Followers

Saturday, April 25, 2015

Love Game 17




Author’s Note

And yeah! Im back! Haha! Uunahan ko na kayo. Masakit. Sobrang sakit ng chapter na ito. Hahaha!

First of all, thank you sir mike and sir allan para sa opportunity na ipinagkaloob nyo po sa akin at sa mga co - RA’S ko. Kahit na baguhan pa lang ako ay nagtiwala na kayo sa akin.

Second, a big thanks sa lahat ng readers ko mapa silent man o loud. Having 14 comments on chapter 16 is a big deal for me. Mas ginaganahan po talaga ako kapag nalalaman ko yung saloobin nyo about sa story ko.

Third, got a life achievement bruhs! Haha! Na reach ko lang naman yung 1k views ng story ko LOL. Salamat sa mga readers ko. Without you guys, hindi maiimprove yung story ko, honestly sobrang ikli ng story na to before as in sobra, kumbaga parang minadali. Dahil wala naman akong alam sa ganito.. But with the help of my co -RA’s at sa comments nyo, naimprove ko sya ng sobra kahit lagi kayong nabibitin. And for sure mabibitin nanaman kayo sa chapter na ito.


Pwede nyo na nga akong bansagang

“ MR. MAMBIBITIN or more accurate MR. PAASA haha! Lagi ko na lang kayong binibigo na pahabin pa yung story haha! Pasensya na talaga.


So sabi nila sa isang story, hindi pwedeng mawala ang isang malaking problema. At sa story ko? Hindi ko alam kung malaking problema nga ito. Haha! Kayo na ang humusga.

So here’s your chapter 17. Hope you enjoy bruhs

Usap tayo sa FB. At sa mga gustong makita ang pag mumukha ng author nyo haha!





Chapter 17





Axel’s POV




“ tahan na, sabi ko naman sa’yo eh, masasaktan ka lang,axel itigl mo na ‘to okay? I want you to experience happiness ng hindi pilit at scripted okay? Kaya sana tulungan mo ang sarili mo, isang tao lang yun, marami pang iba dyan na pwede mong mahalin and for sure mahalin ka rin pabalik.” ang panunuyo ni zandro.


Ganito pala kasakit maranasan na hindi ka kayang ipakilala ng taong mahal mo na mahal ka rin nya, or it was just a play na hindi ko alam, should I listen to his side o papaniwalaan ko na ng lubusan ang sinabi ni zandro?

Sabi nila, ang pag ibig ay parang ulan, if there’s a rain there’s a rainbow, maaaring nasaktan ka ngayon pero darating ang rainbow na magbibigay kulay muli sa ating buhay. Maaaring nasaktan ka pero hindi pang permanente, you know nothing is permanent in this world but change. Lahat nag babago. Lahat nag iiba, at higit sa lahat, hindi lahat ng nakikita mo eh tama sa paningin ng iba.

Kailangan ko bang malaman ang paliwanag nya o hahayaan ko na lang? Mahirap makipagkumpetensya sa iba lalo na’t isang hamak na bading lang ako. Ano nga bang palag ko? For all these days, lalaki pa rin si Dave. At natural na babae at babae pa rin ang nararapat sa kanya.


“ zandro, tama ka, ititigil ko na ang kahibangan ko, siguro kailangan ko na ring maging bukas sa panibagong pinto na darating para sa akin”

“ tama. Marami pang iba dyan”

Nandito kami ngayon sa isang secret garden na matatawag kumbaga sa loob ng campus. Mag gagabi na rin kaya kaunti na lang ang mga studyanteng pumupunta.

Nagmumuni muni ako at si zandro ng biglang dumating ang hindi ko inaasahang tao sa ganitong sitwasyon

“ Axel”. Si Dave

“ ano bang ginagawa mo dito?! Ang kapal naman ng pagmumukha mo para sundan pa yung bestfriend ko pagkatapos mong ipamukha sa lahat na mag to 2 months na kayo nung jhen na’yon?! The nerve dave! Umalis ka na. Please lang” ang pagharang ni zandro.

“ no please, i need to talk to him, i just want to clarify things” ang pag pupumilit ni dave

“ sige na zandro maiwan mo muna kami”

“ what?! Axel?! Jusko. Bahala ka dyan!” ang pag walk out ni Zandro.

“ H-hi Dave,” pilit na ngiti ko at pagpipigil sa bumabadyang mga luha sa aking mata

“ Axel, hindi ko naman intensyon kanina na sabihin yung mga bagay na yun, it’s just that, naipit ako sa sitwasyon at hindi ko alam kung paano ko sya lulutusan” ang pagsusumamo niya kasabay ng mga luhang dumadaloy sa pisngi nya

“ Dave, naiintindihan ko, naiintindihan ko lahat”

“ please give me another chance Axel, mahal kita, please”

Kailangan ko bang magbigay ng second chances? Sino ba naman ako para hindi diba? Sabi ko nga, after this day, ako pa rin ang mag bebenefit o mag sa suffer sa gagawing kong ito.

“ si-sige dave”


Hindi ko na sya narinig pang magsalita bagkus isang mahigpit na yakap ang aking natanggap. Sobrang higpit.halos hindi na ako makahingaa


“ a-ah dave, hindi na ako makahinga”

“ ah eh pasensya na Axel, ayoko lang mawala ka sa akin, ayaw ko”

“ ganoon din ako Dave”

Bago matapos ang araw na ito napagpsyahan ko ng bigyan pa ng pagkakataon si Dave, tao lang rin sya na gaya ko, nagkakamali din. Maaaring may mas malalim pang dahilan pero alam kong parehas namin itong masosolusyunan.



---

Nandito ako ngayon sa rooftop namin kasama si Zandro, and yes, sinabi ko rin s akanya ang desisyon ko. And what do we expect? Galit nanaman sya

“ mygod Axel! Harap hrapan ka ng niloloko nung tao tapos pinagbigyan mo pa?”

“ naipit lang sya sa sitwasyon zandro”

“ look, sabihin na nating mahal mo talaga sya, pero sya? Gaano ka nakakasiguradong mahal ka nya talaga?”

“ Zandro nararamdaman ko yun, maaaring hindi nyo nakikita pero ramdam na ramdam kong mahal nya rin ako”

“ axel imulat mo yang mata mo. Masyado ka ng nabubulag ng dahil lang sa pag mamahal mo sa kanya, you see? Ni wala ka ng masyadong time sa amin ng mga tropa mo, kung hindi ka nasa studio, kasama mo sya, look at you, ni hindi na iakw yung axel na kilalang kilala ko simulat damit hanggang kaloob looban.”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na bumuhos ang mga luha ko sa mga sinabi nya.

Tama naman sya eh, hindi ko na pala masyadong napapansin yung presence ng tropa, dahil masyado akong naging busy.

“ Zandro, sorry, sorry kung yun yung nakikita nyo, sorry kung feeling nyo initsapwera ko na kayo lalo na ikaw, hindi naman yun ang intensyon ko e, sorry zandro babawi ako”

Niyakap nya lang ako tanda ng pag iintindi nya sa akin

“ no, don’t say that, diba nga sabi ko kapatid kita sa ibang nanay? Maski anong desisyon mo, maiintindihan ko, it’s just that, ang gusto ko lang, ibalanse mo ang mga bagay bagay, kung mahal mo talaga sya, turuan mo rin ang sarili mo na mahalin yang pagkatao mo. Sa isang relation kailangan give and take diba? Wag kang bigay lang ng bigay, matuto kang magtira para sa sarili mo, para kapag dumating yug panahon na masaktan ka, may natitirang lakas pa rin dyan sa sarili mo, lagi naman kaming nandito eh, diba nga sabi ko sayo, kahit anong maging desisyon mo, nakaagapay palagi ako.”

Masarap talagang magkaroon ng kaibigan na maiintindihan ka sa lahat ng bagay, maaaring magkaiba kayo ng personalidad pero mag ki click at mag ki click pa rin talaga kayo, sabi nila sa pag ibig opposite do attracts, pero para sa akin? Hindi lang sa pag ibig yun, kundi sa lahat ng bagay, bagay na tulad ng mayroon kami ni zandro.

Masarap sa pakiramdam na may sumusuporta sa iyo aside from your family, mga taong nakilala mo lang na naging isang malaking parte na ng iyong buhay.


Kaya ako? Habang buhay kong pasasalamatan na mayroong isang zandro sa buhay ko

“ zandro salamat ah? Kasi lagi kang nandyan para sakin, sa lahat ng desisyon ko, nakasuporta ka palagi”

“ jusko ko naman mars! Ngayon pa mag dadramahan? Naka make up ako oh? No more dramas chura neto. Pero may isa sana akong hiling eh”

“ nako mukhang alam ko na yan sige go”

“ pwede bang, pwede bang akin na lang si Elijah? Tutal ayaw mo naman sa kanya hahaha!”

“ malandi ka talaga, haliparot!”

Ganito kami, simpleng usapan lang masaya na kami, hindi namin kailangan ng mga materyal na bagay para makapag pasaya sa amin, simpleng kamustahan lang ay sapat na.





Dave’s POV


Laking pasasalamat ko dahil tinanggap pa rin ako ng taong mahal ko, hindi ko alam kung anong gagawin kapag iniwan nya ako. At ayokong mangyari iyon.

Makalipas ang ilang araw ng pag uusap at pag bibigay nya sa akin ng pangalawang pagkakataon ngayon malapit na ang second monthsary namin ni axel, and this time, ako na ang gagawa ng effort. Humingi ako ng tulong sa tropa ko at sa trop a ni axel.

Naging mahirap ang pakikipag usap ko lalong lalo na kay zandro, alam ko kung gaano kaimportante sa kanya si Axel dahil kapatid na ang turing nya rito. Pero laking pasasalamat ko pa rin na handa syang tumulong para sa kaibigan nya


At sa tropa ko? Since alam na ni Ino, si Mark at Ian na lang ang kinausap ko, walang humpay ang asar nila sa akin pero salamat pa rin dahil tinanggap pa rin nila ako.


 mabuti na lang talaga at tinaggap nila ako kahit pinagtawanan nila ako ng sobra.

Si jhen? Wala akong balita sa kanya matapos ang nangyari, sana uli na yun at wala ng mas masamang mangyayari pa.


At ngayon?


Nakaready na ang lahat, aantayin ko na lang ang kinabukasan para maipadama ko ang pagmamahal ko kay axel.

Naniniwala akong hindi pa huli, at handa akong punan lahat ng pagkukulang ko sa kanya



Jhen’s POV

Kung inaakala nyo magiging happy ending kayo, ending lang, walang happy. Naka ready na ang lahat at nandito ako ngayong gabi sa school habang mano manong idinidikit ang alas ko


Humanda ka axel, mang aagaw kang bakla ka.



Dave’s POV



Nakaready na ang lahat, nakontsaba ko na rin ang mga tropa ni axel, ayaw man nila nung una pero nakiusap pa rin ako. Isa na lang ang hinihintay

Ang taong mahal ko.

“ guys salamat ha? Pagkatapos ng lahat ng pag amin ko, kahit nasampal ako ni zandro nandyan pa rin kayo, hayaan nyo, nangangako ako sa inyo na mamahalin ko sya ng buong buhay ko”

“ aba dapat lang no? Dahil hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin pag nagkataon” pang aalaska ni zandro.

At alam nyo bang mukhang nag kakamabutihan si Zandro at Ian? So ano author? Sila na ba ang gagawan mo ng next na story mo? Hahaha

( sorry pero hindi, last na ‘to LOL- author)



Axel’s POV


Sandamakmak ang text sa akin ng mga trop na puro

- Im so happy for you axel-

Nagtataka man ako pero hinayaan ko na lang, anong meron? At ngayon nandito na ako sa school ng mag isa dahil iniwan ako ni zandro. Maaga daw pumasok, ano nanaman kaya pinagkakaabalahan non. Nako ha.

Agad lang akong pumasok ng school dahil okay naman na ako nagtataka ako kung bakit pinagtitinginan ako ng tao na wari’y diring diri sila sa akin

“ sya yun diba? Yuck kadiri, napakababoy nya salot!”

Hindi ko alam mga pinagsasabi nila hanggang mapadako ako sa kumpulan ng mga tao

“ oh! Tumabi kayo dyan, nandito na ang kadiring bakla!” sigaw ng isang estudyante

Agad naman silang nagsilayuan para makita ko ng lubusan ang napaskil sa bulletin board.

No. This can’t be.


Maluha luha kong tinanggal ang nakalagay sa bulletin board habang pinagtatawanan at binabato ng mga papel ng mga taong naroon.

Kailan at saan ito nangyari?

Pagkatapos kong alisin ang mga nakadikit sa bulletin board, agad lang akong tumako sa isang lugar na onti lang ang pumupunta. Ang secret garden ng school.
Sinong may gawa nito? Habang papunta ako sa garden walang humpay ang pag tulo ng mga luha ko kasabay ng pagbubulungan ng mga taong nakakasalubong ko.




Dave’s POV



Nandito kami ngayon sa field nag aantay kay axel. Bakit ang tagal nya? Anong oras na ah?

“ grabe talaga kadiri sya no? Axel daw pangalan eh, part din sya ng Dance troupe ng school, mygad the nerves ha.” saad ng isang babae

“uhhm excuse me miss? Anong meron dun sa axel?” taka kong tanong

“ nako hindi nyo ba alam? Eto oh” sabay labas ng isang papel

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.

Para akong estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.



TANGINA. DI PWEDE TO! AKO LANG NAKAKAALAM NITO!


* flashback*

Niyaya ko si axel sa party ni adrian, dito ko binalak gawin ang plano ko

Pilit kong nilasing si axel kahit alam kong hindi sya umiinom

Ng dumating ang oras na lahat bagsak na, ginawa ko na ang plano ko. Sakto bagsak na silang lahat. Kita mo nga naman ang swerte oh. Nasa gitna si axel ni adrian at ian sa may bandang baba

Inilabas ko ang ari ni adrian at ian at inilagay ko ang kamay ni axel sa mga ari ng dalawa kong kaibigan

3

2

1

Click!

Eto ang malupet kong panama. Agad ko lang inedit ito para takpan ang mukha ng dalawa kong kaibigan para mafocus kay axel ang picture


*end of flashback*


Imposible. Binura ko na’to sa phone ko dahil ayaw ko ng ituloy to? Pano naganito ulit to? Hindi pwede!


“ nasan sya?!” gigil kong tanong  sa babae


“ aray masakit! Bitawan mo ako! Hindi ko alam!” sigaw ng babae


Agad naman akong nag isip kung saan sya pwedeng pumunta

“ Dave, alam ko kung nasan sya, isa lang ang pinupuntahan ni Axel kapag gusto nyang mapag isa, sa garden sa likod ng MAD” saad ni zandro.



Jhen’s POV



Mabuti na lang talaga at naibluetooth ko yung picture na yun hahaha! Akala nyo papatalo ako no?

Sinabi ko naman sa inyo na kapag akin, akin lang, at ayokong may umaagaw dahil hindi nyo alam ang pwede kong gawin.

Agad ko lang sinundan si Axel habang pinagtatawanan ng ibang estudyante.

Sorry axel, pero akin lang si Dave






Axel’s POV



Nandito ako ngayon sa garden habang hawak hawak lahat ng pinagtatanggal ko kanina,

Sobrang sakit isiping gawin sa’yo ang mga bagay na ganito ng wala kang kalaban laban. Sobrang sakit isipin na maaaring kilala ko  ng lubusn ang taong gumawa nito sa akin.

“ so, kumusta? Ayos ba? Sikat ka na Baklang hitad” saad ng isang babae. Agad ko lang syang hinarap sa di inaasang pangyayari, siya ang may kagagawan nito?


Jhen?!

“ jhen?! Ano bang nagawa ko sayo? Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito?”

Himbis na sagutin nya ako, isang malakas na sampal ang inabot ko,

“ para yan sa pagiging ambisyoso mo”

Isang sampal nanaman ang inabot ko

“ at para yan sa pang aagaw kay dave, pinagpustahan ka lang axel, at yung mga ginagawa nya sa’yo na parang boyfriend ka na nyang maituturing? Planado lahat yun, pinag pustahan ka lang nila Ino katumbas ng isang kotse, kaya wag kang umasa na mamahalin ka ng isang Dave sandoval! Look at you? Anong panama mo sa akin? Tandaan mo, babae ako at binabae ka lang, walang mapapala sa’yo si Dave kung mamahalin ka nya, kaya itigil mo na yang kahibangan mo! ”

expected ko na kung kagagawan ito ni Dave pero hindi ko akalaing ang itinuring kong kuya ay kasama rin pala at sya pa ang puno't dulo ng lahat.

“jhen, wala akong inagaw, wala akong inangkin at higit sa lahat hindi ako nag ambisyon,

Jhen alam mo kung ano ang masakit? Yun yung feeling na pandirihan ka ng taong mahal mo, napakasakit malaman na kahit pakikipagkaibigan lang hindi nya kayang ibigay. Alam mo kung anong mas masakit? Yun yung iparamdam sayo ng taong mahal mo na para kang may ipedemya para layuan ka nito, jhen, sobrang sakit alam mo ba iyon? Ni simpleng hawak ng kamay hindi nya magawa. Jhen ano bang nagawa ko ba’t mo ko ginanito? “

“ inaagaw mo sa akin si dave ! “ mangiyak ngiyak nitong sabi

“ jhen wala akong inagaw, at yung pustahan na sinasabi mo? Oo alam ko na yun matagal na, pero nagbulagbulagan lang ako, hindi naman kayo ang niloloko ko eh, sarili ko jhen. Pilit kong pinaniwala sarili ko na baka kahit paaano pakikipagkaibigan lang maibigay man lang sana ni dave, umaasa ako na balang araw maisip ni dave na tao rin ako. At yang picture na yan? Kung yan ang ikasasaya mo sige pagbibigyan ko kayo, isa lang kasi ang gusto ko, ang pasayahin sya kahit nasasaktan na ako, jhen yun lang. masira man pangalan ko huwag lang sya. Simula high school minahal ko na sya but i never get the chance to tell this fucking feelings to him. Why? Kasi alam kong walang pag asa. Jhen wala akong inangkin, daahil all this time isa lang ang ginawa ko, gaguhin ang sarili ko maparamdam ko lang sa taong mahal ko na nandito ako.” hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak

“ wag ka mag alala jhen, simula ngayon lulubayan ko na kayo, tama na siguro ang ilang buwan para gaguhin ko ang sarili ko, siguro this time kelangan ko ng matutunang mahalin ang sarili ko.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko, nakita ko ang imaheng matagal kong pinangarap

Ang taong itinuring akong hayop pero kahit ganoon pa man minahal ko pa rin

Ang taong niloko ako at binaboy

Ang taong ipinamukha sa akin na mahal nya ako pero isang pustahan lang pala

Ayun di dave nakayuko at tila umiiyak




Dave’s POV



Narinig ko lahat.

Lahat lahat.

 Sising sisi ako sa nangyari, napakagago ko, bakit ngayon ko lang naisip to? Walang ginawa yung tao para pahirapan ko ng ganito. Pero anong ginawa ko? Binaboy ko sya at niyurakan ang pagkatao.

“ uy dave! Nandyan ka pala! Pasensya na ah napiyak ko ata yung girfriend mo” pilit na pag ngiti sa akin ni axel

“ axel let me explain please” umiiyak kong sabi

“ nako dave wag ka ng umiyak ano ka ba. Okay na yun, tanggap ko na lahat dave. Natutunan ko na may mga bagay talagang di pwedeng ipilit, kahit gusto mo man, hinding hindi pwede mangyari.” piit na ngiti nyang ulit sabi

“ please axel please”

“ pasensya na dave ha? Sinubukan ko lang naman laruin din yung laro mo eh, umasa lang naman ako na manalo kahit papaano, kaso wala eh talo talaga ako. Pasensya na kung di ko na kayang makipaglaro dave ha? Tao rin kasi ako, may damdamin at higit sa lahat nasasaktan, alam ko kung gano mo ko kamuhian dave, wag ka mag alala, pag tapos ng araw na’to hindi ko  na kayo guguluhin. The game is over dave.”

Agad ko lang syang niyakap para pigilan umalis

“dave pakihigpitan please? Para sana sa huling pagkakataon maramdaman ko ulit yung yakap mo”

Niyakap ko sya ng mahigpit habang umiiyak ayoko syang pakawalan, ayoko syang lumayo ng basta basta. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tanging luha lang ang nagmimistulang mga letra ang gusto kong ipahayag.

“ dave sige na, tama na, ayoko ng makigulo sa buhay nyo ng girlfriend mo, please dave”

Pagkatapos nyang sabihin iyon, pilit syang kumawala sa yakap ko at dali daling lumabas sa loob ng room.

Wala na akong nagawa kundi ang mapaluhod at umiyak ng umiyak

Wala na.

Wala na ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ako

Eto na ba ang parusa ko sa lahat ng ginawa ko sa kanya?

Kung kelan tinggap ko sa sarili ko na mahal ko na sya tsaka pa mangyayari ang lahat ng ito?




Axel’s POV



Pag lagpas ko sa kanila lang dalawa agad ko lang nakita ang tropa kasama ang tropa ni dave.

Awa

Yan ang nakita ko sa mga mata nila. Lalapit sana si Zandro pero pinigilan ko sya at sinabing okay lang ako

Mabuti at hindi na nila ako kinulit pa

Patakbo kong tinungo ang field par mapag isa kahit na pinagtitinginan ako ng ibang tao.

Nandito ako ngayon sa field nakaupo,at taimtim na umiiyak, at  mukhang nakikiramdam ang panahon sa akin at biglang umulan

At dito ko na tuluyang ibinuhos lahat ng sakit na naramdaman ko

Ano bang nagawa ko? Mahirap bang pakisamahan ang tulad ko? Ganito ba kahhinatnan ng mg tulad ko? Ang pandirihan at kamuhian? Siguro nga.

Wala ng lumabas sa bibig ko, pagod na pagod na ako, pagod na akong pahirpan pa ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman lubusang maramdaan. hinayaan ko lang na pumatak ang mga butil ng ulan hanggang sa magdilim ang ang paligid.




16 comments:

  1. BITIN NA NMAN? MR PAASA este Mr Author paahabain mo nman XD :( huhu

    BOOK 2 PLEASE!! BOOK 2

    ReplyDelete
  2. Grabe ang sakit sa puso feel na feel ko kawawa naman si Axel dahil sa put/%*#+ Jhen na yan. Ano na kayang mangyayare kay Axel :'( sana maging maayos din siya. At paano na kaya si Dave kung kelan mahal na mahal nya na si Axel saka to lumayo sa kanya hayy buhay :'(

    Ang sakit sakit talga haha!!! Thanks mr.author!!

    -44

    ReplyDelete
  3. ano bayan .. bitin nanaman author ?? ang ikli huh super .. hmmmm pero ang ganda talaga ng story to alam mo yung feeling na nakaka relate ka kase naranasan mo na ding masaktan .. hay naki napapahugot ako HAHAHA osya update agad hanehhh ..

    -kael

    ReplyDelete
  4. Whooo. I can feel you axel. Nxt chap.agad plit. Ehe

    ReplyDelete
  5. Kawawa naman si Axel. Bakit ganun? Wala man lang ginawa si Dave. Anyway may tiwala pa din ako sa Author. Thank you sa update.

    -tyler

    ReplyDelete
  6. Ang sakit sobra.... Ramdam ko tagos na tagos .... Pero alam ko may malaki pagbabago--- devon

    ReplyDelete
  7. Ang sakit sobra.... Ramdam ko tagos na tagos .... Pero alam ko may malaki pagbabago--- devon

    ReplyDelete
  8. Hu hu ang sakit sakit bakit?....hugot pa more ha ha naiyak ako sa story na to ang ganda ang lupit next na pls....wawa nman si axel piro ok na din un para di na masyadong masaktan cia.alam sa next update mag hahabol na sa kanya si dave un nga lang paalis na si axel je je nice story po update pa more....

    Juss

    ReplyDelete
  9. Very sad episode.....Talagang bitin. Pls Mr Author, dalian lang ang update ha? Take care.

    ReplyDelete
  10. Sobrang lungkot ... 😒😒😒😒😒😒

    ReplyDelete
  11. siguro ang next yung pupunta na ng ibang bansa si Axel para dun sa school activity nya at mamimiss sya ng tuluyan ni Dave. kasi di alam ni Dave na umalis na si Axel :)

    ReplyDelete
  12. Kawawa namn si axel sa ginawa ni jhen at nagaglit siya sa laht pati ky ino.......

    Dave you must make a move to win back axel

    Jharz

    ReplyDelete
  13. himala at di mo ako siniraan sa mga READERS mo ngayon? lol. hahahaha. UPDATE NA, BILIS! kupad. :D

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails