Followers

Thursday, March 19, 2015

Me & My Rules -10




Athr'sNote-


Napag-iwanan na ang author niyong si #papaPrince :( babawi siya!





Enjoy..


--


Point Of View

 - C h a n -



Nang mapamulat ako ay maliwanag na yung nakikita ko.

 "Umaga na." ang naisaisip ko at napangiti nalang ako.

 "Goooooood morning....." sabi ko habang ini-stretch stretch ko pa yung mga binti ko.

Sunod ay yung buong katawan ko na kasama yung dalawang kamay ko, napahikab pa ako.

Hanggang sa..

 "AAAAAHHHHHHHH!!!!"

N-nahulog ako?


Aww!!! Wala nga pala ako sa higaan ko!! Nasa sofa nga pala ako!!

T-teka.. may sumigaw?

Napatingin na lang ako sa nabagsakan ko.

Ngiwi yung ekspresyon nito na halatang may iniinda.

 "Kobe?"

Hanggang sa napalunok nalang ako. Nang mapansing nakapatong pala ako sakanya.

 "Chan naman eh.. a-a-aaaarrraaaaaay... Chan.. yung, y-yung ano ko.."

 "Y-yung ano?" ngiwing tanong ko.

Napapasabay ako sa ekspresyon niya na halatang may dinaramdam na masakit.

 "Eh kung tumayo kana lang? Kailangan tanong pa talaga?" inis niya.

Agad naman akong napatayo.

Nakakainis yung tono niya, nag-aalala na nga ako eh.

Ewan pero parang nawalang gana bigla ako. Panira eh, ang aga-aga.

Pagkatayo ko, nakaramdam naman ako ng hiya nang makita kung saan siya nakahawak, tapos yung ekspresyon niya ay halatang sakit na sakit.

Nilahad ko naman yung kanang kamay ko tanda na nais ko siyang tulungang makatayo.

Kita ko na napatingin naman siya sa kamay kong nakalahad.

Mukhang nagdadalawang isip pa ata, paarte pa eh.

Napangiti naman ako nang makitang unti unti na niyang itinataas yung isa niyang kamay.

At nang konti na lang at maabot na niya yung nakalahad kong kamay ay saka ko naman ito binawi.

 "Asa. Bilisan mo, may klase pa tayo." tonong nang-iinsulto ko at malademonyong ngiti ko pa.

Agad ko lang siyang nilampasan at dumeretso sa may banyo.

Asar talo, nyahahahaha

Nagmumog saglit at naghilamos ng mukha at agad ring lumabas.

Nandun parin siya, pero nakaupo na. Mukhang nasaktan talaga siya, hayaan niyo.. deserve niya yan. Haha

 "Bibili lang ako ng pagkain para almusal, ipaghahanda ko po kayo ng makakain mahal na hari." maganang tono ko at dumeretso sa may sofa.

Kinuha ko yung pera pati phone ko.

 "OA naman masyado.." bulong ko pa nang madaanan ko siya, agad na nga akong lumabas.



...


 "Apat na pancit canton po, tapos itlog apat rin po, tsaka..."

Agad na sabi ko pagkalapit ko sa may tindahan..

 "Pandesal po, sampung piraso po." pagngiti ko.

Ewan pero gutom ako eh, si Kobe mukhang malakas ring kumain kaya sige.. pakakadami ko na yung almusal namin.

 "Sir two minutes lang po para sa pandesal." sabi nung tindera, tumango lang ako.

Habang naghihintay ay narinig ko nalang na tumunog yung phone ko.

Agad kong kinuha sa bulsa tsaka ito tinignan.

Text, galing kay Jaydon.

Message: Pst Chan? Hindi kana nagtext ah? Wala tuloy akong kakulitan kagabi -.-

Napangiti naman ako sa nabasa, napabayaan yung poste, haha

Message: Oops pasensya na :) ge bawi nalang ako mamaya, kain tayo ulit sa stickzoned :]

Reply ko.

Stickzoned, tawag namin sa tusok tusok. Haha

Muli akong napatingin sa may tindahan.. nang may mapansin ay mas lalo akong napangiti.

 "Ate, p-pabili po nung ganun oh.. yung sachet po ng cheeze." masayang sabi ko dun sa isa pang tindera. "Tatlo po." pahabol ko pa.

Paborito ni Jaydon yan eh, ginagawa niyang ice candy haha.. pinapapak kasi niya.

Namiss ko tuloy yung posteng yun.


.....


 "Kobs... kain na tayo!"

Sigaw ko habang inaayos yung hapag.

Nakapagluto na ako, siya naman nasa kwarto niya.

Sa totoo lang, kinarir ko na yung pagsigaw.

Ang tahimik kasi ng bahay ni Kobe, kaya ayan at ako ang gumagawa ng ingay.

Habang nagluluto rin ako, nagpapatugtog ako sa phone ko. Para naman magkaingay yung bahay niya, haha

Nang makitang papalapit na siya'y naupo na ako.

 "Ano yan?"

Napatingin ako sakanya nang magsalita siya.

 "Almusal, pagkain." simpleng sabi ko at sinimulan ko na nga ang pagkain.

 "Kumain kana diyan. Wag nang maarte." dagdag ko pa pagkakagat ko sa pandesal.

Naupo naman siya, pandesal rin ang inuna niya.

 "Salamat." rinig kong sabi niya, ang sarap sa pandinig nung sinabi niya.. iba kasi yung dating lalo pa't parang may laman yung tono niya.

Ewan pero mas lalo akong ginanahan tuloy.

Pero yung pagganti ko? Hindi ko palalampasin yun, sinabihan niya ba namang hindi masarap yung niluto ko kagabi? Edi mamaya, makikita niya hinahanap niya.

(ngiting pangdemonyo, haha)

 "Salamat din." sabi ko.

Unang almusal na pinagsaluhan naming dalawa. Nakakatuwa dahil nangyari ulit ito makalipas ng hundred billion years. Haha

Nang makita na kinuha niya yung cheeze na binili ko ay agad ko lang itong inagaw.

 "B-bakit?" kunot niya.

 "Hindi ito, wag 'to." simangot ko at agad ko naman itong itinabi.

 "Bakit nga?" tanong ulit niya.

 "Hindi nga kasama sa almusal yun. Sa akin yun, pwede ba Kobs kain kana lang?" inis ko.

Parang gusto niya pang kunin eh.

Kay Jaydon yun, sa simpleng ganun lang matutuwa na yung posteng yun eh.

Nakatingin parin siya sa akin, tinitignan niya rin yung cheeze na nasa may tabi ko.

 "Ang kulit lang? Ayan oh ipalaman mo yung pancit canton o kaya yang itlog." inis ko, nakuha ko pang ituro yung mga nasa hapag.

 "Ewan. Ang arte." sabi niya at umiling pa talaga.

Napailing narin ako. Umaga palang nakakasira na siya ng araw!

Ilang sandaling namayani ang katahimikan, puro kain lang. Mas pokus ako sa pagkain, gutom talaga ako eh.

 "Kamusta na?"

Napatingin naman ako sakanya nang magsalita siya.

 "I-ikaw.. kamusta?"

Ang nasabi ko, kagabi ko pa kaya siya gustong kamustahin, ay mali.. dati pa.

 "Nagtanong ako tapos tanong rin ang isasagot mo?"

Napapikit nalang ako.

Nakakainis talaga kapag feeling boss yung tono pati yung tingin niya.

 "Alam mo ang labo mo rin noh? Ewan ko nga sa'yo, kakain na lang ako." inis ko saka muling nagpokus sa pagkain.

 "Pwede naman kasing isagot nalang na.. 'eto matakaw parin', nahiya ka pa."

Nakapanggigigil talaga siya, kunwari nalang hindi ko narinig yung bulong niya na talaga namang obvious na pinaparinig niya.

 "Bakit pala dun ka natulog sa lapag?" sabi ko na lang habang sa pagkain lang ang atensyon.

 "A-ako?" rinig kong balik niya.

 "Ay hindi.. ako ako, nakakahiya naman sa'yo.... Chan, bakit sa lapag ka natulog?" parang tanga ko lang na sabi habang sa pagkain parin ang atensyon.

Ang slow niya talaga.

 "Ang ingay mo kasi matulog Chan.. alam mo yun? Humihilik ka.. kahit nakasara yung pinto ko, naririnig parin kita. Edi tumabi na ako sa'yo.. so kapag humilik ka, edi mababatuhan kita ng unan kaagad.."

 "So kailangan madami talaga sinasabi? Isang tanong, singkwentang sagot talaga?" agad na pagsabat ko at pagharap ko na sakanya.

Bawal magpatalo! Kung sa asaran lang, kayang-kaya ko siya.

Kita ko naman na napatigil siya, umiling na lang siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

 "Asar talo." bulong ko.

Natawa nalang ako, haha

Pero ba't nga kaya siya sa lapag natulog?

T-teka.. baka nga humihilik talaga ako?

NOOOOOOOOOOOO!!!

Ewan pero nakaramdam ako ng hiya.

At sa katahimikan na nga ang namayani.

Ilang sandali pa at tumayo na nga siya.

 "Salamat, nabusog ako. Maliligo nako, kaw na bahala diyan." rinig kong sabi niya, tumango lang ako nang hindi siya tinitignan, baka kasi mabwisit lang ako.

.....

 "Goood morning!" masayang bati ko pagkapasok ko sa banyo.

Haha, pati talaga banyo binabati ko.. goooood vibes :)

Naptingin ako sa dalawang toothbrush.

Napangiti ako, magkasama na nga kami ulit ni Kobe. Though mala impyerno naman ang dating -.-


Napakunot naman ako nang may makitang note sa may salamin.

"

Chan,

Bilisan mo, sabay tayong papasok. Ayokong naghihintay, bilisan mo.

"

Matapos basahin ay agad na nga akong nagmadali.

Bakit ba ganito kahigpit 'tong manok na 'to? ARRRGGHHHH!!!


....


 "Chan kamusta? H-hindi kaba naa-alibadbaran sa ugali niya?"
 "Oo nga, hindi kaba nahahayupan sakanya?"

Agad na tanong ni Az at Dennis, natawa naman ako.

Malapit na kami sa school, papasok palang. Si Kobe kasi nagyosi pa.

 "Yang hayop nayan?" turo ko pa kay Kobe na nakatayo sa may tindahan at abala sa yosi niya.

Saka naman tumawa yung dalawa. Nakitawa narin ako.

Kung anu-ano pang klasing pang-iinsulto ang sinabi naming tatlo.

Mabait naman pala 'tong mga 'to eh.. kapag talaga hindi mo kakaibiganin ang isang tao ay hindi mo talaga 'to makikilala.

Sila, kaninang umaga ko lang silang nakilala ng maayos.. ilang minuto palang ang gaan na kagad ng loob ko sakanila.

 "Pakatawa niyo ah?"

Pare-pareho naman kaming napatigil nang may magsalita.

Si Kobe na pala.

 "Ano kasi ano.. may pinag-uusapan lang kami. Tungkol sa iba't-ibang klase ng mga hayop." pilit na ngiti ko sakanya.

 "Tara na?" pahabol ko pa at nauna na nga akong naglakad.. nakakahiya.


-----


Point Of View

 - J a y d o n -




Kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko, chinecheck ko kasi yung oras.

Ang tagal ni Chan eh.

 "Pst Jaydon.. absent ata yung bestfriend mo?"

Napatingin ako sa nagtanong, yung maiingay na classmate namin sa may likod pala.

 "Hindi yun, papunta na siguro yun." nakangiting sabi ko at pagharap pa sakanila.

Sa totoo lang, kakwentuhan na namin ni Chan 'tong mga 'to eh.

 "Uy ano Jaydon.. single ba yung bestfriend mo?" tanong nung isa saka naman sila nagsitiliang magkakasama.

Natawa naman ako. Hindi ko pa naman tine-taken si Chan so single pa nga siya talaga. Nyahaha

 "Bakit sino ba sa inyo ang may gusto sakanya?" ngiti ko pa.

 "Kaming lahat sana eh.. kaso kawawa naman si Christian kasi bigatin kaming lahat.."

At saka nanaman sila nagsitawanan, nakisali narin ako.

Nakakatuwa talaga siya.

 "Jaydon.."

Nakuha ko namang magulat nang may tumawag sa akin mula sa likod.

 "Chan.." nasabi ko at napangiti na nga ako kaagad, pag siya talaga nakikita ko, ang sarap sa pakiramdam.

Alam niyo yung napapangiti kana lang? :) 

 "Hi papa Christian.."

Napatingin naman siya sa mga tumawag, nginitian naman niya ang mga ito saka nanaman sila nagsitilian.

Agaw eksena talaga kaming mga nasa harap. Haha

Naupo si Chan saka dumikit pa sa akin,pinakadikit-dikit ko narin sakanya.

 "Kasi nga kay papa Jaydon mukhang wala kaming pag-asa kaya kay papa Christian na lang.." sabi pa nila.

Napapa-iling iling nalang ako, mga loko-loko talaga, haha

 "Yan kasi Chan eh, ang ingay nila dahil sa'yo.." natatawang sabi ko.

 "Maliit na bagay.." tonong nagmamalaki naman niya, natawa pa siya sa sinabi niya.

Nagulat naman ako nang biglang tumahimik yung mga babaeng bigatin na maiingay sa likuran namin.

Napa-angat ako ng tingin..

Nandyan na pala sila Kobe.

Ang sama pa talaga ng tingin niya sa akin.

Hinayaan ko nalang, sabi ni Chan dati na huwag ko na lang daw patulan.

 "Ano nga pala yung surprise mo?" biglang sabi ko nang maalala yung sinabi niya kanina sa tawag.

Kanina tinawagan niya ako eh, tapos yun nga para sabihin na may surprise daw siya.


 "Hulaan mo?" ngiti niya.

 "Hm...." posturang nag-iisip ko pa. "Pakakagat mo na yang lower lip mo?" excited na sabi ko kunwari.

Natawa naman siya saka ako muling sinampal ng pabiro.

 "Edi ano nga?"

 "Hulaan mo nga."

Pumikit ako saka nagposturang nag-iisip ulit.

Mga ilang sandali nang imulat ko yung mata ko at nagposturang may "Bright Idea" haha

 "Ahhh..  may gusto ka sa akin?" ngiti ko.

Bahala na, haha

 "Paano kung oo?" agad naman na sabi niya.

Napatigil naman ako.. h-hindi ko dapat seryosohan yung biro.. h-hindi..

 "Chan naman eh, bata pa ako?" kunwari'y napapangiwi kong sabi.

Saka naman kami nagtawanan.

Ang sarap niya talagang kasama.

Kahit na minsan.. gustong-gusto ko lang siyang yakapin.. pero hindi ko magawa -.- nakakahiya sakanya eh -.-

 "Eto oh.."

Napatingin ako sa kamay niya na nakalahad.

 "Cheeeeeeeese." mangha ko, agad ko namang kinuha.

 "S-salamat." pagngiti ko.

Oo kayang-kaya kong bumili nito, kahit sino naman pero yung bang galing kay Chan?

Heaven and Earth! Nyahaha

Agad ko lang 'tong binuksan at sinimulang sipsipin, ginagawa ko talaga 'tong ice candy. Haha

 "Nung kumain tayo nung minsan, naka-ilan ka nga uli?" kunot niya habang nakangiti.

 "Twelve.." nahihiyang sabi ko.

Ang sarap kasi talaga eh.



-----


Point Of View

- K o b e -



Mataman ko lang pinagmamasdan yung dalawang tao sa harap.

Umaapoy ata yung dalawang paningin ko ngayon..

Kaya pala ah?

Yun yung cheese na pinagdadamot sa akin ni Chan kanina eh!

Para sa "BESTFRIEND" niya pala ah?!

Puro tawanan sa harap, may kinikilig-kilig pa, ang ingay rin ng classroom.

Ewan pero nabibwisit talaga ako.

Agad ko lang kinuha yung bag ko saka ito pinatong sa may arm chair ng upuan ko.

 "Tutulugan ko nalang kayo." simangot ko.

...


Wala pa man ilang minuto nang biglang nawala yung ingay.

Agad akong nag-angat ng tingin.

Napangiti naman ako nang makita yung mga kateam namin sa basketball dito sa school.

Medyo mababait ang dating ng mga ito.. pero kung sa kagaguhan lang ay mas grabe sila sa amin.
Pero may kanya-kanyang kabaitan naman sila.

Tangna napasobra ata ang bakasyon ng tatlong sira-ulong magkakaibigan na mga to.

Ngayong lang ang pasok nila eh.


 "Good morning guys.. kaklase niyo sila, sila yung tinutukoy ko na nawili sa bakasyon."

Sabi ni mam Ordesa habang papasok siya.

Agad naman silang dumeretso sa may pwesto naming tatlo nila Az at Dennis.

 "Tae kayo, ang tatagal niyo." agad na sabi ni Dennis kalapit nila.

 "Napasobra bakasyon niyo noh?" dagdag pa ni Az.

 "Hindi naman, nawili lang." ngiti ng isa sa mga kateam namin.

 "Akala namin hindi namin kayo makikita dito, tae anong nangyari ba't ang tahimik niyo naman atang tatlo?"

Agad na sabi ni Joel pagkalapit niya.

Si Joel, ang POKER FACE sa varsity team namin!

 "Si Kobe kasi eh.. may ini-impress.." rinig kong sabi ni Az, sa malanding tono pa talaga.

Agad ko naman itong binatuhan ng kung ano mang naabot ng kamay ko.

 "So who's that lucky girl??"

Kinikilig na sabi naman ni Jorren.

Ayan grabe, si Jorren. Ang pinakamalandi sa varsity team. Tangna lang, kalalaking tao ang landi landi at higit sa lahat.. english pa ng english.. kahit minsan mali-mali naman. Pero, tangna machicks, patol lang ng patol. Palibhasa gwapo.

  "Tumahimik na nga muna kayo, magstart na si mam oh.. nakakahiya."

Pare-pareho naman kaming napa-ayos ng upo nang magsalita si Jason.

Ang pinaka-bossing sa aming anim. Siya, siya ang boss.. haha.. Siya kasi lagi ang sponsor sa pagkain, kaya ayan.. sunod lang kami ng sunod, haha

Siya rin ang laging sumbungan sa team.. kapag may away. Siya ang back-up.. siya ang pinakamataas sa amin, 6'4.. yun ang height niya.

 "Jason." mahinang sabi ko nang ilapit ko ang sarili sakanya.

 "Tangna mo, birthday ni pinsan ko last saturday.. hindi ka man nagpakita." agad na reklamo niya.

Haha, yan ang mga ugali naming anim.. likas sa iba't-ibang klase ng impresyon.

Sa mata ng iba, masungit at mayayabang kami.. pero alam namin ang mga ugali namin, ANGHEL!! Haha

Madaldal din kami, lalo na kapag kami-kami lang. Hindi lang talaga halata dahil mas nangingibabaw yung kademonyohan namin. Haha

 "Gago ka pala eh, puro malalanding babae nandun.. alam mo naman ayaw ko sa mga ganun." pabirong pagsapok ko pa sakanya.


Si Joel, Jorren, Jason, Az, Dennis at Ako. Anim, anim na nilalang, nilalang sa kademonyohan.. Haha
Si Joel at Jorren, ayun mga kaheight ni Chan.. pandak. Pero malakas sa loob ng court.


----


Trivia:
Alam niyo ba lahat ng J na pangalan may meaning sa author niyo :) pinaka-espesyal dyan ay yung unang-una :) yung mahal nga pala ng author niyo.. J din, hindi lang nabanggit haha.

Lahat kasi ng nagugustuhan ng author niyo puro "J" ang first letter ng pangalan.. ewan, basta puro ganun.. Haha

Pero crush ko parin si Devin :) <3


-----



Point Of View

 - C h a n -




 "Ang tatangkad no?"

Manghang sabi ko kay Jaydon habang pasimpleng nakatingin dun sa mga nasa likod.

Magkakaibigan pala sila.

Pinakamatangkad yung si Jason, yung dalawa kasi maliit lang.. matangkad pa ata ako kina Joel at Jorren, haha

 "Wala kang sinabi sa tangkad nung maitim." agad na sabi ko kay Jaydon.

Patukoy dun sa Jason na maitim, haha

 "Walang sinabi yan sa performance ko." bulong niya.

Performance?

 "Bakit nagbabasketball rin ba yan? Player din?" interesadong tanong ko.

Tumawa lang siya, napakunot naman ako.

 "Hindi mo gets?" pagpigil naman niya sa pagtawa.

Lalo lang akong napakunot.

 "Ewan." sabi ko nalang saka muling tumingin sa may likod.

Nakatingin pala sa akin si Kobe.

 "Payatot!" sabi ko, yung walang tunog.. yung sa hangin lang.

Inirapan naman niya ako.

G-grabe ah, kalalaking tao.

Muli siyang tumingin sa akin, saka ko naman siya inirapan. Ganyan gusto niya eh, haha



-----


Point Of View

 - K o b e -



Break, oras na para kumain.

Paglabas ng teacher namin ay agad na akong tumayo at naglakad papunta sa pwesto ni Chan.

Kahit sa ganito makaganti man lang sa kanya.

Nang nasa harap na niya ay agad kong ipinatong yung magkabilang kamay ko sa sandalan ng inuupuan niya, bali parang nasa gitna siya at alam niyo na.. kinikilig ako, haha

Pero syempre, walang ekspresyon kunwari.

 "Chan, tara sa labas." seryosong sabi ko.

Mula sa gilid ng aking paningin, kita ko yung mukhang paa na si Jaydon na nakatingin lang kay Chan.

 "Bakit?" balik ni Chan, halatang naiilang siya, magkalapit kasi mukha namin eh.

Dahil sa presensya ko? Haha

 "Basta." sabi ko nalang at naglakad na nga ako palabas.

 "Jaydon saglit lang ah?" rinig kong sabi pa ni Chan.

Bakit ba sa Jaydon na yun ay ang bait niya?

Sabagay.. Bestfriends.. 'daw.

Nang nasa labas na ako ng room ay tumigil na ako sa paglalakad, nababadtrip nanaman talaga ako!

 "Oh bakit?"

Napatingin ako, si Chan nakasimangot.

 "Aba? Naiirita ka?" inis ko.

Agad naman siyang ngumiti.

 "Hindi po mahal na hari." tonong paglalambing niya.

Nagtaas lang ako ng kilay.

 "Mamaya palang gabi baka late na ako makauwi ng bahay, kaya hwag kanang magluto. Kain kana lang sa labas bago ka umuwi sa bahay, yung 'rules ah? Gusto ko malinis ang bahay. May lakad kaming magbabarkada, papa-inom lang yung isa naming kaibigan, don't worry.. hindi ako uuwi ng lasing, hindi ako basta-basta umiinom ng alak." mahabang sabi ko at saka ko na nga siya nilamlapasan.

Papasok na sana ako ng room nang may maalala. Nilingon ko siya..

 "Oo nga pala, sa lapag, sa sofa o kahit sa kwarto ko.. bahala ka kung saan mo gusto matulog. Basta late na ako makakauwi." sabi ko at papasok na sana ako nang room nang..

 "Very good Koko, mabuti at alam mo ang rule number 'Chan." sabi niya.

Inirapan ko lang siya at pumasok na nga ako.

Nang makapasok na ako ay saglit kong tinapunan ng tingin si Jaydon, poker face ang ginawa ko at pasimpleng irap. Haha

------


Tangna! Napag-iiwanan nanaman ako... kaya heto.. fast past pass past pass fast forward na!!


------



Point Of View

 - C h a n -



 "Salamat ah? Ingat sa pag-uwi, wag tanga." paalam ni Jaydon.

Tumango-tango lang ako.

 "Jaydon ah? Yung chocolate ko, bukas umaga ah? Kapag yun wala, bahala ka." tonong pagbabanta ko pa.

Ngumiti lang rin siya saka kumaway.

 "Salamat din, ingat... mas tanga ka kaya ingat.." pagtawa ko pa at nakuha pa naming magkawayan.

Agad lang akong sumakay ng tricycle.

Mag-aalas kwatro palang kaya naman uuwi na muna ako kay tita, magpapaalam narin ako na kay Kobe na muna ako titira.

Tutal late rin daw uuwi si Kobe, edi maghahakot na ako ng gamit sa bahay ni tita, haha

.....


 "Ayos na kami tita. Bumabawi nalang kami sa isa't-isa kaya ayun, sakanya na muna ako titira. Alam mo naman, bestfriends." pilit na ngiti ko.

Syempre kailangan kong magsinungaling, hindi ko pwedeng sabihin na hindi pa talaga kami ayos ni Kobe.

 "Ganun ba? Oh yan wala na nyan po-problemahin kuya Seven mo, osya.. sige mag-iingat ha? kapag may kailangan kayo paalam niyo kagad sa akin."

Tumango lang ako at sumakay na nga ako ng tricycle.

Salamat at hindi matanong si tita. Haha


......



Point Of View

 - K o b e -



 "Guys mauna na ako ah? Mabigat pakiramdam ko eh."

Pagsisinungaling ko.

Alas-syete na ng gabi, ayoko naman na mag-isa lang si Chan sa bahay. Tsaka.. gusto ko na talagang umuwi para makasama ko siya.

 "Tae naman 'to.. minsan na nga lang ako manlibre eh.. dito ka muna?" inis kagad ni Jason.

 "Tol mabigat talaga pakiramdam ko, nakakainis nga eh.. gusto ko pa nga sanang magtagal." posturang nahihirapan ko pa kunwari.

Kita ko naman na nakumbinsi na sila, lihim akong natuwa.

 "Osya bumawi kana lang ah?"

Agad nalang akong tumango.

 "Bye.. salamat guys. Az Dennis.. una na ako." paalam ko.

Gusto pa nila akong ihatid pero hindi na ako pumayag.

Bale sila Az at Dennis lang ang nakakaalam na sa akin nakatira si Chan, yung tatlo hindi na nila kailangang malaman. Hindi ko gusto na malaman pa nila.

....


 "Salamat po.." sabi ko sa tricycle driver at pag-abot na sa bayad ko.

Agad ko nang binuksan yung gate, gusto ko na makita si Chan.

Paniguradong hindi siya nagluto kaya naman dumaan na muna ako sa isang fastfood at bumili ng makakain namin.

Sabay kami kakain. Gusto ko lagi na kaming sabay.

 "Pinapatawa mo akong pinatawa ah? Dinadaan mo ako sa kakornihan mo."

Papasok na ako ng pintuan ng bahay nang mapatigil ako.. may kausap si Chan?

 "Osya sige salamat sa pagpapatawa sa akin, sira ulo ka talaga.. ge text text nalang mamaya.. kain ng maayos.. gutom lang yan."

Sa naririnig ko, alam kong tuwang-tuwa si Chan. Hindi paba sila kontento sa skwela? Hanggang sa phone nagkukulitan?

Panigurado, si Jaydon kausap niya.

 "Ge ge, text mo ako pagkatapos mo.. byeeee.."

Mas lalo akong nainis, ganyan ba talaga sila kaclose? Bestfriends?

Nagseselos ba ako??


Padabog lang akong kumatok. Alam ko hindi nakalock, basta gusto ko idaan sa pagkatok yung inis ko.

 "Pakibilisan!" medyo malakas at iritang sabi ko.

 "Bukas yan, buksan mo."

Mas lalo naman akong nanggigil sa narinig.

Binuksan ko nalang, kita ko naman na sa phone niya lang siya nakapokus.. hindi man lang ako sinalubong ng tingin.

 "Akala ko ba late ka makakauwi?" tanong niya habang sa phone parin niya ang pokus.

Padabog ko lang nilagay sa may lamesa yung pagkain.

 "Kumain kana." walang ganang sabi ko at agad na nga ako dumeretso sa kwarto.

Nakakainis.

Umuwi ako ng maaga para sakanya, ganado rin akong makauwi kasi bumili ako ng makakain naming dalawa para sabay kami tapos ganyan lang?

.....


Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi parin ako makatulog.

Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko, nagugutom na ako.. kanina pa.

Ayaw ko kasing lumabas, naiinis ako kay Chan.. ay ewan basta!

Pero ngayon, mukhang nakatulog na yung kinikilig na yun.

Dahan-dahan akong sumilip, katulad nga ng inaasahan.. nakapatay na ang ilaw.

Lumabas ako at sa sofa nga siya natutulog.

Napatingin naman ako sa may lamesang maliit na nasa tabi ng hinihigaan niya.

"
Kobe,

Ang tagal mong lumabas.. sabay tayong kakain palagi diba?

Yung binili mo hindi ko pa nagagalaw, tapos nagluto rin ako kaninang kauwi ko.. para sana sabay tayong kakain. Kahit late ka hihintayin kita.

Tapos ngayon maaga ka nga hindi ka naman lumabas.

Gisingin mo nalang ako kapag kakain na tayo :)


"


Ewan pero napangiti ako, kahit na nahiya ako sa nangyari ay napangiti parin ako :)

 "Chan, salamat." nakangiting sabi ko nang pagmasdan ko na siya.

Katulad ng dati, naupo na muna ako paharap sakanya, nakahiga patagilid at paharap ulit siya mula sa pwesto ko.

 "Nakatulog ka ng gutom.. pasensya na." sabi ko pa.

Parang may kung anong naramdaman ako nang mapunta yung tingin ko sa labi niya.

Ewan pero muli akong napangiti.

 "Chan.." bulong ko.


(
flashback

Point Of View

 - Third Person's -



 "Chan.. Chan..."

Nagmamadaling sabi ng isang bata, si Tenten.

 "Nandito ako.. b-bakit?" agad na sabi ni Chan, nasa may harap ito ng lalagyan ng damit niya.. nag-aayos.

 "Nakita ko nanaman sila kuya ko, nandun sila sa may damuhan.. nagkiss nanaman sila ni kuya mo." hindi makapaniwalang sabi kaagad ni Tenten nang makadapa siya sa may higaan.. paharap kay Chan.

 "Ulit?" agad na balik ni Chan. "Sila kuya no? Napano kaya sila?" dagdag pa niya.

 "Pero tayo kaya Chan pwede ring magkiss?" posturang napapa-isip na sabi ni Tenten.

Agad naman siyang tinignan ni Chan, nakakunot ito.

 "Hindi no. Bawal kaya yun." simangot ni Chan.

 "Ba't sila kuya?" kontra kagad ng isa.

 "Tenten matulog kana nga, bawal yun sa atin.. bawal." agad ring sabi ng isa.

Padabog narin lang nag-ayos ng higa yung isa at tinalikuran ito.




ending
)

----



Point Of View

 - Third Person's -



Lalong napangiti sa naalala si Kobe. Natawa pa ito habang pinagmamasdan niya ang napaka-inosenteng mukha ng natutulog na si Chan.

 "Chan naaalala mo nun nung pagka-akyat mo sa higaan? Diba sabi mo pwede na yun kapag.. kapag malaki na tayo katulad nila kuya?" tonong excited pa nito.

 "Mabuti na ang sigurado. Ang galing ng memorya ko!" pagmamalaki pa niya sa sarili.

Pinagmasdan niya lang ang kaibigan, seryoso.. mataman.

Hanggang sa tila wala sa sariling namayani ang seryoso at napakatahimik na atmospera sa loob ng bahay, sa pagitan ni Kobe at ng natutulog na si Chan.

Ngayon, nakatingin lang si Kobe sa labi ni Chan.. masama man kung titignan ang bagay na naiisip niya pero para sakanya.. isang kagalakan ito.

At sa unti-unti..

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito..

Ang mga paningin niya na sa labi lang nito ang tingin..

Hanggang sa siya'y pumikit..






Itutuloy


O.O


Sa mga hindi nagsasawang magbasa at magbigay ng komento :)

-red08,
-yeahit'sJM,
-44, hindi ko kaya gumawa ng bed scene eh, haha sorry :)
-emo19, :)
-juss,
-jharz,
-michito, it's complicated! Nyahaha
-gilrex,
-shai, hwag po kayong ganyan, baka kayo ang tabihan ni Kobe :)
-leandro, wait lang po.. kinukumpleto ko pa yung magiging momentum ng #ChanDon! Hahah

Salamat sa lahat! Grabe, hwag niyo akong iiwan ah? Dyan lang kayo :) Salamat ulit! :)



- #papaPrince (--,)

15 comments:

  1. Ahhhhhhhhhhhhhh nabitin aku author... ahahai kailan ba sila mag tino para wala nag gulo hehhe salamat sa ud mr author

    ReplyDelete
  2. Ang tagal kong hinintay to minsan nawawalan na ako ng pag asa haha dati kasi wed eh. :( hay buti naman nag update ka na mr.author na-miss ko to eh!! Sobra!!!!!

    Ingat ka palagi. God Bless :)

    -44

    ReplyDelete
  3. Hahahaha ang cute ng flashback nina ten ten.. mas nacucutan akong tawagin tenten kaysa kobs... hehehr pansenya n po!!!
    Salamt s update otor hehehe s "s Chan ang gusto ko katabi hehehe ayaw ko sa payatot payatot din kc ako hehehe"""

    Enjoy lang habang nagbabasa

    Shai:)

    ReplyDelete
  4. Kuyabg Author sang ayon ako sa comment ni Shai. Haha. Mas maganda yungTenten na tawag kesa Kobs para kasing feeling close pag Kobs. Hahahaha. Btw feeling ko magigising si Chan katulad sa mga palabas tas biglang iiwas si Kobe mag dadahilan ng kung ano ano. Ay. Hahaha

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  5. Sayang. Walang bed scene. Hahaha. Kakatuwa si Kobe at Chan. Mas kinikilig ako sa kanila kesa sa mga kuya nila. Haha

    Xian

    ReplyDelete
  6. Nakabitin. Salamat sa update. TAke Care.

    ReplyDelete
  7. nakapagupdate din kala ko tatamarin na ko basahin to muntik n ko mawalan ng pagasa..pero buti nabawi mo author salamat ulit ng madami nexttime dapat budget din ng oras para di mo mabigo mga reader mo kasi magaling ka po mr author

    good luck more power and godbless :))
    -YUWON

    ReplyDelete
  8. Salamat sa update otor.
    Sa susunod uli.
    Emo19

    ReplyDelete
  9. Okie nga ung moment ng dalawa na sina chan at tenten kaso nakiki gulo parin si jaydon kylan b xa Mawawala saeksena ng dlawa..... kyln kaya aamin sila dlawa sa nararamdaman nila

    Jharz

    ReplyDelete
  10. Ay ay ay. Nag-update na. Ang ganda. Kinilig ako xD tapos natutuwa ako sa mga sumisingit na throwback. Haha.

    Maraming salamat, authotr. Napasaya mo ang malungkot na araw ko.

    ReplyDelete
  11. Grabe ha kahit nakakainis si kobe at sarap batukan.. Pero team #BEAN pa rin ako.. Yohee... Nabitin ako prince ah... Nga pala crush mo c devin??? Mas gusto ko si jake 😉😉 hahah - dave

    ReplyDelete
  12. Ayiee..kinikilig ako.. Lol.. Bitin..

    Can't wait for the next chapter! :)

    ReplyDelete
  13. Lakas makapang bitin ei.., un na un ei mag kikiss na sila ei....hahaha kinikilig ako sa inasta ni kobe...go go go fight fight fight...
    -silent reader

    ReplyDelete
  14. Nakaka-bagets naman talaga ang status mo kuya Author. :D "It's complicated" Hahahaha good luck na lang.

    Itapon na ang #ChanDon na yan. Itapon sa ilog sa ilog. Hahaha #sorrynotsorry KISS NA DALI

    - Michito

    PS. Ngayon lang ako nakapa-comment. Hindi ko alam kung anong sira bat di ako makapag-post dati. Azar. Mahaba tong comment ko eh, nakalimutan ko tuloy.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails