Followers

Friday, January 23, 2015

Loving You... Again Chapter 1 - Ren Castillo Severin



Author's note...

Ahem... Hello. Seyren Windsor here and I'm trying on something... not literally. So pasensya na sa napakahabang author's note kasi po nagkakakapa-kapa ako and yeah... I am also a new member/contributor here... and I might tarnish the group because of my stupidity.
 
Negative po ba agad? Pasensya na. Masanay na kayo. Sounds like I’m a masochist no?

Moving on and first of all, I would like to thank sir Michael Juha, kuya Allan and… sir Ponce… I’m not sure if sir Allan and sir Ponce ay iisa lang… please do correct me if I’m wrong. Also kuya Carlosblue for letting me inside the Schoneberg Academe, kuya Alvin, kuya Alex at mga taong nakalimutan ko na binigyan ako ng MORAL SUPPORT.

And to all people who will read this, please do not expect high on this one. The development is slow and it might bore you people... and there are some things that you guys might say, 'Ano iyun?' because ughh... Well sabi nga nila ehh may iba't ibang style ang mga writer sa paggawa ng kani-kanilang story so... Well sa mga nagtatanong kung bakit nandito po ang mga OC ni kuya Carlosblue, it was approved by him… please do bash me kuya Carlos if hindi haha. Also, the protag has a crush on Blue so please don’t expect that he will be an antagonist to Aldred x Blue love story so no. Anyway, tama na nga iyan! Here we go! *talon bangin*





Chapter 1:
Ren Castillo Severin
 










Ren’s POV



          Hindi ako naniniwala sa destiny. Pero naniniwala ako na ang ating choices ang nakakaapekto sa buhay natin. At hindi lang sa buhay natin kung hindi sa ibang buhay ng tao. I know this sounds crazy pero naniniwala ako sa parallel worlds. Iyung choices na hindi natin pinili, nangyayari sa mundong iyun. Well paniniwala ko lang iyun.



          Nasa room ako ngayon at busy magsulat ng notes. Let me introduce-



          “Ren, kumusta?” untag ng isang lalaki sa akin.



          Dahil naunsyami ako sa  pagpapakilala ko sa sarili ko, mamaya na nga lang. Alam kong ako si Ren pero luminga-linga pa ako at baka sakaling hindi ako ang tinatawag niya.



          “Grabe ka naman. Napaka antisocial mo naman," dagdag pa nito.



          “Ohh… so ako pala ang kausap mo,” walang emosyon kong saad. “Well kung alam mo pala na isa akong antisocial na tao, bakit mo pa ako kinakausap? Mas gusto ko kasi na ako ang makipag-usap.”



          “Tss! Maniwala ako sa’yo? Ikaw? Makikipag-usap sa mga tao? Magugunaw na ang mundo kapag nagawa mo iyun," walang emosyong saad niya.

         

          “Magugunaw ba talaga ang mundo kapag ginawa ko iyun? Pwede bang umupo ka ulit doon sa upuan mo tapos lalapit ako sa iyo para kausapin ka para naman magunaw na ang mundo,” sarkastiko kong pagkakasabi.



          “Naku, huwag mong gawin iyan. Hindi pa nga buo ang Chapter 1 ng buhay mo tapos gugunawin mo na agad ang mundo.” Tumawa siya ng payak.



          “Sino ka nga pala ulit?” tanong ko na ikinalaki naman ng mata niya.



          “Dude, seryoso? Hindi mo pa rin ako kilala? Nagpakilala na ako sa iyo like 5 times last year and still tatanungin mo ako kung sino ako?” hindi makapaniwalang saad niya. “Sabi nila kapag hindi mo daw naalala ang isang tao, hindi daw ito mahalaga sa iyo or may ginawang masama sa iyo.”



          “So ano? Hindi ka pa rin ba magpapakilala?” tanong ko ulit sa kaniya. “Sinasayang mo lang ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo.”



          Tiningnan ko naman ng mabuti kung sino ang taong ito. Pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita.



          “Harry Villaflores,” pakilala niya.



          Ay oo nga pala. Ito pala iyung taong nakapulot ng smartphone ko. Kung hindi ko kasi nakuha ang phone ko ehh baka hindi na ako nakapasok ng bahay. Ganito na ba ako kasamang tao? Dapat pinapasalamatan ko ang mga taong katulad niya na sigurado ako na siya lang… ang pasasalamatan ko sa buong buhay ko… pero hindi pa ako sure. Ayokong magsalita ng tapos haha.



          “Pero sa tingin ko ehh mas gusto mo na tinatawag akong Harry Potter,” dagdag niya.



          “Well sinabi mo iyan sa sarili mo at hindi ako ang nagsabi niyan.”



          “Now Ren, let’s get serious. Ang rason kaya nakikipag-usap ako sa iyo ngayon ay dahil gusto kitang maging kaibigan.”



          “Why me?” bilis kong tanong.



          “Ohh come on Ren. Plano mo ba na maging boring ang school life mo? 1st year college ka na at wala ka pa ring kaibigan?”



          “Can’t blame me kasi ako naman ang may ayaw.”



          “Well then, treat my request as a favor since sinauli ko ang phone mo.”



          “Fine. Whatever.” Nilahad naman niya ang kaniyang kamay. “Para saan naman iyan?”



          “Akin na ang phone mo. I-register ko lang ang cellphone number ko para naman ehh may matawagan ka kung sakali.” Binigay ko naman ang phone ko sa kaniya. “Ikaw, ayaw mong ibigay sa akin ang number mo?”



          “Pwede mo naman ilagay ang number ko sa cellphone mo by calling your phone with my phone and then ma-register na sa phone mo ang number ko. Isn’t that easy?” nagmamalaki kong saad na wari'y ako lang ang nakakaalam ng bagay na ganoon.



          “Right.” Nag-dial siya sa phone ko at palagay ko ehh tinitingnan ang contacts ko. “Wow. Ninong at ninang lang. Wala ka na bang magulang Ren?” tanong niya.



          “Unfortunately, kung nakikita mo sila diyan sa contacts, malalaman mo ang sagot,” sagot ko.



          Bumuntong-hininga naman siya. “Ohh ayan, pinangalanan ko ang sarili ko na Harry Potter.” Ang alam ko ehh IT ang course namin. Bakit para siyang psychologist kung mag-isip?



          “Akin na nga iyan.” Sabay agaw ko sa phone ko na hawak niya. Pinalitan ko naman iyung pangalan niya. “Harry Villaflores ang pangalan mo so dapat ganito. Paano kung may totoong Harry Potter ang nagpakilala sa akin at gusto ding makipagkaibigan?”



          “Most unlikely to happen. Well buhay mo iyan but who knows anyway.”



          “Pero ano ba itong ginagawa mo sa akin?”



          “Right. Well Ren, let’s be friends,” ngiti niyang saad sa akin.



          “Mr. Severin, pinapatawag ka sa Dean’s Office,” wika ng prof sa akin.



          “Ngayon, pinapatawag ako sa Dean’s Office dahil nakipagkaibigan ako sa iyo,” inis kong saad.



          “May ganoon? Then I’m guilty," Pakanta niyang saad. “Sige na at puntahan mo na ang Dean. Mamaya ehh kung anong plot twist sa buhay mo ang mangyari kapag pumunta ka. Nice to meet you Ren and text text na lang.”



          “Nice to meet you din Harry,” saad ko saka tumayo sa kinauupuan ko dala ang mga gamit ko.



          Okay so dahil mahaba pa ang pupuntahan ko bago makapunta sa Dean’s Office, gagamitin ko na ang pagkakataon na ito para ipakilala ang sarili ko. I’m Ren Castillo Severin. 17 years old. Isa akong antisocial na tao pero gusto kong makipag-usap sa kanila kaso takot lang ako... or was ordered not to do so.



          Well may mga bagay pa kayo na dapat malaman pero since nasa tapat na ako ng Dean’s Office, huwag na muna. Teka, sinabi ko bang mahaba ang pupuntahan ko? Pasensya na kasi tumakbo ako hehe.



          Pagkarating ko sa Dean’s Office, naabutan ko ang Dean at ang isa pang lalaki na nakaupo na din… na gwapo… na parang kilala ko… pero hindi niya ako kilala… parang artista kung baga… kaso hindi siya artista.



          “Mr. Severin, please sit down," utos ng Dean sa akin at umupo sa kaharap iyung lalaki. “Mr. Severin and Mr. Sebastian, as you both know, wala pang representative ang school natin para sa incoming na Battle of the Bands na magaganap by November or December. Gusto naming ipaalam sa inyo na kayo ang pinipili ng school para mamuno sa Music Club.” Pinili ng school? Talaga? Or sabihin na lang natin na favor ng ninong ko?



          Tiningnan ko naman ang kasama kong lalaki. Dapat ito ang mamuno. Okay na rin iyun kesa ako pa ang maging President ng Music Club.



          “Kung ganoon po, itatalaga ko po ang sarili ko bilang Vice President ng Club," mabilis na saad ko.



          Kapwa sila napatingin sa akin. Ang ibang tao nga ehh tinatalaga ang sarili na maging president pero ako, pinili ko pa ang pusisyon na Vice. Pero sino nga bang makapal na mukha ang itatalaga nila ang sarili nila bilang presidente? Kesa naman pag-usapan namin ng kasama ko kung sino ang dapat na maging president, mabuti pang ibigay ko na lang sa kaniya ang posisyon.



          “Well Mr. Sebastian, wala kang choice kung hindi maging President," saad ng Dean.



          “Naiintindihan ko po. Tinatanggap ko po ang posisyon,” saad ni Mr. Sebastian. Oo nga. Siya pala si Alexander Blue Sebastian. Bakit ba late kong naaalala? Iniidolo ko ito ehh.



          “Well pwede bang ipakilala niyo ang sarili niyo sa isa’t isa?” pakiusap ng Dean sa amin.



          “Hi. I-I’m Ren Castillo Severin. Freshmen and I’m taking Bachelor of Science in Information Technology. You can c-call me Ren.” Sabay lahad ng kamay ko. Ngumiti naman siya.



          “I’m Alexander Blue Sebastian. Freshmen and I’m taking Bachelor in Business Administration. You can call me Blue. Kinagagalak kitang makilala.” At nakipagkamay naman siya sa akin.



          Ohh... WHAT THE HELL! IT'S THE REAL THING... AGAIN! The softness of his hand. Pangalawang beses ko na itong nahawakan and it is kind of soothing. I can do anything! Pero Ren, behave!



          “Well students, you can go out now,” wika ng Dean.



          Sabay naman kaming lumabas ni kuya Blue. Respecting issues for calling him kuya. Aktong aalis na ako ng hinawakan niya ang braso ko.



          “Sandali lang," pagpapatigil niya sa akin. Tinanggal naman niya ang kamay niya at humarap naman ako sa kaniya. Blue may be cute... as they said but he's kind of intimidating in some way.



          Kinakabahan ako. O baka kasi ehh first time kong makausap ang idol slash crush ko. Teka, hindi na rin ito ang una. Pangalawa na pala ito. Ano naman kaya ang sasabihin niya.



          “Ano po iyun kuya Blue?” walang kaba kong tanong pero I just keep my composure. Sabi nga nila, first impressions last... or so they said.



          “Kuya?" kunot-noo niyang saad. “Nevermind. Ikaw ba iyung antisocial na nabasa ko sa article sa school paper natin?” tanong niya. Ano? Antisocial na nabasa niya sa isang article sa school paper? Hindi ko alam iyun ahh.



          “Haa? Hindi ko po alam ang pinagsasabi niyo,” kinakabahang sagot ko.



          “Ganoon ba? Well kasi, nabasa ko na isa kang antisocial na tao kaya may gusto akong sabihin sa iyo Ren.” At ngumiti siya. “Hindi tayo magtatagumpay dito kung natatakot ka na makipag-usap sa mga tao.”



          Napalunok naman ako sa sinabi niya. Tama siya. Kapag nasa isang club ka, kailangan may communication kami sa isa’t isa. I expected this kind of impression in the first place... lalo na't kapag alam nila na antisocial ka.



          “Oo nga pala, ano ba ang dahilan mo kaya binigay mo sa akin ang pusisyon na maging president?” tanong nito.



          “Kasi po kung napapansin niyo, mas may dating po kayo kesa sa akin, mas gwapo. At isa pa, madali po kayong mapansin," sagot ko. Kita ko naman sa mukha nito na hindi kumbinsido sa sinabi ko. Iniisip ba nito na binobola ko siya?



          “Ganoon ba? May takot ka ba na mapansin ng mga tao?”



          “Hindi naman po sa takot pero ayoko lang mapansin ng mga tao. Meron po kasi akong konting Anthropophobia po," paliwanag ko.



          “Naiintindihan ko,” wika niya. “Isang bagay nga pala?”



          “Ano po iyun?”



          “Huwag kang mag ‘po’ sa akin,” seryosong saad nito.



          Alam ko naman ang dahilan kung bakit nasabi nito ang bagay na iyun. May mga tao na ayaw makarinig ng po at opo kasi daw, ginagawa silang matanda. Ang ibang tao naman, iniisip na nilalandi sila o kung ano.



          Hindi ko kaya na hindi magsalita na may po sa aking mga sinasabi kapag nararamdaman ko na mas angat sa akin ang taong kausap ko. Pero para sa idolo kong ito, gagawin ko.



          “P-Pero pwede ko naman kayong tawaging k-kuya B-Blue… hindi po ba?” tanong ko. Nanginginig ako sa takot lalo. “Pasensya na sinabi ko na naman ang pinagbabawal na salita sa iyo.”



          Umiling naman siya.    “Mukhang wala ata akong magagawa diyan. Sige. Pwede mo akong tawagin na kuya Blue. Pero walang po ha,” ngiti niyang saad sa akin. “Oo nga pala Ren, may phone ka diba?”



          “Yeah.” Kinuha ko naman ang phone ko at inabot sa kaniya. “Heto ohh.”



          Gaya ng ginawa ni Harry, nag-iwan siya ng miss call sa phone niya. Teka, ganito na ba ang ginagawa ng mga tao towards antisocial people? Ang kunin ang phone ko at sila na mismo ang mag-register ng number nila?



          “Blue Sebastian ang nilagay ko at baka ilagay mo ang buong pangalan ko.” Paano niya nalaman iyun na gagawin ko iyun? Siguro nakita niya iyung kay Harry. Binalik naman niya ang phone ko. “Wala ka na bang klase ngayon? Gusto mo pag-usapan na agad natin ang mga gagawin nating plano para sa club?”



          “Umm… pwede po ba na i-text niyo na lang po ako sa mga gagawin po natin? May klase pa po kasi ako na babalikan.” Teka, apat na po iyun ahh!



          “Ahh sige sige kung iyan ang gusto mo," pagsang-ayon niya. Buti na lang at hindi... tiningnan naman niya ulit ako ng masama. Napansin niya.



          Naghiwalay naman kami ng landas ni kuya Blue. Pabalik na ako sa room ng maalala ko na baka si Harry ay may kopya ng school paper.



          Bumalik ako sa room at umupo sa upuan kung saan ako umuupo para antayin ang susunod na klase namin. Natapos na ang klase at na-dismiss na kami. Hinanap ko naman si Harry at sinenyasan siya na lumapit sa akin.



          “Bakit?" bungad na tanong nito.



          “Harry, pwede ka bang makausap?" tanong ko.



          “And you are talking to me. Sounds music to my ears," he said nonchalantly habang nakangiti ng matamis. Achievement unlocked? “Bakit, ano naman iyun?"



          “Harry, alam mo ba iyung article tungkol sa akin sa school paper?”  diretsong tanong ko sa kaniya.



          “Ahh... Teka lang, hanapin ko lang sa bag."



          Bumalik naman ito sa upuan niya at hinanap ang article na tungkol sa akin na sinasabi ko. Nakita naman niya ito at binigay sa akin ang isang pahina ng school paper.



          “Teka nga lang Harry, bakit mo pinunit ito mula sa pahayagan? Nakakabastos naman iyung ginawa mo kung ako iyung nag-print... pero wala na akong pakialam sa mga bagay na iyan," saad ko saka kinuha ang papel na hawak niya.



          “May humiram kasi nung pahayagan para kumuha ng references kaya kinuha ko na ang isang page ng article tungkol sa iyo," paliwanag ni Harry. Ganoon ba?



          Agad kong hinanap kung sino ang nagsulat ng article. Nakapangalan ito kay Keifer Salvador.



          “Harry, kilala mo ba to si Keifer Salvador?" tanong ko.



          “Oo. Kilala ko iyan," sagot niya.



          “Ganoon ba? Humanda sa akin ang taong ito. Sige Harry. Uuwi na ako. Nakaramdam ako bigla ng pagkaasar," medyo gigil kong saad.



          “Pagkaasar? Bakit naman?"



          “Meron kasi akong konting Anthropophobia."



          “Anthropo-" Napaisip naman ito saglit. “Ohh. Takot sa bulaklak? Ano naman ang kinalaman nun?"



          Tumawa naman ako ng payak. “That's Anthophobia," biglang seryoso kong saad. “Iyung tinutukoy ko na phobia ehh iyung ayaw sa tao and so far, bumabalik na naman. You still want me to be your friend do you kasi kapag bumalik ang Anthrophobia ko, ayoko na completely makipag-usap sa tao," paliwanag ko. Napansin ko naman na pinapawisan siya. “Ohh hey Harry, pinapawisan ka."



          “Ahh wala to," tarantang saad niya. “Baka dahil sa init lang ito ng panahon."



          “January? Mainit? Hapon? Akala ko ako lang ang weird. By the way Harry una na ako na umuwi. Ingat ka," paalam ko.



          “Ohh sige Ren. Ingat ka."



          Lumabas naman ako ng room at tinahak ang daan papuntang parking lot. Kinuha ko naman ang bike ko na nasa parking lot ng school. Habang pauwi sa bahay ko, dinadama ko naman ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat.  Pagdating sa bahay, magluluto ako ng fried chicken. Huminto ako sa isang napakalaking bahay. Dito ako nakatira. Ang sabi ng ninong ko ehh dream house ito ng mga magulang ko bago sila mawala sa mundo at pamana nila sa akin. Sa maliit na gate, may makikitang keypad doon. Ayoko sana mag-explain pero kailangan ko itong gawin.



          Hindi ako gumagamit ng susi para makapasok. Gamit ang cellphone ko, malalaman ko ang kasalukuyang password ng gate para makapasok ako. Kada minuto kasi ay nag-iiba ang password ng gate. Pagka-input ko ng password sa keypad, matatanggal ang lock ng gate at makakapasok ako. Bigla namang may ipapakita sa akin na live feed mula sa CCTV ng bahay na nakaharap sa gate at para ipaalam sa akin na may nag-disable sa lock ng gate.



          Nilagay ko na sa sofa ang lahat ng gamit ko at dumiretso sa kusina. Nagulat ako na may pantakip ng pagkain sa hapag-kainan. Pagkabukas ko nito ay bumulaga sa akin ang isang kaluluto lang na kanin at isang malaking pitso ng fried chicken at gravy. Teka nga Ren, hindi ba mag-isa ka lang sa bahay na ito? Oo. Sigurado ako na ako lang ang tao sa bahay na ito. Ang may gawa lang naman nito ay ang stalker ko.



          Sa ilalim ng isa sa mga plato, may isang note na may drawing ng ulo ng isang leyon. Kinuha ko naman ito baka may sulat ito sa likod. Ang tawag ko sa stalker ko ay Mr. Lion. Kelan ba to nagsimula? Simula nung nag-college ako sa Schoneberg Academe. Minsan sa isang linggo, kapag may nakahain agad na pagkain, nanggaling siya dito.



          Ren, check mo ang mga CCTV mo at baka malaman mo kung sino siya. Maraming beses ko ng ginawa iyan at ang resulta, wala. Ewan ko kung paano niya nagagawa iyun pero wala talaga siyang iniiwang bakas. Baka nga siya si Lupin. Ilang beses ko na rin pinaigting ang seguridad ng bahay ko pero wala pa rin. Sumuko na ako kasi kahit ano ang gawin ko, nakakapasok siya.



          Hindi ko naman alam kung ano ang pakay niya pero wala namang nawawalang gamit sa bahay. Hindi pa naman niya ako nilalason... na gusto kong mangyari. Wala pa naman siyang ginawang masama sa akin... pero mag-aantay pa ba ako na may mangyaring masama sa akin? Pero pinili ko na lang na hayaan siya.



          Bigla namang nag-ring ang doorbell ng bahay. Tiningnan ko naman ang CCTV na nasa itaas ng gate gamit ng phone ko. Si ninong. Tinago ko naman ang note sa bulsa ko at tinext ko naman siya kung ano ang passcode ng bahay.



          “Ninong, ang passcode po ay 76890.” saad ko sa text.



          Nakapasok na si ninong at sinalubong ko siya. Siya si Mr. Schoneberg, ang ninong ko. Matagal na daw silang magkaibigan ng tatay at malaki ang utang na loob niya dito. Kaya nung namatay daw ang magulang ko ay inihabilin ako sa kanilang mag-asawa. Si Mr. and Mrs. Schoneberg ang pangalawa kong magulang.



          Dahil ako na lang daw ang natitirang miyembro ng pamilya namin, binibigay nila ang lahat ng maibigin ko. Actually, bigay nila lahat sa akin ang mga gamit sa bahay. Ang high-specs na kompyuter na makikita sa sala, ang sari-saring mga arcade games at kung ano pang nakakaaliw na laro sa left wing ng bahay ko, ang library ng mga manga at libro sa right wing ng bahay ko, ang kusina at swimming pool, bigay nila lahat iyun sa akin.



          “Good afternoon po ninong,” bati ko sa kaniya sabay yakap. Gumanti naman siya ng yakap.



          “Ren, kumusta ka na?” tanong nito sa akin.



          “Okay lang po ako ninong.” Sabay kalas sa yakap nito.



          “May dala akong paboritong pagkain mo.” Pinakita niya sa supot na hawak niya.



          Binigay naman niya ito sa akin at nang binuksan ko ito, isang bucket ng Jollibee Spicy Chicken.



          “Ninong, pang-isahan lang po ang sinaing kong pagkain. Kung gusto niyo po, manuod na po muna kayo ng TV habang nagsasaing po ako.”



          “Sige sige. Mag-init ka na rin ng tubig at ipagtimpla mo na din ako ng tsaa,” wika niya.



          Ilang minuto lang ay nakapagsaing na ako. Niyaya ko na din si ninong na sabay kumain. Pagkatapos kumain ay pumunta siya sa sala at nanood ulit ng isang basketball game.



          “Ninong, tsaa po?” paanyaya ko sa kaniya. Kumuha naman siya ng isang tasa. Umupo naman ako sa sofa na pang-isahan.



          “Ren, nabalitaan ko na hindi ka naging presidente ng Music Club dahil gusto mong maging bise. Akala ko pa naman tatanggapin mo na maging presidente ng club.” Sabay higop ng tsaa.



          “Ehh ninong, si idol Blue po pala ang pinili niyo pong partner ko kaya sa kaniya ko na lang po binigay ang pusisyon. May dating siya at gwapo. Mga katangian na wala talaga ako.” Saka payak na tumawa.



          “Ito talagang inaanak ko. Gwapo ka rin naman ahh?”



          “Sabi po kasi nila na kapag magulang mo ang nagsabi, hindi daw totoo. Since pangalawa ko po kayong magulang, hindi po ako naniniwala sa sinasabi ninyo," paliwanag ko.



          “Hay nako! itong inaanak ko talaga. Binubuhat ang bangko ng iba. Pero Ren, dapat tumulong ka kahit bise presidente ka lang. Inaasahan namin kayo na mananalo kayo sa darating na Battle of the Bands," patawang saad ni ninong.



          “Nako po ninong. Huwag po kayong magsalita ng tapos. Pero pangako ko ninong. Para sa kapakanan ng school, gagawin ko po ang gusto niyo."



          “And for that Ren, I am allowing you to freely socialize with them. Pinapayagan na kitang makipagkaibigan sa mga tao sa school."



          Sa sinabi ni ninong, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Tama kayo sa narinig. Utos ni ninong ang maging antisocial ako para sa kabutihan ko. Hindi na ako nagtanong kung ano ang dahilan. Parents knows best for their children and as a son, susunod ako. Well I kind of like it anyway.



          “Bakit Ren, may problema ba?" untag sa akin ni ninong.



          “Bakit nga po pala pinapayagan niyo na po ako ngayon na makipagkaibigan? I kind of like it na kasi na hindi masyadong nakikipag-usap sa mga tao," dahilan ko.



          “Well it's your choice Ren. Basta ako, I'm allowing you. Also, it's for your sake. Tama na ang high school days mo na hindi ka nakikipag-usap sa mga tao na para ka lang hangin sa society na ito," pakumpas nitong saad.



          May punto si ninong. But still, gusto ko na ang ganito. As ninong said, it's my choice.



          Nag-vibrate naman ang phone ko. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ang pangalan ni kuya Blue. “Si kuya Blue po ninong. Sagutin ko lang po,” saad ko at sinagot ito. “Hello?”



          “Hello Ren, salamat at sinagot mo.” Si kuya Blue. Salamat? Nag-aagaw buhay po ba kayo kuya? “Oo nga pala, magpa-reserve ka na sa gym sa susunod na Sabado para sa audition. Ikaw na rin ang gumawa ng poster. Oo nga pala, may nakuha naman akong bagong member para sa club at kasama na humanap ng ibang members. Ethan ang pangalan niya. At tsaka, kami na lang ang mag door-to-door sa Academe para hikayatin ang mga estudyante na sumali. Baka gusto mong sumama?” offer nito sa akin.



          “I refuse kuya Blue. Sa poster naman po, okay. Sige gagawin ko iyan. Well may iba ka bang bilin kuya?”



          “Wala na. Ahh!” Ungol ba iyun? Kuya Blue, ibaba mo na ang phone. Ayoko pong maging third wheel sa hindi niyo maiiwasang pagniniig kung sino man iyan. “Paalam na Ren. Ahh!” isa pang ungol mula kay kuya Blue.



          “Okay, magandang gabi sa inyo.” Saka tinapos agad ang tawag.



          “Sa wakas, nagkaroon ka din ng mga taong tinatawagan maliban sa amin ng ninang mo," saad ni ninong.



          “Correction ninong, mga tumatawag.”



          “Para saan naman ba iyung tawag?”



          “May mga pinagbilin po sa akin si kuya Blue. Sa darating po na Sabado, magkakaroon po kami ng audition sa Gym. Pwedeng ipaalam niyo na po sa school para po iyung poster na lang po na pinapagawa ni kuya Blue ang gagawin ko?” pakiusap ko.



          “Sige sige. Anything for you Ren.” Tumingin naman siya sa pambisig na relo. “Ren, kailangan ko ng umalis. Wala na tayong kailangan pag-usapan hindi ba? Wala ka bang problema?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.



          “Wala naman po ninong,” ngiti kong sagot. Tumayo naman si ninong at binigyan ako ng mahigpit na yakap. “Ingat po kayo ninong.” ginantihan ko naman ito.



          “Ikaw din Ren.” Sabay kalas sa pagkakayakap sa akin. Hinatid ko naman siya sa gate at sinundo naman siya ng kanyang driver.



          Bumalik na ako sa sala at binuksan ko ang kompyuter para makapag-Facebook. Mangangalap ako ng impormasyon tungkol sa pinag-uusapan na Top 10 Mysteries of Schoneberg Academy. At sa kabutihang palad, wala. Buti na lang.



          Kinabukasan, pinaskil ko na sa board ang pinapagawa sa akin ni kuya Blue na poster. Ngayon, kailangan ko namang kausapin si Keifer Salvador.



          Vacant namin at nasa library kami ni Harry dahil gumagawa kami ng assignments namin.



          “Harry, hindi ba sinabi mo kahapon na kakilala mo si Keifer Salvador? Vacant niya rin ba ngayon?” tanong ko.



          “Tingnan ko lang,”



          Kinuha naman nito ang phone niya at palagay ko ehh tini-text niya si Keifer. Maya-maya ay tumunog naman ang phone nito.



          “Pwede daw siya. Tara sa canteen.” Si Harry.



          Wala na kaming sinayang na oras na pumunta sa canteen. Ilang minuto ang inantay namin at may umupo naman sa tabi ni Harry. Malamang si Keifer Salvador na ito.



          “Hi, I’m Keifer Salvador. You can call me Kei. Nice to meet you,” pakilala niya sa akin habang nakangiti. Bigla naman akong naasar sa ngiti niya.



          “Nice to meet you too," sarkastiko kong saad.



          “This is new huh?” Marahan namang siniko ni Harry si Kei.



          “Tapos ilalagay mo ito sa top wonders ng school?” tanong ko.



          “Pwede,” diretso niyang sagot.



          “Puwes Keifer Salvador, the thing you did was getting on my nerves. Kung may balak ka gumawa ng isa pang article tungkol sa akin, ngayon pa lang tigilan mo na,” pagalit kong sabi pero kalmado.



          “Guys, guys, kalma lang," pag-awat sa amin ni Harry.



          Umalis na agad ako kasi nakakaramdam na ako ng matinding galit. Babaw ko no. Baka masapak ko iyun. Ayoko kasi na magkaroon ng articles sa kahit anong pahayagan. Iyun nga ang sabi ng ninong ko sa akin ehh, huwag daw akong maging papansin sa tao kaya nga naging antisocial ako.



          Palagi ko siyang dinadaanan pero binibigyan ko lang siya ng cold shoulder. Can't he see na ayoko muna siyang lapitan? Uwian na nun at nakita ko siya na nakatayo malapit sa bisekleta ko.



          “Hindi mo ba alam na nakakapangilabot iyang ginagawa mo?" walang emosyon kong tanong.



          “Pwede bang makipag-usap sa iyo?" tanong sa akin ni Kei. “Umm first of all-"



          “Teka lang," pagputol ko. “First of all kung ako sa iyo, palipasin mo muna ang isang araw kasi I don't feel talking to you right now okay." Tumahimik naman siya bigla. “Now if you'll excuse me creepy man kasi nakatayo ka malapit sa bike ko na para bang sinusundan mo ako ng buong araw, let me get myself a day-off in everything okay?" tumango naman siya at tumabi sa dinadaanan ko. “Also, let's talk about this tomorrow sa cafeteria pag-break ko. Mga 1pm. Pwede ka ba?"



          “Ahh sige. Vacant ko iyun," masayang saad niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin para tumingin siya sa ibang direksyon.



          Dali-dali akong umuwi para makapag-isip ng mag-isa sa bahay. Pumunta naman agad ako sa hapag-kainan at gaya ng inaasahan, walang pagkain ang nakahanda agad. Dapat kinarir na lang niya ang pagluluto ng pagkain para sa akin. Patulog na ako ng biglang nag-ring ang phone. Tinatawagan ako ni Blue.



          “Hello kuya Blue," masaya kong bati sa kaniya. “Patulog na ako. Kung tinatanong mo ang mga pinapagawa mo sa akin, nagawa ko na lahat. Aantayin na lang natin ang susunod na Sabado para sa audition," diretso kong saad. Hindi naman sumasagot si kuya Blue sa kabilang linya. Baka naman hindi si kuya Blue ang kausap ko?



          “Red, sino ba ang kausap mo sa phone ko?" rinig kong saad ni kuya Blue sa kabilang linya. Binaba naman agad nito ang phone.



          Sino kaya iyun? Naalala ko naman na meron palang boyfriend slash soon-to-be his husband... as said by some people, si kuya Blue. Sa totoo lang, hindi ko na inusisa ang mga bagay na ganoon... kasi si kuya Blue lang ang point of interest ko? At isa pa, kahit malaman ko na lalaki ang partner niya, I don't care. Hindi kabawaaan iyun sa kaastigan niya... in my words. He is astig for me in some ways that only I can see.



          Well dapat magpahinga na ako para sa isang panibagong umaga. Panibagong umaga, panibagong report ng PAG-ASA tungkol sa weather bukas.



          Nagising naman ako ng 3am kinabukasan. Early to bed, early to rise. Nag-check naman ako ng voice mail ko baka may tumawag sa akin.



          “You have 4 voice messages."



          Beep. “Ren, si Harry to. Aga naman nito matulog. Tumawag ako baka sakaling pwede tayo mag-usap kaso tulog ka na pala ng maaga. Pasensya na sa istorbo."



          Beep. “Ren, si Blue to. Sinabi ni Red sa akin na nagawa mo na ang pinapagawa mo. Tatawagan sana kita para pasalamatan well never mind. Good job nga pala."



          Red? Sino iyun?



          Beep. “Ren, si ninang mo to. As expected, tulog ka na ng maaga. Pupunta ako diyan para bisitahin ka pagkauwi ko diyan sa Pilipinas. I love you. Mwuah!"



          Beep. Wala kang maririnig sa mensahe na ito kung hindi ingay ng kung ano saka mahinang tawa na nakakapangilabot. “I'm watching you Ren."



          Kakaiba iyung boses. Si Mr. Lion lang ang pumapasok sa isip ko. Magpakilala na kasi siya haha. Pero sa tingin ko huwag na muna. Once a week din nakakatanggap ako ng ganyang mensahe mula sa kaniya. Paulit-ulit na lang. At first natakot ako pero hinahanap-hanap ko na to. I'm weird letting the devil in my house. Well sa tingin ko hindi naman siya masamang tao kasi wala pa naman siyang ginagawang masama  sa akin... yet...



          Pagkarating ko sa parking lot ng school, napansin ko naman na may kasabay akong mag-park. Nakamotor at dalawa ang nakasakay. Hinubad naman nung isa ang kanyang helmet at bumaba. Si kuya Blue pala.



          “Magandang umaga kuya Blue," masayang bati ko.



          “Magandang umaga din Ren," bati din niya sa akin. Bumaba naman ang kasama niya at hinubad ang helmet. Ang gwapo naman ng kasama niya. “Ren, pinapakilala ko sa iyo ang fiancĂ© ko, si Aldred. Red, si Ren." Ohh. FiancĂ©.



          “Kumusta po kuya Aldred. Ako po si Ren Castillo Severin. Kinagagalak ko po na makilala kayo," nakangiti kong wika sabay lahad ng kamay ko.



          Tiningnan ko naman ang taong ito sa mata at... teka, parang tinitingnan niya ako ng masama.



          “Aldred Castro," sabay nakipagkamay siya sa akin. Tinitingnan niya pa rin ako ng masama. Ano ba ang nagawa ko? Ilang segundo ang nakalipas at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kasama ng masamang titig niya sa akin.



          “Umm... b-bakit po ang s-sama ng tingin niyo po sa akin?" Kinakabahan kong tanong.



          “Tanong ko lang. Kaano-ano mo si Christian Castillo?" tanong niya sa akin. Christian Castillo? Iyung leader ng ‘The Gravity' na champion ng Battle of the Bands?



          “Umm... we're totally unrelated. Ang totoo po kasi, given name lang po ito ng ninong ko kaya hindi po kami related," paliwanag ko.



          Hindi naman nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Baka hindi ito naniniwala sa sinasabi ko. Kuya Aldred looks intimidating to me. Maya-maya'y lumiwanag naman ang mukha nito at ngumiti sa akin. Binitawan naman niya ako at nakahinga ako ng maluwag.



          “Red, huwag mo naman siyang takutin," untag ni kuya Blue kay kuya Aldred. “Ren, ayos ka lang ba?" Tumango naman ako.



          “Pasensya ka na sa ginawa ko. Sinisigurado ko lang. Baka mamaya ehh pinadala ka ni Chris para manggulo na naman sa amin," paliwanag sa akin habang nakanggiti si kuya Aldred. Ang seloso naman niya.



          “Okay lang," sabay tawa ng mahina. Tumunog naman ang phone ko at pinapatugtog nito ang chorus ng Monster by Paramore.



          “Sige Ren, una na kami," paalam ni kuya Blue.



          “Sige po. Ingat po kayo kuya Blue at kuya Aldred," sabay naman silang umalis at sinagot ko naman ang phone. “Hello ninang?"



          “REN! It's good to hear your voice. Kamusta ka na?" masaya nitong tanong sa akin.



          “Okay lang po ninang."



          “Pupunta pala ako sa house mo mamaya. Bonding naman tayo."



          “Sige po ninang. Mga 3pm po ata ako makakauwi."



          “Okay sige. Darating ako sa house mo ng mga 2pm. Alam mo naman na ang susi ng gate ay nasa sa iyo kaya text mo sa akin ang passcode ha."



          “Sige po ninang. May pasok pa po ako. Talk to you later."



          “Ingat Ren. Mwuah!" Sabay baba ng phone.

         

          Isa na namang mahaba-habang araw. Meron kayang mangyayari sa akin na hindi ko inaasahan? Well lumipas na ang oras at hindi ko namalayan na last subject ko na.  Nag-text naman si ninang sa akin na nasa bahay na daw siya. Ang aga.



          “52737 po ang passcode ninang." text ko dito. Tiningnan ko naman ang live feed sa phone ko na nakapasok na sila.



          “Wow. Nanunuod ka ng porn?" Untag sa akin ni Harry na tumabi ng upuan.

         

          “Porn? Loko. Live feed lang ito ng isa sa mga CCTV ko sa bahay namin," sagot ko.



          “Wow. Ikaw lang ang nag-install niyan sa bahay mo? Paano?" sunod-sunod niyang tanong.



          “Ahh hindi. Iyung mga technician ng ninong ko ang gumawa nito," palusot ko.



          Ang totoo kasi, ako lang ang nag-setup nun. Ayoko lang malaman ng mga tao na ako ang gumawa dahil maraming tanong ang susunod panigurado.



          “Oo nga pala, sino ang ninong mo?" naitanong niya bigla.



          “Pasensya na Harry pero hindi ko pwedeng sabihin," agad kong sagot.



          “Ganoon ba?"



          Pumasok naman sila kuya Blue at kuya Ethan sa loob ng room... kasama ang ilang... followers? Isa bang walking Instagram, Tumblr or Twitter si kuya Blue? O baka naman kay kuya Ethan ang mga taong ito.



          Luminga-linga naman si kuya Blue at nang makita ako, ngumiti siya sa akin. Agad ko naman inuntog ang ulo ko sa arm chair. Sa ginawa niyang iyun, nag-flash sa utak ko iyung tingin sa akin na masama ni kuya Aldred sa akin. Nagulat naman si Harry sa ginawa ko at nanlaki ang mata niya... at siya lang ang nakapansin sa nangyari.



          “Ren, okay ka lang?" alalang tanong nito sa akin.



          Tumango naman ako. “Yeah. Okay lang. Kailangan ko lang gawin," palusot ko.



          “Hello guys. We're from music club. I'm Blue. Blue Sebastian. I'm the President. Bubuo kami ng isang banda and we're looking for a students who are willing to be a part of it. Guitarist, vocalist and also a drummer. So may audition this comming Saturday sa gym," kuya Blue said with overflowing confidence that soo- that I might say something exaggerated.



          Nakarinig naman ako ng bulong mula sa mga kaklase ko. Puro pamumuri sa kagwapuhan ni kuya Blue. May iba naman na lihim na tumitili.



          “Mr. Sebastian, are you still single?" tanong ng kaklase kong babae habang nakataas ang kanyang kamay.



          “I'm sorry but I'm already unavailable. I'm happily engaged now," he responded with a smile.



          Sa sinabi niya, parang gumuho ang mundo ng iilang kababaihan... at kalalakihan?



          “Iyan iyung sinasabi ko na bakla," rinig kong bulong-bulungan sa isang kaklase ko na may tonong pagpipintas.



          Tiningnan ko naman kung sino iyung nagsalita na iyun sa hindi naman kalayuan. Siya si Allan Mercer. Top 1 ng klase namin. Actually, nakaupo siya kung saan umuupo si Harry ngayon. Itong taong ito. Akala mo walang kapintasan.



          Kaya naman naging top 1 ito sa klase dahil kumukopya ito sa mga sagot ko tuwing magkakaroon kami ng pagsusulit. Oo. Isa akong matalinong tao. Hindi sa nagmamayabang ako pero totoo. Tuwing magkakaroon kami ng pagsusulit, nape-perfect ko kasi ang mga pagsusulit namin. Sinusulat ko lagi sa test paper ko ang tamang sagot at hinahayaan ko siya na kumopya. Hindi naman siya masyadong nagpapahalata pero kumukopya talaga siya. Kapag nakopya na niya, binubura ko ang ibang tamang sagot at pinapalitan ng maling sagot.



          Palagi naman niyang ginagawa iyun pero hinahayaan ko lang siya. Para sa kabutihan ko at kabutihan niya. Well hindi naman ito nagtatanong sa akin kung bakit ginagawa ko iyun but it's great.



          Maya-maya'y umalis na sila kuya Blue at nag-aayos naman kami ng aming mga gamit.

              

          “Oo nga pala Harry. Aalis na ako kasi makikipagkita ako kay Kei ngayon sa cafeteria ng school," saad ko dito.



          “Date?" agad na tanong nito.

         

          “Hell no," bilis kong sagot. “Gusto mong sumama?" yaya ko sa kaniya.



          “Ahh huwag na lang. May pupuntahan pa ako."



          Umalis na ako at pumunta sa cafeteria ng school. Naabutan ko naman si Kei na naghihintay sa isang table. Umupo naman ako sa kabilang upuan ng table. Kita ko naman ang tuwa sa mukha nito. Napaisip naman ako. Baka kagaya ni Harry, gusto lang naman makipagkaibigan ng tao.



          “Okay Kei. Ano ang gusto mong sabihin at makikinig na ako," panimula ko.



          “Umm first of all Ren, gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko and gusto ko sana na makipagkaibigan sa iyo," paliwanag niya. See. Gaya ni Harry, baka gusto lang nitong makipagkaibigan sa akin.



          “Okay pinapatawad na kita," agad kong sagot dito. “May tanong naman ako sa iyo."



          “Ano naman iyun?"



          “Sino ba ang kumuha ng litrato?" diretsong tanong ko sabay turo ko sa litrato ko sa article. “Iyung litrato kasi ay obviously a stolen shot kasi nagmumuni-muni ako nito ng nakatingin sa bintana and nakakapangilabot dahil parang naka-focus ito sa lips ko."



          “Umm... masisira ba ang pagkakaibigan niyo kapag sinabi ko ang totoo?" balik tanong niya sa akin. Masisira ang pagkakaibigan? Sino? Huwag mong sabihing...  “Si Harry kasi ang kumuha ng litratong iyan."



          “Now that's creepy," saad ko.



          Well hindi nakakagulat kasi siya lang ang tinutukoy ni Kei aside kay kuya Blue (Seriously?) kasi hindi naman kami magkaklase at madali ko siyang mapapansin kung siya nga ang kumuha pero nakakagulat pa rin. Para kasing katangian ng isang stalker iyung ginagawa ni Harry.



          “Nakiusap kasi ako kay Harry na kunan ka since marunong siya sa photography." Now that makes sense to me.



          “Well hindi naman naging popular ang article so please Kei, huwag ka ng gumawa ng mga article na ganito lalo na at tungkol sa akin."



          “Oo naman. Makakaasa ka," sabay ngiti ng matamis sa akin. Cute. “Oo nga pala Ren, can I have your number?"



          “Yeah sure," sabay bigay ko ng phone sa kaniya.



          Wow. Ganito ko lang kadali binigay ang phone ko sa kaniya. Habang tinititigan ko siya, parang may kakaiba akong naramdaman.



          “Kei, by chance, nagkita na ba tayo dati like 3 years ago?" tanong ko.



          “Hindi pa naman," diretso niyang sagot. “Bakit? May problema ba?"



          “Wala naman. May bigla lang akong naalala kapag tinititigan kita," sabay iwas ng tingin.



          “Ganoon ba?" Sabay balik ng phone sa akin. Kei Salvador.



          “Well Kei, aalis na ako," paalam ko.



          “Sige. Ingat."



          Habang paalis ako, Napaisip ako. Parang nagkita kami ni Kei noon pero hindi ko maalala. Si Harry naman, baka stalker ko siya? Nakakapangilabot. Siya kaya si Mr. Lion na nakakapasok ng bahay ko? Mataas ang posibilidad kasi nag-aral din siya ng IT. Para makapasok kasi ng hindi namamalayan sa bahay ko ay kailangan na isa kang IT expert.



          Nakarating na rin ako sa bahay sa wakas.



          “Ren, nakauwi ka na din." Sinalubong ako ni ninang at yumakap sa akin. Gumanti naman ako ng yakap dito. “Alam kong gutom ka na galing sa school kaya halika na at kumain na tayo," sabay kalas sa akin.



          Pinagluto naman ako ng mga katulong na dala ni ninang ng paborito kong Afritada... well iyung pa lang naman kasi ang alam nilang paborito ko kasi lahat ng uri ng pagkain... basta may karne ng manok or baka... paborito ko... Pagkatapos namin kumain ay naglabas naman si ninang ng paborito kong Black Forest Cake sa refrigirator ko. Lumipat kami sa sala at doon kumain.



          “Kumusta Ren? Ang pag-aaral?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.



          “Okay naman po."



          “Good. So ano naman ang masasabi mo sa suot ko?" Lagot. Nagtanong na naman siya tungkol sa suot niya.



          “Ninang, naging bise presidente pala ako ng Music Club," pag-iiba ko.



          “Wow. Good for you," saad nito na humahanga.



          “Siya nga po pala ninang, bakit bumalik po kayo sa Pilipinas?"



          “Well si kuya Jasper mo kasi, umuwi na ng Pilipinas. Sinundan ko naman siya dito. Okay na rin iyun para mabantayan ko din si Daryll. Any news about Daryll like pumapasok ba siya araw-araw? Bumabagsak na ba siya?" sunod-sunod na tanong niya.



          “Ninang naman. Alam niyo naman po na hindi kami magkasundo ng anak ninyo."



          Bumuntong-hininga naman siya. “Kung may katangian lang sana ang anak ko na meron ka."



          “Ninang? Wala naman pong ganyanan. Okay naman po si Daryll just the way he is. Kayo lang po kasi."



          “Oo nga pala Ren, matanong ko lang. Nung isang taon ata, nakita ko si kuya Jasper mo na nanggaling dito tapos pumunta sa States. Nung sinundan ko naman siya doon, parang may nagbago sa kaniya. Alam mo ba ang dahilan?" pag-uusisa nito.



          “Siguro po kasi ay nasa Realization Stage na siya ng buhay niya," sagot ko.



          “Realization Stage?"



          “Malay niyo po. May bagay siya na na-realize niya na ang buhay something ay alam niyo na," magulo kong paliwanag. “Baka stage lang po ng maturity."



          “Baka nga. Well maganda iyan kung magiging mature sila. Oo nga pala Ren, nood tayo ng movie."



          “Anong movie naman po ang gusto niyo ninang?"



          “Palabas na ba iyung 50 Shades of Gray? Tagal ko ng inaantay iyun."



          “Next year pa po iyun ninang. Godzilla na lang po ang panoorin natin," Sabay load ko naman agad iyung movie na Godzilla sa TV.



          Alam ko namang kumunot ang noo niya pero kapag humarap ako, nakangiti ito ng matamis sa akin. Kahit na sabihin ko na parang isa siyang kontrabida sa kwento nila Hansel and Gretel kapag ngumiti ng matamis.



          Maraming araw naman ang lumipas kasi wala namang mahalagang nangyayari nitong nakaraan araw maliban lang sa umiiwas sa akin si Harry. Kapag lumalpit ako dito ehh kumakaripas ng takbo. Ano ba? Hindi ako si God na hinahabol sila Adan at Eba sa Hardin ng Eden dahil wala silang saplot samantalang si Harry, meron. Sabi ni Kei ay baka natakot siya. Well alam ko naman ang dahilan. Kaya pala noong isang araw ehh pinapawisan dahil may kasalanan pala si Harry sa akin.



          Audition day na sa gym at handa na ang lahat. Umupo na kami ni kuya Blue at kuya Ethan para mag-judge. Pumagitna naman sa amin si kuya Blue since siya ang president. Habang nagaganap ang audition, nakikita ko naman na kumukuha ng litrato si Harry. Siya kaya talaga si Mr. Lion?



          Natapos na ang Audition at oras na para pumili. Sinenyasan ko naman si Harry na lumapit. At sa wakas ay lumapit nga.



          “Hi Harry. Good morning," bati ko saka sinamaan ng tingin. “Balita ko ehh may kasalanan ka pa sa akin."



          Tumawa naman siya ng mahina. “Alam mo na pala. Oo nga. Ako ang kumuha ng litrato," wika niya.



          “Dapat pala sa iyo ako nagalit pero dahil umiiwas ka sa akin ng isang linggo, okay na iyun. Nice move," nagagalit kong saad dito pero gaya ng dati, kalmado.



          “Ren, masaya ako na nakikipag-usap ka sa ibang tao pero may napili ka na ba?" untag ni kuya Blue.



          Bumaling naman ako kay kuya Blue. “Oh yeah. Si Johny Celerez, Joseph Arthur Mendoza Reyes, at Paul Unidad."



          “Okay."



          Binalik ko naman ang atensyon ko kay Harry. “Harry, ayusin mo iyan ha at huwag mong i-focus sa akin. Dapat si kuya Blue lang ang mapapansin at hindi ako," utos ko dito.



          “Okay. Sige," pagsang-ayon niya.



          “Siya nga pala Harry, nandito din ba si Kei?" tanong ko.



          “Oo. Bakit?"



          “Yayain ko sana kayo na pumunta sa bahay. After ng audition?"



          “Ahh sige. Hatid na kita since may kotse akong dala ngayon."



          “Sure," sabay alis ni Harry pero bumalik naman ito agad. “Quick question, bakit ganoon kabilis mo lang akong pinatawad?"



          “You are saying na gusto mong magtanim ako ng sama ng loob sa iyo. Hindi ito HateFarmVille Harry. At tsaka ano naman ang makukuha ko sa iyo kapag harvest time na? Chocolates?"



          May kinuha naman itong kung anong bagay sa bulsa niya. “Heto ohh. Flattops," sabay bigay nito sa akin. Asaan si Kendra? “Thanks for forgiving me Ren," sabay ngumiti ng matamis.



          “Sige na Harry. May problema pa kami dito. See you later."



          “Yeah. Same here," wika nito at umalis.



          Binaling ko naman ang atensyon ko sa audition at nakita ko naman na ang gwapo ng mga taong ito sa malapitan. Ako lang pala talaga ang plain sa club kasi si kuya Ethan din, medyo gwapo. Nakapili na kami sa drums at binigay namin ang posisyon kay Paul Unidad. Ngayon ang problema namin ay ang dalawa na maganda ang boses. Si Johny at Joseph. Kung tutuusin ehh si Joseph na dapat at ibasura na lang namin si Johny. Pero sayang naman iyung talent ni Johny. Kaso wala na kaming mapili para sa lead guitarist. Magaling din naman sa guitar si Joseph. He was so awesome with it. Si kuya Johny maganda ang boses pero nakulangan ako. Ewan ko ba kung bakit. Pero ang desisyon ay hindi manggagaling sa akin kung hindi kay kuya Blue. Pinatalikod naman kami ni kuya Blue at nag-usap.



          “Ethan, ano ba ang sa tingin mo ang gawin natin?" tanong ni kuya Blue.



          “Ako din. Hindi ko alam," saad ni kuya Ethan. Tumingin naman si kuya Blue sa akin.



          “Ren, may suhestyon ka ba?" tanong niya sa akin.



          “Ahh, ehh," kinakabahan kong saad. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin.



          “Huwag kang mahiya. Makikinig ako," ngiting saad niya.



          “Bakit hindi na lang si Joseph ang yayain niyong lead vocalist? Astig po talaga siya kapag may guitar din."



          “Okay," pagsang-ayon ni kuya Blue. Humarap naman kami ulit. “Umm Joseph, pwede ba na ikaw na lang ang lead vocalist ng banda? Maganda ang boses mo at kailangan namin ang talent mong iyan," paliwanag ni kuya Blue.



          “Gusto ko po sana pero meron po kasi akong asthma," saad nung Joseph. Nagliwanag naman ang isip ko sa narinig pero ayos din. “Okay lang po na si Johny ang magiging vocalist," dagdag pa nito.



          “Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" paniniguro ni kuya Blue dito. Tumango naman si Joseph bilang pagtugon. “Kung ganoon Johny, ikaw na ang lead vocalist," desisyon ni kuya Blue. Great! Problem solved. “Then guys, welcome sa Music Club. As you all know, I'm Alexander Blue Sebastian, the President."



          “I'm Ethan. Ako ang magiging bassist ninyo sa banda," pakilala ni kuya Ethan.



          “I-I'm Ren Castillo Severin. Vice President ng club." Kumunot naman ang nuo nung Paul.



          “Castillo? Hindi ba Castillo din iyung apelyido ni Chris?" saad nung Paul.



          Bagong rule, tuwing may tao na papansinin ang given na MIDDLE INITIAL NAME ko na Castillo, piso.



          “Ahh, ehh," tanging nasabi ko na naman dahil kinakabahan ako.



          “Huwag kayong mag-alala. Given name lang iyan sa kaniya ng ninong mo Ren right?" singit ni kuya Blue. Tumango naman ako. “Okay ayos ba ang lahat?" Tumango naman sila. “Well since wala pa tayong room, wala munang club activities. We will notify you guys kung meron na. You can go now."



          Nagsimula namang silang magsialisan pati ang mga tao sa gym. Hay! Salamat naman at natapos din. Grabe. Malaking issue talaga ang Castillo na nakadikit sa pangalan ko. Gusto ko ng umuwi ng bahay at mag-relax.



          “Thanks for the hard work guys," saad sa amin ni kuya Blue.



          “Yeah. Sige Blue at Ren. Una na ako. Bye Ren. Bye Blue," paalam ni kuya Ethan sa amin. Nagsimula naman itong lumakad umalis.



          “Ingat ka," sabay naming sabi ni kuya Blue. Nagsimula na akong magligpit ng gamit ng humarap sa akin si kuya Blue.



          “Ren, bakit hindi ka kaya magpalit ng pangalan? Like ngayon na?" nakakalokong tanong niya.



          “Grabe naman kayo kuya Blue haha."



          “Seryoso!"



          “AW. Big deal po ba talaga iyung pangalan na Castillo na nakakabit sa pangalan ko?"



          “Baka kapag may maling nangyari, baka isipin nila na sinabotahe mo," ngiting saad niya.



          “Nako kuya Blue. I will be always loyal to this school. Sige kuya Blue. Una na ako sa inyo." Kita ko naman na papalapit sa amin si kuya Aldred. “Andyan na si kuya Aldred ohh..."



          “Sige sige sige. Ingat ka."



          “Ingat din kayo," paalam ko.



          Pumunta na ako sa parking lot at nakita ko ang dalang kotse ni Harry. Ako na lang pala ang inaantay. Kinuha ko naman ang bike ko at nilagay ito sa likod. Pagkatapos ay umupo sa likuran. Tinuro ko naman kay Harry ang direksyon ng bahay ko... kahit alam ko na baka matagal na niyang alam kasi nasa top list siya ng mga possible stalker ko.



          “Kei, Harry, ayusin niyo ang mga buhay niyo haa. Alam ko na member kayo ng Journalism Club kaya ayusin niyo talaga. Huwag niyo akong gawing star," banta ko agad sa kanila.



          “Umm... correction Ren. Ako lang ang member ng Journalism Club. Tinutilungan lang ako ni Harry sa mga litrato kasi magaling siya sa photography," paliwanag ni Kei sa akin.



          “I stand to be corrected."



          “So kasali ka pala sa Music Club," si Harry. “Hindi ba bawal ang mga antisocial doon?" nakakalokong dagdag nito.



          “Sumali lang ako dahil kay kuya Blue," sagot ko.



          “Dahil sa President niyo? Idol mo ba iyun Ren?" tanong ni Kei.



          “Yeah."



          “Paano mo naging idol iyun?"



          “Umm kase..."



          「8 months ago...



          Nawawala ang phone ko. Hindi ko ito mahanap. Patay. Patay. Sino ang nakapulot nun? Kapag hindi ko mahanap ang phone ko, sa labas ako ng bahay matutulog. Bumili na lang kaya ako ng bagong phone? Hindi pwede. Kailangan mahanap ko ang phone ko. Patakbo-takbo ako noon sa Academe habang hinahanap ang phone ko. Nang lumiko ako, bigla akong may nabangga na tao at natumba ako.



          “Ahh! Pasensya na po," paghingi ko ng dispensa.



          “Okay ka lang?" saad ng nabangga ko. Inabot naman niya ang kanyang kamay sa akin. Napatigil ako tsaka pinagmasdan siya. “Halika. Tulungan na kita," dagdag pa niya. ISA SIYANG ANGHEL! Tapos ang cool pa niya. Kinuha ko naman ang kamay niya at tumayo.



          “Ahh! Pasensya na po talaga at nabangga ko po kayo," wika ko habang yumuyuko.



          “Okay lang. May problema ka ba?" tanong niya.



          “Iyung phone ko po kasi nawawala. Kailangan ko po talagang hanapin iyon kasi kailangan na kailangan ko po iyun. May nakita po ba kayong phone?" Umiling naman siya. “Ganoon po ba?" dismayado kong saad.



          “Huwag kang mag-alala. Mahahanap mo din ang phone mo. Pasensya na at hindi kita matutulungan," ngiti niyang saad. “Sige, aalis na ako. Sana mahanap mo na ang phone mo."



          Natulala naman ako. Hindi ko naman namalayan na umalis na siya. Bumalik naman ang uliran ko ng may tumapik sa akin.



          “Excuse me. Narinig ko ang usapan niyo na nawawala ang phone mo," saad nung tumapik sa akin. Hinarap ko naman ang taong ito at pinakita naman niya sa akin ang phone. ITO NA NGA!



          Kinuha ko naman to at yumuko sa kaniya. “Maraming salamat po talaga!"



          “Ahh okay lang. Basta huwag mo nang iwawala iyan haa. Harry Villaflores nga pala pare," sabay lahad ng kamay niya.



          “Umm... Ren," pakilala ko at nakipagkamay. Maya-maya ay kinalas ko naman agad ang kamay ko. “Sige po. Aalis na po ako."



          Dire-diretso naman akong umuwi sa amin. Ang cool talaga nung tao na nabangga ko. Binuksan ko naman ang kompyuter ko at pumunta sa group ng school. Isa-isa ko naman tiningnan ang mga post ng mga tao hanggang mapako ang mata ko sa isang pamilyar na tao. Ito iyung bumangga sa akin.



          Tiningnan ko naman sa caption ang pangalan niya. Alexander Blue Sebastian. So iyun pala ang pangalan niya. Nag-research naman ako ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya at may ilang bagay naman ako na nahanap. Teka, ano ba naman itong ginagawa ko? Baka mamaya nito ay maging stalker ko. Tinigil ko ang pag-research kay kuya Blue baka mamaya makitaan ako ng sintomas ng obsession sa isang tao. Nakakapangilabot kaya.」



          Naalala ko naman din na iyun ang unang beses ng pagkikita namin ni Harry.



          “Ahh... so iyun ba iyung sinauli ko sa iyo ang phone mo? Ang bait-bait talaga ng ugali nung taong iyun na nakilala ko. Sino ba iyun? Si Ren? Tapos suplado pagdating ng pasukan," saad ni Harry. “Hindi mo ba alam Kei na sa sixth time ko siyang kinausap, pinaalala ko pa sa kaniya na ako ang nagsauli ng phone niya. Aba! Kinausap ako. Kaya heto siya ngayon, sa likuran ng kotse ko," turan nito kay Kei.



          “Harry, pababain mo ako," pagalit kong saad. “May kasalanan ka pa sa akin kung hindi mo natatandaan."



          “Pero sabi mo ehh napatawad mo na ako?" kunot noo nitong tanong habang nagmamaneho.



          “Nagsinungaling ako matapos marinig ko iyung sinabi mo kanina," saad ko na may tono na naiirita. Wala lang. Echos lang.



          “Ohh guys, guys. Baka mag-away na naman tayo? Kalma lang," singit ni Kei. Wow. Ito naman si Kei ngayon ang umaawat.



          Ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay ko.



          “Guys, dito lang kayo," saad ko saka bumaba. Kinuha ko naman ang phone at patagong inalam ang passcode ng gate. Nang makapasok ako, binuksan ko ang malaking gate para i-park sa loob ang kotse.



          “Wow, ito ba talaga ang bahay mo?" manghang tanong ni Kei habang bumababa ng kotse silang dalawa ni Harry.



          “Ang laki," manghang saad din ni Harry. Namangha? First time talaga dito? “Ren, hindi ba sabi mo mag-isa ka lang nakatira sa bahay mo? Sa ninong mo din ba itong bahay?"



          “Furnitures ng bahay, yes. Iyung bahay, dreamhouse ng magulang ko na pinamana sa akin bago sila nawala sa mundo," sagot ko. “Tara. Tuloy kayo."



          Pumasok naman ako at inexplain ang laman ng bahay ko. Gaya ng sabi ko, ang sari-saring mga arcade games at kung ano pang nakakaaliw na laro sa left wing ng bahay ko, ang library ng mga manga at libro sa right wing ng bahay ko. Also ang pool sa likod ng bahay at ang kusina.



          “Manga? Isa ka bang Otaku?" tanong ni Kei. Wow. Weebo kaya itong si Kei?



          “Umm Kei, mas gusto kong gamitin ang term na fan. Fun fact, Otaku is actually an insult," sagot ko.



          “Ganoon ba? Pwede bang mabasa ang ilang manga collection?" isa pa nitong tanong.



          “Sure," pagpayag ko. “Feel free at home kayo sa first floor ng bahay ko," dagdag ko na nagpipiling na master of the house. Wait, I am the master of the house. “Harry, samahan mo muna siya habang naghahanda ako ng makakain natin."



          Tumango naman siya bilang pagtugon. Bakit biglang nanahimik to?



          Habang naghahanda ako ng makakain, minamanmanan ko naman sila sa CCTV ng libary gamit ang cellphone ko. This is really weird. Nakikita ko naman na totoo ang mga pinapakitang emosyon ni Harry. Na ngayon lang talaga siya nakapasok sa bahay ko. Tinawag ko naman sila sa hapag-kainan para kumain. Pinagluto ko sila ng corned beef. Pagod na kasi ako kaya ayokong magluto. Ano pa ba ang silbi ng mga de lata na pinamili ko kung hindi naman makakain?



          Pagkatapos naman namin kumain, pumunta naman sila Kei sa game room. Naglalaro sila ng Time Crisis. Palagi namang namamatay si Kei kasi hindi siya marunong umasinta. Nung natapos na sila mag-laro, bumalik kami sa sala at inilabas ang miryenda na chocolate cake. And yes, lagi akong may chocolate cake kasi kumakain ako nun kapag tinatamad talaga ako. Wala pa naman akong diabetes so far.



          “Oo nga pala Ren, kung ganito kalaki ang bahay ninyo, sino ang naglilinis?" tanong ni Kei.



          “Ang mga katulong ng ninong ko. Pumupunta sila dito para maglinis," paliwanag ko.



          Natahimik naman kami ng ilang sandali. Napansin ko naman na nakatingin sa akin si Harry.



          “Bakit Harry?" tanong ko.



          “Umm Ren, huwag kang magagalit sa tanong ko ha," nag-aalala niyang saad. “Bakla ka ba?" Wow. A half a million peso question.



          “Wow Harry. Such a direct question. Well masasabi kong hindi... pa naman... kasi hindi pa naman ako naa-attract sa mga lalaki... aside from kuya Blue... which is pure na paghanga lang," paliwanag ko.



          Nakita ko naman na kontento si Harry sa paliwanag ko. Bakit kaya naitanong niya? Dahil ba kay kuya Blue at ang paghanga ko dito?



          “Pero okay lang ba sa iyo na may manligaw na lalaki sa iyo?" isa na namang half a million peso question ulit na galing kay Kei.



          “Okay lang kaso asahan na nila ang rejection agad since pag-aaral daw muna ang priority ko... sabi ni ninong," muling paliwanag ko. Oo. Si ninong ang ayaw akong magka-love life. Also ako din.



          “Buti at hindi ka natatakot na mag-isa lang sa bahay na ito," si Harry.



          “Sanay na ako."



          “Imbitahin mo naman kami ulit dito sa bahay mo Ren para hindi ka na mag-isa," saad ni Kei. Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya.



          “Okay lang Ren. Naiintindihan ko kung ayaw mo pa. Hinay-hinay lang at baka magunaw na talaga ng tuluyan ang mundo sa ginagawa mo," wika ni Harry.



          Tumango naman ako. “Fun fact, kayo pa lang ang una kong-" Napatigil naman ako kasi one time, pumunta dito si kuya Jasper. Counted ba siya? Di bale na. “Kayo pa lang ang una kong bisita sa bahay."



          “What's with the pause? Baka hindi na kami," si Kei.



          “Riiiight."



          Makalipas ang ilang oras at umuwi na sila. I'm starting to enjoy talking to them. And I hope sa ibang tao din maliban lang sa kanila... at kila kuya Blue and kuya Ethan.



          Kinabukasan may natanggap akong voice mail.



          Beep. Heto na naman iyung wala kang maririnig sa mensahe na ito kung hindi ingay ng kung ano. Ini-expect ko naman na may tawa sa dulo pero nagsabi ito ng... “Dapat mag-iingat ka sa mga pinipili mong kaibigan. Malay mo ehh isa sa kanila ay ang demonyo," si Mr. Lion. Wow. Sana naman inisip ni Mr. Lion na isa siya sa mga unang demonyo na nakapasok sa bahay ko... kahit na wala pa siyang ginawang masama sa akin... yet...



          Talagang alam niya ang lahat-lahat? Ohh baka panlilinlang ito ni Harry. Tinuloy ko naman ang araw-araw kong buhay... na hindi ko na araw-araw ginagawa kasi may pasok ako sa school. Web surfing, Online Gaming at makipag-chat sa mga kaibigan ko sa internet. Seriously, nakakalimutan ko na antisocial pala akong tao pero dito sa internet, I'm not. Thank you internet connection.



          May natanggap naman ako na text galing kay kuya Blue at niyaya niya ako sa isang party ng dati niyang guro. Pumunta daw ako. Party? Pero niyaya ako ni kuya Blue kaya okay lang. Hindi ko naman kaano-ano iyung celebrant ng party. Pupunta or hindi? Pupunta or hindi?



          Dumating ang gabi at nagsuot ako ng pormal para sa party. Inayos ko naman ang aking sarili gaya ng dati. Walang gel na kahit ano para sa buhok para hindi ako makaagaw pansin sa mga tao sa party. Tinawag ko naman ang isa sa mga pwedeng driver ng ninong ko papunta sa party. Nang makarating na ako at bumaba sa sasakyan, at dinala ako ng paa ko sa party. Wala na akong magagawa. Ano ba itong ginagawa ko? Humalo lang ako sa mga tao na kunyari ay may hinahanap. Nakita ko naman sa isang table sila kuya Blue at kuya Aldred. Kausap nito si supposed-to-be-lead vocalist na si kuya Joseph... well expect na iyung mga nasa banda ehh tatawagin kong kuya. Kasama naman nito si ate Erika. Maya-maya ay dumating si Daryll at may kasama ito na nakasalamin. Hindi na ako lumapit kasi hindi kami magkasundo nun. Magbabago ba ang lahat kapag pupunta pa ako? Hindi. Bigla naman may tumapik sa likod ko.



          “Magugunaw talaga ang mundo dahil nakita kita dito," boses ni Harry. Humarap naman ako at ngumiti. “Naparito ka?"



          “Tinext kasi ako ni Blue," sagot ko. Napatingin naman siya sa likod ko.



          “Bakit hindi ka lumapit?" tanong niya.



          “Nahiya ako sa mga kasama nila," palusot ko.



          “Kung ganoon samahan-"



          “Huwag na," pagputol ko. “May issue ako sa mga kasama niya."



          Tumingin naman siya ulit sa likod ko. “Ahh... Kanino? Kay Daryll na anak ng may-ari ng school?" kunot-noong tanong nito.



          “Yeah. Parang ganoon na nga."



          “I see."



          “Oo nga pala, kaano-ano mo iyung celebrant?" tanong ko.



          “Naging teacher ko siya. Si Kei din nandito. Hanapin ko lang ha para samahan ka naman niya. Hinahanap ko din siya ehh kaso nawala siya sa paningin ko."



          “Sige sige." Umalis naman siya. Maya-maya ay nag-ring ang phone ko. Galing sa unregistered na number. Sinagot ko naman ito. “Hello?"



          “Kumusta? Enjoy ka ba sa party?" saad ng kakaibang boses sa phone ko. Si Mr. Lion. First time niya ako na kinakausap over the phone. Lumingon-lingon naman ako sa paligid at baka makita ko kung sino siya. “O huwag kang lumingon-lingon. Mapapansin ka," natatawang saad nito sa kabilang linya.



          “Anong meron?" tanong ko.



          “Wala naman. Gusto kong makipaglaro. Hide-and-seek ang gusto kong laruin. Nandito ako sa party at gusto ko na hanapin mo ako." Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. I feel excited knowing na nandito daw siya.



          “Ganoon ba? Baka mahanap kita ehh tapos na ang maliligayang araw mo?" tanong ko sa kaniya habang hinahanap siya.



          “Talaga?"



          I tried stalling him over the phone para hindi niya ibaba pero sa tingin nito ehh intensyon niyang hindi ibaba ang phone. Sinusubukan ko naman na maging hindi kapansin-pansin sa madla. Naisip ko bigla na hanapin si Harry kung asaan ito. Nakita ko naman ang isang pamilyar na tao na nakatalikod at may kausap ito sa phone.



          “Game over," saad ko sa kaniya sa phone.



          “HA! Sigurado ka?"



          Dahan-dahan naman akong lumapit sa taong nakatalikod. Tinapik ko naman ito at sinabing... “Siguradong-sigurado."



          “Teka lang po ma, may tumapik sa akin," saad nung tinapik ko. Ohh, shit! Humarap naman ito sa akin at ito ay si Harry. “Bakit Ren?"



          “Better luck next time. Well don't worry. Let's play some other time," natatawang saad ni Mr. Lion sa phone at ibinaba ito.



          Hindi nga si Harry ang kausap niya at mas lalong hindi ito si Mr. Lion.



          “Ren, nandito ka lang pala," untag sa amin ni Kei na nasa likuran ko. Napatulala ako. Hindi si Harry ang stalker ko.



          “Ohh andyan na pala si Kei Ren. Samahan mo muna siya Kei at may kausap ako sa phone," saad ni Harry.



          “Sige," pagsang-ayon ni Kei. Tumalikod naman ulit si Harry sa amin at patuloy na kinausap iyung mama niya. “Ren, ayos ka lang ba?"



          Bumalik naman ang uliran ko. “Yeah. Ayos lang... ako," saad ko. Sinundan ko naman si Kei.



          Alam kong nagpe-perform ang banda ng ‘The Gravity' pero hindi dito ang atensyon ko. Bigla akong nanlumo. Hindi pala si Harry ang stalker ko.



          “Salamat ‘The Gravity' sa inyong magandang performance," saad nung announcer. Nagpalakpakan naman ang mga tao. “Ladies and Gentleman, magkakaroon po ng performance ngayon ang representative ng Schoneberg Academy. Let's all welcome, ‘The Antagonist'. Let's give them a round of applause." At pumalakpak ulit ang mga tao.



          Bumalik naman ako sa uliran ko nung tinawag ang pangalan ng banda namin. Mukhang may pinanghuhugutan ang nagpangalan sa banda. Mukhang marami atang kontrabida sa buhay at ipinangalan na lang sa banda namin. Well kung desisyon ni kuya Blue, hindi ako tututol. Maganda sana kung Apollo or Sputnik. Napangiti naman ako sa mga naiisip ko. Baka automatic reject iyun haha.



          “Buti naman at nakangiti ka na ngayon Ren. Kanina kasi parang wala ka sa sarili mo. May gumugulo ba sa isip mo ngayon?" untag sa akin ni Kei.



          “Umm... ayoko munang sabihin Kei. Pasensya na," nanlulumo kong wika.



          Nakita ko naman na umakyat si kuya Joseph sa stage. Wait parang nakita ko si kuya Jonas na nandito ahh? Hinanap ko naman si kuya Jonas at nakita ko siya sa tabi ng stage. Umakbay naman bigla sa amin si Harry.



          “Astig ng pangalan ng banda niyo Ren ahh," si Harry.



          “The Antagonist," sabay nilang saad ni Kei.



          Kapwa kami na nag-enjoy sa party. Gumawa pa kami ng ilang kalokohan gaya ng pagseselfie sa likod nila kuya Blue. Nang pauwi na, inalok naman ako nila Harry na sumabay pero tumanggi ako. Nakarating na ako sa bahay at pagod na pagod ako. Humiga naman ako sa sofa.



          Kahit nagsasaya kami kanina nila Kei at Harry, nalungkot ako. Hindi ko nakita o nalaman kung sino o anong klaseng tao si Mr. Lion. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.



Mr. Lion's POV



          Lihim nakong nakapasok sa bahay ni Ren. Hello guys, Mr. Lion here ang stalker niya. May POV ako astig. Well since Mr. Lion ang pangalan ng POV, hindi na muna ako magpapakilala para exciting. Hulaan niyo kung sino ako.



          Gaya ng inaasahan, nakatulog siya sa sofa. Nakakapagod ba na makipaglaro sa akin ng hide-and-seek Ren? Paano kaya kung maglaro tayo sa ibang paraan? Kita ko naman ang saya niya nung mag-enjoy siya sa party pero alam ko na malungkot ito dahil hindi niya ako nakita. Nadismaya siya sa nangyari.



          Nakita ko naman na hindi siya nagbihis ng damit. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya. Hindi ko naman inaalala kung magising siya dahil tulog-mantika ito kung matulog. Pinalitan ko naman ang damit at kinumutan. Pinagmasdan ko naman ang mukha niya na hindi kagwapuhan.



          Itinapat ko naman ang labi ko sa tenga niya. Gusto ko sana dilaan pero hindi pa ang panahon. “Balang araw, makikilala mo ako kapag tapos na ang lahat," bulong ko rito.



Ren's POV



          “Balang araw, makikilala mo ako kapag tapos na ang lahat," saad nung boses na narinig sa tenga ko.



          Si Mr. Lion? Dinilat ko naman ang aking mga mata at baka sakaling makita ko si Mr. Lion pero nawala na pala ito. Tiningnan ko ang digital clock sa kwarto ko at 5am na. Teka, nasa kwarto na ako? Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba.



          May nakita naman akong tao na nakatayo. Tansya ko ay kasing tangkad nito sila Kei na mas matangkad ng dalawang pulgada sa akin. 5' 5“ kasi ang aking height. Dahan-dahan akong lumapit. Bigla na lang na hindi ako makagalaw. Humarap ang lalaki sa akin pero malabo ang mukha nito. Ano ito? Pero mas nakakatakot na may hawak siyang kutsilyo sa kamay niya at lumalapit sa akin.



          “T-Teka, a-anong g-gagawin m-mo sa a-akin?" takot kung saad. Sinusubukan ko naman igalaw ang aking katawan ngunit hindi pa rin ako makagalaw. “Diyan ka lang," wika ko na may pagbabanta na tono pero lumapit pa rin ito sa akin.



          “Paalam," saka sinaksak niya ako.



          Muli ay dinilat ko ang mata ko. Panaginip lang pala. Sinampal ko naman ang sarili ko at baka panaginip pa rin ito. Nasaktan naman ako kaya kumpirmado ko na reyalidad na ito. Tumingin ako ulit sa digital clock ng kwarto ulit at 6am na. Nasa kwarto talaga ako at iba na iyung damit ko. Hindi na ako nag-aksaya na mag-alala kung bakit nandito ako sa kwarto ko kahit na sa sofa sa baba ako natulog. IT'S MAGIC!



          Pero mas lalo kong inalala ang panaginip ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng takot. Okay lang ako sabi ko sa sarili ko pero ang totoo hindi. Bumaba ako at tinuloy ang buhay ko. Kaya ko ito. Kaya ko ito. Nang makarating ako sa kusina, nakita ko ang kutsilyo. Lumapit ako dito at hinawakan. Heto na naman ako sa pagiging suicidal ko. Gusto ko ng magpakamatay. Pero inaalala ko ang mga maiiwan kong tao sa buhay ko. Hindi ko dapat sayangin ang lahat ng bagay na binigay sa akin ni ninong. Hindi ko dapat sayangin. Pinagkatiwalaan ako ni ninong na mamuhay mag-isa sa pamamahay na ito. Pinagkakatiwalaan ako ni ninong na maging bahagi ng Music Club. Dapat ko iyung tapusin kahit ano pa ang mangyari.



          Kinabukasan, binalita sa akin ni kuya Blue na okay na ang music room. Nasa school ako at pinupuntahan ang music room. Binuksan ko lang ang ang pintuan at narinig ko na nagsisimula na silang mag-rehearse. Hindi na ako pumasok. Sinara ko ulit ang pintuan. Paalis na ako pero bumukas ulit ito at niluwa si kuya Blue.



          “Ren, bakit hindi ka pumasok?" tanong ni kuya Blue.



          “Pasensya na, medyo masama ang pakiramdam ko," sagot ko.



          “Okay. Oo nga pala, tuwing weekends ang rehearsals."



          “Okay," walang emosyon kong saad saka tumungo.



          “May problema ba Ren?" tanong pa niya. “Huwag kang magsinungaling sa akin dahil nanggaling din ako diyan."



          “Pasensya na pero okay lang talaga ako. Kaya ko ang problema ko." Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. “Salamat sa pag-aalala kuya Blue."



          “Natural lang iyun. Magkaibigan tayo Ren. Oo nga pala." May kinuha naman itong susi sa bulsa at ibinigay sa akin ng maayos. “Susi iyan sa Music Room. Pwede kang tumambay kung may oras ka at makipagkaibigan ka naman sa mga band members natin." Tumango lang ako at umalis.



          Dapat ayusin ko ang sarili ko. Nakasalubong ko naman sila Harry at Kei. Alam ko na.



          “Guys, pwede ba kayo sa bahay ngayon?" yaya ko sa kanila.



          “Sige," sabay na saad nila Kei at Harry.



          Kailangan ipagpatuloy ko ang buhay ko. Hindi ko dapat isipin ang magpakamatay. Duwag lang ang gumagawa nun. Hahanap ako ng rason para mabuhay.



          Dumating na ang gabi at nagyaya namang lumabas kami nila Kei at Harry. Napunta kami sa isang bar. Maysha Acoustic Bar ang pangalan. Pumasok naman kami at nakahanap ng upuan. Umorder naman kami ng mga pagkain.



          “Buti naman at pumayag kang lumabas tayo," ani Harry.



          “Oo nga. Kahit ngayon lang," si Kei.



          “Basta huwag tayong uuwing lasing. Okay?" paninigurado ko sa kanila. Napansin namin na may mga lalaki na tutugtog sa stage.



          “Ayan. Tutugtog na sila," saad ni Harry.



          “Sino ang tutugtog?" tanong ko.



          “Iyung ‘The Gravity' ng URS. Dito sila tumutugtog sa lugar na ito," sagot ni Kei.



          “Ganoon ba?"



          Nung nagsimula na silang tumugtog, naalala ko na iyung leader pala nito ehh si Christian Castillo. Nakikita ko naman ang mga litrato nito sa internet at gwapo nga. Ngayong nakita ko ito ng personal, aba. No wonder galit si kuya Aldred dito. Mas gwapo pa ito sa kaniya. Nagsimula naman itong magsalita tungkol sa moving on... at kung ano pang kaekekan na mukhang hindi ina-apply sa sarili. Oh My. Si kuya Blue talaga iyung pinapatamaan ng mga sinasabi niya. Nagsimula na silang kumanta.



          “Guys, lagi na ba iyang ganyan?" tanong ko sa kanila.



          “Ang bar na ito ay puntahan ng mga brokenhearted... so yeah," sagot ni Kei.



          Habang kumakanta sila, biglang may naisip akong maganda. Ano kaya kung i-suggest ko ito kay kuya Blue? Na mag-perform kami sa iba't ibang lugar malapit sa amin?



Tell me how am I supposed to live without you

Now that I've been lovin' you so long

How am I supposed to live without you

How am I supposed to carry on

When all that I've been livin' for is gone



I didn't come here for cryin'

Didn't come here to break down

It's just a dream of mine is coming to an end

And how can I blame you

When I build my world around

The hope that one day we'd be so much

more than friends

And I don't wanna know the price I'm

gonna pay for dreaming

When even now it's more than I can take



          Wow and OUCH! Hugot pa more! Ang galing naman nila. LALO NA IYUNG CHRIS NA ANG GANDA NG BOSES! More reasons why kuya Aldred hates Chris? Pero hindi ko pa narinig ang boses ni kuya Aldred na kumanta? Well may sarili naman silang kakayahan. Gaya ni kuya Aldred, ang Prinsipe ng Drama Club. Hindi ko namalayan na sumasabay ang paa ko sa beat nila. Binigyan naman ako ng hindi makapaniwalang tingin ng dalawa.



          “Ren, alalahanin mo na karibal natin ang school nila," pagpapaalala ni Harry.



          “I know Harry. Hindi ko lang talaga mapigilan. Magaling sila. Alam niyo para sa akin, masayang kumalaban ng mga magagaling. Challenging kaya iyun. The last time I fight for something is when two people collaborated to make an article tapos kausap ko iyung tao na dapat akong magalit," paliwanag ko.



          “Galit ka pa rin sa nangyari?" tanong ni Harry.



          Binigyan ko naman ito ng disapproving look. “Yeah pero that was some days ago. Ano ba kayo? Let baigons be baigons." I really mean iyung baigons na inii-spray sa bahay. It's a pun.



          Kinuha naman ni Kei ang kanyang baso. “Let's cheers for that. Let bygones be bygone." And we raise a glass and cheers! Napangiti naman kaming tatlo sa ginawa namin.



          “Achievement unlocked, Raised a Glass with Ren," pagbibiro ni Harry sa akin. Punyeta! Achievement unlocked talaga?



          “Ano ba iyan Harry. Kailangan talagang sabihin? Ano gusto mong achievement na makuha? Virginity achievement?" tanong ko na natatawa.



          Tumawa naman ng payak si Kei. “Hayaan mo na iyan Ren. Ganyan lang talaga iyang si Harry."



          “Oo nga pala? Gaano na kayo katagal na magkaibigan?" biglang naitanong ko.



          “Childhood friends kami ni Kei," sagot ni Harry sa akin.



          “Ohh," tanging nasabi ko dito.



          “Bakit? May problema ba about that?" tanong sa akin ni Kei.



          “It's just wow. Childhood friend. Ako kasi wala. Hindi ko matandaan," nasabi ko lang dito.



          “Ganoon ba?" Si Kei na parang nadismaya sa nakuhang sagot mula sa akin.



          Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan. “Guys, CR lang ako," paalam ko sa kanila.



          Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at pumunta sa comfort room ng bar. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, aksidente kong nilakasan ang pagsara ng pintuan. Natigil ako at nag-isip saglit. Parang may natamaan ata sa ginawa kong iyun. Binuksan ko naman ulit ang pintuan at tama nga ang iniisip ko.



          “Hindi na ako magtatanong," nasabi ko at lumapit ako sa taong ito.



          “Gago ka ha!" rinig kong sigaw ng isa pang lalaki na makakakuha ng atensyon ng mga tao sa bar.



          Hindi na ako nag-abala na lingunin ang taong iyun dahil ang atensyon ko ay ang taong nasarhan ko ng pintuan ng CR. Bigla na lang akong tinulak ng isa pang lalaki. Bumagal bigla ang takbo ng oras sa akin dahil nakaramdam ako ng panganib sa ginawa ng lalaki sa akin. Nakita ko naman na susuntok ito sa kanang kamay niya at naiwasan ko iyun. Medyo nadaplisan ako ng hangin na nagmula sa suntok niya at tansya ko, titilapon ako sa ginawa ng taong iyun.



          Tiningnan ko naman sa mata ang lalaking gumawa nuon sa akin. Galit na galit ito. Ano ba ang ginawa ko? Aktong susuntok pa ito ng isa sa kaliwa niya pero pinapatigil siya ng taong sinarhan ko ng pintuan ng CR.



          “Tama na Brax," saad nito habang pinipigilan ang taong tumulak sa akin.



          “Huwag mo akong pigilan Vienne," pagpupumiglas nito.



          Agad namang lumapit sa akin sila Kei at Harry sa akin. Iyung Brax naman ay sinusubukang ilayo ng tatlo pang lalaki para lumayo sa akin.



          “Ayos ka lang?" tanong ni Harry. Tumungo naman ako bilang pagtugon.



          “Guys, huwag kayong gumawa ng aksyon para sa akin. Ako na ang bahala dito," wika ko agad sa kanila.



          Sumunod naman ang dalawa sa sinasabi ko. Mabuti na lang. Nakita ko naman na lumalapit na ang bouncer sa amin. Kailangan ayusin ko ang gulong ito. Lumapit naman ako sa nasarhan ko ng pintuan na si Vienne at yumuko.



          “Humihingi po ako ng tawad sa ginawa kong pagsara sa iyo ng pintuan," wika ko.



          Natigil naman ang pag-iingay nila. Palagay ko ay nagulat sila sa ginawa ko. Hinawi naman nung Brax ang mga kamay na pumipigil sa kaniya at nag-walkout kasama ang tatlong lalaki na pumigil dito. Bumalik naman ang bouncer sa pwesto nito at nilapitan naman ako nung Vienne. Nag-angat naman ako ng tingin.



          “Pasensya na talaga sa inasal ng kaibigan ko," wika nito.



          “May kasalanan din ako para makuha ko ang galit niya. Bilang ganti, papaunahin kita na makapasok sa CR," saad ko dito.



          Binigyan naman ako nito ng hindi makapaniwalang tingin. Palagay ko ay nalaliman sa aking sinasabi. Nahulog ata si Vienne.



          “Okay ka lang naman hindi ba?" tanong ko pa dito.



          “O-okay lang naman. Sige. Papasok na ako." Pumasok naman ito sa CR.



          Nilapitan naman ako nung dalawa na natulala sa ginawa ko.



          “Pwede ka ng magpatayo ng estatwa sa ginawa mo," manghang saad ni Kei.



          “Tumigil na kayo. Bumalik na lang kayo sa pwesto natin," utos ko dito.



          Bumalik naman ang mga ito sa pwesto nila at pumasok na ako sa CR. Naabutan ko naman si Vienne na naghuhugas na ng kamay. Nagkatinginan naman kami ng ilang saglit. Pumunta naman ako sa isang cubicle at umihi.



          “Pagpasensyahan mo na iyung ginawa ng kaibigan ko sa iyo," pagdispensa nito sa akin.



          Natapos naman ako sa pag-ihi at dumako sa paghuhugas ng kamay.



          “Walang kaso sa akin iyun. Kasalanan ko naman talaga ehh," pagtugon ko. Paalis naman siya ng bigla pa akong nagsalita. “Bestfriend or boyfriend?"



          Napatigil naman ito sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa repleksyon ng sink. Bingo! Humarap naman ito sa akin. “Bakit mo naman naitanong?"



          “Pasensya na ulit. Hindi na dapat ako magtanong tungkol doon. I'm just fascinated sa reaksyon ng kaibigan mo. You see, I just made some friends in our school. That two guys you see outside is my first two friends in my life I guess. Also kasi nakikita ko na isa kang alanganin na tao kaya naitanong ko kung boyfriend mo ba iyung... Brax right?"



          “Hindi na bago sa akin ang tanong na ganyan. Kung kada tanong na ganoon ehh bibigyan ako ng sampung piso, malamang mayaman na ako. Isa pa, best friend ko lang si Brax," saad ni Vienne. Naramdaman ko naman na parang may nagbukas ng pintuan at hindi natuloy pumasok. “Naklaro ko ba-"



          “As I said, walang kaso iyun sa akin," pagputol ko. “I'm sorry ulit. Pwede na po kayong pumasok."



          Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Brax. Buti na lang at napansin ko iyun. Kung hindi tumigil ang bibig ko sa pangingialam baka may part 2 ang sapakan namin dahil wala akong laban kung sa CR kami nagsapakan. Humarap naman ako dito at yumuko.



          “Paumanhin ulit." Tumayo naman ako ng maayos at nilahad ang kamay ko. “Ren Severin. Kinagagalak kitang makilala."



          “Alvienne Santos," pakilala niya sa akin at nakipagkamay.



          Winaksi naman nung Brax ang pakikipagkamay sa akin ni Vienne at siya naman ang nakipagkamay. “Brax Garcia."



          Ramdam ko naman ang animosidad ng taong ito. The feeling is so familiar. Parang katulad kay kuya Aldred. Pero sinabi naman ni Vienne na best friend niya lang ang taong ito. Like I care anyway. Kumalas naman ang aking kamay sa pakikipagkamay dito.



          “Magandang gabi," ngiti kong saad saka umalis. Baka hindi ako makakalabas ng buhay.



          Bumalik naman ako sa pwesto namin nila Kei at Harry. Muli, binibigyan nila ako ng hindi makapaniwalang tingin.



          “Tigilan niyo iyan pakiusap," saad ko habang nasapo ng mga kamay ko ang ulo ko.



          “Nagpakumbaba ka kanina. Kahanga-hanga. Konti na lang ang gumagawa nuon. Siguro kung ako iyun, nakipagsuntukan na ako kapag ginanon si Harry," saad ni Kei na may paghanga.



          “Buti na lang at napatigil mo sa paraang ganoon iyung... Brax ba iyun?" Si Harry.



          “Actually, hindi ako sigurado kung gagana ang paraang iyun sa ibang tao. Nakita niyo naman ehh umabot pa ng apat na tao para pigilan ang taong iyun," paliwanag ko.



          “Well handa naman kaming makipagsuntukan kung sakali hindi ba Kei?" untag ni Harry dito.



          “Oo naman," pagsang-ayon ni Kei.



          “Thanks and no thanks. Sigurado akong talo kayo kay Brax pa la-" Naputol ang pagsasalita ko nang lumabas si Harry ng isang balisong. “Insert mura here Harry. Pakiusap, itago mo na iyan."



          Tinago naman agad ni Harry ang balisong at humagikhik ng tawa. Kita ko naman na binigyan ito ni Kei ng mariin na tingin.



          “Harry, napag-usapan na natin iyan hindi ba," saway ni Kei.



          “Ano ka ba? Dala ko lang ito ngayon tuwing lalabas tayo. Hindi ko ito dala sa eskwelahan," sagot ni Harry.



          “Pagpasensyahan mo na. May dala talagang balisong iyan si Harry tuwing lumalabas kami. Sinasabihan ko naman siya na huwag magdala ng balisong pero mapilit ehh," pagdispensa sa akin ni Kei. “Also magaling siya magtago ng balisong," bulong pa nito.



          “Proteksyon lang Kei. Tsaka responsable naman akong tao," dahilan pa ni Harry.



          “Well just promise me na susunod na lang kayo sa mga sasabihin ko sa inyo okay?" tanong ko sa dalawa.



          “Okay,," sabay nilang pagsang-ayon.



          Nakaramdam naman ako ng pagkagutom sa nangyari at pinatawag ang waiter para umorder ng kanin.



          “Gutom ka pa? Kakain ka pa? Ang daming kanin na iyun Ren ahh. Teka Ren. Isa-isa lang. Marami na ata kaming nalalaman tungkol sa iyo. Baka hindi na namin makita ang pagsikat ng araw bukas," nagugulat na wika ni Harry.



          “Ginawang sindikato ang pagkakaibigan natin? Batukan kaya kita Harry."



          Natawa naman ang mga ito. Bakit ba tuwing may nalalaman ang mga ito na bago tungkol sa akin ehh ginagawang big deal? Or was it? Natapos na ako sa pagkain at umuwi na ako ng bahay. Hinatid naman nila ako sa aking bahay.



          “Salamat sa inyo. Nag-enjoy ako ngayong gabi... kahit may sapakan na nangyari," wika ko sa kanila.



          “Sige Ren. Sa uulitin ulit kapag may time. Alis na kami," pagpaalam ni Kei.



          “Magandang gabi. Mag-ingat kayo."



          Tumuloy naman ang kotse ni Harry at sinundan ito ng tingin. So ganito pala ang feeling kapag lumalabas ng gabi kasama ang ilang kaibigan. I like it. Pumasok naman ako sa loob ng bahay at dumiretso sa hapag-kainan. At wala ngang pagkain. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at nahiga agad. Biglang gumunita naman sa aking isipan ang nangyari sa akin noong isang gabi kung saan ay natulog ako sa sofa na nasa baba at nalipat ako kinabukasan sa kama ng kwarto ko. Pinalitan ang mga damit ko ni Mr. Lion. Napabangon naman ako sa aking naisip. Pinalitan niya kaya ang aking brief at nakita na niya?



          Binuksan ko agad ang aparador at agad nagpalit ng damit. Grabe. Nakita niya pala ang kabuuan ng katawan ko. Kumalma naman ako saglit. Oo nga pala. Wala namang makikita sa katawan ko. Pero normal ba iyun? Sa bagay. Wala naman akong notable features sa katawan. Bahala na nga! Humiga naman ako sa kama at natulog para maghanda bukas.



          Kinabukasan, natapos na ako sa aking klase at pumasok sa Music Room. First time ko na sasali sa club activities namin since daily na daw sabi ni kuya Blue. Iyun daw ang gusto ng banda. Sino ba ako para hindian ang mga gusto nila? Am I the Antagonist? Wait. Kasali ako sa The Antagonist. Mind blown. Sino ba ang nagpangalan sa banda namin na ‘The Antagonist'? May pinanghuhugutan talaga iyung taong nagpangalan sa banda.



          Wala naman akong nadatnan ng pumasok ako. Siguro may klase pa. Wala pa sila. Napansin ko na ang daming intrumento sa room. Piano, iba't ibang klase ng guitar, may saxophone pa nga ehh. Amin daw lahat ito. Kailangan aliwin ko naman ang sarili ko. Kinuha ko naman ang isang guitara na nakasabit sa room. Pumunta naman ako sa maliit na stage at umupo. May susubukan lang akong tutugtugin. Sinimulan ko namang kinalabit ang mga strings ng guitara.



They all need something to hold on to they all mean well.
You could never feel my story It's all you know.



          Iyun lang ang kaya ko haha. May narinig naman akong pumalakpak.



          “Magaling ka pala sa gitara. Ka-disappoint naman kasi iyung lang ang kaya mo," pambungad sa akin ni kuya Blue.



          “Kuya Blue... magandang hapon," bati ko. Umupo naman siya sa sofa.



          “Buti naman at sumipot ka sa mga club activities natin."



          “Kahit wala tayong gagawin?"



          “Titingnan lang natin ang mga performance nila at magbibigay ng suhestyon sa mga ilang bagay."



          “Speaking of suggestion, sino nga pala ang nagpangalan sa banda?" tanong ko.



          “Ahh... wala ka pala sa party kaya hindi mo alam." Kinuha ko naman ang phone at hinanap ang ginawa naming selfie ni Harry at Kei at binigay sa kaniya ang phone. “Wow. May mga kaibigan ka na pala." Tiningnan naman niya ito ng maayos. “Teka, kami ba to iyung nasa likod niyo?" Tumango naman ako. “May kakayahan ka pala na hindi napapansin ng mga tao."



          “Yup. Only useful for me," natatawang saad ko. “Oo nga pala, back to the topic."



          “Kilala mo ba iyung anak ni Mr. Schoneberg? Si Daryll." Tumango naman ako. “Siya ang nagpangalan," sagot sa akin ni kuya Blue.



          Ohh! Alam ko na. Yup, isa ako sa mga Antagonist sa buhay ni Daryll. Malalaman niyo iyan balang araw. Bumaba naman ako sa mini-stage at ibinalik ang guitara na kinuha ko. Umupo na rin ako sa sofa.



          “Ganoon ba? Hindi halata na may pinanghuhugutan ang nagpangalan," ismid ko. “Kuya Blue, pwede bang mag-suggest?"



          “Ano iyun?" tanong nito habang inaayos ang kanyang gamit.



          “One night, pumunta kami nila Harry at Kei sa Maysha Acoustic Bar. Doon pala tumutugtog ang banda ni Chris. Ang ganda ng boses ni Chris. Napaka-challenging kapag nakalaban natin sila," kwento ko. “Tapos naisip ko. What if mag-perform ang banda natin sa iba't ibang bar this summer break?" suhestyon ko.



          “Naisip ko rin iyan," mabilis niyang saad. Nanlumo naman ako sa aking narinig. “Pero okay iyan Ren at natutunan mong mag-suggest. Akala ko hindi mo gagawin iyun," ngiti niyang saad.



          “Also kuya Blue, may isa pa akong sasabihin sa iyo," pangungulit ko.



          “At ano naman iyun?"



          “Pinapunta ko kasi iyung Nicko... iyung boyfriend slash kapatid slash asawa slash ano ba ang tawag doon basta sanggang dikit forever. Pagsasabihan ko sana si Nicko na alam ba niya na nakakaapekto sa boses iyung pinapagawa niya kay kuya Jonas."



          “Ang alin?" Sinubukan ko namang i-demonstrate iyung bagay na iyun. “Ohh. Paano mo nalaman?"



          “Nag-research ako sa internet na nakakaapekto kasi sa boses iyun. Alam mo na. Wala sa mukha ni kuya Jonas pero halata naman sa mukha ni Nicko... not judging both of them pero kasi may pakiramdam ako na sadista si Nicko or something like that.." Napatawa naman kami. “Ikaw kuya Blue, ginagawa niyo ba iyun ni kuya Aldred-" Tinakpan naman niya ang labi ko ng isang daliri niya. “I guess that's a no... na pag-usapan."



          Paano ko nga ba na nalaman na boyfriend ni kuya Jonas si Nicko, well nakita ko sila sa party na nag-smack si kuya Jonas sa labi ni Nicko. Also, alam ko na ito iyung kinababaliwan na prostitute ni kuya Jasper noon. Manahimik na lang muna ako tungkol sa mga bagay na ganoon.



          Nag-antay naman kami ng ilang minuto at isa-isa silang nagsidatingan. Sila kuya Paul, kuya Ethan, kuya Joseph at kuya Jonas... and yes. Binati naman nila ako. Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Nicko at ang isang pamilyar na babae... si ate Erika. Lumapit naman sila sa amin.



          “Hi Blue," bati ni ate Erika. “Hi... REN?!" gulat niyang bati sa akin.



          “Magkakilala na pala kayo?" takang tanong ni kuya Blue.



          “Of course. Laruan ko siya," sagot niya with confidence. Laruan?! Bwiset! Sa dami-dami nga ng sasabihin ehh laruan pa ang sasabihin. “Lagi kaming naglalaro ni Ren sa bahay nila-"



          “Ate Erika kumusta ka?" pagputol ko dito saka kinamayan. Agad naman akong lumapit sa tenga nito. “Huwag mong sasabihin na related ako kay tito kung hindi lagot ka," bulong ko dito. Tumawa naman kami ng hilaw.



          “Oo nga pala. Ano ba ang ibig mong sabihin na laruan?" tanong ni kuya Blue.



          “Ahh kasi, ginagawa ko siyang crossdresser. May picture ako dito," sagot niya sabay kuha ng cellphone niya. Hoy ate Erika! Lumapit naman ang ibang band members at tiningnan ito. Grabe. Sirang-sira na ako.



          “Ang cute naman," ani kuya Ethan.



          Kinuha ko naman ang phone ko at ni-rak ang cellphone niya. Hindi ako makakapayag na sirain mo ang pagkatao ko. Posible na rin iyun kasi kumokonek din siya sa internet ng school. Binura ko lahat ng mga litrato ko na naka-crossdress ako. Nakakahiya. Nakakasira ng pagkatao ko.



          “Meron pa," saad ni ate Erika. “Ay, nawala. Naka-save iyun dito ahh." Sumipol lang naman ako. “Ren, ano ang ginawa mo?"



          “Ginawa? Ako? Bakit? Hinahayaan ko na nga na ipakita mo sa kanila ang mga litrato ko. Nawala ba? Kasalanan mo," sarkastiko kong saad.



          “Haay! Okay lang. At least nagamit naman kita."



          Hoy! Ate Erika, parang maling salita ang mga ginagamit mo. Bumalik naman silang lahat sa kani-kanilang pwesto. Umupo naman si Erika sa couch pero lumalayo ako.



          “Sige, magsimula na kayong mag-rehearse," utos ni kuya Blue.



          “Oo nga pala. Bakit nandito si Nicko?" tanong ni kuya Jonas.



          “Kakausapin lang namin Jonas. Okay lang ba?" sagot ni kuya Blue. Tumango naman si kuya Jonas. “Nicko, upo ka dito," yaya ni kuya Blue. Umupo naman ito at nagsimula ng mag-rehearse ang banda.



          “Nicko, kilala mo na ako hindi ba?" tanong ko dito.



          “Yeah. Ikaw ang Vice President ng music club," sagot ni Nicko. Nang kumanta na si kuya Jonas, may napansin ako sa boses nito.



          “Ginawa niyo na naman iyun Nicko?" agad kong tanong dito.



          “Ang alin?" pa-inosenteng tanong nito.



          “Ang subo ice cream," seryoso kong saad. Yes! Naalala ko na rin ang dapat na term para dito. Nakita ko naman na nakatingin ng masama sa akin si kuya Blue. Gusto niya atang iparating na hinay-hinay lang ako. “Kasi alam mo Nicko, makakaapekto iyan sa boses ni kuya Jonas. Huwag mong sabihin na siya ang kusang gumagawa nuon kasi wala sa mukha niya... and I'm not juding both of you or anything," paliwanag ko. “Ang gusto ko lang sabihin ehh i-regulate niyo iyan lalo na kapag magkakaroon kami ng isang major performance."



          “Ganoon ba? Sige Ren. Susundin ko ang payo mo," ngiti niyang saad. Wow. Ang bilis naman niyang sumang-ayon. Pero baka sa isip nito ehh pinapatay na ako ng maraming beses.



          Natapos naman ang rehearsal ng banda sa araw na ito. Niyaya naman ako ni Erika na ihatid sa bahay ko. Bonding daw kami. Pumayag naman ako dahil kahit papaano ehh nakakasundo ko si ate Erika. Nung nasa bahay na kami, pinagluto ko siya ng pagkain. Pagkatapos ay nanuod naman kami sa sala ng isang pelikula.



          “Alam mo ba ang saklap ng buhay ko?" panimula ni ate Erika.



          “Bakit naman?" tanong ko.



          “Kasi bawat lalaki na nagugustuhan ko, lagi na lang taken. May iba naman na lalaki din ang nagugustuhan. May iba din na lalaki ang karelasyon. Sinumpa ba ako kaya ganito iyung mga nagugustuhan ko?" Saklap nga. Furthermore, panira ka kasi sa mga buhay ng tao at ako ang isa sa mga taong iyun.



          “Baka nagkataon lang iyan?"



          “Pero tatlong beses na nangyari."



          “Tatlong beses lang naman pala ehh."



          “Ren, hindi ba nakakapagtaka? Ngayon, apat na." What?



          “Saan galing iyung isa? Kanina lang ba?" nagtatakang tanong ko.



          “Yeah. Baka naubos na ang sampung seryosong tao na nagmamahal sa akin."



          “Sampung tao?"



          “7 million ang tao sa mundo. So 50 percent dun, may asawa na. 30 percent, bata pa. Umaasa pa sa feeding bottles. 20 percent, may depekto. Kung hindi abnormal, nasa mental. Kung hindi, may sakit. May taning ang buhay. Single nga, wala namang silbi."



          “Harsh. Mukhang nasa 20 percent ako dahil sa ginawa mo sa akin," pagsingit ko.



          “The 10 percent, it's about 700 million people na single. 695 million nasa ibang bansa. So kailangan mo pang magtravel just to meet them. Tapos karamihan pa diyan, nasa Africa. Wow di ba."



          “I suggest na subukan mo ang PlanetRomeo," suhestyon ko. Tiningnan naman niya ako ng masama. “Ay oo nga pala."



          “So iyung 5 million, 10 lang ang seryoso. Yung totoong naghahanap ng love. As in sampu lang. Sa 5 million na iyun ang tingin sa pagkakaroon ng karelasyon ay isang laro. Yung iba pa jan bakla. Haixt buhay nga naman. What happened to the world?"



          “Nasisira and updating," sagot ko. “Well at least may anim na subok ka pa sa sampung iyun. Pretty sure na sa tatlo ay bakla pa," ngiti kong saad.



          “Ren, pwede bang ikaw ang 5th attempt ko? Baka sakaling gumana?" tanong niya.



          “Ohh shoot now I'm gay."



          “Sino-sino na ba ang mga kaibigan mo ngayon?"



          “Well, iyung banda, si kuya Blue at si kuya Aldred?"



          “Naging kaibigan mo si Aldred?" gulat niyang saad. “Ehh may Castillo ka sa pangalan mo ahh?"



          “Uso ang eksplanasyon ngayon ate Erika," sagot ko. “Si Kei na kaibigan namin Harry na classmate ko, si Nicko. At may isa pa na malay mo ehh nagtatago sa aparador ng bahay ng kung sino," paliwanag ko.



          “At wala ka pa namang girlfriend right?"



          “Well wala. Hindi ko naman iyan priority ate Erika. Kilala mo naman ako."



          “Wala? Mamaya mabalitaan ko nalang na kayo na pala ni Blue," kinililig na saad nito.



          “Anong pinagsasabi mo? Ineexpect mo ba na sasabihin ko na fuck you ka. Partners lang kami sa pamamahala ng banda. Babae ang hanap ko, hindi lalake. Gulpihin kita diyan ehh. Tapos kakainin ko ang mga sinasabi ko in the future? At kung hindi mo alam, nag-promise ako kay ninong na hindi na muna ako maghahanap ng syota hangga't hindi pa siya nagbibigay ng pahintulot sa akin," naiinis kong saad. “Tapos sa dami ng gustong ireto, si kuya Blue pa na masaya na kay kuya Aldred na kulang na lang ang kasal? Who are you? Harcore fujoshi na gusto ng OT3some?" dagdag ko.



          “Ano iyung fujoshi at OT3some?" tanong niya.



          “Ang ibig sabihin ng fujoshi ehh isang babae na mahilig sa mga lalaki na may karelasyon ding lalaki at ang OT3some naman ay threesome na partnership or kung ano ba ang tawag doon," paliwanag ko.



          “Pustahan tayo?" yaya niya.



          “Ayun nagyaya talaga kasi alam naman niya na 100 percent ako matatalo. I refuse. Whether I win or lose, it's hell anyway."



          “Ayaw mo ba akong maging girlfriend Ren? Hindi naman tayo magkadugo kaya pwede. At tsaka maswerte ka kasi ubod ako ng ganda."



          “Na gagawin mo din akong ubod ng ganda in the future iyan ba ang gusto mong sabihin sa akin ate Erika? At isa pa gaya ng sinabi ko, finding love is not my priority. At tsaka sa sinasabi mong magiging kami ni kuya Blue? Who am I? A try-hard-Cinderalla-guy? Itong mukhang ito na ubod ng simple?"



          “Pero magkatulad kayo ni Mr. Red Lips."



          “Still talo naman ako doon kay kuya Jonas. Gwapo iyun." Napahinto naman siya sa sinabi ko. Oo nga pala. Hindi pa niya alam.



          “How did you know?" gulat niyang tanong.



          “Nireto kasi sa akin ni ninong ang pinapagawa ng tatay mo," sagot ko.



          “Lahat?"



          “Yeah lahat. Alam ko din ang tungkol kay Nicko." Napatahimik naman siya ng ilang minuto habang nasa magandang parte na ang pelikula. Desperada talaga siya na magkaroon ng love life. “Listen ate Erika. Siguro nga wala pa sa tamang panahon na makita mo siya. Malay mo isang araw, mabangga mo siya. Not by car by the way," paliwanag ko. “Magkakaroon at magkakaroon ka din. Pwera na lang kung magkaroon ng plot twist sa buhay mo at magiging tibo ka."



          At magdamag kaming nag-usap tungkol sa pag-ibig. Dapat nga hindi ako ang kausap niya sa mga bagay-bagay na ito dahil unang una sa lahat, wala akong love life. Seriously, bigyan niyo nga ito ng love life. Ilang oras lang ay nagpaalam na siyang umalis.



          Pagkatapos kong magligpit ng sala, naligo pa ako ulit. Natigil naman ako ng mapatigil ako sa aparador ng kwarto ko.



          「“At may isa pa na malay mo, nagtatago sa parador ng bahay ng kung sino," paliwanag ko.」



          Ang totoo, si Mr. Lion ang iniisip ko habang sinasabi iyun. Kaibigan ko ba talaga ang taong iyun? Binuksan ko naman ang aparador baka nandito siya.



          「Binuksan ko ang aparador at nakita ko na naman si kuya na nagtatago dito.



          “Taya ka kuya," saad ko na tuwang-tuwa dahil sa wakas nahanap ko na rin siya.



          Tumawa naman si kuya ng payak sa akin. “Ang galing ahh. Nahanap mo din ako dito," saad ni kuya.



          “Ehh bakit ka kasi sa aparador nagtatago kuya?" ngiti kong tanong. Pagkatapos namin maglaro ay umupo kami sa kama at niyayakap ko si kuya.



          “Grabe naman to makayakap. Parang mawawala ako kahit anong oras," wika sa akin ni kuya.



          “Siyempre kuya. Mahal ko po kayo."」



          Binuksan ko ang aparador. Wala akong nakitang kakaiba maliban sa nakaraan na nag-flash sa utak ko. Isang alaala ng nakaraan na hindi ko malinaw na naalala. Bakit hindi malinaw sa akin ang nakaraan? Ano ba ang nangyari? Ang tanging bagay na malinaw sa akin ay nang magising ako sa kwarto ng mansion ng mga Schoneberg.



          「6 years ago...



          Nilibot ko naman ang aking paningin sa kwarto.



          “Ren!" saad ng medyo matandang babae sa akin na mukhang halimaw.



          “Sino po kayo?" walang emosyon kong tanong. Kumalas naman ako pagkakayakap dito. Tinawag niya akong Ren.



          “Hindi mo ako kilala? Ako si ninang mo," pagpapakilala nito.



          Umiling naman ako sa narinig. “Hindi ko po kayo kilala."



          “Ako Ren, kilala mo ba ako?" tanong ng isang medyo matanda na lalaki sa akin. Muli ay umiling naman ako. Wala akong ideya kung sino ako.



          “Anak, anong pangalan mo?" tanong ng tao sa akin na nakaputi.



          “Hindi ko po alam," sagot ko ulit.



          Lumabas naman silang lahat at parang nag-uusap. Sino ba ako? Sino sila. Maya-maya ay bumalik ang mga ito sa loob pero hindi na nito kasama ang taong nakaputi. Lumapit sa akin ang medyo matandang lalaki at hinawakan ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa mata.



          “Hijo, ikaw si Ren Castillo Severin," pagpalangalan nito sa akin.



          “Ren Castillo Severin? Sino naman po kayo?" sunod-sunod kong tanong.



          “Kami ang ninang at ninong mo. Kami ang tumatayong pangalawang magulang mo. Namatay kasi ang mga magulang mo sa isang epidemya nung ipinanganak ka kaya inihabilin ka ng mga magulang mo sa amin," paliwanag pa nito.



          “Ganoon po ba? B-Bakit hindi ko po maalala?"



          “Okay lang iyan anak. Hindi mo iyun kailangan alalahanin," nakangiti pang saad nito. Nakita ko naman sa mata niya na napanatag siya sa narinig. “Ayos ka lang ba hijo?"



          “Opo." Tumunog naman ang tyan ko. “Gutom na po ako."



          “Huwag kang mag-alala Ren. Ipaghahanda ko na agad ang pagkain," saad ng ninang ko daw saka lumabas.



          “Halika Ren," yaya pa ng nagpakilalang ninong ko at nilahad niya ang kanyang kamay.」



          Doon nagsimula ang mga alaala ko. 17 years old na ako ngayon at nawala sa aking isipan ang natitirang 10 years ng buhay ko. Gusto kong malaman ang aking nakaraan pero sabi ni ninong hindi na daw mahalaga iyun. Gaya ng isang mabuting anak, hindi ko inalam ang aking nakaraan. Utos iyun ni ninong sa akin. Pero ano ba itong mga naalala ko? Hindi tumutugma sa mga sinasabi ni ninong. Nag-iisa lang daw ako na anak ng aking mga magulang pero marami akong pagdududa. Inalam ko naman sa internet kung ano ang tawag sa kondisyon ko. Nagkaroon daw ako ng retrogade amnesia. Maalala ko naman daw ang lahat pagdating ng araw pero... konti pa lang ang naaalala ko. Ano kaya ang nangyari sa akin at nawala ang mga alaala ko? Nabangga ba ako at nauntog sa ulo? Pero hindi naman masakit ang ulo ko noong nagising ako kaya imposible.



          Sa kakaisip ko, sa wakas ay nakaramdam din ako ng antok. Sa tingin ko ehh malalaman ko din iyun balang araw... pero kelan?



          Makalipas ang ilang araw, hindi ko namalayan na Pebrero na pala. Dalawang araw na lang at Valentine's Day na. Sa araw na ito, pinaghahandaan ko sila ninong at ninang ng mga gawa kong tsokolate. Oras nun ng pasok at nasa library kami nila Kei at Harry para gawin ang aming assignment.



          “Ren, may tanong ako sa iyo?" pambungad ni Harry.



          “Ano iyun?" tanong ko kahit nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa ko.



          “Minsan ba Ren kapag nakita mo kami, nasasabi mo ba na, teka parang kilala ko ito ahh?" tanong niya.



          Natigilan naman ako sa tanong niya. “Yeah. Kayong dalawa ni Kei, ganoon ang pakiramdam ko nun," sagot ko.



          “Kayong dalawa ni Kei?" kunot noong saad ni Harry. “Bakit pati siya? Hindi ba ako naman ang lagi mong nadadaanan at hindi siya?"



          “Ahh hindi ko alam. Tinanong ko din naman si Kei kung nagkita na ba kami dati. Ang sabi niya hindi," sagot ko.



          “Feeling kasi ni Harry na matagal na kayong nagkakilala Ren," sabat ni Kei.



          “Pero hindi ba kapag nakilala mo na daw ang isang tao, makakaramdam ka ng nostalgia kapag nagkita kayo ulit or kung ano man ang tawag doon?"



          “Ganoon baaa?" mahabang sabi ni Harry na wari ay napapagod na sa ginagawa.



          “Oi Harry, gawin mo na nga iyung assignment mo. Huwag mong intindihin ang mga komplikadong bagay," si Kei.



          Dinapo naman ni Harry ang mga kamay niya sa mukha niya. “Gusto ko ng matapos ang impyernong ito," wika ni Harry at inihiga ang ulo sa mesa.



          “Hindi lang ikaw ang nahihirapan Harry kaya gawin mo na ang assignment mo," si Kei.



          “Tapos na ako."



          “HA?!" gulat nilang saad.



          “Gusto niyo sa bahay ko na lang kayo gumawa para pagkatapos ng mga assignment niyo, maglaro kayo ng Ghost Squad pagkatapos," yaya ko sa kanila habang nakangiti.



          “Ren, sinusubukan mo ba ako?" seryosong reaksyon ni Kei sa sinabi ko.



          “I prefer to call it motivation." At nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko.



          “Pumayag na tayo Kei. Masisira na ang utak ko dito. Mabuti pa sa bahay ni Ren tayo pumunta at least, mapayapa," si Harry. Nagsimula na rin siyang magligpit ng gamit.



          “Sa bagay. Tara," pagpayag ni Kei. Nagsimula na rin siyang magligpit ng kanyang gamit.



ITUTULOY...

17 comments:

  1. wow u mean ngkaank c christian castillo

    ReplyDelete
  2. Panibagong angle ang simula ng story. Thank you for sharing it. God Bless you. Take care.

    ReplyDelete
  3. Nice. Simultaneous ang mga love story sa Schoneberg Academy. Kung tama ako, kasabay ito ng Franz-Joseph-Daryl or kasabay ng simula nung love triangle nila. Pagkatapos ng Blue-Red at Nicko-Jonas. Bago mag Geo-Paul...hehe... Very Nice Author. Maganda ito.

    - lantis

    ReplyDelete
    Replies
    1. iantis..., sa palagay mo kanino mas magan unahin blue-red o kina nicko-jonas...? i gues nabasa mo na nung kwento nila ayun sa pag kaka post mo..., pag kaka alala ko tinawag nyan prostitute si nicko sa part na subo ice cream literal ba lahat ng pahayag na ito ni ren...? salamat sana masagot moto.., otor plsss

      Delete
    2. iantis..., sa palagay mo kanino mas magan unahin blue-red o kina nicko-jonas...? i gues nabasa mo na nung kwento nila ayun sa pag kaka post mo..., pag kaka alala ko tinawag nyan prostitute si nicko sa part na subo ice cream literal ba lahat ng pahayag na ito ni ren...? salamat sana masagot moto.., otor plsss

      Delete
  4. Wow interesting ito.., salamat sa story mo..good job..

    ReplyDelete
  5. Medow magulo pero okay lang....

    ReplyDelete
  6. Ano bang meron sa Schoneberg Academy at sa mga Cast ni Blurose Claveria? Haha. Bat nagkakaruon ng sariling character at nagkakaruon ng sariling nga kwento yung tao? Haha. Btw. Maganda yung story, yung pucntuations, spellings at yung pagkakasulat is great. Medyo magulo lang kasi yung Ninong and Ninang ni Ren I suppose na ito din yung Parents ni Daryll right? Haha. Yun lang naman. Sana mabilis yung update Kuyang Author. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  7. I wonder kung sino at anu nga ba tlga ang pagkatao nia?? Haha seems interesting.. Sino ba ang schoneberg sa buhay nia? And his parents? At bakit naman kaya sia binawalan? Hhmmm?? Sana maraming twist ang story. At mukhang palaban ang bida. Nice one.. Cool ... Goodluck..

    ReplyDelete
  8. Wow ang ganda n2 excited na ako whaaa! ^_^ GALINGAN MO MR.AUTHOR MHUAHH :-*

    ReplyDelete
  9. Excited na ko sa next chapter uggh. Galing mo Author umpisa pa lang may kick na agad sa kin. Good job! :)

    ReplyDelete
  10. status:
    secrets waiting to unfold

    abangan natin yan haaha

    -nagtatagongGeo

    ReplyDelete
  11. Very Nice Ren Kun. Update pa :) maganda naman eh. Wag msyadong pessimist. Interesting kaya :D.

    ReplyDelete
  12. Very Interesting :). Maganda kaya. Keep Up the good work Ren-kun. Wag masyadong Pessimistic. ^_^ Update pa more haha.

    ReplyDelete
  13. haaaang daming mistery sa pagkatao ng kwento ni ren.., buti nalang nabawasan kasi nabasa kona ung kay geo-paul.., daryll-francisco/seriously...? its franz haha.., and joseph-chris/bang kulet.., so kaabang abang ang isang ito, sa last update na me uli mg cocomment.., nga pala anong title ung kay blue at red..? para sa otor salamat po ng marami sa pag share ng mga novel nyo...,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails