Author's note...
Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Salamat din pala sa pagsuporta sa akin, sa mga ilang tao sa Bluerose group (Kasi wala naman akong group at walang balak na gumawa), sa mga SILENT READERS, Anonymous Commenters, Heyters (Where na you guys, dito na me), and EVERYONE, thank you. Ashigawa, Trebb, Alex, 44, Lantis (Sorry sa pair mo), Alfred, Junrey, Jharz, Gilrex, haha thanks at SA IBA PA.
So mukhang... may ilang tao na hindi makaka-relate sa mga Online Games chenes, chenes hehehe. Well kasi, may kinalaman iyun sa kwento... in time. Alam niyo iyun na kapag kalaro mo iyung mahal mo tapos magaling pa kayo pareho, OVERPLAYED ang kalaban haha. Karanasan iyan ng kaibigan ko LOL!... and straight couple by the way. Well eventually, naghiwalay sila. Sadnu. Well kasi, dream ko din na makalaro ang love of my life ko ng League kasi it's a good game na nangangailangan ng utak, at tiwala sa minamahal mo (Me ganun) haha. Meron kasing tinatawag na BOTTOM/DUO LANERS sa larong League. Sa mga hindi pa alam iyun at sa mga... naglalaro nun hehe. And yes. Mukhang may Allan/Alexis... love team... and MarcoS/Ren sa tamang panahon haha... and yes. Malalaman ninyo kung sino sila MarcoS at Yuuhi someday... kasi may kinalaman pa sila sa story. Since nakilala niyo na si MarcoH na si Marcaux haha. So marami pang non-sense na mabibigyan pa ng sense in time haha. Paano ba patayin ang sarili haha. And yes. Mamatay na sana si Kristel haha.
Sana matapos ko na ito. Nahihirapan talaga ako sa kwento. Pasensya na at walang masyadong romance... bench sex, bed scene haha. Blame the MYSTERY and the PSYCHOLOGICAL genre. At halatang gustong-gusto niyo iyung FAST BREAK nila Marcaux/Keith. Sorry guys haha. Side-characters lang sila sa story and... haha. Kung ma-bored kayo sa kwento dahil medyo maraming chapter ito... at hindi naman kasi ito gaya nung mga ibang... series dito sa BLOG na maganda talaga ang pagkakagawa sa pagkakahaba pa. Have fun guys!
So mukhang... may ilang tao na hindi makaka-relate sa mga Online Games chenes, chenes hehehe. Well kasi, may kinalaman iyun sa kwento... in time. Alam niyo iyun na kapag kalaro mo iyung mahal mo tapos magaling pa kayo pareho, OVERPLAYED ang kalaban haha. Karanasan iyan ng kaibigan ko LOL!... and straight couple by the way. Well eventually, naghiwalay sila. Sadnu. Well kasi, dream ko din na makalaro ang love of my life ko ng League kasi it's a good game na nangangailangan ng utak, at tiwala sa minamahal mo (Me ganun) haha. Meron kasing tinatawag na BOTTOM/DUO LANERS sa larong League. Sa mga hindi pa alam iyun at sa mga... naglalaro nun hehe. And yes. Mukhang may Allan/Alexis... love team... and MarcoS/Ren sa tamang panahon haha... and yes. Malalaman ninyo kung sino sila MarcoS at Yuuhi someday... kasi may kinalaman pa sila sa story. Since nakilala niyo na si MarcoH na si Marcaux haha. So marami pang non-sense na mabibigyan pa ng sense in time haha. Paano ba patayin ang sarili haha. And yes. Mamatay na sana si Kristel haha.
Sana matapos ko na ito. Nahihirapan talaga ako sa kwento. Pasensya na at walang masyadong romance... bench sex, bed scene haha. Blame the MYSTERY and the PSYCHOLOGICAL genre. At halatang gustong-gusto niyo iyung FAST BREAK nila Marcaux/Keith. Sorry guys haha. Side-characters lang sila sa story and... haha. Kung ma-bored kayo sa kwento dahil medyo maraming chapter ito... at hindi naman kasi ito gaya nung mga ibang... series dito sa BLOG na maganda talaga ang pagkakagawa sa pagkakahaba pa. Have fun guys!
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10
Chapter 11:
Rage On
Marcaux's
POV
"KRIIIIING!“
Nagising na lang ako sa ingay na nagmumula sa alarm clock
ni Keith. Bumangon agad ako para patahimikin ito. Kinusot ko naman ang aking
mga mata at nag-unat muna.
"Keith, gising na. Papasok na tayo o papasok ako sa
iyo,“ pilyong saad ko saka hinalikan siya sa noo.
"Hmmppfff...“ ungol niya saka hinigpitan pa ang
pagyakap sa hubad kong katawan. Shit! Tumigas! Hindi pwede to.
"Tara na. May imbestigasyon pa tayong gagawin. Hindi
ang Journalism Club ang lalapit sa atin kung hindi tayo. Tara na. Bangon na.“
Kumalas na siya sa pagkakayakap at sa wakas ay bumangon din
siya.
"Magandang umaga Marcaux,“ bati niya habang kinakamot
ang mata.
"Magandang umaga din Keith.“
Umalis ako sa kama at kumuha ng ilang tuwalya saka binuhat
si Keith para maligo kami ng sabay. Sumunod nito ay dali-dali ko siyang
binibihisan. Pagkatapos naming magbihis dalawa ay sabay kaming bumaba para
kumain.
"Magandang umaga po tita, tito,“ bati ko sa mga
magulang ni Keith.
"Magandang umaga mama, papa,“ inaantok na bati ni
Keith.
"Magandang umaga din hijo. Mukhang pinagod mo ang anak
ko ahh,“ saad ni tito.
"Ang aga niyo atang dalawa. Anong meron?“ tanong ni
tita.
"May inimbestigaan kaming kaso po tita,“ sagot ko.
"Murder case ba iyan?“ tanong naman ni tito.
"Hindi po tito. Sabihin na lang po natin na parang isa
lang na simpleng treasure hunt.“
"Ohh kumain na kayong dalawa ng agahan para magkaroon
kayo ng lakas mamaya sa imbestigasyon.“
Ilang minuto naman ang nakalipas ay paalis na kami.
Nagpa-alam na kami sa magulang ni Keith na aalis.
"Higpitan mo nga ang pagkakakapit mo sa akin at baka
mahulog ka. Inaantok ka pa hanggang ngayon,“ nag-aalala kong saad.
"Sino kaya ang may kasalanan?“ rinig kong bulong niya
saka humigpit sa pagkakayakap sa akin sa motor.
"Alam ko,“ ngiti ko.
Pinaharurot ko ang takbo ng motor saka dumiretso sa
eskwelahan. Pagkababa namin ay medyo nagigising na siya pero nahihikab pa rin.
Naglakad kami ng sabay at magkahawak-kamay na tinahak ang daan papunta sa
Journalism Club. Maraming tao ang nagtitinginan sa amin pero wala akong
pakialam doon. Nakapasok na kami sa loob ng Journalism Club. Naabutan naman
namin sila Katya, Arielle, Martin at Alexa.
"Magandang umaga,“ bati naming dalawa dito.
"Magandang umaga din,“ bati din nilang lahat.
Pumunta naman agad sa desk niya si Keith. Palabas namang
lumapit sa akin sila Alexa at Martin.
"Hindi kayo sasama?“ tanong ko dito.
"Oo. Pasensya na Marcaux. Kailangan kasi naming
pumasok talaga ehh,“ sagot ni Martin.
"Okay lang.“
"Sige Marcaux. Good luck na lang sa inyo. Kita na lang
tayo mamaya. At isa pa, balitaan niyo kami kung ano ang naging bunga ng
imbestagasyon niyo.“ si Alexa.
"Makakaasa ka Alexa.“
"Sige. Alis na kaming dalawa. Good luck sa inyo,“
paalam ni Martin saka lumabas ng silid.
Ilang minuto din ang hinintay namin. Bumukas naman ang
pintuan at niluwa nito si Keifer. Agad itong pumunta sa pwesto niya.
"So guys, handa na ba kayong malaman kung sino itong
si 'Mystery Man'?“ masiglang tanong ni Katya.
"Oo,“ masiglang sagot ng lahat.
"EXCITED NA AKO!“ hysterical na pagkakasabi ni
Arielle.
"Kaya bago matapos ang araw na ito, kailangan malaman
na natin kung sino itong si 'Mystery Man'!“ masiglang dagdag pa ni Katya.
"Magsimula na tayo,“ masigla kong saad.
"Sandali lang,“ wika ni Keifer. "Ms. President,
pwede bang pag-usapan na muna natin ang bagay na ito bago tayo gumawa ng kung
anumang aksyon? I mean tayong lahat na narito sa silid na ito.“
"Sige Kei. Magsalita ka,“ pagpayag ni Katya.
"So okay. Unang-una sa lahat, gusto kong malaman niyo
na against ako sa paghahanap sa 'Mystery Man' ng eskwelahang ito. Unang-una ay
sa kadahilanang alam ba natin kung bakit ayaw niyang magpakita at gusto lang
niya na tago sa mata ng mga tao? Hindi naman siya katulad ni Howard Stark ng
Iron Man na nagpakilala talaga bilang Iron Man sa mga tao. Mas katulad pa niya
si Bruce Wills ng Batman na hindi talaga siya nagpapakilala bilang Bruce Wills.
Ang pinupunto ko ay bakit hindi na lang natin ito hayaan? Maging isang legend
na lang ito kung baga,“ mahabang paliwanag ni Keifer.
"For real Keifer?“ si Arielle. "My god! Hindi ko
alam na ang nga salitang iyan ay maririnig ko pa na galing sa iyo.
Unbelievable!“
"Paano mo naman nasabi iyun Arielle?“ tanong ni Keith.
"I think alam niyo iyung Facebook page ng Schoneberg
Academe. Doon, may naka-post pa na ilang litrato nitong si 'Mystery Man'...
pwede bang 'MM' na lang ang gawin nating palayaw niya kunyari?“
"Parang Mastermind lang,“ sabat ko.
"Parang palayaw lang kamo ng bata,“ gatong ni Keith.
"Oo nga. I agree with you Keith,“ dagdag ni Katya.
Binigyan ni Arielle ng isang ikot ang paningin niya.
"Okay. Fine. Whatever. 'Mystery Man' na lang talaga. Moving on...“
"Iyan! Iyan ang isa pa sa mga dahilan,“ pag-aburido ni
Keifer. "May naka-post na palang litrato sa isang Facebook page pero hindi
natin mahanap-hanap. Halos ata lahat ng estudyante sa paaralang ito ay nakita
na ang litrato niya. Pero ni isa, wala pa ring nakakita.“
"Keifer, hindi pa ako tapos magsalita,“ mahinahong
saad ni Arielle. "Alam mo ba kung bakit nasabi ko na hindi talaga ako
makapaniwala na sa iyo ko pa talaga maririnig ang mga salita mong iyan? Na ayaw
mo ng hanapin si 'Mystery Man'? Dahil kung tutuusin nga, ikaw dapat ang
mag-lead ng... club activity na ito,“ pakumpas nitong saad.
"Paano mo nasabi iyan Arielle?“ tanong ni Keith.
Kinuha ni Arielle ang phone sa bulsa niya saka
nagpipipindot sa screen. "Heto guys ohh. May group message ako para sa
inyo.“
Tumunog ang phone naming lahat maliban kay Keifer. Kinuha
ko ang sarili kong phone at ang mensahe pala na pinadala ni Arielle ay isang
link. Binuksan ko ito at nag-load. Naka-agaw pansin naman sa akin ang isang
comment dito na may maraming likes.
Keifer Salvador: Aanakan ko
iyan! <3 <3 <3
"Alam na ba ng fiance mo ito Keifer?“ nanghahamon na
tanong pa ni Arielle.
"At ano? Isusumbong mo sa fiancee ko ang nalaman
ninyo?“ matapang na sagot ni Keifer.
"Sa totoo lang, huwag na tayo umabot sa... sumbungan
guys. I mean, masaya naman sila Keifer at ang fiancee niya tapos magiging
dahilan pa ito ng paghihiwalay nila?“ sabat ni Keith.
"This is the proof guys. Patay na patay itong si
Keifer kay 'Mystery Man'. Dumating lang itong babaeng fiancee niya na laging
naka-ankla sa kaniya sa school. Tapos siya pa itong may ayaw na alamin natin
ang totoo kung sino talaga itong si 'Mystery Man'? Hindi ba ito kahina-hinala?“
Mariin na tiningnan ni Arielle si Keifer. "Unless kung nakilala na niya ito
bago tayo?“
Umiling si Keifer saka pinatunog ang dila. "Ridiculous
Arielle. Sige. Inaamin ko na patay na patay nga ako kay 'Mystery Man'. Pero
noon iyun at iba na ang kaso ngayon. At first, opinion ko lang ito na huwag na
nating hanapin at alamin kung sino ba talaga itong 'Mystery Man'. Pero ngayon,
gusto ko kayong pigilan lahat sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Ang
makipag-argumento sa inyo.“ Aba. Gusto ko ito.
Nag-isip si Katya. "Sa bagay. May punto nga si Kei.
Pero dapat ginawa na natin ito kahapon.“
"Kung kailan pauwi at biglaan lang ang nangyaring
ito?“ Sa bagay. Biglaan nga talaga ang nangyari.
Napa-isip kaming apat maliban sa dalawang nag-aargumento.
"Ganito na lang, kami ni Marcaux at Keith ay magiging
jury sa argumento ninyo,“ pasya ni Katya.
"Sandali nga lang? Bakit kasama pa si Marcaux?“
reklamo ni Keifer.
"Wala ka ng magagawa doon. Itatalaga ko siya bilang
'Honorary Member' ng Journalism Club. At kung iniisiip mo na ang verdict nitong
dalawa ay magiging magkaparehas, well ganoon talaga.“ Tiningnan kami ni Keith.
"Wala pa naman kayong bagay na pinag-aawayan hindi ba?“ tanong nito kay
Keith.
"W-Wala pa naman,“ hindi siguradong sagot ni Keith.
"Ikaw Keifer? Gusto mo bang maging 'Honorary Member'
ng Basketball Club?“ yaya ko.
"No thanks,“ agad na sagot niya.
"Pero Keith, paano kung magkaiba ang opinyon ninyo
tungkol sa usaping ito?“
Naglipat ng tingin si Keith sa akin at kay Katya.
"Sigurado naman akong iisa lang ang magiging pasya namin.“
Sa anim na buwan naming relasyon ni Keith, ni minsan eh
wala kaming pinag-aawayan. Ni isang bagay. Kung ano ang pasya ko, iyun din ang
magiging pasya niya. What a perfect relationship isn't it? Pero sa puntong ito,
napa-isip ako. Isa ba akong masamang boyfriend dahil isa ako sa mga factor na
nawalan siya ng free will para magdesisyon sa ilang bagay-bagay? Sa totoo lang,
matagal na gusto kong kausapin si Keith tungkol dito. Ang kaso, konti lang ang
mga bagay na kailangan pagdesisyunan namin.
Naalala ko naman ang pinakaunang bagay na kailangan naming
magdesisyon. Ang maghiwalay... maligo o hindi kapag nandoon ako sa bahay nila.
Siguro nabasa niyo kanina na sabay na lang kami? Iyun ang naging solusyon ko at
sinang-ayunan niya ito. Naisip ko naman din noon kung iyun ba talaga ang gusto
ni Keith.
「5 months ako...
"Sigurado ka?“ paniniguro ko.
Namula siya at tumingin sa ibang direksyon. "Unless
kung may gagawin kang hindi kanais-nais.“
Napangiti ako. "Well ano ba ang masama doon? Halos
mag-asawa na tayo ehh.“
Nagulat siya at lalong namula. "Huwag ka nga ganyan
magsalita. Isang buwan pa lang tayo ehh. Ayan ka na naman sa mabilis mong
development.“
"Pasensya na,“ natatawa kong pagdispensa. "So ano
na? Payag ka ba o hindi? Okay lang naman sa akin kung ayaw mo.“
Binigyan niya ako ng tango bilang pagtugon. Bigla ko na
naman naalala iyung sa pinakauna naming pagkikita na nag-confess daw siya pero
hindi naman since nagbigay lang siya sa akin ng tsokolate... na hindi ko
nakain. Ugh! Bigla na lang tuloy akong nakakaramdam ng despresyon tuwing
naalala iyun. Sana bumawi si Keith ngayong Pebrero na bigyan ako ng
tsokolate... at ako din na makain ito.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Sabihin mo naman.
Ayoko ng tango lang. Mamaya ehh ayaw mo tapos tango ka lang ng tango. Ayoko
iyung hindi ka napipilitan. At saka hindi naman sasama ang loob ko kung ayaw
mo,“ reklamo ko.
"Oo na nga,“ mahinang saad niya.
Hmm... hindi kaya itong si Keith ay isang klase ng tao na
madaling magalit? Nararamdaman ko kasi na pinapasensyahan niya talaga ako.
Isang buwan na din ang nakalipas simula nang tumigil siya na suntukin ako sa
appendix tuwing nagsasabi ako ng mga hindi magandang salita. Hindi rin naman
ako palagi na nagsasalita ng ganoon. Sa katunayan nga ehh minsan ko na lang
sabihin.
Hay nako Marcaux! Ganito na lang. Huwag mong bigyan ng
sakit ng ulo si Keith. Narinig mo naman na pumayag siya. Pero ang sinasabi ng
pakiramdam ko na hindi dapat. Hay!
Walang babala akong naghubad ng pang-itaas sa harapan niya.
Para naman siyang babae na ngayon lang nakita ang katawan ko at tinatakpan ng
kanyang mga kamay kanyang mata. Namumula pa siya. Hello Keith. Isang buwan na
tayo.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. "Maghubad ka
na Keith o ako ang maghuhubad sa iyo?“ I said passionately. Parang gagawa lang
ako ng kalokohan sa pananalita ko ahh.
Dahan-dahan naman nitong inalis ang mga kamay sa mukha niya
ngunit hindi pa rin nawawala ang pamumula sa mukha ni Keith.
"H-Huwag kang tumingin,“ nahihiya niyang saad. ANG
CUTE!
"Ano ka ba? Maraming beses ko ng nakita iyan.“
"H-Hindi kita magulang para sabihan mo ako ng ganyan.“
"Bakit? Mga magulang lang ba natin ang dapat magsabi
ng nga linyang ganoon? At saka, asawa mo ako.“
"M-Marcos... I mean Marcaux naman.“
"Ako na lang ang maghuhubad sa iyo.“
Lumayo siya ng konti sa akin. "Teka?!“
Inilahad ko naman ang kamay ko sa kaniya. "Sige na
Keith. Magtiwala ka sa akin. Sinasabi ko sa iyo, wala akong gagawin. Ginagawa
ko ito para ako mismo ang mag-alaga sa iyo. Para ipakita ko ang pagmamahal sa
iyo. Baka kapag tumagal ang relasyon natin tapos ginawa ko ang bagay na ito sa
iyo, sabihin mo na may malaki akong kasalanan na ginawa kaya ang sweet ko na
halos lalanggamin na tayo dito sa kwarto mo,“ wika ko na punong-puno ng
kumbiksyon at katapatan.
Tatalab kaya iyung sinabi kong iyun? Pero totoo naman kasi.
Baka kapag ginawa ko ang bagay na'to tapos matagal ang relasyon namin, baka
isipin niya na nagkasala ako. Lahat ng sweet things na ginagawa ko ay mapalitan
ng hinala at pagdududa. Ayoko ng ganoon. Ipapakita ko sa kaniya na totoo ako sa
mga sinasabi ko.
Hindi pa rin mawala ang hiya sa mukha niya. Humugot si
Keith ng buntong-hininga at maya-maya'y inabot niya ang kamay ko saka
dahan-dahan na lumapit sa akin. Yan! Tama iyan. At nagpang-abot kami ng tingin.
Dahan-dahan kong hinawakan ang damit niya para hubarin ito. Habang hinuhubaran
ko siya, nakaramdam ako ng matinding init na nagmumula sa kaniya. May kung
anong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking sistema at ganoon din siya.
Palagay ko ay naramdaman din ito ni Keith dahil kitang-kita ko sa ekspresyon ng
mukha niya.
Sa ulo ko naman, nag-aaway ang dalawang ako.
"Ay grabe! Kayanin mo ito Marcaux! Maging totoo ka sa
sinasabi mo!“
"Isang round pa!“ Maka-isang round ehh. Akala naman
nito, ginawang inumin si Keith. Teka, ako rin pala iyan.
Naalis ko na ang pang-itaas niya. Now what? Sugurin ko na?
At dahan-dahan kaming pumasok sa banyo.」
In the end, naging totoo ako sa mga sinasabi ko. Wala akong
ginagawang kalokohan sa kanya pagdating namin sa banyo. Kahit gustong-gusto ko
ay napipigilan naman. Disiplina lang ang kailangan.
Wala naman akong naririnig o nararamdamang pagtutol mula sa
kaniya sa desisyon na iyun. Pero paano kung tutol talaga siya noong una at
napipilitan lang?
Tunikhim naman si Arielle hudyat na magsasabi na rin ito ng
dahilan kung bakit kailangan hanapin si 'Mystery Man'. Sandali nga? Aha! Alam
ko na ang gagawin ko.
"Kung ganoon, sasabihin ko naman ang dahilan ko kung
bakit dapat nating malaman kung sino itong si 'Mystery Man'. Unang-una sa
lahat, tayo ang Journalism Club! Tagapaghatid ng katotohanan!“ masiglang
pakumpas na paliwanag ni Arielle. "Malaki man ito o maliit, dapat malaman
ito ng lahat! Ang katotohanan! Katotohanan ang nagpapalaya sa mga tao! Pangalawa,
bilang Presidente ng 'Mystery Man' Fans Club!“
"May ganoong club kayo?!“ gulat na tanong ni Keifer.
"Oo. At ako ang Presidente. Nirerepresent ko ngayon
ang lupon ng mga tao na gustong makilala ang taong ito. Sino ba talaga siya?
Hindi mo ba alam na nakasulat sa 'Book of Pride' ng eskwelahan ang lahat ng mga
good-looking na kalalakihan at kababaihan? At wala siya roon.“
"Wow. Hindi ko alam na may ganoon pala ang school,“
sabat ko.
"Tanong, meron din kaya tayong tinatawag na Schoneberg
Underground?“ tanong ni Keifer.
"Malamang. Maghukay sa school at voila! Underground
na!“ sarkastikong sagot ni Arielle. "Alam mo Keifer, hindi dapat ikaw ang
kalaban ko sa usaping ito. Alam ko kung gaano kasidhi ang kagustuhan mo na
makilala si 'Mystery Man'. Tanggap ka naman namin dito sa Journalism Club.
Meron nga tayong Marcaux at Keith dito.“
Nag-type na naman ng message sa phone niya si Arielle at
tumunog ulit ang phone namin. This time, hindi ito isang link kung hindi...
isang FanFiction? Binasa ko ito at... whoah! Such passionate style of writing.
Mahihigitan kaya nito ang 50 Shades of Gray? At ang author ay si Keifer.
"Wow. Grabe. Hindi ko alam na marunong pala si Kei sa
mga ganitong bagay. Wala akong masabi. Ay sandali lang, I just did.“ si Katya.
"Teka? Ano na naman iyan?“ nagtatakang tanong ni
Keifer.
"FanFiction na nilagay mo sa Facebook Page ni 'Mystery
Man',“ sagot ni Arielle. "Gusto mong gawin kitang admin ng page?“
"Okay. Tama na iyan. I heard enough. Ngayon,
pagbobotohan namin itong tatlo kung itutuloy pa ba natin ito o hindi,“ desisyon
ni Katya.
"Pero President, tatlo lang tayong naririto. Dapat
kasama ang buong miyembro ng Journalism Club,“ reklamo ni Arielle.
"Hindi na kailangan iyun. Baka mamaya ehh mauwi tayong
lahat sa argumento kung itutuloy pa ba natin ito o hindi. Sigurado ako na may
mga 'pro' at may mga 'anti' tungkol sa usaping ito. Pero sigurado ako na mas
marami ang mga 'pro'.“ Binaling ni Katya ang tingin kay Keith. "Ikaw
Keith, ano ang desisyon mo?“ Yan Katya! Ang galing mo!
"Huh?“ Tumingin naman ito sa akin. "Kung ano ang
desisyon ni Marcaux, doon ako.“
"Hindi naman ata pwede iyan na kung ano ang desisyon
ng boyfriend mo ehh iyun din ang desisyon mo,“ sabat ni Keifer. Tama iyan!
"Oo nga Keith. Once in a while, gumawa ka naman ng
desisyon para sa sarili mo. At isa pa, hindi naman ito pagmumulan ng away ng
mga mag-couple. Unless ehh gamitin niyo ito kapag nanunumbat kayo sa isa't
isa,“ gatong pa ni Arielle.
"Pero ito ang gusto ko. Ang sumunod sa nanaisin ni
Marcaux. Wala namang masama doon hindi ba?“
Napailing si Katya. "Kagagawan mo ba ito?“ tanong nito
sa akin.
"Hindi,“ agad na sagot ko.
"Pagsabihan mo kaya. Pag-usapan niyo muna ito.“
Nagkatinginan na lang kami ni Keith at maya-maya'y umiba ng
tingin. Sa tingin ko ehh dapat talaga naming pag-usapan ang bagay na ito.
Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.
"Halika Keith. Pag-usapan natin ito sa labas,“ bulong
ko. "Guys, mag-uusap lang kami ni Keith sa labas. Okay lang ba?“ paalam
ko.
"Sige. Basta hindi labas na aabot sa isang
restaurant,“ pagpayag ni Katya.
Tumayo si Keith at nagsimula kaming maglakad papalabas ng
clubroom. Umupo agad kami sa bench na nandoon sa gilid ng pintuan.
"B-Bakit?“ panimula niya.
Humugot ako ng buntong-hininga saka ngumiti. "Narinig
mo naman ang sinabi nila Keith. Minsan sa buhay mo, gumawa ka ng desisyon para
sa sarili mo.“
"Pero Marcaux, gusto ko lang naman na sundin ko ang
gusto mo. Ayoko naman kasi na masira ang relasyon natin dahil hindi lang kita
nasunod.“ Ang swerte mo pala na na-fall ka sa akin at hindi sa maling tao.
Magiging isang mabuting asawa talaga itong si Keith.
"Naiintindihan ko na iyan ang gusto mong gawin. Ang
maging isang mabuting boyfriend. Pero Keith, ayoko na ganito ka. Na hindi
naririnig ang saloobin mo. Importante din sa akin na malaman ko kung ano ba
talaga ng tunay mong nararamdaman sa ilang bagay. Huwag mong isipin na magiging
dahilan ito ng pag-aaway natin. Okay?“ Tumango siya. "Sabihin mo at huwag
gestures lang.“
"Oo,“ mahinang saad niya.
Agad ko na lang na binigyan siya ng isang mabilis na halik
sa labi niya. "Tama iyan. Halika na at pumasok na tayo.“
Bumalik naman kami sa loob habang sinasalubungan kami ng
tingin ng naiwang tatlo. Umupo ulit si Keith sa desk niya at ako naman ay
tumayo sa likuran niya.
"So Keith, ikaw na ang maunang magbigay ng verdict
mo,“ saad ni Katya.
Muli ay binalingan ulit ako ng tingin ni Keith at tinanguan
ko siya. Tumayo siya at humugot ng buntong-hininga.
"Ang verdict ko dito ay huwag na lang ituloy. Tama si
Keifer. Alam ba natin kung bakit ayaw niyang magpakita at gusto lang niya na
tago sa mata ng mga tao? Baka isa siyang introvert. Bilang isang tao na
nanggaling sa stage na iyun, alam ko ang pakiramdam. Gusto ko laging magpalamon
sa lupa noon araw-araw. Ayokong maging kilala sa ilang bagay kaya hindi ako
gumagawa ng mga bagay na makakapagbigay ng pansin sa akin. Iyun lang,“
paliwanag ni Keith pagkatapos umupo.
Nilapitan ko si Keith at binulungan. "Magaling ang
ginawa mo.“ At binigyan ng mabilis na halik ang tenga niya.
Keifer sighed in relief habang ang isa ay ngumiwi.
Nagkaroon na kasi si Keith ng isang boto. Isang boto na lang sa kaniya at
mananalo siya. Pero...
"Ikaw naman Marcaux,“ untag ni Katya.
Humugot din ako ng malalim na hininga. "Ang verdict ko
naman ay alamin kung sino ba talaga siya. Ang punto ko kasi dito ay iyun nga,
hindi natin siya kilala. Malay ba natin kung sino siya. Iyun lang,“ paliwanag
ko.
Tuwang-tuwa si Arielle sa narinig habang ang isa ay kalmado
pa rin.
"Wow. Ibig sabihin talaga nito ay nasa akin pa rin ang
huling desisyon.“ Humugot din si Katya ng buntong-hininga. "Pasensya na
Kei pero matatalo ka ngayon. Nadala kasi ako sa nangyari noon dito sa
Schoneberg Academe. May nalaman na isang bagay ang isa sa mga miyembro ng
Journalism Club. Hindi niya ito sinabi sa iba. Hanggang sa pumutok ang tinatago
ng miyembrong ito. Bumalik ito lahat sa kaniya dahilan na piliin niyang kitilin
na lang ang sariling buhay. Kung sinabi ng estudyanteng iyun ang problema niya,
ehh di sana ay maagapan pa namin iyun. Ang kaso, huli na ang lahat. Nangyari na
ang nangyari. Hindi na natin maibabalik ang patay mula sa pagkakabuhay kahit
huli na natin malaman ang katotohanan. Kaya bilang Presidente ng Journalism
Club, ipagpapatuloy natin ang paghahanap kay 'Mystery Man',“ paliwanag ni
Keith.
All of a sudden, the atmosphere around us was so heavy.
Alam ko ang sinasabi ni Katya.
"Pero ano ang konek nun sa katotohanan na hinahanap
natin? Isang tao lang naman ang hinahanap natin,“ tanong pa ni Keifer.
"Ang sinasabi ko Kei ay kahit anong klaseng
katotohanan iyan, kailangan natin malaman. Hindi natin alam kung alin sa mga
kasinungalingan ang magdudulot ng kamatayan sa isang tao. Well, I'm talking
based on my experience only.“
Bumuntong-hininga si Keifer. "Fine. Tinatanggap ko ang
desisyon niyong lahat. Pero pwede pa naman akong sumama sa imbestigasyon, pwede
ba?“
"Sure. Mahalaga naman na malaman mo din Kei kung sino
itong kinababaliwan mong 'Mystery Man' ng eskwelahang ito kahit tumututol ka,“
pagpayag ni Katya. "So ano, pumunta na tayo sa Security Room ng
eskwelahan. Nakiusap na ako sa school kung pwede bang makita ang CCTV footage
kahapon at pumayag naman sila.“
"So ano? Tara na!“ excited na wika ni Arielle.
"Katya, mauna na lang kayo. Susunod na lang kami ni
Keith,“ pagpaalam ko.
"Sige. Basta huwag kayong gumawa ng kababalaghan sa
loob ng clubroom ha.“
Umalis na silang lahat at naiwan kami ni Keith.
"So ano ang pakiramdam mo na sinabi mo ang iyong tunay
na nararamdaman?“
"I feel terrible,“ simangot niya.
"Oi, parang sinabi mo na rin na nung nag-confessed ka
sa akin ehh nararamdaman mong terible ka? Sa bagay. Noong una nga ehh- Ugh!“
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil ginawa na naman niya
ang ginawa dati. Ang suntukin ako sa appendix. Nasapo ko lang ang parteng
sinuntok niya.
"Na-miss ko itong ginagawa mo kung alam mo lang,“
ngiti ko.
Namula siya at napatingin sa ibang direksyon. "Tara
na. Sumunod na tayo sa kanila.“
"I love you Keith my love.“
Napatingin siya sa akin. "I-I love you too Marcaux,“
reply niya.
Masuyo ko itong hinalikan pagkatapos nun. Ang cute talaga
niya kapag nahihiya na mas lalong nagustuhan ko sa kaniya.
Ilang minuto ang nakalipas ay sabay kaming pumasok sa
Security Room ng eskwelahan. Naabutan namin sila na nanonood sa CCTV footage sa
isang malaking screen.
"Ohh guys. Ano iyan? May progress na ba tayo?“ tanong
ko.
"Masamang balita. Walang record ang CCTV sa mga oras
na nakita mo si 'Mystery Man'. Parang nanonood lang tayo ng isang piktyur na
hindi gumagalaw. Simula sa mga oras na 3am kahapon ng umaga, pare-pareho na
lang iyung mga scene hanggang sa 3am kanina,“ eksplenasyon ni Katya.
"What?“
"This is impossible! Gawa mo ba ito Keifer?“ hinala ni
Arielle.
"Ang bigat naman ng bintang mo. Bakit gagawin ko iyun
Arielle? This is a grave offense sa eskwelahan. Kapag napatunayan na ako ang
gumawa, panigurado na expulsion agad ang hatol sa akin. Tapos kapag may krimen
pang nangyari sa eskwelahan ehh makakasuhan pa ako ng Obstruction of Justice.
Iyung mga tita at tito ko na nga lang ang nagpapa-aral sa akin tapos gagawa pa
ako ng isang mabigat na kasalanan? Huwag na,“ dipensa ni Keifer.
"Grabe ka naman Keifer. Bintang pa nga lang ehh umabot
ka na sa kasuhan. Hindi pa namin napapatunayan. Sobra mo namang defensive,“
remark ni Keith.
"Well what's the worse that could happen anyway
Keith,“ kibit-balikat niya.
Napailing si Katya. "Mukhang dead end na ito ahh.
Ipapa-imbestigahan pa ba natin ito sa school?“
"Oo. Paimbestigahan nga natin.“
"Pero what if iyung school mismo ang nagtatago kay
'Mystery Man'?“ hypothetical na saad ni Keith.
"Ang bigat niyan Keith. Paano mo naman nasabi?“
"Napansin ko, iyung ilang CCTV ay perpektong gumagana
naman. Pero napansin niyo ba na iyung mga CCTV na sira ay parang ruta na
posibleng dadaanan ni 'Mystery Man'. Parking lot, Music Room, Basketball Gym,
Infirmary, at iyung mga hallway na mga nakakonekta sa mga lugar na ito.“
"That doesn't make sense. Care to explain it more
Keith?“ request ni Katya.
"Oh my god! It makes sense to me.“ si Arielle.
"Tandaan niyo guys na ang unang appearance ni 'Mystery Man' ay noong
Valentine's Day at kasama niya ang 'The Antagonist'. Naisip natin... or namin
rather na baka miyembro siya ng Music Club. Pero itinanggi nila lahat na kilala
nila iyung inaakbayan ni Paul.“
"Ibig sabihin ba nito ay alam talaga ng Music Club
kung sino si 'Mystery Man'?“ sabat ni Keifer.
"Wow Keifer. Sumali ka din. Akala ko ba ehh ayaw mong
malaman kung sino siya?“
"Nandito na rin lang ako Marcaux, lubus-lubusin ko na
dapat.“
"Pero paano natin mapapa-amin ang Music Club kung sino
ba talaga itong si 'Mystery Man'?“ si Keith.
"How about pumunta tayo ngayon sa Music Room at
komprontahin natin iyung tao na nag-iisa lang na nandoon? Gumamit tayo ng dahas
kung sakali. Or suhol?“ Arielle said with familiarity in scheming.
"Now, she's really doing it,“ iling ni Keifer.
"Ayoko ng ideya na iyan pero subukan na rin natin.“ si
Katya.
"Sige. Tara na.“
Sabay naman kaming tinahak ang daan papunta sa Music Room.
Nasa tapat kami ng pintuan nito ng binuksan ito ni Katya. Nadatnan namin si
Joseph Arthur Mendoza Reyes, ang guitarist ng 'The Antagonist'. Habang
pumapasok ay Isa-isa naman kaming tiningnan nito at napangiti na lang kami.
Walang buhay itong nakatingin sa amin.
"Ang swerte natin,“ bulong ni Arielle. "Ako na
ang bahala dito guys.“
"Umm... Arielle, parang... huwag,“ pagpigil ni Keith.
"Umm... ako din. Huwag.“
Humarap si Arielle sa amin. "Ano ba kayo guys, chance
na natin to.“
"President, pigilan niyo po si Arielle,“ pakiusap ni
Keifer. Siguro alam din niya ang nararamdaman ko sa kaharap naming si Joseph.
"Kaya natin to guys,“ gatong pa ni Katya. Mukhang mas
lalong lumala.
Narinig na lang namin na tumikhim si Joseph na nakakuha ng
atensyon namin. Kagaya nang kanina ay tinitingnan pa rin kami ng walang
kabuhay-buhay. Ano kaya ang problema ng taong ito?
"May maitutulong ba ako?“ tanong nito sa amin.
Lumapit sa kaniya si Arielle. "Yeah. Meron. Pasensya
na pala sa istorbo. By the way, I'm Arielle Einad. Ako ang Secretary ng
Journalism Club.“
"Hmm... ganoon ba? Ikaw lang ba ang mag-iinterview sa
akin o silang lahat?“
"Sila? No. I mean, ako lang.“
"Pero bakit ang dami niyong pumasok? Parang alalay
lang sila.“
"N-Nako. Huwag mo na lang sila pansinin.“
"Ano bang klaseng interview?“
"Actually, isang imbestigasyon.“
"Imbetigasyon?“ Napa-isip naman to. "May krimen
ba akong ginawa? Baka nandilim ang mata ko saka pinatay ang kamag-anak ni
pagong? Pero hindi ko lang maalala?“ Ano daw?
"Ano?“
"Wala. Magsimula ka na.
"Nais lang namin magtanong sa inyo ng ilang
katanungan.“ May kinuha naman si Arielle na isang litrato sa bulsa.
"Kilala mo ba itong nasa litrato?“
Tiningnan ito ni Joseph ng maigi. Maya-maya'y umiling.
"Pasensya na. Hindi ko kilala ang taong iyan. Wala ako ditong noong araw
na iyun.“
"Ganoon ba? Sigurado ka?“ Tumango ito. "Kung
ganoon...“ may kinuha naman itong tseke sa bulsa niya at inabot kay Joseph.
Nako po. Parang ayoko ng ideya na ito.
"Ano naman to?“ kunot-noong tanong ni Joseph.
"Tseke iyan. P100,000 ang halagang makukuha mo kapag
nag-bigay ka ng impormasyon sa amin tungkol sa taong nasa litrato.“ What? Para
lang sa impormasyon kay 'Mystery Man' ehh magbabayad siya ng ganoon halaga?
Nako.
Pansin ko naman na nag-iba ang timpla ng mukha ni Joseph at
kinuha nito ang tseke. Maya-maya'y napatawa. "Kayo talagang mga mayayaman.
Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto ninyo.“
"So magsasalita ka na ba?“
Maya-maya ay pinunit nito ang tseke down to the point na
mahirap na itong punitin. Tsaka ibinato ang mga iyun sa pagmumukha ni Arielle.
"Alam niyo, kahit bigyan niyo pa ako ng isang milyong
piso, may alam man ako o wala, hindi pa rin ako magsasalita dahil sa binigyan
niyo lang ako ng pera. Isa kayong malaking ASA! Dapat ehh totoong pera na lang
ang binigay niyo sa akin para isampal ko sa inyong mukha iyung pera.
Makaka-alis na kayo at huwag na huwag na kayong bumalik dito kahit kailan naiintindihan
ninyo?!“ saad nito na punong-puno ng galit.
Natulala si Arielle sa nangyari. Pinauna ko iyung iba
habang ako ay lumapit kay Arielle saka hinila palabas ng Music Room.
"S-Sabi ko sa inyo ehh. Masamang ideya iyun,“ reaksyon
ni Keith.
"Nako Arielle. Paano na iyan? Akala mo naman swerte ka
dahil iyung umaasa sa scholar pa ang nakausap natin,“ sabat ni Keifer.
"Ma-pride siya! Aixt! Ang gwapo pa rin ni Joseph kahit
sinungitan niya ako. Magdala talaga kaya ako ng tunay na pera. Ano kaya ang
pakiramdam na masampal niya?“ inis na saad ni Arielle saka bumaling ng tingin
sa akin. "Ikaw kaya ang kumausap Marcaux at malay mo ehh magbago ang isip
ng taong iyun at sabihin sa iyo ang mga nalalaman niya?“
"Tumigil ka na nga Arielle. Hindi-hindi na ako kakausapin
nun. At isa pa, hindi kami close.“
"Siguradong may nalalaman si Joseph,“ gatong ni Katya.
"Alam niyo, parang totoo naman ang sinasabi ni Joseph.
At isa pa, wala si Joseph noong Valentine's Day. Paano niya malalaman iyun kung
wala nga siya hindi ba?“ pag-aanalisa ni Keifer.
Humugot ng buntong-hininga si Katya. "So dead end na
talaga ang imbestigasyon na ito. Tara na nga at bumalik na muna tayo sa club
room para makapag-isip at baka magkaroon pa tayo ng lead.“
Bumalik na kami sa club room At pumunta sa mga pwesto
namin.
"Marcaux...“ tawag sa akin ni Keith.
"Hmm...“
"B-Bakit kailangan na dito ka umupo sa upuan ko tapos
nakakandong pa ako sa iyo?“
"Bakit? Gusto mo na gumalaw pa ako?“ sabay galaw ng
konti.
Namula siya. "T-Tumigil ka. Huwag kang ganyan.“
"Nakaka-turn on pa naman. Ramdam mo ba?“ Mas mahigpit
ko pa siyang niyakap.
"U-Umayos ka nga. Nasa loob tayo ng clubroom pwede
ba?“
"Bakit? Vice President ka lang naman dito ahh?“
Biglang may pumasok sa akin na idea. Vice President?
"K-Kahit na.“
"Katya, kilala mo ba ang Vice President ng Music
Club?“ tanong ko dito.
"Vice President? Meron ba sila nun?“ tanong din ni
Katya sa sarili.
"O ang tanong, kailangan ba nila nun?“ sabat ni
Keifer.
"Oo nga. Hindi na nila kailangan ng Vice President. I
bet na kay Blue Sebastian na lahat ang position down to the Sergeant at Arms.
At saka 'member grade' lang naman ang posisyon na iyun. May title ka nga lang
at special privilege na kapag wala iyung President, ikaw ang in-charge,“
eksplenasyon ni Arielle.
"Pero paano kung halimbawa ay nagkasakit si Blue? Sino
ang in-charge?“
"Ano ka ba Marcaux. Hindi na tayo mga bata. Mas lalo
naman ang mga taong iyun. Hindi na siguro mag-aasal bata ang mga miyembro nila
kapag wala si Blue. Kaya na nilang maging in-charge sa sarili nila,“ wika ni
Keifer.
"Ganoon ba iyun. Pero sa bagay. Baka si Ethan iyung
pangalawa ni Blue since ito iyung tumutulong noong bago pa lang ang Music
Club.“
"Siya nga pala guys. Dito na pala nag-aaral iyung isa
sa mga anak ni Mr. Schoneberg. Si Jasper Schoneberg. Nagbalik na pala siya
nitong last semester lang,“ balita ni Katya.
"Ahh. Ganoon ba? Si ayaw magpagulo,“ remark ni
Arielle.
"Paano mo naman nasabi iyan Arielle?“ tanong ni Keifer.
"Noong bumalik kasi ito, nag-request siya na huwag
nang ipabalita na nagbalik na ang isa pang anak ni Mr. Schoneberg. Gwapo din
iyung taong iyun. Kaya lang tumanggi siya na mailagay siya sa 'Book of Pride'
ng school,“ paliwanag ni Arielle.
"By the way guys, by this week, kailangan na nating
mag-publish ng balita para sa buwan na ito,“ anunsyo ni Katya.
Bumuntong-hininga si Keith. "Oras na naman mag-isip ng
mga bagong isusulat sa Article.“
"Hayaan mo Keith. Tutulungan naman kita,“ bulong ko sa
tenga niya dahilan para mamula ang kanyang mukha.
"S-Shit ka Marcaux. Huwag sa tenga ko!“
"President, gawin kaya natin iyung article tungkol sa
Overall Top 10 Students ng eskwelahang ito?“ request ni Katya.
"Malas mo lang Arielle dahil kasama doon si Joseph na
inaway mo kanina,“ saad ni Keifer.
"What?!“ gulat pa ni Katya.
Sandali lang? Top 10? Parang may dapat akong maalala sa Top
10. Hmm... Nag-isip ako ng malalim hanggang sa may pumasok sa utak ko.
"Keith, may kopya ka pa ba ng school paper na inilabas
nitong Enero?“
"Huh? Oo naman.
Sandali lang at hanapin ko.“
Humiwalay si Keith sa akin at lumayo ako ng konti sa desk
niya. Naghalungkat naman ito ng ilang mga school paper sa desk niya hanggang sa
makita nito ang hinahanap ko.
"Ito ohh.“ Bigay niya sa hinahanap ko.
"Salamat.“
"Anong meron diyan?“ tanong niya.
"Basta,“ tipid kong sagot.
Wala akong sinayang na oras at hinalungkat ang buong pahina
nito hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang Article. Top 10 Mysteries of
Schoneberg Academy. Nakita ko naman iyung nakalagay sa Top 1 at ito ay walang
iba kung hindi... si Ren. Ang 'Mystery Man' na hinahanp natin.
"Guys, tingnan niyo ito,“ pagtawag ng atensyon ko sa
kanila.
Lumapit naman sila sa akin at pinakita ko sa kanila ang
tinuturo ng kamay ko.
"Huh? Sino ba iyan? Ren?“ tanong ni Katya.
"Ang taong ito ay walang iba kung hindi ang hinahanap
natin na si 'Mystery Man'.“
"S-Siya iyan? Talaga? So Ren pala ang pangalan niya,“
hindi makapaniwalang saad ni Arielle.
"Alam ko na! Hindi natin talaga siya makikilala sa
ganyang ayos ng buhok. Pero kapag naka-ayos ang buhok niya gaya noong
Valentine's Day ehh saka lang natin makikilala na siya si 'Mystery Man',“
pag-aanalisa ni Keith.
"Hindi maari,“ rinig kong saad ni Keifer.
"Kei, article mo to!“ wika ni Katya. "Matagal mo
na palang kilala si 'Mystery Man'.“
"Hindi! Ang ibig kong sabihin ay article ko nga iyan.
Pero hindi ako ang gumawa ng parteng iyan. Tinulungan lang ako ng kaibigan ko
sa Top 1 dahil wala na akong maisip,“ paliwanag ni Keifer.
"Well, sino ang kaibigan na tumulong sa iyo?“ tanong
ni Arielle.
Tinikom ni Keifer ang bibig niya habang nakatingin sa
direksyon. Kami naman ay hininihintay sa kung ano ang sasabihin niya nang
tingnan ko ito ng mariin. Ang pakiramdam na ito. Parang pamilyar sa akin.
Naalala ko si Allan kay Keifer. Iyung pakiramdam na magsasabi ng hindi totoo.
「5 months ago...
"Heh? Si Allan? Lagi niya akong kasabay?“ gulat na
tanong ni Keith.
