Just For aMoment
By: Bluerose
CHAPTER 15
AUTHORS NOTE: Una hehe pasensya na dun sa last chapter hehhe.. And this chapter uhmm.. Enjoy nalang salamat sa lahat ng nakaapreciate nung story.. Sa lahat ng nagbabasa at nagbibigay ng oras super thank you. :)
Sa mga naggagwapuhang na ADMIN ng group na walang sawang nagwewelcome sa mga bagong members salamat SICHEM Love adobong pusit loveteam,kay RHAFY Salamat talaga ehhehe. Kay bebe RED IAN BENEDICT LOPEZ salamat sa walang katapusang hugot haha. Kay JigS kaya mo yan..positive again hehe At syempre kay bebe IAN KITOY buti ka pa nakapagbeach na hehe.. Salamat sa super support mo sakin super love you hehe. Kay BTBBC super miss you guys. Bakasyon na busy parin kayo? Hehe kay YOUNG Ingatz hehe Miles Go 2015 na.. Lovelife ka na ahhaha Junrey super thanks din. Kay DRIEU, ALFRED OF T.O, GILREX LAURENTE, BOHOLANA BLOGGER, at kay 44 super thanks sa comment mo hehe FRANZ, ROMEL 28, CRIS MARDO, LANTIS, JHARZ, MARC ABELLERA, BLUE ROMANTIC, PEACHY BAXTER at sa lahat ng Anonymous Super thanks sa mga comments niyo hehe
PM REALOSO, JOHARI . King gregorio salamat hehe kay BRYAN LOPEZ salamat talaga sa super support mo. RENNARD DE ASIS salamat sa masidhing suporta haha. CHRIS TIAN promise talaga isang araw nalang ibibigay ko sa update haha. ELDRIENN SALONGA kapag nababsa ko yung name mo pumapasok sa isip ko yung tapsilog hahaha Kay NHIE CAS goodluck sa lovelife mo. RAYVEN JAMES, JAYJAY PEREZ, SHAI BORD, LEX NOVELA, RAEGAN, SCHIFFER SHADOWVERSE yan na huh di kita nakalimutan. hehe
JAYPEE and EMMAN mwuah mwuah sa inyong dalawa hehe kay NESTEA At sa kanyang love hehe buti ka pa hahhaa
Sa mga coRA ko hehe. SEYREN ng LOVING YOU.. AGAIN, VIENE ng STRING FROM THE HEART, Kay RYE ng LOVE IS, kay COKIE CUTTER ng GAPANGIN.. PRINCE JUSTIN ng ME & MY RULES at kay ROGUE ng WAY BACK INTO LOVE sequel..kay APPLE GREEN ng THE JOHN LLYOD DIARY Support natin lahat ng author hehhe..astig sila promise hehhe
SA MGA HINDI KO NABANGGIT Happy summer.
Sali kayo sa group.. Kwentuhan .. More pictures of the characters.. Close close tayo guys.. Bitterness oveload ang tema hahaha joke leng enjoy your weekend.
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose/
“Time is like a river.. You cannot touch the same water twice. Because the flow that has passed will never pass again. So enjoy every moment of your life.”
SI JOSEPH
This night is totally amazing.. Yung pagtanggap samin ng mga nanuod. It’s more than to what we expected. Yung saya sa mukha nila. yung bawat sigawan at tilian. Nagdudulot to ng saya sa mga puso namin. Di man namin kasama yung pamilya namin sa gabing to atleast may mga tao kaming napasaya.
Nakangiti lang akong nakatingin sa malaking LED screen sa stage habang sinisimulan yung countdown para pagpasok ng bagong taon. Sana masaya si mama ngayon kahit wala ako sa tabi niya.
Napalingon naman ako kay chris bakas parin sa mukha niya yung lungkot at yung mga luha sa mata niya na di niya mapigilan. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka lumapit sa kanya.
“ 50 seconds guys!!” sigaw ni Justin.
“ Chris tell me ano yun.” seryosong bulong ko sa kanya tumungo naman sya. “ Chris tell me..”
“ Joseph..”
“ what..?”
“ 40 SECONDS!! “ sigaw din ni paul.
“ What chris.. Sabihin mo.?” Nakita ko naman yung masaganang luha na tumulo sa mga mata niya. Inangat ko lang yung mukha niya.“ Chris please ano yun.? Bakit ka ba umiiyak.?”
“ 30 Seconds.” sigaw ni Justin. “ hey ano ba countdown.” ngiti samin ni Justin tumango naman ako.
“ Chris please.? Sabihin mo sakin may problema ba.? I’m here.. Ayoko salubungin mo yung taon na umiiyak ka.. Smile.?”
“ Joseph kanina kasi..Joseph sinugod sa ospital yung mama mo.. Joseph wala na sya.” saad niya ilang sandali naman akong hindi nakapagsalita. “ Joseph.”
“ Chris ano sabi mo.?” kunot ang noong tanong ko.
“ Joseph..”
“ Chris Joke ba to.?” pilit na ngiti ko marahan naman syang umiling. Pumatak lang yung luha sa mata ko saka napatungo. Shit!!
“ Joseph... Wala na si Tita Myrna.” bulong niya kasabay ng patak ng luha niya. Hinawakan ko lang yung kamay niya saka pinilit ngumiti sa mga tao. Nang mga oras na yun gusto ko umiyak.. Gusto humagulgol. Pero di ko magawa.
“ Chris.. Smile..” mahinang saad ko habang nakatingin sa mga tao.
“ I’m sorry. Joseph” saad niya.
“ Chris ngumiti ka lang.. Don’t cry.. Please don’t cry.. Not now.” bulong ko.
“ 20 Seconds.!!” sigaw ni paul. “hey why.?” tanong nito.
“ Paul happy new year. Happy happy new year.” pilit na ngiti ko.
“Happy New year bro.. May problema ba.?” tanong niya. Nagbigay lang ako ng simpleng ngiti.
“ 10 9 8.” sigaw ni Justin. Nakagat ko lang yung labi ko. Sinabayan lang sya ng mga tao sa pagbibilang
“7 6 5 4 3 2 1.” bulong ko. Napatingala lang ako ng makita yung fireworks sa taas. Napakaganda nito.. Nung mga sandaling yun parang bumagal yung oras. Kasabay ng mga malalakas na putukan.. Nagliliwanag na kalangitan, mga ngiti sa mga labi.. Kasabay nun yung pagkadurog ng pagkatao ko. Pagkawala ng nagiisang taong sobrang mahal ko. Ma..
God I know hiniling ko to.. Pero bakit si mama yung kapalit.
“ Joseph.” rinig kong saad ni Chris. “I’m here..” saad niya hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko.
“ Happy new year Chris.” ngiti ko sa kanya kasabay ng mga luha. Ilang minuto pa bago natapos yung fireworks.. Pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung labi ko saka pinunasan yung mukha ko..
“ HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!” sabay sabay namin bati saka nagbow.
“ Greet.?” Saad ko kay Chris marahan naman syang tumango.
“Thank you so much sa lahat ng pumunta ngayong gabi para sabayan kaming salubungin yung bagong taon. Let’s all have a great new year.” saad ni chris.
“ We hearts you guys.. Have a great evening..” ngiti ni justin. Kumaway lang sila paul saka naglakad papunta sa back stage.
“ Joseph let’s go.”
“ Chris..Can I stay here for a while.” bulong ko habang nakatingin sa mga audience habang nagsisimula na silang umalis sa venue. Pinilit ko lang kumaway sa kanila. “ Chris kapag bumaba ako dito sa stage na to. Chris di ko na mapipigilan umiyak.”.
“ Nandito naman ako eh.”
“ Chris si mama..”
“ I’m here Joseph.. Sasamahan kita harapin to. Let’s go.” lahad niya ng kamay sakin. Tumungo lang ako saka tinaggap yung kamay niya at naglakad papunta sa backstage. Nung mga oras na yun parang sobrang bigat ng mga paa ko. Parang ang hirap humakbang. Napalingon lang ako sa stage ng patayin yung ilaw dito.
Nagsimula lang dumaloy yung luha ko habang nakatingin sa stage na wala ng ilaw.
“ Joseph.” saad ni paul tumungo naman ako. “ Joseph si tita Myrna.” nakagat ko lang yung labi ko ng marinig yung pagcrack ng boses ni Paul. napaupo lang ako sa gilid ng stage. “ Joseph.”
“ Paul wala na sya.” bulong ko saka hinayaan yung mga luha ko dumaloy. Ramdam ko naman yung pagyakap sakin ni Chris. Rinig ko lang yung pagiyak ni Paul habang nakatungo ako. Pwede bang pati ako mawala na rin? Ma..
Ilang sandali kaming nasa ganung pwesto ng tumayo ako saka naglakad papunta sa dressing Room. Nang mga oras na yun parang wala na kong buhay. Parang hindi ko na ramdam yung sarili ko. Para akong tinatangay lang ng hangin.. Walang lakas para labanan yung sakit.
Nagsimula lang akong magbihis. Nagmamadali naman sila nagayos ng mga gamit nila. Halos walang nagsasalita.. Napakatahimik. Yung kaninang sobrang saya na aura.. Bigla nalang nawala. Napalitan ng lungkot.
Nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung mahigpit na pagyakap ni Paul. “ Joseph.. Nandito kami para sayo sasamahan ka namin. We’re here.” bulong niya marahan naman akong tumango.
Halos walang nagsasalita samin nun habang sakay kami ng van. Nakatanaw lang ako sa labas ng sasakyan habang pinagmamasdan yung patuloy na pagilaw ng kalangitan. Sa bawat dinadaanan namin makikita mo yung pagsasaya ng mga tao. Yung mga ngiti sa labi nila. Yung tawanan. Muli lang ako tumingala ng magliwanag yung kalangitan.Tumulo lang yung luha ko habang pinapanuod yung ganda nito. “Ma..happy New year.” bulong ko kasabay ng mga luha.
Ito yung unang new year na hindi ko sya kasama at ito yung simula ng maraming new year na dadaan na hindi na ko na sya makakasama
Pagdating sa ospital. Wala sa sarili bumaba ako ng Van.. Sinalubong lang ako ni franz ng yakap. Ramdam ko yung pagiyak niya at yung higpit ng yakap niya sakin. Hinayaan ko lang sya. Nanatili lang akong nakatayo. Walang lakas yung katawan ko para gumalaw. Parang ang tanging gumagana sa katawan ko yung mga mata ko na walang tigil na paggawa ng luha.
“ Joseph.. Wala na si tita.” hagulgol niya. Nagsimula naman tumulo yung luha ko saka tahimik na umiyak. Parang unti unti akong nadudurog. Parang akong kandila na unti unting nauupos.“ Joseph.. Sinubukan sya iligtas ng mga doctor pero wala na silang nagawa. Joseph.. Wala na sya.. Joseph.. Hindi sya pwedeng mawala.. Ayoko.. Joseph please ayoko.” saad pa ni franz dahan dahan ko naman tinanggal yung pagkakayakap niya sakin saka naglakad papasok ng Ospital tinuro naman sakin ni daryll kung nasaan si mama na bakas din sa mukha yung pagiyak.
Hindi ko lang mapigil umiyak ng makita yung hospital bed na yun habang nakatakip ng puting kumot yung nakahiga dun. Dahan dahan lang akong lumapit dito. “ Ma.?” bulong ko kasabay ng mga luha. Hinawakan ko lang yung puting kumot. Hindi lang mapigilan manginig nung kamay ko habang unti unting binababa yung puting kumot.
Napapikit lang ako ng makita yung mukha ni mama. “ Mama.” yakap ko sa kanya. “ Ma di ba sabi mo hindi mo ko iiwan?” saad ko kasabay ng mga hikbi. “ Ma nangako ka sakin. Ma...” nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Habang inaalala yung mga araw na naging masaya kaming dalawa. Mga araw na puro ngiti yung pinagsaluhan namin. Nung mga araw na umiiyak ako at sya lang yung katabi ko.. Yung pagpupunas niya sa bawat luhang pumatak sa mga mata ko tuwing nasasaktan ako. Yung mga yakap niya na nagpapalakas ng loob ko tuwing hinang hina na ko. Yung mga halik na nagpapasaya sakin.
Hindi ko lang mapigilan yung paghikbi ko habang hawak ko yung kamay niya. “ You are my sunshine.. My only sunshine.” bulong ko habang umiiyak. “Ma.. You make me happy when skies are grey.. You never know dear how much I love you. So please don’t take my sunshine away.” Pumikit lang ako habang nakayakap sa kanya. Umaasang sasagutin niya yung yakap na yun tulad ng ginagawa niya. Yayakapin niya ko ng mahigpit para tumahan ako sa pagiyak. Muling pupunasan yung luha sa mata ko. Umaasang muli kong mararamdaman yung init na palad niya sa mukha ko para pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko sa puso. “Ma..Punasan mo naman yung luha ko oh.?”
“ Joseph.” saad ni chris sa likod ko.
“ Chris Pakigising naman ako oh. Gisingin mo na ko please.. Please.?” saad ko ramdam ko naman yung paghagod niya sa likod ko. “ Chris parang awa na gisingin mo na ko oh.. Please..panaginip lang to..Alam mo mamaya magigising ako. kakatukin ni mama yung kwarto ko Tapos sabay kaming magaalmusal. Magtatawanan. Papanuorin ko sya habang maganang kumakain.” wala sa sariling saad ko kasabay ng mga luha. “Gusto ko ng magising please.?”
“ Joseph I’m sorry.” bulong niya. Nakagat ko lang yung labi ko para pigilan yung paghikbi.
“ Ayoko.. Ayoko.. Parang awa mo na.. Sabihin mo naman sakin panaginip lang to.” hagulgol ko. “ ma wake up please.? Ma gumising ka na please. Ma naman eh nangako.. Nangako ka na hindi mo ko iiwan di ba.. Ma gumising ka at sabihin mo sakin na panaginip lang lahat to.” yugyog ko kay mama. Kung pwede lang humiling para maging manhid sa mga oras na to. Ginawa ko na.. Yung sakit na nararamdaman ko ngayon..sobra.. Sobra sobra. Para na kong mamatay. “ Ma Please.. Parang awa mo na oh. Gumising ka na.. Ma ayoko pa. Ma wag mo ko iwan please.. Mama.. Mama. Ma..”
“ Joseph kailangan na nilang kunin si tita Myrna. Para maayos na yung katawan niya.” saad ni Daryll marahan naman akong umiling saka hinigpitan yung hawak sa kamay niya. “ joseph.”
“ Daryll.. Baka may magagawa pa..? Please.. Magbabayad ako.. Kahit maubos pa lahat ng ipon ko. Ibalik lang nila sakin si mama. Please pakiusapan mo naman sila oh.? Yung mga doctor tawagin na pease.? Tawagin mo na sila parang awa mo na.” nabalot naman ng katahimikan yung lugar na yun. Tanging hikbi lang yung naririnig ko. “ Parang awa niya na.. Ibalik niyo sakin si mama”.
“ Joseph wala na..wala na si Tita.” Umiiyak na saad ni Daryll. Ilang sandali pa kong nakatungo lang sa tyan ni mama habang umiiyak. “ Joseph..”
“ hindi totoo to. Ayoko.”bulong ko. tumayo naman ako saka pinunasan yung mukha ko saka pinagmasdan si mama habang nakahiga dun.
“ Joseph ako na magaasikaso sa mama mo.. You have to rest.” rinig kong saad ni daryll.
“ Joseph..” rinig kong saad ni Franz pero tanging pgahikbi lang yung naisagot ko. Humarap lang ako sa kanila saka nagsimulang maglakad.
“ Ayoko.hindi totoo to.”
“ Joseph ihahatid kita.” saad ni Chris pero hindi ako sumagot naglakad lang ako. “ joseph.” habol niya sakin.
“ Joseph.” Salubong sakin ni erika. “ Joseph I’m sorry.” umiiyak na saad nito.
“ Erika patayin mo nalang ako.? Patayin mo nalang ako.” hagulgol ko. Naramdaman ko naman yung paghawak ni Chris sa kamay ko. “ Chris Patayin niyo nalang ako.. Ayoko na.. Please.. Patayin niyo nalang ako parang awa niyo na.? Nagmamakaawa ako oh.? ”
“ Joseph..?” Umiiyak na saad nito napalingon lang ako ng marinig yung mga nurse. Kita ko lang yung muli nilang pagtakip ng mukha ni mama saka sinimulan itulak yung Hospital bed.
“wag please wag..?” bulong ko.. Yung tunog ng gulong parang pumupunit sa buo kong pagkatao. Parang nawalan ng lakas yung tuhod ko ng dumaan sa harapan ko yung hospital bed habang tulak tulak nung nurse.
“ Mama..” napatungo lang ako ng di ko mapigilan yung paghugulgol ko. Nang magangat ako ng tingin napagmasdan ko lang yung mga nurse habang tulak tulak si mama na palayo samin. “Ma..Wag ko mo iwan.. Ma please.. Please.? Mama..” Hagulgol ko.
Unti unting nagdilim yung paningin ko hanggang maramdaman ko nalang yung pagsalo sakin ni Chris.
“ Joseph.. Josephh .. Joseph..” umiiyak na saad nito hanggang tulayan na kong kinain ng kadiliman. Sabi nila ang buhay is a gift from god. Pero bakit kailangan bawiin yung regalong yun.? Bakit kapag masaya may kasunod na lungkot. Bakit tuwing may ngiti may kasunod na luha. Yeah siguro after uli ng luha may ngiti. After uli ng lungkot magiging masaya uli pero yung luha, yung sakit, at yung lungkot habang buhay ng magiging parte ng buhay mo.. Na may darating na araw na maalala mo yun at muli kang iiyak. Why... Bakit..? Sana after nung pagiyak pwede bang tapos na. Pwede bang end of the story nalang para hindi na maging paulit ulit yung sakit na mararamdaman mo. Para hindi mo na maramdaman yung lungkot para tapos nalang.
SI CHRIS
Habang pinagmamasdan ko si Joseph habang nakahiga sa hospital bed na yun. Hindi ko lang mapigilan tumulo yung luha ko. Alam ko kung gano niya kamahal si tita Myrna. Sobrang mahal. Tuwing magkasama kami hinding hindi nawawala sa kwento niya yung mama niya. Kung gano to kabait at kung gano sya minahal nito kahit hindi sila magkadugo.
Kagabi habang nakikita ko yung mga luha sa mga mata niya. Damang dama ko yung sakit. Yung hapdi. Yung bigat na naramdaman niya.
“Joseph pangako I’m here.. I’ll be forever here for you.”
Natigilan lang ako ng maramdaman yug pagvibrate nung phone ko sa bulsa. Kinuha ko naman to saka sinagot ng makita na tumatawag si daryll.
“ Daryll.”
“ How is he.?” tanong nito.
“ Tulog parin sya. Si Tita.?.”
“ nakaburol na sya dito sa Holy garden memorial chapel. Kami ng bahala dito Chris so don’t worry. Tawagan mo kami kapag nagising na si Joseph huh please alalayan mo sya kailangan ka niya ngayon..”
“yeah I know.” saad ko saka pinatay yung cellphone. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumungo sa gilid ng kama at hinawakan yung kamay ni Joseph. Hanggang unti unti na kong nakatulog.
Di ko alam kung gano ako katagal nakatulog hanggang maalimpungatan ako nang dahan dahang hugutin ni Joseph yung kamay niya na hawak ko.
“ Joseph.?” Saad ko saka umayos ng upo. Nakatingin lang sya sa kisame ng hospital na yun habang may luha sa mga mata. “ Joseph kamusta ka.. May nararamdaman ka ba.?” tanong ko lumingon naman sya sakin saka marahang umiling. “ sabi ng doctor pag nagising ka makakauwi na tayo.. Pagod ka daw kagabi kaya nawalan ka ng malay. Sigurado ka bang wala kang nararamdaman.?” Hindi naman sya sumagot. “ joseph I know masakit pero kailangan mong tanggapin. Joseph nandito pa ko.” saad ko kasabay ng mga luha kita ko naman yung pagdaloy ng luha sa mata niya. “Walang iwanan di ba.. Until forever.? Kasama mo ko,”
“ Chris Can I ask you to make a promise.?” bulong niya.
“ Yeah..”
“ Promise me that Everything will gonna be fine.? That I will be ok.?”
“ Promise.” saad ko.
“ Chris.. Wag mo ko iiwan huh.. Pipilitin kong maging malakas para sayo.. Chris ikaw nalang yung meron ako. Bigyan mo ko ng lakas para kayanin to.” Lingon niya sakin binigyan ko lang sya ng ngiti saka mahigpit na hinawakan yung kamay niya saka umiling.
“ Hindi kita iiwan..hinding hindi. I’m here.” Saad ko naramdaman ko naman yung mpagpisil niya sa kamay ko habang nakatingin sa kisame. Muli lang tumulo yung luha ko ng makita yung tahimik niyang pagiyak. Tuwing nakikita ko yung luha ni joseph ng mga oras na yun.. Nadudurog din ako. “ Joseph di kita iiwan pangako yan.” tumungo lang ako sa gilid ng kama. Rinig ko lang yung paghiikbi niya.
Minsan kahit gaano natin kagusto ibalik yung oras hindi natin magagawa. hindi pwede kahit umiyak pa tayo. Memories. Yun lang yung tanging maiiwan sa mga puso natin.
Pagkalabas namin sa ospital dumeretso na muna kami sa condo para makapagbihis. Si joseph naman tahimik lang. May tutulong luha pero agad niya tong pinupunasan.
“ Just Cry Joseph.?” pilit na ngiti ko sa kanya pagpasok namin sa condo. Umiling naman sya saka pumasok sa kwarto. Sumunod lang ako sa kanya. “ kung gusto mo matulog ka muna.?”
“ I’m not fine.. Pero kaya ko.” Saad niya. Kitang kita sa mga mata niya yung lungkot.
“ Ok..” saad ko pumasok naman sya sa CR. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka pabagsak na naupo sa kama. I know sobrang sakit para kay joseph to. God help me naman kung pano ko sya matutulungan. Tiita Myrna. Help.
SI JOSEPH
Nakatulala lang ako habang tuloy yung pagagos ng tubig sa katawan ko na nagmumula sa shower. Pakiramdam ko ng mga oras na yun nakalutang parin ako. Parang walang lakas yung mga buto ko. Parang sobrang hinang hina yung katawan ko.
Yung mga luha sa mga mata ko na parang di na muubos. Na parang hindi na titigil. Tuwing maalala ko yung mukha ni mama ang tanging nagagawa ko nalang ay yung umiyak. Alam ko hindi na sya maibabalik kahit gano kadaming luha pa yung iluha ko.. Pero minsan yung pagiyak yun lang yung kaya kong gawin para sa sarili ko.. Para tanggalin yung bigat na nararamdaman ng puso ko.
Napaupo lang ako sa sahig ng Cr habang tuloy yung mga luha sa mga mata ko. “ Ma..” bulong ko.
SI ERIKA
“ Daryll si Chris tumawag na ba.?” tanong ko habang nasa tapat sila ni franz ng kabaong ni Tita Myrna.
“ Nasa condo pa raw sila ni Joseph.”
“ Okay.. Franz.. It’s ok.” pilit na ngiti ko kay franz ng makita yung pagpatak ng luha sa mata niya habang nakatingin sa coffin inakbayan naman sya ni daryll.
“ Mine. Stop Crying malay mo nasa tabi mo lang si Tita baka bigla ka nung batukan.?” biro ni daryll.
“ Mine naman eh?” nguso ni Franz.
“ Franz kagabi ka pa umiiyak.. Actually lahat tayo pero di ba ang sabi ni Tita mas malulungkot sya kapag nakita niya tayong malungkot.?” pilit na ngiti ko. Kagabi papunta kami sa concert ng Pulsar nun ng biglang atakihin si Tita habang nagluluto. Agad namin syang tinakbo sa Hospital. Alam ko lumaban si tita Myrna pero hindi na niya na nakaya. Hindi na rin sya nailigtas ng mga doctor.
“ Si Joseph.. Mine nagaalala ako sa kanya.” saad ni franz na may luha sa mga mata.
“ kasama niya si Chris.. Di sya pababayaan nun.”
“ Couz.. Matagal mo na bang alam yung relasyon nila.?” seryosong tanong ko.
“ Matagal na.. Bago pa sumikat ang Pulsar.” ngiti ni daryll.
“ You mean.? Damn sabi na eh!!” gigil na saad ko. “pwede bang ako nalang humiga sa kabaong na yan.. Shet mamamatay narin ako. Gusto ko na rin mamatay.!!” padyak ko.. Damn it! Ramdam ko na yun pero ang sakit talaga. Kagabi nung nakita kong hinawakan ni chris yung kamay ni Joseph gusto ko sila kalmutin dalawa. Kainis. Joseph and Chris.? Fuck that.!
“ I’m sure kahit tatlong erika ang ilagay sa coffin na to kakasya.” iling ni daryll.
“ Mine.?”
“ Just kidding.. Ayaw ni tita ng malungkot saka tama na yung pagiyak natin kagabi. Kailangan natin tangapin kasi yun lang maitutulong natin kay Joseph. Ipakita sa kanya na Dapat maging malakas sya.. I know malaking tulong sa kanya si chris.”
“ikaw franz alam mo ba yung relasyon nila.?”
“ Yeah.. Pero sabi kasi ni mine secret lang dapat eh.”
“ hindi ka naman manhid Couz I’m sure alam mo na yun.”
“ bakit ganun.. Silang dalawa pa na super love ko.? Kainis.!”
“ Bakit kasi hindi mo bigyan ng chance si Thomas.. Erika alam mo ang cute niya.” pilit na ngiti ni franz habang nakatanaw kay thomas na nakaupo sa upuan.
“ He’s not my type.” irap ko.
“ Why.?”
“ Couz he’s not Chris and He’s not Joseph.?”
“ Yap Coz he is Thomas. And I think he is amazing the way he is..” ngiti ni Daryll.
“ Erika. Di ba desperate ka magkalovelife.?”
“ Franz I’m not desperate makahanap ng syota..? Kay Chris and Joseph lang ako naging desperate naiintindihan mo.? Pero ngayon.. End of the world na!”
“ Fine whatever you say...” ngiti ni daryll. “ sana batukan ka ni tita Myrna.”
“kainis ka Couz.”
“ Tita kung naririnig mo ko pakibatukan po si Erika.” saad ni daryll habang nakaharap sa Coffin. Umirap lang ako sa kanila saka naglakad palapit kay Ren. Kainis. Ang sakit na nga nawala si tita myrna dadagdag pa yung sakit ko sa puso dahil sa relasyon nila Joseph and Chris. Ano bang ginawa kong kasalanan bakit ang saklap ng lovelife ko. G sagutin mo ko.? Haixt
Umupo lang ako sa tabi ni ren habang nakatingin sa unahan.
“ Ren.?” Untag ko sa kanya.
“ Yes.?”
“ Are you okay.?”
“ Maybe.?” kibit niya ng balikat.
“ he’s not okay.” pilit na ngiti ni Thomas.
“ Shut up.. Am I Talking to you.?” simangot ko
“ I love you kitty.” ngiti niya saka ngumuso. Haixt. Gwapo naman sya pero shit.
“ look Hindi ko sinabi agad kay Joseph kasi masisira yung concert. Malaking gulo yun. Hindi pwedeng itigil kasi magagalit yung mga nakabili ng ticket at isa pa pwede silang mademanda kapag di natuloy yung concert.”
“ I’m sure maiintindihan ni Joseph yun don’t worry.” Napabuntong hininga naman sya. “ It’s okay Ren.. Don’t blame yourself. Hindi ka naman angel of death para pigilan yung nangyare kay tita.”
“ Alam mo ba ginawa ni Kristel.?” tanong nito natigilan naman ako ng marinig yung pangalan ng babaeng panget na yun na hindi marunong magmake sa sarili niya.. Aixt
“ ano nanaman ginawa ng babaeng yun.?”
“ Sinira niya yung openning number ng concert..”
“ What.?”
“ Look at this.” saad nito saka pinakita sakin yung tablet niya. Nasa stage ang pulsar na.. Shit.. Halos walang damit.. Pero infairness ang hot nila.
“ Ang hot nila.. And.. May abs na si Thomas.?”
“ Naman kitty.. Hot ko noh.?” nakangiting saad ni Thomas.
“ whatever.”
“ Haixt Cr nga muna ako. Masakit pa yung puso ko sa pagkawala ni tita myrna wag mo na muna dagdagan kitty.” saad ni thomas saka tumayo inirapan ko naman sya.
“ naggigym sya for you..” walang emosyong saad ni ren.
“ wala akong paki.” simangot ko.
“ Fine.. Di mo ba tatanong kung bakit ganyan yung damit nila.?”
“ Why.?”
“ Pumasok si kristel sa dressing room at ginupit niya yung mga costume.. Fuck that bitch.. Can you kill her for me.?” tumaas naman yung kilay ko. Bwiset talagang babaeng yun sarap bunutan ng buhok sa kilay! haixt.
“ Damn.. Magwish sya na hindi magtagpo yug landas namin.. Coz I’m gonna make sure that I will break her bones!” nakataas ang kilay na saad ko. “ gulpi na talaga sya sakin.”
“ Kapag ginawa mo yun.. Make sure to do it with passion.. Art..? Okay.?”
“Art.?”
“yap..?”
“ what do you mean.?”
“ Draw the statue of liberty on her face using your fingernails.? Baka dahil dun maappreciate niya yung sarili niya at di sya nangugulo ng iba. I hate her.”
“ Yeah. Huh.. Good Idea.” ngiti ko.
“ perfect dapat yung statue of liberty. Tatawag ako ng media para mailagay yung mukha niya sa front page.? Sisikat pa sya. Yun naman ata yung gusto niya eh.” napalingon lang kami ng marinig yung bulungan bulungan sa paligid. Nakita lang namin yung Papa ni Joseph kasama si Kristel.?
“ Oh my god Ren here comes the bitch.”
“ Are you ready.?”
“ For that bitch..? I’m always ready.” saad ko saka tumayo. Nakataas lang ang kilay na sinalubong ko sila. Nakasunod naman sakin si daryll at franz.. Wala akong paki kung matanggal yung poise ko. Maiganti ko lang yung pulsar sa panget na to.
.
“ Mr. Reyes.. What a pleasant suprise.” sarkastikong saad ni Daryll.
“ Gusto ko lang makita yung asawa ko.?”
“ You mean your ex wife.?” sarkastikong saad ko. “ Nagsama pa kayo ng aso.? Dirty bitch.?” ngiti ko habang nakatingin kay Kristel kita ko naman na ngumiti sya saka tinaas yung kilay habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
“ We met again Half breed of shit.. Di ako inform pwede pala dito ang pusa.. Supplyer ng Siopao.?” saad niya kasunod ng sarkastikong tawa.
“ Umalis na po kayo.. Sigurado po ako na hindi kayo gustong makita ni Joseph dito.” saad ni franz. “ please Tito arthur.?”
“ You know your way out Mr. Reyes.. Wag niyo hayaan na kaladkarin ko pa kayo palabas.” pagbabanta dito ni daryll. “ Alam kong alam niyo kung bakit sya inatake kagabi. So please habang tao pa ang tingin ko sa inyo umalis na kayo.!”
“ Just want to see her.. Kahit sandali lang. Please.?”
“ Tito arthur please umalis na po kayo.” saad ni franz.
“ Mahal niyo sya di ba.. Pero pinagpalit niyo sya. Alam niyo kung hindi kayo tumawag kagabi hindi sya nakahiga jan ngayon.. Kaya kung ayaw niyong kayo ang sunod na paglamayan. Umalis na kayo!” gigil na saad ni daryll.
“ Mga pakialamero at pakialamera.?” saad ni kritel Ngumiti lang ako dito saka sya binigyan ng malakas na sampal. “ damn you!!” sigaw niya.
“ Half breed of shit pala huh.. Atleast ako imported.. Eh ikaw.? Mukha kang askal.. My god!”
“ hey.” harang dito ng papa ni Joseph. “tao kaming pumunta dito.?”
“ I’m sorry I thought she’s a dog.?”
“ You mother fucker bitch!!” gigil na saad nito saka ako sinugod.. Agad ko naman hinawakan yung buhok niya saka sya sinikmuraan saka ilang beses na sinampal sa mukha.. God.. Pigilan niyo ko.
“ Kristel.. Enough!!” awat sakin nung papa ni joseph habang tinatanggal yung kamay ko sa buhok nung kristel na yun.
“ let go of my hair bitch!”
“ di niyo lang ba sya aawatin.?”
“ Aawatin naman sya kung aalis na kayo.!” saad ni daryll.
“ Ouccchh.. “ inda ni kristel. “ pa..”
“ Hindi mo ba sya bibitwan.. !” kita ko lang yung galit sa mukha ng papa ni joseph.
“ Hindi ko sya bibitwan.. Hanggang di nabubunot yung buhok sa anit niya.!!”
“ aalis na kami.. Bitawan mo sya.!”
“ Erika enough.”
“Couz.. Ayoko pa eh.?” lalo ko lang diniinan yung hawak ko sa buhok niya napangiti lang ako ng marinig yung pagiyak niya. Napapikit lang ako ng makita yung pagamba sakin nung papa ni joseph pero hindi dumapo yung kamao nito sa mukha ko.
“ Subukan niyong saktan yung pinsan ko.. Kahit matanda kayo papatulan ko kayo.!” gigil na saad ni daryll habang hawak yung kamao nito saka to sinalya.. “ erika bitawan mo na sya.”
“magbayad nalang tayo ng lawyer Couz.? Papatayin ko to!”
“ You bitch!” sigaw niya habang pilit inaabot yung buhok ko pero muli ko lang syang sinampal.
“ Erika bitawan mo na sya.!”
“ ayoko..!”
“ Bitawan mo na yung anak ko pwede!!” gigil na saad nung papa ni Joseph.
“ Erika bitawan mo na sya.. Wag natin bastusin si tita myrna..? Please.” pakiusap ni franz. Humugot namna ako ng hininga. Damn it!
“haixt fine..Pasalamat ka nasa burol tayo ngayon sa oras na may gawin ka pa sisiguraduhin kong di ka makikilala ng magulang mo.!” tinulak ko lang si Kristel agad naman syang sinalo ng papa ni Joseph.
“ Pa ang sakit.” iyak nito habang hawak yung ulo niya. “ Damn you!” gigil na saad niya habang nakatingin skain ngumiti lang ako sa kanya.
“ Hooker.. Ugly hooker!”
“ Pa let’s go.” umiiyak na saad nito.
“ Pa..? You mean..?”
“ Umalis na kayo!” sigaw ni daryll nagmamadali namang umalis yung dalawa.
“ Si kristel kapatid ni Joseph.?”
“ Nope..” saad ni daryll saka naglakad.
“ Couz wait.. Franz..? Kapatid sya ni joseph. Bakit di sila magkamukha.. Ang panget nun ah.?”
“ Hindi sila magkapatid erika..Madami kang di alam sa buhay ni Joseph.” saad ni franz.
“ Alam ko lahat.? Pano.?”
“ Yung alam mo erika.. Maliit na parte lang yun. As in..”
“ Ikwento mo naman sakin pwede.?”
“ Mine.. Asikasuhin ko lang yung mga nakikiramay.” saad ni daryll tumango naman si franz. “tatawagan ko na rin si mommy para magpadala ng mga guards here.. Di pwedeng pumasok ang mga taong dahilan kung bakit wala na si tita ngayon.”
“ I’m here son.” napalingon naman kami ng marinig yun.. Oh my Tita. Black.. Black.. black.. Gown.? maliking subrero hanggang super petikot na gown.? maleficent.??
“ Mom..?” nganga ni daryll.
“ Oh my god.. Yung kamare ko wala na.” saad nito habang umiiyak saka kami nilampasan saka tumuloy sa coffin.
“ She’s gorgeous.. Taob ka erika.” pilit na ngiti ni franz.
“ DI ko kayang magsuot ng ganyan.. Kailangan ng maraming kapal ng mukha at lakas ng loob para makapagsuot ng ganyan.” natatawang saad ko.
“Mdami si mom naman nun.. Mommy talaga.. Sige franz asikasuhin ko muna si mommy magdadrama yan.” napapakamot na saad ni daryll. Kita ko naman lahat ng atensyon nasa mommy ni daryll.. grabe.
“ sige mine.” ngiti ni Franz. Umupo naman kami sa isa sa mahabang upuan na andun. Nang mga oras na yun tuloy tuloy yung dating ng mga nakikiramay. Mga fans, classmates, batchmate namin sa schoneberg. Haixt they really love joseph.
“ Now tell me franz.. Anong di ko alam tungkol kay joseph.?.?”
“ madami.?” ngiti niya. “ stalker ka pero di lahat nalaman mo kay joseph.. Kasi di mo alam kung sino talaga sya.”
“ What do you mean.? Ang alam ko may anak sa iba yung tatay ni Joseph kaya sila iniwan which is happen na si kristel. Eh pano sila hindi naging magkapatid?”
“ Ampon si Joseph.”Saad ni Franz.
“ what.??!!”
“ Sya lang naman ang pangalawang anak ng mga Harris.” ngiti ni Franz napanganga naman ako. The fuck! Nanlaki lang yung mata ko sa narinig.
“You mean Harris Group of Companies.? Ang may ari ng SBR.? Kapatid niya si Stephan.?OH MY GOD.. WOOOOW.” Nganga ko saka sumandal sa upuan.
“ Yes he is.. Anak sya ng The great Miss Evelyn Harris.”
“ how did you know that.?”
“ Tita myrna.?” ngiti niya.
“ Fuck that franz.? He’s my cousin.? Evelyn Is my mom’s sister.” di makapaniwalang saad ko. “ fuck that franz times two!! Pano nangyare yun.? My god this is trouble.!”
“ Why.?”
“ Sya si Snow white.? Si joseph.? shit.” nganga ko. “Alam ba ni daryll to.?”
“ Yeah alam niya teka bakit Snow white.? Di ba babae yun.?”
“ It is a codename franz.”
SI JOSEPH
Dumeretso lang kami ni Chris sa memorial Chapel kung saan nakaburol si Mama. Andun lahat ng kaibigan namin.. Kabanda. Mga dating Classmates, Professor, May mga fans din sa gate pero dahil may mga guards hindi sila makapasok.
Bumaba lang ako sa kotse saka nagsimulang maglakad.. Ramdam ko lang yung pagsunod ni Chris sakin. Hahakbang na sana ako papasok ng matanaw ko yung kabaong sa harap. Tumungo lang ako saka hinayaang pumatak yung luha ko.
“ Joseph.” saad ni Chris. Hindi ko lang mapigilang humikbi saka muling tumalikod at naglakad pabalik sa kotse.. Shit di ko kaya.. Pagpasok ko sa kotse. Umiyak lang ako ng umiyak.. Si chris naman na nanatili lang sa labas.
“ Mama.” bulong ko ilang sandali pa ng pumasok si chris sa kotse. Pinunasan ko lang yung mukha ko. Nanatili lang syang nakaupo habang nakatanaw sa labas ng kotse.
“ Gusto mo bumaba muna ako.?” saad niya marahan naman akong umiling. “ Alam mo Joseph kung bakit alam ko yung buhay niyo.?” saad niya habang nakatingin sa labas ng kotse.
“ Bakit.?”
“ Umuulan nun.. Sobrang lakas ng ulan ng may makita akong matabang babae na may dalang maraming grocery. Hirap na hirap sya sa mga dala niya. I offer my help pero kaya na daw niya.”
“ si mama.?”
“ Yeah.. Tingin mo bakit ayaw niyang tulungan ko sya.?”
“ Bakit.?”
“ Look at this.” saad niya saka pinakita yung pulso niya. Nakita ko lang dun yung maliit na peklat. Dahil sa lakas ng ulan nabangga ako nun Sumadsad yung motor ko.. Sabi niya mas kailangan ko daw ng tulong tapos sabi pa niya gusto ko daw tulungan yung iba kahit alam ko na ako yung dapat tulungan.. So at the end ako yung tinulungan niya dinala niya ko sa bahay niyo para gamutin yung sugat ko.”
“ Bakit di ko alam yun..? Nasan ako nun.?”
“ Paalis na ko nun sa bahay niyo ng may humintong kotse sa tapat bahay niyo. Then lumabas ka umiiyak sinalubong ka ng yakap ng mama mo. Nung nakita yung lungkot sa mukha ng mama mo dahil umiiyak ka naalala ko si mommy. Na nasakatan si mommy kapag umiiyak ako. Na nasasaktan sya kapag nakikita akong nahihirapan. HIndi natin nakikita pero deep inside doble sakit nun sa kanila.”
“ Chris.. Tingin mo ayaw ni mama na umiyak ako.?”
“ Hindi.” ngiti ni chris. “ Ang ayaw niya is yung Itigil mo yung buhay mo. Magiging matatag ka Yeah wala siguro wala na sya pero yung pagmamahal niya habang buhay na yun nakatatak sayo. She loves you.. Mahal ka ng mama at yug makita kang nanghihina.. Yun ang ayaw niya Yeah umiyak ka but be strong.. Ano nga uli yung sinabi mo sakin. Tanggap lang tanggap.?”
“ Salamat Chris.” bulong ko.
“ Baba na tayo.?” lingon sakin ni Chris habang nasa kotse kami. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng kotse. Nang may pumatak na luha sa mata ko agad ko lang tong pinunasan. Mama pigilan mo naman yung pagtulo ng luha ko baka madehydrate na ko eh.? “ Joseph.. Let’s go.?” saad ni Chris napabuntong hininga naman ako. Nanatili lang akong nakatungo.
“ Alam mo... kapag nasasaktan ako lagi sinasabi ni mama sakin na Okay lang yan Joseph kaya mo yan... Kapag nanghihina ako or nawawalan ako ng pagasa.? Sinasabi niya lagi sakin na be strong kaya mo yan... Kapag feeling ko nagiisa ako. Lagi niyang pinapaalala na kasama ko sya. Na lagi syang nasa tabi ko.” pilit na ngiti ko kasabay ng patak ng luha.
“ Hindi ka naman niya iiwan Joseph.. Kasi nanjan sya sa puso mo.” saad niya napatungo naman ako.
“ I know.. Sabi ni mama dati kapag may hindi magandang mangyare. Tanggapin mo..tangap lang ng tangap. Yes masasaktan ka pero kailangan mong maging matatag. Kailangan mong magpatuloy.. Kasi at the end of your Journey masasabi mo na hindi ka sumuko. Na lumaban ka. Chris tinatanggap ko na wala na si mama..But Can I have a favor.?”
“ Sure.?”
“ Tulungan mo ko harapin yung bawat bukas na wala na sya sa tabi ko. Tulungan mo ko kasi chris baka hindi ko kayanin.”
“ Forever Joseph.. Nangako na ko sayo so tutuparin ko yun.”
“ Gugulpihin kita kapag hindi mo tinupad yun.” ngiti ko natawa naman sya.
“ Tutuparin ko pangako. Baka multihin ako ni tita myrna eh.?”
“ Pasayahin mo ko huh.. Ipaalala mo lagi sakin malulungkot si mama kapag malungkot ako. I know hindi ka clown pero.. Mageexpect ako.?”
“ Pressure.”
“ gago.” suntok ko sa braso niya. Ngumiti lang sya saka hinawakan yung kamay ko.
“ You’re Joseph at yung joseph na kilala ko. Weak. Umiyak ka kung hindi mo na mapigilan yung mga luha mo. I’ll be here to wipe all those tears. Wag mo kimkimin Joseph. Ilabas mo.”
“ Ang alin.?”
“ Yung bigat? Ano ba nasa isip mo.?”
“ wala.?” kibit ko ng balikat. “ Inayos man lang ba nila yung make up ni mama.?”
“ I don’t know.? Tara na para makita mo.?”
“ Aiixxt Mama.” pagmamaktol ko. “ napakaduga naman kasi ng barney na yun eh.. Nangiiwan.”
“ tara na.?”
“ Chris kasi.. Daming tao.?” pilit na ngiti ko.
“ oh.?”
“ Kapag pumasok ako jan hindi ko na mapipigilang umiyak nanaman. Mama..?” pagmamaktol ko. Pinisil naman niya yung kamay ko. “ chris.?”
“ Umiyak ka kung gusto mo. Wag mo sila isipin.”
“ Nanghihina ako Chris.” saad ko saka tumingin sa labas ng kotse. Ang daming tao sa chapel. haixt.
“ yan yung ayaw ngmama mo.. But kung di mo talaga kayang pigilin I’m here para saluhin ka.? Kung di mo kayang maglakad.. Im here ako ang maglalakad para sayo.. Aalalayan kita.” saad niya napalingon naman ako sa kanya. Haixt kung wala siguro si Chris baka tumalon nalang ako sa tulay.
“ Chris alam mo kung wala ka.? Baka hindi ko na talaga kayanin to.”
“ Dumating ako sa tamang oras.. right love at the right time. Perfect timing.?”
“ Iisipin ko nalang na makakasama ko pa si mama. Yeah hindi na sya gumagalaw or hindi na sya nagsasalita pero atleast nanjan pa sya. Iiyak ako sa libing.. Kasi mawawala na talaga sya.” ngiti ko kasabay ng mga luha. “ pero ngayon itong moment na to.. Gusto ko maging masaya habang may panahon pa kong nakikita ko pa sya.”
“ You are weak.. Pero ang strong mo din Joseph.? Kaya mahal kita eh.”
“ Do I have a choice.?”
“ Wala..?” ngiti niya.Napabuntong hininga naman ako. “ wear this.?” abot niya sakin nung shades. “ magang maga na yung mata mo.?”
“ Ang sakit na nga eh.”
“ Suotin mo na yan.. Kung ayaw mong makita ka nilang umiiyak.?” sinuot ko lang yung shades. “ tara na.. Hinihintay ka ni Tita Myrna.?”
“ Badtrip sya.. Nangako sya tapos di niya tutuparin.”
“ sabi ni daryll.. Lumaban daw si tita Myrna.. Joseph kumapit sya at pinilit niyang wag kang iwan.. Pero hindi niya na kaya eh.. Isipin mo nalang she’s in heaven now. Na masaya na sya.”
“ Kasya kaya sya sa heaven.?” pilit na ngiti ko. “I’m sure laki ng space na sakop niya dun.”
“ Bad.”
“Joke lang..! Alam mo Chris gwapo ka lang..?”
“ huh.?”
“ Wala kang sense of humour.?”
“ UHm sigurado ka.?”
“ Yeah..”
“ atleast gwapo.” ngiti niya natawa naman ako. “ yan joseph smile ka lang. Hindi gugustuhin ni tita myrna mawala yung perfect smiles mo..”
“ ewan ko sayo.. Tara na nga. Buti may nag kasyang coffin kay mama.?”
“ si daryll pa ba.? ”
“ Sabagay.” humugot lang ako ng malalim na hininga saka bumaba sa kotse. Kita ko naman yung tingin sakin ng mga taong nandun. Nagsimula naman akong humakbang papasok ng chapel kasabay si Chris.
“ Joseph.?” salubong sakin ni franz marahan naman akong tumango sa kanya.
“ Joseph wag mo pilitin yung sarili mong maging okay.. Kung gusto mo umiyak.. Cry.?” bulong ni Chris.
“ For now pipilitin ko muna.” bulong ko din. Habang papalapit ako nun sa kabaong ni mama parang gusto ko uli tumakbo palabas. Parang gusto kong umalis nalang. Unti unti naman dumaloy yung luha sa mga mata ko.. Shit bakit di ko mapigilan.
Hanggang makarating ako sa tapat ng kabaong ni mama. “ Ma.?” saad ko habang hinahaplos yung salamin. Pinagmasdan ko lang yung mukha niya. Wala na ba talaga sya.? Nang mga oras na yun kahit pigilan ko humikbi hindi ko magawa. Wala akong magawa kapag gusto tumulo ng mga luha sa mga mata ko . Para silang may sariling buhay.
“ Joseph..” rinig kong saad ni Franz. Lumingon namna ako sa kanya saka pilit na ngumiti. “ Just be strong huh nandito naman kaming mga kaibigan mo eh hindi ka namin iiwan.?”
“ Franz Salamat.” saad ko saka sya niyakap ng mahigpit.
“ Joseph masakit.?” reklamo niya. Humiwalay naman ako sa kanya.
“ Franz wala na si mama.” saad ko habang tuloy yung patak ng luha sa mga mata ko. “ gusto ko magwala. Gusto magalit sa mundo, gusto ko magpasagasa sa highway.” Nakatungong saad ko. “ang sakit kasi franz eh.?”
“ Joseph naman eh. Nawalan na ko ng isa pang nanay. Wag mo naman hayaan mawalan pa ko ng kapatid.” pilit na ngiti ni Franz. “ kayanin mo please.. Anjan naman si chris.” saad niyang nakatingin kay Chris. Napalingon naman ako dito.
“ Yeah I’m here..”
“ Joseph please.?”
“ Magiging malakas ako franz pangako.” pilit na ngiti ko..
“ Joseph.” umiiyak na saad niya saka ako niyakap.
“ wag mo nako yakapin.?”
“ Niyakap mo nga ako kanina.. Joseph huh kapag nalulungkot ka Nandito kami ni daryll. Lahat ng kaibigan mo.. Papasayahin ka namin”
“ Salamat Franz.” saad ko. Siguro nga mawawala si mama pero meron pa kong mga kaibigan na hindi ako iiwan. Napalingon lang ako sa upuan. Nakita ko lang dun lahat ng kaibigan namin na nakikiramay. Haixt Blessed parin ako kahit paano kasi hindi ko nalang basta sila kaibigan.. Naging pamilya ko narin sila.
Pinilit kong maging okay sa burol ni mama.. Pinipilit ngumiti sa mga taong nakikiramay. Pinipilit maging malakas para harapin yung bukas. Hindi na magiging katulad ng dati yung buhay ko. Hindi na magiging kasing saya ng nakaraan pero kahit ganun.. Yung memories namin ni mama.kahit kailan hindi ko yun kakalimutan. Yung mga araw na kasama ko si mama. Kapos man kami sa pera nun.. Masaya naman kami. She will always be my barney.
Ala una na nun ng madaling araw ng magpasya akong pumunta sa garden sa gilid ng chapel. Umupo lang ako sa isang bench duon saka nilapag yung tasa ng kape na hawak ko. Tumingala lang ako sa langit saka pinagmasdan yung mga bituin.
“ Mama.. I know pinapanuod mo ko kung nasaan ka man ngayon.. Just wanna say I miss you. So much” saad ko na may ngiti sa labi pero may luha sa mga mata. Haixt. “ Ma sabi ni Paul pakikiss daw sya kay sarah, Hi niyo rin ako sa parents nila nicko and jonas huh.. Enjoy thier company. Enjoy heaven.” Saad ko kasabay ng mga hikbi. “ Mama I love you.”
“ Hi there.” napalingon lang ako ng marinig yun. Nakita ko lang si Nicko na may ngiti sa labi.
“ Hi nicko.” bati ko sa kanya saka pinunasan yung luha sa mga mata ko. “upo ka.?”
“ Okay lang.?” tanong niya.
“ Oo naman.” saad ko saka umurong ng konti. Humugot naman sya ng malalim na hininga saka umupo sa tabi ko. “pasensya na sinisipon ako.”
“ Okay lang.”
“ Kamusta new york.?”
“ bago parin.?” ngiti niya natawa naman ako ng payak.. “ just kidding okay lang.. Magiging doctor na rin kami ni jonas soon.”
“ Wow..” saad ko. Ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa. Nakatingala lang sya habang may ngiti sa labi. Mukha syang inosente. Ang amo amo ng mukha ni nicko kahit konti di mo mababakas sa mukha niya yung bigat ng pinagdaanan niya. Kung gano kadaming luha yung iniyak niya.
“ why.?” ngiti niya ng mapansin na nakatingin ako sa mukha niya agad naman akong umiwas ng tingin. “ Joseph just be strong. I know masakit pero kaya mo yan. Magiging okay din lahat.”
“ Nicko Dalawang beses ka nawalan ng nanay di ba.?”
“ yeah.”
“ Pano mo nagawang magmove on.? Pano mo natanggap.? ” tanong ko ngumiti lang sya saka nagkibit ng balikat.
“ Si Jonas.. Tinulungan niya ko. sa kanya ako humugot ng lakas para kayanin lahat. Hindi naging madali pero nakaya ko.” ngiti niya tumungo naman ako ng maramdaman yung muling pamumuo ng luha sa mga mata ko. “ Sobrang sakit Joseph mawalan ng Ina. Pero hindi naman nila ginustong mawala sila eh. Everything happen for a reason. Nung nawala yung parents ni Jonas.. Yun yung pinakamasakit. Hindi ko sila totoong magulang pero totoo yung pagmamahal na binigay nila sakin.”
“ Parang si mama.?” Ngiti ko pero hindi ko napigilan yung pagpatak ng luha ko.
“yeah.. Kaya i know kung gano kasakit yung nararamdaman mo.. Kasi naramdaman ko yun nung mawala sila” ngiti niya Hinayaan ko naman tumulo yung luha ko. “ Joseph Sometimes when we are hurt. Physically or emotionally akala natin katapusan na, Na hindi tayo magiging masaya, that we will never feel wholeness or joy again, We think that we are permanently broken. Joseph we are not. If nothing is permanently perfect then nothing is permanently broken. Napatunayan ko na yung bagay na yun. Na hindi dahil sira ka na hindi ka mabubuo uli. Pwede kung gugustuhin mo.”
“Pero.”
“ Okay lang umiyak.. Pero pagkatapos mo umiyak make sure to fight again. Keep striving, keep surviving never give up, never surrender.? Kung nanghihina ka na at tingin mo di mo na kaya. Pray.? Have faith in god kasi di ka niya pababayaan. Si tita Myrna yes nawala sya physically but it depends on you kung pati sa puso mo papatayin mo sya. Yung parents ni Jonas. Mommy at daddy ko. Habang buhay silang mabubuhay dito sa puso ko. ”
“ namimiss mo ba sila.?”
“ all the time.. Lage.”
“ anong ginagawa mo kapag namimiss mo sila.?”
“ Inaalala yung masasayang memories.. Para instead na maging malungkot.. Nagiging masaya ako. Kasi naranasan ko yung pagmamahal na ganun.. Yung totoo and those memories are perfect. But sabi nga Nothing is permanently perfect. But there are perfect moments and all you need to do is tresure those moments,”
“ Ang hirap.”
“ mahirap Joseph Pero I know kaya mo at magiging masaya yung mama kapag nakaya mo.”
“ memories nalang si mama.. Di na sya babalik uli.”
“ Hindi na.. Pero atleast there is memories..”
“ Sabi nila love is like rosary that full of mystery.. For me It’s life.. That full of shit mysteries. Madami syang ituturo. Pero it depends on you kung tama mo syang matutunan.”
“ Yeah.. Joseph have faith Bagyo lang to at lahat ng bagyo dumadaan lang. Lagi mong tandaan na every storm in your life is followed by a rainbow.” ngiti niya. “Mag pakikita ako sayo” saad pa niya saka tinaas yung short niya nakita ko lang yung peklat sa hita niya. Parang saksak ng kutsilyo.
“ san mo nakuha yan.?”
“ Nakuha ko to sa isa sa pinakamalakas na bagyo na dumaan sa buhay ko.. Pero look dumaan lang.. Nagiwan scars pero alam mo kapag nahihirapan ako..or nalulungkot tinitingnan ko to. Kung dati umiiyak ako pag nakikita to ngayon ito na yung nagbibigay ng lakas sakin para kayanin lahat ng maraming bagyo na darating pa sa buhay ko. I’m stronger that ive been before.” natatawang saad niya. “Smile lang Joseph.. Wag mo hayaan mapuno ng luha lahat ng memories na babaunin mo sa pagtanda. Kasi in the end, they are the only things we’ll have. Memories.”
“ Thanks Nicko.” ngiti ko.
“ Wala yun. Fight fight Joseph.”
“ Swerte ni Jonas sayo.”
“ Mas swerte ako sa kanya.?”
“ seloso ba yun.? Baka magselos yun sakin kasi kinakausap mo ko.?”
“ Hindi seloso yun.” natatawang saad niya. “ Alam kasi niya na sya lang yung minahal, mahal, mamahalin ko.”
“ Corny.” iling ko.
“ Anong ginagawa niyo dito huh.” gulat samin ni Jonas saka nakameywang na tumayo sa harap naming dalawa. Nagkibit naman ako ng balikat.
“ Nagkukwentuhan lang kami.” ngiti ni Nicko.
“ Di ka kasali Jonas. Pasok na nga ako.” saad ko saka tumayo.
“ Hanggang ngayon wala parin sex life kaya masungit pa din.” asar ni Jonas.
“ ano sabi mo Jonas.?” kunot ang noong tanong ko.
“ Sabi ko wala ka paring sexlife.”
“ Sorry ka.. Active na active na sexlife ko ngayon. Umaga tanghali at gabi kahit madaling araw pa.” natatawang saad ko saka naglakad.
“ talaga sino.??” habol niya sakin.
“ San ka galing.?” salubong sakin ni chris lumingon naman ako kay jonas saka nagbigay ng ngiti. Kita ko naman yung pagngannga nito.
“ Chris halika dito.” hila ko sa kanya papalapit kay Jonas and Nicko.
“ Hi.” bati ni chris sa mga to.
“ Seryoso Joseph.?” Pilit na ngiti ni Jonas.
“ Ano yun Joseph.?” tanong ni chris.
“ Sabi kasi ni Jonas wala parin daw akong sex life..?” natawa naman si nicko.
“ Kayong dalawa. Wow.?” hindi makapaniwalang saad ni Jonas.
“ Kaming dalawa.. Forever.” ngiti ko.
“ Corny!”natatawang saad ni Nicko.
“ shut up nicko walang corny sa sinabi ko.?”
“ edi wala..May paghuhugutan ka na pala ng lakas eh.” ngiti niya.
“ Eh sino ang.. Uhmm ano.. Kasi parehas.. Uhmm.. you mean joseph..?” napapakamot na saad ni Jonas.
“ generous kami sa isa’t isa.” ngiti ni chris napangiwi naman ako.
“ Gago ka chris huh.?”
“ Goodjob Joseph.! Congratz!” tapik sakin ni Jonas.
“ fuck you.” simangot ko. Natawa naman sila.
SI STEPHAN
Nasa tapat ako ng condo nila Joseph nun. bukas na yung libing ng Umampon kay Joseph. Gusto ko pumunta kaso baka magalit lang sya. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka kumatok. Ilang sandali pa kong naghintay ng bumukas to. Bumungad lang sakin si Thomas.
“ Hi.?”
“ Bro pasok ka.?”
“ Uhm okay lang.?
“ Oo naman.” ngiti niya saka maluwag na binuksan yung pinto. pumasok lang ako. Ilang beses na ko nakapasok dito sa condo nila kapag wala si Joseph sa tulong na rin ni Thomas kahit paano naging kaibigan ko na rin tong isip bata na to... “ so what’s up..?”
“ Uhmm Si joseph how is he..? Nabasa ko kasi na yung nangyare sa mama niya.”
“Joseph again.. Mejo okay na sya. Galing ako dun tapos mamaya babalik din ako.” saad niya saka nagalakad papunta sa kusina. Pagbalik niya dala niya na yung box ng donnut saka nilagay sa harap ko. “ doonut for you.” ngiti niya.
“ salamat.”
“ Kain ka muna.. Nung isang araw pa yan pero tingin ko naman okay pa kainin yan.” saad niya saka umupo din sa sofa saka binuksan yung Tv. “ naging busy kasi kami sa lamay ni tita Myrna eh.”
“ pwede kaya ako pumunta dun. Tingin mo.?” pilit na ngiti ko natawa naman sya saka binuksan yung box ng donnut saka kumuha ng isa saka agad sinubo. “ tingin mo susungitan ako ni Joseph kapag pumunta ako dun? Gusto ko lang makiramay.?”
“ Okay lang naman siguro.? Kain ka di ba favorite mo yan.?” ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.. Putek simula nung naging close kami neto donnut lagi kinakain namin.. Haha I mean pinapakain niya sakin.
“ Hindi ako gutom eh. Kawawa naman si Joseph alam ko mahal na mahal niya yung mama niya na yun.”
“ Di ba sabi ko sayo kung may gusto ka sa kanya wag ka ng umasa may syota na yun.. Sinasabi niya sa interview na single sya pero kasinungalingan lang yun so wag ka na umasa bro.” ngiti niya. “ habang maaga pa kalimutan mo na sya.”
“ wala akong gusto sa kanya.?” natatawang saad ko.
“ di ako naniniwala.. Eh tuwing magkausap tayo sya lagi yung pinaguusapan natin eh.”
“ Uhm kasi..”
“kasi nga you like him. Okay lang bro. Magkaibigan parin tayo.. Wala akong pakialam kung ano yung sexuality mo. Basta tao ka at humihinga irerespeto kita.” lingon niya saka nagbigay ng matamis na ngiti. Umiwas naman ako ng tingin. “Okay lang sakin don’t worry.”
“ Hindi ko nga sya gusto.? Eh ikaw kamusta kayo ni erika.?” pagiiba ko ng usapan.
“kami.?”
“yeah kayo.?” saad ko bumagsak naman yung balikat niya saka napabuntong hininga saka pinalobo yung pisngi niya. “ wala padin noh.. Ilang buiwan ka nga uli sa pagiging tanga.. Kailan ka ba gagraduate.?” biro ko sa kanya.
“ Tangina ka.. Kung makapagsalita ka eh ikaw din naman kay Joseph. Ano ba meron kasi si joseph Sabihin mo nga sakin.? Kung yung kasungitan ang hirap pero subukan ko kaya.?”
“ Uhmm I think you are perfect exactly as you are so there is no need to change anything.?”
“me perfect.? Haixt eh ano lamang skain ni joseph.?”
“di mo dapat kicompare yung sarili mo sa kanya pero siguro.. Ano ba..” saad ko habang tinitingnan yung mukha niya. “Uhm mas gwapo sayo si joseph.?” natawa naman sya ng payak.
“ Konti lang naman.? Sige nga di ba gusto mo si joseph bakit hindi ako yung nagustuhan mo.?”
“ Hindi ko gusto si joseph okay.?”
“ fine kunware lang kahit di ako naniniwala.?” saad niya saka umayos ng upo paharap sakin. “ look at me.. Di ba ako attractive.?” ngiti niya tinitigan ko naman yung mukha niya. Gwapo naman sya. Cute. The eyes.. Yung lips. “ ano..? Kahit physical attraction di ba pwede sakin.? Grabe..? Asan yung sinasabi mong perfect.?”
“ Straight ako eh.. So wala akong naramdaman.?”
“ straight mo mukha mo. Kapag kaharap mo si joseph kitang kita sa mata mo yung pagkagusto sa kanya.. Niyakap mo pa nga sya nung isang beses.. Nasapak ka nga lang.” natatawang saad niya.
“ wala kang alam.. Yung advice ko sayo kay erika .. Gawin mo na. Kalimutan mo nalang sya madami naman iba jan eh.”
“ madami.. Lahat sila kundi kay joseph nakatingin, kay chris.? What the fuck.”
“madami ka rin namang fans ah.?”
“ madami.. Na fans din ni Joseph.? Saklap noh.”
“ Fan mo kaya ako.?” ngiti ko. “ napanuod ko yung pagtugtog mo ng piano nung concert..galing mo.”
“ fan ka din ni joseph eh.. Wala bang tao na ako lang yung gusto..? Putek naman oh. Okay ganito kakalimutan ko si erika kung kakalimutan mo si joseph.?”
“ Hindi ko nga gusto si joseph ang kulit mo din noh.?”
“ Shut up.. You’re gay bakit di mo subukan ako yung mahalin mo.? Since parang wala akong pagasa kay erika at wala ka rin naman pagasa kay Joseph.. Ako nalang.?”
“nababaliw ka na.” simangot ko. “ alis na ko nababaliw ka na. Okay naman si joseph so makakahinga na ko ng maluwag.” saad ko saka tumayo.
“Joseph nanaman..” saad niya din saka tumayo.
“ bye.” naglakad lang ako. Nagulat lang ako ng bigla niyang hawakan yung braso ko saka ako hinarap sa kanya. “ hey.?”
“ Try lang.” saad niya saka pumikit saka ako hinalikan sa labi.. Nanlaki lang yung mata ko.. Fuckkkkkk!!!!! Ilang sandali din tumagal yung paghalik niya sakin hanggang humiwalay sya.
“ Ang sarap ng lips mo huh.. Sige alis na.” saad niya saka ako tinulak.
“damn it! Bakit mo ko hinalikan.?!!”
“ Try lang? Wala ka bang naramdaman.?”
“ wala.? Hindi ako gay Thomas. Shit.” punas ko sa labi ko.
“ Ok sabi mo eh pero hindi ako naniniwala.” ngiti niya. “ yung kiss wala lang yun. Wala ka namang naramdaman eh so okay lang.” saad niya saka muling umupo sa sofa saka muling sumubo ng donnut. Nanatili naman akong nakatayo. “ what. Kala ko aalis ka na.. Don’t tell me may naramdaman ka sa kiss na yun.?”
“ wala.? Are you oit of your mind..?”
“ Owss..? Ayoko ng sex huh para kay erika lang tong katawan ko.”
“ Aiixt nakakabaliw ka.. Aalis na nga ako.” simangot ko saka lumabas ng condo nila.. Damn it.! Badtrip naman oh bakit niya ko hinalikan.. Kainis.
Pagsakay ko sa elevator dinial ko lang yung number ni mommy. Ilang sandali lang tong nagring hanggang sagutin nito yung tawag.
“ Stephan.. How is he.?”
“ He’s fine mom.”
“ are you sure.?” tanong nito lumabas lang ako ng elevator saka tumuloy sa condo ko.
“ Oo naman mommy.. Madami syang kaibigan na aalalay sa kanya.”
“ After ng libing son.. Tingin mo sasama na sya sakin.?”
“ I don’t know..” buntong hininga ko. “ pero tingin o after na tayo ng libing magpakita sa kanya.. Baka magwala yun eh.”
“ kawawa naman yung anak ko.”
“ Kaya niya to mom.. Strong yun.” saad ko saka pumasok sa condo. “ bye ma... Maliligo muna ako..Ang init eh.”
“ nasaan ka ba.?”
“ Sa condo.? Sira yung Aircon.. Bye na.. Gusto ko na talaga maligo mom.. Love you bye.” saad ko saka binato yung cellphone sa kama saka agad naghubad ng dapmit at tumuloy sa shower.. Ang init shit.. badtrip.
SI JOSEPH
Araw ng libing. Di ko lang mapigilan yung pagpatak ng luha ko habang Kasalukuyang nagaganap yung misa para kay mama sa sementeryong yun.. Mataas yung sikat ng araw pero malamig yung simoy ng hangin. Maganda yung panahon pero kabaliktaran nun yung nararamdaman ko.
“Joseph it’s ok.” saad ni chris sa tabi ko.
“ Yeah..” pagkatapos magsalita ng pari pumunta na ko sa unahan para magbigay ng Eulogy para kay mama. Pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung labi ko habang hawak hawak yung maliit na papel kung saan nakasulat yung mga sasabihin ko. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nilukot yung papel na hawak ko.Tumungo lang ako ng maramdaman yung muling pamumuo ng luha sa mata ko.
“ I’m sorry hindi ko talaga mapigilan umiyak eh..” pilit na ngiti ko habang pinupunasan yung luha sa mata ko. Tumingala lang ako para pigilan pa yung mga luhang gusto pumatak sa mga mata ko. “ I know ayaw ni mama na nalulungkot ako. Gusto niya lagi akong masaya Pero ma I’m sorry kasi.. Kasi hindi ko mapigilang wag umiyak. Hindi ka na kasi babalik.” saad ko damang dama ko lang yung pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko.
“May isang bagay ang pinatunayan sakin ni mama.. Being a mother is an attitude, not a biological relation. Hindi kami magkadugo ni mama pero kahit kailan hindi ko naramdaman na ampon ako. Kahit kailan hindi niya pinaramdam sakin na hindi niya ko anak. Kahit konti di ko naramdaman na hindi ako nanggaling sa kanya. Kasi dito..” Nakatungong saad ko habang nakaturo sa dibdib ko. Di ko lang mapigilang humikbi ng mga oras na yun “ Kasi dito.. Sya yung tunay kong nanay at totoo niya kong anak.” saad ko habang nakatingin sa kabaong ni mama.
“ Almusal, tanghalian, hapunan sya yung araw araw kong kasama. Tuwing papasok ako sa school, Hindi niya ko hahayang pumasok sa school ng gutom. tuwing Uuwi sya yung madadatnan ko. Kahit pagod na pagod sya. Nakangiti niya kong sasalubungin. Yayakapin ng mahigpit kasunod yung paghalik niya sa pisngi ko. Hindi lang sya naging Ina para sakin. Naging Ama,, Kapatid at higit sa lahat bestfriend.” Umiiyak na saad ko habang hawak yung mic.
“ Nung gabing nalaman ko na nawala sya.. Piece by piece pakiramdam ko My mother is being stolen from me.. That night a part of me died..a part of me ang nawala. At yung masakit? Wala akong nagawa.. Wala ako sa tabi niya.. At ang sakit sakit kasi nung panahon kailangan ko sya nandun sya .. Nung panahon hirap na hirap ako.. Nandun sya. Nung panahon umiiyak ako nandun sya. Pero ako nung kailangan niya ko.. Nasaan ako.? wala.”
“ Naalala ko nung high school ako.. Inatake ako ng astma. Hindi ako makahinga kaya dinala ako sa ospital. And that was the first time na nakita kong umiyak si mama dahil sakin. She was holding my hand. Mahigpit na mahigpit. sabi niya.. Anak wag mo ko iiwan.. Anak please wag.. Buong gabi niya kong binantayan nun.”
“ Dahil sa pagiyak ni mama nung araw na yun nangako ako na hinding hindi na ko uli madadala sa ospital.. Pipilitin kong maging okay. To never sick again. Dahil sa pagiyak ni mama na yun.. Lumaban ako..kaya Naisip ko kung nasa tabi niya kayo ako nung gabing nawala sya.. Posible kayang buhay pa sya ngayon.?” nakatungong saad ko habang umiiyak damang dama ko lang nung oras na yun yung panginginig ng kamay ko.
“ Pero Naisip ko rin siguro nga.. Hanggang dito nalang si mama.. Hanggang dito nalang yung parte niya sa buhay ko. Hanggang dito nalang yunng journey naming dalawa.” nagangat lang ako ng mukha saka pinilit ngumiti. “ ma.. You will always be my mother and I will always be your son. I love you everyday and now.. I will miss you everyday.. Have a safe trip ma.. And see you there Coz I know I will meet you in paradise..” ngiti ko kasabay ng mga luha nagsimula naman tumugtog yung guitara sa gilid na hawak ni chris.
Pumikit lang ako saka dinama yung haplos ng hangin sa mukha ko. Dinama yung sandaling yun. Yung tunog ng guitara para tong nanunuot sa buong katawan ko. Lahat naman tayo dun ang punta.. Lahat tayo darating din sa puntong ganito. Lahat tayo mawawala. Yeah tama.. Memories. Build a lot of beautiful, good, and lovely memories.. Habang may chance, habang may oras.
Time is like a river.. You cannot touch the same water twice. Because the flow that has passed will never pass again. So enjoy every moment of your life.
Pinagpapasalamat ko nalang na hindi hinayaan ng diyos na si mama yung makadama ng ganitong sakit. Hindi hinayaan ng diyos na si mama yung maglilibing sakin. Thank you god.
If I was a tree. I would grow
You would be my warmt in the snow
You could be my light in the dark belows
You would be the strenght to face my foes
You would be the wings for my flight
I wouldn’t be afraid at any height
You’ll be in my dreams when I sleep tonight
Oh how you understand my plight
Oh you help me..see yeah you set me free
Oh you help me be the person that should be
You are my sunshine my only sunshine
You make me happy when skies are grey
Just so you know dear m you’re all I hold dear
And with you I am never afraid.
You are my sunshine my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You never know dear how much I love you
So please don’t take my sunshine away.
“ Bye ma.” bulong ko paglaglag ko ng puting rosas sa hukay habang binaba yung kabaong ni mama. “ bye mama.” hindi ko lang mapigilang umiyak ng mga oras na yun. Ito na talaga yun Yeah hindi na sya babalik pero hindi sya mawawala sa puso ko. Forever.
Ito na yung simula ng mga panibagong chapter ng buhay ko. Chapters na di na magiging bahagi si mama. Haixt miss you mom.
Nakaalis na lahat ng nakipaglibing nun pero nanatili kami ni chris dun sa libingan ni mama. Nakaupo lang ako habang hinihimas yung lapida kung saan nakalagay yung pangalan niya.
“ Chris yung nagbuhat ng kabaong ni mama kawawa naman noh.?” pilit na ngiti ko Chris natawa naman sya.
“ Gago ka talaga Joseph.”
“ Sabi kasing magdiet sya eh.. Nahirapan tuloy yung mga nagbubuhat.”
“ Hanggang huli nilalait mo parin si Tita Myrna.”
“ Inaantay kong kurutin niya ko eh.. Wala naman akong maramdaman.” natatawang saad ko. “ Ma ingat ka jan huh and please guide me.. Dadalawin kita lagi dito promise yan kaya stay put ka lang jan sa ilalim.” saad ko.
“ fight fight fight.?” ngiti ni Chris tumango naman aako.
“ fight. May angel na ko eh. Dambuhalang angel nga lang.” natatawang saad ko saka tumayo nilahad naman ni chris yung kamay sakin.
“ Let’s go.?”
“ San tayo pupunta.?”
“ Vacation.. Puerto.?” ngiti niya.
“ puerto.?”
“yap.. Tara..” saad niya umiwas naman ako ng tingin.. Shit. “ ano tara na.?”
“ Uhmm kasi..” simangot ko pero hinila niya lang ako.
“ Chris naman eh..”
“ Let’s go..” ngiti niya hanggang makarating kami sa tapat ng kotse. “Kailangan mo ng vacation Joseph para humupa naman yung pamamaga ng mata mo.. Wala ka ng ginawa kundi umiyak eh.”
“Sasaktan mo lang ako eh.”
“hindi yan..” saad niya saka binuksan yung kotse. Sabay lang kaming napalingon ng makita namin yung Limousine na paparating hanggang pumarada to sa likod ng kotse.
Ilang sandali pa ng may bumaba ditong babae, mahaba yung buhok, mestisa, tingin ko nasa late 40’s na to. Ngumiti naman to ng magtama yung mata namin.
“ Hi Joseph. My snow white.” ngiti nito umiwas naman ako ng tingin.
“ Let’s go Chris.” saad ko saka umikot para sumakay sa kotse pero humabol to sakin saka ako hinarangan. “ ano ba kailangan niyo.?”
“ Let’s talk.. Please.? Son.?”
“ Ayoko.”
“ Please let me explain..hayaan mong ipaliwanag ko sayo lahat. Ibigay yung mga bagay na matagal ko na dapat ibinigay sayo. Hayaan mo naman akong maging Ina para sayo. Please My Steven Harris.. Pagusapan natin.?”
“Pagusapan.? Fine.. first I”m Joseph Arthur Mendoza Reyes. Si Steven Harris.? Wala na sya. Wala na kasi hinayaan niyong ibenta sya ng asawa niyong pinagtaksilan mo. Am I right Mrs. Harris.. Oh meron pa pala. Si Steven? Sinabi niyong patay na sya para maprotektahan yung pangalan niyo sa publiko di ba? Pinatay niyo na sya kaya wag kayong umasa na babalik pa sya.!”
“ Steven..” nakatungong saad nito kita ko lang yung pagpatak ng luha sa mata niya. “ anak.”
“So kung ayaw niyo mabunyag yung baho niyo sa publiko. stay away from me.. Wala akong pakialam kung gano karami yung pera niyo.. Kung gano kayo kayaman.. I’m not Steven.! Tapos!” madiin na saad ko saka sya hinawi at sumakay sa kotse.
“ Joseph why.” saad ni chris pagpasok ng kotse.
“ Not now Chris.” seryosong saad ko saka mabilis na pinaandar yung kotse.
ITUTULOY
Do u know the writer of gapangin? Pm realoso? Can u ask him when nya balak iposr update sa story nya? Its been decades since his last update lol
ReplyDeletecookie cutter- yuh supewr tagal na wala siyang update..same lang pala tau nag aabang din sa update nya...
DeleteNasama daw x fallen 44 cya.
DeleteNaiyak ako :'(
ReplyDeleteSana maging ok na si joseph.
This is the saddest chapter of this story so far. Ilang beses din akong napaluha. Magaling talaga si Mr Autnor. Salamat sa update. Take care.
ReplyDeleteLahat na ata ng stories ni writer may namamatay at lahat ng characters dumaan sa matinding pagsubok except this one. May namatay nga pero in comparison to his other works Joseph's experience will be lighter in comparison to Nicko or Blue or even Geo
ReplyDeleteGrabe wala pa ding tigil yung pag iyak ko habang binabasa ko to hindi ko talaga kaya ang galing lang talaga ng author naten!!! Mas lalo akong naiyak nung kinantahan nya si Tita Myrna for the last time I bet favorite yan ng mama mo mr.author or mali ako??? :(( basta ang lungkot nito!!!
ReplyDeleteKung may iba akong nagustuhan ay yung pag kiss ni Thomas kay Stephan hahaha baka mamaya di na straight yung dalawa at mahulog sa isat isa hopefully hahahaha kawawa naman si Erika. Pero ang pinaka gusto ko eh yung sinabunutan, sinampal at sinikmuraan ni Erika yung dirty bitch na Kristel na yun! Buti nga sa kanya hayop sya!!!
Parakay Joseph sana matanggap nya na yung totoo nanay nya kasi baka mamaya kunin na rin siya ni Bro pero hindi naten sya masisisi kung hindi nya tanggap yung totoo nyang nanay pero sana mapatawad nya habang may oras pa.
Thanks mr.author sa napakagandang update as always ikaw pa ba!?? :)) Ingat palagi! :*
-44
Hi! Im just wondering kung paano po ako magiging mnmbver ng msob at maisare ko din vdadnasn po ang mga simple stories ko po? Salamat 😊
ReplyDeleteWow mr author ganda nito ... steven pala real name ni joseph
ReplyDeletefeeling ko next story kay Stephan and Thomas. Hahahaha. Kinikilig din ako tuloy kay Thomas pag nagpapalobo ng pisngi parehas kame ng gawain. Hahahaha.
ReplyDelete-yeahitsjm
Kudos to the Author!
ReplyDeleteNawindang ako sa code name na SNOW WHIGHT...
ReplyDeleteplease please please next update na ulit...
papa steven " Joseph " Harris, sana maging ok kana..
wawa nmn si tita barney este tita mryna...lunkot ei...pakk ang ganda ng chapter na eto kahit apat na beses ko nang paulit ulit na binabasa di parin ako nag sawa...ang galing author ahhh clap clap clap.....
-joey:-)
Schiffer here! Boss blue ang tindi ng UD na to... Ang sakitt... Magsorry ka ulit sa amin! Huhuhu...
ReplyDeleteGanyan na ganyan yung pinagdaanan ko nung pumanaw ang lolo ko. Gumuho talaga ang mundo ko. Relate much ako kay Joseph.
Wag tumalon sa tulay Joseph. You know, life is like a book, you need to keep on turning the pages. Youll never know, the next pages would be the best part of your life. Never give up, never surrender!
Kudos to Boss Alexander Blue!
...shettttt.. Ang pogi naman ni Joseph dyan sa Cover Photo nitong chapter na to.. Haha I love you Josephhhh..
ReplyDeleteJoseph be strong... Isa ka plang Disney princess... Snow white?? Lol..
Thomas kung makahalik ah.. Desperado na Kay Stephan..haha..
Ang dming twist..exciting... :)
Palaban tlga si ERIKA!..labb ittt..
Can't wait for the next exciting chapter..
→→→→→→→→→→→→
ReplyDelete#JOSEPH .... I LOVE YOU, FOREVER!
#STEVEN...... →
I wonder qng paanu tatakbo ung stephen/thomas luv story.
ReplyDeleteNext n ba bottom c joseph.
Wag na wag mong imoments capture yun ha.pls.
Tnx. Blue.more powers.god bless.