Author's note...
Kung ang SM ay may 3-day sale, ako naman ay may 3-day release. Korni ng joke!
Hello ulit guys. Umm... ito talaga. Sinulat ko na talaga ito. Pangit iyung copy + paste lang iyung ginagawa. Mas maganda talaga kapag manual na ginagawa. So muli, heto na naman ang corny story ko. Ni-release ko lang kasi baka masipa (literal) na ako at para makabawi sa mga readers ko. Biruin mo ehh pinaantay ko pa ng February 14 para lang bumilis ang release ko. Aba'y hindi biro daanan ang February 14.
Muli and first of all, nagpapasalamat ulit ako kay sir Juha at kay sir Ponce/sir Allan. Salamat din po kay kuya Carlosblue at kay kuya Rye sa pag-promote ng boring story ko. Thank you po ulit. At isa pa, salamat din po sa mga readers at haters ko. Kung hindi dahil sa inyo... kung hindi dahil sa inyo... iyun lang. DROP THIS AND THIS IS GOING DOWN FO' REAL!
So dapat promote ko din ang mga story ng CO-RA's ko... pero hindi ko kabisado since... truly, iyung binabasa ko pa lang ay iyung series ni kuya Carlosblue at kay Vienne... pati kay CookieCutter. Try ko pong basahin sa inyo CO-RA's pag may time ako. Sorry talaga. Naka-focus kasi ako sa story ko... na mahirap isipin kasi kahit ako, hindi sigurado sa sinusulat ko. Hindi na nga ako sigurado kung sino itong si Mr. Lion ehh. Nakakasira ng utak letse! Lalong-lalo na iyung kay sir kuya Prinze Justin... Promote ako ng promote tapos hindi ko din babasahin. Mukhang tanga lang. Sorry talaga mga CO-RA's. So yeah. Na-feature din pala iyung nangyari sa All I See Is You ni kuya Carlos... and yeah. May kinalaman siya sa story. HETO NA ANG CHAPTER 3!
Chapter 3:
Genesis and Revelation
Keifer's POV
Lumabas
naman ako sa kotse at inalalayan si Harry papasok sa apartment. Pagkatapos ay
inalalayan ko naman siya sa kaniyang kwarto. Kinuha ko naman ang susi at
ipinasok sa key hole ng kwarto niya.
First
time kong makakapasok sa kwarto niya kasi hindi ako pumapasok sa kwarto niya at
ganoon din siya. Ang mga kwarto namin ay may mahabang pader na nakaharang para
hindi makita ang buong kwarto namin. Privacy Issues.
Nakapasok
naman ako sa kwarto niya at madilim ito. Hindi na ako nag-aksaya na hanapin ang
switch ng mga ilaw kasi alam ko naman kung saan ang higaan nito. Nakiramdam na
lang ako. Nang maramdaman ko na nasa bandang higaan na kami, inihiga ko siya sa
kama. Hinanap ko na ngayon ang switch ng ilaw.
Nang
binuksan ko ito, luamabas ako para kumuha ng bimpo at ng medyo mainit na tubig.
Bumalik ako sa kwarto niya. Pero nagimbal ako sa aking nakita. Sa nakadikit na
mga litrato sa board niya. Ito si... Ren na nakadikit sa board. Hindi ito
maari. Kelan pa ito?
“Oummm," ungol ni Harry. “Ren..."
Kalma
lang Kei. Kalma lang. Lumapit naman ako kay Harry para hubarin ang damit
pang-itaas niya. Nang tuluyan ko nang hinubad ang damit niya, bigla naman niya
akong pinatungan at dinaganan ang mga paa ko saka hinawakan ang magkabilang
balikat ko. Pambihira! Bigla siyang lumakas.
“Ren, akin ka lang," ani Harry
habang nakatingin sa akin.
Lasing
na talaga ang taong ito! Tiningnan ko naman ang slacks niya at bakat na bakat
na nga ang tarugo niya. Delikado! Magagahasa talaga ako nito ng wala sa oras.
“Ren, Ren," tuloy-tuloy nitong
sinasabi.
Iniyuko
niya ang kanyang ulo para halikan ako sa labi dahilan na nakahanap ako ng
pagkakataon para iuntog ang ulo ko sa ulo niya.
“Aray!" sigaw niya habang
namimilipit sa sakit ng kanyang ulo.
Nagtagumpay
ako sa ginawa ko. Ang brave ko para gawin iyun pero ang sakit din talaga ng ulo
ko. Naihiga ko siya ulit sa pagkakataong ito at mukhang nawalan na ulit siya ng
malay. Magiging mas maingat ako ngayon. Muntikan na talaga akong magahasa. Buti
na lang. May gusto lang pala si Harry kay Ren... which is more worst! Ilang
minuto ang nakakalipas, unti-unti nang nahimasmasan si Harry.
“Ughh! Ang sakit ng ulo ko," saad
niya habang bumabangon.
“Ano? Ayos ka na ba? Gising ka na ba
talaga?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Nilibot
niya ang kanyang paningin. Maya-maya ay nanlaki ang mata niya. “Kei," gulat niyang saad. “Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"
“Hindi mo naalala?" kunot-noo
kong tanong.
“Hindi importante iyun! Bakit nandito
ka sa kwarto ko?!" pasigaw niyang tanong. Like mother like son. Sana may
pag-asa pa ang pamilya na ito.
Binigyan
ko siya ng seryosong tingin dahilan na magkaroon ako ng kontrol sa kaniya. “Ano ang ibig sabihin nito?"
tanong ko na may konting diin. Hindi siya mapakali habang inaantay ko ang sagot
niya.
“K-Kei, I-I can explain,"
natataranta niyang wika. “May g-gusto
a-ako kay Ren d-dati pa kaya k-kinukuhaan ko siya d-dati ng mga litrato at kaya
nakalagay yan diyan f-for motivation. Yes tama! For motivation purposes
only!" pautal-utal niyang paliwanag.
Nasapo
ko ang ulo ko sa narinig. “Kapag pumunta
si tita dito at nakita yan at itatanong sa iyo ang parehas na tanong, sa tingin
mo ba, matutuwa siya sa nakikita niya? Sa tingin mo ba, magagawa mo ng paraan
ang pagiging homophobic ng mama mo?" wika ko sabay turo ulit sa mga
litrato. “Sagot!"
“Pero Kei, I'm sure maiintindihan
naman ako ni mama."
“Your mom is in a different issue.
Hindi mo iyan madadaan sa pagsuyo."
“Pero kung mahal nila talaga
ako," pakumpas niyang saad.
“Harry, your mom's wrath to homosexuals,
is UNIMAGINABLE!" diin ko sa salitang iyun. “She can kill almost a family! Kaya
kung ako sa iyo, tigilan mo ang kabaliwang ito and save Ren's life by doing
so!" paliwanag ko.
“Makakaya ko ito Kei. Kapag ako ang
susunod na mamuno sa pamilya natin, magagawa ko na ang gusto ko."
“Are you sure your mom will not
intervene?" tanong ko agad sa kaniya. “As long as your mom breathes, she will
intervene and intervene." Sa sumunod na segundo, hindi na siya mapakali.
Palagay ko ay nag-iisip talaga siya ng paraan.
Narinig
ko naman na bumukas ang pintuan ng apartment. Si tita! Ang bilis naman niya!
Nasa Laguna siya galing tapos... tapos... baka papunta talaga siya dito noong
tumawag ito kanina? Gawain nga pala ng nanay niya iyun. Ang tumawag muna saka
habang nasa byahe siya ay ipapaalam na papunta siya dito.
“Harry, nandyan na si tita. Lumabas ka
na at huwag mo siyang hahayaan makapasok sa kwarto mo," utos ko dito.
“Si mama?" Hindi. Papa mo gago.
Agad
siyang nagbihis at lumabas ng kwarto. Binuksan ko naman ng konti ang pintuan
para marinig ko ang usapan nila.
“Ma, napadalaw ka?" rinig kong
saad ni Harry.
“Anak, oh buti naman at ayos ka
lang," rinig kong saad ni tita.
“Bakit po ma? May nangyari po
ba?"
“Si Kei? Sabi niya nalasing ka
daw."
“Mahimbing na pong natutulog sa kwarto
niya ma."
“Akala ko kung ano na ang ginawa ni
Kei sa iyo."
“Nako naman ma. Wala po siyang gagawin
na masama sa akin. Magpinsan kami ehh."
“Kahit na anak. Don't let your guard
down sa kaniya."
“Aw ma! Masakit!"
“Anong nangyari sa ulo mo anak?"
“Wala po ito ma. Siguro nauntog lang
po ako."
“Baka naman anak mamaya niyan,
inuuntog na pala ni Kei ang ulo mo dahil lasing ka. Alam mo naman na may galit
sa akin iyun." Kung alam niyo lang na halos magahasa ako ng anak niyo.
“Ma, kasasabi ko lang na hindi niya
magagawa iyun."
“Nakakain ka na ba anak? Gusto mo bang
ipagluto kita?"
“Huwag na po kayong mag-alala ma. Kaya
ko na po ang sarili ko."
“Oo nga pala anak, pwede ko bang
makita ang kwarto mo kung malinis?" LAGOT!
“Ma, hindi niyo na po kailangan
tingnan ang kwarto ko. Ubod ako ng linis sa aking katawan kaya kahit kwarto ko
ay malinis din."
“I insist anak. Baka madumi."
Dali-dali ko naman tiningnan ang kabuuan ng kwarto ni Harry. Kailangan kong
mag-isip. Dali! Isip!
“Ma, hindi na po kailangan
talaga," nakarinig naman ako ng mga yabag na papunta sa kwarto ni Harry. “Ma."
“Bakit ba anak? May tinatago ka
ba?"
“Wala naman po ma pero..."
Buti
na lang at iyung board ay natatanggal dahil nakasabit lang ito sa isang pako.
Dali-dali ko itong kinuha at inilagay sa ilalim ng kama para hindi makita.
“Anong ingay iyun?" nagtatakang
tanong ng mama ni Harry.
Patay!
Papalapit na ang mga yabag. Nasa labas na sila. Nagtago agad ako sa aparador ni
Harry.
Nakita
ko ang pagpasok ni tita sa kwarto. “Wow. Ang linis nga," usisa ni tita.
“Sabi ko sa inyo ma ehh. Malinis
nga."
Hindi
pa rin umaalis si tita. Patuloy pa rin niyang inuusisa ang kwarto. Napansin
naman niya iyung sabitan ng board.
“Anak, para saan ito?" turo nito
nang napansin ang isang maliit na pako na sabitan ng board.
“Sabitan ko po iyan para po sa board
na ilalagay ko," pagdadahilan nito.
“Ganoon ba?" Nakita ko pa naman
na nakatingin siya sa aparador. “Ehh, iyung
aparador kaya? Organized ba?"
“Ma, hindi pa po ba kayo nagtitiwala
sa akin na wala akong tinatago sa inyo?" seryosong pagtanong niya.
Napatigil
si tita sa narinig. “Naniniwala
naman ako sa iyo anak." Lumabas naman sila at nakahinga rin ako ng
maluwag.
Lumabas
ako ng aparador at muli, tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Sa bandang bintana ay
may nakita akong maskara ng leyon na kayang takpan ang buong mukha. Tinago pala
talaga niya iyun. Well ayos na ang lahat since wala na dito si tita.
Dahan-dahan ko naman binuksan ang pinto para masiguro na wala na si tita.
Nadatnan ko naman na pabalik na si Harry sa kwarto niya.
“Nakaalis na si mama," saad niya
sa akin. Huminga naman ito ng malalim. “Salamat Kei."
“Walang anuman iyun." Dumiretso
naman ako sa pintuan ng kwarto ko at binuksan ito. “Pumasok ka," yaya ko.
“A-Ako? Papasok?" gulat niyang
saad.
“Since nakapasok na ako sa kwarto mo,
pwede ka pumasok sa kwarto ko." Pumasok naman siya at sumunod ako. Gaya ko
ay tiningnan niya ang kabuuan ng kwarto. “Oo nga pala Harry. Pagkatapos nito ay hindi
na ako papasok sa kwarto mo at ikaw sa kwarto ko."
“Naiintindihan ko," pagsang-ayon
niya.
“Maiba ako, nasa sa iyo pa pala iyung
maskara ng leyon na sinusuot mo tuwing pumupunta tayo sa kababata natin?"
naitanong ko bigla.
“Ahh! Oo. Iyun na lang ang huli kong
alaala sa kababata kong iyun," sagot niya sabay upo sa kama ko.
“Ganoon ba? Isang bagay nga pala,
pwede bang kontrolin mo ang pagnanasa mo kay Ren?"
Kumunot
naman ang noo niya sa narinig. “Anong sinasabi
mo?"
“Hindi mo maalala? Muntik mo na akong
magahasa kanina dahil sa pagnanasa mo kay Ren," pagpapaalala ko dito.
Nakita
ko na namula ang mukha niya sa sinabi ko. “P-Pero hindi naman kita na-ano h-hindi
ba?"
“Huwag kang mag-alala. Wala namang
nangyari," nakahinga naman siya ng maluwag sa narinig. “Pero iyung tungkol kay Ren,
siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa kaniya," seryoso kong
saad.
Umiba
naman ang tingin niya sa akin. “Kei, may gusto
ka ba kay Ren?" seryoso niyang tanong.
“Hindi gusto ang tamang salita para
diyan Harry," sagot ko. “Ang tamang
salita para diyan ay responsable. Alam mo naman na alam ko ang kabalbalan ng
pamilya mo."
“Talaga lang haa?" saad niya saka
tumayo. “Mabuti na ang
malinaw. Matutulog na muna ako saglit haa. Ikaw na ang magluto ngayong
gabi," sabay lumabas ng kwarto ko.
Pambihira
ahh. May gusto din si Harry kay Ren. Hindi ako makakapayag na may mangyaring
masama kay Ren. Binuksan ko naman ang kompyuter na nasa kwarto. Nag-Facebook
muna ako para tumingin sa group page ng school. Naging sikat bigla iyung
nasaksihan namin kanina na paggala ng ‘The Antagonist' sa school grounds at ang
lahat ay nagtatanong kung sino iyung lalaki na inaakbayan ni Paul. Surely na
hindi niya boyfriend iyan kasi may girlfriend si Paul. Nag-browse pa ako ng
ibang litrato. Nakita ko naman iyung solong litrato ng misteryosong tao na
pinag-uusapan nila. Nakita na kaya ito ni Harry? Sana hindi pa.
Naalala
ko na naman ulit ang kasamaan na ginawa ni tita sa mga magulang ko, sa mga
kapatid ni mama at sa mga pinsan ko. Dahil sa kanila kaya namatay sila. Binuhay
lang nila ako dahil naawa si tito sa akin. Nagsisisi si tito dahil hindi niya
napigilan ang magulang niya na umabot sa ganoong desisyon. Dahil isa ako sa mga
kandidato na mamuno sa pamilya nila. Ang totoo, galit na galit ako sa pamilya
nila. Tinago ko ito sa lahat, ang galit ko kay tito at sa pamilya nila. Wala
akong balak pamunuan ang pamilya na ubod ng sama. Wala ng gamot ito. Paano na
lang kaya kapag nalaman nila ang tungkol sa isang bagay na hindi dapat nila
malaman? Magbabago ba ang mga desisyon nila kapag nalaman nila ang katotohanan?
Mababago ba si Harry ng pag-ibig? Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ako
makakapayag.
Ginawa
kong screensaver sa phone ko ang litrato ng misteryosong tao na pinag-uusapan
ng school. Sa tingin ko, ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay magtiwala.
Magtitiwala ako na hindi mangyayari ang mga bagay-bagay na iniisip ko.
Malapit
ng kainin ng kadiliman ang liwanag ng araw nang naghihintay ako sa bike ni Ren.
“Magandang gabi Kei," bati niya
sa akin.
“Magandang gabi din Ren," bati ko
din sa kaniya. “Salamat nga
pala sa bigay mong tsokolate kahapon," ngiti ko.
“Ahh mabuti naman at hindi kinain
lahat ni Harry." Ang totoo niyan kinain niya lahat. “May problema ba Kei?" tanong
niya.
Umiling
naman ako. “Wala naman.
Sige una ka na. May kailangan pa akong gawin sa school," sagot ko.
“Sige Kei, ingat ka ha."
“Ikaw din."
Sinundan
ko na lang siya ng tingin. Ren...
Ren's POV
Malapit
ng kainin ng kadiliman ang liwanag ng araw nang ako'y umuwi. Habang papunta sa
parking lot, nakita ko si Kei na naghihintay.
“Magandang gabi Kei," bati ko
dito.
“Magandang gabi din Ren," bati
din niya sa akin. “Salamat nga
pala sa bigay mong tsokolate kahapon," ngiti niya.
“Ahh mabuti naman at hindi kinain
lahat ni Harry." Napansin ko naman na nananahimik lang ito ng nilampasan
ko siya. “May problema ba
Kei?" tanong ko.
Umiling
naman ito. “Wala naman.
Sige una ka na. May kailangan pa akong gawin sa school," sagot niya.
“Sige Kei, ingat ka ha.
“Ikaw din."
Tumuloy
naman ako paalis. Pakiramdam ko ay may problema siyang dinadala? Ano kaya iyun?
Pero parang ayaw naman niyang pag-usapan. Sana man lang, kinausap ko pa siya ng
matagal para malaman ko man lang kung ano ang bumabagabag sa kaniya.
Lumipas
ang maraming araw at one week na bago matapos ang semester na ito. Wala namang
notable na nangyari sa aming tatlo pero mas naging close kami nila Harry at
Kei. Okay naman ang banda and so far.
Isang
araw, Sabado nun at wala daw kaming... or silang rehearsals sa araw na iyun
dahil may magaganap na aminan. Wow naman. Lampas 6pm na at galing ako sa
library ng eskwelahan dahil may interesanteng libro akong nabasa. Medyo
nababato ako sa bahay dahil ilang araw ding hindi pumupunta sila Kei at Harry.
Ewan ko ba pero nasanay ako na bumibisita sila isang beses sa isang linggo.
Nasa
gate na ako halos ng makita ko si ate Erika na may kausap. Baka
nakikipaglandian na naman. Nagtago ako para makinig sa usapan nila. Kausap niya
iyung nakasalamin na tao na kasama ni Daryll noon sa party. So ito pala iyung
maswerteng lalaki? Kasing plain looking ko lang ito pero baka ito ang inaantay
ni kuya Joseph.
“So it's Joseph," rinig kong saad
ni ate Erika.
“Huh... alam mo?" kunot ang noong
tanong niya. “Sinabi sayo ni
Joseph?"
“Yeah Franz. Pero si Daryll? Di ba
kayo?"
Aba-aba.
Ano ito? Love triangle? Franz pala ang pangalan niya. At boyfriend din niya si
Daryll? Whoah. Haba ng buhok ni kuya. Baka may balak pa si ate Erika na agawin
ang taong ito mula sa kanila.
“Umm, Erika," saad nung Franz.
“Naging kaibigan ko na si Joseph pero
pinsan ko si Daryll," saad ni ate Erika. So may gusto din ata itong si ate
Erika kay kuya Joseph.
“Umm... si Joseph kasi..."
“Mahal mo siya. Hindi ba mas mahal mo
si Daryll?" Babae, anong ginagawa mo?
“Erika, naguguluhan parin ako. Pero
kasi, ayoko mawala si Joseph. Ayoko..."
“Ehh si Daryll?" Ano ba?
“Erika naman ehh... Di ba eto gusto
mo? Si Joseph na nga yung pinipili ko ehh."
“Franz, si Daryll. Mahal na mahal ka
niya?"
“Oo I know. Mahal ko din siya. Haixt,
akala mo ba ganun kadaling mamili. Si Joseph, mahal ko siya. Naman kasi
ehh." Nakita ko naman na tumulo ang luha niya. “Erika, mababaliw na ako."
“Franz, bakit si Joseph?" Kelan
titigil sa pakikialam ang babaeng ito?
“Uhmm mahal ko siya. Aixt! Pero mahal
ko din si Daryll. Pero tama kasi si Joseph ehh... Masaya naman kami dati. Nung
kaming dalawa lang. Yung kahit hindi kami. Masaya kami."
“Naging masaya ka naman kay Daryll di
ba?"
“Oo. Masayang masaya."
“Bakit hindi si Daryll?"
“Alam mo Erika, nakakainis ka."
Sapakin mo nga iyang babaeng iyan. “Aixt! Mahal ko si Daryll. Haixxt! Uuwi na nga
ako," simangot niya. Aktong tatalikod siya ng hawakan ni ate Erika ang
braso niya.
“Franz, wait!" Mukhang si ate
Erika pa ang magko-confess ahh.
“Erika."
“Si Joseph ba talaga?"
“Uhm I don't know. Ewan. Dinala ako ng
mga paa ko dito eh. So I think, siya talaga. Bahala na."
“Mahal ka ni Daryll. Sobra."
“I know. I know. Aixt!"
“Tatanungin kita uli. Si Joseph ba
talaga?"
“Uhmm yes. Uhmm ewan." Magulo din
itong taong ito. Si ate Erika kasi ayaw manahimik ehh. Napabuntong-hininga
naman si ate Erika at tumingin sa orasan niya.
“Franz, 6:30 pa lang."
“Maaga ba ko?"
“Yeah. Franz, kung si Joseph talaga,
puntahan mo muna si Daryll. Mag-sorry ka. Tapusin mo na rin yung sa inyo."
“Masasaktan siya Erika."
“Yeah. Pero ganon talaga ehh. Please
Franz, puntahan mo muna siya. Maaga pa naman ehh."
“Pero pano si Joseph?"
“Aantayin ka namin dito. Papahatid
kita sa driver ko," saka may tinawagan sa phone. Ilang sandali naman ay
dumating ang isang kotse.
“Pakisabi kay Joseph, antayin niya ko
huh."
“Sure," saad ni ate Erika at
sumakay si Franz sa kotse at umalis.
Umalis
na rin ako sa pinagtataguan ko at tumuloy sa parking lot. Paglingon ko kay ate
Erika, may kausap ito sa phone. Ang swerte naman ni kuya Joseph dahil siya ang
pinili. Ako kaya? Magkakaroon kaya ako ng sariling love triangle experience?
Well baka wala. Dapat umuwi na ako ng maaga dahil nagyaya sila Harry at Kei na
pumunta sa Enchanted Kingdom.
Kinabukasan,
12pm at nasa Enchanted Kingdom kami. Sumakay kami sa Space Shuttle Max, Rio
Grande Rapids, Jungle Log Jam, Anchors Away, Wheel of Fate at marami pang iba.
“First time mo Ren?" tanong ni
Harry.
“Yeah. First time ko dito. Kasya kaya
lahat to sa bahay ko?"
“Tumigil ka diyan Ren. Sabi mo ayaw
mong magpapansin sa mga tao tapos maglalagay ka ng Ferris Wheel sa likod-bahay
mo," saad ni Kei.
Naglalakad
kami para maghanap ng rides ng mapahinto kami sa isang haunted house. Tumingin
naman ako sa paligid at napansin ko na walang pumapasok sa Haunted House.
“Guys, pwede bang pumasok ako ng
mag-isa?" hiling ko.
“Mag-isa? Kaya mo?" alalang
tanong ni Harry. Tumango naman ako.
“Bakit? Takot kayo?" natatawang
tanong ko. I can smell their fear.
“H-Hindi n-naman," nauutal na
sagot ni Kei. “O sige na!
Takot na kami!" I knew it!
“Ingat ka lang Ren. Mag-aantay na lang
kami dito sa labas," wika ni Harry.
Pumasok
naman ako sa Haunted House ng may napansin akong may tao na nakatayo sa hindi
kalayuan. Naka-suit ito at naka pantalong itim. Kasingtangkad niya sila Kei at
Harry. Pero nakasuot ito ng maskara ng leyon at sa tingin ko ay natatakpan ang
buong ulo. Meron pa siyang suot na medyo makapal na gloves at ang mga gloves na
ito ay parang sa kamay ng leyon. Ang init naman ata ng suot niya. Pero sa
sandaling iyun, bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kaya? Siguro dahil
kinakabahan ako. Ito ang unang beses na makikita ko ang stalker ko na si Mr.
Lion. At isa pa, parang pamilyar siya sa akin. Lumakad naman ako palalapit sa
taong ito. Makakausap ko kaya siya?
“Tired of playing hide-and-seek aren't
we? Sabihin mo, ikaw ba si Mr. Lion na stalker ko?" tanong ko.
“Mr. Lion pala ang tawag mo sa akin.
Nakakatuwa," saad niya. Ginagamit pa rin niya ang kakaibang boses na
halatang computer generated.
“Nag-iiwan ka ng mensahe na may mukha
ng leyon, nakasuot ka ng maskara ng leyon at tsaka iyung kamay mo ehh sa leyon
din. Tatawagin na lang kitang si Mr. Tiger. Genius mo din ano," inis kong
saad dito.
Narinig
ko naman na tumawa ito ng mahina sa sinabi ko. “Oo na. Halika. Tumuloy na tayo at
maglakad-lakad?"
Sumunod
naman ako sa sinasabi niya. Habang nasa loob, tinatakot kami ng mga
nagtatrabaho sa lugar. Pero hindi sa kanila ang focus ko. Nakatingin lang ako
sa likod niya.
“Natatakot ka ba?" untag na
tanong niya sa akin.
“Natatakot? Bakit ako matatakot? Totoo
ba sila?" sagot ko na patanong.
Narinig
ko naman na natawa siya ng konti. “Matapang na bata."
“Pero kung totoo sila, tumakbo na ako.
Mahirap na."
“Ganoon ba?" Hay nako! Ano ba ang
gustong sabihin ng taong ito. Non-sense siya kausap. “Sa tingin ko iniisip mo na walang
saysay akong kausap."
“Buti alam mo!"
Tumigil
naman kaming pareho sa paglalakad. “Ren, alam mo ba na ang mundo ay puno ng
kasinungalingan?"
“Alam ko," mabilis kong saad.
“Ang mga tao ay madaling napapaniwala
at madaling maloko. Dahil sa kasinungalingan, nagugulo ang mundo. Dahil sa kasinungalingan,
may mga bagay na dapat sa kanila pero hindi nila ito nakuha. May mga naloko sa
maling akala dahilan na may buhay na naibuwis. May mga tao namang niloloko nila
ang kanilang sarili at pinapaniwala sa isang imposibleng bagay," mahabang
paliwanag niya. Kung makapagsalita siya, parang hindi siya tao.
“Ano ba ang gusto mong ipunto?"
kunot-noo kong tanong.
“Mag-ingat ka sa kasinungalingan ng
mundong ito. Kahit sa mga kaibigan mo," sagot niya.
“Then sabihin mo sa akin. Ano ba ang
binabalak mo sa akin? Nakakapasok ka ng bahay ganito ganyan. Ginagawan mo ako
ng pagkain pero parang wala kang masamang intensyon."
“Sigurado ka ba na walang akong
masamang intensyon sa iyo?" tanong niya sa akin.
“So meron ba talaga?" Tinuon ko
naman ang buo kong atensyon sa kaniya para malaman ko kung nagsasabi siya ng
totoo.
“Ewan," tipid na sagot niya. Ay
grabe hindi na lang sinagot ang tanong ko ng maayos. “Sana nga, iyang kakayahan mo na
malaman kung nagsisinungaling ang isang tao sa iyo ay dapat mong pakinabangan
ng maayos. Ren, dapat mong malaman. Tayong lahat ay may suot na maskara sa
ating mukha. Ang iba naman ay mas magaling kesa sa atin. Kahit wala silang suot
na ganito, may suot pa rin silang maskara." Tinuro nito ang kanyang
maskara.
“Ano ba ang gusto mong sabihin?
Paghinalaan ko lagi ang mga kaibigan ko?"
“Parang ganoon na nga. Hindi mo alam
isa sa kanila ang magtatangka na patayin ka. Baka isang araw ehh matulog ka na
ng habangbuhay."
“Ibig sabihin ba nito ehh isa ka din
sa magtatangaka na patayin ako?"
“Pwede. Pwedeng oo or pwede ring
hindi." Natahimik naman ako sa aking nakuhang sagot. Kinakabahan talaga
ako sa mga sagot niya. Pero ito namang ginagawa ko ehh YOLO mode on.
“By chance, nagkita na ba tayo dati
Mr. Lion?" tanong ko.
Natahimik
naman siya ng ilang segundo. “Oo at
hindi," sagot niya.
Ganda
ng sagot thank you. Pero alin doon? Palagay ko kasi, totoo ang sinasabi niya...
sa oo at hindi. Pero may ganoon ba?
Narinig
ko naman na tumawa siya ng payak. “Alam mo, magkita na lang tayo sa susunod.
Magpapaalam na ako sa iyo," saad niya sabay lumakad siya sa isang kanto.
Tumakbo naman ako para habulin siya pero wala na siya doon.
Ano
ba iyan. Saglit ko lang siya nakita. Lumabas na ako ng haunted house at
sinalubong ako ni Kei.
“Ren, buti naman at nakalabas ka
na," masayang saad ni Kei.
“Si Harry? Asaan?" tanong ko.
“Si Harry ba? Umalis siya. Sabi niya
babalik daw siya." Kita ko naman na lumapit si Harry sa amin. “Andito na pala siya."
“Ren, tapos na ba?" tanong ni
Harry.
“Oo naman," pilit na ngiti kong
saad. “Oo nga pala
Kei, may nakita ka bang naunang lumabas bago ako?"
“Huh? Wala naman Ren. Ikaw lang ang
tao na pumasok," sagot niya. Ganoon ba?
“Tara. Magmiryenda na tayo," yaya
ni Harry.
Umalis
na kami sa lugar at pinag-antay nila ako sa isang bench. Umalis sila pareho
para bumili ng makakain. Habang nag-aantay, may isang nakamaskot na leyon ang
lumapit sa akin at binigyan ako ng asul na lubo at kinuha ko naman ito.
Somehow, the feeling is so mutual. May lumapit namang mga bata sa kaniya at
nakiusap na bigyan siya ng lobo.
「“Ren,
gusto mo ng lobo?" tanong sa akin ni kuya.
“Opo kuya. Gusto ko po ng mga lobo.
Gusto ko po iyung kulay asul," sagot ko.
“Sige Ren. Bibilhin ko lahat ng asul
na lobo dito," saad ni tatay kahit alam kong nagbibiro lang ito.
“Ikaw naman tay. Huwag mo naman biruin
si Ren," saad ni nanay.」
A-Anong
alaala iyun? Hindi ko maintindihan. Hindi ko ba first time sa lugar na ito?
Nanay? Tatay? Kuya? Hindi ko maintindihan. Nabitawan ko naman ang lobo ko at
sakto naman na dumating sila Harry at Kei. Patuloy ko pa rin tinitingnan ang
lobo na papalayo.
“Pasensya na sa paghihintay“ saad ni Harry.
“Heto Ren." Inabot sa akin ni Kei
ang mga pagkain pero hindi ko ito pinansin.
“Ren?" Tinapikan akko ni Harry.
Nagising naman ako sa aking pagkakatulala. “Okay ka lang ba?"
“Ahh! Oo," agad kong sagot.
Kinuha ko naman ang pagkain na binibigay sa akin ni Kei.
“Ren, sa iyo ba iyung asul na lobo na
iyun? Sino ang nagbigay?" tanong ni Harry saka tumingala.
Tumingin
naman ako sa paligid. “Uhmm... Iyung
mascot na leyon ang nagbigay. Ugghhh!" bigla naman akong namilipit sa
sakit ng ulo ko.
“Ayos ka lang Ren?" pag-aalala sa
akin ni Harry.
“Kailangan na ba nating umuwi?"
si Kei.
“W-Wala." Nawala naman ang sakit.
“Okay lang ako.
Hindi na masakit."
“Sigurado ka lang?" magkasabay
nilang sinabi ni Kei at Harry. Nagkatinginan naman sila at tumawa ng payak.
“Bakit?" tanong ko sa kanila.
“Wala," magkasabay na sagot nila
ulit.
“Ewan ko sa inyo. Tara. Kainin na
natin ang mga pagkain na ito at marami pa akong rides na susubukan."
Patuloy
naman namin ini-enjoy ang Enchanted Kingdom. Pero hindi pa rin maalis sa isip
ko ang naalala ko. Masayang-masaya ako kasama ang pamilya ko sa Enchanted
Kingdom.
Gabi
na at paalis na kami.
“Guys, hindi na muna ako sasabay sa
inyo. Mauuna na ako sa inyo okay lang ba?" tanong ni Kei.
“Okay lang Kei," pagpayag ko. “Bakit nga pala?"
“May mga bagay akong dapat asikasuhin
Ren. Harry, ikaw na lang ang maghatid sa kaniya okay lang ba?" tanong
niya.
“Okay lang. Pabor nga sa akin
ehh," sagot ni Harry. Pabor?
“Sige Ren. Alis na ako. Harry, huwag
ahh," paalam ni Kei at tumakbo paalis.
“Sige Kei. Mag-ingat ka." Kumaway
ako. Nawala naman siya sa aming panigin. “Bakit parang may mga encrypted messages ang
mga sinasabi ninyo?" tanong ko kay Harry.
Ngiti
lang naman ang sinagot sa akin nito. “Tama na Ren. Umalis na tayo dito," yaya
niya.
Sa
sasakyan, habang minamaneho niya ang kotse, tahimik lang siya at naka-focus sa
daan. Ako naman ay nakatingin sa labas. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang
alaala na nag-flash sa utak ko. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Pero teka, hindi
ngayon ang panahon para diyan. Isang awkward moment ito Ren na hindi ka
nagsasalita. Ren, isip ka ng topic. Magsasalita na ako ng nauna siya.
“Kumusta na pala ang Music Club?"
tanong niya. Isang magandang topic. Good job Harry.
“Well okay naman ang lahat,"
sagot ko.
“Okay ang lahat? As in matatalo na
natin for sure ang winner ng Battle of the Bands last year?" natatawa
niyang tanong.
“Grabe ka naman. Okay lang naman. Wala
naman akong sinabi na sigurado kaming mananalo sa Battle of the Bands."
Tumawa
naman siya ng payak. “Pero gagawin mo
ba ang lahat para manalo kayo?"
“Yeah. Kahit mandaya,"
sarkastikong saad ko.
“Whoah! Sigurado ka?" gulat niya.
“Joke lang." Tumawa lang kami
parehas.
“Pero seryoso? Kahit mandaya ka?"
“Hindi no. Gagawin namin ang lahat
manalo lang kami. We will win with our pure skills... kahit hindi ako
kasali."
“Ren, itong susunod na tanong ko, sana
hindi ka magalit." Ano ito? Another half a million peso question mula kay
Harry?
“Ano naman iyun?"
“Hindi ka ba naa-atract sa
kanila?"
“Anong ibig mong sabihin?" kunot
noo kong tanong.
“Well kung napapansin mo, ikaw lang
ang simple sa Music Club."
“I'm well aware of that. Pero sa
tanong mo kanina, ano ang ibig mong sabihin?"
“Anong ibig sabihin? You mean pag-ibig
or pag-ibog?"
“Pag-ibog? Ano iyun."
“Libog ba," diretso niyang sagot.
“Ganda ng term ahh. Bago? Grabe naman
iyang tanong mo ngayon Harry. Pero teka ha. Hmm..." Napaisip naman ako. Ay
pinag-isipan talaga kahit wala naman talaga haha. “Si kuya Ethan, gwapo, si kuya Jonas
din kaso taken, si kuya Joseph kaso taken, si kuya Paul ganoon din, lalong-lalo
na si kuya Blue. Bad news Harry wala."
“Anong ibig sabihin ng sagot mo? Kung
hindi sila taken, pwede?" pangungulit pa nito.
“Hindi din. Ayoko lang talaga. Kung
natatandaan mo ang sinabi ko noon..."
「“Pero
okay lang ba sa iyo na may manligaw na lalaki sa iyo?" isa na namang half
a million peso question ulit na galing kay Kei.
“Okay lang kaso asahan na nila ang
rejection agad since pag-aaral daw muna ang priority ko... sabi ni
ninong," sagot ko.」
“Wala talaga I see."
“Bakit mo naman naitanong?"
“Naitanong ko lang. May isa pa akong
pero tanong. Mamaya kung saan pa mapunta ang usapan ehh. Masaya ba sa Music
Club?"
“Oo naman," agad kong sagot.
“Saan ka mas masaya? Kasama kami ni
Kei o ang Music Club?" Biglang naging multiple choice ang tanong ahh.
“Why not both? Malamang. Pareho,"
nakangiting saad ko ulit. “Ayoko mamili
kung saan ako masaya. Basta ang alam ko, masaya ako sa inyo pareho."
Ngumiti naman din siya.
“Buti naman at madalas ka nang
ngumingiti ngayon."
Kumunot
naman ang noo ko sa narinig. “Bakit? Hindi ba
ako ngumingiti kanina?"
Tumawa
naman ito saglit. “Nang dumating
tayo doon, kita ko naman ang kasiyahan mo. Nung pumasok ka sa haunted house,
parang nawala ang saya mo. Ngumiti ka lang ng pilit. At noong iniwan ka namin
sa bench para bumili ng pagkain." Natahimik naman ako. “May nangyari ba?"
“Wala naman," walang emosyon kong
sagot.
“Sinungaling." Nahuli ako. “Umamin ka na. May ebidensya din kaya
ako. At tsaka kilala kita kung may bumabagabag sa isip mo."
“Asaan naman ang ebidensya mo?"
tanong ko.
“Ako," mabilis na sagot niya.
“Ikaw?"
“Kitang-kita ko na Ren. Inaantay ko
lang na magsalita ka." Napaisip naman ako kung ano ang idadahilan ko. “Sabihin mo na. Kung siguro ako ang
naging boyfriend mo, ilalabas ko iyan sa bibig mo sa paraang gusto mo."
Tumawa siya ng payak.
Nagulat
ako sa sinabi niya. “Sa paraang
gusto ko? Ano ang ibig mong sabihin? Suhol?" kunot noo kong tanong. “Harry, magtigil-tigil ka ha. Ikaw
iyung taong iniiwasan ang mga maseselang topic tapos ikaw naman pala ang
magsisimula."
Tumawa
naman siya ng payak ulit. “Oo. Pero
seryoso, sagutin mo na ang tanong ko. Malapit na tayo sa bahay mo."
Tumingin na naman ako ulit sa labas.
“May na-realize lang kasi ako."
“Ano naman?"
“Siguro oras na para magkaroon ako ng
kasama sa buhay. Kasama na sumisigaw sa haunted house para hindi naman ako
maboring," pagsisinungaling ko at malumanay na sinasabi para hindi
mahalata. Ayokong sabihin iyung mga naalala ko na hindi na first time na
nakapunta ako sa Enchanted Kingdom.
“Ibig mong sabihin, jowa?"
Nanahimik naman ako. Nako ganoon ata ang ibig sabihin ng sinasabi ko.
Ilang
sandali lang ay nakarating na ako sa bahay. Mukhang hindi magandang palusot
iyun ahh? Bumaba naman ako sa sasakyan.
“Mag-iingat ka pauwi Harry,"
nakangiting paalam ko dito.
“Magandang gabi Ren," nakangiti
din niyang saad.
Pinagmasdan
ko naman ang sasakyan niya na paalis. Mukhang maling dahilan ata ang pinili ko.
Sana naman ehh hindi niya bigyan ng ibig sabihin iyun pero parang meron na ata.
Pero
naguguluhan pa rin ako sa naalala ko kanina. Hindi ko first time na makapunta
sa Enchanted Kingdom. May kasama ako doon. Ang kuya ko at ang tatay at nanay
ko. Pero sabi ni ninong, patay na sila noong ipinanganak ako.
Ano
ba ang totoo? May alam kaya si Mr. Lion sa aking nakaraan? May alam kaya si
ninong? Naguguluhan ako. Paano kung isang araw, malaman ko na ang buhay ko
talaga ay puno ng kasinungalingan? Ano ang gagawin ko?
Keifer's POV
Patuloy
naman namin in-enjoy ang Enchanted Kingdom. Gabi na at paalis na kami.
“Guys, hindi na muna ako sasabay sa
inyo. Mauuna na ako sa inyo okay lang ba?" paalam ko.
“Okay lang Kei. Bakit nga pala?"
tanong ni Ren.
“May mga bagay akong dapat asikasuhin
Ren. Harry, ikaw na lang ang maghatid sa kaniya okay lang ba?"
“Okay lang. Pabor nga sa akin
ehh," sagot ni Harry. Pabor talaga haa.
“Sige Ren. Alis na ako. Harry, huwag
ahh," paalam ko sabay tumakbo paalis.
“Sige Kei. Mag-ingat ka," pahabol
ni Ren at kumaway.
Sa
hindi kalayuan, nakita ko rin ang sasakyan na susundo sa akin. Nakakaasar naman
kasi. Pag-uusapan agad ang kasal. Si tita kaya ang may pakana o si tito?
Kailangan talaga nila ng assurance? Sa tingin ko naman alam na nila iyun.
Bumukas naman ang pintuan ng kotse.
“Ikaw pala iyan Bash!" bati ko
dito.
“Gerard nga sabi!" reklamo niya.
Siya
si Gerard Faustiano. Mas matanda sa akin ng walong taon. Kasingtangkad ko lang
ito pero maganda ang pangangatawan. One word. Gwapo. Talong-talo ako. Anak siya
ng isa sa mga loyal na tauhan ng tatay ko. Defaultly... wait, gumagawa ako ng
new meaning pero defaultly ang gusto kong term. Defaultly, kaibigan ko siya...
sana. Hindi kasi porke't loyal ang ama niya sa tatay ko ehh magiging ganoon na
din ito sa akin. Naghihinala ako na baka mga spy to ni tita. Mahirap na. Also
bakit nga pala Bash ang tawag ko sa kaniya? Gusto ko kasi magkaroon ng butler
na ang pangalan ay Sebastian. Since apelyido ni Blue ay Sebastian, Bash na lang
ang palayaw na ibibigay ko. Pero since magdudulot ito ng kalituhan, Gerard na
nga ang ipapangalan ko.
“Ayos ba ang lahat?" tanong ko
dito.
“Ayos naman. Pasok ka na." Umupo
naman ako sa likuran ng kotse.
“Pasensya na at pinatawag pa kita.
Kailangan kasi," pagdispensa ko dito.
“Okay lang. Mission accomplished naman
ako ehh. At tsaka madadaanan naman talaga kita dito." Sinimulan naman
niyang paandarin ang kotse.
“May alam ka ba sa irereto nila tito
at tita sa akin?" tanong ko.
“Naalala mo iyung kalaro ni Harry? Si
Janice?" sagot niya.
“Janice? Janice Marasol?" gulat
kong tanong habang nakaangat ang ulo ko at tumitingin sa bubong ng kotse.
“Yeah. Iyung babaeng iyun,"
pagkumpirma niya sa tinutukoy ko.
“Isa sa mga anak ng kaibigan ni tita.
Great! Bakit hindi na lang ibigay sa anak nila?" reklamo ko.
“Ayaw mo nun pre? Ang ganda kaya ng
babae," pagpuri niya.
“Alam ko naman pre pero I am bound to
the past and can't still move the hell on."
“Wow! Christian Castillo? Is that
you?" pabirong tanong niya sa akin.
“Ay grabe. Nagsalita si 8 years
version ni Christian Castillo," comeback ko sa kanya. “Teka nga, ginagawa niyo bang trend
ang pangalan ni Christian Castillo as a meaning na hindi marunong mag move on
at paano niyo nalaman?"
“Oo. At isa pa, may tenga ang lupa,
may pakpak ang balita. May tinatawag tayong internet."
“Gago!" nasabi ko.
“Iyung kababata mo pa rin talaga. Baka
bangkay na iyun?" sabay tawa ng payak.
“Yeah. Baka bangkay na nga iyun,"
sabay nakitawa din ako sa kaniya.
Hinatid
naman ako ni Gerard sa apartment namin ni Harry.
“Salamat sa paghatid sa akin
Gerard."
“Walang anuman. Siya nga pala,
magbabakasyon lang ako sa amin sa susunod na linggo. Okay lang ba?" tanong
niya.
“Okay lang. Ingat ka Gerard."
Bumaba na ako sa kotse.
Si
Gerard ay nag-aaral sa Saint Ambrose University. Information Technology ang
pinag-aaralan niya at 2nd year na din siya sa susunod na pasukan. Nag-aral pa
talaga. Well kailangan dumaan sa proseso at iyun ay ang mag-aral siya sa
college para makuha iyung diploma. Kaya naman niya iyun.
Umalis
naman agad to ng ilang segundo lang ang nakakalipas. May lakad. Pumasok agad
ako sa apartment at dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang kompyuter kasi
sa Skype daw kami mag-uusap nila tito.
Nang
maka-login na ako, nakatanggap agad ako ng notification mula sa kanila.
Binabantayan ba ako ng mga taong ito? Sinuot ko agad ang headset ko saka
sinagot ang tawag nila.
“Ohh Kei, kumusta na?" masiglang
bati ni tito.
“Okay lang po tito. Kayo po, kumusta
na?" ngiti ko ding bati dito.
“Okay lang. Hindi mo ba kukumustahin
ang tita mo?"
“Kumusta po tita?" ngiti ko ulit
dito.
“Mabuti naman Kei," ngiti ding
ganti ni tita sa akin. Plastik.
“Siya nga pala Kei, gusto kong umuwi
ka ngayong bakasyon. Gusto kong ipakilala ang mapapangasawa mo," masiglang
wika ni tito.
“Po? Talaga?" ngiti kong saad
din. Pero ang totoo, hindi ako natutuwa. “Pero tito, may lakad po ako sa darating na
sabado at tsaka po-"
“Wala ng dahilan Kei. Kailangan mong
makilala ang pakakasalan mo naiintindihan mo ba?" saad sa akin ni ninong
pagkatapos putulin ang sinasabi ko. Palagay ko ehh utos na ito.
Nawala
saglit ang ngiti sa labi ko. Persistent. “Pero tito, bakit po ako? Bakit hindi na lang
si Harry? Dahil po ba sa nangyari sa pamilya ko?"
“How dare you Keifer!" sigaw ni
tita. Pinigilan naman ito ni tito.
“Bakit po ayaw niyong aminin sa akin
ang dahilan?" nakangiting tanong ko dito.
“Kei, huwag na natin ungkatin ang
nakaraan," sagot ni tito. An unacceptable answer.
“Umm... tito, gusto ko na pong matulog
kasi pagod na po ako. Kung wala na po kayong ibang sasabihin, pagpahingahin
niyo po ako. Hayaan niyo po tito, uuwi po ako diyan sa bakasyon."
“Ganoon ba Kei? Aasahan ko iyan.
Sabihan mo na rin si Harry na umuwi," pagpapaalala nito.
“Siguraduhin mo lang!" singit ni
tita.
“Hilda, tama na!" pagpapatigil ni
tito.
“Magandang gabi po sa inyo,"
pakanta kong paalam at tinapos ang conference call.
Heh?
Ano ba ang magagawa ni tito kapag hindi ako papayag? Sino ba siya sa inaakala
niya? Alam kong kaya mo akong patayin tito pero ngayon, hindi pwede. Hindi mo
ako mapipilit. Kahit ikaw tita. Wala kang magagawa.
Pagkatapos
patayin ang kompyuter, lumabas ako para maghanda ng pagkain ng makasalubong ko
si Harry na nakangiti. Anong meron?
“Ohh Harry, nakangiti ka? May maganda
bang nangyari pauwi?" salubong kong tanong dito.
“Kei, si Ren." Napatigil naman
ako. “Mukhang
magpapaligaw na ata siya," ngiti niyang saad.
“Congratulations?" nag-aalangan
kong bati.
“Salamat Kei," masayang saad nito.
“Pero hindi mo pa naman niligawan
hindi ba?" tanong ko agad.
“Hindi pa naman," sagot niya.
Tumuloy
ako sa kusina para maghanda sa mga gagamitin kong sangkap. Si Harry naman ay
tumuloy sa kwarto at malamang, nagbibihis.
“Siya nga pala Harry, pinapauwi ka ng
tatay mo sa bakasyon!" sigaw ko sa kusina at baka marinig niya ang
sinasabi ko sa kwarto niya.
“Si papa?! Bakit daw?!" tugon
niya.
“Hindi ko alam pero umuwi ka
daw!" Nakita ko naman to na lumabas ng kwarto at nakapambahay na damit at
umupo sa counter ng kusina. “Paano mo
maliligawan si Ren niyan kapag umuwi ka sa atin?"
“Well wala namang ibang tao na
manliligaw sa kaniya sa bakasyon dahil baka nasa bahay lang ito,"
siguradong wika nito.
“Ehh? Sigurado ka?" paniniguro
ko.
“Oo. May assurance na ako para doon.
At may isa pa Kei. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ehh parang kilala ko na si
Ren noon pa."
“Talaga lang ha?"
“Siya nga pala Kei. Paano kung sagutin
ako ni Ren agad?"
“Sagot agad Harry? Isang linggong
pag-ibig?" biro ko dito.
“I mean kapag nagpaligaw... kapag
pumayag na ligawan ko siya? Matutuwa ka ba para sa akin?" tanong niya.
“You know Harry, I am in no position
to answer that question for now. Oo at hindi ang magiging sagot ko. Oo dahil
matutuwa ako para sa iyo. Hindi dahil maraming magiging problema kapag naging
kayo. At isa pang bagay pa pala. Kapag tinanggihan ka niya, hindi ka sinagot or
binigyan ka ng any form rejection, tanggapin mo," paliwanag ko sa kaniya.
“Bakit mo naman nasabi iyan?"
“Kilala kita Harry. Kapag tinanggihan,
magagalit. Gusto mo na kapag sa iyo, pipilitin mo talagang makuha. Hindi
titigil. Tandaan mo. Totoong tao si Ren at hindi siya gaya ng mga laruan
mo."
“Grabe ka naman Kei."
“Sinasabihan na kita ngayon pa lang na
maging handa ka na sa rejection kung sakali. Huwag kang tumulad sa isang tao na
halos kilala nating lahat."
“Isang artista ba? Kilala ko ba ito?
Ahh... Si Christian Castillo?" kunot noong tanong niya.
“Tumpak."
“Pero wala pa naman ahh."
“Alam mo Harry, dapat isipin mo agad
ang worst case scenario sa magiging aksyon mo sa isang bagay. I-simulate mo na
agad sa utak mo para kapag nangyari... you are ready for the actual one."
“May pinanghuhugutan?"
“Sinasabihan lang naman kita. Alam ko
naman na kapag nagkaroon ng problema, madadamay at madadamay ako. For example,
ngayon pa lang iniisip ko na kapag tinanggihan ka ni Ren, hindi ka tumigil,
hihigitan mo pa si Christian Castillo, may mga solusyon na ako. Or kapag naging
kayo nga, tapos nalaman ni tita, may mga solusyon na agad ako. Ngayon, inaantay
ko na lang ang actual thing na mangyayari."
“Wala ka bang tiwala sa akin
pinsan?" kunot noo niyang tanong.
“Ako dapat ang magtanong sa iyo
niyan," sagot ko lang dito. “Maaasahan ba kita na kapag naging kayo ni Ren
at nalaman ito ni tita, makakaya mo ba siyang protektahan sa abot ng iyong
makakaya?"
Patuloy
naman ako sa aking ginagawa. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala akong
sagot na nakuha. Siguro pinag-iisipan na talaga niya ang mga sinasabi ko. Kaya
niya bang protektahan si Ren? Palagay ko hindi.
Ren's POV
Isang
gabi, hindi ko namalayan na 5am na pala ng umaga. Tinapos ko kasi magmula sa
mid-season ng Vampire Diaries Season 2. Naging interesado ako kung ano ang magiging
katapusan. Palagay ko ehh mamamatay ako kapag hindi ko nalaman. Buti na lang at
natapos ko na.
Sa
eskwelahan, last day na nga ng semester. Pirma dito ng clearance, pirma doon,
pirma here, pirma there. Pirmahan mo na rin ang dokumentong ito na nagpapatunay
na ikaw ay pumapayag na maging isang Magical Boy kapalit ang kaluluwa mo haha!
Joke! As usual sa araw na ito, kasama ko si Harry at huling pirma na lang
galing sa Dean... at okay na!
“Mabuti at natapos na din ang
impyernong ito... for now," saad ni Harry habang inuunat ang katawan.
“Saan mo gustong magpunta
ngayon?" tanong ko dito.
“Pasensya na Ren. Uuwi na kasi agad
ako sa amin," sagot niya.
“Vacation with parents? Good for you.
You need to take a break from the hell of school and you deserve it
Harry." Tinapik ko pa sa balikat.
“Salamat," natutuwang wika niya. “Oo nga pala. Pwede mo ba akong ihatid
sa kotse? May sasabihin lang ako," yaya nito sa akin.
“Sure pero bakit sa kotse mo pa
sasabihin?"
“Basta."
Papunta
na kami sa kotse niya. Kinakabahan ako kung ano iyung sasabihin niya. Baka
magbibiro lang siya. Nasa tapat na kami ng kotse nang tumigil siya at humarap
sa akin.
“Ren, may gusto ko sa iyo,"
paunang salita niya. See. It's a joke. ANO?!
“Is this a joke?" hindi
makapaniwalang tanong ko.
“Hindi ako nagbibiro," mabilis
niyang saad. Nako po! Ito nga ang sinasabi ko.
“Umm... Harry, kalma lang. Hinay-hinay
lang," taranta kong saad. Ayan Ren! Sa susunod, pumili ka naman ng mas
magandang palusot! “Alam mo ang
totoo niyan ay hindi pa ako handa para diyan. Bakit sinasabi mo naman ngayon na
gusto mo ako?"
Hinawakan
naman niya ang mga kamay ko at tiningnan ako sa mata na para bang sinusuri ang
aking kaluluwa. Well eyes is the window of our soul pero hindi ito ang oras
para diyan.
“Alam kong nakakabigla pero matapos
kong malaman ang dahilan kung bakit lumungkot ka nung pumasok sa haunted house,
nagkaroon ako ng pag-asa. Gusto ko na ako ang taong iyun. Tadhana ito," he
said with confidence.
Parang
nag-Ice Bucket Challenge ako narinig. Gaya ng sinabi ko, hindi ako naniniwala
sa destiny. Pero naniniwala ako na ang ating choices ang nakakaapekto sa buhay
natin. At hindi lang sa buhay natin kung hindi sa ibang buhay din. Dahil sa
bara-bara kong napiling palusot sa mga tanong niya nung isang araw, ito ang
resulta. Sa totoo lang, I despise people who believe to that kind of shit! I
wanna preach that kind of belief to everybody pero ayokong pwersahin ang
paniniwala kong iyun sa ibang tao. Kailangan kong respetuhin ang paniniwala
nila. Ayoko kasi hindi ko expected na magkaroon ako ng mga kaibigan. Pero
nagkaroon ako. Ngayon, natatakot akong mawalan. Si Harry pa naman ang
kauna-unahang kaibigan ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Magiging
maayos naman siguro ang lahat kapag tumanggi ako hindi ba?
“Ano Harry, pasensya na,"
nakatungo kong saad sabay kalas sa kamay niya. Kailangan itama ko ito.
“Hindi pa ako nagtatanong," saad
niya. ANG ASSUMING KO NAMAN! “Pero iyun ba
ang magiging sagot mo kung tatanungin kita ng... pwede ka bang ligawan?"
Tumango naman ako. Tumalikod naman siya at humarap sa kotse niya. “Naiintindihan ko Ren."
“Pasensya na talaga Harry,"
walang emosyon kong saad.
Ang
totoo, natatakot ako at hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon ko sa mga
nangyayari. Kasalanan ko ito.
Humarap
naman siya ulit sa akin at tumingin naman siya sa ibang direksyon. “Okay lang. Siguro hindi ka lang
handa. Baka nga hindi talaga ngayon ang tamang panahon."
“Alam mo kasi Harry, napaisip ako sa
sinabi ko na oras na para magkaroon ako ng love life. Actually, I don't really
mean it. Also, I think I'm incapable of loving someone right now in my current
state. I'm really sorry."
Hinawakan
naman niya ang magkabilang balikat ko. “Pero Ren, nandito ako. Tutulungan kita!"
pangungumbinsi niya sa akin.
“No Harry. Please respect my
decision," pagmamatigas ko at hindi na nakatingin sa mukha niya.
Tinanggal
naman niya ang kanyang kamay sa mga balikat ko. “Pero magkaibigan pa rin tayo right?"
malumanay na tanong niya.
“Oo naman Harry."
Binuksan
naman niya ang pintuan ng kotse at umupo siya sa driver's seat. Humugot naman
siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Ren, pagbalik ko, humanda ka." Nakita ko
naman ito na ngumiti ng makahulugan sa akin.
“Humanda para saan?" kunot noo
kong tanong.
Hindi
niya ito sinagot at sinarado na ang kotse saka umalis na. Ngayon ko lang siya
nakita na ngumiti ng makahulugan. Huwag naman sana na ang paghahandaan ko ay
ang pagiging persistent niya na magpaligaw? Kasalanan ko ito. Dapat hindi ko na
sinabi ang mga salitang iyun. Umaasa na si Harry.
Ngayon,
kailangan kong bumalik sa Music Room. Papunta naman sa destinasyon ko,
nakasalubong ko naman si Kei na nakangiti din. Sana naman wala ng aminan ang
mangyari sa araw na ito. Sana hindi magkatulad ang iniisip nilang dalawa.
“Ren, pwede ba kitang makausap?"
tanong nito.
“Hmm... bakit naman?"
“Basta. Tara. Upo tayo sa bench na
iyun." Tinuro niya ang isang bench na hindi kalayuan.
Teka,
parang pamilyar ang dialogue ahh. Pumunta naman kami sa bench na tinuro niya at
umupo. Bumuntong hininga naman siya at parang ang lalim nun.
“Kei, ang lalim naman nun,"
reaksyon ko.
“Ganoon ba? Kailangan kasi iyun para
lumakas ang loob ko."
Tumingin
siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Teka-teka! Seryoso?! May
isa pang confession bago matapos ang araw na ito?! Kahit magkaiba ang ginawa
nila, parang iyun lang din ang gagawin nito. Gaya ni Harry, tiningnan naman ako
nito sa mata.
“A-Ano i-iyun?" nauutal kong
tanong kasi parang alam ko na kung saan ito mapupunta.
“Kasi pwede ka bang sumama sa akin sa
isang convention sa susunod na linggo?" Ano?! Manligaw?! Wait, hindi pala.
Napabuntong-hininga naman ako sa narinig ko. “Bakit bumuntong-hininga ka? Akala mo ba
magtatapat ako ng pag-ibig sa iyo?" sabay tanggal ng kamay niya. Nabasa
niya ba ang iniisip ko?!
“Ahh... ehh... hindi naman sa ganoon.
Medyo kasi naguguluhan kasi ako. Nagpuyat ako kagabi dahil... sa mga pinapagawa
ni kuya Blue tama. Alam mo naman. Nagbabalak kami ni kuya Blue na mag-perform
sa iba't ibang lugar," palusot ko.
“Ganoon ba? So hindi ka makakasama sa
convention na pupuntahan ko?" malungkot niyang tanong.
“Huwag kang mag-alala. Makakasama ako.
Sa mga bandang April 16 pa naman kami magsisimula."
Sumaya
naman ang mukha niya sa narinig. “Sige Ren. Susunduin kita sa araw na iyun.
Aalis na ako ha. Ingat ka." Tumayo naman ito at nagsimulang maglakad.
“Okay. Ikaw din," sigaw ko.
Habang
pinagmamasdan ko siyang umalis, napangiti ako. Buti hindi niya ginawa iyung
nasa isip ko na magtatapat din siya ng nararamdaman niya gaya ng ginawa ni
Harry. Akala ko talaga kung ano na.
Pumasok
na ako sa Music Room at sakto, ako pa lang ang tao. May usapan kasi kami na
pagdating ng 12pm, pumunta kaming lahat dito. Pagtingin ko sa orasan ehh
11:30am pa lang. Maya-maya ay isa-isa na silang nagsidatingnan. Huling dumating
si kuya Blue. Si kuya Joseph na lang ang inaantay. 12:15pm na pero wala pa rin
siya. Pumasok naman si ate Erika.
“Hi Blue. Hi Ren," bati ni ate
Erika. “Hindi daw
makakarating si Joseph ehh."
“Ganoon ba?" si kuya Blue. Ano
kaya ang nangyari kay kuya Joseph? Baka naging happily ever after na sila ni
Franz at kaya hindi siya nakapunta. “Ren, ibigay mo na sa kanila."
Sa
hudyat na iyun ni kuya Blue, binigyan ko sila ng papel ng mga plano namin para
sa Summer. Binigyan ko din ng kopya si ate Erika dahil siya na lang daw ang
magbibigay noon kay kuya Joseph.
“Ngayong summer break, nagplano kami
na magkakaroon kayo ng performance sa iba't ibang lugar na malapit dito. Ito ay
para magkaroon kayo ng fans at magkaroon pa kayo ng karagdagang experience.
Gagamitin natin ang summer break para mag-improve pa lalo kayo. At sa darating
na Battle of the Bands, may pag-asa tayo na matalo ang mga current champion.
Magsisimula tayo sa April 16 okay. Patunayan niyo sa amin na tama ang mga
desisyon namin na pinili namin kayo dahil kayo ang mga pinakamagagaling sa
school na ito. Ipakita niyo sa kanila ang galing ng Schoneberg Academe sa
Battle of the Bands," mahabang speech ni kuya Blue sa kanila.
Grabe
talaga si kuya Blue. Buti siya ang president dahil hindi ko kaya ang ginagawa
niya. Kamangha-mangha talaga siya. Magiging kagaya ko ba siya balang araw?
Malakas ang dating.
「Naglalaro
kami ni kuya ng basketball sa isang court. Nag-shoot siya ng three points at
naipasok na naman niya. Astig! Sana magkaroon ako kahit ng konting kaastigan ni
kuya.
“Ang astig mo talaga kuya. Idol
kita!" saad ko saka lumapit sa kaniya.
“Siyempre. Kuya mo ako ehh. Gusto mo
bang maging katulad ko?" tanong niya.
“Oo kuya. Kaso sabi nila, baka hindi
ko kayang matulad sa iyo. Mahina daw kasi ang pangangatawan ko." Ginulo
naman niya ang buhok ka.
“Ano ka ba? Wala sa lakas ng katawan
iyan. Nasa tatag ng isang tao iyan. Makinig ka, mangako ka sa akin na magiging
astig ka din kagaya ko." Kinuyom ni kuya ang kamao niya at nilagay niya
ito sa harapan niya.
“Oo kuya. Makakaya ko!" Kinuyom
ko din ang kamao ko at binangga ang kamao niya.
“Ganyan nga Ren."」
“Ren, sumali ka sa amin," utos ni
kuya Blue sa akin.
Teka,
ano na naman ang naalala kong iyun. Nawala ang pagkakatulala ko. Baka dahil
sobrang cool lang talaga ni kuya Blue. Pabugbog na lang kaya ako kay kuya
Aldred at baka mawala iyun. Sinunod ko ang inutos sa akin ni kuya Blue.
Nakisali naman ako sa ginagawa nila. Kinuyom ko din ang kamao ko.
“Antagonist GO!" sabay angat ng
kamao namin.
「Umiiyak
ako dahil may nagawa akong mali. Hindi ko dapat ginawa iyun. Hindi. Tinakpan ko
ang aking mga mata at tumungo. Maling-mali ang ginawa ko. Kung hindi dahil sa akin...
kung hindi dahil sa akin, hindi magkakaganito. Ayokong makita si kuya na
naliligo nito sa sariling dugo. Ayoko. Ayoko.
“Kuya, pasensya na!" iyak kong
saad.
“Ren!" rinig kong sigaw ng isang
tao.
“Kuya, pasensya na!" patuloy ko
pa ring sabi.」
Sa
hindi malamang dahilan, tumulo ang luha ko. Bakit? Anong alaala iyun? Kasunod
nun ay sumakit ang ulo ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Pinikit ko ang
aking mata at...
“REN!" rinig kong sigaw ni ate
Erika.
Mr. Schoneberg's POV
Naghahanda
na akong umalis papuntang Hong Kong para asikasuhin ang negosyo doon. At isa
pa, para bantayan ang anak ko na si Daryll kasama ang boyfriend niya na si
Franz. Nasa tapat na ako ng kotse habang hinahatid ng asawa ko nang tumunog ang
phone ko.
“Honey, sino iyan?" tanong ng
asawa ko. Kinuha ko naman ang phone at nakita ko na si Erika pala ang
tumatawag.
“Si Erika honey." Sinagot ko
naman to. “Hello
Erika?"
“TITO! SI REN! OH MY GOD! HINIMATAY PO
SI REN!" hysterical na wika ni Erika.
“Ano?!" Napatingin naman ako sa
asawa ko. “Erika, calm
down. Ano ba ang nangyari?!" tanong ko.
“Nagkaroon lang kami ng meeting sa
Music Club. Tapos nung pinagdikit-dikit namin ang mga kamao namin at inangat,
bigla na lang siyang umiyak at bumagsak," paliwanag nito. “Tito, ano po ba ang gagawin namin?
May iniinda bang sakit si Ren?"
“Honey, ano ba ang nangyari?"
alalang saad ng asawa ko.
“Erika, dinala niyo na ba siya sa
school infirmary? Pupunta ako diyan ngayon din!" utos ko dito.
“Opo tito. Pinadala ko na siya."
“Salamat Erika."
Binaba
ko naman ang phone at sumakay sa sasakyan kasama ang asawa ko.
“Manong, sa Academe tayo!" utos
ko sa driver.
“Sige po."
“Honey, ano ba ang nangyari?"
tanong ng asawa ko.
“Si Ren, mukhang bumabalik na ata ang
alaala niya," sagot ko.
“Ohh God!" tanging nasambit na
lang ng asawa ko.
「6
years ago...
Naabutan
ko na lang na naliligo sa sariling dugo ang kuya ni Ren at iyak siya ng iyak.
Kagagaling lang sa ospital ni Lars at may sugat pa siya sa dibdib. Hindi ito
maaari. Sinuri ko naman kung may buhay pa sa kanila pero kahit iyung driver na
nagmamaneho ng trak ay patay na din. Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Ren
hanggang sa hindi ko na ito narinig na umiiyak. Pagtingin ko dito ehh nawalan
na siya ng malay. Dali-dali ko siyang dinala sa kotse. Tumunog naman ang phone
ko at tumatawag ang tatay nila.
“Pare, may sasabihin ako sa iyo mas
importante ito," mabilis nitong saad sa akin matapos kong sagutin ang
telepono.
“Pare, ako din. Si Lars."
“A-Anong nangyari sa panganay
ko?" alalang tanong niya.
“Pare, namatay si Lars dahil nabangga
siya ng isang trak." Natahimik naman siya sa sinabi ko. Narinig ko naman
na umiiyak siya. “Pare, okay ka
lang?"
“Si Ren, okay lang ba?"
mangingiyak niyang tanong.
“Nahimatay siya pre. Nakita niya na
naliligo ang kuya niya sa sariling dugo. Wala namang nagyaring masama sa
kaniya," paliwanag ko.
“P-Pare. Nakikiusap ako sa iyo.
Sunugin mo ang bahay namin. Ipalabas mo na nasunog ang bahay dahil sa naiwang
kandila o kahit ano. Huwag kang mag-iwan ng bakas ng pamilya namin. Kunin mo si
Ren at lumayo kayo o itago niyo. Si Lars, bahala na basta si Ren, iligtas niyo
siya. Magsinungaling ka kung asaan kami. Sabihin mo na iniwanan namin siya
basta pare. Dapat hindi niya malaman ang nangyari sa amin," mabilis niyang
utos sa akin. Hindi ko maintindihan?
“Para saan? Ano ba ang
nangyayari?"
“Ang kaaway ng pamilya namin, natunton
kami ng asawa ko. Napatay na nila si Vernise at palagay ko, hindi na ako
makakaalis dito ng buhay," naiiyak na sagot niya. “Basta pare, alagaan mo si Ren. Hindi
ko ito dapat hilingin pero ituring niyo siyang parang tunay na anak. Huwag na
sana niyang malaman kung bakit kami nawala. Basta pare, mahal na mahal namin
siya. Sana ibigay mo ang gusto niya. Pakiusap pare. Ayoko ng madamay siya sa
gulo ng pamilya namin."
“Naiintindihan ko pare. Gagawin
ko."
“Tapos pare, alam mo iyung dream house
na ginagawa namin, ibigay mo sa kaniya iyun. Nakapangalan iyun sa iyo para
hindi nila malaman na sa amin iyung ari-arian na iyun. Ibigay mo sa kaniya iyun
pagdating ng araw. Ito na palagay ko ang huling habilin ko."
“Nandito lang iyun! Hanapin
ninyo!" rinig kong sigaw sa kabilang linya. Binaba naman niya ang phone.
Iyun
na ang mga huli kong salita na narinig sa tatay ni Ren. Pagkatapos nun,
dali-dali kong pinatawag ang mga tauhan ko para ipasunog ang bahay nila. Binura
ko na rin ang mga impormasyon tungkol sa kanila. Dinala ko naman si Ren sa
bahay namin. Hindi pa rin ito nagigising. Nagpatawag naman ako ng doktor para
siguraduhin ang kalagayan niya. Kasama ng asawa ko, binabantayan namin siya.
Pinaliwanag ko naman sa asawa ko ang nangyari sa pamilya niya at nagulat din
ito sa narinig. Ilang minuto lang at dumating ang doktor at sakto naman na
nagising ito. Pagkagising ay nilibot na muna ni Ren ang kanyang mga mata.
“Ren!" saad ng asawa ko saka
niyakap ito ng mahigpit.
“Sino po kayo?" walang emosyon
niyang tanong.
Kumalas
naman sa pagkakayakap ang asawa ko. “Hindi mo ako kilala? Ako si ninang mo."
Umiling ito sa narinig mula sa asawa ko.
“Hindi ko po kayo kilala."
“Ako Ren, kilala mo ba ako?"
tanong ko dito. Muli ay umiling naman ito.
“Anak, anong pangalan mo?" tanong
ng doktor.
“Hindi ko po alam," sagot niya.
Nagulat
kami sa mga sagot niya. Hindi niya talaga kilala kahit isa sa amin kahit ang
sarili niya. Anong nangyari? Sinenyasan naman kami ng doktor na lumabas muna.
“Dok, anong ibig sabihin po nun? Bakit
hindi niya maalala kahit isa sa amin?" nag-aalalang tanong ng asawa ko.
“Hindi ko alam pero nagkaroon ata siya
ng Amnesia," sagot ng doktor. “Ano ba ang nangyari sa kaniya bago niyo siya
dinala dito?"
“Kasi po dok, naglalaro lang sila ng
basketball sa isang court. Habang pabalik sila, nabitawan naman niya ang bola
at hinabol ito ng kuya niya para kunin pero ang sumunod na nangyari ay may
bumangga na trak dito. Nang lumapit ako, nakita kong nakahandusay ito at
naliligo sa sariling dugo ang kuya niya at siya naman ay tinatakpan ang kanyang
mga mata at iyak ng iyak. Pagkatapos po nun ay nahimatay na siya,"
paliwanag ko.
“So basically, siya ang dahilan kaya
namatay-"
“DOK!" pagputol ng asawa ko.
“I'm sorry misis pero mukhang ganoon
ata ang kaso. Malamang ay hindi niya matanggap ang nangyari. Pero iyung ganito
na halos kinalimutan niya ang lahat tungkol sa kaniya, isa itong sign na mahina
ang mental capacity niya na matanggap ang mga masasakit na bagay-bagay. Ito ang
naging defensive mechanism ng utak niya dahilan na nagkaroon siya ng retrograde
amnesia. Isa itong rare case ng mental illness. Sa tuwing makakaramdam siya ng
matinding kalungkutan dulot ng hindi niya matanggap ang nangyayari,
makakalimutan niya ito lahat simula nung nagkaisip siya," paliwanag ng
doktor.
“Ang ibig sabihin ba nito dok,
lahat-lahat talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
“Opo. Lahat-lahat. Pero gaya ng
amnesia, mare-retain pa rin iyung katalinuhan niya, pagsasalita at iyung mga
bagay na nakasanayan ng mga tao. Siya nga po pala, asaan po ang mga magulang
niya?" tanong nito.
“Dok, salamat po. Makakaalis na po
kayo," pag-iba ko dito.
“Walang anuman," saka umalis ito.
“Honey, okay lang naman na kupkupin
natin siya hindi ba?" agad kong tanong sa asawa ko at tumango naman siya.
“Kawawa naman si Ren. Nawala na ang
halos lahat sa kaniya. Buti nandito tayo para sa kaniya," malungkot na
saad nito.
Bumalik
kami sa loob. Hindi namin sasabihin ang totoo. Hindi na niya kailangan malaman.
Ang tungkol sa magulang niya... ang tungkol sa kuya niya. Palagay ko ehh
malalaman niya ito balang araw. At sa pagdating ng araw na iyun, sana matatag
na niyang haharapin iyun. Hinawakan ko naman siya sa magkabilang balikat niya
at tiningnan sa mata. Tutuparin ko ang pangako ko sa tatay mo.
“Hijo, ikaw si Ren Castillo
Severin," pagbibigay ko sa kaniya ng pangalan.
“Ren Castillo Severin? Sino naman po
kayo?" sunod-sunod niyang tanong.
“Kami ang ninang at ninong mo. Kami
ang tumatayong pangalawang magulang mo. Namatay kasi ang mga magulang mo sa
isang epidemya nung ipinanganak ka kaya inihabilin ka ng mga magulang mo sa
amin," paliwanag ko.
“Ganoon po ba? B-Bakit hindi ko po
maalala?"
“Okay lang iyan anak. Hindi mo iyun
kailangan alalahanin," nakangiti kong saad dito. Nakita ko naman sa mata
niya na napanatag siya sa narinig. “Ayos ka lang ba hijo?"
“Opo." Tumunog naman ang tyan
niya. “Gutom na po
ako."
“Huwag kang mag-alala Ren. Ipaghahanda
ko na agad ang pagkain," saad ng asawa ko saka lumabas.
“Halika Ren," yaya ko dito para
hawakan ang kamay ko.
Sumama
naman ito sa akin at lumabas ng kwartong yun. Sabay kaming lumabas at pumunta
sa hapag-kainan. Nakita naman siya ni Jasper at Daryll.
“Hijo, ipapakilala kita sa mga anak
ko. Si kuya Jasper mo at si Daryll."
Kumunot
naman ang nuo ni Daryll. “Papa, sino po
siya?" tanong nito sa akin.
“Mga anak. Siya si Ren. Simula ngayon,
ituring niyo siyang kapatid okay?" pagpapakilala ko sa kaniya sa dalawang
anak ko.
Tumira
siya sa mansyon. Naging kalaro niya sila Jasper at Daryll pero hindi sila
magkasundo. Pinagsabihan ko ang mga anak ko na huwag nilang awayin si Ren pero
hindi sila nakinig. Inaaway pa rin nila ito pero para kay Ren, parang wala lang
ito sa kaniya. Naging ayos naman ang pagtira niya.
Isang
araw sa opisina habang may inaasikaso ako, may narinig ako na kumatok at
pinapasok ito kung sino man ito. Niluwa naman nito si Ren at lumapit sa akin.
“Ninong, pwede bang humingi sa inyo ng
pabor?" tanong niya sa akin.
“Ano iyun hijo? Halika," yaya ko.
Lumapit
siya at umupo sa harapan ng table ko. May binigay naman siyang isang kapirasong
papel at may nakasulat na kung ano-anong letra pero malinaw sa akin ang mensahe
niya ng madako ako sa ilalim na parte ng papel.
“HIGH-SPEC COMPUTER AND
INTERNET!"
“Sige Ren. Bukas na bukas din,"
sagot ko. Ngumiti naman ito na abot tenga.
“Salamat po ninong." Pagkatapos
ay umalis siya sa opisina.
Binigyan
ko naman lahat ng maibigan niya. Wala pa iyun sa pagtulong na ginawa ng tatay
niya sa akin. Kung hindi dahil sa payo ng tatay niya, hindi namin mararating
ang ganitong karanyang buhay.
Sa
eskwelahan naman, ayos na ayos ang grades nito. Naging top 1 siya sa klase.
Dahil nag-aalala ako na baka mahanap siya ng kaaway ng pamilya niya, hiniling
ko na huwag muna siyang makipagkaibigan at itago ang katalinuhan niya. Kilala
kasi na lahing matatalino ang pamilya ni Ren. Isa pa, sinabihan ko siya na
mangako sa akin na hindi siya magtatanong tungkol sa nakaraan. Walang
tanong-tanong naman niya akong sinunod.
Isang
araw, pumunta ako sa kwarto niya. Nasa pintuan pa lang ako pero rinig na rinig
ko ang pagtawa niya. Masayang masaya siya. Nang binuksan ko ito, nakatingin ito
sa kompyuter at nakangiti. Isasara ko na sana ang pintuan ng nakita niya ako.
“Ninong. Magandang araw po,"
ngiti niyang bati sa akin. “Bakit po kayo
nandito?"
“Just checking on you son. Pero hindi
naman kailangan iyun," wika ko.
“Ganoon po ba?" Bumaba naman siya
at lumapit sa akin at niyakap ako. “Ninong, salamat po sa pag-aalaga niyo sa
akin." Sinagot ko naman ang yakap niya.
“Wala iyun Ren." Kumalas naman
siya sa akin. “Anak, masaya ka
ba lagi sa harapan ng kompyuter?" natanong ko.
“Opo. Masayang masaya po ako,"
sagot niya. “Ninong, may
tanong po ako."
“Ano iyun?"
“Ano po ba ang pangalan ng mga
magulang ko?"
Natahimik
ako sa tinanong niya. Hinawakan ko ang mga balikat niya at tiningnan sa mata. “Ren, pwede bang huwag ka ng magtanong
tungkol sa nakaraan mo? Isipin mo na lang ang hinaharap mo. Okay ba iyun?"
pakiusap ko.
Tumango
naman siya at ngumiti. “Kung iyan po
ang gusto niyo ninong."
Mabuti
na lang at sumusunod si Ren sa akin. Isa siyang masunuring bata. Nagpatuloy
naman ang ganoong pamumuhay ni Ren. Hanggang sa ilang taon ang nakalipas...
“Daryll, ano ba itong mga grades
mo?" rinig kong saad ng asawa ko sa sala. “Nako Daryll, umayos ka ng pag-aaral. Kahit
mayaman tayo, mahalaga ang edukasyon sa atin. Gwapo ka nga, halos perpekto ka
nga, walang namang laman ang utak. Anong silbi?!"
“At least naman ma hindi ako simpanget
katulad niyo." Nakita ko naman na sinampal ng asawa ko si Daryll.
Maya-maya ay bumaba si Ren. Nakita ko naman na tumingin ang asawa ko dito.
“Nako naman. Bakit hindi ka gumaya kay
Ren? Kahit hindi kagwapuhan, at least may laman ang utak! Hindi halatang
matalino pero porbida, may utak talaga!" pagpapabida ng asawa ko sa
kaniya.
Tumingin
naman si Daryll kung saan nakatayo si Ren. “Hay nako ma! Heto na naman tayo! Binibida
niyo na naman sa akin ang inaanak ninyo! Binibigay lahat ng gusto! Kami na mga
tunay na anak, hindi niyo pinagbibigyan!" sigaw ni Daryll.
“At least naman, hindi bumabagsak gaya
mo kaya natural lang na pagbigyan namin ang mga gusto niya!" pagdadahilan
ng asawa ko.
“Bwisit siya! Simula ng dumating siya
sa bahay na ito, mas paborito niyo siya kesa sa amin!" pagrarason ni Daryll.
“Daryll, tama na iyan! Huwag kang
magsalita ng ganyan! Minahal namin kayong tatlo at pantay-pantay namin kayo na
tinatrato!" pagpapatigil ko dito.
“Talaga lang haa? Hindi ako naniniwala
sa inyo pa! Mas mahal niyo po ang bastardong inaanak ninyo!" sabay turo
niya ng mariin kay Ren.
“Sumusobra ka na!" wika ng asawa
ko. Sasampalin na niya sana si Daryll ng pinigilan ito ni Ren.
“Tumigil na po kayo. Tama na po,"
nakatungong saad ni Ren. “Aalis na lang
po ako sa pamamahay na ito kung iyun po ang ikasisiya ng anak niyo."
Dali-daling umakyat sa kwarto niya.
“FUCK YOU KA! NGAYON MO TALAGA NAISIP
IYAN BASTARD!" mura ni Daryll dito saka tumakbo palabas.
“Daryll, hindi pa tayo tapos!"
ani ng asawa ko.
Sinundan
naman namin si Ren sa taas. Nagsimula na itong mag-impake ng kanyang mga damit
pagdating namin sa kwarto niya.
“Ren, tumigil ka na,"
pagmamakaawa ng asawa ko. “Huwag ka ng
umalis. Mainit lang ang ulo ng anak ko."
“Ninang, okay lang po. Para sa anak
niyo, aalis po ako," walang emosyon na niyang saad. Namangha naman ako sa
sinabi niya. Mas inaalala pa niya ang mga anak namin kesa sa sarili niya.
“Ren, huwag ka ng umalis. Dito ka na
lang. Mag-aalala kami ng ninang mo kapag umalis ka," pakiusap ko.
“Ninong, ninang, alam niyo po bang
maling-mali ang ginawa niyo kay Daryll? Pinagkumpara niyo po kami sa isa't isa.
Natural lang po na magkaiba kami pero ang ikumpara kami, hindi po tama iyun.
Huwag niyo na pong gagawin iyun. Tandaan niyo po na si Daryll po ang tunay
niyong anak at hindi po ako. Sa pag-alis ko, ibuhos niyo po ang lahat ng
atensyon niyo sa kanila. Pagbigyan niyo naman po sila... kahit
paminsan-minsan," paliwanag niya.
“Pero paano ka naman anak? Wala ka ng
mapupuntahan. Saan ka titira?" alalang tanong ng asawa ko.
“Hindi ko po alam. Ewan ko. Basta po
para sa anak ninyo. Kung gusto po nila na umalis ako, aalis po ako sa pamamahay
na ito," ngiting saad niya.
“Hon, pigilan mo siya kung hindi
mag-aaway talaga tayo!" pagbabanta ng asawa ko.
“Hayaan mo siya. Siguro oras na para
umalis na siya sa bahay na ito."
“Pero, Hon?!"
“Ren, nangako ako sa tatay mo na hindi
kita pababayaan. Ngayon kung gusto mo ng umalis sa bahay, pagbibigyan
kita," saad ko. “Sumunod ka sa
akin sa baba." Lumabas ako ng kwarto niya.
Sumunod
naman ang asawa ko at pinatigil ako. “Honey, anong ibig sabihin nito? Palalayasin
mo siya sa pamamahay natin?" tanong nito sa akin.
“Ganoon na nga honey. Kailangan niyang
lumayo sa pamamahay na ito. Dapat matuto na siyang mabuhay mag-isa. Huwag kang
mag-alala. Bibigyan ko pa rin siya ng pinansyal na suporta."
Tama
iyan Ren. Mabuhay ka ng mag-isa. Kayanin mo para mas lalo ka pang tumatag.
Kasama ng asawa ko, dinala namin siya sa dream house ng magulang niya. Namangha
naman siya sa ganda ng bahay.
“Ninong, akin lang po ba talaga ang
bahay na ito?"
“Ito ang dream house ng magulang mo.
Sabi nila, ibigay ko daw ito sa iyo sa tamang panahon. At sa tingin ko ehh
ngayon na ang tamang panahon na iyun."
Nag-request
naman siya ng ilang bagay mula sa akin para lagyan ng mga gamit ang bahay niya.
Bago namin binigay ang lahat ng ninais niya, binigyan ko siya ng ilang
kondisyon. Ang isa doon mabuhay para sa amin at patuloy pa rin siyang sumunod
sa mga pinag-uutos ko. Namuhay naman siya ng masaya... sa pagkakaalam namin ng
asawa ko sa bahay na iyun. Tuwing bumibisita kami, masaya kaming sinasalubong
nito. Sumasagi sa isipan ko kung dapat ko pa bang sabihin ang totoo tungkol sa
magulang niya pero sa tingin ko, hindi na kailangan. Wala pa siyang naaalala so
far. Patuloy pa rin siyang naging antisocial hanggang sa makapagtapos siya sa
high school.
Isang
araw habang nasa opisina ako sa bahay, dumating naman si Erika galing sa
London.
“Erika, nagbalik ka na pala,"
bati ko dito. Tumayo naman ako para ibeso siya.
“Yes tito. I'm back," saad nito. “Tito, hindi ba wala pa kayong music
club?" Umiling naman ako bilang pagtugon. “Bakit hindi po kayo gumawa ng Music Club at
ilaban po natin sila para sa Battle of the Bands? I'm sure maraming estudyante
ang mag-eenroll sa susunod na pasukan kapag nanalo ang school natin."
Nagkaroon
ako ng isang magandang ideya sa utak ko. Tama. Sumusunod si Ren sa mga gusto
ko. Oras na niya na makihalubilo sa mga tao. Isang club na nangangailangan ng
koneksyon ng bawat miyembro nito para magtagumpay.
At
iyun ang dahilan kaya sinama ko siya sa Music Club kasama si Alexander Blue
Sebastian. Nabalitaan ko kasi na may crush daw si Ren sa taong ito kaya ginawa
ko siyang parang partner nito sa club. Alam ko naman na may boyfriend na ito na
si Aldred Castro. Pero kilala ko si Ren. Hindi siya susuway sa utos ko na hindi
muna pumasok sa isang relasyon. Marahil ay magiging issue ang pangalang
Castillo na nakakabit sa pangalan niya sa boyfriend nito at sa mga miyembro ng
banda nila. Kailangan matuto siya ngayon. Ang buong pangalan ni Ren ay para sa
karangalan ng mga magulang niya. Callisto ang pangalan ng tatay niya. Vernise
ang pangalan ng nanay niya.」
Nakarating
na kami sa Infirmary ng Academe. Naabutan namin si Mr. Sebastian at Erika.
“Magandang hapon po Mr. and Mrs.
Schoneberg," gulat na bati ni Mr. Sebastian.
“Magandang hapon din," bati
naming dalawang mag-asawa dito.
“Mr. Sebastian, pwede ba kitang
makausap?" seryoso kong tanong. Lumabas kami sa Infirmary Room para
makausap siya. “Mr.
Sebastian-"
“Blue na lang po," pagputol niya.
“Okay Blue. Pwede bang hindi ito
makakalabas sa atin? I mean na may relasyon kami kay Ren."
Nagulat
naman si Blue sa sinabi ko. “Kaano-ano niyo
po siya?" tanong nito.
“Inaanak namin siya. Nawalan na kasi
siya ng magulang kaya kami ang nag-alaga dito," sagot ko.
“Naiintindihan ko po. Makakaasa po
kayo na hindi ko ipagkalat ang bagay na ito tungkol po sa kaniya."
“Honey!" tawag ng asawa ko mula
sa infirmary room.
Bumalik
kami sa loob at nadatnan si Ren na minumulat ang mga mata niya. Naalala na niya
kaya? Natatakot ako... para sa kaniya... at para sa pamilya ko... May dalang
panganib kasi kapag naalala niya ang tungkol sa pamilya niya. Sana hindi na
dumating ang araw na iyon. Sana hindi na kahit kailan. Pero naniniwala ako na
may mga sikreto rin na mabubunyag at walang forever.
ITUTULOY...
It so interesting ang story mo author kahit n simple ang flow pero garbe ang ginagawa mo twist every chapter........
ReplyDeleteCnu b tlaga si mr lion?pero ang kutob ko si harry ang mr lion
Jharz
Next na! Next na!! Nae-excite na ako sa mga susunod na mangyayari. Nae-excite na rin ako kay Mr. LION. sa past ni Ren, kung may relasyon ba siya kay Kei at sa pwedeng gawin ni Harry!
ReplyDeleteNext na Seyren! Bilis! :)
Go Ren-kun! Interesting.
ReplyDeleteSuper. Gusto ko na malaman anong mangyayari. ^_^ rape scene please. Just joking XD.