"Bakit ka nagulat?“
"Teka nga? Ano ba kasi ang ginagawa mo kay Allan?
Niloloko ka lang nun. Ang totoo niyan, acquaintance ko lang iyun. In fact nga,
siya ang nagbibigay sa akin ng impormasyon kung saan ang mga laro niyo. At saka
iyung sinasabi mo na magkasabay kami ni Katya at siya, paniguradong niloloko ka
lang nun,“ paliwanag ni Keith.
Hindi maaari. Niloloko lang pala ako ni Allan? Muntikan na
akong maniwala doon ahh.」
Gusto ko pa sanang komprontahin si Allan para malaman ang
iba pang katotohanan sa kaniya. Pero bakit pa ba? Kami na ni Keith at wala
naman siyang ginawang galaw na sisira sa relasyon namin. Patuloy ko pa rin
siyang pinagkakatiwalaan bilang Vice Captain. Dati, may bumabalot na
nakakatakot na ora si Allan. Pero dati iyun at ito'y nawala na.
Naisip ko kung magiging balakit pa ba si Allan sa relasyon
namin sa hinaharap. Pero parang hindi mangyayari iyun dahil sa takbo ng buhay
namin. Pero kahit na ganoon, patuloy pa rin akong maghahanda kung gagawin na ni
Allan ang plano niya... iyun ay kung meron siya.
Sa kaharap naman namin, nararamdaman ko ulit ang ora na
naramdaman ko kay Allan. Mukhang magsasabi ng kasinungalingan. Unahan ko na
kaya para magsabi ito ng katotohanan.
"Binabalaan kita Keifer. Alam mo ba na pamilyar ang
nararamdaman ko sa iyo ngayon?“ Kinabig ko papalapit sa akin si Keith saka
niyakap. "Huwag kang mag-misunderstand na pag-ibig ang nararamdaman ko
kasi hindi ganoon iyun. Ang pakiramdam na sinasabi ko ay ang pakiramdam ng
isang manlolokong tao... na naging balakit sa relasyon namin ni Keith noon.
Kung magsasabi ka lang ng hindi totoo, ako mismo ang magpapa-recommend kay
Katya na ipatanggal ka sa Club na ito. Hindi pwede ang mga sinungaling sa club
na ito dahil katotohanan ang binabalita namin at hindi kasinungalingan. Pero
kung kabaligtaran doon ang gagawin mo, eh di mabuti,“ seryoso kong paliwanag.
Pagkatapos kong sabihin iyun, humugot siya ng
buntong-hininga. Ang mabigat na ora na bumabalot sa kaniya ay nawala.
"Harry Villaflores. 2nd year BSIT,“ tipid na sabi ni
Keifer.
"Iyan ba ang pangalan ng kaibigan mo na nag-interview
kay Ren?“ Tumango siya.
"Kung ganoon, ano pa ang hinihintay natin? Tara na at
tanungin natin ang taong ito,“ excited na saad ni Arielle saka kinuha sa kamay
ko ang pahayagan na hawak ko at kasama si Katya na umalis sa clubroom.
Naiwan naman kaming tatlo sa loob.
"Ang galing mo Marcaux,“ puri ni Keith.
"Hindi dapat ako ang purihin mo Keith. Purihin mo si
Keifer dahil sinabi niya sa atin ang katotohanan. Hindi ko alam kung ano ang
relasyon mo kay 'Mystery Man' o kung nakita mo na ba siya or hindi. Napapansin
ko na tinatago mo talaga siya sa akin. Iyung tungkol naman sa CCTV, naisip ko
na gawa mo iyun kung hindi ka lang nagsabi na ayaw mong mapatunayan na ikaw ang
gumawa nun.“
"Bakit ngayon mo lang ito sinasabi?“ sagot ni Keifer.
"Ayoko naman na mawalan ng tiwala sa iyo ang mga tao
sa club na ito. Si Keith naman, siguradong hindi ipagkakalat ang usapan natin.
Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipapa-recommend kay Katya na ipatanggal ka dito.
Pero gusto kong malaman kung bakit tinatago mo talaga si 'Mystery Man' sa
amin.“
Pagkatapos ng usapan na iyun ay umalis na kaming tatlo sa
clubroom. Naabutan naman namin sila Katya at Arielle sa labas. Nauna namang
naglakad si Keifer sa amin para ituro kung saan ang classroom ng kaibigan na
nag-interview kay 'Mystery Man' o Ren.
「"Oh by the way I'm Marcaux Pascual. Kasalukuyang
kapitan ng Basketball Team ng Schoneberg Academe,“ pakilala ko sabay lahad ng
kamay.
"Ren,“ pakilala niya saka nakipagkamay.
Kumalas ako sa pakikipagkamay. "Ren. What a mysterious
person. Iyung palayaw mo lang ba ang dapat kong malaman sa pangalan mo?“
"Hindi naman po sa ganoon. I'm just a nobody na hindi
maalala ang pangalan sa paaralang ito. Aside sa mga pamilya ko at nakakakilala
sa akin, sila lang ang gusto kong mga tao na makakilala sa buong pangalan ko.“」
Just a nobody huh? Pero bakit naman kaya kasama siya ng
'The Antagonist' noon? Hindi maalala ang pangalan sa paaralang ito. Literal
meaning? O baka dialogue lang ng mga commoner. Well malalaman natin iyan.
Pero siya kaya iyung Ren na cyberfriend ko? Baka naman
hindi. Imposible. Hindi naman lahat sa internet ay gumagamit ng totoong
pangalan. Ako nga ehh MarcoH ang ginagamit na username pero ang tunay kong
pangalan ay Marcaux. Haixt! Tatanungin ko si Ren... kung makaka-usap namin.
Huminto na kami sa tapat ng isang classroom. Pumasok kami
ni Katya para magpa-alam sa professor na kakausapin namin si Harry Villaflores.
Medyo malakas ang hangin sa mga oras na ito. Nilibot ko ang paningin sa
classroom at baka nandito nga si Ren. Sa kanang parte ng silid-aralan na
malapit sa bintana at sa hindi inaasahang pagkakataon, si Allan ang nakita ko.
Dito pala ang klase niya. Nang magkatinginan kami, ngumiti siya sa akin at
kumaway. Gumanti din ako ng kaway. Pinayagan naman kami ng professor na
kausapin si Harry Villaflores at naglakad na kami paalis.
"Bakit niyo ako kakausapin?“ tanong ni Harry.
"Hi Harry. Ako si Katrina Yam Beatro. Ang Presidente
ng Journalism Club. May nais lang akong itanong sa iyo,“ pagpapakilala ni
Katya. Ayan na naman iyang pangalan niyang mahaba. Katrina Yam tapos iyung
palayaw pa talaga ehh Katya.
Binigay naman ni Arielle ang pahayagan na hawak niya.
"Maaari mo bang sabihin sa akin kung saan namin makikita ang taong ito?“
sabay turo sa litrato ni Ren.
"Sa ano naman pong dahilan? Pasensya na pero hindi ko
po basta-basta ipagkakalat ang impormasyon ng taong ito.“
Kumuha naman ng isang litrato si Katya sa bulsa niya.
"Dahil dito. Gusto namin siyang nakapanayam.“
Kinuha ni Harry ang litrato at maya-maya'y nanlaki ang
kanyang mga mata. "Garen?“ rinig kong mahinang saad niya.
Nag-ring naman ang bell hudyat na tapos na ang klase sa
araw na ito. Kasabay noon ay ang pagtigil ng pag-ihip ng hangin. Wala pa rin
kaming nakukuhang sagot mula kay Harry. Isa-isa na rin namang nag labasan ang
mga estudyante.
"Ano? Bakit ka natahinik?“ untag ni Katya dito.
Sa kabilang exit ng silid-aralin na iyun, nakita ko ang
pigura ng isang pamilyar na tao. Ang taong nakita ko noon sa basketball gym. Si
Ren. Nagkatinginan kami saglit at kumaripas siya ng takbo.
"Shit!“
Walang babala kong iniwan ang mga kasama ko saka hinabol si
Ren. Kaklase niya pala si Allan.
"Sandali!“ sigaw ko.
Hindi ito lumingon at patuloy tumakbo. Kung makatakbo ito
ay wari'y buhay ang nakataya. Ang tulin. Pababa na kami ng hagdan pero ang
bilis pa rin niya. Sanay na sanay ang tao. Nagpatuloy ako sa pakikipaghabulan
hanggang sa mapunta kami sa hallway ng school at misteryosong nawala siya sa
lupon ng mga tao sa eskwelahan.
Hindi ito maaari. Nawala siya ng ganoon lang? Pero kahit
ganoon, nilibot ko ang pa rin ang paningin ko sa lugar at nagbabakasakali na
mahanap siya. Siguradong patuloy pa rin siyang tumatakbo. Sa hindi kalayuan,
may nakita naman akong taong tumatakbo. Sigurado akong siya iyun.
Patuloy ko pa rin siyang hinabol hanggang sa nakita ng
dalawang mata ko na may kumuha sa kaniya sa bandang Comfort Room ng paaralan.
May humuli sa kanya? Dahan-dahan akong pumasok at naabutan ko naman si Jasper
Schoneberg. Ang isa sa anak ng may-ari ng eskwelahang ito.
"Magandang hapon,“ bati ko. "Nakita mo ba iyung
tumatakbong lalaki na pumasok dito?“
"Anong lalaking tumatakbo na pumapasok dito?“ maang
nito. Pati siya? Tinatago ang taong ito?
"Alam mo iyung sinasabi ko.“
"Sabihin na nating alam ko ang sinasabi mo. Pero ano
naman iyung kailangan ninyo?“
"Nais namin siyang makapanayam dahil siya ang
kinababaliwan ng mga kababaihan... well tama ba ang term? Misteryosong tao na
isa sa mga gustong-gusto ng kababaihan sa paaralang ito.“
Ngumiti ito. "Ganoon ba? Kasama ka ba sa Journalism
Club?“
"Oo at 'Honorary Member' lang ako. Kilala mo naman
siguro ako? Ako ang Captain ng Basketball Club sa paaralang ito.“
"Marcaux tama ba? Alam mo, hindi na ako
magpaligoy-ligoy pa. Tigilan niyo ang imbestigasyon ngayon din.“
"Maaari bang malaman kung bakit?“
"Para saan naman?“
"Gusto kong malaman kung bakit tinatago siya ng
eskwelahang ito.“
"At bakit ko naman sasabihin o gagawin iyun? Paano ako
magiging sigurado na hindi mo ito ipagkakalat?“
"Ako si Marcaux Pascual, Katrina Yam Beatro, Arielle
Einad, Keith Bernardo at Keifer Salvador. Kami lang ang mga taong naghahanap
ngayon sa kaniya. Kung sasabihin mo sa akin ang dahilan at tinatago siya ng
school, sisiguraduhin namin na hindi ipagkakalat ang mga sinabi mo. At kung
pinagkalat nga namin, maaari niyo kaming ipatanggal sa eskwelahang ito. Tutal,
may-ari naman kayo nito.“
"Matapang. Kung ganoon, maging totoo ka sa mga
sinasabi mo dahil kung hindi, hindi lang expulsion ang mangyayari sa inyo,“
banta niya.
"Naiintindihan ko.“
Maya-maya ay dumating si Keifer saka ni-lock ang pintuan.
"Keifer.“
"Umabot din ako. Ang bilis niyong tumakbo,“ saad nito
habang hinihingal.
"Ren, lumabas ka na,“ tawag ni Jasper.
Maya-maya ay lumabas ito sa isa sa mga cubicle at lumapit
kay Jasper. Makikita mo sa itsura kaniya na hingal na hingal pa rin galing sa
pagtakbo. Hindi rin ito magawang tumingin sa akin ng maayos dahil palipat-lipat
ito ng tingin.
"Siya si Ren Castillo Severin. Ang supposed-to-be
kapatid namin,“ pakilala ni Jasper kay Ren. "Hindi kami magka-apelyido
pero pamilya na ang... turing ko sa kaniya. Ayaw malaman ni papa at siya na
affiliated si Ren sa pamilya namin. Ayaw din ni papa na maging kapansin-pansin
si Ren sa eskwelahang ito kaya hindi siya masyadong nagpapa-pansin dahil ito
ang inutos ng papa sa kaniya.“
"Pero bakit nagpakita siya noong Valentine's Day at
gumawa ng ingay sa Social Media noong mga panahong iyun?“ tanong ko.
"Napilitan lang siya ng miyembro ng Music Club. Siya
kasi ang Vice President nila doon. Siya nga pala. Kaibigan niya iyang kaibigan
mo na si Kei.“
Napatingin na lang ako kay Keifer at tumingin ito sa ibang direksyon.
Kaya ba pinoprotektahan niya ang aydentididad ng taong ito dahil alam na nito
ang totoo?
"Tama na ba ang katotohanan na narinig ninyo? Minsan
sa mundong ito, may mga bagay na hindi na kailangan malaman. Maaaring sabi ng
mga tao ehh may lihim na hindi nabubunyag. Totoo naman ito. Pero hindi lahat ng
lihim na nabunyag ay alam ng karamihan o dapat malaman ng karamihan. Sa tingin
ko ehh masyado na kayong maraming nalalaman. Ngayon, makaka-alis na kayo.
Aasahan kong hindi niyo ito ipagkakalat sa buong eskwelahan okay?“ ngiti nito
sa amin.
Satisfied ako sa sinabi ni Jasper. Lumabas na lang kami ni
Keifer sa comfort room at tahimik na naglakad papunta sa Journalism Club.
"So matagal mo na palang alam.“
"Oo. Noong una ehh hindi ko alam na may koneksyon pala si Ren sa mga
Schoneberg. Pero ito ang gusto ng papa ng mga iyun kaya itinago ko din ang
totoo. Gaya ng sinabi ni Jasper, ayaw nilang mapansin siya ng eskwelahang ito.“
"Ganoon ba? So ano ang sasabihin natin sa Journalism
Club? Na hindi na natin malalaman kung sino talaga si 'Mystery Man'?“
"Wala tayong magagawa kung hindi sumunod. Mga
Schoneberg ang kalaban natin,“ kibit-balikat ni Keifer.
Habang naglalakad kami ay tumunog ang phone ko. Kinuha ko
nama at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Allan. Sinagot ko naman ito.
"Hello Allan. Bakit?“
"Ahh captain. Pwede po bang maaga ako ngayon umalis? I
mean hindi ako makakasama sa practice po natin ngayon.“
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?“
"Ahh... Ang mama ko kasi, pinapatawag ako sa Internet
Shop namin.“
"Ahh... Wala pala kayong technician sa shop ninyo at
kayo-kayo na lang iyung technician.“
Natawa naman ito sa kabilang linya. "Sa totoo lang,
may technician kaming nakatalaga. Ang kaso nandito.“
Ano daw? May biro ba dito sa sinasabi niya. Well whatever.
"Sige Allan. Pinapayagan na kita.“
"Okay captain. Salamat. Ibababa ko na ang phone.“
Hindi ko na namalayan na nakabalik na kami sa Journalism
Club. Inanunsyo namin na hindi namin nakilala si Ren, ang 'Mystery Man' ng
eskwelahang ito. Gumawa kami ng dahilan kung bakit pumalpak kami gaya ng
kaibigan lang siya ng miyembro ng mga Music Club at kasalukuyang nag-aaral sa
ibang bansa. Nadismaya naman ang karamihan sa ibinalita namin. Pero para ito sa
ikabubuti ng lahat. Binura namin at sinunog lahat sa incinerator ng paaralan
ang mga impormasyon tungkol kay Ren para wala ng problema.
Ipinagpatuloy naman naming lahat ang buhay at ibinaling ang
mga atensyon sa ibang bagay. Pauwi na ang lahat at naiwan kaming lima na
nagpasimuno ng imbestigasyon. Matapat na inilathala ko sa kanila ang mga
nalaman ko.
"So ganoon pala iyun,“ malungkot na reaksyon ni
Arielle.
"Well wala tayong magagawa kung hindi sumunod.“ si
Katya.
"Nako naman. Bakit ang damot-damot nila!“ simangot pa
ni Arielle.
Napansin ko naman si Keifer na pakiramdam ko ay may mabigat
na dinadala.
"Okay ka lang Keifer?“ untag ko.
"Okay lang ako. Sige guys. Una na ako sa inyo,“ saad
nito saka umalis.
"Anong problema nun?“ tanong ko sa kanila.
"Umm... ewan ko,“ kibit-balikat ni Katya. "Pero
kanina, nag-away sila ng kaibigan niya. Nagsabi ito ng kung ano-ano sa kababata
nila? Hindi ko maintindihan. Basta. Tumakbo na lang si Keifer agad.“
"O sige guys. Una na din akong umuwi. Kita na lang
tayo bukas. Bye,“ paalam ni Arielle.
"Ingat ka.“
"Bye Arielle.“ si Keith.
"Oo nga pala Keith. Doon pala tayo sa bahay ko.
Niyayaya ka ni mama.“
"Wow. Dinner with the family na naman. Bet na bet
talaga ng nanay mo si Keith ahh,“ reaksyon ni Katya.
"Oo naman. Mahal na mahal ko talaga siya.“
"At saka Katya, alam mo ba, ang bait-bait ng magulang
niya. Tuwing naghahapunan ako doon, sabi ng mama niya ehh kung may kalokohan
itong si Marcaux, isumbong ko daw,“ masayang kwento ni Keith.
"Whoah! Talaga? Kinikwento mo ba na maraming babae ang
lumalapit sa kaniya?“ usisa pa nito.
"Oo naman.“
"Tama na nga iyan Keith. I-text mo na ang mga magulang
mo na sa bahay ka namin maghahapunan dahil ikaw ang magiging panghimagas ko,“
sabay halik sa leeg niya.
Namula si Keith sa sinabi ko. "T-Tumigil ka nga
diyan.“
"Sandali nga lang, umalis na tayo dito at baka mamaya
ehh langgamin tayo sa ka-sweetan niyo,“ kinikilig na wika ni Katya saka
sinimulang kunin ang mga gamit.
Tumayo naman si Keith sa desk niya at nagkaroon ako ng
pagkakataon na masampal ang puwitan niya.
"A-Ano ba iyan ang ginagawa mo?“ reklamo ni Keith.
"Hoy, huwag dito. Tara na. Labas na,“ saad ni Katya na
naghihintay sa bandang pintuan.
Sabay kaming tatlo na pumunta sa parking lot. Pagdating
doon ay nagpa-alam na si Katya na aalis.
"Alam mo Marcaux, ang astig mo noong tumakbo ka
hinahabol si Ren. Ang swerte naman niya. Hinahabol mo siya,“ puri ni Keith.
"Mas swerte ka naman. Hindi ka hinahabol bagkus ay ako
ang lumalapit sa iyo.“
"Ikaw talaga,“ ngiti niya. Haixt! Natutuwa talaga ako
kapag ngumingiti ang taong ito. "Salamat nga pala sa mga sinabi mo kanina.
Na huwag akong matakot ilabas ang saloobin ko sa iyo.“
"Mabuti iyan Keith. Alam mo, komunikasyon ang isa sa
nga pundasyon ng isang relasyon. Paano ko malalaman kung nasasaktan ka na pala
kung hindi ka magsasabi? Tapos tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko na
nakakasakit sa iyo. Keith, gusto ko na ikaw lang ang mamahalin ko, una't huli,
ikaw lang. Kapag mawawala ka sa aking piling, hindi ko alam kung kaya ko pa
mabuhay. Ikaw na ang buhay ko ngayon. Hindi ko ipapangako kundi gagawin ko.“
Tumulo ang luha niya. "M-Marcaux, mahal na mahal kita.
Ganoon din ang nararamdaman ko sa iyo. Pasensya na kung hindi ko ginagawa iyun.
Ang maglabas ng saloobin. Hayaan mo at gagawin ko iyun. Gusto ko din na ikaw
ang una't huli sa buhay ko. Mahal na mahal kita Marcaux.“
Punong-puno ng pagmamahal ang pagkakasabi niya ng mga
salitang iyun habamng tumutulo ang luha niya.
"Ikaw din Keith. Mahal na mahal din kita.“
Kinabig ko siya sa papalapit sa akin at niyakap ng
mahigpit. Magiging totoo ako sa mga sinasabi ko. Si Keith lang ang una't huli
kong pag-ibig. Kumalas ako at masuyong hinalikan siya na puno ng pagmamahal.
Masarap ang halik na iyun para sa akin. Halik na mararanasan ko lang sa kaniya.
Hindi sa ibang tao kung hindi sa kaniya. Halik ng nakatakda na laan sa akin.
Pagkatapos ng halik na iyun ay sumakay na kami sa motor ko
at pinaharurot ito papauwi sa bahay. Bumalik sa gunita ko ang mga sinabi sa
akin ni Jasper.
Grabe namang hugot iyun. Baka may iba pang tinatagong
sikreto ang taong iyun. Pero hindi ko na aalamin. Naisip ko, may mga bagay kaya
na dapat hindi na talaga malaman ng ilang mga tao? Ano naman kaya ang rason
kung bakit ginagawa nila iyun? Pero sigurado ako na ang bawat katotohanan na
malalaman ng mga tao ay makaka-apekto ito ng malaki sa kanilang buhay. Depende
nga lang ito sa katotohanan na tinatago ng tao sa isa pa dahil iba-iba ang
klase nito. Maaaring siya (Joseph), siya (Harry), siya (Keifer), at siya (Ren)
ay magkakaaroon ng pagbabago sa buhay, pananaw at pasya dahil sa katotohanan na
malalaman o nalaman nila.
Harry's POV
Kasalukuyan kaming nakikinig sa tinuturo ng professor
namin. Hay nako! Pero kailangan kong makinig. Boring! Sana katabi ko si Ren at
baka ganahan pa akong mag-aral... kahit hindi maging kami. Ano ba naman kasi
ang ginagawa ni tadhana? Hindi ba talaga kami ni Ren para sa isa't isa?
Isa pa, kapag nakikita ko si Ren, naalala ko sa kanya ang
isa pang tao na Ren din ang palayaw niya. Garen Villarica ang pangalan niya.
Iyung ni-report ni Gerard na pinatay. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin
ang balitang ihinatid ni Gerard. Dagdag pa nito na mukhang wala talaga akong
pag-asa sa puso ni Ren. Hay!
「"Pero Harry, ni-reject ka na niya. May mga tao pa
bang ganoon na nagpa-gwapo lang ehh magbabago na agad ang desisyon? Si Ren ang
pinag-uusapan natin dito,“ saad ni Kei.
"Kung makapagsalita ka Kei, parang kilalang-kilala mo
na si Ren ahh.“
"Sabihin na natin na ganoon si Ren. Ngayong unang araw
ng pasukan, may reaksyon ba mula sa kaniya?“
Natapos naman ko ang aking kinakain saka nagligpit.
"Napansin niya pero parang wala lang,“ kibit-balikat ko saka nagsimula ng
maghugas ng sariling pinagkainan.
"Ganoon talaga. Si Ren ang pinag-uusapan natin.“
"How about this Kei. Tulungan mo ako na pumayag si Ren
na magpaligaw.“
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "Hindi pwede,“
agad na pagtanggi ni Kei. "Tanggapin mo na kasi na ayaw sa iyo ni Ren.
Maghanap ka na lang diyan ng iba Harry. At isa pa, marami ding babae na
magaganda sa Schoneberg Academe. Well kapag lalake, ibang issue na iyun,“
paliwanag pa niya.
Natapos na ako sa paghuhugas saka pumunta sa sofa at naupo.
"Alam mo ba Kei, pakiramdam ko talaga na parang may koneksyon kami ni Ren
sa isa't isa. Nararamdaman ko sa loob ko na huwag daw akong sumuko.“
"Wow. May koneksyon. Parang internet lang,“ biro niya.」
Leron leron sinta, puno ng papaya. Dala-dala'y buslo,
sisidlan ng bunga. Pagdating sa dulo, nabali ang sanga. Kapos kapalaran,
humanap ng iba! Bakit kasi hindi sumubok ulit na kumuha ng papaya ehh sanga
lang naman ang nabali?
So ano Harry? Susubok ka ba ulit na makuha ang puso ni Ren?
Maghanap na lang kaya ako ng iba? Lately kasi, nagiging kapansin-pansin na ako
sa iilang kababaihan sa klase na ito. Pero mas lamang pa rin si Gerard. Ngiti
pa lang mula sa mukha niyang matured tapos na.
Nagsimulang humangin at kasabay nito ang pagpasok ng
dalawang tao sa silid-aralan. Nakita ko naman si Ren na ginagawa ulit ang
gawain niya kapag humahangin. Ang tumingin sa labas at iwan ang mundo habang
humahangin. Ano kaya ang iniisip niya? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin masagot
ang tanong kong iyun. Kung tanungin ko na lang siya? Huwag na lang.
"Harry Villaflores. Kailangan ka daw nilang kausapin,“
tawag sa akin ng professor. Huh? Ako?
Tiningnan ko ang dalawang tao na pumasok na nangangailangan
ng aking atensyon. Sino ang mga ito? Tumayo na lang ako saka sumunod sa mga ito
palabas ng silid. Nakita ko naman si Kei na kasama ang mga taong ito. Ahh! Ang
Journalism Club.
"Bakit niyo ako kakausapin?“ tanong ko agad.
"Hi Harry. Ako si Katrina Yam Beatro. Ang Presidente
ng Journalism Club. May nais lang akong itanong sa iyo,“ pagpapakilala ng babae
sa kanyang sarili. Ano bang klaseng palayaw iyun at hindi na lang ginawang
Katrina? Mas maganda pakinggan ang Katrina kesa sa Katya.
May kinuha naman itong pahayagan mula sa isa pang babae na
kasama niya. "Maaari mo bang sabihin sa akin kung saan namin makikita ang
taong ito?“ sabay turo sa litrato ni Ren. Huh? Ano ang kailangan nila kay Ren?
"Sa ano naman pong dahilan? Pasensya na pero hindi ko
po basta-basta ipagkakalat ang impormasyon ng taong ito,“ sagot ko.
Kumuha naman ng isang litrato si Katya sa bulsa niya.
"Dahil dito. Gusto namin siyang nakapanayam.“
Kinuha ko ang litrato at parang pamilyar ang taong ito para
sa akin. Hindi ako makapaniwala. Bumilis ang tibok ng puso ko at gumunita sa
akin ang ala-ala ng kababata kong si Garen. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito si
Garen!
"Garen,“ mahina kong saad.
Tumigil sa pag-ihip ang hangin at narinig ko na lang na
mag-ring ang bell at nagsilabasan na ang mga tao. Bigla na lang tumakbo ang
isang lalaki na kasama nila.
"Marcaux,“ tawag ng isa pang kasamahan nila.
"Hayaan mo na siya Keith dito muna tayo,“ pagpigil ni
Katya sa kanila.
"Pasensya na. Hindi ko alam,“ maang ko.
Tumingin si Katya ng mariin sa akin at bumuntong-hininga.
"Napag-alaman namin na ang tao sa pahayagan at ang tao na nasa litrato ay
iisa lang. Kinumpirma ito ng taong tumakbo kanina. Matanong ko lang. Bakit
tinatago ninyong dalawa ito sa amin ni Kei?“
Kita ko naman na sa ibang direksyon nakatingin si Kei na
nasa likuran ng mga ito.
"May sarili akong rason kung bakit ayaw kong sabihin.
Siguro malalaman niyo iyun kung bakit. Matanong ko lang. Kelan niyo ba nakuha
ang litratong ito?“
"Kinuha iyan noong Valentine's Day ngayong taon at
nag-ingay pa ito sa Social Media dahil sa taong iyan,“ sagot ni Katya.
"Kei, ito si Garen hindi ba? ITO SI GAREN HINDI BA?!“
Hindi ito umimik ng ilang segundo. Iyung iba naman ay naguguluhan sa mga
sinasabi ko.
"Harry, kalma lang,“ awat nung Katya.
"President, bumalik na po tayo sa Journalism Club.
Nakuha niyo na po ang hinahanap niyong sagot. Hahabulin ko naman si Marcaux,“
pag-iwas ni Kei sa tanong ko.
"Sige.“
Pagkatapos sinabi ni Kei ay tumakbo siya.
"Ano. Harry? Kukunin namin ang pahayagan at ang
litrato,“ request ng isang babae na kasama nila.
"Pwede bang sa akin na muna ang litrato? Please lang?“
pakiusap ko. Tumungo ito at inabot ko sa kaniya ang pahayagan.
Umalis na din ang kasama ni Kei habang ako ay tinititigan
pa rin ng maiigi ang hawak kong litrato. Nagpatuloy din naman sa buhay ang mga
tao sa paligid. Si Garen talaga ito. Bakit hindi nagsalita si Kei? Bakit hindi
siya sumagot?
"Grabe kayo ha. Nagsisigawan talaga,“ saad ng boses ng
isang lalaki na palagay ko ay katabi ni Ren habang naglalakad.
Pumasok ulit ako sa classroom at ginala ang tingin sa
silid. Wala na dito si Ren. Tatanungin ko na lang si Gerard. Naabutan ko naman
ito na nakikipag-usap sa ilang kababaihan sa klase namin.
"Gerard,“ tawag ko dito sabay lumapit.
Napansin naman ako nito. "Girls, sa susunod na lang
tayo mag-usap okay?“ saad nito sa mga kausap.
"Sige Gerard. Next time na lang,“ paalam sa kanya ng
isang babaae at umalis ang mga ito.
"Bakit Harry? Ano iyun?“ agad na tanong niya.
Pinakita ko sa kaniya ang hawak kong litrato. "Si
Garen to hindi ba? Hindi ba sabi mo ay patay na siya? Ngayon, sabihin mo sa
akin kung si Garen ba ito o hindi?“
Hindi siya umimik ng ilang segundo sa akin at blanko ang
ekspresyon nito kung makatingin. "Ano bang pinag-sasabi mo Harry? Patay na
siya. Ginawa ko na lahat ang mga kailangan na kumpirmasyon kung iyung nakita
kong Garen na isa ay iyung kababata ninyo at nakumpirma ko iyun.“
"Pero bakit ganoon? Kamukha niya ang isa sa mga
kaibigan ko.“
Umiling ito at pinatunog ang dila. "Ano ka ba Harry?
Sa mundong ito, may isa o dalawang tao na magkaparehas ang mukha ng isang tao.
Ang tsansa lang na makita mo sila ay mas mababa pa sa tsansa na mabilang mo ang
tunay na dami ng mga bituin sa kalangitan.“
"Pero bakit ganoon? Noong makita ko siya, bumilis ang
tibok ng puso ko? Iyung mga panahon na masaya ako kapag kapiling si Garen,
nararamdaman ko. At ngayon, nararamdaman ko din sa isa kong kaibigan.“
"Stop being ridiculous. Hindi mo ba narinig ang sinabi
ko? Gaya ng mga bituin sa langit, patay na si Garen Villarica. Well kung may
isa pa pala siyang kamukha dito sa mundo, ehh di wow. Mahalin mo siya ulit.“
"Pero ni konting pagtingin naman mula sa kaibigan kong
ito ay wala.“
"Aba! Maganda iyan. Sinasabi ni tadhana sa iyo na
huwag mo ng ituloy na mahalin ang taong ito dahil baka mangyari na naman ang
nangyari sa nakaraan. Kasalanan mo iyun kung hindi mo alam pero hindi ko pa
ipanlandakan. Oops. I just did.“
"Naka-drugs ka ba at nakikipag-usap ka pala kay
tadhana.“
"Just sayin' Harry,“ saad nito sabay ligpit ng mga
gamit. "Ngayon kung iyung mamarapatin, mag-aaral pa ako sa library. Gusto
kong magkulong sa malamig na lugar ng eskwelahang ito. Maiwan na kita,“ saad
nito sabay alis.
