Followers

Monday, March 9, 2015

Love Game 6




Author's Note


it's me again guys haha! thanks sa lahat ng support nyo. comment lang ng comment! hahaha.
thanks sir mike and sir allan! support nyo rin yung mga co RA'S ko pleath. haha.

salamat sa mga nagcocomments sa story at pumuuri ng gawa ko na sina



  • Grey Uson
  • D*L*R*X
  • Toto Tancino 
  • Sir alfred
  • Nagtatagong geo
  • Rennard



sino pa ba? haha teka medyo busy kasi author nyo kaya minadali ko tong chapter na to gawa muna thesis eh haha. 

at dun sa mga nakita na kung sino si author niyo, GWAPO NO? SABI SA INYO EH HAHAHA djk



so here's your chapter 6 hope you enjoy bruhhh.









Chapter 6






Dave’s POV





SHIT! BULLSHIT! DI PA NGA HUMUHUPA YUNG GALIT KO SA BAKLANG YON TAPOS ANO?! NANDITO SYA?! Talagang sinusundan ako ng baklang to ah.



“ oh pre! Bat parang lalo kang nagagalit?” takang tanong ni ino




Di ko na pinansin pa yung sinabi nya at agad akong tumayo papunta sa lugar kung saan nandun si bakla.



Sinabi ko sayong wag kang magpapakita diba? Pwes bagay lang sayo to




Paglapit na paglapit ko, agd ko lang syang sinapak sa mukha at tuluyang natumba sa kinauupuan nya, susuntukin ko pa sana ng agad na umalalay ang trop ko para ilayo ako sa baklang yon.




“ ano ba?! Bigla bigla ka na lang nananapak pre!” saad ni adrian.




“i know why, mukhang manyak kasi tong lalaking sinapak nya eh, ay teka mukhang di lalaki to. So i therefor conclude, minamanyak nya sa tingin tong si dave.” saad ni jhen



“ jhen tumigil ka, hindi ka nakakatulong” saad naman ni ino.




“ SUNUSUNDAN MO BA TALAGA KO HA?! GAGO KA SINABI KONG LUMAYO KA DIBA?! Umalis alis ka sa harapn ko bakla ka at ayaw na ayaw kong makita yang pag muukha mo naiintindihan mo ba?!”


Nakaramdam lang ako ng isang malakas na suntok na nakapag paupo sakin.


“ ano bang problema mo ha?! May ginawa ba sayo yung tao? Sayo ba tong cafe ha?! Ikaw lang ba pwedeng pumunta dito?! Eh siraulo ka pala eh.”


“ sino ka naman? Ah oo, kilala na kita, ikaw yung nakasama nya noong isang araw, bakit? Magkano ba binabayad sayo ng baklang yan? Sarap na sarap siguro yan sayo pre no?”


At agad lang akong nakaramdam ng isang malakas na sipa mula sa taong yon.



“ wala kang karapatan pag salitaan ng ganyan si axel! Hindi sya gaya ng iniisp mo!”

Di ko na nagawang magsalita pa dahil inilayo na ako ng tropa mula sa cafe.





Elijah’s POV




Parating na ako sa pwesto namin dala ang pagkain namin ni axel, nagulat na lang ako ng bigla syang sinapak ng isang lalaki, hindi ko makita kung sino yun sa kadahilanang nakatalikod ito sa akin,

At nung papalapit na ako, hindi nga ako nagkamali sa kutob ko.


Si dave






Si dave ang sumapak kay axel.




Agad ko lang binigyan ng malakas na ganti si axel para dun sa bwisett na dave na yun.




Ang kapal ng mukha! Walang ginagawa yung tao tapos bigla na lang nyang sasapakin?!



Sobrang awa lang yung naramdaman ko ng makita ko sa sahig si axel na duguan ang kaliwang bahagi ng labi.



Gago talagang dave yan! Wala namang ginagawa si axel pero kulang na lang patayin yung tao!





“ tayo na dyan axel, wala na sila” agad ko lang syang inalalayan paupo



“ okay lang ako ano ka ba, simpleng sugat lang to” mabilis na sagot ni axel.




Alam kong nasaktan sya ng sobra pisikal man o emosyonal.




“ shhhh, tama na. Wag na magsalita. Wag mo na lang pansinin yun, hayaan mo lalayo kita sa kanya para di ka na masaktan pa ng tarantadong yun” sabay abot ng pagkain sa kanya






Axel’s POV




Mabuti na lang talaga at nariyan si elijah sa tabi ko, kung hindi malamang kanina pa’ko iyak ng iyak.

Ayoko lang makita nya na nasaktan ako






 Ng Sobra.





Kaya pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit ng ginawa ni dave


“ uhhm cr lang ako ah, linisan ko lang tong labi ko” agad na pagsabi ko

“ samahan na kita”

“ hindi na kaya ko na” di ko na sya pinagsalita pa at agad na tumungo papuntang cr.

Pagpasok na pagpasok ko, agad ko lang nilock ito at hinayaang tumulo ang mga luha kong kanina pa gustong magsipagbagsakan.


Ganon ba talaga sya saming mga bakla? Wala naman akong ginawa sa kanya eh? Di ko naman sinasadyang magpakita sa kanya sa cafe na’to, pero bakit ganun na lang ang galit nya sa akin?


Sobrang  hapdi ng sugat na natamo ko, at ngayon, hindi ko alam kung ano idadahilan ko sa mga magulang ko, tiyak na uusisain nanaman nila ako.


Pagtapos namin kumain sa cafe, agad din kaming umalis sa lugar dahil kanina pa nakatingin ang mga tao sa paligid namin na wari’y hinuhusgahan ang pagkatao ko.

Ako na nga tong nasaktan? Bat parang mukhang ako pa napasama?


Kakalabas lang nain ni elijah ng cafe at heto, naglalakad kami sa hindi namin alam kung san kami pupunta.

Gusto kong mapag isa, kaso narealize ko na baka mas masaktan lang ako lalo. Kaya hinayaan ko na lang na sumama sa akin si alijah.


“ wag mo ng isipin yan. Hinding hindi na ko papayag na saktan ka ng dave na yan, axel, alam kong wrong timing tong sasabihin ko pero nasasaktan na ako sa mga nangyayari sayo”

Nalilito man ako pero nanatili akong tahimik para alamin kung ano ang gusto nyang sabihin


“ axel, gusto kita, hayaan mo kong iparamdam kung gaano kita kamahal, alam kong mabilis pero di ko alam eh, nahulog na ako sayo ng sobra. Nasasaktan ako kapag nakikita kang malungkot lalo na kapag ang dahilan nun ay si dave. Hayaan mo na mahalin kita axel”


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masyado akong lutang sa nangyari. Masyado kong dinamdam ang nangyari kanina tapos ngayon biglang pag amin ni elijah.


“ hindi kita pipilitin kaagad axel, handa akong maghintay, maghihintay ako hanggang dumating aang araw na mahalin mo rin ako”

Agad ko lang syang niyakap tanda ng pag iintindi nya sa sitwasyon.

“salamat elijah salamat ng marami sa pag iintindi”





Dave’s POV




Pagkatapo ng nangyari, nandito kami s tambayan na lagi naming pinupuntahan




“ pre parang sobrang laki ng galit mo dun ah?” saad ni ian




“oo nga pre kilala ko yun eh, diba valedictorian nyo yun? Kabatch nyo pinsan ko sa school nyo eh pero nasa ibang bansa na sya ngayon” mahabang litanya ni adrian


Pakialam ko ba kung klala sya ng pinsan mo.


“ gusto mo syang lumayo at makitang naghihirap diba? May naisip akong paraan” pagsingit ni Ino

Sabay sabay kaming napalingon sa kanya at iniintay ang susunod na sasabihin.

“why don’t you play a game dude? Isang love game”

“ano ba ng pinagsasabi mo ha?” agad na pag putol ko.

“ okay ganito, paiibigin mo sya within one week. At kapag nagawa mo yon, sayo na tong ferrari ko. Pero kapag hindi mo nagawa, simple lang. Kick out ka sa school na to. Tandaan mo, anak ako ng presidente ng school na to at isang pitik lang kaya kitang paalisin.”

“ gago ka ba?! Eh ayoko ngang makita pagmumukha non tapos paiibigin ko pa? Nahihibang ka na ino. Eh baka ako pa ang maghirap nyan sa ginagawa mo”

“ bro di pako tapos, after mong paibigin, maglaan ka ng ilang araw, pag tapos nun? Hiwalayan mo. Ganon kadali yun pare. Mukhang patay na patay sayo yun eh, at kapag nangyari yun? Malamang apektado lahat pati pag aaral nya. At siguradong babagsak sya”


Agad akong napaisip sa sinabi ni ino, mukhang maganda ideya yun ah? Pero puta eh ayoko nga makita pagmumukha nun eh? Bahala na nga

“ sige sus yun lang pala eh. Ihanda mo na ferrari mo pre. Sinasabi ko sayo ako mananalo dito”

Agad lang akong umalis sa tambayan namin at tinext si jhen na pumunta sa unit ko. Ano pa nga ba ang gagawin?

Humanda ka axel, sisiguraduhin kong umpisa na ng impyernong buhay mo sa college.







Third person’s POV




Lahat ng gusto ko nakukuha ko, kung hindi ko man makuha sa magandang paraan



Dahas ang kelangan mukha ko lang ang nais ko.



Simulan na natin ang laro, haha.






Axel’s POV





Pag katapos ng pag uusap namin ni elijah, parehas na kaming tahimik,


Nandito kami ngayon sa isang bench sa school, dahil gusto kong mag unwind.


Gusto ko ng tahimik na lugar, yung pwede kong isigaw lahat ng hinanakit ko,


Alam kong mababaw lang ito, pero ang sakit eh.


Bakit ganoon na lang ang galit nya? May nagawa ba akong hindi nya nagustuhan? Ganoon ba ako kadumi para pandirihan nya?


“Uhhm elijah?”

“ oh bakit axel? May masakit ba sa iyo?” alala nyang tanong


“ nako wala , uhhhmmmmmm, mahirap bang makipaghalubilo ang mga gaya nyo sa tulad namin?”


“ ha? Anong sinasabi mo?” ang naguguluhan nyang sagot


“ i mean, straight kayo, tapos kami eto mga sirena, hindi ka ba nahihirapan na pakitunguhan ako? Kasi diba alam mo na? Kaya siguro ganon si dave dahil baka magkaroon ng issue yung kung ano man ang magiging meron kami pagnagkataon?” ang mahaba ko namang sabi


“ ano ka ba? Hindi naman lahat ng tao pareho pareho ng persepsyon sa mga gaya nyo eh, yeah oo, tanggapin na natin na may mga taong madaling husgahan ang pagkatao ng gaya nyo, pero lagi mong tatandaan na hindi lahat gaya nila, may mga taong natutuwa sa mga presensya nyo at higit sa lahat hindi kayo naiiba sa mga tulad namin, pwede kayong kausapin, kaibigain, at higit sa lahat, pwedeng pwede kayong mahalin”


Natameme lang ako sa sinabi nya


“ kung iniisip mo kung bakit ganoon si dave sa iyo, siguro nandun sya sa una, malay natin may mga nakaraan sya na nakaapekto sa buhay nya ngayon, psych tayo diba? Kelangan alam natin yung mga ganitong bagay, kelangan nating intindihin kung ano ang ibat ibang types ng behavior meron ang isang tao.”


Nanahimik na lang ako sa lahat ng sinabi nya,


Tama sya, kelangan kong lawakan ang pag iintindi ko


“ okay ka na ba?”


“ ah medyo, salamat elijah ah? Yung tungkol pala sa.....”


“ wag na muna nating pag usapan yun, nirerespeto kita, let’s just cherish the moment



Masyado akong napapabilib ng taong ito, napakaswerte ng mamahalin nya, alam kong hindi ako ang nararapat sa kanya dahil ayokong saktan ang tulad nya.



Dibaleng ako ang saktan ng mga tao, wag lang ako ang mananakit sa kanila


Sana balang araw, makita nya kung sino taaga ang para sa kanya.




1 message received


Nawala ang focus ko sa pananahimik


“ general rehearsal now at the dance hall - Nic”


“ uhhhhmmm, elijah?” pagbasag ko ng katahimikan


“hatid na kita”


“ nako nako hindi na, malayo pa iyon dito, tsaka hapon na oh, uwi ka na pahinga ka na rin alam kong pinagod kita ngayong araw eh hehe”


Bigla syang namula sa sinabi ko,



May mali ba sa sinabi ko?


Ilang sigundo pa ng mapagtanto kong mukhang mayroon nga



“ ah ano, sige alis na ako, salamat ha! Salamat ng marami!”


“ teka lang axel,” biglang pag putol nya



“uhhmmm, ano kasi eh, pwede bang ano,,, “


“ ano? Haha para kang baliw”



“ pwede ba kitang yakapin?”



Alam kong sasabihin nya ito,



Hindi na ako nag salita at lumapit sa kanya at binigyan sya ng agarang yakap


“salamat elijah ha? Salamatt talaga, buti nandito ka sa tabi ko habang wala yung bestfriend ko”



“ wala yun, basta lagi mong tandaan nandito lang ako ha? Hinding hindi ako magsasawang samahan ka, kahit anong oras pa yan o sa kahit anong lugar, nandito lang ako”



Kumalas na akon g yakap “ oh sige na elijah kita na lang ulit tayo sa Monday ha? Ingat!”


“text ka pag nakauwi ka na ah?”


“ OPO! HAHAHA”



Tinungo ko lang ang daan papuntang dance hall ng makasabay ko si Ino



“ uy axel!”


“ uy Ino ikaw pala yan!”


“ uhhhmmmm, pasensya ka na pala sa ......”


“ nako wag na nating pag usapan yan, malalate na tayo oh, mahigpit pa naman yun si kuya nic. Hahaha”


Pinutol ko na ang sasabihin nya, ayoko ng pag usapan pa ang nangyari kanina, alam kong kaibigan sya ni Dave pero nakikita kong napakabait ni Ino kung tutuusin, sana mahawaan nya ng kabaitan si dave



Ng marating namin ang hall, hingal na hingal kami


At lahat ng ata ay nakafocus sa aming dalawa ni Ino


“ guys teka lang, hinihingal pa kami ni axel” biglang sabi ni Ino


“ hahahaha, kaya nga nagtataka ako sa inyo eh, sino ba kasi may sabi sa inyong tumakbo kayo?”


“ akala po kasi namin late na kami eh” nahihiya kong sabi


“ o sya sige na magpahinga muna kayo, at pagkatapos ng rehearsal may importante akong sasabihin sa inyo” sabi ni kuya nic.


Ano kaya yun? Importante talaga?


Mas importante pa sa sermon ng mga magulang namin?


Anong oras na kasi eh. Haha


Ilang minuto pa at mukhang ready na kaming lahat



“ okay guys, sa ang mangyayari sa mismong event ay isang flash mob, masyado ng generic kung pupunta tayo sa stage at magsasasayaw ng parang wala lang, i want you guys to prove yourslef to them that you are worth it for this org. Alam nyo naman siguro na palaging nananalo ang school na ito sa mga contest mapalabas man ng school o mapalabas man ng bansa natin, so i want you to exert more effort and charm para lahat ng mata ay nasa inyo okay?” ang mahabang line ni kuya nic.

“ so first song na kelangan sayawin ay more on girl movements.”


Nagulat man kaming lahat lalo na ang mga lalaking lalaki gumalaw dahil sa sinabi ni kuya nic


“ so yung mga lalaking llaking gumalaw, kelangan nyo munang magpalambot ngayon, dito sa dance org, hindi lang kelangan basta marunong sumayaw, ang kelangan dito, magaling sa lahat ng larangan ng pagsasayaw”


Inumpisahan na namin ang rehearsal at halatang nahihirapan ang iba sa mga steps dahil napaka komplikado kung tutuusin isabay mo pa na ang iba ay sasayaw sa itaas ng isang lamesa.



Sa kasamaang palad




Isa ako sa tutungtong sa lamesa





4r4y Kh0 Bh3 </3




Hanggang matapos ang rehearsal nagsimula ng iannounce ni kuya nic yung “importante” daw


“ so gys yung important announcement is magkakaroon ng audition for the upcoming international play, we are required na mag audition kasi part ng dance ang play so goodluck. Ang makukuha ay absolutely sa ibang bansa maaasign. Furder announcement eh sasabihin ko na lang kapag okay na ang lahat. Okay? Bye”


Nakakagulat naman yon pero mukhang masaya haha




Natapos lang ang rehearsal ng mag gagabi na



“ Axel sabay ka na sa akin,” si ino


“ nako ino wag na salamat na lang, mag co commute na lang ako”


“ i insist, please?”


“ ah ano , sige na nga ang kulit mo! Hahaha”


Ilang beses ko pa lang nakakausap si ino pero ramdam kong mabuti syang tao. At 00mukhang masaya rin kasama gaya ni elijah,


“ pasensya na ulit sa ginawa ni dave ah? May saltik kasi yun eh”


“ nako wala yun kalimutan na natin yun”


“ so kain muna tayo bago kita ihatid pauwi?”


Tatanggi na sana ako ng biglang


“ i won’t take no for an answer bunso “

Nagulat ako sa sinabi nyang bunso.


Ako magiging bunso ? Bunso na nga sa bahat bunso pa sa school? Hahaha


“ bunso ka dyan!”


“ oh bakit? Mas matanda ako sayo eh, so sa ayaw at sa gusto mo ako na ang kuya mo ngayon” ang pangiti ngiti nyang sabi


“ sana ginawa mo na lang tatay, demanding mo eh hahaha”


At buong byahe lang kaming nagtawanan.


Bago umuwi kumain muna kami sa isang restaurant sa trinoma


Akala ko nung una fastfood chain lang o kaya naman yung mga stall ng siomai dun yung mga ganun hahaha.


Kaso mayaman eh, sabi ko hati kami sa bayad umayaw nanaman sya,


Kuyang kuya ang dating. Hahaha.


Pagkatapos naming kumain, itinuro ko na sa kanya kung saan ang way papunta sa amin.


Dahil sa totoo lang napapagod na rin ako. Hahaha


Buti pa tong bakulaw na to punong puno pa rin ng energy.


Ng makarting kami sa street namin at matunton ang bahay namin, agad lang akong nagpaalam kay KUYA INO, yes kelangan daw kuya ang itawag ko sa kanya, dahil kapag hindi, may bayad 100


Kuarakot!


Agad lang akong nagpaalam dahil anong oras na rin at gagabihin na sya masyado sa byahe.


“ bye KUYA INO!” pagdiin ko pa sa kuya.


“ haha makulet ka talaga, sige bunso bye. Text okay?” pangit ngiti nyang sabi


“ okay sige sige bye ingat!”



Gaya ni elijah, may ipagmamalaki rin tong si kuya Ino, built ang katawan at higit sa lahat maputi


Yan naman batayan ng pagiging gwapo at maganda ngayon ng henerasyon na to eh, kapag maputi gwapo o maganda na kaagad


May maputi kayang hipon naman! Hahaha

Pero di ko sinasabi na hipon si kuya Ino. Dahil nung nagpaulan ng kagwapuhan


Magkakasama siguro sila nila elijah at




Dave



Nawala ang pag iisip ko ng maalala ko nanaman ang nangyari kanina,

Kelangan ko muna sigurong magpahinga.




Pagod na rin ang katawan ko pati ang utak ko.



(idamay mo na puso, choosy ka pa eh)


Tigilan moko author, hindi yan basta basta sumusuko. Hahaha


Agad lang akong napahiga sa kama ko dahil pagod na talaga ako, hindi na rin ako kumain dahil kumain na rin naman kami ni Ino sa labas.


Hanggang sa lamunin na ako ng antok.



GOODNIGHT.








3 comments:

  1. Mag umpisa na ang kalbaryoni Axel. Kawawa naman. Thanks sa update. Btw, Tito na lang. Huwag Sir. Hindi knighted. Hehehe.

    ReplyDelete
  2. parang gamble ng wattpad ang tema ng story.. niceone author goodluck...

    MACHINEMAN ^_^ v

    ReplyDelete
  3. Napaka Straightforward naman ni Elijah. Ang bilis nya umamin taz si Alex naman msaydong minamaliit ang sarili. Bagay naman sila eh. Tsk. Team Alijah padin ako. Hahaha
    (Tama ba ung term na stra? Haha xD)

    Naku nagpapaniwala ka kaagad kay Ino, Alex. Pakitang to lang yan. Magsisimula na ang Love game. Akin nlang ung ferari. Haha xD
    Kelan kaya mgpapakita si Procopio?
    Author post mo nga picture mo nxt chpter. Para magkaalaman na. Bwahaha! ;D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails