Followers

Monday, February 23, 2015

Love Game 1


Author's Note:

Hi guys!ang lakas maka author note kaagad no? una sa lahat, thank you kay sir mike and sir ponse for making me part of MSOB family. haha pasensya na. newbie lang ako sa pag gawa ng story so please help me to improve my work. comments and suggestions are highly appreciated, negative man o positives okay lang. Well anyways, support my other co RA's here in MSOB. Enjoy

add me: https://www.facebook.com/profile.php?id=100006045077386. though it is not my real account, tago pa kasi eh HAHAHA. 



Chapter 1



Axel’s pov



Mahirap talaga mag mahal lalo na kung hindi kayang ibalik ng taong mahal mo ang pagmamahal na hinahanggad mo. 

May mga taong mahal ka pero hindi mo mahal

May mga tao namang mahal mo pero hindi ka mahal.

Napaka ironic ng buhay ano? Sabi nga ng isang kanta,

“ Sino! Ang iibigin ko, ikaw ba na pangarap ko o sya bang kumakatok, sa puso ko oooohhh!!! Anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko, nalilito litong litong llitooooo 


Sinong pipiliin ko... Ma...”


“ AXEEEELLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BUMABA KA NA DYAN KUNG HINDI BUBUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG DYAN!”

Tae naman neto ni mommy, nagmumuni muni pa ako eh. Onting line na lang oh.

“ MAHAL...”

“ ISA!! PAG AKO BUMILANG PA WAWARAKIN KO YANG KWARTO MO.”

“ OPO NANDYAN NA PO!!!” saad ko.

Kahit kailan talaga, etong si mommy nuknukan ng ingay, maganda nga sa unang tingin na aakalain mong si maria clara, tapos pag nagsalita, jusko para kang sumabak sa gyera.

“ oh? Mabuti naman at bumaba ka na, may pakanta kanta ka pa, sinisira mo ang ganda ng araw” saad ni mommy

“ wow my, thanks sa support ha? Nakaka touch masyado” sabay irap.

“ o sya, kumain ka na dyan at baka malate ka pa sa practice nyo sa graduation, hindi porke valedictorian ka eh magpapalate ka. Ano ka artista?”

“ may sinabi ba ko my? Eto na nga ho. Daming kuda ni mudang jusme”

“ o eto baon mo, papasok na kami ng daddy mo” sabay tayo ni mommy na akala mo eh  sasabak sa beauty contest

“ good morning mommy, daddy and queen axel” saad ni kuya.

Hay nako, eto talagang kuya ko, wala ng ginawa kundi mang asar simula nung malaman  nyang ganito ako. Buti na lang at tanggap ako ng magulang ko kahit ganito ako, kasi alam nyo naman mga sis, sa mundo natin, bibihira lang ang tanggap ng mga magulang natin especially ng buong lipunan.


Lalo na ang mga tatay no! Buti na lang at napaka open minded ng mga tao sa baler kung di jombag na ang lola nyo.

Well anyways, kahit ganito ako, never akong gumawa ng ikakasira ng pangalan ko at ng pangalan ng buong family ko. Aba abuso naman yun no, tinanggap na nga nila ako tapos  papariwara pa?

Edi wow!

Kaya heto, sa sobrang pagsisikap ko, Valedictorian ako ng batch namin.

“ My si kuya oh!”

“ tititgil na titigil na, to naman di mabiro!” saad ng kuya kong nuknukan ng kulit.


Pero gwapo. HAHAHA.

Well kung idedescribed ko lang naman sya

One word: PERFECT!

Yes, ang kuya ko ang idolo ko, sya ang dahilan kung bakit nagsisikap ako lalo dahil sya ang nagtuturo sa akin ng mga bagay bagay.

“ oh sige na aalis na kami ng mommy mo, oh Jeam, ikaw ng bahala sa kapatid mo at mag  iingat kayo” saad ni daddy na agad kaming lumapit para mag goodbye kiss. Aba kahit  ganito na kami kalaki, di nawawala ang good morning, good evening, goodbye, at  goodnight kiss namin sa mga magulang namin. HAHA.

“ hoy axel, puro ka daldal dyan, ni hindi mo pa nga pinapakilala sarili mo sa mga readers mo oh! O sya matutulog muna ako ulit.” paalala ni kuya.

Oo nga no? Daldal ako ng daldal dito ng hindi pa ako nagpapakilala.


Hi readers! Ako si Axel De los Reyes, frustrated dancer, hopless romantic, gwapo, matalino at higit sa lahat ano ba? Sige na nga GWAPO ULIT. HAHA

Well as you all know, kampon ako ng mga sirena. 

Hi mga sis!

Masaya ako na nagkaroon ako ng tulad nila sa buhay ko, napakamaunawain at higit sa  lahat napaka caring.

*school*

“uy axel congrats ha” saad ng mga classmates ko dito sa room habang nag iintay kami ng practice ng graduation.

“ thanks guys, sayang mag hihiwalay na tayo, sana kasi dun na din kayo mag aral sa  papasukan ko eh, mamimiss ko talaga kayo” ang maluha luha kong sabi. 

“ ano ka ba, kahit wala kami dun, nandito pa rin kaming pamilya mo no ito naman ang iyakin talaga” saad ni kuya james na tumayong kuya kuyahan namin. 

Sa totoo lang, itinuring ko na silang pangalawang pamilya ko dahil sa pagiging mabait at matulungin nilang lahat

“ oo nga, at tsaka hindi naman kasi kami kasing yaman nyo no” wika naman ni angel.

“ HAHAHA ayoko na, ayoko na ng drama, mag selfie na lang tayo” biglang pag putol ko sa  kanila. Bubullyhin nanaman ako ng mga ‘to eh.

“ kita mo ‘to, bigla biglang mag dadrama tapos ay nako ewan ko sayo axel” si kuya james  nanaman haha.

“ BESSHIIIIEEEEE!!!!!!!!! Namiss kita sobra! Huhuhuhu” at heto na ang bestfriend kong  palingkera, ay palingkero pala ay .. Osige na nga PALAKA.

“ ano ba yan! Ilang oras lang tayo di nagsama oh? OA mo ha?”

“ charaught lang ‘to naman HAHAHAHA” wika ng pangit na ‘to

“ wait, last day na ng practice, di mo man lang sya lalapitan? Ggaaadd! Magpakilala ka kaya, malay mo magbago sya HAHAHA” saad nanaman nya

“ tigilan mo nga ako, imposible yang sinasabi mo, ibang iba sya sa lahat ng tao dito, ewan  ko ba kung bakit. Basta pasalamat na lang ako sa kanya dahil isa sya sa naging  inspirasyon ko sa pag aaral kaya ngayon, eto ako. Valedictorian”
Mahabang pahayag ko.

“ wow ha? Devoted lang? Ano ka? Deboto ng nazareno? Jusko mars, apat na taon mo na  syang sinusubaybayan oh? It’s your time gaga!”

Agad ko lang syang binatukan sa sinabi nya. 

Well honestly, ayoko talagang lapitan ang taong pinangarap ko ng apat na taon, ginawa
 kong inspirasyon at higit sa lahat, inidolo sa bawat kilos nya dahil alam ko kung anong pwede kong kalagyan pagnagkataon

FLASHBACK****

Unang araw ng pasukan at heto ako sa gate na sobrang kinakabahan, sobrang dami ng taong nagsisidaaanan ng biglang 


BOOM!




Bagsak ang lola nyo sa sahig



“ ay pasensya na dude” plain na saad nito

Pagtingin ko, isang diyos ang nakita ko



Oo! Dyos ng kagwapuhan! 



Yun nga lang, mukhang suplado sa awra pa lang malalaman mo na.

 Mukhang masungit eh



Di pa’ko nakakapagsalita ng bigla na syang umalis sa harapan ko.

---

Simula noon, palagi ko na syang nakikita sa canteen, sa field o minsan sa labas ng room 
nila

Minsan sa labas ng school nakatambay kasama ang barkada nya



END OF FLASHBACK


At simula rin noon, ay mas sinubaybayan ko na sya.
Mabait sya sa mga taong nakakasalubong nya, 

Ngunit isang araw, nabalitaan na lang naming may binugbog sya na kapederasyon namin.



At doon na nagsimula ang mas pinaigting na bad boy image nya.


Buong araw lang kaming nag practice, at etong palaka kong bestfriend, amoy animal nanaman. hahaha.

umuwi ako ng sobrang pagod dahilan para makatulog na ako kaagad.



KINABUKASAN



Eto na ang araw na pinakahihintay ko, pinakahihintay ng lahat, magulang, guro at higit sa  lahat kami, 

Kaming magsisipag tapos.


“ Axel De los Reyes, Valedictorian” pagkatapos sabihin ni madam principal ang pangalan ko, agad akong tumayo at naglakad sa stage.

 ano pa nga ba gagawin ng valedictorian? Edi mag ii- speech HAHAHA.

 “ to my fellow graduates, parents and teachers, a pleasant evening to all of you, first of all I would like to congratulate all of us for surviving the hectic life of being a high school student and with that let’s all stand and tell our parents and teachers that we thank them for guiding us in our high school life, there maybe ups and downs but we always knew that they’re always there for us. Second, tell your friends how grateful you are for having them in your life and last is the one you really admire the most, tell them how they inspire you to become a better student and making him/her as an inspiration to succeed this kind of life being a  high school student.

 Life gets harder when you grow older, yung tipong problema mo lang noon eh kung pano  manghihingi ng piso sa magulang mo, pero ngayon? Marami na, gaya ng pano ka kokopya sa assignments, pano ka makakalusot sa terror mong teacher kapag late ka and worst,  pano mo lalapitan ang taong gustong gusto mo kahit kaibigan lang ay okay ka na? 


Sound corny but this is the real life, this fruitful life of being a highschool student makes us  stronger to become a better person in the next chapter of our life. 

Remember how this life helps us to become a fighter and a survivor in the real setting, and  as we exit in the gate of this school, let’s bring all the memories that we shared to each  other and cherish all those moments on how we cope up to stress and enjoy life as you  were to die tomorrow. 

And as we enter college, let’s be matured enough to handle big problems that we may  encounter. Again, congratulate to all of the graduates today and become a better person in the future, Thank you”

After kong mag speech, nawindang ako sa nangyari, karamihan sa graduates yakap yakap ang mga kaibigan at tila sasabak sa the crying ladies nila sharon cuneta ( sharon nga ba? Basta yun haha) 

“BAKLAAA!!!!” hays, ito nanaman ang bestfriend kong ubod ng ingay, meet Zandro, Zandro Procopio Feliciano, ang baklang mas malaki pa ang balakang kaysa kay Marian Rivera.

“ oh bakit procopio?!”

“ pakyu!”

“HAHAHA”

“ Walangya ka! Dinaig mo pa si principal sa message mo! Yung totoo? Feeling matured na agad? Para kang pari kung mag salita! Kulang na lang sabihan mo kami ng maghawak hawak tayo at sabay sabay bigkasin ang amanamin! Pero impyernes huh. Parng kulang na lang banggitin mo pangalan nya para malaman nya na sya pinapatamaan mo. Hahaha”

“ Manahimik ka tanggalan kita ng ano dyan!”

“ go! Tanggalin mo na ang ano ko ng mapalitan ng kipay! HAHAHA”

“ tarantado, palitan ko ng tambucho yan eh haha.”

“ grabe ka sakin best, teka sasama ako sayo mag enroll sa SIU huh!”

“ K. Sana dun ka na lang din e. O sya maiwan na kita at mag cecelebrate na kami ng  magulang ko”


niyayaya ko sya na sumama sa pagcelebrate namin dahil close sya sobra sa pamilya ko, sabi nga ni daddy na kung pwedeng ampunin si procopio eh matagal na nilang ginawa. kaso may pamilya din sya na nag iintay at magcecelebrate kagaya ko at ng iba pang estudyante.


“ sorry ha, mayaman ako eh, sa sobrang yaman ko piso lang wala pako haha, teka, di mo  man lang ba talaga sya kakausapin?”

“ di na no! Wala namang mapapala, suntukin pako nun haha o sya see you tomaro!”

“ HMMP! Bahala ka nga dyan. Okay bye popokpok pako eh mwuahhugs”



KINABUKASAN

Maaga akong gumising para magpaenroll,

sa totoo lang masaya na malungkot ako, 

masaya na makakapasok ako sa school na pinangarap ko, ang Seiji International University. Malungkot dahil hindi ko man lang nasabi o nakausap man lang ang taong  hinahangaan ko simula noon pa, san kaya sya mag aaral? Sana kahit makilala man lang  nya ko okay na eh kaso huli na at tsaka pinangungunahan lagi ako ng takot </3. Hays.

*at SIU

“ best dami namang gwapo dito punyemas baka marape ako araw araw dito kung dito ako mag aaral!”

“coming from you ha?! Di kaya sila ang marape araw araw? If i know..”

“tumigil ka na punyeta ka HAHAHAA”

“ buti na lang maaga tayo nakapag paenroll ha. Pasalamat ka sakin no!”

“ oh edi ikaw na may advantage sa pagiging valedictorian mo! Lowest ka naman sa puso ni..”

“ sapatos ko gusto mo? Mabango to.”

“ BEST! BEST! BEST! OMG OMG OMG MY GAAADDD!!!”




“ ANO BA YON?! Punyeta to makatili ha? Pinagtitinginan na tayo oh!”

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan namin dahil sa lakas ng sigaw netong hinayupak na’to. Agad naman akong napatingin sa inginuso nya.

3...


.2....


1.... 


Dugdug dugdug dugsug...


This can’t be.





 Ang taong hinahangaan ko ng apat na taon,






Ang taong sinubaybayan ko,





Ang taong naging inspirasyon ko,





Ang taong minahal ko,

Dito rin pala sya mag aaral,




 walang iba kundi ang nag iisang Dave Sandoval.



7 comments:

  1. Mag anda ang umpisa. Sobrang viva. Salamat sa update.0

    ReplyDelete
  2. Haha nakakatuwa yung umpisa! Infairness di naman boring itong 1st chapter. Keep it up author! :)

    ReplyDelete
  3. Ung totoo author nagmamadali ka? I mean for one chapter ilang araw agad ang nakalipas. Hahahahaha

    Well baka ganyan talaga style mo. XD

    Nice chapter btw. Pero more details pa talaga at habaan mo naman ang nxt chapter. At sana naman kung hahaba nga, baka madaming araw nanaman ang lilipas. Edi madali matapos ng story. Haha xD

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi :) binilisan ko ho talaga yung part ng highschool kasi focus po ako sa college life e. well anyways salamat sa pag puna hahabaan ko na lang po, akala ko kasi mahaba na yan. HAHAHAHAHAHAHHAHAHA.

      Delete
  4. yung nakakaloko yung account na bingay hahha

    ReplyDelete
  5. Parang nakakarelate ako sakanya... Ganyan din ako nung highschool.... Hahahaha wait kapangalan ko pa yung guy.. Hahahah nuce story po 👍👍 - dave

    ReplyDelete
  6. Nice story. Looking forward for the next chapter. Anyways just a tip author be careful with the choices of the words. Good Job :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails