Just For a Moment
By: Bluerose
CHAPTER 19
AUTHORS NOTE: Syempre again thank you sa lahat ng sumusuporta sakin.. So blessed to have you guys kasi di niya ko iniiwan.. Mwuah..love you all. Sa lahat ng bumubuo ng MSOB super thank you. Kay sir MIKE JUHA hugs hehe
Sa mga admin na super babait at approachable. Kay SICHEM na kalat na kalat na ang KPOP VIRUS. Kay IAN KITOY na super galing magsayaw hanep ka bebe.. Astig mo hehehe Salamat kay RED na super bait haha.. Bola. Kay RHAFY ingatz ka lang lage mwuahh..
Kay PETER JONES ang super talino mo grabe hanep hands down na ko sayo idol hehe, BRYAN na super active sa group.. Salamat talaga hehe And SCHIFFER SHADOWVERSE na hindi ako nakakalimutan batiin lage hehe.. Magandang buhay.. 44 di kita kakalimutan syempre.. Astig ka eh haha salamat sa mga comments mo huh love you. JHUNNEL or aulric na super taray hehe mwuah .. JUNREY astig ka sumuporta kaya super thank you. YUKITO thanks sa laging pagbabasa. KING GREGORIO at sa bumubuo ng BTBBC miss you guys mwuah mwuah. JANEFER GREGORIO super thanks sa mga comments mo. ELDREINE you’re back hehe namiss kita.. salamat. JUSTINE name mo lang love ko hindi yung pagka em em mo hahaha . NATHAN NATNAT love your name kasi kaya di kita nakakalimutan hahahah. Kay NESTEA na super saya ng lovelife inggit talaga ko hehe.. Magkakaroon din ako niyan promise.. kay RENNARD na always nanjan.. Salamat huh. Kay mickey Cruz never forget you hehe kay kuya JAPS thanks huh mwuah.
RIKZ, DAVID, MHARA,SHAIBORD, JAYJAY PEREZ, GOGZ, JANE DEMAGO, RYL DEDICATORIA, RAYVER RAVE, JOSHUA BLUE, KIKO MERCADO, CHRISTIAN PAUL, VIC NISHIMI, JHARZ ELEMENTO, NINZ LOSA, IVAN MORRE salamatsa inyou guys hehe at sa lahatng anonymous sa blog na nagsosomment super thanks din sa effort niyo magcomment mwuhugs hehe
Sa mga coRA ko hehe. SEYREN ng LOVING YOU.. AGAIN, VIENE ng STRING FROM THE HEART, Kay RYE ng LOVE IS, kay COKIE CUTTER ng GAPANGIN.. PRINCE JUSTIN ng ME & MY RULES at kay ROGUE ng WAY BACK INTO LOVE sequel..kay APPLE GREEN ng THE JOHN LLYOD DIARY Support natin lahat ng author hehhe..astig sila promise hehhe JAPE and EMMAN hope maging strng pa kayo hehe
SA MGA HINDI KO NABANGGIT Happy summer.
Sali kayo sa group.. Kwentuhan .. More pictures of the characters.. Close close tayo guys.. Bitterness oveload ang tema hahaha joke leng enjoy your weekend.
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose/
“In relationship, Honesty and trust must exist. If they don’t. There’s no point of loving, So if you can’t afford to be honest. STAY SINGLE.”
SI STEPHAN
Life is unfair. Totoo yun pero hindi sa lahat ng pagkakataon. So dapat ganito yun. Life is unfair, sometimes. Kapag nalulungkot ka or you’re down.. Isipin mo lang na nothing is permanent. You may be broken now but tomorrow is a different story. Sabi nga di ba.. Some days are happy and some days are not. Kung hindi man laging masaya atleast hindi laging malungkot. yun lang yun.. so smile hehe..
Hindi man totoong bilog ang mundo pero totoo na di ito tumitigil sa pagikot. So bakit ka titigil kung yung mundong ginagalawan hindi napapagod sa pagikot. Isang bayan para kay pacman.. Chos haha
Nasa fine dining resto kami ni Thomas nun sa loob ng Bellagio Hotel ng may mapansin akong matandang lalake na nakaamerikana. Bakit sya nandito.
“sino tinitingnan mo.?” ngiti ni Thomas saka sinundan yung dereksyon na tinitingnan ko. “ wow.. Tito Vincent is here.?”
“ You know him.?”
“Of course daddy sya ng friend ko..” nakita ko naman na umupo to sa tapat ng isang lalake.. Napagmasdan ko naman yung mukha nito.. Wow so Jert is here.
“ friend mo si Jert.?”
“ Yeah di ba cousin mo sya.?” ngiti niya.
“ Uhm yeah.” iwas ko ng tingin, ilang sandali pa ng magtama yung mata namin ni Tito Vincent. Kita ko naman yung kakaibang tingin niya sakin. Kala niya matatakot ako sa kanya pwes hindi.. kasi ako magdadala sa kanya sa impyerno.!
“ You know what harris ka at tito mo si tito Vincent pero never kita nakita sa mga events and parties ng mga harris.? Why.?” He asked while holding his glass of wine.
“ I was born in the philippines but I grew up here in Las Vegas.” I answered while glaring at him. Haixt he is the cutest creature I’ve ever meet.
“ really..With your dad.?” tanong ni Thomas marahan naman akong tumango. “I think we should meet since we’re here in Las Vegas.? Di mo man lang ba ko ipapakilala sa daddy mo..? I mean di ba mahal mo ko so dapat kung seryoso ka sa nararamdaman mo sakin dapat ipakilala mo ko sa kanya..?” Ngiti niya.
“ patay na si daddy.” seryosong saad ko he just stare at me in a couple of seconds. “ I’m serious. Wala na si dad.” ngiti ko ng mapansin na parang di sya naniniwala.
“ Oh I’m sorry.. Parang wala naman akong nabalitaan na namatayan sila Jert.?” napapakamot na saad niya hangang manlaki yung mata niya. “ uhm yeah I remember na may nabasa nga akong article about sa daddy mo.. Car accident right? Philip Harris car accident.? Yeah oo naalala ko na.. Base dun sa article sinadya daw yun aksidente. Totoo ba yun.?” nagkibit naman ako ng balikat. Hindi napatunayan na hindi aksidente yung nangyare pero sisiguraduhin kong magbabayad yung gumawa nun.. haixt.
“ Nabusog ako sa kinain natin.” pilit na ngiti ko para maiba yung usapan.. haixt kita ko naman yung tingin niya sakin. “ ano.?”
“ Ilang taon na bang wala yung daddy mo.?”
“ Bakit gusto mo malaman.?”
“ Gusto ko makilala yung unang taong nagmahal sakin.” ngiti niya. “ at wala kang choice kundi ipakilala yung sarili mo sakin.”
“di mo naman ako mahal di ba.?”
“ Yeah.. But I like you. Maybe as a friend pero yung more than that.. Wag ka ng umasa.” he said while laughing. Joke ba yun haixt
“ Alam mo kahit parang ang sakit nung sinabi mo.. Walang epekto sakin.. Parang di nagbabago yung nararamdaman ko sayo.” I smirked
“ cute kasi ako.” kibit niya ng balikat. Haixt yung smile niya kasi.. Kahit sinasabi niyang di niya ko mahal pero tuwing ngumingiti sya parang nadadagdagan pa yung reason ko para mahalin sya.. Haixt. What a life. “ so kailan nga nawala daddy mo.?”
“ Namatay dad ko 4 years ago..I was in college that time.”
“ I see.. Namatay mommy ko nung elementary ako siguro ten years old ako nun.. Well kung gusto mo lang naman malaman. Nakita mo nanaman akong walang suot na kahit ano so okay lang sakin kahit yung pagkatao ko mahubaran din.” kindat niya sakin. Umiwas naman ako ng tingin. Bakit ba ganito sya kacute bwiset.
“ Wala ka ng nanay.?”
“ Yeah. But it’s okay siguro masyado pa kong bata nun para damdamin masyado yung pagkawala niya. Kwento sakin ni daddy iyak daw ako ng iyak nun pero ilang araw lang masaya na daw uli ako kasi lagi niya na ko kasama sa office.” ngiti niya.
“ Close kayo ng daddy mo.?”
“ Minsan.”
“ Bakit minsan lang.?”
“ Uhm may mga gusto lang sya na ayaw ko.. Or may mga plano sya na hindi ko gusto.. Gets mo.?”
“ Yap...”
“ Ikaw close kayo ng daddy mo.?” marahan naman akong umiling. “ why.?”
“ All my life magkasama kami 24 hours a day, 7 days a week.. 365 days a year.”
“ Wow swerte mo kasi ako hindi pwede yun busy lagi si daddy eh, pero bakit di kayo close.?”
“ Steven.? Alam mo ba yung tungkol sa kanya.?”
“ Yeah yung nawawala mong kapatid.”
“ Uhm Puro sya Steven.. Nasaan si steven.. Kumain na kaya si steven.. Everything yung tipong kinicompare niya ko sa kapatid kong never ko naman nakita. Matalino daw si steven, maganda boses, ganun Perfect. All my life nasa anino ako ni steven.. Minsan nga natatawag pa ko ni daddy ng steven eh.”
“ Really.?”
“ Pero okay lang kasi naiintindihan ko naman sya eh. I’m fine naman so di niya na ko kailangan alalahanin. Si Steven kasi hindi naging maganda yung buhay hindi katulad sakin.. Na pwede ko makuha kahit anong gusto ko.”
“Teka.. Alam mo ba kung nasaan si Steven.? Kung nasaan ba talaga yung kapatid mo.?” saad niyang deretsong nakatingin sa mata ko natigilan naman ako.. “ look Hindi ako interested sa reward okay. Madami akong pera.. Bilihin pa kita eh.” kindat uli niya sakin. natawa naman ako. “ oy kinikilig ka sakin..” ngiti niya umiwas naman ako ng tingin. “ so alam mo kung nasaan si Snow white.? ”
“ Friend mo si Jert.”
“ Friend.. Not Bestfriend.. So may mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanya. you can trust me ako yung tipo ng taong ayokong nasisira yung tiwala sakin.” Ngiti niya hindi naman ako nagsalita nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya. Matangos yung ilong ang lakas ng appeal ng smile, yung mata na sobrang nakakatunaw na tipong kapag tintigan mo ng matagal, hihigupin ka... Mukhang inosente pero hindi naman. “ oy ano.. Wag mo ko titigin masyado.?” napabuntong hininga naman ako.
“ alam ko kung nasaan sya.” nakagat niya lang yung labi habang nakangiting nakatitig sa mata ko.
“shet.. Tama si Jert buhay pa nga sya.” ngiti niya. “ don’t worry I know how to keep a secret.”
“ I know.”
“ talaga.?”
“ Yeah.. Di mo nga masabi sakin sino karelasyon ni Joseph eh.? So alam ko marunong ka magtago ng sekreto.”
“ Ang tanga mo naman kung hindi mo nakilala yung kasama niya sa fountain kagabi. Alam mo ngayon lang ginawa ni Joseph yun. Hindi kasi maeffort yung taong yun eh.”
“ Si chris yung kasama niya di ba..?” marahan naman syang tumango.
“ Wag ka nalang maingay.. Secret yun eh.”
“ Okay.”
“ Let’s go.. Tara na dun nalang muna ako tatambay sa room mo.” ngiti niya patayo na ko nun sa upuan ko ng makita ko si Jert na papalapit samin. “ Jert.?” ngiti dito ni Thomas paglapit nito.
“ Bro.. Kamustahin ka daw ni daddy may gusto syang itanong sayo.” saad nito kay thomas.
“ Ano daw.?”
“ malamang tungkol sa daddy mo. As always.” ngiti nito lumingon naman sakin si thomas. Marahan lang akong tumango.
“ Wait lang Stephan huh.”
“ Dont worry bro ako muna bahala dito sa pinsan ko.” ngiti ni Jert. Naglakad naman papalapit si Thomas kung nasaan yung table ni Tito vincent. Muli naman akong umupo Saka binuksan yung phone ko. Binasa ko lang yung text na galing sa daddy ni erika. So alam na ni Joseph lahat at pumayag na sya tangapin lahat.. Good to know that.. Finally.
“ so wazzup.?” rinig kong saad niya.
“ Ang plastic mo parin hanggang ngayon.” sarkastikong saad ko ng magangat ako ng tingin..
“ I just know who my friends are. At hindi ka kabilang dun.” saad niya saka umupo sa harapan ko.
“ Well I’m glad Hindi kita kaibigan.” Umiwas lang ako ng tingin ng makita yung pagsuri niya sa kabuan ko. “ So how’s life ang gwapo mo parin you still have the looks and a body to die for. Ang pinsan kong No girlfriend since birth. Virgin ka parin ba.?” saad niyang ay malademonyong ngiti haixt wala paring pagbabago. “Di ka pa ba mamamatay.?” he whisper.
“ Ano sabi mo.?” gigil na saad ko.
“ Oh I’m sorry. I mean kailan ka kaya mamamatay.? Tatag ng puso mo huh di ka natuluyan..” natawa naman ako ng payak.
“ Like father like son.”
“ Sorry hindi pa.”
“ Oo nga pala.. Kapag napatay mo na pala ko saka kalang niya magiging katulad noh.?”
“ Nope..” ngiti niya. “ wala akong paki sayo. Dun sa kapatid mo meron.. Pero sa katawan mo.. Uhm I’ll think about it. ” nangaasar na ngiti niya.
“ Sa kapatid kong di niyo makita. Kawawa naman kayo ganun ba kapulpol yung mga binabayaran niyo para di mahanap si Steven.?”
“ makikita din namin sya.”
“ Okay.. Pero tandaan mo to Jert. Unang mamamatay yung daddy mo kesa kay Steven.. At pagkatapos.. Pagbibigyan na kita sa pantasya mo sakin bago kita patayin. Gusto mo ba yun?” ngiti ko sa kanya natawa naman sya ng payak saka tumitig sa mukha ko..
“ alam mo buti talaga hindi tayo magpinsan kasi pwede kitang pagnasaan.” ngiti niya.
“ Buti talaga hindi tayo magpinsan kasi di ko matatanggap na iisang dugo yung dumadaloy sa katawan natin.. Nakakadiri.”
“ Anyways konting konti nalang makikita na namin yung kapatid mo. Konti nalang.”
“ So what. Kausapin mo nalang ako kapag nakita niyo na sya.” Ngiti ko tumayo lang ako ng makita na papalapit na si Thomas. “Di niyo sya mapapatay kasi lalaban yung kapatid ko at sisiguraduhin niyang pupulutin kayo sa basurahan ng tatay mo. Kasi dun kayong nababagay dalawa.! Piece of trash shit..” madiin na saad ko.
“ Bro.” tapik ni Thomas kay Jert. Pinilit ko naman lagyan ng ngiti yung labi ko.
“Oh ano sabi ni Daddy.?”
“UHm.. Hinahanap lang sakin si daddy.. Eh di ko naman alam kung nasaan ngayon yun.”
“ I see..Okay balik na ko sa table namin.. Stephan ingat ka pinsan. I love you..” tango nito sakin ngumiti lang ako sa kanya. Naglakad naman to pabalik sa table nila.. Ang plastik.! Sigurado kapag dinala sya sa impyerno mangangamoy plastik sa ilalim ng lupa kapag nasunog sya..
“parang super close kayo nung pinsan mo noh?” ngiti ni Thomas naglakad naman ako palabas. Sumunod lang sya sakin. CLose..? Wtf!
“ Di kami masyadong close nun.”
“ Talaga sabi niya close daw kayo eh.”
“ sabi niya.?”
“ Yeah..” natawa naman ako ng payak. Adik ba sya. Baka si satanas yung close niya di ako.” gusto mo manuod ng fountain sa labas.?”
“ Ayoko.” iling ko habang pasakay kami sa scalator. “ ikaw baka gusto mo.?”
“ Makikita naman yun sa room mo.. Dun ko nalang papanuorin.” ngiti niya. “ buti nakakalakad ka na ng maayos. Hindi na ba masakit.?” Humugot lang ako ng malalim na hininga saka umiling. Kagabi yung nangyare samin nakaramdam ako ng sakit pero yung ligayang dulot nito sa puso ko.. Hindi ko masukat yung ano niya.. I mean yung yung ligaya haha.
Hanggang makarating kami sa tapat ng elevator. Nilagay ko lang sa bulsa ng pantalon ko yung kamay ko.
“ Alam mo bang ganyan itsura mo nung una tayong magkita sa building natin.?” saad niya napalingon naman ako sa kanya kita ko lang yung ngiti niya sa labi. “ yung hand mo nasa pocket tapos nakatingin ka dun sa taas ng elevator kung nasaang floor na to.”
“ And.?”
“ mahal mo ko di ba.?”
“ Oh.?”
“ Stephan dapat importante sayo yun.. Kung saan tayo unang nagkita.? Yung mga ganyang bagay.?” Natawa naman ako. “ why.?”
“ Sigurado ka bang di mo ko gusto Thomas.?”
“ Yeah.. Forever erika to.” taas noong saad niya habang nakataas yung kaliwang kamay niya. “ forever ERMAS to.”
“ ERMAS..?”
“ Erika plus Thomas.?” ngiti niya.
“ Whatever.” Kibit ko ng balikat hanggang bumukas yung elevator sabay lang kaming pumasok dito.. Habang nasa loob ng elevator kita ko lang yung pagseryoso ng mukha niya. “ why.?”
“ Di ko maalala kung kailan kami unang nagkita ni erika.?” ngiwi niya.
“Tapos yung una natin pagkikita naalala mo.? So sweet.”
“ Eh bata palang kasi magkasama na kmi nun .. Simula nung namatay si moomy parang naging magkapatid na kami. Hanggang isang araw nagising nalang ako na mahal ko na sya.”
“ Ouch.” bulong ko.
“ mahal ko si erika.”
“ Ouch sabi eh.?” ngiti ko natawa naman sya.
“ Inulit ko para baon na baon.” Saad niya bumukas naman yung elevator pero hinarangan niya ko.
“Why.?”
“ dun tayo sa floor namin.” pindot niya sa 22. Hanggang sumara to at maramdaman ko yung pagangat.
“ Bakit.?”
“ Wala lang.”
“ ayoko.”
“ Ssh shut up.” ngiti niya hanggang muli tong bumukas. Lumabas lang kami dito.
“ano ba kasi yun.?”
“ namiss ko kasi si erika eh.” ngiti niya saka kumatok sa isang pinto ilang sandali pa ng bumukas to. Bumungad lang samin si erika na nakared dress.. Kita ko naman yung pagnganga ni thomas. Wow she’s really beautiful kung hindi ko lang sya kadugo baka niyaya ko na sya makipagdate.
“ what.?” taas ang kilay na saad nito.
“ Uhm bakit ganyan suot mo.?”
“ Uhmm.. Hahanapin ko yung forever ko sa baba..? Maganda ba ko.?” ngiti nito. “ hi Stephan.”
“Hi.. You’re beautiful.” pilit na ngiti ko.
“ Salamat.. So ano kailangan mo lalakeng may balat sa kili kili.?”
“ Erika..?” ngiwi ni Thomas.
“ Just kidding eh ano nga yun.?”
“ namiss kasi kita eh.. Sama naman ako kung san ka pupunta.?”
“Retarded ka ba.. Maghahanap ako ng forever.?”
“nahahanap ba yun.?”
“ Opo.. At sure ako na hindi ikaw yun baby boy.”
“ Erika mahal kita.. Infidelity yang gagawin mo eh.? Alam mo bang pwede maging lead ng divorce yan.” nguso ni thomas.
“hindi po tayo.?”
“ Pero mahal kita.” pacute na saad ni thomas. haixt.
“ Hindi naman mahalaga kung mahal mo ko.. Ang importante hindi kita mahal. Gets mo.?” ngiti ni erika umiwas naman ako ng tingin.. Spell tanga si thomas. Haha.. “ kung wala ka ng kailangan.. Sasarado ko na to kasi magmemake up pa ko.?”
“ Erika..?”
“Thomas.. Kailan mo ba marerealize na kapatid lang ang turing ko sayo.. So alis na.” ngiti nito saka sinara yung pinto. Pumunta naman ako sa harap niya para pagmasdan yung itsura niya.
“ Kapag sinasabi ko ba sayo na si erika yung mahal ko. Nasasaktan ka.?” bagsak ang balikat na saad ni thomas.
“Oo naman..” saad ko pinalobo niya naman yung pisngi niya saka naglakad pabalik sa elavator.
“ Sorry huh.”
“ why.?”
“kasi sobrang sakit nung nararamdaman mo.?”
“ Okay lang..”
“ Gusto ko lang naman ng magandang love story eh.”
“ano bang love story gusto mo. Pagtatrabahuhan ko.” ngiti ko sa kanya pagpasok namin sa elevator.
“ Yung may prince and princes.. Hindi ka naman babae kaya hindi mo kaya yun.” pilit na ngiti niya. Natameme naman ako. Ang hirap nga nun. “ sorry.” pilit na ngiti niya.
“ Okay lang. Sa katawan mo lang masaya na ko.” saad ko bumukas naman yung elevator.
“ Stephan Uhmm..”
“ what.?”
“ Turuan mo kaya akong mahalin ka.?”
“ Ang love hindi natuturo pero pwede mong pagaralan.” ngiti ko sa kanya.
“ Straight nga pala ako noh.?”
“ tanong ba yan.?”ngiti ko.
“ Hindi.. Ang ganda nung kulay ng damit ni erika.. Siguro bagay sa buhok mo yun..?”
“ Ang alin.?” ngiwi ko.
“ red hair.?”
“ Tama si erika retarded ka nga.”
“ Sasagutin kita kapag kinulayan mo ng red yang buhok mo at pagaaralan kong mahalin ka.” binigyan ko naman sya ng di makapaniwalang tingin pero isang matamis lang na ngiti lang binigay niya sakin.. Haixt. Fuck this super cute creature na nasa harap ko.. Haixt Makapagdavid salon nga paguwi sa pilipinas.. Shet!
SI JOSEPH
Naginat inat lang ako pagmulat ng mata ko.. Haixt nakatulog pala ko. Umupo naman ako sa kama saka hinanap ng mata ko si Chris.. Nakita ko lang sya sa bintana habang walang saplot na kahit ano. Tumayo naman ako saka kinuha yung bathrobe niya at sinuot yung sakin.
“ Pwede chris suotin mo to.?” batok ko sa kanya saka tumanaw din sa bintana. Narinig ko naman yung mahina niyang tawa. “ what.?”
“ wala ang ganda nung fountain.. 8PM na kaya.” lingon niya sakin habang sinusuot yung bathrobe niya. Grabe gabi na pala.. Kanina after namin maglunch dumeretso na kami agad dito sa kwarto.. Aixt nasa honeymoon ba kami haha.
“ Masaya ka ba Chris.?” saad ko habang nakatingin sa mukha niya.
“ Sobra kasi magkasama tayo ngayon.” Ngiti niya habang nakatanaw sa fountain sa baba ng hotel. Pumunta naman ako sa likod niya saka sya niyakap. Ramdam ko naman yung paghawak niya sa kamay ko.
“ang bango mo Chris.” amoy ko sa leeg niya di naman sya sumagot. “ Chris.?”
“ Uhmm.?”
“ Nevermind.” saad ko.
“ Joseph tandaan mo huh.. Mahal kita pero hindi ako tanga.”
“ What.?”
“ Yung ginawa mo kagabi.”
“ ano.?”
“ Kung iniisip mo na iwan ako dahil sa pamilya mo or sa mga harris.. Wag mo na subukan kasi di kita papayagan.” natigilan naman ako saka humiwalay sa kanya.. “ Joseph hindi ako tanga.. Yung ginawa mo kagabi pinaramdam mo sakin kung gano mo ko kamahal pero pinaramdam mo rin na iiwan mo na ko.”
“Chris.. Uhm kasi..”
“ shut up.” lingon niya sakin.
“ Fuck you ayoko magshut up!”
“Shut up shut up. Kasi kahit ayaw mo kasama mo ko sa pagharap sa kanila. At hindi ako papayag na masakatan ka ng mga halimaw na yun.”
“ Chris naman eh.!.”
“ Wag mo na ituloy..nangako ako sayo na di kita iiwan.. At nangako ka din di ba.?”
“Ibrebreak ko na yung promise ko.” Simangot ko. Haixt ayoko lang naman madamay si Chris eh.. Laban ko to.. At kung may masasaktan man dapat ako lang.
“Okay lang pero yung promise ko hindi ko ibebreak.. Kung iiwan mo ko wag kang umasa na susuko ako.. You know me joseph.. Kung pano ako magmahal at kung pano ako lumaban kapag mahal ko yung tao. Gagawin ko lahat kahit ipagtabuyan pa ko.. kung kailangan kidnapin kita mailayo lang sa mga harris na yan gagawin ko.”
“ Chris pinapangunahan mo ko.”
“ And so.?”
“ haixt.” buntong hininga ko. “ ayoko lang na..madamay ka.”
“ gusto kong madamay at wala kang magagawa joseph.”
“ Makikipagbreak nako sayo.! At fuck you kung hindi ka papayag!” gigil na saad ko natawa naman sya ng payak. “ seryoso ako Chris.?”
“ Sabihin mo munang di mo ko mahal.?” saad niya nakagat ko lang yung labi ko..shet ang hirap naman nun.. Kaya kong itago yung nararamdaman ko pero yung magsinungaling.. Haixt yun ang mahirap. “ ano sabihin mo.?”
“ Fine fine!!!” inis na saad ko saka pabagsak na nahiga sa kama. “ chris di mo kasi naiintindihan eh.. Madadamay ka.? Pwede ka nilang saktan or worse patayin tingin mo kaya ko yun huh. Ayoko na maglibing ng taong mahal na mahal ko.”
“ Wala akong paki.. Kung mamatay man ako atleast alam ko na hindi kita sinukuan at hindi kita iniwanan.” ngiti niya saka pabagsak din na nahiga sa tabi ko.
“ Chris.?”
“ Joseph. Forever.?” yakap niya sakin.. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka hinawakan yung kamay niya. “ walang iwanan.? At ngayong nabottom na kita may dahilan na para sundin mo ko.”
“ gago.”
“ I love you.” ngiti niya sumimangot naman ako. “Joseph I love you not because of who you are or what you have but beacuse of what I feels. I care for you not because you need care but because I want to.. At ito ang tandaan mo I’m always here for you not because I want you to be with me but bacause I want to be with you.” seryosong saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. “yung mga salitang I’m always here for you.. Joseph kahit kailan hindi mababago yun.”
“ Chris.. Di magiging madali to.?”
“ Di madali pero kakayanin natin.”
“ kainis ka naman eh. Ayoko lang naman madamay ka eh.”
“ Shut up babe..” saad niya saka ako pinatungan. “ Pero ang sweet nung fountain moment natin.. A moment to remember.” ngiti niya saka ako hinalikan sa labi. “ tutulungan kita Joseph..”
“ Chris.?”
“ Ano ba..? Parte na ko ng buhay mo joseph at kahit anong mangyare di kita iiwan.”
“ Kainis ka.!” inis na saad ko natawa naman sya.
“ yung kuya mo nandito rin sa bellagio.”
“ I know nakita ko sya kanina.”
“ Hindi ka niya malapitan kasi nandito si Jert at si Vincent.. Alam mo yung kuya mo mabait sya.”
“ Oo na mabait sya.. Tangap ko na nga di ba..?”
“ Goodboy..” ngiti niya. “ yung nangyare kagabi.. Babaunin ko yun habang buhay.. Dito.. Sa puso ko.. Na minsan sa buhay ko hindi ko lang basta naramdaman na mahal mo ko.. Kundi naramdaman ko kung gano mo ko kagusto protektahan. “
“ Pumayag ka na Chris makipagbreak ako please.?”
“ Shut up.”
“ Aixt.”
“ Finally nakita kong sweet ang isang Joseph Arthur Mendoza Reyes sa ilalim ng napakagandang langit ng Las vegas Kasabay ng nagsasayaw na tubig mula sa fountain ng bellagio and that moment..Is probably the best moment I will treasure forever.” saad ni Chris di ko naman mapigilan yung kislap sa mata niya. Yung napakagandang mga labi at sobrang tangos na ilong. Chris may not be perfect but for me.. He is beyond perfection.
Araw ng flight namin pabalik sa Pilipinas. Halos isang linggo din namin inenjoy yung hotel na yun.. Party sa gabi, pamamasyal sa paligid., shopping. Ang kakaiba sa bakasyon na to.. Mas naging matatag kami ni Chris. Na alam ko na hindi niya ko iiwan kahit anong mangyare.
Nasa labas na kami nun ng hotel habang hinihintay yung maghahatid samin sa airport ng isang magarang sasakyan yung huminto. Agad lang tong binuksan ng valet ng hotel.
Halos lahat ng tao dun nakatingin sa kotseng yun. Parang tumigil yung paligid.. No.. Parang kailangan tumigil ng paligid para lang makita yung tao sa loob ng sasakyan na yun.
hanggang bumaba dito yung isang matanda na may makapal na salamin sa mata. Shit! That’s him.. The last person na dapat di ko makita.. Ang taong pumatay sa daddy ko at dahilan kung bakit nasira yung pamilya ko..haixt.. Humugot lang ako ng malalim na hininga para paluwagin yung dibdib ko.. Baka bigla ko syang hampasin ng maleta ko. Bwiset!
“ Tito Vincent.” tawag dito ni Justin napalingon naman to.
“ Thomas.. Aalis na kyo.?” saad nitong pinagmamasdan kami. “ Mr. De Guzman.” tango nito sa daddy ni erika.
“ Yes tito kailangan na namin bumalik sa pilipinas eh.”
“ Uhm I see.. Thomas yung favor ko sayo huh.”
“ Uhm tito di ko pa sila nakakausap.?”
“ Ganun ba.. Okay guys I just want to formally invite you on my 6oth birthday next week.” ngiti nito samin napatingin naman ako kay erika.. “ gusto ko sana tumugtug kayo sa birthday ko.”
“ Mr. Harris right.?” ngiti ko.
“ Yeah Joseph... Nakakahiya aminin sa age kong to na fan ako pulsar so gusto ko kayo maging guest sa birthday ko.”
“ Sure.” I smiled while glaring at him..Ilapit mo ko sayo Mr. Vincent at sisiguraduhin ko ang pagbagsak mo. “ tutugtug po kami sa birthday niyo.. It’s our pleasure”
“totoo.?”
“ Yes Mr. Harris. So happy birthday in advance.” ngiti ko.
“ Ok thank you I have to go may meeting ako today. Have sa safe flight and see you guys on my birthday..” saad nito saka naglakad papasok ng hotel. Hindi mo talaga masasabi kung sino ang mabait at kung sino ang hindi. while staring at Mr harris narealize ko mukha syang mabait..haixt ang nagagawa ng pera.
“ Joseph.” saad ni Chris tumango naman ako sa kanya..
“ Hoy joseph Di ba dapat alamin mo muna yung schedule natin kay ren.. Patay tayo niyan eh.?” ngiwi ni Justin.
“ Justin di ba.. Part ng harris group of Companies ang SBR so parang ang bastos naman kung tatangihan natin siya di ba.”
“You’re right joseph.” saad ng daddy ni erika.
“ sabagay.. Si tito naman kasi pwede naman syang magask kay tita evelyn.. Bakit sakin pa eh.”
“ Pupunta tayo sa birthday niya Justin okay.”
“ It’s thomas.”
“ ewan.” ngiti ni Joseph. Kita ko naman yung pagiwas ng tingin ni Chris inakbayan ko naman sya.
“Joseph Para tayong papasok sa hawla ng mga lion sa gagawin natin.” bulong niya sakin.
“ sisiguraduhin ko Chris na hindi ako ang babagsak. Kundi sya.” mapait na saad ko.
“ Joseph birthday din ni Jonas next week.” saad ni erika.
“ wait anong araw yung birthday ni jonas.?” tanong ni Justin.
“ Saturday.?”
“ Okay.. Sunday yung kay tito Vincent.” ngiti nito. Tumango naman ako saka pinisil yung balikat ni Chris.
“ This is war Chris.. At sa gerang to ako ang mananalo.. Coz I’m Steven.” bulong ko.
Pagbalik namin sa Pilipinas agad na namin kinausap yung lawyer na kinuha ng daddy ni erika. Nakakuha din kami ng copy ng last will ni lola mula kay mommy para mapagaralan ng mga abugado ko yung dapat gawin at makuha ang mga ariarian na dapat sakin na inangkin na ni Vincent.. haixt
Makukuha ko lahat If I just show up. Well hindi ganun kadali yun kasi sisiguraduhin ko na bibigyan ko sila ng magandang palabas. Palabas kung saan ako ang bida.
SI KRISTEL
“ Mom kailangan stunning, beautiful and gorgeous ako sa party ni tito vincent.!” Saad ko habang namimili ng damit sa isang botique sa isang mall. I mean hind i ako namimili.. Nagpapanic ako! kasi ilang araw na lang birthday na ni tito vincent at hindi ako papayag na hindi ako maganda sa gabing yun.
“ Bakit naman kasi biglaan yung party ni vincent.. Di tuloy tayo nakapagpatahi ng damit.” reklamo ni mommy.
“ Di mo ba alam kung bakit mom.?”
“ bakit nga ba.?”
“ Si Steven sabi ni tito Vincent pupunta sya.”
“ seriously..? Alam na nila kung sino si snow white.?”
“ Yes mom..”
“ sino kilala ko ba.? Kilala mo ba.?”
“ Hindi mom eh.. Pero sabi ni tito. Magugulat daw tayo.. Sana lang wag maggate crash yung aulric na yun kasi kung hindi? Mom hindi ko sya uurungan.!”
“ Ok .. So kailangan mo maging gorgeous that night para wala syang mailait sayo and one more thing.. Bawasan mo kasi yung make up mo huh.”
“ mom.”
“ Kust kiddding anak..” ngiti nito. Gigil ko lang na tinumba yung stante ng mga damit. “ Damn it! Wala bang maganda sa botique na to! Puro basura!” sigaw ko sa sales lady na andun.
“ Ma’am kristel may mga bagong dating po na damit.. Kinukuha lang po.”
“ What.. Pinaghihintay mo ko.?”
“ Ma’am.?”
“gusto mo ba matanggal sa trabaho mo huh!” sigaw ko dito natawa anman si mommy. “ mom I’m serious!”
“ Pwede ba kristel relax.?”
“ Mom pano ako magrerelax? Shit!!”
“whatever anak.?” irap ni mommy sakin.” look I love this purple dress.. I think bagay sayo to.” taas ni mommy ng damit.. Pinagmasdan ko naman to. Tube to na lampas tuhod ang haba na may mataas na slit sa gilid.. “lalabas yung ganda katawan mo at puti ng legs mo sa damit na to..”
“ tingin mo mom.?”
“Of course.. Kunin mo na to.” saad ni mommy saka naglakad palabas ng botique. Umikot lang yung mata ko.. Bakit ba wala man lang sumusuporta sa pagiging maganda ko.! Haxit kainis simula nung sinabi ni Joseph na hindi ako maganda.. Pakiramdam ko kailangan ko ng mageffort ng husto sa itsura ko.. Kainis talaga!!! I really hate him.
Kinuha ko lang yung cellphone sa bulsa ko saka dinial yung number ni Tricia. Ilang sandali lang tong nagring.
“best why.?” sagot niya.
“ Best di ba maganda ko.?”
“ Uhm yes best pero.”
“bakit may pero!!” inis na saad ko.
“fine sige na nga best.. Erase na yung PERO.. You’re beautiful okay na ba..naglolovemaking kasi kami ng asawa ko eh.?”
“What.. Sobrang laki na ng tyan mo best.?”
“ hoping maging kambal best!! Pinaglilihian ko si joseph and Chris eh.” natatawang saad niya.. Haixt gigil ko lang pinatay yung cellphone ko. Puamdyak lang ako sa inis hanggang mapansin ko yung sales lady na nakatingin sakin. “ what!!” sigaw ko.
“ Maganda po kayo ma’am pero..?”
“tinatanong ba kita..!!!” gigil na saad ko saka patakbong lumabas sa botique na yun.. Haixt maganda ako.. Magandang maganda.!
SI ERIKA
Nakatulala lang ako habang iniisip yung nangyare sa las vegas. Haixt best vacation ever. Dapat maulit uli yun at dapat kasama na ang buong barkada.
“ Hui nakatulala ka.?” gulat sakin ni daryll. Naka apple apron to habang naghihiwa ng gulay.
“ ano iniisip mo erika.?”
“ franz Bukas na yung Birthday ng Mr. Red lips ko so dapat maaga kayo magsara huh.” nakataas ang kilay na saad ko habang nasa loob ng kusina ng resto nila franz.. Kasalukuyan silang busy nun sa pagluluto.
“ Yes erika.” ngiti ni daryll.
“ Ang init dito grabe.” simangot ko.
“ eh bakit kaba kasi nandito,?” ngiti ni Franz.
“ May tatanong lang kasi ako kay daryll..”
“ ano yun.?”
“ about Jert Harris.?” seryosong saad ko natigilan naman to. “ ano alam mo sa kanya couz.?”
“ anong name? Jerk.? Ang sarap naman ng pangalan niya my god. Yummy ba yan.?” natatawang saad ni Franz.
“ shut up franz.” simangot ko hinubad naman ni Daryll yung apron na suot niya saka sinabit sa lagayan.
“ Bakit nagkita kayo.?” saad niya habang pinupunasan yung pawis niya.
“ Yeah sa las Vegas.”
“ really so nasa las vegas pala sya ngayon.”
“ Bakit Couz.?”
“ hindi mapagkakatiwalaan yung taong yun. Trust me.. Mukha syang mabait pero demonyo sa loob yun.”
“ What.?”
“ Nakasama ko na sya sa Vegas.. Nung isang beses na binisita ko si stephan.. Ibang iba sya sa pagkakakilala ng marami. Bukod sa bakla yun .. Kilalang drug dealer yun.” Sarkastikong saad nito.
“ what.!?”
“ don’t tell me gusto mo yun.?”
“Ang cute niya eh. Saka ang tangkad...”
“ may gusto yun kay stephan kaya asa ka.”
“ lahat nalang nakakainis! Tapos drug dealer pa..? Fuck!” simangot ko narinig ko naman yung pagtawa ni franz. Kinuha ko lang yung sandok saka binato sa kanya.
“ aray naman..?”
“ Ewan ko sayo franz!” simangot ko natawa naman si daryll.
“ teka erika di ba may nakilala ka sa Las vegas.. Ano name nga nun.?” ngiti ni franz habang nagpupunas ng kamay. Natigilan naman ako saka napangiti.
“ Oh my god franz!!” kinikilig na saad ko. “ he’s so handsome..! Kakalimutan ko na yang Jert na yan.”
“ ano name nun.?”
“ Tyler.. Ang gwapo niya franz promise. Nagsayaw kami the whole night at eto pa ayaw niya na bitawan yung kamay ko.!!!” ngiting ngiti na saad ko.
“ haixt girl talk.. Smoke lang ako sa labas franz.” ngiti ni daryll saka lumabas sa kusina.
“may nangyare sa inyo.?”
“Muntikan!!”
“ Oh my god.. Bakit muntikan lang.?”
“Eh kasi si daddy eh.. Sana pala dun nalang kami sa hotel room niya haixt sayang talaga.. Pero franz nakapa ko! At ang laki.” ngiti ko nakagat naman niya yung labi niya saka tumirik ang mata.
“ Oh my god.. Straight naman sya siguro noh hello as in hello alam ko nauubos na ang straight sa mundo kaya kailangan mo ng kumilos!!”
“ I think nakita ko na sya franz.. And that is Tyler.straight sya at sigurado ako dun..” kinikilig na saad ko.
“ waaaaaaahhh.. May I see his picture.?” saad niya kinuha ko naman yung phone ko saka pinakita sa kanya yung picture nung lalakeng nakita ko sa las vegas. Natigilan naman sya.
“ Ang gwapo di ba.. Super angelic nung face.”
“ uhm..” ngiwi niya.
“ Why ang gwapo di ba.?”
“ Yeah. Pero erika sa sobrang gwapo niya mas mukha na syang babae kesa sayo.” ngiwi ni franz.. Sumimangot naman ako.
“ Franz straight sya.. Nasa faith yan!’ irap ko sa kanya. Napalunok naman sya saka tumango
“ Faith.. Pagdadasal ko na straight sya.” saad niya saka bumalik sa niluluto niya.. Napanguso naman ako habang nakatingin sa picture ni tyler.. Ang angelic nung face. Saka ang gwapo naman talaga ah.. Pero lagyan lang ng make up at mahabang bhok.. Haixt mukha nga syang babae.. Haixt.. San ba ang pabrika ng straight na lalake.. Damn it pupuntahan ko!
SI JOSEPH
Nakaharap ako sa salamin nun habang pinagmamasdan yung sarili ko repleksyon. Gano ba ko katapang.. Kaya ko ba talaga to.
“ Joseph we need evidence.” saad ni Stephan habang nasa cr si Thomas. Dinala ko lang sya sa kwarto namin ni chris.
“ anong evidence.?”
“ 70% ng share ng harris group of companies sayo nakapangalan yung 10% kay tito Vincent at yung other 20% ay sa mga partners ng company. Base sa source namin binibenta na ni tito Vincent yung mga shares mo.”
“ What.? Pano niya nagawa yun.?”
“ Di mo alam ang kayang gawin ng hayop na yun., nagdidispalko din sya ng pera na galing sa company at kailangan mo makakuha ng ebidensya para mapatalsik sya sa pamumuno ng HGC kasi kung hindi. Magigising nalang tayo na lugi na yung company at nakuha niya na lahat ng pera mula sa pinaghirapan nila lolo.”
“ anong ibidensya ang kailangan.”
“ I dont know.. Hindi ako invited sa party niya sa Sunday pero ikaw oo.. At kailangan mo makapasok sa office sa bahay niya. Sigurado ako may makikita kang ebidensya dun. Specially sa computer niya.”
“ Pero kuya mahirap yun at wala akong alam sa computer.”
“ I know.. Fuck. Hindi ako pwedeng kumilos kasi sigurado si mommy ang babalikan niya. Damn it.” gigil na saad nito.. Humugot naman ako ng malalim na hininga.
“ I’ll do something para makapasok sa office niya.” iwas ko ng tingin.
“ Joseph delikado yun.?”
“ Ako ang kailangan niya kaya ako ang dapat kumilos.” Bumukas naman yung pinto ng kwarto. “ chris.”
“ Hi stephan.” ngiti nito.
“ Hi chris.”
“ Stephan nasaan ka na ba.?” rinig kong saad sa labas ng kwarto hanggang sumilip si Justin. Kita ko naman yung tingin niya sakin.
“ what.?”
“ bakit nandito sa kwarto niyo si stephan.?”
“ naguusap lang kami.”
“ naguusap.? Di ako naniniwala.. Hoy stephan let’s go.” simangot ni justin tumayo naman si kuya saka lumabas ng kwarto..
“ Problema ni Justin.?”
“ malay ko.. Ano pinaguusapan niyo parang about computer.. You need help..?” saad ni Chris pagsara ng pinto. Nagkibit lang akong balikat.. Haixt I know delikado yung gagawin ko pero kailangan ko kumilos.
“ Uhmm wala lang yun.” ngiti ko saka sinuot yung jacket ko.
“ wala lang.?”
“ wala nga tara baka nasa airport na sila paul.” halik ko sa pisngi niya.. Ilang sandali naman syang nakatingin lang sakin kaya hinila ko yung kamay niya palabas ng kwarto.
Naabutan lang namin sa sala si kuya Stephan saka si Justin.. Kita ko naman yung sama ng tingin sakin nito.
“ bakit ganyan tingin mo sakin Justin.?”
“ Gusto mo ng sapak Joseph.. Thomas ang pangalan ko.”
“ whatever.. Bakit ganyan tingin mo sakin.”
“don’t mind him..” saad ni kuya.
“ Haxt fine sunduin lang namin si paul.” saad ko saka lumabas ng unit kasama si chris. “ ano problema ni Justin.?” tanong ko pagsakay namin sa elevator.
“ nagseselos..”
“ huh.?”
“ di pa niya alam na kapatid mo si stephan at ang alam niya may gusto sayo yung kuya mo.” ngiti ni Chris napanganga naman ako.
“gago ba si justin..teka gusto ni kuya si justin.?”
“ I think so.?”
“ WTF.?” ngiwi ko. “ Ngayon palang tutol na ko.”
“ At bakit naman.?”
“ Di sila bagay.. Putek kaya siguro nagpakulay ng buhok si kuya dahil kay justin.. Sasapakin ko talaga yung gagong yun.”
“ bagay naman kay stephan yung red hair.?”
“ Ewan may issue siguro sa hair color yang si Justin bwiset!..!” simangot ko paglabas namin ng elevator. Tumuloy lang kami sa parking area. Bago sumakay sa kotse may napansin lang akong lalaking nakamotor na nakatingin samin ni Chris. “what.?!” gigil na saad ko dito agad naman nitong pinaandar yung motor niya.
“ Sino yun.?” tanong ni Chris pagpasok ko sa kotse.
“ may epal na nagmamatyag satin.. At di ko sya bibigyan ng kahit anong may irereport sa boss niya.!”
“ Joseph.. Lumiliit na yung mundo mo.”
“ The hell I care.. Mas okay para sa oras na magkabangga kami ni Vincent.. Sisiguraduhin kong sya ang magigiba.” mapait na saad ko saka pinaandar yung kotse.. Di ako magpapatalo sa hayop na yun.
Napatay niya si daddy at siisguraduhin kong wala syang magagalaw sa mga mahal ko.
SI CHRIS
Pagsundo namin kay paul at geo tumuloy lang uli kami sa condo dahil sa tawag ni Ren. Pagpasok palang namin kita na namin yung kakaibang tingin nito..Dinala naman ni paul si geo sa kwarto nila para magpahinga.
“ why ano ba problema.?” saad ni Joseph pagupo sa sofa..
“ may kasalanan ka Joseph.” simangot ni Justin.
“Kanino sayo o kay ren.?” saad ko saka nagbigay ng naasar na ngiti.
“ Shut up chris.”
“asan na si stephan.?”
“ bumalik na sa condo niya... Istorbo kasi tong si ren eh.”
“ whatever Justin.”
“ Ren It’s thomas.”
“ I’m sorry.. Joseph alam mo ba yung gulo na ginawa mo sa las vegas.?” saad ni ren lumabas naman ng kwarto si paul saka tumabi kay joseph sa sofa.
“ nabasa ko yun.” ngiti ni paul sabay akbay kay joseph. “ biruin mo yun bro kaya mo palang gumawa ng ganun.? Ang sweet.”
“shup up paul.. For sure buntis si Geo ngayon.” simangot ni Jospeh natawa naman si paul.
“ Gago ka.. Wag kang maingay baka magising.”
“ So Joseph kahit nakamaskara ka halatang halata na ikaw yun.” saad ni ren. “ di ba talaga kayo nagiisip alam niyo bang pwede masira yung career niyo dahil dun at madedemanda pa kayo ng SBR sa oras na malaman ng madla yang relasyon niyo.. Haixt!” sermon nito. As always. Umupo naman ako sa sofa para si ren lang ang nakatayo nang mga oras na yun para kaming pinapagalitan ng isang ina haha.
“ Ilang article ba nagsabi na ako yung lalaking nakamaskara na yun.? Ang galing naman nila.”
“Ilang website pero ginawan na ng paraan ni Mr. Sanchez para di na kumalat.. Haixt pwede next time ayusin niyo yung kilos niyo tandaan mo joseph hindi ka isang solo artist.. Kapag nasira ang image buong banda sira!,”
“ naayos na pala bakit nagagalit ka pa.?” simangot ni joseph.
“Oo nga ayos na pala eh.. Ren oh.. may pinagdadaanan ka nanaman siguro sa lovelife mo.?”
“ Shut up paul. Wala kang pakialam sa lovelife ko.”
“ Sabi ko nga.” ngiti ni paul. “ mukhang hindi ka nadidiligan ngayon kaya siguro ang sungit mo.” asar pa ni paul na ikinatawa naming lahat.
“ baboy ng bibig mo paul.” suntok dito ni joseph.
“ May pandilig ako dito ren, gusto mo.? Ipon na ipon to.” natatawang saad ni Thomas. Binato naman sya ni Joseph ng pillow. “ hilig mo mangbato joseph.!”
“ Ang cute mo kasi.”
“ I know.”
“ Hindi nakakatuwa Paul and Justin..okay.?” seryosong saad nito. “Aixt Joseph wag mo na uulitin yun.”
“ Uulitin ko yun.. At wala kang magagawa.” simangot ni Joseph natawa naman si paul.
“ Once in a blue moon lang yun so mauulit yun kapag nagblue na ulit ang buwan.” batok ni paul kay Joseph.
“ At ikaw chris..?”
“ wala akong ginawa huh.?” ngiti ko.
“ Fine.. Yung tutugtugin niyo sa birthday ni Mr. Vincent harris okay na.. Bali 5 songs yun.. I know birthday ni Jonas bukas.. So pwede wag kayong magpakalasing kasi baka di kayo makatugtog sa Sunday.?”
“yes boss.. Hindi ka ba pupunta sa birthday ni Jonas.?”
“ Subukan kong humabol.. Busy ako eh.”
“kanino.?”
“wala ka na dun.?”
“KJ.” ngiti nipaul.
“ whatever paul.. By the way.. Nagbeach ka ba talaga bakit di ka man lang umitim.?”
“ Naka umbrella yan sa beach.” ngiti ni justin natawa naman ako.
“ gago ka Thomas.. Nakita ko yung status ni erika ah.. Inlove daw sya..?”
“ yeah at hindi kay Thomas.” ngiti ko.
“ Fuck you ka chris.”
“ Move on na kasi bro..” ngiti ni Joseph.
“ ewan sayo inyo. kapag ako nagkalovelife.. HU U kayo sakin.”
SI JOSEPH
Kinabukasan nagbibihis na ko nun para sa pagpunta sa party ni Jonas ng magring yung cellphone ko. Napalingon naman ako sa pinto ng Cr. Tuloy parin yung pagbuhos ng tubig mula sa shower..
Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka lumabas ng kwarto at sinagot yung tawag.
“ Can we talk.?” saad sa kabilang linya. Finally.. Humugot lang ako ng malalim na hininga.
“ Yes of course ma’am.”saad ko.
“ Antayin kita dito sa bahay.” saad nito.
“ Ok po pupunta po ako..” saad ko saka pinatay yung cellphone. Ilang sandali lang akong nakatingin sa hawak kong cellphone.. Finally.. Isang ngiti lang yung pinakawalan ko.
“ Sino kausap mo joseph.?” napalingon lang ako ng marinig si paul. Pinilit ko lang ngumiti saka umiling.
“ wala lang..”
“ Ows.?”
“ wala nga lang.. Namiss kita paul.”
“ Namiss din kita.. Okay ka na ba.?”
“ Yeah.. Tanggap ko na wala na si mama. Tanggap lang ng tanggap..right.”
“ Kung kailangan mo ng kaibigan nandito ako huh. Magkapatid na tayo eh.” tapik niya sa balikat ko natawa naman ako.
“ Wala ka man lang bang kwento sa maldives ninyo ni Geo.?”
“ well we really enjoyed it.. Ang magical nung place at dapat makita mo yun lalo na yung dagat sa gabi.. Bro super ganda..nagliliwanag yung dagat.” masiglang kwento niya.
“ really.”
“ Yeah.. Joseph may hindi ka sinasabi sakin..”
“ huh.?”
“ Kilala kita kapag may tinatago ka.. Ano yun.?” Seryosong saad nito tumungo naman saka pinilit ngumiti pero kasabay nun yung pagtulo ng luha ko. “ why.?”
“ Paul Thank you sa pagiging kaibigan..”
“ ano ba yun joseph.?”
“ Basta thank you.” pilit na ngiti ko. Napalingon lang ako ng makita si Justin na palabas ng kwarto habang nagsasapatos.
“ Guys let’s go late na tayo.?” saad nito saka naupo sa sofa para ayusin yung sapatos niya. Pinunasan ko naman yung mukha ko
“ invited ka ba.?”
“ Hoy invited ako kapal mo joseph huh.” ilang sandali pa ng lumabas na si Chris habang inaayos yung buhok niya.
“ Sino yung tumawag babe.?” tanong niya.
“ Uhmm.. Frank caller.” ngiti ko.
“ tara na nagtext na si Jonas eh.” saad nito naramdaman ko naman yung pagtapik ni Paul sa balikat ko tinanguhan ko naman sya
“ Ooopps guys.. Ang isang rule ngayong gabi.. Bawal malasing.” ngiti ko sa kanila ” kung hindi lagot tayo kay ren.”
“ copy.” saad ni chris.
“ Okay okay.” saad ni paul.. Sabay sabay lang kaming lumabas sa Condo saka tumuloy sa kotse ni paul. halos lahat kami mukhang tao ng gabing yun.. Nakaformal kaming lahat. Si Chris nakaGray na suit and slacks na tinernuhan niya ng Itim na black shoes. Ako naman simleng itim na suit lang at sweater sa loob.
“ paul pati ba dto sa kotse ginagawa niyo ni geo yun..grabe.” iling ni Justin natawa naman ako,
“ Lupit niyo paul.” ngiti ko.
“ tangina niyo..” natatawang saad nito saka nagspray ng pabango sa kotse.. Napabahing naman si Chris.
“ enough masakit sa ilong.” reklamo ni Chris..
“ Grabe naman kasi paul.” asar ko sa kanya.
“ shut up Joseph.. Alam niyo bang mas exciting kapag sa kotse ginagawa yun.”
“narinig mo Chris.?”
“ yuck kadiri kayo.. May straight kayong kasama pwede.. Ang baboy niyo.” reklamo ni Justin.
“ straight pero ano..”
“ Shut up..?” nilagay naman nito yung headset sa tenga niya. “ broken hearted ako ngayon so wag kayong epal kung hindi makakapatay ako.”
“ After ng bitter erika.. Bitter Justin naman ngayon.?”
“Bitter thomas pwede.?” he corrected.
“ Whatever..” ilang sandali pa ng huminto kami sa mansyon kung saan nakatira sila Jonas and Nicko. Pagkapark bumaba lang kaming apat..haixt ang laki talagang bahay nila Jonas.
“ wow.. Mukhang sosyal na party nga to ah.”
“ For sure ayaw ni Jonas to.” ngiti ko. Pagpasok palang namin sa gate natanaw ko na yung napakaraming mesa at yung mga eleganteng bisita na andun.. Halos lahat nakasuit and tie. Yug mga babae ay napakaelegante sa mga suot nilang mga gown.. Very classical din yung music na bumabalot sa lugar.
“ welcome guys.” salubong samin ni Jonas and nicko.
“ ang sosyal naman ng party mo.?” pilit na ngiti ko napakamot naman ng ulo si Jonas.
“ Si daddy patrick kasi eh.. Hi Chris and Thomas..”
“ Happy birthday.” bati ni Chris.
“ happy birthday din sayo.” ngiti ni Justin.
“ thanks guys.. Pasok kayo.” dinala lang nila kami sa isang malaking table kung nasaan sila erika, daryll at franz.. Andun din sila blue and aldred na gwapong gwapo sa suot nilang puting suit.
“ mga always late.” saad ni erika habang tumutungga ng wine.
“ Pasensya na kasama kasi namin si paul eh.” ngiti ko.
“hoy joseph.. Ako po pinakaunang natapos sa inyo magbihis.”
“ Eh sino may kasalanan bakit kayo late.?” napalingon lang kaming lahat kay justin.
“hoy teka bakit ako.?”
“ eh ikaw naman talaga.. San ka ba kasi galing.?”
“ Uhm sa tabi tabi lang. nagdilig.” pilit na ngiti nito.
“ yuck.” ngiwi ni erika.
“ Guys wag kayong mahiya ah.. Kung may kailangan kayo tawagin niyo lang kami ni nicko.. And pasensya na alam ko hindi niyo masyadong gusto yung ganitong party.. Don’t worry may lakad tayo mamaya.”
“ well ako I love it.” ngiti ni erika.
“ good.. Wait lang pasok lang kami.” saad ni Jonas.
“ sure.” naglakad naman papasok ng bahay sila nicko and jonas.
“ Ang sosyal ng party naman nito.?”
“ Pinakilala na kasi sila nicko and jonas na bagong magpapatakbo ng JNH. May sakit yata si Dr. Patrick.”
“pero di pa sila tapos di ba.?”
“ well tatapusin nila yun habang pinapatakbo yung Hospital.” saad ni daryll.
“ Cr lang ako babe.” ngiti ni chris saka tumayo tumango naman ako sa kanya. Naglakad lang to papasok ng mansyon/
“ Bigatin na yung dalawang yun.” saad ko lumingon naman ako sa paligid. Haixt. “ paul peram ng car mo.?” bulong ko kay paul.
“ why.?”
“May pupuntahan lang ako sandali. Dali akin na yung key.”
“san ka ba pupunta.. Baka hanapin ka ni Chris.?”
“sandali lang to.” ngiti ko kinuha naman niya sa bulsa yung susi saka inabot sakin. “ guys wait lang huh.” paalam ko sa kanila saka nagmamadaling lumabas sa lugar na yun. Pagsakay ko sa kotse ni paul isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka to pinaandar.
SI CHRIS
Nasa Cr ako nun ng may makasabay akong dalawang matandang lalake. Kita sa suot ng mga to na may sinabi sila sa buhay. Mukhang malalaking pangalan sa larangan ng medisina.
“ Mabait yung dalawang alaga ni Patrick and I think mapapatakbo nila ng maayos yung JNH so there’s nothing to worry about kumpare. Safe yung shares mo sa hospital.” saad nung isa.
“ Well I hope mabigyan nila ng bagong mukha ang JNH.”
“ Im sure kaya nila yun.Anyway are you invited sa birthday party ni Vincent Harris tomorrow.?” tanong nung isa na pumukaw ng atensyon ko.
“ Hindi ako pupunta but he invited me.?”
“ Why.?”
“ Kung itong party ni Jonas ay elegant.. Yung party ni Vincent ay Hindi.”
“ what.? For his age anong party gusto niya.?”
“ I think anak niya yung nagorganize nung party kasi Bar yung theme nung party niya. Dance and drink stuffs at tutugtog pa ang pulsar tingin mo bagay ba yun sa mga age natin.?” natatawang saad nito.
“ Really.?”
“ Yeah.. So I decided na wag nalang pumunta kasi i’m sure more of the guest on that party ay mga kabataan.”
“ Wow.. Mas okay siguro anak ko nalang yung papuntahin ko.. Di na tayo nasanay sa kaweirduhan ni Vincent.” saad nito. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pumasok sa Cr. May plano si Joseph bukas pero kung si Jert ang nagorganize nung party.. Sigurado ako mas maraming drugs bukas ng gabi kesa sa alak.. Haixt di ako papayag.
Pagbalik ko sa mesa namin hindi ko lang nakita si Joseph duon.
“ where’s Joseph.?” tanong ko kay Erika. Umiling naman to saka nagkibit ng balikat.
“ baka nasa piligid lang.?”
“ Si paul.?”
“ Pumasok sa loob.. Tinawag sya ni Jonas eh.”
“ Relax bro.. Di mawawala yung syota mo.” ngiti ni daryll natawa naman ako saka ininom yung wine sa harap ko.
“ Chris you’re so hot.” ngiti ni franz napakamot naman ako sa ulo.
“ Mine shut up.”
“ Mine gusto ko lang kausapin si Chris.”
“ Okay .. Pero “
“ Mine ..” ngiti ni franz tumango naman si daryll. Lumipat lang si franz sa tabi ko saka nagbigay ng super smile. “ Chris ang gwapo mo.” bulong nito.
“ Mine I can hear you.” saad ni daryll natawa naman ako.
“haixt Uhm chris. Ingatan mo si Joseph huh.”
“ Oo naman.. Iingatan ko sya. Mahal ko yun.”
“ ang swerte niyo.. Gwapo ka gwapo sya.. Nganga si erika.?” ngiti nito natawa lang ako ng batuhin to ng lemon ni erika.
“ Shut Up franz., Hoy chris yung sabi ko sayo huh.. Kalaban mo ang buong barkada kapag nasaktan si Joseph.” ngiti ni erika.
“ Kita mo to Chris.” Saad ni daryll habang piniflex yung braso niya. “ kapag nasaktan yung alaga namin elephant dudurugin kita.”
“ Don’t worry guys.. Sigurado akong hindi sasaktan ni chris si Joseph. Matindi magmahal yan.” ngiti ni aldred.
“ I agree.” saad ni blue habang nakatingin sakin tinanguhan ko naman sya.
“ haixt Sana forever na kayo chris.” ngiti ni franz.
“ Oo naman.. Nahanap ko na yung taong mahal ko at mahal ako.. So bakit ko pa papakawalan.. Forever na to kahit tumutol pa ang lahat ng mga planet sa universe.. Kakampi namin ang mga stars.”
“ Wow.. Sweet.” ngiti ni blue.
“ shut up blue..” ngiti ni erika inakbayan naman ni aldred si blue.. Haixt seloso parin sya hanggang ngayon.. Well sabagay.
Halos magiisang oras ng di ko nakikita si Joseph.. Sabi ni paul nasa tabi tabi lang daw. Haixt nasaan na ba sya. Nagpasya lang akong tumayo saka nilibot yung lugar.
SI JOSEPH
Pinunasan ko lang yung mukha ko saka lumabas ng kotse. Nang masiguradong ayos na yung itsura ko nagpasya na kong pumasok sa loob ng mansyon nila Jonas.
“ Si Chris.?” tapik ko kay paul.
“ang tagal mo san ka ba galing.. Kanina ka pa hinahanap ni Chris.?”
“ sa tabi tabi lang.” ngiti ko.
“ Nagdilig ka din Joseph.?” ngiti ni Thomas.
“Gago.. Hi geo you’re here na.” ngiti ko.
“ Nalate eh.. Kamusta.?”
“ Okay lang.”
“ Si Ren nandito na din..” saad ni Franz.
“hoy bulag ang gwapo mo ngayon.”
“ Elepante ka..lagot ka kay Chris kanina ka pa nun hinahanap.” Saad nito umupo naman ako sa upuan saka uminom ng wine.
“ Saan ka galing.?” bulong ni paul.
“ May inayos lang.”
“ Naayos mo ba.?”
“ kailangan may masira bago maayos eh.” plit na ngiti ko.
“ what.?”
“ Don’tmind me.” saad nito.
“ Guys let’s go.” saad ni Jonas habang may hawak na bote ng Jose Cuervo.
“ san tayo pupunta.?” tanong ni erika. “ saka isang bote.. Ang cheap.?”
“ ito pa oh.?” Ngiti ni ren habang hawak pa yung dalawang bote.”
“ woooww..” saad ni Franz.
“ Nasa akin yung lemon and salt.” saad ni Chris sa likod nagtama naman yung mata namin.. Binigyan ko lang sya ng ngiti.. Haixt Chris. “ Hoy san ka galing.?”tanong nito.
“ Uhm sa bahay lang.” ngiti ko.
“Okay guys let’s go nakapagpaalam na ko kay Lola and Dr. Patrick.” saad ni Nicko habang pinaglalaruan yung susi.
“ san ba tayo pupunta. Late na masyado.?”
“ Magiinom.. Tara na.” saad ni Jonas saka naglakad palabas sumunod naman kaming lahat dito. Hanggang makarating kami sa Van. “ kailangan magUBE muna tayo.. Babalik na kasi kami ni Nicko sa new york sa susunod na araw eh.. Mamimiss nanaman namin kayo sigurado.” saad ni Jonas saka umupo sa driver seat.
“ wow dala yung guitara.?” saad ko saka kinuha sa likod yung guitara.
“later Joseph.” agaw ni Erika saka binalik to sa likod. Magkatabi lang kami ni Chris at thomas. Si Nicko naman nasa unahan katabi si Ren, si Daryll, erika, franz, geo nasa pinakalikod, si Paul. blue and aldred sa harapan nila. Nakakatuwa na magkakasama kami ngayon. Di mo aakalain na dati or minsan sa buhay namin.. Hindi kami nagkasundo sundo.. May dating magkakaaway, may dating nagkakainisan pero heto kami magkakasama. Isang barkada
“ Wait Jonas ano yung UBE.?” tanong ni daryll napalingon naman kaming lahat dito.. Pagong alwayse be a pagong hahaha “ oh di ko alam eh.? Nakakain ba yun.?”
“ Mine ULTIMATE BARKADA EXPERIENCE!! And I’m so excited..!” sigaw ni franz.
“ Ang ingay mo Franz.” simangot ni erika. Habang nagdadrive si Jonas nagkakatahan lang sila sa likod. Haixt barkada,? Sila yung mga taong pwede mong maging pangalawang pamilya.
“ love me like you do.. Oh love me like you do.. Touch me like you do..” sabay sabay nilang kanta sa likod na ikinatawa ko.
“ napanuod niyo na ba guys yung Video nila sa makasaysayang fountain ng bellagio.?” saad ni paul.
“ Super nakakakilig yun!!!” oa na saad ni Franz.
“ gusto mo ng sapak franz.?” banta ko sa kanya.
“ I love you joseph.?”
“ daryll oh I love you daw.?”
“ joke lang mine..”
“ just realize ako lang pala ang babae.?” ngiwi ni erika.
“ Erika ano tingin mo sakin.. babae kaya ako.” ngiti ni franz natawa lang ako saka sya binato panyo.
“ Si shrek ka di ba.. Di ko alam pinangarap mo rin palang maging si fiona.?”
“ gago You joseph.” simangot ni franz.
“ sino si fiona.?” tanong ni daryll.
“ Uhmm babaeng pagong yun.” saad ni paul.
“ tanga babae yun na may sanga sa tenga.”
“ Babae yun na nilumot dahil sa tagal na walang sex.” natatawang saad ni Justin.
“ Spell JUSTIN.. Na may lumot?” asar ko dito.
“ Sorry ka Joseph.. May sex life na ko.”
“ sino.?”
“ secret..”
“ wow so move on ka na kay erika.?” tanong ni paul.
“ Busted na ko eh.. Edi hanap na ng iba.?di ba kitty.?”
“ good for you Thomas.. Love you lil bro.. Saka may Tyler na ko noh.?”
“ who’s tyler.?”
“ secret din.”
“ paakyat tayo sa bundok.?” tanong ni chris.
“ yap.” saad ni Nicko. Habang binabaybay nung van yung pataas di ko lang mapigilan mapanganga nang makita yung ganda ng mga ilaw sa lugar sa baba.. Shet ngayon lang ako nakapunta dito. Hanggang tumigil kami sa isang pabilog na straktura na napapalibutan ng mga halaman sa gilid. Sa pinakatutok nito may puno.
Isa isa lang kaming bumaba sa Van habang namamangha sa ganda nung lugar.
“ Welcome sa duhat Tree.” ngiti ni nicko.
“ wow..” manghang saad ni franz.
“ Ang ganda.” ngiti sakin ni Chris marahan naman akong tumango sa kanya.
“ may ganitong place pala here.?” ngiti ni Ren.
“ wow Ren you’re smiling bago yun huh.” ngiti ni paul.
“ Shut up.”
“ Yung guitara Joseph.” abot sakin ni justin ng guitara. “ ganda dito huh.. Ang bango ng hangin.”
“ tara akyat na tayo.” saad ni Jonas.. Nagkatinginan naman kaming lahat saka nagunahan sa pagakyat.. Nang mga oras na yun puro tawanan lang yung naririnig ko. Bilang Joseph napakaswerte ko kasi hindi lang si mama yung binigay sakin. Kundi mga tunay na kaibigan.
Pagakyat namin magkakatabi lang kaming tumanaw sa buong paligid.. Napakaganda nito.. Yung mga ilaw sa mga bahay.. Pag tingala ko kita ko lang yung bilog na bilog na buwan at makikinang na mga bituin sa kalangitan. Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung paghawak ni Chris sa kamay ko.
“ Ang ganda dito Joseph.” ngiti niya.
“ Super.” sangayon ko.
“ guys game na.” saad ni Jonas paglingon namin may nilatag na syang tela sa tabi ng puno. “ shot shot shot..!” ngiti nito kinuha naman ni erika yung bote.
“ at dahil ako lang ang babae dito ako ang tangera.”
“ Erika I’m here kaya.” simangot ni franz.
“ Shut up fiona.” ngiti ko binatukan naman niya ko. “aray naman franz.”
“ Ako na maghihiwa ng lemon. I love lemon kaya.” saad ni justin habang hawak hawak yung mga lemon na dala namin. Binuksan naman ni Nicko yung basket ng mga pagkain saka nilagay sa gitna. Paikot lang kaming umupo dun. Lumaki akong walang kapatid pero sila yung nagpuno ng pagkukulang kong yun. Hindi ko lang mapigilan mapangiti ng mga oras na yun.
“ guys thank you sa friendship.” nakangiting saad ni Jonas habang hawak hawak yung unang tagay. “ sabi nila na high school daw yung pinakamasayang parte ng buhay ng tao pero ang totoo sa college mo matatagpuan yung kaibigan na pang habang buhay. Mga tunay na kaibigan na kahit anong mangyare, magbago man ang panahon, lumipas man ang maraming taon. Magkakaibigan parin at wala nagbabago.” ngiti ni Jonas.
“ agree.” ngiti ni erika.
“ So thank you kasi kayo yung mga naging kaibigan namin ni Nicko.. Thomas and Chris.. Uhm di ko man kayo masyadong nakilala.. Alam ko mababait kayo at part na kayo ng barkada namin so welcome to the club.”
“ Guys.. Thank you din huh.” ngiti ko napalingon naman silang lahat sakin.
“Joseph birthday mo.?”ngiwi ni franz binato ko naman sya ng lemon.
“gago.. I just I wanna say thank you.. Alam ko naman na sa barkada natin ako yung laging may problema.. Finacially and minsan emotionally so just wanna take this apportunity to say thank you sa lahat ng tulong niya sakin.. Di man ako nabigyan ng buong pamilya pero nabigyan naman ako ng buong barkada.. Mga kaibigan na hindi ako iniwan kahit you know.. Di ganun kaganda ugali ko. Thank you pagtatyaga sakin.”
“Joseph we love you.” ngiti ni erika.
“ Thank you erika.. And blue thank you.?” ngiti ko kumunot naman yung noo ni blue.
“why.?”
“kasi.. Kung hindi dahil sayo hindi ko makikilala si Chris.. So thank you kasi kayo ni aldred yung nakatadhana.. Thank kasi hindi si chris yung minahal mo.. Na itinadhana ng mga stars na kami yung magkita. At magmahalan.”
“ Welcome.” ngiti ni aldred.
“so thank you guys sa friendship..”
“ at itong samahan na to.. Sigurado akong walang iwanan habang buhay.” saad ni Paul. Kinuha naman ni Thomas yung guitara saka nagsimulang tumipa.
“ wait I know that song.” ngiti ni franz. “ pag kasama ka.. Lubos ang saya.. Tunay na kaibigan hindi kita iiwanan.” kanta ni franz.
“Pag kasama ka lungkot limot ko na, tunay na kaibigan samahang hanggang wakas.” Kanta ni Aldred sumandal naman dito si blue.
Tinaas lang namin lahat yung kamay namin.
“ Pagkasama ka.. Lubos ang saya . TUNAY NA KAIBIGAN.. Di kita iiwanan.” sabay sabay naming kanta.. Nang mga oras na yun hindi ko lang mapigilang maluha kasabay ng ngiti ko sa labi.. Ang swerte ko kasi sila yung mga taong itinadhanang maging mga kaibigan ko.. Mga taong alam ko na kahit kailan.. Ano man ang mangyare di ako iiwanan. “ Pag kasama ka.. Lungkot limot ko na tunay na kaibigan samahang.. Hanggang wakas.” kanta namin habang nagtatawanan sa ilalim ng bilog na buwan.
Pag kasama ka lubos ang saya
Tunay na kaibigan di kita iiwanan
Pag kasama ka lungkot limot ko na
Tunay na kaibigan samahang walang hanggan
Kahit pa magiba ng panahon
Kahit dumating ang maraming alon
Kahit ilang beses pa tayong maghalo.
Nandito lang
Kapag wala kang matakbuhan
Wala ka ng mapagbalingan
Nandito lang kami tayo’y di magiiwanan
Sa umaga , tanghali o gabi
Nandito lang
Lungkot ay wag na isipin
Buhay ay sadyang ganyan
Ano man ang mangyare
Nandito lang sa likuran
We’ll be there together di ka iiwanan.
Pag kasama ka lubos ang saya
Tunay na kaibigan di kita iiwanan
Pag kasama ka lungkot limot ko na
Tunay na kaibigan samahang walang hanggan
Kahit lumakas pa ang unos
Kahit pa sa paglipas ng taon
Kahit na saan pa maparoon
Nandito lang
Sumusumpa at nangangako saiyo hanggang wakas
Di malilimutan ang ating samahan
Nuon at ngayon at magpakailanman
Lungkot ay wag na isipin
Buhay ay sadyang ganyan
Ano man ang mangyare
Nandito lang sa likuran
We’ll be there together di ka iiwanan.
Pag kasama ka lubos ang saya
Tunay na kaibigan di kita iiwanan
Pag kasama ka lungkot limot ko na
Tunay na kaibigan samahang walang hanggan
Magkakaiba kami ng pinanggalingan, magkakaiba ng estado sa buhay, magkakaiba ng ugali at paniniwala pero pinagbuklod kami ng tadhana. Hindi lang para maging magkakaibigan kundi bilang isang pamilya. Friendship is’nt enought to describe kung ano yung samahan namin.. Kasi ang tamang word para sa kaibigan ay PAMILYA.. Pamilyang di man magkadugo pero magkarugtong ang mga puso.
Magkahiwa hiwalay man kami yung samahan na nabuo hindi na mababago yun, magkanya kanya man ng landas alam ko sa dulo kami kami parin yung magkakasama. Iba iba man ng dereksyon ang tinahak pero iisa ang patutunguhan. Sila yung mga Tunay kong kaibigan at sigurado ako na itong samahan na ito ay hanggang wakas.
“ Body shot na!!” sigaw ni franz. Nagtawanan naman kami.
MR. VINCENT HARRIS BIRTHDAY
Sa napakalaking garden ng mansyon ng mga harris ginanap yung birthday na yun. Sobrang dami ng tao. Modern yung theme nung party na parang di angkop sa edad nung celebrant haixt pakialam ko naman.. Malay ko ba kung isip bata yung bwiset na matandang yun.
“ Okay guys..Tutugtog na kayo.” saad ni Ren samin tumango naman ako.
“ Sobrang saya ko talaga ng pumayag ang pulsar na tumutog ngayong gabi sa aking kaarawan.. Unang una gusto ko magpasalamat sa lahat ng dumalo at nagbigay ng oras para pumunta ngayong gabi.. Enjoy the night.” saad ni Mr. Harris sa mic. “ I present to you Ang ipinagmamalaki ng SBR.. PULSAR!!” sigaw nito.
Nagsimula naman paluin ni paul yung drums. Sa bawat taong nandun tingin ko sa kanila lahat kalaban.. From kristel na nasa harapan habang nakapurple fit dress.. Haixt mukha syang pang simbang gabi.. Puto bubong!
Nakatatlong song na kami nun ng may inabot sakin si Jert na baso.
“ drink.?”
“ Drink drink drink.!!” sigaw nung mga taong andun. Ngumiti naman ako saka ininom yung nasa baso.. Para tong gumuhit sa sikmura ko.. Nang magangat ako ng tingin nakita ko lang sa bintana si Mr. Harris habang nakatingin samin.
SI CHRIS
Pagkatapos ng limang kanta ay bumaba na kami sa stage saka nakihalo sa mga nagsasayaw. Pansin ko na yung pagkahilo ni Joseph. Sigurado may nilagay sila sa pinainom sa kanya.
Lumapit lang ako kay paul saka kay Thomas.
“ Paul.. Iuwi mo na si Joseph.”
“ I agree.. May pinainom sa kanya si Jert.. At sa nakikita ko.. It’s drug.” saad ni thomas.
“ Okay okay..pano ka.?”
“ I can take care of myself.” ngiti ko.
“Lilibangin ko si Jert para di niya paginteresan si Joseph.. At please paul wag mo iiwan si Joseph.” saad ni Thomas. Binigyan ko naman sya ng nagtatanong na tingin. “Chris kilala na nila si Joseph.”
“ Fuck..” bulong ko.
“ Ano nangyayare.?” ngiwi ni paul.
“ papaliwanag namin sayo lahat.. Ang importante dalhin mo si Joseph kala daryll.. Kung may tao man na hindi kakalabanin ni Mr. Vincent.. Nanay ni daryll yun so safe si joseph sa bahay nila.” saad ni Thomas.
“ Thomas Thank you.”
“ friends di ba.? Isang barkada na tayo.” ngiti nito..
“ Yeah salamat.” naghiwa hiwalay naman kaming tatlo saka nagmatyag sa paligid kita ko lang na inakay na ni paul si Joseph palabas aktong pipigilan to ni ni Jert ng bigla tong halikan ni thomas sa labi.. Shet!!
Hanggang makalabas sila paul sa bakuran ng mga harris.. Nilibot ko naman yung tingin ko sa paligid saka hinanap yung pinto papasok ng bahay. Napakadaming tao sa lugar na yun.. I think tong party na to is a trap.. Haixt.. Di ko hahayaan na saktan nila si Joseph.
Nang makakita ng pagkakataon. Agad lang akong pumasok sa malaking bahay na yun saka dahan dahang umakyat sa ikalawang palapag. Wala ng tao sa parteng yun ng bahay.. Marami din akong pinto na nakikita.. I need to find his office.. haixt.
Sinibukan ko magbukas ng isa, dalawa, hanggang tatlong pinto pero bigo parin akong makita kung sana ako pwede makahanap ng ebidensya na pwedeng magamit ni Joseph sa vincent harris na yun.
Nilibot ko lang yung tingin sa buong bahay.. Shet napakalaki nito posible bang makita ko yung office ng huklubang yun.
Hahakbang sana ako ng makita kong umikot yung doorknob ng pintong nasa gilid ko.. Fuck!!!! Yung kabog ng dibdib ko ng mga oras na yun walang tigil.. Para tong sasabog.
Pinilit ko naman magkubli sa isang kurtina.. Shet.. I know may posibilidad na may makakita sakin mula sa garden.. Damn it. Ilang sandali pa ng marinig ko yung hakbang nito palayo.
Dahan dahan ko lang hinawi yung kurtina para masigurado na wala ng tao dun.
Clear..
Lumapit lang ako sa pinto kung san nanggaling yung hakbang. Pagpihit ko ng doorknob agad lang tong bumukas. Pumasok naman ako saka mabilis na sinara yung pinto.
“ Finally..” bulong ko habang pinagmamasdan yung magarang office na yun. Kailangan makahanap ako ng ebidensya. Agad ko lang binuksan yung computer na nasa table. may password to pero madali na sakin para mabuksan yun.
Kinabit ko lang yung usb sa bulsa ko saka sinimulan iCopy lahat ng files mula sa computer na yun.
“ Shet..faster..” gigil na bulong ko habang nakatingin sa screen. Nagpasya naman akong magbukas ng mga cabinet habang pinaprocess yung pagcopy ng files. Sa isang cabinet may nakita lang akong baril. Agad ko lang tong kinuha saka sinuksok sa likod ko. Ilang minuto na kong naghahalungkat pero wala parin akong makitang pwedeng maging ebidensya laban kay Vincent.. Shet kahit ako hindi ko din alam yung hinahanap ko.
Ilang folder na yung nabuklat ko nang may napansin akong itim na folder na may nakalagay na snow white. Binuksan ko naman to saka napanganga sa nakita.. Damn!!! Kilala na nga nila si joseph.
Napalingon lang ako sa pinto ng marinig yung yabag papalapit.. Muli ko lang binalik yung folder saka hinarap yung computer.. Shet sakto.. Agad ko lang tinanggal yung USB sabay tago sa ilalim ng mesa ng bumukas yung pinto..
“ bakit hinayaan mong makaalis si Joseph!!” sigaw ni MR. Vincent. “ napakatanga mo talaga Jert!!” tinakpan ko lang yung bibig ko para hindi makagawa nang kahit anong ingay. Shet.. Tingin ko umiilaw pa yung computer. Damn it.
“ Dad..Sigurado ba kayo na sya si Snow white.? I think niloloko lang kayo ng imbestigador niyo eh.”
“ Sya si snow white naiintindihan mo.!” sigaw nito. “ ngayon hanapin mo sya at dalhin mo sakin.!!” gigil na saad nito.
“ Pero dad..?”
“ Shut up! Hanapin mo sya! Hanapin mo sya!!!” maawtoridad na utos nito narinig ko naman na bumukas yung pinto hanggang marinig ko yung mga yabag. Ilang sandali pa kong naghintay saka sumilip pero natulala lang ako ng may makitang pares ng sapatos sa harap ko. Damn it!! Nang magangat ako ng tingin kita ko lang si Jert habang may nakakalokong ngiti.
“ tayo.” utos nito. Humugot naman ako ng malalim na hininga saka lumabas sa ilalim at tumayo. “ anong ginagawa mo jan.?”
“ Jert ano ba hindi ka pa ba aalis!! Bullshit!!” sigaw mula sa pinto sabay naman kaming napalingon dito. “ teka bakit ka nandito.?” saad nito habang nakatingin sakin.
“ UHmm..”
“ kasama ko sya dad..” ngiti ni jert. “ at dadalhin niya ko kung nasaan si Joseph.”
“ really.? Spell ASA.” sarkastikong ngiti ko saka sya ubod lakas na sinapak. kita ko naman yung pagbagsak niya. kinuha ko lang yung laptop saka ubod lakas na binato kay Mr. Vincent.. Natawa lang ako ng payak nang makailag to.
“ How dare you!!!!” gigil na saad ni mr. vincent.
“ padaan.?” maawtoridad na saad ko ng magtapat kami saka kinuha yung baril sa likod ko at tinutok kay Jert. kita ko naman yung gigil sa mukha nito. “ padaan o babarilin ko yung anak mo.?”
“ Dad..” saad ni jert.
“ bakla ka talagang gago ka.!” sigaw nito kay Jert.
“ One more thing Mr. Harris.. Hindi si Joseph si Snow white..kasi ako yung hinahanap niyo. I’m Snow white.” sarkastikong ngiti ko kita ko naman yung gulat sa mata nito.
ITUTULOY
Bukas..paglalaanan kita ng panahon sa pagbasa. Thanks a lot Bluerose...
ReplyDelete- gogz
Sayang akala ko magagamit nila si ren sa pag hack sa laptop ni mr vinc2nt... nku baka masaktan c chris
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteNgaun na maganda ang kwento.. May pagka thrill..
ReplyDeleteExciting to na nakakaba ..... Pinain ni chris ang sarili niya..... Wag sana siya mapahamak --- devon
ReplyDeleteSalamt kay mr.author and I love you too!!
ReplyDeleteGrabe sobrang intense nito simula sa love story ni Thomas and Stephan na kinababaliwan ko na super ganda lang lalo na siguro kung mafall na si Thomas sa kanya.
At sa pagmamahal ni Chris kay Joseph na handa nya itong ipaglaban hanggang sa huli!!! :))
At sa barkada nila grabe naiinggit ako sa ganyan kasi konti lang barkada ko pero solid naman kami at naniniwala din ako na sa college mo.mahahanap ang friends mo for life!!!
Excited na ako sa gagawin ni Joseph kay vincent harris at si Jert na may gusto pala kay Stephan haha sorry ka may Thomas na sya!!!
-44
Wow! A fake plot twist xd
ReplyDeleteganda ng story nato at yung loving you again.
Super intense tlga ung story ngayon na ginawa mo kuya blue......... Sa ginawang sakripisyo ni chris sana hindi siya mapahamak at mailigaw ang atensyon sa knya biglang pagpapanggap n siya si snow white.......
ReplyDeleteGrabe pagmamahal niya para ky joseph na pati buhay ibibigay niya how sweet....
Jharz
Heto na naman ako..... Yeah, yeah as in yeah..... Omgggggg, si Chris? si STEVEN? Loko ka talaga CHRIS! ... uhmm, JOSEPH ingat ka lagi.... don't worry lagi kitang BABANTAYAN magmula sa KALANGITAN! #toink's haha ;)
ReplyDeleteGawd! Hahahahaha nabitin nanaman ako .. 😂😂😂😂😂
ReplyDeleteFeeling ko may alam na din si ren his the smartest db nga so for sure magiging okay lang si joseph at paglalaruin lang nila yung mag ama .. Yung tipong kontrabida pero laging palpak .. 😅😅😅
O M G.. hindi ko inaasahan ung last part,,,galing mu talaga author. :) pinaain talaga ni chris sarili nya para lang protektahan ang totoong snow white ....gosssshhhh pinabilib mo ako dito ..at gusto ko rin ung mga sweetness dto :) justin@stephan and chris@joseph :) :) :) (y) (y) (y) love u mr. #bluerose :)
ReplyDelete-jane degamo-
avid fan here 1st tym mag post, sulit yung story ni joseph bawing bawi yung mapakasaklap na chapter nia nung kay franz palang. kinikilig ako dito ng sobra sa story i want more hehehehe
ReplyDeletethank you author keep it up
godbless you always
karl rickson