Followers

Tuesday, March 31, 2015

Me & My Rules -12




Athr'sNote-

Guys may bagong point of view dito :) abangan niyo kung sino :) Isa lang ang masasabi ko, Gwapo siya :) Makapal mukha nun eh! Nyahahaha

Enjoy..




--

Point Of View

 - K o b e -



 "Chan. Uwi na tayo, please?"

Tonong pagmamakaawa ko na kay Chan pagkahawak ko sa kamay niya.

Chan, huwag mo naman silang piliin oh :(

Kita ko na napatigil siya at tinignan lang ako.

Magsasalita pa sana ako nang..

 "Chan!!"

Pare-pareho kaming napatingin sa sumigaw.

 "Kanina pa kita hinahanap!!.."

Si tita Sen. Bigla-bigla talaga 'tong sumusulpot.

Patakbo naman siyang lumapit sa pwesto namin habang halata na excited na excited siya. Napano kaya silang dalawa?

 "Ano tara dali.. baka magsara na yung pupuntahan natin.." pagmamadali pa niya at paghila na kay Chan.

Kita ko na napasunod nalang si Chan.

Nang medyo makalayo na sila ay hinarap ko naman yung tatlo.. ganun din sila sa akin..

Ilang segundo ko silang tinignan at saka bago ako tuluyang tumalikod ay pasimple ko pa silang inirapan, yung maangas na paraan.

Aaminin ko, napanatag ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla-biglang sumulpot si tita Sen.. pero nagpapasalamat ako.

Mas maganda na na si tita Sen ang kasama niya, hwag lang 'tong mga mukhang paang ito.



-----


Point Of View

 - C h a n -



 "Salamat tita Sen ah?"

Agad na sabi ko nang makasakay na kami ng trike.

 "Wala yun, galing ko noh?" tonong pagmamalaki naman niya. "Bumawi ka ah? Gusto ko sa isang restaurant tayo kakain."

Hmm.. bakit ba kasi nakwento ko sakanya lahat? Haha

 "Ano ahm.. ay ano, tsk san kasi yun?" naiinis na sabi niya. "Dun kami kumain ng boyfriend ko nun eh.. wait wait isipin ko muna.."

 "Sige isip lang. Tinulungan mo naman ako eh, bawi ako sige." ngiti ko.

Galing ni tita Sen, napadaan lang daw siya eh.. tapos nakita niya kami. Ayun, gumana daw yung instinct niya. Haha

Agad ko lang kinuha yung phone ko para magtext..

Message: Pasensya na Jaydon ah? Si tita Sen ko kasi sinundo ako bigla eh, bawi nalang ako :) pahinga ka kauwi mo :]

Text ko.

 "Ang bango mo naman masyado tita Sen." pagpansin ko kay tita Sen na abala parin sa pag-iisip.
 
 "Hwag ka nga muna, nag-iisip ako eh.." suplada niya, natawa naman ako.

Agad naman akong napatingin sa phone ko nang magvibrate ito.

Message: Chan puro kana lang bawi ah? Hindi ka naman bumabawi eh. Dinadala mo ako sa mga pabawi-bawi mong yan eh -.-

Ewan pero nakuha ko namang kiligin.

Ewan? Ano bang nangyayari sa akin?

Message: Oo na sige, basta babawi ako. Yung dare gusto mo? :)

Dahil sa kagaguhan ko ay agad ko lang binulsa yung phone. Ano ba yung naisip ko? Kalandian tawag dun ah? Arrgghh!!!

Alam niyo yung kinikilig na ninenerbyos? Ay ewan, ano bang naisip ko... tsktsk

 "Ah oo yun nga!! Chan dun sa French Town, oo dun. Manong sa may french town nga po."

 "Alam ni manong papunta dun? Ang layo kaya mula dito, nung pumunta kami nila tita ko dun nakakotse kami eh."

 "Ay oo nga pala. Manong sa may terminal nalang po." agad na sabi ni tita Sen.

Palihim ko siyang pinagmasdan, si tita Sen. Tita ba talaga siya ni Kobe? I mean, magkadugo? Pano ba naman kasi.. saktong morena lang si tita Sen at hindi yung sobrang ganda.. basta yung bang masasabi mong "ayos na, may itsura naman". Ganun talaga eh.. ay ewan. Haha

Nanlalait nanaman ako!!



-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Hwag niyo muna akong kausapin pwede ba?"

Seryosong sabi ko sa mga kasama ko, kina Joel.

Pauwi na kami, kasabay namin silang naglalakad.

Tangna kasi nila eh, edi sana hindi nagtampo si Chan. Alam ko na hindi niya nagustuhan yung nangyari kanina, yung pinaiwan ko na muna siya sa bahay.

Tangna kasi eh!

Ayokong malaman nila Joel na may nakatira sa akin at lalaki pa. Ewan!

Masyado kasi kung makaasar talaga 'tong mga 'to. Medyo masakit kasi sila magsalita pagdating sa mga bagay na hindi nila gusto.

Palibhasa, mayayaman. Wala kami nila Az at Dennis sa level nila, pero ewan namin bakit naging malapit kaming tatlo sa tatlong 'to.


 "Tol naman, nanalo na nga yung team niyo ba't nag-iinarte kapa?"

Nakalimutan ko atang sabihin na bastos manalita 'tong si Jorrel. Basta masakit 'to magsalita, mahilig rin manlait.

 "Nag-iinarte?" agad na sabi ko at pagtigil mula sa paglalakad.

Dahil sa kanilang tatlo kaya nangyari 'to eh. Kaya nagtampo si Chan.

 "Talaga? Mag-aaway kayo? Nag-aaway away naba tayo ngayon?" sabat ni Joel na halatang naiinis sa aming dalawa.

Buti pa si Joel, kahit poker face may panintindihan. Actually siya pinakamatino sa tatlo, sa totoo lang.

Pero ewan! Naiinis ako sakanilang tatlo!

 "Aga aga kasi naglalasing." sabi ko at pag-iling ko nalang.

Binilisan ko na ang paglalakad, sumunod lang sila.

Alam ko na alam nila Az at Dennis kung bakit ako nagkakaganito.

Isipin mo, parang nagdadalawang isip si Chan na sumama sa akin kanina. Ang sakit lang diba?

Sabagay, inuuna ang 'bestfriend.. daw'..

 "Aalis muna ako, mauna na ako." sabi ko at umiba na ako ng daan.

Ayaw ko munang umuwi. Wala pa si Chan sa bahay , magtatambay nalang ako kung saan-saan.

Ayaw ko ring magtext sakanila ni tita Sen. Ewan pero parang nagtatampo ako -.-


(Author: OA mo Kobe!)


-----



Point Of View

 - C h a n -



 "Osiya.. ingat tita Sen." pagngiti ko. "Salamat." pahabol ko pa at sumakay na nga siya ng trike.

 "Manong sa may terminal po, magtataxi yan." natatawang sabi ko sa tricycle driver, kanina kasi nagkanda ligaw ligaw pa kami, ang ingay kasi namin sa daan eh.

 "Chan ingat ah? Kaw na bahala kay Kobe, pakainin mo nalang. Salamat.." pagkaway kaway pa ni tita Sen at umalis na nga yung sinasakyan niya.


Ilang minuto pa akong nagstay sa may harap ng pinagkainan namin ni tita Sen nang may pumarang motor sa harap ko.

 "Ang tagal ah?" kunot ko.

 "Naligaw, medyo malayo kasi." natatawang sabi niya.

 "Oh yan nakabawi na ako? Nagpasundo na ako, pumayag na ako." ngiti ko.

 "Oo na, pasalamat ka.. oh tara sakay na, tinakas ko lang 'to kay Clark.. nako magwawala yun." pag-abot niya ng isa pang helmet.

 "Jaydon ah? Patampo tampo kapa." natatawang sabi ko habang pasakay.

 "Hindi na noh, nakabawi kana eh."

Kanina habang kumakain kami ni tita Sen katext ko siya. Hanggang sa ayan nga, sunduin niya daw ako at kapag pumayag daw ako.. yun wala na daw akong kasalanan.

Ang galing niya noh? May kasalanan daw ako? Ay ewan.


.....


 "So nasa iisang bahay nga lang kayo ni Kobe?"

Tanong niya habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe papauwi.

 "Oo, sa totoo lang siya yung bestfriend ko." deretsong sabi ko.

Hindi na siguro tama na magsinungaling pa.

Ilang sandali bago siya muling nagsalita.

 "So siya pala yung dahilan ng pagpunta mo dito sa manila. Ang swerte naman niya Chan."

Napangiti naman ako.

 "Kaibigan ko siya, at lahat ng kaibigan ko pinapahalagahan ko." proud na sabi ko. "Yung mga kaibigan ko dito sa manila iilan palang eh, si Az, si Dennis, si Jap, si Clark, yung babae kanina si tita Sen, tapos si Kobe tapos syempre ikaw.. ang bait mo kaya sa akin."

 "Chan hwag ka ngang ganyan, lumalaki tuloy ulo ko." natatawang sabi naman niya. "Nga pala Chan, naaalala mo yung first encounter natin?"

Saglit naman akong napa-isip...

 "Ahh oo!! Yung ano yung ilang beses mo akong natamaan ng bola." sabi ko at pagkotong ko pa sa suot niyang helmet.

 "Anong ilang beses? Dalawa lang ata yun diba? Yung una hindi ko talaga sadya yun, naiinip kasi ako nun kaya pinaikot-ikot ko nalang nun yung bola sa daliri ko.. tapos kasi ang cute mong tignan kaya naman inulit ko."


Sa sinabi niya ay kinotong ko ulit siya.

 "Pasalamat ka may helmet ka ah.." pagkotong ko pa ulit.

Kaya pala eh, sadya na yung pangalawa.. sa balikat kaya yun! Medyo masakit kasi parang pabagsak eh.

 "Chan pwede bang dyan kalang palagi para sa akin?"

Agad naman akong napakunot nang bigla siyang magsalita.

 "Jaydon naman, napapadrama ka."

 "Chan seryoso ako."

Ewan pero nahiya ako bigla. Ba naman kasi 'tong si Jaydon eh.

 "Tumigil ka nga." pilit na pagtawa ko at pagtusok ko pa sa magkabilang baywang niya dahilan para mapagalaw siya ng biglaan, yung bang nakiliti siya na nagulat. Haha

 "Chan lahat na hwag lang yan." rinig kong medyo malakas na sabi pa niya.

 "Bakit?"

At muli kong tinusok yung magkabilang baywang niya gamit ang dalawang hintuturo ko.

 "Chan!" natatawang sabi niya.

At inulit ko pa.

 "Chan naman eh!!" malakas na sabi pa niya.

Ang cute lang. Talagang napapagalaw siya, halata na parang nagugulat na nakikiliti siya.

 "Bakit nga." natatawang sabi ko at pagtusok ulit sa baywang niya.

 "Chan!! Nagdadrive ako oh, masabal tayo... CHAN!!"

Napasigaw naman siya nang tusukin ko siya habang nagsasalita.

Hanggang sa hindi ako matapos-tapos sa kakatawa.


Maya-maya'y inalis ko yung helmet na suot ko, wala narin kami sa may highway.

Nasa may madilim na lugar narin kami.

Ang sarap sa pakiramdam. Ewan pero natutuwa talaga ako at kasama ko siya.

 "Jaydon salamat ah?" mahina at magaang sabi ko kasabay nang pagpatong ko ng baba ko sa may balikat niya.

Ewan pero ang saya ko talaga. Siguro kung makikita niyo ako ngayon.. nakangiti ako, yung galak.. yung talagang magpapahiwatig na napapangiti nalang ako dahil sa masaya ako.

Inalis naman niya yung helmet niya at dahan-dahang ipinatong yung ulo niya patagilid sa akin.

Ramdam ko naman yung pagbagal ng pagpapatakbo niya sa motor.

Hanggang sa nakita ko nalang na tumigil kami sa may bandang gilid.

 "Chan, ganito muna tayo.. kahit saglit lang.. please?"




-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Kobe napatambay ka ata dyan?"

Nginitian ko lang yung matandang may ari ng tindahan sa harap ng bahay namin.

Kanina pa ako nakatambay dito sa harap ng bahay, dito sa may tindahan sa lipat daan.

Wala pa si Chan, gutom na ako eh -.- wala parin siya. Kanina ko pa siya hinihintay.

Hindi pa ako pumapasok ng bahay, gusto ko na nariyan siya bago ako pumasok.

 "Naka-apat kanang sigarilyo sa kakatambay mo."

Muli, nginitian ko lang yung nagtitinda.

Nakakahiya talaga. Kanina pa ako nakatambay dito.

Bakit ba kasi ang tagal? San ba sila pumunta ni tita Sen?

Kanina ko pa hawak phone ko, gusto kong tawagin si tita Sen para sana magtanong pero ewan.. ayoko magtanong!

Napalingon naman ako sa may bandang likod nang may marinig na nagtatawanan.

 "Oo noh? Namuntikan na siya dun sa mga taga 2nd street."
 "Sayang, dapat kasi pinasa nung taga 2nd street yung bola dun sa matangkad nila eh."
 "Ang ganda talaga nung laban noh?"
 "Gago yun eh, hindi naman talaga magaling yun. Swerte lang na pumapasok mga tira niya."
 "Puro tangkad lang noh?"
 "Pero grabe noh? Hindi kumupas sa sigawan, tae halos lahat ng babae noh?"
 "Sus, matangkad lang tsaka hilaw na tisoy."


Agad naman akong nakaramdam ng tuwa sa narinig.

Naghahanap sila ng sakit ng katawan?

Alam kong ako ang tinutukoy nila. Nakakatuwa dahil may sasalo ng inis ko.

Hindi nila ako napapansin dahil nga sa abala sila sa tawanan habang naglalakad sila.

Agad lang akong tumayo.




-----


Point Of View

 - C h a n -



 "Sige salamat din, ingat!"

Pagkaway ko pa at umalis na nga si Jaydon.

Nagpababa na ako hanggang dito sa kanto. Baka makita pa kasi ni Kobe na kasama ko siya.

Agad lang akong naglakad pauwi, malapit nalang naman eh. Halos ilang lakaran lang.

Napakunot naman ako nang may makitang tao sa may harap ng bahay ni Kobe.

Sino mga yun?

T-teka, si Kobe ba yung matangkad?

Binilisan ko na ang paglalakad hanggang sa nakumpirma ko ngang si Kobe.

Saglit akong tumigil at nakinig, mukhang away eh?

 "Ano bang gusto niyo?"

Rinig kong sabi ni Kobe.

 "Yabang nito noh?"
 "Tol hwag mong sasabihin na taga dito ka.."

Nang marinig yung sinabi ng mga lalake kay Kobe ay agad na akong lumapit.

 "P-pasensya na.."

Agad na sabi ko at paghawak sa kamay ni Kobe.
Sakto naman na natulak na ni Kobe yung isang lalaki, agad ko namang pinigilan ang sarili na matawa, ang lampa naman nun, sobra siyang napaatras.

Sabagay, kahit payat 'tong si Kobe ma-muscle yung katawan eh. Yung bang walang laman tapos puro muscle, tapos matangkad pa.

Nang makita ko na susugod na yung isa ay agad akong humarang.

 "P-pasensya na.. alis na kayo, alis nalang kayo. Kayo din magsisisi kapag tinuloy niyo pa." pakikiusap ko sa kanila.

Malapit lang bahay nila Az at Dennis dito, nako, sa tangkad ba naman ng tatlo. Tsktsk

 "Kobe tara na.." agad na sabi ko pagkaharap ko kay Kobe, hindi ko parin binibitawan yung kamay niya.

 "Kayong mga gago kayo ayusin niyo ah? Pasalamat kayo.."

 "Tama na nga Kobe diba?" agad na pagsabat ko at paghila na sakanya.

 "Pasensya na talaga, sige alis na kayo.. pasensya na.."

Lingon ko sa mga lalaki, hindi ko na binitawan yung kamay ni Kobe, baka sumugod pa eh.

Hanggang sa nakapasok na kami ng gate at nasa may pintuan na kami ng bahay nang..

 "Baka gusto mo nang bitawan yung kamay ko."

Napatingin naman ako sakanya.. saka sa kamay niya..

O.O

Agad ko namang binitawan yung kamay niya. Hawak hawak ko papala. Tsk

 "Bakit ba kasi nasa labas ka? Hindi ka pa ata pumapasok ng bahay? San kaba galing?" tuloy-tuloy na sabi ko nang tuluyang makapasok.

Pinatong ko kagad yung gamit ko sa sofa.

Paglingon ko sakanya. Nakatayo lang siya sa may labas at nakatingin sa akin

 "Bakit?" kunot ko.

Pasimple naman niya akong inirapan saka siya tuluyang pumasok.

 "Yung rules kasi, pinapahalagahan ko." sabi niya habang dere-deretso siyang naglakad papunta sa kwarto niya. "Ikaw kasi mukhang hindi."

 "Hah? Ano bang nangyari? Ayos naman diba?" agad na tanong ko.

Pagkalabas niya ng kwarto wala na siyang damit, yung jersey shorts nalang niya.

Inabot naman niya yung phone niya, agad ko naman itong kinuha.

Nasa may notes yan.


 "Yung tatlong rules na halos iisa lang ang ibig sabihin, mukhang nakalimutan mo pa. Rule 1, 4 and 5."

Sabi niya, at kita ko na sa kusina naman siya pumunta.

Binasa ko naman..

 "Alam mo bang kanina pa ako nasa kung saan-saan? Hinihintay kasi kitang dumating, ayaw ko na masira yung rules.. yung rules na nasasabing 'Gusto ko pagpasok ko ng bahay ay makikita kita kaagad'."

Rinig kong sabi pa niya.

 "Ayaw ko lang masira yung rules, kaya imbis na responsibilidad mo.. ako na gumawa."

Agad naman akong napasimangot saka siya hinintay na lumapit muli.

 "Umalis karin ng bahay, pinuntahan kita dito tapos wala kana." agad na sabi niya nang lumabas na siya mula sa kusina.

 "Yun lang problema? Ba't nagdadabog ka muna?" inis na sabi ko.

Halata kasi sa kilos niya kanina pa eh, hindi ko lang pinapansin.

 "Ikaw nga kasi Chan, kanina pagkabalik ko wala kana. Tapos kanina rin hindi ka agad umuwi para maghanda ng makakain natin. Rules nga diba? Sabi ko sa rules na pagkauwi ko gusto ko makikita at madadatnan kita dito tapos nung nasa.."

 "Rule number 'Chan." simpleng sabi at pagputol ko sa sinasabi niya.

 "Sa madaling salita.. gusto ko na alam ko lahat ng gagawin mo, na walang magsisinungaling sa akin." sabi ko pa at pagtingin ng deretso sakanya.

Kita ko na napatigil siya sa sinabi ko.

 "Kanina, hindi ko alam kung bakit mo ako pinaiwan na muna dito at kung bakit nauna na kayo." paliwanag ko pa.

 "Diba? Kaya ngayon pasensya ka, matutulog nalang ako. Bahala kang magutom." may diin na sabi ko at saka inayos yung pagtutulugan ko.

 "Chan sor.."

 "Hwag mo akong kausapin. Baka maisipan kong umuwi." agad na pagputol ko sa sinasabi niya habang abala lang sa pag-aayos sa sofa.



-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Gutom nako."

Parang batang maiiyak na na sabi ko -.-

Ala-una na ng gabi pero hindi parin ako makatulog :(

Tiniis talaga ako ni Chan.

Oo pwede naman akong lumabas ng bahay para bumili pero si Chan kasi eh, nagtatampo ako sakanya. Natitiis niya ako.


 "Tanga! Ang tanga tanga mo talaga Kobe!" inis na sabi ko pa at paghagis sa unan ko.

Isip.. kailangan kong mag-isip ng paraan.

Kobe isip... isip..

At sa dali-dali na nga akong tumayo.

Hindi ko na talaga matiis ang gutom ko. Sumasakit na nga tiyan ko eh.

Agad lang akong lumabas ng kwarto at pumunta sa pwesto ni Chan.

Pagkalapit ko sakanya ay agad ko siyang hinawakan sa braso.

 "Chan.." alog ko.

 "Hm..."

Tulog manok talaga 'to. Manok ata siya eh?

 "Tara Chan kain na tayo? Gutom nako Chan.." tonong nakikiusap ko na.

 "Hwag mo akong istorbohin, kita mo naman na natutulog yung tao." inis niya at pagtagilid pa patalikod sa akin.

 "Uy Chan? Sorry na.. bati na tayo? Please?" pag-alog ko pa sakanya.

Pilit naman niyang tinataboy yung kamay ko.

 "Sorry na? Please Chan?" pagmamakaawa ko pa.

 "Kapag hindi ka tumigil uuwi talaga ako." sabi naman niya.

Inuubos ni Chan ang pasensya ko!!

 "Ah ganun? 'di ka talaga haharap sa akin? Hindi ka talaga makikipagbati?" inis na sabi ko na.

 "Dun kana kasi. Hwag kang mang-istorbo. Bahala ka sa buhay mo." inis rin na sabi niya.

Aba talagang?..

 "Chan naaalala mo yung ginagawa ko sa'yo kapag hindi mo ako kinakausap at kapag tinutulugan mo ako?"

Kita ko na lumingon naman siya kaagad sa akin.

 "Kobe? Pwede ba? Matanda na tayo, hindi na tayo bata. At kung nagugutom ka, ayan oh pintuan palabas.. edi bumili ka. Hwag mo akong istorbohin, natutulog yung tao eh."

At talagang inirapan niya pa ako at muli akong tinalikuran.

 "Ah talaga lang ah?" naiinis na sabi ko at..


1..

2..

3....



(
flashback

Point Of View

 - Third Person's -


 "Chan yan na nga oh.."

 "Ewan."


 "Chan!!"

 "Ewan. Sayo na yan."

 "Chan naman eh!!.."

Pagbubusit na ni Tenten.

Kanina kasi hinihiram ni Chan yung bumble bee niya. Sinabi niya na saglit lang dahil inaayos niya ito. Nangyari naman na nagbusit si Chan at hindi na siya pinansin nito.

 "Chan. Ayan na nga oh, pinapahiram na nga kita eh." pamimilit pa ni Tenten at pag-alog niya kay Chan.

Nakahiga kasi to, patagilid at patalikod sakanya. Ayaw siyang kausapin nito.

 "Ayoko na nga." inis pa nung isa.

 "Ah isa.." tonong pagbabanta ni Tenten.

 "Dalawa... Chan kapag hindi mo talaga ako hinarap bahala ka.."


Nguni't hindi parin siya hinarap nito.

 "Ah talaga lang ah?" sabi ni Tenten at agad na nga niya itong tinalunan..

Hanggang sa..


end
)

Point Of View

 - Third Person's -


 "Oo na.. oo na.."

Tumatawang sabi ni Chan na hindi mapakili, sobrang malakas ang kiliti niya.

 "Ano ah? Ano.." tumatawa ring sabi ni Kobe habang kulong-kulong niya si Chan sa kanyang katawan at kinikiliti niya ito.

 "Oo na nga, bati na tayo.. Kobe ahaahahaaa.." hindi na napigilan ni Chan at napahalakhak na nga siya ng napakalakas.


(Author: Ang OA mo Chan!)



Hanggang sa tumigil na si Kobe sa kakakiliti. Nakuha pang hingalin ni Chan mula sa mahabang pagtawa.

Nakakatuwa dahil kasyang-kasya ang dalawang magkaibigan sa sofa.

Si Chan na hindi parin magkamayaw sa paghabol sa paghinga at si Kobe naman na nakayakap parin kay Chan.

Napalingon naman si Chan kay Kobe dahil sa natahimik ito.

 "O-oh Kobe? B-ba't ka umiiyak?" agad na pag-aalala niya.

Kumawala naman siya sa yakap ni Kobe at hinarap niya ito, bale ngayon ay magkaharap na nakahigang patagilid ang dalawang magkaibigan.


 "Chan, namiss kita.. sobra." mahinang sabi ni Kobe habang pilit na pinupunasan ang kanyang mga luha.

Napatitig lang sakanya si Chan. Ang gaan ng pakiramdam ngayon ni Chan, ang sarap sa pakiramdam dahil nagkalapit narin sila nito.

Pinagmasdan niya lang si Kobe, hanggang sa hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa pagkakatakip sa mukha nito.

 "Ikaw.. i-ikaw, y-yan yung Kobe na hinihintay ko.." mahinang sabi ni Chan at dahan-dahan niyang inilapit ang kaliwa niyang kamay sa mukha ni Kobe at siya na nga ang nagpunas sa mga luha nito.


 "Chan payakap.."

Kalaunan ay sabi ni Kobe at mabilisan na nga niyang niyakap si Chan.

Pinakahigpit-higpit niya, na tila ayaw na niya itong bitawan sa sobrang higpit.. masarap sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam nila ang katawan ng isa't-isa.. yung pagkakaibigan na matagal nilang hindi napagsamahan.

Si Chan, si Chan na napayakap narin sa tuwa.

.....



 "Ayoko.. ayoko ng mushroom."

Agad na reklamo ni Chan nang ilagay ni Kobe sa plato niya yung mushroom.

Kumakain sila sa isang fastfood.

 "Ayoko rin niyan eh." napapakamot na sabi ni Kobe.

 "L-lagay mo nalang dito oh." sabi ni Chan at nilagay niya ito sa may tissue.

 "Oh Chan?!" reklamo kagad ni Kobe nang kuhanin ni Chan yung kinakain niyang steak.

 "Ang sarap eh. Order kana lang ulit." pangungumbinsi ni Chan nang makasubo na ng steak.

 "Uy ano ba? A-akin yan eh!" reklamo rin naman kagad ni Chan nang kunin ni Kobe yung manok sa plato niya.

 "Ang sarap eh. Pakagat lang." ngiti ni Kobe at kumagat na nga siya sa manok.

Parang nasa bahay lang ang dalawa. Kanang kamay ay kutsara, kaliwang kamay naman ay kamay na mismo ang pangkain nila.

 "Oh tama na.. puro ka kagat. Sa akin yan eh." sabi pa ni Chan habang nakatingin dun sa manok na kinakagat-kagat ni Kobe.

Kung titignan, parang mga bata lang na mauubusan ng pagkain kung makaasta ang dalawa.

Magkaibigan nga sila.


.....



 "Absent tayo bukas?"

Tanong ni Kobe habang naglalakad sila pauwi ni Chan.

Nakaakbay lang ito kay Chan, nagbibiruan sila sa daan, kulitan at tawanan.

 "Sige, ayos lang. Libot tayo bukas?" excited na sabi ni Chan.

Nakuha naring magkamustahan ng dalawa kanina. Tungkol sa mga nangyari dati, kamusta ang pag-aaral, kamusta ang isa't-isa.

 "Ay Chan, gusto mo uwi tayo sa pampanga bukas? Dun tayo maglibot Chan." excited rin na sabi ni Kobe.

 "Oo tapos uwi ka sa bahay ah?" ngiti ni Chan. "Nako matutuwa sila ate Cindy."

 "Ba yan.. nahihiya ako eh." pilit na ngiti ng isa.

 "Oh edi wala ng lilibot." simangot kagad ni Chan.

 "O-oo na oo na, sige na sige.. maaga ang alis natin bukas., byahe pa tayo." agad na sabi ni Kobe na ikinangiti ni Chan.

 "Good." simpleng sabi ni Chan at pagsiko pa sa tagiliran ni Kobe.

 "Oh? B-ba't may ganun pa?" napapangiwing sabi ng isa.

 "Masakit ba? Bagay lang yan.. ilang araw mo akong pinatulog sa sofa!"

Tonong nang-iinis ni Chan at agad na nga siyang lumayo kay Kobe.

 "Tenten payatot! Diba sa ating dalawa ikaw pinaka-kulelat sa pagtakbo? Tignan nga natin kung kulelat ka parin hanggang ngayon.. payatot!!" tawa pa ni Chan at agad na nga siyang tumakbo.

 "Chan kapag nahabol kita tignan mo lang gagawin ko sa'yo.. kaya pakatakbo mo na!" sigaw rin ni Kobe at saka narin siya tumakbo.


Habang naghahabulan ang dalawa, hindi mawala ang tawanan.

Maingay nga sila kung tutuusin. Pero wala, wala silang pakialam sa mga maiistorbo nila. Matagal silang hindi nagsama, kaya heto at bumabawi sila sa isa't-isa.



-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Dau terminal po. Dalawa."

Mahinang sabi ko sa kondoktor ng bus.

Bawal ang maingay, haha

Natutulog si Chan. Nakasandal yung ulo niya sa may balikat ko. Syempre ako naman tuwang-tuwa dahil dun :)

Alas-otso na ng umaga. Alas-siete ng makasakay kami ng bus. Bale mga mag aalas-diyes siguro nasa Pampanga na kami.

Nakatulog si Chan. Paano ba naman alas-tres na ng umaga kami nakatulog kanina. At kaninang mag aala-sais naman kami nagising. Bale ilang oras lang ang tulog namin.

Nga pala, sa sofa kami natulog :) kaming dalawa :)


 "Eto po, salamat sir."

Sabi nung kondoktor at pag-abot sa sukli.


Matapos nun ay agad na akong nagtext.


Message: Az Dennis, mag-absent ako ngayon. Kasama ko si Chan, kayo na bahala magpalusot diyan. Salamat!

Agad ko lang nilagay yung earphone sa may tainga ko, makatulog nga rin.. para mamaya may energy kami maglibot libot, haha

Bago ako pumikit ay tinignan ko muna yung kamay ni Chan.

 "Chan, tulog ka naman eh.. pahawak muna ng kamay mo ha?" ngiti ko at dahan-dahan ko na ngang inabot yung kaliwang kamay niya.

At sa pumikit na nga ako nang tuluyan ko 'tong mahawakan.

Pinakahigpit-higpit ko pa ang pagkakahawak. Ang lambot ng kamay ni Chan!

Nakuha ko pang mangilabot, ang sarap sa pakiramdam. Ganun ata? Nangingilabot talaga? Haha

(Author: Ako kasi guys, nung february 25 ko lang naranasan yung unang pakikipaghawak kamay :) nangilabot ako nung saktong hinawakan ko yung kamay niya. Ewan? Sa kilig siguro? Ganun ata kiligin ang author niyo?Nyahahaha)




------


Point Of View

 - C h a n -



Napalingat ako nang makaramdam ng yugyog.

Nakasakay nga pala kami ng bus.

O.O

Oo mga pala, sa may balikat ni Kobe ako nakatulog.

Napatingin ako sa may bintata..

Oh.. nakalabas na pala kami ng NLEX. Nasa may pa-Dau terminal na pala kami.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may hawak-hawak yung kaliwang kamay ko.

O.O

Kamay ni Kobe?

Napatingin ako sakanya.

Nakasandal lang yung ulo niya sa may taasang-sandalan ng inuupuan namin.

Kaya naman pala hindi nakakapit yung kamay niya sa kamay ko, tulog siya.

At tsaka.. paanong nangyari na magkahawak kamay kami?

O.O

Nakakahiya!

Baka nanaginip ako? Tapos hinawak ko yung kamay niya?


Agad ko lang binitawan yung kamay niya.

Mabuti nalang at tulog siya. Nakakahiya kasi eh.


 "Terminal na po.. Dau."

Rinig kong sigaw nung kondoktor.

 "Kobe? Nandito na tayo.. Kobe?.." paggising ko kay Kobe at pagtapik-tapik ko pa sakanya.

Kita ko naman na nagising ito at napa-unat kagad, nakuha niyang pang humikab.

Pagtingin niya sa akin, ngumiti siya kagad.

 "Good morning ulit Chan."

Napailing nalang ako.

 "Ang bait mo talaga kapag bagong gising." ngiti ko at tumayo na nga ako. "Tara na, naghihintay na sila sa bahay."

 .....



 "Naiilang po ako sa inyo."

Nahihiyang sabi ni Kobe.

Nasa bahay na sila, nasa hapag.

Lahat ng katulong lalo na ang ate Cindy nila ay nakatitig kay Kobe.

 "G-grabe ah?" manghang sabi pa ni ate Cindy.

 "Ate Cindy, siya nga si Tenten, ba't ayaw niyong maniwala?" natatawang sabi pa ni Chan.

 "Konting-konti nalang, xerox mo na kuya mo eh. Naniniwala kami pero.. kung sigurong naging maitim kalang katulad ng kuya Kash mo.. nako, kambal ata kayo.. kahit hindi matangos ilong ng kuya mo.." mahabang sabi ng isa sa mga katulong.

 "Ay grabe talaga. Matutuwa si kuya Seven niyo niyan at nandito kana Tenten."

Napatahimik naman si Kobe sa narinig, maging si Chan.

Nasabi na ni Kobe kay Chan ang ilan sa mga dahilan kung bakit siya lumayo.

Isama na ang dahilan na si kuya Seven nila ang dahilan kung bakit nawala ang kuya Kash niya.

 "Ate Cindy busog na kami ni Kobe, punta lang kami sa kwarto ko. Nalinis niyo ba?"

Agad na sabi ni Chan, pambawi sa katahimikan nilang dalawa ni Kobe.

 "Ay oo. Nalinis na namin."

Ngumiti lang si Chan at agad na nga niyang hinila si Kobe, ngumiti rin si Kobe sa mga nasa hapag at naglakad na nga sila.


 "Pasenya na Chan ah?" agad na sabi ng isa habang naglalakad sila.

 "Wala yun. Naiintindihan kita." ngiti ng isa.

.....



 "Dito parin pala kwarto mo?"

Manghang sabi ni Kobe kapasok nila sa kwarto ni Chan, na kwarto rin nila dati.

 "Kapag dito kasi, atlis parang kasama ko sila kuya Seven at si kuya Kash." magaang sabi ng isa.

 "Sila lang?"

 "Oo sila lang." simpleng sabi ni Chan.

 "Oh tara na nga, balik na tayo sa Manila." inis na sabi ng isa na agad namang ikinatawa ni Chan.

 "Eto naman joke lang." sabi pa ni Chan.

Muli namang lumapit sakanya si Kobe.

 "Talaga? Oh sino pa?" excited na sabi ni Kobe.

 "Hm..." tonong nag-iisip ni Chan. "Wala na talaga eh, sila kuya Seven at kuya Kash lang."

 "Chan naman eh.." agad na pagbubusit ng isa, lalo namang natawa si Chan.


 "Oo na oo na, syempre pati ikaw. Nang-iiwan ka kasi eh." pag-irap pa sakanya ni Chan at pagpunta sa higaan.

 "Pa irap-irap kana rin ha? Gusto mong kiliti?"

Agad namang nanlaki yung mga mata ni Chan sa narinig.

 "K-Kobe tama na ah? A-ayoko na, kakakain lang natin." agad na pakikiusap nito.

 "Chan.. tatalunan na kita." tonong nakakaloko ni Kobe habang papalapit sakanya ito.

 "Kobe tumigil ka nga.." natatawa na naiinis na sabi kagad ni Chan.

At sa nakuhang maghabulan ng dalawa sa loob ng kwarto.


Napagplanuhan narin ng dalawa na mamasyal, at bago sila bumalik ng Manila ay binisita muna nila ang kanilang mga inay, pati na ang kanilang kuya Kash.


-----




Special Point Of View

 - Prince Justin -






Hi guys :]

Sino yung nasa picture sa taas? Syempre, ang author niyo :] Ang author niyong kumakain ng filters xD

Oh ano, feeling gwapo noh? Kapal ng mukha xD

Anyway,
Nagkaayos na ang dalawa, si Kobe at si Chan. Edi ano kayang mangyayari niyan sakanilang dalawa?

Masaya naba lagi? Wala nabang magiging problema?

Eh si Jaydon, ang nag-iisang pambato ko. Ano kayang mangyayari sakanya? -.- Gagawa ako ng paraan!! (evil look) Nyahahaha

Osya, abangan niyo nalang ang mga mangyayari :)


Nga pala, ako yung bagong pangalan sa mga point of views :) minsan dadaan ako sa mga point of views :)) ako nga rin pala yung 'Gwapo' na tinutukoy ko sa athr'snote ko kanina, kapal noh? xD

Osya, patayin si Kobe!! Nyahaha joke xD


At eto na nga.. mga mambabasa, nagkokomento.. mga silent readers rin.. Maraming Salamat :)

-emo19, dukduk daka ken eh! Haha
-nagtatagongGeo, tsismoso! xD
-lawyerAnonymous, ahm.. teka teka.. hindi ako makapagsalita ng maayos. B-baka lawyer ka nga talaga, b-baka makulong ako ng wala sa oras, hahaha
-dave, gusto mo kayo nalang ni Kobe? :)
-tyler, :)
-yeahit'sJM, let's find a way then, nyahaha xD
-alfredTO,
-ylden, ang ganda talaga ng pangalan mo :))
-jharz, si kuya jharz na puro sermon, haha
-jess, thumbs UP! :) salamat!
-44, oh ano masasabi mo sa chapter na ito? :)
-xian, asan si lim? Haha, corny -.-
-michito, ohh michito with love.. lalalala :)
-shai, wala ng stress ngayon! :)
-leandro, what about this? nakakakilig ba? :)
-yuwon, sana sa mga next update makita ko yung pangalan mo na nasa unahan :)
-junrey, ipabubugbog kita kay Kobe! walanghiya ka, hahahaha xD
At sa mga anonymous, salamat :))

Maraming salamat guys :)

Sana nandyan kayo pala para sa akin :))

Oh ayan ah? Hindi na nakakabitin ang chapter na ito, para sa inyo :)



- #papaPrince :]

23 comments:

  1. Grabe. Ang cute. Nung planggana (?) sa background ng pic mo. Haha. Jk. Haay. Kobe. Kakakilig ka. Ganda este pogi ni Chan. Sino kaya ang para kay Jaydon? Haha.


    -Xian (hindi Lim. Maarteng bading yun)

    ReplyDelete
  2. An gagaling talaga ng mga author dito. Ang babata pa matatakino. Krep it up P Justin. Malayo ang aabutin nyo. God bless you.

    ReplyDelete
  3. It makes my day complte...worth enough to read this one..ur great prince...t.c.

    Jess

    ReplyDelete
  4. It makes my day complte...worth enough to read this one..ur great prince...t.c.

    Jess

    ReplyDelete
  5. Hahahah wala ako masabi...hangkyut lang hehehhe😁😁😁😁😁😁😁😁😁
    👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👍👍👍👍👍👍

    Shai😁😁😁😁😁

    ReplyDelete
  6. Nabitin ako sa POV mo .nyahahahahaha
    Salamat sa update author
    Uwi ako pampanga today.

    ReplyDelete
  7. Finally nag kaayod na din sila!!!!! ;)))))))) ang saya ko lang talga pero mas sasaya kung may pag ka naughty sa susunod kahit kiss sa cheeks lang hahaha!!

    Nabuhay na ang #mr.BEAN!! Ano kayang sasabihin ni Jaydom pag nalaman nyang umalis sina Chan at Kobe.. Tsk sana wag syang mainis kay Chan pero sana mainis sya para magawa na nila yung dare hahaha!!!

    Thanks mr.author na mahilig sa filter na napaka payat gusto mo bigyan kitang laman?? Haha ang daming excess nung akin eh. Eto na yung pinaka gusto kong chapter so far kasi nagkaayos na sila!! Kelan kaya uuwi si Kuya Seven??

    -44

    ReplyDelete
  8. Maganda ba? Parang ako lang pogi XD lol
    thank you author, nawala bad trip ko sa kakulitan nila :)

    ReplyDelete
  9. Maganda ba? Parang ako lang, pogi haha.. joke.
    Thank you author, nawala bad trip ko. Salamat sa dalawang makulit :)
    Yeheyyy bati na sila XD

    ReplyDelete
  10. Yes sa wakas bati a sila kobe at chan waaaaah

    ReplyDelete
  11. Subukan lang ni Kobe na lumapit sa'kin, ipapasapak ko sya kay JOSEPH at CHRIS! Bleh :p

    ReplyDelete
  12. Jaydon pleassseeee!!!!! :P

    ReplyDelete
  13. Omg. Ang saya saya ok na si Tenten at Chan. Team Tenten. Haha. Kelan ba babalik si Kuya Seven? Haha

    Kuyang Author gawa ka ng paraan para silang tatlo nila Chan Kobe at Jaydon magkatuluyan? Hahahaha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  14. grabe naman wale -_- sige interviewin ko pa sya tungkol
    sayo hahaha

    bute naman me kobe moment na XD

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  15. Pwede ba akin nalang c kobe... Parang katulad nya kasi yung gusto ko eh.. Matangkad.. Heheeh.. Ang bitter mo kay kobe.. Hmmfft.. Kaw kaya gumawa sakanya.. Bad ka..!! Pabugbog kita kay paul saka kay joseph e.. Hahah - dave

    ReplyDelete
  16. Salamat sa sweet na update mo papa prince ..... Tpos my point of view kana tlga lang sa kuwento mo kaw na tlga, next mo naman ipost ung taong mahal mo at ngpatibok ng puso mo para makilala namin siya

    Jharz

    ReplyDelete
  17. Emeged. Emegerrrrd. Haha. Landi. Haha. Astig!! Walang puknat magpakilig si mr. Author. Favorite part ko yung umiyak si Tenten. May kiligan part din ba sila ni Jaydon??

    ReplyDelete
  18. haha nice update papa prince keep it up... buti ok na sila kobe at chan..favor naman dagdagan mo pa ung sweetness nabitin ako para lalo mabaliw mga reader mo dito hahah.. ayun eto Nahuli ako magcomment sayang.. haha

    -Yuwon

    ReplyDelete
  19. "-michito, ohh michito with love.. lalalala :)"

    Hahahahaha! Grabe naman yun oohh. Ang seducive mo ha. Hihihi cute ka pa naman. Hahaha


    Hayan na! Bumabalik na ang dating mag bestfriend. Thia is really is it is it. Moment of truth na. Wag nang epal Jaydon, tapon kita sa ilog. Hahahaha


    - Michito

    ReplyDelete
  20. This made my day.. ehe. Sna mas mahaba nmn nxt chap. Then pakibilis nrin ang update. Hala ang daming demand ee no? Ahaha.sarree nemen.


    Az

    ReplyDelete
  21. This made my day..kilig overload. Sna c jaydon din ehe. Tnx 4 this Mr.Gwapo (sabi mo kasi ee). Sna mas mahaba next chap. And pkibilis ndin ang update. Bang demanding ko no?? Ahah well saaarreee nemen.


    Az

    ReplyDelete
  22. This made my day..kilig overload. Sna c jaydon din ehe. Tnx 4 this Mr.Gwapo (sabi mo kasi ee). Sna mas mahaba next chap. And pkibilis ndin ang update. Bang demanding ko no?? Ahah well saaarreee nemen.

    Az


    Az

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails