Just For aMoment
By: Bluerose
CHAPTER 12
AUTHOR’S NOTE : Syemps unang una thanks sa MSOB sa pagbibigay ng chance na makapagpost ako ng story here kay sir MIKE and Sir PONSE. Super Thanks sa lahat ng mga readers na nakakaappreciate ng gawa ko ehhehe mwuah mwuah talaga.. The best kayo sumoporta eh.. Simula chapter 1 hindi niya ko iniwan.. So thank you.. Madami pa kong kailangan iimprove as a writer kaya pasensya kung minsan may mga errorssss hehe.. Pagpasensyahan niyo na.
Sa mga Admin ng group IAN na bebe bunso ng grupo hehe thanks sa walang tigil na suporta at mga intense mong comments hehe Kay SICHEM at NATE na tiatalo ang kathniel sa kilig ahhaha..Kimnate forever!! kay Rhafy na number fan hehe..thanks sa effort mo sa group naapreciate ko talaga. Kay RED na tinatalo ako sa dami ng hugot hahaha. JIGS na super busy kay YOUNG haha joke lang miss you YOUNG ingatz ka lage and of course thanks sa mga Ideas na naibahagi mo sakin.. MARVIN na di na namamansin.. Pansinin mo ko please hahhaa joke lang miss you. BRYAN LOPEZ thanks sa effort mo sa pagpopost sa group hehe love yA, Kay NHEI ingatz lang lage:)
EMMAN and JAPE SANTOS enjoy lang each other hehe.. Goodluck mwuah
Kay NESTEA support niyo yung new page niya hehe.. Mabait sya promsie pero wag daw kayo maiinlove sa kanya ehehe 44 salamat kahit nakakalimutan kita minsan ikaw di mo ko kinakalimutan ehhe mwuah mwuah salamat JUNREY or SUMMER RAIN thanksdin and goodluck sa story mo.:) ALFRED OF T.O and POCH, PEACHY salamat sa comment MR529733 yan nagreet na kita hehe salamat sayo Feeling blue, YeahitsJM, ELDRIENN FOWLER salamat sa support mo hehe BOMBI DELA CRUZ salamt din hehe VK TREBB
JM bustillo,misha xela,nazareno,LARIMA, John kevin,chris tian, Micky cruz na hindi nangiiwan hehe, Nathan natnat, brye stanton, King gregorio, Jharz elemento, Rennard, Jeric, Rayver Rave, Jhunnel, Jayjay Hinayon, Villamar Chang, Nin lopez, Rikz, super thanks sa inyo guys hehe.. Honan jay, johari , ninz losa, gilrex, jason adriano, shai bord, xheanne yco geoff dorman. Thankiiee Kay noel acal,PM REALOSO CHris tian PAul, Ashteed’mattie, kris turqueza, harold, Shinn asukal, lamjec, Prince gonzaga,Jayjay, JM perez, jayrowel, kirk chua, Yukito,
Sa mga RA’s sa msob SEYREN ng LOVING YOU.. AGAIN, VIENE ng STRING FROM THE HEART, Kay RYE ng LOVE IS, kay COKIE CUTTER ng GAPANGIN.. PRINCE JUSTIN ng ME & MY RULES at kay ROGUE ng WAY BACK INTO LOVE sequel..At sa new story na The John LLyod diary ni Mr. APPLE GREEN Support natin lahat ng author hehhe..astig sila promise hehhe
Sa mga new members ng group.. WELCOME!!
Sa mga di ko nabanggit hehe pasensorry .. Next time nalang hehe.. Sali kayo sa group more pictures of the characters.. Kwentuhan hehe.. Close close tayo. Haba ng authors note ko hahaha pasensya na..:)
“ When you choose the action, you have to accept the consequences. And if you can’t stand the heat, then you shouldn’t have lit the fire.”
SI CHRIS
Napalunok lang ako ng maalala yung gabing yun..difenitely a night to remember. The next morning di ko maalala yung nangyare basta nagising nalang ako na katabi ko si Joseph. We were both shocked. Hanggang makita ko yung damit namin sa cr.
Hindi ko lang mapigilan mapaiyak nung umagang yun.. Aixt pagkatapos ng araw na yun dinaan ko sa alak makalimutan ko lang yung nangyare.. Sobrang sinumpa ko si joseph nun at tong kupidong to.. Sya pa talaga pinana sakin. Haixt si cupid parang weather lang sya..magulo pero minsan nasa timing.:)
It was painful.. But I love how it hurts. Haha. Anyway we were talking about his brother.. Stephan Harris.. Wala akong alam sa pamilya nila ang alam ko lang ayaw sila makilala ni joseph.. Haixt. Don’t know the reason pero aalamin ko..
“ kapatid ko sya chris.” saad ni joseph nasa resto kami nun ng isang mall.
“ kaya hindi sya nagsumbong sa mga pulis..?”
“ Siguro..pumunta din sya sa ospital nung nakaconfine si mama.. Chris ayoko sila makilala.. Ayoko.”
“ kapatid mo sya sa totoong magulang mo.?” marahan naman syang tumango. “ eh ano gusto nila.?”
“makilala ko.” buntong hininga niya. “ Chris nasabi ko na so pwede wag na natin silang pagusapan.?” iwas ang tingin na saad niya. “ hindi talaga ko kumportable.”
“fine.”
“ Salamat.” ngiti niya. “ alam mo chris yan yung gusto ko sayo.. naiintindihan mo ko.”
“ mahal kita eh.” seryosong saad ko.. Hindi ko muna sya kukulitin about sa family niya. Pero di ko sya hahayaang mabuhay sa galit.. I’ll help him. “ Mahal kita joseph di ko sinasabi na naiintindihan ko lahat pero para sayo iintindihin ko.”
“ kaya ba hindi mo ko dinemanda.?”
“ kasalanan ko nga di ba.? Ako nagbigay sayo ng drugs.. Kung ano man yung nangyare kasalanan ko joseph..It was all my fault.. Iba din kumilos si tadhana noh..?” natatawang saad ko.
“ Sorry kung narape kita nung gabing yun huh. Gantihan kasi yung gusto mo.” ngiti niya.
“ kalimutan nalang natin yun.. Besides mahal na kita eh.. You raped me.. Pero tong katawan ko hinanap hanap yung katawan ng nangrape sa kanya.” simangot ko natawa naman si joseph.
“ I love you chris..hinding hindi ko na ipaparamdam sayo yung nangyare ng gabing yun Kasi tong puso ko hinding hindi ka na hahayaang masaktan.”
“ dapat lang..” ngiti ko.
. “ Oh my ikaw yung wedding singer ko right.?!!” saad nung babaeng lumapit sa mesa namin ni joseph.. Pinagmasdan ko lang yung mukha nito.
“ Miss tricia.?” saad ni joseph.
“ JA.? Oh my god nandito ka rin.?! sakto.. Kasama ko si kristel ngayon. Yung bestfriend ko..” ngiti nito... Shet sino? Nataranta lang ako ng makita yung asawa ni tito james na papalapit samin. Shit wedding day..? Teka sya yung nasa puerto na organizer nung kasal.? Meaning god pinakanta ako ni mommy sa kasal ng bestfriend ng asawa ni tito james..? Son of a bitch!
“ Best tara na bibilihin ko pa tong mall na to gusto ko mapatunayan sa James na yun na rich parin kami!?” inis na saad ni kristel umiwas naman ako ng tingin. It’s her. The wife of my mother’s lover.
“ best si JA.” saad nung tricia.. Kita ko naman na natigilan si kristel saka salit salitan kaming pinagmasdan ni joseph.
“ Ikaw.?” saad nitong nakatingin sakin.. Pinilit ko naman magbigay ng ngiti. Shit. Kilala ba niya ko.?
“ best sya yung wedding singer sa puerto.. Remember.. One of the best voices na narinig ko in my whole intire life.” ngiti nung tricia. Shet sana hindi pa niya ko kilala. Mukhang syang 18 years old.. 20 na ba talaga sya.
“yeah gotcha! uhmm yeah ikaw nga yun.!” nakangiting saad nito. Shit.. Nakahinga naman ako ng maluwag. “Sabi na nagkita na tayo eh..” ngiti nito tumango naman ako.. Haixt.. Ibig sabihin ba hindi pa niya kilala si mommy..damn it!
“ I’m chris.” pagpapakilala ko. “ and I guess kilala niyo na yung kasama ko.. Si Joseph.? Or JA sa pagkakaalam niyo.”
“ alam mo until now yung boses mo nageecho parin sa utak ko. oh my god naalala ko nun parang ang serious mo kala ko nga masungit ka eh pero hindi pala..Parangkang anghel na ang sarap yakapin.. Kabaliktaran dito sa kasama mo.” nanlalaki ang matang saad nito. Napalingon naman ako kay joseph na sa ibang dereksyon nakatingin. “yung kasama mo kasi ang sarap sunugin sa impyerno habang binabalatan ng buhay.”
“ best kalma.” awat dito nung tricia.
“ why.?”
“ Ang saya saya niya dun sa party sa puerto.. As in party party.. Full smiles. Nabilang ko nga ngipin niya nun sa sobrang pagkakangiti niya eh.! tapos bang sungit pala sa personal! ang sarap niya pukpukin ng takong grabe kung maisasabatas lang ang bitay.. Susulat ako sa pangulo na unahin sya.!”
“ Really.” sarkastikong saad ni joseph.
“ Anyway ayoko sya pagusapan masisira lang araw ko. Bakit ba kasi nakalimutan ko yung bread knife ko.. Haixt.. kainis.” iling pa nito.
“ Best naman bagay kaya kayo.? Maganda ka gwapo sya.?” ngiti nung tricia.. Seriously.
“ what.?” gulat na saad ni joseph.
“hoy kapal mo huh parang diring diri ka na naman.. Tandaan mo gwapo ka lang..GWAPO LANG.. Kung baga sa pagkain hipon ka.!” simangot ni Kristel. She’s so cute, iiwanan ba talaga sya ni tito james.
“ Hipon best.. Are you sure.?”
“ Hipon? baka pag naghubad ako maglaway ka.?” sarkastikong saad ni joseph. Oo nga..? Naglaway nga ako nun haha.
“ Hipon.. Masarap pero nakakahighblood!” nakataas ang kilay na saad niya. Natawa naman ng payak si joseph.
“ really.. Para ka ding hipon.”
“ sorry ka sexy at maganda ako.. I mean hindi lang sexy super mega sexy at maganda.” proud na proud na pose nito. “ see..?”
“ Mukha ka ding masarap.. MUKHA... Pero di ako kumakain ng hipon.. Alergic ako.. So wag kang umasang papatulan kita kasi you’re not my type. Besides hindi MAGANDA ang tamang word para idescribe ka.. MUNTIKAN dapat.. Muntikang naging maganda at higit sa lahat muntikan naging Panget.. You’re not that beautiful.. For me..” napanganga naman to sa sinabi ni joseph.. Seriously sinabi ni joseph yun..?
“ ang kapal mo talaga eh noh.. Isa ka ba sa mga hipon sa taal volcano??. Buhay pa niluluto na sa impyerno.! Best pigilan mo ko please.makikipagsapakan ako.!”
“ Bakit hindi mo ba ko gusto.?” gigil naman na umiling si kristel. “ liar! A Not so beautiful liar.”
“ best naman.. Di ba joseph mabait ka naman ? patunayan mo naman sakin na di totoo yung sinasabi ng maganda kong bestfriend.. Ibang iba kasi yung pagkakakilala ko sayo eh.. For me you’re an angel.. A loving son.?”
“ Uhm ladies I think we have to go.” ngiti ko saka tumayo.
“ yeah right.” saad ni joseph saka tumayo din.
“ sabi sayo best masungit eh.. Don’t judge the book by it’s cover.. Oh my god Im so right.!” irap pa ni Kristel. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka inuuod na to si joseph haha..
“ Miss Tricia pasensya na huh kasi yung kabaitan ko namimili ng papakitaan.” saad ni joseph saka hinarap si tricia sa kanya. “ at isa ka sa mga taong DAPAT pinapakitaan ng kabaitan.”
“ talaga.?” kagat labing saad ni tricia habang deretsong nakatingin sa mata ni joseph.
“ Best.?!” saad dito ni kristel.
“Anyways you’re beautiful ang swerte ng asawa mo, he is so lucky to have you as his wife. kung nakilala siguro kita nung single ka pa at single ako baka tayo yung kinasal sa puerto.” matamis na ngiti ni joseph kita ko naman yung inis sa mukha ni kristel.. Pero sinimangutan lang sya ni joseph..saka muling tumingin kay tricia at ngumiti “Miss Tricia you know what.. looking at your eyes isjust like tasting the sweetest river of honey on earth and I can’t actually believe that god created you perfectly..You are really so beautiful kung wala ka lang asawa baka nahalikan na kita ngayon.” kita ko naman yung nagniningning na mata ni tricia habang nakatingin sa labi ni joseph... Shit.. Lakas mangakit nitong bwiset na to. “ but I won’t do that you look so happy na and someone like you deserves to be happy.” saad ni joseph habang hinahawi yung buhok nito.
“best magfile na kaya ako ng annulment.! pano ba yun Paturo naman ako.?” kagat labing saad ni tricia napakamot naman ako sa ulo..
“ No wag.. Don’t worry kapag sinaktan ka ng asawa mo hanapin mo ko. ako sasapak sa kanya.. Yung ganyang kaganda at kabait.. Dapat minamahal.. Totoong MAGANDA at MABAIT..kasi yung iba hindi na nga masyadong maganda. Hindi pa mabait.”
“ shit.!” bulong ni kristel.
“ See best ang bait niyo oh.? Saka ang gWAAPO!!?” kinikilig pa na saad nito.
“Best susumbong kita sa asawa mo! Aiixxxtt ayoko na.. Best tara na.. Bakit ang sarap ng smile niya.. Best let’s go please.” hila ni kristel kay tricia.
“ best nalaglag ata yung panty ko.! Pakicheck nga?” saad pa ni tricia habang naglalakad lumingon naman si kristel pero isang matalim na tingin lang yung binigay dito ni joseph.. Haixt. Nagdirty finger naman to.
“ Kung makapagsalita yung babaeng yun na gwapo lang ako kala mo naman maganda sya pati ugali niya..”
“ Bakit ang bad mo kay kristel.?”
“ kilala mo sya.?”
“uhm narinig ko lang yung name niya kanina.. So bakit ang bad mo sa kanya.?”
“ may gusto sakin yun.. Para di na umasa.saka ang taas ng confidence nakkaabwiset.”
“ Wow pano mo nalaman na may gusto sya sayo.?”
“ Chris.. Talent yun.”
“ talent.?”
“ Just kidding.. the way niya ko tingnan, the way sya kumilos sa harap ko.. Movements ng eyes, fingers.. Madali lang malaman kung gusto ka ng tao.. Psych.”
“ I see..”
“Kung nagseselos ka kay tricia uhm habang sinasabi ko sa kanya yun ikaw yung nasa utak ko..” ngiti niya. “ Looking in your eyes is like tasting the river of sweetest honey on earth..” natatawang saad niya. “pangromantic movie kaya tong boyfried mo.” bulong niya.
“ yeah pangromantic movie yung mukha..Pero pang kontrabida yung ugali.” ngiti ko sumimangot naman sya. “ pero hindi mo naman kailangan sungitan yung kristel.. Mukha naman syang mabait ah.. Saka she’s really beautiful.,She’s really beatiful..baka may muta ka lang nung tinitingnan mo sya.. Nilait mo pa eh.. grabe.”
“ Gusto mo ng sapak.?”
“ bakit,?”
“ Ano ngayon kung maganda talaga sya wala akong paki.. Ikaw ang mahal ko.” napangiti naman ako.. Korni.
“ pero sinabi mo kay tricia na maganda sya.”
“ Yeah.. Kay miss tricia safe ako kasi may asawa na... kay kristel hindi baka magselos ka eh at hindi ko gusto magselos ka. tandaan mo chris Im not capable of hurting you. Tandaan mo yan kapag nagmahal ako isa lang at yung isang yun hindi ko sasaktan.” ngiti niya. “ and that is a promise.” sinserong saad niya habang nakatingin ng dertso sa mga mata ko. Hindi ko naman napigilan yung sarili ko pagmasdan yung mukha niya. Gumagwapo lalo si joseph kapag nagiging serious. “ di joke yun chris huh.. Promise yun.” untag pa niya sakin. “ pwede ba chris wag mo ko masyado titigan.. Sisiipain kita.? Nasa mall tayo.”
“ yung sinabi mo.. Di ba joke yun?”
“ Yung alin.?”
“yung you’re not capable of hurting me..?” nagkibit naman sya ng balikat saka tumango. “ Talaga.?”
“ yeah.. Nasaktan ka na dati And i know how it feels.. Nasaktan na din ako di ba.. Yung sakit na yun di maganda sa pakiramdam kaya ayoko na maulit yun at hindi ko yun ipapaaramdam sa mahal ko.” saad niya sa ibang dereksyon nakatingin napangiti naman ako saka sya inakbayan. “ what.?”
“ tara na Joseph.. Kinikilig na ko eh.” ngiti ko natawa naman sya. Sabay lang kaming naglakad habang nakaakbay ako sa kanya. “ alam mo sana lagi kang ganyan..”
“ huh.?”
“ yung sinasabi mo na mahal mo ko.”
“ Hindi ko ba sinasabi sayo.?”
“ sinasabi Pero di ko madama eh ang sungit mo kasi.” saad ko tinanggal naman niya yung kamay ko sa balikat niya saka sya umakbay sakin.
“ Bawal holding hands.. Baka may makakita.” ngiti niya.
“ joseph may gusto akong ipakita sayo.”
“ ano..?”
“ basta.” saad ko saka sya hinila.
“ Eh di ba manunuod tayo ng movie.? Date.?”
“ Gusto ko magdate tayo pero gusto ko muna ipakita to. Kasi nung minahal kita narealize ko dapat kilala mo ko.. So gusto ko ipakita sayo yung place ko.. Yung totoong nararamdaman ko.”
“ talaga.? Umayos ka chris siguraduhin mong seryoso yan kung hindi sasapakin kita. ” simangot niya.
“ yeah.. Trust me.” ngiti ko sa kanya.
SI STEPHAN
Palabas na ko ng unit ko nun nang biglang magring yung phone ko. Agad ko naman tong kinuha saka tiningnan kung sino yung tumatawag. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko ng makita yung pangalan ni mommy.
“ mom.” sagot ko dito.
“ Stephan anak.. May balita na ba.?” tumungo lang ako saka nakagat yung labi ko. “Ayaw niya talaga.?”
“ Mom don’t worry ginagawa ko lahat.”
“ Gusto ko na sya makilala anak.. Gusto ko na sya puntahan jan.”
“Wag na muna ma.. Yung bunso niyo kasing anak out of this world ang ugali.. Naninigaw sya mom seriously sa wild forest ata sya nakuha ng mga umampon sa kanya.para syang tiger. so hayaan niyo muna Aamuhin ko muna sya.”
“ Thank you anak huh.. Kahit naging..”
“ ssshh mom ginagawa ko to para sa inyo.. Yung nangyare tanggap ko na yun at ngayon ang gusto ko nalang makasama natin si Joseph. Family.”
“ Sana anak..”
“ I love you mom.. I have to go may pupuntahan pa ko.”
“ I love you son magingat ka jan.” saad nito hanggang naputol yung linya. Ilang sandali akong nakatayo lang saka humugot ng malalim na buntong hininga. Matatanggap mo din kami Joseph at hindi ko yun susukuan.
Let me introduce myself I’m Stephan Harris., single, haha Nagiisang anak hanggang malaman ko na may kapatid pala ko. Well ang buhay ko ay isang malaking kasinungalingan. Lumaki ako sa poder ni daddy. Inalagaan, pinagaral pero hindi minahal. Saklap noh. Atleast binihisan at pinakain at nagpapasalamat ako dahil dun kasi kung hindi baka napariwara ako. Ang alam ko lang si daddy ang dahilan kug bakit nahiwalay samin si Joseph.
Si mommy.? Uhmm malalaman niyo rin soon.. Ngayon gusto ko lang mas makilala yung sinasabi ni mommy na kapatid ko.
Lumabas lang ako ng unit ko saka dumeretso sa elevator. Ilang sandali pa kong naghintay hanggang bumukas to. Nakita ko lang yung kabanda ni joseph saka yung babaeng kaibigan nila. Nakasimangot yung babae.. Awkward.
“ going down.?”
“ Yeah.” pilit na ngiti nung lalake.
“ Ok.” saad ko saka pumasok sa elevator at pinindot yung groud floor. Habang nasa loob pansin ko lang yung inis sa mukha nung babae. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumandal sa gilid.
“ erika.. Wag ka ng magalit.?” saad nung lalake.
“ shut up Thomas.. Sabi mo nanjan si joseph eh wala naman ah.. Ilang beses mo na sakin to ginawa .. Kakalmutin na talaga kita!”
“ Ah eh kasi.. Di ka naman pupunta kapag wala si joseph eh.”
“ Talagang hindi.! Pwede ba tigilan mo na ko. Hindi kita gusto. Gets mo.? O englishin ko pa. I don’t love you.?”
“ Erika.. Bakit kasi hindi nalang ako.?” nakatungong saad nito inirapan lang to ng babae hanggang bumukas yung elevator agad lang lumabas yung babae sumunod naman agad dito yung thomas.
“ wag mo nako ihatid may kotse ako. I can take care of myself loser.!”
“ Pero..?”
“ Shoe..” irap dito nung babae saka mabilis na naglakad. Kita ko naman yung lungkot sa mukha nung lalake. Napailing lang ako.. Spell TANGA.. Kapag hindi ka mahal ng isang tao? Fine wag mo sayangin yung oras sa taong hindi alam yung halaga mo.. Sa panahon ngayon ang pagiging tanga ay isang epidemya.. Dami ng nahawa. Kaibahan lang.. ang cure nasa sarili natin.. Kasi ang pagpapakatanga.. It’s a choice.
Naglakad naman ako papalapit dun sa lalake.
“okay lang yan.” tapik ko sa balikat niya nagangat naman sya ng tingin saka nagbigay ng pilit na ngiti. “ Sobrang ganda niya huh.. Saklap nga lang di ikaw ang gusto.”
“ Sanay na ko dun..” kibit niya ng balikat saka pinalobo yung pisngi niya.. Cute haha “ bata palang kami ganun na sakin yun. So it’s ok.. Sanayan lang yan.”.
“ Mahal mo.?”
“ oo.. Sobra.”
“ Pero hindi ka mahal.?”
“ oo sobra.” ngiti niya natawa naman ako.
“pagkakatanga yan bro.. Tigilan mo na. Kapag yung mahal mo hindi ka mahal para ka lang namimingwit ng isda sa swimming pool.. ASA ka,” saad ko saka sinuksok sa bulsa ko yung kamay ko. Rinig ko naman yung pagbuntong hininga niya. Gwapo naman bakit kailangan maghabol.
“ hindi pagpapakatanga to.. Pagmamahal ang tawag dito.”
“ pagmamahal para sayo pero pagpapakatanga para sa kanya.” ngiti ko.
“ haixt wag mo na dagdagan yung bigat na nararamdaman ko please naman... Hope ang kailangan ko at wala yun sa mga sinasabi mo. Ang kailangan ko pangpalakas ng loob at prayer para bigyan ako ng mahabang pasensya.” ngiti niya natawa lang ako. MARTIR. Tulad ng mga tanga bang dami din nila.. Mas deadly nga lang ang pagiging martir.. Nakakamatay.
“ Martir.” maikling saad ko.
“okay lang..atleast sa lahat ng tanga at martir ako ang pinakagwapo.” ngiti niya. “Di ba ikaw yung kagabi na nagtanong about joseph.?”
“yeah.?”
“ fan ka ba niya.. Gusto mo ipakilala kita sa kanya. I can do that hindi ko lang masisigurado na di ka niya susungitan.. Pero authograph sure yun.” ngiti niya.. Npaatango naman ako.
“ fan.? Uhm yeah maganda kasi yung boses niya.”
“ really.. Kaso wala sya jan I don’t know kung nasaan nanaman sila ni chris.. Kainis.. Alam mo ba na yung babaeng kasama ko kanina si joseph ang gusto nun.. Badtrip noh.. Saklap grabe alam ko gwapo ako pero damn it ang hirap pantayan ng itsura niya.”
“badtrip nga yun.” ngiti ko.
“ I’m thomas nga pala.. And you are.?”
“Stephan.” ngiti ko natigilan naman sya..
“ Wait stephan..? Parang narinig ko yung name mo. Nevermind. Akyat na ko. Mejo nasakatan ako sa sinabi ni erika kailangan ko ng pangpatigil ng dugo sa sugat sa puso ko.” napapakamot na saad niya.
“may gagawin ka ba.?”
“ wala naman.. Why.?”
“ coffee..?” pilit na ngiti ko kunot ang noo naman syang tumingin sakin. “ wala kasi akong magawa sa unit ko.. And I think you need someone to talk to.”
“ No thanks.. Sinsikmura ako sa coffee eh.”
“Uhm I see.. How about..”
“ Donnut.. Gusto ko ng donnut.. Nagcrave ako bigla ng sweet.. Bukod sa pagcocoffee may gusto ka bang bilihin.?”
“gusto ko rin ng donnut.?” pilit na ngiti ko.
“ I see.. Tara.?” saad niya saka naglakad.. Nagkibit naman ako ng balikat saka sumunod sa kanya. Ang gaan ng aura ng lalakeng to kahit parang ang sakit nung ginawa sa kanya nung babae kanina. Parang okay lang sa kanya.. Kung ako yun.. Shit di na ko magaaksya ng panahon. Bibigti na ko agad haha.
“ Maglalakad lang.?” tanong ko nang hindi sya tumawag ng taxi.
“ May grocery dun oh may donnut dun.” ngiti niya.
“ I see.” saad ko saka sumunod sa kanya. Pinagmasdan ko lang yung kabuuan niya. Body type.. Sakto lang, face? Gwapo, singkit yung mata, matangos yung ilong, kakaiba yung smile niya ang lakas ng dating.. 5’8 siguro I think mas matangkad ako sa kanya. Cute.
“ Tingin mo bagay ba kami ni erika.? Yung girl na kasama ko kanina.”
“ ah eh.. Maganda sya.”
“ So bagay ba kami.?”
“ Okay naman..?”
“ Okay lang. So meaning.. haixt.”
“ Di ka naman kasi niya gusto. Kapag sinabi ko na bagay kayo.. Aasa ka lang lalo.. At lalo ko lang masasaktan.”
“ gusto ko naman sya.”
“ Dapat mutual.”
“ Mapapasagot ko din yun.. Believe me.. Kakampi ko ang mga stars.” ngiti niya.
“ sabi mo eh.. Sa panahon ngayon ang daming tanga at ngayon araw may nakilala akong isa.. Thomas ang pangalan.. Kilala mo ba sya.?” ngiti ko sumimangot naman sya.
“pagmamahal nga ang tawag dun.. It’s love.. Galing sa puso.”
“ whatever..”
“ Ang sama niyo.. Mahal ko lang naman sya.. Tingnan niyo isang araw magugulat nalang kayo kasi magasawa na kami.. Tapos magkakaanak, bubuo ng maraming kittens.” nagkibit naman ako ng balikat.
“ In your dreams.” napabuntong hininga naman sya saka muling pinalobo yung pisngi niya.. Cute talaga niya pag ginagawa yun.
“ daming kontra sa love story namin grabe.”
“ pano mismong leading lady mo kontra din.” ngiti ko.
“ makikita niya.. Pangako yan.magiging kami din.” saad niyang punong puno ng kumpyansa ang mga mata.. Fighting spirit,
hanggang makarating kami sa isang grocery..may stall dun ng dunkin donnut.. Haixt di ako kumakain ng donnut haha.. Bakit ko ba sya sinamahan haha. “KKB to.” lingon niya sakin.
“ KKB.?”
“kanya kanyang bayad.. So bili ka na.” saad niya pagkakuha ng box niya. Napakamot naman ako sa ulo saka sinabi yung gusto ko dun sa tindera. Nang linguin ko sya may kagat kagat na syang donnut habang nakatulala.. Tiningnan ko naman yung dereksyon ng tingin niya. Magboyfriend na nakaupo sa isang bench. Nakaakbay lang yung lalake dun sa babae habang kumakain ng burger.
“Sweet noh.?” saad ko pagkakuha ng box.
“ yeah.” iwas niya ng tingin. “ pag naging kami ni erika ibibigay ko sa kanya lahat.. Everything.” saad niya. “ dadalhin ko sya sa auter space.. Iba daw kasi ang hangin dun eh.”
“ Oo walang oxygen..So patay ka din.” ngiti ko.
Muli lang kaming naglakad pabalik sa building. Napapangiti lang ako pag pinagmamasdan sya.. May hawak na box ng donnut.. Weird.. Ayt may hawak nga din pala ko haha.. Hanggang makarating kami sa tapat ng building.
“ una na ko..ano uli pangalan mo.?” lingon niya sakin. “ hulaan ko huh wala ka ding lovelife noh.?”
“ Stephan..and I’m single.”
“ Ok.. Una na ko.. Wala palang lovelife kung makapagadvice.” natatawang saad niya.
“ sure.. Una ka na umakyat.” ngiti ko sa kanya nagwave pa sya ng kamay sakin bago pumasok sa building. Napagmasdan ko naman yung hawak ko... Di man lang ako nakapagtanong tungkol kay joseph kainis.. Mukha naman kasi isip bata yung Thomas na yun. Haha. Pero cute. Really cute.
Ilang sandali pa kong nakatayo dun ng makita si Joseph at Chris na bumaba ng taxi.. Pinilit ko naman magkubli para di nila ko mapansin. May relasyon ba sila..? Bakla si joseph.? Haixt. Kung di lang sya nahiwalay sakin baka hindi sya nagkaganyan eh. Really hate dad.. Kasalanan niya lahat to.
SI JOSEPH
Sumakay lang kami ng taxi saka nagpahatid sa building kung nasaan yung condo unit namin.. Habang umaandar yung taxi di ko lang mapigilan pagmasdan si chris. Buti natatagalan niya yung ugali ko.. Haha.bukod ay mama. Si franz lang nakakatagal sakin may kasama pang batok yun. hhaixt
“ why.?” lingon niya sakin.
“ Wala lang.. Sorry kung masungit ako huh.. Lage.?.” iwas ko ng tingin natawa naman sya. “ seryoso ako chris sorry.?”
“ okay lang. Sanay na ko.. I mean sinasanay ko na yung sarili ko.” humugot naman ako ng malalim na hininga.
“ Promise babawasan ko na.. Dati kasi gusto ko kay mama lang ako sweet pero since forever na..magiging sweet na ko.” saad ko sa labas ng bintana nakatingin.
“ Sabi mo yan huh.” ngiti niya hanggang makarating kami sa tapat ng building sabay lang kaming bumaba dito.
“ Sa unit ba natin.?”
“ hindi kukunin ko lang yung motor ko..”
“ saan ba tayo pupunta.?”
“ basta.. Antayin mo nalang ako dito.” ngiti niya aktong maglalakad sya ng pigilan ko yung kamay niya. “ why.?”
“ Uhmm can I say something.?”
“ sure.?”
“Chris may narealize kasi ako ngayon lang.”
“ ano naman.?”
“ Hindi ka lang pala masarap sa kama.. Masarap karin kasama.” natatawang saad ko sumimangot naman sya. “ bawal magbiro.? Sige na kunin mo na yung motor mo.” tulak ko sa kanya.
“ teka.. Can I say something din.?”
“ ano.?”
“ Nageenjoy ako kasama ka.. Pero I’m sure mas mageenjoy ako pagnaikama na kita.”
“ Gago ka ah...dali na.. Daming sinasabi.” ngiti ko nagkibit naman sya ng balikat saka naglakad. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka ngumiti. Ganito pala kasarap magmahal at mahalin. Everything is perfect.. Kaya kung may magbalak man maging kontrabida samin.. Tengenes niya di ko sya bubuhayin.
“ Joseph.” rinig kong saad sa gilid ko di naman ako lumingon.. Boses palang alam ko na kung sino to..speaking of kontrabida. “ Joseph can we talk.?”
“ I’m busy.” walang emosyong saad ko.
“ Well wala na pala kong sasabihin.. Nasabi ko na kapatid kita eh.”
“ Shut the fuck up..retarded.!”
“ Gusto mo ng donnut.?” saad niya nakita ko naman nakalahad sakin yung box ng donnut. Nang magangat ako ng tingin kita ko lang yung ngiti sa labi niya. Wala man lang akong makitang similarities sa mukha namin.. Kapatid ko ba talaga sya.haixt.
“ Di ako kumakain ng donnut.”
“ Ok .. Ipapadala ko nalang sa unit niyo kung nahihiya ka.”
“ Subukan mo lang.. Ibabalibag ko yan sa pinto ng unit mo.!” gigil na saad ko.
“ Sure lil bro.. Akyat na ko.. And don’t forget I love you.. At mahal ka din ni mommy.” saad niya saka tumalikod at naglakad papasok ng building napabuntong hininga naman ako. Badtrip.. Burahin sa sitema yung hayop na yun.. Tingin ko naman mabubuhay sila ng wala ako bakit kailangan pa nila ko guluhin. Nabuhay ako ng wala sila.
Erase.. Erase.. Eh ano kung pamilya ko sila.. It’s still a matter of choice.. And I choose not to let them be part my life. Tapos!
Ilang sandali pa ng pumarada yung motor ni chris sa harap ko. Napangiti lang ako nang tanggalin niya yung helmet na suot niya.. wow..
“ do you know how to drive.?” ngiti niya.
“ Yeah but I don’t have license.”
“ I mean.. I think you’re good at it..coz you really driving me crazy.” ngiti niya natawa naman ako.. Putek. Ingudngud ko kaya sya sa manibela haha..
“ Chris ang korni mo grabe.”
“ sakay ka na nga..” ngiti niya sabay abot ng isa pang helmet sakin. Sinuot ko naman to saka sumakay sa likod niya.
“nakasakay nanaman ako sayo ang sarap talaga ng feeling grabe.. Cute and handsome horsy.” bulong ko.
“ fuck you.” saad niya saka pinaandar natawa lang ako.. Ilang minuto din syang nagdrive hanggang makarating kami sa kalsadang lubak lubak.. Hinayaan ko naman sya kahit sobrang naalog yung utak ko hahha..hanggang makarating kami sa dulo nun na maayos na yung kalsada.
“ ang sakit naman sa pwet nun.” reklamo ko nang tumigil kami sa dulo.. Bumaba lang ako saka hinubad yung helmet. Ano naman to.? Dead end.? Napatingala lang ako sa malaking puno sa gilid ng dulong kalsada na yun. “ ano meron dito chris bukod sa magandang puno na yan.?” turo ko sa puno ng mangga.
“ Uhmm.. Paradise.?” ngiti niya napangiwi naman ako.
“ seriously..?”
“ Yeah.” saad niya saka ako hinila hanggang makarating kami sa tapat ng puno.. Lumingon lang sya sakin saka nagsimulang umakyat Hanggang makarating sya sa malaking sanga at umupo dito.
“ Seriously.?”
“ akyat ka na dali.” saad niya. Napalunok naman ako. Aakyat talaga? May lahi ba syang unggoy.. Haixt.. Nagsimula naman akong umakyat .. Dahil first time ko umakyat sa isang puno hindi to naging madali hanggang makita ko yung kamay niya na nakalahad sakin. “ hold my hand joseph.. I’ll pull you up.”
“ sapak ka sakin mamaya.” simangot ko saka tinaggap yung kamay niya hanggang makarating ako sa malaking sanga na yun. Magkatabi lang kaming umupo saka tumanaw sa paligid.. Puro talahib yung nakikita ko.. Pero kahit ganun ang peaceful ng pakiramdam. Yung simoy ng hangin sobrang sarap langhapin.
Nang lingunin ko si chris nakita ko lang na nakapikit sya habang nilalanghap yung hangin.
“ ano meron dito chris.?”
“ Katahimikan.?”
“bukod sa katahimikan.?”
“ happiness.?”
“ sasapakin kita.?!”
“ kala ko ba magiging sweeet ka na..? Ang init nanaman ng ulo mo eh.?”
“ eh kasi.. Uhm fine.” iwas ko ng tingin. Natawa naman sya.
“ Joseph.. Kapag nandito ako feeling ko masaya ako.. Tahimik.. Mabango yung simoy ng hangin.. this place is really a paradise.. For me.”
“ Fine.” iwas ko ng tingin saka tumanaw din sa paligid.
“ Alam mo bang in next two years.. Or 3.. Itong place na to magiging subdivision na.” saad niya natigilan naman ako saka lumingon dito.. Sayang naman tong lugar na to.
“ talaga.?”
“ Yeah kalungkot noh pero okay lang.. Wala naman kasing permanente sa mundo eh..Maganda man yung lugar o panget mawawala din pagdating ng panahon. Ang magagawa lang natin is to build memories.. Mas matibay kasi yun sa kahit anong infrastracture na magagawa ng tao.. “ lingon niya sakin nagkibit naman ako ng balikat. “Joseph I have a favor.?”
“ what.?”
“Don’t promise to love me forever..” lingon niya sakin habang may ngiti sa labi.
“ why.?”
“ Kasi di ko rin mapapangako yun..” seryosong saad niya. “ naniniwala ako na walang permanente sa mundo na lahat natatapos.lahat nagbabago.”
“ Chris..”
“Joseph Just pormise me that we’re going to build a lot of beautiful, good and lovely memories while we love each other.. While you love me.” ngiti niya.
“ Chris I want to love you forever.? Di ba sabi mo forever.?” saad ko saka umiwas ng tingin. “ sabi mo tigilan kita kung hindi ako naniniwala sa forever.?” seryosong saad ko saka tumanaw sa paligid.. Dama ko lang yung lamig ng simoy ng hangin. “ forever.?”
“ Joseph kapag nagmahal ka.. Forever would never be enough.. May napanuod akong movie. Sabi nung girl dun.. Some infinities are bigger than the other infinities.”
“ Chris ano ba sinasabi mo?..”
“ Gano man kahaba yung magiging forever natin atleast mapupuno natin to ng magagandang memories. At yun ang gusto ko joseph.. Bumuo ng maraming memories.. Yung masasaya..”
“ Ang lalim mo na noh.. Dami mo na talagang pinagdaanan.” natatawang saad ko habang nakatigin sa mukha niya na may ngiti sa labi.” pero wala kang pakialam kung gusto ko mangako na mamahalin kita forever. Puso ko to hindi sayo.” simangot ko sa kanya.
“ Ewan ko sayo joseph.”
“ sapakin kita jan eh.” suntok ko sa balikat niya.
“ hey mahulog ako.. Wala ka sa baba para saluhin ako.”
“ tatalon din ako para masalo ka. Ang nega mo pa nga chris.. Dapat sayo pinapatay ng pagmamahal eh.” ngiti ko napakamot naman sya sa ulo.
“ Joseph I have a story.”
“ a fairytail?”
“ nope.. Mas gusto ko manuod sa cartoon network eh.” ngiti niya natawa naman ako. “ though weird yung mga cartoons dun.”
“ Yeah right.”
“ Ok here.. It is story about a broken road.”
“ ang sad naman ng broken.. Pwede bang next story nalang.? Inlove kaya tayo.?”
“ makinig ka muna pwede..? Ihulog kaya kita dito.”
“ fine sige..makikinig ako pero bottom ka uli mamaya.”
“ Oo na.. Pero yung promise mo na.. Mabobottom kita kapag natalo na kita sa toss coin.”
“ sure.. Buti di mo napapansin na yung coin ko parehas tail yung magkabilang side.” ngiti ko natigilan naman sya.
“ seryoso.?”
“j0oke..?! Sige na kwento mo na yang broken ek ek mo.”
“ sama mo talaga!”
“ mas masama ka kaya.. Pinagbabalakan mo ko pag tulog ako.. Pero sorry ka mabilis ako magising.”
“ ewan.”
“ game na .. Kwento na.. Baka magbago pa isip ko.”
“Ok. Once upon a time.. There’s a guy na di alam kung saan sya pupunta.. He was stuck at the middle of nowhere.. Di niya alam kung hahakbang sya o hindi.. Hindi niya alam kung saan sya pupunta. Walang dereksyon..para syang dahon na sumasabay lang sa hangin. Walang sariling buhay. Until one day may nakakita syang broken road.”
“ Uhmm then.?”
“ Naglakad sya dito.. Kahit baku baku, kahit sira yung kalsada.. He was happy kasi kahit sira yung kalsada nakakahakbang sya.. That was the first time na naramdaman niyang hindi sya stuck.. Na gumagalaw sya.na meron sya dereksyon.. May pupuntahan.”
“ Then what happen.?” saad ko habang nakatingin sa mukha niya.. Ang sarap pagmasdan ni chris habang hinahangin yung manipis niyang buhok.
“Along the way may nakasalubong syang isa lalake. Inaayos niya yung kalsada.. Sinisemento niya.. Tinatanggalan ng damo sa gilid.. Pinananuod niya lang to hanggang malaman niya na yung lalake palang yun yung may ari nung kalsada.”
“ Seriously.? A road.? Own by someone.?”
“ Yeah.. Pinaalis sya nung lalake pero hindi sya umalis.. Bagkus inaway niya yung may ari. At sinubukan tong paalisin.. Pero hindi niya nagawa.. Nagsisi sya that time na sana sinubukan niya rin ayusin yung kalsada.. Na hindi lang sya dapat basta dumaan. Hanggang one day wala na syang nagawa ng tuluyan syang paalisin nung mayari.. Umiyak sya dahil at tangi nalang nagawa niya ay tanawin yung dating sirang kalsada na ngayon super ganda na.. regret..”
“ Yun na yun.? Ang sad naman ng ending.”
“ Nope nagkaroon ng sequel yun..” ngiti niya.
“ talaga.. What happened sa sequel.?”
“ Habang nakatanaw sya sa kalsadang yun may napansin niya yung katabing kalsada.. Maganda maayos.. Almost perfect.. Nangako yung kalsadang yun na kapag dumaan yung lalake dun.. Magkakaroon sya ng dereksyon. sinubukan nung lalake dumaan pero nakatanaw parin sya dating kalsada.”
“tanga.. Then. Ano nangyare.?? ”
“ hanggang isang araw iniwan niya yung bagong kalsada.. Feeling niya that road ay maayos na.. Na hindi na sya kailangan nito.. Sinubukan niya bumalik sa dating kalsda pero hindi parin sya hinayaan ng bantay..umiyak sya.. Umiyak ng umiyak.. Hanggang mapagod sya sinubukan niya bumalik dun sa katabing kalsada kasi di niya na alam kung saan sya pupunta pero meron na palang nagmamay ari nun.”
“ wow.. Ang sad..”
“ Umiyak uli sya.. He was stuck again.. Nowhere to go.. Ngalakad sya nang naglakad. Until one day.. May nakita uli syang broken road pero ayaw niya pumasok dito.”
“why.?”
“ The road was open pero punong puno ng torn yung dadaanan.. Ayaw niya dumaan kasi alam niyang masasaktan sya.. pero.”
“ pero?”
“ ayaw niya pero pikit mata syang naglakad papasok dito..at nangako sya na aayusin niya yung kalsada...tatangalin yung mga tinik.”
“ pano.?”
“ Love..?”
“ love.?”
“ Hindi alam nung kalsada na sira sya.. Na puro lubak yung daan.. Alam nung lalake na masasaktan sya pero gusto niya makitang maayos yung kalsadang yun.. Dumating man yung araw na may darating at aangkin yung kalsada.. Okay lang sa kanya basta ang importane di sya sumuko o susuko para maging magandang maganda yung kalsadang yun.. Na di lang niya basta dadaanan kundi magiiwan sya ng magagandang alaala.” ngiti ni chris habang nakatingin sa mga mata ko. “ and that is the ending.”
“ bakit di nalang sya tumawag sa DPWH.? Parang mas madali yun?”
“ fuck you.”
“Seryoso ako tange.? Pano kung yung kalsada ayaw na niyang paaalisn yung lalake.. Na kahit magstay sya dun bibigyan sya nito ng dereksyon..”
“ Sequel nung story.?”
“ gago .. I mean..”
“ Joseph dun nagtapos yung story dapende sa nagbasa or nakarinig kung ano yung magiging ending.. Kung nagiba ba ng way yung guy o hindi..”
“ Well kung ako magbibigay ng ending.. Di na sya dapat umalis sa kalsadang yun..”
“ well..nothing’s permanent.”
“meron..”
“ ano.?”
“ love.? A true love.. Alam mo yung problema dun sa lalakeng yun.. Naniniwala sya na balang araw may ibang darating para angkinin uli yung kalsada which is wrong.. Kasi di alam nung lalake na wala nagmamayari dun.. ”
“ alam mo ba yung story na yun.?”
“ hindi..?” ngiti ko saka sya inakbayan. “ ikaw ang unang nagsabi sakin ng forever chris kaya maniwala ka dun.” saad ko humugot naman sya ng malalim na hininga. “ You just have to believe that forever do exist. Sabi nila hindi raw totoo yung forever kasi wala pa daw nagpapatunayan na totoo yun.. Marami sububok na patunayan yun pero lahat sila sumuko.. Lahat sila napagod.. Lahat tumigil maniwala.. Alam mo mapaptunayan natin yung forever if we stop giving up.. I f we keep on fighting.. Pano malalaman kung along the way sumuko ka.”
“ Joseph..” saad niya hinawakan ko lang yung kamay niya
“ You know what chris.. Meeting you was fate, becoming close to you was a choice but loving you.. Forever.. I had no control over.”
“ This is me joseph.. Nasaktan ako before.. Nasaktan ng nasaktan.. And because of that madami ako natutunan.. Madami bagay yung tinatak dito sa utak ko. Alam mo Dati naniniwala ako na love is learning process sinubukan ko magmahal ng iba.. Sinubukan ko makipagrelasyon. Until I realize love is not something we think here..” turo niya sa sintido niya.. “ joseph it is something that we feel here.” turo niya sa puso niya.
“ yeah.. You’re right.. So will you stop thinking na nothing’s permanent.?”
“ Uhmm..”
“ Now tell me.. Naniniwala ka sa forever.. Na buong buhay mo hinihintay mo yung forever na yun.. Tell me chris na sa relasyon to.. It’s not just me who believe in forever..”
“ Joseph... Pano kung one day iwan mo din ako..forever ba ang tawag dun.” nakatungong saad niya kta ko naman na may tumulong luha sa mata niya. “ gusto ko maniwala na ito na yun.. Na ikaw na.. Pero natatakot ako.”
“ Don’t be scared.. I’m here..” ngiti ko sa kanya hinawakan ko naman yung ulo niya saka sinandal sa balikat ko. Sabay namin pinagmasdan yung buong lugar. “ I was born the night we kissed .. And in that moment I know we were infinite.” saad ko ramdam ko naman yung mahina niyang hikbi.
“ Joseph nakamove on na ko..”
“ I know.. Hindi lang lahat ng natutunan mo tama. Maraming bagay ang ituturo sayo ng buhay pero hindi lahat matutunan natin ng Tama.”
“ Joseph turuan mo ko maniwala uli sa forever.. Please.” rinig kong saad niya. Hinarap ko lang yung mukha niya saka tinitigan sa mata. Pinunasan ko lang yung luha sa mata niya. “ gusto ko maniwala uli.. Please.?”
“ hindi lang kita basta tuturuan.. Papatunayan ko pa sayo na totoo yun.” ngiti ko saka sya masuyong hinalikan sa labi.. Dinama yung lambot ng labi niya.. Nilasap yung bawat sulok nito.
Kasabay ng ihip ng hangin. Pagaspas ng mga dahon sa paligid.. Sa bawat tunog ng tibok ng puso naming dalawa.. And this moment I swear that we were infinite.
Lumipas yung mga linggo naging puspusan yung mga rehearsal namin. Lahat kami excited sa magaganap na anniversary ng SBR kung saan kami ilalaunch bilang bagong mukha ng kumpanya.. pressure.. May kaba pero andun yung saya we believe in each other.. I know na kaya namin yun. This is our moment.. At papatunayan namin sa mundo hindi lang mukha ang meron kami.. Kundi talent..
“ Ok guys..!! Tomorrow is the day!” masiglang saad ni mr. Sanchez pagpasok sa music room.. Tumigil naman kami sa pagrerehearse.. “ are you excited guys.? Alam niyo ba na kumakalat na sa mga social media yung spekulasyon kung sino sinong artist ba ang ilalaunch bukas.. Nakita niyo ba guys.? Well may ilan na tama.”
“ Yeah nakita namin.” saad ni paul.
“ Ok.. Sikat na sikat ka talaga Joseph.. Bukod sa pagiging suma cumlaude mo.. The Antagonist Is so papular.. Of coure lumabas din yun speculation about Christian Castillo...Hashtag A guy who falls hard.” ngiti ni Mr. Sanchez napatingin naman ako kay chris. “ is it true chris.?”
“ Yeah..”
“ Wag ka muna maiinlove huh..” saad pa ni mr. Sanchez.
“ sure.” saad ni Chris.
“ And Joseph hashtag A mysterious guy..? Are they sure about this..? Misteryoso ka ba Joseph.?”
“ Walang ibang friend yan bukod samin Mr. Sanchez.. Maungit po kasi.” ngiti ni paul.
“mali yan Mr. Sanchez I think dapat hashstag scary guy.” ngiti ni justin nagdirty finger naman ako sa kanya.
“ I see..Thomas.. Hashtag A guys who flips everything.. wow.” nagflip naman ng buhok si justin na ikinatawa namin haha.. “ And Paul.. A guy who will make your heart beat faster and slower at the same time..”
“haba naman ng hashtag niya.” ngiti ko.
“ This is it.. Ako na unang babati sa inyo ng congratualtions.. I’m sure after the launching sunod sunod na yung interviews niyo..guesting and everything so be prepared..”
“ I’m so excited..” saad ni Justin.
“ Guys there is no room for mistakes tomorrow night ok dapat everything will be perfect.. Your voice, musicality..instrument.. Guys this is what we are waiting for.! Thisis going to be huge.. Maraming pupunta sa anniversary. Reporters so make sure gwapo kayo bukas.”
“ thank you po Mr. Sanchez kasi naniwala kayo samin.” ngiti ko dito.
“ thank you po Mr. Sanchez kasi naniwala kayo samin.” ngiti ko dito.
“ Joseph.. Talented ka. Kayo.. And you guys deserves a big spot in the music industry.. SBR just here.. To be your stepping stone para magtagumpay kayo and we are proud na magiging part kami ng future success niyo.”
“ Thank you po.” ngiti ko.
“ Ok guys.. Umuwi na kayo.. Get some sleep, relax make sure yung boses niyo for tomorrow is perfect okay.. Chris goodluck I know you can do it..”
“ ok po mr. Sanchez.”
“ I have to go.. See you tomorrow.” ngiti nito tumango lang kami.. Pagkalabas ni mr. Sanchez agad lang ako yumakap kay chris. Sinagot naman nito yung yakap ko..
“ This is it!” ngiti ko ng humiwalay ako sa kanya.
“ This is really is it!” ngiti ni Justin saka yumakap din sakin dinakot ko naman yung mukha niya saka nilayo sakin.
“ kailangan nangyayakap.?”
“ eh bakit ikaw niyakap mo si chris.. Group hug dapat.?”
“ Wehh..” ngiti ni chris dito natawa naman si paul saka lumapit samin.
“ Paul.. Ito na yun.!! ito na talaga..! The Next big thing!” excited na saad ko saka mahigpit na yinakap si paul.
“Masakit naman joseph.!”
“minsan lang kita yakapin reklamo ka pa.” ngiti ko.
“ bakit ako joseph ayaw mo yakapin.?” simangot ni justin.
“ Justin.. Ok fine.” saad ko saka sya niyakap ng mahigpit ramdam ko naman yung sagot niya dito.. Nang lingunin ko si chris kita ko lang na umiwas sya ng tingin. “ nagseselos sayo si chris.” gulo ko ng buhok niya.
“ bakit kay paul di sya nagseselos.?”
“ Eh halos kapatid ko na si paul eh.. Saka ang touchy mo kasi masyado.” saad ko saka lumapit kay chris.
“ anong mukha yan.. Gusto mo ng sapak.?”
“ May gusto talaga siguro sayo si justin noh.?”
“ Hoy chris wala akong gusto kay joseph noh sayong sayo yan.. Si erika lang kaya gusto ko. At one more thing hindi Justin ang pangalan ko.. Please naman launching na bukas tigilan niyo na kakatawag sakin ng justin pwede.?”
“ Whatever..” ngiti ko sumimangot naman sya.
“ Hoy chris si erika lang mahal ko so wag kang magaalala.”
“ Si erika..? Eh sino yung kasama mo lage.?” singit ni paul.. Napatingin naman kaming lahat dito.
“ Sino kasama mo lage justin.?” tanong ko.
“ Wala.. Ang dumi ng utak mo paul huh.. Si erika.. Nagiisa lang sya sa puso ko kaya shut up.”
“ Lage ka nalang bumaba ng unit sa gabi.. May pinupuntahan ka noh.?”
“Make friends .. Di ba pwede yun..?”
“ows.”
“ Ren hindi ka ba masaya.?” tanong ni paul.. Lumingon naman ako kay ren na nakaupo sa sofa habang nakaharap sa computer niya. As always haha. “ hoy ren.?”
“ah eh ano yun.?”
“bukas na yung performance natin. Hindi ka ba masaya.?”
“Of course I’m happy.. May ginagawa lang ako.”
“ tungkol nanaman yan sa lovelife mo for sure.” ngiti ko sumimangot naman to.
“ Don’t mind me.. Mag celebrate nalang kayo.. I have to go.” saad niya saka sinara yung laptop niya at nilagay sa bag.
“ Punta ka sa unit namin Ren.?”
“ Uhm may pupuntahan pa kasi ako.. Goodluck tomorrow kita kita nalang dito. I’ll text the schedules nalang..” ngiti niya saka lumabas ng studio..nagkatinginan naman kaming lahat.
“ Pano niyo ba naging kaibigan yun..?” tanong ni Justin.
“ Long story but to make it short..I don’t know.” natatawang saad ni paul natawa naman ako saka inakbayan si Chris.
“ I love you..” halik ko sa pisngi niya. “ at humanda ka sa sapak ko sayo mamaya.” saad ko.
“bakit.?”
“ Di ba.. kapag nagselos ka isang sapak.?”
“ eh..”
“ Remember .. Im not capable of hurting you kaya di ka dapat magselos kasi itong puso ko sayo lang.” kurot ko sa pisngi niya.
“ Buset ka joseph.>! Nainggit ako bigla.. Pwede bang sa condo nalang magstay si Geo.?”
“ tangina ka paull.. Awkward kaya.” iling ko habang nakatingin kay chris.. Putek may past sila ni geo tapos nakakasama namin sa condo.. I know past na yun pero. Kasi.. Haixt nakakaselos kaya.. Okay naman kami ni geo okay na din sila ni chris.. Awkward lang talaga haha
“ what.?!” gulat na saad ni Justin. “ grabe ka paul.. Eh isang beses sa isang linggo na nga lang ako nakakatulog sa kwarto.. Take note kapag natutulog ako dun iba na yung amoy nung bed sheet.!”
“ yuck.” napapakamot na saad ko. “ buti kami minsan sa cr..”
“ enough na yan pwede..?!” simangot ni justin. “ wala akong lovelife at pinamumukha niyo sakin yun..”
“ ok guys. Wag pansinin si thomas... Uuwi na tayo. We need to sleep ng maaga.. bukas tayo magcecelebrate after ng launching okay.” ngiti ni paul.
“ Whatever sa inyo.. Pwede naman akong humingi kay daddy ng sarili kong condo..”
“bakit di mo gawin..?” tanong ni chris.
“ EH ayoko malayo kay joseph.?” saad nito.
“ may gusto ka kay joseph Couz.?” ngiti ni paul.
“ Ako..? Wala.. May gusto sa kanya si erika at nakakasama ko lang si erika kapag nasa tabi ko si joseph.. Haixt saklap talaga.. Ano ba kasi wala ako na meron si joseph.. Gwapo naman ako ah.. Kung hindi ko lang mahal yung babaeng yun baka nakailang girlfriends na ko.. Imagine ilang buwan na kong single para kay erika tapos hindi niya ko pinapansin.. Wala naman akong nagawang masama sa kanya eh.! Ang unfair unfair!”
“ wag pansinin ang lovelife ni Thomas.. Uwi na tayo.” natatawang saad ni paul.
“ yeah paul.” ngiti ko.
“ Wala man lang magcocomfort sakin.? Ang bubuti niyong kaibigan.. Grabe.!” simangot ni justin.
“ Eh tigilan mo na kasi si erika..” ngiti ni paul.
“ may huling baraha pa ko sa babaeng yun.. Kapag nalaman niya yung relasyon ni chris and joseph I’m sure magugunaw ang mundo nun.. At mamahalin niya na ko.” ngiti ni Justin.
“ hoy Justin wag mo sasabihin.! Sasakalin kita.” simangot ko sa kanya.
“ try me.” ngiti nito sinakal naman to ni paul.
“ How about try me couz.” natatawang saad ni paul.
“aray naman paul bitawan mo ko..!! Aahh I can’t breath..!” reklamo nito. “ susumbong kita kay dadddyy!!” binitawan naman sya ni paul.
“Umayos ka couz.. Ang secret dapat secret lang kapag nalaman ni erika kakalbuhin talaga kita.”
“ Fine whatever.”
Inayos lang namin yung mga gamit sa studio pagkatapos ay umalis na rin.. Busyng busy yung mga tao sa building na yun para sa magaganap na event bukas.. haixt. nakakakaba pero mas lamang yung saya at excitement.. Wooh.. This is it..
Alas nueve na nun ng gabi. Paguwi namin sa unit namin natulog na sila paul at justin.. Si chris naman nakatulog na din. Aixt excited na talaga ko para bukas.. Ito na yung dream ko. Dati si franz at mama lang naniniwala na may talet ako.. Ngayon buong bansa na makikinig sa boses ko... Namin ni chris.. A dream come true. Minsan talaga kahit hindi mo hingin ang isang bagay.. Ibibigay parin to ni god.
Napangiti lang ako.. Thanks god.
dinial ko naman yung number ni mama.
“ joseph anak.?”
“ You are my sunshine my only sunshine, you make me happy when skies are grey..” kanta ko rinig ko naman yung mahina niya pagtawa. Okay na ngayon si mama.. Syempre sa tulong ng gamot At pinagdarasal ko na patuloy yung paggaling niya kasi ginagawa ko to para sa kanya.. Para tuparin lahat ng pangako ko at mawawalan ng saysay to kapag nawala sya.. “ miss you ma.. Sobra.. Namiss mo ba ko.?”
“ok.. namiss kita kahit galing lang kayo ni chris kanina dito.” saad nito.
“ I love you ma.. Bukas na yung launching namin agahan niyo nila franz huh.”
“Oo naman anak.. Magiging part kami ng simula ng success niyo.”
“excited na ko ma.”
“ I’m so proud of you anak.. So proud.”
“ para sayo to ma..”
“ You can’t sleep ba.. Ubos na ba yung tea mo.?”
“ Magtitimpla nga ako ma eh.. Di kasi ako makatulog sa excitement.. Ma kinakabahan ako pero sobrang gaan ng pakiramdam ko.. Alam mo yun ma para akong nakalutang.parang yung puso ko punong puno ng bula.. Sobrang saya ko.”
“ goodluck anak.”
“ Thanks ma. Wag niyo kalimutan yung gamot niyo huh saka yung food niyo wag niyo kainin yung bawal.. Alagaan niyo yung sarili niyo.. Gusto ko habang natutupad yung panagrap ko ma.. Nakikita niyo.”
“ Of course anak.. I’ll be here wathcing you every step of the way. matulog ka na bawal ka mapuyat di ba.?”
“yeah..i love you ma huh.”
“ wait.. Kanta ka nga uli please isa lang..” napangiti lang ako saka nakagat yung labi ko..” dali na.?”
“ You are my sunshine,... my only sunshine.. you make me happy.. When skies are grey you never know dear. How much I love you so please don’t take my sunshine away.” kanta ko habang nakangiti kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko. Nakakaiyak pala na kapag yung pangarap mo unti unti ng natutupad. Yung kala mo imposible dati naging psoible na.
“ Love you anak.” saad nito hanggang maputol yung linya.. Haixt sobrang saya ko.
Naglakad naman ako papunta sa kusina saka binuksan yung ilaw.
“ waaaaahh..!!” gulat na saad ko ng may makitang lalake na nakatalikod. Nahawakan ko lang yung dibdib ko ng humarap to.
“ Tea.?” pilit na ngiti ni chris.
“gago ka.. Papatayin mo ba ko sa takot..!! Di ba tulog ka na.?”
“ nagising ako eh wala ka kasi sa tabi ko.” saad niya umupo naman ako sa upuan saka pinagmasdan yung pagpeprepare niya ng tea.
“ balak mo ko takutin noh. Ang sakit sa dibdib chris.. Shet ka!?”
“ Yeah.” ngiti niya sinimangutan ko naman sya. “ effective ba.?”
“ pasalamat ka launching bukas kung hindi sasapakin kita sa mukha.”
“ di mo naman kaya yun?” ngiti niya saka nilagay sa tapat ko yung tasa. “ di ka talaga nakakatulog pag walang Tea noh.?”
“ Minsan..”
“ I have a suggestion..”
“ what.?”
“ joseph hawakan mo nalang yung tea ko habang magkatabi tayo.. Malay mo effective.?”
“ gago.. Mas lalo nga akong napupuyat kapag ginagawa mo yun.” simangot ko,.naginat inat naman sya saka umupo din at nangalumbaba sa mesa habang nakatitig sakin. “ what.?”
“ simula bukas.. Mababago na lahat..”
“ what do you mean.?”
“ dadami na yung fans natin.. Liliit na yung mundo para satin.. Di na tayo makakapunta ng mall na hindi pinagkakaguluhan. Makikilala na tayo ng lahat.”
“ tingin mo.?”
“ Yeah.. So gusto kita titigan sa huling gabi ng pagiging normal na joseph mo.”
“ para kang ewan.. Ikaw kaya ang lead.?”
“ yeah ito yung huling gabi na normal pa tayo.”
“ sabi mo eh.. You want a kiss.?”
“ yeah.” saad niya saka lumapit sakin at hinalikan yung labi ko.
“ enough..” tulak ko sa kanya saka nagbigay ng ngiti,
“ damot.. Hilig mo pala magbasa ng books noh.. Specially bob ong nook.?” saad niya habang nakatingin sa mukha ko.
“ yeah.. Favorite.?”
“ At nakita ko to sa isa sa mga book mo.” saad niya saka may tinaas na picture. Picture ni erika.
“ pakialamero.” ngiti ko saka uminom sa tasa. “ si erika naglagay niya.
“ Talaga.. Close kayo noh buti natatagalan mo yun?”
“bakit.?”
“ Nungnaging girlfriend ko kasi yun sobrang arte niya.. Gusto sya lage naususnod..”
“ Uhmm maarte nga pero okay lang mabait naman yun.saka close sila ni mama.” Napalingon lang kami ng marinig yung katok sa pinto. “ may ineexpect ka bang darating ngayon.?”
“ Wala.?” saad ko.
“ Eh sino yan.” saad ni chris saka tumayo at naglakad papunta sa Pinto nagkibit naman ako ng balikat saka sumunod sa kanya..sumilip lang sya sa butas saka lumingon sakin.
“ sino.?”
“ kapatid mo.” saad niya umiwas naman ako ng tingin. “ ano.?”
“ Open it.” walang emosyong saad ko.. Binuksan naman ni chris yung pinto bumungad lang samin yung mukha nito na may ngiti sa labi.
“ Hi.”
“ May kailangan ka.?”
“ Just want to inform you.. Manunuod si mommy bukas.”
SI KRISTEL
“ best tiningnan mo to dali!!!!” sigaw ko habang nakatambay kami sa isang cafe. “ best dalian mo naman!!” sigaw ko uli.. Artista ba yung JA na yun.. Bakit.. Naaa..!! “ best ano ba.?!”
“ Oh my god best kalalabas ko lang ng restroom boses mo agad naririnig ko.. Maghintay ka!” simangot nito saka ininom yung Coffee sa harap niya. “nakakahiya ka grabe..Pinagtitinginan tayo oh.” saad nito napalingon naman ako sa paligid kita ko lang yung mga customers na nakatingin sa pwesto namin
“ Wala akong paki best.. This is a free country okay.”
“ Ano nanaman ba yang makatanggal lalamunan na nakita mo. Kung tungkol nanaman to sa panget na hampaslupang james na yun. Wala akong oras makinig..naririndi na yng utak ko sa pangalan niya kaya please lang.. Ilang beses mo na sya jan pinatay sa utak mo di ba.. Enough na.”
“ Best si JA!”
“ Sino..?”
“ JA.?” kita ko naman na napanganga to.
“ Inaaccept na niya Friend request mo..?!?Oh my god patingin!”
“ Hindi!! Hindi ko naman sya inaadd eh.. Look at this.” saad ko lumipat naman sya sa tabi ko saka tiningnan yung laptop “Maglalaunch ang SBR ng boyband..?”
“ and..? Ano naman..? Well first time nila maglalaunch ng boyband..mukhang bago yun..”
“haiixxt Tingnan mo yung comments!!” irap ko.. Nagscroll naman to. “ Si JA ang sinasabi na magiging frontman ng Banda.? Best I know mukhang artista sya pero..Hindi pang artista yung ugali nun! Panghorror pwede pa.”
“ .Joseph Arthur Reyes.. Ang ganda talaga ng pangalan niya.. Ang gwapo gwapo ng dating talaga best.. At yung lips niya ang sarap sarap.”
“ shut up best sinabihan ka lang ng maganda nainlove ka na.. Di ba sakin mo sya nirereto.. Paalala ko lang huh may asawa ka na.. At may syota tong JA na to.”
“ Crush lang naman best.! Ang damot mo.” simangot nito.
“ Best kapag sya ang magiging frontman.. Ngayon palang ako na ang number hater niya.. Bang sama ng ugali niyan kala mo kung sinong gwapo napakayabang.. Laitero., Walang puso. For sure best napakasaklap ng buhay niya kaya ganun ugali niya. Pasalamat sya gwapo sya kasi kung hindi patapon sya.! For sure best hindi nakatapos ng pagaaral yun.! Pustahan tayo gwapo lang yan.. Baka nga bakla pa yan eh.!”
“ Best Matalino sya.. Look suma cumlaude oh.?”
“ kalokohan yan best pustahan tayo..!”
“ excuse me.?” rinig kong saad ng isang babae.. Lumingon naman ako nakita ko lang to na nakataas ang kilay.
“ what.?” tinaasan ko din sya ng kilay. “ who the fuck are you.?”
“ best.. Relax huh.” bulong ni tricia.
“ If I’m not mistaken Si joseph ang pinaguusapan niyo right.?”
“ And so..?”
“ Erika.. Balik na tayo sa mesa natin please.” saad nung kasama niya namukhaan ko naman to.. Sya yung nasa bahay ni JA.. Uhmm so defender pala to ng mayabang na yun. Tumayo naman ako para harapin sya.
“ Di mo ba ko kilala.?”
“ hindi at wala akong panahong kilalanin ka.”
“ Let me introduce myself to you bitch.!” gigil na saad nito taas noo naman akong nakipagtitigan sa kanya.. Bitch pala huh..“ I’m Erika Gorgeous De Guzman... And I’m his girlfriend.” madiin na saad nito.
ITUTULOY
Yeah, babasahin ko na... :D salamat sa update author..... ! Thank You!
ReplyDeletePigilan niyo ako! Sasampalin at ingungudngod ko kay Erika iyung KONTARA ng PULSAR sa SBR!
ReplyDeleteGo Erika!
ReplyDeleteNext na please :)
I can't wait.. haha..
''Joseph just promise me that we're going to build a lot of beautiful,good and lovely memories while we love each other''
ReplyDeleteshoota!! naka relate ako dito hahahahah
cant emagine na mababasa ko to ulit dito huhuh
>ash tee here<
Some infinities are bigger than the other infinities.”
ReplyDelete-hazel grace of FAULT IN OUT STARS
nanood ka pala nun!...hahaha
Nice update at nakaka kilig ung moment nina chris at joseph pag mgkasama, kaso panira ung ginawa ni erika pag nalaman kaya ng SBR at ng media panu na kaya........
ReplyDeleteNext two chapter na agad kuya blue....
Galing!!!!
ReplyDelete-JM PEREZ-
alexander,,, ayusin mo yan hinayup*k na yan!!!!! sinasabi ko sayo.. ako =ang makikipagpatayn sa mga kokontra sa kanila!!!!
ReplyDeleteSana si Joseph at Chris na ang forever
ReplyDeleteGanda ng chapter na to... Looking forward to the next... Thanks Author
ReplyDelete