Athr'sNote-
Guys, 'short story para sa inyo :)
Basta nakita ko nalang yung sarili ko na nagsusulat sa iPod at eto na nga.. 'short story na pala ang sinusulat ko.
Para sa inyo ito :) sa lahat ng mga 'nagmamahal, 'napamahal, 'nasaktan at 'bumangon.
Sana may mapulot kayong aral.
Pinamagatan ko itong Hero, ewan pero parang napamahal ako bigla sa sinulat kong ito. Sana ganun din kayo :)
Sana kahit ito ang unang pagkakataon na nagsulat ako ng 'short story ay may ma-inspire parin ako.
Muli, para sa inyo ito.
Maraming salamat sa mga magbabasa..
Salamat..
--
Point Of View
- Jerone -
"Ate? Labas muna ako, hintayin ko narin sila mama. Pahinga muna kayo ah?"
Pagpapaalam ko sa ate ko.
"Maglilibot kalang niyan eh, osya sige.. wag lalayo Jerone ah?"
Tumango lang ako.
Agad ko naman nilapitan yung baby ni ate, nasa ospital kasi kami ngayon. Kapapanganak lang ni ate.
"Tisoy.. labas lang si kuya Jerone ah?" pagngiti ko habang tuwang-tuwang nilalaro yung makapal na buhok niya.
Kaya tisoy ang tawag ko kasi wala pa siyang pangalan. Surprise eh, ayan at lalaki pala ang baby ni ate.
Nasa manila kami, kababyahe lang namin ni mama. One month kami maglalagi dito sa manila, para maalalayan si ate.
Kalabas ko nang kwarto ay agad na nga akong naglakad-lakad, ang laki naman pala ng ospital dito sa manila.
Nga pala, ako si Jerone Bordales. Pilido't pangalan palang.. pang balbal na diba? Haha
15 na ako, bakasyon ngayon kaya naman nakasama ako kay mama sa pagpunta dito kay ate.
"Nakakatakot naman dito.."
Nasabi ko nalang habang naglalakad-lakad at nililibot ang paningin.
Ang tahimik naman kasi.
At sa nakuha ko nalang magulat nang may marinig na..
"Anak ko Hero.."
"H-Hero.. nandito lang kami ni mommy ah? Magagalit si ate kapag pinabayaan mo sarili mo..."
"D-dok napano po ba siya? B-bat po siya nanginginig?"
"B-bilisan niyo.. yung anak ko, tumabi kayo..."
Napalingon ako sa pinanggalingan.
Sa may bandang parte ng emergency room.
Nagmamadali sila.. may nakikita rin akong umiiyak.
"Hero anak? Naririnig mo ba kami? Hero..."
"Pasensya na po pero hanggang dito nalang kayo."
Nakuha ko ring mangilabot ng makita yung lalaking nakahiga na ipinapasok sa may emergency room.
Agad lang akong tumalikod at naglakad palayo.
Nakakatakot pala sa ospital.
Ang hirap pala dito, iba't-ibang klase yung mga nangyayari.. basta nakakatakot.
....
"San kaba nanggaling Jerone?"
Tanong ni mama, kumakain na kami. Si ate naman pati yung asawa niya tuwang-tuwa lang kay Tisoy.
"Ma sa labas lang. Wala lang." simpleng sabi ko.
Hindi ko parin makalimutan yung kanina.
Lalo na nung nakita ko yung lalaking nakahiga, parang nanginginig ata siya. Ah basta.. nakakatakot. Parang kaedaran ko lang siguro yun.
"Ma naglibot yan. Alam mo naman yang kapatid kong yan."
Si ate talaga. Ang ingay.
"Jerone ah? Baka mamaya sa kakalibot mo mapaaway ka nanaman." agad na sabi ni mama.
"Ma naman, hindi na ako yung dati. Puro away naman sinasabi niyo." inis na sabi ko.
Dati kasi puro gulo ako eh. Nagbago na ako. Ayoko na ng maraming kaaway. Mabait na ako.
Ma-ba-it .
"Osya, si tisoy.. ano may naisip na ba kayong pangalan?"
"Wala pa ma eh." sagot ng asawa ni ate. "Jerone, may naisip kana?"
Napa-isip naman ako...
Argh.
Wala talaga eh. Walang kasing laman yung utak ko.
"Wala talaga eh. Basta isip lang tayo." nasabi ko nalang.
Gusto kasi namin yung magandang pangalan, palibhasa first baby ni ate kaya ganyan.
....
"Jerone.. Jerone.."
Napamulat naman ako nang may marinig na tumatawag.
Agad naman akong napaupo.
"Ate?"
Nakatulog na pala ako.
Pagtingin ko sa orasan, alas-dos na pala ng madaling araw.
"Pakikuha yung bag ko, may uutos din ako sa'yo."
Agad ko namang sinunod si ate, sila mama pati yung asawa ni ate natutulog, pati rin si tisoy.
"Hindi kaba makatayo?" simangot ko kay ate.
"Akala ko ba kaya ka sumama para may mauutusan ako?"
Napailing nalang ako.
Pasalamat 'tong ate ko at mahal ko siya, kung hindi baka initsapwera ko na. Haha
"Ate pera ko pala? Sabi mo bibigyan mo ako?" agad na pagngiti ko nang mai-abot yung bag niya.
"Ayun. Pera, pera nanaman."
Natawa naman ako, close na close kasi kami ni ate ko.
"Bilin mo 'tong mga 'to sa labas. May supermarket dyan, kasunod lang ng ospital."
Kinuha ko naman kagad yung papel na inaabot niya, nakalista pa talaga.
"Ate pera ko?" mahinang sabi ko habang nakangiti lang.
"Sige pagbalik mo na, ingat sa labas ah? Wag nang maglilibot ah?"
Tumango naman ako saka na agad lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad palabas ng ospital ay napansin ko yung mga umiiyak kanina. Yung sa may emergency room.
Nag-uusap sila.
Kamusta na kaya sila? Sana ayos na. Mahirap pala talaga kapag namumublema ka.
Salamat dahil kahit papaano'y maayos at masaya yung pamilya namin.
.....
"Ate bago tab mo?"
Agad na tanong ko nang mapansin ko yung ginagamit niyang tablet.
Kapapasok ko lang ng kwarto, nakabili na ako ng mga pinabibili ni ate.
"Oy ate kinakausap kita." sabi ko pa nang makalapit sakanya matapos kong ipatong sa may lamesa mga pinabili niya.
"Sandali. Nagse-search ako ng mga magagandang pangalan." sagot niya habang abala parin sa tab.
"Ay ewan. Siguraduhin mo lang na maganda mapipili mo ah? Saglit, labas lang ako.."
Sabi ko nalang saka na ako naglakad palabas.
Gusto kong maglibot libot ulit dito sa ospital. Parang mas tumahimik bigla eh. Kung sabagay, madaling araw na.
Ang laki talaga ng ospital na ito. Napakalinis, white look.
Bawat kwarto tinitignan ko, kapag nakasara yung pinto naiinis ako. Kapag naman nakabukas talagang napapasilip ako.
Napapangiti naman ako kapag may nakakasalubong akong mga nurse na nanggagaling sa mga kwarto.
At sa napunta naman yung tingin ko sa dalawang nurse na kalalabas sa isang kwarto.
"Ang gwapo nun noh?"
"Ay basta sana gumaling na siya. Kasi sabi ni dok na medyo kritikal daw eh."
"Oo noh kawawa naman yun, Hero daw yung pangalan.. ang gwapo talaga."
Napakunot naman ako sa narinig.
Hero?
Oo, baka yun yung kaninang gabi lang? Yung Hero yung pangalan? Yung sinugod sa emergency room.
Nang makalayo yung nurse ay pasimple naman akong sumilip sa kwarto na pinaggalingan nila.
Parang ninja pa ako dahil sa napaka-ingat ko.
Ewan pero nakuha ko pang mangilabot nang makita yung lalaking nakahiga.
Pasilip-silip lang ako sa lalaking nakahiga.
Hanggang sa napagdesisyunan kong binuksan yung pinto.
Dahan-dahan akong naglakad papasok, parang gusto ko kasi siyang makita ng malapitan eh.
Nang tuluyang makalapit at makita ko na siya ay saglit akong napapikit.
Nakakalungkot at parang ang hirap hirap ng sitwasyon niya.
Ang daming nakakonekta sakanya, may nakalagay pa sa ilong niya, oxygen ata tawag dun?
"Hero.." nabulong ko pa habang nakatingin lang sakanya.
Para sa kaalaman ng lahat, mas gwapo pa ako sakanya. Haha
Pero, napakatahimik talaga ng dating ngayon dito sa kwarto, tanging yung machine lang ang nagbibigay tunog.
Palipat-lipat ako ng tingin, sa lalaki, sa mga nakakonekta sakanya, sa paligid.
Ang hirap pala talaga ng ganito.
"Alam mo kaya mo yan, may mga naghihintay sayo. Kaya dapat lumaban ka, ayan lang si papa Jesus oh." pagturo ko pa sa krus na nasa may taas ng higaan niya. "Tutulungan ka niyan, pramis." ngiti ko pa.
At agad na nga akong tumalikod, baka may makakita pa sa akin. Mayari pa ako.
"Hmm.."
Hawak-hawak ko na yung bukasan ng pinto nang may marinig bigla na ikinatigil ko.
