Author's note...
Muli and first of all, nagpapasalamat ulit ako kay sir Juha at kay sir Ponce/sir Allan. Kuya Carlosblue, kuya Vienne, kuya Rye, Rouge Mercado, kuya Apple, Ashigawa, iyung nagsabing nagka-anak si Christian Castillo (Seriously?), Alfred of T. O., Gilrex Laurente, lantis, joeyryl.dedicatoria, yeahitsjm, marc abellera, jefferson cabriana, MegaYasutoshi, VC, vian, Jharz05/Jharz (Iisang tao lang kaya kayo?), Mer John Punzalan, _darkwizard_, Bharu, Chris, Summer Rain, VK Trebb, Rennard... for the support and... yeah please... i-drop niyo na to... sa mga taong nag-drop nito, THAT WAS A GREAT DECISION! (I'm not joking.)
So okay na ang mga bati. AYAN! At isa pa nga pala, huwag niyong gayahin iyung PATHETIC na PROTAGONIST na ito. Daming alam. Maging moral lesson sana ito sa mga tao na hindi lahat ng nababasa natin sa internet ay... totoo. Enjoy! :D
So okay na ang mga bati. AYAN! At isa pa nga pala, huwag niyong gayahin iyung PATHETIC na PROTAGONIST na ito. Daming alam. Maging moral lesson sana ito sa mga tao na hindi lahat ng nababasa natin sa internet ay... totoo. Enjoy! :D
Chapter 5:
Twisted Fates
Ren's POV
Si
Kei ba talaga si Mr. Lion? Pero medicine ang kinukuha niya. Hindi pwede iyun.
Hindi dapat ako mag-judge sa panlabas na katangian niya. May mga CIA operative
na magaling sa medisina pero marunong mangalikot sa kompyuter kahit walang IT
background. Pero movie lang iyun hindi ba? Ano naman ang gagawin ko kung siya
talaga si Mr. Lion?
“Ren, hindi ka pa ba kumakain?"
wika ni Kei habang bumababa sa hagdanan at may dalang bag.
“Kei, may dala ka bang laptop?"
tanong ko dito.
“Oo. Bakit?" sagot nito.
“Pwede ko bang makita?" pakiusap
ko.
“Well yeah sure."
Kinuha
naman niya ang laptop sa bag niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano
nga kung siya si Mr. Lion? Ano ang gagawin ko?
“Heto Ren." Binigay niya sa akin
ang laptop.
Malalaman
ko na kung si Kei talaga si Mr. Lion. Binuksan ko naman ito at nag-boot.
Pagkatapos ng ilang segundo, bumukas na ito ng tuluyan. Kinuha ko naman ang USB
cord para magkonek ang laptop niya sa PC ko.
“What's the matter?" naitanong
nito sa akin.
“May titingnan lang ako Kei. Okay lang
ba?"
Tumingin
naman ito sa relo niya. “Sige lang. Pero
wala na tayong oras. Sigurado ako na traffic na sa pupuntahan nating
convention. Balik lang ako sa taas. May kukunin lang ako."
Pinagpatuloy
ko naman ang aking ginagawa. The moment of truth. Here we go. Pinindot ko ang
scanner ng PC ko para maghanap ng kahina-hinalang bagay sa laptop niya. Narinig
ko naman ang pagbaba niya at palagay ko, tinitingnan ang ginagawa ko sa PC
niya.
“Naghahanap ka ba ng virus sa laptop
ko Ren?" tanong nito.
“Oo," tipid na sagot ko. “May kumakalat kasi na virus sa
internet ngayon at baka meron ang laptop mo. Kumonek ka pa naman sa internet
ko."
“Ha? Hindi nga? Hindi pa ako kumokonek
sa internet mo kasi hindi mo pa sinasabi ang password." Oo nga no. Ni
minsan, hindi sila nagpakonek ng internet sa bahay dahil diretso agad sila sa
game room tapos diretso uwi.
“Ahh... ehh... para makasiguro lang.
Mahirap na," pagdadahilan ko.
“Ahh... Naintindihan ko."
Umupo
naman siya sa sofa. Hindi pa rin natapos ang scanning kaya pinatawag ko na ang
sasakyan na magdadala sa amin sa convention.
Ilang
minuto ang nakalipas at natapos na ang scanning. Walang kahina-hinalang bagay
ang nakita ng PC ko. Hindi kaya naitago na niya? Napatingin naman ako sa kaniya
at ganoon din siya.
“Ren, may problem ba?" seryoso na
niyang tanong.
“Wa-"
“Huwag kang magsinungaling,"
pagputol niya sa sinasabi ko.
Wala
akong maisagot. Siguro nababasa niya ang iniisip ko. Tumayo naman siya at
lumapit sa akin. Inabot naman ng kanyang kamay ang aking leeg... kasabay ng
pag-flash sa utak ko ang ginawa niya sa panaginip ko... o baka totoong nangyari
iyun. Napapikit ako sa kanyang ginawa.
“Ang weird mo. Wala ka namang
lagnat." Inusisa pala niya kung may lagnat ako.
Dumilat
naman ako matapos marinig ang sinabi niya. “Kei, pwede bang hawakan ang kamay at dibdib
mo?"
“Huh? Para saan? Ang weird mo talaga
ngayon. Pero sige."
Hinawakan
ko naman ang kamay niya sa bandang pulso at ang isa sa bandang puso niya.
Magiging living lie detector ako. Sa lalaki ko lang ito pwedeng gawin at kay
ate Erika. Also, no homo dude. Tiningnan ko naman siya ng diretso.
“Anong ginawa mo pagkatapos kong
umakyat sa kwarto ko?" tanong ko.
“Ilang minuto lang at umakyat na din
ako sa taas at humiga sa kwarto ko. Pagkatapos, dumating ang alas singko at
narinig kitang sumisigaw ng malakas. Dali-dali naman kong inalam kung ano ang
nangyari sa iyo at okay ka naman," dire-diretso niyang sagot sa akin kahit
hindi ko pa tinatanong iyung iba.
Tinanggal
ko naman ang lahat ng kamay ko sa kaniya. Nagsasabi siya ng totoo. Kahit ang
intuition ko ay ganoon din ang sinasabi. 140% na atensyon ko ang ibinigay ko
kaya imposible na niya akong malusutan kung nagsisinungaling siya. Narinig ko
namang may bumusina na sasakyan. Andyan na iyung sundo namin.
“Andyan na iyung sasakyan Ren. Hindi
ka pa kumakain," saad ni Kei.
“Sige. Kei, una ka na sa sasakyan.
Kukunin ko lang iyung mga kailanganin kong dalhin sa convention. Balik lang ako
sa taas."
Umakyat
naman agad ako sa itaas para kunin ang mga gamit sa kwarto ko. Ano ba itong
ginagawa ko? Nakakasira ng utak. Panaginip lang iyun Ren. Pero mukhang totoo.
Ano ba?! Parang gusto mong maging totoo ahh? Baka siguro weirdo lang talaga
ako? Grabe. Ilang beses na ba akong nakikipag-usap sa sarili ko? Okay Ren.
Hanggang hindi ka sigurado o walang patunay na siya si Mr. Lion, act normally.
Paano kung hindi talaga siya si Mr. Lion at naghahanap ka lang ng masisisi sa
wet dreams mo. Haixtt! Wala siyang ginawang masama sa iyo okay? Bumaba naman
ako papunta sa labas. Gusto kong sumakay sa likod. Inaantok pa ako at ayaw kong
umupo sa harapan para batiin sa haring-araw.
Si
Kei naman ay sa likod umupo. Ren, act normally. Umandar naman ang sasakyan para
dalhin kami sa aming destinasyon. Ilang saglit lang, humikab siya.
“Grabe. Hindi ako nakatulog. Sino kaya
ang nanaginip na kasama ako?" wika niya. See Ren. Panaginip lang iyun.
“May ganoon Kei? Kapag hindi ka
nakatulog ehh ibig sabihin, nasa panaginip ka ng isang tao?" tanong ko.
“Well hindi ko alam kung totoo iyun. O
baka siguro excited lang ako na may kasama akong kaibigan na pupunta sa
convention."
“First time? Talaga?" gulat kong
tanong.
“Oo. Lagi kasi akong pumupunta sa mga
convention na mag-isa. Tapos first time mo pa? Magandang ilagay ito sa article
na ‘Si Ren ay First
Time Pumunta sa Isang Convention' ang title," masigla nitong saad.
Marami
pa siyang sinabi pero hindi ko na alam kung ano. Pagod na pagod talaga ako.
Bwisit na panaginip iyun at na-placebo effect ako. Pumikit naman ang mata ko.
Keifer's POV
Umakyat
na si Ren para kunin ang mga gamit niya. Dumako naman ako sa hapag-kainan para
takpan ang agahan na hinanda ko para sa kaniya. Siguradong magugutom iyun
mamaya.
Kinuha
ko naman ang gamit ko na nilagay sa sofa at dumiretso na sa sasakyan. Pumasok
naman ako sa likod ng sasakyan. Maya-maya ay dumating si Ren at pumasok din sa
likod. Ewan ko pero hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Hindi ba dapat ang
amo ay sa harap dapat umupo? Umandar naman ang sasakyan. Maya-maya ay napahikab
ako. Tiring. May nanaginip ata na sinama ako.
“Grabe. Hindi ako nakatulog. Sino kaya
ang nanaginip na kasama ako?" wika ko.
“May ganoon Kei? Kapag hindi ka
nakatulog ehh ibig sabihin, nasa panaginip ka ng isang tao?" tanong ni
Ren.
“Well hindi ko alam kung totoo iyun. O
baka siguro excited lang ako na may kasama akong kaibigan na pupunta sa
convention."
“First time? Talaga?" gulat
nitong tanong.
“Oo. Lagi kasi akong pumupunta sa mga
convention na mag-isa. Tapos first time mo pa? Magandang ilagay ito sa article
na ‘Si Ren ay First
Time Pumunta sa Isang Convention' ang title," masigla kong saad. “Well huwag na lang kasi alam ko naman
na ayaw mo. Oo nga pala, magkaroon ka ng mahabang pasensya pagdating doon dahil
sa haba ng pila. Tapos baka magsiksikan pa. Gusto mo ikaw na lang ang kumuha ng
litrato? Or gusto mo ako-" Natigil naman ako sa pagsasalita dahil
nakatulog na pala siya. “I guess that's
a no on everything I said."
Kinabig
ko naman siya papalapit sa akin at hinali- no. Pinapatong ko ang ulo niya sa
balikat ko. Ang weird niya talaga kanina pa. Ano kaya ang nangyari? May pa
hawak-hawak pa siya sa dibdib at pulsohan ko. Baka naman sumisimple lang siya
para- haha. Hindi naman ganoon si Ren. Ikaw talaga Keifer. Kung ano-ano ang
iniisip mo. Alam na niya kaya na alam ko? Nakakahiya. Well wala na akong
magagawa sa mga bagay na iyun. Nasabi ko na ang nasabi ko. Hindi ko naman
aakalain na siya pala ang taong iyun. Ang magandang isipin ngayon ehh kung
paano magpa-good shot ngayon bago pa siya magalit. Well malas lang ni Harry.
Siguradong hindi niya inaasahan ang bagay na ito. Na may gusto rin pala ako kay
Ren. I will make sure na wala siyang mauuwian.
Ilang
oras naman ang nakalipas ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Mall of
Asia. Dito gaganapin ang convention na pupuntahan namin ni Ren.
“Ren, gising na." Inalog ko sa
kanya habang naglalambing.
Maya-maya
ay minulat na niya ang kanyang mga mata. “Andito na ba tayo?"
“Yeah. Now get up para mainitan ka
naman."
Tinulungan
kong ayusin ang sarili niya. Kumuha naman ako ng P500 at ibinigay sa driver
namin. Bumagsak naman ulit si Ren. Inaantok talaga siya. Hinila ko naman ito
para mainitan at baka sakaling magising. Naglakad-lakad muna kami sa bandang
seaside at baka sakaling magising siya ng tuluyan. Wala pa rin siya sa sarili
habang naglalakad-lakad kami. Bigla naman siyang namilipit sa sakit ng tiyan
niya. Oo nga pala. Hindi pa siya kumakain.
“Ughh... Ang sakit ng tiyan ko,"
mahinang ungol niya.
“Gutom lang iyan. Umupo ka muna sa
bench dito at ibibili kita ng makakain."
Inalalayan
ko siya sa isa sa mga bench sa lugar. Dali-dali naman akong umalis at naghanap
ng stall ng mga pagkain. Napunta ako sa stall ng Tender Juicy's hotdog.
Magandang ideya. Mananamantala muna ako sa sitwasyon niya. Food porn. Bumili
naman ako ng tatlong piraso nito kasi alam ko na kulang ang isa sa kaniya pero
para sa ibang bagay ay ako lang ang kailangan, sapat n- ehem. Moving on,
pinalagyan ko naman ito ng hot sauce para magising talaga siya ng tuluyan.
Pagkatapos ay binalikan ko siya. Bago pa siya makapagsalita ay ipinasubo ko na
agad ang isa sa kaniya... iyung hotdog na binili ang tinutukoy ko right? What a
lovely sight. Susunod, ibang uri ng hotdog na. Iyung may cheese and milk naman.
Iyung maganda para sa katawan.
“Kain ka na muna bago magsalita. Hindi
ka kasi kumain kanina ehh," wika ko habang sinusubo niya ito.
“Mmm... mmm... mmm!!!" ungol
niya. Naubos naman niya ang isang stick. “Ang anghang at ang sarap! Buti pinalagyan mo
ng hot sauce. Paborito ko ang mga pagkain na maanghang," masiglang
reaksyon niya.
“Ganoon ba? Hindi ko alam," saad
ko. “Pero grabe ka
naman kumain ng hotdog," pilyong wika ko.
Wala
naman akong nakuhang kakaibang reaksyon. Isusubo ko sana ang isa pang hotdog sa
baba- na binili ko pero sinunggaban niya ito at dini- kinain. Ano ba itong
iniisiip ko? Hotdog innuendos.
“Kei, pasensya na sa ginagawa ko
kanina. May gumugulo lang talaga sa isip ko kanina," malungkot na wika
nito. Oo. Alam ko. Ako.
“Ganoon ba? Naiintindihan ko. Kainin
mo na itong huling piraso ng hotdog at papasok na tayo sa venue," sagot
ko.
Ngumiti
naman siya at kinuha ang huling piraso ng hotdog. Pagkatapos niyang kumain ay
tumayo na kami para pumunta sa venue. I will make this day memorable.
Harry's POV
Nandito
ako ngayon sa Laguna dahil sa kagustuhan ng magulang ko. Kasalukuyan akong natutulog
sa kwarto ko dahil pagod akong magpalaki ng katawan. Baka sakaling magustuhan
ako ni Ren kapag malaki ang katawan ko at sisiguraduhin ko na mahihirapan
siyang tanggihan ako. Aakitin ko siya. Nakatalukbong naman ako sa aking kumot
dahil sarap na sarap akong matulog sa amin.
“HARRY! HARRY!" rinig kong sigaw
ng isang babae.
Mukhang
hindi maganda ang simula ng araw ko ahh. Bakit kasi pinapapasok sa bahay ang
babaeng ito? Narinig ko naman na bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
“HARRY! GISING!" yugyug pa nito
sa akin.
“Janice, pwede ba?! Gusto ko pang
matulog at pagod pa ako," reklamo ko.
“I don't really care! Just wake the
fuck up!" sigaw pa ulit nito. Pilit naman niyang inaalis ang kumot ko at
nagtagumpay siya.
“Bullshit Janice! Gusto ko pang matulog!
Bakasyon ngayon at gusto ko itong sulitin," reklamo ko.
“I don't care about that you hear me?
Get up and mag-uusap pa kayo ng tatay mo. Furthermore, asaan si Kei?!"
Ginulo
ko naman ang sariling buhok ko at tinago ang mukha ko sa aking mga kamay. “Hindi ko nga alam! Bakit hinahanap
ni-"
“Ughh! Useless," pagputol nito. “Bumaba ka na nga lang."
Lumabas
naman siya sa kwarto ko. Wala na akong nagawa dahil nasira na ang momentum ko
para matulog. Inayos ko naman ang sarili ko at bumaba. Dumiretso ako sa
hapag-kainan at naabutan sila Janice, mama at papa na kumakain ng almusal.
“Good morning Harry," bati sa
akin ng mga magulang ko.
“Wala pong maganda sa umaga ko
ngayon," pagsagot ko sa bati nila. Umupo naman ako sa isa sa upuan ng
hapag-kainan. “Alam niyo ma,
pa, minsan ehh pagbawalan niyo pong makapasok si Janice sa kwarto ko dahil
hindi po maganda talaga ang umaga ko tuwing naririnig kong binubungangaan
nitong si Janice," reklamo ko.
“Anong sinasabi mo?!" si Janice.
“Janice," pagpapatigil ni mama
dito. “Harry, alam mo
namang mahirap kang gisingin kaya pinapaakyat namin si Janice sa kwarto mo.
Titigil na kami kapag isang araw ehh maabutan ka namin ng papa mo dito na
kumakain ng agahan."
“Martha, agahan ko," tawag ko sa
katulong namin. “Alam niyo ma,
dapat hinahayaan niyo akong matulog ng maayos. Galing ako sa impyerno na ang
tawag ay college school at kailangan ko ng maayos na tulog ngayong bakasyon.
Palibhasa kayo ma, hindi niyo na-experience ang impyernong iyun."
“Anong sabi mo?!" sigaw nito at
tumayo.
“Hilda!" pagpapatigil ng papa ko.
“Alam mo Kei, ang bastos mo sa
magulang mo," sabat ni Janice.
“Alam mo Janice, dapat maiintidihan mo
ang nararamdaman ko ngayon. Ang problema nga lang, sigurado akong binabayaran
mo lang ang mga titser or prof mo para ipasa ka lang. Palibhasa, hindi mo
nararanasan ang impyernong nararanasan ko dahil tinatapunan mo lang ng pera,
pasado-"
“Harry! Stop!" pagputol ni papa
sa mga sasabihin ko.
Dumating
na ang agahan ko at nagsimula na akong kumain. Wala namang nagsasalita sa aming
apat dahil totoo naman ang sinasabi ko. Masamang sagutin ang magulang mo pero
nakakaasar lang kasi ultimo iyung magulang mo ehh hindi alam ang nararamdaman
mong impyerno sa tinatawag na college school.
“Harry, hindi pa ba umuwi si Kei. May
alam ka ba kung saan siya pumunta?" pambungad na tanong ni papa.
“Kapag po ba nasagot ko ang tanong
niyong iyan pa, pwede niyo na po bang hindi na paakyatin si Janice sa para
gisingin ako ng habang-buhay?" balik tanong ko. “Like I said, naririndi ako kapag
umagang-umaga ehh naririnig ko ang bunganga ng babaeng ito para gisingin ang
pagod na pagod kong katawan. Tapos sa akin pa hinahanap ang fiancé niya like I care about that!"
“Thanks for the compliment
Harry," sarkastikong saad ni Janice. “At isa pa, natural na sayo ako magtatanong.
Magkasama kayo. Alangan naman magtanong ako sa isang multo?" dagdag pa
nito.
“Galing. Define natural."
“Natural. Inborn and innate. Existing
in, belonging to, or determined by factors present in an individual from
birth," agad na sagot nito.
“One problem Janice. Determined by
factors present in an individual from birth. Hindi kami magkapatid
Janice."
“Enough! Both of you, enough!"
pagpapatigil ni papa. “Harry, pwede
bang sagutin mo na ang tanong ko pakiusap."
“Bad news pa. Hindi ko alam,"
sagot ko.
“Bakit hindi mo alam? Lagi kayong
magkasama sa apartment tapos hindi mo alam kung saan nagpupunta iyang pinsan
mo?" muling tanong ni papa.
“Pa, may sarili din akong buhay. Hindi
buong oras ehh magkasama po kami. May pagkakataon na umaalis ako sa bahay,
umaalis siya, this and that and so on. Meron kaming mga bagay na tinatawag na
assignments at club activities. May sari-sariling lakad din kami. At isa pa,
kung hindi talaga umuwi si Kei, isa lang ang ibig sabihin nito. Ayaw niyang
pakasalan si Janice. Kahit ako, hindi matagalan ang babaeng ito. Nung bata pa
ehh ang bait-bait, mahinhin at ano pang katangian na gustong-gusto ng mga
kalalakihan sa isang babae. Ngayong tumanda na, anyare? Nawala!" paliwanag
ko.
Sisigaw
pa sana si Janice nang pinigilan ito ni mama. Totoo naman ang sinasabi ko ehh.
Maya-maya ay may pumasok sa aming bahay at dumiretso sa hapag-kainan. Si Gerard
Faustiano. May dala-dala naman itong iilang papel... at dokumento?
“Ohh... Gerard. Nandito ka pala.
Magandang umaga," bati ni papa dito.
“Magandang umaga din po sa inyo amo.
Magandang umaga din sa inyo sir Harry, ma'am Janice, madam Hilda," bati ni
Gerard sa amin habang yumuyuko.
“Magandang umaga din Gerard,"
pagbalik ng bati ni mama. “Siya nga pala,
may alam ka ba kung asaan si Kei ngayon?"
“Pagpasensyahan niyo po muna ako sa
hindi muna pagsagot sa inyong katanungan madam Hilda. May importanteng-"
“Sagutin mo muna ang tanong ko
Gerard!" pagputol ni mama sa sinasabi ni Gerard habang binigyan ng isang
malakas na pukpok ang mesa.
“Kung iyan po ang gusto niyo. Sa totoo
lang po, hindi ko po alam kung asaan si Kei ngayon. Sinubukan ko naman po
siyang hanapin pero mukhang nakahanap po siya ng paraan para makatago mula sa
akin," sagot ni Gerard.
“Ha! Imposible! Tinatago mo siya
Gerard!" sigaw pa ni mama dito at napatayo. “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo
Gerard! Ngayon din, ilabas mo ngayon si Kei!"
“Lingid po sa kaalaman ninyo, isa rin
pong matalinong tao si Kei. Kaya nga po naging kandidato po siya noon,"
walang takot na sagot ni Gerard.
“Tampa-"
“Hilda! Tumigil ka na!"
pagpapatigil ni papa.
“Pero hon, nagiging bastos na si Kei
sa atin. Ginaganito niya tayo dahil hindi mo siya pinapakitaan ng takot,"
apela ni mama.
“Hayaan na muna natin siya. Respetuhin
natin siya," pagdidipensa ni papa.
“Respeto?! Talaga lang ha?!
Rerespetuhin tayo ng taong iyun?! He ditched your word. Ikaw ang pinuno ng pamilyang
ito tapos hindi ka niya susundin?!"
“Hindi mo ba narinig kanina na may mas
importanteng balita si Gerard para sa atin? Pwede bang manahimik ka na?"
Napaupo naman si mama sa sinabing iyun ni papa. “Gerard, anong mas importateng balita
iyun?" baling ni papa dito.
“Opo amo. May balita na po sa
pinaghahanap po nating huling miyembro ng pamilyang Villarica. Si Garen
Villarica." Lumapit naman ito kay papa at binigay dito ang mga dokumentong
hawak nito. “Natagpuan po
siyang... natagpuan po ang katawan niya na sunog at halos hindi na siya
makilala. Nagpasya naman po iyung mga nagpapaaral sa kanya na i-cremate na lang
siya. Namumuhay naman po siya bilang tagaayos ng mga appliances sa lugar.
Tumugma naman ang mga possible features niya na ibinigay ninyo sa akin kung ano
ang hitsura niya at mga katangian ng taong ito. Naging 1st honor siya mula
Grade 5 hanggang sa maging 1st year college ito. Bachelor of Information
Technology din ang kinuha ng taong ito. Inampon naman po siya ng isang babae at
tinuring na parang anak. Nag-fit po talaga ang taong ito na siya talaga ang
hinahanap nating si Garen Villarica. Sa mga dokumentong iyan ay ang mga patunay
ng mga achievements niya at ang litrato niya."
Kinuha
naman ni papa at ni-review ang mga dokumento at si mama naman ay nakiusisa din.
Maya-maya'y kapwa silang napasapo sa ulo.
“DAMN IT!" sigaw ni papa. “Harry, gusto mo bang makita ang
litrato niya?"
“Wow pa. Thank you for asking,"
sarkastiko kong saad. “Kung hindi
inuna ni mama ang galit niya, ehh di sana nakuha niyo ang taong iyan
para-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumulo na ang mga luha
ko.
Nako
naman! Ganda ng balita! Kay aga-aga oo. Ang kababata na mahal na mahal ko,
patay na pala!
“Wow ini-" sabat ni Janice.
Tiningnan ko agad ito ng masama dahilan na hindi matuloy ang sasabihin niya.
“Anak, pasensya na," si mama.
Lalapit pa sana ito nang sinenyasan ko na huwag lumapit sa akin.
“Not this time ma!" saad ko na
may pagbabanta.
Bumalik
naman si mama sa kinauupuan at tumungo. Si Janice naman ay umalis. Sinusundan
ito ng tingin ni Gerard.
“May isa pa pong balita... at ito po
ay isang masamang balita," baling ni Gerard sa amin. “May isa pa pong kandidato na mamumuno
sa pamilya ang hahabol. Usap-usapan na ito ay ang bastardo ni Don Arturo. Wala
pa pong binigay na pangalan kung sino ang taong ito. Pero sabi daw nila,
kasing-edad lang nila Harry ang taong ito. At isa pa po, ang desisyon sa
susunod na mamuno ng pamilya ay hindi na po kayo amo kung hindi si Don Arturo
na ang pipili."
“S-Si papa na?" gulat na saad ni
papa.
“Opo. At base po sa mga prediksyon ko,
bumaba po ang tsansa na sila Kei at Harry na ang magiging susunod na
tagapagmana. Sa ngayon po, siguradong mananalo po bilang tagapagmana ang
bastardo ni Don Arturo."
“Hindi ba mabuti iyan?" sabat ko.
“Sa totoo lang,
pagod na pagod na akong makipag-agawan kung sino ang punyetang mamuno sa
pamilya natin."
“Harry, huwag kang-"
“Tama na po!" pagtigil ko sa
sinasabi ni mama. “Nang dahil po
sa inyo mama, nawala na iyung taong gustong-gusto kong makuha sa buhay ko!
Ayoko na! Wala na akong pakialam! Wala na... Wala..." Tuluyan naman
bumuhos ang luha ko. “Ayoko na
talaga!"
Tumayo
naman ako sa kinauupuan ko at umakyat sa kwarto ko. Pambihira! Mas masakit ang
nararamdaman ko ngayon kumpara sa sinabi ni Ren na nagsinungaling siya. Ngayon
wala na ang kababata ko, itutuloy ko na talaga ang balak ko na maging akin si
Ren. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko sa kaniya. Kaya humanda siya sa akin
sa pagbabalik ko.
Keifer's POV
Kagagaling
lang namin ni Ren sa venue ng convention at lumabas muna kami para
mananghalian. Isa pa, nagparehistro kasi ako sa isang fighting tournament sa
convention. Si Ren naman ay... buo pa haha. Kitang-kita ko ang saya niya habang
nasa loob kami ng convention. Kasalukuyan naming binabagtas ang daan papuntang
KFC dahil doon kami balak kumain. Tinitingnan ko naman ang mga litrato ni
kinuhaan ni Ren. Napanguso naman ako dahil ayaw ni Ren. Ewan ko ba. Pero hindi naman
niya tinanggihan ang binili kong Lion Hat para sa kaniya.
“Nag-enjoy ka ba Ren?" tanong ko
kahit alam ko naman na nag-enjoy siya.
“Oo Kei. Salamat naman at sinama mo
ako," ngiting sagot niya. “Ganito pala ang
ginagawa sa convention. Piktyur piktyur at bili-bili ng mga merchandise."
“Hindi lang naman iyun Ren. Isa ito sa
mga pagkakataon na makikita mo ang internet friends mo. Teka Ren, may internet
friends ka ba?" tanong ko ulit.
“Sa totoo lang, marami kaya lang
nakalimutan ko silang pagsabihan kasi..." Tumingin naman ito sa ibang
direksyon. “Dapat kasi
kaninang umaga ko pa sila nasabihan."
“Ano ba kasi ang problema mo kaninang
umaga?"
Tumingin
naman ito sa akin at ngumiti. “Ang totoo niyan
Kei, hindi ko alam pero okay na ako."
“Ganoon ba?" sabay binigyan siya
ng nanghihinalang tingin.
“Bakit?" inosenteng tanong nito.
“Muli Ren, salamat sa pagpayag mo na
tumira ako pansamantala sa paraiso mo," ngiting saad ko. “Ang totoo Ren, ikaw ang huling tao na
pinuntahan ko noong araw na iyun. Kumatok kasi ako sa kaibigan ko sa Journalism
Club kaya lang ehh huli na ako. Kaya lang, nakaalis na sila," dagdag ko.
“Ano ka ba Kei. Wala iyun. Kahit ano
para sa kaibigan ko," ngiting saad nito. And your soon-to-be ka-ibig-an.
“Ren, ikaw ba iyan?!" sigaw ng
isang boses ng lalaki sa likod namin. Tumalikod naman kami para malaman kung
sino ang tumawag sa amin.
“Kuya Jonas, Nicko, layo ng date natin
ahh," wika ni Ren dito.
Date?
Ibig sabihin ba nito ay may relasyon sila? Totoo nga ang mga haka-haka na may
relasyon sila. Lumapit naman ang dalawang lalaki sa amin. Ohh. Ito pala si
Jonas ng ‘The Antagonist'
at si Nicko.
“Gusto kasi ni Nicko na makita ang
sunset dito sa Manila Bay," wika ni Jonas. Tiningnan naman ako nito saglit
at bumaling ng tingin ulit kay Ren. “Ren, hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama
mo?"
“Gome-" Pinutol naman ni Ren ang
sasabihin niya. Napa-gomenasai pa siya. “Pasensya na kuya Jonas. Kei, ito si kuya
Jonas at Nicko," pagpapakilala sa akin ni Ren sa kanila. “Kuya Jonas, Nicko, si Kei. Kaibigan
ko," pagpapakilala sa akin ni Ren.
Nakipagkamay
naman ako sa mga taong ito at napapansin ko naman na nakangiti ng makahulugan
ang mga ito sa akin.
“Kinagagalak ka
naming makilala," sabay nilang saad.
“Cute hat," puri nung Nicko sa
lion hat ni Ren.
“Salamat," nasabi ni Ren.
“So Ren, bago ito. Anong ginagawa niyo
dito?" tanong ni Jonas.
“Well kuya Jonas, sinamahan ko si Kei
na pumunta sa isang convention dito," sagot ni Ren. Kumukuya pa ang taong
ito.
“Umm... by the way guys, hindi pa ba
kayo kumakain ng tanghalian?" sabat ko.
Tumingin
naman ang magkapareha sa isa't isa. “Sige. Tamang-tama. Naghahanap din kami ni
Jonas ng fast food na pagkakainan," masiglang wika ni Nicko.
“Saan kayo kakain?" tanong ni
Jonas.
“Sa KFC. Nasa likuran na lang
natin." Tumuro ako likod ko.
“Great. It's a double date then,"
saad ni Nicko.
“Pasensya na Nicko pero hindi,"
wika ni Ren at pabalik-balik naman ang turo nito sa akin at sa kaniya.
Nanlaki
naman ang mata ng magkapareha sa sinabi niya. Wari'y alam ata ng dalawa ang
intensyon ko.
“Tama ang sinabi niya. Wala pong
kami," pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
“Ganoon ba? Pasensya na,"
pagpaumanhin ni Jonas.
“Well tara na. Gutom na ako
Jonas," reklamo ni Nicko.
Hindi
na kami nagpatumpik-tumpik pa at pumunta na sa KFC. Dahil sa mukhang puno ang
loob, nag-decide na lang kami na sa labas pumwesto. Umupo naman agad si Nicko
at Ren.
“Okay lang ba Nicko? Mainit dito sa
labas," pag-aalala ni Jonas dito. Humangin naman agad ng malakas
pagkatapos niyang sabihin iyun at naging katamtaman naman ang ihip ng hangin.
“Jonas, I guess iyun na ang paraan ng
kalikasan na sabihing, okay lang at ako din. Okay lang," masiglang wika ni
Nicko. “Siya nga pala
Kei," baling nito sa akin. “Pwede bang kayo
na lang ni Jonas ang kumuha ng order naming dalawa ni Ren?" pakiusap pa
nito.
“Okay lang sa akin. Ako dapat ang
gumawa nuon. Baka gutom na ako ehh hindi pa dumarating ang pagkain ko,"
pagpayag ko. Ramdam ko naman na siniko ako nito pero wala lang iyun. “Ren, ano ang order mo?" cool na
pagtanong ko dito na.
Kita
ko naman na nainis si Ren sa inasal ko. “May spicy fried chicken ba dito?" tanong
niya.
“Walang spicy fried chicken dito Ren.
Hindi to Jollibee," sagot ni Jonas.
“Ahh. Kahit iyung normal na
lang." Binuksan naman nito ang bag at kinuha ang jacket na suot niya
kanina sa convention. Medyo malamig kasi.
“Magsusuot ka ng jacket sa labas ehh
ang init-init?" nagtatanong na wika ni Nicko.
“Hindi," sagot ni Ren. Galing sa
jaclet niya, may nilabas naman itong isang maliit na lalagyan na may parang...
powder sa loob. “May spicy
powder ako dito just in case."
“May dala kang ganyang bagay sa loob
ng convention?!" gulat na wika naming tatlo.
“Hindi ba bawal iyan?" tanong ko.
Ngumiti
naman ito sa amin. “Wala namang
bawal hangga't hindi ka nahuhuli," makahulugang sagot ni Ren.
“Sige Jonas. Fried chicken din
ako," order ni Nicko.
“Sa inumin Kei, mas gusto ko ehh
sprite. Ayoko ng coke," dagdag pa ni Ren.
Umalis
naman kami ni Jonas at pumasok sa KFC para pumila. Ang haba ng pila. Dahil ata
ito sa convention na nagaganap malapit sa lugar.
“Ang weird talaga ni Ren,"
natatawang kong saad dahil naalala ko na naman iyung nakatagong spicy powder sa
jacket niya.
“Bakit nga pala hindi pa naging kayo
ni Ren?" biglaang tanong sa akin ni Jonas. Wow. Boto ba ito sa akin?
Hinarap
ko naman ito. “Anong ibig mong
sabihin?" maang ko.
“Hindi ba, ikaw ang taong ito?"
Kinuha
naman nito ang phone at ipinakita sa akin ang isang litrato ng pinag-uusapang
misteryosong tao noong Valentine's Day sa isang Facebook Page ng Schoneberg
Academe... na si Ren. Oo. Alam ko na si Ren ang taong iyun. Hays. Oo. Pati
iyung sinabi ko, I mean it. Nakita ko naman ito na naka-like din sa top comment
ko. Itong top comment iyung tinutukoy niya. Wow. Kakampi ko ata ang taong ito.
“Well ang totoo niyan Jonas, gumagawa
na ako ng hakbang. Baka papalpak lang kapag binilisan ko haha," natatawang
wika ko habang kinakamot ko ang ulo ko.
“Huh? Ibig sabihin ba niyan ehh hindi
pa niya alam na alam mo na?" gulat na tanong niya. Tumango naman ako. “Paanong hindi niya alam?"
Kinuha
ko naman ang phone ko at pinakita sa kaniya ang screensaver ng phone. “Noong pinakita ko sa kaniya iyan,
hindi ko direktang sinabi sa kaniya na alam ko kung sino ang taong ito. Sa
halip, tinanong ko pa sa kaniya kung sino kaya ang misteryosong tao. Hindi siya
umamin sa akin. Sinabi ko din kasi ang mga intensyon ko. Siguro iniisip niya na
dahil walang taong nakakakilala sa kaniya noong Valentine's Day maliban sa
Music Club, hindi siya makikilala kahit kaming mga naging kaibigan niya,"
paliwanag ko.
“I see," tanging nasabi nito. “Kung ako sa iyo, tapatin mo na siya.
Masama ang kutob ko dahil kasi malamang, pinag-uusapan na nila Nicko ang bagay
na iyan habang naghihintay tayo dito."
Kinabahan
naman ako bigla sa sinasabi ni Jonas. Patay!
Ren's POV
Umalis
naman sila Jonas at pumunta sa loob para pumila. Kita ko mula sa kinauupuan ko
ang haba ng pila sa loob. Marahil ay dahil sa convention na nagaganap sa lugar.
Maya-maya ay inilapit ni Nicko ang kanyang upuan sa akin.
“Ren, bakit hindi pa naging kayo? Sex
friends lang ba kayo?" walang prenong tanong ni Nicko sa akin.
“Ano?! Ano ang pinagsasabi mo?"
gulat kong wika.
Kinuha
naman nito ang phone niya at pindot dito, pindot doon. Pinakita din naman ni
Nicko sa akin ang... ang pinakita din sa akin ni kuya Jasper. Iyung litrato ko
noong Valentine's Day sa isang page ng Schoneberg Academe sa Facebook. Ughh!
That was really a Valentine's Day Disaster! Nakita ko naman na naka-like din
ito sa top comment ni Kei.
“Ahh... Iyan ba? Ang totoo niyan,
hindi niya alam na ako iyan," sagot ko.
Ibinalik
naman nito ang phone niya. “Hindi nga?
Paano ka nakakasiguro?"
“Kasi noong isang araw, pinakita niya
sa akin ang litrato na iyan. Tapos nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa
akin. Pero hindi niya alam na ako iyung nasa litrato. At isa pa, nakatira siya
sa bahay ko. Wala pa naman siyang ginagawang masama," paliwanag ko.
Napaisip
naman si Nicko sa paliwanag ko. Ano kaya ang problema? “Alam mo Ren, ang tanga-tanga
mo," diretso niyang saad sa akin.
“Bakit mo naman nasabi na ang
tanga-tanga ko?" tanong ko dito.
“Di bale na."
Bumalik
naman si Nicko sa pwesto niya. Ilang segundo lang ang nakalipas ay dumating na
sila Kei at kuya Jonas. Ang bilis naman ata nila. Inilapag naman ng dalawa ang
mga order namin ni Nicko. Ibinigay sa akin ni Kei ang apat na extra rice
samantalang kinuha niya ang dalawa.
“Tamang-tama naman iyung binili mong
kanin Kei. Salamat," pagpuri ko sa kaniya.
“Ang dami namang kanin iyan. Kaya mo
bang ubusin iyan lahat Ren?" tanong ni Nicko.
“Baka tataba ka niyan," si kuya
Jonas.
“Iyan nga ang gusto ko. Kaya lang
hindi ako tumataba dahil sa metabolism ko," wika ko.
“Aba dapat dinamihan ko pala para
masubukan ko ang metabolism mo," pagbibiro ni Kei.
“Tumigil ka Kei. May limit naman iyung
katawan ko," natatawang wika ko.
Nakita
ko naman na nagbubulungan sila kuya Jonas at Nicko.
“Oo nga pala. Bakit ang bilis
niyo?" biglang tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila Kei at kuya
Jonas sa sinabi ko.
“Sinwerte lang naman kami sa pila Ren
hindi ba Jonas?" saad ni Kei. Wow. Close agad sila?
“Oo. Sinwerte lang kami,"
pagsang-ayon ni kuya Jonas.
Nagsimula
naman kaming kumain. Skipping the part where everyone doesn't care how we
eat...
“Wow. Ang bilis mong kumain Ren,"
natutuwang saad ni Nicko.
“Ang sarap kasi lalo nang binudburan
ng spicy powder ang pagkain ko," wika ko.
“May lahi ka bang Bicolano o
Kapampangan?" tanong ni kuya Jonas.
Napatigil
naman ako sa tanong ni kuya Jonas. Ano ang isasagot ko? Sa totoo lang, hindi ko
alam kung ano ang lahi ng mga magulang ko.
“Pasensya na kuya Jonas. Sa totoo
lang, hindi ko alam kung ano ang lahi ng mga magulang ko hindi ko na kasi sila
naabutan noong isinilang ako," wika ko habang kinakamot ang ulo ko.
“I'm sorry," pagdispensa ni kuya
Jonas.
“Okay lang iyun kuya Jonas."
“Then sino na lang ang kasama
mo?" tanong ni Nicko. Mukhang nasa hotseat ata ako ngayon.
“I'm actually living all by myself in
my paradise habang sinusustentahan ako ng ninong ko," sagot ko. “Pero don't misunderstand. Actually,
kahit mag-isa lang ako sa bahay, may mga bagay naman akong hindi kayang gawin.
Gaya ng maglinis ng bahay, maglaba, mamalantsa at iba pa. May katulong kasi na
pumupunta sa bahay ko at ginagawa ang mga bagay na iyun. Ang alam ko lang ehh
kung paano magluto ng pagkain," dagdag paliwanag ko.
“Wow. Ang galing," manghang saad
ni Nicko.
Bahagyang
sinipa ko naman si Kei sa paa niya at sinenyasan na lumapit para may ibulong
dito. “Tulungan mo ako
dito."
Tumayo
naman si Kei. “Umm guys, gusto
niyo ba ng panghimagas? Ice cream or sorts?" tanong niya sa kanila.
“Magandang ideya," sagot ni kuya
Jonas at tumayo.
Keifer's POV
Umalis
naman kaming dalawa ni Jonas para bumili ng panghimagas namin.
“Hindi pa daw alam ni Ren sabi ni
Nicko," saad sa akin ni Jonas.
“Mabuti na lang." I sighed in
relief. “Siya nga pala
Jonas, bakit niyo pala ako tinutulungan?"
“Walang namang rason. Gusto ko lang
since may mabuti rin palang kaibigan si Ren na katulad mo apart from us... sa
Music Club. Akala ko ehh totally antisocial na siya. Tsaka ikaw din iyung
gumawa ng article tungkol sa kaniya hindi ba?"
“Ahh oo. Ako nga iyun. Actually,
suggestion ng pinsan ko iyun na ilagay si Ren sa top list. Mukhang matagal na
kasi atang kilala ng pinsan ko si Ren."
“Matanong ko lang. Iyung pinsan mo ba
ehh may gusto din kay Ren?"
“Bad news iyan," natatawang sagot
ko.
“Ganoon ba?"
“Pero nag-aalangan ako. Tama ba talaga
itong ginagawa ko? Iyung pinsan ko kasi ehh wala dito. Umuwi sa amin. Tapos
pag-uwi niya ehh kami na ni Ren," paliwanag ko sa sitwasyon.
“Pero hindi pa naman sila nung pinsan
mo hindi ba?" Tumango naman ako. “Okay lang iyan. Kung mahal mo talaga si Ren,
go lang. Tingnan mo ako. Naging kami ni Nicko habang may girlfriend siya.
Kasalanan ko naman iyun kasi hindi agad ako nagtapat ng tunay na nararamdaman
ko. Alam kong masama ang ginawa ko pero si Nicko talaga ang mahal ko. Kaya Kei,
kung mahal mo talaga si Ren, huwag mo ng antayin na maging sila nung pinsan mo.
Take your chances now. Love may be like a game. Whether you play dirty or
clean, it doesn't matter. As long as mahal ka din niya," paliwanag ni
Jonas.
“Well nandoon ang problema. Palagay ko
ehh sinara na ni Ren ang puso niya sa akin dahil may sinabi ako dito."
“Ano ba ang sinabi mo sa kaniya?"
naitanong niya.
“Sex, angry rape sex, morning sex,
after-"
“Okay tama na," pagpatigil niya
sa akin.
“Pero mahal ko talaga siya. Isipin mo,
mag-isa lang siya sa bahay niya."
“Napuntahan mo na ba ang bahay
niya?" wika niya.
Naputol
ang pag-uusap namin saglit ng narating na namin ang destinasyon namin at bumili
ng panghimagas namin.
“Yeah. Doon kasi ako pansamantalang
nagbabakasyon. Tsaka nitong kagabi lang, umuwi siyang malungkot. Iyak siya ng
iyak. Napaisip ako bigla. Paano kaya kung hindi ako nag-decide na
pansamantalang magbakasyon sa bahay niya? Mag-isa lang siyang iiyak. Walang
makikinig sa kaniya."
“Tatanungin ulit kita Kei. Mahal na
mahal mo ba talaga si Ren?"
“Oo. Mahal na mahal ko siya...
ata."
“Bakit may ata pa?"
“Iyung negative thoughts ko lang iyun
haha. Still nag-aalangan," pagdadahilan ko.
Ewan
ko pero bakit may pag-aalangan pa ako sa sagot kong iyun. Dapat wala na.
Ibibigay ko talaga ang lahat.
“Sayang naman. Tutulungan pa naman
kita," narinig kong bulong nito.
Nanlaki
naman ang mata ko sa sinabi niya. Magtatanong pa naman ako kung anong tulong
ang gagawin niya pero huli na ang lahat. Nakabalik na kami sa KFC.
Ren's POV
Umalis
naman silang dalawa. Buti naman at naisip ni Kei iyun. Binigyan naman ako ni
Nicko ng nagsu-suspetsang tingin.
“Grabe ka naman Ren. Napakamalihim mo
namang tao," saad ni Nicko.
“Pasensya na Nicko. Ang totoo kasi,
ayokong pag-usapan ang tungkol sa lifestyle at buhay ko. Isa kasi sa pakiusap
ng ninong ko iyun ehh," paliwanag ko.
“Pero si Kei, alam niya. Nakatira pa
siya sa bahay mo. Hindi tayo magkakasundo niyan Ren," nakangusong wika
nito. “Magkaibigan
naman din tayo Ren. Huwag ka ng matakot."
“Well... sige na nga. Iki-kwento ko
na."
Kinwento
ko naman sa kanya kung ano ang meron sa bahay ko. Manghang-mangha siya sa mga
bagay na naririnig sa akin. Ewan ko pero sa tingin ko, okay lang naman na
ikwento ko. Kaibigan ko naman si Nicko ehh. Maya-maya ay dumating naman sila
Kei at kuya Jonas. Bumili pala sila ng ice cream sticks. Binilhan naman ako ni
Kei ng Chocolate sticks. Muli, kwinento ko din kay kuya Jonas ang meron sa
bahay ko. Alam kong malalaman naman niya ang mga bagay na sinabi ko mula kay
Nicko. Pero para naman sa akin, iba pa rin kapag sa iyo mismo galing. Ayoko
naman isipin ni kuya Jonas na hindi ko siya pinagkakatiwalaan sa mga
bagay-bagay. At tsaka para sa akin, bastos ang ganoon. Kiniwento ko naman ang
aking karanasan sa unang pagpunta ko sa convention. Nang maubos na nila ang
kinakain nilang ice cream, binigyan naman ni kuya Jonas si Nicko ng isang candy
at kinanta... ang theme song ng... monami.
“Trademark niyo po kuya Jonas?"
tanong ko.
“Yeah," sagot ni kuya Jonas.
Naalala
ko naman na hindi ko pa binabayaran sa binili kong mga pagkain si Kei... kanina
pa. “Kei, magkano
iyung sa pagkain kanina at sa ice cream?" tanong ko.
“Ahh... Huwag mo ng bayaran,"
sagot ni Kei.
“Bakit naman? Nakakahiya naman kasi.
Kanina ka pa nagbabayad para sa akin. Sa hotdog na kinain ko kanina, sa
entrance fee sa convention at itong kyut na lion hat. Tapos ngayon, iyung
kinain ko dito sa KFC pati iyung ice cream na binili mo, hindi pa rin ako
magbabayad?" reklamo ko.
“Sabi ko naman sa iyo na okay
lang."
“Ren, hindi mo alam ang tawag sa
ganyang bagay?" sabat ni Nicko.
Bumaling
naman ako dito ng tingin. “Inaalipin si
Kei?" hula ko.
Bigla
namang tumawa silang tatlo. Dahil ba sa sagot ko?
“Bakit kayo natatawa?" kunot
noong tanong ko.
“Wala naman Ren. Tama ka naman sa
sagot mo mahal na prinsipe," wika ni Kei na hindi ko alam kung nagbibiro
ba siya o ano.
Tumigil
naman ding tumawa ang magkapareha.
“Tara na Jonas?" untag na tanong
ni Nicko dito.
Tiningnan
naman ni kuya Jonas ang pambisig na relo niya at tumungo. “Oras na Nicko," saad pa nito.
Humarap
naman sa amin si Nicko na may ngiti. “Ren, Kei, nag-enjoy talaga ako sa double date
natin," makahulugang wika nito.
“Okay lang. Nag-enjoy din naman ako.
At isa pa, hindi nga kami nagde-date," ngiti ko din dito.
“Sabihin mo na ang gusto mong
sabihin," wika ni kuya Jonas at sinabayan na tumayo ang kapareha.
“Ingat kayo Jonas at Nicko. Salamat
nga pala," makahulugang wika ni Kei. Anong meron?
“Kayo din Kei at Ren," balik ni
kuya Jonas.
“Good luck sa inyong dalawa,"
makahulugang saad din ni Nicko.
Hindi
naman ako nakapagsalita at kinawayan din sila habang umaalis.
“Bakit ba sinasabi nila na nagde-date
tayo? May alam ka ba Kei?"
Nagkibit
naman ito ng balikat. “Tara na Ren.
Kailangan na nating bumalik sa convention at malapit ng magsimula ang
tournament."
Tumayo
naman kami ng sabay para umalis. Habang naglalakad kami, pasimple niyang binilisan
ang lakad niya hanggang sa naging obvious na. Bata? Gustong makipaghabulan?
Tumalikod si Kei at nakangiti.
“Ren, ang bagal mo! Dalian mo!"
sigaw niya.
“Oo!" sigaw ko din.
Nagsimula
naman akong tumakbo at humabol dito.
「Huminto
naman ang dalawang bata na umuna sa akin. Nagmamadali sila na umuna sa slide ng
palaruan.
“Ren, ang bagal mo!" sigaw nung
isang bata.
“Dalian mo! Baka maunahan pa tayo sa
slide!" sigaw pa ng isa.
“Antayin niyo ako!"
Sinubukan
ko naman tumakbo ng ubod bilis para makahabol sa kanila hanggang sa madapa ako.
Umiyak ako. Ang hina ko. Wala akong kwenta. Bumalik naman ang dalawang bata
papunta sa akin.
“Ren, okay ka lang?" tanong sa
akin nung isa.
“Huwag ka ng umiyak tahan na,"
pagpapatahan sa akin nung isa.
Pinunasan
naman nilang dalawa ang luha ko at pagkatapos, inilahad nung dalawa ang
kanilang kamay para tumayo ako.
“Tara. Sabay na lang tayo," wika
nung isang bata.
“Oo nga. Sabay tayong pumunta sa
slide," saad pa nung isa.
“Pero kapag sumabay kayo sa akin,
hindi na tayo makakaabot sa slide," mangingiyak kong saad.
“Huwag kang mag-alala. Sa tingin mo ba
ehh slide lang ang pwede nating paglaruan? May swing din naman."
“Oo nga Ren. Kaya kunin mo na ang
kamay namin," pagsang-ayon ng isang bata.
Kinuha
ko naman parehas ang kamay nila at tumayo. Ang swerte ko sa mga bagong kaibigan
ko. Sabay naman kaming pinuntahan ang destinasyon namin.」
“Ren! Ren!" sigaw ni Kei sa akin
habang inaalog ako.
Dinilat
ko naman ang mata ko. Nag-flash na naman ang isa sa mga alaala ko na hindi din
gaanong malinaw. Nakahiga ako sa konkretong daanan sa MoA. Nilibot ko ang aking
mata at may iilang tao ang nagkukumpulan. Tumayo naman si Kei.
“Umm... Ladies and gentlemen, adults
and children, there's nothing to see here anymore. Okay na po ang mga
bagay-bagay at pwede na po kayong. Makaalis," wika ni Kei sa mga
nagkukumpulang tao.
Umalis
ang mga ito at inusisa naman ako ni Kei. “Okay ka lang? Kailangan na ba nating umuwi?
Hindi na ba tayo tutuloy?" alalang tanong niya
“Okay lang ako. Ano ba ang
nangyari?" tanong ko habang sinusubukan kong bumangon.
“Nadapa ka at ilang segundo ka namang
hindi bumabangon. Teka nga, okay ka lang ba talaga?" paniniguro niya.
Tumango naman ako bilang pagtugon.
Tumayo
naman si Kei at inilahad ang kamay niya. “Halika. Tulungan na kitang tumayo."
Ilang
segundo naman akong natigilan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa ginawa
niya. Bakit kaya? Dahil kaya ito sa init? Inabot ko naman ang kamay niya at
itinayo niya ako.
“Sabay na nga lang tayong maglakad.
Mamaya ehh hindi ka pala okay ehh pinipilit mo lang ang sarili mo para lang
masamahan ako," nagrereklamo niyang saad. Wari'y gusto niya talagang
sabihin na siguraduhin ko na okay lang ako.
“Salamat Kei."
Nanlaki
naman ang mata niya sa sinabi ko. “Para saan?"
“Wala. Tara na," ngiting saad ko.
Muli
ay sabay naman kaming naglakad papunta sa convention. Hawak-hawak niya ang
kamay ko. Wala akong pakialam sa ginagawa niya. The feeling is so nostalgic.
Ayokong bitawan niya ang kamay ko.
Harry's POV
Kasalukuyan
naman akong tahimik na nagluluksa sa kwarto ko. Nakaupo sa aking kama.
Nag-aantay na may kumatok sa pintuan. Gaya ng inaasahan, may kumatok nga.
“Bukas iyan," saad ko.
Bumukas
naman ang pintuan at niluwa nito si papa. Buti na lang at hindi si mama.
Sinarado naman nito ang pintuan pagkapasok niya.
“Ano iyun pa? Bakit hindi si mama?
Asaan ba siya?" walang amor kong tanong.
“Umalis ang mama mo. May lakad,"
sagot ni papa. “Anak, seryoso
ka bang hindi mo na hahabulin ang maging susunod na pinuno ng pamilya?"
“Seryoso na po ako pa." Napahiga
naman ako sa aking kama at tinitingnan ang kisame. “Nakakapagod na pa. Alam niyo po ba
iyun? Kung pwede lang po mamili ng magulang."
“Anak-"
“Pa, as of now, kinamumuhian ko na po
ang pamilya natin," pagpatlang ko kay papa. “Dati, I was thankful that I was born
in this family. Rich and powerful. We can get what we want. We can buy
everything we want. House, lands, businesses and everything else. Pero hindi
naman nabibili ang kaligayahan. Unless magkaroon tayo ng jetski na infinite ang
gasolina at gagamitin ko ito for the rest of my life. Kaso, hindi pa rin ako
masaya sa ganoon. In the end, titigil naman ako for some time. Bababa sa
jetski. Kakain. Still, maaalala ko pa rin ang mga malulungkot na bagay. Hindi
ko na matatakasan. Garen Villarica was one of the best thing... people to be
exact, that I had in my early childhood days. Kahit na bata pa lang ako, I really
loved him. And then one day, may ginawang masama si mama sa pamilya niya.
Nagtanong ako kay mama once kung bakit niya ginawa iyun. Kaaway daw ng pamilya
natin. Napatanong ako kung bakit. Hindi ko na dapat daw malaman. And then
malalaman ko na lang na MY FAMILY IS A BUNCH OF CRIMINALS! Noong nalaman ko
iyun, gumuho ang mundo ko. Tapos isang araw, nalaman ko naman na iyung pamilya
ni Garen Villarica, pinapatay naman ni mama FOR THE SAME IDIOT REASON!"
paglabas ko ng saloobin kay papa.
“Pero nag-promise naman ako sa iyo na
I will spare him."
Bumangon
naman ako sa aking kama. “Spare
him?!" sarkastiko kong tanong. “Ha! And what?! Be like Keifer?! And babantaan
lang siya ni mama dito sa bahay kapag hindi kami or tayo nakatingin?!
Ipapahanap kapag hindi nakita?! Wala na pa! Ayoko na! Sana na lang, hindi kayo
ang naging mga magulang ko! Mga kriminal!"
“Harry, huwag mong isipin na ikaw lang
ang nag-iisip ng ganyan!" Napatigil naman ako sa sigaw ni papa. “Kahit ako Harry. Ayoko sa pamilya na
ito. Wala akong magagawa. I was raise and born in this family. Like you, I
wished na sana, iba na lang ang pamilya ko. Dahil sa pamilyang ito, hindi ko
napakasalan ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto kong kumalas. Kaso huli na ang
lahat. You were born. Ayoko namang matulad ang buhay mo sa akin and at the same
time, ayoko namang mamatay ka. Wala na akong nagawa kung hindi sundin na lang
ang ama ko. Death is our only escape here son. We are bound and shackled.
Everything born in this family already had those things attached to us. Kaya
Harry, pursue your dreams and be the next head of our family. Magpakitang gilas
ka kay papa."
“I think I already made myself clear
already papa. Ayoko na."
“Imposible iyan anak. Kung gusto mo
mabago ang takbo ng kapalaran mo anak, maging head ka ng pamilya natin. Destroy
the chains that binds us. That will be the only way."
Umalis
naman si papa sa kwarto ko. Sa sinasabi ni papa, alam ko ang pinupunto niya.
Ang tanging paraan lang ay maging head ako ng pamilya at magkaroon ng lakas ng
loob para tapusin na ang lahat. Pero makakaya ko kaya iyun? Makakaya ko kaya?
Muli naman akong humiga sa kama ko at nakipagtitigan sa kisame. Kailangan kong
magkaroon ng resolve para gawin ang bagay na iyun. Minsan may mga problema sa
ating buhay na masasabi mong wala ng paraan. Kahit...
Keifer's POV
Nakabalik
na kami ni Ren sa venue ng convention na pinuntahan namin. Makikita mo dito ang
mga tao na nagpapapiktyur sa mga paborito nilang cosplayer, mga stall na
nagbebenta ng kani-kanilang merchandise at mga taong nagpo-promote ng online
games... at mga taong nakatingin sa amin. Mukhang alam ko na kung bakit.
Maya-maya ay may mga grupo ng kababaihan, na may pare-parehas na kulay ng damit
at lumapit sa amin. Tumigil naman kami ni Ren sa paglalakad.
“Hi," bati nung... lider ng mga
kababaihang ito. “Can I ask? Are
you a real BL couple?"
Ahh...
shoot. Siguro dahil sa hanggang ngayon ehh nakahawak pa rin ang mga kamay ni
Ren sa kamay ko. Sinuri ko naman ulit ang grupo ng mga kababaihang ito. May
nakasulat na salita sa damit nila. #TeamFujoshi ang nakasulat. Fujoshi? Ohh...
Isang uri ng babaeng mahilig sa mga lalaki na lalaki din ang karelasyon. They
ship, imagine, then gagawa ng mga hindi ko alam kung nakakatuwang istorya na
tinatawag na F3 or FunFanFiction. Teka, term ko lang ata iyun. FanFiction kasi
ang original na term and actually, gumagawa din ako nun. At doon papasok ang
imahinasyon ng mga fujoshi na si ganito ganyan ay nag-ano. Wala atang sinasanto
ang mga babaeng ito. Basta makakita lang sila ng dalawang cute na lalaki ay
nagkakaroon na ng lady boner ang mga babaaeng ito. Tiningnan ko si Ren at
ganoon din ito sa akin. Dumako naman ang tingin ko sa kamay ko. Bumalik naman
ang tingin ko kay Ren. Bakit parang wala siya sa sarili? He's in a daze.
Bumalik naman ang tingin ko sa mga babae.
“Umm... girls, pasensya. I know that
it looks like it. Pero sadly, it is not. My friend here is kinda in a daze or
something. Inaalalayan ko lang siya kasi pinipilit niya ang sarili niya na
samahan ako sa convention na ito and it's because I care for his health as a
guardian or something," paliwanag ko.
“Ehh bakit magkahawakkamay kayo?"
natatawang tanong nung kasamahan nito.
“Like I said nga, inaalalayan ko siya
because I am responsible for him. Ang gusto niyo bang salita na marinig ay ‘Me and my friend here are going to
the comfort room and will enter to a cubicle then have a hot sex there'?
Kailangan ko pa bang i-mention kung ano ang position na gagawin namin? Sadly,
we are not. Girls please. Huwag naman kayong maging makulit gaya ng #TeamOppai
pwede?" naiinis na saad ko. “My friend here is an introvert and it was a
great day for me kasi napalabas ko ang taong ito mula sa paraiso niya. At
ipapakita ko sa kaniya na may mas maganda pang paraiso maliban sa paraiso kung
saan siya galing, which is impossible na matapatan in his point of view, so
please."
“Wow. Parang BL-" wika sana nung
isa pang kasama nito pero natigil dahil sinamaan ko ito ng tingin.
Yeah
right. Alam kong parang BL love story ang ginagawa namin. Wait? Anong parang?
THIS IS A BL LOVE STORY! Maya-maya ay tinanggal ni Ren ang kamay niya sa pagkakahawak
sa akin
“Okay lang? Sigurado ka bang hindi na
kita kailangan alalayan?" nag-aalalang tanong ko dito. Tumango naman si
Ren bilang pagtugon. “Siguradong okay
ka lang talaga ha," pag-uusisa ko pa sabay hawak ko sa leeg niya saka sa
pisngi. Baka may sinat siya o kung ano.
Bigla
namang nagtilian ang mga babae at umalis. Napunta naman sa mga babae ang
atensyon ng mga tao at hindi sa amin. Buti naman.
“Buti naman at umalis din." I
sighed in relief.
Tiningnan
ko naman ulit si Ren. Teka, parang may mali. Nakatingin pa rin siya sa akin.
Yan! Tama iyan! All you see is me. Pero dapat, hindi siya buong araw na ganyan.
Iiwanan ko pa ito mamaya kapag nakarating na kami sa tournament na sinalihan
ko. Mamaya ay madukot itong taong ito. Itinaas ko naman ang isa kong kamay and
made a flicking sound in front of his face. Parang nawala naman sa hypnosis
state si Ren at nagising. Nanlaki naman ang mata niya.
“Okay ka na? You we're in a daisy
state kanina." Okay ba iyung pun? Haha. Okay, hindi.
“Y-Yeah," he answered with a
stammer. “B-By the way,
s-saan nga ulit tayo p-pupunta?"
“Sa tournament na sinalihan ko kanina.
Tara na at baka ma-late pa tayo."
Tumalikod
naman ako at tumuloy sa paglalakad.
Ren's POV
Nakakahiya
naman. Ano ba itong ginagawa ko. Kasalukuyan ko namang sinusunod si Kei kung
saan kami pupunta. Ugghh! Nakatulala ako kay Kei kanina. Hindi ko alam kung
bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Bigla niya kasing hinawakan ang
kamay ko and it feels nostalgic. Ewan ko bakit ganoon. Ngayon ko pa lang naman
nakikilala si Kei ahh. I feel safe when he held my hand. Bakit kaya? Nahulog na
kaya ako kay Kei? Hindi pwede ito. Hindi! Tandaan mo Ren ang gagawin ni Kei
kapag naging kayo. GET YOUR SHIT TOGETHER REN!
Narating
na namin ni Kei ang aming destinasyon.
“Guys, 5 minutes na lang at
magsisimula na tayo," saad nung announcer.
“Wow. On time lang tayo," wika ni
Kei. “Hey Ren,
siguradong okay ka na ba talaga?" untag pa sa akin nito.
“Yeah! DAIJOBOU DESU!" biglang
sigaw ko. WAAH! BIGLA AKONG NAGING WEEBOO!
“Oookay," ngiwing saad ni Kei. “Siya nga pala, iiwanan kita dito ng
mga 3 hours. Okay lang ba sa-"
“Keifer, I am 17 years old already.
Ano pa ang tatlong oras sa akin?" I retorted. “At tsaka grabe ka naman. Paano ka
nakakasiguro na tatagal ka sa mga taong ito? Baka mamaya ehh 20 minutes na ang
nakalipas ehh bumalik ka dito."
“Okay ka na talaga. Dahil diyan,
inspirado na akong manalo sa tournament na ito," ngiting wika niya. “Hayaan mo. Maniwala ka. Mag-aantay ka
talaga ng tatlong oras dito. Kung napapagod ka, umupo ka muna. Tapos kapag
laban ko na, tumayo ka at panoorin mo akong manalo. Babalik ako dito na panalo.
Para sa mahal kong prinsipe," wika niya na puno ng confidence.
“Oo na. At tigilan mo nga iyang mahal
na prinsipe. Maaring isa akong prinsipe sa paraiso ko pero nasa labas tayo ng
paraiso ko kaya tigilan mo iyan."
“Ayoko. Mukhang nakakatuwa kasi kapag
tinawag kitang ganoon. At isa pa, nakatira ako sa bahay mo. Ikaw ang hari ko
pero mas maganda kapag mahal na prinsipe na lang."
“Ganito Kei. Tawagin mo akong mahal na
prinsipe or palalayasin kita sa bahay ko?" naiirita kong tanong.
Ngumiti
naman ito sa akin. “Alam kong hindi
mo gagawin iyan."
Napatigil
naman ako sa sinabi niya. Oo nga. Hindi ko kayang palayasin si Kei sa bahay ko
for some reasons. Actually, masaya ako na sa bahay ko siya nagbabakasyon. Kahit
hindi niya aminin na siya si Mr. Lion... o siya nga ba talaga?
“Participants, please come in
now!" sigaw nung announcer.
“Ayan na Ren. Wish me luck,"
masiglang saad ni Kei.
“Sige Kei. Manalo ka para sa mahal
mong prinsipe," ngiting wika ko.
“Oo. Para sa mahal kong
prinsipe," makahulugang saad niya at umalis.
“Go alipin," pahabol ko.
Hmm...
I smell something fishy in here. Nakakapanghinala ang mga inaasta ni Kei ngayon
sa akin. Bakit kaya? Napaisip naman ako sa sinabi ni Nicko at kuya Jonas
kanina. Nag-enjoy daw sila sa double date namin?
Ano
nga ba ang date? April 15? Sa totoo lang, wala akong alam kung ano ang date.
Hindi ko pa naiisip ang mga bagay na iyan. Just this recently na binibiro ako
ni Nicko at kuya Jonas na nagde-date daw kami. Kinuha ko naman ang phone ko at
may 5 unread messages ako. Tiningnan ko naman kung ano ang mensahe ng mga taong
ito.
“Wow. May ka-date ka na pala ha!"
mensahe galing kila kuya Aldred, kuya Blue, kuya Jonas at Nicko.
“Tang ina mo kung sino ka man."
mensahe galing kay kuya Joseph.
Well
thank you kuya Joseph sa mura mo at sa hindi mo natatandaan kung sino ako. Now,
sinasabi nung apat na nagde-date kami ni Kei. Does it look like it? Parang
hindi naman. Ano to? Parang kay Candace Flynn na sinasabi niya na isang munting
pagtitipon lang ang ginawa niya pero actually, it's Candace's Party! Candace's
Party! Hmm... Sino kaya ang magandang tanungin kung ano talaga ang date? Si
Paul? Lolokohin lang ako nun pati sila kuya Jonas at Nicko. Si Ethan? Teka,
single pa iyun ehh. Si Erika? May alam ba iyun? Sila ninong at nin- skip. Si
kuya Jasper? Pfftt... Si kuya Joseph? Nagde-date pa sila nung Franz na iyun.
How about Harry? Huwag. At ang final choice ay sila kuya Aldred at kuya Blue.
Tama! Kulang na lang ang kasal sa kanila. Ngayon, sino ang initiator ng date?
Pero sa tingin ko, alam nila pareho kung ano ang date. Ngayon, kanino ako
komportable pag-usapan ang bagay na ito? Agad kong pinindot ang call icon sa
tabi ng pangalan ni kuya Blue. Obviously, mas komportableng siya na lang ang
kausapin ko kesa kay kuya Aldred. Ilang ring naman ang nakalipas at sinagot ito
ni kuya Blue.
“Hello Ren?" boses ni kuya
Aldred. Naisip ko bang baka magkasama ang dalawang tao na ito ngayong bakasyon?
Natatakot akong makipag-usap kay kuya Aldred sa totoo lang.
“H-Hello kuya Aldred. S-Si kuya Blue
po?" pautal-utal kong tanong.
“Ahh... Naliligo. Kakasimula pa nga
lang," sagot nito. Patay. Kaliligo pa lang. “Bakit ka napatawag Ren? May sasabihin
ka ba? O tatanungin?" pilyong pagtatanong nito.
“Y-Yeah meron. P-Pero aantayin ko na
lang po siya mamaya."
“Ahh. Huwag ka ng umasa mamaya.
Magiging busy siya."
“H-Huh? B-Busy po saan?"
“Sa akin," agad niyang sagot na
may pilyong tono ulit.
Jeez!
WRONG TIMING! Di bale na. Wala na akong magagawa kung hindi magtatanong na lang
kay kuya Aldred... at ang aga-aga naman ng mga taong ito sa mga ganoong gawain?
I guess walang pinipiling oras ang mga bagay na ganoon.
“Oo nga pala Ren. Hindi pa pala kita
napapasalamatan ng personal sa binigay mong chocolate sa amin. Salamat ha.
Nakarami kami," masayang wika nito. Kailangan ko ba talagang malaman ang
bagay na iyan?
“Walang anuman kuya Aldred. Sana
makalimutan kong gumawa ng ganoong chocolate cookies."
“Huwag naman. Turuan mo na lang
ako."
“Nako po hindi pwede iyan. Isa sa mga
never list ko ang magturo. Kaya nga hindi ako kumuha ng BS Education kasi
ayokong magturo."
Tumawa
naman ito sa kabilang linya. “So ano?
Tatanungin kita ulit. Bakit ka nga pala napatawag?" muling tanong niya na
may pilyong tono pa rin.
“U-Umm... kuya Aldred, may alam po ba
kayo kung ano ang date?"
“Petsa ba kamo? April 15 ngayon,"
biro nito.
“Wala naman pong ganyanan kuya Aldred.
Alam niyo po iyung tinutukoy kong tanong."
“Blue, tinanong nga niya!" rinig
kong sigaw niya sa kabilang linya saka tumawa.
Ang
swerte naman nung isang parallel world na kung saan ehh si kuya Blue ang
sumagot ng phone niya.
“Pasenya na Ren. Oo may alam ako. Ako
kasi ang karaniwang gumagawa nun. What about it?" may pilyong tono ulit na
tanong nito.
“Ano po ba ang ginawa niyo?"
“Well, unang-una, yayain ko muna si
Blue. Kapag pumayag siya, na siguradong papayag kasi ako iyun, pupuntahan namin
iyung lugar kung saan kami pupunta sa date namin. Pamasahe, pagkain at kung
ano-ano pang gastusin, ako ang magbabayad. Kahit sabihin ni Blue na siya na ang
magbabayad sa isang bagay habang nasa date kami, hinding-hindi ako papayag.
Also, sisiguraduhin ko naman na nag-eenjoy si Blue sa date namin,"
mahabang paliwanag niya. “Tapos kapag
dumating na ang gabi, uuwi kami tapos pupunta sa kwarto ko at-"
“Meron pa pong ganoon?!" pagputol
ko sa sasabihin niya kasi alam ko na ang sasabihin niya... ata...
“Well depende. Based on my experience
lang naman ang sagot ko. At tsaka kasi, matagal na kami ni Blue kaya okay
lang."
Nag-sink
in naman sa utak ko ang mga ginawa ni Kei. Niyaya ako, tsek. Pagkain at kung
ano-anong gastusin na si Kei ang nagbabayad, tsek. Masayang-masaya ako, tsek.
So iyung pag-uwi na lang. Teka nga?
“Kuya Aldred, kapag hindi sinabi ng
tao ang salitang date kapag niyaya ako, counted ba iyun?" naitanong ko.
“Anong klaseng tanong ba iyan?
Depende. Kung mag-bestfriend kayo tapos nililibre ka niya, hindi date iyun.
Pero kung hindi naman, malamang ehh date talaga iyun. At tsaka, wala naman
sigurong tao na yayayain ang kaibigan niya na pumunta sa isang lugar tapos
sagot niya lahat ang gastusin. Unless, may gusto iyung taong iyun sa nililibre
niya," sagot ni kuya Aldred. Ibig sabihin ba nito? “Tama ang iniisip mo Ren. Nagde-date
kayo ngayon ni Keifer Salvador." Teka, paano niya nakilala si Kei?
“Paano niyo po nalaman kuya
Aldred?" agad kong tanong dito.
“Kanina kasi, nag-text si Jonas.
Dine-date ka na ng bubuntis sa iyo. Alam mo na siguro iyung... sa facebook page
ng Schoneberg Academe."
Ganoon
pala. “Kuya Aldred,
huling tanong ko na po ito sa inyo. Noong Valentine's Day na nagpa-makeover ako
kila kuya Jonas, kuya Joseph at kuya Paul, totoo po bang hindi niyo po ako
nakilala kung hindi ako nagpakilala?"
“Sa totoo lang Ren, alam ko na ikaw
talaga iyun. Tapos nung nagpakilala ka-" sagot niya sa tanong ko.
“Kuya Aldred, salamat po sa sagot
ninyo. Pasensya na po sa istorbo. Bye," pagpatlang ko saka binaba ang
phone.
Alam
na pala niya. Pero patuloy pa rin siyang nagsisinungaling. Bakit? Ang
tanga-tanga ko nga naman oo. Sa mga oras na iyun, inaantay ko na lang siyang
matalo. Pero napatagal siya at kalaunan ay nanalo.
“Ren, nanalo ako!" masayang
salubong niya sa akin.
“Congratulations," malamig kong
bati.
Nahalata
naman niya ang malamig kong pagbati. “So alam mo na?" Mapait naman siyang
ngumiti. Tumango naman ako bilang pagtugon. “Pwede bang huwag natin pag-usapan dito ang
ba-"
“Keifer, congratulations," bati
sa kaniya ng lalaki mula sa venue ng tournament. Papalapit naman ang lalaki sa
amin.
Tinalikuran
naman ako ni Kei para harapin ang tumawag sa kaniya. “Martin, salamat."
“Sino ang kasama mo pala?" tanong
nung Martin kay Kei.
“Umm... Martin si Ren," pagpapakilala
sa akin ni Kei. “And Ren, si
Martin. Kaibigan ko sa Journalism Club," pagpapakilala niya sa kanyang
kaibigan.
“Hi Ren," bati ni Martin sa akin.
Inilahad naman nito ang kanyang kamay. “It's nice to meet you."
Binigyan
ko lang ng isang malamig na tingin ang kanyang mga kamay. Wala ako sa mood.
Kailangan kong makausap si Kei ngayon din mismo.
Ibinalik
naman ni Martin ang kamay niya ng mahalata na ayaw ko itong kamayan. “Ookay. By the way Ren, nagkita-"
“Martin, bakit ka nga pala nandito? Sino nga pala ang kasama mo
dito?" pagpatlang ni Kei sa itatanong ni Martin.
“Kasama ko si Alexa. That reminds me.
Sige Kei. Hanapin ko na siya." May binulong naman si Martin dito.
“Pagpasensyahan mo na," rinig
kong pagdidispensa ni Kei.
Umalis
naman si Martin. Nagsimula namang maglakad si Kei at naghanap ng magandang
lugar para mag-usap. Nang nakahanap kami, nag-cross-sitting position habang
nakasandal akong umupo at dumistansya kay Kei. Ilang minuto naman na walang
umimik sa aming dalawa hanggang...
“Pasensya ka na Ren," panimula
niya.
“Matagal mo na ba itong alam Kei at
niloloko mo lang ako?" seryosong tanong ko.
“Ang totoo Ren, nalaman ko lang
kanina. Bigla tuloy akong nag-alala kasi baka alam mo na. Sinabi ko sa iyo
lahat-lahat na gusto ko ang tao sa screensaver ng phone ko which is ikaw pala.
Nabulag ako kaya hindi ko alam. Lakas kasi ng tama mo sa akin ehh. Kaya nga
nagpapa-good shot ako sa iyo," paliwanag niya habang nilalaro ang kanyang
mga daliri. Ramdam ko naman ang sinsiredad sa sinasabi niya at naniniwala naman
ako sa mga sinasabi niya. Hindi siya nagsisinungaling.
“Kei, ngayon pa lang, sasabihin ko na
sa iyo. Hindi ka na makakalusot sa akin," seryosong saad ko.
“Ganoon ba?" Kinamot-kamot naman
nito ang kanyang ulo. “Pero pwede pa
naman akong makatira sa bahay mo hindi ba?" Wow. Still straightforward as
ever.
Humugot
naman ako ng isang buntong-hininga. “Sige. Wala ka namang ginawa na masama sa akin
these late days."
“Pero pwede pa naman akong magpa-good
shot sa iyo hindi ba?" agad na tanong niya. Napaka-straightforward talaga
ng taong ito.
“Sige na lang. Pero huwag ka nga lang
aasa na sasagutin kita," nakangiti naman si Kei ng maluwang. “Tara na nga! Patapusin na natin ang
date na ito."
“S-So c-considered mo ito as a
date?" masiglang tanong niya.
“Oo. Nag-enjoy naman ako ehh. At wala
kang gagawin sa gabi okay?"
Kumunot
naman ang noo ni Kei sa narinig. “Gagawin sa gabi?" Ay oo nga pala. Kapag
mga ka-level ng relasyon ni kuya Aldred at kuya Blue lang pala iyun.
“Kalimutan mo na lang ang sinabi
ko."
Tumayo
naman si Kei sa kinauupuan niya. Sa pagtayo niya, napansin ko naman na may
isang tao na nakaupo at nakaitim na belo sa hindi kalayuan namin. Nagbabalasa
ito ng baraha. Baka isang manghuhula. Hindi naman ako naniniwala sa hula pero
ma-try nga.
“Kei, may manghuhula ohh." Tinuro
ko ang isang taong nakaitim na nagbabalasa ng baraha.
“Paano mo nalaman na manghuhula
iyan?" tanong ni Kei.
“Basta! Tara! Itayo mo ako."
Itinayo
naman ako ni Kei. Pagkatapos ay pinuntahan namin iyung manghuhula.
“Hello," bati ko rito.
“Hi!" masiglang bati nito sa
akin. Isa palang magandang babae at palagay ko, kasing-edad lang namin ito ni
Kei.
“Papahula po sana ako. Okay lang po
ba?"
Sinuri
naman nito ang kanyang sarili. “Ay sorry. Hindi
po talaga ako manghuhula. Cosplay ko lang ito," natatawang sagot niya. “Pero since you asked, sure. For fun
lang ito ha. Balasahin ko lang itong baraha ko. Upo ka."
“Pero parang kanina pa po kayo
nagbabalasa ng baraha."
“Ay oo nga pala." Tumawa naman
ito ng payak.
Tiningnan
ko naman si Kei at... nakakunot ang noo niya na nakatingin sa manghuhula. Bakit
kaya?
“Kei, anong nangyayari sa iyo?"
tanong ko.
“Wala naman. Sige. Umupo ka na,"
sagot ni Kei.
Umupo
naman ako na naka-cross-sitting posisyon. May naramdaman naman akong bagay na
malambot sa likod ko. Hinawakan ko ito para malaman ang bagay na ito. Isang
maliit na unan.
Tumingala
naman ako sa kaniya. “Salamat
Kei." Binigyan naman niya ako ng isang maluwang na ngiti. “Kahit for fun lang, excited ako.
First time kong magpahula," masiglang wika ko.
“Halatang-halata nga sa boses mo.
Mag-enjoy ka lang."
Ilang
segundo na ang nakalipas at natapos na sa pagbabalasa... kahit na binabalasa na
niya iyung mga baraha kanina, si Lady Manghuhula. Iyan muna ang itatawag ko sa
kaniya. Unless, sabihin niya sa akin ang pangalan niya.
“Anong pangalan mo?" magiliw na tanong
ni Lady Manghuhula.
“Ren. Ito pong kasama ko ay si
Kei." Turo ko sa kaniya.
“Hi," bati niya kay Kei. Tinaas
lang naman ni Kei ang kamay niya at binigyan ng matipid na ngiti. “So Ren, sasabihin ko sa iyo na for
fun lang ito ha. Anyway, just call me Lady Manghuhula," magiliw na
pagpapakilala niya sa sarili.
Natawa
naman ako sa sinabi niya. “My thoughts
exactly."
“Also for fun, I will act like a real
one okay?" Tumango naman ako. “Okay, so ganito." Tumungo muna siya at
ilang segundo ang nakalipas ay nag-angat ng tingin na wari'y sinasapian. “Naniniwala ka ba sa hula? Alam mo
bang tinatawag ako ng iyong kaluluwa?" sabay turo sa akin. Aba. Feel na
feel. “Ikaw kasi,
tinatawag ako ng iyong kaluluwa. Gusto mo kasi ng gabay para sa iyong
hakbangin. Nakikita ko sa iyong hindi ka marunong magdesisyon. Kaya tutulungan
kita."
Pinipigilan
ko naman ang aking pagtawa. Feel na feel talaga ni ate grabe. Tinapik naman ni
Kei ang balikat ko.
“Behave ka naman," saway niya.
Tinigil ko naman ang aking pagtawa.
Nilagay
naman ni Lady Manghuhula ang isang stack ng baraha at pinadulas niya ito
pakaliwa. “Kumuha ka ng
apat. Pakiramdaman mo ito ng maigi. Namnamin mo ang kapangyarihan ng bawat
baraha," saka ngumiti.
“Let it go~! Let it go~!" pakanta
kong saad. Agad naman akong nakapili ng apat na baraha. Kukunin ko na sana ang
mga ito ng pinatigil niya akong kunin ang mga ito. “Bakit?"
“Mamadali? May lakad?"
pagpapatigil niya.
“Wala naman po. Sige, pipili po ulit
ako."
Pumikit
naman ako. Habang nakapikit, nilagay ko ang aking kamay sa itaas ng mga baraha
at kunyari ay dinadama ang kapangyarihan ng mga ito. Pumili naman ako ng apat
na baraha at inihanay ito sa isang tabi. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita
ko na nakangiti sa akin si Lady Manghuhula.
“Magaling. Nag-eenjoy ka talaga kahit
for fun lang," wika niya.
“Oo naman. Nakakatuwa rin po kasi
kayo."
“Okay. So... itong apat na baraha ang
sisimbolo sa apat na katauhan na magdadala sa iyong pararatingan."
“Ahh. So may lakad pala kami ng mga
barahang ito," biro ko.
Natawa
naman si Lady Manghuhula. “Tama ka. May
lakad kayo. Teka lang, nanonood ka ba ng Persona 3?" Muli ay binigyan ko
ulit siya ng isang tango. “Parang ganoon.
So simulan na natin." Binuksan naman nito ang unang baraha mula sa kaliwa
niya. “La Bruja. Ang
bruha, ang witch, mangkukulam o basta. Kung ano ang gusto mong itawag. Pwede
ring nanay." Ang harsh naman nito magsalita.
“Buti nga po kayo. May nanay,"
nguso ko.
“Bakit Ren? Wala ka bang nanay or wala
ka nang nanay?" tanong niya.
“Actually, if I recall correctly, wala
akong nanay," sagot ko.
“Ahh. Ganoon pala. Sa ganitong edad
Ren, magiging bruha ang mga nanay. Lalo na kapag nag-iisa ka lang na babae sa
pamilya niyo. Well okay lang kung hindi mo maiintindihan ang mga sinasabi ko.
Kasi ganito iyun, it's just my own opinion. At isa pa kasi, tumakas lang ako sa
bruha kong nanay, makapunta lang dito. Pero I'm sure na in time, maiintindihan
nila ako... at ganoon din sila," paliwanag niya. “Moving on... umm... isa itong
kaluluwang susubukin kang titibagin at patutumbahin. Isa itong taong naging
bahagi ng buhay mo noon. May kinalaman ka sa sakit na kanyang dinaramdam at
palagay ko, maghihiganti siya sa iyo. At hindi lang iyan. Malakas ang kanyang
paghihiganti. Siya ang isa sa mga dahilan ng huling pagdudusahan mo sa buhay na
ito. Isang mapait na trahedya. Lakasan mo ang loob mo. Gagamit siya ng
kakaibang paraan upang matumba ka. Magiging malala ang kanyang bagsik na halos
ikamamatay mo ito. Unfortunately, hinahanap ka pa lang ng taong ito. Sadly,
mauuna siyang mamamatay sa kahahanap sa iyo." Tumawa na naman kami ng
payak parehas.
“Boo! I'm scared," biro ko na
nagkukunwaring kinikilabutan.
“Okay. Pagpatuloy na natin."
Binuksan naman nito ang susunod na baraha. “El Soldado. Ang mandirigma, fighter, kasama
sa military or whatever. Game na game naman siya sa role-playing at palagay ko
isa siyang animal cosplayer."
Natigilan
naman ako sa narinig mula kay Lady Manghuhula. Sa mga sinabi niya, isang tao
lang ang pumapasok sa isip ko. Si Mr. Lion. Hindi kaya totoo ang sinasabi ni
Lady Manghuhula at ginagawa niya lang itong katawa-tawa para ma-entertain ako?
At isa pa, hindi ko pa rin naman ngayon confirmed na si Kei si Mr. Lion. Teka
Ren, tumigil ka na. For fun lang ito tandaan mo. Baka coincidence lang ang mga
pinagsasabi niya. At isa pa, wala naman akong tao na naagrabyado... noong bata
pa ako na hindi ko masyadong maalala. Kahit naman ata ngayon. Coincidence lang
talaga ang mga sinasabi ni Lady Manghuhula. Nawala naman saglit ang ngiti ko sa
labi.
“Nawala ang ngiti mo?" untag sa
akin ni Lady Manghuhula.
Ibinalik
ko naman ang aking ngiti sa labi. “Pasensya na po Lady Manghuhula. Ituloy niyo
na po."
“Okay. So ito ang tutulong sa iyo na
kalabanin ang bruha. Party kayo kunyari tapos iyung bruha ang final boss."
“Final boss or raid boss?" tanong
ko.
“Hello Ren. Ano kayo, mga game master
na may imba na gamit na kayang kumalaban ng isang raid boss? Natural at final
boss lang. Free user lang kayo at hindi premium player." Natawa na naman
ulit kami parehas sa sinabi niya. “Okay. So... palagi siyang nasa iyong tabi at
hindi ka iiwan. Hanggang sa huli, siya ang magiging katulong mo sa buhay
hanggang sa mamatay ka sa buhay na ito."
“Yggdrasil Union. We'll never fight
alone," sabat ni Kei.
“Teka, bakit nga pala dalawang beses
niyo na po atang nasabi ang buhay na ito?" biglang tanong ko.
“Assumed ko lang na mare-reincarnate
ka. Iyung ganoon. Since nagamit ko na iyung word sa una kong hula, bakit hindi
na lang gamitin ito until the end? For fun lang naman ito ehh," paliwanag
niya. Oo nga. May point siya. “Okay.
Next." Binuksan naman niha ang susunod na baraha. “El Amante. Ang magdyowa, syota,
asawa, bebeh ko, mine, other half, forever partner, basta! Kung ano ang tawag
mo sa mga taong nagmamahalan. Kahit blue ranger or red ranger." Dahil sa
sinabi niya, naalala ko naman sila kuya Aldred at kuya Blue... Tapos na kaya
sila? “Itong taong ito
ay labis kang mamahalin. Pero sa buhay na ito, hindi kayo magkakatuluyan. Ewan
ko nga lang kung ano ang trip niya."
Bumaling
naman ako ng tingin kay Kei pero nakabaling ang tingin nito sa ibang direksyon.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Lady Manghuhula.
“I feel grateful sa hula na iyun kahit
for fun lang," natatawang wika ko.
“Really? Bakit?"
“This man behind me likes me.
Nagtanong siya sa akin kung pwede ba siyang manligaw. Pero ngayon pa lang,
basted na siya."
Tumawa
naman ng payak si Lady Manghuhula at para bang may nalaman siyang sikreto ni
Kei. “Pero mag-ingat
ka. Once na may isang lalaki ang magkagusto sa iyo, hindi mo maiiwasan na may
isa o higit pang lalaki ang magkakagusto sa iyo," bulong niya sa akin.
Muli,
natigilan ako sa sinabi niya. Magkakaganoon ba talaga? Iyung Franz nga, may
kuya Joseph na, may Daryll pa. I'm just happy na si kuya Joseph ang pinili
niya. Siguradong magiging inspirado siya at mananalo na kami sa Battle of the
Bands. Moving on, meron pa. Si Nicko nga ehh may kuya Jonas na, may kuya Jasper
pa. Pero iba iyung case ni kuya Jasper kay Nicko... and it's really
complicated. Ako, may Harry na, may Keifer pa. May isa pa kaya na magkakagusto
sa akin? Pwede ba iyun? Pero imposible. Wala ng slot.
“Well I might die kapag nalaman ko na
may isa pang tao ang magkakagusto sa akin," nasabi ko na lang.
“Grabe. Patay agad? Hindi ba pwedeng
pagod muna?" pilyang pagbibirong tanong niya.
“Pagod?"
“Ohh. Don't mind that." Binuksan
naman nito ang huling baraha. “Wow. Parang
makukuha mo ata ang kamatayan."
“Ano po bang baraha iyan?"
Nawala
naman ang ngiti sa labi ni Lady Manghuhula. “La Falso. Ang manloloko, trickster or
whatever. Itong taong ito ang magdudulot ng iyong kamatayan sa buhay na ito.
Siya ang magbibigay katuparan sa kasamaan ng bruha. Kung maari, layuan mo siya.
Huwag mo siyang pakinggan at paniwalaan. Manloloko nga 'di ba? Pakatanga ka pa.
Ikamamatay mo talaga. Kakailanganin ng bruha ang tulong ng manloloko para
mapabilis ang paghahanap sa iyo. At sa pinakahindi inaasahang pagkakataon,
mahahanap ka ng bruha at uutusan nito ang manloloko na dalhin ka sa kaniya na
magiging dahilan ng iyong kamatayan," paliwanag niya.
Habang
nagsasalita ng ganoon si Lady Manghuhula, bumigat ang pakiramdam ko.
Kinakabahan. Bumibilis naman ang tibok ng puso ko. Bakit kaya? For fun lang ito
hindi ba?
Ngumiti
naman ito ulit. “Grabe. Dinamdam
talaga ang basa ng baraha. For fun lang ito," untag niya sa akin. “At tsaka, walang thrill kung puro
positive lang ang readings ko. Dapat may negative din. Alam mo ganito. Pumili
ka ulit ng baraha at ipatong mo sa isa sa apat," dagdag niya.
Muli
ay pumikit ako at pumili ng isang baraha. Nilagay ko naman ang pinili kong
baraha isang pang baraha na nakasalansan. Sa La Falso. Dinilat ko ang aking
mata at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong klaseng pakiramdam ito?
Binuklat naman ni Lady Manghuhula ang baraha.
“Ang swerte ahh. Looks like hindi nga
ikaw ang mamamatay. La Muerte. Kamatayan. Pagkatapos ng mga paghihirap mo,
mamamatay ang taong ito. Kung sino man ang manloloko, mamamatay siya. Kasama na
nitong mamamatay ang bruha at ang siguradong pumatay sa kaniya ay ang
sundalo," paliwanag niya.
“Grabe naman ang mga hula na iyan.
Parang magiging totoo. Dami namang connection," sabat ni Kei saka tumawa
ng payak.
Nang
marinig ko ang paliwanag ni Lady Manghuhula, parang naibsan ang aking kaba.
Bakit ba ako kinakabahan? For fun nga lang ito. Humugot naman ako ng isang
malalim na buntong-hininga. Ano ka ba Ren? Hindi magiging totoo ang mga hula na
ganito.
“Too bad na hindi ako naniniwala sa
kapalaran. Naniniwala ako na ang aking choices sa buhay ang makakaapekto sa
akin at sa ibang tao," nakangiti kong wika.
“I know right," saad ni Lady
Manghuhula na may ngiti habang nililigpit ang mga baraha. “Well may linya pa akong sasabihin.
Ka-"
“Unfortunately Ren, kailangan na
nating umuwi. Malayo pa ang byahe," pagputol ni Kei habang nakatingin sa
relo niyang pambisig.
“Well Lady Manghuhula, it's nice
meeting you po. Thank you po ulit. Nag-enjoy po ako."
“Ako din naman. Nice meeting you
two," wika nito sabay kaway.
Tumayo
naman ako at naglakad na kami ni Kei papalabas sa venue. Habang naglalakad, I
am still in a deep thought.
“Ren, anong problema?" untag ni
Kei.
“Hindi ko naitanong ang tunay niyang
pangalan," sagot ko.
“Dapat kasi nagtanong ka na kanina.
Nag-eenjoy ka kasi sa ginagawa niyang panghuhula."
“Oo nga eh. Sayang."
“So nag-enjoy ka ba ngayon?"
muling tanong niya.
“Oo naman. Sala-" Naalala ko
naman iyung mga intensyon niya. “Pero hindi pa
rin kita sasagutin. Tandaan mo iyan at wala tayong gagawin mamayang gabi,"
saad ko na may diin sa bawat salita.
“Opo mahal na prinsipe," ngiti
niya.
“By the way Kei, anong type ng tarot
deck ang ginagamit ni Lady Manghuhula?" tanong ko.
“Hindi ko alam. Parehas naman nating
alam na walang sundalo, manloloko at bruha sa Major Arcana... kung parehas ang
nalalaman natin," sagot niya.
“Sa bagay. Tama ang sinabi mo. Medyo
maraming baraha ang ginagamit niya. 22 cards lang ang cards ng Major Arcana.
Baka sinama din niya ang mga Minor Arcana."
“Ano ka ba. Espada, baton, barya at
kopa ang meron sa Minor Arcana," pagututol niya sa ideya ko.
Nasa
tapat kami ng escalator pababa ng hinawakan ako ni Kei sa magkabilang braso
habang siya ay nakatingin sa baba. Tumingin naman ako kung ano ang meron. Isang
grupo ng mga babae na naka-pink at palagay ko, ito iyung #TeamFujoshi kanina.
Nako. Napagkamalan tuloy kaming magsyota ni Kei dahil sa mga aksyon ko kanina.
“Alam mo Ren, may time pa naman tayo
actually. Balikan na muna natin si Lady Manghuhula," nakangiwing
pagdadahilan niya.
Tumungo
naman ako. Binitawan niya ang mga braso ko at tumalikod sa escalator. Alam kong
iniiwasan niya na makasalamuha namin ang mga babaeng iyun. Agad naman kaming
bumalik sa lugar kung saan namin nakita si Lady Manghuhula... pero wala na ito
roon. Bigla ko naman naalala ang isang nobela na kinekwento sa amin ng isang
cyber friend ko na si Yuuhi noong isang araw.
「3
days ago...
Nakaupo
ako sa harapan ng aking kompyuter habang nagpapahinga si Kei sa sofa. Pinagod
ko kasi ang utak niya sa paglalaro ng Magic: The Gathering at as usual, nanalo
ako. Kasalukuyan naman akong nakikipag-usap sa mga cyber friends ko.
Yuuhi has entered the room...
Yuuhi: OMG! OMG! I just read a good novel
just now and it's really good! Seriously, a good one!
MarcoS: Good afternoon Yuuhi and what novel?
MarcoH: Nako S. Alam mo na iyan kung ano ang
binabasa ng taong niyan. Another gay novel. Though I am not against it.
MarcoS: Hay nako H. Masaya ka na ba talaga
doon sa Keith Bernardo na pinapahanap mo?
MarcoH: Well Yuuhi, you may begin.
MarcoS: Hoy, huwag mo akong bale-walain.
Yuuhi: Move on S. Ikaw ang nakakuha nung
price na Pulsefire Ezreal noon. At saka, 4 months ng nakalipas iyun ahh. Buti
na lang at mabait itong si Ren na sa iyo pa binigay ang price kahit siya naman
ang nanalo.
MarcoH: Oo nga.
Ren: Tama na iyan guys. Teka, paano mo naman
nasabi na maganda iyung novel?
Yuuhi: Since masyadong mahaba kapag isusulat
ko ang summary ng kwento, iyung favorite part ko na lang ang ikikwento ko.
Well, there was this protag na na-ospital dahil naaksidente siya. While in the
hospital, he met this matanda na hinulaan siya. After nung mga hula sa
mangyayari sa kaniya, this and that, gumaling na siya... He suddenly decided na
bumalik sa ospital.
Bigla
namang humikab si Kei at bumangon sa sofa.
“Tara Ren! This time for sure,
mananalo ako!" wika ni Kei na determinado.
“Sige ba. Sandali lang ha“ pagpayag ko.
Tumayo
naman ito at lumakad papunta sa sala.
MarcoH: And then?
Yuuhi: Hindi na niya nakita ang manghuhula at
nangyari nga iyung mga hula sa kaniya later on.
Ren: Guys, pasensya na. I will take my leave
na agad.
Yuuhi: KJ! Bakit?
Ren: Was playing MTG with a friend here.
Sorry.
MarcoS: Okay lang iyan. Hayaan niyo na ang
tao. Yuuhi, continue.
MarcoH: Sa susunod ulit.
Yuuhi: Ookay.
Ren: Bye!
MarcoS: YUUHI! CONTINUE!
Ren has left the room...」
Pero
it's just a novel. At isa pa, nagpahula ako at hindi hinulaan. Am I trying to
deny every logic? Pero nawala siya.
“Kei, sa tingin mo ba ay taong
nakapansin sa atin dito?"
Luminga-linga
naman 'to. “Tara Ren.
Tanungin natin ang taong iyun." Tinuro niya sa isang cosplayer ng pusa sa
hindi kalayuan.
Lumapit
naman kami dito at nagtanong.
“Excuse me ate. May nakita po ba
kayong cosplayer na manghuhula na kausap lang po namin kanina doon?" turo
ko sa posisyon namin kanina.
“I'm sorry. What was that?" sagot
nito na may kakaibang english accent.
“Foreigner ata. Kausapin mo in
english," wika ni Kei.
“Okay. Did you see a girl cosplayer
over there who cosplays some kind of a divinator character or something?"
muling tanong ko rito sabay turo sa posisyon namin kanina.
“I'm sorry. What was that? A divinator
character? What is a divinator?" balik tanong nito.
“Potang ina. Mukhang galing sa United Kingdom pero hindi alam ang english
ng manghuhula," kalmado kong sabi.
“Don't mind the divinator thingie.
What we are asking is did you saw a girl over there in the same position that
we were in some while ago? For I know that you saw us talking to a girl. It's a
girl with a black veil by the way," sabat na tanong ni Kei.
“Ohh. The girl with a black veil over
there. Right. Now that you asked, she mysteriously disappeared," sagot
nitong foreigner.
Nagimbal
naman ako sa narinig. Mysteriously? Seriously? Paano kaya kung mangyayari sa
akin ang mga bagay na hinula sa akin nun? Kahit for fun lang... Ay! Bwisit!
Luminga-linga naman ako kung may malapit na CCTV sa posisyon kung nasaan kami.
Nakakita ako ng isa. Kinuha ko naman ang dala-dala kong laptop sa bag ko at
umupo. Kailangan i-hack ko ang security system ng MOA.
“Anong gagawin mo Ren?" tanong ni
Kei.
“Basta," nasabi ko na lang.
Makalipas
ang ilang segundo ay nakapasok na rin ako sa security system nila. Hinanap ko
naman ang CCTV na nakaposisyon sa amin.
“CCTV in this position is currently
unavailable." mensahe na nag-flash sa screen.
Hindi
maari. Bakit ganoon? May mga ganito bang establishimento na may isang sira na
CCTV sa kanilang lugar? Paano kung may nangyaring masama dito at... Ugh!
Nakakaasar!
“Oi. Anong ginagawa niyo?" tanong
sa amin ng isang boses ng lalaki sa likod namin.
Nilingon
ko naman kung sino ang taong ito. Agad ko lang naisara ang laptop ko dahil sa
taong ito. Si mangongopya! May kasama naman itong lalaki.
“Wow! Ikaw ba iyan Ren?" manghang
wika ni mangongopya sa akin.
“Ren, kilala mo ba sila?" tanong
ni Kei.
“Aba malamang! Katabi ko iyan
ehh," sagot ng taong ito sa tanong ni Kei.
“Katabi? Classmate ba natin siya
Allan?" anang kasama nito na naguguluhan.
“Hindi bale na. Hindi mo siya
kilala," sagot ulit ni mangongopya.
Agad
ko lang kinuha ang kamay ni Kei at umalis na doon sa lugar. Ugh! Sa lahat ng
makakakita sa akin ng ginagawa ko ehh si mangogopya pa. Patay ako kay ninong
nito kapag nagkalat ang taong iyun. Pero hindi naman niya nakita iyun hindi ba?
Pero paano kung kanina pa siya nakatayo sa lugar na iyun? Teka, hindi ko dapat
siya inaalala. Iyung manghuhula. Kailangan ko ng sagot. Mangyayari kaya iyung
mga bagay na hinula niya sa akin? Bakit hindi ko siya makita? One way lang
naman ang daanan palabas at papasok at imposibleng hindi ko siya makita ng mga
mata ko kasi naka-tag na siya sa mga mata ko. Nakaitim na belo. Unless kung
hinubad niya. Pero paano kung nawala talaga siya at isa talaga siyang propeta?
Kailangan kong magtanong mamaya sa cosplay community na nakapunta sa event na
ito. Sumakay naman kami sa escalator pababa.
“Kei, kasali ka ba sa isang page or
community or group na pumupunta sa mga event na ganito?" naitanong ko kay
Kei.
“Oo," sagot niya. “Teka, bakit mo naitanong? At tsaka
Ren, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa... naguguluhan? Sino nga pala iyung
taong iyun na kilala ka?" sunod-sunod na tanong niya.
Tumahimik
na lang ako bilang pagtugon na ayokong sagutin ang tanong niya. Nakababa naman
kami escalator at may lumapit sa amin na grupo ng mga babae. Ang team
#TeamFujoshi kanina. Nagtilian naman ito pagkakita sa amin.
“Sila kuya ohh. Magkaholding
hands," tili nung lider nila.
“GOD DAMN IT LADIES! SHUT THE FUCK
UP!" sigaw ko na nagpatahimik sa kanila.
Ugh!
I lost my temper at nanigaw ng tao. Nakatulala naman ang lahat pati si Kei.
“Tara na nga Kei," inis kong
saad.
Nagpatuloy
naman kaming lumabas ng venue. This day may be a great day for them but for me,
it's kind of the worst. Magkakatotoo kaya ang mga sinabi ni Lady Manghuhula?
Sana hindi magkatotoo iyun...
Nakauwi
naman kami ni Kei ng ligtas sa bahay ko. Paakyat na ako ng hagdanan ng
nagsalita si Kei.
“Ren, ayos ka lang ba-" alalang
tono nito.
“GOD DAMN IT TOO KEI! SHUT THE FUCK
UP!" pagpatlang ko sa itatanong niya. Natulala naman ito sa sinabi ko.
Ayts! Nanigaw na naman ako. “I-I'm really
sorry Kei. It's just... UGH!" Nasapo ko naman ang ulo ko. “Umm... pasensya na. Kei, nag-enjoy
talaga ako sa lakad or date natin. It's just... I have this problematic
conundrum na kailangan kong i-solve," pakumpas na paliwanag ko.
“I understand," nakatungo niyang
saad.
“Well Kei, ganito. I-invite mo ako sa
isang group page na pumunta sa event na iyun. Then ipagluto mo na rin ako ng
dinner."
“Pero hindi tayo friends sa
Facebook."
“JUST DO TH-" pinutol ko agad ang
sigaw ko. Tumungo naman ako habang napasapo sa ulo at napaupo sa hagdanan.
Nako! Mukhang lahat ng tao ehhh masisigawan ko ata ngayon.
Lumapit
naman si Kei sa akin at niyakap ako. Hinagod naman niya ang likod ko. “I understand. Dahil ba ito sa
manghuhula kanina?"
“No," pagsisinungaling ko.
“Okay. Kalma na. Ako na ang bahala.
Umakyat ka na at magpalamig ng ulo. Ako na ang bahala dito mahal na
prinsipe."
Gumaan
ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Mahal ng prinsipe talaga? Kumalas naman siya
sa pagkakayakap. Nag-angat naman ako ng tingin at nakita ko na nakangiti siya
ng konti.
“Kei, pasensya na talaga sa inasal ko
ngayon. Sorry," walang amor kong saad.
Binigyan
niya ako ng isang tango. Umakyat naman ako sa kwarto ko at naligo... ulit.
Humiga agad ako sa kama. Iniisip pa rin ang nangyari kanina. Bakit ba
nagkakaganito ako? Maya-maya ay nakarinig ako ng katok.
“Ren, kumain ka na," saad ni Kei.
Hindi na lang ako umimik. “Ren, kanina pa
nasasayang ang mga niluluto ko para sa iyo. Nakakahiya sa inyong tagapagsilbi
na hindi kayo kumakain. At isa pa, sa bawat butil na nasasayang na kanin, may
mga bata diyan sa lansangan ang hindi nakakakain," pangongonsensya nito.
“Kei, I just need to take a nap. Huwag
kang mag-alala. Mamaya ehh magugutom ako at kakainin ko ang mga masusustansyang
bagay na masasalubong ko."
“Ganoon ba? Dito na lang kaya ako sa
hallway matutulog? Masustansya din ako," makahulugang pagbibiro nito.
“Anong ibig mong sabihin?" kunot
noong tanong ko.
“Wala. Oo nga pala, na-add ko na din
lahat ng anim na Facebook account mo. Dami mo namang Facebook. Kailangan ko na
lang ang approval mo sa isa sa mga account mo at isasali na kita sa isang
group," narinig ko naman ang mga yabag niya pababa.
Kinuha
ko naman ang nakatiwangwang kong laptop na kanina pa naka-on. Bakit nga ba may
anim akong account ko sa Facebook? Kasi ina-add ko ang lahat ng mga active na
tao sa iba't ibang lugar. Para saan? Para mangalap ng maraming impormasyon sa
mga bagay-bagay sa paligid. Moreover, trip ko lang na gawin.
Naka-add
na sa akin si Kei sa isa sa mga account ko. Maya-maya ay naka-add na ako sa
isang group. Inusisa ko naman kung nasa tamang group na ako naka-add. Mukhang
ito na nga. Nakarinig naman ako ulit ng katok sa pintuan ko.
“Ren, okay na. Matutulog na ako. Good
night," anito.
“Good night din Kei."
Narinig
ko naman ang ingay na nagmumula sa kwarto ni Kei hudyat na nakapasok na ito ng
kwarto. Nag-post naman ako sa group na ito kung may nakita ba sila na cosplayer
na manghuhula. Idinitalye ko kung ano ang features ng taong ito. Maya-maya ay
napahiga ako at nakatulog.
Nagising
na lang ako ng makaramdan ako ng sakit ng tiyan. Oo nga pala. Hindi pa ako
kumakain. Binaling ko naman ang mata ko sa digital clock. Ang oras ay 2:52.
Binaling ko naman ang tingin ko sa harapan kung saan nakalagay ang laptop. Lowbat
na ito. Nasa baba pa ang charger. Lumabas naman ako ng kwarto at binuksan ang
mga ilaw sa ground floor. Dumiretso ako sa kompyuter ko at kinuha ang charger
ng laptop at sinaksak ba ito. Pumunta naman ako sa kusina at nakita ko na may
nakatakip sa hapag-kainan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang
pritong tapa at sinangag. Feeling ko, na-disappoint ako sa aking nakita. Walang
note na galing ito kay Mr. Lion. Patuloy pa rin akong naghihinala na baka nga
si Kei si Mr. Lion. Since wala pa akong pruweba, hindi ko muna masyadong
iisipin iyun.
Makalipas
ang ilang minuto, natapos na akong kumain. Bumalik naman ako sa harapan ng
kompyuter at binuksan ito. Pagkabukas nito, saktong 3:00 na. Teka, reality
check. Binigyan ko naman ang sarili ko ng isang malakas na sampal.
“Aray."
Okay.
Nasaktan ako so reyalidad nga ito. Dumiretso naman ako sa chatbox ng mga cyber
friends ko para kausapin si Yuuhi.
Ren has entered the room...
MarcoS has left the room...
MarcoH has left the room...
Ren: WTF was that?
Yuuhi: Good morning Ren.
Ren: Good morning din.
Ren: Iniiwasan ba nila ako?
Yuuhi: Huwag kang negative LOL! Witching o
unholy hour na ata sa inyo kaya iyung dalawa, natutulog na. Sisihin mo si
MarcoS. Nagtatakutan kasi sila kanina.
Ren: Ganoon ba? Oo nga pala Yuuhi. May
itatanong ako sa iyo. Tamang-tama at nandito ka. May itatanong ako sa iyo.
Yuuhi: Isang wedding proposal? I accept.
Ren: Tangi! Hindi iyun.
Yuuhi: Joke lang. So ano ang tanong mo?
Ren: About sa novel na nabasa mo noong isang
araw, pwede bang ikwento mo sa akin.
Yuuhi: Backread mo na lang. Inaantok na ako
ehh. Maya-maya ehh matutulog na ako.
Ren: Considering the fact na 3 days na
nakalipas na iyun, thank you sa advice mo na kailangan kong mag-backread.
Yuuhi: Okay fine. Ask away na about sa novel.
Ren: About sa mga cards na nakuha nung
protag. Ano ang mga nakuha niya?
Yuuhi: Apat iyun. In order to ha. La Bruja,
El Soldado, El Amante at La Falso.
Ren: EHHH?!
Yuuhi: Bakit? May problema ba?
Ren: Kinda. Nagpahula kasi ako kanina sa
convention sa MOA.
Yuuhi: NASA MOA KA KANINA?
Ren: Yeah.
Yuuhi: POTANG INA! DAPAT NAAGSABI KA NA
PUPUNTA! ANO SUOT MO?!
Ren: Can we just... don't talk about it right
now? I want to know the story of the novel that you are reading.
Yuuhi: Grabe kayo. Alam mo ba na
nagsinungaling ang asawa ko at ang kaibigan ko na hindi daw pupunta? Ay grabe.
Napakadaming sinungaling ngayon sa mundo. Pagod ako ngayon. Ibigay ko na lang
ang link ha. Teka lang. Ito ohh.
Ren: Tagal naman nung reply. Thanks by the
way.
Yuuhi: Bagal ng net.
Ren: Naglo-load ka pa ata ng gay porn.
Yuuhi: None of your business.
Ren: Pati pagre-reply ohh. Ang tagal.
Yuuhi: Ohh sige na. Matutulog na ako. Chapter
15 iyun and onwards.
Ren: Good night Yuuhi and thank you.
Yuuhi: Ikaw din.
Yuuhi has left the room...
Natapos
na din ako at binasa ko naman ang novel na binigay sa akin ni Yuuhi. Ilang oras
na ang nakalipas at natapos ko ng basahin. Pambihira. Hindi ako makapaniwala sa
nabasa ko. Hindi ko namalayan na alas singko na ng umaga. Nakarinig naman ako
ng mga yabag pababa mula sa hagdanan. Agad ko naman pinindot ang windows at ang
letter U saka ang letter S. Tinatamad na akong isara ang browser ko. What's the
point naman? Mawawala din naman iyun kapag napatay. Wait, shut down iyun hindi
ba? Nevermind.
Keifer's POV
“Kriiiiing!"
Nagising
naman ako sa ingay ng alarm ng phone ko. Oras na para magluto ng agahan.
Ginagawa ko ito araw-araw sa apartment namin ni Harry at dito din... sa bahay
ni Ren. Okay lang naman sa kaniya ehh.
Nag-ayos
naman ako ng sarili at bumaba. Nadatnan ko naman si Ren sa harap ng kompyuter
niya at pinatay na ang kompyuter.
“Ren, magandang umaga," hindi ko
siguradong tono ng pagbati. Natulog ba ang taong ito?
“Magandang umaga Kei," agad
nitong bati sa akin.
Tumayo
naman agad ito at nilampasan ako sa hagdanan. Nagmamadali? Dumiretso naman ako
sa kusina at binuksan ang refrigirator. Kahit sabihin niya na wala akong
pag-asa, hindi ako madaling sumuko. Kukunin ko ang puso niya.
Nakita
ko naman na may mga gulay na nakalagay sa refrigerator. Tamang-tama. Pero
uunahin ko na muna ang almusal namin.
Makalipas
ang ilang oras, natapos na akong maghanda ng agahan at handa na rin ang baon
niya. Alam ko kasi na pupunta siya sa Music Club para dumalo sa band practice.
Siguradong magugustuhan nito ang baon niya. Dahil ako si Keifer Salvador. Ang
mauuna sa puso niya at wala ng iba.
Bumaba
naman si Ren mula sa kwarto niya at handa na itong umalis. Nilagay nito ang bag
sa sofa at dumiretso sa hapag-kainan para mag-agahan. Magandang pagkakataon.
Kinuha ko naman ang baon niya at patagong nilagay ito sa bag niya.
“Ano iyan Kei?" tanong niya. Ay!
Nahuli ako.
“Baon mo Ren para mamaya,"
pagtatapat ko.
“Ganoon ba? Salamat then," walang
amor niyang pasasalamat.
Anong
nangyari? Hindi siya masigla ngayon? Kita mo sa mukha niya na nanlulumo.
Maya-maya ay natapos na siyang mag-agahan. Kinuha nito ang naka-charge na
laptop at nagpaalam na siya. Ako naman, magiging house husband sa bahay niya.
Pagkatapos
ng iilang gawain sa loob ng bahay, nagpahinga naman ako sa sala. Hindi pa rin
mawala sa isip ko ang nanlulumong mukha niya. Magiging okay lang kaya siya?
Karaniwang tao na depress at nagmamaneho ng kotse ay ang kadalasang mga tao na
nadidisgrasya sa daan. Well sa kaso ni Ren, sa bike. Pero sa tingin ko ehh
magiging okay lang siya.
Binaling
ko naman ang atensyon ko sa telepono na nasa center table. Nag-dial ako para
tawagan ang isa kong kaibigan. Ilang ring lang ay sinagot niya ito.
“Hello Alexa," bati ko.
“Hello Kei," parang inantok na
bati ni Alexa.
“Parang sa tono ng pananalita mo ehh
inaantok ka pa."
“Nagpuyat lang naman ako. Ikaw ha.
Nagsinungaling ka sa akin na hindi daw makakapunta ng convention. Bakit ba
dumadami na ang mga nagsisinungaling na hindi daw pupunta sa convention? Iyung
una ehh ang mga cyber friends ko tapos ngayon ikaw?"
“Pasensya naman," pagdispensa ko.
“Di bale na. So ano? Napatawag ka?
Miss mo na ako?"
“Miss agad? Kagabi lang tayo huling
nagkita, miss agad?" natatawa kong tanong.
Natawa
na lang ito sa kabilang linya. “Ikaw pala ha.
May ka-date ka pala. So Ren pala ang pangalan niya. Ano ang full name
niya?"
“Ren Castillo Severin. Siya ang Vice
President ng Music Club."
“WHAT?!" sigaw niya. Nilayo ko
naman ang phone sa tenga ko at sigurado akong mabibingi ako sa sigaw na iyun. “Kamag-anak niya ba si Christian
Castillo ng URS?" mahinahong tanong niya.
“Hindi. According to him, given name
lang daw iyun ng benefactor niya," sagot ko.
“Ganoon ba?" saad niya na
dismayado sa narinig. “Akala ko ehh
kamag-anak siya ni Christian Castillo. Tapos Vice President pa siya ng Music
Club. Ohh di masaya."
“Malaging gulo iyang iniisip mo,"
kumento ko. “Teka nga pala,
bakit nawala ka kagabi? Binalikan ka kasi namin kung saan ka namin nakita pero
pagbalik namin ehh wala ka na. Pinaghahanap ka ni Ren at parang... may
kakaibang nangyayari sa kaniya." Napansin ko naman na nakabukas pa ang
kompyuter niya dahil umiilaw pa rin ang CPU nito. Malamang ehh naka-standbye.
“Don't tell me na sineryoso niya ang
mga hula ko? Sabi nang for fun lang iyun ehh. Rinig mo naman na umayon siya
hindi ba?"
“Oo pero sa kaniya, ewan." Tumayo
naman ako sa sofa at umupo sa harap ng kompyuter.
“Teka nga pala, saan ka pala nakatira
ngayon? Tumawag si Harry dito kahapon. What I mean na kahapon ehh iyung bago
niyo ako nakita sa convention."
Natigilan
naman ako saglit sa narinig. Saan nakakuha ng numero ni Alexa si Harry? “Alexa, kapag tumawag siya ulit,
sabihin mo na hindi mo ako nakita."
“Bakit? Nagtatago ka?" tanong
niya.
“Oo. Parang ganoon na nga.
Basta," sagot ko.
“So saan ka na nakatira ngayon?"
muling tanong niya.
“Nasa bahay ako ni Ren ngayon. House
husband niya ako."
“Wow. Kasal na kayo? May nangyari na
ba sa inyo kaya inasawa mo na siya?" sunod-sunod na tanong nito.
“Tangi! Hindi! Loka-loka!"
sunod-sunod ko ding sagot. “Oo nga pala.
Iyung tanong ko kanina. Bakit ka biglang nawala doon sa pwesto mo."
“Sa tingin ko, alam mo na ang sagot sa
tanong na iyan. Dumating si Martin sa lugar. Kinuha niya agad ang itim na belo
ko at iyung cosplay ko na Lady Manghuhula. Actually nga, halos sabay tayong
umalis sa venue. Ang pinagkaiba lang ay sa elevator kami dumaan at hindi sa
escalator," paliwanag niya.
“Ohh... Kaya pala."
Binuksan
ko naman ang monitor ng PC ni Ren. Maraming tab ang naka-open. Mga siyam?
Nagulat naman ako nung mabasa ko ang mga naka-highlight dito sa unang tab na
may title na Chapter 15. Wait, ito ang...
“Alexa, pwede bang tawagan na lang
kita mamaya?" pagpapaalam ko dito.
“Ohh sure. Sakto. Kakain pa kami ng
agahan ni Martin ngayon."
“Sige. Bye!" paalam ko sala
binaba ang phone.
Ano
ba itong nabasa ko?
Ren's POV
Nakarating
na ako sa Music Room. Nadatnan ko na lang na nasa loob na ang buong banda at
nakaupo sa mini-stage. May pinag-uusapang ilang bagay na may kinalaman sa...
kung ano-anong bagay. Sa totoo lang, ayokong pumunta ngayon dahil sa mga
nalaman kong kamalasan na nangyayari sa bida ng kwento. Ang creepy ng kwento.
Ang pagkakaiba nga lang ay may limang baraha ako.
Lumapit
naman ako sa sofa at inukupa ito. Konti lang ang tulog ko. Tinakpan ko naman ng
panyo ang mga mata ko. I guess hanggang hindi pa nakakarating si kuya Blue ehh
gagamitin ko na ang pagkakataong ito na matulog.
“Ren, pagod na pagod ka ahh,"
nakakalokong wika ni kuya Paul.
“Wala lang po akong tulog,"
walang amor kung saad.
Tumawa
naman ng payak si kuya Jonas. “Baka pinagod na
iyan si Ren ng syota niya."
“May syota ka na? Nice. Sino iyan?
Teka? Lalaki ba?" sunod-sunod na tanong ni kuya Paul.
“Oo. Tumpak," wika ni kuya Jonas
na ikinagulat ng tatlo. Kinuha naman nito ang phone niya. “Ang totoo niyan, may litrato pa ako
nung syota niya." Siguradong pinapakita nito ang litrato ni Kei kahit
hindi ako nakatingin.
“Ang cute naman nito. Bagay sila.
Naks! Bumigay na!" nang-aasar na wika na may palakpak pa ni kuya Paul.
“Congratulations Ren. Mukhang ako na
lang ang single dito," wika ni kuya Ethan.
“Disappointing news everyone. Walang
nangyari sa amin. Napagod ako sa ibang bagay. So kuya Ethan, hindi pa ako taken
and I am proud to say na single pa ako." Bumukas naman ang pintuan at
niluwa nito si ate Erika. “Also ate Erika
as well."
“Hi Ren. Hi guys," bati nito sa
amin. “Bakit niyo ako
pinag-uusapan?" Lumapit naman ito sa sofa.
Umayos
naman ako ng pwesto at umupo sa sofa para makaupo si ate Erika. “Nothing."
“Anong nothing? Erika, pinag-uusapan
namin ang umuusbong na love life nitong si Ren," nakakaasar na sabat ni
kuya Paul. “Bumigay na
siya."
“That's good to hear," walang
emosyon na sabi ni Erika.
“Dear God, thank you sa mahabang
pasensya na bininigay mo sa akin," nasabi ko na lang.
Patuloy
naman na nag-uusap ang tatlo. Kapansin-pansin naman sa akin ang pananahimik ni
kuya Joseph. Bakit kaya? May problema ba sila nung syota niyang si Franz?
Magtatanong
na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. At ang tumatawag ay si... kuya
Aldred... na takot kong kausapin. Tumayo naman ako palabas ng club at inipon ko
naman ang lahat ng lakas ng loob ko at sinagot ang phone.
“Magandang araw kuya Aldred,"
pilit na sigla kong bati.
“Good morning din Ren," masigla
nitong bati.
“Bakit po kayo napatawag?"
“Ahh. Napatawag ako kasi hindi
makakapunta si Blue ngayon. Tulog pa rin siya ngayon ehh."
“Ganoon ba? Kailangan ko pa bang
magtanong kung bakit?"
“Kahit hindi na. Alam mo na siguro
kung bakit. Pero sige. Magtanong ka pa rin," pilyong sagot nito. Gusto ata
talaga nito na magtanong ako. Iniisip ata nito na magre-report ako kay Chris sa
mga ginagawa nila ni kuya Blue.
“Naiintindihan ko po kuya Aldred. Pero
pakiusap naman. Wala akong K maging presidente ng club. Kailangan ko din si
kuya Blue sa mga bagay-bagay dito sa club."
“Alam mo Ren, kung tutuusin ehh kaya
mo iyan. Naikwento nga sa akin ni Blue ang mga naitulong mo sa club. May mga
bagay na mabibigat na pinapagaan mo," pamumuri nito.
“Kahit anong puri niyo po, hindi po
maikakailang malaki ang naitulong ni kuya Blue sa Music Club."
“Come on Ren. Binubuhat ko na nga ang
bangko mo, ayaw mo pa."
“Bagong figure of speech po ba
iyan?"
“Basta Ren. Tandaan mo ito. Balang
araw, may ibibigay sa iyo na isang importanteng proyekto at ikaw ang
pagkakatiwalaan na gawin ito dahil nagtitiwala ang mga nagbigay sa iyo nito.
Wala ka nang tatakasan gaya ng italaga ang sarili na maging Vice dahil ikaw ang
gusto nila," mga inspiradong salita ni kuya Aldred.
“Still kuya Aldred-"
“Ohh sige sige. Alam ko na iyan,"
pagputol nito sa sasabihin ko.
“Pasensya na talaga kuya Aldred,"
pagdidispensa ko. “It's just hindi
pa talaga sa akin ang panahon na ito. Alam kong nagiging nuisance na para sa
iyo ang Music Club dahil si kuya Blue ang presidente. Nababawasan ang... kung
ano ang gusto mong gawin. Pasensya na talaga. Alam niyo naman po siguro kung
sino ang... bumubuhay sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa club na ito... at
para sa school. Kaya nung nag-decide ako na maging Vice President ng club at
ibinigay iyun kay kuya Blue, hindi ko iyun pinagsisisihan. Kasi alam ko na ang
desisyon ko ay for the best."
“I understand. Siya nga pala, bakit
hindi na lang naging Ren Schoneberg ang pangalan ko?" nang-aasar na tanong
niya. Narinig ko naman na tumawa ito ng payak sa kabilang linya.
“Sige na po kuya Aldred. Babalik na po
ako sa loob ng Music Club."
“Sige Ren. At isang bagay pala.
Matapos kong marinig ang mga sinabi at nalaman kong bagay tungkol sa iyo,
asahan mo. Hindi ko ipagdadamot si Blue sa inyo."
“Salamat sa pang-unawa kuya Aldred.
Sige po. Minsan, papayag po ako na ako muna ang mamamahala sa Music Club para
naman magkaroon kayo ng oras ni kuya Blue."
“Aba! Mukhang maganda iyan!"
natutuwang wika nito. “Sige Ren.
Ibababa ko na ang phone."
“Sige po."
Binaba
ko naman ang phone at pumasok ulit sa loob. Pumalakpak naman ako para kunin ang
atensyon nila.
“Guys, hindi daw makakarating si kuya
Blue. Sadly, I'll be in charge pansamantala. Kaya magsimula na tayong
magpraktis. pakiusap, hangga't maaari kuya Paul..."
“Bakit ako?" kunot noong tanong
nito.
“Pakiramdam ko kasi na magiging source
ka ng pang-aasar other than kuya Joseph... na mukhang may problema na gusto
kong malaman..." Nag-iba naman bigla ang ekspresyon ng mukha nito. “At siguradong kaya niyo na iyan.
Well..."
“Sino ka ba para pagsabihan ng
problema ko?" sabat ni kuya Joseph.
“Appreciated. I guess okay ka lang.
Well then, let's start."
Makalipas
ang ilang oras ay break na namin. Lumabas ang lahat maliban lang kay kuya
Jonas. Pumasok naman si Nicko na may dala-dalang pagkain para sa kanilang
dalawa.
“Ang sweet naman. May dalang
pagkain," tangkang pang-aasar ko.
“Siyempre. Mahal ako niyan," wika
ni kuya Jonas. Okay. At least, I tried.
Nilapit
ko ang lamesa sa sofa para kumain. Kumuha na rin ako ng upuan para bigyang ng
space ang magkapareha dahil doon sila sa sofa uupo. Nilapag ko naman ang baunan
na galing kay Kei. Pagkabukas ko, naisara ko ito agad. Shit! Hindi ata sumusuko
sq panliligaw sa akin si Kei!
“Teka teka teka Ren. Nakita ko
iyun," natatawang wika ni Nicko. Bwisit! Nakita!
“Bakit? Ano ba iyun?" tanong ni
kuya Jonas. Tinuro naman ni Nicko ang baunan ko.
Muli
ay binuksan ko ulit ang baunan. Nakakasilaw nang binuksan ko ito. Pinagluto
pala ako ni Kei ng Chop Suey. Pero ang mas kapansin-pansin dito ay iyung sa
espasyo kung nasaan ang kanin. Kada isang carrot slices ay nakakorteng puso at
bumuo pa ito ng isa pang nakakorteng puso. Sinabi ko ba na isa ito sa mga gusto
kong bagay na imposibleng mangyari? Hindi ko na namalayan na namumula na pala
ako.
“Namumula si Ren! Nako Ren! Kay Kei
iyan ano?" excited na tanong ni Nicko. Tumungo na lang ako habang
nakatingin sa ibang direksyon. “Grabe. Seryoso
siya sa iyo. Nakakainggit. Magaya nga ang gumawa ng ganito."
“Ni-reject ko na nga ang tao ehh
gagawa pa ng ganito," reklamo ko.
“Teka nga? Bakit sa bahay mo nakatira
si Kei?" tanong ni kuya Jonas.
“Tumakas siya sa fixed marriage na
ginawa ng kanyang tito at tiya... para sa akin," sagot ko.
“Ano ka ba? Seryoso talaga siya sa iyo
Ren. Gustong-gusto ka niya. Hindi pa ba sapat iyun?" si Nicko.
“Kumain na nga lang muna tayo,"
nasabi ko na lang saka nagsimulang kumain.
Hindi
naman nagtagal at natapos na kaming kumain. Ang sarap ng pagkain na niluto
niya... ngayon. Alam kong nitong mga nakaraang araw ay si Kei ang nagluluto ng
pagkain para sa akin. Pero itong Chop Suey na binaon ko. Kakaiba.
“Ren, gusto mo bang malaman kung ilang
beses ka namumula habang kumakain?" natatawang tanong ni Nicko. Pambihira!
Napansin niya! “So hindi mo pa
rin gusto si Kei?"
“Priority ko kasi muna ang pag-aaral.
Ayoko munang pumasok sa isang relasyon. Wala akong alam sa pag-ibig. Bakit ako papasok
sa isang relasyon?" Kinuha ko naman sa bag ko ang laptop at nilagay sa
mesa.
“Kaya nga dalawa ang tao sa isang
relasyon para kahit iyung isa, hindi alam kung paano, may isa na
magtuturo," sabat ni kuya Jonas. “Kung sasabihin mo kung paano kung kapag
dalawang tao na walang alam sa pag-ibig ang pumasok sa isang relasyon, wala
itong patutunguhan. Pero may isa sa kanila ang matututo at matututo... that is,
kung mahal na mahal nila ang isa't isa. At tsaka Ren, likas sa tao ang umibig.
Abnormal ka nun kapag hindi."
“May punto ka kuya Jonas. Kaya lang,
may mga dahilan ako kung bakit ayoko. Isa doon ay iyung-"
“Ang alin? Iyung bubuntisin ka
niya?" sabat ni Nicko.
“Oo. Alam niyo ba kung ilang beses
niyang nabanggit ang sex na gagawin niya sa akin sa isang araw? Limang
beses." Natawa naman ang dalawa sa sinabi ko. “Bakit?"
“Naalala ko na ganyan ang iniisip ko
kay Nicko dati. Pero dahil mahal ko siya, bumaba iyun sa dalawa pero at least,
pwedeng araw-araw," wika ni kuya Jonas..
“Pinagyayabang mo ba sa akin iyan kuya
Jonas?"
“At isa pa, sigurado akong hanggang
yabang lang iyun. Limang beses sa isang araw."
“May dalawa pa akong rason. Makikinig
pa ba kayo?"
“Sige lang."
“Bago nagtapat si Kei, nagtapat din
ang isa pa naming kaibigan. Si Harry. Tinanggihan ko din siya. Bakit ko nga ba
siya tinanggihan? Noong isang araw, si Harry ang kasabay ko pauwi noong pumunta
kaming tatlo sa Enchanted Kingdom. Tapos nagtanong siya kung bakit ako
malungkot. Kailangan ko ng dahilan. Ang idinahilan ko naman ay oras na para
magkaroon ako ng syota which is, I don't really mean it. Tapos noong katapusan
ng pasukan, hindi ko inaasahang nagtapat siya ng nararamdaman sa akin.
Obviously, tinanggihan ko. Sinabihan ko naman siya na hindi talaga iyun ang
gusto ko kasi nagsinungaling ako. Greatest lier award goes to me. Ngayon, umuwi
ang taong ito sa kung saang lugar at maghanda daw ako sa pagbabalik niya. Tapos
pagbalik niya, kami na ni Kei? Hindi ba ang unfair nun para sa kaniya?"
mahabang paliwanag ko.
“Sasagutin mo na si Kei?" gulat
na tanong ni Nicko.
“Hindi Nicko. It's just a makeup
scenario."
“Hindi maiiwasan na bagay iyan na may
masasaktan," wika ni kuya Jonas. “Take for example, kami ni Nicko. Habang may
karelasyon siya na ang pangalan ay Nicko, tulungan mo ako.
“Sofhie," agad na saad ni Nicko.
“What he said... nagtapat ako ng
nararamdaman kay Nicko at may nangyari pa sa amin. Iyung girlfriend niya kasi
na si Sofhie ay nag out-of-town sila ng pamilya niya noong panahon na iyun.
Pagbalik niya, nasaktan nga siya pero tanggap na niya ang mangyayari na
magiging kami ni Nicko."
“Pwede niyo bang sabihin sa akin kung
paano niya natanggap na magiging kayo?"
“Bestfriend namin siya ni Jonas ng
apat na taon simula high school pa kami. Tapos kasi, alam na niya ang nararamdaman
namin para sa isa't isa. Ang alam ko ehh dito siya nag-aaral," sagot ni
Nicko.
Natawa
na lang ako ng payak. “Si Harry,
kaibigan ko pa lang in 2 months at ganoon din si Kei. Tapos wala pa atang
siyang alam na nililigawan ako ni Kei. Tapos pagbalik niya, kami na? Buti pa
iyung Sofhie niyo, alam niya. Si Harry, hindi."
“Paano mo pala naging kaibigan sila
Harry Kei?" muling tanong ni Nicko.
“Well si Harry, pinaalala sa akin na
siya ang nagsauli ng phone ko noong nawala ito. Inisnab ko kasi siya ng pitong
buwan. Naisip ko na ang samang tao ko naman na hindi pansinin ang taong gumawa
ng kabutihan sa akin. Si Kei, sumulat ng article tungkol sa akin at kinompronta
ka. Turns out na may kasalanan din si Harry at nagalit ako sa maling tao. Noong
nagkaroon tayo ng auditions, nag-decide ako na mas kilalanin pa sila ng mabuti.
Then this and that happened."
“Hmm... Naiintindihan ko. Samakatwid,
pinapahalagahan mo sila dahil sila ang mga unang kaibigan mo. Trick question,
may gusto ka na ba kay Kei?" tanong ni kuya Jonas.
Saglit
naman akong natahimik at naalala ang baon na ginawa ni Kei. “Parang. Sa totoo lang kasi, isa sa
mga gusto kong bagay ang ginagawa ni Kei. Iyung mag-decorate ng pagkain. Naisip
ko din ito noon na sana, isa sa mga katangian ng magiging karelasyon ko ay
marunong siyang gumawa ng bagay na ganito. Pero naisip ko na sino kayang tao
ang gagawa ng ganitong bagay? At iyun nga. It happened naman na marunong si
Kei."
“Grabe Ren. Aminin mo na kaya na may
gusto ka din kay Kei. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na namumula habang
nagpapaliwanag ka?" si Nicko. Ugh!
“Sige nga Ren. Maging tapat ka sa amin
ngayon. Ano ba ang gusto mong katangian sa magiging karelasyon mo?" tanong
ni kuya Jonas.
Nanahimik
naman ako ng ilang segundo. “Sa tingin ko
ehh parang... syota slash... magulang. Ako kasi, hindi nakaramdam ng pagmamahal
ng magulang... or is it. Hindi ko alam pero... ano ba ang pakiramdam ng mahalin
ng sarili mong magulang? Iyung mga nag-aalaga ko kasing ninong at ninang,
ayokong hingin sa kanila ang bagay na iyun."
“Parang nakikita ko ang sarili sayo
Ren. Isang mabait na tao pero pinagkaitan ng magulang. Nakapiling ko lang ng
ilang taon ang magulang ko pero kinuha din sila. Ganoon din si Nicko. Pero everything happens for a reason.
Dahil doon kaya naging kami ni Nicko," paliwanag ni kuya Jonas. “Ngayon, ano ang huling rason?"
“D-Dahil sa nabasa kong nobela
online," nahihiya kong sagot.
“Anong kinalaman nun?" sabay na
tanong nilang dalawa.
“Ahh kasi, noong nag-date kami ni Kei
kahapon, may nakita akong manghuhula. Babae siya na halos kasing-edad lang
natin. Tapos nag-request ako na hulaan niya ako. Sinabi naman niya na hindi
siya totoong manghuhula pero huhulaan niya ako at for fun lang ang gagawin
niya. Pagkatapos kong magpahula, umalis na kami ni Kei. Habang paalis, gusto
kong balikan si Lady Manghuhula kung ano ang pangalan niya. Nasa bandang
escalator kami ng magbago ng isip si Kei kaya binalikan namin. Pagbalik namin,
wala na siya doon. Hinanap namin ito pero wala. Naalala ko naman ang binasang
nobela ng isang internet friend ko na nagpahula ang bida. Ang weird na part
doon, iyung nabunot ng bida ehh katulad lang sa bunot ko. Bonus nga lang iyung
isa sa akin. Pero iyung pagkakabasa ng hula, halos pareho. Tapos umalis na
iyung bida sa lugar na iyun. Ilang araw ang lumipas ay bumalik ang bida sa
lugar kung saan siya hinulaan pero hindi niya ito nahanap. Tapos sunod-sunod na
ang trials na nangyari sa bida. Nagkaroon siya ng sex tape, inayawan siya ng
pinakasalan niyang kunyari na boyfriend, ganoon din ang bestfriend niya.
Nawalan siya ng allowance mula sa scholarship niya, nawala ang kapatid niya na
later on, malalaman niya na chinop-chop, ginawa siyang sex slave ng boyfriend
niya at bestfriend niya, namatayan ng nanay dahil doon. At pagkatapos,
pagkatapos ay-"
Hindi
ko naman naituloy ang paliwananag ko dahil sa malakas na sampal na natanggap ko
mula kay kuya Jonas. Nagulat ako sa ginawa niya at ganoon din si Nicko.
“Jonas naman," si Nicko.
“Gising ka na ba Ren?" tanong ni
kuya Jonas sa akin. Tumungo naman ako habang nasapo ko ang pisngi na sinampal
niya. “Iyan ang
pinakatanga kong rason na narinig alam mo ba iyun?! Ren, nasa aktwal tayo na
mundo. Tayo ang gagawa ng ating sariling skript at gagawa ng paraan sa gusto
nating mangyari. Huwag kang masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa mo. Naisip
mo ba na malay mo, nagkasalisihan lang kayo nung manghuhula kaya hindi mo siya
nakita?"
“Pero kasi kuya Jonas, nakaramdam ako
ng takot bigla sa mga hula niya. Paano kung mangyari nga ang mga bagay na iyun?
Iyung magkaroon ako ng sex video, iyung mawalan ako ng nga kaibigan-"
“Isa pa ngang sampal," pagputol
pa niya.
Aktong
lalapit si kuya Jonas ng pinigilan siya ni Nicko. “Jonas. Tama na. Huminahon ka."
“Huwag mo akong pigilan Nicko.
Kailangan ng isa pang malutong na sampal ng taong ito." Maya-maya ay
huminahon na rin ito at humugot ng isang buntong-hininga. “Kailangan mo ng assurance. I see.
Ganito, kapag nagkaroon ka nga ng ganoong kaso, asahan mong kami ang huling tao
na maniniwala doon. Si Nicko din kasi dati, nagkaroon dati ng sex video."
“Hindi sex video iyun Jonas. Hinalikan
lang ako ni Mark!" reklamo ng kapareha niya.
“T-Talaga?"
“Huwag kang mag-aalala. Totoo ang mga
sinasabi ko. At tsaka, wala naman sa katangian mo na gagawa ng ganoong
bagay." Dahil sa sinabi ni kuya Jonas, nawala ang takot ko.
“Kaya sagutin mo na si Kei,"
sabat ni Nicko. Ugh!
Binaling
ko naman ang atensyon sa laptop na nasa mesa at binuksan. Nag-iisip ako ng
ilang bagay. Oo nga pala. Iyung mga Facebook account ko. Kailangan ko munang
magbukas habang wala pa iyung iba.
“Pero pwede ko pa namang pag-isipan
ang bagay na iyan hindi ba? Gaya ng sabi ko 2 months pa lang kaming
magkaibigan," saad ko. Narinig ko naman na bumukas ang pintuan ng
clubroom. “Pero wala naman
sigurong tao na naging sila in 2 months."
“Ha? Kami ni Blue, naging kami in 1
month na naging magkaibigan kami," sabat ng isang boses. Nilingon ko naman
kung sino ang pumasok. Sila kuya Aldred at kuya Blue pala. “Kumusta? Pwede bang makisali sa
pinag-uusapan ninyo?" Lumapit naman silang dalawa sa sofa at umupo habang
akbay ni kuya Aldred si kuya Blue.
“Ang bilis naman ata ni kuya
Aldred," nasabi ko.
“Love at first sight kasi ang nangyari
Ren. Teka nga lang, ano ang pinag-uusapan ninyo? At bakit namumula ang pisngi
mo?" sunod-sunod na tanong ni kuya Blue.
“Tinutulungan namin si Ren kay Kei and
vice-versa. Iyung pisngi kaya namula? Sinampal ko para magising sa reyalidad.
Kung narinig mo lang ang mga rason niya," naiinis na sagot ni kuya Jonas.
“Buti naman at nakapunta ka kuya Blue
kahit late na," pag-iiba ko sa usapan at baka maiba.
“Oo. Kaya nga habang break pa natin,
pag-usapan natin iyang problema mo kay Kei at baka makatulong kami,"
pagprisenta ni kuya Blue.
Bumukas
naman ulit ang pintuan at niluwa nito si kuya Paul.
“Then ano ang benefits ng pagkakaroon
ng syota?"
“Ano pa ehh di sex," full force
na pagkakaasabi nila. Potang inang priority ng mga taong ito.
“What kind of answer is that?! At
tsaka kuya Paul, makasagot naman to ng sex, akala mo hindi na virgin."
“Ano ka? Nag-sex na kami ng girlfriend
ko," kuya Paul retorted.
Clearly
it's a lie. Binigyan ko naman ito ng isang malamig na titig. Naasar naman ito
at lumapit sa akin.
“Bakit? Hindi ka ba naniniwala?"
tanong pa niya. Umiling na lang ako. “Gago ka ahh."
Binuhat
naman ako nito at pinadapa sa sofa. Pota, kinadyot pa talaga ako. Pero nasa
akin pa rin ang huling halakhak.
“Alam mo kuya Paul, kahit anong kadyot
mo sa likod ko, hindi mo maitatagong virgin ka pa," nasabi ko dito.
Tumigil
naman ito sa ginagawa at lumabas ulit. Wow. First time kong maasar si kuya
Paul.
Keifer's POV
Muli
ko namang tinawagan ang number ni Alexa sa telepono. Ngayon, alam ko na kung
bakit nanlulumo si Ren. Sinagot naman ni Alexa ang phone niya.
“Hello Kei. Napatawag ka ulit?"
masiglang bati nito.
“Hello Alexa. I was just wondering
kung may reference iyung sinabi mong hula kay Ren kagabi."
“Reference? What about it?"
“Teka, mag-FB ka. Bigay ko sa iyo ang
link." Binigay ko naman ang link ng binabasa ni Ren.
“OH MY GOD!" pasigaw niyang
reaksyon. “Don't tell me
na naniwala siya sa hula ko."
“Looks like it. Teka, nabasa mo na ba
ito?"
“Yeah Kei. Ang masasabi ko lang is
OMG! The story is awesome. Kahit tragedy iyung ending, IT'S REALLY AWESOME!
Ilang beses ko na ba itong nabasa? Nako! Mukhang kaya ko pa ngang i-recite ang
buong pangyayari. Wait a minute, naniniwala ba si Ren na mangyayari ito sa
kaniya?"
“Hindi ko alam pero kung pagbabasehan
ko ang inaasal niya ngayon, malamang oo. Nung nawala ka kasi kagabi, parang
nabuhusan ata ng malamig na tubig sa nangyari. He was so eager to find you.
Siguro nabasa mo na din iyung mga misfortunes ng bida sa kwento. Palagay ko ehh
maapektuhan magdesisyon nito si Ren," paliwanag ko.
“Talaga? Alin naman doon?"
“Na baka gawin ko siyang sex
slave?"
Narinig
ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. “Ano ba kasi ang pinagsasabi mo?"
“Alam mo ba may gusto si Harry kay
Ren? Kaya kailangan kong i-occupy ang utak niya by telling sex jokes,
innuendos, at iyung comment ko sa Facebook... na siguradong nakita mo."
“So are you telling me na kasalanan ko
pa iyun? Come on Kei. Sabihin mong coincidence lang iyung mga napili niyang
baraha."
“Pero paano? Masyadong gullible si
Ren. Unless may taong may lakas ng loob na sampalin siya para magising sa
katotohanan."
“Bakit hindi mo gawin? May karapatan
ka kasi kaibigan mo siya."
“Alexa, it's just hindi ako ang tamang
tao para doon. Well ganito. How about magpakita ka sa kaniya ngayon din para
matigil na ang kalokohang ito?"
“Hay nako Kei. I'm too languid to do
things like that. At isa pa, masyadong malayo ang Rizal sa Parañaque."
“Parañaque?" takang tanong ko. “Parañaque or Martin? Ang alam ko si Martin at ang
magulang- wait, kelan ang kasal? Kayo ha. Ang bilis. Parang si Marcaux at Keith
lang ahh."
“Aba. Nagsalita iyung taong hindi din
mabilis. Ano ka ba? Si Martin kasi, torpe lang. Matagal ko ng alam na may gusto
iyun sa akin. Tanong lang Kei? Ilang anak na ba ang nabuo sa utak mo habang
pinagpapantasyahan mo si Ren?"
“Kasing dami ng iniisip ni Martin.
Dalawang basketball team perhaps?"
Natawa
naman ito sa kabilang linya. “Hoy Kei! Huwag
mong itulad si Martin sa iyo! Baka si Marcaux ang tinutukoy mo at hindi si
Martin. So ano? Iyung pakikipagkita ko kay Ren, sa pasukan pa nga talaga Kei.
Ano na ang gagawin mo ngayon?"
“Wala akong magagawa. Baka kapag
sinampal ko siya ehh tuluyan na niya akong palayasin dito sa bahay niya."
“Bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo
ni Harry?"
“NAH~! Alam mo ba Alexa, kung kayo ni
Martin ay malapit nang ikasal, ganoon din ako. May pinaayos sa akin na babae
sila tito at tita."
“Hindi ba sila magagalit kapag ginawa
mo iyun? Tandaan mo na sa kanila nanggagaling ang allowance mo," alalang
wika niya.
“Ano ka ba Alexa? Gagawin ko ba ito
kung wala akong plano? At isa pa, sure akong iyun ang huling gagawin
nila."
“Kei, pwede ko ba malaman ang kwento
mo?"
“Ang kwento ko? Bakit naman?"
“Sa totoo lang, hindi ka pa
nagkekwento sa akin gaya ng, ano ang dahilan mo at bakit galit ka sa pamilya ng
pinsan mo?"
Humugot
naman ako ng isang buntong-hininga. “Well Alexa, ayokong magbago ang pagtingin mo
sa akin. Kapag kinewento ko, siguradong magbabago ang paningin mo sa
akin."
“Kung hindi mo alam Kei, tanggap namin
ang pagiging hardcore rapist mo kay Ren. At tsaka kung tunay kaming mga
kaibigan sa iyo, tatanggapin namin kung ano ka."
“Ren is just a tip of an
iceberg," mabilis na saad ko.
“That's a scary figure of
speech," natatakot na tono nito. “Ibig sabihin ba nito Kei, matagal mo nang
kilala si Ren?"
“Sort of. Kind of. Maybe."
“Pero ano ang kinalaman ni Ren sa
galit mo sa pamilya ng pinsan mo?"
“Enough na ata ang sinabi ko,"
natutuwang kong saad.
“Damn you Kei the cliffhanger!"
“By the way Alexa, kahit hindi ka na
magpakita sa kaniya sa pasukan. Mag-enjoy na lang kayo ni Martin."
“Ehh paano kung madaanan ko
siya?"
“Huwag ka ng mag-alala. Sigurado naman
ako na hindi ka na niya kailangan hanapin," wika ko na may pilyong tono.
“Hoy Kei! For real?! Gagahasain mo na
siya?" nag-alala niyang saad.
“Baka kasi ma-break ang sequence ng
kamalasan na mangyayari kay Ren," patuloy na pagbibiro ko.
“Potang ina mo Kei! Ikaw din!
Kailangan ng isang malakas na sampal ng reyalidad."
“O sige na. Ibababa ko na. Buti na
lang at may ilang online games na naka-install dito si Ren. Papalipas na muna
ako ng oras."
“Nagbago na ang isip ko! Bye!"
mga huling salita niya saka binaba ang phone.
Ugh!
Tiningnan ko naman ang wall clock kung anong oras na. 4:37pm na pala. Bakit
kapag wala si Ren ay ang bagal ng oras? Miss ko na siya. Miss na miss ko na.
Ren's POV
Eksaktong
7pm na nang nakarating na ako sa bahay. Nadatnan ko naman na naglalaro si Kei
ng League of Legends.
“Magandang gabi Ren," bati nito
na hindi nakatingin sa akin. “Nakahanda na
ang pagkain mo sa mesa."
Dumako
naman ako sa mesa at kumain. Pagkatapos ay paakyat na ako sa taas ng may
mapansin ako kay Kei. Lumapit ako at nakita ko naman kung gaano kabano ito
maglaro.
“Kei, anong rank mo?" tanong ko
dito.
“Huh? Rank? Bronze III," sagot
nito. Wow. Kawawa. Impyerno ang buhay.
Paakyat
naman ako ulit ako sa hagdanan ng may pumasok sa isip ko ang isang pangyayari.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noon sa convention. Hinawakan niya
ang kamay ko habang naglalakad papasok sa venue. Pero ni isang segundo noon ay
hindi ko naisip na bumitaw. The feeling that time is so nostalgic. Alam kong
sinabi niya na namatay na ang kababata niya? Pero paano kung ako iyun? Pero
hindi ko alam. Parang may mali dito.
Ugh
Ren! No! Huwag! Hindi dapat maging kayo ni Kei... muna. Nangako ka sa ninong mo
na wala munang landian.
Nagpatuloy
na lang akong umakyat sa kwarto ko. Palagay ko ehh may maliit akong problema na
lumalaki...
ITUTULOY…
nice author.. gandA
ReplyDeletejay
Waaaaaaaaaah flashback... sino kaya ang bagong kandidato sa pagiging pinuno baka sha c mr.lion ...
ReplyDeleteAuthor Nice update po sa kwnto mo nakkaaliw sana nga magtapat na si kei ky ren mas bagay silang dalawa.....
ReplyDeleteRegarding sa tanong mo isa lng ung jharz at jharz05
See you sa next update mo
Jharz
Wow, ang haba ng update pero nakakabitin pa rin..... Haixxt, sana si Kei at Ren na lang in the end....... :D salamat AUHTOR! ;)
ReplyDeleteamazing. More please? Update agad author.
ReplyDeleteAng ganda talaga ng flow. Super excited na talaga ako. Grabeng excited.
Salamat sa update. Nakakalito na hindi. Hahaha. Take care
ReplyDelete