Followers

Saturday, February 14, 2015

Loving You... Again Chapter 2 - Valentine's Day Disaster


  



Author's note...

HAPPY VALENTINE'S DAY EVERYONE!


First of all, I would like to thank again some people, sir Michael, sir Ponce/sir Allan... I confirmed na iisang tao lang sila... xD for giving me an oppurtunity to post my craft here... Thanks again to my fellow writers who welcome me in MSOB family... kuya ALL THE WAY! Carlosblue, Vienne, Rye, Ashigawa, Red, Alex, iyung mga tao sa comments, thank you so much. At sa mga taong naging pressure pa and the hypes... also my kuya Marco for the cover... Halatang copy-paste!

Muli people, Happy Valentine's Day Everyone! And good for me because may ka-date ako. And iyun ang SARILI KO! Sabi nga nila ehh LOVE YOURSELF so guys, treat yourself with a tons of chocolate, kain kayo ng madami, in that way, para hindi kayo malungkot ngayong araw na ito. Okay lang na wala pa si Mr. or Mrs. Right nandyan naman sila mama and papa... unless may lakad din sila haha so no. Mukhang hindi ata nakatulong ang sinabi ko.

So yeah. Heto na naman ang isang boring na chapter na may kinalaman sa Valentine's Day ng mga tao sa Schoneberg Academe. Originally, FunFanFic ko lang ito kasi I love the characters haha. Tapos naalala ko na JoFranz pa ito pero screw that! JoChris or ChrisJo na ngayon. Salamat po ulit kay sir Carlosblue for correcting some things here in this chapter. Also bukas, may bagong chapter na naman at magiging 2-3 post per week na para naman bumilis ang istorya at mahabol ang mga dapat habulin hehe. Salamat po talaga sa nagbasa sa Chapter 1 kasi umabot ng 1k kaso mukhang nawala ata pagdating sa Chapter 2. Hindi ata nagustuhan nung natitira hehe. Okay lang. Well ano pa ba ang hinihintay ko? Heto na ang Chapter 4 guys at bukas na ang Chapter 5.

Bago ko makalimutan, yes. Nagkaroon po ng cameo appearance sila Brax and Vienne last chapter. Nangyari po iyun bago magsimula ang story nila. Sinira ko na ba ang mundo nila? Oo ata. Basta. Alam kong boring itong kwentong ito sa yeah.
















Chapter 2:
Valentine's Day Disaster














Rens POV



          Makalipas ang ilang araw, hindi ko namalayan na Pebrero na pala. Tatlong araw na lang at Valentine's Day na. Sa araw na ito, pinaghahandaan ko sila ninong at ninang ng mga gawa kong tsokolate. Oras nun ng pasok at nasa library kami nila Kei at Harry para gawin ang aming assignment.

         

          Ren, may tanong ako sa iyo?" pambungad ni Harry.



          Ano iyun?" tanong ko kahit nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa ko.



          Minsan ba Ren kapag nakita mo kami, nasasabi mo ba na, teka parang kilala ko ito ahh?" tanong niya.



          Natigilan naman ako sa tanong niya. Yeah. Kayong dalawa ni Kei, ganoon ang pakiramdam ko nun," sagot ko.



          Kayong dalawa ni Kei?" kunot-noong saad ni Harry. Bakit pati siya? Hindi ba ako naman ang lagi mong nadadaanan at hindi siya?"



          Ahh hindi ko alam. Tinanong ko din naman si Kei kung nagkita na ba kami dati. Ang sabi niya hindi," sagot ko.



          Feeling kasi ni Harry na matagal na kayong nagkakilala Ren," sabat ni Kei.



          Pero hindi ba kapag nakilala mo na daw ang isang tao, makakaramdam ka ng nostalgia kapag nagkita kayo ulit or kung ano man ang tawag doon?"



          Ganoon baaa?" mahabang sabi ni Harry na wari ay napapagod na sa ginagawa.



          Oi Harry, gawin mo na nga iyung assignment mo. Huwag mong intindihin ang mga komplikadong bagay," si Kei.



          Dinapo naman ni Harry ang mga kamay niya sa mukha niya. Gusto ko ng matapos ang impyernong ito," wika ni Harry at inihiga ang ulo sa mesa.



          Hindi lang ikaw ang nahihirapan Harry kaya gawin mo na ang assignment mo," si Kei.



          Tapos na ako."



          HA?!" gulat nilang saad.



          Gusto niyo sa bahay ko na lang kayo gumawa para pagkatapos ng mga assignment niyo, maglaro kayo ng Ghost Squad pagkatapos," yaya ko sa kanila habang nakangiti.



          Ren, sinusubukan mo ba ako?" seryosong reaksyon ni Kei sa sinabi ko.



          I prefer to call it motivation." Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko.



          Pumayag na tayo Kei. Masisira na ang utak ko dito. Mabuti pa sa bahay ni Ren tayo pumunta at least, mapayapa," si Harry. Nagsimula na rin siyang magligpit ng gamit.



          Sa bagay. Tara," pagpayag ni Kei. Nagsimula na rin siyang magligpit ng kanyang gamit.



          Pagkauwi namin sa bahay, pumasok ulit sa utak ko kung anong petsa na. Dalawang araw na lang bago ang Valentine's Day. tuwing sumasapit ang araw na ito, gumagawa ako ng tsokolate para kay ninong at ninang ko. Gusto ko itong gawin para sa kanila. Pero ngayong may kaibigan na ako... bibigyan ko pa ba sila?



          Pagkalapag naman ng mga gamit nila Kei at Harry sa sala, dumiretso sila sa Gaming Room ng bahay. Ano nga ba ang inaasahan ko haha. Binuksan ko naman ang kompyuter ko para konsultahin ang mga cyber friends ko. Malay mo may maitulong sila.



Ren has entered the room...



Ren: Hi guys. Two days na lang at Valentine's Day na! :)

MarcoS: Hi Ren. Valentine's Day? Boring.

MarcoH: Bitter ka kuya S. Wala ka lang ka-date.

Yuuhi: Hi Ren. You sound excited for Valentine's Day. What's new?

Ren: It's just I made a few friends in such a short time. And it's as short as a short joke.

MarcoH: Congratulations.

MarcoS: Hindi ko gets iyung pangalawa mong sinabi pero whatever.

Yuuhi: Cool. You are going out of your shell.

Ren: Tanong ko lang, is it weird na gumawa ka ng chocolates para sa mga kaibigan mo?

Yuuhi: Umm...

MarcoS: If they misunderstand you, YUP!

Ren: Pero ginagawa ko naman ito sa pamilya ko.

MarcoH: Family is a different issue.

Yuuhi: Why? Plano mong magbigay ng tsokolate sa mga kaibigan mo?

Ren: Yup. Although some of them are in a relationship.

Yuuhi: That is so sweet of you Ren pero kapag nalaman ko na ang syota ko ay binigyan mo ng chocolates, masasapak kita.

MarcoS: Scary.

MarcoH: First friends of yours Ren?

Ren: Something like that. In a month, meron na akong 11 friends.

Yuuhi: Aasawahin ko nga ito si Ren para makatanggap ako ng mga chocolates galing sa kaniya.

MarcoS: Stop that Yuuhi!

MarcoH: Yuuhi, kailangan mong bombahin ng reyalidad. Nakatira ka sa United Kingdom.

Yuuhi: Did I said that? Whatever. Anyway, kung ma-appreciate lang naman na naging kaibigan mo sila, bakit hindi?

Ren: Talaga?

MarcoS: Go for it.

MarcoH: Same.

Yuuhi: Ingat lang kapag sa mga may karelasyon.

Ren: Well kaibigan ko naman... din sila...

MarcoH: Those three dots.

Yuuhi: Hindi ka sure.

MarcoS: Delikado.

Ren: Pero wala naman kasi sa mukha ko. I'm just a plain person.

MarcoS: Totoo. Pero sila, iyun ba ang tingin sa iyo?

Yuuhi: I swear I read a story of a plain guy who got inlove to his bestfriend and to the son of the owner of the school. Turns out na iyung bestfriend niya at iyung anak ng may-ari ng school, patay na patay sa kaniya.

MarcoH: I saw that coming but it's Yuuhi anyway.

MarcoS: Pero Ren, hindi ka naman iyung taong plain na kinababaliwan ng bestfriend mo at ng anak ng may-ari ng school right?

Ren: First of all, I don't have a bestfriend... yet... And second, kinababaliwan ako ng anak ng may-ari ng school... in a bad way to be honest.

Yuuhi: HAHAHA! Life story!

MarcoS: Well go for it Ren.

Ren: Ang alin? Ang maghanap ng bestfriend? Ang makipag-away sa anak ng may-ari ng school?

MarcoH: Silly.

Yuuhi: Why not both?

MarcoS: The chocolates we mean.

Ren: Whatever. Good luck to me.

MarcoS: Good luck Ren. :)

MarcoH  Good luck Ren. :)

Yuuhi: Good luck Ren. :)



Ren has left the room...



          Pagkatapos ng usapang iyun, hindi pa rin ako makapag-decide. Konsultahin ko naman sila Kei at Harry na naglalaro sa Gaming Room. Pinuntahan ko naman sila at naglalaro sila ng Ghost Squad.



          Guys, nabigyan na ba kayo ng chocolates sa Valentine's Day?" pambungad na tanong ko. Patuloy pa rin sila sa paglalaro na wari'y hindi ako naririnig.



          Hindi ko alam na meron palang araw na ganoon," sagot ni Harry habang patuloy sa paglalaro. Seryoso?



          Anong kasinungalingan ang meron sa Valentine's Day?" patanong na saad ni Kei habang patuloy pa rin sa paglalaro. Hindi makakatulong ang mga sagot ng mga taong ito.



          Bakit Ren? May pagbibigyan ka ba ng chocolates?" tanong ni Harry.



          Oo," mabilis na sagot ko. Kapwa naman sila napatigil sa paglalaro at tumitig sa isa't isa. Mukhang hindi sila makapaniwala sa narinig.



          No way!" pasigaw na saad ni Kei.



          Apocalypse Alert sa February 14," si Harry. Parehas naman silang humarap sa akin.



          So who's the unlucky bitch?" sabay nilang tanong sa akin.



          Ang OA ninyong dalawa!" Tiningnan naman nila ako ng seryoso at mabilis nagpalitan ng mga salita tungkol sa akin.



          2nd week of January, Monday, naging magkaibigan kami ni Ren," panimula ni Harry.



          Kinabukasan nun, nakilala ko siya at nagalit sa akin," ani Kei.



          Pero nagkaayos naman kayo Kei."



          At nagtago ka naman Harry."



          Natuklasan naman natin na kasama siya sa Music Club."



          First time niya naman tayong niyaya sa kaniyang bahay."



          Tahimik!" Sigaw ko at tumigil sila. Anong gusto niyo? Gumawa ako ng Diary ng Antisocial na Panget?"



          Ang hard naman nito sa sarili," kumento ni Kei.



          Hindi ka naman pangit Ren. Ang kagwapuhan ay nagsisimula sa sarili," wika ni Harry. At sa taong magsasabi sa iyo na masarap kang katalik." Nangilabot naman ako sa sinabi niya. Ano ba ang pinagsasabi ng taong ito at umabot na sa R-18 ang usapan?



          Valentine's Day is in the air. At nahuli ka Harry," ngiwi kong sabi.



          Teka nga! Lumalayo na tayo sa topic. So who's the unlucky bitch na bibigyan mo ng tsokolate na magiging dahilan ng pagkaguho ng ating mundo?" tanong ni Kei.



          Kung ang ibig sabihin ehh ilang beses nagunaw ang mundo dahil sa mga pambihirang bagay na ginagawa ko lately, that's like ten times already," paliwanag ko.



          Saan galing ang tatlo?" Si Harry.



          Nasapo ko naman ang ulo ko sa mga sinasabi ng mga taong ito. Sunday ba ngayon at nasa The Buzz' ako? Nakaupo ba ako sa hotseat kahit nakatayo ako?" mga tanong ko sa kanila. Ano ba talaga ang gusto niyong malaman? Sino ang tatlong kaibigan ko o ang unlucky bitch na gugunaw sa mundo?"



          Parehas," mabilis nilang saad.



          Pili or labas?" balik-tanong ko.



          The unlucky one."



          Wala."



          Ha?!" gulat nilang sabi.



          Di bale na lang. I guess Valentine's Day is just a day," sabay talikod sa kanila at bumalik sa sala. Nagkibit-balikat naman silang dalawa. Ano ba ang alam nila? Mukha silang virgin sa Valentine's Day.



          Isang araw na lang bago mag Valentine's Day. Nagre-rehearse naman ang banda at nandito ako sa Music Room. Weekdays ngayon pero gusto nila na hanggat maari, araw-araw daw. Habang nakaupo naman ako sa mahabang couch, nilapitan naman ako ni ate Erika... na may nakakalokong ngiti sa akin.



          Ren, gagawa ka ba ng chocolate bukas?" tanong niya.



          Tigilan mo iyan," agad kong tanggi.



          Sumimangot naman siya. Bakit? Hindi ka gagawa? Gumawa ka ulit ng chocolates bukas. Binigyan mo sila tito tapos ako hindi?" reklamong saad niya.



          Pamilya ko sila malamang."



          Ren, curious ako sa chocolates na ginagawa mo para sa kanila. Balita ko masarap daw," pangungulit ni ate Erika. Kaya gumawa ka na ng chocolates."



          Hindi mo na mababago ang isip ko. Gagawa lang ako para kila ninang at ninong." Sumama naman ang tingin ni ate Erika sa akin. Kumuha ito ng lipstick at inayos ang labi niya.



          Napako naman ang atensyon ko sa banda at iniisip parin kung gagawa ako ng chocolates or hindi. Maya-maya ay may kumalabit sa akin. Nang nilingon ko ito, nakita ko ang labi ni ate Erika na papalapit sa labi ko. Dali-dali kong natakpan ang labi ko.



          Better luck next time," nang-aasar na tono ko sa kaniya.



          Napakamot naman siya sa ulo at umupo ulit. Kung ganoon, gagamitin ko na ang huli kong baraha," rinig kong bulong niya. Maya-maya ay humahagulgol siya ng iyak. May luha pa ito.



          Ate Erika?" Patay! Natigil naman sa pag-rerehearse ang banda dahil sa nakikita at naririnig na paghagulhol ni ate Erika... at pati si kuya Blue. Ako pa tuloy ang nagmukhang tunay na The Antagonist' kahit siya naman talaga.



          Lagot ka. Pinaiyak mo si Ms. Erika," sabay-sabay nilang saad.



          Lumapit naman si kuya Joseph para patahanin siya. Ren, ano ang ginawa mo at bakit mo siya pinaiyak?" tanong ni kuya Joseph sa akin.



          Joseph, okay lang," saad ni ate Erika habang humahagulgol.



          Ren, magsalita ka?!" tanong ulit ni kuya Joseph na may halong pagbabanta na.



          Naku naman! Alam kong umaakting lang si ate Erika pero kapag ginawa na niya ito, kapani-paniwala talaga. Ako talaga ang lumalabas na kontrabida. Wala na akong magagawa.



          Fine! Gagawa na!" Sigaw ko.



          Pati ba sila?" wika ni ate Erika na nawala bigla ang lungkot sa narinig. Ano?! Pati sila?! Nagkatinginanan naman sila at pinag-uusapan kami. Ano ba ate Erika?! Kailangan umayon ako sa gusto niya kahit ngayon lang.



          Kapag pumayag ba ako sa gusto mo, titigil ka na?" tanong ko na may boses ng pagsuko. Ano ba ang magagawa ko. Pinunasan naman niya ang luha niya at nag-peace sign sa akin.



          Tigdalawa ha." Iyun pala iyung ibig sabihin nun?! Walangya naman. Sinumulan ko naman kunin lahat ang gamit ko para umalis na kasi alam ko na ang mga susunod na mangyayari.



          Ren, saan ka pupunta?" tanong ni kuya Blue.



          Uuwi na muna ako kuya Blue. Nasa panganib ang buhay ko kay ate Erika," wika ko.



          Pati pala si Nicko at Aldred," pahabol pa niya. Tumakbo na agad ako at baka madagdagan pa nga talaga.



          Dali-dali akong umuwi ng bahay at nilagay sa sofa ang mga gamit ko. May napansin naman akong note sa lamesa na may naka-drawing na leyon na naka-sad face. Pati ba naman si Mr. Lion?! Nilabas ko naman ang mga kailangan kong sangkap.



          All-purpose Flour, baking powder, sea salt, Dark Chocolate, unstaled Butter, mga itlog at asukal, at ang pinakapaborito kong sangkap. BOURBON! Mabuti at nabili ko ang mga sangkap.



          Habang ginagawa ang tsokolate, aksidente kong nalagyan ng maraming bourbon. Bahala na. Matatanda na sila at kaya nila ito. Originally, gumagawa ako ng mga Valentine's Chocolate para kila ninong at ninang. Well para naman daw... masikmuraan ni ninong... si ninang. Alam niyo na. Nang natapos ko ng gawin ang tsokolate, nag-iwan naman ako ng dalawang piraso sa lamesa para kay Mr. Lion. Nakagawa naman ako ng 26 na piraso. Hindi sana ako gagawa ng ganito kadami kung hindi dahil kay ate Erika.



          Kinabukasan, Valentine's Day na! Kinutuban naman ako bigla. Bakit kaya? May mangyayaring masama kaya sa akin? Ewan. Bahala na. At dito nagsisimula ang Valentine's Day story ng Schoneberg Academe.



          Kakatapos lang ng klase namin ni Harry. Lumapit naman sa akin ni Harry.



          Ren, uwi na tayo ng maaga," yaya niya.



          Pasensya na Harry. Pupunta ako sa Music Room," saad ko habang nagliligpit ng gamit. Kumuha naman ako ng apat na pirasong tsokolate na ginawa ko at inabot kay Harry ang apat na piraso.



          Para saan ito?" kunot noong tanong niya.



          Tsokolate. Gawa ko iyan. Tig-dalawa kayo ni Kei." Kinuha naman niya ito.



          Ren, syota mo na ba kami ni Kei?" seryoso niyang tanong.



          Please don't misunderstand. Friendly chocolates lang iyan," kalmado kong sagot dahil gusto ko siyang suntukin. Nung isang araw pa siya. Dadagdag pa.



          Ganoon ba?" Ngumiti naman siya. Salamat sa chocolates."



          By the way, baka malakas ang tama niyan."



          Natamaan na agad ako. Huwag kang mag-alala," mabilis niyang saad. Pick-up line niya ba iyun?



          Hay nako! Tigilan mo na iyan Harry. Ingat ka," sabi ko saka umalis.



          Ikaw din," pahabol niya.



          Umalis na ako papuntang Music Room. Habang dumadaan ako, ito ang mga makikita mo sa school. Mga babaeng kinikilig dahil binigyan ng pulang rosas, plushies at may balloons na hugis puso pa. Mga magsyota na nagsusubuan ng chocolates at ng chocolates sa mga laway nila. Well whatever. Pagdating ko sa Music Room, ang daming tao. Ganito ba kadami ang fans nila kahit wala pang actual performance na ginagawa ang banda?



          Excuse me. Makikiraan po," saad ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin at makikita mo sa mga mata nila na nagtataka.



          Sino itong taong ito?"



          Kilala mo ba iyan?"



          Hindi ehh."



          Sino ba siya sa akala niya?"



          Bakit hindi niyo tanungin ang sarili niyo ng mga tanong na iyan? Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si kuya Paul. Agad-agad siyang pinagkaguluhan ng mga babae at binigyan ng kung anu-ano.



          Girls, pasensya na ha. Hindi na ako tumatanggap ng regalo at chocolates pero salamat," kalmado niyang saad kahit kitang-kita mo sa mga mata niya na gusto niyang hawiin ang mga ito at paalisin sa harap ng pintuan. Nahagip naman niya ako sa paningin niya. Girls, excuse lang ha." Pinilit niya na pumunta sa kinatatayuan ko at inakbayan. Girls, magbigay daan naman kayo sa Vice President namin." Napatigil ang mga babae. Tumabi naman sila sa dinadaanan namin. Dahan-dahan kaming lumakad papuntang Music Room at pagdating sa loob, sinara nila agad ang pintuan. Bwiset!" biglang sigaw niya. Tinanggal naman niya ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin at pumunta sa drums niya.



          Kuya Paul, maraming salamat sa ginawa mo," saka yumuko.



          Wala iyun," wika niyang nakangiti.



          Nilibot ko naman ang aking paningin at nakita ko na maraming tsokolate sa mesa. Naabutan ko naman na nasa loob din sila kuya Ethan, kuya Jonas at kuya Joseph.



          Grabe naman ang Valentine's Day sa eskwelahan na ito," wika ni kuya Ethan.



          Masanay na tayo," ani kuya Paul na halatang sumasakit ang ulo sa mga nangyayari sa labas.



          Parang ayoko ng pumasok tuloy ngayong araw," si kuya Jonas.



          Hindi niyo ba kakainin ang mga tsokolateng ito?" biglang tanong ko sa kanila.



          Hindi!" seryoso nilang saad. Nakakapangilabot! Siguro pagod na sila mag-entertain ng mga tao sa labas.



          Kung tsokolate iyan ng paghanga, huwag na lang," saad ni kuya Ethan.



          Bakit Ethan? Kung hindi ba tsokolate ng paghanga iyan, kakainin mo?" nakakalokong tanong ni kuya Paul habang nakangiti.



          Hindi naman sa ganoon. Ang ibig kong sabihin ay hindi na dapat sila mag-abala pa," sagot niya.



          Mukhang imposible iyan kasi alam niyo na," sabat ko sa pag-uusap nila. Mga ulam kayo sa kanila?"



          Hindi naman ako sumali sa Music Club para mabigyan ng mga ganito. Gusto ko lang matupad ang pangarap ng kaibigan ko para sa akin," wika ni kuya Joseph... at sa wakas ay nagsalita din.



          Asahan mo na ang mga ganitong bagay Joseph," si kuya Jonas.



          Pero sa tingin ko, mangyayari pa rin iyung mga ganito sayo Joseph kahit hindi ka kasali sa Music Club. Gaya nga ng sabi ni Ren, ulam ka sa paningin nila," paliwanag ni kuya Paul. Kung kasing-plain mo lang si Ren, malamang hindi mangyayari ang mga bagay na ito sa iyo."



          Kinuha naman ni kuya Joseph ang gamit niya at umalis ng walang paalam.



          Umalis iyun?" kunot-noong tanong ni kuya Paul.



          Nagkibit balikat na lang kaming tatlo sa tanong niya.



          Hayaan niyo na. Baka hindi lang masyado sanay sa atin. Balita ko ehh nakapasok lang si Joseph sa school na ito dahil meron siyang scholarship," paliwanag ni kuya Jonas.



          Napatingin naman silang tatlo sa akin. Anong meron?



          Ikaw Ren. Talk about yourself. Pansin ko ehh wala kaming alam tungkol sa iyo maliban lang sa... baka kamag-anak ka ni Christian Castillo," saad ni kuya Paul. Pag-uusapan na naman ba nating ang issue na ito?



          Ahh... Nakapasok lang ako sa school na ito dahil sa benefactor ko. Ulila na kasi ako at sinusustentuhan ng benefactor ko," sagot ko.



          Sinong benefactor?" tanong pa ni kuya Jonas.



          Binigyan ko naman sila ng isang hilaw na ngiti. Pasensya na. Hindi ko pwedeng sabihin."



          Ilang minuto na ang nakakalipas ay tinititigan pa rin nila ako. Asaan na ba si ate Erika para maibigay ko na ang mga tsokolateng ito?



          Napansin ko na may hitsura itong si Ren pero parang," kumento ni kuya Jonas.



          Oo nga no. Ngayong natitigan ko siya ng mabuti," pagsang-ayon ni kuya Ethan.



          Sabi nga nila, ang kagwapuhan ay nagsisimula sa sarili," si kuya Paul.



          At sa taong nakatingin," si kuya Jonas ulit. Ano ba ang meron at pinag-uusapan na nila ako? Boredom?



          Ren, ayaw mong mapansin ng mga tao hindi ba?" tanong sa akin ni kuya Paul.



          Oo."



          Kaya hindi ka nag-aaksaya na magpagwapo?" Si kuya Ethan naman.



          Oo?"



          Natural naman siguro ang kulay ng labi mo hindi ba?" Si kuya Jonas din.



          Oo naman kuya Jonas." Bakit naging topic ako ngayon all of a sudden? Ano ba ang nangyayari sa kanila? Bored ba talaga sila?



          Hubarin mo nga ang damit pang-itaas mo Ren," utos ni kuya Paul. Hubad? Sinunod ko naman ang sinabi niya. Para saan naman? Walang laman."



          Teka, I'm well aware of it kung hindi mo alam kuya Paul," sagot ko.



          Nako Paul. Kahit mga walang muscle na lalaki, gumagwapo din. Nasa kanila iyan kung paano nila ginagawa iyun. Dala mo ba ang wax sa buhok Ethan?" tanong ni kuya Jonas. Tumango naman ito.



          Ako na ang magdadala ng upuan sa banyo," pagprisinta ni kuya Paul.



          Anong gagawin niyo?"



          Basta," tipid na sagot ni kuya Paul.



          Hinatak naman nila ako sa banyo ng club. Yup. May banyo ang Music Room at pwedeng maligo dito. Naglagay naman si kuya Paul ng upuan at nilagay ito sa tapat ng sink. Pinaupo ako ni kuya Paul at pinayuko. Binuksan naman niya ang gripo at binasa ang buhok ko. Pagkatapos ay pinunasan ng face towel ni kuya Jonas ang ulo ko. Nang okay na, nilagyan ito ni kuya Paul ng hair wax. Pagkatapos ay sinuklay niya ito. Wala akong kaalam-alam sa mga pinaggagawa nila.



          Ayan. Tapos na," saad ni kuya Paul na sa tono nito ay nakagawa ng isang magandang nilikha.



          Binalik ko naman ang pang-itaas na damit ko at tumingin sa salamin. Inayusan nila ako at pinagwapo.



          Sabi ko na nga ba. May tinatago itong gwapo sa loob mo Ren," saad ni kuya Ethan.



          Sang-ayon ako," wika ni kuya Joseph. Kung wala si Nicko sa buhay ko, baka ikaw iyung magiging boyfriend ko." Nakakapangilabot naman iyung sinabi niya!



          Kuya Jonas, that doesn't make me feel better to hear," nasabi ko dito.



          Guguluhin ko sana ang buhok ko ng hinawakan ni kuya Paul ang kamay ko. Subukan mo lang at hindi ka makakalabas ng buhay," sabay-sabay nilang saad. Sinisindak nila ako! Pasindak naman ako. Lumabas naman kami ng banyo.



          Tara guys at lumabas tayo. Punta tayo sa canteen at bumili tayo tapos balik tayo dito," yaya ni kuya Ethan. Ha?! Tayo lalabas?!



          Game ako diyan," wika ni kuya Jonas. Paul, akbayan mo si Ren at baka tumakbo," utos niya.



          Sige. Ako ang bahala," pagsang-ayon ni Paul. Ren, tumayo ka ng maayos. Stand straight. Chest up!" Sinunod ko naman ang sinabi niya.



          Game," si kuya Ethan na binubuksan ang pintuan. Teka!



          Umm guys," pagpupumiglas ko sa pagkakaakbay sa akin ni kuya Paul.



          Umayos ka!" seryosong saad nila sa akin.



          Opo!" bilis kong saad.



          Ren, iyung supladong emosyon mo sa mukha," bulong sa akin ni kuya Paul.



          Pagkabukas ng pinto, nakita ko naman na tumabi sa dinadaanan namin ang mga babae sa harapan ng pintuan. Unang lumabas naman si kuya Jonas, kami ni kuya Paul at si kuya Ethan. Nang nakalabas na kaming lahat, sabay-sabay naman kaming lumakad. Hindi pa kami nakakalayo sa Music Room ay may kumukuha na ng litrato namin gamit ang kani-kanilang tablet, cellphone at camera. Ayokong makunan ng litrato!



          Huwag mong pansinin iyan. Diretso lang ang tingin," isa pang bulong ni kuya Paul.



          Tuloy-tuloy naman kaming naglakad. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga nangyayari. Ang pagkakaakbay sa akin ni kuya Paul, ang atensyon ng binibigay sa akin ng mga tao? Alin nga ba? Pero sure ako na iyung atensyon ng binibigay ng mga tao ang nagpapakaba sa akin. Malapit na kami sa canteen... pero nilampasan namin ito.



          Kuya Paul?"



          Sumunod ka na lang," bulong niya.



          Iikot pala kami sa buong ground floor ng school. Tuloy-tuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa Music Room. Pumunta naman sila sa kani-kanilang pwesto habang ako nakatulala pa rin.



          Ren, okay ka lang?" untag sa akin ni kuya Paul. Ayoko ng ganito. Ayoko. Dali-dali ko naman kinuha ang mga gamit ko. Papalabas na ako ng pinto ng mga bumangga sa akin pagbukas nung pinto at napatumba ako.



          OMG!" rinig kong sigaw ng babae. Si ate Erika! Pogi, okay ka lang?" sabay lahad ng kamay niya sa akin. Bumalik naman sa isip ko ang mga sinabi ko sa kaniya.



          「“Listen ate Erika. Siguro nga, wala sa tamang panahon na makita mo siya. Malay mo isang araw, mabangga mo siya. Not by car by the way."」



          Dahan-dahan naman akong gumapang na nakaupo palayo sa kaniya. This is a VALENTINE DISASTER! Natigil naman ako nang may kamay na umalalay sa akin para tumayo.



          Okay ka lang?" tanong ni kuya Paul. Tumango naman ako.



          Sinarado naman ni ate Erika ang pintuan. Who are you?" tanong sa akin ni ate Erika.



          Who are you ka din?" pagbalik ko ng tanong dito.



          Paul, sino ba tong tao na ito at sinasagot ako ng patanong?" tanong ulit nito.



          Seryoso? Hindi mo siya kilala?" Si kuya Ethan.



          Pinatong naman ni kuya Paul ang mga kamay niya sa mga balikat ko. Siya ang Vice President ng Music Club. Ren Castillo Severin," pakilala ni kuya Paul sa akin kay ate Erika.



          What?!" gulat na saad ni ate Erika. OMG! Hindi ko siya nakilala." Ewan ko ba kung OA lang itong mga tao ngayong Valentine's Day.



          Naramdaman ko naman na bumigat ang kamay ni kuya Paul sa mga balikat ko. Ren, bumalik ka sa couch at huwag ka munang aalis," isa na namang naninindak na utos niya. Bumalik naman siya sa puwesto niya. Binu-bully nila ako. Lumapit naman sa akin si ate Erika.



          Huwag kang lumapit ate Erika. Pakiramdam ko ay ginagahasa ako without sexual contact ng mga taong ito," papaiyak kong saad.



          Kita ko naman sa mukha niya na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita niya. Ikaw ba talaga iyan?" Si ate Erika. Inikot ko naman ang mata ko sa sinabi niya.



          Unfortunately, yes," sagot ko.



          Ren, asaan na?" Binigay ko naman ang supot ng mga tsokolate ko kay ate Erika. At asaan na pala si Joseph?"



          Umalis na kanina pa Erika," sagot ni kuya Ethan. More importantly, si Ren, gumagawa ng tsokolate?" nagtatakang saad ni kuya Ethan.



          Hinawi naman ni ate Erika ang mga bagay na nasa table kung saan nakalagay ang mga tsokolate na binigay ng mga fans ng banda dahilan para matapon ang mga ito. Sayang naman iyung mga tsokolate at hindi nila kakainin.



          Nilagay naman ni ate Erika ang supot ng mga tsokolate dito. Tig-dalawa lang guys," paalala ni Erika. Kumuha naman sila at kinain ang mga ito.



          Ang sarap," manghang saad ni kuya Jonas.



          Grabe Ren. Totally worth it ang pag-iyak ko," ani ate Erika. Bwiset na iyan!



          Kung wala lang akong girlfriend ngayon, pinatulan na kita Ren," si kuya Paul.



          Kuya Paul, tigilan niyo po iyan," saad ko.



          Paul, huwag kang aasa dyan kay Ren. Kahit maghubad ka diyan sa harapan niya, hindi ka niya papatulan. Ako na ang nagsasabi sa iyo," sabi ni ate Erika. Dumako naman ang tingin ko kay kuya Paul at nakangiti ito na parang demonyo. Kuya Paul, tigilan mo ang iniisip mo. Parang alam ko na ang gagawin nito.



          Talaga?" Lumapit naman si kuya Paul sa akin. Ehh di subukan natin," sabay hubad ng pang-itaas niyang gamit. Aba ang taong ito?



          Oi Paul, sobra na iyan," saway ni kuya Ethan.



          Okay lang kuya Ethan. Siguro nga malambot ako pero kaya kong tumitig sa malaking katawan niya kahit magdamag pa," matapang kong sabi habang mariin na tinitingnan si Paul. Ilang minuto naman ang nakalipas at sinuot na ni kuya Paul ang damit niya. Buti naman. Bumuntong-hininga naman ako.



          Tigilan niyo na iyan. Mamaya magkapikunan pa kayo. Or magkatuluyan," biro naman ni kuya Jonas.



          Imposible iyan Jonas. Straight ako. Hindi ako magkakagusto diyan kay Ren," paliwanag ni kuya Paul.



          Nako kuya Paul. Huwag kang magsalita ng tapos. Sabihin na nating may girlfriend ka. Sa tingin mo ba ehh hindi darating ang araw na magkakaroon kayo ng problema sa inyong relasyon na magiging dahilan ng paghihiwalay niyo?" matapang kong saad. Tapos biglang malalaman na lang namin na may boyfriend ka na or may gusto ka sa isang lalaki. Good thing. Kinain mo ang mga sinasabi mo, may bonus pang ice cream."



          Hinawakan naman ako ni kuya Paul sa kwelyo ng aking uniform at inambahan. Pipigilan sana siya nila kuya Ethan at kuya Jonas kaya lang, sumenyas ako na okay lang. Teka, lasing na kaya ito si kuya Paul?



          I'm just stating the possible facts. Bakit ka nagagalit?" tanong ko rito.



          Ewan!" Singhag nito saka ako binitawan. Lumayo naman ito sa akin.



          Ilang minuto lang ay bumukas naman ang pintuan at niluwa nito sila Nicko at kuya Blue. Kumuha naman ako ng dalawang piraso ng tsokolate at sinalubong sa pintuan si kuya Blue matapos niya itong isara. Si Nicko naman ay dumiretso kay kuya Jonas.



          Kuya Blue, tsokolate para sa iyo." Lumapit ako kay kuya Blue. Napatigil naman siya.



          Bigla naman bumukas ulit ang pintuan. Happy Valentine's Day Blue!" bati ni kuya Aldred.



          Naestatwa ako dahil sa nangyari. Hindi lang kasi si kuya Aldred ang nasa pintuan dahil kasama nito si ninong. Ano ba ang meron sa mga tao ngayon at sa mga timing nila? Hindi maganda. Kumunot naman ang noo ni kuya Aldred sa nakita niya. Hinuhukay ko na ba talaga ang sarili kong libingan?



          Sino ka?" sabay na tanong ni kuya Blue at kuya Aldred sa akin. Mas lalong lumala ata ang sitwasyon.



          Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin. Blue, Aldred, pinapakilala ko sa inyo ang Vice President ng Music Club. Ren Castillo Severin," pakilala ulit sa akin ni kuya Paul. Teka? Ano ba ang ginagawa ni kuya Paul? Hindi ba galit ito sa akin? Ligtas na ba ako?



          Ehh?!" gulat na saad nila. Narinig ko naman na tumatawa sila kuya Jonas at kuya Ethan sa loob.



          Hindi nga?" hindi pa rin makapaniwala si kuya Aldred.



          Hindi ko napansin," si kuya Blue din.



          Ahh Mr. Schoneberg, nandito rin po pala kayo. Magandang hapon po," bati ni kuya Paul. Aldred," sabay hagis ng dalawang piraso ng tsokolate dito at pumasok na si kuya Aldred sa loob. Si Ren ang gumawa niyan." Kinuha naman ni kuya Blue iyung hawak kong mga tsokolate. Hinarap naman ni kuya Blue si ninong.



          Magandang hapon po Mr. Schoneberg. Napadaan po kayo?" tanong ni kuya Blue. Kumalas naman sa pagkakaakbay sa akin si kuya Paul.



          Magandang hapon din. Pinapapunta kasi ako ni Erika," sagot ni ninong.



          Tito," si ate Erika. Kumuha naman siya ng apat na supot ng tsokolate at binigay ito kay ninong. Happy Valentine's Day po tito. Si Ren, ang aming Vice President ang gumawa niyan."



          Maraming salamat. Happy Valentine's Day din sa inyo. Ingat lang sa mga kinakain ninyo," mahiwagang sabi ni ninong sa amin at umalis.



          Ito ba iyung iniiyakan ni Erika kahapon?" tanong sa akin ni kuya Blue.



          Oo yan nga. Gusto niya matikman at gusto niya na matikman niyo din ito."



          Ang sweet naman," sabat ni kuya Aldred.



          Tsaka first time ko pong gumawa ng tsokolate para sa mga kaibigan ko," dagdag ko.



          Salamat Ren. Titikman ko na," ngiting saad ni kuya Blue.



          Lumapit naman ako kay kuya Paul at yumuko dito.



          Salamat," wika ko. Pasensya na sa mga sinabi ko kung nakasakit ako."



          Wala iyun Ren. Darating ang panahon na makakaganti ako sa iyo," responde nito.



          Aantayin ko iyan," ngiting wika ko.



          Bumalik naman ako sa mga gamit ko para magligpit at para umuwi na ng may sumigaw ng...



          BLUE!" at NICKO!" sa likuran ko. Humarap naman ako sa kanila.



          Ren, bakit natumba si Blue sa kinain mong tsokolate?" pagalit na tanong sa akin ni kuya Aldred.



          Oo nga. Pati si Nicko,  ganoon din naman si kuya Jonas.



          Umm guys, iisa lang ang kinakain ninyong tsokolate," sagot ko sa kanila.



          Oi Jonas. Tikman mo nga itong ice cream ko," wild na pagkakasabi ni Nicko habang hinihimas ang kanyang tarugo na parang lasing. Wait, lasing na sila!



          Ren, anong meron sa tsokolate?" tanong sa akin ni kuya Ethan.



          Umm... All-purpose Flour, baking powder, sea salt, Dark Chocolate, unstaled Butter, mga itlog at asukal at bourbon. Iyun ang mga sangkap," sagot ko.



          Nasapo naman ni ate Erika ang ulo niya sa narinig. Bourbon? Iyung whisky?" Si ate Erika.



          Mahina pa naman si Blue sa whisky," asik ni kuya Aldred. Sa tingin ko ganoon din si Nicko.



          Kaya pala nagawa ko ang mga bagay na ganoon kay Ren dahil lasing na pala ako. Tawagan ko na nga si Sarah para magpasundo," pagdadahilan ni kuya Paul. Pero parang hindi naman siya lasing kanina.



          Oo. Ito iyung ginagawa kong mga tsokolate tuwing Valentine's Day kaya espesyal dahil may whisky." Sa tingin ko, hindi ko na sasabihin sa kanila na naparami ata ng whisky ang nalagay ko sa tsokolate. Everything is a disaster. What's the worst that could happen. Hinalikan naman ni Nicko si kuya Jonas. And updating.



          Kuya Jonas, baka kailangan niyo na pong umuwi?" Tumigil naman sila at dali-daling umalis sa Music Room.



          Buti na lang at hindi ako nakakain. Iuuwi ko na si Blue," wika ni Aldred saka binuhat palabas si kuya Blue.



          Ren, buhatin mo nga ako at ihatid mo ako sa sasakyan na nasa gate ng Academe?" utos sa akin ni ate Erika. Inalalayan ko naman si ate Erika. Buhat ka diyan?



          Kuya Ethan, kuya Paul, ingat kayo haa. Pasensya na sa ginawa ko," paalam ko sa kanila.



          Nang makarating kami sa gate, isinakay ko naman si ate Erika sa sundo niya. Haixt! This is a Valentine's Day DISASTER! Naramdaman ko naman na may mga taong sumusunod parin sa akin. Oo nga pala. Dali-dali naman akong tumakbo para mawala sa pangingin ng mga tao at binalik na sa dati ang buhok ko sa dati pero hindi ko ito maibalik agad dahil sa wax.



          Dumiretso naman akong uwuwi sa bahay. Tiningnan ko naman agad ang lamesa kung nandoon pa rin iyung tsokolate na binigay ko kay Mr. Lion. Baka kasi pumunta siya sa bahay at kunin niya ang tsokolate na ibibigay ko sa kaniya. Napansin ko naman na wala na ito at may note na nakalagay at isang asul na rosas. Happy Valentine's Day! Salamat sa tsokolate mo. Hayaan mo at isang araw, magpapakita ako sa iyo. Loving You... Again, Mr. Lion." saad ng note. Ang paborito kong kulay ng rosas. Nakakatuwa naman. At ano daw? Magpapakita siya? At saka itong si Mr. Lion ha. May nalalaman pang Loving You... Again, Mr. Lion. Napapansin ko naman na iyan lagi ang mga paborito niyang... signature?



          Binuksan ko naman ang kompyuter para tingnan ang Facebook ko. Ayoko kasi magbukas ng Facebook sa school kasi baka malaman nila kung ano ang ginagamit kong pangalan at alam mo na. Tiningnan ko namanang mga post sa group page ng school. Nakuha naman ang atensyon ko sa mga litrato na may album Who is this mysterious guy?" ang title. Binasa ko naman ang caption.



          This Valentine's Day at Schoneberg Academe, there was an interesting event happened around the afternoon. The Antagonist' roam the campus. Ethan, Johny Celerez, Paul Unidad, and a guy with Paul. Well it was really interesting considering that they will be the pride of our school because of their handsomeness and because they will be the next champion in Battle of the Bands this year. The said guy has no notable features such as muscle but his swag, he really looks cool. Another sighting of this guy was when he escorted Erika Gorgeus' De Guzman to her car. We tried to follow him but suddenly, he mysteriously disappeared to our sight. Any thoughts who might be the guy or any information who might be this guy? Who's that guy?"



          Binasa ko naman ang mga comments at puro maganda naman ang sinasabi. May nabasa naman ako na magbibigay sila ng pabuya kung sino ang may impormasyon tungkol sa akin. Tiningnan ko naman mabuti ang litrato ko kasama sila. Ang gwapo ko nga talaga dito. Ohh baka dahil gwapo lang talaga sila kuya Ethan, kuya Paul, at kuya Jonas? Well salamat din sa kanila.



          Teka nga, kumusta naman kaya sila kuya Blue at Aldred? Sila Nicko at kuya Jonas? Alam na. Sana wala namang masamang mangyari sa kanila. Kasalanan ko pa kung meron. Kinabukasan.



          Pasensya na!" nakaluhod kong saad sa kanila.



          Nang dahil sa iyo Ren, ang sakit ng-" pagalit na saad ni kiya Blue. Hindi naman tinuloy nito ang sinabi niya dahil alam ko na kung ano ang sumasakit dito.



          Umm guys, originally kasi, para sa mag-asawa ang ginagawa kong chocolate. Hindi ko naman alam na gusto niyo itong kainin kasi pinilit ako ni ate Erika," dahilan ko habang sa ibang direksyon nakatingin. Tumingin naman silang lahat kay ate Erika.



          So kasalanan ni Erika?" tanong ni kuya Paul.



          Alam niyo guys, okay naman ang tsokolate ko hindi ba? Kuya Blue at kuya Jonas?" Tumingin naman sila sa ibang direksyon. Well ano nga ba ang inaasahan ko.



          Tinuloy naman namin ang buhay. Ang araw-araw naming buhay. Well ano ba ang magagawa namin. Nangyari na ang nangyari. Masaya na ang mga masaya. At ibinalik ko na ang dapat ibinalik. Natapos na sila sa rehearsals ng banda at pauwi na kami. Muli ay umuwi agad si kuya Joseph ng hindi nagpapaalam.



          Oo nga pala Ren, bakit hindi mo inayusan ang sarili mo ngayon?" tanong ni kuya Paul.



          Umm kuya Paul, alam niyo naman na ayokong maging famous na tao sa school na ito. May konti pa rin akong anthrotophobia," ngiwi kong sagot. At isa pa guys, pwede bang atin-atin lang iyung nangyari sa akin kahapon?"



          Bakit naman?" tanong ni kuya Blue habang nagliligpit. Pinakita ko naman sa kanila ang isang picture na nakalagay ang ulo ko sa isang Wanted Poster. Gawa ba ito sa Pizap?



          Wow. Ang magbibigay ng impormasyon tungkol sa taong ito ay gagantimpalaan," basa ni kuya Jonas.



          Hindi nga? Tara at isuko natin si Ren," natutuwang saad ni kuya Paul. Dapat pala hindi ko na sinabi ang bagay na ito.



          Magkano daw ang pabuya?" interesadong tono ni kuya Ethan.



          Ayun! Lumabas ang mga hudas."



          Nagtawanan naman kami saglit sa sinabi ko. Ang babait pala ng mga miyembro ng music club. May mga hudas.



          Makakaasa ka sa amin Ren,  wika ni kuya Blue. Pero try mong gumawa ng kalokohan ehh isusuko ka namin sa kanila."



          Natakot naman ako sa sinabi ni kuya Blue. Salamat guys," nasabi ko na lang.



          At dito na nagtatapos ang storya ng Valentine's Day sa Schoneberg Academe. It's really a Valentine's Day disaster. Bawat bagay na ginagawa natin, nakakaapekto sa buhay natin at sa buhay din ng ibang tao. Dahil sa desisyon ko na kaibiganin si Harry, Kei, at ang Music Club, naapektuhan kaming lahat sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nagsimula na ang twisted course ng buhay ko... ngayong araw na ito. Ano kaya ang dadalhin ng bukas sa akin? Makakabuti ba ito o makaka-sama? Kahit ano pa, haharapin ko ang bukas.



Harry's POV



          Bawat tao ay may rason kung bakit nila ginagawa ang isang bagay. Unless kung ikaw si Deadpool na baliw. Ginagawa ang lahat na maibigin at hindi iniisip kung ano ang kapahamakan na maidudulot nito sa sarili o sa ibang tao. Baliw ehh. At isa pa, hindi siya namamatay kaya okay lang.



          As you all people know, I'm Harry Villaflores. May rason ako kung bakit ginagawa ko ang mga bagay na ganito ganyan at kung ano-ano pa. Well mamaya na muna ako magkekwento.



          Kakapagod. Araw ngayon ng mga puso. Walang magandang gawin. Buti sana kung nasa akin ang puso ni... Ren. Dapat next year, ka-date ko na siya sa mga araw na ganito. Dapat gumawa na ako ng galaw. Alam ko na. Yayain ko na lang siya na umuwi. Lumapit naman ako sa upuan niya.



          Ren, uwi na tayo ng maaga," yaya ko dito.



          Pasensya na Harry. Papunta ako sa Music Room," pagtanggi niya habang nililigpit ang gamit. May kinuha naman itong mga tsokolate at binigay sa akin.



          Para saan to?" kunot-noo kong tanong.



          Tsokolate. Gawa ko iyan. Tig-dalawa kayo ni Kei." Kinuha ko naman ito.



          Ren, syota mo na ba kami ni Kei?" biro ko dito pero seryoso ko itong sinabi.



          Please don't misunderstand. Friendly chocolates lang iyan," kalmadong sagot niya. Palagay ko, galit na ang taong ito at kulang na lang ehh suntukin ako.



          Ganoon ba?" ngiti kong saad. Salamat sa chocolates."



          By the way, malakas tama niyan."



          Huwag kang mag-alala. Natamaan na agad ako," wika ko agad.



          Hay nako! Tigilan mo na iyan Harry. Ingat ka," paalam niya saka umalis.



          Ikaw din," pahabol ko.



          Sinundan ko naman ito ng tingin habang umaalis. Ang ilap bwiset. O baka ako lang ito na hindi umaaksyon. Well, kailangan na hinay-hinay lang. Isang buwan ko pa lang naging kaibigan iyan si Ren tapos masisira dahil magtatapat lang ako ng nararamdaman haha. At kung maalala niyo...



          「“Pero okay lang ba sa iyo na may manligaw na lalaki sa iyo?" isa na namang half a million peso question ulit na galing kay Kei.



          Okay lang kaso asahan na nila ang rejection agad since pag-aaral daw muna ang priority ko... sabi ni ninong," sagot niya.」



          Harsh... Umalis na ako sa room. Kinuha ko naman ang phone ko para i-text si Kei na gusto ko ng umuwi.



          Nako Harry. Pasensya na. Nay gagawin pa kami dito sa Journalism Club," reply ni Kei sa text.



          Ano ba iyan. Gusto ko ng umuwi. Hindi ako makakauwi agad nito kapag hindi kami sabay ni Kei na umuwi. Bakit nga ba sabay kaming umuuwi? Ang totoo kasi niyan, pinsan ko siya sa side ng tatay ko. Pero magkaiba ang apelyido namin? Oo. Nagpaiba siya ng apelyido. Ayokong pag-usapan kung bakit nagpaiba siya ng apelyido kasi kahit ako ay gusto na rin magpapalit ng apelyido. Umuupa kami ng isang apartment at mahigpit na pinag-uutos ng mga magulang ko na umuwi kami ng sabay.



          Habang naglalakad ako papuntang library, mapapansin mo ang mga kalandian sa hangin. Ayoko mag-explain dahil ayoko. Anyway, katulad ni Ren, isa din akong antisocial... on purpose nga lang. Ang purpose ay para mapansin ako ni Ren. Naisip ko na kapag naging antisocial din ako, baka may tsansa na maging kaibigan ko siya. Alam niyo na sabi nila. Birds with the same feather, flocks together. At isa pa, kapalayaw ni Ren ang kababata ko. Hindi lang iyun. Feeling ko ehh matagal na kaming magkakilala pero hindi ko talaga matukoy kung sino. Paano ko nga ba nakilala si Ren?



          「2 years ago...



          3rd year high school ako noon sa Angono Private High School. Naging schoolmate ko sila Christian Castillo at si Alexander Blue Sebastian pero wala tayong pakialam sa kanila. Nakikipag-usap ako sa mga kaibigan ko ngayon pero ang pokus ko ay nasa isang bata na wari'y ang bata ay hindi natatanto ang kanyang eksistensyalidad. Pamilyar sa akin ang mukha ng bata pero hindi ko mawari kung sino. Multo ba siya? Nang natapos na akong makipag-usap sa mga kaibigan ko, tinangka ko siyang lapitan pero tumayo siya at pumunta sa pintuan ng room.



          Bigla naman may bumangga sa kaniya at natumba siya. Lalapitan ko sana siya ng nakatayo ito ng mag-isa at patuloy na umalis. Sinundan ko naman siya palabas pero nagulat ako na wala na siya. Inantay ko naman siya sa pintuan pero nag-bell na, hudyat na magsisimula na ang klase. Kaya bumalik ako sa aking upuan pero nagulat ako na nasa kanyang upuan na siya. Anong kababalaghan ito?!



          Simula noon, pinapansin ko talaga ang eksistensyalidad niya. Pero anong kababalaghan iyung ginagawa niya? Iyung biglang nawawala. Isa talaga siyang misteryosong tao.



          Isang araw, aksidente ko siyang nabangga at natumba naman siya.



          Pasensya na. Ayos ka lang ba?" sabay lahad ng kamay ko para tulungan siya.



          Pero tumayo naman siya mag-isa. Tiningnan ko naman siya sa mata at ganoon din siya. Inaasahan ko naman na walang buhay siya kung tumingin pero iyun ang nakakaasar na parte. Makikita mo sa mata niya na masayang-masaya. Like WTF! Tao, para kang hangin dito sa school at ako lang ata ang nakaka-kita sa iyo. Nilampasan naman niya ako.



          Wow talaga! Simula nang mapansin ko siya, maraming bagay din akong napansin sa kaniya. Kapag may mga groupings, hindi siya kasali. I mean kasali siya sa isang grupo pero parang wala lang. Hindi ko alam pero kahit ang mga guro ay wala ding pakialam sa kaniya? Hindi ko masabi. Hindi pa naman siya napapaaway kahit minsan kaya hindi ko masasabi na pinapabayaan siya ng mga guro sa paaralan namin. Wala siya nung nagkaroon ng field trip ang school at kahit mukha sa year book wala siya. Naisip ko talaga na multo siya.



          Pagkatapos kong makapagtapos sa paaralan na iyun, naisip ko na makikita ko pa kaya siya? Nag-decide naman ako na mag-enroll sa Schoneberg Academe. At nang nag-enroll ako, nakita ko na naman siya. Parang gusto ko na talagang isipin na multo siya. Multo siya ng nakaraan or nang hinaharap ewan ko ba. Basta multo siya.



          Nasa bandang gate ako at nakita ko siya na papunta sa akin. Tumatakbo siya. Bigla na lang akong nakaisip ng paraan para makuha ang atensyon niya. Bahala na. Ewan ko lang kung gagana.



          Nang nakalapit na siya, binangga ko siya at lihim na ninakaw ang cellphone niya. Napansin ko noon na kapag wala siyang ginagawa, may kung ano-ano siyang tinitingnan sa phone niya. Napansin ko na nilalagay niya ito sa kanang bulsa ng slacks niya. Gaya ng inaasahan nang binangga ko siya, natumba na naman siya. Inilahad ko naman ang isa kong kamay ko para tulungan siya habang tinatago ko sa paningin niya ang ninakaw na phone sa kaniya.



          Ayos ka lang ba?" tanong ko dito.



          Muli, tumayo siya mag-isa at nilampasan ako. Hindi naman ako nag-aksaya na habulin siya kasi hahanapin nito ang phone niya.



          Harry!" Sigaw ng boses sa likod ko. Tumalikod naman ako para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Si Kei, ang pinsan ko, na patakbong lumapit sa akin. Huminto naman siya at hinahabol ang hininga niya.



          Oh bakit?" tanong ko dito.



          Bakit ka ba umuna?! Sabi ng sabay tayo ehh!" asik niya.



          Ang bagal mo kasi," ngiti kong saad.



          Phone mo ba iyan?" tanong niya habang nakaturo sa kamay ko na hawak ang phone.



          Ahh hindi. Napulot ko lang," pagsisinungaling ko. Hinahanap ko ang may-ari ng phone."



          Pwedeng pahiram? Isasauli ko kapag nakita mo na iyung may-ari niyan," pagpapaalam niya.



          Sige ba," pagpayag ko. Binigay ko naman ito sa kaniya. Teka, may alam ka ba sa mga phone? Medicine ang kinukuha mo hindi ba?" tanong ko.



          Umm kung ang ibig mong sabihin ay ignorante ako sa mga phone, sa paraan ng paggamit, hindi. Wala namang kaso na tingnan ko ito hindi ba? Interesante kasi ang mga phone. Iba-iba ang features ng bawat isa... dipende ata sa brand," mahabang sagot niya.



          Iwan ko muna yan sa iyo. Mag-eenroll pa ako. Una na ako," pagpapaalam ko.



          Sige," sabay nagsimula na siyang pindutin ang phone.



          Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong mag-enroll. Nakita ko na naman na tumakbo ulit si Kei papalapit sa akin.



          Tapos ka na Harry?" tanong niya habang habang tumatakbo at huminto.



          Oo tapos na. Teka, ang phone?" tanong ko dito. Binigay naman niya ito sa akin. Alam mo na ba kung kanino ang phone?"



          Hindi ehh," sagot niya habang kinakamot ang ulo. Sa lock pa lang, hirap na ako." Tiningnan ko naman ang phone at naka-lock nga ito. Iyung lock nito ehh iyung kailangan gumuhit ka ng pattern sa siyam na buton.



          Mahirap nga. Pattern lock."



          Segurista talaga iyung may-ari," reaksyon ni Kei.



          Pero nakita ko na pinipindot mo ito kanina hindi ba?" kunot-noong tanong ko sa kanya.



          Doon na ako nagsimulang i-unlock iyung phone," sagot niya.



          Ganoon ba?"



          Sige Harry. Mag-eenroll na muna ako."



          Okay. Hanapin ko lang iyung may-ari ng phone at baka makita ko. Una ka na sa kotse kapag natapos ka na."



          Sige. Bye!" paalam niya saka umalis.



          Naglakad-lakad naman ako at sa hindi kalayuan, may banggaan ng tao ang nangyari. Iyung literal na may nabanggang tao. Lumapit naman ako dito at napansin na si Ren iyung natumba.



          Ahh pasensya na po," dispensa niya.



          Okay ka lang?" tanong ng nakabangga sa kaniya. Inabot naman nito iyung kamay niya. Napansin ko na napatigil siya at tiningnan ang bumangga sa kaniya. Halika. Tulungan na kita," dagdag pa niya.



          Tiningnan ko naman kung sino ang taong nakabangga sa kaniya? Teka? Kilala ko ang taong ito ahh. Si Alexander Blue Sebastian. Dapat hindi ka na mag-aksaya ng panahon para tulungan iyan kasi tatayo mag-isa iyan.



          Kinuha naman nito ang kanyang kamay at tumayo. WTF! Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyun!



          Ahh pasensya na po talaga at nabangga ko po kayo," pagdispensa pa niya habang yumuyuko.



          Okay lang. May problema ka ba?" tanong ni Blue.



          Iyung phone ko po kasi nawawala. Kailangan ko po talagang hanapin iyun kasi kailangan na kailangan ko po iyun. May nakita po ba kayong phone?" Sa tingin ko ay kailangan talaga niya ang phone niya dahil tatlong beses na ginamit niya ang salitang kailangan. Umiling naman si Blue. Ganoon po ba?" dismayadong tono niya.



          Huwag kang mag-alala. Mahahanap mo din ang phone mo. Pasensya na at hindi kita matutulungan," ngiti nitong saad. Sige, aalis na ako. Sana mahanap mo na ang phone mo."



          Kita ko naman na natulala si Ren kay Blue. Teka? Ngayon lang ba nakita ni Ren si Blue? Ang alam ko ehh sikat na sikat si Blue sa high school noon. Nilapitan ko naman siya at bumalik naman ang uliran nito ng tinapik ko siya.



          Excuse me. Narinig ko ang usapan niyo na nawawala ang phone mo."



          Humarap naman ito sa akin at pinakita ko ang phone niya. Kita ko naman ang saya sa mata niya at kinuha ang phone. Totoong tao nga siya at hindi multo. Pagkatapos ay yumuko ito.



          Maraming salamat po talaga."



          Ahh! Okay lang. Basta huwag mo nang iwawala iyan. Harry Villaflores nga pala pare," sabay lahad ng kamay ko.



          Umm... Ren," pakilala niya at nakipagkamay sa akin. So Ren pala ang pangalan mo at bakit Ren lang? Sabihin mo ang buong pangalan mo. Hindi Ren lang. Kumalas naman ito sa pakikipagkamay. Sige po. Aalis na po ako," saad niya habang dire-diretsong umalis.




          S-Sandali?!" pagpapatigil ko sana dito pero hindi siya tumigil.



          Isang nasayang na naman na pagkakataon. Tama kayo sa nabasa niyo. First time ko lang nalaman ang pangalan niya. Hindi ako nagtanong sa kung sino-sino. Gusto ko na ako mismo ang makaalam ng pangalan niya. Lumipas ang araw at pasukan na. Swerte ba ito or coincidence? Parehas kami ng course. IT din ang course niya. Tadhana? Sinubukan ko naman siya kausapin at nagpakilala pero, ISNABERO! Iyung tipong, wala akong pakialam sa iyo kasi masaya na ako. Maraming beses kong sinubukan. Mga limang beses? Pero palpak.



          December na at nabalitaan ko na may gagawing article si Kei dahil kasali na siya sa Journalism Club. Nasa cafeteria kami at nag-uusap.



          Ano kaya ang magandang article?" problemadong tanong niya habang kumakain.



          Nag-isip naman kami pareho hanggang sa may pumasok sa utak ko. Si Ren. No joke!



          Hey Kei, paano kaya kung gumawa tayo ng article na Top 10 Mysteries ng Schoneberg Academe?" masiglang suhestyon ko.



          Lumaki naman ang mata niya sa narinig. Oo nga no. Magandang ideya yan," masigla din niyang wika. Magtatanong ako sa mga señior natin kung may misteryo ang eskwelahan na ito. Ikaw naman ang kumuha ng litrato sa ilang lugar dito para sa article."



          Sige, sige," pagsang-ayon ko.



          Kinabukasan, kinuha ko ang Nikon360 sa kwarto ko. Matagal ko din na hindi ito nagagamit. Sumakay kami pareho ni Kei sa kotse, pumunta na agad sa eskwelahan, at pumunta agad sa aming klase.



          Habang nagkaklase, tinitingnan ko ng mariin si Ren. Sa anim na buwan o higit pa na pagmamasid sa kaniya, alam ko na ang mga habit niya. Ito ang isa sa mga habit niya. Tuwing matatapos ang klase namin at humangin, titingin siya sa bintana at magmuni-muni muna. Hindi muna siya aalis ng ilang minuto.



          Natapos na ang klase at nag-uumpisa na silang magligpit ng gamit para umalis. Pero hindi pa rin humahangin. Humangin ka naman please. Nagsialisan na ang lahat habang ang iba ay nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Siya naman ay may tinitingnan sa phone niya.



          Ilang minuto lang ay kami na lang ang tao pero hindi niya ito napansin dahil nasa bandang likuran ako ng room. Hindi pa rin humahangin. Ibinaba na niya ang phone at paalis na siya. Hindi maari. Diyos at diyosa ng mga hangin, God, o kung sino ang may hawak sa hangin, humangin ka ng malakas.



          Patayo na siya pero humangin ng katamtamang bilis. Huminto naman siya saglit at umupo ulit gaya ng inaasahan, nagmumuni-muni. Salamat diyos at diyosa ng mga hangin, God, o kung sino ang may hawak sa hangin.



          Tuloy-tuloy naman umihip ang hangin, gayundin ang pagmumuni-muni niya. Nawawala kasi siya sa mundo kapag ginagawa niya ito, walang pakialam sa mundo. Dahan-dahan naman akong pumunta sa harapan, medyo malayo sa kaniya at pumwesto. Tinutok at naka-focus ang camera sa kaniyang labi.



          Muli, sa diyos at diyosa ng mga hangin, God, o kung sino ang may hawak sa hangin, maraming salamat. Pinindot ko naman ang shutter at nakuhaan ko siya ng litrato. Nang natapos na, bumalik ako sa kinauupuan ko para umalis na sa lugar.



          Bumaling ako ulit sa kinauupuan niya. Hindi pa rin tumitigil sa pag-ihip ng hangin. Ganoon din ang pagmumuni-muni niya. Ano ba ang iniisip niya tuwing umiihip ang hangin? Gusto kong makapasok sa mundo niya. Pinagmasdan ko lang siya ng ilang minuto. He really reminded me of someone I knew. Hindi ko lang malaman kung sino.



          Nang tumigil na ang hangin sa pag-ihip, dali-dali naman siyang tumayo at umalis na sa room. Oo nga pala, bakit ko kinuhaan siya ng litrato? Dahil gusto kong ilagay siya sa top 1 sa mga Misteryo ng Schoneberg Academe para pag-usapan siya ng mga tao.



          Nakipagkita naman ako kay Kei sa cafeteria.



          Kei, may request ako," masiglang saad ko.



          Ang saya-saya natin ahh. Bakit?"



          Pwede bang ito na lang ang ilagay natin sa top 1 ng article?" sabay pakita sa kaniya ng litrato ni Ren.



          Sino to?" tanong niya.



          Iyan si Ren. Hindi ko alam ang buong pangalan niya pero Ren ang pangalan niya," masaya kong sagot.



          At ano ang isusulat natin?"



          Misteryoso siya. Kung ano-ano ang ilagay mo basta misteryoso siya."



          Antisocial ba siya? Yung ganoon?"



          Oo. Tama ka." Napaisip naman ito ng ilang saglit.



          O sige. Ito nga pala iyung ibang lugar na kuhaan mo ng litrato." Inabot naman niya sa akin ang papel na may listahan ng mga dapat kong puntahan.



          Sige, sige," masigla kong pagsang-ayon.



          Inspirado naman akong kumuha ng mga litrato. Isa ito sa mga bagay na magaling ako at mas lalo akong ginanahan dahil sa nakuhaan ko lang ng litrato si Ren.



          Makalipas ang ilang araw, natapos na ang article at na-publish na ito sa buong school. Sinusundan ko naman si Ren kung bibili siya. Pero hindi siya nag-aksaya ng oras para bumili nito. Hindi naman kami nagtagumpay na ang ibang tao ay mapansin siya o pag-usapan man lang. Isa na namang bigong ideya.



          Bagong Taon na. I mean bisperas na ng Bagong Taon. Umuwi kami ni Kei sa amin at doon nag-celebrate. Nagsusulat ako ng New Year's Resolution ng lumapit si mama at umupo sa tabi ko para tingnan ang ginagawa ko.



          Hijo, ano iyan?" untag sa akin ni mama.



          New Year's Resolution po ma," sagot ko habang patuloy pa rin ako sa pagsusulat.



          Ganoon ba? Isama mo na nga rin diyan na mamuno sa pamilya natin."



          Bakit naman ma? Grabe. Nasa makabagong panahon na tayo. Ganito pa rin ang iniisip ninyo ni papa. Ang pagiging lider ng pamilya."



          Anak, kailangan ikaw ang mag-succeed na mamuno sa pamilya natin. Kapag si Kei ang susunod na mamuno, patay tayong lahat. Alam mo ba iyun? Isang masamang bunga si Kei sa pamilya natin," seryosong paliwanag ni mama.



          Ma, sa tingin niyo, may interes na mamuno si Kei sa pamilya natin? Ni wala siyang pakialam. Ni hindi nga siya paborito ni papa kaya sigurado na ako, at pati ikaw din mama, na ako ang susunod na mamuno sa pamilya natin."



          Basta anak. Siguraduhin mo lang na hindi makukuha ni Kei ang trono mo. Siguraduhin mo lang," giit ni mama at umalis.



          Hay nako! Ano ba iyan?! Napag-usapan pa ang pagiging lider ng pamilya. Malayo pa naman para doon at sigurado naman na ako ang mamumuno. Bakit kasi may ganoon pa silang bagay na nalalaman ehh nasa makabagong panahon na tayo. Tradisyon kasi ng pamilya namin. Ewan ko ba kung anong klaseng kaek-ekan nila iyan.



          Natapos na ang Christmas Break at pasukan na naman. Tama! Gagawin ko na ang isa kong New Year's Resolution. Ang maging kaibigan si Ren. Iyun ang una kong gagawin.



          Habang nagsusulat kami ng notes, naisip ko na lumipat ng upuan malapit kay Ren. Sakto! Wala siyang katabi. Nagsusulat din siya ng notes. Nilapitan ko naman ito at umupo sa katabing upuan niya.



          Ren, kumusta?" untag ko dito. Kita ko naman na hindi siya natuwa sa ginawa ko. Luminga-linga pa ito at nagbabakasakali na hindi siya ang kinakausap ko. Grabe ka naman. Napaka antisocial mo naman."



          Ohh... so ako pala ang kausap mo," walang emosyon niyang saad. Well kung alam mo pala na isa akong antisocial na tao, bakit mo pa ako kinakausap? Mas gusto ko kasi na ako ang makipag-usap." Talaga lang haa?



          Tss! Maniwala ako sa'yo! Ikaw? Makikipag-usap sa mga tao? Magugunaw na ang mundo kapag nagawa mo iyun," saad ko.



          Magugunaw ba talaga ang mundo kapag ginawa ko iyun? Pwede bang umupo ka ulit doon sa upuan mo tapos lalapit ako sa iyo para kausapin ka para naman magunaw na ang mundo, sarkastikong reaksyon nito. Seryoso ba itong taong ito?



          Naku, huwag mong gawin iyan. Hindi pa nga buo ang Chapter 1 ng buhay mo tapos gugunawin mo na agad ang mundo," sabay tawa ng payak.



          Sino ka nga pala ulit? tanong niya na ikinalaki naman ng mata ko.



          Dude, seryoso? Hindi mo pa rin ako kilala? Nagpakilala na ako sa iyo like 5 times last year and still tatanungin mo ako kung sino ako? hindi makapaniwalang saad ko. Sabi nila kapag hindi mo daw naalala ang isang tao, hindi daw ito mahalaga sa iyo or may ginawang masama sa iyo."



          So ano? Hindi ka pa rin ba magpapakilala? tanong niya ulit. Sinasayang mo lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo."



          Harry Villaflores, pakilala ko. Nakita ko naman sa mga mata niya na parang nagising sa katotohanan. Pero sa tingin ko ehh mas gusto mo na tinatawag akong Harry Potter."



          Well sinabi mo iyan sa sarili mo at hindi ako ang nagsabi niyan."



          Now Ren, lets get serious. Ang rason kaya nakikipag-usap ako sa iyo ngayon ay dahil gusto kitang maging kaibigan."



          Why me? bilis niyang tanong.



          Ohh come on Ren. Plano mo ba na maging boring ang school life mo? 1st year college ka na at wala ka pa ring kaibigan?



          Cant blame me kasi ako naman ang may ayaw."



          Well then, treat my request as a favor since sinauli ko ang phone mo."



          Fine. Whatever." Nilahad ko naman ang aking kamay. Para saan naman iyan?



          Akin na ang phone mo. I-register ko lang ang cellphone number ko para naman ehh may matawagan ka kung sakali." Binigay naman niya sa akin ang phone niya. Ikaw, ayaw mong ibigay sa akin ang number mo?



          Pwede mo naman ilagay ang number ko sa cellphone mo by calling your phone with my phone and then ma-register na sa phone mo ang number ko. Isnt that easy? wika niya na may pagmamalaki na siya lang ang may alam.



          Right." Nag-dial ako sa phone niya at nag miss call sa phone ko. Tiningnan ko naman ang contacts niya. Dalawa lang ang laman nito. Wow. Ninong at ninang lang. Wala ka na bang magulang Ren? tanong niya.



          Unfortunately, kung nakikita mo sila diyan sa contacts, malalaman mo ang sagot, sagot niya sa akin.



          Bumuntong hininga naman ako habang pinapangalanan ang sarili ko sa phone niya. Ohh ayan, pinangalanan ko ang sarili ko na Harry Potter." Naisip ko lang baka iyun talaga ang gagawin niya.



          Akin na nga iyan," sabay agaw niya ng phone sa akin. Harry Villaflores ang pangalan mo. Paano kung may totoong Harry Potter ang nagpakilala sa akin at gusto ding makipagkaibigan?" Isa sa mga imposibleng mangyayari.



          Most unlikely to happen. Well buhay mo iyan but who knows anyway."



          Pero ano ba itong ginagawa mo sa akin?



          Right. Well Ren, lets be friends, ngiti kong saad.



          Mr. Severin, pinapatawag ka sa Deans Office, tawag ng prof sa kaniya.



          Ngayon, pinapatawag ako sa Deans Office dahil nakipagkaibigan ako sa iyo, inis niyang saad.



          May ganoon? Then Im guilty," pakanta kong saad. Sige na at puntahan mo na ang Dean. Mamaya ehh kung anong plot twist sa buhay mo ang mangyari kapag pumunta ka. Nice to meet you Ren and text text na lang."



          Nice to meet you din Harry," saad niya saka tumayo sa kinauupuan ko dala ang mga gamit niya.



          Sinundan ko naman siya ng tingin habang umaalis. Yes! Parang nanalo ako sa jueteng. Dito nagsisimula ang pagkakaibigan namin. Iyun pala ang pangalan niya. Ren Severin.」



          Tapos nakatanggap ako ng mga tsokolate galing sa kaniya. Inalala ko naman ang naging usapan namin kanina. Na para sa aming dalawa nito ni Kei at kung paano ko siya biniro na syota na niya kami.



          Sinasabi naman ng utak ko na huwag bigyan si Kei. Ay nako! Kakainin ko na nga itong lahat. Tumunog naman ang phone ko at kinuha. May text ako galing kay Kei.



          Harry, tara na at uwi na tayo. Punta ka na lang dito sa tapat ng Journalism Club. Maghihintay ako." saad sa text ni Kei.



          Ibinalik ko naman ang phone ko at agad lumabas ako sa library at kinain lahat ng tsokolateng na gawa ni Ren. Ang sarap! Hindi ko na ipapaalam kay Kei na binigyan din siya. Pagkatapos kong kainin lahat ng mga tsokolate, tinahak ko naman ang daan papuntang Journalism Club. Habang naglalakad ako, unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Ano ang nangyayari sa akin?



          Nakita ko naman na nasa tapat ng Journalism Club sila na nakatayo at nakatingin sa mga grupo ng lalake na naglilibot. Anong meron? Lumapit naman ako sa kanila at nagsimula ng sinukin.



Keifer's POV



          Kalalabas ko lang galing sa Journalism Club at kasama ang mga kaibigan ko sa club. Bigla na lang nagkagulo ang mga kababaihan nang hindi pa kami nakakalayo sa club room. Isang grupo ng mga kalalakihan ang naglibot sa school.



          Kei, kilala mo ba iyang mga taong iyan? Puro gwapo," ani Alexa.



          Hindi ba sila iyung mga band member ng The Antagonist'?" Si Martin.



          Wow. Talaga? Asaan nga pala si Joseph? At sino iyang inaakbayan ni Paul? Kilala mo ba Martin?" tanong ni Alexa.



          Hindi ko alam. Ikaw Kei, kilala mo?" pagpasang tanong ni Martin sa akin.



          Hindi ko din kilala," tanging sagot ko lang.



          Tiningnan ko naman ng mabuti ang taong inaakbayan ni Paul. Napangiti naman ako... ng walang kadahilanan. Parang baliw lang ehh. Nang nasa malayo na sila, hindi namin namalayan na lumapit sa amin si Harry... at bigla siyang natumba.



          Harry, okay ka lang?" usisa ni Martin dito habang tinutulungan.



          Ang saya-saya ko ngayon! HIK!" sabi nito habang sinisinok.



          Inamoy naman ni Alexa ang hininga niya. Lasing ka!" paglalarawan ni Alexa dito.



          Ang sarap-sarap kasi- HIK! - ng tsokolate na binigay - HIK! - ni Ren. HIK!" sagot ni Harry. Oo nga pala. HIK! Meron ka din - HIK! - Kei kasi kinain ko na to. HIK!" dagdag niya.



          So bourbon pala ang naamoy ko? Wow!" gulat na saad ni Alexa.



          Sino ba iyung Ren na iyan?" a half a million question mula kay Martin.



          Kaibigan lang naman namin ni Harry. Ayan! Ang siba-siba kasi! Nalasing ka tuloy!" asik ko kay Harry.



          Nako Kei. Tara na at ihatid na natin ang taong ito sa kotse niya," suhestyon ni Martin.



          Sige guys. Ako na lang ang magmamaneho ng sasakyan niya. Hatid niyo siya sa kotse at ihahatid ko din kayo."



          Sige," pagsang-ayon nilang dalawa sa akin.



          Kinapa ko naman ang mga susi ni Harry at kinuha ito. Nag-vibrate naman ang phone niya at kinuha ko ito tapos nauna sa kanila. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag. Bad timing. Mama niya. Nagdadalawang-isip naman ako kung sasagutin ko ito. Hindi ako close sa tita ko.



          Hello Harry?" pambungad na bati ng mama ni Harry.



          Hello tita? Si Kei po ito," walang emosyon kong sagot.



          Teka Kei?! Ano ang ginawa mo sa anak ko?!" pasigaw nitong tanong sa akin. Sabi ko sa inyo ehh.



          Okay lang po si Harry. Buhay pa po siya."



          Anong ibig mong sabihin?! Ano ang nangyari sa anak ko?!" pasigaw nito ulit.



          Nalasing po."



          Ha?! Bakit?! Paano?! Ano ang ginawa mo sa anak ko?! Sumagot ka?!"



          Binabalak ko na po siyang dalhin sa kabilang buhay nang sa ganoon ehh ako ang magiging susunod na lider ng pamilya natin. Huwag po kayong mag-alala. Susundan niyo po si Harry doon," sarkastiko kong saad.



          Hayop - TOOT! -"



          Binaba ko na ang phone. Hindi nakakatulong sa oras na ito. Dumating naman sila Alexa at Martin habang inaalalayan si Harry. Pinasok naman nito sa back seat si Harry at nandoon din si Alexa. Umupo naman ako sa driver's seat at si Martin ay sa harapan na rin umupo. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagmaneho.



          Salamat sa tulong guys ha," saad ko sa kanila.



          Wala iyun," ani Martin.



          Same here basta hatid mo kami pauwi," si Alexa.



          Habang nagmamaneho ako ay nag-ring na naman ang phone ni Harry. Si tita ulit. Sinagot ko naman ito.



          Tita, kung gusto mo pang makita ang anak mo, huwag po kayong tumawag dahil ibabangga ko po ito and I swear na isusunod ko po kayo ng pamilya ninyo para makasama si Harry sa kabilang buhay! Pinapatay niyo po kami sa ginagawa ninyo. Mwuah! Mwuah! Bye," sabay baba ulit ng phone at pinatay na ito ng tuluyan. Istorbo!



          Wow. Intense ang galit ahh wika ni Alexa.



          Kei, huwag mo naman ibangga. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko alam mo ba iyun?" takot na takot na saad ni Martin.



          Gaya ng ligawan mo si Alexa?" saad ko. Ooops! Tumingin naman silang dalawa sa akin. Joke lang iyun guys. Mainit talaga ang dugo ng mama niya sa akin," pag-iba ko sa usapan.



          Tama siya! HIK!" sabat ni Harry.



          Nako Harry. Magpahinga ka na lang. Lasing na lasing ka talaga," saway ni Alexa.



          Sa bagay. Bantaan mo ba naman. Nanay iyan ehh," wika ni Martin. Humanda ka sa akin Kei isa sa mga araw na ito," rinig kong bulong nito.



          Yeah! Yeah, Martin. I know," bulong ko sa sarili ko.



          Nakarating naman kami sa bahay ni Martin at bumaba na siya. Sunod naman ay kila Alexa. Nakauwi na din kami sa wakas kung nasaan ang apartment namin ni Harry. Dito kami nakatira at may sarili kaming kwarto.



          Lumabas naman ako sa kotse at inalalayan siya papasok sa apartment. Pagkatapos ay inalalayan ko naman siya sa kaniyang kwarto. Kinuha ko naman ang susi at ipinasok sa key hole ng kwarto niya.



          First time kong makakapasok sa kwarto niya kasi hindi ako pumapasok sa kwarto niya at ganoon din siya. Ang mga kwarto namin ay may mahabang pader na nakaharang para hindi makita ang buong kwarto namin. Privacy Issues.



          Nakapasok naman ako sa kwarto niya at madilim ito. Hindi na ako nag-aksaya na hanapin ang switch ng mga ilaw kasi alam ko naman kung saan ang higaan nito. Nakiramdam na lang ako. Nang maramdaman ko na nasa bandang higaan na kami, inihiga ko siya sa kama. Hinanap ko na ngayon ang switch ng ilaw.



          Nang binuksan ko ito, lumabas ako para kumuha ng bimpo at ng medyo mainit na tubig. Bumalik ako sa kwarto niya. Pero nagimbal ako sa aking nakita. Sa nakadikit na mga litrato sa board niya. Ito si...



ITUTULOY...

3 comments:

  1. Nice story very smooth ang dating nito at nakakatuwa ung eksena

    Keep it up the good work author

    Jharz

    ReplyDelete
  2. Ang interesting pala ng buhay ni ren. Haha, nice story mr author.

    -rave priss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails