The John Lloyd Diary
Chapter V
by: Apple Green
jaceanime@gmail.com
Hello sa lahat! Sorry na at natagalan ang update. Bumisy lang ng konti. Graduation ko kasi the other day. And now, I’m OFFICIALLY UNEMPLOYED. Baka may alam kayong pwede mapasukan? LOL!
Paunawa: HINDI KO PO HINIHIKAYAT ANG KAHIT SINO NA PUMUNTA AT MAGLAGI SA PLANETA. Pero kung gusto nyo talaga, eh di wow! Make an account at your own risk. At nga pala, para kay UEL. Bro, USAP tayo. Nyahahaha!
Anyway, di ko na papahabain ang AN ko. Enjoy the Pancit Canton – este, ang panlimang chapter pala ng #TheJLDiary..
- Jace
==============================================
"So what now? Ngayon na nagkita na kayo, ano ng susunod sa inyo?"
Hmmmn. Ano nga ba?
The talk we had yesterday went okay.
At sa tingin ko naman ay nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay tungkol sa susuungin naming sitwasyon.
"Wow. Sure ka? Sa tingin mo!"
Oo. Parang?
"Parang? Alam mo, muntanga ka! Ano ba talaga?"
Ay. Basta!
Kung dati ay may pag-aalangan ako dahil sa mga katanungang nakasabit sa ulo ko tungkol sa kanya, kahapon naman ay medyo nabawas-bawasan ang mga katanungang iyon.
Let's do an inventory check. Anu-ano nga ba ang nalaman ko tungkol kay Kayne kahapon?
Una, ang buo niyang pangalan ay Mark Kayne Dela Rosa. Tiga kabilang bayan lang, at mas matanda sa akin ng mahigit kumulang tatlong buwan. Graduate na siya ng BS Medical Technology sa pristihiyosong Raviola University, na dati ko pang nalaman mula sa kanya, pero hindi pa sya nakakapag-Board Exam. Sa ngayon, nagta-trabaho siya sa isang call center habang hinihintay ang susunod na schedule ng Board Exam.
He's still not that open about some, well okay, most things about himself. At lalo na din tungkol sa pamilya niya. Pero ang alam ko lang ay Highschool teacher ang Mama niya, at isang empleyado sa kanilang munisipyo ang Papa niya. His older brother also remains a mystery. Isa lang ang sinabi ni Kayne tungkol dito. Their attitudes are most likely the same.
Para sa akin, okay lang talaga na hindi pa sya ganoon kabukas tungkol sa buhay niya. Siguro dahil na rin sa sinabi niyang ako pa lang ang unang tao, maliban sa mga kaibigan niya sa college, na naging malapit na sa kanya. At hindi naman ako nagmamadaling malaman ang lahat tungkol sa kanya. Pero sa mga nangyari kahapon, nalaman kong totoo at kumpirmado ang mga na-obserbahan ko sa kanya.
He's an introvert. Yung tipong hindi masyado nakikisalamuha sa ibang tao. Yung di naman ka-emo-han na tipo, pero malalaman mo agad-agad sa ilang oras na pakikipag-usap sa kanya.
At naiintindihan ko iyon. It was his way of life for so many years now. A defense mechanism for him to survive the life he had.
Sabi ko nga noong nakaraan, kailangan ko ng ibayong pasensya at tatag ng loob. Alam kong ako ang mas dapat mag-adjust sa aming dalawa. Mas may karanasan ako sa mga ganitong bagay, at responsibilidad ko na intindihin siya.
"Ginusto mo yan, kaya panindigan mo. Hindi biro ang pumasok sa isang relasyon. At alam kong alam mo yan Levi. Namomroblema ka na nga sa sarili mo, ano pa kaya kapag bumalik ka na naman sa buhay may boyfriend?"
Oo na. Alam ko naman eh. At wala naman akong planong hindi panindigan ang desisyon ko. Gusto ko si Levi at hindi naman sya ganoon kahirap mahalin. Masaya ako sa kanya, at alam kong ganoon din siya sa akin.
"Talaga lang ah? Naku, sinasabi ko sayo. Wag na wag ko lang mararamdamang nagsisisi ka sa mga naging desisyon mo. Don't kill yourself by making the same mistakes again, Levi."
"So..." Panimula ni Kayne habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa ng apartment ko. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng una kaming nagkita, dito mismo sa apartment na ito. In between those dates, are just us, exchanging text messages. Ngayon nalang ulit kami nagkita, sa pangalawang pagkakataon.
"Hmmm?" Baling ko sa kanya. He's still wearing that sweet smile. Yung kapag nakatitig ako sa kanya, parang gumaganda lahat ng nasa paligid ko. Yung kapag nasulyapan mo ang mga mata niyang nakikisabay sa pag-ngiti ng kanyang mga labi, ay gusto mo lang siilin ang pangalawa ng halik sa sobrang ka-gwapuhan niya.
"You're still not telling me about something." Umarko naman ang mga kilay ko sa pahayag nito. Halos naman kasi lahat ng tungkol sa buhay ko ay naibuklat ko na sa kanya sa mga nagdaang araw, lalo na nung una kaming nagkita.
"And by something, you mean?"
"You're past. Yung taong naging dahilan kung bakit mo ako binara nung si Ikthus pa ako." Ngiti niya. Honestly, I don't want to talk about Jeffrey as much as possible. But seeing an angel's pleading smile in front of you?
"Not fair. Ako lang naman tong nagkukwento tungkol sa buhay ko eh. Ikaw, puro ka excuses at pa-misteryo. Asan ang hustisya dun?" Reklamo ko.
"Sige na. Please?" Lalo pang lumaki ang mga mata niya sa pagnanasang bumigay ako't pagbigyan siya sa gusto niya, kasabay ang mas matamis na ngiti.
"No. You're not using those kitty eyes on me. Di yan tatalab sa akin." Pero sa totoo lang, kahit ako ay di ko makumbinsi ang sarili sa aking sinabi.
"Biko." Tawag niya sa akin na nakasimangot. Nagdadabog kuno.
Yumakap siya sa akin, at inilibing ang sariling mukha sa aking dibdib, tulad ng ginagawa niya simula pa nung unang beses kaming nagkita. Napailing nalang ako't napapangiti sa ginagawa niya. This guy really knows my weakness. And his exploiting that weakness to get what he wants. Tss.
Mula sa pagkakabaon sa aking dibdib, iniangat niya ang kanyang paningin sa akin. "Biko. Sige na. Please?" At iyon na nga. Ginamit niya ang pinakamalakas niyang alas mula sa akin. Ang ngiti niyang nagpalitaw sa mukhang wrinkles niya sa gilid ng mga mata, na para sa akin ay ang pinaka asset niya.
Haaay! Mababaliw ako sa lalaking ito. Why does he have to be this cute for me to disarm myself and to not put up a fight?
Napabuntung-hininga nalang ako pagkatapos makapag-desisyon na pagbigyan ito sa gusto nitong malaman. Sana kung anu't ano man ang malaman niya tungkol sa amin ni Jeffrey, ay hindi maging dahilan para mag-iba ang tingin niya sa akin.
"Okay. Uhmmm, it was way back January of 2011 when Jeffrey, my ex, and I met. Una kaming nagkakilala sa Planeta, at ilang araw din kaming magkatext lang, hanggang sa isang araw, nagkita kami." Panimula pa lang yun, pero tumutulo na ang pawis ko sa noo dahil sa kaba, at sa maaaring idulot ng kwentong iyon sa pananaw ni Kayne sa akin.
Pero bahala na. Honesty and Communication. Those are two of the five pillars that we agreed to built, for this relationship to work.
"Una kaming nagkita sa isang restobar sa may downtown area. We had dinner, and some beer after that, just to set up the mood. At para narin tanggalin ang hiya-hiya sa mga katawan namin." Pagpapatuloy ko.
"That was almost five years ago, right?" Tanong ni Kayne.
"Uh huh." Pagkompirma ko. "I was a 16-year old stupid and reckless brat back then. Yung hindi pa masyadong aware at concious sa paligid ko. I used to meet up different guys from the site just to have some companions, but not to the point of having sex with them." Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Kayne nung binanggit ko ang salitang iyon. "Don't get me wrong. Yes, I was reckless, but I was not a slut."
Binatukan niya ako. "Watch your words Levi." Natawa naman ako. Alam ko, at sinabi niyang ayaw niya na nagsasalita ako ng mga salitang ganoon. But I shrugged that off. "How old is Jeffrey?" Boom panes! This is it. The moment of truth.
Natawa ako, habang siya'y nagtaka sa pagtawa ko. "I was 16 when we first met, and he was... 33. Now, he's 37. At sa tinagal ng panahon na naging kami, nagsama kami sa iisang boarding house. Live-in, kumbaga."
Natatawa pa rin ako sa dahilan na sobrang na-shock si Kayne sa nalaman. Hindi siya nakapagsalita. Tila naging tuod ito at napako sa posisyon niya sa aking tabi.
"Yeah. Part of our failure as a couple was due to that almost 17-year age gap. We struggled hard to understand each other, but at the end of that almost-four-year commitment, we still failed."
"Elaborate." Pangungusisa pa niya habang napapa-iling.
"Nung bago pa lang kami, inaamin ko, madami akong pagkakamali at nagawa laban sa kanya. Nagtatalo at nag-aaway kami noon. Inakala kong sa bawat away at hiwalayang iyon, na nauuwi rin pala sa balikan, ay katapusan na ng relasyon namin. Kung kaya agad-agad akong bumabalik sa Planeta, na siyang ikinakagalit at ipinagseselos niya. Those happened during our first year."
"Oh my goodness Levi! Alam mo ba yung tinatawag nilang Three-Month Rule?" Nasapo ni Kayne ang sariling noo sa kabaliwan ko noon. Alam ko, at aminado akong, mali naman talaga ang ginagawa ko noon. Ang Three-Month Rule na iyon ay nagsasabing hindi ka dapat maghanap, lumandi, at magpalandi sa loob ng tatlong buwan pagkatapos ng isang break-up.
"Yeah, just found out about it last month." At natawa ako. "Yan ang napapala mo sa kakapanood kay John Lloyd eh." Pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Don't you dare do that to me Levi. Dahil kung gagawin mo yan sa akin, susunugin kita ng buhay sa may plaza, para makita ng ibang tao ang pwedeng mangyari sa mga taong gagaya sayo." Nagsisimula ng mamula sa inis ang mukha ni Kayne, kung kaya inakbayan ko ito at inihilig ang ulo sa aking balikat.
"Chill, Biko. Pwede naman sigurong ipagpatuloy ko ang kwento diba?" Hinampas pa ako nito sa may dibdib ko. "Kalma ka nga lang. Sabi ko naman sayo, kampante na ako sa pagkakataong ito. Hindi na ako ang dating Levi. Give me some chance to show that I've change. Please?" Hinahaplos ko pa ang buhok niya habang naramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa aking bewang.
"Ituloy mo." Utos niya.
"When I finally realized that I was stupid for commiting such failures, I decided to straighten up. For the next 2 years, I've worked hard to redeem myself and love him. Para bumawi. Para masabi niya namang sinusubukan kong magbago para maisalba ang relasyon namin. Pero ang problema kay Jeffrey, sa tuwing nagkakaroon ulit kami ng away at hindi pagkakaunawaan, sinusumbat niya ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Inakala kong nakikita niya ang pagtyatyaga ko para magbago, pero sa kasamaang palad, pagkatapos ng dalawang taong iyon, hindi pa rin pala niya nakita."
Humigpit ang hawak ni Kayne sa bewang ko. Nakikita niya siguro ang lungkot sa mata ko habang nagku-kwento. He's trying to comfort me.
"Away. Hiwalayan. Balikan. Tas away na naman at hiwalayan, at nauuwi din sa balikan. Ganoon ang naging set-up namin ni Jeffrey. We were running in an endless loop of deep shit. Hanggang sa isang araw, nag-away kami, na hindi ko naman matandaan kung ano ang dahilan, pero alam kong hindi sapat na rason para gawin ang ginawa niya pagkatapos ng away na iyon."
"What did he do?"
"Nag-uwi lang naman siya ng lalaki sa sarili naming kwarto sa hinayupak na boarding house na iyon. At ako naman, napahiya sa mga kasamahan namin sa bahay, nanatili nalang tahimik at umiiyak sa isang sulok ng kusina, habang nagsa-something something sila nung lalaki sa kwarto namin." Alam kong nakalipas na iyon, ngunit may konting kirot pa rin sa puso ko habang binabalikan ang alaalang iyon.
Niyakap naman ako ni Kayne. Kita sa mata niya ang pag-aalala sa akin. Pero sinuklian ko lamang ito ng ngiti. "Anong nangyari pagkatapos nun?"
"Pinalayas ko siya sa boarding house. Itinapon ko lahat ng mga gamit niya sa labas ng bahay. Di mo naman siguro ako masisisi sa ginawa ko diba?" Tumango siya. "Pagkatapos ng isang linggo, umalis na ako sa boarding house na iyon at naghanap ng ibang malilipatan. Pero kalaunan, na realize kong baka gumaganti lang sa akin si Jeffrey, sa mga nagawa ko noong bago pa kami. At yun nga. Nung nakipagkita siya sa akin para mag-sorry sa ginawa niya, pinatawad ko siya at nangako kami sa isa't isa na magsisimulang muli sa umpisa, na hindi na bago sa tuwing magkakabalikan kami."
"So nagsama na naman kayo ulit?"
"Oo. Pero pagkatapos noon, ang inakala kong bagong bahay bagong buhay namin, ay isang malaking pagkakamali lang din pala. Kasi ganoon pa din kami eh. Napaka possessive niya. Kahit mga kaibigan ko ay pinagseselosan niya. Gwardyado ang cellphone ko, at lahat ng nagtetext sa akin ay dapat may eksplenasyon kung sino at ano ang pakay nun sa akin. Hindi na ako nakikihalubilo sa mga kaibigan ko, sa takot na pagsimulan na naman iyon ng away sa pagitan naming dalawa. Minsan, nagnanakaw siya ng text mula sa cellphone ko at tinetext ang mga kaibigan ko at kung anu-ano ang sinasabi para magkasiraan kami nung mga kaibigan ko. Ganoon siya."
"I think he's mentally ill." Komento ni Kayne.
"Ganoon na nga ang duda ko. Then late last year, I decided to give up. Hindi ko na kaya. Takot ako sa maaaring mangyari kapag nagpatuloy pa ang relasyon namin ni Jeffrey. Minahal ko naman siya. But if that love would mean disrespecting myself, there's no way am gonna slit my own throat. Kaya kami naghiwalay. Love alone, isn't just enough."
"Grabe no? Ang bata-bata mo pa nung pumasok ka sa isang relasyon. Not to think that you guys moved and lived together for almost four years. Buti naman at nakaya mo ang pressure na dulot nun?" Tanong ni Kayne.
"I was forced to grow up and be matured at an early age. Pagkatapos maghiwalay ng mga magulang ko, wala na akong ibang inasahan kundi ang sarili ko. I was not that close to my father, until now. At siguro yun ang naging dahilan kung bakit ko ginusto ang magkaroon ng mas matanda sa akin at mas matured na partner. But the experience with Jeffrey proved that maturity is not proportional with age."
"Tama ka doon. Hindi porke matanda na ang isang tao ay matured na rin itong mag-isip. Iba-iba ang tao Levi."
Nakipagtitigan ako kay Kayne. Pinipilit kong basahin ang mga mata niya. "So..."
"Anong so?"
"May nagbago ba sa pananaw mo sa akin? Matatanggap mo pa ba ako sa kabila ng mga ibinunyag ko sayo tungkol sa nakaraan ko?" Tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako sa maaaring isagot niya.
"Meron. Mas humanga ako sa iyo." Ngiti niya. "Hindi ko ma-imagine ang aking sarili sa naging sitwasyon mo. Oo, may naging kasalanan ka, pero ang importante doon ay bumawi ka naman. And personally, I think that was enough. Siguro hindi lang talaga na-appreciate ni Jeffrey ang pagtyatyaga mo."
"Siguro nga. Well, that was the past. Mas mahalaga naman siguro ang ngayon diba? Everything happens for a reason. At siguro, those challeneges and obstacles are just God's amazing way to prepare me for the future. To prepare me for you." Nginitian ko ng matamis si Kayne. Namula naman ito na parang kamatis.
Tinampal naman ako sa pisngi ni mokong. "Pautot mo Levi! Juma-John Lloyd ka na naman eh." Tawa niya.
Nilamlaman ko pa ang dating ng aking mga mata, at inilapit ang sariling mukha sa kanya. "Effective naman diba?"
Di ko na siya hinintay na sumagot. Then that cheesy moment turned into something more passionate.
I kissed him, then he was kissing me back. The next thing we knew, we were lying on my bed. Both half-naked, and with him, on top of me. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin.
I was about to touch him, down there, when I felt his hand stopped mine, then his lips went with it, eventually.
"Why?" I saw him with his poker face, which he is usually wearing during intimate moments like this. "Is s-something wrong?"
Gumulong siya mula sa ibabaw ko at tumabi sa akin na nakatitig lang sa may kisame ng unit ko.
"Biko?" Tawag ko at tumagilid paharap sa kanya.
"L-Levi. I can't d-do this." Napapikit ang mga mata niya.
"Anong tinutukoy mo?" Naguguluhan ako.
"This. I mean that."
"Speak english please. I can't understand alien language." Sarkastikong utos ko sa kanya.
"S-s-sex." Natawa naman ako sa pagdadalawang-isip niyang sabihin ang salitang iyon. Sinuntok niya ako ng mahina sa braso. "Lintek ka, wag mo akong tawanan!"
"Eh, di pa naman sex yun. That was just pre-sex. Romancing and indulging your partner. If sex was food, that was the appetizer." At napabunghalit ako ng tawa sa nagawa kong analohiya at pagkumpara sa sex at pagkain.
Sa pagkakataong iyon, pinaulanan na niya ako ng mga mahihinang suntok sa braso. Medyo masakit din, pero hinayaan ko nalang siya. Natatawa pa rin ako sa diskusyon namin. Maya-maya ay tumigil siya. "Let's not talk about that Levi. Please lang."
"Bakit hindi? Eventually, dun din naman tayo mapupunta." At pinigilang kumawala ang mga tawa sa bibig ko. Gusto ko lang inisin siya, habang sinusubukan ang mga teyorya ko sa aking isipan tungkol kay Kayne.
"Because I personally believe that s-s-s... whatever that is, is sacred and should only be done by married couples." Ayun! Tama nga ang hinala ko. Tama nga na konserbatibo at masyadong relihiyoso tong Biko ko para pumayag sa mga ganoong bagay. Hindi ko naman siya minamadali, pero gusto ko lang mamingwit ng impormasyon tungkol sa personalidad niya. Testing my personal assessment. I'm not one, but psychology students call it that way.
"But that's the point! We're not getting married. So might as well ignore that belief." Kung di mo ako kukwentuhan ng mga bagay tungkol sa pagkatao mo, eh di ako nalang ang kukuha ng mga impormasyon para sa sarili ko.
"No. Pre-marital s-sex is a sin Levi." Gusto ko ang diskusyong ito. Dito ko matitimbang ang pagkatao at paninindigan nitong boyfriend ko. May bahid na katotohanan naman talaga ang argumentong ipinaglalaban ko, na siya ring pinaniniwalaan ko. At ang mga ito'y ikinukumpara ko sa sarili niyang pananaw.
"But we're doing it because of love Biko. We're just not doing it to pleasure ourselves, but more importantly, we love each other. Maaga pang sabihin, pero alam ko, nagsisimula na tayong mahulog sa isa't isa. And that is why I know that it is not a sin." Depensa ko.
"Pero kung susundin lahat ng tao yang argumento mo, eh di overcrowded tayo ngayon sa mundo? Magkakaroon sila ng excuse para gawin ang bagay na iyon. There would be famine, and that would lead to crimes, and eventually would plunge the world into chaos." I like the way this guy argues with me. Napaka-interesante ng usapan, na kahit alam mong natatalo ka na sa debate, ay nangingiti ka pa rin.
"So magiging abstinent nalang tayo nito sa habang panahon, ganoon ba ang gusto mong mangyari?" I know this sounds so stupid, but I just wanna know how would he react to my argument.
"For now. Kilalanin muna nating mabuti ang isa't isa. We will see what tomorrow holds for us." Ngiti niya at yumakap na naman sa akin.
"Paano nga natin makikilala ang isa't isa, gayong di ka naman nagkukwento ng tungkol sa iyo?"
"Basta. Wag mo na nga lang akong kontrahin sa ngayon, Levi." At kinurot niya pa ang ilong ko at ngumit ng pagkatamis-tamis. Takte! Alam na alam talaga ni mokong kung papano lumihis sa usapan at gamitin ang kahinaan ko. "At isa pa, papakasalan mo naman ako diba?"
"Aba'y oo naman! Kahit saan at ilan pang simbahan ang gusto mo. Pwede ngang beach wedding nalang eh." Excited na sagot ko sa tanong niya. Napangiti naman kami pareho. At ninakawan ko siya ng isang mabilis na halik sa pisngi.
"Ayan naman pala eh. Pero sa ngayon, enjoy na muna tayo sa kung anumang meron tayo. Maaga pa naman eh. At di naman tayo nagmamadali diba?" Tumango naman ako. "Good!" Napangiti naman ako.
Kinapa ko ang puso ko. Ano na nga ba ang nararamdaman ko para sa taong ito? Gusto ko pa rin ba siya? O mahal ko na ba talaga sya?
Sapat na ba ang sobrang kasiyahan sa puso ko sa tuwing magkakasama kaminpara sabihin kong mahal ko na si Kayne?
Siguro. Masaya ako, at payapa ang kalooban ko sa tuwing nagkakasama kami. Siguro sapat na dahilan na iyon upang sabihin kong unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Kesehodang masaktan man ako sa bandang huli, itutuloy ko to.
"Biko. Selfie tayo. Para may titignan ako sa phone ko kung sakaling di ka magpakita ng ilang araw." Ngiti ko sa kanya. Nakita ko naman siyang nag-aalangan sa pakiusap ko.
"Levi."
"Oo. Alam ko. Ako lang naman ang pwedeng humawak ng phone ko eh. Promise, walang ibang makakakita. Trust me, Biko. Please?" At ako naman ang gumamit ng pamatay na ngiti ko upang bumigay sya.
"S-sige na nga. Pero kelangan may password lock yang phone mo ha?" Paniniguro niya.
"Yes sir!" At sumaludo pa ako sabay kuha ng phone ko sa may center table.
Kumuha kami ng picture na magkasama. Tas may picture din siyang siya lang mag-isa.
Hindi ko talaga mapigilang mapangiti sa litratong naka-save na sa phone ko.
Grabe! Ang gwapo ng boyfriend ko. Bukod sa gwapo, matalino at mabait pa. Haaay. Wala na akong mahihiling pa.
"Too good to be true. Ingat-ingat sa mga ganyang tao Levi."
Ambitter mo naman Konsensya. Wag ka nga! Panira ka ng kasiyahan eh. Pasalamat nalang tayo't nabiyayaan tayo ng taong magmamahal sa akin na nakaselyo at kumpleto na sa iisang regalo.
Kasabay ng ilang kwento at kulitang pinagsasaluhan namin ni Kayne sa phone o sa personal man, nararamdaman kong ibang-iba talaga si Kayne mula sa mga nakaraan kong ka-relasyon.
Sana nga lang, eto na to.
Sana nga lang, siya na talaga.
Sana.
================================
Byernes ng hapon. Nagkayayaan ang barkada na tumambay sa mall.
Ako, tas sina Jane, Dianne, Aiko at Gino lang naman. Di kami kompleto kasi di nakasama si Maia. May gagawin pa daw sila sa bahay, kung kaya di nalang namin pinilit.
Pagkadating namin sa mall, nagdesisyon kaming kumain muna bago gumala.
Nag-order na ang mga babae ng makakain, habang naiwan kami ni Gino, ang dati kong crush, sa upuan. Napansin kong nakabusangot ito at hindi maipinta ang mukha, siduro dahil sa inis.
"O, bro. Anyare? Bad trip tayo ah." Pagbubukas ko sa usapan. Nakita ko itong ngumiti ng pilit.
"W-wala to bro. Wag mo nalang pansinin." Mahinahong saad niya.
Wala naman akong nagawa kundi ang tumango at mag-offer ng sarili kung sakaling kelangan man nito ng makakausap tungkol sa mga bagay-bagay na sinuklian naman niya ng ngiti at tango.
Nung dumating na ang tatlong babae, bigla akong kinabahan sa naging takbo ng usapan namin.
"Hoy, Levi. Sabi ni Maia may jowa ka na daw? Gano ka totoo yun?" Pangungusisa ni Dianne. Nanlaki naman ang mata ni Jane, habang si Aiko naman ay napangiti lang na naghihintay sa sagot ko.
"Yeah. I'm dating someone right now." Ngiti at tango ko.
"Gwapo?" Tanong ni Jane. Alam naman ng buong barkada, maliban kay Gino na bagong myembro, ang tunay kong pagkatao. Siniko naman si Jane ni Aiko upang tumahimik at wag ng magdadaldal. "Ay sorry!" Paghingi ng paumanhin ni Jane at nag peace-sign sa akin.
Napatingin naman ako kay Gino, inaabangan ang magiging reaksyon nya. Pero ngumiti lang ito at sinabing open naman sya sa mga ganoong klase ng konsepto at wala daw akong dapat ikabahala na alam niya.
"Patingin ng picture niya! Dali!" Kantyaw ni Jane.
"Buti pa tong sina Aiko at Levi, may mga love life na. Eh kami?" Pagdadabog ni Dianne.
"Teka, yung iba jan, kaya bad trip, kasi frustrated sa panliligaw." At ngumuso pa si Jane kay Gino na nakatanaw lang sa malayo. Sino naman kaya nililigawan ni Gino ngayon?
Nagkatawanan nalang kami sa pag-eemo-emohan ni Gino na parang di kami napapansin na pinag-uusapan siya.
"Ui, Levi. Sino yang partner mo? Anong course niya?" Si Aiko.
"Ka-eskwela din ba natin? Pakilala mo naman samin. Papuntahin mo dito!" Grabe kung makatanong at maka-demand tong si Jane. Imba!
"Sorry girls. Di ko pwedeng ikwento sa inyo eh. Pero ang isipin nalang natin, masaya ako. So, kain na tayo?" Pagtangka kong ibahin ang usapan. Panigurado, kung hahamunin pa nila ako, baka di ako makapagtimpi at maipakita ko sa kanila ang gusto nila. Pero alam kong di dapat kasi nangako na ako kay Kayne. Kaya iwas-topic muna tayo.
"Ang damot mo!" Reklamo ni Jane. "Baka naman kasi kilala namin. Eh di close-close sana kami. May bagong pasok sa barkada."
"Hayaan na natin Sis. Ang importante, masaya ang kaibigan natin sa buhay pag-ibig niya." Pakonswelo ni Aiko kay Jane.
"Eh, madamot pa rin sya. Che!" Inirapan ako ni Jane. Nagkatawanan nalang kami at saka sinimulang banatan ang pagkain.
Kwento dito, kwento doon. Puro bakasyon at pasarap lang sa buhay ang gusto naming gawin. Susulitin na namin to, kasi sa Lunes, klase na naman.
"Bakit ka nga pala nagpalit ng pangalan sa Facebook Lev?" Hahaha. Di na ako nagulat sa naging tanong ni Dianne. Buhat kasi ng magka-facebook ako anim na taon na ang nakakaraan, ngayon ko pa lang iniba ang pangalan ko.
Biko Hidalgo.
"Oo nga. Bakit Biko?" Segundang tanong ni Jane. "Yan ba ang tawagan nyo?"
"O-oo." Nahihiyang pagtango ko. "Ka-korni, pero cute naman eh. Diba?"
"Prro bakit nga Biko? Anong kwento sa likod ng tawagang yun?" Si Aiko.
"Biko. Pina-igsing baby ko. Kaya biko." Nangingiting sagot ko. Grabe. Nararamdaman ko ng nag-iinit na ang mga pisngi ko. Bakit ba kasi ako ang pinupunterya ng usapan namin? Ngayon pa na wala ang sanggang-dikit kong best friend para ipagtanggol ako?
"Sus! Korni nga. Naku siguraduhin mo yang Biko mo ha? Baka sa una lang yan matamis. Baka kaulanan nyan, ma-umay ka at mapanis sya. Hahahaha." Kontrabida talaga tong si Jane no? Ewan sa babaeng ito.
Natawa naman kaming lahat, pati na si Gino na kanina pa tahimik na naka-obserba sa amin, sa ginawang analohiya ni Jane.
"Ewan ko sayo Jane! Kakasimula pa nga lang namin, anti-biko ka na. Bitter?" Pangangatyaw ko.
"Uso naman sigurong wag gumamit ng Reverse Psychology no? Tsaka bakit naman ako mabi-bitter? Pautot mo, Hidalgo! Kumain ka na nga lang." Birada ni Jane.
Kakatapos lang namin kumain ng biglang nagtext ang mokong. Binasa ko agad to. Excited lang. Miminsan lang kasi sya magtext sa akin.
Basa.
"I'll meet you sa apartment mo by 5PM. See you."
Wow. Napaka-bossy at demanding talaga ng lalaking ito kahit kailan. Napangiti naman ako kahit papaano sa text ni Kayne. Haaay. Inlababo na nga ako.
"Guys, excuse lang. Pupunta muna ako ng CR." Tumayo na ako at tinahak ang pinto papuntang CR.
Hindi ko namalayang sumunod pala sa akin si Gino. Kaya nagulat ako nung natapos akong umihi sa may urinal at tumalikod para maghugas ng kamay sa lababo, at nakita siyang nakatayo lang sa may bandang pinto ng CR. Malalim ang iniisip nito.
"Di ka ba gagamit ng urinal?" Umiling lang ito. Ano kaya problema nito?
"L-Levi." Narinig kong tawag ni Gino habang nag-huhugas ng kamay. Kami lang dalawa sa CR ng mga lalaki nung panahong iyon.
Bigla namang gumapang ang matinding kaba sa buo kong katawan. Napatingala ako pagkatapos maghugas ng kamay at tinignan sya sa may salamin ng CR.
Ehrmergerd. Wag mo sabihing magpapahayag ka ng damdamin mo sa akin, Gino?
"Tanga! Assuming!"
"May s-sasabihin sana ako s-sayo Levi."
"A-ano y-yun?" Oh my gee. Wag ngayon Gino! May Kayne na ako. Wag kang magbiro ng ganyan.
"K-kasi Lev.. k-kasi.. k-kasi ano..." Nakatungo lang si Gino habang kitang-kita sa itsura nya ang matinding kaba at pagdadalawang-isip.
"N-nakikinig ako G-Gino. Ano y-yun?" Takte! Ang gwapo mo Levi. For the first time, someone will be confessing his love for you. Aba matindi!
"Pwede naman sigurong pagsalitain mo muna ang tao bago ka mag-assume jan no? Kapal mo, kahit kelan ka!"
Shhh! Wag kang maingay, leche ka.
"L-Lev wag ka sanang m-magalit. Pero k-kasi ano.. kasi.. g-gusto.." Hindi ako makahinga sa tindi ng suspense na namamagitan sa aming dalawa ni Gino. "... g-gusto ko si M-Maia."
Nanlaki naman ang mga mata ko at hinarap ang nakatungo pa ring si Gino. Maya-maya'y isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.
Haaay. Ako ko naman kung ano, yun lang pala.
"Oh. Anong problema dun?" Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya. Tumingala siya ng tingin sa akin. Ngumiti lang ako.
"K-kasi baka m-magalit ka. Alam ko namang sanggang-dikit kayo ni M-Maia."
"O, tapos?" Ang gwapong crush ko noon ay ang best friend ko pala ang gusto! Lihim akong natawa sa nalaman. Pero ayos lang, best friend ko naman yun, at isa pa, may Kayne na din ako.
"G-gusto ko sanang humingi ng permiso para m-manligaw kay M-Maia."
Ayun na nga. Di ko napigilang matawa sa inaakto ni Gino. Kaya pala may nararamdaman na akong kakaiba sa tuwing magkakasami kami nila Maya. "Wushu! Ang sabihin mo, magpapatulong ka sakin jan sa panliligaw mo."
Napatango si Gino na syang ikinatawa pa naming dalawa.
"Best friend ko yun, pero di ko hawak ang puso nun. Pero yaan mo, kilala naman kita eh. Kaya makakaasa ka." Ngiti ko kay Gino.
"Salamat." Ani Gino.
Sabay na kaming lumabas ng CR at bumalik sa mesa naming magba-barkada. Pero di pa man kami nakabalik sa mismong mesa, nakikita ko na ang tatlong babae na nagkakagulo sa kung anuman ang tinitingnan nilang hawak ni Jane.
Nung nakalapit na kami sa kanila, nanlaki lang ang mga mata ko ng makitang hawak-hawak ni Jane ang phone ko at tinitingnan nila ang mga pictures namin ni Kayne.
Shit! Hindi ko pala naibulsa ang phone ko kanina. Patay ako nito.
"Ano yan?" Tanong ni Gino na syang ikinagulat ng tatlo. Umupo na si Gino sa upuan nito, habang ako ay nakatayo lang na pinagmamasdan ang mga babae. Maya-maya pa'y sabay-sabay silang napatingala at napatingin sa akin na sinamaan lang sila ng tingin.
"Papano mo naman nabingwit ang ganito kagwapong lalaki, Hidalgo?" Kunot-noong tanong ni Jane. "Ginayuma mo to no?"
"Grabe Lev. Ang gwapo niya!" Tili ni Dianne. "Pakilala mo ako sa kanya, please!"
Hinablot ko naman ang phone ko sa kamay ni Jane. "Ayan! Dyan tayo magaling eh. Nangingialam ng gamit ng may gamit." Reklamo ko.
"Sus. Huli na ang lahat Hidalgo. Nakita na namin." Si Jane. Patay talaga ako nito kay Kayne. Pupugutan ako ng ulo nun pag nalaman niya na nakita ng mga kaklase ko ang picture niya. Pakshet!
"P-parang pamilyar sakin yang lalaking yan." Oh no! Wag na wag kang magkakamaling sabihin na kilala mo sya Aiko. Please, wag!
Kinuha ko ang bag ko sa inupuan ko kanina at ang ilang gamit na nasa mesa. "Aalis na ako. Mga pakyu kayo!"
"Di ba gagala pa tayo?" Tanong ni Gino.
"Hoy! Kukwentuhan mo pa kami kung anong klaseng gayuma ang ginamot mo sa boypren mo." Si Jane na hindi binibitawan ang braso ko.
"Parusa mo yan sa pangingialam mo." At natawa nalang ako. "Mauuna na ako. Magkikita kami ni Komander eh."
"Ano ba yan, under ka?! My gaaawd!" Pagtataray ni Jane.
"Utot mo Jane! Hahaha. I really need to go guys. Bawi nalang ako next time." Tsaka mabilis na tumakbo palabas ng mall. Malapit na mag alas-singko ng hapon.
===========================
Bukas na ang pinto ng unit ko nang dumating ako sa may apartment. Naunahan na ako ng dating ni Kayne. Ang trapik kasi. Tsk. Buti nalang at binigyan ko si mokong ng duplicate na susi ng unit ko, kundi baka kalahating oras siyang naghintay sa labas.
"You're late. Where have you been?" Bungad nito sa akin nang nakapasok na ako sa unit. Nakita ko itong nagluluto ng pancit canton sa may mini-kitchen na suot-suot ang apple green na sando ko. Ang gwapo niyang tingnan sa ayos niya.
Pagkatapos ilapag ang bag at ibang dala sa may sofa, nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod habang busy siya sa paghahalo ng seasoning sa isang plato. Pinadaanan ko ito ng halik mula sa pisngi hanggang sa may batok nito. Hehehe.
"Answer my question." Him, with his usual poker face.
"Na-traffic lang. Tsaka di na ako nakapagload kasi nagmamadali na akong makauwi sa asawa ko." Ngiti ko. Pumihit naman siya paharap sa akin. "Did you miss me?"
Nagulat lang ako sa inakto nito. Siya mismo ang yumakap sa akin at pinaupo ako sa kalapit na silya, at kumandong sa akin habang yakp-yakap pa rin ako. Kumunot naman ang noo ko habang natatawa.
"This is new. May nangyari ba?"
Umiling lang siya at ibinaon na naman ang mukha sa dibdib ko. Naninibago talaga ako kay Kayne. Di naman sya ganito ka lambing nung mga nakaraan ah?
"So ano nakain mo? May lagnat ka ba?" Di ko pa rin ma-gets ang boypren kong to. "Hoy. Anyare? Bakit mukha kang aso jan na nagpapalambing?"
Tiningnan niya lang ako na nakangiti at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "Namiss kita."
"Should I be bothered now?" At natawa na naman ako. Sinuntok niya lang ako sa may tagiliran ng mahina. "What? Di kasi ako sanay na ganito ka kalambing eh."
"Ah. So ayaw mo? Madali naman akong kausap eh." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko lang siya at ibinalik sa kandungan ko. "Ikaw na nga ang nami-miss, ikaw pa ang maarte?"
Ginawaran ko ito ng halik sa may noo niya, tapos isang mabilis na halik sa labi niya. "I love you."
"I know." Ngiti nya.
"Wow! Kampanteng-kampante tayo no?"
"Syempre. Sa text pa nga lang eh, nilalanggam na yung mga messages mo. Through your words and actions, I know. Mahal na mahal mo talaga ako."
"I think I deserve some response for the three words I just said." Reklamo ko.
"Bahala ka. Bleeeh!" At nag-belat pa si mokong. Tsk! Pasalamat ka mahal na mahal na kita. Hahahaha.
"Nagugutom na ako Biko. Kain muna tayo." Tumayo na siya para sana iprepare ang pancit cantonna niluto nya, pero pinigilan ko.
"Ako na gagawa nito. Dun ka na sa mesa." Ngiti ko sa kanya.
Ganun kami pag nagkikita at tumatambay sa bahay. Kumakain lang. Nagkukwentuhan. Nag-aasaran. Minamasahe ko ang likod niya, na gustung-gusto nyang ipinapagawa sa akin. At minsan, nagtititigan lang na parang mga baliw.
Nang mailatag ko na sa mesa ang plato na may pancit canton, tumayo at pina-upo ako ni Kayne sa may silya na inuupuan niya. Nagtataka talaga ako sa lalaking ito. Anlakas ng trip kung minsan.
"Take your shirt off."
"Ha?" Nagtaka naman ako. "Bakit? Kakain na tayo oh."
"Just do it, Lev." Utos nya pa.
"Ayaw." Bumuntong-hininga sya at siya na mismo ang nagtanggal ng tshirt ko. Tas bigla na naman syang kumandong sa akin ng paharap.
"Basa na ang likod mo ng pawis."
"W-what are you doing?" Tanong ko.
"Pinupunasan ko ang likod mo. Malamang." Alam ko naman yun. Pero syempre, nagulat talaga ako sa pinapakita ni Kayne simula pa kanina. Anong natira nito?
"Ayos na yan. Umupo ka na dun at kumain na tayo." Sabi ko, ramdam ang pagka-ilang sa pagitan namin. Yeah, I'm awkward about it but I like his actions. Kaso lang, nahihiya siguro ako? Unang beses pa kasi itong nagpapa-sweet siya eh.
"May problema ka ba kung dito lang ako uupo habang kumakain?" Seryoso lang ang mukha nito. Tulad ng dati. Pero kinakabahan na ako kay Kayne. Sinasapian yata ito ng kung ano.
"W-wala naman. Sabi ko nga kumain na tayo." Pumayag nalang din ako. Awkward siya, pero matagal ko ng iniimagine kung papano kaya si Kayne kapag nagpapa-sweet siya.
Kahit medyo nahihirapan ako kumain, kasi nga kandung-kandung ko si Kayne, nanahimik nalang ako. Gustung-gusto ko din naman ang mga kabaliwan ngayon ni Kayne. Hehehe.
Sinubo ko na pancit canton na kinuha ko, nang bigla akong hinalikan ni Kayne. Natigilan ako, pero mas nawindang ako ng kinuha ng bibig niya ang ilang hibla ng pancit canton mula sa bibig ko.
Nanlalaki ang mga mata ko nang salubungin naman ako ng mga seryosong mata ni Kayne.
"What the hell are you doing?" Tanong ko sa kalagitnaan ng kalituhan kay Kayne.
"Gusto ko eh. Bakit ba? Kumain ka na nga lang jan." Seryoso pa rin ang mukha nito.
Napailing nalang ulit ako at kumuha na naman ng pancit canton sa may plato. Pero kagaya ng una, hinalikan niya ulit ako at hinablot ng bibig niya ang ilang hibla ng pancit canton gamit ang bibig nya at kinain ang mga iyon.
Kalog naman si Kayne minsan, pero kadalasan, weird at unpredictable siya. Kagaya ngayon. Di ko inasahan na tatakbo sa isipan niya ang mga kalokohang pinagagawa namin.
Sa pagkakataong ito, nakita ko si Kayne na sya na mismo ang kumuha ng pancit canton sa plato.
"Nguyain mo muna tapos saka ko kukunin sa bibig mo. Okay?" Ngumiti na sya.
Face palm.
Jusko po. Ano ba nangyayari sa boypren ko?
"Teka. Ano ba kasi yang ginagawa mo? Wag mo nga paglaruan ang pagkain. Baliw ka!" Asik ko sa kanya.
"Eh gusto ko eh! Wag ka ngang choosy. Tsk. Sige na, nganga ka na o." Wala na nga akong nagawa kundi sakyan ang trip nitong Biko ko. My weird Boyfriend.
Nginunguya ko na ang pagkain nang hinalikan na naman ako ni Kayne. At gamit ang dila niya, kinuha niya na naman ang pagkain sa bibig ko. Baliw talaga! Natatawa nalang ako sa ka werduhan nitong mokong na to.
Nagpatuloy pa kami sa kalokohan namin. Me, half-naked. Him, sitting on my lap and sharing the food inside my mouth. Muntanga talaga!
Bago maubos ang pagkain, ginulat na naman ako ng mga paandar ni Kayne.
"What?!" Gulat kong tanong.
"You heard me. Lalagyan ko ng pancit canton ang balikat mo, pababa sa utong mo, at dun ko kakainin."
"Nababaliw ka na ba Kayne?"
"Sige na. Please?" Pakshit. Ginagamit na naman nya ang pinakamalakas niyang baraha laban sa akin. Arrrgh! Bakit ba kasi ako mahina sa mga ngiti niya?
At ayun na nga. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nagpapatianod sa trip niya. Ewan ko nga ba. Siguro dahil narin sa gusto ko at na-eexcite ako sa ideyang lalapat ang bibig niya sa ibang parte ng katawan ko. Lol!
Dahil wala na rin naman akong suot na tshirt, direcho na niyang nilagyan ng pancit canton ang balikat, hanggang sa may dibdib at utong ko.
Pakshet ka Kayne! Kung di lang kita mahal, hinding-hindi ako papayag sa mga paandar mo!
"Ready ka na?" Ngiti niya sakin. Tumango lamang ako. Nakapikit lang ako, hanggang sa unti-unti ng lumalapit sa balikat ko ang mukha ni Kayne.
Nag-umpisa siya sa may balikat. Hindi pa nakuntento si Kayne na mapulot lang ng bibig niya ang pagkain. Milyun-milyong kuryente ang pumasok sa ilalim ng balat ko ng sinasadya na niyang isayad ang dila niya sa balikat ko. At nagtuloy-tuloy habang maabot niya ang dibdib ko, partikular na sa utong ko na siyang pinagsawaan niya ng ilang sandali.
Mamamatay na ata ako sa sobrang kiliti, kaba at excitement sa pinagagawa ni Kayne. OA na kung OA pero, yung tipong tumitirik na ang mata mo sa sobrang sarap at kiliti na dulot ng eksena? Ganun na ganun yun. Hahaha.
"I love you Biko!" Saad ni Kayne nang matapos na kaming kumain at magpakabaliw sa trip niya. Hinalikan ako nito sa pisngi.
"I love you so much more Biko. Pero bakit sa pisngi lang?" Pagdedemand ko.
"Back massage muna. Please? Masakit kasi likod ko Biko. Sige na." Ayun na nga ba eh. Walang panahon na hindi kami nagkikita na hindi siya nagpapamasahe. Kung bakit ko ba kasi siya minasahe nung pinakaunang beses naming nagkita. Ayan tuloy, nagustuhan ni Gago at inaabuso na ako ngayon. Tss.
"Ayaw. Pagod ako Biko. Some other time." Pagpapa-yummy ko. Gusto ko naman, kaso gusto ko lang ding magmakaawa siya. Hahaha.
"Grabe ka naman Lev. Miminsan lang ako mag-request sayo, ayaw mo pa akong pagbigyan." Sabay simangot niya at pagdadabog. Hahaha. Ka-cute talaga niya pag nagtatampo kuno. Paulit-ulit lang na mga linya ang ginagamit sa mga pagkakataong ganito.
"Kiss muna?"
"Mamaya na pag natapos mong masahiin ang likod ko."
"Eh di wala na tayong pag-uusapan pa." Pagmamatigas ko kuno.
"Tss." Bumangon siya mula sa pagkakahiga namin sa kama ko, at tumalikod sa akin. "Uuwi nalang ako?"
"Okay. Ingat ka." Pero lihim lang akong natatawa kay Kayne. Alam kong hindi siya tuluyang uuwi. Gusto niya lang akong i-kompromiso para pumayag ako sa gusto niya. This is so like Kayne.
Nararamdaman ko nalang na bumalik sya ng higa sa tabi ko. "Biko. Biko. Sige na, please?"
"Kiss ko nga muna."
"Kelangan pa ba talaga yan?"
"Oo naman. That's the only price you have to pay for a back massage. Sa iba kasi, mura na ang 250 pesos." At nagtawanan nalang kami. Hanggang sa wala na nga siyang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ko. "Ayan naman pala eh. Tss. Daming arte."
Hinubad ko na ang tshirt niya at pinadapa sa kama. Kumuha ng oil at sinimulang masahiin ang boypren ko.
"Biko. May sasabihin sana ako sayo. Sana di ka magalit." Kelangan kong sabihin sa kanya na nakita nina Jane ang pictures niya sa phone ko.
"Oh no Levi. What did you do this time?"
"Kasi.."
"Kasi ano?"
"Kasi.. n-nakita ng mga kaibigan ko ang mga p-pcitures mo." Ingat na ingat ako sa pagsasalita ko. Sana naman hindi magalit si Kayne.
"What?! Papanong----"
"Nakalimutan ko kasi i-activate ang s-security ng p-phone ko. Sorry Biko."
Tahimik lang siya.
Isang minuto ang lumilipas.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Limang minuto.
Limang minuto ng katahimikan at ilangan.
"B-biko, s-sorry na. H-hindi ko s-sinasadya." Paghingi ko ng tawad. "W-wag kang mag-alala. Mapapakiusapan naman ang mga kaibigan ko-----"
"Sa tingin mo?!" At bigla nalang tumayo si Kayne at isinuot ulit ang damit niya. Kinuha ang bag sa may dining table, at aktong lalabas na ng apartment ko nang tawagin ko siya.
"Biko. Mag-usap muna tayo. Please. Wag ka muna umalis."
"Para ano pa, Levi? I am doomed. Nakita na nila ang picture ko. Worse is, may isa sa kanila ang nakakakilala sa akin." Kita sa mata ni Kayne ang inis at galit.
"Sorry na Biko. Papakiusapan ko nalang sila na wag ng mag-ingay. Please, wag ka na magalit."
"Sa tingin mo mapipigilan mo sila? I doubt it!" At tuluyan ng lumabas ng unit ko. At ako, naiwang nakatulala at nabigla sa nangyari. Alam kong sobrang higpit ni Kayne sa mga bagay-bagay, pero ang iwan ako bago pa man namin mapag-usapan ang problema namin?
Unfair!
-to be continued-
Nice story ung update ngayon kaso bkit ganon ung naging attitude ni kayne OA masyado...... Tpos isang mali break agad Sila parang may mali at hindi yata love ung nararadaman nito para ky levi.
ReplyDeleteJharz
Naku, childish pala tong bf mo Levi. Kailangan mahaba ang pasensya. Ha ha. Thanks sa update. Take care.
ReplyDeletehmmmfff nakakaexcite Ewan ko parang may saltik ata si ken... ingat k levi baka anu gawin sau...
ReplyDeleteShai😊