."



          Anong pinag-usapan ninyo?"



          Umm... wala naman. Kinukumusta lang naman niya ako. Hindi pa naman alam ni ninong ang tungkol sa relasyon natin."



          Narinig ko na lang na bumuntong-hininga siya sa narinig. Akala ko kung ano na."



          Kei, may sasabihin pala ako sa iyo."



          Ano iyun?"



          Umm... kanina kasi, may naalala akong isang alaala mula sa nakaraan ko. Naalala ko na kung bakit wala na akong kapatid. Namatay pala siya dahil sa isang aksidente."



          Ren, okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.



          Yeah. Okay na ako."



          Pasensya na at hindi agad ako makakapunta diyan para damayan ka," wika niya na may nalulungkot na tono.



          Hey, okay na ako. Tinulungan ako nila kuya Jonas, Nicko at si ninong."



          Gusto ko kasi na ako ang unang-una na dadamay sa iyo sa oras na may maalala kang... masasakit. Pasensya na talaga dahil sa sitwasyon natin," pagdispensa niya. So nag-decide ka na alamin ang nakaraan mo? Kahit na may masakit kang malalaman?"



          Yeah Kei. Buo na ang desisyon. Kaya lang, dapat tanggapin ko na ang mga maalala ko. Tapos na ang mga nangyaring iyun. Hindi ko na maibabalik ang oras para itama lahat iyun. Hindi tayo pabata ng pabata."



          Pero paano kung," nag-aalangan niyang saad.



          Paano kung maalala ko ang first love ko?"



          Yeah."



          Kei, hindi ba sabi mo na alalahanin ko dapat ang nasa kasalukuyan at hindi ang aking nakaraan?"



          Yeah. Pero natatakot ako. Natatakot ako na piliin mo ang first love mo kesa sa akin dahil wala ako sa tabi mo."



          Pangako Kei. Kapag dumating si first love ulit sa buhay ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko."



          Hindi naman siya sumagot ng ilang segundo. Aasahan ko iyan Ren. Dahil ikaw na ang nagsabi, naniniwala ako sa iyo. Gaya ng pagtitiwala mo sa akin na malalampasan natin ito."



          Salamat Kei. I love you Keifer."



          I love you Garen."



          Kumunot naman ang noo ko sa narinig. Garen?"



          Ay shit!" saka tumawa ng payak. Si Garen ng League of Legends."



          Weh? Maniwala?"



          Tumawa na lang siya ulit ng payak. Nahuli mo ako. Oo nga pala. Garen ang pangalan ng first love ko. Iyung kababata ko. Lalaki siya gaya ng kinwento ko."



          So Garen pala ang pangalan ng first love mo?"



          Yeah. Garen. Kaya lang, nasa heaven na siya. Masaya na siya doon. Alam mo naman iyun hindi ba?"



          Okay. Kaya ba nagustuhan mo ba ako Kei dahil kapalayaw ko din ang first love mo?"



          No. Hindi naman dahil doon," pagtanggi niya. Malay ko bang Ren ang magiging pangalan ng boyfriend ko ehh gaya nga ng sabi mo, given name lang iyan ng ninong at ninang mo."



          Kei, hindi ba naniniwala ka sa parallel worlds?"



          Yeah. Bakit naman?"



          Paano kung hindi nga tayo nagkita? Paano kung hindi ko talaga pinansin si Harry?"



          Natahimik siya ng ilang saglit. Siguro ay hindi tayo nagkatuluyan. Pero pwede ring oo, pwede ring hindi. Pero hindi iyun ang reyalidad natin Ren. Ito ang reyalidad natin. Ang may tayo. Kaya lang ay may problema tayong kinakaharap."



          Sana iyung reyalidad na kung saan walang problema tayong kinakaharap ay ang reyalidad natin. Iyung problema sa pamilya mo?"



          Para lagi tayong magkasama ganoon ba?"



          Yeah. Miss na kita Kei."



          Ako din Ren. Miss na kita. Miss ko na ang mukha mo, ang leeg mo, ang dibdib mo, ang-"



          Kei, tigilan mo iyan!" pagputol ko.



          Pero miss ko na talaga ang lahat sa iyo. Mag-quickie naman tayo paminsan-minsan."



          Quickie? Ano iyun?" naitanong ko.



          Tumawa na lang siya ulit ng payak. Wala Ren. Sige na. May pasok pa tayo at maaga pa ako para bukas."



          Ako din Kei. Good night and I love you."



          Ikaw din. Good night and I love you too Ren."



          Para naman akong malandi na kinilig sa sinabi niya. Pagkababa ng phone ay gumulong-gulong ako. Sana mag-Christmas Break na or Summer Break na agad.



          Natigil na lang ako nang makita iyung life-sized na lion stuffed toy. Oo nga pala. Dapat ba akong magpasalamat kay Mr. Lion at pinaalala sa akin ang nakakatanda kong kapatid na si Lars? Pero ewan ko ba bakit hindi sumagot sa akin si Mr. Lion pagkasabi ko na ako ang pumatay sa nakakatanda kong kapatid. Tawagan ko kaya siya tutal tinawagan naman niya ako.



          Kinuha ko ang phone saka tumingin sa call log. Pagkatingin ko sa received calls, nagulat ako nang wala akong nakitang unregistered na number. Tiningnan ko na din ang missed calls at dialed calls pero wala talaga. Paano nangyari iyun? Teka nga, si Mr. Lion pala ang iniisip ko. Ang taong mala-Lupin. Walang iiwanan na bakas.



          Teka nga? Sabi ni Nicko ay nagkaroon ako ng hallucinations. Baka naman hindi talaga tumawag sa akin si Mr. Lion at baka iyun  ay kasama sa mga hallucinations ko.



          Nakaramdam ako ng pagkaantok. Kinuha ko naman ang stuffed toy saka niyakap at nahiga na. Sulong lang ng sulong Ren.



Keifer's POV



          Kasalukuyan kong hinahatid si Janice papunta sa room ng unang subject namin. Hindi ako papasok ngayon. Nanawagan kasi ang presidente namin sa mga miyembro ng club na kung sino ang interesado kay Mystery Man ay sumama. Siyempre sasama ako para maging insider sa gagawin nila at susubukan ko namang mag-isip ng paraan upang hindi nila malaman na si Ren iyun.



          Tumigil na lang kami sa tapat ng room. Kumalas naman sa pagkakaankla sa akin si Janice.



          Sige Kei. Balitaan mo ako kung sino itong si Mystery Man. Pero seryoso, parang nakita ko na talaga siya? Hindi ko lang matandaan kung saan," saad ni Janice.



          Sige Janice. Iyun ay kung mahahanap namin," sarkastiko kong saad.



          Galingan niyo ha. Kita na lang mamaya."



          Sige. Kita na lang mamaya," nakangiti kong paalam.



          Nagsimula na lang akong dumaan papunta sa Journalism Club. Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan kaya dumaan ako sa CR. May pamilyar naman na tao ang pumasok sa CR at tinulak ako sa isang cubicle. Umm... hulaan niyo kung sino. Nanlilisik kung makatingin sa akin ang taong ito. Mukhang alam ko na kung bakit.



          Hi Keifer," bati sa akin ni Jasper.



          Jasper. Magandang umaga?"



          Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noon?" nakangiti nitong tanong.



          「Lumapit naman ako dito at inakbayan ni Jasper. Lumayo naman kami kay Ren. Bakit kaya?



          Hoi, alam ko na alam mo ang relasyon naming dalawa ni Ren. Huwag na huwag kang magkakamali na ipagkalat ang bagay na ito sa ibang tao maliwanag? Swerte ka at sinagot ka niyan," saad nito at binigyan ko ng isang tango. Kapag niloko mo ang stepbrother ko, patay ka sa amin. Papakidnap ka namin at susunugin namin ang katawan mo sa incinerator ng bahay namin maliwanag?" Muli ay binigyan ko siya ng isang tango.」



          Akala mo ata ehh wala ako dito ngayon? Puwes nagkakamali ka."



          Jasper, pwede bang magpaliwanag?" nininerbyos kong tanong.



          Yeah," pagpayag nito. Bigyan mo ako ng ilang magandang rason para hindi kita ipakidnap at ipatapon sa incinerator ng bahay namin?"



          So ganito iyun kuya Jasper. Iyung babaeng nakita mo na nakaankla sa akin, iyun ang fiancee ko. Hindi ko siya mahihiwalayan dahil kasi sa mga tito at tita ko. Ang sabi ehh kapag hindi ko siya pakakasalan, papatayin nila ako."



          Kumunot na lang ang noo ni Jasper. Papatayin?"



          Iyung pamilya ko Jasper, seryoso iyun makipagpatayan."



          Alam na ba ni Ren to?"



          Oo."



          Ano ba namang klaseng pamilya iyan na nakikipagpatayan kapag hindi pinakasalan iyung gusto nila?"



          Pasensya na talaga Jasper. Pero gagawan ko ito ng paraan. Sinabihan ko na rin si Ren tungkol dito. Mahal ko talaga si Ren kaya mag-aantay na muna siya talaga hanggang sa makawala na ako sa mga tita at tito ko."



          Ganoon ba? Siguraduhin mo lang na babalikan mo siya pagkatapos niyan. Kung hindi, totohanin ko talaga ang sinabi ko sa iyo naintindihan mo ba iyun?"



          Seryoso talaga kayo doon?"



          Kinuyom nito ang kanyang mga kamao at pinatunog saka ngumiti. Oo naman. Kung para ito sa kaligayahan ng mga kapatid ko, bakit hindi?"



          Nakahinga ako ng maluwag. Oo nga pala Jasper. Hihingi sana ako ng tulong."



          Tulong para saan?"



          Ang Journalism Club kasi, hina-hunting si Ren."



          Hindi nagsalita si Jasper at lumabas ng cubicle. Ayaw ba nun marinig ang mga sasabihn ko na nasa panganib si Ren kung sakali?



          Inayos ko na lang ang aking sarili at lumabas. Buti na lang at walang ibang tao na nakarinig o nakakita sa amin. Aakalain ng mga tao ehh may ginagawa kaming kababalaghan.



          Muli ay tumuloy na ako papunta sa Journalism Club Room. Sa hindi kalayuan ng pintuan nito ay papalapit sa akin sila Alexa at Martin.



          Kei, bakit hindi mo pa sinasabi sa kanila na si Ren iyun?" agad na tanong ni Alexa.



          Hindi dapat nila malaman na si Ren iyun. Teka, kasama ba kayong dalawa sa imbestigasyon?"



          Nako Kei. Pasensya na. May mahalaga kaming quiz ngayon ehh," sagot ni Martin habang kinakamot ang ulo.



          Kung sakaling malaman nila na si Ren iyun Kei, ano ang gagawin mo?" tanong ni Alexa.



          Ewan ko. Bahala na. Sana wala silang mahanap na ebidensya o kung ano man na magtuturo kay Ren."



          Sige Kei. Alis na kami ni Alexa. Good luck na lang," si Martin.



          Sige. Ingat kayong dalawa."



          Kayo din," wika ni Alexa at naglakad na ang dalawa paalis.



          Humugot ako ng buntong-hininga. Sana talaga ay hindi nila malaman na si Ren iyun.



          Pagkapasok ko sa room ay nadatnan ko na lang ang mga imbestigador. Ang president namin na si Katya, ang Vice namin na si Keith at ang boyfriend nito na si Marcaux, at si Arielle. Tumungo naman ako sa pwesto ko.



          So guys, handa na ba kayong malaman kung sino itong si Mystery Man?" masiglang tanong ni Katya.



          Oo," masiglang sagot ng lahat maliban lang sa akin.



          EXCITED NA AKO!" hysterical na pagkakasabi ni Arielle.



          Kaya bago matapos ang araw na ito, kailangan malaman na natin kung sino itong si Mystery Man!" masiglang dagdag pa ni Katya.



          Magsimula na tayo!" masiglang wika ni Marcaux.



          Ano kaya ang magiging epekto ng imbestigasyon na ito sa amin? Mukhang nararamdaman ko na hindi maganda. Pero siguro naman, titigil ang mga ito kapag walang nakuhang lead ang mga ito. Pero kailangan kong sumama para makasigurado. Mahirap na.



ITUTULOY...

9 comments:

  1. Walang sense ung story na to, masyadong humahaba ng wala sa lugar, WAlang Kwenta!!! Matalinong tanga ang bida! Wala na atang maisip ang author tapusin mo nalang, tsk tsk tsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. Finally! Waiting for this comment! Thanks po. :D

      Delete
    2. Makapagsalita si kuya na parang kung sino. Guess what, isa sa mga taong walang kwenta at hypocrite ang nag comment. Well Well. What do we have here. Educated ka nga ba? Well it's your opinion then why read THIS if it's pointless?

      At alam mo anu ang walang sense? Iyang pinagsasabi mo ang walang sense. Hmm... Let's see may point rin ba? YES MERON BUT THE QUESTION IS BAT HINDI MAHANAP HANAP SA CARTESIAN PLANE ANG POINT MO?

      Masyado kang pabida Mr. Anonymous. You deserve to be put in the Schoneberg's incinerator. ^^

      Delete
  2. Basa mood... Haixxt, sana FOREVER na si Kei at Ren... Masgusto ko na sila! Mas nakakakilig silang dalawa kesa kay Harry.. Hehe! :) sige babasahin ko muna tong chapter na ito, haha! Thanks Author! Habang hinihintay ko si JOSEPH at CHRIS! Si REN muna ang pagkaka-abalahan ko.. :D

    ReplyDelete
  3. For me si Mr Lion ay si Gerard :) pwede din siyang si Kuya Lars.

    ReplyDelete
  4. UntI unti ng luminaw ang story
    Salamat sa update. Take care

    ReplyDelete
  5. Matagal ko na talagang hinala na si Gerard iyong original Mr.Lion. Siya rin iyong Leonhart :).


    Obviously. Nice job Ren Kun!

    ReplyDelete
  6. Naku po, Harry my man, tagilid ka na kay Ren. Mukang ikaw ang first love pero hindi ang last. Di bale move on ka na lang at si Alex na lang o kaya si Janice. Patay na patay na si Ren kay Kei kaya move on na lang, sayang ikaw pa naman manok ko..huhu..Di bale ikaw naman ang mamumuno sa pamilya niyo...haha...ok na din. Author sana lang wag maging masama ang character ni Harry pag nalaman niyang may relasyon si Ren at Kei.

    - Lantis

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails