Author's Note
HI GUYS! pasensya na kung lame masyado tong chapter na to. lately kasi medyo busy si author eh pasensya na. pero im still hoing na sumusuporta pa rin kayo sa story na ito ahaha! kaso mukhang wala na haha xD anyways salamat sa oportunity sir mike and sir allan
salamat din sa mga readers ng story ko and sa mga nagcocomment na sina Sir Alfred, D*L*R*X*, grey uson at sa iba pa. chat nyo na lang ako sa fb ung gust nyo mag pa mention haha!
FB: Axel De los Reyes
sa fb ko lang po pinapakita yung picture ko guys sa personal message actually yung ibang readers eh nakita na kung sino yung auhtor nyo haha pasensya na. haha!
thanks din kay kuya rye, kay pinunong blue, apple green at sa iba pang co RA'S ko. support nyo rin mga story nila !
so here's your chapter 7. the moving on process.
Chapter 7
Axel’s POV
Sunday ngayon at wala kaming pasok. Buti na lang
talaga at hindi ako nakita ng pamilya ko na may bangas sa bibig nung gabing
yun, dahil kung hindi. Malamang nayari na.
FLASHBACK
Pagkatapos akong ihatid ni ino, di muna agad ako
pumasok ng bahay.
Hindi ko alam kung pano ko malulusutan ang gera ng
bunganga ni mommy haha! Siguradong
mayayari ako lalo na kay kuya.
Isip
Isip
Isip
Isip
Tama!!!
Sakto! Bukas yung bintana ng kwarto ko sa second
floor, at buti na lang hindi pa naitatago yung ladder dito sa labas ng bahay.
Pagkatapos kong magtagumpay sa eskapong ginawa ko,
Agad lang akong bumaba para mag almusal. Gusto kong
magpahinga. Gusto kong ipahinga ang utak ko sa nangyari.
Agad lang akong napahiga sa kama ko dahil pagod na
talaga ako, hindi na rin ako kumain dahil kumain na rin naman kami ni Ino sa
labas.
Hanggang sa lamunin na ako ng antok.
END OF FLASHBACK
At buti na lang nasa business trip sila mommy at daddy
ngayon.
At si kuya?
Ayun. Bilang na sa kamay kung ilang beses umuuuwi sa
bahay sa isang week
Paniguradong yayariin yan ni daddy at siguradong bawas
allowance yan at for sure
Mapupunta sa akin! Hahaha
Ayoko pang bumaba ng kwarto dahil wala naman akong
gagawin
Bigla kong naisip yung sinabi ni kuya nic sa amin na
audition. Paano kaya kung mapasama ako sa mapipili haha! Ang feelingero ko,
pero hindi naman masama mangarap diba, hello as in hello! ( franz bakit ka
sumapi sa katawan ni axel! Hindi pwede to!)
OA mo author ginaya ko lang si franz che!
Anyways, iba’t ibang bansa kasi yun tapos sagot pa ata
ng school lahat ng gastusin ang swerte namin kapag nagkataon, kaso yun nga
lang, mapapalayo kami sa mga mahal namin sa buhay.
Si procopio,
Elijah
Sila say, jerry at nicole
At
Si dave
What the! Pilit ko na ngang inaalis sa isip ko ang
nangyari eh pero bakit ganon?
Napakahirap talaga sigurong mag move on kahit hindi
naman naging kayo ano? Siguro dahil na rin sa minahal ko sya ng apat na taon
and after that, eto lang ang nakuha ko,
Ganito ba talaga ang kahihinatnan namin? Ang
pandirihan at kamuhian?
Siguro nga at karamihan ay ganoon ang tingin sa amin
na parang may ketong kung layuan, pero sana naman huwag agad husgahan ang
pagkatao namin dahil tao lang din kami na nagkakamali.
At alam kong may mga taong tanggap ang mga tulad namin
Gaya ni
Elijah.
About naman sa sinabi ni elijah, hindi ko pa rin alam
ang sasabihin sa kanya. Oo at naapangiti nya ako palagi pero kaibigan ang
tingin ko sa kanya. Kuya kumbaga. Ayokong bigyan ng malisya ang mga pinag
gagagawa namin dahil baka magkaroon lang ng di pagkakaintindihan.
Alam kong mabait si elijah at nararamdaman ko yun,
ewan ko ba, kahit napaka straightforward nya ay okay lang sa akin,
Kung pwede ko nga lang turuan ang puso ko na sya ang
mahalin ko ginawa ko na eh, kaso hindi eh. Siguro may sarili talagang isip ang
puso natin kung sino ang mamahalin
Pero naniniwala ako na kayang kontrolin ng utak ang
mga bagay na pwede nating gawin at hindi.
At ngayon, sigurado na ako
Hindi na ako lalapit
Sa kanya
Kay dave
Kay dave na minahal at hinangaan ko ng mahigit 4 na
taon
------------------
Pagkatapos kong makapag isip isip agad lang akong
bumaba dahil nakaramdam na ko ng gutom
Nagulat lang ako ng may biglang pumasok sa bahay
“WAHHHHHH!!!!!! MULTO!!!! PANGIT NA
MULTO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
“ grabe ka talaga sa kin axel de los reyes!” saad ng
bestfriend ko.
“ ay ikaw pala yan nakakatakot kasi, wag ka namang
pabigla bigla pwede? Uso kumatok diba?”
“ wow? Sa 4 na taon na ginagawa ko to ngayon mo lang
sinabi yan? Umamin ka na, naka tira ka ba ng katol?”
“ di te, natandaan mo nung nakiligo ka dito? Yung
panty mo nandyan sa labas di pa nalalabhan nangangamoy na! Hahahahaha!”
“ ow my gawd axel, you’re so yucky, ew like OMG YUCK
AS IN KADIRI TALAGA” ang pag iinarte ng isa
“ wow ngayon ka pa nag inarte? Eh may panis na laway
ka pa nga dyan sa pisngi mo? At ang lakas mong pumunta dito sa bahay ng di man
lang naghilamos? I wonder kung pati pag toothbrush kinatamaran mo. HAHAHAHA”
“ hoy ang kapal ng mukha mo! Che!”
“ see? Nag iiba ng topic? Hahaha!! Buking ka na hoy!”
Bigla syang nagseryoso ng tingin sakin waring
idinedetalye ang bawat sulok ng mukha ko.
“ teka anong nangyari dyan sa labi mo? Nakipaglaplapan
ka no?”
“ tarantado! Nauntog yan sa lamesa”
“ ano? Gutom lang? Pati sa sobrang gutom pati lamesa
gustong kainin ganern?”
“ parang ganoon na nga haha”
Buti na lang at umubra ang palusot ko sa kanya.
As usual, nandito lang yan para makiwifi eh.
Zandro’s POV
Hi guys! Namiss nyo ba ako? HAHAHAHA. Miss ko rin
kayo. Charaught. Si elijah lang namimiss ko pwe! Hahaha
Ng may makita akong di kanais nais sa mukha ni axel,
agad lang akong nagtanong about doon.
Hindi ko alam pero feeling ko may mali, imposibleng
untog yun eh? Parang sapak.
Sino naman sasapak sa kanya?
Nako mukhang alam ko na.
Hindi ko lang pinahalata na hindi ako naniniwala sa
palusot nya. Ayokong mg usisa dahil alam kong hindi nya sasabihin yun.
Isa pa, gusto ko syang isurprise na magiging
magkaklase kami bukas.
Yeah. Bukas . Bukas na officially ang pagpasok ko sa
STU. Yizz!! Lezz do this
MORE BOYS! MORE FUN!
Ibinilin sa akin nila tita si axel dahil may business trip sila. Eh di pa naman marunong magluto to. Lamon lang ang alam nako.
Since magtatanghali na, agad lang akong pumunta sa
kusina.
Carrots
Pork
Patatas
Tomato sauce
Sibuyas
Red pepper
Ano gagawin ko?
Ah menudo. Tama.
Masarap akong magluto mga sis no. Laki kaya ko sa hirap kaya kahit anong ipagawa sa akin kaya ko.
-----
Matapos kong magluto, tinungo ko na ang kwarto ni axel
par yayain na syang kumain.
“ hoy kagwang, lumabas ka na dyan at luto na ang
pagkain”
“ oo! Pababa na.”
Sigaw nya. Naliligo ata.
Inantay ko lang syang bumaba para sabay na kaming
kumain
“ wow menudo! Ikaw nagluto nito?”
“ hindi ikaw, tanga ka te? Malamang! Sino pa bang tao
dito?”
“ ay tao ka pala”
“ sumusobra ka na ha! “
“ charaught lang to naman!”
At sabay na nga kaming kumain
Pero hindi talaga ako mapakali kay axel, hello! Sa
apat na taon naming magkaibigan hindi ko pa ba basa lahat ng kilos nyan? Alam
kong may itinatago tong taong to eh
“ axel, umamin ka na, anong nangyari dyan sa labi mo”
“ wala nga to ano ka ba”
“ sasabihin mo o tatawagan ko sila tita? You know I
can do that, isang pitik ko lang nandyan na sila tita”
“ oo na oo na. Ano kasi eh, uhhhhm. Sinapak ako ni
Dave”
Fuck! Sinasabi ko na nga ba eh!
“ at bakit naman nya ginawa yon?”
“ binalak ko kasing makipagkaibigan, alam mo na, baka
nagbago na iyong tao”
“ te! Apat na taon na! Apat na taon ng walang
pagbabago yung taong yon tapos ngayon ka pa nangarap?! Alam mo matalino ka sana
eh kaso bobo ka lang talaga”
Naiinis ako, hindi kay dave kundi sa kanya
“ sinabihan na kita diba? Makinig ka kaya paminsan
minsan try mo masarap yun
“ masarap?” aba nagtanong pa talaga
“ yeah! Masherep na masherep,parang abs ni vince
velasco “ mygad! Hawt talaga non hahaha teka mamaya na landi.
“ eto na nga diba? Nakapag isip na ako, tama na siguro
yung apat na taon na pagpapakamatay tingin ko sa kanya, ngayong sa kanya na
galing yung mga salitang yun lalayo na ako, para sa ikaliligaya mo,”
“ yan! Jusko! After 2 decades namutawi din yan sa
bibig mo”
“ nakakasawa na rin kasi, rejected agad,”
“ ano ka ba, ganyan talaga ang buhay, parang thesis
proposal lang yan, minsan pasado madalas rejected! “
------
Finally, sa kanya na mismo nanggaling,
Hindi naman sa hindi ko sya sinusuportahan sa buhay
pag ibig nya, ang akin lang naman eh sana, bago sya mag mahal, turuan nya muna
ang sarili nya kung pano mahalin yung sarili nya mismo.
At kay Dave? Umaasa rin ako kahit papaano na magbabago
ang tulaad nya dahil naniniwala ako na may mabuti syang kalooban,
Pero sa oras na saktan nya si axel,
Aba te.
Ibang usapan na yan
Tawagin ang kampon ng kabaklaan
At dakmain!
Dakmain ang kahabaan! Este kasamaan! Hahahaha
Hindi ko talaga sinabi sa kanya na mag aaral na rin
ako at magkaklase rin kami, gusto ko syang masurpresa,
Pangit pa naman yan kapag nasusurpresa,
Mukhang
natatae.
Ano kaya ang mangyayari kapag nasa STU na rin ako,
sana makahanap na rin ako ng lovelife no! HAHAHA
Elijah’s POV
Sunday ngayon. Eto ang ayaw ko, hindi ko makikita si
axel. Gusto ko syang makita araw araw, kung pwede nga lang dito na rin sya
tumira sa apartment na nirentahan ko malapit sa school eh, malayo kasi masyado
ang bahay namin kung tutuusin. Kaya nakiusap na lang ako sa mga magulang ko na
kumuha ng apartment.
Hindi dorm. Ayoko ng may kasama sa bahay. Ay mali, di
pala bahay yun. Kwarto lang. Di gaya ng apartment malaki na komportable pa,
Iniisip ko pa rin yung nangyari nung isang araw.
Hinding hindi na ako papayag sa ginawa ni dave kay axel.
Handa akong gawin ang lahat mailayo lang si axel sa
walangyang yun.
Alam kong naging mabilis ang pag amin ko sa kanya,
pero ngayong nakikita ko sya na nasasaktan, mas hindi ko kaya.
Sa sandaling panahon na mayroon kami ni axel, minahal
ko na sya.
Siguro hindi talaga basehan ang tagal ng samahan nyo
ng isang tao para masabi mong mahal mo na sya. Akala ko nung una infatuation
lang pero ngayon napatunayan ko na.
Mahal ko talaga sya
Dave’s POV
PUSTAHAN
PUSTAHAN
PUSTAHAN
Paano kung hindi ko gagawin yung pustahan? Makikick
out ako sa school ng walang dahilan, at paniguradong kahit anong gawin ko, talo
pa rin ako
Kung papayag naman ako, nasa akin na ang ferrari ni
Ino at mawawala sa landas ko ang axel na yan.
Buong araw akong nakahiga, iniisip kung anong gagawin
ko bukas at kung pano ko sasabihin yun kay axel,
Iniisip ko pa lang, nandidiri na ako.
Ayokong mapatalsik sa school, lalo lang akong
kamumuhian ng mga magulang ko. Wala akong magawa , anak ng presidente ng school
eh, at alam ko kung anong pwedeng gawin ni ino kaya di na rin ako nakatutol.
Buong araw kong inisip kung ano ang gagawin. Masyado
akong napagod nung isang araw at kagabi. Magkaibang babae ang nagpaligaya sa
akin.
Pero may kulang eh? Di ko talaga matukoy kung ano yun.
At ngayon, sigurado na ako,
Paiiyakin ko si axel hanggang sya na mismo ang
magsabing layuan ko sya.
Kung hindi sya nakuha sa sinabi ko
Pwes, sisiguraduhin kong sya na mismo ang susuko sa
labang gagawin ko
Na inumpisahan nya,
Simula bukas, makikita na ni axel kung ano ang
pagbabago ng isang dave sandoval. Labag man sa kalooban ko, pero handa akong
gawin lahat mawala lang sa landas ko yang baklang yan.
Axel’s pov
Hindi na ako magpapakita sa kanya, iiwas at iiwas na
lang ako hangga’t maaari. Ngayong maliwanag sa akin lahat.
May mga bagay talagang hindi pwedeng pagsamahin, mga
bagay na kahit gusto mo, hinding hindi maaari,
Sana ito na ang huling masasaktan ako, dahil
kinabukasan, panibagong simula ng yugto ng buhay ko.
Ang maging matatag at matapang sa lahat ng bagay.
Elijah’s POV
Handa akong isugal ang buhay ko maprotektahan ko lang
sya. Hindi na ako papayag na iiyak sya sa isang tao ng wala namang kwenta.
Hinding hindi.
Zandro’s POV
Dibaleng ako ang masaktan wag lang ang kaibigan ko,
kahit ganyan yan, mahal ko yan. At alam kong mahal rin nya ako, kapatid na ang
turing ko dyan. At hindi ako papayag na sasaktan lang sya ninoman.
Lalo na ni dave
Dave’s POV
Umpisahan na natin ang laro. Sisiguraduhin kong ako
ang mananalo at sisirain kita axel de los reyes.
aww.. bitin!
ReplyDeletenaku wag pairalin ang katangahan axel...kung mangyari man... laban din pag may time
ReplyDeleteBITIN PO SIR :(
ReplyDeleteLagi naman nakakabitin laging one day lang yung scene. Haha. Tapos nalilito ako kay Ino bat ganun sya nagplano plano ng ganyan tapos mabait din sya kay Axel? Haha
ReplyDelete-yeahitsjm
Owwww2 let the fight begin
ReplyDeletec ino ano ang balak nya,,,,, hmmmmmm exciting
ReplyDeleteMaging kawawa naman ang dating ng bida natin. Thanks sa update. Take care.
ReplyDeleteMaiinlove na ba tlga ng tuloyan si dave ky axel?o mgsisisi xa sa huli?
ReplyDeleteJharz
Shet. Sana lng magsisi ka dave ha. Well story lng nman to. So aabngan ko n lng. Letche eh
ReplyDeleteEto lng din mssb ko. Yang si INO, bisexual din yan. Hnd lng aminin nyan. Alam n this. Xa pang ngsb ng pusthan
ReplyDeleteMy gusto din yan.kay axel
!!!
Hala maguumpisa na ang storya. Hahahaha djoke lang author. XD
ReplyDeleteExciting! Babasahin ko agad nxt chapter hahaha