Ano yun?
"Hmm.."
Muli akong humarap kay Hero.
Nakuha ko pang magulat nang makitang nakatingin na pala siya sa akin.
Nagbigay lang ako ng pilit na ngiti.
Nakakahiya. Syempre nandito ako sa loob ng kwarto niya eh.
"Sorry po. Na-napasilip lang. A-ay mali, maling kwarto po pala napasukan ko. Lalabas nako, hwag po kayong mag-alala." alanganing sabi ko pa habang may pilit na ngiti parin.
Bubuksan ko na sana yung pinto nang makita kong bahagya niyang itinaas yung kanan niyang kamay.
Kaya naman napatigil ako at nagbigay ng nagtatanong na tingin.
Napalingon naman ako sa tinuturo niya.
"Aircon?" kunot ko.
Kita ko naman na tumatango siya.
"Napano po?" tanong ko nang makalapit ako sa aircon.
"Lakas ko po?" tanong ko ulit, umiling siya. "Hina ko?" tanong ko ulit.
Argh. Parang tanga lang tuloy ako. Haha
Nang tumango siya ay agad ko nang hinina yung aircon, nilalamig siguro.
Pagkahina ko ay tinignan ko siya kagad saka ko siya nginitian. Yung ngiti ko na talaga, yung ngiting pinagmamalaki ko.
Naka braces kasi ako eh, lam niyo na.. nakikiuso. Haha
Muli naglakad na ulit ako, kailangan ko nang lumabas. Baka nakakaistorbo na ako sa pagpapahinga niya.
"Salamat."
Napatigil naman ako.
Nagsasalita pala siya eh?
Muli ko siyang nilingon, nakangiti narin siya.
Dahil dun, hindi na muna ako lumabas at muli akong naglakad papalapit sakanya.
Nang makita ko yung pahabang upuan sa may gilid paharap sakanya ay agad akong naupo dun.
"Hero po pala pangalan mo?"
Sabi ko habang papaupo, pagtingin ko sakanya ay tumango naman siya.
"Ah.." patango-tangong sabi ko.
Ewan pero kahit hindi siya nagsasalita hindi ako naboboring.
"Ako pala si Jerone. Bata pa po ako, mukhang gurang lang talaga." nakangiting sabi ko, kita ko naman na natawa siya.
"Kuya Hero, napano po kayo?" natanong ko nalang habang nakatingin sa mga bagay na nakakonekta sakanya.
Kita ko naman na ngumiti lang siya, yung ngiting nagpapahiwatig na hindi din niya alam, na nahihirapan siya.
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng sakit nang makita yung dating ng ngiti niya.
"Alam mo kuya Hero kanina nakita ko sila mommy mo pati ate mo, alam mo alalang-alala sila. Kaya dapat kung ano man yan kayanin mo.."
Nasabi ko nalang habang nakatingin lang sakanya.
Bigla ko kasing naalala yung sinabi ng dalawang nurse kanina, na kritikal yung kalagayan niya.
Nakuha ko pang magulat nang biglang tumunog yung phone ko. Ba yan, ang tahimik kasi eh.
Agad ko lang tinignan, may text. Si ate.
Agad akong tumayo matapos basahin yung texts.
Si kuya Hero, nakatingin lang sa akin.
"Ahm kuya Hero, hinahanap na ako ni ate ko eh. Alis nako." ngiti ko, tumango naman siya habang nakangiti rin.
"Osya, labas nako. Yung aircon ayos na? Hindi kana ba nilalamig?" tanong ko pa, tumango lang ulit siya, nakangiti parin.
"Sige sige, alis napo ako. Pahinga kana ulit, pagaling ka kuya Hero ah? Osya, babyee.." pagtaas ko pa ng kaliwang kamay ko at pagwagayway pa dito.
Parang bata lang tuloy na nagpapalaam sa kuya ang dating ko, haha
.....
"Ang sarap ng tinapay ah, saan binili ni mama 'to?"
Tanong ko habang abala lang sa pagkain.
Kami parin ang gising ni ate, sila mama at kuya na tulog at si tisoy na tulog din.
"Pabili ulit ako mamayang umaga, sa may baba lang." sagot naman ni ate.
Gamit gamit ko tab niya, nakikilaro lang.
"Jerone may naisip kana ba? Dali para may pangalan na si tisoy. May mga naiisip naman kami kaso ayaw mo kaya yan ikaw na mag-isip, dali."
Saglit naman akong napatigil saka tinignan si ate, halatang hinihintay niya sagot ko.
"Meron na ate eh, kaso simple nga lang yung naisip ko."
"Ano? Dali, basta ikaw. Nasa tiyan ko palang si tisoy nangungulit kana na ikaw magbibigay ng pangalan. Ano dali?"
"Hmmm..." tonong nag-iisip ko.
Sana magustuhan ni ate.
May naisip ako eh, siya kagad naisip ko. Haha
"Hero." simpleng sabi ko, nakangiti.
Kita ko na napaisip naman siya, may papikit pikit pa siyang nalalaman. Nagmana nga ako sa ate ko, parang tanga minsan. haha
"Osya osya, sige Hero. Galing mo ah, lalaking-lalaki pangalan ni tisoy." tuwang-tuwang sabi ni ate, OA haha
"Oh ayan, hi baby Hero.." nakangiting sabi ko nang lapitan ko si tisoy sa tabi ni ate.
"Hero?"
Napatingin naman kami sa nagsalita, si kuya pala, asawa ni ate.
"Oo kuya, Hero nalang. Oh diba pang gwapo ang pangalan.. gwapo 'tong pamangkin ko eh.." masayang sabi ko pa habang nilalaro yung matangos na ilong ni tisoy.
Kapangalan na niya si kuya Hero :) ramdam kong mabait si kuya Hero kaya paniguradong magiging mabait na bata din itong si tisoy.
.....
After 24 hours
"Ang tagal naman ng daddy mo."
Biglang sabi ni ate habang nilalaro niya si baby Hero na gising na gising kahit oras na. Sabagay, ganun naman ata minsan mga baby eh.
Ako eto, hindi makatulog. 2:30 na ng madaling araw.
"Bakit? Kanina niyo pa hinihintay si kuya ah." pagsabat ko.
Nagkekwentuhan kasi sila ni mama habang nilalaro nila si baby Hero.
"Uuwi na tayo Jerone."
Mula sa paglalaro sa tablet ni ate ay napaangat ako ng tingin.
"Uuwi na?" kunot ko.
Akala ko 1 week kami dito eh.
"Oo, malinis nadin yung bahay sabi ni kuya mo. Hinihintay nalang natin siya."
Nakuha ko namang makaramdam ng inis.
Hindi pwede 'to. Hindi pa nga ako nakakakuha ng tiyempo para makita ulit si kuya Hero eh.
"Oh eto nagtext na, papunta na daw."
Naalarma naman ako sa sinabi ni ate.
"Ma ate, sandali lang ah? May pupuntahan lang ako." agad na sabi ko at agad na nga akong tumayo.
Gusto ko muna makausap at makita si kuya Hero.
Ewan pero parang gusto ko pa siyang makilala. Tsk, kainis naman kasi si kuya Hero ang tipid magsalita.
Tapos kapag pupunta ako sa kwarto niya laging nandyan sila ate at mommy niya.
Agad na akong lumabas ng kwarto. Basta gusto ko muna siyang makita at makausap.
Bahala na.
......
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa kwarto ni kuya Hero.
Sa totoo lang parang kasing edad ko lang siya o lamang lang siguro siya ng isa o dalawang taon sa akin. Basta kuya Hero ang gusto kong itawag sakanya.
At sa napabagal nalang ako sa paglalakad nang matanaw yung pintuan ng kwarto ni kuya Hero.
Habang papalapit doon ay pinapanalangin ko na sana wala sila mommy o ate niya para naman makausap at makita ko siya bago kami umalis dito sa ospital.
Hanggang sa napapikit nalang ako sa lungkot nang makita na nasa loob yung ate niya.
Sayang naman.
May nakita akong upuan sa may di kalayuan kaya naman naupo na muna ako doon.
"Ang bilis mo naman."
Inis na sabi ko pagkatingin ko sa relos ko.
Ang bilis kasi ng oras. Tiyak malapit na niyan asawa ni ate eh.
Wala sa sarili naman akong napatayo nang makita yung ate ni kuya Hero.
May kausap sa phone. T-teka, ba't parang umiiyak yung ate niya?
Hanggang sa nakita ko na lang siya na naglakad palayo.
Ay basta, bahala na. Sayang yung pagkakataon.
Agad na akong naglakad papunta sa kwarto ni kuya Hero.
Sayang to kung hindi ko pa susulitin yung pagkakataon.
Nang nasa harap na ako ng kwarto.. dahan-dahan kong binuksan yung pinto.
Siyang pagsara ko dito pagkapasok ay agad ko namang naramdaman yung lamig.
Kaya naman agad akong pumunta sa may aircon.
"Ayan, baka kasi nilalamig si kuya Hero." sabi ko matapos kong mahina yung aircon.
At sa tinignan ko na nga si kuya Hero.
Dahan-dahan akong lumapit.
Nakakalungkot talaga kasi may nakikita kang tao na nasa ganitong kalagayan.
Ilang segundo akong nanatili sa ganoong pwesto hanggang sa nakita ko nalang yung sarili ko na hinahaplos yung pisngi niya gamit ang likuran ng mga daliri ko.
"Kuya Hero, pagaling kana kasi." nasabi ko nalang habang pinagmamasdan parin siya at hinahaplos ang pisngi niya.
Sa totoo lang nakuha ko pang mainggit, ang kinis kasi at ang lambot pa ng pisngi niya. Yung sa akin kasi, alam niyo na.. may pimples haha
At sa bigla nalang akong napaatras dahil sa gulat.
"K-kuya Hero hello.." pagbigay ko ng pilit na ngiti nang magtama ang paningin namin.
Gising na pala si kuya Hero.
Nakakahiya kasi hinahaplos-haplos ko yung pisngi niya at paniguradong nahuli niya ako.
"Hinina ko na yung aircon." pilit na pagngiti ko parin habang tinuturo ko yung aircon sa may likuran ko. "Tinignan ko lang yung pisngi mo, kapag kasi daw malamig yung pisngi ng isang tao, malalaman kung nilalamig ito o hindi." paggawa ko pa ng kwento.
Tsk. Nakakahiya talaga.
Agad namang gumaan yung pakiramdam ko nang makita siyang ngumiti.
"A-ay kuya Hero oh.. ang daming prutas sa lamesa."
Pag-iba ko kagad ng topic, kailangan eh. Nakakahiya kasi, buti napasakay ko siya sa palusot ko.
"Oh may mga mansanas pa oh.." sabi ko pa nang malapitan yung mga prutas sa lamesa.
"Kuya Hero gusto mo pagdala kita ng prutas? Mangga gusto mo?" nakangiting sabi ko habang nakatingin na sakanya.
Nakatingin lang siya sa akin, ba yan hindi ata talaga siya magsasalita. Ang tipid naman.
"May puno kami ng mangga sa amin sa probinsya, masarap bunga nun. Gusto mo pagdala kita?" tonong pagmamalaki ko pa.
Totoo naman eh. May puno kami ng mangga sa probinsya namin sa Nueva Ecija at grabe sa sarap yung mga bunga.
"Talaga gusto mo? Ilan po ba gusto niyo?" agad na sabi ko at paglapit ko pa sakanya nang makita ko siyang tumango.
Kahit magbyahe at umuwi pa ako sa Nueva Ecija para lang mabigyan siya ng mangga gagawin ko.
Gusto na kahit papaano ay makatulong ako sa katulad niya na nasa ganitong kalagayan.
Kita ko naman na napakunot siya tanda na siya'y nag-iisip.
"Ahm ganito?"
Natatawang sabi ko pagkakuha ko sa kanang kamay niya at pagmuwestra ng lima sa pamamagitan ng daliri niya.
Kita ko na napangiti naman siya at tumango-tango siya.
"Ay kuya Hero konti naman masyado kapag lima lang.. hmm..." pag-iisip ko.
Uuwi pa ako sa probinsya namin tapos lima lang mangga yung dadalhin ko? nakakahiya naman yun.. Dapat mga..
"Ah basta, pagdadala ko nalang po kayo ng marami. Basta kuya Hero pagaling ka ah?" magaang sabi at pagngiti ko habang nakatingin lang ako sakanya at hawak ko parin ang kamay niya.
Isang ngiti ang itinugon niya, ngiti na talaga namang nakakagaan ng loob.
Nang biglang magring yung phone ko ay dahan-dahan kong binitawan yung napakalambot niyang kamay at tumayo na nga ako..
Pagtingin ko, si ate tumatawag.
Panigurado na uuwi na kami.
"Ahm kuya Hero mauna na ako, uuwi na kasi kami. Si ate ko kasi pwede nang umuwi eh." paalam ko.
Nakatingin lang siya sa akin. Yung mata niya na parang natutuwa at namamangha ang dating.
"Hwag po kayong mag-alala dahil babalik ako, pagdadala ko pa po kayo ng mangga eh. Uwi pa ako sa probinsya namin, hm.. hindi lang po ako sigurado kung kailan eh pero darating po ako, hintayin niyo ako ah?" nakangiting sabi ko.
Napatingin naman ako sa kaliwang kamay niya na kanyang itinaas.
Saglit akong napakunot.
"Ahh.. gusto mong magpramis?" natatawang sabi ko. "Osya sige, pramis ko at pramis mo.."
At sa inabot ko yung kamay niya, alam niyo yung "pinky promise" ? Yung dulong daliri natin na ginagawa ng mga bata sa tuwing nangangako sila.
Yun yung ginawa ko sa daliri namin, kita ko naman na natawa pa siya.
"Osya. Pagaling ka kuya Hero ah? Gusto ko pagbalik ko malakas kana, yung ayos kana talaga. Ayos ba yun?" tonong nanghihikayat at nagtatanong ko.
Tumango naman siya nang nakangiti.
"Pramis?" sabi ko pa at paghawak ng mahigpit sa kamay niya.
Ramdam ko naman na humigpit rin ang hawak niya sa kamay ko.
Nakakatuwa, dahil sa nakakatulong ako. Na nakikita kong napapangiti ko ang isang tulad niya.
......
Kinaumagahan
"Ahhhh......"
Naisatunog ko habang paunat-unat pa ako.
Kagigising ko lang.
Pagtingin ko sa orasan..
"Alas-onse na pala.."
Mga mag aalas-kwatro na ng madaling araw kami nakauwi.
At heto at mula sa kwarto na tinutulugan ko ay may mga naririnig akong ingay mula sa labas.
Tsk, sayang dahil hindi ako makakauwi ngayon ng probinsya para kumuha ng mangga para kay kuya Hero.
Nandito kasi side ng asawa ni ate, syempre para kay tisoy.. kay baby Hero.
Tapos bukas hindi rin ako makakauwi kasi naman mga pinsan namin dito sa Manila naman ang bibisita kay ate.
Hayy buhay nga naman oh. Basta pagkukuha ko parin si kuya Hero ng mangga. Pero syempre, didiskarte pa ako ng pamasahe kay ate. Haha
.....
"Ate yung hinihingi ko ah?"
Agad na sabi ko nang makapasok sa kwarto ni ate.
"Oo nga, basta tulungan mo muna sila mama dun sa labas, dali.."
Napa "Yes" naman ako. Nice haha
"Baby Hero.." pagpansin ko pa kay tisoy at paglaro sa ilong niya.
At sa agad narin akong lumabas para tulungan si mama sa mga gawain.
Ewan pero nae-excite talaga ako. Parang namiss ko na kasi kagad si kuya Hero. Haha
.....
Kinabukasan
"Grabe ah? Ang tangkad na ni pinsan."
Ngiting proud na proud lang ang tinutugon ko sa mga pinsan ko. Mga loko-loko to eh, pinupuri ako.
"Lam niyo naman, kapag gwapo.." sabi ko pa na talaga namang ikinakatawa naming magpipinsan.
Sarap ng bonding namin. Sila ate naman nasa may sala at kakwentuhan mga tiya at tiyo namin.
At kami namang magpipinsan na dito nakapwesto sa may bandang pintuan ng bahay.
"Pero ayos ah.. pa brace brace kanang nalalaman." sabi naman ng isa kong pinsan.
Bahagya ko namang itinaas ang phone ko tanda ng pagse-selfie saka ako nagpacute at ngumiti ng napakalawak para maipakita yung braces ko.. na ikinatawa nanaman namin.
Ako kasi clown sa amin, haha
Nang makita ko naman na sa mukha ko sila nakatingin ay agad akong napasimangot.
"Subukan niyo lang pansinin yung pimples ko.." tonong nagbabanta ko na mas lalo naman naming ikinatawa.
Kahit corny, basta mga pinsan o malalapit sayo ang kasama mo, hindi pwedeng hindi mawawala ang tawanan.
"Nga pala, kapag ba uuwi ako sa Nueva Ecija same terminal din ba pupuntahan ko?"
Pag-iba ko sa topic.
Binigyan na ako ng pera ni ate, nakapagpaalam nadin ako na aalis ako at syempre.. bukas na ako uuwi sa probinsya para makakuha na ng mangga para kay kuya Hero.
Hindi na ako makapaghintay. Sana sa mga oras na ito ay ayos at magaling na siya.
Gusto ko kasi siyang makasama, makakwentuhan at makatawanan.
Friendship Goals :)
......
Kinabukasan
"Dito po ba sakayan papunta Nueva Ecija? Sa may terminal po?"
Agad na tanong ko sa kondoktor kababa niya mula sa kadarating na bus.
"Oo sir. Pasok na po, agad po tayong mapupuno niyan."
Sagot niya at agad na nga akong pumasok ng bus.
Sa bandang dulo na ako pumwesto, soundtrip na muna habang nasa byahe.
Hindi na ako makapaghintay, mga mamayang hapon siguro magkikita na kami ni kuya Hero.
Hindi na talaga ako makapaghintay.
Gusto ko ulit makitang nakangiti si kuya Hero.
....
"Ayan, panigurado matutuwa si kuya Hero."
Masayang sabi ko matapos makaupo sa loob ng bus at mapagmasdan yung isang bag ng mangga na dala ko.
Tignan ko lang kung hindi siya magsawa sa sobrang dami, haha
Medyo matagal-tagal pa ang byahe kaya tutulugan ko na muna. Napagod din ako sa ginawa ko eh, puro byahe haha.
Kaya ngayon, matutulog na muna ako dito sa bus. Para mamaya may lakas din ako kapag kausap ko na si kuya Hero.
------
Point Of View
- Third Person's -
"Ang bagal mo naman."
Pasimpleng pagbulong ni Jerone habang nakasakay sa elevator.
Nasa ospital na siya at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagka-excite na mapuntahan na si Hero.
Nang magbukas ang elevator ay tuluyan na nga siyang napatakbo papunta sa kwarto ni Hero.
Makikita rin sa mukha niya ang pagka proud dahil sa dala-dala niyang pasalubong na talagang pinangako niya kay Hero.
Kanina habang nasa bus siya, pumasok sa isip niya na paano kung nandyan ulit ang ate at mommy ni Hero, paano siya makakapasok?
Hanggang sa napag-isip isip niya na pwede naman siyang magpakilala bilang kaibigan nito, lalo pa't may pasalubong siyang dala para rito.
Kaya naman ngayon, nang nasa harap na siya ng kwarto ni Hero ay wala na siyang pagdadalawang-isip na pumasok kahit na nakita na niya na nariyan ang ate at mommy nito.
Magsasalita na sana siya matapos niyang makapasok nang wala sa sarili siyang napatigil.
"A-anak naman.. Hero, h-hwag ka namang ganyan."
"Hero, d-diba magbabakasyon pa tayo ni mommy? D-diba sabi mo magba-bonding pa tayo?.."
"L-lumaban ka.. K-kaya mo yan.."
"A.. Anak, Hero.. nakikiusap ako, anak ko.."
"Hero.."
Bagay na talaga namang nagpatigil sakanya.
Nakikita niya ang ate at mommy ni Hero na nanginginig at patuloy lang sa pag-iyak.
"Kuya Hero?.."
Ang wala sa sarili niyang nasabi, napatingin naman sakanya ang ate at mommy ni Hero.
Tila kusa namang naglakad ang mga paa ni Jerone papalapit kay Hero.
At sa nakita nalang niya si Hero na dahan-dahang lumingon sakanya kasabay ang unti-unting pagbukas ng mga mata nito.
Hindi alam ni Jerone kung bakit ganito ang nararamdaman niya, kung bakit nanginginig siya at kung bakit parang nasasaktan siya sa nakikita.
Parang nawala sila bigla sa kwarto, na kung saan tila napunta sila sa isang lugar.. lugar na silang dalawa lang at lugar na nababalutan ng katahimikan.
At sa nakita nalang niya ang sarili na napangiti nang makitang ngumiti si Hero.
"Kuya Hero.." ang nasabi pa niya.
Nalipat naman ang tingin niya sa kamay ni Hero na pilit nitong itinataas.
Agad niya lang itong inabot at siyang pag-abot niya rito ay siya kagad na paghigpit ng hawak ni Hero sa kamay niya.
"Kuya Hero oh, eto na po yung mangga.. yung pramis ko." nakangiting sabi niya habang may mga namumuong luha na sakanyang mga mata.
Hindi niya talaga maintindihan ang nangyayari, may mga namumuo siyang luha sa mata, nanginginig, natatakot.
Binigyan siya ng isang napakagaang ngiti ni Hero, ngiti na nakikitaan niya ng pagpapasalamat, kagalakan, at kagaanan ng loob.
"Salamat... Hinintay kita, Jerone."
Tonong nagmamalaki ni Hero na talaga namang ikinatuwa ng mga nasa loob ng kwarto. Nakapagsalita ito, ng maayos.
"O-oh eto na kuya Hero.. eto na yung pramis ko." mahinang sabi ni Jerone.
Nakangiti man si Jerone, siya sa sarili niya'y hindi niya alam na lumuluha na siya.
Itinaas niya ang hawak niyang isang bag ng mangga. Sa mukha nito, halatang ipinagmamalaki niya ito, dahil sa tinupad niya ang pramis niya kay Hero.
Sa kaliwang kamay naman ni Jerone, ramdam na ramdam niya ang napakahigpit na hawak at kapit ni Hero dito.
"Jerone.."
Hanggang sa nakuha nang mataranta ni Jerone dahil sa takot nang makita niyang unti-unti nang pumipikit si Hero.
"K-kuya Hero.. yung pramis mo? Diba sabi mo po pagbalik ko maayos kana? Ku-kuya Hero.. d-diba po na-nagpramis kayo? T-tignan mo po oh, ang dami kong dala.. d-diba po sabi niyo gusto niyo? U-uyy kuya Hero.." nauutal na sabi ni Jerone, natutunugan din ito ng panghihikayat kasabay nang takot na takot nitong tono.
Lalo siyang natakot nang unti-unti naring nawawala ang higpit ng pagkakahawak ni Hero sa kamay niya.
"U-uy.. kuya?.. uy.." parang batang sabi pa niya at mabilisan na nga niyang binitawan ang hawak na bag at agad na nga siyang lumapit kay Hero at siya mismo ay pinakahigpit-higpit niya ang hawak sa kamay nito.
Paluhod siyang lumapit dito, nanginginig, takot na takot.. umiiyak.
"Kuya Hero..."
At sa isang napakabigat na atmospera ang namayani sa kwarto.
Ang mommy ni Hero na napasigaw nalang dahil sa nangyari.
Ang ate ni Hero na tahimik nalang na napaiyak dahil sa sobrang sakit.
At ang mga doktor na nakuha nang gawin ang lahat ngunit wala parin, wala na talaga.
At si Jerone na paulit-ulit na tinatawag si Hero, mahina.. pabulong, na tila isang bata na nakikiusap sakanyang kuya.
......
"Ate.."
"Oh Jerone? San ka galing? Umaga palang umalis kana daw sabi ni mama?"
Salubong na tanong ng ate ni Jerone.
Hindi kumibo si Jerone.
"Oh napano ka? May problema?" nag-aalalang tanong kagad ng ate niya matapos niya itong tabihan.
"Bat ganyan mukha mo? Ano ba kasing nangyari?" paghawak na ng ate niya sa kamay niya.
"A-ate, gusto niyo po ba talaga malaman kung napano ako?" mahina't seryosong tanong ni Jerone dito.
Tumango ang ate niya.
Saglit na namayani ang katahimikan.
"Ate, tignan mo ako.." patukoy ni Jerone sa mukha niya.
Hanggang sa unti-unti, may namumuo na siyang luha at nagsisimula naring mag-iba ang ekspresyon niya, yung bang pagpapahiwatig na anumang oras ay tuluyan na siyang bibigay at iiyak.
"N-napano kaba Jerone? Ano bang nangyari?"
Ang nasabi ng ate niya nang agad siya nitong yakapin.
"A-ate hindi ko rin alam eh, b-bat ganito? A-ate.."
Tonong nahihirapan at humihingi ng tulong ni Jerone, humahagulgol na ito.
Panginginig niya na lalong nagbigay dahilan sa ate niya upang yakapin siya nito ng mas mahigpit.
"Ate nagpramis siya eh, p-pinaghandaan ko yun eh. A-ang daya niya ate eh, ang s-sakit, ba-ba't nasasaktan ako ate? Bakit ganito? Bakit ganito ate.." napakabagal na sabi ni Jerone dala ng sakit at hirap na nararamdaman niya.
Tuluy-tuloy lang ito sa pag-iyak, na tila nagsusumbong, nahihirapan at naghahanap ng kasagutan.
Ngayon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, sakit, bigat, hirap. Tila siya'y napag-iwanan ng taong mahal na mahal niya.
Siguro nga sa buhay may darating at may aalis.
Dalawa lang naman ang iniiwan ng taong dumarating at umaalis.. maaaring kasiyahan o kalungkutan.
Minsan, nasasabi rin natin na sana.. hindi nalang siya dumating, na sana hindi nalang natin siya nakilala.
Pero wala eh, tadhana ang kalaban natin. Minsan kasi may mga bagay talaga na bigla nalang darating, yung bang napaka-imposible?
Minsan matutuwa ka, minsan naman mapapamura kana lang dahil sa sakin na nararamdaman mo.
Pero isa lang naman ang nais na iparating nito sa bawat tao eh..
"Ang magpatuloy sa ikot ng buhay."
Maraming Salamat sa mga nagbasa :) Nagustuhan niyo ba? Ang author niyo napamahal sa sinulat niyang ito, hindi niya alam kung bakit :( Basta salamat sa mga nagbabasa sa mga sinusulat ko :) mga little Prince-sipes ko :)
ReplyDeleteMaganda ang story. Kaya lang........tragic. He's left with sadness for a long time. Take care Jus.
ReplyDeleteAng sakit sa puso nito kahit short story may pinag lalaban eh. Kaya ayokong naniniwala sa mga promise promise na yan eh kasi I believe that promises are made to be broken haha bitter lang.
ReplyDelete-44
Grabe ang iyak ko dito,,, sana hnggang sa burol o sa libing ang story... sana mai dugtong pato mr author bka mai kuya pa si kuya hrro,,, ang ganda eh....
ReplyDeleteLagi nmng namamatayan kpag gantong uri ng story. Grrr..
ReplyDeleteOo kuya ganyan plagi kung ganito ang kwento pero okie nmn siya
DeleteJharz
i like this kind of story gawa pa kayo ng ganto yung mahaba na ahhh promise ang ganda
ReplyDeletesimple but may sense . nice one prince justin. congratz!
ReplyDelete