Followers

Sunday, April 12, 2015

Loving You... Again Chapter 12 - The Fool




  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Salamat din pala sa pagsuporta sa akin, sa mga ilang tao sa Bluerose group (Kasi wala naman akong group at walang balak na gumawa), sa mga SILENT READERS, Anonymous Commenters, Heyters (Where na you guys, dito na me), and EVERYONE, thank you. Ashigawa, Trebb, Alex, 44, Lantis (Sorry sa pair mo), Alfred, Junrey, Jharz, Gilrex, haha thanks at SA IBA PA.

So mukhang... may ilang tao na hindi makaka-relate sa mga Online Games chenes, chenes hehehe. Well kasi, may kinalaman iyun sa kwento... in time. Alam niyo iyun na kapag kalaro mo iyung mahal mo tapos magaling pa kayo pareho, OVERPLAYED ang kalaban haha. Karanasan iyan ng kaibigan ko LOL!... and straight couple by the way. Well eventually, naghiwalay sila. Sadnu. Well kasi, dream ko din na makalaro ang love of my life ko ng League kasi it's a good game na nangangailangan ng utak, at tiwala sa minamahal mo (Me ganun) haha. Meron kasing tinatawag na BOTTOM/DUO LANERS sa larong League. Sa mga hindi pa alam iyun at sa mga... naglalaro nun hehe. And yes. Mukhang may Allan/Alexis... love team... and MarcoS/Ren sa tamang panahon haha... and yes. Malalaman ninyo kung sino sila MarcoS at Yuuhi someday... kasi may kinalaman pa sila sa story. Since nakilala niyo na si MarcoH na si Marcaux haha. So marami pang non-sense na mabibigyan pa ng sense in time haha. Paano ba patayin ang sarili haha. And yes. Mamatay na sana si Kristel haha.

Sana matapos ko na ito. Nahihirapan talaga ako sa kwento. Pasensya na at walang masyadong romance... bench sex, bed scene haha. Blame the MYSTERY and the PSYCHOLOGICAL genre. At halatang gustong-gusto niyo iyung FAST BREAK nila Marcaux/Keith. Sorry guys haha. Side-characters lang sila sa story and... haha. Kung ma-bored kayo sa kwento dahil medyo maraming chapter ito... at hindi naman kasi ito gaya nung mga ibang... series dito sa BLOG na maganda talaga ang pagkakagawa sa pagkakahaba pa. Have fun guys! Ito na ang chapter... 19.











Chapter 12:
The Fool































Ren's POV



          Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng League of Legends nang namatay ang champion ko. Hay nako! Makapag-check nga ng phone.



          Kita ko naman na nag-text na pala si Kei sa akin. Mga ilang minuto... Hindi. Medyo matagal na rin pala bago siya mag-text. Dali-dali ko naman siyang tinawagan saka kinuha ang headset ng PC at kinonekta ito sa phone ko.



          "Umm... hello Kei." Narinig ko naman ito na humugot ng buntong-hininga. "Bakit Kei?" tanong ko.



          "Miss lang naman kita." agad na sagot niya.



          "Heh? Nagkita naman tayo kanina hindi ba?"



          "Oo. Pero hindi naman iyung tipong nahahawakan kita."



          "Ganoon ba?"



Ren(Leona): S, play safe okay.

MarcoS(Jinx): Bakit?

Ren(Leona): May kausap ako sa phone kaya hindi ako magiging aggressive maglaro okay?

Marco(Jinx): Okay.



          "Naglalaro ka ba Ren?" tanong ni Kei.



          "Oo. May ka-duo kasi ako ngayon sa League of Legends."



          "Anong role?"



          "Support."



          "Huh? Support? Bakit hindi ka iyung nagmi-mid or ADR man lang?"



          "Magaling kasi itong ADR ko kaya nag-support ako."



          "Sa madaling salita, nagtitiwala ka sa kakampi mong ADR."



          "Oo naman. Gaya ng pagtitiwala ko sa iyo sa relasyon natin." Narinig ko na natawa ito sa kabilang linya. "Bakit ka natawa?" tanong ko.



          "Wala. Nasisiyahan ako na nagtitiwala ka sa akin. Napaka-understandable mong katipan."



          Natawa din ako sa sinabi niya. "Lalim nun ahh. Katipan. Siya nga pala. Okay na ba iyung problema sa Journalism Club?"



          "Oo. Nagkasundo sila na huwag ng ituloy ang paghahanap sa iyo. Oo nga pala, naalala mo ba iyung sinabi ko noon Ren? Na nasabi kong kamukha ka ng kababata ko sa litrato mo noong Valentine's Day?"



          "Yeah. Anong meron doon?"



          "Siguro hindi ko ito nasabi sa iyo Ren. Minahal kita hindi dahil magkamukha kayo ng kababata ko. Minahal kita dahil sa... ikaw ang minahal ko."



          Hindi namn ako makasagot sa sinabi niya. Ang lamya nun. Hinsi ko alam pero iyun agad ang reaksyon ko. Teka? Dapat ko bang sabihin na malamya iyung sinabi niya?



          "Ano... Kei? H-Hindi ko ma-process sa utak ko iyung sinabi mo. Nasa gitna kami ng clash nung sinabi mo iyun kaya... hindi ko naintindihan ang sinabi mo. Hindi kasi ako maka-response talaga kapag hindi ko naintindihan. Pwede bang ulitin mo iyung sinabi mo?" pagdadahilan ko.



          "Sinabi ko lang na mahal na mahal kita Ren."



          "Hindi iyun iyung sinabi mo."



          "Akala ko ba hindi mo narinig?"



          "Narinig ko. Ang kaso nga lang nasa clash lang talaga ako noong sinabi mo iyun kaya hindi na-process sa utak ko."



          "Gusto mo talaga marinig? Ang korni kasi talaga ehh."



          "Okay lang. Kung iyan ang gusto mo." saad ko na hindi sigurado.



          "Okay. Sasabihin ko na."



          "T-Teka? Baka napipilitan ka lang? Huwag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo." nag-aalala kong saad. Anong dapat kong gawin sa nga sitwasyong ito?



          "Sasabihin ko nga sayo ehh para matapos na. Tapos ayaw mong marinig." Dapat sinabi ko na lang ang totoo ehh.



          "No. Huwag na. Ang totoo kasi niyan, nagsinungaling ako nang sinabi ko na hindi ko narinig. Hindi ko nga lang kasi ma-process sa utak ko iyung sinabi mo. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Ayoko kasing mapahiya ka dahil lang sa sasabihin ko." taranta saad ko. "Teka, nagagalit ka na ba ngayon sa akin? Sorry naman."



          "Too late."



          "Oi. Grabe naman kasi. All of a sudden ehh. Pero Kei, salamat naman at minahal mo ako dahil sa ako ito. Salamat talaga. Kung hindi naging tayo noong summer, marahil ehh hindi ko mararanasan ang tamis ng iyung pagmamahal... at ang pagkain mo."



          "Mabuti naman Ren. Miss mo na ba ang mga luto ko?"



          "Oo naman. Noong isang araw kasi, nakita ko kayo ni Janice na sabay kumain ng baon ninyo." malungkot na salaysay ko. "Ikaw din ba ang gumagawa ng baon niya?"



          "Iyung kaibigan ko ang may gawa ng pagkain niya. Hindi ako."



          I sighed in relief. "M-Mabuti naman."



          "Gusto mo ba na gawan din kita ng baon?"



          "Paano mo ibibigay sa akin sige nga? Si Janice, laging nakadikit sa iyo. Kapag kay Harry naman ehh baka makahalata."



          "Naisip ko na iyan. Pwede ko naman ipaabot kay Nicko. Kaklase ko siya."



          "Huh? Hindi ko alam na magkaklase kayo ni Nicko. At saka pwede?" natutuwang tanong ko.



          "Oo naman. Para sa iyo, gagawa ako ng paraan. Lahat ng pag-iingat ay gagawin ko."



          Nagagalak ako sa narinig. Sa wakas ay makakakain ako ng pagkain na ginawa ni Kei. Miss ko na talaga si Kei. Teka, alam ko na.



          "Oo nga pala Kei. Pwede mo ba akong turuan ng self-defense?"



          "Huh? Bakit kailangan mong matuto?"



          "Nakalimutan mo na ba? Hindi ba noong... ano."



          "Noong..."



          "Nag-ano tayo..." nahihiyang wika ko.



          "Ano?"



          "G-Gumaganti ka ata ahh."



          Napatawa ito ng payak sa kabilang linya. "Hindi ako gumaganti. Sabihin mo na kasi."



          "Noong first time ko sa iyo."



          "Okay. Natatandaan ko na." natatawa niyang saad.



          "Ikaw talaga. So ano? Tuturuan mo ba ako?"



          "Bakit naman gusto mong magpaturo? Lately ba ehh may taong nagtangka ng buhay mo?"



          "Wala naman. May isang kaibigan kasi na nag-advice sa akin nun."



          "Sinong kaibigan ito? Pwede ko bang malaman?" usisa pa niya.



          "Si Marcaux."



          "SIYA? Wow. Pinopormahan ka ba ng taong iyun?!" gulat na tanong ni Kei.



          "Hindi naman. Naisip ko lang na kunin ko ang advice niya. Kasi nga hindi ba? Maraming masasamang loob ang umaaligid sa paligid ng eskwelahan. Paano kung may mangyari sa akin na masama?"



          "Huwag kang mag-isip ng ganyan."



          "So tuturuan mo ba ako?"



          "Pasensya na Ren. Hindi ako pwede bukas."



          "Ganoon ba?" Nalungkot naman ako sa narinig.



          Ano ba iyan? Akala ko pa naman ehh mabibigyan ko siya ng rason na makapunta dito sa bahay. Handa pa naman ako sa Fiancee niya.



          Rinig ko na humugot ito ng buntong-hininga. "Alam mo, pwede naman si Harry ang magturo sa iyo."



          Si Harry? "Sa iyo, okay lang ba?"



          "Okay lang. Basta kung may ginawang kalokohan si Harry sa iyo, isumbong mo lang. Ako ang bahala."



          "Okay. Pero mas maganda sana kung ikaw ang magtuturo sa akin."



          "Pero Ren, kasama kong pupunta diyan si Janice kapag pumunta ako."



          "Okay lang. Tsaka mabait naman si Janice ehh."



          "PENTAKILL!" saad ng Announcer ng League of Legends.



MarcoS(Jinx): OMG! BEST SUPPORT EVER! WE SHOULD GET MARRIED!

Ren(Leona): Congratulations! At saka grabe ka naman. Kasal agad?

MarcoS(Jinx): Compatible tayong maglaro. Kitang-kita naman kung gaano kalakas ang teamwork natin.

Ren(Leona): Whatever. Hindi pa tayo nananalo kaya huwag tayong maging kampante.



          "Kanino iyun?" tanong ni Kei.



          "Ahh. Sa ADR ko iyun. Ang galing niya." natutuwa niyang saad.



          "Aba pasensya na. Hindi kasi ako masyadong magaling at madalas lang akong naglalaro ng League."



          "Ano ka ba Kei. Bawat tao ay iba't iba ang expertise."



          "Sa bagay. Parang gusto kong magselos sa ka-duo mo diyan ahh."



          "Grabe ka naman. Kaibigan ko lang ito sa internet."



          "Kahit na. Kilala mo ba sila in person?"



          "Yun lang. Hindi."



          "Paano kung makita mo sila in person tapos kakilala mo? Anong gagawin mo?"



          "Umm... ehh di wow? Pero imposible na kakilala ko ang mga ito." natatawa kong saad.



          "Sige babe?"



          "Babe?"



          "Bakit? Ayaw mo?"



          "Umm... ayoko. Mas gusto ko na tinatawag sa pangalan ko."



          "Ay! Ayoko. Gusto ko na may tawagan tayo. Kapag Ren kasi ehh may iba din na ganoon ang tawag sa iyo. Mag-isip ka na rin ng para sa akin."



          "Umm... ayoko ng... babe, bebe, mahal... ayoko talaga. Kailangan ba talaga Kei?"



          "Oo naman."



          "Baka makahalata sila."



          "Ano ka ba? Dito lang naman sa phone natin sasabihin."



          "Okay."



          "May naisip ako. How about tawagin kitang Seifer?"



          "Seifer?"



          "Yeah. Tapos ako si Leon."



          "Leon?"



          "Iyung sa Final Fantasy 8. Si Squall Leonhart. Kaso mas prefer ko na Leon ang tawag sa kaniya." Leonhart huh? Pangalan iyun nung hacker ko kaso may numbers lang. "Umm... may problema ba Ren?" tanong ko.



          "W-Wala naman. May naalala lang ako." natatawang saad ko. "Pero bakit... walang halos kinalaman sa mga pangalan natin?"



          "Seifer naman."



          "Nagsimula ka na agad?" gulat ko.



          "I can't wait you know. Ikaw naman."



          "Sige. Mr. Lion..." Ay! Bakit ba iyun ang nasabi ko! "Hindi! I mean Leon."



          "Alam mo, mukhang mas maganda ang Mr. Lion?"



          "L-Leon na lang. Ngayon ko lang naalala na may story pala sa pagitan nila Seifer at Squall. Silang dalawa lang pala ang character sa game na wielder ng gunblades. At magkaribal pa sila." paliwanag ko.



          "Ohh ayan. May endearment na tayo."



          "Pero hindi naman iyun ang gagamitin natin tuwing nagpapalitan ng I love you hindi ba?"



          "Umm... iyun ba ang dahilan kaya ayaw mo?"



          "Yeah. Hindi ko pangalan ang Seifer. Ni hindi ko nga katunog ehh."



          "Mukhang ayaw mo kasi sa mainstream ehh. Alam mo, nagbago na ang isip ko. Huwag na nga lang." Tingnan mo itong taong ito. Nagsayang ng ilang oras para sa endearment.



          "What? We wasted 5 minutes na pag-usapan ang endearment natin tapos huwag na lang?" gulat ko.



          "Well as for me, hindi naman importante iyun. That's my point of view. Tsaka kahit wala naman sigurong ganoon, mahal pa rin naman natin ang isa't isa hindi ba?"



          "Parehas tayo!" natatawa kong saad. "Ikaw talaga Kei. Ang gulo mo."



          "So iyung sa self-defense training mo, kausapin mo na lang si Harry bukas. Kahit papaano, magaling iyun. Hindi kasi talaga ako pwede bukas dahil lalabhan ko pa ang mga punda ng kama namin. Mabaho na kasi ehh." paliwanag ni Kei.



          "Okay Kei. I love you at magandang gabi." paalam ko.



          "VICTORY!" saad ng announcer ng League of Legends.



          "Congratulations! I love you at  magandang gabi."



          "Thank you." natatawa kong wika. "Huwag mo kaya muna ibaba ang phone at baka sakaling manalo pa ako?"



          "Marami-raming lakas ang kakailanganin ko bukas. Ikaw din, matulog ka na. May pasok pa tayo bukas."



          "Okay. Ibababa ko na. Bye." Binaba ko na din ang phone.



MarcoS has entered the room...

Ren has entered the room...



MarcoS: That was an awesome game! One more!

Ren: Pasensya na S. Kailangan ko ng magpahinga.

MarcoS: Ang sad naman. Ako na lang ang mag-isa?

Ren: Pasensya na talaga. ^^

MarcoS: HAY! Wala akong magagawa. Asaan kasi H? Naging busy siya lately :/

Ren: Intindihin mo na lang. May sariling buhay naman iyun kaya... hayaan na lang natin... gaya natin.

MarcoS: Tama ka. Pero Ren, laro tayo bukas?

Ren: Titingnan ko lang.

MarcoS: Titingnan?

Ren: Umm... bukas kasi, mag-aaral na ako ng self-defense.

MarcoS: Wow. Self-defense. Marami na bang masasamang loob diyan sa lugar ninyo at kailangan mong mag-aral?

Ren: Parang ganoon na nga.

MarcoS: Alam mo, umupa ka na lang ng bodyguard. Pwede naman ako.

Ren: Ahaha. Tigilan mo nga iyan S. Ohh sige. Sa uulitin ha.

MarcoS: Sige. Good night Ren.



Ren has left the room...



          Pinatay ko naman ang kompyuter matapos kong kausapin si S. Ano ba ang nangyayari sa mundo... at naging weird din itong taong ito? Baka dahil sa internet. Sa bagay.



          Sa totoo lang, masama ang loob ko ngayong hindi ko pinauunlakan si S sa mga gusto niya. Ito ang una simula nang naging kami ni Kei.



          Napa-isip ako saglit. Ilang taon ko na bang naging kaibigan sila S, H at Yuuhi? Ahh! Limang taon na rin pala.



          「5 years ago...



          Kasalukuyan naman akong gumagala sa mga forums ng internet hanggang sa mapunta ako sa isang forums na kung saan... may interesanteng bagay na nakuha ang atensyon ko. Isang forums ng mga hacker ng isang nilalaro kong Online Game.



          Namalagi ako sa forum na ito ng ilang araw at... nakilala ako bilang... Ren. Walang kwentang pseudonym ko naman iyan haha.



          And then na promote ako from a casual member to Guardian. Kapag may rules na nilabag ang isang member, report.



          Hindi lang ako basta naging guardian doon. Naging isa din akong contributor sa paggawa ng mga cheats and hacks. Marami akong nakaka-usap na mga tao... kaya lang, hindi ako masyadong namamansin ng mga tao sa kadalihanang... sabi ng intuition ko ay huwag silang masyadong i-entertain. Ewan ko ba.



          Ilang araw ang nakalipas, nakatanggap ako ng notification o isang mail mula sa isa sa mga hacker din ng forum na iyun... na hindi ko din kinakausap.



          "Hello Ren. MarcoS here. We would like to invite you to our group named EC. Umm... group ito ng iyung mga fellow hacker sa forum. Kindly visit this LINK and mapupunta ka sa isang chat page. Huwag kang mag-alala. Secured ang lugar na ito mula sa... ibang tao. Alam mo na. Masyadong confidential ang ginagawa nating... mga hacker."



          Na-curious ako kung anong meron sa group at pinindot ito.



Ren entered the room...



MarcoH: NEW MEMBER!

Yuuhi: AY SALAMAT! MAY BAGO NA TAYONG MEMBER! WELCOME!

MarcoH: WELCOME!

MarcoS: Welcome sa group Ren...

Ren: Umm...

Yuuhi: [Silence intensifies]

MarcoH: ...

MarcoS: ...

Ren: Salamat sa pag-invite?

MarcoS: No problem.

Yuuhi: Recruit mo S?

MarcoS: Yeah.

Ren: Umm... matanong ko lang. Magkapatid po ba sila MarcoS at MarcoH?

Yuuhi: A not so bad question.

MarcoH: Hindi kami magkapatid. Sabihin na lang natin na ganoon ako tawagin ng ilang tao na nakakakilala sa akin.

MarcoS: Ako naman, idol ko lang si President Marcos.

Yuuhi: How about you Ren. Bakit Ren ang pseudonym mo?

Ren: Palayaw.



          Ito ang unang group na sinalihan ko simula noong binilhan ako ni ninong ng kompyuter. Solo ko lang kasi nilalaro ang mga Online Games na dina-download ko. No reason.



          Naging magaan naman ang pakiramdam ko sa grupo na ito. Lahat sila ay friendly sa akin at marami kaming pinag-uusapan na bagay when we find it interesting. It's a fun group with lots of randomness kahit apat lang kami.」



Harry's POV



          Nakikipag-fencing ako kay Garen ngayon na mas kilala namin sa tawag na Ren. May kasunduan kami na kapag nagtalo niya ako, huhubarin ko ang aking maskara bilang si Mr. Lion.



          Makalipas ang ilang minuto, nakatama na siya sa wakas. Nanalo siya. Pumalakpak naman si kuya Lars sa likod niya. Hay sa wakas! Natalo na niya ako.



          "Magaling Ren." pagpuri ng kuya Lars niya.



          Binalingan ako ng tingin ni Ren. "Natalo ako. Hindi ko ito inaasahan pero natalo ako." malungkot na saad ko.



          Niyakap naman ito ni kuya Lars mula sa likod niya. "Mr. Lion, ipakita mo na sa amin ang mukha mo? Nag-promise ka dito sa kapatid ko na huhubarin mo ang maskara mo kapag natalo ka."



          "Siyempre naman po kuya Lars." pagsang-ayon ko.



          Nilagay ko ang mga kamay ko sa maskara at dahan-dahan kong hinubad ito. Kita ko naman ang saya sa mga mata ni Ren subalit kabaligtatan ito sa kanyang kuya nang malamang ako si Mr. Lion.



          "Ikaw pala iyan Harry!" natutuwang saad ni Ren.



          "Oo. Ako nga si Mr. Lion." nakangiti kong saad.



          Lumapit naman ito sa akin saka niyakap ako. Niyakap ko din naman ito pabalik. Kita ko naman na nakatingin pa rin sa akin si kuya Lars na parang nalulungkot.



          "Pero kahit anong gawin mo, wala na kaming lahat." makahulugan saad ni kuya Lars habang may dugo na ito sa katawan.



          Nagulat ako. Naramdaman ko naman na may parang kakaiba kay Ren habang nakayakap siya at tiningnan ko kung anong meron. Bigla na lang siyang naging abo. Hindi maaari.



          Sa kalayuan naman, kitang-kita ko si Kei at Gerard na nakatayo. Si Kei ay nagtatangis habang si Gerard ay binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin habang sinisisi ang sarili sa pagkawala ng mahal niya sa buhay.



          "Pasensya na." nasabi ko na lang.



          "Kasalanan mo ito." galit na saad nilang dalawa.



          Paulit-ulit ko naman itong naririnig sa tenga ko. Narindi ako. Sinubukan ko namang takpan ang tenga ko para hindi na marinig ang sinasabi nila. Subalit kahit tinakpan ko ang mga ito, wala pa rin. Naririnig ko pa rin.



          Napaluhod ako. "Pasensya na. Pasensya na." paulit-ulit kong sinasabi habang umiiyak.



          Naramdaman ko na lang na may tumapik sa akin at tiningnan ko kung sino. Ang duguan na si kuya Lars. "Wala kang karapatan sa kaniya kahit kailan. Tandaan mo iyan."



          "KRIIIIING!"



          Minulat ko na lang ang aking mata pagkarinig ng alarm clock ko saka bumangon para patahimikin ito at hinahabol ang aking hininga. Panaginip lang pala.



          Nasapo ko na lang ang ulo ko habang inaalala ang panaginip ko. Alam ko naman na ako nga ang may kasalanan nitong lahat. Pero kung hindi ba ako iyun, hindi magiging ganoong ang nangyari sa kanila? At saka anong sinasabi ni kuya Lars sa panaginip ko? Na wala akong karapatan sa kaniya?



          Inayos ko na lang ang sarili ko at lumabas saka pumunta sa banyo at naghilamos. Tiningnan ko naman ang repleksyon ko sa salamin. Walang karapatan huh.



          Inaamin ko. Inaamin ko na hindi dapat ako ang nagsuot ng Mr. Lion costume na iyun. Pero ano pa ba ang magagawa nila? Nangyari na ang nangyari.



Keifer's POV



          Kasalukuyang nagluluto ako ng ulam para sa kakainin ni Ren sa tanghalian. Pasipol-sipol pa ako habang ginagawa ito. Ang niluluto ko ngayon ay chop suey dahil... ito ang best dish na niluto ko sa kaniya... so far.



          Maya-maya naman ay lumapit si Harry sa counter ng kusina at umupo sa isa sa mga upuan doon. Basa ang buhok ang buhok niya at obviously na kaliligo lang.



          Pinunasan naman nito ng maiigi ang ulo niya para patuyuin ng tuluyan.



          "Good morning Harry." bati ko. Wala naman akong nakuhang sagot at sa halip ay tumango siya. "May problema ba? Parang tahimik ka?" usisa ko.



          "Wala naman. Nagkaroon lang ako ng... bangungot." pakumpas nitong sagot.



          "At ano namang klaseng bangungot?"



          "Bangungot na hindi ako makapasa sa taong ito?" hindi niya siguradong sagot.



          Napatawa naman ako ng payak sa sagot na narinig. "Nako Harry. Bangungot lang iyan. Kaya mong pumasa ngayong taon. Ikaw pa." pag-angat ko ng moral niya.



          Naluto na rin ang ulam sa wakas. Kumuha naman ako ng tatlong baunan at inilagay ang ulam sa isang parte ng mga baunan.



          "Para saan ang isa?" usisa ni Harry.



          "Umm... para sa isang... kaibigan ko... na babayaran ako kapalit ng baon." pagsisinungaling ko. Heck na sabihin ko na para kay Ren.



          "Babayaran? Bakit? Kulang ba ang allowance na binibigay sa iyo ni papa at umabot ka sa ganito?" tanong pa nito.



          "Hindi naman sa ganoon. It's more than enough nga actually. May pinag-iipunan kasi ako at ayokong gamitin... ang pera ni tito para dito sa bibilhin ko." sagot ko.



          "Talaga lang ha." nasabi niya na may konti na mahiwagang tono na nagpatigil sa akin. Alam na niya?



          Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. "Harry, parehas naman nating alam ang dahilan kung bakit okay?"



          "I'm sorry." medyo nalulungkot niyang saad.



          Natapos na rin ako sa ginagawa. Okay. Tinakpan ko naman ang tatlong baunan.



          "Eto Harry oh." abot ko sa kulay pula na baunan.



          "Salamat." wika niya saka kinuha ang baunan at inilagay ito sa kaniyang bag. "Maiba ako. Bakit hindi mo nilulutuan ng baon ang fiancee mo?" tanong niya.



          "So what's the point of having Gerard by his side?" pasagot kong tanong.



          "Hindi ka ba nag-aalala na sa kabilang apartment, nakatira si Gerard at Janice? Isang lalake at isang babae." sarkastiko nitong saad.



          "Umm.... kung joke iyan Harry, tumigil ka na. Hindi naman ganoong klaseng tao si Gerard."



          "I see."



          Bumalik naman ito sa kwarto niya matapos ayusin ang ilang gamit niya. Seriously? Parang hindi okay ngayon si Harry. Ano ba ang problema nun? Shipping Gerard and Janice?



          Sa tingin ko ehh matagal naman talaga niyang alam na wala akong gusto kay Janice. Pero ewan ko lang dito sa pamilya ni Janice. Nalaman ko kasi na magkasosyo sa negosyo ang mga magulang ni Janice at ang pamilya ni Harry sa... alam niyo na. Nakakabwisit lang. Kung siguro ehh wala akong pamilya na ganito ay magiging ayos na ang lahat.



          Napaisip ako. Kapag nasa ibang pamilya ba ako, hindi ko ba makikilala si Ren? Sa tingin ko naman, makikilala ko pa rin siya. There will be a chance. Everything will change nga lang.



          Ang destiny para sa akin ay hindi totoo. Kung ano o nasaan ka or whatever, it's not a work of destiny for me. Ito ay resulta lang ng iyung mga piniling aksyon sa buhay mo. Cause and effect kung baga. Ang bukas, laging may dalang pagbabago iyan na makakaapekto sa ating kasalukuyan. Hindi natin alam kung ang pagbabago na ito ay makakabuti o makakasama. Change is persistent and inevitable like tomorrow. Pero nasa atin pa rin kung tayo ba ay magpapabago o babaguhin natin ito. Ganoon lang iyun. Kaya nga binigyan tayo ng free will.



          May mga taong nagpapasalamat kay tadhana at ibinigay sa kanila ang taong pinakamamahal nila. Kalahating tama, kalahating mali. Para sa akin, magpasalamat ka dapat sa mga piniling aksyon at choices niya sa buhay at nahanap mo siya dahil kung hindi doon, hindi mo siya makikita o mahahanap.



          Inikot ko na lang ang aking mga mata sa mga naiisip ko. What a word na lumalabas sa mga 17 years old na katulad ko. Sa totoo lang, feel free to dump what I said in the trashcan. Dapat ang mga mas nakakatanda pa sa akin ang nagsasabi ng mga salitang ito dahil karaniwang sasabihin ng mga tao, ano ba ang alam mo at nakakapagsalita ka ng ganyan?



          Matapos ilagay ang dalawang baunan sa bag ko, pumasok na lang ako sa kwarto ko at nagbihis papunta sa eskwelahan. Sakto naman na pagkalabas ko ay nakabihis na din si Harry. Hindi naman ito umimik at dire-diretsong lumabas. The atmosphere between us is so heavy.



          Kinuha ko naman ang mga gamit ko saka lumabas. Naabutan ko naman na nag-aantay si Janice sa labas ng apartment at agad umangkla sa akin.



          "Good morning." magiliw na bati niya sa akin.



          "Good morning din." magiliw ding bati ko.



          Pumasok naman kaming dalawa sa sasakyan ni Harry at umupo kami ni Janice sa likuran. Sinimulan na ni Harry patakbuhin ang sasakyan.



          Habang nasa byahe, tahimik lang kaming tatlo. Ang bigat ng atmosphere namin. Bakit kaya? Lagi kasi kaming nag-uusap ng ilang bagay tungkol sa mga... bagay-bagay gaya ng General Knowledge. To entertain ourselves. Ginagawa namin ito ni Harry palagi. Pero simula kasi na nandito si Janice, nagsisimula ito ng mga topic na mga hindi namin alam gaya ng Western Shows. Ano ba ang alam namin doon? Wala.



          Ilang minuto na rin ang nakalipas at wala pa ring nagsasalita. Marahil ay nag-aalangan na si Janice na magsalita ngayon dahil sigurado ako na ramdam niya ang bigat ng atmosphere sa pagitan naming tatlo. Ako naman ay walang maisip na topic to lighten up our mood. Kill me.



          "Hey guys. Alam niyo ba na Gerard is finally seeing someone?" pagbasag ni Janice sa katahimikan na sa tono ng pananalita ay excited. Good job... Janice?



          Kita ko naman na napatingin si Harry sa salamin sa gitna ng kotse. "Si Gerard? Bakit hindi ko ito alam?" kunot noong tanong niya.



          "Good for him." nasabi ko na lang.



          "Kilala mo ba kung sino Janice?" muling tanong ni Harry.



          "Umm... kung tama ang pagkakaalam ko... ehh iyung librarian ng school library." sagot ni Janice.



          "Can you be more specific Janice. Teacher ba o student worker?"



          "Umm... estudyante din. And ohh. Kung tatanungin niyo kung lalake or babae, it's a guy. Kasali pala ang lalake sa 'Book of Pride' ng school sa pagkakatanda ko noong tiningnan ko lahat ng nilalaman nito sa page ng Facebook. Ang pangalan niya ay William Smite. Ang 'Gwapong Kano ng Library'. Gaya ng sinabi ng title niya, gwapo nga kasi nasama sa 'Book of Pride'... o baka dahil kano siya? Matangkad, maganda ang mata, medyo maganda ang pangangatawan at matalino. 3rd year siya sa taon na ito at nag-aaral ng BS Information Technology."



          "Ohh. That makes sense. Napansin ko nga na nitong mga nakaraang araw, pumupunta siya sa library ng school kahit alam naman nating lahat na hindi na niya kailangan iyun." wika ni Harry.



          "Nitong mga nakaraang araw nga din ehh. Umaalis si Gerard kahit gabi na. Alam na. Buti pa sila, may sex life. Tayo dito, nganga." pagpaparinig ni Janice sa amin. Ehh sa ayokong ngang makipag-sex sa iyo Janice.



          "Paano mo naman ito nalaman Janice?" naitanong ko.



          "Kahapon lang actually. Noong hinahabol niyo si 'Mystery Man' ng sch- ahh!"



          Pagkabangit nun ni Janice, napatilapon kaming dalawa sa kinauupuan.



          "Okay lang ba kayo?" usisa ni Harry sa amin."



          "Okay lang kami."



          "Ano ba ang ginagawa mo at bigla mong hininto ang sasakyan?!" sigaw ni Janice.



          "Pasensya na." pagdispensa ni Harry. "Kei, pwede bang ikaw muna ang magmaneho?"



          "Well sure." pagpayag ko.



          Lumipat naman si Harry sa kabilang upuan at ako naman ay kumalas sa pag-angkla sa akin ni Janice saka umupo sa driver's seat. Nagsimula na akong magmaneho sa kotse.



          Pansin ko naman na nasapo naman ni Harry ang ulo niya. "Sigurado ka bang okay ka lang talaga Harry at gusto mong pumasok? Baka gusto mong umuwi na lang dahil mukhang masama ata ang pakiramdam mo." usisa ko.



          "No Kei. Okay lang talaga ako." sagot niya.



          "Dahil ba ito sa nangyari kahapon?"



          "Bakit? Ano ba ang nangyari kahapon?" sabat ni Janice.



          "Okay lang talaga ako Kei." pilit niya. "Paglabas ko sa kotse na ito at kapag nakita siya, huwag kang mag-alala. Hindi ko ipagpipilitan na siya iyun or anything else."



          "At sino ang pinag-uusapan natin dito?" muling tanong ni Janice.



          "Hindi mo na kailangan malaman Janice." sagot ni Harry.



          "Okay." kibit-balikat ni Janice.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga... at nagdadalawang-isip na talaga ako. Papayagan ko kaya itong si Ren na si Harry ang magturo sa kanya ng self-defense sa bahay nila? Nag-aalala kasi ako dahil baka ipagpilitan ni Harry kay Ren na siya si Garen na kababata namin which is imposibleng mangyari dahil patay na siya. Peste kasing labahan iyan pero wala akong magagawa. Kaso kailangan kong gawin ang mga duties ko.



          Teka. Paano kaya kung sabihin ko kay Ren na huwag na lang muna ngayon at sa ibang araw na lang? Pero ang mas malaking tanong ehh paano ko siya masasabihan? Hindi ko kasi pwedeng kausapin si Ren ng sarilinan dahil maghihinala itong dalawa na we are... more than friends? Masyado akong maingat. Gusto ko kasi isipin nitong dalawa na kami ni Ren ay... parang acquaintance level lang ang aming pagkakaibigan. Iyung hindi kami masyadong nagkakausap or sort despite na... magkaibigan kami. Medyo delikado kapag... lumampas kami doon at baka makahalata sila. Alam niyo naman ang mga tao. Nagkausap lang ang syota mo at ang kapitbahay mo, iisipin mo na may relasyon sila.



          Pagkarating sa parking lot ng eskwelahan, nakita ko naman si Ren... na naghihintay... ata sa amin. Baka para sabihan na ng maaga si Harry at baka may biglaang plano itong gawin. At doon nagsimula ang palpak kung plano. Well wala na akong magagawa. Kailangan kong pagkatiwalaan si Ren... at higit sa lahat, si Harry na hindi ipagpilitan na si Ren at Garen ay iisa.



Ren's POV



          Kasalukuyan akong nag-aantay sa parking lot ng eskwelahan. Inaantay ko sila Harry na dumating. Maya-maya ay dumating naman ang sasakyan nila. Agad na lang na bumaba si Janice dito at niyakap agad ako.



          "Good morning Ren." bati pa nito.



          Wala naman akong nagawa kung hindi napayakap na rin pabalik. "Good morning din?" balik-bati ko. Tama ba itong ginagawa ko?



          Kita ko naman na bumaba na din sila Kei at Harry at nakatingin sa amin. Agad na lang lumapit sa amin si Kei at kinalas kaming dalawa habang nakatingin ng masama sa akin si Kei.



          "Good morning Ren." bati sa akin ni Kei. "I see na nakikipaglandian ka sa fiancee ko so early. You deserve a punishment." makahulugang dagdag pa nito.



          "Umm..."



          Humugot si Harry ng buntong-hininga habang lumapit sa amin. "Tigilan mo na iyan Kei. At saka sinong sinasabihan mo na kailangan ng punishment?"



          "Palagay ko ay EVERYBODY!" natatawang saad ni Janice. Natawa lang kami ni Janice ng payak. Kahit ako ehh hindi alam kung sino ang kailangan ng punishment. Mukhang ako naman ata iyun.



          "Good morning pala sa inyong dalawa." Tumango na lang silang dalawa.



          "Mauna na kami ni Janice." saad ni Kei saka hinatak si Janice palayo sa amin."



          "Sige Ren. Sa uulitin." pahabol pa ni Janice habang kumakaway.



          "Okay." saad ko habang kumakaway din pabalik. "Tara na Harry?" yaya ko saka nagsimulang maglakad.



          Sumunod na lang din si Harry sa akin. "Sandali lang. Bago to ahh? Inaantay mo ba talaga... ako o si Kei... dito sa parking lot? May kailangan ka ba?" tanong niya. Ako o si Kei?



          "Si Kei? Bakit naman... pati siya?" hindi ko siguradong tanong.



          "Umm... dahil kaibigan mo siya?"



          "Ganoon ba?" Hindi kaya alam na ni Harry? Sa tono ng pananalita niya, parang may alam siya? Pero paano? Siguradong ginawa namin ni Kei ang lahat ng pag-iingat na hindi malaman ng ibang tao ang relasyon namin. May mga tao kayang nadulas?



          "Bakit? Hindi ba?"



          "Ang totoo niyan Harry, ikaw naman talaga ang sadya ko."



          "Ohh! Ako pala. Sorry." wika nito habang binigyan ang sarili ng isang mahinang batok. Ang weird niya ngayon.



          Kita ko naman na laging palipat-lipat siya ng tingin sa akin at sa dinadaan namin.



          "May problema ba?" tanong ko.



          Umiling ito saka tumikhim. "Wala naman. It's just may... naalala lang akong isang bagay mula sa... nakaraan... na dapat ko ng kalimutan... sana." sabi niya habang kumukumpas. Ang weird niya ngayon. May ginawa na naman kaya itong kasalanan sa akin? "So anong meron at inaantay mo ako?"



          "Magpapaturo sana ako ng self-defense sa iyo kung okay lang ba?"



          "Umm... sure." pagpayag niya. "Bakit ka nga pala magpapaturo ng self-defense sa akin? At saka saan mo naman nalaman na may alam ako sa pagtuturo ng self-defense?" sunod-sunod na pagtanong niya.



          "Actually, naisip ko lang na kung sino ang available. Ang una ko ngang naisip ehh si kuya Aldred. Ang kaso, magiging busy na sila dahil magtatanghal ang Drama Club sa Nutrition Month, Buwan ng Wika... at kung ano pa ang okasyon na darating sa taong ito. Hindi rin naman pwede ang banda para i-focus sila sa pag-eensayo para sa Battle of the Bands. Meron namang iba pang tao bukod sa inyo. Kaya lang, ayoko. And most of all, I think naman ehh dapat mag-aral ang lahat ng self-defense para sa sariling kaligtasan. At isa pa, nag-iisa na lang ako sa lahi namin." mahabang pagdadahilan ko kahit ang dapat kong sabihin ehh dahil sinabi sa akin ni Kei.



          "Sure. Saan naman kita tuturuan?"



          "Sa bahay ko. Mamaya pagka-uwian?"



          "Umm... sure." masayang pagpayag ni Harry saka kinuha ang phone sa bulsa at nag-text. Bakit kaya masaya siya?



          "Sige. Kita na lang tayo mamaya okay?"



          "Yeah." saad pa ni Harry habang nagte-text... marahil.



Keifer's POV



          Pagkadating namin ni Janice sa silid-aralan, agad ko naman nilapag ang nga gamit ko at nilabas ko ang isang kulay asul ba baunan para kay Ren.



          "Wow. For me?" agad na tanong ni Janice.



          Binigyan ko naman ito ng isang blangkong tingin. "Parehas naman natin alam na hindi ko pa iyan ginagawa Janice."



          "Well para kanino kaya?" rinig kong bulong pagka-upo niya... at naarinig ko iyun.



          Sakto naman na kararating lang ni Nicko at ibinaba ang gamit niya. Agad na lumapit ako dito dala ang baunan ni Ren.



          "Nicko." tawag ko.



          "Kei. Anong meron?" masayahin niyang tanong.



          Tiningnan ko naman saglit ng mabuti ang binata kung bakit masayang-masaya ito. He's glowing huh? Alam na. Buti pa ang mga taong ito.



          "Umm... favor naman Nicko. Pwede bang ibigay mo ito kay Ren?" pakiusap ko sabay abot dito ng baunan na tinanggap nito.



          "Sure. Makakarating." pagpayag niya.



          "Ohh. Para sa iyo pala iyan Nicko?" sabat ni Janice na biglang sumulpot sa gilid ko na ikinapitlag namin.



          "Umm... yeah Janice. Para sa akin. Hindi pa kasi ako nakatulog kagabi kaya nasabihan ko si Kei... noong isang araw na ipagluto at bigyan niya ako ng baon na makakain ko ngayon." pagdadahilan ni Nicko. Nice Nicko.



          "Ganoon ba? Buti ka pa." sabay balik nito sa kinauupuan.



          "Alam mo Kei, bakit hindi mo na lang direktang sabihin na ayaw mong... pakasalan si Janice? Simple as that and then everybody happy." saad ni Nicko habang nilalagay nito sa bag ang baunan.



          Napangiti ako sa advice na binigay sa akin ni Nicko. Kaya lang... "Salamat Nicko. Pero kung ganoon iyun kadali, nagawa ko na. As easy as that lang naman iyun ehh. Pero bakit hindi nangyayari?" I grimly said. "Umm... pasensya na. Oo nga pala. Pakisabi na ibigay niya sa iyo iyan bukas kapag nagkita ulit kayo para... alam mo na. Sige." Nang napansin ko na nagsasalita na ako sa ibang tono, nasapo ko na lang ang ulo ko at hindi na kinausap pa si Nicko. Mamaya ehh kung ano pa ang masabi ko.



          Bumalik na lang ako sa upuan kung saan kami nakaupo ni Janice. Doon kami sa likuran at pinakamalapit sa bintana. Nakatingin naman sa labas ng bintana si Janice at marahil ay nag-iisip. Sa totoo lang, alam naman... ata... ni Janice na wala akong gusto sa kaniya. Pinipilit lang niya ang sarili niya na maging masaya sa piling ko.



Ren's POV



          Lumipas ang ilang oras at lunch break na namin. Nakasalubong ko naman si Nicko habang tinatahak ang daan papuntang Music Room.



          "Ren ohh." abot niya sa akin ng isang baunan.



          Kinuha ko naman ito. "Kay Kei galing? Salamat." ngiti ko.



          "Ganda ng ngiti ahh."



          "Oo naman. Kahit sino ehh matutuwa at nage-effort iyung boyfriend mo from afar through you. Thank you ulit Nicko." muli kong pasasalamat dito.



          "Nako! Wala iyun."



          "Tara Nicko. Sabay na tayong kumain sa Music Room." yaya ko.



          "I would love too pero pasensya na. May pasok pa kami. Dumaan lang ako para ibigay sa iyo iyan." pagtanggi niya. Sayang naman.



          "Umm... okay." medyo nalulungkot kong saad.



          "At saka sabi niya nga pala na ibigay mo sa akin iyan pagkakita natin ulit sa susunod. Alam mo subukan ko sa susunod na masasamahan kita sa pagkain."



          "Ganoon ba Nicko? Sige. Salamat ulit."



          "Geh. Alis na ako." paalam niya saka umalis.



          Masaya akong pumunta sa Music Room... at himala ay walang pang tao... at inilapit ko ang lamesa sa sofa saka binaba ang mga gamit ko. Pagkalagay sa lamesa ng baunan, binuksan ko agad ito. Para naman akong bata na nabigyan ng candy sa tuwa. Chop Suey ang ulam. Pero parang kulang. Wala itong... decorative figure. Baka kasama iyun sa mga bagay na hindi dapat gawin ni Kei. Di bale na.



          Masaya ko namang kinain ang pagkain na gawa niya. Nang maubos na ang kanin... at hindi pa ubos ang ulam, nilabas ko ang binaon kong kanin sa bag ko at inubos na ng tuluyan ang pagkain. Ang sarap-sarap at busog na busog na ako!



          Nakaramdam naman ako ng pagod at parang inaantok ako. Siguro ay dapat magpahinga na muna ako saglit. Hinayaan ko na lang ang pagod na sakupin ako at pumikit.



          Natagpuan ko naman ngayon ang sarili sa lugar na kung saan naglalaro kami dati ni kuya Lars ng basketball. Ito ang basketball court. Nakaramdam naman ako ng lamig sa paligid. Bakit kaya? At medyo madilim ang langit.



          "Dito Ren." rinig kong boses ni kuya Lars. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses... at ito'y nasa labas ng court.



          Nagsimula naman akong lumakad papunta sa labas ng court at natagpuan si kuya Lars na nakatayo sa kalsada. Direkta kung makatingin ito sa akin at nakangiti.



          "Halika Ren." tawag na naman niya ulit sa akin saka tumalikod at nagsimulang maglakad.



          Kusa na lang na gumalaw ang aking mga paa at sinundan si kuya. Sinusubukan ko namang pabilisin ang paglalakad ko para makahabol kay kuya pero hindi ako bumibilis.



          Habang naglalakad, napansin ko naman na mas lalong lumalamig ang paligid. May kung anong maliliit na puting bagay ang bumabagsak mula sa langit. Sinubukan kong saluin ang mga bagay na ito at ito ay malamig nang nadampian ito ng aking mga kamay. Niyebe? Sa Pilipinas?



          Patuloy pa rin sa paglalakad si kuya at ako'y nakasunod pa rin. Saan ba kami pupunta ni kuya? Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tumingin ako sa malayo at naaninag ko na pupunta kami sa isang malaking mansyon. Malaki ito at... mukhang mas malaki pa ito sa mansyon nila ninong.



          Pumasok naman si kuya sa gate nito at kasunod naman ay ako. Pagkapasok ko sa gate ay nakita ko naman si kuya na nakatayo lang sa pintuan ng bahay. Muli ay humarap si kuya sa akin habang ako ay lumalapit at napahinto naman ako. Bakit tumigil ang mga paa ko?



          "Halika dito Ren." pag-imbita sa akin ni kuya na pumasok sa bahay at tumalikod ulit saka pumasok sa bahay.



          Aktong hahakbang ako sa unang palapag ng hagdan papunta sa pintuan ng bahay nang biglang naramdaman ko na bumigat ang paligid. Hindi ko alam ang nangyayari pero nararamdaman ko na may tao sa likod ko. May kasama ako. Diretso pa rin akong nakatingin sa bahay. Parang ayokong lumingon para makita kung sino ang nasa likod ko.



          Ramdam ko naman na dahan-dahan itong dumudungaw sa gilid ko. Nakakatakot. Bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko nang naramdaman ko na may tumapik sa akin.



          Pinadako ko sa gilid ang mga mata ko nang hindi lumilingon. Mas lalo akong nagimbal. Ito iyung babae sa nauna kong panaginip.



          "Pumasok ka." winika ng babae.



          "Ren, binabangungot ka!"



          Idinilat ko ang aking mga matapos malakas akong tinapik ng isang tao... at si kuya Joseph na naman at ang mukha niya sa malapitan ang nagpagulat sa akin. Gaya nang nauna, nauntog ko na naman ang ulo ko sa kaniya.



          "Ouch!" sigaw ni kuya Joseph. Nasapo nito ang kanyang ulo at ganoon din ako. Ang sakit ng pagkaka-untog ko sa ulo ni kuya Joseph. "Ano ba Ren?! Palagi na lang ba ganito?! Ikaw na nga itong ginigising mula sa bangungot tapos ganito pa ang igaganti mo sa akin?!" pasigaw na reklamo sa akin ni kuya Joseph saka binigyan ako ng isang malakas na batok sa ulo na nagpa-igik sa akin saka lumayo pagkatapos.



          Ang sakit din ng mga mata ko. Iginala ko naman ang aking paningin sa Music Room. Nandito na rin pala si kuya Blue at ate Erika. Kita ko naman na lumapit si ate Erika kay kuya Joseph habang si kuya Blue naman ay papalapit sa akin. Teka, anong oras na?



          "Ren? Okay ka lang ba?" usisa sa akin ni kuya Blue.



          "Y-Yeah. Okay lang ako. Nagkaroon lang kasi ako ng bangungot." sagot ko.



          Napatingin si kuya Blue sa mesa na malapit sa akin at ibinaling ang tingin ulit sa akin. "Bakit kasi kumain ka ng marami? Ayan tuloy at binangungot ka na. Hinay-hinay din kasi sa pagkain."



          Mabilis na umiling ako. "Pasensya na. Marahil ganoon nga. At saka kasi, luto ni Kei iyung ulam kaya sinulit ko na." paliwanag ko.



          "Kaya pala." ngiti nito.



          Napatingin naman ako sa relong pambisig. 3pm at uwian na. Nako! Baka hinihintay na ako ni Harry. "Sige kuya Blue. Aalis na pala ako." saad ko habang nililigpit ko ang aking pinagkainan kanina.



          "Sige." pagpayag nito.



          "Hoy Ren, sa susunod, matuto ka naman magising mula sa bangungot nang hindi nang-uuntog ng ulo ng ibang tao!" pahabol ni kuya Joseph.



          Hindi ko na lang ito pinansin at dire-diretsong naglalakad palabas ng Music Room. Nang makarating ako sa hallway sa bandang gate ng eskwelahan may nakita naman akong pamilyar na tao na nakatayo sa gate. Ang multo na naman ni kuya Lars? Nakatingin lang ito sa akin pero hindi ko mawari kung totoo ba ang nakikita ko ohh hallucination ko lang ito dahil sa bangungot ko kanina. Bakit nagpapakita sa akin si kuya? May kailangan ba siya?



          "Ren?" untag sa akin ng taong tumapik ng balikat sa likod ko.



          Agad ko naman itong nilingon. Subalit dahil sa mabilis na paglingon ko ay nahagip ko ang inumin na hawak nito sa kabilang kamay at hindi sinasadyang naitapon ang laman sa uniform... ni kuya Joseph... ulit.... Patay!



          Binigyan ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at humugot ng malalim... na malalim... na buntong-hininga ngunit hindi pa rin maalis nito sa kanyang mga mata ang gigil na pagtingin sa akin. Masusundan ko na ata ang nanay at tatay ko sa kung saan man sila dahil sa nagawa ko kay kuya Joseph.



          "Shit! Hi Ren. Hinabol pa naman kita para mag-sorry sa pagkakabatok ng malakas sa iyo kanina." sarkastikong saad ni kuya Joseph... habang nakangiti... at gigil pa rin kung makatingin sa akin. Dahan-dahan naman nitong hinubad ang uniporme at naka-sando na lang siya. "Ngayon Ren, naka-dalawa ka na. Ano ba ang ginawa ko sa iyo at ginaganito mo ako? May tinatago ka bang galit sa akin? Iyung nangyari ba kanina ay nagkataon or sadya lang? Pati ba itong ngayon, nagkataon lang din ba or sadya lang?" Gigil na pinatunog pa nito ang kanyang mga kamay. Lagot! Galit na galit na si kuya Joseph.



          Nagsimula naman kaming makakuha ng atensyon sa eskwelahan. Lagot! Kailangan makagawa ako ng paraan. Iyung walang magaganap na danyos sa aming dalawa. Ahh! Alam ko na!



          "Si Joseph ng 'The Antagonist'. Naka-sando lang dali!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong hallway.



          "Teka, sandali lang!" pagpigil sa akin ni kuya Joseph dahil paatras na akong naglalakad sa kaniya habang siya naman ay sinimulang dumugin ng mga babae.



          "Totoo nga. Si Joseph, naka-sando lang! Tara at pa-piktyur tayo!" malanding sigaw ng ilang kababaihan.



          Gumana naman ang plano ko. Ini-entertain naman ito ni kuya Joseph ang mga fans niya at walang nasaktan. Naglalakad na ako paurong habang nakatingin na dinudumog si kuya Joseph ng ilang kababaihan nang...



          "Ren." untag na naman sa akin ng isang boses saka tinapik ang balikat ko.



          Muli, agad ko naman itong nilingon. Subalit gaya nang nauna, dahil sa mabilis na paglingon ko ay nahagip ko ang inumin na hawak ng taong ito... na naman sa kabilang kamay at hindi sinasadyang naitapon ang laman sa uniform... ni Harry. Ano bang nangyayari sa akin ngayon at paulit-ulit ang senaryong ganito?! Shit naman!



          "Umm... Harry, pasensya na." pagdispensa ko sabay kuha ng panyo mula sa bulsa ko at pinunasan ang basang-basa niyang uniform.



          "Okay lang ako. Tigilan mo na iyan." saad pa nito pero hindi ako nagpapigil.



          "Pasensya na talaga."



          "No. Okay na iyan." muling pagpigil niya sa akin saka hinawakan ang aking mga kamay.



          Kinuha ko ang kamay ko habang si Harry ay sinimulan namang hubarin ang uniporme niya... at naka-sando lang siya.



          "Pasensya na ulit talaga."



          "Okay nga lang. Teka, ikaw rin ba ang dahilan ng kaguluhan doon?" turo nito sa nagkakagulong mga kababaiban.



          "Yeah. Si kuya Joseph kasi kanina. Natapunan ko iyung inuming hawak niya at nabasa ang uniporme niya."



          "Wow. Ano ba ang nangyayari sa iyo at nangyari ang dalawang insidente sa isang araw lang?" tanong niya.



          Napatingin na lang ako ng tingin sa gate. Wala na si kuya Lars na nakatayo doon. Dahil doon kaya nangyayari ang mga insidenteng ganito sa akin. Teka? Parang pamilyar sa akin ang mga scene na ganito. Pero hindi ko maalala kung ano o saan. Siguro maalala ko din iyun.



          Binaling ko naman ulit ang paningin ko kay Harry. "Alam mo Harry, tara na sa bahay ko." saad ko saka nagsimulang maglakad papuntang parking lot.



          "Okay." kibit-balikat niya.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Habang naglalakad ay iniisip ko ang mga nangyari. Pangalawang beses na akong binangungot tungkol doon sa isang babae na maraming tattoo sa katawan. Madalas na nakikita ko si kuya Lars na nagmumulto? Parang may senaryo atang ganoon pero hindi ko lang talaga matandaan kung ano. Pero baka nagkataon lang iyun.



Allan's POV



          "Okay guys. Dismiss!" saad sa amin ni Marcaux.



          Nagsimula naman kaming maglipit ng mga gamit para umuwi.



          "Allan, tara at pumunta tayo sa shop niyo. League of Legends tayo." yaya sa akin ni Alexis.



          "Sige ba." pagpayag ko.



          "League of Legends? Naglalaro kayo nun?" sabat na tanong ni Marcaux habang inaayos ang locker niya.



          "Yeah."



          "Ahh. Ganoon ba?"



          "Naglalaro po ba kayo nun captain?" tanong ni Alexis.



          "Yeah pero hindi ganoon ka-adik." sagot nito.



          "Kasi si Keith ang nilalaro niya." pang-aasar ko dito.



          "Ang galing mo Allan. Tama ka." natatawang saad nito saka ginulo ang buhok ko.



          Maya-maya ay handa na kaming umalis.



          "Sige po captain. Alis na po kami." paalam ni Alexis kay Marcaux.



          "Good job for today at ingat kayo."



          Lumabas na kami ng basketball gym at sinimulang tinahak ang daan papunta sa parking lot. Sa hindi kalayuan, nakita ko naman si Larson na nakatayo sa gilid... at marahil ay hinihintay ako. Nandito na naman siya? Hindi naman ako nagpapasundo sa kanya ngayon ahh?
 
          "Bakit nandito ka na naman?!" ngiwi ko.



          "Relax Allan. I'm just having fun."



          "Having fun? Anong pinagsasabi mo Larson?" tanong ni Alexis.



          "Ummm... Alexis, mauna ka na doon sa sasakyan mo. Susunod na lang ako." pagpapauna ko dito.



          "Sige. Sumunod ka ha." pagpayag ni Alexis saka nauna na sa amin.



          "Ngayon Larson, anong fun naman ang sinasabi mo sa pagpunta dito? Akala ko ba, ayaw mong magpakita sa tanging kamag-anak mo sa mundo which happens to be your hated little brother?" sarkastiko kong tanong.



          Natawa naman ito ng payak. "Nasa loob ka kasi ng basketball gym kaya hindi mo nakita. Nagpakita lang ako at nagkaroon na ng kaguluhan." sagot niya.



          Humugot naman ako ng buntong-hininga. "Hay! Ewan ko sa iyo. Kapag ako naapektuhan diyan sa pagpapakita mo, humanda ka sa akin. Sasabihin ko talaga kay Ren na may isa pa siyang forsaken na kapatid."



          Hinawakan naman agad ako nito sa aking kuwelyo at inambahan. "Subukan mo lang Allan. Subukan mo lang." nagagalit na niyang wika.



          "Larson, tandaan mo kung sino ang mga taong nagpatuloy sa iyo noong mga panahon na wala kang mapuntahan. Siguraduhin mo lang ang mga aksyon na gagawin mo ay hindi makaka-apekto sa akin." matapang kong saad.



          Maya-maya ay binitawan na niya ako at tuloy-tuloy na umalis saka pinatunog ang dila at suminghag. Seriously? Malaki ang pinagbago ng ugali niya simula noong dumating kami sa lugar na ito. Nagagalit na rin siya pati sa akin kahit hindi naman dapat.



          Muli ay humugot na lang ako ng buntong-hininga habang inaayos ang sarili at nagsimula na lang maglakad papunta sa parking lot. Paano nga ba napunta sa pamilya namin si Larson? Aba malay ko! Hindi ko masyadong matandaan kasi limang taon pa lang ako noon.



          Ang kwento sa akin ni mama, natagpuan niya lang ito sa tapat ng bahay namin sa probinsya. Naawa siya dito at pinatuloy sa bahay. Wala namang tumutol dahil wala na akong papa. Nagtanong naman si mama sa pinanggalingan ni Larson ngunit hindi ito nagsalita. Naisip naman ni mama na siya na lang ang mag-alaga dito. Noong una, hindi ito pumayag. Pero nag-insist si mama at pumayag naman si Larson. Habang nasa pangangalaga namin, naging malaking tulong si Larson kay mama sa dati naming negosyo doon. Nalaman ni mama na isa siyang matalinong tao. Mautak. Kusang-loob naman na ibinahagi ni Larson kay mama ang mga kaalaman niya sa mga pasikot-sikot sa negosyo namin noon. Then naging ganito, ganyan, ganire, gachiku, we live happily ever after doon. Kung bakit napunta kami dito sa Rizal, that is an another story.



          Iyung nalaman ko naman na kamag-anak o kapatid niya si Ren, nalaman ko na lang basta. Minsan nag-kwento siya sa akin na lahi daw sila ng mga matatalino.



          「1 year ago...



          Napakahirap. Ito ang masasabi ko sa unang exam namin ngayon. Multiple choices nga pero masakit pa rin sa utak. Wala bang multiple choices na dalawa lang ang pagpipilian? True or false na nga lang ehh nahihirapan na ako. Apat na choices pa kaya?



          Tumungo ako saka nag-angat ng tingin. Kailangan kong magdasal para sa importanteng bagay na ito. God, please give me a sign. Gabayan niyo po ako para makapasa sa exam na ito.



          Maya-maya ay umihip ng katamtaman ang hangin. Is this the sign God? THIS IS NOT EVEN A SIGN GOD! Test po ito tungkol sa Information Technology at hindi po tungkol sa Natural Science. Wala ng pag-asa.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at hinihiling na sana matapos na ang kalokohang ito. Gusto ng matapos ang paghihirap ko. Wala na akong magagawa kung hindi... MANGOPYA!



          Tumingin naman ako sa sinasagutang papel sa kanan kung saan nakaupo ang kaibigan ko na si... Alexis... at wala itong halos na sagot. Lagi nitong kinakagat ang ballpen na hawak niya dahil... wala siyang maisagot. Kawawa naman.



          Sumunod ay tumingin naman ako sa sinasagutang papel sa kaliwa kung saan nakaupo ang isang random na tao na hindi ko... kilala. Oh wow! May sagot na lahat! Tiningnan ko naman ang taong ito kung ano ang ginagawa niya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang dinadama ang simoy ng hangin. Teka, hindi importante kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kailangan ko ng sagot sa test na ito.



          Dali-dali ko namang kinopya ang mga sagot niya sa answering sheet ko. Mabilis ang proseso dahil bibilugan at isusulat ko na lang ang mga sagot. Hindi naman kami nahahalata ng professor na abala sa pagbabasa ng libro sa table nito. Tiningnan ko naman ang nasa pinakataas na parte ng papel niya para malaman ang pangalan ng taong ito. Ren Castillo Severin.



          Nakahinga naman ako ng maluwag. Sa wakas! Nasagot ko na lahat! Kasabay nito ay ang pagtigil ng pag-ihip ng hangin at ang taong nasa kaliwa ko ay tila ba nagising mula sa isang panaginip. Maya-maya ay may parang ginagawa ito sa answering sheet niya. BINUBURA NIYA ANG KANYANG MGA SAGOT AT SINAGUTAN NIYA ULIT ANG MGA ITO?! Hindi kaya zero ang score na makukuha ko sa pagsusulit na ito? Hindi kaya babagsak ako gayong semester na ito? Ano ang gagawin ko? Kumopya lang naman ako.



          Gusto ko sanang magtanong sa taong ito kung bakit ginawa niya iyun. Pero sino ba ako para magtanong ehh kumukopya na nga lang ako?! Bahala na nga! Zero na kung zero.



          "Okay class. Time is up!" anunsyo ng professor namin na tapos na ang pagsusulit.



          Ipinasa ko naman sa gilid ang aking papel para ipa-check sa kabilang row. Ngayon na rin daw kasi gagawin. Matapos ang ilang minuto na pagtatama ng mga papel namin, ipinasa naman ang mga papel sa professor namin. Tiningnan niya lahat ito para markahan. Ngayon ay ang inaantay na lang namin ay i-dismiss kami.



          "Ang hirap ng exam." reaksyon ni Alexis.



          "Hay nako! Sinabi mo pa! Ako nga ehh hindi sigurado kung makakapasa ba ako or ano. Or baka zero ang score ko." sarkastikong saad ko.



          "Mukhang babagsak ako nito ahh. Paano na ako makakasama sa mga laro ng basketball club kung ganito?" sabay sabunot sa ulo nito.



          "Basta mag-aral ka lang ng mabuti Alexis." advice ko dito... at para na rin sa sarili ko.



          "Wow. We have a perfect scorer." bigla na lang nasabi ng professor namin. Nagulat naman ang lahat sa narinig. Wow talaga. Siya na ang matalino! "Our perfect scorer is Allan Mercer." dagdag pa nito. Siya na ang perfect! Siya na ang... WHAT?!



          Para naman akong sumigaw ng isang nakakahiyang bagay kung makatingin sa akin ang mga tao. Teka, teka, teka? Mukhang bingi na ata ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig. Ako ang perfect scorer? Tumayo naman ako sa kinatatayuan at tumungo sa table ng professor namin para kunin ang aking papel.



          "Keep up the good work Allan." bati ng professor namin habang binibigay ang papel ko. Pumalakpak naman ang iba.



          Nang nakuha ko ito, nakita ko na lang ang MALAKING NUMERO! 100! SHIT! Dahan-dahan akong bumalik sa kinauupuan ko habang titig na titig ako sa papel ko.



          "Ang galing mo naman Allan. Perfect score! Nice!" puri sa akin ni Alexis. "Akala ko ba hindi ka nag-aral?"



          "Salamat." nasabi ko na lang.



          Napatingin naman ako sa tao na nasa kaliwa ko. Diretsong nakatingin lang ito sa mga kamay niya na nilalaro niya sa bandang arm chair. Dahil kaya sa kaniya kaya naging perfect ang score ko? Kaya ba pinahangin ni God para ma-distract ang taong ito para maka-kopya ako sa kaniya? God, humihingi ako ng malaking kapatawaran sa iyo. Sana kaawaan niyo po ako.



          Pero bakit binura niya ang nga tamang sagot sa papel niya? Anong dahilan? Maya-maya ay tumayo ang taong ito para kunin ang papel na naglalaman ng resulta ng pagsusulit niya. Nang nakabalik na ito sa kinauupuan, tiningnan ko ang score ni Ren. 80.



          Nang araw ding iyun, may mga iba pa kaming paagsusulit. Inobserbahan ko naman si Ren sa buong araw ng pagsusulit na iyun. Ang bilis niya sumagot. Wari'y lahat ng bagay ay alam niya at sinasagutan ng walang pag-aalinlangan.



          Dali-dali naman akong kumopya ng mga sagot sa papel niya. Naniniwala ako na hindi masama ang isang bagay hanggat hindi ka nahuhuli. Isa itong magandang opurtunidad para sa akin. Gaya ng inaasahan, binubura nga niya sa huling sandali ang mga sagot niya sa answer sheet. Hindi na ako mag-aalala sa mga exam ko!



          Napaisip naman ako. Bakit niya ginagawa ito? Alam ko naman kasi na nahahalata na niya ang ginagawa kong pangongopya dahil pakiramdam ko ay malakas din naman ang pakiramdam ng taong ito sa kanyang paligid.



          Nang tingnan ko siya ng mabuti, may naalala ako. May kahawig siya. Napangiti na lang ako. As long as nakakakopya ako sa kaniya, wala akong pakialam.」



          Nakarating na rin ako sa wakas sa kotse ni Alexis. Pagkabukas nito ay agad lang akong pumasok at nag-seatbelt. Sinimulan naman nitong paandarin ang sasakyan.



          "Siya nga pala Allan. Anong nangyari doon sa kapatid mo na si Larson? Mukhang galit na galit kanina ehh." usisa ni Alexis.



          "Just a little sibling fight." walang emosyon kong sagot. "Huwag kang mag-alala sa taong iyun. Basta ngayon, bigyan mo ako ng panalo sa League of Legends. Bigyan mo ng panalo support ha."



          "Sige ba! Sabi mo ehh." kibit-balikat niya.



          "Dumiretso na tayo sa shop."



Ren's POV



          "Pasensya na kung malinis ang bahay ko. Feel free at home." wika ko.



          Kapapasok lang namin ni Harry sa bahay ko.



          Natawa naman ito ng payak sa sinabi ko. "Pasensya na kung malinis ang bahay." paggaya pa niya sa tono ng pananalita ko. "DAMN! Hindi ako makapaghintay na sabihin sa iba kung gaano kalinis ang bahay mo." pagsakay ni Harry sa biro ko.



          "Dito ka muna sa sala okay. Okay ka lang ba sa sando mo? Baka gusto mong hiramin ang ilan sa damit ko?" tanong ko habang binababa ang bag ko sa sofa.



          "Ahh! Huwag ka ng mag-alala. Okay naman ako sa sando ko." sagot niya.



          "Okay. Sabi mo ehh." kibit-balikat ko. "Sabihin mo lang kung may kailangan ka or ano. Or pwede namang basta kumuha ka na lang... ng kung ano-ano diyan... Basta. Feel free at home nga sabi ko. Aakyat lang ako para magpalit ng damit."



          "Okay." saad ni Harry habang ibinababa ang gamit din sa sofa.



          Umakyat naman ako papunta sa kwarto ko saka nagbihis. Pagkatapos ay bumaba ako at nadatnan ko si Harry sa kusina na may isinalang sa maliit na oven.



          "Ren, nakapagbihis ka na pala. Naglagay pala ako ng tinapay at nilagyan ng Nutella sa ibabaw. Gagawa sana ako ng toasted chocolate bread? I mean gagawa naman talaga ako ng toasted chocolate bread." hindi siguradong saad niya.



          "Ohh. Okay lang. Sakto at gutom naman ako. Tamang-tama. Ilalabas ko lang ang soft mat para sa pagtuturo mo sa akin."



          Agad ko naman tinungo ang likod-bahay saka pumunta sa storage room at kinuha ang soft mat. Pagkalabas ay pinagpagan ko muna saka nilagay na ito sa likod-bahay. Okay na ang lahat. Pagkapasok ko ay handa na ang toasted chocolate bread.



          "Eto Ren." abot niya sa akin sa tinapay at kinuha ko naman ito.



          "Salamat."



          Kinain naman namin ang tinapay. Pansin ko naman na ninanakawan ako ng tingin ni Harry.



          "May gusto ka bang sabihin Harry?" tanong ko dito. Hindi naman ito makasagot at sa halip ay gumawa ng ilang gestures... na hindi ko malaman kung ano.



          Bigla na lang inilagay ni Harry ang kamay niya malapit sa bibig ko at may parang pinunasan siya dito ang hintuturo. Ikinapitlag ko naman ang ginawa niya. Maya-maya ay inilagay niya ang kamay sa bibig niya at may parang dinilaan sa hintuturo.



          "Umm... Harry, ano iyung ginawa mo?" kunot-noong tanong ko.



          "Iyun ba? May dumi ka kasi sa mukha mo." sagot niya.



          "Ang ibig kong sabihin iyung ginawa mong... pagdila pa doon sa hintuturo mo?"



          "Ahh! Iyun ba? Bakit? Mas gusto mo bang ikaw na lang ang dumila doon sa hintuturo ko?"



          "Umm... hindi naman." Parang ang awkward naman nito.



          Sa totoo lang, mapapatili na dapat ang mga... normal na tao sa nangyayari sa pagitan namin ni Harry. Pinipigilan ko ang sarili na gumawa ng unnecessary actions. Pambihira! Dapat kasama ito si Harry sa 'Book of Pride' ng school. Hindi makakaila na gwapo talaga si Harry lalo na at naka-sando lang siya sa harapan ko. Kitang-kita ko ang medyo malalaki niyang masel. Ugh! Be faithful Ren. Si Kei lang.



          "Tara na Harry at lumabas na tayo."



          Sabay naman kaming lumabas ni Harry papunta sa likod-bahay.



          "Teka, bakit ka nga pala may soft mat?" tanong ni Harry.



          "Ahh! One time kasi, nag-aaral akong tumambling mag-isa. Ang kaso, dahil sa ako lang mag-isa at soft ang mat, mas pinili ko na lang na matulog kesa matutong tumambling." sagot ko.



          "Ganoon ba? Puwes, hindi ka ngayon makakatulog dahil strikto akong magturo."



          "Ikaw na ang bahala sa akin Harry."



          Ngumiti naman ito ng napakalawak. "Yeah. Ako ang bahala."



          Buong hapon naman niya akong tinuruan and as usual... madali ko lang itong natutunan. Pansin ko naman na pinapakita ni Harry ang cool side niya sa akin. Palagay ko ay sinusubukan pa rin niya talaga. Napapansin ko din na medyo tinatagalan niya ang pag pin down sa akin. Hindi naman mapigilan ang... ari ko na tigasan. Bakit ganito? Nagtataksil na ba ako kay Kei? Buti naman at hindi hapit na hapit ang suot kong pambahay.



          "Umm... Harry?" saad ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Sobrang awkward nito!



          "Ahh! Pasensya na." gulat din niya saka tumayo. "Iyun lang muna para sa araw na ito."



          Itinayo ko naman ang sarili. "Salamat Harry. Oo nga pala. Hindi kasi pwede bukas dahil bibili pa ako ng mga grocery."



          "Mmm... ganoon ba? Sige. Sa susunod na lang."



          "Pasok na tayo sa loob at kumain tayo ng hapunan." yaya ko saka pumasok na sa loob.



          Humugot naman ako ng  buntong-hininga. Sana matapos na ang araw na ito. Sana matapos na talaga ang araw na ito. Ewan ko ba pero para na rin ito sa kabutihan ng lahat. Bakit ba naman kasi ganito ang reaksyon ng katawan ko kay Harry? Baka dahil lang talaga ito sa libog. Tama Ren. Libog lang iyan pero huwag. Masama iyan. Be faitful to Kei.



          Natapos naman kaming maghapunan at nililigpit ko ang aming pinagkainan.



          "Sanay ka talaga na mag-isa dito no." reaksyon ni Harry.



          "Yeah. Ilang taon din naman ang nakalipas simula nang solo akong mamuhay dito sa bahay ko." Pumunta naman ako sa ref at naglabas ng Mountain Dew saka nilagay sa lamesa. "Inom ka." yaya ko dito.



          "Salamat."



          Naalala ko naman na dapat kong hugasan ang mga baunan namin ni Kei. Pumunta ako sa sala saka kinuha ang baunan mula sa bag ko at bumalik sa kusina para simulan ng hugasan ang mga ito.



          "Ren, baunan mo ang mga iyan?" tanong ni Harry.



          "Yeah. Mga baunan ko ito." sagot ko.



          "Dami naman. Pati ba iyang asul na baunan? Parang iyan din iyung baunan ni Kei ahh." Agad na kinabahan ako sa sinabi ni Harry. Teka, ano ba ang dapat na palusot ko?



          "Coincidence lang iyun siguro na magkaparehas kami ng baunan." palusot ko.



          "Ganoon ba? Sa bagay." saad ni Harry... na mukhang hindi ko nakumbinsi sa palusot ko. "Dami mo namang baon. Nakapagtataka naman na hindi ka tumataba Ren."



          "Ganoon talaga."



          Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko... dahil sa kaba. Nabuko na ba kami? Naghihinala na ba si Harry sa amin? Sabi ni Kei ay dapat isipin nila Harry na parang acquaintance level lang ang pagkakaibigan namin. Pero ano ang gagawin ko? Mukhang nagdududa si Harry. Huwag kang mag-alalaa Ren. Keep calm and act normally!



          "Alam mo ba Ren, kamukha mo iyung kababata ko." biglang wika niya. Natigil naman ako sa paghuhugas dahil sa narinig.



          "Huh? Kababata mo?" tanong ko.



          "Umm... parang ganoon na nga. Actually, kababata namin ni Kei."



          「"Opon! Opon!" sigaw ng barker.



          Kasama ng mga kaibigan ko at si kuya Lars, pupunta kami sa isang mall. Umupo naman si kuya Lars sa isa sa upuan ng multicab.



          "Harry? Dito ka na kumandong sa akin." yaya ni kuya Lars sa kaniya.



          "Pero gusto kong kandungin si Ren." reklamo ni Harry.



          "Huwag ka ng magreklamo Harry." ani Kei na naka-upo na din. "Ren, dito ka na kumandong."



          Lumapit naman ako kay Kei at kumandong. Nakasimangot naman na kumandong si Harry kay kuya Lars. Habang nakakandong kay Kei, pasimple naman akong niyakap nito.



          "Huwag kang mag-alala Ren. Safe ka sa akin." wika nito.



          Ginantihan ko naman ito ng ngiti. Binaling ko naman ang tingin ko kay Harry. Hindi ko alam pero bakit nanlilisik ang mga mata niya kung tingnan kami ni Kei?」



          「"Kei, iyung kababata mo, kababata din ba ni Harry?" tanong ko.



          "Ahh... hindi. Sa bahay lang lagi si Harry noong mga bata pa kami." sagot ni Kei. Nagsasabi siya ng totoo. "Bakit mo naman naitanong?"」



          「"Bakit Mr. Lion? May problema ba kapag may relasyon kami ni Kei?" seryosong tanong ko.



          "Sabihin mo. Sa ilang buwan na nagkakilala kayo ni Kei, sandali nga, Keifer pala. Gaano mo siya kakilala?"



          "Meron siyang pamilya na magulo na kapag nalaman na bakla ang isa ay papatayin ang pamilya ng lalaki at-"



          "Naniniwala ka doon?" pagputol ni Mr. Lion.



          "Oo naman."



          "Paano mo nasabing totoo iyun?"



          "D-Dahil naramdaman ko na totoo iyung sinasabi niya. Nag-usap kami ng masinsinan."



          "Paano mo naman nasabi na totoo lahat iyun gayung wala ka doon sabihin mo nga? Hindi mo ba alam na sa korte Ren, hindi malakas na ebidensya ang mga hearsay."



          "Wala kami sa korte nung nag-usap kami kaya hindi na iyun kailangan." pagdadahilan ko.



          "A valid reason. Not bad. Pero paano kung sabihin ko sa iyo na hindi lahat na sinasabi ni Keifer tungkol sa pamilya niya ay totoo? Or more precisely, hindi lahat ng mga sinabi sa iyo ni Keifer ay totoo?"



          "Bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga bagay na ito?" Gusto ko siyang sapakin. Hindi totoo ang mga sinasabi niya.



          "Alam mo, binabawi ko na ang sinabi ko sa iyo noon na kaya mong kumilatis kung ano ang totoo at hindi. Alam mo bakit? May mga kasinungalingan na nakalampas."」



          Bigla akong kinabahan. I-Ito ba ang isa sa mga kasunungalingan ni Kei na nakalampas na sinasabi ni Mr. Lion?



          Tinigil ko muna ang paghuhugas at hinarap siya. "Ang kababata niyo bang ito Harry ay... patay na?" naitanong ko.



          Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya nang sinabi ko iyun. "P-Paano mo nalaman?"



          Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ko pala dapat sinabi iyun na alam ko ang nangyari tungkol sa kababata nila. Pero teka? Dapat ko bang sabihin na kay Kei ko iyun nalaman? Shit! Ano ba ang mga nangyayaring ito?



          Agad na nilingon ko ulit ang hugasan at pinagpatuloy ang gawain. "Hula ko lang." kinakabahan kong saad.



          "Pero ang tono ng pananalita mo kanina ay parang alam mo na patay na itong kababata ko?" nanghihinala niyang tono.



          Natawa na lang ako ng payak. "Tigilan mo nga iyan Harry. This is really ridiculous. Walang biro. Hula ko lang talaga."



          Hindi naman ito sumagot sa mga sinabi ko. Kulang ba sa kumbiksyon ang sinasabi ko? Damn! Kailangan galingan ko pa ang pagtatago ng mga bagay-bagay.



          Habang naghuhugas ay naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Harry ng mahigpit mula sa likod ko. A-Anong ginagawa niya? Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaba ba ito o...



          "H-Harry?"



          "Alam mo Ren, hindi ako naniniwala na patay na itong kababata ko. Noong una nga ehh hindi ako makapaniwala. Pero napagtanto ko na paano kung hindi naman talaga siya namatay? Paano kung nabuhay lang siya sa ibang katauhan?" saad ni Harry.



          "Nabuhay sa ibang katauhan? Anong ibig sabihin mo doon?" tanong ko.



          Muli ay hindi na naman siya sumagot. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na nilubog ni Harry ang mukha niya sa balikat ko at humikbi. Binitawan ko ang aking hugasan at hinarap ko naman ito saka niyakap. Base sa reaksyon ni Harry, mahal na mahal nito ang kababata niya. Ganitong lungkot din ang naramdaman ko kay Kei noong ibinalita niya sa akin na patay ang kababata nilang ito. Ganoon ba kahalaga sa kanila ang kababata nilang ito? Bakit nagsinungaling si Kei na kaibigan din ni Harry ang kababata niya? Anong dahilan?



          Hindi ko na lang namalayan na sinisimulan na palang halikan ni Harry ang balikat ko.



          "Harry? Anong ginagawa mo?" gulat ko.



          "Ren."



          Akmang lalaban ako nang pinatid niya ang paa ko dahilan upang mawala ang balanse ko. Tinulak naman niya ang katawan ko sa gilid dahilan upang matumba ako. Bago matumba ay inalalayan niya ang ulo ko para hindi mauntog. Pagkatapos ay pinatungan niya ang mga paa ko at inilagay ang mga kamay ko sa bandang ulo gamit ang isang kamay niya. Nako! Naloko na!



          "Ren." malambing niyang tawag sa akin.



          "Harry. Tumigil ka." pakiusap ko.



          Tiningnan ko ang mga mata ni Harry. Mas lalo pa akong kinabahan dahil walang buhay ang mga mata nito nang tinitigan ko. Wala si Harry sa sarili niya. Sinubukan ko namang pakawalan ang mga kamay ko pero bale wala ito. Hindi ko makaya ang lakas ng paghawak ni Harry sa mga kamay ko.



          "Ren."



          Nilagay naman nito ang isang kamay niya sa tiyan ko at kasabay noon ay ang paghalik niya sa leeg ko.



          "Harry! Pakiusap! Ahh! Shit!" iyak ko.



          Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa katawan ko nang ginawa niya iyun. Hindi pwede. Ayoko! Ito ang isa sa mga downside kapag namuhay kang mag-isa. Kahit sumigaw ako ng tulong ngayon, walang makakarinig. Literal na magagahasa ata ako ngayon ni Harry.



ITUTULOY...

8 comments:

  1. Hahai ang clumsy ni ren at ngayun monghang ma re rape pa sha or totohanin na an bed scene nila harry hahaha

    ReplyDelete
  2. Kawawa naman si ren cnu darating kaya para tulungan siya? Pag nalaman ni kei ito anu gagawin niya ky harry

    Next chapter agad author

    Jharz

    ReplyDelete
  3. c lars ang tutulong s knya lua nya d sya pbabayaan

    ReplyDelete
  4. Omg nagahasa si ren hahaha yan kasi ang gwapo kasi eh!!!

    -44

    ReplyDelete
  5. Aixxt, di ko pa nababasa... Busy pa eh, hehe.. :)

    ReplyDelete
  6. Ang ganda po talaga nito, I spend my days just by reading this, stories in this blog made me realize about life, na Sana may boyfriend narin po ako haha, well wishing you the best, na tatapusin Ito with passion and not ending this dahil napipilitan lang.... Haha

    - SPECTRUM

    From Valenzuela po pala...

    ReplyDelete
  7. May mystery pa rin pero di na gaanong malalim. Salamat sa update. Take care.

    ReplyDelete
  8. nakakabadtrip din yung pagka lampa ni ren eh no?? hahaha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails