The John
Lloyd Diary
Chapter IV
by: Apple
Green
jaceanime@gmail.com
Author’s Note:
Guys! Please
don’t forget to add me up sa FB para close-close tayo, at paki-like na rin po
sa Page ko na The Red Ink to get teasers and updates for the series I am
writing. The links are below para di na kayo ma hassle sa kaka-type. Anyway, di
ko na patatagalin tong AN ko. Sorry po sa halos isang linggong pag-aantay. Eto
na po ang pang-apat na banat sa ating kwento. Hope you guys like this one.
PS. Kaway-kaway kina Kuya Nards, Ihno
Sansenin, Ken, Ren Ren, kay Misha Xela, at kay Kuya Yuen, Nhe, Kuya Red. Syempre
hi din kina Axel De Los Reyes, Kuya Rye, at kay Pinunong Blue Ranger na mga
kasamahan kong manunulat sa blog na ito. At syempre sa mga admin natin sa MSOB.
I love you much much guys! Hart hart.
- Jace
======================================================
"Please Lev. I beg you." At tuluyan
na nga niyang nahawakan ang aking mga kamay. "Come back to me! Mahal na
mahal kita."
Assuming na kung assuming. But I knew this
would come out. Akala ko madali lang harapin ang mga ganitong sitwasyon -- heck,
I didn't even imagine myself to be in this kind of mess. Ang hirap pala!
Torn between two lovers.
Tss. Akala ko sa mga palabas lang sa TV at
mga nobela nangyayari ang ganito. Kahit pinangarap ko, na kahit imposibleng
pag-agawan man lang ako ng dalawang mangingibig, mahirap pala kapag nasa
mismong sitwasyon ka na.
"Eh di
wow! Ikaw na mahaba ang buhok. Ikaw na pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Masaya
ka na't nangyayari na 'to sayo ngayon? Eh diba eto naman ang pinangarap mo
dati? Tiisin mo, ginusto mo to eh!"
"Jeff.." Hindi ko na alam ang
susunod kong sasabihin. Alam mo yung pakiramdam na pina-plano mo ang isang
bagay, pero nung dumating ka na sa punto kung kelan gagawin mo na ang plano mo,
bigla ka namang naguguluhan at nagdadalawang-isip kung tutuloy ka ba o hindi?
I miss Jeffrey. Katangahan na kung
katangahan, pero mahal ko pa rin siya. At least, at this point. Malaking parte
pa rin ng puso ko ang nasa kanya. Pero tulad nga ng iba ko pang inaalala,
komplikado na ang lahat para makipagbalikan sa kanya.
And not just those things, there's also
Kayne.
Si Kayne na nagbigay sa akin ng panibagong
pag-asa. Ng bagong simula. At bagong pag-ibig, na kahit masyado pang maaga para
mag-conclude, ay nararamdaman kong posible naman sa aming dalawa.
"I
think you have chosen already. Siguro nanghihinayang ka lang na pakawalan ang
hindi mo pinili. But, that's not good Levi. You are being unfair. This
meeting's purpose is to execute your decision."
Tama. Ayoko ng ulitin ang mga pagkakamaling
nagawa ko noon. I need to straighten things out and move forward with the one
I've chosen.
"Lebleb." Nakikinita ko na ang mga
luhang sumisilay sa mga nagsusumamong mata ni Jeffrey. "Let's start all
over again. I promise, this time, we will succeed and be happy together. Give
me another chance."
"Jeff, the truth is..." Hindi ko
magawang sundan ang aking mga sasabihin pa.
But for the sake of fairness and being able
to move onwards, I know that I need to toughen myself and tell him how I feel.
"The truth is, I am here for us to end
everything, and.." Ang mga mata ko na nakatuon sa kanya ay kusang lumihis.
"..to have a proper c-closure."
"No. Hindi." Iling niya. Nakikita
ko sa kanyang mga mata ang sakit na nirerepresinta ng mga luhang nangingilid na
sa mga ito. "Alam kong nagkamali ako noong nakaraan Lev. Akala ko kasi
kaya ko ng mabuhay ng wala ka na. Pero heto ako ngayon, at inaaming
pinagsisisihan ko ang mga iyon. Please Lev. Kaya pa naman nating magsimula ulit
diba?"
"Jeff. I've already given myself to
someone. Isang tao na kahit di ko pa lubusang kilala, sigurado ako sa sarili
kong sumugal, para lang makapagsimula ulit. I want to start all over again. And
I know, we both know, that we can't do that together."
"Lebleb naman. Bakit sa isang
estranghero ka pa magsisimula? You've known me for years, and you know that we
still do love each other. Can't we just do that?" Unti-unti ng nahuhulog
ang luha sa kanyang magkabilang pisngi.
"That's the problem Jeffrey. We do love
each other, but there are some things in the past that up to now, we haven't
came into good terms with. Sa tuwing sasabihin nating magsisimula tayo, yung
mga problema pa rin natin dati ang nagiging dahilan ng ating mga away. Di ka ba
napapagod?" Wala na akong pakialam kung may makarinig sa amin.
"Let's just have faith in our love Levi.
We can make it. Please. Wag mo akong iwan." Mahigpit na ang hawak ni
Jeffrey sa kamay ko, rason para bawiin ko ang mga ito. "I love you, Lebleb
ko."
"Sorry Jeff. Minsan kasi, hindi sapat
ang pagmamahal lang para magtagal ang isang relasyon. Gusto kong matapos ang
lahat sa atin na maayos, pero mukhang hindi pa ata ito ang tamang panahon.
Mauuna na ako. Salamat."
Agad akong tumayo at dali-daling tinungo ang
pinto ng restaurant.
"Levi! Lebleb!" Tawag pa ni Jeffrey
nung makalabas na ako pero hindi ko na yun pinansin.
Ayoko siyang saktan, pero ayaw ko din namang
kulungin ang sarili ko sa isang pagsasamang hindi naman ako lubusang magiging
maligaya.
We are just hurting each other, if we were to
continue where we left off before. Sawa na akong paikot-ikot lang kami sa
away-bati na relasyong iyon. Kahit alam kong normal naman iyon sa isang
relasyon, pero napaka-komplikado na ng lahat para pumayag pa ako sa gusto niya.
Siguro ayoko lang matulad sa Mama ko na
sobrang baliw sa pag-ibig. Yung tipong kahit alam niyang yun nalang ang tanging
nagbubuklod at humahawak sa kanya kay Papa, sige pa rin siya ng sige noon. But
eventually, their marriage fell apart. And love was not enough.
Time and space.
Yep. We need those for now. Baka sakaling sa
susunod naming pagkikita, magiging maayos na ang lahat.
"Sometimes,
we need to hurt other people now, to prevent us from hurting them over and over
again. Mas mabuti na yung isang bagsakan ang sakit, kesa sa unti-unti natin
silang pinapatay sa pagdurusa. Minsan, may mga bagay na dapat ng bitawan. Mga
bagay na hindi lang ikaw ang nasasaktan. Sabi nga sa kanta, love isn't just
enough."
I'm sorry Jeffrey. Sana maintindihan mo ako
balang araw.
==================================
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko.
Sabado.
Ang araw kung kelan kami magkikita, sa unang
pagkakataon, ni Kayne.
Kinakabahan ako. Pagkagising ko pa lang
kaninang umaga, nakaharap na agad ako sa salamin.
Kelangan ko na bang magpagupit ng buhok?
Masyado na atang wolverine ang itsura ko.
Kelangan ko na bang mag-ahit ng balbas at ang
pinaka-iingatan kong sideburns? Baka di niya magustuhan ang may maraming facial
hair.
Do I look presentable enough when he see me
later?
Do I look good enough for him to consider
about being my partner in real life?
Hala! Ang gwapo pa naman nun. Eh ako? Nganga!
"Beep!" Nagulat ako sa tunog ng
aking phone.
"See you later tonight, John Lloyd.
:)" Milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko
nung nabasa ko ang text nito. Binaba ko nalang ang telepono ko't muling hinarap
ang sariling repleksyon sa salamin.
Humaygas! Kampante na ba talaga akong
makipagkita sa kanya mamaya? Ano naman ang sasabihin ko sa kanya kapag nagkita
na kami?
I need to practice. Tama.
"Hi. I'm Levi. I'm your boyfriend."
Napa-iling agad ako. Masyado naman atang
straight-forward at assuming yun. Hindi pa naman definite ang iskor naming
dalawa eh. Isa pa.
"Kumusta? You must be Kayne. I was
pretty sure na ikaw nga yun."
Awkward. Konyo. One more time.
"Hello. Ikaw ba si Kayne? Ako nga pala
si Levi."
Tanga! Nakita mo naman ang picture nung tao
diba?
Sa sobrang ka-blangkuhan ng isip ko,
sinabunutan ko nalang ang aking sarili't hinalamos ang mga palad sa aking
mukha.
"Levi!
Ano bang nangyayari sayo? Kalma ka lang. Hindi ka naman nagkakaganyan dati sa
tuwing may kakatagpuin ka mula sa site diba? What the hell is wrong with
you?"
That's the word. Dati. Iba na ngayon. Alam mo
namang gusto ko yung tao diba? Syempre, natatakot akong ma-reject na naman.
"Gusto
agad? Eh, hindi mo pa nga nakikita at nakakausap sa personal eh. Malay mo bang
masamang tao pala yun? Bawas-bawasan din kasi ang kalandian no?"
Ewan ko sayo. Basta ako, pakiramdam ko, siya
na. Siya na ang para sa akin. That he is my forever.
"Eh
pano kung hindi? Tsaka akala ko ba hindi ka naniniwala sa forever?"
Eh di hindi. Hanap ng iba. Sus. Madali lang
yun.
"Sigurado
kang madali lang? Kung totoong madali, bakit inabot ka pa ng halos isang taon
bago ka makamove-on kay Jeffrey? Sabi mo kanina gusto mo, pero parang may
contradictions ka ata? At pano yung sinasabi mong forever, aber?"
Iba naman kasi yun. Jeffrey lasted for four
years. Si Kayne, bago pa lang. Gusto ko si Kayne, pero kung talagang hindi kami
magwowork-out, di hindi. Alangan namang pilitin ko sarili ko dahil lang ayoko
ng magsimula na naman sa umpisa? You know me. Si Jeffrey nga na apat na taon,
nagawa ko pa ding umayos. Siya pa kaya na ngayon ko pa lang makikilala?
Kung mangyari man yun, di na din siguro ako
babalik kay Kayne. At isa pa, MOVE ON ang apelyido ko. Kaya wag ka ng epal jan.
Isang malalim na buntong-hininga ang
pinakawalan ko, bago tuluyang maghanda sa nalalapit na sandaling inaantay ko ng
ilang araw.
Love is but a process of trial and error.
Para sa akin. Kagaya yan sa paghahanap mo ng iyong THE ONE. Kung makakakita ng
matinong tao't nagkakaintindihan naman kayo, eh di mabuti. Kung minalas ka
naman at natapat sa maling tao, eh di magsimula ulit sa umpisa.
Oo, hindi madali ang mag-umpisa ng
paulit-ulit sa bawat pagkakamaling nagagawa mo. Pero alangan namang i-asa mo
lahat sa tadhana? Buti sana kung may pa-premyong pag-ibig sa lotto, baka
sakaling maniwala pa ako sa tadhana na yan.
So paano nga ba nakikita ang pag-ibig kagaya
nung tinutumbok ko pa dati? Hinahanap nga ba ito, o hinihintay?
Hindi ako naniniwala sa tadhana o sa kung
anupamang bagay na humahawak sa buhay ng tao, maliban sa Diyos, syempre. Tayo
ang gumagawa ng ating tadhana. Tayo ang dapat tumuklas sa rason kung bakit
naglalakad tayo sa ibabaw ng daigdig. Tayo ang humahawak at nagpapaikot sa mga
sarili nating roleta ng kapalaran.
Kaya kung patanga-tanga ka jan at maghihintay
ka nalang na dumating ang prince charming mo, eh di wow! Makikita mo nalang ang
sarili mo, isang araw, na napag-iiwanan na pala ng panahon.
It's a matter of choice, actually. It's
either you get hurt and try to find love; or wait, even until you are six feet
below the ground, for love to find you. Kung masaktan ka man, kahit papaano,
natuto ka.
At sa bawat kamaliang iyon, ang mga aral na
nadadala mo sa paglipas ng panahon ang siyang magiging sandata mo upang maging
THE ONE para sa ibang tao. O at least, masaktan ka man, masasabi mo paring
"worth it" naman iyon.
Kasi tayo, selfish tayo eh. Gusto lang natin
palagi mahanap ang THE ONE ng mga buhay natin. Eh ang tanong, are we enough to
be considered as THE ONE in other people's perspectives? Diba? Magkaiba yun,
take note.
Ngayon, kung sakaling magkamali man ako kay
Kayne, kahit sabihin na nating gustung-gusto ko siya, pero kung hindi naman
kami magkakaintindihan, ano pa magagawa ko?
=======================================
Kakatapos ko lang maligo at magbihis nang
marinig kong tumunog ang phone ko. Tumatawag si Kayne.
"H-hello? Asan ka na? S-san pala tayo
magkikita?" Agad kong bungad pagkasagot ko sa tawag nito.
"Di ako pwede lumabas eh. Malapit na ako
sa apartment mo." Nagtaka naman ako sa unang sinabi niya. Ang akala ko
kasi, sa may mall o sa kung saan mang restaurant kami magkikita. Just like any
normal meet-ups I used to do before.
"H-ha? Bakit hindi p-pwede? Nakakahiya
dito sa bahay."
"Di naman ako maselan eh. Sige na,
pababa na ako ng jeep." Isang sakayan lang naman ng jeep ang dapat gawin
mula sa kanila papunta sa lugar namin.
"O-okay?" Nalilito kong sagot. Di
ko inaasahan na dito kami tatambay sa bahay. Akala ko..
"Parang andami naman atang tao sa labas
ng apartment nyo. Nakakahiya ata. Uuwi nalang ako---"
"No! Wait. Nasa labas ka na ba? Sige,
sige. Palabas na ako." Agad kong tinakbo ang pintuan ng apartment ko't
natatarantang tinungo ang gate.
Oh fuck. What am I supposed to say? Eto na ba
talaga to? Hindi pa ata ako handa. Gusto kong magback-out dahil sa kaba, pero
eto na yun eh. Andito na kami oh!
"Hello? Nasa may gate na ako. Di kita
makita." Iginala ko pa ang mga mata ko para lang mahanap siya.
"Nakikita na kita. Sige." At
tuluyan na ngang naputol ang linya ng telepono.
Binubuksan ko na ang gate. Pero yung lock na
nakasayad sa lupa ang humahadlang para mabuksan ko ng tuluyan ang gate.
Nakayuko ako para itaas ang lock ng gate nang biglang may humintong mga paa sa
harap ng gate namin.
"Levi?" Hindi ko pa nakikita ang
mukha nito dahil sa pagkakayuko ko, pero alam kong si Kayne na ito.
"Hi, K-Kayne. P-pasok...." At
tumingala na ako't unti-unti ng nakikita ang mukha nito, sa unang pagkakataon.
Fuck! Huminto ang lahat sa paligid naming
dalawa.
Napatulala ako sa nakikita ko sa harapan ko.
The gods have sent their champion.
A demi-god!
Shit!
Shit!
Fuck!
Ang gwapo niya.
Di ko alam kung ilang segundo o minuto na
akong nakatingin lang sa kanya, o kung may laway ng tumutulo mula sa bibig ko.
Alam kong awkward masyado na nakatunganga lang at nakatingin sa kanya, pero di
ko mapigilan.
One thing I know is that this gorgeous demi-god
is so dreamy. Too good to be true? Wag naman sana.
"O-okay ka lang?" Napangiti ang
maamong mukha na nakatunghay sa akin. Napayuko naman ako sa sobrang
pagka-awkward ko sa sitwasyon namin, habang binubuksan na ang gate.
"P-pasok k-ka." Hindi ko alam ang
sasabihin. I was caught off-guarded! Sa sobrang pagka-blangko ko, agad akong
tumalikod sa kanya at sumenyas nalang na sumunod siya sa akin.
"Kumusta ka Levi? S-sa wakas nagkita na
tayo." Sabi pa rin niya habang papasok na kami sa unit ko. Wala akong
imik. Kinain na ata ng kaba ang dila ko.
"Uy! Okay ka lang ba? Magsalita ka naman." At nakapasok na nga
kami ng tuluyan sa apartment ko.
Di ko pa din alam kung ano ang sasabihin ko
sa kanya. Pakshet! Masyado akong na starstruck sa ka-gwapuhan niya.
"Oh, akala ko ba ikaw ang bahala sa
akin? Akala ko ba ako ang kinakabahan kasi unang meet-up ko to? Bakit ako lang
ata ang nagsasalita sa atin?" Crap! Bumaliktad ata ang sitwasyon namin.
Nag-promise pa naman ako sa kanya na ako ang gagawa ng paraan para di siya
ma-ilang sa akin. Bakit siya ata ngayon ang gumagawa noon sa akin?
"S-sorry." Nakita ko siyang naupo
sa kama ko. Ako naman ay naupo sa bandang may paanan ng kama at nakatalikod sa
kanya habang nakayuko pa rin. "K-kumusta?"
Narinig ko siyang tumawa. "What? Yan
lang ba sasabihin mo?" Naramdaman ko siyang gumalaw. The next second, he
was hugging me from my back. "Baby. Okay ka lang ba?" His head is
resting on my shoulders.
"A-ang gwapo mo k-kasi." Did I just
say what?! Curse this little tongue of mine. Bakit ko ba nasabi yun?
Binatukan naman niya ako. "Bolero ka
talaga no?" At nagtatawa na ulit siya. Humarap naman ako sa kanya't nakita
lang siya na cute na cute sa pagtawa. Napangiti ako.
"T-totoo naman ah? G-grabe. Na
starstruck ako s-sayo." Mahina naman niyang sinampal ang pisngi ko.
"Tumigil ka nga. Ikaw nga ang gwapo
eh." Nung oras na yun, parang nagkaroon ako ng kapangyarihang pahintuin
ang ikot ng mundo. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis! Yung tipong galing sa
puso, na kumonekta sa buo niyang mukha?
Naglaho ang kanyang mga mata sa pagkakangiti
niyang iyon, at yun ang nagpaganda ng lahat na nasa paligid ko. Pakiramdam ko,
bumukas ang langit at binalot ako ng banal na liwanag sa nasaksihan kong iyon.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong inilalapit na ang sariling katawan sa kay
Kayne para yakapin ito sa unang pagkakataon. Pero nung malapit ng magtagpo ang
aming mga dibdib, naramdaman ko ang isang kamay nito sa dibdib ko.
"L-Levi, t-teka lang." Nawala na
ang tamis sa mga ngiti niya't napilitan ito ng pilit na dating.
"B-bakit?" Siguro masyado akong
mabilis sa mga inaakto ko! Arggh. Napaka-presko mo Levi! Tsk.
"Alam mo namang ikaw pa lang ang una
kong magiging boyfriend diba? At ikaw pa lang ang unang bibigyan ko ng mga
ganitong bagay." Nahiya naman ako sa sarili ko. Napatango nalang ako't
inayos ang sariling umupo.
"P-pasensya ka na, Kayne. N-nadala lang
ako. Ilang linggo din tayong magka-usap lang sa text at tawag. Sorry."
Paghingi ko ng paumanhin.
"Okay lang. Dahan-dahanin lang natin ang
lahat ah? Total, may pagkakaintindihan na naman tayo diba?" Nakita ko
siyang ngumiti ulit nung nag-angat ako ng tingin.
"Okay. Count on it." Ngiti lang din
ang iginanti ko sa kanya.
"Salamat Levi." Iginala nito ang
paningin sa kabuuan ng apartment ko. "So, mag-isa ka lang na nakatira
dito? Nice place, by the way."
"Yes babe." Wala sa sariling
naisagot ko sa kanya habang nililigpit ang ilang kalat na nasa may side table
ng kama ko.
"Babe?" Kunot-noong tanong niya sa
akin. Yung tinawag ko sa kanya.
"You started it. Sa site. Remember, when
I told you I like you?"
"Oo nga pala no? Hehehe."
"Bakit ka pala paiba-iba ng username sa
site?" Di ko napigilang tanong.
"I told you about Emrys right, yung
pakiramdam ko dati na nabastos mo ako kasi di ka naman nagsend ng picture mo
pagkatapos kitang bigyan nung sakin, which I rarely do to other members of the
site."
"Sabi ko naman sayo, ang gwapo mo.
Syempre, ineexpect kong di ka naman magkaka-gusto sa akin. Sa itsura kong
to?" Depensa ko.
"John Lloyd ka na naman eh!" At
tumawa siya.
"Seriously. What's with this John Lloyd
name? Levi po ang pangalan ko."
"Ang drama mo kasi. Hahaha. Anyway, yung
Ikthus naman.."
"Isa din yun. Yun yung di mo sinabi sa
akin kung bakit biglang nawala. Bakit nga ba?" Pangungilit ko. Sa ilang
araw naming magka-text, ito yung part na hindi niya nasabi sa akin.
"Sino ba naman ang hindi maiinis sayo
nun, eh sinungitan mo ako? Sabihan ka ba naman ng Hey. Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, pwede bang wag ako
pagtripan mo? Matulog ka nalang!, tingnan ko lang kung di ka mainis."
At sumimangot na naman siya.
Napakamot naman ako sa ulo. Kaya pala.
"Ehh, sorry na. May nangyari kasing hindi maganda nung araw na yun
eh." Paliwanag ko. Yun yung panahon na nagkita kami sa may convenience
store at nagpalitan ng mga maaanghang na salita ni Jeffrey sa site.
"Eh, ano naman yun?" Pangungulit
niya habang matamis na nakangiti sa akin.
Shet! Ang gwapo talaga niya. Kung bakit ba
kasi ako nauunahan ng kaba at kilig sa tuwing nagsasalita at ngumingiti siya?
Madapa ka! Gusto ko nga siya.
Dun ko naman naramdaman ang mga kamay niyang
pumulupot sa aking bewang.
Grabe. Di ko maipaliwanag ang sensasyong
dulot ng pagkakadikit ng aming mga katawan. For the second time, he hugged me.
"Hey. Okay ka lang? Ganyan ka ba
talaga?"
"H-ha?" I was caught off-guarded
again. Tila naging bato ang dila ko't ayaw makisama sa pagsasalita ng maayos.
"Nahihiya ka pa rin ba sakin?"
Napatango nalang ako ng mahina. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at
iniharap ang mukha ko sa kanya, saka muling yumakap sa akin. "Wag ka nga.
Ako nga dapat mahiya sayo eh. Anyway, back to the topic, bakit mo nga ba ako
sinungitan nun?"
At yun. Kahit medyo nararamdaman kong may mga
boltahe ng kuryenteng kumikiliti sa katawan kong nakadikit sa kanya, pinilit
kong ikinwento ang nangyari nung araw na iyon. Yung araw na inis na inis ako sa
ex ko't siya ang napagbalingan ko, sa katauhan ni Ikthus.
"Ganun ba?" Nakita ko sa kanyang
mga mata ang lungkot. Bigla naman akong naalarma. Kumalas siya.
"I-is something w-wrong, Kayne?"
Tumalikod siya ng upo mula sa akin.
"Sigurado ka bang tapos na kayo, o mas dapat kong tanungin na, tapos ka na
sa kanya? Baka kung talagang papayag ako na magseryoso tayong dalawa, b-baka
gawin mo lang akong p-panakip-butas?"
"Wag mong isipin yan. Hinding-hindi ko
gagawin sayo yan. Gusto kita, at alam kong sa paglipas ng panahon, titibay ang
damdaming yun. Di man natin matawag na pag-ibig itong nararamdaman natin
ngayon, pero alam kong gusto kitang makilala at hindi ang gawing basahan."
"T-talaga?"
Tumango ako. "Sa katunayan, n-nagkita
kami nung isang araw. I ended up everything with him. Well, hindi ko masasabing
sa kanyang parte rin, pero para sa akin, closure na iyong ginawa ko. He asked
me to reconcile, but I refused."
"B-bakit?" Tss. Kulit lang ng taong
ito eh. Ang cute. Hehehe
Ako naman ang pumihit sa kanyang katawan
paharap at niyakap ito. Ngayon, ako na mismo ang yumakap sa kanya, sa unang
pagkakataon. "Simple lang. I chose you. Alam kong mas magiging masaya ako
sayo."
"Sigurado ka? L-Levi, apat na taon
kayong nagsama. B-bakit mo ako pipiliin, ako na ngayon mo pa lang
nakilala?" Bakas pa rin sa kanyang tono ang takot at lungkot.
"Nararamdaman ko lang. I just want to
have a brand-new start, and I know, I can't do that with him. At isa pa, hindi
mo naman kinakailangang makipag-kompetisyon sa kanya eh. Just be yourself. Sabi
mo naman na gusto mo ako, diba? Let's just trust those feelings we have for
each other."
Alam kong masyado pang maaga para makasiguro
sa lahat. Pero wala akong pakialam! Ang alam ko lang, kahit nung dati pa na sa
chat at text lang kami nagkaka-usap, masaya ako kay Kayne.
Tanging tango lang ang nakuhang sagot ko sa
kanya. Maya-maya pa'y nakita ko itong ngumisi, habang yakap-yakap ko pa rin
siya.
"Inaaliw mo talaga ako sa usapan at
pasimpleng puma-paraan no?" Natawa naman ako. Alam ko ang tinutukoy niya,
ang pagyakap ko sa kanya.
"Eh, ikaw naman tong naunang yumakap sa
akin kanina ah? Bakit pag ako ayaw mo?" Natatawa pa ring saad ko.
"Kainis ka!" Kumalas siya sa yakap
ko't mahina akong sinampal sa kanang pisngi. Nagkukunwaring nagtatampo.
"First hug ko yun!" Mas lumakas pa ang tawa ko.
"Weeeh? Maniwala?" Alam kong first
boyfriend nya ako. Pero imposible naman ang sinasabi nito. Tumango siya.
"Chura neto. Kahit parents mo, hindi ka pa nayakap?" I know. The
question is stupid, but I just had to ask.
"Seryoso ako Levi. Kahit mama't papa ko,
kasama na ang kuya ko, wala pa akong nayayakap sa kanila. Tss." Seryoso ba
ang taong ito? Nagsalubong lang ang dalawang kilay ko. "Nakakainis ka! Ang
daya mo."
Humiga ito sa kama ko't nagtago sa ilalim ng
kumot. Naisipan ko namang tumabi ng higa dito. "Hey. Sorry na. Di ko naman
alam na sensitibong bagay pala para sa iyo yun eh. Sorry."
Lumitaw naman ang ulo niya mula sa ilalim ng
kumot. "Sabi ko nga, ikaw pa lang ang pagbibigyan ko ng mga bagay na ito.
You will be my first boyfriend, Levi. I want my first things to be
special."
I look at him, straight in his eyes. "Am
I not special enough to be your first?"
"H-hindi naman sa ganun Levi. Gusto
kita, at masaya ako sayo. K-kahit nung mga panahon na hindi pa tayo nagkikita,
alam kong espesyal ka sakin. I just want---"
"Shhh." Di ko na siya pinatapos sa
pagsasalita. Bagkus, niyakap ko na naman siya't inihilig ang ulo nito sa aking
dibdib, habang magkatabing nakahiga sa kama ko. "Then the feeling is
mutual. At isa pa, alam mo namang mangyayari ang ganito di ba, so bakit ka pa
pumunta? You are mine now, Kayne."
"Wew. Napaka John Lloyd mo talaga.
Hahaha! Yung mga linya mong pamatay, grabe! Para-paraan, makayakap lang."
Tss. Andami pang reklamo, samantalang ramdam ko naman ang pagyakap niya sa akin
pabalik. Hehehe.
"Magtiis ka. Pumunta ka dito eh."
At nagkatawanan nalang kami.
Grabe. Hanggang ngayon na ilang minuto na
kaming magkasama, para pa din akong may dala-dalang bomba sa kaloob-looban ko
na nagbabadya ng sumabog dahil sa kilig at kasiyahan na nararamdaman ko habang
yakap-yakap si Kayne.
Physically? He's perfect. Para sa akin. Medyo
payat nga lang talaga siya, pero mas matangkad din naman kesa sa akin. His
smell is very natural. Yung alam mong hindi naman talaga siya gumagamit ng
pabango, pero higit pa sa mamahaling pabango ang amoy niya.
Mentally, he is awesome. Matalino. Andami na
naming napag-usapan buhat kanina nung dumating siya. Yung tipong natatahimik
nalang ako't lihim na humahanga sa katalinuhan niya kapag nagsasalita na sya
tungkol si Siyensya na syang bulwarte niya. Nganga ako. And when he talks that
way, I can't help but notice that he looks hotter as usual.
As a whole? I say he is a demi-god!
Dear God, ano po ba ang nagawa kong tama sa
buhay ko't binigyan Nyo ako ng ganitong grasya? I mean, seryoso ba talaga ang
taong ito na gusto din niya ako? Ano naman ang nakita nito sa akin? Kung
panaginip lamang po ito, sana ay wag na Nyo pa po akong gisingin. Please lang!
Nababaliw na ako! Kayne, ikaw ang may
kasalanan nito.
"So.." Napalingon naman ako sa
kanya. Nakaupo ako ngayon sa sofa ng apartment ko't siya naman ay naka-higa
lang sa mga hita ko. Nanunuod kami ng TV. "A-ano t-tawagan natin?"
What?! "So talagang s-seryoso na
ito?" Di ako makapaniwala.
"Ayaw mo ata eh. Sige, aalis nalang
ako." Aktong tatayo na siya mula sa pagkakahiga sa sofa nang hinila ko
siya ulit para umupo sa tabi ko.
"Eto naman. Uhmmm, ano ba?" Ano nga
ba ang magandang tawagan? Kung susundin naman namin ang nauna naming tawagan na
Baby, masyadong cliché naman ata.
Babe? Bhe? Bro? Dada? Ano ba maganda? Hmmm...
Light bulb!
"How about... Biko?" Ngiti ko sa
kanya.
Nakita ko siyang kumunot ang noo na
nakatingin sa akin. "Biko? Bakit Biko?"
"Biko. Pina-ikling baby ko! Masyado na
kasing common ang Babe o Baby eh. Maganda naman diba? Unique." Napangiti
naman siya.
"Okay then, biko." Pagpayag niya.
Bumalik siya sa dati niyang pwesto kanina. Humiga ulit siya sa sofa't ipinatong
ang ulo niya ulit sa hita ko.
Bang! Di na ako nakatiis.
Kailangan ko ng gawin to.
"Uhmm. C-can I kiss you?"
Tumingala naman siya. "L-Levi.."
Nag-aalangan ang kanyang mukha.
"Okay lang kung ayaw mo."
Ngiting-pilit ko sa kanya.
"Uhmm. H-honestly.." Panimula niya.
"Honestly what?"
Nagbawi siya ng tingin. Tumagilid siya ng
higa sa hita ko. "K-kanina pa kita gustong h-halikan."
Ngumiti naman ako. Ngiti na mukhang ngisi na.
Did I just hear that he wanted to kiss me? OMGWTF!
"But before we seal everything with a
kiss, I need you to promise me something." Seryosong saad niya.
"What?"
Ibinalik niya ang tingin sa akin.
"Ipangako mo sa akin na hindi ka muna mag-iingay nitong tungkol sa atin.
Ipangako mo na walang makakaalam sa pagkatao ko. Nakikiusap ako sayo
Levi."
"B-bakit?" Though I've had my
suspicions before, I need to know it straight from him.
"Lev, alam mo na naman siguro diba? I'm
very discreet about this. Kahit mga kaibigan at pamilya ko, di nila alam na
bisexual ako. Sana maintindihan mo." His gorgeous eyes were pleading. And
I know, I need to respect his request.
"I promise Biko." Ngiti ko sa
kanya. Nakita ko naman na sinuklian din niya ito ng isang ngiti.
"At isa pa.." What? Andami naman
atang kondisyunes ng bago kong boyfriend. Hehehe.
"Ano yun, Biko?" Biko. I really
like the sound of that endearment we have.
"W-wag mo a-akong tawanan. Give me your
w-word." Nahihiya siyang tinakpan ang sariling mukha ng kumot.
"Oo na. Hindi na ako tatawa. Ano ba
yun?"
"H-hindi ako m-marunong h-humalik
eh?"
Bago pa man kumawala sa bibig ko ang mga
tawang pilit kong nilalabanan, tinakpan ko na ang bibig ko.
"Haaaay! Nakakaasar ka naman eh! Sabi mo
di mo ko pagtatawanan?" Pagdadabog nya pa.
Di ko na nga napigilan. I burst into a
laughter mayhem. Akala ko kung ano. Yun lang pala!
"Tsk! Sige pa. Tawa pa more. Di ka
talaga makakahalik sakin kahit kelan. Ikaw din!" Nang binalik ko sa kanya
ang paningin pagkatapos kumalma mula sa pagtawa, nakita ko siyang hindi na
nagtatago sa kumot.
"Ehh, nakakatawa naman kasi."
Depensa ko.
"Pano ko naman malalaman kung papano
humalik, eh sabi ko nga, ikaw pa lang ang una kong mahahalikan! NBSB po ako,
okay? You'll be my first kiss, and yet you're already disappointing me."
Asus. Nagkukunwari na naman siyang nagtatampo. Ang cute cute lang!
"Sorry na." Lumapit ako sa kanya at
inilingkis ang dalawang kamay sa bewang niya. "Flattered at honored lang
ako sa tsansang ipagkakaloob mo sa akin." Palusot ko.
"Wow no? Flattered at honored ka pa nun
ah?" Sungit naman netong Biko ko. Hehehe.
"Shhh. Hindi ka matututo niyan kapag
palagi kang nagsasalita lang." Bumuntong-hininga ako saka hinawakan ang
baba niya. "Shall we start today's lesson then?" Ngumisi ako.
"Be gentle Levi. This is my first."
Naks! Halik nga lang eh. Wala naman akong balak madaliin ang mga bagay-bagay.
Hahaha.
"Ako bahala sayo."
I closed my eyes, took a deep breath, and
bridged the gap between our faces. The moment my lips met his, I felt the bliss
of his innocence. It would be an understatement if I were to say that I only
felt some tickling sensation inside me. Because in reality, I was struck by
lightning.
My lips started moving, his remained
silent. The kiss was passionate. It was
very delicate and very careful. Alam kong kelangan espesyal ang sandaling ito
kasi ito ang unang pagkakataon niyang humalik at mahalikan.
Bago ko tinapos ang sandaling iyon, kasi ako
naman ang kapitan nun, iminulat ko ang aking mga mata upang masilip kung ano
ang reaksyon niya sa halikang iyon. Pero pagtataka ang sumalubong sa akin.
Then, I had to ask when our lips parted ways.
"Hmm. Why were your eyes open? Am I
doing a bad job?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Pano ba dapat?" Natawa ako sa
sagot niyang tanong din.
"Well, naturally, like what you see in
the movies, you need to close your eyes. Para mas maramdaman mo yung
experience, yung sensasyong dulot ng halik. Unless you're not really in love
with the one you're kissing." Isinalang ko naman siguro ang aking sarili
sa apoy sa huling sinabi ko. Napatungo ako.
"L-Levi.."
"I understand." Pagbawi ko sa
sarili kong pagkapahiya na ako din naman ang gumawa sa sarili ko. "Take
your time. I'm just showing you the ropes, anyways." Wala akong nagawa
kundi ang ngumiti nalang ng pilit.
Oo. Alam ko. Sa konserbatibong pananaw, mali
ang ginagawa namin.
"Alam
mo naman pala eh. Eh bakit ginagawa pa rin? Naku Levi. Di ka na natuto. You are
making the same mistakes again. Just like what you did when you first met
Jeffrey. Kakakita pa lang, landian agad? Madapa ka!"
I don't have an excuse for what I did. Alam
kong mali na gawin ang mga bagay na ito ng padalos-dalos kasi wala pa naman
kami sa ganoong libel. Pero nararamdaman ko naman eh.
Sa sitwasyon namin, nasa pangatlong antas na
kami ng relasyon. Nalampasan na namin ang getting-to-know-each-other na stage,
at alam naman naming pareho naming gusto ang isa't isa.
Ngayon, nasa Mutual Understanding stage na
kami. Siguro naman, panahon na para laliman namin ang pagtuklas sa isa't isa?
Nararamdaman ko namang seryoso siya sa akin eh. Tsaka pareho namang malinaw sa
amin na dadahan-dahin namin ang lahat.
"Teka.
Nalampasan nyo na ang getting-to-know-each-other stage? Sigurado ka? Hanggang
saan ba ang alam mo tungkol sa kanya, sa buhay niya? Ang sabihin mo, inuuna mo
na naman yang pakinggan ang puso at libog mo, kesa sa utak mo!"
Wala akong pakialam! Sinusunod ko lang ang sa
tingin ko ay tama at ang makakapagpasaya sa akin.
Batuhan tayo ng reyalidad sa buhay? Fine! Eto
ang dapat mong malaman: ang buhay at pag-ibig ay isang sugal. Hindi ka
makakasiguro na sa lahat ng panahon ay panalo ka lagi. Kung magkamali man ako
kay Kayne, eh di sorry nalang sakin. Pero kasabay ng tsansang iyon, ay ang
tsansang magiging panalo ako't magiging masaya sa piling niya.
Hindi ako manhid o tanga para maging
kumpyansa nalang sa lahat ng nangyayari. Nagsisiguro din naman ako. Pero sana
naman, maintindihan mo. Maintindihan mong gusto ko lang din maging masaya.
"Tss.
Bahala ka nga. Basta wag na wag kang iiyak sa susunod at sabihing di kita
binalaan. Hmp! Chura neto."
"L-Levi, okay ka lang?" Tawag sa
akin ni Kayne na nagpabalik sa aking ulirat sa kasalukuyan.
Ngumiti at tumango ako sa kanya. "So,
h-how was it?"
"A-ang a-alin?"
"Your first kiss."
"H-ha? Ehhh." Napatungo siya.
Kitang-kita ang pamumula ng mukha niya.
"Ang cute mo talaga pag nagba-blush ka
no?" Ngiti ko sa kanya. "Do you want to try it again?"
Nag-angat siya ng tingin at hinarap ako.
Pagtataka lang ang mababasa mo sa mukha niya. Ang matalino at gwapong nilalang
na kausap ko kanina, ay nagmistulang isang paslit na hindi naiintindihan ang
tensyon sa pagitan naming dalawa.
Bago pa man siya makasagot sa huling
katanungan ko, siniil ko na siya ulit ng halik. Kung yung kanina ay pa-bebe'ng
halikan lang, sa pagkakataong ito, medyo umiinit na ang mga labi kong pilit na
ninanamnam ang kanya.
My lips went berserk. Pero di naman sa punto
na parang hayok na hayok na ang mga ito sa kamunduhan. Tamang pampagising lang
sa inosente niyang kamalayan.
I was still kissing him when I felt his slow
response. Then it became bolder, and hungrier. Tinutugon na niya ang mga halik
ko. I think he's getting the confidence to reciprocate the kiss. At kahit
napapangiwi ako sa sakit, masaya ako.
"You're a fast-learner." Komento ko
sa kanya nung naghiwalay na ang mga labi namin. Alam kong na-o-awkward na siya
sa sinabi ko, pero gusto ko lang siyang makitang mamula.
Nakita ko naman siyang pilit na kinokontrol
ang sarili upang hindi lamunin ng hiya sa ginawa. Pero kagaya nung unang beses,
kanina nung sinilip ko na naman siya sa kalagitnaan ng halikan, nakamulat pa
rin ang kanyang mga mata.
"I am so proud of myself for being such
a good instructor." Tawa ko. Hinampas niya naman ako ng unan. "What?
Totoo naman ah! Pero instructor's advice: try to hide your teeth when you kiss
next time ha? Masakit kasi." Sumasayad kasi sa labi ko, kaya napapangiwi
ako kanina sa sakit. Hehehe.
Pinamulahan naman siya agad ng pisngi at
dali-dali akong niyakap at isinubsob ang mukha sa aking dibdib. Ang cute talaga
ng mokong na ito. Di siguro ako magsasawa sa tanang-buhay ko kung ito ang
makakasama ko.
I am his first hug and his first kiss.
Grabe. Nakaka-overwhelm and at the same,
nakaka-pressure din na malamang ganoon nga ang katayuan ko sa buhay niya.
Ano ba'ng nakita niya at ipinagkaloob niya sa
akin ang mga ganoon ka-espesyal na mga bagay? Am I even deserving for those
special moments of his life? Pwede ko na bang isipin na seryosong-seryoso na
siya sa akin?
Si Kayne na nakilala ko lang din sa site na
iyon? Ang hirap naman sigurong isipin na sa kalakaran ng komunidad na iyon, may
matitinong tao pa palang myembro na nandudun, maliban sa akin.
But I should know better. Pwede naman ah!
Hindi naman lahat ng tao sa site na iyon ay puro kamunduhan lang ang alam. May
mga seryosong tao din naman dun. Siguro talagang nagbabakasakali lang na tulad
ko. Kagaya ni... Jeffrey.
"Haay
naku! Jeffrey na naman. Paalala po, iba na ang kasama mo ngayon. Gising gising
din pag may time, ano?"
"Biko. Anlalim ata ng iniisip mo?"
Nang tumingin ako sa mukha niyang nasa aking dibdib ay nakatingin na din pala
siya sa akin. "Something bothering you?"
"W-wala. May n-naisip lang."
Nagpakawala ako ng buntong-hininga saka siya tinanong. "Uhmmmm. S-seryoso
na ba t-to?"
Nakita ko.lang siyang nanlaki ang mga mata at
napaawang ang bibig. "What?! Ibibigay ko ba sayo ang unang halik ko kung
hindi? Unbelievable." Pagtatampo niya.
Nataranta naman ako. "E-ehh, ano
k-kasi..."
Nagbawi siya ng tingin at tumalikod ng higa.
"Levi. Don't give me a chance to regret about what we just did."
"H-hindi naman sa ganoon. Kaya
lang.."
"Kaya lang ano?!" May halong
pagka-irita na sa tono ng boses niya.
Nakatungo lang akong naka-higa. "I.. I
just find it h-hard to b-believe that someone like y-you would like me. Iniisip
ko lang, b-baka bukas, makalawa, o sa susunod na linggo, m-mawawala ka nalang
b-bigla kasi baka ma-realize mong di ako karapat-dapat s-sa iyo."
Humarap siya ulit at ini-angat ang mukha ko
upang magtama ang aming mga paningin. All I can see in his eyes was sincerity,
but with a slight hint of sadness. Hindi ko alam kung san nagmumula ang
kalungkutang iyon sa mga mata niya. Ilang segundo na rin kaming magkatitigan
lamang, nang bigla siyang ngumiti ng pilit at kinurot ng malakas ang ilong ko.
"Aray!" Di ko napigilang reklamo sa
ginawa nito.
"Ikaw kasi! Bawas-bawasan mo nga yang
pagka John Lloyd mo. Humuhugot ka na naman ng mga pamatay mong linya eh.
Napaka-praning mo! Do I look like a normal product of THAT site?"
Alam ko ang pinupunto nito, pero ewan.
Naguguluhan ako. Ayoko siyang pagduduhan.
"Sabi ko naman sayo, espesyal ka sa
akin. Hindi mo lang alam. And I also told you before that we should learn to
love each other. Di naman tayo nagmamadali diba? Lalo na sa parte ko Levi. You
are my first boyfriend, at ayokong mawala agad ito nang dahil lang sa pagiging
padalos-dalos natin sa mga desisyong gagawin natin."
Dun ako nakaramdam ng kapanatagan ng loob.
Tama siya. This new-born relationship is delicate, not just for his part, but
also for mine. Andami ko ng mga naging ka-relasyon na nauwi din sa wala. Pagod
na akong umulit na naman sa simula. Kaya sa pagkakataong ito, iingatan ko na
ito.
Syempre, kailangan din naming magtagpo sa
gitna para magkaroon kami ng puwang sa buhay ng isa't isa. Di kami magiging
mapusok sa mga magiging desisyon namin. Lalo na sa parte ko. I can't afford to
fail this relationship.
Oo, mahirap ito sa parte ko kasi alam kong
kakailanganin ko ang ibayong pasensya at pang-unawa kasi unang karanasan pa
lamang ito ni Kayne sa pag-ibig. Dagdagan pang hindi siya kagaya ko, na walang
pakialam sa mundo, kasi di alam ng mga tao sa paligid niya ang totoo niyang
pagkatao. Kaya dapat kong tibayan ang aking sarili.
"Eh
ginusto mo yan eh. Panindigan mo!"
Kaya nga eh! Wag kang mag-alala, minamahal
kong konsensya. Alam ko ang ginagawa ko.
"Aba!
Dapat lang, ano? Hindi ka na bata."
Haaay. Ewan. Mababaliw ata ako sa konsensya
kong ito.
"L-Levi. Pwede magtanong?" Teka.
Bakit parang kinakabahan ako bigla? Pakenshet.
"Ano yun, Biko?"
"Syempre alam mo na naman na ikaw ang
first kiss ko." Panimula niya. Anak ng kwek kwek, oo! Mukhang alam ko na
ang magiging tanong nito. "I-ikaw? S-sino ang first kiss mo?"
Ayun nga! Tama nga ako. Nasapo ko bigla ang
noo kong namamawis na sa mainit na katanungang ibinato sa akin.
"Uhhh.."
"Tsaka, pano nangyari?" Makulit din
siya, no? Obvious na obvious eh. Tss.
"Well, Biko. H-honestly, I... I..."
Fuck it! Here comes nothing. "... I forgot who my first kiss was."
Nakakahiya! Ano nalang kaya ang iisipin niya sa akin? Gago ka Levi! Nung
tiningnan ko siya, tanging namimilog na mga mata at hindi makapagsalitang bibig
ang nakita ko sa aking harapan.
"Oh my goodness, Levi." Maya-maya
ay nasabi niya. "Does it mean...?"
"N-No! Hindi sa ganoon. M-medyo
makakalimutin kasi ako eh." Palusot ko, pero may halong katotohanan naman
talaga. Mapurol na ang memorya ko.
"Pero yung isa sa mga importanteng bagay
pa talaga sa buhay mo ang kinalimutan mo?" This is hopeless. You are
hopeless Levi Hidalgo.
"Ehh. Oo eh. Sa kasamaang palad. P-pero
ayos lang yun. Ang importante ay iyong ngayon, diba? I have you, you have
me." Palusot ko sabay muwestra ng pogi sign. Dadaanin ko nalang sa
pagpapa-cute ang pagkapahiya ko. Hehehehe.
"Wushu. Palusot." At ginulo pa niya
ang buhok ko.
"Alam mo Biko, uhmm, g-ganito lang ako.
Simple, di mayaman, at hindi gwapo. Ibang-iba sa iyo. Wala man akong
ipagmamalaking mga bagay na katulad sa ibinigay mong pagkakataon sa akin na
maging first kiss mo, pero isa lang ang sisiguruhin ko sa iyo. Mamahalin kita
sa abot ng aking makakaya, at sa paraang alam ko." Malambing na pahayag ko
sa kanya na sinamahan pa ng kumikuti-kutitap na mga mata sa dulo.
Ngumiti siya ng ubod na tamis at inilapit ang
mukha sa aking mukha. Tipong handang-handa na ako, kasi akala ko ay hahalikan
niya ako. Yun pala, kinurot niya lang ang magkabilang pisngi ko.
Nagkatawanan naman kami. Nagmukha akong ewan
na ini-nguso na ang mga labi sa maling akala. Pagkatapos ng malutong na
tawanang iyon, niyakap niya ako't ganoon din ako. Kagaya kanina, isinubsob na
naman niya ang mukha sa aking dibdib.
"Thank you Levi. Sa totoo lang, ngayon
lang ako naging masaya kasama ang ibang tao. Naging masaya din naman ako noon,
pero ibang-iba sa kasiyahan na nararamdaman ko ngayon na kasama kita. I guess, this
is what relationship and love brings to people's hearts, huh?" What did he
just say? Shit! Pwede bang i-rewind yun?
"A-ano sabi mo?" Pangungulit ko.
Gusto kong marinig ulit yun!
Tumawa siya. "Che! Hindi ko na kasalanan
kung bingi ka." At nag-belat pa siya sa akin. Arrrgh! Nakakaasar. Gusto
kong marinig ulit yung sinabi niya. Pero sige. John Lloyd pala ha? Tingnan
natin. Hugot.
"A-are you falling in love with
me?" This is it. Tatawanan na naman niya ako sa pagiging John Lloyd ko.
Pero batuhan na ito ng mga linyang hugot na hugot. Pero nabigla ako nang makita
ang isang ngiting-aso na sumilay sa labi niya. Something's up.
Bumuntong-hininga siya. Saka binura ang ngisi
sa labi at sumeryoso ang mukha. "Oo. Pero..."
What?! Akala ko tatampalin na naman niya
ako't pagtatawanan. "K-Kayne."
"Pero hindi ko iiwan si Rico!"
Nabigla naman ako sa narinig ko. Seryoso ba to?
"S-sinong Rico?" Tanong ko sa
kanya. Pinandilatan niya naman ako ng mata. At biglang... light bulb! Kaya
pala. Wew. I get it. Tuloy ang eksena. "Bakit hindi mo siya maiwan?"
"Umalis ka na." Aktong tatayo na
sya sa sofa nang pigilan ko't hinawakan ang balikat niya.
"Is it the money?" Ganito pala ang
gusto mo ha? Sige! Pagbibigyan kita Bea Alonzo. Nuyahaha!
Lumingon siya sa akin. Alam kong nagpipigil
lamang siya sa tawa niya para maging mas makatotohanan ang palabas namin.
"Mukha bang pera yung habol ko sa kanya?" Tumataas na ang boses niya.
"Kundi pera, ano? Sex?" Grabe. Kaya
pala siya John Lloyd ng John Lloyd sa akin, fan pala siya nung artistang yun.
Halata naman sa batuhan at kopyahan namin ng mga linya eh.
"Kung oo, titigilan mo na ba ako?"
"No! Because I bet you, I'm a damn
better lover!" Intense. Tumataas na rin ang boses ko. Nadadala na ako.
"Tama na!"
"You enjoy being some old man's dirty
little secret!"
"Walang lalaki'ng pinangarap maging
kabit!" Umiiyak na kuno siya.
"Then get out!" Sigaw ko. Ramdam na
ramdam ang eksena.
"Mahal ko siya!" At nanatili siyang
nakanganga na kagaya nung mukha ni Bea Alonzo pagkatapos nung eksenang ginaya
namin sa pelikulang The Mistress.
Nagtawanan kami. Wew. Sa lahat ng naging
ka-relasyon ko, at kahit sa maagang puntong ito, alam kong espesyal si Kayne.
Hindi ko maiwasang i-kompara sila ni Jeffrey, na syang pinakamatagal kong
naging katuwang sa buhay.
Tumagal kami ng halos apat na taon, pero sa
loob ng mga panahong iyon, hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng kasiyahan.
Don't get me wrong. Masaya din naman ako kay Jeffrey, pero talagang iba eh.
Yung tipong hindi mo ma-explain kahit sa
sarili mo kung bakit ka nakakaramdam ng ganitong kasiyahan sa tanang buhay mo?
Iba eh. Ibang-iba talaga.
"Kasi
sa lahat ng mga naging boyfriend mo, siya na ang pinakagwapo? Ganun yun
eh."
Oo, aaminin ko, tao din ako na nakakapansin
sa pisikalidad ng iba, ngunit sa una naming engkwentro ni Kayne sa site, hindi
naman iyon ang mas lumitaw at umangat kumpara sa iba niyang katangian eh.
And we chatted, texted and called each other
before we met, and yet, I already felt that happiness during those times.
Siguro dahil na rin sa kagustuhan kong
ingatan na ang relasyong ito, kung kaya't ikino-commit ko na ng buong-puso ko
dito. Ganito pala ang pakiramdam.
Masarap pala. Masaya pala.
Falling in love? Masyado pa atang maaga, pero
aaminin ko, nagsisimula na ako. And there's nothing with that.
Ang problema ay hindi ang pagkahulog mo sa
isang tao, kundi ang pagpapanatili ng damdaming iyon para sa isa't isa.
At iyon ang mas mahalaga sa isang relasyon.
Reality check. Many people are desperate to
fall in love with the right person, but are not asking themselves whether or
not they are the right person when someone comes along. The worst part? No
matter how sweet their love stories are at the start, many relationship still
fails. Why? Because they failed to nurture the love they have for each other.
Relationship is not about falling in love; IT IS ALWAYS ABOUT KEEPING THAT
LOVE.
-to be continued-
Tsma ang last paragraph. Thanks sa update. Take care.
ReplyDeleteI thought Rico's real. Hahaha.. Bigyan nyo nga ng twist author. Natuwa ako pero syempre iba pa rin pagmay twist! :-)
ReplyDeletefocus muna tayo sa relasyong Levi-Kayne kuya, saka natin lagyan ng mga NAKAKAGULAT na twist. nyahahaha! :D
DeleteFirst ko magcomment hehehe
ReplyDeleteAnd masasabi ko "ang galing mo!!!" 😁😊
Shai
i love the last quote... thank you mr. author :)
ReplyDelete--kismet
Sobrang nakakarelate talaga ako jan sa Kayne na yan eh.
ReplyDeleteIsang Discreet na Medtech na NBSB na Never been Touched Never been Kissed!!
What the F?! San nag intern yang si Kayne?
Hahaha kainis! Buti pa si Kayne nkahanap na!
Makapunta nga din sa Planetang yan at nang makapagparehistro. Haha XD
-Uel