Tch! Mag-aaral daw. Kahit hindi na. Niloloko niya ba ako?
Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya. Si Ren at Garen ay iisa.
Ren's POV
Narinig ko naman ang ring ng bell hudyat na tapos na ang
klase. Tumalikod ako kung nandito pa ba si Harry. Wala pala siya ngayon? Hindi
ko napansin.
Lumabas ako sa kabilang exit ng silid-aralan ng mapansin ko
ang isang pamilyar na tao sa kabilang labasan. Si Marcaux. At kasama nito si
Kei at nandoon si Harry na kinaka-usap ng mga ito. Pero imbes na lumapit,
pakiramdam ko ehh dapat akong tumakbo. Tumakbo ako ng ubod ng tulin at wari'y
hinahabol ng isang taong nagtatangka ng buhay ko.
"Sandali,“ rinig kong sigaw niya.
Hindi ko iyun pinansin at sa halip ay tumakbo pa ako ng
mabilis. Umabot na ako sa hallway at sakto naman na maraming tao. Mahahabol mo
pa kaya ako?
Matagumpay akong nakapagtago mula kay Marcaux. Pero ang
kutob ko, sinasabi na tumakbo pa. Tumakbo ulit ako hanggang sa mapunta ako
malapit sa Comfort Room. Sa hindi kalayuan, may nakita akong isang pamilyar na
pigura ng tao. Naglalakad ito saka huminto at nagkatinginan kami. Kuya? Paano?
Hallucinations ko na naman ba ito? Lalapit pa sana ako sa kaniya nang biglang
may kumuha sa akin papasok ng Comfort Room.
"K-Kuya Jasper?“ gulat kong saad.
"Pumasok ka na muna sa isang cubicle. Ako na ang
bahala dito.“
Ginawa ko ang sinabi niya saka naupo saglit. Hinabol ko
naman ang hininga ko at dumukot ng panyo sa bulsa para punasan ang pawis ko sa
mukha. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Nakita ko mismo si
kuya Lars ng dalawa kong mata. Pero totoo kaya iyun? O hallucinations ko na
naman. Baka dahil iniisip ko na may kapatid sana ako na tumutulong sa akin sa
mga oras na iyun kanina.
Narinig ko na may yabag ng isang pares ng paa ang pumasok
sa CR.
Keifer's POV
Kasalukuyan na tumatakbo ako sa paaralan at hinahanap kung
saan nagpunta si Marcaux. Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasan na hindi isipin
ang mga sinabi ni Harry kanina.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Harry. Kamukha ba
talaga ni Ren si Garen? Hindi ko napansin iyun. Pero imposible. Sinabi sa akin
mismo ni Gerard na patay na siya. Hindi pwede iyun. Si Ren at Garen ay hindi
iisa. Maaring parehas na Ren ang palayaw nila o pagmumukha pero magka-iba sila.
Pero kung totoo man na si Garen at Ren ay iisa, hahayaan ko pa ba si Harry
mangyari kay Ren ang nangyari kay Garen noon? Hindi ako makakapayag.
Hinding-hindi.
Habang tumatakbo ay may nakita ako na isang pamilyar na
pigura. Teka? Guni-guni ko lang ba ito? Nakatayo ito sa pintuan ng CR at parang
nakikinig ito sa usapan na nasa loob. Multo? Baka nga. Hinihingal na ako sa
pakikipaglaro ng tagu-taguan kila Marcaux at Ren kaya kung ano-ano na ang
nakikita ko. Pero bakit naman nagpapakita sa akin ang multo ng kapatid ni Ren?
Si kuya Lars? Nako. Baka guni-guni ko lang talaga ito at kung ano-ano ang
nakikita ko.
Bumaling ang tingin ng taong ito sa akin, wari'y isang
totoong tao kung makatitig ito. Pagkatapos noon ay dahan-dahan naman itong
naglakad paalis sa pintuan ng CR. Lumapit din ako sa CR at nakita ko din sa
wakas sila Marcaux... at Jasper.
Ren's POV
"Magandang hapon,“ rinig kong bati ni Marcaux.
"Nakita mo ba iyung tumatakbong lalaki na pumasok dito?“
"Anong lalaking tumatakbo na pumapasok dito?“ maang ni
kuya Jasper.
"Alam mo iyung sinasabi ko.“
"Sabihin na nating alam ko ang sinasabi mo. Pero ano
naman iyung kailangan ninyo?“
"Nais namin siyang makapanayam dahil siya ang
kinababaliwan ng mga kababaihan... well tama ba ang term? Misteryosong tao na
isa sa mga gustong-gusto ng kababaihan sa paaralang ito.“
"Ganoon ba? Kasama ka ba sa Journalism Club?“
"Oo at 'Honorary Member' lang ako. Kilala mo naman
siguro ako? Ako ang Captain ng Basketball Club sa paaralang ito.“
"Marcaux tama ba? Alam mo, hindi na ako
magpaligoy-ligoy pa. Tigilan niyo ang imbestigasyon ngayon din.“
"Maaari bang malaman kung bakit?“
"Para saan naman?“
"Gusto kong malaman kung bakit tinatago siya ng
eskwelahang ito.“
"At bakit ko naman sasabihin o gagawin iyun? Paano ako
magiging sigurado na hindi mo ito ipagkakalat?“
"Ako si Marcaux Pascual, Katrina Yam Beatro, Arielle
Einad, Keith Bernardo at Keifer Salvador. Kami lang ang mga taong naghahanap
ngayon sa kaniya. Kung sasabihin mo sa akin ang dahilan at tinatago siya ng
school, sisiguraduhin namin na hindi ipagkakalat ang mga sinabi mo. At kung
pinagkalat nga namin, maaari niyo kaming ipatanggal sa eskwelahang ito. Tutal,
may-ari naman kayo nito.“
"Matapang. Kung ganoon, maging totoo ka sa mga
sinasabi mo dahil kung hindi, hindi lang expulsion ang mangyayari sa inyo,“
banta ni kuya Jasper.
"Naiintindihan ko.“
Maya-maya ay isa na namang yabag galing sa isang pares ng
paa ang dumating saka mukhang ni-lock ata ang pintuan.
"Keifer,“ rinig kong tawag ni Marcaux sa taong ito.
"Umabot din ako. Ang bilis niyong tumakbo,“ saad ni
Kei na palagay ko ay hinihingal.
"Ren, lumabas ka na,“ tawag sa akin ni kuya Jasper.
Seryoso? Akala ko ba ay tutulungan ako ni kuya Jasper? Pero magtitiwala ako sa
kaniya. Baka may binabalak si kuya Jasper.
Maya-maya ay lumabas ako sa cubicle at lumapit kay kuya
Jasper. Malalim pa rin ang aking paaghinga dahil hindi pa ako naka-recover sa
nangyaring pagtakbo. Hindi naman ako malatingin ng maayos kay Marcaux at kay
Kei.
"Siya si Ren Castillo Severin. Ang supposed-to-be
kapatid namin,“ pagpapakilala sa akin ni kuya Jasper. "Hindi kami
magka-apelyido pero pamilya na ang... turing ko sa kaniya. Ayaw malaman ni papa
at siya na affiliated si Ren sa pamilya namin. Ayaw din ni papa na maging
kapansin-pansin si Ren sa eskwelahang ito kaya hindi siya masyadong
nagpapa-pansin dahil ito ang inutos ng papa sa kaniya.“
"Pero bakit nagpakita siya noong Valentine's Day at
gumawa ng ingay sa Social Media noong mga panahong iyun?“ tanong ni Marcaux.
"Napilitan lang siya ng miyembro ng Music Club. Siya
kasi ang Vice President nila doon. Siya nga pala. Kaibigan niya iyang kaibigan
mo na si Kei.“
Napatingin na lang si Marcaux kay Kei at tumingin ito sa
ibang direksyon.
"Tama na ba ang katotohanan na narinig ninyo? Minsan
sa mundong ito, may mga bagay na hindi na kailangan malaman. Maaaring sabi ng
mga tao ehh may lihim na hindi nabubunyag. Totoo naman ito. Pero hindi lahat ng
lihim na nabunyag ay alam ng karamihan o dapat malaman ng karamihan. Sa tingin
ko ehh masyado na kayong maraming nalalaman. Ngayon, makaka-alis na kayo.
Aasahan kong hindi niyo ito ipagkakalat sa buong eskwelahan okay?“ ngiti ni
kuya Jasper sa kanila.
Umalis na ang dalawa sa CR. Naiwan kami ni kuya Jasper.
"Okay ka lang Ren?“ usisa sa akin ni kuya Jasper.
"Oo. Okay lang ako.“
"Ganoon ba? Buti naman.“ Hinawakan naman nito ang labi
ko. "Wow. Si Kei may gawa niyan sa iyo?“
"Yeah.“
"Ang wild ha. So alam mo ba iyung sitwasyon ni Kei
ngayon?“
"Oo. Alam ko. Pero kailangan kuya Jasper,“ pagkumpirma
ko.
Humugot ito ng buntong-hininga. "Akala ko ehh hindi ka
magkakaroon ng problema sa relasyon mo sa kaniya pero meron pa rin.“
"Okay lang kuya Jasper. Magiging ayos ang lahat sa
amin balang araw. Kaso ngayon, kailangan lang talagang magsakrpisyo para sa
kapakanan ng nakararami.“
"Para sa kapakanan ng nakararami?“ ngiwi pa nito.
Ngumiti na lang ako. "Huwag mo ng isipin iyun kuya
Jasper.“
"Ganoon ba? Tara na at lumabas na tayo.“
Nauna si kuya Jasper na lumabas sa CR. Sinundan ko naman
ito. Pagkalabas ay tiningnan ko ang direksyon kung saan nakita ko ang pigura ni
kuya Lars. Baka nagpaparamdam siya o isa lang na multo iyun. Napailing na lang
ako saka umalis sa lugar na iyun.
Allan's POV
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na lang ako sa basketball
gym para sa aming daily practice.
"Allan,“ tawag sa akin ng kaibigan kong si Alexis.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na tinawag ako habang siya naman ay
sinusubukang makahabol.
"Bakit Alexis?“ tanong ko.
"Sabay na tayo.“
"Ginagawa mo na,“ walang amor kong tugon.
Papasok na lang kami sa basketball gym nang may tumawag sa
akin.
"Allan, nandito ka pala,“ saad ni Larson.
"Larson? Bakit ka nandito?“ ngiwi ko.
"Dahil dito.“ May kinuha naman itong cellphone sa
bulsa niya... at cellphone ko ito. Kinuha ko naman agad ang phone.
"Napakapabaya mo naman,“ sabat ni Alexis.
"Yeah. Ako na. Pumasok ka na nga lang Alexis,“
sarkastikong saad ko. Nagkibit na lang ito ng balikat saka pumasok. "Aside
from that, bakit ka nandito?“ muli kong tanong.
"Anong ibig mong sabihin?“ maang pa niya.
"Hello. Nandito ka sa eskwelahan kung saan nag-aaral
si Ren. Baka magpang-abot kayo nun.“
"Ehh sino kaya ang nakaiwan ng phone niya sa bahay?“
"Wow. Kasalanan ko pa? Pwede namang ipautos mo na lang
sa kung sinong makita mo diyan at bayaran ng pera ng hindi pumupunta dito.“
Ngumiti na lang ito saka kinamot ang ulo. "I'm broke
you know like the 2 Broke Girls,“ biro niya.
"Ano bang klaseng sagot iyan? Tumigil ka! Hindi iyun
ang binabalak mo.“
"Fine! Whatever! Kahit anong lumulutang sa lawa, patay
man o buhay na isda, wala akong pakialam.“
"As if kumakain ka ng isda.“
"Umm... kumakain ako talaga ng isda. It's just fishes
gives me bad memories.“
"Ewan. So ano ba talaga at bakit ka nandito? I mean
iyung pakay mo,“ tanong ko ulit.
"Well tinatawagan ka sana ng mama mo. Ehh naiwan mo
iyang phone mo sa sala. Kailangan ka ng mama mo sa shop ngayon.“
"Iyung shop natin, dalawa ang technicians. Ikaw at
ako. Bakit hindi ikaw ang umasikaso?“
"Umm... sabihin na lang natin na tinatamad ako ngayon
at gumagawa ng dahilan para makapunta sa eskwelahan ni Ren.“
"Ay ewan sa inyo! Dala mo ba ang sasakyan?“
"Yeah. Teka? Hindi ba marunong ka na magmotor? Bakit
hindi mo iyun dala tapos ako pa ang bahala sa transportasyon mo?“
"Para naman magkaroon ng silbi ang driver hindi ba?“
sarkastikong pagsagot ko. "May tanong ka pa ba? Wala na? Kung ganoon ay tara
na sa sasakyan bago ka pa makita ng kapatid mo dito.“
"Yes sir,“ salute pa nito saka nagsimula naman kaming
dalawa na tahakin ang daan papuntang parking lot.
Habang naglalakad ay tinawagan ko naman si Marcaux.
"Hello Allan. Bakit?“ sagot nito sa phone niya.
"Ahh captain. Pwede po bang maaga ako ngayon umalis? I
mean hindi ako makakasama sa practice po natin ngayon.“
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?“
"Ahh... Ang mama ko kasi, pinapatawag ako sa Internet
Shop namin.“
"Ahh... Wala pala kayong technician sa shop ninyo at
kayo-kayo na lang iyung technician.“
Natawa naman ako. "Sa totoo lang, may technician
kaming nakatalaga. Ang kaso nandito.“
"Sige Allan. Pinapayagan na kita.“
"Okay captain. Salamat. Ibababa ko na ang phone.“
Pagkababa ng phone ay humugot na lang ako ng
buntong-hininga. Hindi ko alam kung anong trip ni Larson at pumupunta pa dito
mismo sa eskwelahan. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Lagi niyang
sinasabi sa akin na ayaw niyang makita ang kapatid niya. Pero ano ba itong
ginagawa niya? Siya pa mismo ang pumupunta sa eskwelahan. Haixt! Ewan! Basta
ako, I'm out of it! Gagawin ko iyung sa akin... in time.
Pagkapasok sa sasakyan, kinuha ko ulit ang phone ko saka
tinawagan si Ren. Sinagot naman niya ito.
"Hello Ren. Kumusta?“ tanong ko. Napatingin naman sa
akin si Larson nang marinig ang pangalan ni Ren. Sinimulan naman niyang i-drive
ang sasakyan.
"Hindi ako makapaniwala na tinatawagan mo ako para
kumustahin.“
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Ako rin naman.“
"Teka, paano mo pala nakuha ang number ko?“
"Hindi mo ba maalala na nagsama tayo sa iisang bubong
minsan?“ pagbibiro ko.
"Iisang bubong? Tumigil ka nga. You sounded na naging
mag-asawa tayo ng isang araw. At saka ayoko sa iyo dahil homophobe ka,“ medyo
nagagalit niyang saad.
"Ako, okay lang sa akin basta ikaw,“ biro ko pa.
"HA! Ridiculous!“
"Siya nga pala, may kakaiba bang nangyari sa araw na
ito?“ usisa ko.
"Maliban sa ginagawa mo ngayon sa akin, wala,“ agad na
sagot nito.
"Sigurado ka?“ paniniguro ko.
Natahimik siya ng ilang segundo. Tiningnan ko na lang ng
mariin si Larson na kasalukuyang na da-drive. Mukhang nakita nga ito ni Ren.
"Kahit sabihin ko naman sa iyo, wala ka nang pakialam
doon.“
"Ahh. Ganoon ba? Okay lang. Sige. Ibababa ko na ang
phone. Bye,“ paalam ko.
"Bye.“
Pagkababa ng phone ay tinitingnan ko pa rin ng mariin si
Larson. Nakangiti na ito ngayon.
"So nakita niya ako?“ agad na tanong niya.
"Mukha nga. Teka, ano bang magiging benefit iyun sa
iyo kung makita ka niya?“
"Nothing in particular,“ wika niya sabay sipol.
"Maalala ko nga pala. Nitong mga nakaraang araw,
umaalis ka ng mga hating-gabi. Ano ba ang ginagawa mo sa mga oras na ganoon?“
"Nasa shop ako at naglalaro.“
"Huwag kang magsinungaling. Kinumpirma ko sa mga
pang-gabing bantay ng shop na wala ka sa mga oras na ganoon.“
"Well wala ka na doon. Hayaan mo ako sa buhay ko.“
"Kapatid kita. Hindi ko hahayaan na mapahamak ang isa sa
mga miyembro ng pamilya ko,“ ngiti ko.
"Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko.
At saka tigilan mo iyang pagiging caring mo sa akin. Nakakapangilabot.“
"Bahala ka. Dapat samantalahin mo ang kabaitan ko
hangga't nagagawa mo pa.“
"Nasa dugo talaga natin ehh no.“
Ren's POV
Binaba ko naman ang phone saka bumalik sa loob ng Music
Room. Hindi talaga ako makapaniwala na nakuha pala niya ang number ko. Humugot
na lang ako ng buntong-hininga. Kasalukuyan naman nag-eensayo ang banda
ngayon... dahil ako na naman ang in-charge sa araw na ito. Nagpa-extend pa kasi
si kuya Aldred na hiramin si kuya Blue. Iniisiip ko na inaabuso na ako ni kuya
Aldred pero bahala na. Kesa naman sa wala akong magawa sa araw na ito.
Medyo marami na ang nangyari para sa akin sa
kalahating-araw ngayon. Una ehh patuloy pa palang ini-imbistigahan ng
Journalism Club ang 'Mystery Man' ng Schoneberg Academe. Buti na lang at
natapos na. Salamat na lang kay kuya Jasper sa pagtulong sa akin at kay
Marcaux.
Hindi ko alam na kasama pala si Marcaux sa Journalism Club.
At saka may litrato ba talaga ako sa clubroom nila? Pero sinabi naman sa akin
ni kuya Jasper na huwag na akong mag-alala tungkol sa bagay na iyun.
Kahit maingay ang kwarto dahil sa banda, nakakaramdam ako
ng pagka-antok. Pumipikit-pikit na ang aking mata.
Nakita ko na naman ang sarili ko sa lugar na kung saan
nakita ko si kuya Lars. Gaya ng kanina, nakatingin lang ito sa akin. Kusang
gumalaw ang aking paa papalapit sa kaniya. Subalit parang ang bagal ng pagkilos
ng oras. Parang tumatakbo ako sa gitna ng dagat.
Malapit na akong makalapit kay kuya Lars nang naulit na
naman ang nangyari na biglang kinuha ako ni kuya Jasper mula sa CR. Pero nang
makita ko kung sino ang kumuha sa akin, hindi ito si kuya Jasper. Isang maitim
na pigura ng isang babae na maraming tattoo sa katawan. Black Lady?
At ang CR ay walang cubicle kung hindi isang maitim lang na
kwarto. Parang blanko lang. Bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Nakakatakot ang
babae. Mahaba ang buhok nito at parang nagliliwanag sa dilim ang mga tattoo.
Hindi ako makawala sa kaniya.
"REN!“ rinig kong boses ni kuya Joseph.
Dinilat ko ang aking mata at nakita si kuya Joseph sa
malapitan at- WAH!
"ARAY KO! BAKIT MO GINAWA IYUN?!“ sigaw sa akin ni
kuya Joseph habang nasapo nito ang ulo niya. Narinig ko naman na nagtatawanan
ang iba.
Pagkadilat ng mata ko, nagulat ako dahil nakita ko sa
malapitan ang mukha ni kuya Joseph. Alam kong gwapo siya pero nakakatakot ang
taong ito dahil sa ekspresyon ng mukha niya... na laging galit... kung
makatitig sa akin.
"Ano ba naman iyan. Ginising ka na nga lang tapos
inuntog mo pa ang gwapong mukha ko,“ reklamo pa nito saka inayos ang sarili.
"Oo nga Ren. Baka hindi na siya magustuhan ni Franz
niyan,“ natatawang saad ni kuya Paul.
"Ay grabe ka Ren! Hindi kita mapapatawad dahil
binawasan mo ang pagka-pogi ni Joseph!“ OA na wika ni ate Erika na katabi ko
pala... na kulang na lang ay yugyugin ako. Hindi niya magagawa iyun dahil alam
ko naman kung sino ang hindi mapapatawad dito.
"Bakit kayo tumigil na mag-praktis?“ tanong ko sa mga
ito.
Binalingan ako ng hindi makapaniwalang tingin ni Joseph.
"Vice President, sa tingin mo bakit kaya? Tingnan mo kaya ang relo mo?
Ayan! Tulog pa kasi sa gitna ng praktis.“
"Ang galing mo Ren ahh. Nakatulog ka pa sa gitna ng
praktis natin,“ natatawang saad ni kuya Ethan.
Tiningnan ko na lang ang relong pambisig ko. Wow. 8pm na
pala.
"Sige guys. Alis na ako. Maya ehh masapak ko ang taong
iyan dahil bad trip na ako,“ nagagalit na saad ni Joseph saka lumabas ng Music
Room.
"Sige guys. Alis na din ako. Bye,“ paalam din ni ate
Erika saka lumabas.
Humugot ako ng buntong-hininga at nasapo ko na lang ang ulo
ko. Grabeng panaginip iyun ahh. Halos apat na oras pala akong nakatulog.
Nagpa-alam na rin sila kuya Paul at kuya Ethan at naiwan na lang kami ni kuya
Jonas.
"Okay ka lang Ren? Nakatulog ka ng apat na oras
kanina,“ usisa ni kuya Jonas.
"Pagod na pagod lang ako ngayon kuya Jonas. Para sa
akin, maraming nangyari sa anim na oras ng buhay ko kaninang umaga,“ sagot ko.
At baka dahil din doon sa pagtakbo ko na hinahabol ako ni Marcaux.
"Inaantay mo si Nicko?“
"Ahh hindi. Nauna na iyun. May kailangan lang
puntahan. Tara na at sabay na tayo sa parking lot,“ yaya pa nito.
"Mabuti pa nga.“
Sabay kaming lumabas ng Music Room. Pagkalabas ay
sinigurado ko na naka-lock ang clubroom namin dahil yari ako kapag may
nangyaring masama dito. Nagsimula naman kaming maglakad papuntang parking lot.
"Matanong ko lang Ren. Kanina, napansin ko na
nagkaroon ka ng bangungot kanina. Paano mo naman nalalabanan ang bangungot kung
mag-isa ka lang sa bahay mo?“ tanong ni kuya Jonas.
"Sa totoo lang kuya Jonas, hindi ako masyadong
nagkakaroon ng bangungot. Nabibilang ko sa kamay ang mga bangungot ko. Iyung
kanina, tiyak na pang-walo ko iyun,“ sagot ko.
"Wow. Nabibilang mo?“
"Oo naman. Kadalasan kasi sa panaginip ko ay maging
isang sikat na Online Gamer sa buong mundo.“
"At ano naman ang kadalasang napapaginipan sa
bangungot mo?“
Napa-isip ako sa tanong na iyun. "Ano nga ba? Iyun ay
ang mag-isa ako at malungkot na malungkot ako na nabubuhay sa bahay ko at sa
buhay na ito. Pero lately na-realize ko na masaya pala ang buhay ko. Meron
akong mga kaibigan na nagpapasaya sa akin. Sa buhay ko, may dalawa akong
klaseng kaibigan. Ang kaibigan kong physical, ikaw, ang banda, sila Kei, at ang
mga kaibigan ko sa internet. Sa bahay kasi, kapag natatanto ko na malungkot
ako, bubuksan ko na lang ang kompyuter at masaya na ako ulit. Ganoon. Pero
siguro mas maganda na kasama ko si Kei kasi noong sa bahay siya nakikitira,
masayang-masaya talaga ako.“
"Pero paano kung isang araw Ren, iwan ka ni Kei. Anong
gagawin mo?“ seryosong tanong ni kuya Jonas.
Napatungo na lang ako. "Sa totoo lang, hindi ko alam.
Makakaya ko kaya? Ewan. Hindi ko talaga alam. Kung malayo nga kami ngayon sa
isa't isa, how much more kaya kung... wala kaming koneksyon sa isa't isa.“
"Parang sinabi mo na hindi kayo nagmamahalan ni Kei.“
Nag-angat ako ng tingin. "Alam kong wala akong
karapatan na sabihin to. Pero paano mo nalalaman na nagmamahalan ang dalawang
tao? Kapag nakikita mo sila na naglalampungan sa harapan mo? Kapag sweet sila
sa isa't isa? Minsan may mga bagay kami na kailangan gawin para hindi umabot sa
trahedya ang lahat at ayokong maging trahedya ang buhay kong ito at sa ibang
tao.“
"Anong pinagsasabi mong trahedya diyan?“ kunot noong
tanong pa niya.
"Wala kuya Jonas,“ nakangiti kong saad.
Nang makarating kami sa parking lot, naghiwalay kami ng
landas ni kuya Jonas. Trahedya... huh? Marahil ay hindi nila maiintidihan ang
sinasabi ko. Kapag nalaman ng fiancee ni Kei na may relasyon kami sa isa't isa,
isang trahedya ang mangyayari sa amin. Kung ano man iyun, hindi ko na aalamin.
Pagkarating sa bahay, dumiretso ako sa kusina. Gaya ng
dati, may nakalagay ng ulam at kanin sa mesa. Isang mangkok ng sopas na may
itlog at iilang gulay. Kay Mr. Lion. Meron ding nakalagay na note sa ilalim ng
mangkok. Binuksan ko kung may nakasulat pero wala. Buti naman at pinagluto niya
ako. Ayokong magluto ngayon dahil pakiramdam ko ay ubos na ang enerhiya na
nakalaan sa araw na ito.
Nang matapos na akong kumain at hugasan ito, agad na akong
pumunta sa kwarto para magbihis at bumalik sa baba para mag-kompyuter.
Ren has entered the room...
Ren: Good evening guys.
MarcoS: Evening.
Yuuhi: Konbanwa.
Ren: ... Si H?
MarcoS: Wala siya ngayon.
Yuuhi: Kasama niya ata ang
boyfriend niya.
Ren: Ohh... So guys, anyone up
to play League now?
Yuuhi: Ohh. Si S, Diamond I
na.
Ren: Really? Congratulations!
MarcoS: Salamat. Medyo mahirap
iyun ahh. Tara Ren. Duo tayo. Bottom ka. Top ako.
Ren: S!
Yuuhi: OMG! Bottom si Ren at
top si S! OMG!
MarcoS: Ain't even mad about
that.
Ren: Weird.
Yuuhi: Indeed.
MarcoS: Come on guys. Grow up.
So ikaw Ren, duo tayo. Support mo ako.
Ren: Yeah sure. Magaling ka
namang ADR hindi ba?
MarcoS: Ako pa. Ikaw din
namann magaling mag support.
Ren: Ohh you.
Yuuhi: Nako kayong dalawa.
Nagbobolahan.
MarcoS: Totoo ang mga sinasabi
ko Yuuhi. Ewan ko nga lang kay Ren.
Ren: Oi, wala akong sinasabi.
Magaling din naman talaga si S ehh. Lalo na iyung Leona + Jinx combo namin.
MarcoS: Nagtatampo nga lang
ako sayo nitong nakaraang araw. Hindi ka nag-oonline para makipaglaro sa akin.
Ren: Busy. Pasensya na.
Yuuhi: Kahit ako. Lately, our
club made an investigation on something.
MarcoS: Investigation?
Ren: What kind?
Yuuhi: Parang treasure hunting
lang. Hindi ko nga lang na-track iyung ginawang imbestigasyon dahil may pasok
haha. In the end, they failed.
Ren: Condolence.
MarcoS: Condolence.
Yuuhi: Ano ba kayo?! Walang
namatay.
MarcoS: Meron actually.
Ren: Hopes and dreams?
Yuuhi: Ewan.
Ren: Anong club nga pala iyan
Yuuhi?
Yuuhi: Secret.
MarcoS: Detective Club iyan
malamang Ren.
Yuuhi: Whatever.
MarcoS: Tara na Ren. Duo na
tayo. Galingan mo mag-support.
Ren: Ikaw din S. Galingan mong
mag ADR.
Yuuhi: Get married guys
already.
MarcoS: I don't mind. :3
Ren: Weird.
Yuuhi: Matagal ng weird iyan
si S.
MarcoS: Why Ren? Ayaw mo ba sa
akin? We understand each other you know. Kapag ka-duo kita, 100% sure ang
panalo natin sa bottom lane. Kapag nag-feed nga lang iyung iba that is.
Ren: Ewan ko sa iyo S. Sakyan
na lang kita since wala si H.
MarcoS: Mas maganda kung ikaw
ang sasakyan ko.
Ren: Stop the jokes already
LOL!
Yuuhi: Iiwan ko na kayo dito
sa ChatBox. Maaga pa ako bukas. Good night guys.
MarcoS: Good night Yuuhi.
Ren: Night.
Yuuhi has left the room...
MarcoS: Tara na Ren.
Ren: Okay. Galingan natin para
makarami.
MarcoS: Yeah BABY!
Keifer's POV
Nakarating na rin ako sa bahay sa wakas. Ang bigat ng
pakiramdam ko. Gusto ko ng magpahinga. Pagkabukas ng pinto, naabutan ko na lang
si Janice na nanunuod sa TV namin. Si Harry naman ay nasa hapag-kainan at
kumakain.
"Aha! Nakauwi ka na din Kei. Good evening,“ masiglang
bati ni Janice.
"Good evening,“ malamya kong sagot. Nagpatuloy na
akong naglakad papunta sa kwarto.
"May problema ba?“ usisa ni Janice. "Siya nga
pala, nahanap niyo ba si 'Mystery Man'?“
Huminto ako at binalingan si Janice ng tingin. "Hindi
siya nag-aaral sa eskwelahan namin. Nalaman namin na kamag-anak ito ng isa sa
mga miyembro ng 'The Antagonist' at sa ibang bansa nag-aaral.“
Nalungkot si Janice sa narinig. "Ganoon ba? Alam mo ba
Kei, parang naalala ko si Garen sa taong iyun?“
"Pwede bang huwag na natin pag-usapan Janice ang mga
nasa libingan na? Nailuha na namin ang mga iyun at hindi na maibabalik pa kung
malaman namin na may kamukha si Garen na kaibigan namin ngayon,“ pagalit kong
saad.
Nagulat si Janice sa sinabi ko't tinikom niya ang kanyang bibig. Maya-maya'y
pinatay ang TV saka lumabas sa apartment. Marahil ay para bumalik sa apartment
nila.
"Hindi mo dapat ginawa iyun,“ saad ni Harry.
"Well I have the rights. Sa ating dalawa, sino ang mas
nasaktan noong nawala si Garen? Parehas lang tayo Harry. Tapos pag-uusapan na
naman natin? Isasabuhay siya mula sa libingan? Tanggapin na natin na wala na
siya.“
"Pero sinabi lang naman na kamukha lang ni Ren.“
"Alam mo ba kung bakit ayokong pag-usapan? Dahil sa
iyo. Harry, bilang pinsan mo at bilang kaibigan ni Ren, nag-aalala ako sa
magiging relasyon niyo sa isa't isa. Baka ipagpilitan mo pa nga na si Ren at
Garen ay iisa. Paano kung maulit na naman ang nangyari noon? Alam mo ba ang
iniisip ko ngayon, good thing na walang gusto si Ren sa iyo. Na hanggang
kaibigan lang. Ayoko ng maulit iyung nangyari noon. So please Harry. Hayaan na
natin magpahinga si Garen. At huwag na huwag na natin siyang isabuhay sa
katauhan ni Ren,“ pagalit na paliwanag ko.
Hindi na siya nakapagsalita sa sinabi ko at nagpatuloy sa
pagkain.
Humugot naman ako ng buntong-hininga. "I'm really
sorry Harry. Medyo pagod lang talaga ako ngayon.“
"Okay lang. Alam ko naman ang punto ko. Ako ang may
kasalanan sa pagkamatay niya,“ nasabi na lang niya.
"No. Don't ever think of that way. Ang kasalanan ng
magulang ay kasalanan lang ng magulang. Ang kasalanan ng anak ay kasalanan lang
ng anak. Hindi mo kasalanan ang nangyari okay.“
Hindi ko na dinagdagan ang sinabi ko at sa halip ay pumasok
na lang sa loob ng kwarto ko. Hinubad ko na lang ang pang-itaas na damit ko at
nahiga na lang sa kama.
Nakakapagod. Hindi ko talaga inaasahan na tutulungan pala
kami ni kuya Jasper. Tapos dadagdag pa ito si Harry na ipagpipilitan na si
Garen at Ren ay iisa. Ayoko na munang mag-isip at magsalita tungkol doon.
Muli na namang gumunita sa akin ang nangyari kanina bago ko
mahanap sila Ren. Si kuya Lars, nakita ko ang multo niya. Bakit kaya nagpakita
iyun sa akin? Siya ang kuya ni Garen. May atraso kaya akong ginawa sa kanya at
nagpapakita siya sa akin? Meron ba? Baka dahil doon.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Medyo mabaho na rin
pala ng kama ko. Kailangan ko na itong labhan ngayon. Pero wala na akong lakas
para gawin iyun. Sa tingin ko bukas ko na lang ito gawin galing sa eskwelahan.
Pagod na pagod na ako para sa araw na ito. Gusto ko munang umidlip... kahit
saglit lang. Nap!
Dinilat ko naman mga mata ko mula sa pagkaka-idlip.
Tiningnan ko naman ang wall clock ng kwarto ko. 10pm na pala. Lumabas ako ng
kwarto saka nadatnan si Harry na may ginagawang makabuluhan gamit ang mga
libro. Mabuti iyan para mawala sa isip mo si Garen. O bahala na nga siya. Kung
isipin niya na buhay pa si Garen, eh di buhay na. Alam naman natin ang totoo
ehh.
Dumiretso na lang ako sa hapag-kainan at kumain. Hindi kami
umiimik sa mga oras na ito. Hay ewan!
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan
ko. Lumapit naman ako sa kanya. Iniisiip ko kung dapat pa ba akong magsalita ng
ilang bagay sa kaniya gaya ng 'Maganda iyang ginagawa mo para makalimutan si
Garen' pero huwag na lang.
"Harry, ilabas mo iyung punda at mattress ng kama mo
at lalabhan ko bukas na bukas din,“ wika ko para hindi maging awkward ang
atmosphere sa aming dalawa.
"Yeah,“ tipid na sagot niya.
Bumalik na lang ako kwarto ko saka binuksan ang computer.
Nag-browse ako sa site ng magtxt.com at nag-text gamit ang site na ito.
Pagkatapos ay kinuha ko ang isa pang sim card na nakatago sa phone ko at
sinalpak na ito. Medyo matagal ang hinintay ko nun bago ako makatanggap ng
tawag mula sa kaniya.
"Umm... hello Kei.“ Humugot ako ng buntong-hininga
matapos marinig ang boses niya. "Bakit Kei?“ tanong niya.
"Miss lang naman kita,“ agad na sagot ko.
"Heh? Nagkita naman tayo kanina hindi ba?“
"Oo. Pero hindi naman iyung tipong nahahawakan kita.“
"Ganoon ba?“
Rinig ko naman na may tinitipang kung ano ito sa kabilang
linya. "Naglalaro ka ba Ren?“ tanong ko.
"Oo. May ka-duo kasi ako ngayon sa League of Legends.“
"Anong role?“
"Support.“
"Huh? Support? Bakit hindi ka iyung nagmi-mid or ADR
man lang?“
"Magaling kasi itong ADR ko kaya nag-support ako.“
"Sa madaling salita, nagtitiwala ka sa kakampi mong
ADR.“
"Oo naman. Gaya ng pagtitiwala ko sa iyo sa relasyon
natin,“ natawa na lang ako sa sinabi niya. "Bakit ka natawa?“ tanong pa
niya.
"Wala. Nasisiyahan ako na nagtitiwala ka sa akin.
Napaka-understandable mong katipan.“
Natawa din naman ito sa kabilang linya. "Lalim nun
ahh. Katipan. Siya nga pala. Okay na ba iyung problema sa Journalism Club?“
"Oo. Nagkasundo sila na huwag ng ituloy ang paghahanap
sa iyo. Oo nga pala, naalala mo ba iyung sinabi ko noon Ren? Na nasabi kong
kamukha ka ng kababata ko sa litrato mo noong Valentine's Day?“
"Yeah. Anong meron doon?“
"Siguro hindi ko ito nasabi sa iyo Ren. Minahal kita
hindi dahil magkamukha kayo ng kababata ko. Minahal kita dahil sa... ikaw ang
minahal ko.“
Wala naman akong nakuhang response mula sa kaniya ng ilang
segundo. Teka? Pumasok sa isip ko na napaka-lamya ng mga sinabi ko ngayon.
Nakakahiya. Nasapo ko na lang ulo ko at naghihintay ng response niya.
"Ano... Kei? H-Hindi ko ma-process sa utak ko iyung
sinabi mo. Nasa gitna kami ng clash nung sinabi mo iyun kaya... hindi ko
naintindihan ang sinabi mo. Hindi kasi ako maka-response talaga kapag hindi ko
naintindihan. Pwede bang ulitin mo iyung sinabi mo?“ Safe ako!
"Sinabi ko lang na mahal na mahal kita Ren.“
"Hindi iyun iyung sinabi mo.“
"Akala ko ba hindi mo narinig?“
"Narinig ko. Ang kaso nga lang nasa clash lang talaga
ako noong sinabi mo iyun kaya hindi na-process sa utak ko.“
"Gusto mo talaga marinig? Ang korni kasi talaga ehh.“
"Okay lang. Kung iyan ang gusto mo,“ wika niya na
hindi sigurado.
"Okay. Sasabihin ko na.“
"T-Teka? Baka napipilitan ka lang? Huwag mong pilitin
ang sarili mo kung ayaw mo,“ nag-aalala niyang saad.
"Sasabihin ko nga sayo ehh para matapos na. Tapos ayaw
mong marinig.“
"No. Huwag na. Ang totoo kasi niyan, nagsinungaling
ako nang sinabi ko na hindi ko narinig. Hindi ko nga lang kasi ma-process sa
utak ko iyung sinabi mo. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Ayoko
kasing mapahiya ka dahil lang sa sasabihin ko,“ taranta niyang saad.
"Teka, nagagalit ka na ba ngayon sa akin? Sorry naman.“
"Too late.“
"Oi. Grabe naman kasi. All of a sudden. Pero Kei,
salamat naman at minahal mo ako dahil sa ako ito. Salamat talaga. Kung hindi
naging tayo noong summer, marahil ehh hindi ko mararanasan ang tamis ng iyung
pagmamahal... at ang pagkain mo.“ Marahil kamo ay magkakaroon ng pag-asa si
Harry sa iyo.
Natuwa naman ako sa narinig. "Mabuti naman Ren. Miss
mo na ba ang mga luto ko?“
"Oo naman. Noong isang araw kasi, nakita ko kayo ni
Janice na sabay kumain ng baon ninyo,“ malungkot na salaysay niya. "Ikaw
din ba ang gumagawa ng baon niya?“
"Iyung kaibigan ko ang may gawa ng pagkain niya. Hindi
ako.“
Narinig ko na lang na huminga siya ng malalim.
"M-Mabuti naman.“
"Gusto mo ba na gawan din kita ng baon?“
"Paano mo ibibigay sa akin sige nga? Si Janice, laging
nakadikit sa iyo. Kapag kay Harry naman ehh baka makahalata.“
"Naisip ko na iyan. Pwede ko naman ipaabot kay Nicko.
Kaklase ko siya.“
"Huh? Hindi ko alam na magkaklase kayo ni Nicko. At
saka pwede?“ natutuwang tanong niya.
"Oo naman. Para sa iyo, gagawa ako ng paraan. Lahat ng
pag-iingat ay gagawin ko.“
Pagkasabi ko nun, ramdam ko na natutuwa si Ren sa narinig.
Napangiti ako na kahit papaano ay naipadarama ko sa kaniya na mahal ko talaga
siya.
"Oo nga pala Kei. Pwede mo ba akong turuan ng
self-defense?“
"Huh? Bakit kailangan mong matuto?“
"Nakalimutan mo na ba? Hindi ba noong... ano.“
"Noong...“ maang ko.
"Nag-ano tayo...“ nahihiyang wika nito.
"Ano?“
"G-Gumaganti ka ata ahh.“
Napatawa ako ng payak. "Hindi ako gumaganti. Sabihin
mo na kasi.“
"Noong first time ko sa iyo.“
"Okay. Natatandaan ko na,“ natatawa kong saad.
"Ikaw talaga. So ano? Tuturuan mo ba ako?“
"Bakit naman gusto mong magpaturo? Lately ba ehh may
taong nagtangka ng buhay mo?“
"Wala naman. May isang kaibigan kasi na nag-advice sa
akin nun.“
"Sinong kaibigan ito? Pwede ko bang malaman?“ usisa
ko.
"Si Marcaux.“
"SIYA? Wow. Pinopormahan ka ba ng taong iyun?!“ gulat
ko.
"Hindi naman. Naisip ko lang na kunin ko ang advice
niya. Kasi nga hindi ba? Maraming masasamang loob ang umaaligid sa paligid ng
eskwelahan. Paano kung may mangyari sa akin na masama?“
"Huwag kang mag-isip ng ganyan.“
"So tuturuan mo ba ako?“
"Pasensya na Ren. Hindi ako pwede bukas.“
"Ganoon ba?“ malungkot niyang wika.
Naisip ko naman na pwede si Harry ang magturo sa kaniya.
Kaya lang, matuturuan ba ni Harry si Ren ng maayos? Baka hindi dahil sa
inaakala niya na si Ren at Garen ay iisa. Dagdag pa dito na hindi pa ata
sumusuko si Harry na mapa-ibig si Ren. Pero sa tingin ko ehh dapat maturuan na
agad itong si Ren. Kaligtasan niya ang nakasalalay dito. Magiging okay lang
kaya ito kay Ren?
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. "Alam mo,
pwede naman si Harry ang magturo sa iyo.“
"Sa iyo, okay lang ba?“
"Okay lang. Basta kung may ginawang kalokohan si Harry
sa iyo, isumbong mo lang. Ako ang bahala.“
"Okay. Pero mas maganda sana kung ikaw ang magtuturo
sa akin.“
"Pero Ren, kasama kong pupunta diyan si Janice kapag
pumunta ako.“
"Okay lang. Tsaka mabait naman si Janice ehh.“
"PENTAKILL!“ rinig kong saad ng Announcer ng Leauge of
Legends.
"Kanino iyun?“
"Ahh. Sa ADR ko iyun. Ang galing niya,“ natutuwa niyang
saad.
"Aba pasensya na. Hindi kasi ako masyadong magaling at
madalas lang akong naglalaro ng League.“
"Ano ka ba Kei. Bawat tao ay iba't iba ang expertise.“
"Parang gusto kong magselos sa ka-duo mo diyan ahh.“
"Grabe ka naman. Kaibigan ko lang ito sa internet.“
"Kahit na. Kilala mo ba sila in person?“
"Yun lang. Hindi.“
"Paano kung makita mo sila in person tapos kakilala
mo? Anong gagawin mo?“
"Umm... ehh di wow? Pero imposible na kakilala ko ang
mga ito,“ natatawa na naman niyang wika.
"Sige babe?“
"Babe?“
"Bakit? Ayaw mo?“
"Umm... ayoko. Mas gusto ko na tinatawag sa pangalan
ko.“
"Ay! Ayoko. Gusto ko na may tawagan tayo. Kapag Ren
kasi ehh may iba din na ganoon ang tawag sa iyo. Mag-isip ka na rin ng para sa
akin.“
"Umm... ayoko ng... babe, bebe, mahal... ayoko talaga.
Kailangan ba talaga Kei?“
"Oo naman.“
"Baka makahalata sila.“
"Ano ka ba? Dito lang naman sa phone natin sasabihin.“
"Okay.“
"May naisip ako. How about tawagin kitang Seifer?“
"Seifer?“
"Yeah. Tapos ako si Leon.“
"Leon?“
"Iyung sa Final Fantasy 8. Si Squall Leonhart. Kaso
mas prefer ko na Leon ang tawag sa kaniya.“ Hindi naman umimik si Ren ng ilang
segundo. "Umm... may problema ba Ren?“ tanong ko.
"W-Wala naman. May naalala lang ako,“ natatawang sagot
niya. "Pero bakit... walang halos kinalaman sa mga pangalan natin?“
"Seifer naman.“
"Nagsimula ka na agad?“ gulat niya.
"I can't wait you know. Ikaw naman.“
"Sige. Mr. Lion...“ Napatigil ako sa narinig mula sa
kaniya. Mr. Lion huh? "Hindi! I mean Leon.“
"Alam mo, mukhang mas maganda ang Mr. Lion?“
"L-Leon na lang. Ngayon ko lang naalala na may story
pala sa pagitan nila Seifer at Squall. Silang dalawa lang pala ang character sa
game na wielder ng gunblades. At magkaribal pa sila,“ paliwanag niya.
"Ohh ayan. May endearment na tayo.“
"Pero hindi naman iyun ang gagamitin natin tuwing
nagpapalitan ng I love you hindi ba?“
"Umm... iyun ba ang dahilan kaya ayaw mo?“
"Yeah. Hindi ko pangalan ang Seifer. Ni hindi ko nga
katunog ehh.“
"Mukhang ayaw mo kasi sa mainstream ehh. Alam mo,
nagbago na ang isip ko. Huwag na nga lang.“
"What? We wasted 5 minutes na pag-usapan ang
endearment natin tapos huwag na lang?“ gulat niya.
"Well as for me, hindi naman importante iyun. That's
my point of view. Tsaka kahit wala naman sigurong ganoon, mahal pa rin naman
natin ang isa't isa hindi ba?“
"Parehas tayo!“ natatawa niyang saad. "Ikaw
talaga Kei. Ang gulo mo.“
"So iyung sa self-defense training mo, tawagan mo na
lang si Harry. Tapos bukas magsisimula na kayo. Hindi kasi ako pwede bukas
dahil lalabhan ko pa ang mga punda ng kama namin. Mabaho na kasi ehh,“
paliwanag ko.
"Okay Kei. I love you at magandang gabi,“ paalam niya.
"VICTORY!“ rinig ko ulit mula sa announcer ng League
of Legends.
"Congratulations! I love you at magandang gabi.“
"Thank you,“ natatawa niyang wika. "Huwag mo kaya
muna ibaba ang phone at baka sakaling manalo pa ako?“
"Marami-raming lakas ang kakailanganin ko bukas. Ikaw
din, matulog ka na. May pasok pa tayo bukas.“
"Okay. Ibababa ko na. Bye.“
Binaba na ni Ren ang phone. Haixt! Maganda din iyung naisip
ni Ren na magpaturo ng self-defense. At least, magkakaroon ako ng mga
pagkakataon. Ngayon, ang po-problemahin ko na lang ay si Janice... at si Harry.
Mukhang magiging exciting to.
May hinahanap naman ako sa ilalim ng punda ng kama ko at
kinuha ang isang litrato. Ang litrato ni Ren noong first time namin. Kelan kaya
iyun mauulit?
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment